Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar and PCOO Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location People’s Television Network, Inc. (PTV), Quezon City

SEC. ANDANAR: Isang mapagpalang araw ng Lunes sa lahat ng ating mga kababayan sa loob at labas ng bansa, ngayon ay September 21, 2020. Ako po ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar ng PCOO; magandang umaga, Rocky.

USEC. IGNACIO: Good morning, Secretary Andanar. At mula pa rin po sa PCOO, ako naman po si Usec. Rocky Ignacio.

SEC. ANDANAR: Ito po ang Public Briefing #LagingHandaPH.

USEC. IGNACIO: Para po sa mga pinakahuling bilang ng COVID-19 case sa bansa, nasa 286,743 na po ang total confirmed cases sa Pilipinas matapos itong madagdagan ng 3,311 na kaso kahapon. Pumalo naman sa 20,021 ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling mula sa sakit na ngayon ay nasa 229,865 recoveries na.Samantala, limampu’t lima ang nadagdag sa mga nasawi. Sa kabuuang bilang na four thousand nine hundred eight-four; 51,894 naman po ang bilang ng mga kasong nananatiling aktibo sa bansa.

SEC. ANDANAR: Mapapansin sa ating line graph na sa nakalipas na mga araw ay bahagya lang ang naging paggalaw ng reported cases. Matatandaan din na mula sa mga nagdaang linggo ay hindi bumababa sa tatlong libong kaso ang naidadagdag kada araw.

Forty-three percent ng new cases ay nagmula sa NCR, pumapangalawa naman sa pinagmumulan ng COVID-19 cases ang Negros Occidental na nakapagtala ng 261 cases kahapon. Ang Laguna ay nasa ikatlong puwesto na may 231 na bagong kaso. Sumunod ang Rizal na may 204 cases, at panlima sa talaan ang Cavite na may 174 na karagdagang kaso.

Malaki ang ibinababa ng bilang ng active cases mula sa mahigit 20% noong nakaraang linggo ay nasa 18.1% na lang ito ng total cases. Ang pagbaba ay dulot ng mataas na bilang ng recoveries na naitala kahapon.

USEC. IGNACIO: Karamihan [unclear] 86.6% na COVID-19 cases sa bansa ay mild lamang; 8.7% ang hindi kinakitaan ng sintomas; samantalang 1.4% ang severe; at tumaas po ng bahagdan ang critical cases na umabot na sa 3.3%

Hindi po kami magsasawang magpaalala sa inyo na maging BIDA Solusyon sa laban na ito kontra COVID-19. Bawal po ang walang mask, ugaliin po natin ang pagsusuot nito lalo na po kung tayo ay lalabas ng bahay. Sa pamamagitan ng pagsusuot ng mask, nababawasan ng 67% ang chance na tayo ay makahawa o di kaya ay mahawa ng sakit.  Ang pagsusuot po ng mask ay pagpapakita pa rin ng paggalang sa mga tao na ating nakakasalamuha. Muli po, maging BIDA Solusyon sa COVID-19.

SEC. ANDANAR: Para sa inyong mga katanungan at concerns tungkol sa COVID-19, maaari ninyo pong i-dial ang 894-COVID o 894-26843. Para naman sa mga PLDT, Smart, Sun at TNT subscribers, i-dial lamang ang 1555. Patuloy rin kayong makibalita sa mga pinagkakatiwalaang sources ng impormasyon tungkol sa COVID-19, maaari ninyong bisitahin ang covid19.gov.ph.

Samantala, makakapanayam natin mamaya sina Baguio City Mayor at COVID-19 Tracing Czar, Mayor Benjamin Magalong; at si Secretary Ramon Lopez mula sa Department of Trade and Industry. Kasama rin nating magbabalita mamaya sina John Mogol sa PBS, John Aroa mula sa PTV Cebu at si Jay Lagang mula sa PTV Davao.

USEC. IGNACIO: Para naman po sa ating mga balita ngayong araw, ikawalumpu’t tatlong Malasakit Center sa bansa pinasinayaan sa Oriental Mindoro Provincial Hospital noong Biyernes. Ito rin ang pang-apat na Malasakit Center sa MIMAROPA Region at ang nag-iisa sa naturang probinsiya.

Dinaluhan ng ilang mga kinatawan ng Department of Social Welfare and Development ang seremonya kung saan nasa apatnapung pasyente rin na nasa charity ward ang nabigyan ng financial assistance sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situation Program ng ahensiya.

Virtually present din naman si Senate Committee Chair on Health and Demography Senator Christopher “Bong” Go kung saan muli niyang pinaalalahanan ang bawat isa na magbayanihan at magmalasakit sa ating kapwa lalo na sa panahon ng pandemya.

Ang Malasakit Center Act of 2019 na isinabatas ni Senator Go ay naglalayong magtayo ng mga center o opisina sa lahat ng DOH hospitals sa bansa na magbibigay tulong pangmedikal at pinansiyal sa mga kababayan nating nangangailangan.

SEC. ANDANAR: Umapela naman si Senador Bong Go na i-extend ang cut-off date ng exemption sa deployment ban ng mga Filipino medical at allied professionals na nakatakdang lumipad pa ibang bansa.

Ito’y kasabay din ng panawagan ng ating mga kababayang health workers na nagtatrabaho abroad bilang compliance o pagsunod na rin sa kanilang mga pinirmahang kontrata. Ayon kay Senador Go, ang pagpayag ng ating pamahalaan na ma-deploy ang mga Filipino medical professionals na ito ay simbolo rin ng pakikiisa ng ating bansa sa buong mundo na kasalukuyan ding kumakaharap sa global pandemic na ito.

Nagpasalamat ang Senador sa mga medical frontliners natin na patuloy pa rin ang paglaban sa COVID-19 at sinabing sila ang mga bagong bayani ng ating henerasyon.

USEC. IGNACIO: Samantala, bilang paghahanda naman sa pagbabalik ng Balik Probinsiya, Bagong Pag-asa ay sinuportahan din ni Senator Bong Go ang panawagan na bumuo ng isang special committee ang Cabinet Officers for Regional Development and Security or CORDS na tututok sa implementasyon ng programa sa bawat rehiyon o probinsiya. Sa pamamagitan nito ay masisiguro na nasa iisang direksiyon ang tinatahak ng national at ng local government sa pagtupad sa layunin ng BP2 Program na mapauwi ang ating mga kababayan nais bumalik sa kanilang probinsiya at mabigyan sila ng oportunidad na makapaghanapbuhay.

SEC. ANDANAR: Puntahan naman natin, Rocky, ang mga balita sa ibang lalawigan. Unahin natin sa Davao, may hatid na balita si Jay Lagang. Maayong buntag, Jay.

[NEWS REPORTING]

SEC. ANDANAR: Maraming salamat, Jay Lagang ng PTV Davao.

USEC. IGNACIO: Puntahan na natin ang mga balitang nakalap ng Philippine Broadcasting Service.

[AD]

USEC. IGNACIO:   Nagbabalik na po ang Public Briefing #LagingHandaPH. Sa kabila po ng pananatili ng quarantine measures sa Metro Manila ay kapansin-pansin na rin ang pagsikip po ng daloy ng trapiko at sinasabing baka lalo rin nitong maapektuhan ang pagsasara ng ilang u-turn slots sa EDSA.

Para pag-usapan iyan, makakausap po natin si MMDA General Manager Jojo Garcia.

Good morning po!

GM GARCIA:   Hi! Good morning, Usec. Rocky! Good morning po, Secretary Martin.

USEC. IGNACIO:   Opo. Kasama na po natin si Secretary Martin.

GM GARCIA:   Opo. Hi, Secretary Martin.

SEC. ANDANAR:   GM, ano po itong ginawang pagsasara ng u-turn slots sa EDSA? Para saan po ito? GM Jojo, good morning din po.

GM GARCIA:   Good morning po, Sec.! Unang-una, alam naman natin iyong ginagawa nating bus lane na nasa middle lane, so if ever na itutuloy na natin iyan maapektuhan iyong mga u-turn slots. Pero of course, hindi naman sabay na ihihinto, unti-untiin natin. Magkakaroon kami ng one week advisory each na (choppy audio) isasara.

Ang target po natin talaga rito is to give priority sa ating mga commuters na mas nakakarami at (choppy audio) naman sumunod lang po sila ng one to maximum of two kilometer (choppy audio) underpass or (choppy audio) sa taas ‘no (choppy audio) u-turn at dito po mas… I think, mas maiiwasan ang traffic kasi alam naman natin right now iyong mga existing u-turn natin nasa gitna (choppy audio) gitna ng EDSA iyan kapag nag-u-u-turn (choppy audio) bumabagal lahat at two lanes ang nasasakop niyan.

So, kapag isinara natin lahat ito hopefully unti-untiin natin, paparating na po iyong mga barriers natin and bollards, ididiretso na po natin iyan para iyong atin pong talagang EDSA bus lane diri-diretso na po iyan from Monumento to Pasay.

SEC. ANDANAR:   Ilang u-turn slots po ang isasara, GM Jojo.

GM GARCIA:   Okay… For (choppy audio) week po, mag-a-advisory tayo. Unahin lang natin iyong medyo busy (choppy audio) na u-turn doon sa may North Avenue, iyong sa may Trinoma and SM. Alam naman po natin talagang (choppy audio) iyong mga nandidiyan kaya kung makikita natin iyong barrier natin nahinto after the North Avenue station ng MRT. Then after niyan saka lang maglalagay ulit ng ano (choppy audio).

Ang problema, kapag tinanggal natin iyong (choppy audio) hindi natin nalagyan (choppy audio) nandiyan iyong u-turn lalong nagbubuhol-buhol ang traffic kasi iyong mga bus po lumalampas babalik na naman after North Avenue. So, isasara na natin itong u-turn na ito by next week po, by Monday. Of course, makikita ninyo ang signages diyan starting today or tomorrow [unclear].

So, iyong mga southbound po ng mag-u-u-turn, doon na po sila (choppy audio) mag-u-turn, may flyover doon doon sila sa ilalim. Iyong dito namang papuntang south (choppy audio) dito sa may Congressional po muna habang bukas pa po iyan. So, isa lang muna, iyong (choppy audio) Avenue sa tapat ng Trinoma, isasara na po natin iyan dahil lalagyan na natin ng barrier.

USEC. IGNACIO:   GM? GM Jojo, since gradual po iyong implementation nito, kailan daw po inaasahang fully closed na iyong mga u-turn slot na ito?

GM GARCIA:   Ang target po talaga and [unclear] the year-end maisara natin iyan. Of course, mayroong tayong problema sa resources, barrier nga and bollards. Every time na may magde-deliver po iyan naman po ay DOTr at MRT ang sagot niyan. So, every time na nade-deliver dinudugtong iyan pero ang dugtong natin going northbound. So, iyong sa southbound, hanggang Estrella lang muna iyan (choppy audio) kapag natapos po natin ang northbound saka natin idudugtong iyong southbound.

USEC. IGNACIO:   Opo. Pero GM ito po ba ay gagawin na ninyong permanente ng bahagi ng EDSA o ito po ay nasa initial study pa lamang po?

GM GARCIA:   Iyong (choppy audio) atin pong (choppy audio) permanent na po iyan na nasa gitna iyan, napag-usapan ng DOTr, LTFRB  at DPWH. Nakita na ang magandang resulta niyan na iyong ating mga commuters before (choppy audio) ang bus lane (choppy audio) Monumento it will take them more than three hours [unclear] hours ang biyahe nila, travel time sa dedicated lane ang mga bus natin nasa one hour and a half lang, so meaning iyong mga commuters natin na mas madami. Ito ang gusto nating tulungan iyong mga kababayan nating namamasahe at (choppy audio) mapabilis natin ang biyahe nila (choppy audio) mas bibilis din.

Kasi before po nailagay iyang barrier, ang (choppy audio) bus pag-ikot inaabot sila ng more than three hours, so ang isang ikot nila is nasa six hours or more. So, inilagay natin ang dedicated lane, nasa (choppy audio) lang, nakakaikot na sila. So, ibig sabihin mas madaming makakasakay, mas madaming maseserbisyuhan. At the same time, iyong mga private vehicles naman (choppy audio) nawala iyong obstruction nila kaya kung mapapansin natin ang EDSA kahit gaano na po kadami ang private vehicles na dumaan diyan mabagal lang pero tuloy-tuloy po iyong takbo nila, hindi na katulad dati na na-stuck talaga sa mga obstruction na pasaway na bus, naglo-load at unload kung saan-saan at saka nagku-cut ng mga (choppy audio). Dito po, dinidisiplina natin ang mga (choppy audio) hopefully po ang mga commuters talaga natin na number one priority natin ay makabiyahe (choppy audio) nang mas mabilis.

SEC. ANDANAR:   May mga alternatibong paraan o daan po bang inihanda ang MMDA para sa mga apektdong motorista?

GM GARCIA:   (choppy audio) Secretary, ang sabi ko nga, iyong mga isasarang u-turn ang pinakamalayo diyan siguro mga two kilometers na, more or less (choppy audio) kilometers to one kilometer iyong mga nearest sa flyover or intersection, so, (choppy audio) mag-u-turn. For example nga, sabi ko if you’re going southbound, mag-u-u-turn ka sa may Trinoma, hindi na puwedeng mag-u-turn (choppy audio) pupunta (choppy audio) flyover ng Quezon Ave. at doon ka sa ilalim magu-u-turn pabalik. Existing naman natin na overpass o may underpass naman po iyong sa Tuazon, underpass iyan, sa taas sila nag-u-u-turn. So, iyong mga available intersection natin na may slots doon natin sila ilalagay.

SEC. ANDANAR:   GM, may mga motoristang nagulat daw at ang tanong nila bakit naman daw po parang bigla ang naging desisyon na ito ng MMDA at walang paunang abiso para sa mga motorista. Would you like to react to that, GM?

GM GARCIA:   (choppy audio) wala pa po tayong (choppy audio). Iyong isasara is iyong sa Trinoma is… ang schedule po niya is (choppy audio) so that’s one week from today. Kaya nga nag-a-advise nga kami, magkakaroon ng mga advisory iyan at sabi ko nga kanina po sa isang interview rin, (choppy audio) hindi naman (choppy audio) agad. So, buti nga sabi ko nga rin sa isang media kanina na nalaman na nila (choppy audio) kaya ako (choppy audio) information drive (choppy audio) dapat iyong sa aming Facebook.

So, hindi naman po iyon biglaang isasara kinabukasan, So, bibigyan natin ng (choppy audio) siguro weekly iyan every time magsasara tayo ng u-turn may one week kami na advisory at alam naman (choppy audio) priority ngayon ng DOTr, MMDA at DPWH para sa (choppy audio) mga commuters natin. So, iyan, Secretary po ano… (choppy audio) iyong EDSA na may dedicated lanes. So, soon lahat po ng u-turns na iyan masasara na.

USEC. IGNACIO:   Opo. GM, malapit na po kasi yong Pasko, hindi ba po daw makakaapekto sa daloy o traffic flow sa EDSA itong pagbabago pong ito?

GM GARCIA:   Actually, mas luluwag nga po iyan katulad ng sinabi ko kanina, of course, iyong mga private medyo madadagdagan lang siguro na (choppy audio) bibiyahe kasi kilometer ang ie-extend ng mga u-turn slots natin pero sabi ko kapag mawawala iyong mga imbudo at pagbubuhol-buhol, siguro iyong travel time mas bibilis. Just what happened (choppy audio) dito sa bus [unclear] na iyong travel time po ng mga commuters natin eh naging 33% na lang from three and a half hours eh naging on hour na lang po.

SEC. ANDANAR:   Maraming salamat po sa inyong panahon, MMDA General Manager Jojo Garcia. Stay safe, mabuhay po kayo, sir!

GM GARCIA:   Maraming salamat po, Secretary, Usec. Rocky at nanonood po sa inyo. Keep safe po (choppy audio) iyong ating [unclear] don’t forget po. mabuhay po kayo at maraming salamat!

SEC. ANDANAR:   Thank you po at mabuhay din po kayo ulit.

Samantala, bukas, September 22 ay sisimulan na ang unti-unting pagbubukas ng Baguio City para sa mga turista na nais pumunta sa siyudad para sa iba’t-ibang aktibidad for leisure, for rest, recreation. At ito ay gagabayan ng 3S principle ng lungsod, ang slowly, safely at surely.

Para pag-usapan iyan, makakapanayam po natin si COVID-19 tracing czar at Baguio City Mayor Benjamin Magalong. Magandang umaga po, Mayor!

MAYOR MAGALONG:   Magandang umaga po, Secretary Martin at sa ating mga kaibigan po diyan, si Usec. Rocky at sa ating mga listeners.

SEC. ANDANAR: Bukas Mayor ay bubuksan na ang Baguio City para sa mga turista mula sa Region I. All set na po ba ang inyong siyudad sa bagong sistema para rito mula sa pre-registration hanggang sa triage system?

MAYOR MAGALONG: Okay. Iyong mga sistema po in place na po kaya lang ang gusto ko lang pong klaruhin, Secretary, bukas po iyong launching, launching pa lang po iyan. Pero iyong actual execution will probably happen next week kasi may inaayos pa po ng ibang mga provinces iyong kanilang mga sistema; at the same time, in the case of Baguio, mayroon din po kaming isang outbreak dito po sa dalawang barangay. We’re addressing it but by next week maaayos na po natin iyan so we’re ready to open next week. So launching lang po iyan kaya nandito po si Secretary Berna Puyat.

SEC. ANDANAR: Sa pagbubukas po ng turismo sa Baguio ay hindi rin maiiwasan ang tinatawag na irresponsible tourism. Paano po masisiguro ng Baguio City LGU na patuloy na mamo-monitor ang mga turistang papasok sa siyudad at susunod sila sa health and safety protocols?

MAYOR MAGALONG: Magandang katanungan po iyan, Secretary. Unang-una, mayroon po tayong sistema po na ginagawa ngayon na ito po’y tour guided, guided tour ang magiging sistema po rito. Lahat po ng turista they have to pre-register kaya closely po mamo-monitor po natin lahat iyong kanilang mga galaw. Iyong mga tinatawag ho nating DIY o iyong do-it-yourself tourism hindi pa po natin papayagan. Aayusin pa lang ho muna natin itong bagong pagbubukas and at the same time pag-aaralan po natin, we will experience the new system po ng guided tour with the new normal. After that we learn from it and finally po siguro after 3 weeks or 2 weeks saka po natin ia-allow po iyong do-it-yourself tour.

SEC. ANDANAR: Sinabi ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque na model city ang Baguio sa pagbubukas ng tourism at ito ay naging posible dahil din sa prevent, detect, isolate, treatment and reintegration strategy. Paki-explain naman pong muli Mayor, anong kaibahan nito at how does this work?

MAYOR MAGALONG: Siguro po isa sa pinakamalaking na bagay na nagagawa namin dito, iyong nagiging very proactive po kami. In fact ho iyong aming contact tracing is something very distinct from the other local government units because we—as much as possible ini-aim po namin 1:37 although for the past several weeks eh medyo bumababa po iyong aming contact tracing dahil nga ho doon sa mga common contacts kasi nakikita ho namin na karamihan ho ng mga transmission na po ngayon nasa household and workplace – isa po iyan.

Pangalawa po, iyong ating mga analytical tools na ginagamit pag-analyze po ng ating COVID-19 situation using a GIS platform at the same time [garbled]. And number three po, itong pinapatupad po natin ngayon na isang cashless and contactless system para po maiwasan po natin iyong pag-exchange po ng mga cash dahil nakita po natin iyan doon sa mga bangko wherein 37 employees and at the same time the service providers po nagkaroon po ng infection dahil po sa pag-handle ng cash. So marami pa pong innovations na ginagawa po ngayon ang ating siyudad ng Baguio to be able to really control and contain po iyong transmission.

But despite of that, alam ninyo po ba Secretary na tinatamaan din po kami. Kahapon mayroon kaming 43 cases in one day pero that was a result of contact tracing – 82% of that was a result of contact tracing dahil nagkaroon ho ng inuman sa isang barangay, kainan, iisang baso lang ang ginamit sa inuman so ito po iyong—ang laki po noong implication. Lumaki po iyong dami ng mga na-infect po doon sa barangay na iyon.

SEC. ANDANAR: Sa ilalim po ng Bayanihan II nag-allot ng 5 billion pesos para sa additional contact tracers sa bansa. Ilan na po ba ang na-contact trace—o ilan ang contact tracers natin at ilan po ba ang kailangan pa na contact tracers?

MAYOR MAGALONG: Okay. Sec. Martin gusto ko rin ho klaruhin, iyong pagri-recruit po ng mga bagong contact tracers, ito po iyong mga paid contact tracers. Ginawa po iyan ng Department of Interior and Local Government under the supervision po ni Usec. Bernie Florence. So we continue to collaborate po diyan, tinatanong po nila sa akin kung ano po iyong mga opinyon ko specially po doon sa pag-determine kung ilan dapat ang allocation ng bawat local government units. So we’re looking at the population and at the same time iyong daily number of cases.

So hinihintay ko po iyong kanilang mga latest na development kasi meron po sa kaniya-kaniyang mga region. Susunod po within the week makakuha po tayo ng detalye kung ilan na po napo-process nila.

SEC. ANDANAR: Para naman sa free contact tracing training course na handog ng TESDA. Ito po ba ay advisable para sa mga nais maging contact tracer; kumusta po ang communication ninyo with TESDA regarding this matter, sir?

MAYOR MAGALONG: Malaking bagay po itong ginawang initiative ng TESDA dahil training 50,000 new contact tracers is a challenge at mabuti naman po at nagkaroon po ng initiative ang TESDA and I was assured by TESDA po na this is aligned with the DOH and DILG StaySafe contract tracing module. And at the same time kasali na rin po iyong in-introduce po nating innovation sa contact tracing—na retooled contact tracing system kaya [garbled] napakaganda po ng ginawa ng TESDA natin.

SEC. ANDANAR: Kumustahin rin namin Mayor itong StaySafe app para sa contact tracing at maging ang ibang application na ginagamit rin ng iba pang LGU. Are they proving to be effective sa pagpapabilis ng pag-trace ng close contacts ng mga nagpositibo sa COVID-19?

MAYOR MAGALONG: Malaking [garbled] po dahil dito po natin nakukuha ang history po ng activities po ng isang positive patient. Alam ninyo ang pinakamahirap na gawin ng isang positive patient especially kung katatanggap lang niya iyong kaniyang information na positive siya, iyong memory recall dahil imagine yourself as a patient [garbled] receive mo iyong information, you’re confused, you’re irrational, anxiety level mo ang taas and you’re thinking about your family, you’re thinking about your survival, you’re thinking about your [garbled]. Hindi mo kaagad maiisip kung ano iyong mga ginawa mo for the past 14 days, iyon kasi ang standard na duration na iba-backtrack natin, ang laking bagay po talaga ng digital contact tracing dahil nandiyan po iyong history ninyo, nakalista po diyan and at the same time very proactive din po ang digital contact tracing.

Ngayon ito pong StaySafe ang ginawa po nating nationally-acknowledged na contact tracing app but there are local government units that came up with their own digital contact tracing. We don’t discourage them, in fact we encourage them to do that dahil nga naman may initiative po on the part of these local government na gawin iyan ano. So what we are doing now is to integrate it, pag-uusapan namin na mag-uusap po iyong API, iyong StaySafe at iyong mga ibang digital contact tracing application and the only way to do that is an API, through an API.

So itong week na po, nag-assure po sa atin ang StaySafe President na si David Almirol na ilalabas na po nila, iri-release na nila iyong kanilang API para po iyong ibang mga developers ay ma-integrate na po sa sistema ng StaySafe. And at the same time, I know any time this week idu-donate na po, fully donated na po sa DICT iyong StaySafe, ang magma-manage na po ng database will be DICT kaya secured na secured na po iyan.

USEC. IGNACIO: Okay. Mayor, balikan natin iyong Baguio City para naman po doon sa mga sabik ding umakyat ng Baguio mula po sa iba pang bahagi ng bansa. Mayroon po ba tayong target date ng inyong siyudad kung kailan posibleng buksan ang Baguio City para doon sa mas maraming turista? I understand mula lamang po sa Region I iyong pupuwedeng pumasok sa inyo simula bukas.

MAYOR MAGALONG: Opo. Actually ho hindi po bukas, launching pa lang po iyan tapos next week po talaga iyong full execution at the same time para mabigyan po ng tiyansa iyong sa ibang mga probinsiya. Ang Region I aayusin po nila iyong kani-kanilang sistema.

And on the side of Baguio City, i-address lang po namin itong kaunting outbreak po sa dalawang barangay natin. After experiencing itong opening ng aming tourism dito sa Region I, siguro for the next two days, from the time it was executed or two weeks after the time it was executed – we experienced it, we learned from it, start to learn how to manage it – saka po kami mag o-open po sa ibang mga regions. Ganoon po iyong aming process o iyong framework po na gagawin doon.

SEC. ANDANAR:  Mayor, kunin po namin ang inyong paalala at mensahe para sa mga bibisita sa Baguio City, simula bukas? 

MAYOR MAGALONG:  Sa mga bibisita po sa siyudad ng Baguio as a tourist, kung minsan po parang nade-discouraged kayo, dahil nakikita ninyo napakarami po ng requirements. Alam po ninyo kapag titingnan po ninyo iyong requirements, madali lang naman pong sundan, madaling i-comply. Kailangan po, we have to, intindihin lang po ninyo na kailangang  maingat, kaya binabanggit po namin iyong tatlong S na iyan – surely, safely and slowly. In short po ito po iyong tinatawag po nating calibrated and graduated way of opening our tourism industry.  Para po lahat ito sa kaligtasan ng ating mga constituents ng Baguio at lalung-lalo na rin po sa ating mga turista at mga bisita. Sana maintindihan po ninyo kami, thank you po.

SEC. ANDANAR:  Maraming salamat po sa inyong panahon, Mayor Benjamin Magalong, stay safe, mabuhay po kayo.

USEC. IGNACIO:  Secretary, I understand naglilibot ka rin sa Laguna, para doon sa project nating explain, explain, explain. So, kumusta na po ito, Secretary?

SEC. ANDANAR:  We are supposed to continue, iyong ating tour sa Laguna by the first week of October at iyon nga, plano nating puntahan din ng iyong bayan sa Sta Cruz, sa Pila at lahat pa, marami pa tayong hindi napupuntahan. Mahalaga kasi, Rocky na mapuntahan natin iyong mga maliliit na mga bayan din na talagang hindi napapansin, kasi kadalasan  napupuntahan iyong mga siyudad.  So, that is our target by the first week of October and of course, plano rin nating balikan iyong ating region sa Northern Mindanao at tayo ay naka-assign din po doon bilang CORDS at tingnan natin ang mga ginagawa ng ating mga LGUs doon para labanan ang COVID-19.

USEC. IGNACIO:  Opo, napakahaalaga niyan, Secretary para maipabot natin iyong talagang  mga kailangang tulong at impormasyon ng ating mga kababayan. Samantala, Secretary kamakailan po ay pinirmahan ni Pangulong Duterte ang Bayanihan 2 na nag-a-allot ng 165.5 billion pesos para sa tuluy-tuloy na pandemic response at recovery sa bansa. Pag-usapan po natin ang ilang salient points niyan. Kasama po natin si DTI Secretary Ramon Lopez. Magandang umaga po, Secretary.

SEC. LOPEZ:  Good morning po, Usec. Rocky, good morning, Sec. Martin.  Good morning po sa inyong mga tagasubaybay.

USEC. IGNACIO:  Secretary, sa ilalim po ng Bayanihan 2 ay ipa-prioritize iyong mga locally made products, kabilang na po iyong mga local manufactures na PPE at ng face mask.  Ano pong klaseng assistance ang ibibigay sa mga ito at paano pa rin ito imo-monitor o tutukan ng DTI?

SEC. LOPEZ:  Tama po, USec. Rocky. Actually po, nagpapasalamat kami sa Congress at saka sa senators nabigyan po ng pagpapahalaga ang mga local manufacturers, lalo na po ngayon na marami po tayong nai-workout, nakumbinsi na mga manufacturers to re-purpose their manufacturing capacity. Ibig sabihin iyong mga dati pong nagpo-produce ng, let say garments products,  mga similar products, sila po ay nag-invest into new machines that will enable them to create mga PPEs – coveralls, pati face mask.  Ito po ay above standard, pati po iyong tela ay medical grade. At dahil po ito ay certified na rin ng FDA, sila po ngayon ay qualified na na sumama na sa bidding din ng Department of Budget and Management. It will allow the country to basically patronize ang mga locally manufactured products. Ang maganda ho kasi dito sa project na ito, una po binigyan po ng encouragement mula po sa gobyerno, sa DTI at BOI, para magkaroon tayo ng self-reliance. Ibig sabihin iyong ating bansa ay hindi aasa sa imports at dahil mayroon na rin tayong local manufacturing capacity ngayon.

Sa ngayon po, out of nothing, zero, ngayon po nakaka-produce tayo ng 3 million pieces of PPEs/coveralls per month; tapos nakakagawa na rin tayo, siguro mula 2 million per month  ngayon po ay mga 56 million na mga face mask, surgical mask; capacity po ito ng local manufacturers. So, napakaganda po na ma-patronize natin ito, dahil it creates local jobs. In fact, natulungan iyong sector na hindi mag-layoff ng mga tao. I think mga 7,000 jobs nasalba po at hindi ito nagkaroon ng pagpapaalis dahil po nagkaroon nga ng ganitong activity into manufacturing. And so, iyon po ang tulong po natin. I think iyong encouragement from the DTI, they of course could avail of fiscal incentives din dahil po sila po ay kasama sa  investment priorities plan ngayon. Kaya po ito po ay mga tulong din dito sa ating mga local manufacturers para mapunta dito sa ganitong manufacturing activity.

USEC. IGNACIO:  Secretary, nabanggit na po ninyo iyong incentives. So ano po iyong maibibigay nating incentives at exception sa mga local manufacturers para po sa essential goods at equipment?

SEC. LOPEZ:  Ito po iyong mga usual naman ito na mga time bound incentives na binibigay ng Board of Investments po, for example po iyong mga income tax holiday for four years. Ito naman ay available din sa kahit sino po na mag-i-invest sa isang activity na nasa investment priorities plans. Ang ginawa lang po ay ito pong pagpo-produce ng PPE, dahil po sa pandemic ay isa pong priority activity po ngayong mga panahon na ito at lalo na under pandemic. Kasama rin po dito actually para magkaroon ng local supply, kahit noong wala pa pong malaking production nito, pinapadali rin po iyong importation nito sa pamamagitan ng  zero duty para po daw po magi-import ng mga ganito, mga coveralls,  especially po noong nag-umpisa ang pandemic dito sa ating bansa.

USEC. IGNACIO:  Opo. Secretary, unti-unti na rin po ang pagbubukas ng turismo sa bansa. Inaasahan din po na lalakas ang ating mga local businesses. So kumusta po iyong coordination ng Department of Tourism sa DTI tungkol dito?

SEC. LOPEZ:  Maganda po ang aming coordination. Unang-una po ang atin pong Secretary of Tourism ang tawagan po namin ay seatmate, dahil magkatabi po kasi sa mga meetings po sa Gabinete.  Ito pong tourism sector ay kasama po sa mga sectors na mabibiyayaan dito po sa Bayanihan 2. Ibig sabihin po, ang mga micro SMEs na nasa tourism sector ay kasama sa mga eligible borrowers dito po sa P10 billion na na-allocate para po sa small business corporation  na naatasang magpahiram directly sa mga micro SMEs.  So, out of the P10 billion, around P4 billion will be for micro SMEs in general and around P6 billion will be for the tourism micro SMEs. So iyan po ang kabuuan po ng P10 billion.

So, aside from that, mayroon pa hong additional supports sa tourism sector para po sa wage subsidies sa sector nila at saka po tourism infrastructure na binigyan din po ng pondo – ang TIEZA pati po ang DOLE. So, outside the P10 billion po iyon ng small business corporation. And for the bigger enterprises, of course, the other government financial institutions would be big help. Ito po ang DBP and Lanbank na mayroon ding allocation, pati po ang Philippine Guarantee Corporation na magbibigay ng mga guarantee sa mga loans for the affected sectors, the affected companies.

USEC. IGNACIO:   Secretary bigyang-daan ko lang po iyong tanong ng ating kasamahan sa media, from Joseph Morong po ng GMA7: Iyon daw po sa mga bangko, effective na po ba sa Bayanihan 2. Ano po ang mga relief available under banks such as credit card and loan moratorium?

SEC. LOPEZ:  Nandoon po sa Bayanihan 2 ay isinaad po doon ang 60-day grace period. Ibig sabihin ay ipagpapaliban sa pagbabayad na walang interest on interest, walang other charges, walang penalties.

Ibig sabihin may interest po, babayaran din, kasi ito po ay nasa kontrata po ng dalawang private parties, ang nagpahiram at ang humiram, ang bangko at ang borrower. So may interest po talaga iyon. Pero the fact na ine-extend po, at least po may palugit po sa pagbabayad po ng monthly amortization, pero ang tatakbo lang po at least iyong interest, wala pong principal amortization. So, napakagaan na rin po noon kung tutuusin, kumpara po sa babayarang buo ang monthly amortization that covers interest pati iyong principal payment.

So, iyon po may grace period at ang na-postpone na payment ay hindi isang bagsakan kahit after the grace period, ito po ay ide-divide up to December 30 of this year or kung anuman ang mapag-usapan between the banks and the borrowers na parang payment period. Kumbaga sa ating lenguwahe, ay ilang gives dito po sa na-accumulate na na-grace period amount.

USEC. IGNACIO:  Secretary, ang second question niya, we only have daw po nine days before the community quarantine expires. Do you think we can go to MGCQ, should we move to MGCQ to help the economy more?

SEC. LOPEZ:  Sa IATF naman po, of course titingnan natin ang mga data, mga datos dito, kung it will allow us to move into MGCQ. I think after six months nitong virus, ng pandemic, ng lockdown, ako po ay naniniwala na natututo rin po tayo kung paano gumalaw, kumilos sa pag-manage ng virus.

Sa akin pong paniwala, ito po ay sa akin lang, maari po nating i-push ang mas magaan na community quarantine, subalit ang importante po ay may self-discipline at self-regulation ang buong bayan para talagang bumaba pa rin ang transmission kahit Modified GCQ that will allow us to open more sectors in the economy.

Ano po ang ibig sabihin nito? Kung lahat po tayo talaga ay susunod, ngayon po ang tinatawag  diyan ay seven commandments – iyong pagsuot ng face mask, disiplinado tayo magsuot ng face mask, face shield,  paghuhugas, disinfection, no talking and eating kapag nasa public na lugar tayo, lalo na public transport, iyong mga ibang pag-iingat, iyong mga may sintomas ay hindi lalabas, ibig sabihin, ma-isolate iyong positive, iyong more aggressive tracing, isolation, testing, pati treatment, ito po iyong kapag ginawa po natin ito naniniwala po ako kahit Modified GCQ  ay mako-control natin at mapapababa natin iyong transmission. At sa ganoon po ay mabuksan na natin  iyong remaining part of the economy.

At saka isa lang po, isa pa rin po on another point is ang major parts ng Pilipinas naman po, I think over 50% on the economy  ay nasa Modified GCQ na. In other words, around maybe 4, I think by now 7 kasi nagdagdag pa tayo ng MECQ sa ibang lugar ay mga 7 lang ang either GCQ or MECQ, the other parts of the economy are Modified GCQ na. So, kung tutuusin marami na rin pong nagbukas na mga sektor in many parts of the country at sa kaunting part iyon po ang GCQ.

So, I think magkaisa po ang sambayanan na talagang oobserbahin natin iyong 7 commandments, I think bababa talaga iyong transmission at mawawala na ang COVID. Mas mababawasan na ang mga may kaso ng COVID at hopefully gumaan po ang trabaho ng ating mga frontliners na atin pong sinasaluduhan sa kanila pong talagang sakripisyo for the past over six months na po.

USEC. IGNACIO:  Secretary maraming salamat po sa inyong panahon, stay safe Secretary. DTI Secretary Ramon Lopez. Mabuhay po kayo.

SEC. LOPEZ:  Stay safe din po, mabuhay po kayo.

USEC. IGNACIO: Nais po naming pasalamatan ang ating mga partner agency para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas. Salamat din po sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19, mabuhay po kayo.

SEC. ANDANAR:  At diyan nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Tuluy-tuloy po ang aming paalala: Be the part of the solution. Mula sa PCOO ako po ang inyong lingkod Secretary Martin Andanar.

USEC. IGNACIO:  Secretary Martin, 95 days na lang po Pasko na. Sa kabila nga po ng pagsubok na ating dinaranas ngayon, huwag nating kalimutang magpasalamat pa rin sa araw-araw nating pagharap sa hamon, muling pagbangon. Mula pa rin po sa PCOO, ako po si USec. Rocky Ignacio.

SEC. ANDANAR:  Hanggang bukas po muli dito lang sa Public Briefing #LagingHandaPh.

 

###

 

 

 

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)