Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar and PCOO Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location People’s Television Network, Inc. (PTV), Quezon City

SEC. ANDANAR: Isang mapagpalang araw sa lahat ng ating mga tagasubaybay sa loob at labas ng bansa ngayong araw ng Miyerkules, July 29, 2020. Ako po ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar mula sa PCOO. Good morning, Rocky.

USEC. IGNACIO: Good morning, Secretary. Ako naman po si Undersecretary Rocky Ignacio.

SEC. ANDANAR: Sa kasalukuyan ay umabot na sa 83,673 ang bilang ng mga kumpirmadong nagpositibo sa COVID-19 sa bansa matapos itong madagdagan ng 1,678 kahapon. Nasa 26,617 ang bilang ng mga naka-recover mula sa sakit na nadagdagan ng 173 cases kahapon habang apat ang nadagdag sa mga nasawi na sa kabuuan ay nasa 1,947 na.

Sa ating line graph, mapapansin na bahagyang tumaas ang bilang ng reported cases kahapon kung ihahambing sa kasong naitala noong Lunes. Ang Metro Manila ang pinagmumulan ng pinakamataas na bilang ng COVID-19 cases na nakapagtala ng 698 cases kahapon. Nananatili sa ikalawang puwesto ang Laguna na may 218 reported cases, sumunod ang Cebu na may 100 cases, ang Cavite na may 87 cases, samantalang 33 cases naman ang naitala sa Davao del Sur.

USEC. IGNACIO: Fifty-five thousand, one hundred and nine (55,109) cases naman po ang nanatiling aktibo sa bansa, labas na po diyan ang bilang ng mga gumaling at pumanaw. Ito po ay katumbas ng 65.86% ng total number of cases na mas mataas ito nang bahagya sa ating naiulat kahapon na nasa 65.39 lamang. Tumaas din ang porsiyento ng mild cases mula sa 90% kahapon, ito po ay nasa 90.2% at 8.9% ang walang sintomas at hindi naman po nagbago ang bahagdan ng severe at critical cases na nananatili sa 0.5% at 0.4%.

Para po sa inyong mga katanungan at concerns tungkol sa COVID-19, maaari ninyo pong i-dial ang (02) 894-COVID o kaya ay ang (02) 894-26843. Para naman po sa mga PLDT, Smart, Sun at TNT subscribers, i-dial ang 1555. Patuloy po kayong makibalita sa mga pinagkakatiwalaang sources ng impormasyon tungkol sa COVID-19, maaari po ninyong bisitahin ang covid19.gov.ph.

Ang amin pong paalala: Wear mask, wash hands, keep distance, stay at home.

SEC. ANDANAR: At tandaan, basta laging handa at sama-sama, kaya natin ito. Ito po ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Sa ating mga balita po naman, Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan II inaprubahan na ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa nito.

Sa pagbubukas ng second regular session ng 18th Congress kahapon, bilang pagtugon sa panawagan ni Pangulong Duterte sa kaniyang State of the Nation Address ay inaprubahan na sa Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang Senate Bill 1564 o ang Bayanihan to Recover as One Act na naglalayong dagdagan ang pondo ng bansa laban sa COVID-19 pandemic.

Tinatayang nasa 140 billion pesos ang inilaang pondo para sa nasabing batas. Bahagi nito ay mapupunta sa pagpapalawig ng COVID-19 testing at contact tracing, ganoon din sa pagbibigay ng tulong pinansiyal sa magkakasakit at masasawi dahil sa COVID-19. Sa ilalim din ng batas na ito ay patuloy na tutulungan ang mga manggagawa, negosyante at mga OFW na apektado ng pandemya. Kabilang din sa mabibigyan ng tulong ang sektor ng agrikultura, edukasyon, turismo at transportasyon.

USEC. IGNACIO: Samantala sa kaparehong sesyon, kahapon pitong hospital bills din ang inaprubahan sa Senado. Ang mga panukalang batas na ito ay isinusulong ni Senator Bong Go. Narito po ang bahagi ng kaniyang naging pahayag kahapon. [VTR of Sen. Go]

Samantala, para naman po sa ating mga kababayang nag-aabang ng Lotto draw, kasalukuyan pa rin pong nagaganap ang catch-up draw ng PCSO Lottery. Maaari ninyo pong mapanood iyan sa livestream ng PTV sa Facebook at sa YouTube.

SEC. ANDANAR: Kasama nating magbabalita mamaya sina Alah Sungduan ng PTV-Cordillera at si Julius Pacot ng PTV-Davao.

Makakapanayam natin sa ating Public Briefing sina Chargé d’Affaires Christian De Jesus mula sa South Korea at si Usec. Joji Aragon mula sa DOLE.

USEC. IGNACIO: Kung may mga tanong kayong nais mabigyang sagot ng ating mga resource persons, i-comment ninyo lang po iyan sa ating livestream at sisikapin po nating maipaabot sa kanila ang inyong mga katanungan.

SEC. ANDANAR: Para pag-usapan ang mga pinakahuling balita tungkol sa labor sa bansa ngayong panahon ng pandemya, makakapanayam po natin mula sa Department of Labor and Employment, ang Wages and Productivity Legislative Advocacy and Internal Auditing Cluster Undersecretary, Usec. Joji Aragon. Magandang araw po sa inyo, Usec.

USEC. ARAGON: Oho, magandang umaga po sa inyo Secretary Andanar and Undersecretary Rocky. Good morning to all, and from Secretary Bello as well and to all the personnel of the Department of Labor and Employment, good morning.

SEC. ANDANAR: Usec., anu-anong mga panukala ang isinusulong ng kagawaran para po matugunan ang pangangailangan at masiguro din po ang kapakanan ng mga manggagawang Pilipino, lalo na ngayong panahon ng pandemya?

USEC. ARAGON: Opo. Napakaimportante ho nito, dahil Secretary, katatapos lang po ng SONA and that’s the reason why nagpapasalamat po kami kay Presidente at sa Kongreso na malapit na malapit nang ipasa ang Bayanihan 2. Dito ho ay we look forward na pag-ibayuhin pa at isulong ang mga programa ng Department of Labor and Employment.

Of course, under Bayanihan 1, naaalala po naman natin na kami ay nagsulong ng CAMP o iyong tinatawag na COVID Adjustment Measures Program, pati po iyong TUPAD or iyong emergency employment program natin at iyong AKAP para sa atin namang OFWs.

Pero this time, kasi po nag-relax na, to a certain extent, nag-relax na ang ating quarantine, hindi naman tayo total lockdown na. Therefore, we have more mobility to move around and to implement our programs. And that’s the reason why under Bayanihan 2, siguro ho ay magri-reconfigure na rin ang mga programa natin to help defeat COVID, Secretary and Undersecretary Rocky.

SEC. ANDANAR: May ilang pangyayari daw po na ilang employers ang kinalahati ang sahod ng mga empleyado hanggang Setyembre para mabawi umano ang full payment na ibinigay sa kanila during ECQ although, eh compliant po sila sa skeleton workforce. Ano po ang masasabi ninyo dito, Undersecretary?

USEC. ARAGON: Ito naman ho ang tinatawag na wages ay isang core o isang basic benefit na dapat na matanggap ng ating mga manggagawa and hindi ho kami sang-ayon sa paghahati-hati o tranching kumbaga ng ating mga suweldo ng ating manggagawa. Kung ano po ang nararapat na ibigay sa isang buwan or every 15 days ay dapat nilang matanggap para naman matulungan ang pangangailangan ng kanilang pamilya.

And therefore, we are open, sir, bukas po kami na madinig ang mga complaints or mga queries nito dahil tayo ho ay mayroong hotline at mayroon din tayong command center. And therefore, sabihin ninyo po sa amin at aming tutugunan immediately. Iyan din po ang utos sa amin ni Secretary Silvestre Bello na—hindi ho kami natutulog ngayon, three shifts po kami, 24/7, para lang matugunan ang mga hinaing at mga complaints ng ating mga workers at suhestiyon, of course.

SEC. ANDANAR: Para po naman sa kaalaman ng ating mga tagasubaybay ay maaari po ba nating idetalye ang kaibahan ng mga programa ng DOLE na nakapaloob kung sakaling maisabatas ang Bayanihan II or Bayanihan to Recover as One Bill?

USEC. ARAGON: Opo, dahil under Bayanihan II, nakikita ho namin na baka at malaki ang posibilidad na maaprubahan po ang aming mga programa kagaya ng TUPAD which is the emergency employment program at subsidy po para doon sa mga nawalan ng trabaho.

Uunahin ko po ang TUPAD, dahil ang TUPAD po ang iniisip po natin, ng ating leadership at ni Secretary Bello ay maging mas relevant ang TUPAD dahil dito sa pandemyang ito, kailangan hong tulung-tulong tayo at ang Department of Labor ay kasama ninyo sa pag-defeat ng COVID-19. And therefore, kapag nag-emergency employment program po tayo, magsisimula ho tayo sa tinatawag na barangay-based or community-based emergency employment para ang pump-priming ng ating employment ay magsimula sa mga countryside. Doon ho natin sisimulan iyon hanggang pataas sa mga urban places. So ito ho ang tinatawag nating Barangay Emergency Employment Program na ating gagawin.

Iyong mga aktibidades po natin na pupondohan ng TUPAD ay kailangan din hong tugunan kung ano ang kinakailangan ng COVID-19 para ma-defeat natin ito. Therefore, sang-ayon po kami na gawin po, for example, ang data encoding, kung mayroon po tayong backlog sa mga pag-i-input ng mga COVID cases. Puwede rin po kaming pumasok sa, for example, contact tracing. Puwede rin ho kaming pumasok sa occupational safety and health dahil ito po, mayroon po tayong tinatawag na health protocols na ginagawa natin sa mga work places, hindi po ba. Aside from social distancing ay kailangan maipatupad po natin ang iba’t ibang protocols na pinirmahan naman ng DTI, DOH at ng Department of Labor and Employment.

And therefore, ang commitment po namin sa inyo ay ang TUPAD ay magiging mas relevant ngayon dahil nandito na po tayo sa stage na while nag-a-assist po tayo at nagbibigay ng relief sa ating mga manggagawa, lalu’t lalo na doon sa mga maliliit nating manggagawa. Papasok na po tayo sa recovery phase and therefore dapat hong mas relevant ang ating mga activities.

Doon naman po sa sabsidiya or pagtulong sa mga nawalan ng trabaho ay gagawin po natin itong mas mabilis, mas epektibo at mas episyente para hindi na po tayo makaka-encounter ng mga konting challenges when it comes to our database. At siyempre, magtutulungan po tayo, together with our other executive departments dito.

Thank you, Secretary, Undersecretary.

SEC. ANDANAR: Ma’am, ano po ang status ng isinusulong ulit na pagtatayo ng Department of Overseas Filipino Workers o DOFW; at kung sakaling maisabatas po ito, ano po ang maaasahan ng ating mga kababayang OFWs mula po dito sa departamento?

USEC. ARAGON: Sinusuportahan po namin, sir, ang prinsipiyo at ang spirit at intent ng measure na ito. Kaya kami po, sa ngalan ni Secretary Bello, ay nagsasabing suportado namin ang pag-stand up ng Department of OFW.

In the last meeting that we held, together with Cabinet Secretary Karlo Nograles, palagay ko po ay mayroon naman pong consensus ang iba’t ibang mga ahensiya. And therefore, naniniwala po kami sa tinatawag na konsepto na bundling of services dahil talaga pong na-underscore itong pangangailangan na ito ngayon na kailangan ang mga OFWs, ang ating mga bayani, ay dapat mabigyan ng serbisyo sa iisang … hindi lang sa iisang lugar kung hindi iisang istraktura na magbibigay sa kanila hindi lang ng ayuda, benepisyo, proteksiyon at pagkakalinga.

And therefore, itong Department of OFW is really envisioned to make our services and our programs more effective and more efficient. So, nandito na po tayo sa stage, dahil sa Lower House naman po ay tapos na ang pag-uusap nila on third and final reading. Naibigay na po nila sa Senado ang kanilang version. At ang Senado po, sigurado po ako, ay nakapagpulong na rin sa iba-ibang mga stakeholders para ma-fine tune and DOFW.

So the bottom line of this is, we really look forward to a DOFW that will be of better service to our brothers and sisters, the OFWs. At hindi lang po OFWs, pati ho iyong ating mga estudyante who wish to go on training or iyong iba po—dahil ang isa pong ahensiya na mapapasaloob sa Department of OFW ay iyong Commission for Filipinos Overseas na ang kanila naman hong mandato ay iyong mga Pilipino who wish to go on permanent migration, for example, in a third country and therefore, kailangan din ho ng guidance, mentoring and coaching; at iyong mga estudyante rin or iyong mga gustong mag-train abroad.

Therefore, ito ho siguro hindi lang ho Department of OFW, baka tawagin ho itong Department for Filipinos Overseas or something like that – more generic and more encompassing, sir, ma’am.

SEC. ANDANAR: Nabanggit po ni Pangulong Duterte noong Lunes sa SONA ang EO 92 na nagtatag ng National Council Against Child Labor kung saan ang DOLE ang chair at ang Bureau of Working Conditions (BWC) at Bureau of Workers with Special Concerns ang magsisilbing council secretariat. Ano po ba ang pagkakaiba ng naturang EO sa RA 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act?

USEC. ARAGON: Thank you for that question. Ito hong EO 92 o iyong tinatawag na …nagtatayo po ng isang inter-agency council for the protection of our children against child labor ay magbabalangkas at magpapalakas sa ating Republic Act 7610 at itong amendments nito thereafter.

At nagpapasalamat po kami kay Presidente Duterte dahil napagtuunan po ng pansin ang isang problema na hindi lang naman po sa Pilipinas nangyayari kung hindi sa iba’t ibang bansa. Ang child labor po ay isang problema na dapat nating harapin. Iyong estimate po na binigay ng International Labor Organization noong 2011 pa man din, dahil hindi pa ho tayo nakapagpagawa ulit sa Philippine Statistics Office ng panibagong survey, ay around two million. Two million of our Filipinos are into child labor.

Gusto ho namin itong i-update and therefore we are not only into profiling of our child labor but we are also into referral system. Ito ho ang pinagtutuunan ng pansin ng council right now which is headed by the Department of Labor and Employment, co-chaired by the DSWD and the other agencies like the DILG and other institutions are also there.

But what is most important is by 2022, Secretary Martin and Usec. Rocky, by 2022, ang commitment po ng council at alam ho nating matutugunan nila ito, we would have already taken out or extracted some 650,000 child laborers from the pool of the existing child labor.
Ang commitment ho natin under the Philippine Development Plan ay magbawas sa pamamagitan ng ating iba’t ibang mga interventions. Ang number one intervention ho natin ay ibabalik natin sila sa mga eskuwela, dahil kailangan ho, ang mga kabataan ay mag-aral. Pagkatapos po ay bibigyan natin ng mga insentibo, some livelihood at kung anuman ang puwedeng gawin productively ng mga magulang nila or mga guardians para sila ho ay magkaroon ng livelihood and therefore, hindi na ho nila pagtrabahuin itong mga kabataan na ito.

So, palagay ho namin, because the council spearheaded by the DOLE ay nakapagtrabaho na sa mga 250,000 child laborers. Iyon po ang data na nakita ko kanina and therefore, by 2022, they are confident that they can meet the target of around 650,000 child laborers out of the statistics mentioned. Plus, we will work on the profiling, the sustained profiling of our child laborers and refer them. Meaning, as early as now – kasi napirmahan ho itong EO 92 noong September of 2019 – so mga nag-iisang taon na po, but naipit din po tayo sa pandemic na ito. Pero ang ginagawa po nila ngayon ay nagre-refer na sila sa iba’t-ibang mga ahensiya para matulungan ang mga kabataan to go back to school at ang mga magulang naman nila ay mabigyan ng insentibo through livelihood.

So, thank you again, Mr. President for giving us executive order 92, dahil lalo pa ho nating, iyong lente natin ay magpapalakas sa protection ng ating mga kabataang Pilipino.

SEC. ANDANAR: Recently, the National Wages and Productivity Commission released a wage order para sa Region ll na magtataas ng basic wage sa rehiyon mula 350.00 to 370.00 pesos. Ano po ang factors na kinokonsidera para taasan ang sahod sa isang particular na rehiyon.

USEC. ARAGON: Well, mayroon po tayong tinatawag na basket of economic goods. Ang nauuna po diyan ay inflation rate. But let me assure you, Secretary Martin na ito pong pangyayaring ito ay nangyari before the pandemic. Noong, starting March, hanggang itong kasalukuyan, hanggang siguro katapusan ng taon ay palagay ho namin ay hindi po wise na pag-usapan ang pagtataas ng suweldo. Dahil nakikita po natin, ang industriya po natin, ang mga sector ay pare-parehong nagre-recover, pati po ang mga workers ay nagre-recover at lalo na po iyong tinatawag na MSMEs.

Kaya po nakikita po ng National Wages and Productivity Commission na hindi po nararapat o naangkop na pag-usapan natin ang pagtaas ng suweldo, kung hindi ang dapat nating pag-usapan ay productivity measures. Dahil ang mga MSMEs, iyong mga maliliit na negosyo na gusto na ngayong mag-optimal operations, whether it’s 85 or 90 or 95% from previous operations. Ang dapat pong ipakita both ng labor at management ay ang pagtaas ng ating productivity or output, para po mapantayan natin ang pag-recover naman ng mga industriya at sektor. Therefore, iyong nangyari po sa Region II kung mararapatin ninyo ay palagay ko ay nangyari before the pandemic, sir.

SEC. ANDANAR: Parting words po, Usec. para sa ating labor force ngayong panahon ng pandemya, please go ahead, Ma’am.

USEC. ARAGON: Okay sir. Ang Department of Labor and Employment ay kaagapay ninyo para po sa ating pag-recover at pag-discover ng maraming oportunidad in the midst of this pandemic. Naniniwala ho kami na now is the time to talk about what the sectors that will be with us in the recovery program.

For example, ang BPO industry, ang logistics, manufacturing, transportation ay hindi po huminto, tuluy-tuloy po ang pagbibigay ng kanilang trabaho during this pandemic. At sa pag-uusap po namin at pagko-conversation namin at dialogue sa mga iba’t ibang key leaders, sa labor at sa management, dahil tuluy-tuloy ho kami, linggu-linggo ay nakikipag-usap kami sa ibat ibang manggagawang sector, nakikita namin na very, very soon ang recovery program natin for the workers and the small business will succeed.

Therefore, let us help in our institutions, in the government at maging confident po tayo na ang ginagawa ng gobyerno sa pagtulong sa inyo ay it’s on the right path at bigyan rin po ninyo kami ng suporta para magawa namin ang mga programa at serbisyo para sa inyo at maraming-maraming salamat po, from Secretary Silvestre Bello, for giving us the trust and confidence na kailangang-kailangan po natin.

Iyong mga serbisyo po namin, Tupad, iyong AKAP for the OFWs at ang CAMP ay itutuloy ho natin dahil naniniwala ako that the Bayanihan 2 sooner or later, siguro po by nest week, as they convened for the bicameral conference will come about. So, thank you, Undersecretary Rocky and Secretary Martin Andanar for this opportunity to be heard.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat po sa inyong panahon, Usec. Joji Aragon mula po sa DOLE. Stay safe po kayo, Ma’am. Salamat po.

USEC. ARAGON: Kayo din po, sir. Thank you.

USEC. IGNACIO: Samantala, nasa kabilang linya rin po ng ating komunikasyon mula sa Embahada ng Pilipinas sa South Korea si Charge D’Affaires Christian De Jesus. Sir, magandang umaga po mula dito sa Pilipinas.

CHARGÉ D’AFFAIRES CHRISTIAN DE JESUS: Magandang umaga po, ma’am, Undersecretary Rocky Ignacio. Magandang umaga rin kay Secretary Martin Andanar at sa lahat ng bumubuo po ng inyong programa. Mula po sa amin dito sa embahada ng Pilipinas sa Seoul, magandang araw po.

USEC. IGNACIO: Opo, sir, siyempre maraming intresadong Pilipino sa kalagayan sa South Korea dahil sa K-pop. Kumusta na po ang latest COVID situation sa South Korea at kumusta po ang ratio ng positive cases at ng recovery at ilang Pilipino ang naitalang nagpositibo sa sakit.

CHARGÉ D’AFFAIRES CHRISTIAN DE JESUS: Opo, salamat po sa interes ng ating mga kababayan sa mga kaganapan dito sa Korea. Unang-una po ay may improvement po ang sitwasyon dito. Katunayan nga itong darating nga Biyernes ay unti-unting ibubukas ng pamahalaan dito sa Korea ang pagtitipon sa simbahan at sa mga sporting events at unti-unti po itong niluluwagan, ngunit sinusunod pa rin po ang mga pag-iingat – ang social distancing at ang pagsuusot ng masks.

Para po sa ating mga kababayan dito sa Korea, ang naitala po ng Philippine Embassy na bilang ng mga nag-positive po sa COVID-19, ang bilang po ay 78. At gusto ko rin pong sabihin na iyang 78 na naitala na embassy ay galing po sa impormasyon mula sa local health authorities at sa mga Filipino community members.

Mayroon pong information na nanggagaling sa Korea Centers for Disease Controlled and Prevention, ito naman po ay dinediretso ng KCDC sa atin pong Department of Health. Kaya mayroon pong kaunting diperensiya iyong bilang ng nakatala sa DOH at sa Philippine embassy gawa nga po ito ng [unclear] lang noong information. Pero nais ko pong i-share din na out of the 78 Filipinos na positive, 34 po ay na-discharge na at 44 naman ang under treatment. Nagre-range po ang sitwasyon karamihan naman po ay mga mild cases lamang po ng COVID-19.

Ngayon po marami ring nagtatanong—

USEC. IGNACIO: Sir, iyong pong South Korea is believed to be na nasa second wave na daw po noong starting June. After 1 month, kumusta na po ang rate ng transmission sa bansa; masasabi bang mas na-control na po kumpara noong first wave?

CHARGÉ D’AFFAIRES DE JESUS: Opo, masasabi pong na-control po iyan. Ang sitwasyon po ngayon sa Korea, ang cases po na itinatala araw-araw ay karamihan po ay tinatawag na imported cases, hindi po siya local transmission kundi po ito iyong mga dumarating sa paliparan at sa mga dumadaong na mga international vessels or mga barko, sila po ang mas mataas na rate ngayon kaya iyan po ay tinututukan ng pamahalaan ng Korea.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir, iyong South Korea has a remarkable recovery rate. So sa tingin ninyo po, saan kaya po maa-account ito o [garbled] paano po, anong ginagawa nila para po tumaas iyong sinasabi nating recovery rate nila?

CHARGÉ D’AFFAIRES DE JESUS: Sorry may technical ano po, hindi ko po naririnig ma’am.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir, kasi po ang South Korea, nakikita po natin mataas po iyong recovery rate ng South Korea. So sa tingin ninyo po, paano po ito ginagawa o saan ninyo ia-account itong mabilis o mataas na recovery rate?

CHARGÉ D’AFFAIRES DE JESUS: Opo, salamat po sa question. Sa obserbasyon ko po, nagsisimula ang mataas na recovery rate mula pa lang sa pagti-test na una po ay mayroong testing na ginagawa ang pamahalaan lalo na ngayon sa mga arrivals po from abroad. As soon as ma-determine po na positive ang isang tao, sila po agad ay dinadala sa facilities ng gobyerno maging Koreano man o foreigner at sila po ay binibigyan agad ng medical attention at care.

At sa experience po natin sa mga kababayan natin kagaya ng nasabi ko, out of the 78 po na natala ng embassy, 34 ay ano na po, discharged dahil po sa magandang medical care na libre na binibigay ng pamahalaan. At doon sa nalalabi na ano, iyong natitirang 44 na under treatment po ngayon, sila ay nasa government medical facilities and health institutions at sila po ay tinututukan at nakikipag-ugnayan ang ating embassy para matugon po at malaman ang kanilang kalagayan. At dahil sa pakikipagtulungan po ng pamahalaan ng Korea at ang kanilang magandang medical facilities at medical care, gumagaling naman po ang ating mga kababayan.

USEC. IGNACIO: Opo. Isa rin po sa remarkable effort ng South Korea ay iyon pong intensive contact tracing ng bansa na pinangunahan po ng mga epidemiologists, database specialists at laboratory technicians. So paano po ito na-establish ng South Korea at paano po sila nagtatrabaho?

CHARGÉ D’AFFAIRES DE JESUS: Opo. Dito po sa Korea, ginagamit po ang high technology na tinatawag. Siguro po nakikita ninyo iyan sa mga balita na ang mga—lalo na iyong mga dumating galing sa abroad dahil sila po iyong mataas ngayon na infection rate, sila po ay nagda-download ng applications sa kanilang mobile phones at ito po ay continuously throughout the day at a certain determined time ay nagri-report po sila sa health authorities.

Nangunguna ang KCDC o Korean Center for Disease Control and Prevention, namo-monitor po ang temperature, ang symptoms at ang location. Kapag po na-test na positive ang isang ordinaryong tao, palagay natin dito sa lugar ng embahada sa may Itaewon, noon pong mayroong nagkaroon ng cluster of infections, gumamit din ng high technology ang Korea sa pamamagitan po ng… again ng mobile phones.

Ang lahat po ng napunta sa loob ng perimeter kung saan may impeksiyon, iyan po ay nati-trace sa pamamagitan ng mobile phone. At kung kayo ay napaloob doon sa perimeter ng infection, kayo po ay kokontakin ng kinauukulan para po kayo ay mag-test. At nagti-text din po diretso ang KCDC at health authorities para abisuhan ang mga tao na concerned na napaloob doon sa perimeter na sila ay magpa-test agad at tutulungan sila ng KCDC.

Marami pong kumbinasyon ng high technology at iyong personal touch din ng mga healthworkers dito po. Mayroon po tayong mga… alam natin na kuwento ng ating mga kababayan na sila’y inalagaan, sila ay tinulungan kaya nagpapasalamat po tayo sa sitwasyon ng ating mga kababayan dito sa Korea.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir recently po ay napabalita na nag-cause daw po ng kauna-unahang COVID-19 case sa North Korea ang isang defector from South Korea. So ano na po iyong recent development sa balitang ito at paano po hina-handle ito ng dalawang bansa, sir?

CHARGÉ D’AFFAIRES DE JESUS: Opo, salamat sa question na iyan. Siguro ipapaliwanag ko lang po ma’am ‘no, Usec., iyon pong dito sa South Korea hindi po kami nakakapag-access ng news sa Hilaga kasi mahigpit po iyan dito sa dalawang bansa. Ang atin pong embassy sa Beijing ang mayroon pong jurisdiction sa North Korea at nakakapag-observe at nakakapag-monitor ng situation po in details sa Hilaga.

Dito po sa South Korea, totoo po iyon, nabalita ang pagkakaroon ng isang kaso na diumano ay mula sa isang defector. Iyan po ang alam nating balita dito po sa Timog na Korea.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir, tungkol naman po sa mga kababayan natin na Pilipino diyan, mayroon pa rin po ba na nagpahayag na gustong umuwi sa Pilipinas dahil nagkaroon ng epekto sa trabaho nila, iyong COVID-19 and ano po [garbled] mga usual na inilalapit nilang hinaing sa ating embahada diyan?

CHARGÉ D’AFFAIRES DE JESUS: Opo, Usec. Rocky. Noon pong February at March, ang inilalapit po ng mga—karamihan ng mga naapektuhan ng COVID-19 dito sa Korea ay ang paghingi po ng tulong sa pagkain, sa masks, sa sanitizers at vitamin C. So iyan po ay agaran nating binigyang-tugon, ang atin pong embahada sa Seoul ay may [garbled] ano po.

Ang Department of Labor and Employment at of course ang OWWA at ang iba pa nating mga ahensiya ay nagtulung-tulong upang makapagbahagi po ng tinatawag na relief goods sa higit-kumulang tatlong libong katao po. Bukod diyan noong nagsara na po, naghigpit ang airport authorities po sa Pilipinas at nagkaroon ng pagpigil ng paglipad ng mga commercial flights, ang Philippine Embassy po ay tumulong din sa hinaing ng ating mga kababayan at ito po ay sa pamamagitan ng pag-arrange ng special passenger flights.

Mayroon po tayong mga kababayan na hindi naman po sa dahil nawalan ng trabaho dahil sa COVID kundi mayroon din po iyong mga ordinaryong nag-terminate na ng contract, nag-end of contract, mayroon din pong mga undocumented tayong kababayan na ninanais na bumalik na sa ating bansa para makapag-avail po noong voluntary departure program ng Korea at of course mayroon din po iyong talagang naapektuhan ang kanilang trabaho, nawalan ng trabaho dahil sa COVID.

Mayroon po tayong sistema kung saan ang Department of Foreign Affairs at ang Department of Labor ay nakikipag-ugnayan po tayo sa ating civil airport authorities at airport authorities sa Manila International Airport at kumukuha po tayo ng special permit para makauwi po ang ating mga kababayan.

Katunayan po nakatulong na po tayo na magkaroon ng five special passenger flights for stranded Filipinos at two special passenger flights for transiting Filipinos, ito naman po iyong galing sa iba’t ibang dako ng daigdig na dumaan dito sa Korea at na-stranded. At tinutulungan din po natin iyan at nagpapasalamat po ang Philippine Embassy kay Undersecretary Dulay ng Department of Foreign Affairs, Undersecretary Ariola ng Department of Foreign Affairs, of course po sa pamumuno ng ating Secretary, Secretary Locsin at of course kay Secretary Bello ng DOLE. Iyan po ay kumbinasyon ng mga ginagawa ng embassy para po matugunan itong mga pangangailangan ng ating mga kababayan.

Babanggitin ko rin po iyong DOLE-AKAP, nabanggit po kanina ni Undersecretary Joji Aragon. Dito po sa Korea nakapagbigay na po ng DOLE-AKAP sa 703 na mga OFWs, both documented and undocumented, nabigyan po sila ng US$200 each at tunay nga pong nagpapasalamat lahat ng ating mga kababayan sa ating Pangulong Rodrigo Roa Duterte at kay Secretary Bello at kay Secretary Locsin, dito po sa mga ginagawa nating pagtulong para sa ating mga kababayan po.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir, may pahabol lang pong tanong iyong ating mga kaibigan sa media dito sa Pilipinas, si Celerina Monte ng Manila Shimbun. May update na po ba daw sa former Philippine Ambassador to Korea who is allegedly wanted for alleged sexual harassment?

CHARGÉ D’AFFAIRES DE JESUS: Sorry po, nawala po iyong ano.

USEC. IGNACIO: Ulitin ko na lang, sir. May tanong po iyong ating mga kasamahan dito sa media, si Celerina Monte ng Manila Shimbun. Ito po ang tanong niya, sir: Kung may update na po ba daw po sa former Philippine Ambassador to Korea who is allegedly wanted for alleged sexual harassment?

CHARGÉ D’AFFAIRES DE JESUS: Ang masasabi ko po diyan ay ang atin pong Department of Foreign Affairs ay ginagawa ang lahat ng within the bounds of our laws and rules and regulations at maprotektahan ang ating mga empleyado at ang ating mga pinuno at lahat ng nasa Department of Foreign Affairs at ang atin pong habol ay justice at iyan po ang nais ng Department of Foreign Affairs. Maraming salamat po.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir kunin ko na lang po iyong mensahe ninyo sa ating mga kababayan diyan sa South Korea at sa kanila naman pong pamilya na nandito sa Pilipinas.

CHARGÉ D’AFFAIRES DE JESUS: Opo. Sa lahat po ng mga pamilya ng ating mga kababayan dito sa Korea, nais ko pong ipahatid sa inyo na ang atin pong Philippine Embassy ay narito na handang tumulong sa kanila sa abot ng makakaya sa kanilang mga pangangailangan. Gusto ko rin pong sabihin na ang Korean government at ang sitwasyon ngayon sa Korea ay nag i-improved at nawa na ito ay magpatuloy at ito ay malaking tulong para magpatuloy ang mga trabaho, mga gawain at of course ang mga may pamilya dito sa Korea ay maging normal, bumalik sa normal ang kanilang mga buhay. At inaasahan po natin ng pakikipagtulungan ng mga Filipino community organizations para po maging epektibo, maging efficient ang atin pong pagtutulung-tulungan. Maraming-maraming salamat po.

USEC. IGNACIO: Maraming salamat din po sa inyong panahon at mag-ingat po kayo lagi, Chargé d’Affaires Christian De Jesus mula po sa South Korea. Salamat po.

CHARGÉ D’AFFAIRES DE JESUS: Thank you po.

USEC. IGNACIO: Ang Hatid Tulong Program ay isa sa mga ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte para maibsan ang paghihirap ng ating mga kababayang nalayo sa kanilang pamilya sa gitna po ng pandemya. Panoorin po natin ito.

(VTR)

SEC. ANDANAR: Makibalita naman tayo sa ating mga lalawigan. Unahin natin ang PTV-Cordillera, si Alah Sungduan. Go ahead, Alah.

[NEWS REPORTING]

SEC. ANDANAR: Magandang produkto iyan. Maraming salamat sa iyo, Alah Sungduan mula sa PTV-Cordillera.

USEC. IGNACIO: Samantala puntahan naman natin ang balitang nakalap ni Julius Pacot mula sa PTV-Davao. Go ahead, Julius.

[NEWS REPORTING]

SEC. ANDANAR: Pasalamatan natin ang ating partner agencies para sa kanilang suporta sa ating programa. Salamat din po sa Kapisanan ng Brodkaster ng Pilipinas at sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19. Mabuhay po kayo.

Diyan po nagtatapos ang ating programa. Ako po ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar mula sa PCOO.

USEC. IGNACIO: At mula pa rin po sa PCOO, ako po si undersecretary Rocky Ignacio.

SEC. ANDANAR: Hanggang bukas pong muli dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

##

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)

 

Resource