SEC. ANDANAR: Magandang umaga sa lahat ng ating mga kababayan sa loob at labas ng bansa. Ako po ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar mula sa PCOO. Good morning, Rocky.
USEC. IGNACIO: Good morning, Secretary. Mula rin sa PCOO, ako naman po si Usec. Rocky Ignacio.
SEC. ANDANAR: Sa naging virtual presser ni DOH Spokesperson Maria Rosario Vergeire ay nai-ulat ang dagdag na 2,124 cases sa mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa kung saan 434 dito ang late cases habang 1,690 naman ang fresh cases. Sa kabuuan, nasa 56,259 na ang bilang ng mga nagpositibo sa sakit habang nadagdagan naman ng 162 ang bilang ng mga nasawi sa bansa. Pero paglilinaw ng DOH, ilan sa bilang na ito ay nasawi noong mga nakaraang buwan pa at hindi lang kahapon. Magandang balita naman na umabot sa mahigit dalawang libo ang nadagdag sa mga gumaling mula sa COVID-19 na sa kabuuan ay nasa 16,046 na.
USEC. IGNACIO: Tuluy-tuloy man po ang pagtaas ng bilang ng recovered cases sa bansa – salamat sa ating mga medical frontliners – tuluy-tuloy rin naman ang pagtaas ng mga aktibong kaso ng COVID-19. Ibig sabihin, walang sinuman ang ligtas mula sa pagkakaroon ng sakit, kaya dapat lagi nating sundin ang minimum health standards na itinalaga ng mga eksperto: wear mask, wash your hands, keep distance, stay at home.
SEC. ANDANAR: At tandaan, basta laging handa at sama-sama kaya natin ito. Kaya naman samahan ninyo kami dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.
Kung mapapansin po natin sa nakalipas na mga araw mula July 6 hanggang July 12 ay erratic o pabago-bago ang trend ng mga nadadagdag na kaso ng COVID-19 sa bansa. Kung ikukumpara sa reported cases ng ibang araw ay pinakamababa na ang 1,233 noong July 10 na bahagyang tumaas sa 1,387 noong July 11. Mas mataas pa rin naman ang naitala noong July 8 na may 2,539 added cases kung ikukumpara sa naitala kahapon.
USEC. IGNACIO: Samantala, sa kabuuan po ay nasa 38,679 na ang active cases sa bansa, hindi na po kasama diyan ang bilang ng mga gumaling at nasawi sa pinakahuling tala ng Department of Health.
Para po sa inyong mga katanungan at concerns tungkol sa COVID-19, maaari ninyo pong i-dial ang (02) 894-COVID o kaya ay ang (02) 894-26843. Para naman po sa PLDT, Smart, Sun at TNT subscribers, i-dial po ang 1555. Patuloy po kayong makibalita sa mga pinagkakatiwalaang sources ng impormasyon tungkol sa COVID-19, maaari ninyong bisitahin ang covid19.gov.ph.
SEC. ANDANAR: Para po sa ating mga balita: Pagbuo ng e-governance system, isinusulong ni Senador Bong Go. Bukod sa panawagan ng pagkakaroon ng national broadband plan para sa mas mabilis na internet sa bansa, iminungkahi rin ng Senador sa Department of Information and Technology o DICT ang pagkakaroon ng e-governance system para sa mabisa, accessible at kapaki-pakinabang na serbisyo para sa ating mga kababayan sa gitna ng pandemya.
Sa ganitong paraan ay malilimitahan ang physical mobility at face-to-face transactions sa mga tanggapan ng pamahalaan. Dagdag pa ng Senador, gamitin din natin ang makabagong teknolohiya para mas mapalapit ang ating pamahalaan sa mga tao.
USEC. IGNACIO: Samantala, pagsasagawa ng routine safety checks sa mga floating power plant ng mga pribadong electricity producers binigyang-diin ni dating DENR Secretary at ngayon ay Anak Kalusugan Partylist Representative Michael Defensor. Ito ay para rin mapigilan ang pagkakaroon ng oil spill sa ating mga karagatan kagaya na lang po ng nangyari sa Iloilo kamakailan kung saan nasa 268,000 liters ng heavy fuel ang na-discharge sa Iloilo Strait.
Ito ay pag-aari ng isang private investor na state-owned na Power Sector Asset and Liabilities Management Corporation. Aniya, dapat na pangunahan ng Department of Energy at Philippine Coast Guard ang pagsasagawa ng routine safety checks sa mga power barge na kagaya nito na karamihan po ay luma na. iimbestigahan naman ng Philippine Coast Guard ang nasabing oil spill sa mga susunod pang araw.
SEC. ANDANAR: Maya-maya ay kasama rin nating magbabalita si John Mogol ng Philippine Broadcasting Service.
Makakapanayam din natin sa ating programa ang General Manager ng Manila International Airport Authority, GM Eddie Monreal; Quirino Province Governor Dakila Carlos Cua; the Regional Director, Brigadier General Filmore Escobal mula sa Police Regional Office 11; at si Philippine Ambassador to Qatar, Ambassador Alan Timbayan.
May mga katanungan po kayo, puwede po kayong mag-comment sa ating live stream at ipapaabot natin iyan sa ating mga resource persons.
USEC. IGNACIO: Samantala, sa pinakahuling tala ng Department of Labor and Employment tungkol sa repatriation ng mga Overseas Filipinos as of July 13, 12:01 A.M., umabot na po sa 86,058 ang ating mga kababayang nakauwi sa kani-kanilang probinsiya simula May 15 hanggang July 12.
Simula naman po nang ipatupad ang DOLE AKAP Program para sa displaced at repatriated OFWs, umabot na sa mahigit 2 billion pesos ang pondong na-disbursed sa mga beneficiaries. Sa mahigit 565,000 na aplikasyon, mahigit 230,000 dito ang naaprubahan, samantalang 47,000 naman po ang na-deny.
Sa ilalim ng programa, nakatanggap ng P10,000 one-time cash assistance ang bawat beneficiaries o OFWs na nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19.
SEC. ANDANAR: As of July 10, 2020 ayon sa COVID-19 tracker ng Department of Health ay mayroon nang kabuuang 682 cases sa buong Davao Region; 349 dito ang gumaling na mula sa sakit; 300 cases ang nananatiling aktibo; at 33 naman ang bilang ng mga nasawi. Kumustahin natin ang lagay ng buong rehiyon sa patuloy na paglaban nito sa COVID-19 sa ilalim ng Modified General Community Quarantine. Makakapanayam natin ang Regional Director ng PRO-11, Brigadier General Filmore Escobal. Magandang araw po sa inyo, General.
General Escobal, can you hear us sir? Okay Rocky, inaayos pa ang ating linya ng komunikasyon with our General diyan po sa Police—
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, alam naman po natin na napakahalaga na makausap din natin ang nasa rehiyon na iyan kasi po iyong napaka-effective po iyong naging response ng—maski iyong Davao City man lang po doon sa pag-prevent ng COVID-19 at sinasabi nga po na kung maaari ring makita ng ibang mga probinsiya o lugar iyong ipinatupad po na patakaran ng rehiyon para sa mga ibang lugar kung saan patuloy pa rin pong tumataas ang kaso ng COVID-19.
SEC. ANDANAR: Tama. Ang Region XI ay nasa MGCQ at marami sa atin ang papunta doon so it’s very important for us to get the best practices from these regions, specifically Davao Region.
USEC. IGNACIO: Okay, babalikan na po natin si Brigadier General Filmore Escobal. General, can you hear us?
Samantala as of July 12 po ay nakapagtala ng higit 104,000 confirmed COVID-19 case sa bansang Qatar dahil sa araw-araw na nadadagdag na kaso ng sakit na naitatala sa bansa. Kumustahin po natin ang lagay ng mga Overseas Filipino migrant workers sa Qatar, makakausap po natin si Ambassador Alan Timbayan. Magandang umaga po mula sa Pilipinas, Ambassador.
AMBASSADOR TIMBAYAN: Magandang umaga po sa inyo Secretary Martin Andanar at Usec. Rocky Ignacio. [Garbled] Doha, Qatar. Assalamualaikum warahmatullahi wabarakatuh.
USEC. IGNACIO: Opo. Maraming salamat po sa pagbibigay ninyo ng panahon at oras Ambassador, although mayroon na nga pong more than 100,000 COVID cases sa Qatar ay bahagya naman pong nagkaroon ng ease of restrictions sa bansa simula noong July 1st kung saan po nagkaroon na rin ng partial domestic re-opening ng ilang establishments. Sa ngayon po, how is the general atmosphere in Qatar, iyon pong strict health protocols nakalatag pa rin po ba [garbled]?
AMBASSADOR TIMBAYAN: As of July 12, 2020, the total number of affected persons since the start of the pandemic is 103,596; the total number of people tested is 412,602; and then total recover of patients po is 99,703; deaths, 147; people currently under acute hospital care is 636, and then people currently in the intensive care unit is 140 po. Early detections of Health Qatar maintain below COVID-19 mortality rate in the world po as of today.
USEC. IGNACIO: Opo. Ambassador, pero kumusta po iyong ating Filipino community diyan; mayroon po ba tayong recorded case ng COVID-19 sa ating mga kababayan?
AMBASSADOR TIMBAYAN: So far po, ang recorded cases of—we have already 15 recorded COVID cases of Filipinos here in Qatar. We have already repatriated all the remains, about five; three of which are non-COVID, only two COVID cases not being repatriated.
We see to it that the next of kin is very well-informed and condoled with po, and we also report to our Department of Foreign Affairs regarding this matter.
USEC. IGNACIO: Opo. Ambassador, paano po ba iyong sistema ng healthcare sa Qatar, lalo na doon sa mga infected people receiving medical assistance from the government regardless po doon sa kanilang nationality?
AMBASSADOR TIMBAYAN: Ang ano po dito sa Qatar, they are more focused on contact tracing po. They are using this Ehteraz app. Ehteraz is an app wherein you download in your cell phone and when it appears there, in the (unclear) that it is green, that means to say you are healthy and then you are free to enter any establishment here in Qatar; you are free to go around. For instance, that means to say you have detected positive in other colors. So this is one way po to track the infection. They are more focused on testing the spread of the coronavirus.
USEC. IGNACIO: Opo. Ambassador, paano po nakikipag-coordinate iyong ating embahada sa pamahalaan ng Qatar para po masiguro iyong safety at welfare ng ating mga kababayan diyan?
AMBASSADOR TIMBAYAN: The Embassy and POLO is continuously making representation with concerned authorities in Qatar particularly the Ministry of Labor, and the Ministry of Public Health and the Ministry of Interior as well as the Ministry of Labor po dito. All concerns concerning labor issues are being taken care off by POLO and the Philippine Embassy po, at ito po ay pinadala po namin sa labor minister for resolutions of their cases.
In the case of mga Filipinos affected by coronavirus and/or who have symptoms of coronavirus, they are encouraged through the guidelines of the Ministry of Health, Public Health to call hotline 1600. Instantly po kapag natanggap iyon, they will be attended to without delay po. And they are being taken to isolation centers and hospitals for treatment and recoveries as the case may be.
USEC. IGNACIO: Opo. Ambassador, mayroon po tayong kaibigan sa media, si Reymund Tinaza, may natanggap po siyang sulat mula po sa mga OFWs na nagpapahingi po ng tulong sa inyo tungkol po sa repatriation daw po noong July 9 ay nasa higit tatlongdaan Overseas Filipino ang napauwi na nga sa Pilipinas mula po sa Qatar pero marami pa rin po tayong mga kababayan na nais makauwi sa Pilipinas. Marami raw pong OFW doon na tatlong buwan nang walang trabaho at sahod. Karamihan din po sa kanila ay expired na daw po iyong mga ID at kanselado na ang visa. Nabigyan naman umano sila ng relief goods ng OWWA at humingi ng tulong mula sa ating POLO sa Doha, pero sinabihan lang daw po umano sila na i-renew na ang kanilang mga dokumento. May paraan daw po kaya para mas mapabilis ang pagpapauwi sa kanila? Ano po kaya ang aksyon na magagawa natin para matulungan po sila?
AMBASSADOR TIMBAYAN: Tungkol po doon sa mga OFWs natin na nag-expire ang kanilang resident permit or iyong kanilang visa, we already made a strong representations with the Ministry of Interior. We also have wrote a note verbal to the Foreign Ministry if possible during their scheduled repatriation they could be exempted and the fines and penalty corresponding to the expired exit permit would be waived by the authorities.
In most cases po na we succeeded in doing—they are very cooperative in this. As a matter of fact, during the three repatriation, chartered repatriation we had, nangyari na po ito at nakauwi po sila; wala pong aberya na nangyari.
USEC. IGNACIO: Opo. So bale, Ambassador—
AMBASSADOR TIMBAYAN: So far po, ang—
USEC. IGNACIO: Go ahead, Ambassador.
MBASSADOR TIMBAYAN: Regarding repatriation, we have already repatriated about 912 OFWs with six infant po. This was done in May 20, and then June 20, and the latest of which was June 28.
USEC. IGNACIO: Ambassador, so ilan pa po—
AMBASSADOR TIMBAYAN: We are still expecting [garbled]
USEC. IGNACIO: Ambassador, so bale ilang OFWs pa po iyong inaasahan natin na mapapauwi sa tulong po ng pamahalaan or iyong repatriation na ipinatutupad po ng pamahalaan mula po sa bansang Qatar?
AMBASSADOR TIMBAYAN: So far po mayroon kaming… nasa 4,600 pa po ang nag-register sa embahada requesting for repatriation. But ang ginagawa po ngayon ng embahada is, so far, nakalinya na po aside from the two chartered repatriation sa July 12 at saka July 22, mayroon pa po kaming ibang repatriation scheme po nagawa. Like for instance po iyong Qatar ticket holders po na OFW, we are making representations for the repatriation with the Qatar Airways po.
And then po iyong mga PAL ticket holders po naman, we are already in talks with PAL to come and test them so that they can be repatriated po.
Other than this, other repatriation schemes are also being undertaken by the embassy in relations to … with the host authorities here especially the Ministry of Labor. In fact, we are in talks with the Ministry of Labor for possible repatriation po at the expense of the Qatar government for our stranded OFWs.
And we have been receiving positive response along this line po. Hopefully po, within the month of July, this will be realized po. We look forward to this po.
USEC. IGNACIO: Opo. Ambassador, panghuli na lang po, iyong mensahe ninyo sa ating mga kababayan na nandiyan sa Qatar; at paano po nila kayo maaaring makontak?
AMBASSADOR TIMBAYAN: Ang mensahe ko po sa ating mga kababayan: the Embassy is right here and stands ready to assist you especially on repatriation. The Embassy is doing everything it can to address the clamor for repatriation. Talk with the host government, the concerned airlines and relevant agencies in Manila are ongoing. Let us be vigilant. Let us all follow the pronouncement of Qatar regarding COVID-19 including the Ministry of Public Health. Please continue to also follow the Embassy Facebook page and relevant announcement/advisory.
Tungkol po doon sa hotline namin po, we can be contacted through our Facebook. And we can also be contacted through telephone number 55275132 or 6646303. Facebook page po and website: Philippine Embassy in Qatar.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong panahon, Ambassador Alan Timbayan. Mabuhay po kayo, Amabassador.
AMBASSADOR TIMBAYAN: Maraming salamat naman po sa inyo, Secretary Martin Andanar at saka Undersecretary Rocky Ignacio for giving us this opportunity to reach our kababayan in Qatar through your program. Mabuhay po kayo.
USEC. IGNACIO: Salamat po.
SEC. ANDANAR: Balikan naman natin si General Filmore Escobal mula sa PRO XI, para kumustahin po ang buong Davao Region. Magandang umaga po ulit sa inyo, General.
B/GEN. ESCOBAL: Magandang umaga po, Secretary Andanar at magandang umaga din po Usec. Rocky Ignacio at sa atin pong tagasubaybay.
SEC. ANDANAR: It’s good to see you, once again, General. Sa kasalukuyan ay ipinatutupad po sa buong Davao Region and Modified GCQ until July 15. Pero tuluy-tuloy pa ring nadadagdagan ng kaso ng COVID-19 cases po sa rehiyon. Sa palagay po ninyo ay maaaring dulot ito ng pagpapatupad ng MGCQ sa buong Davao region?
B/GEN. ESCOBAL: Isa po iyan sa isang factor na tinitingnan po namin, iyong pagpapatupad ng MGCQ at isa rin po na sinusubaybayan namin ay itong pagdating ng mga LSIs, dahil sa mga dumating po na LSIs mayroon din pong nag-positibo. At isa rin pong tinitingnan namin ay ang pagluwag ng pagpapatupad natin sa iba-ibang patakaran natin dahil nga sa MGCQ. So ganoon po iyong mga factors na nakita namin, Secretary Andanar.
SEC. ANDANAR: Ano po ang mga restrictions na patuloy na ipinapatutupad ng Police Regional Office XI sa buong rehiyon?
B/GEN. ESCOBAL: Patuloy po iyong pagpapatupad ng ating PRO XI sa curfew, dahil mayroon pa pong mga ordinansa na ipinapatupad iyong ating mga local government lalo na po iyong curfew pagdating ng alas-sais ng gabi hanggang sa alas-singko ng umaga. At mayroon din po tayong pinapatupad sa mga checkpoints, katulad po ng mga medical certification na hinihingi rin po ng ating mga local government para mapigilan iyong mga pagkalat ng sakit.
At saka mayroon pong lockdown, mayroon pong tinatawag tayong local lockdown doon sa mga barangay na nakikitang may high incidence po ng infection. So, sa Davao City po mayroon pong tatlong barangay na na-identify kung saan mayroong high incidents po ng infection. At saka iyong mga iba-iba pong local government dito sa buong Region XI ay mayroon din pong mga mine-maintain na quarantine checkpoints.
SEC. ANDANAR: Davao City Mayor Sara Duterte said in a statement na hindi pa fully in control ang siyudad sa COVID-19 dahil nga sa tumataas pa rin ang confirmed cases sa lugar. Para po sa inyo regarding the whole of region of Davao. Would you say that Davao Region is in full control of COVID-19, ano po ang masasabi ninyo dito, General?
B/GEN. ESCOBAL: May ano po dito tayong nakita na sa Davao City nga ay hindi pa masyadong na-kontrol iyong infection dahil sa pagdating ng mga Locally Stranded individuals. Pero po sa ating probinsiya, sa mga iba-ibang probinsiya po ay medyo bumababa na po iyong rate of infection. Kaya ang binabantayan natin ay iyong Davao City being the center po din ng region. Dito po kasi iyong hospital at dito rin iyong ibang mga very populated na lugar sa buong region po. So ito po iyong mga nagiging dahilan kung bakit nakikita natin na hindi masyado pang nako-kontrol sa loob ng Davao City, dahil nga po dito sa pagdating ng Locally Stranded Individuals, kung saan mayroon pong na-test na mga nag-positive po.
SEC. ANDANAR: Tungkol naman po sa pagpayag sa backriding para sa mga mag-asawa o sa mga common-law couple. Kumusta po ang naging pagbabantay ng ating kapulisan diyan po sa Davao Region?
B/GEN. ESCOBAL: Sa ngayon po Secretary, ang ating kapulisan ay nagpapatupad nito. Pero dahil nga po sa ito ay mga ilang araw pa lang natign pinapatupad, binibigyan lang po natin sila ng warning, iyong mga nakikita natin na mayroong mga backriding. At iyong mga nahuhuli po ng ating kapulisan, tinitingnan po kung ito ay ayon sa patakaran na ibinigay sa atin ng DILG kung saan iyong puwede po nating payagan ay iyong mga couples at iyong mga living in the same residence. So, sa ngayon ay patuloy po ito na ipinapatupad ng ating Police Regional Office Xl.
SEC. ANDANAR: General Escobal, with regard to the Hatid Tulong initiative by the government, recently ay may mga umuwing LSIs sa inyong lalawigan. Kumusta na po ang lagay ng mga LSI na nakauwi sa Davao region?
B/GEN. ESCOBAL: Maayos naman silang nakarating dito sa aming region, sa Region XI. Sa katunayan po iyong ating kapulisan, ang buong puwersa po ng kapulisan ay binantayan iyong kanilang pagdating at mayroong dumating dito na total of 29 buses at saka 658 na LSIs. Sila po ay sinalubong ng ating police, sa boundary sa may Pasian, Monkayo, Davao Del Norte at sila po ay ineskortan ng ating Highway Patrol Group at may mga sumundo rin na local government units kung saan sila ay papunta.
Maayos silang nakarating at dinala sila sa kani-kanilang mga munisipyo at LGU at mayroon ding prinovide sa kanila na mga facilities, iyong mga quarantine facilities at nag-undergo pa sila ng proseso para sa kanilang maayos na pagdating.
So, lahat po sila ay naihatid sa kani-kanilang lugar ng maayos at tsinek po iyong kanilang kalagayan ng ating mga local government units. Nagkaayos na po ang mga government agencies natin, katulad po ng local government units ng iba-ibang munisipyo dito sa Davao at iyong DOH ay binantayan po naman iyong kanilang kalagayan kaya maayos na po silang nakarating sa kanilang mga kaniya-kaniyang lugar.
SEC. ANDANAR: Mensahe po ninyo General para sa mga Davaoeños na nasa gitna po ng patuloy na pagpapatupad ng restriction sa buong rehiyon.
B/GEN. ESCOBAL: Patuloy po nating sundin ang mga patakaran po ng ating pamahalaan at ang inyo pong kapulisan dito sa Region XI ay nakasuporta sa lahat ng local government at national government agencies sa pagpapatupad ng mga programa lalo na po dito sa mga kababayan na na-stranded na matagal ng gustong umuwi kaya ipinag-ibayo po natin na sila ay maayos na makarating pati po iyong kanilang seguridad ay binantayan natin dahil madaling araw po iyong pagdating nila dito sa ating lugar.
At ang maipapayo ko rin po sa ating mga kababayan ay sundin po natin iyong mga tinatawag natin na minimum health and safety standards ng DOH, iyon ay pagsuot ng mask, pag-maintain ng social distancing at tayo po ay tumulong para hindi na po na kumalat ng mabilis ang sakit na ito.
SEC. ANDANAR: Maraming salamat po sa inyo at mabuhay po kayo, General Escobal mula sa Police Regional Office XI.
B/GEN. ESCOBAL: Mabuhay po kayo Secretary Andanar at ang buong bansa po.
SEC. ANDANAR: Samantala, tuluy-tuloy pa rin ang ginagawa ng pamahalaan para matulungang makauwi sa kani-kanilang mga tahanan ang mga Locally Stranded Individuals sa pamamagitan ng Hatid Tulong Program. Panuorin po natin ito
(VTR)
SEC. ANDANAR: Kaugnay naman sa ginagawa nating pagpapauwi sa ating mga overseas Filipino workers gayundin sa locally stranded individuals ay makakapanayam natin si Manila International Airport Authority General Manager Eddie Monreal.
Magandang umaga po sa inyo, GM! Welcome back to the program.
GM MONREAL: Magandang hapon po! Magandang—Hello?
SEC. ANDANAR: GM, at this time na talaga naming busy ang ating paliparan sa repatriation efforts ng pamahalaan para sa mga overseas Filipino workers at gayundin po sa pagpapauwi sa mga locally stranded individuals ay kinailangan pang i-lockdown ang isang NAIA building due to a confirmed COVID-19 case. How many personnel tested positive at ano ang aksyon po na ginagawa ng inyong tanggapan dito?
GM MONREAL: Magandang tanghali po, Sec. Martin at sa inyong tagapakinig. Kumusta po ang dating ng audio ko po, sir?
SEC. ANDANAR: I can hear you loud and clear, sir. Did you hear my question earlier, GM?
GM MONREAL: Yes, sir. I was able to listen to your question, sir.
SEC. ANDANAR: Yes, sir. Please—
GM MONREAL: Sa kasagutan po sa tanong ninyo po, unang-una po, hindi po kailangang i-lockdown ang ating paliparan dahil unang-una po ito ay isang importanteng ahensya o opisina na tumutugon sa mga pangangailangan ng ating paliparan sa bansa.
We have a total of 32 as we speak right now pero out of the 32 personnel na nagkaroon po ng COVID positive, iyan po ay tally magmula po noong mag-umpisa ang ating COVID-19 dito sa paliparan. Mayroon po tayong 32 na nagpositibo; out of the 32 po, sampu na po ang naka-recover, iyong natitira po ay kasalukuyang naka-quarantine at binabantayan at inaasikaso ng ating pamunuan. Katulong po natin diyan ang mga barangay dahil iyon po ang panuntunan na sila po ang katulong natin sa pag-aaruga sa kanilang kalusugan.
SEC. ANDANAR: Kailan po muling magbubukas ang tanggapan po ninyo, kung mayroon pong ibang tanggapan or parte po, divisions ng inyong tanggapan ang kailangan pong i-lockdown?
GM MONREAL: Okay… opo… Ayon po sa protocol na sinusundan natin, iyan ay alinsunod sa itinatalaga ng Department of Health, kapag mayroon pong isang opisina na nagkaroon ng positibo na isang empleyado, iyan po ay isinasarado natin nang at least three days maximum dahil ini-implement po natin ang dobleng pag-disinfect, pagpapasaayos ng mga opisina at once po na naipatupad po ang double disinfection, iyong persona na nagpositibo ay magkakaroon po ng pagka-quarantine kasama na ang contact tracing.
So, iyon po ang aming ipinatutupad kapag nagkaroon po ng isang positibong personnel sa ating paliparan.
SEC. ANDANAR: Marami rin po sa mga LSI ang nananarili sa airport habang naghihintay ng kanilang biyahe. Kumusta naman po ang kalagayan nila doon; at may ginagawa ba ang MIAA para tugunan ang kanilang temporary needs habang naghihintay?
GM MONREAL: Salamat po sa katanungan na iyan, Sec. Martin. Ayon po sa kautusan ng ating Pangulo at sa direktiba ni Sec. Tugade, ang pinapapasok po natin sa paliparan ay iyong mga pasaherong with 48 hours confirmed departure. Uulitin ko po, 48 hours na kailangan pong sila ay confirmed ang kanilang mga ticket pauwi ng kani-kanilang probinsiya.
Mayroon pong ibinibigay kami na tatlong beses sa isang araw na pagkain – lunch, breakfast and dinner. Mayroon din po silang area kung saan po sila mananatili. Mayroon din po tayo doon sa fourth level kung saan po mayroon po silang tulugan na masasabi nating maayos naman; at mayroon po tayong pino-provide din na shower area doon po sa ating Terminal 3.
Iyan po ay sinusundan natin ang mga protocol na dapat maging maayos ang kanilang pananatili sa ating paliparan. Maidagdag ko po, katulong po natin diyan ang DILG dahil kung minsan po, iyong mga pasaherong paalis ay kulang po ang mga dokumento gaya po ng travel pass at medical certificate. Iyan po ay kino-coordinate natin katulong natin ang DILG para mabigyan po sila ng kanilang mga kaukulang dokumento para ho matuloy ang kanilang pag-alis papunta po ng mga probinsiya.
Pero may mga pagkakataon po minsan may mga last minute changes dahil po sa mga pangangailangan ng mga local LGUs. Iyan po ay medyo minsan naaantala ang kanilang pag-alis.
SEC. ANDANAR: Paano po sinisiguro ng MIAA na mahigpit pa ring naipatutupad at sinusunod ang minimum health standards sa inyong paliparan specially among the LSIs?
GM MONREAL: Well, unang-una po, no mask, no entry po tayo sa paliparan. Hindi po pupuwedeng pumasok ang walang face mask; sinusunod din po namin ang social distancing sa ating paliparan; kasama po diyan ang pagtatalaga ng mga temperatura sa bawat papasok at pagpapalabas; mayroon ho tayong ipinatutupad na one entry one exit policy sa lahat ng ating terminal buildings; mayroon din po tayong mga acrylic barriers na nakalagay sa mga check-in counters, help desk, government counters, transport counters sa mga terminal po gayundin po sa administrative office building po natin.
Iyong social distancing gaya ho ng nasabi ko, mayroon ho tayong mga markers sa floor ng ating building na kailangan sundan ng lahat ng empleyado, pasahero; sa pagpasok po sa mga elevators, mayroon din po tayong mga maximum allowed bawat isang sakay; tuloy-tuloy din po ang aming pag-disinfect ng ating paliparan lalo na kung mayroong may concern tungkol sa let’s say mayroong PUI or some ganoong sitwasyon; mayroon din ho tayong handwashing stations pagpasok po ng ating buildings sa paliparan po. Mayroon ho tayong itinatalaga na mga ganoon para ho ma-maintain ang kanilang kaligtasan.
SEC. ANDANAR: Sa ibang balita po naman, GM, what are your thoughts on changing the name of Ninoy Aquino International Airport or NAIA to Paliparang Pandaigdig ng Pilipinas?
GM MONREAL: Iyan po siguro puwede nating ipaubaya na lang sa ating mga mambabatas dahil sila po ang may karapatan at katungkulan para i-suggest kung ano man ang panibagong pangalan ng ating paliparan. Kami po ay tutugon kung ano man po ang magiging desisyon ng Mababang Kapulungan o kaya kung ano pang mga ahensya na dapat ho na sila ang magpapatupad po niyan.
SEC. ANDANAR: May ilang katanungan din po ang ating mga kasamahan sa media. Go ahead, USec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Opo. GM Monreal, iyong tanong po kanina ni Arianne Merez ng ABS-CBN, nasagot ninyo na rin po, iyong tungkol doon sa reaksyon ninyo sa posibleng pagpapalit ng pangalan ng NAIA. Tanong naman po mula kay Gillian Cortez ng Business World: What did the consortium want and who are the two new proponents the government is in talks with?
GM MONREAL: Hindi ko po alam kung may dalawa. Hindi pa po ako privy sa mga diskusyon pero ho ang masasabi ko lang po, iyong dahil sa maraming kahilingan ang dating consortium, iyan po ay tumagal nang dalawang taon at hindi ho natin puwedeng payagan base po doon sa pinayagan ng approved na unsolicited proposal, hindi ho natin puwedeng baguhin kaya ho siguro nagdesisyon na hindi na ho sila tumuloy.
USEC. IGNACIO: Opo. Dagdag na tanong po ni Gillian Cortez ng Business World: What are the options being considered for the NAIA rehabilitation now that the government has revoked the original proponent status given to the NAIA consortium? Is the government still committed to start the rehabilitation of the airport before the President’s term ends and despite the crisis?
GM MONREAL: Alam ninyo po, USec. Rocky—Una, magandang tanghali po! Hindi po ako nakapagbati sa iyo.
Iyan pong ating mga rehabilitasyon at mga ginagawa na mga dapat ayusin sa ating paliparan, tuloy-tuloy po naman iyan habang hindi pa po natin naibibigay o kaya nagkakaroon ng pirmahan iyong unang nagkaroon ng interes na ayusin ang ating paliparan. Pero mayroon ho niyan, ang alam ko mayroong next in line na isa pa, dahil dalawa ho ang nag-submit niyan noong nagkaroon po tayo ng unsolicited proposal. Iyan po ay pag-aaralan natin at kung sila po ay tatanggapin nila iyong dati pong na-approve na ng ICC-NEDA ay baka ho tayo magpatuloy doon sa pangalawa. Pero hindi pa po iyan pinal, kailangan pag-usapan at ayusin lahat ng panuntunan gaya ho ng dati hong na-approve.
SEC. ANDANAR: Thank you so much, Usec. Rocky. GM Ed, reminders or paalala po na nais ninyong ipaabot sa ating mga kababayan?
GM MONREAL: Well, unang-una po, sana po ang lahat, lalo na po iyong mga LSIs po natin, ako po ay humihiling at umaapela, uulitin ko iyong lagi naming sinasabi na sana po kapag hindi po confirmed ang inyong mga ticket o kaya wala – lalo na po wala po kayong ticket – huwag sana tayo pumunta sa paliparan o kaya saan mang lugar na malapit sa paliparan na hindi po maganda po ang sitwasyon doon at hindi po kayo matutulungan. Kailangan ho siguraduhin at tiyakin ang kanilang mga tickets ay confirmed for specific date bago po sila tumuloy sa ating paliparan.
Kailangan din po na kumpleto ang mga dokumento. Kailangan po mayroon po silang travel pass; mayroon po silang medical certificate na kinakailangan po ng mga local government sa pagdating nila sa kanilang destinasyon. Kami po ay humihingi ng tulong at kooperasyon sa kanila para hindi na po sila maabala pagdating dito sa ating paliparan.
SEC. ANDANAR: Maraming salamat po sa inyong panahon, GM Ed Monreal ng MIAA. Stay safe po.
USEC. IGNACIO: Samantala, ilang buwan matapos unang maitala ang pagkakaroon ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, ilang mga probinsiya po sa bansa ang nanatling pandemic free at isa na po diyan ang probinsiya ng ng Quirino. Alamin natin ang best practices na ginagawa ng probinsiya at ang mga pag-iingat na ipinatutupad dito, Makakausap po natin ang Pangulo ng Union of Local Authorities of the Philippines at Ama ng Quirino province, Governor Dakila Carlos Cua. Magandang umaga po Governor.
GOV. CUA: Good morning po o magandang tanghali na po yata, Usec. Rocky and Secretary Martin, sa lahat ng nakikinig at nanunood. Dios iti agngina apo.
USEC. IGNACIO: Opo. Governor, una sa lahat congratulations po dahil nanatili ngang walang naitalang kaso ng COVID-19 sa inyong probinsiya. To whom or to where would you credit this success?
GOV. CUA: Well, first of all, this would not be possible without the blessings of the Almighty. Ako ay naniniwala na medyo malakas ang panalangin ng aking mga kababayan dito sa Quirino Province siguro and secondly, the credit belongs to the people of Quirino because there is no one man alone that can deliver this outcome, it’s really a concerted effort. Para po kaming isang malaking pamilya na nagkakaunawaan, nakikipag-ugnayan at sumusuporta. At isa rin po, despite the hassles alam kong napupurwisyo iyong ating mga kailyan o mga kababayan, eh kahit paano, they are respecting and collaborating.
USEC. IGNACIO: Opo, Governor, siyempre hindi po nangangahulugan na dapat maging kampante ang ating mga kababayan sa Quirino Province sa kabila po ng pagiging COVID-free ng inyong lalawigan. Ano po iyong mga ipinatutupad ninyong restriction para sa kanilang safety pa rin?
GOV. CUA: Yes, Usec. For now, we are maintaining, we are now under Modified General Community Quarantine, so simula July 1st po ito. And this is the first time that we were transitioned from a GCQ to an MGCQ. So, kasi po ang Quirino Province is basically rural and agricultural, therefore even during the time of General Community Quarantine eh talagang marami ng activities. Especially iyong farm-related ang nag-resume, dahil category 1 and 2 po ang konsiderasyon po ng business na ito.
So, I would presume, I will estimate around 80% of the economy under the GCQ was already opened and now that we are under Modified GCQ, siguro nasa about 90 to almost 95% na ang resumption ng ekonomiya namin. So, relatively ‘no, considering the situation, Quirino’s economy is not as affected as those in the urban centers kasi siyempre mas maraming kumpulan ng tao doon, mas maraming restrictions.
Isang naapektuhan sa amin ngayon ay iyong turismo, isa iyong pillar sa ating development dito sa Quirino, but we would rather be safe and making sure the safety of our people than open our tourism too early.
So ang restrictions namin, the same pa rin, we encourage everybody to stay at home and the last time, I—kahapon lang po, Sunday, so dumalaw ako sa simbahan. Nagronda po ako in my car. I looked around the different public markets, and I could see that people were really concerned about their health – they were wearing face mask.
Hindi naman po siguro lahat but siguro about 90% of the people were wearing face masks, following protocols and significantly, mababa pa rin ang lumalabas na tao. So, they are still trying to stay home and minimizing their exposure to the threat of the virus.
As to the measures, we still have enforced curfew hours between 8 P.M. to 4 A.M.; we still have to review our liquor ban, marami sa buong Pilipinas nagbukas na ng liquor ban pero sa Quirino inaaral pa ng ating Sangguniang Panlalawigan ang proper easing of policies when it comes to liquor distribution and management; of course, the border control is still in effect and when you enter Quirino you are still required to fill out a health declaration and a contact information form.
So, those are the usual protocols that we’ve started since day one and they are still ongoing until today.
USEC. IGNACIO: Opo, Governor, kasi nga may mga naitalang kaso ng COVID-19 sa mga karatig probinsiya kaya tuloy-tuloy pa rin po iyong travel restriction na iyon pagdating doon sa tinatawag nating sa mga boundaries, sa mga borders.
GOV. CUA: Oho. Iyon nga ang isa nating parating ipinapaalala sa ating mga kababayan, the threat if—of course, we cannot say a hundred percent certain na whether COVID is present in Quirino or not because it’s really not yet done—we have not done mass testing like any other LGU in the country but kaya nga ang reminder natin is mag-ingat na lang and the threat might be coming from outside the province therefore, let’s manage the entry and exit of people as much as effectively as possible dahil nandiyan ang nakikita nating potential threat na ma-infect ang ating community dito sa Quirino Province.
USEC. IGNACIO: Opo. Nabanggit ninyo rin po kanina iyong mga farm-related activities. Recently nga po nagkaroon ng oversupply ng kamatis sa Quirino at sa mga karatig probinsiya nito, paano po tinutugunan ito ng inyong pamunuan?
GOV. CUA: Yes, USec. Rocky napakagandang tanong iyan. It is really an emotional sight to see all those tomatoes, iyong mga kamatis na nasayang. Ito ang pang-tuition ng mga anak nila, ito ang kailangan nilang—ito ang kabuhayan na alam ng ating mga kapatid dito sa kabundukan ng Sierra Madre and they are toiling at their best to earn a livelihood.
Ang nangyari kasi, nag-contract ang market, siguro iyong mga buyers na dating nag-order eh medyo umatras ay bumaba ang volume na binibili. So, what we did, immediately we sent a team at that community, kinausap, nakipag-ugnayan at agad-agad hinanapan ng market.
So, alam ng ating kabarangayan na nili-linkage na natin sila ngayon sa direct buyers. So, we’re trying to find a way to shorten the process, if possible ma-eliminate pa natin iyong mga middleman, dumiretso from the farm to the actual buyer. And then if possible, the LGUs, the provincial government, and perhaps some city governments in the metro area can collaborate para direkta na umabot ang mga kamatis sa Metro Manila.
Napakatamis! Ako, bumili ako. Dating bentahan po nito ay nasa fifteen pesos, bumaba siya up to four pesos pero nang natulungan natin, umaangat na siya ulit to around twelve and we predict na soon enough it will around twenty.
Pero, mayroon pa kaming ibang problema bukod doon sa kamatis na na-solve na namin. Ngayon naman iyong mga Baguio beans, Baguio beans na hindi galing Baguio, galing pong Quirino but they are as fresh and as juicy as the ones in Baguio, and ito naman ang hinahanapan na namin ng market linkage ngayon. So, kung may nakikinig po diyan at gustong bumili ng bulk and a reliable supply of Baguio beans, mayroon po dito sa aming lalawigan.
USEC. IGNACIO: Opo. Governor, that’s good news naman tungkol doon sa sitwasyon pati ng mga magsasaka diyan. Sa usapin naman naman po ng Hatid Tulong, iyon pong locally stranded individuals. So far, ilan na po iyong mga nakauwi sa Quirino Province at may inaasahan pa po ba kayong mga uuwi diyan sa probinsiya? Ano po iyong inyong ipinaaabot na tulong para sa kanilang pagbabalik?
GOV. CUA: Okay. USec. Rocky, napakagandang tanong. So, there are many options in many situations. Ito pong mga LSI o ating mga kapwa Quirinians that are stranded in other parts of the Philippines may dalawa kaming serbisyo na ino-offer.
Una, kung kayo ay nangangailangan ng tulong at stranded kayo sa diyan sa metro area at kayo naman ay malapit ng mag-resume ang klase o kaya trabaho at wala na rin, gipit na rin ang panahon ninyong umuwi dito sa probinsiya o kaya nangangamba kayong makapag-possibly dala ng infections sa inyong pamilya, we are offering financial assistance. So, you just have to contact our action center – COVID Action Center dito sa Quirino Province, it’s on Facebook, it’s easy to reach. Tawagan ninyo lang or i-private message ninyo and then give us your details and we’ll find a way to send you some assistance financially.
Pangalawa naman po, iyong mga talagang nawalan ng trabaho at gusto ng umuwi dito for… at makasama ang kanilang pamilya, sundin lang po iyong mga dokumento at proseso na ire-require ng ating provincial and municipal DRRM offices, sila po ang magfa-facilitate dahil kung mayroon kayong sasakyan, we need to issue you passes so that you will be able to successfully travel all the way to Quirino; dahil kung wala po kayong passes baka hindi kayo makatawid ng boundary ng Region II.
Pangatlo po, kung wala naman kayong sasakyan, we have regular assistance na nagcha-charter tayo ng mga van or mini buses na nagsusundo ng mga tao from different parts of the country from Manila, from Cavite, from Pampanga, even from Pangasinan. Marami na po tayong nasundo, mahigit isanlibo na po ang napauwi natin since the start of the lockdown. And as long as we have kababayans that need to travel back to Quirino, we’ll find a way to coordinate and to collaborate. Kumpletuhin lang natin dokumento para hindi po tayo ma-hassle.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong pagpapaunlak sa amin, Gov. Dakila Carlos Cua ng Quirino Province. Stay safe po. Mabuhay po kayo, Governor!
GOV. CUA: Salamat po, USec.!
USEC. IGNACIO: Samantala, alamin naman natin ang mga balitang nakalap ng Philippine Broadcasting Service mula sa ating lalawigan kasama si John Mogol.
John?
[NEWS REPORT BY GRACE ACUAR]
[NEWS REPORT BY FATMA JINNO]
USEC. IGNACIO: Salamat sa iyo John Mogol ng PBS – Radyo Pilipinas.
SEC. ANDANAR: Pasalamatan natin ang ating mga naging panauhin ngayong araw at ang ating partner agencies sa kanilang patuloy na suporta at walang sawang paghahatid ng balita’t impormasyon. Maraming salamat din po sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19. Mabuhay po kayo!
At diyan po nagtatapos ang ating programa para sa araw na ito. Ako po ang inyong lingkod, Sec. Martin Andanar mula sa Presidential Communications Operations Office.
USEC. IGNACIO: At mula pa rin po sa PCOO, ako naman po si USec. Rocky Ignacio.
SEC. ANDANAR: Hanggang bukas pong muli dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.
###
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)