Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar and PCOO Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

SEC. ANDANAR: Magandang umaga, Pilipinas. Ngayong Huwebes ng umaga, samahan ninyo po kaming muli para alamin ang mahahalagang balita at impormasyon ukol sa ating laban kontra COVID-19. Good morning, Rocky.

USEC. IGNACIO: Good morning, Secretary Andanar. Makakasama rin natin ang iba’t ibang kawani ng pamahalaan kaya naman tutok na para sa isang makabuluhang talakayan. Ako po si Usec. Rocky Ignacio.

SEC. ANDANAR: At ako po naman si Secretary Martin Andanar, ito po ang Public Briefing #LagingHandaPH. Upang sumagot sa mga tanong ng bayan, maya-maya lang po ay makakasama natin sa programa sina Metropolitan Manila Development Authority General Manager Jojo Garcia, at si DOLE Bureau of Workers with Special Concerns Director Attorney Ma. Karina Perida-Trayvilla.

USEC. IGNACIO: Makakasama rin natin si paghahatid ng ulat ang mga PTV correspondents mula sa iba’t ibang probinsiya at ang Philippine Broadcasting Service.

Samantala, para naman po sa inyong mga katanungan, maaari po kayong mag-comment sa livestreaming ng ating programa sa PTV Facebook page.

Bago tayo tumungo sa mga balita, Secretary, nito pong mga nakaraang araw ay bumisita po kayo sa probinsiya ng Laguna upang kumustahin ang kalagayan ng ating mga kababayan po sa gitna ng kanilang laban kontra COVID-19 sa programang Explain, Explain, Explain: Pagdalaw sa Laguna. Secretary, ilang kilometro na lang po iyong pinuntahan ninyo, malapit na kayo sa aking hometown. Puwede ninyo po ba kaming kuwentuhan ng mga pangyayari tungkol doon?

SEC. ANDANAR: Maraming salamat, Rocky. Tayo ay nagpapasalamat kay Governor Ramil Hernandez sampu ng mga kasamahan, lahat po ng mga mayor, alkalde po ng Los Baños, Bae [Bay], Victoria, Calauan. At talagang mainit po ang pagtanggap nila sa IATF doon. Sa pangunguna ng inyong lingkod, tayo po ay nagpunta sa mga bayan na iyon, sa apat na bayan, para iparating ang mensahe ng ating mahal na Pangulo, ang mensahe ng IATF para siguruhin na talagang maiwasan ang COVID-19.

Pasalamatan din natin ang ating mga kasama sa activity – ang DSWD, ang DOH, maging ang mga kasamahan natin sa iba pang ahensiya tulad ng DILG.

So next week naman ay tayo po ay pupunta sa apat na naman na bayan sa Laguna rin. Unang pupuntahan natin ay ang Pili, Laguna.

USEC. IGNACIO: Opo, Pila—ah Pili, opo, sige. Sana naman mapuntahan ninyo rin, Secretary Andanar, iyong Sta. Cruz, Laguna – tagaroon po ako.

SEC. ANDANAR: Oo, sigurado. Lahat ng bayan ay pupuntahan natin, Rocky. Tatlumpu ang pupuntahan natin.

USEC. IGNACIO: Okay. Salamat po, Secretary.

Para sa unang balita, isinusulong ni Senator Bong Go ang panukalang batas na magkaroon ng klasipikasyon ng mga ranggo at organisasyon ng mga posisyon sa Bureau of Fire Protection at Bureau of Jail Management and Penology. Ayon sa Senador, “Rank is not simply a rank. It is a symbol of leadership and duty,” kaya naman nararapat lamang aniya na i-classify ang key officers ng Bureau of Fire Protection at BJMP na patas.

Ayon pa sa Senador, ang panukalang batas na ito ay makatutulong upang mas mapabuti ang organization efficiency at effectiveness ng dalawang bureau sa pamamagitan ng pagtanggal ng confusion sa mga ranggo.

Samantala, tinawag din ni Senator Bong Go ang pansin ng Department of Health na palawigin ang suicide awareness sa mga specific demographic sectors, partikular na po sa mga naninirahan sa rural areas; at mga kabataan matapos tumaas po ang suicide rates sa bansa.

Ayon po sa mga eksperto, ang kabuuang stress ng COVID-19 pandemic at financial strain ang naging dahilan ng second pandemic of mental illnesses and suicides. Ang kawalan po ng trabaho, utang, isolation at anxiety ay ilan po sa iba’t ibang external conditions na maaaring magtulak sa high level of stress na maaari pong maging dahilan ng paglala ng mental health problems.

Sa iba pang balita: Patuloy naman po ang pagsulong ni Senator Bong Go sa kaniyang adhikain na magkaroon nang mas maayos na evacuation centers ang mga kababayan nating apektado ng mga kalamidad at sakuna. Dapat aniya maisaayos ng gobyerno ang mga evacuation centers na magkaroon ng komportableng mahihigaan, kumpletong evacuation kits, first aid kits, malinis na tubig at may kuryente sa bawat LGU sa bansa.

Matatandaang kamakailan lang nang nagpamahagi ang tanggapan ni Senator Bong Go ng food packs, meals, masks, face shields, cash assistance at mga gamot sa mga naging biktima ng sunog sa ilang bahagi ng Metro Manila.

Samantala, sinang-ayunan naman po ni Senator Bong Go ang rekomendasyon ng mga eksperto at mga doktor kaugnay sa pansamantalang pagpapaliban sa pagluwag ng health protocols tulad po ng pagpapaikli ng distansiya sa mga tao sa pampublikong sasakyan. Aniya, mahalaga po ang ekonomiya pero mas mahalaga po ang buhay ng bawat Pilipino.

SEC. ANDANAR: Samantala, updates sa iba pang mga proyekto ng MMDA ang pag-uusapan natin kasama si MMDA General Manager Jojo Garcia. Magandang umaga po sa inyo, Sir Jojo.

GM JOJO GARCIA: Secretary, good morning po, at Usec. Rocky. Magandang umaga po sa lahat po ng mga sumusubaybay at nakikinig po sa inyo.

SEC. ANDANAR: Kumusta po ang assessment ninyo sa sitwasyon ng ating mga kalsada ngayong nasa ilalim ang Metro Manila sa GCQ at ibinalik na po natin ang pampublikong transportasyon? Naipapatupad po ba ang social distancing?

GM JOJO GARCIA: Unang-una po, sa mga traffic flow po natin, of course, nakita natin medyo bumubuhos na ang public vehicles at ang mga private natin ay dumadami na rin during rush hour. Pero ang maganda lang po dito, iyong ginawa natin sa EDSA na dedicated bus lane para sa ating mga commuters, nabigyan natin ng importansiya iyong mas nakakarami, mas bumibilis po iyong biyahe nila.

At kanina lang po, mga 9:30 A.M, galing po ako sa San Juan, nag-launch po si Mayor Francis Zamora ng bike lane sa Ortigas Avenue. So, so far naman po, okay naman po. Ang coding natin ay naka-suspend pa rin kasi nga po ay hindi pa po ganoong ka-normal ang ating public transportation. So tulong na rin po natin ito sa mga frontliners, sa mga APOR po na puwede nilang gamitin ang kanilang sasakyan kahit po coding.

SEC. ANDANAR: Ano po ang mga safety guidelines na ipinapatupad ninyo ngayon para sa mga pampublikong transportasyon na bumibiyahe?

GM JOJO GARCIA: Unang-una po, naglabas po ang DOTr, I think they started last Monday ‘no, na niliitan yata iyong distansiya. So ang sabi ko nga, we’re not health experts here ‘no, makikinig tayo sa mga talagang experts tungkol po sa health, iyong safety po niyan. At pinatutupad naman talaga dati pa ‘no iyong one-meter before itong iniksian natin ng .75. Sa mga terminals po, sinisilip natin iyan; sa mga loading/unloading base ‘no. At iyong pagsusuot po ng facemask at face shield, talagang mandatory po iyan. Hindi natin pinapayagan sumakay kung hindi po naka-minimum health protocol po.

SEC. ANDANAR: Noong nakaraang buwan, ini-launch po ng DOH, katulong ang iba pang ahensiya ng pamahalaan, kasama ang MMDA, ang One Hospital Command Center. Kumusta po ang operations nito? Ano po ang serbisyo ng Command Center? At paano po ito sinusuportahan ng MMDA?

GM JOJO GARCIA: Unang-una po, nauna po iyong One Hospital Command ano, ang purpose po natin dito, alam naman po natin na bawat siyudad na may ospital, hindi natin namu-monitor iyong capacity nito ‘no. That’s why mga ibang city na nahihirapan kung kailangan maospital, hindi lang po sa COVID ‘no, any other medication na kailangan nila ng hospitalization. So tinayo po natin ito para at least ay nababalanse natin kung dito may maluwag, dito puno na, natutulungan po nating ilipat iyan.

As of September 16 din po ang na-test na po natin doon sa mga mega-swabbing facilities natin, iyong Palacio de Manila, MOA, Lakeshore sa Taguig at iyong Philippine Arena, nasa more than 320,000 na po ang ating na-test diyan.

At sa ating Oplan Kalinga, nasa more than 7,000 na po ang na-isolate natin na more than 29 ang hotels na na-book na rin po natin diyan. So, ito po ginagawa na rin ito sa mga ibang mga regions at probinsiya at hopefully po ito po talaga ay makatulong.

SEC. ANDANAR: Sa nalalapit po na Undas isasarado lahat ng pampubliko at pribadong sementeryo sa Metro Manila. May update na po ba kung ano ang mga dates na sarado at ano ang ginagawa nating paghahanda naman dahil sigurado na unti-unti ring dadagsa ang mga tao bago magsara ang sementeryo?

GM GARCIA: Tama po iyan ano… Last Sunday po nagkaroon kami ng pagpupulong with the Metro Manila Council, ang 17 mayors natin, at ang atin pong sinuggest diyan is one week isasara ang mga sementeryo. So, ang dates na lang ang hinihintay namin na ia-approve ng IATF, either October 29 to November 4 or October 28 to November 3. So, kung ano man po ito eh susundin natin ito pero iyong mga services po niyan like iyong libing, mayroong ililibing ng date na iyan or may iki-cremate, tuloy lang po iyan ano; ang ipinagbabawal lang iyong pagbisita.

So, may mga LGUs na po tayo like ang Marikina po naglalabas na po ng mga guidelines, like for example, starting today or tomorrow or October 1, puwede na silang pumunta pero 30% capacity lang ng sementeryo. Kailangan maintindihan natin na iniiwasan natin dito iyong mass gathering. Hindi naman po pupuwede na kapag sinabing puwede kayong pumunta eh isang barangay kayong pupunta diyan, tabi-tabi kayo, hindi rin po iyon. Mas maganda nga po isang member ng family magdadala ng bulaklak diyan or kandila at puwede naman nating ipagdasal ito pagdating natin sa bahay ano, maiintindihan naman ito ng ating mga mahal sa buhay na pumanaw.

At pagdating naman po sa hanapbuhay, of course, maaapektuhan dito nagtitinda ng bulaklak, ng kandila. Pero sabi nga ng isang mayor natin, kung nagpi-peak sila during October 31 and November 1, dito po na-spread. Kung October 1 po papayagan na natin iyan, mas mahaba iyong pagbebenta nila ng mga bulaklak at kandila so masu-sustain pa rin po iyong kanilang mga hanapbuhay.

SEC. ANDANAR: Tumataas po, GM Jojo, ang bilang ng mga vehicular accidents partikular na ang mga concrete barrier-related accidents sa EDSA. Ano po ang mga common causes ng mga aksidenteng ito?

GM GARCIA: Unang-una po, kung napapansin po natin kaya naha-highlight lang iyong sa mga barriers kasi tinatamaan at bago ito. Pero may datos naman tayo before paglalagay ng barriers at before COVID eh mas madami po iyong aksidente dati. At ngayon po, iyong sa mga barriers naman natin, may datos din tayo like iyong mga bus na tumama sa concrete barriers, less than ten lang po iyan. Ang bumiyahe na po diyan since June 1 is more than 40,000 trips ng buses kasi sa 200 buses per day, 4 trips a day, 800 iyan times 30, 24,000. So, more or less more than 50,000 na pong trips iyan at less than ten lang ang naaksidente.

Meaning, aksidente pa rin iyan pero dito natin makikita iyong porsiyento ng naaksidente talagang kadalasan eh driver po ang may kasalanan, over speeding. Pagdating naman po private, nasa mga 100 po, more or less 100 accidents na po iyon including motorcycle pero ang dumadaan po dito is 200,000 a day. So in one month that’s six million times three, mga eighteen million trips na po iyan, ang naaksidente po is less than more or less 100 ‘no. So, napakaliit po ng porsiyento at dito po sa 100 na naaksidente, 80% po rito kung hindi nakainom, nagti-text ‘no, iyong another 20% ito iyong sumabog ang gulong, iyong road worthiness or nakatulog or nag-over speed din.

That’s why last week po nagpatawag po kami ng pagpupulong, dumating po doon si General Eleazar ng Joint Task Force, si General Cruz po ng HPG, ang LTO, LTFRB, at DOTr. Dito po nakita namin na talagang kailangang ipatupad na ano, madami po tayong magaganda batas sa mga… sa pagmamaneho ng nakainom at kaya nga po kagabi nagkaroon kami ng joint operation, mga critical areas naglagay tayo ng checkpoint. Nagtsi-check tayo ng mga driver diyan na nakainom or naka-drugs pa at ang ano po… iyong mga ADDA, anti-distractive, ito iyong mga nagti-text.

So, sabi nga natin, madali naman talagang maiwasan ang aksidente kung susunod lang po tayo sa batas trapiko. So, hopefully po maging aral po ito sa ating mga motoristang pasaway na the government is really serious in implementing and enforcing po iyong ating mga batas.

SEC. ANDANAR: Ano po ang mga plano ninyo para i-reduce itong mga aksidente ulit at paano po natin balak higpitan ang pagpapatupad ng ating traffic rules and regulations?

GM GARCIA: Unang-una po, iyong mga nahuli natin na DUI, sinubmit na po namin ang names niyan sa LTO para i-suspend or i-revoke po ang mga lisensya niyan. Walang karapatan po sa kalsada iyang mga iyan at iyong sa mga pasaway po na mga drivers natin na kung matatandaan ninyo po last year, nag-submit po tayo ng more than 10,000 names, ito iyong multiple violators. Ito iyong mayroong violation na 500 plus since nagmaneho sila or yearly po nasa thirty plus po ang violation which ang allowed lang po is tatlo. Kapag kayo po ay nakatatlo the same violation, puwede na pong isuspinde ang inyong lisensya.

So, more than 2,000 na po ang na-suspend na or na-show cause order ng LTO diyan at ang nakakapanghinayang lang po ay iyong mga naaksidente pong mga bus ‘no, apat po doon eh nasa listahan kaya nga po nakipag-coordinate na rin kami sa LTFRB to give them the list para at least masabihan iyong mga operators natin huwag na pong pagmanehuin itong mga pasaway na drivers na ito. Marami pong matitinong drivers na walang trabaho so iyon muna ang i-priority natin.

So, maganda naman po ang nangyayari ngayon kasi po ang ahensya ng gobyerno nagkakaisa po kami, maganda po ang coordination namin at ang isa pong naging example nga niyan iyong kagabi, joint forces po lahat ng ahensiya at hinuhuli natin lahat ng pasaway.

SEC. ANDANAR: Ayon po sa survey, marami pa rin ang mas pinipiling gumamit ng bike sa pagpasok sa trabaho. Kumusta po ang pagsasaayos natin ng bike lanes para masiguro ang kaligtasan ng mga bikers lalo na sa mga main roads at highways?

GM GARCIA: Yeah. Actually, kanina nga lang po nasabi ko po kaninang 9:30, ni-launch po ni Mayor Francis Zamora iyong bike lane niya sa Ortigas. So, ang ating mga LGUs naman may mga sari-sariling bike lanes iyan, ang problema hindi siya naka-connect sa isa’t-isa kaya wala pong continuity. Iyan po ang gagawin natin sa pangunguna po ng DOTr at DPWH, madami po tayong plano. Lalagyan po natin iyong mga major thoroughfares like EDSA at nasimulan na rin po iyong hospital loop natin sa Manila at Quezon City, may mga bike lanes na rin po iyan, tumulong po ang DPWH diyan.

So, ang mga existing bike lanes po natin ire-rehab lang natin iyan at ang DOTr naman po madalas ho kaming mag-meeting nila Secretary Tugade at si Chairman Lim. Nakaprograma na po iyan, talagang priority po natin lagyan ng mga bike lanes para safe po ang ating mga bikers. Hindi naman puwedeng linya lang iyan at alam naman po natin baka may maaksidente pa diyan kaya lalagyan po natin ng mga bollards as a safety precautions para at least safe po ang pagbibisikleta.

SEC. ANDANAR: Ito naman pong Pasig River Ferry, limitado pa rin po ba para sa mga healthcare workers at government employees, kailan po ito magbubukas para sa lahat?

GM GARCIA: Actually, bukas po siya ngayon. Mayroon po tayong apat na bumibiyaheng ferry ngayon – dalawang 55-seater, isang 57 at isang 36-seater at more or less po mga 30 minutes po ang interval niyan sa pagbiyahe between 7 to 8 in the morning; then kapag rush hour po nasa mga 1-hour interval tayo ‘no. Ito po, libre pa rin po ito hindi lang po sa mga medical frontliners natin pero lahat po ng APOR libre pa rin po. Libreng sakay ito at kahit papaano po sana makatulong po ito sa ating mga pampublikong transportasyon.

SEC. ANDANAR: GM Jojo, congratulations po pala sa MMDA dahil nakuha po ninyo ang highest audit rating sa COA sa unang pagkakataon sa loob ng 45 taon. Ano po sa tingin ninyo ang naging best practices ninyo para sa pagsiguro ng malinis na financial performance?

GM GARCIA: Unang-una po, of course, sa leadership po ng aming chairman, si Chairman Danny Lim, kilala naman po talaga natin siyang isang disiplinadong military man na talagang gusto niya nasa ayos lahat. At Secretary, two years ago po, ibabalita ko rin, iyong ISO rating po ng MMDA na-approve na rin po iyan. So, inaayos lang po natin talaga lahat ng ating mga dokumento, tamang proseso at iyong sa FOI po, iyong pagri-release namin ng mga datos na-award din po ang MMDA diyan.

So, ito po pinagtulung-tulungan po at I also want to commend our Assistant Secretary for Finance and Admin, si Attorney Artes po na siya po talaga ang binigyan namin ng task para sa ganito at natutuwa naman po kami. Siguro magandang achievement po ito sa isang ahensya natin sa gobyerno para iyong tiwala po talaga ng ating mga mamamayan alam nila na talagang tayo po ay trabaho lang at tumulong sa ating mga kababayan.

SEC. ANDANAR: Ano po ang inyong mensahe sa mga manonood, GM Jojo?

GM GARCIA: Ang sa akin lang po ano, iyong tinatawag po nating health protocols ‘no, tandaan po natin ang COVID po nandiyan pa po iyan. Nagbubukas po tayo ng ekonomiya pero hindi po ito dahilan para makalimutan natin na ang number one priority natin is iyong health. So iyong face mask po at face shield, iyan po talaga ang napakaimportante. May aral po ang WHO at DOH diyan na kapag sinuot po natin iyang dalawang iyan, 97% ang chance hindi tayo mahahawa or makakahawa. Kapag nilagyan pa po natin ito ng safe distance ay 100% po hindi po mata-transmit iyan ano.

So tayo po lahat bilang citizen po sa NCR, tayo po ang frontliners dito. Kung tayo po lahat ay susunod eh 14 days lang po tapos na ang COVID kasi hindi na po ito mata-transmit at iyong ating mga medical frontliners, sila po ang gagamot sa atin. So iyon lang po ang paalala natin, huwag po tayong makakalimot. Hindi po namin ginagawa ang isang guidelines or isang batas para kayo po ay hulihin. Ang mission po namin dito, tayo ay mapanatiling safe ‘no at hindi ma-transmit. So ang bola po talaga nasa atin na, bawat isa sa atin na sumunod po sa maximum health standard.

SEC. ANDANAR: Marami pong salamat, MMDA General Manager Jojo Garcia.

GM GARCIA: Thank you po, Secretary. Mabuhay po kayo at stay safe po.

USEC. IGNACIO: Sa puntong ito, alamin naman natin ang kalagayan ng sektor ng mga manggagawa lalo na po iyong informal sector na lubos na apektado ng pandemyang ating nararanasan. Makakausap po natin si Attorney Maria Karina Perida-Trayvilla, Director po ng DOLE-Bureau of Workers with Special Concerns. Magandang umaga po, Attorney.

DIR. PERIDA-TRAYVILLA: Magandang umaga po Sec. Martin and Usec. Rocky, pati na rin po si GM Garcia at sa lahat po ng nanonood ng #LagingHanda.

USEC. IGNACIO: Salamat po. Isa po sa mga lubhang naapektuhan ng pandemya iyon pong kabuhayan ng ating mga manggagawa, lalung-lalo na po iyong mula po sa informal sector. So anu-ano po ang mga hakbang na ginagawa ng DOLE, in the Bureau of Workers with Special Concerns para po tulungan silang makabangon mula sa naging epekto ng pandemya sa kanilang kabuhayan?

DIR. PERIDA-TRAYVILLA: Tama po iyan, Usec. Rocky. Ang atin pong mga manggagawa mula sa impormal na sektor ay totoong naapektuhan ng COVID-19 pandemic. So mayroon po ang DOLE na tinatawag na Emergency Employment Program, ito po iyong Tulong Panghanapbuhay sa ating Disadvantaged or Displaced Workers para po sa manggagawa natin sa impormal na sektor. Ang programa pong ito ay bukas sa manggagawang nawalan ng trabaho sa gitna ng pandemya pati ang mga self-employed katulad po ng mga homebased workers, vendors, small transport workers pati na po iyong marginalized na mga magsasaka at mangingisda natin, mga kababaihan at iba pa.

USEC. IGNACIO: Opo. Maaari ninyo po bang idetalye iyong mga paraan po kung papaano po makakapag-apply sa nabanggit ninyong programa, ang ating mga manggagawa mula po sa informal sector?

DIR. PERIDA-TRAYVILLA: Opo. Ang TUPAD po as a COVID intervention, dito po ay ang ating mga beneficiaries ay magtatrabaho nang apat na oras sa loob ng 15 days ‘no. Bibigyan po sila ng sahod equivalent to the highest prevailing minimum wage in the region where they are implementing the project. Ang proyekto pong ginagawa po natin, ito ay mga social community projects po tulad po nang ating priority ngayon ang pag-disinfect at pag-sanitize ng ating mga common public facilities.

Mayroon din po tayong mga proyektong panlipunan tulad ng pagkukumpuni po ng mga baradong kanal o pagtatanggal ng kalat. Mayroon din pong minor repairs or improvement tulad halimbawa po ng mga evacuation centers at mga pampublikong paaralan – isa lang iyan sa mga halimbawa. Puwede rin hong magtrabaho sa pakikipag-ugnay po sa mga lokal na gobyerno tulad po ng pag-assist sa pagbigay ng mga basic services, tulad ng pag-provide ng face mask, disinfecting solution sa ating constituents sa public at puwede rin pong rehabilitation ng pampublikong health centers at iba pa pong infrastructure.

So, in addition po doon sa minimum wage na matatanggap ng ating beneficiaries, bibigyan din po sila ng basic orientation on safety and health. Iko-cover din po sila ng micro-insurance in partnership po ng GSIS, iyong kanila pong Group Personal Accident Insurance at bibigyan din po sila ng personal protective equipment tulad ng sombrero, face mask or face shield at mga kagamitan po depende po sa trabahong isasagawa.

Para po pag-a-apply, ang gagawin lang po ng interesado ay makipag-ugnayan lang po sa kanilang lokal na gobyerno through the Public Employment Service Office o kaya sa pinakamalapit na DOLE field office or provincial office or regional office na nasa kanilang lugar.

USEC. IGNACIO: Opo. Ma’am may tanong po sa ating mga kasamahan sa media, si Gillian Cortez po ng Business World: How many people daw po as of now have benefitted the TUPAD Program and from what region do most of the beneficiaries come from?

DIR. PERIDA-TRAYVILLA: Opo. Base po sa aming data, mayroon na po tayong natulungan na 604,901. Out of these, iyong ating 423,511 sila po iyong nagsagawa noong #BarangayKoBahayKo Disinfection/Sanitation Program sa kani-kanilang mga tahanan, mga tahanan po mismo ng ating beneficiaries in consideration of the Enhanced Community Quarantine din. Ang may pinakamalaki po natin na beneficiaries or workers ay nanggagaling mula sa National Capital Region.

USEC. IGNACIO: Uhum. So mula pa rin po kay Gillian Cortez, Attorney: With the Bayanihan II in place, how many more TUPAD beneficiaries can be accommodated?

DIR. PERIDA-TRAYVILLA: Opo. Base po sa Bayanihan II, ang naka-allocate po kasi sa DOLE ay 13 billion. Ngunit hindi lang po ito sa TUPAD, ito rin po ay iko-cover ang pondo para sa CAMP, iyong COVID Adjustment Measures Program, para naman po ito sa mga workers sa formal sector pati din po ang ating Overseas Filipino Workers, whether or not, sila ay repatriated.

So right now po, hindi pa po napa-finalize kung magkano po ang allocation para po sa respective programs na ito ng CAMP, ng TUPAD at ng AKAP for OFWs. So if halimbawa po ang ibigay po na allocation for TUPAD would be 5 billion, let’s say for 5 billion, ang atin pong itinalaga na workdays ng ating beneficiaries would be 15 days. So in-increase po natin ito from 10 days, ngayon ay 15 days na po siya. At 5 billion po, approximately, mayroon po tayong more than 700,000 beneficiaries to benefit from the TUPAD Program.

Apart from that po, we are also going to hire program coordinators. Sila po ang magli-liaison sa mga local government units at tutulong sa profiling hanggang sa monitoring pati na rin po sa liquidation ng ating pondo mula sa Bayanihan II.

USEC. IGNACIO: Opo. Para sa kaalaman ng ating mga kababayan, maaari po ba nating bigyang-linaw kung sinu-sino po iyong saklaw ng sinasabi nating mga nasa informal sector?

DIR. PERIDA-TRAYVILLA: Opo. Ang TUPAD po ay bukas sa mga displaced workers o nawalan ng trabaho, siya man po ay underemployed puwede din ho siya at sa mga self-employed po na naapektuhan po ang kanilang maliit na negosyo bungad ng COVID-19 pandemic.

Pero paglilinaw lamang po namin na ang mga beneficiaries po ng programa ng iba’t ibang ahensiya, halimbawa po ng DSWD assistance to individuals in crisis situation, iyon naman pong cash assistance para sa mga magsasaka ng Department of Agriculture at Small Business Wage Subsidy program ng Department of Finance ay hindi na po natin mako-cover ito, kasi po sila ay naging recipient ng mga programang ito. Ito na rin po ay sa kautusan ng ating mahal na Pangulo na dapat po i-maximize po natin ang resources ng gobyerno.

Kung kaya po kung sila po ay beneficiaries ng mga nasabing mga programa ay hindi na po natin sila mako-cover dito sa TUPAD program.

USEC. IGNACIO: Ma’am, bukod po doon sa nabanggit ninyong mga programa. Ano pa po ba iyong programang maaring ma-avail naman ng mga manggagawa pa rin doon sa informal sector mula po sa DOLE-BWSC?

ATTY. TRAYVILLA: Yes po. USec. Rocky, mayroon din po tayo doong tinatawag po na DOLE Integrated Livelihood Program or DILP or Kabuhayan Program. Bukas po ito sa manggagawang hindi po sapat ang income tulad ng mga kababaihan, mga magulang ng child laborers, mga persons with disabilities, senior citizens, indigenous peoples, rebel returnees. Ito po ay ang pagbibigay ng oportunidad sa mga manggagawa na makapagsimula o palaguin o ibalik ang kanilang kabuhayan kung halimbawa po ito ay nasira o nawala o naapektuhan ng health crisis or kalamidad.

So, ang mga beneficiaries po natin dito ay pinagkakalooban natin ng mga materyales or kagamitan para sa kabuhayan at tinuturuan din po natin sila. Mayroon po silang social preparation or kasanayan sa paggawa at kino-cover din po natin ang ating mga beneficiaries sa micro insurance.

So, maari pong makatanggap ng livelihood assistance sa amin na worth 30,000 pesos po para sa individual projects at aabot naman po ng 250 hanggang 1 million para naman po sa mga group projects.

Again paglinaw din po namin, kung sila po ay nakatanggap na ng livelihood assistance mula sa ibang ahensiya ng gobyerno maari pong hindi na po namin sila mai-cover.

So ang gagawin lang po nila ay makipag-ugnayan lang po sa mga DOLE regional offices, field offices o pumunta sa website ng BWSC para sa dagdag na impormasyon.

USEC. IGNACIO: Attorney, ano naman po iyong maaring asahan ng mga nasa informal sector ngayong napirmahan na po ang Bayanihan 2 o iyong Bayanihan to Recover as One Act kung saan po nakapaloob dito iyong pagpapatuloy po ng inyong programa na tulong panghanapbuhay para sa ating disadvantaged at displaced workers o iyong tinatawag po nga nating TUPAD?

ATTY. TRAYVILLA: Yes po. USec. Rocky, sa Bayanihan 2 po, bibigyan po natin ng prayoridad ang mga manggagawa sa informal na sektor na hindi pa po nabibigyan ng ayuda o tulong mula sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno ngayong panahon ng pandemya. So, dagdag po nito ang dati pong nasabi ko po kanina, ang dati pong sampung araw ng paggawa ay maaring maging 15 work days na po. So, kalakip rin po ng package of assistance na nasabi ko, mayroon po silang micro insurance, personal protective equipment at mga kagamitan depende po sa trabahong ibibigay.

So ini-expect po natin sa Bayanihan 2, mas madami-dami pong mga workers sa informal sector ang mako-cover natin as soon as ma-finalize po ng DOLE iyong respective allocation po ng tatlong major programs po na ini-implement natin ngayon like iyon pong CAMP at AKAP para sa OFWs.

USEC. IGNACIO: Opo. Kung sakali pong magkaroon ng isyu o alalahanin ang ating mga manggagawa mula sa informal sector mula sa kanilang lokal na pamahalaan doon po sa pagpapatupad ng TUPAD program, saan po kaya sila puwedeng sumangguni?

ATTY. TRAYVILLA: Opo. Usec. Rocky, kung halimbawa pong magkaroon ng isyu, maari po silang mag-report sa DOLE offices po natin all throughout the Philippines or puwede po naman sila tumawag sa DOLE hotline, ito po ang numero na 1349, iyan po ang DOLE hotline natin, 1349.

USEC. IGNACIO: Opo at para po sa may mga katanungan naman po o nais na humingi ng assistance hinggil sa inyong programa, paano po mako-contact ang inyong tanggapan, pareho din pa ng number na iyon, Ma’am?

ATTY. TRAYVILLA: Ma’am, puwede po silang tumawag dito sa amin sa Bureau of Workers with Special Concerns para po sa mga dagdag na impormasyon tungkol sa programa ng TUPAD at ng kabuhayan. Kaya po maari po silang tumawag sa 84043336 o 85275858. At maari po din pong makipag-ugnayan sa pinakamalapit na DOLE Field Office na nakakasakop po sa lugar kung saan ang beneficiary ay maaring magtanong ng impormasyon tungkol po sa aming mga programa.

USEC. IGNACIO: Okay, maraming salamat po. Ano na lang po iyong mensahe ninyo sa ating publiko, Attorney?

ATTY. TRAYVILLA: Yes po, USec. Para po sa mga manggagawa po natin na nasa informal na sektor, ang DOLE po ay kaagapay ninyo sa pag-ahon mula sa krisis na ating kinakaharap ngayon – ang COVID-19 pandemic. Ang mga programa pong nasabi tulad ng TUPAD at Kabuhayan ay bukas para sa mga displaced workers, underemployed at self-employed workers na hindi sapat ang kita.

Patuloy po na tutulong ang Department of Labor and Employment sa pangunguna po ng aming kalihim, si Secretary Silvestre Bello III sa ating manggagawang hanggang tayo po ay makabangon sa epekto ng pandemya, kami po ay tutulong. So hindi po magsasawa ang Kagawaran sa pagtugon sa pangangailangan ng mga manggagawa, lalung-lalo na po sa ating mga marginalized, displaced at vulnerable sector.

Iyon lamang po; maraming-maraming salamat, USec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat, Atty. Maria Karina Perida-Trayvilla, Director ng DOLE Bureau of Workers with Special Concerns.

Samantala, upang bigyang-daan ang Hatid Tulong Program na layong mapauwi ang mga na-stranded sa Maynila dahil sa umiiral na community quarantine ay pansamantala munang pinagpaliban ang Balik Probinsya Bagong Pag-asa program. Para sa iba pang detalye panuorin po natin ito.

[VTR]

USEC. IGNACIO: Sa puntong ito, dumako naman tayo sa pinakahuling ulat mula sa iba’t ibang lalawigan sa bansa. Makakasama natin si Czarinah Lusuegro mula po sa Philippine Broadcasting Service.

(NEWS REPORTING)

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo Czarinah Lusuegro mula po sa Philippine Broadcasting Service.

SEC. ANDANAR: Puntahan naman natin si Danielle Grace De Guzman mula sa PTV-Cordillera.

(NEWS REPORTING)

SEC. ANDANAR: Maraming salamat, Danielle Grace De Guzman.

USEC. IGNACIO: Mula naman po sa PTV-Davao, may ulat din si Julius Pacot, Julius?

(NEWS REPORTING)

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo. Julius Pacot ng PTV-Davao.

SEC. ANDANAR: Mula po naman sa PTV-Cebu, may ulat si John Aroa – John?

(NEWS REPORTING)

SEC. ANDANAR: Maraming salamat John Aroa.

USEC. IGNACIO: Samantala, dumako naman tayo sa update kaugnay sa COVID-19 cases sa buong bansa. Base po sa tala ng Department of Health as of September 16, 2020, umabot na 272,934 ang total number of confirmed cases. Naitala ang 3,550 new COVID-19 cases. Naitala rin kahapon ang 69 na katao po na nasawi kaya umabot na sa 4,732 cases ang kabuuang bilang ng COVID-19 deaths sa ating bansa. Ngunit patuloy rin naman po ang pagdami ng mga nakaka-recover na umakyat na sa 207,858 with 524 new recoveries recorded as of yesterday. Ang kabuuang total ng ating active cases ay 60,344.

SEC. ANDANAR: At iyan ang mga balitang aming nakalap ngayong araw. Maraming salamat sa mga naglaan ng kanilang oras sa pagbibigay linaw sa mga impormasyon na mahalagang malaman ng ating mga kababayan.

USEC. IGNACIO: Ang public briefing po ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng Presidential Communications Operations Office sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.

SEC. ANDANAR: Asahan ninyo ang aming patuloy na pagbibigay impormasyon kaugnay sa mga update sa ating paglaban sa COVID-19 pandemic. Maraming salamat sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19.

USEC. IGNACIO: At Secretary Andanar, 99 days na lang po ay Pasko na. Kahit po may COVID tuloy po ang Pasko at kagaya po ng aming laging paalala, palagiang magsuot ng face mask, face shield at i-sanitize po ang mga kamay, dumistansiya po ng isang metro at alamin ang mga totoong impormasyon mula po sa Presidential Communications Operations Office o PCOO. Ako po is Usec. Rocky Ignaci0.

SEC. ANDANAR: Mula rin po sa PCOO, ako si Secretary Martin Andanar, magkita-kita po tayo muli bukas, dito lang sa public briefing #LagingHandaPH.

###

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)