Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar and PCOO Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

SEC. ANDANAR: Magandang araw sa lahat ng mga nakasubaybay sa ating programa sa loob at labas ng bansa, gayun din po sa mga nakatutok ngayon sa ating online streaming. Ako ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar mula sa Presidential Communications Operations Office. Magandang umaga, Rocky.

USEC. IGNACIO: Good morning, Secretary Andanar. Ako naman po si Usec. Rocky Ignacio mula pa rin sa PCOO, at kasama ninyong maghahatid ng mga pinakasariwang impormasyon tungkol sa COVID-19.

Lagi po naming paalala sa lahat na ugaliing magsuot ng face mask, mag-sanitize, i-observe ang physical distancing sa mga kasama; at kung wala naman pong importanteng lakad, manatili na lamang tayo sa ating mga bahay.

SEC. ANDANAR: Basta laging handa at sama-sama, kaya natin ito. Simulan po natin ang ating Public Briefing #LagingHandaPH.

USEC. IGNACIO: As of 4 P.M. kahapon po, September 21, 2020, nakapagtala po ang Department of Health ng karagdagang 3,475 reported COVID-19 cases sa bansa na sa kabuuan po ay umabot na sa 290,190 na kaso, 54,958 po sa bilang na iyan ang nananatiling active cases. Nadagdagan naman ng 40o ang bilang ng recoveries o mga gumaling mula sa sakit na sa kabuuan ay umabot na sa 230,233 habang labinlima naman po ang dumagdag sa mga nasawi na sa kabuuan ay nasa 4,999 na. Bahagyang tumaas ang reported cases kahapon kung ihahambing sa mga nakalipas na araw. On average po ay 3,500 ang kasong naitatala sa kada araw, iyan po ay sa nakalipas na isang linggo.

Kahapon ang pinakamaraming kaso ay naitala sa National Capital Region na umabot sa 1,543, sumunod naman dito ang Batangas na may 194 new cases. One hundred ninety-two (192) na bagong kaso naman ang naitala sa Rizal, samantalang 166 sa Cavite at hindi naman po nalalayo ang Cebu with 165 new cases.

Samantala, mula sa 18.1% ng total cases, umangat sa 18.9% ang active cases na may kabuuang bilang na 54,958; hindi na po kasama diyan ang mga gumaling at nasawi dahil sa COVID-19.

SEC. ANDANAR: Sa mga aktibong kaso, 86.6% dito ay mild cases, 8.9% naman ang walang sintomas, samantalang 1.4% ang severe at 3.1% dito ay nasa kritikal na kundisyon.

Samantala, kami po ay muling nagpapaalala na maging BIDA Solusyon sa COVID-19, kung kayo po ay lalabas ng bahay ay huwag kakalimutan magsuot ng face mask at magdala ng alcohol. Huwag din kakalimutan ang inyong quarantine pass, ganoon din po ang listahan ng inyong bibilhin o mga gagawin sa labas ng bahay. Mainam din na magdala ng bottled water at tissue paper. Mga simpleng hakbang lamang po iyan pero malaki ang maitutulong para labanan ang COVID-19.

Para sa inyong mga katanungan at concerns tungkol sa COVID-19, maaari ninyo pong i-dial ang 02-894-COVID o kaya ay 02-894-26843. Para po naman sa mga PLDT, Smart, Sun at TNT subscribers, i-dial ang 1555. Patuloy rin kayong makibalita sa mga pinagkakatiwalaang sources ng impormasyon tungkol sa COVID-19, maaari ninyong bisitahin ang covid19.gov.ph.

USEC. IGNACIO: Para naman po sa ating mga balita: Sa isang panayam sa radyo kamakailan lang ay sinabi po ni Senator Bong Go na inirekomenda niya kay Pangulong Rodrigo Duterte na huwag limitahan ang pag-iimbestiga sa PhilHealth pagdating isyu ng korapsiyon, bagkus ay isama rin ang iba pang ahensiya ng gobyerno maging ang mga government-owned and controlled corporation o GOCC. Dagdag pa niya na maaari namang atasan ang Office of the Ombudsman, Commission on Audit at ang Civil Service Commission para tumulong sa pag-iimbestiga at pagsuspinde sa sinumang mapapatunayang nagkasala.

Noong September 14 ay inilabas na ang resulta ng imbestigasyon ng anomalya sa PhilHealth kung saan pinatawan ng kaso ang mga opisyales na sangkot dito. Sa kabilang banda, binigyan-diin naman na kailangang magpatupad nang mas mabigat na batas o kaparusahan upang maiwasan na ang mga ganitong uri ng krimen.

SEC. ANDANAR: Samantala, nagpasa naman si Senador Go nang mas pinahusay na panukala na magtatatag sa Department of Overseas Filipinos. Ang panibagong bersiyon ng Senate Bill # 1035 ay layong pagsama-samahin sa iisang departamento ang Office of the Undersecretary for the Migrant Worker’s Affairs, and DFA, ang Commission on Overseas Filipinos, lahat ng POLO o Philippine Overseas Labor Offices at International Labor Affairs Bureau ng DOLE at ang International Social Services Office ng DSWD.

Sakaling maitatag ang Department of Overseas Filipinos ay mas mapapadali na ang pagbibigay ng serbisyo sa ating Overseas Filipino Workers lalo na ngayong patuloy tayong humaharap sa pandemya.

USEC. IGNACIO: Para sa ating mga health workers, good news po: Maaari na po kayong makapag-abroad kahit sa kabila ng umiiral na deployment suspension ng POEA. Sa naging pahayag po ni Senator Bong Go, pumayag ang ating Pangulong Duterte na sila ay makalipad sa ibang bansa basta kumpleto po ang kanilang mga dokumento as of August 31st, 2020. Upang malagpasan ang krisis na ito ay hindi [garbled] ng ating gobyerno ang pagsiserbisyo ng ating mga health workers sa ating bansa. Higit sa lahat, dahil pang-world class po ang kalidad ng serbisyo ng ating mga medical professionals ay malaki umano ang maiaambag nila para masagip ang buhay ng kahit na sinuman at kahit saan man.

SEC. ANDANAR: Silipin naman natin ang pinakahuling balita mula sa Queen City of the South, magbabalita si John Aroa live. Maayong buntag, John.

Wala pa si John Aroa. John, please come in. Ayusin muna natin ang telekomunikasyon natin with John Aroa.

USEC. IGNACIO: Okay. Samantala Secretary, kasama rin natin magbabalita maya-maya sina Ria Arevalo mula po sa Philippine Broadcasting Service at si Julius Pacot naman mula sa PTV Davao.

SEC. ANDANAR: [OFF MIC] sina Senador Sherwin Gatchalian, ang chair ng Senate Education Committee; Pag-IBIG Chief Executive Officer Acmad Rizaldy Moti; at si Ginoong Michael Capati, ang MRT 3 Director for Operations.

Siksik po sa talakayan ang handog namin ngayong Martes dito sa Public Briefing. Makakapanayam din po natin, tulad ng sinabi ko kanina, ang direktor ng operasyon sa MRT 3 na si Michael Capati dahil may good news po sila para sa ating commuters. Magandang umaga po sa inyo, sir.

MR. CAPATI: Magandang umaga Secretary Martin at kay Usec. Rocky po.

SEC. ANDANAR: Noong September 16 po ay ikinabit ninyo po ang karagdagang 21 train coaches sa MRT 3. In total, gaano na po karami ang tren ng MRT 3; at sinasabi ninyo po na ang MRT 3 ang may highest number of running train sa kasaysayan ng bansa?

MR. CAPATI: Opo. Magandang balita po, Secretary, mayroon na po tayong 22 trains po na tumatakbo ngayon, kagabi. Iyon po ang ating record-breaking history sa pagsisimula po ng MRT 3. At iyan po ay magriresulta sa mabilis na pagsakay ng mga mananakay natin sa MRT 3. Iyan po ay nagbunga doon sa magandang maintenance po ng ating tren at sa atin pong rail rehabilitation din po, at mararamdaman na wala na pong masyadong unloading at glitches po sa ating tren.

USEC. IGNACIO: Opo. Direktor Capati, gaano na po karami ang pasahero na maaari pong ma-accommodate natin dito; at gaano po kaikli ang travel time at siyempre po, iyong waiting time?

MR. CAPATI: Sa ngayon po dahil po sa compliance natin ng one-meter social distancing, umaakyat na po tayo sa 67,000 na po ang naisasakay natin sa MRT 3. Ang waiting time po niyan ay naglalaro sa six minutes to six and a half minutes at ang ating capacity po sa ating tren ngayon ay 153 kada train sets po.

SEC. ANDANAR: Sa pagdaragdag natin ng tren, kumusta po ang ating operasyon? Wala naman po tayong nai-encounter na aberya?

DIRECTOR CAPATI: Sa ngayon po, Secretary, mula po noong nag-GCQ tayo wala na pong aberya iyan mula noong June, hanggang sa ngayon po ay zero po ang ating glitches at saka unloading. Iyan po ay dahil sa nakumpuni na po natin iyong riles, so, hindi na po masyadong matatag ang ating tren at maganda po ang maintenance po ng ating mga sasakyan sa ngayon.

USEC. IGNACIO: Opo. Director Capati, unti-unti na po kasing nagbubukas iyong ating ekonomiya at siyempre, iyong iba po pumapasok na rin sa trabaho. So, pagdating po sa safety ng ating mga pasahero, paano naman po natin masisiguro na sumusunod po sila sa heath protocols na ipinatutupad po ninyo?

DIRECTOR CAPATI: Tayo po ay may mga signages na mga health protocols natin diyan, iyan po ay social distancing natin. Mayroon po tayong mga security personnel na nagtse-tsek na bago pumasok sila ay mayroon silang face shield, mayroon pong face mask.

At sa loob naman po ng tren mayroon tayong tinatawag na train marshals para po makapag-comply ang mga pasahero na bawal pong tumanggap o mag-send ng call sa loob ng tren and at the same time nililinis po natin iyong tren natin, may disinfectant po tayo – isa sa Taft Avenue at isa sa po sa North Avenue. Every time po dumadaan sila roon mayroon pong disinfectant ang ating mga tren.

USEC. IGNACIO: Opo. Director Capati, may nagtanong lang po. Nagbubukas po ang MRT anong oras sa umaga at natatapos po ito hanggang anong oras ng gabi po?

DIRECTOR CAPATI: Actually po, ala-singko pa lang nakabukas na po ang MRT natin po at ang huling biyahe po niyan sa Taft Avenue ay alas diez once ng gabi at makakarating po iyan sa North Avenue ng mga bandang 11:11 po.

USEC. IGNACIO: Director Capati, kunin ko na lang po iyong mensahe ninyo sa ating mananakay ng MRT-3.

DIRECTOR CAPATI: Kami po ay natutuwa at marami na po tayong available trains ngayon at kami rin po ay humihingi ng suporta sa mga pasahero natin at sumunod lang po tayo sa ating mga health protocols. Iyan naman po ay in-establish natin po para rin po sa kapakanan nating lahat.

SEC. ANDANAR: Salamat sa inyong panahon, MRT-3 Director for Operations Michael Capati. Mabuhay po kayo! Stay safe po kayo.

DIRECTOR CAPATI: Opo. Maraming salamat in po Secretary Martin and Usec. Rocky.

SEC. ANDANAR: Balikan natin ang mga pinakahuling balita mula sa Cebu. Magbabalita si John Aroa live.

Maayong buntag, John!

[NEWS REPORT BY JOHN AROA]

SEC. ANDANAR: Maraming salamat, John Aroa mula sa PTV-Cebu.

USEC. IGNACIO: At para po sa ating ikalawang panauhin, makakasama po natin si PAGIBIG chief executive officer Acmad Rizaldy Moti.

Good morning po, sir!

PAGIBIG CEO MOTI: Yes… Magandang umaga po, Secretary Martin and USec. Rocky at sa lahat po ng tagapanood po ng ating programa.

USEC. IGNACIO: Opo. Welcome back po dito sa Laging Handa Public Briefing. Sir, isa po sa mga alituntunin na itinakda ng Bayanihan 2 iyon pong pagbibigay ng 60-day grace period po doon sa pagbabayad ng mga loans. Ano na po iyong maitutulong ng grace period na ito na ibibigay ng PAGIBIG fund para po sa mga miyembro?

PAGIBIG CEO MOTI: Opo. Usec. Rocky, tama po iyong sinabi po ninyo. Under Bayanihan to Recover as One, iyon pong Bayanihan 2 natin, nakapaloob po dito iyong 60-day grace period po para po sa lahat ng borrowers po, loan borrowers ng PAGIBIG fund. So, iyong more than four million po na may short term loans at calamity loans at iyong higit 800,000 na housing loan borrowers natin hindi na ho nila kailangang magbayad for the next sixty days o dalawang buwan at automatic po base po sa batas, automatic na hahaba po iyong kanilang loan term nang sixty days or two months.

Iyan po iyong epekto po noon at dito po sa Bayanihan 2, iyon pong sixty days na iyon na palugit, may interest po iyon, iyong tinatawag po na accrued interest na puwede namang bayaran ng ating mga borrowers within the year. Iyong interest portion lang po ang kailangang bayaran. Pero tayo po sa PAGIBIG fund bilang pagtugon po sa pangangailangan ng ating mga miyembro, ang proposal po natin sa board – kasi may board meeting po kami nitong Biyernes – ay payagan rin, parang katulad lang po ng Bayanihan 1.

Iyong accrued interest for two months, imbes na singilin kaagad within the year until December 31, 2020 ay bibigyan po natin ang ating mga borrowers, kung maaprubahan po iyan ng board, and I’m pretty sure po susuportahan po iyan ng ating chairman, si Secretary del Rosario, puwede po nilang bayaran hanggang end of loan term. So, kung may 29 years pa sila to pay eh puwede po nilang bayaran within 29 years para makaluwag-luwag po nang kaunti sa ating mga borrowers.

USEC. IGNACIO: Opo. Nabanggit ninyo nga po itong Bayanihan 1 kung saan nagbigay nga po ng loan moratorium at grace period ang PAGIBIG Fund para sa mga member-borrower. Sa panibago pong pagpatong ng grace period sa Bayanihan 2, hindi po ba ito naman makakaapekto sa pondo ng inyong tanggapan, sir?

PAGIBIG CEO MOTI: Usec. Rocky, definitely may financial impact po iyan sa pondo nating lahat. Alam naman po natin ang PAGIBIG Fund ay pondo ng mga miyembro or workers fund pero ang maganda naman pong nangyari, in the last three years po kasi under the Duterte Administration, eh pinagbuti pa natin na mapatatag or mapalakas lalo ang ating pondo at kayang-kaya naman po natin tulungan lalo ang ating mga miyembro na ngayon, lalo ngayon po ay panahon na sila ay sobrang nangangailangan ng tulong po sa ahensiya, sa PAGIBIG Fund.

So, in terms of total net assets natin, lalo pa po itong lumaki. Noong end of the year po noong December 2019, tayo po ay nasa around 603 billion, ngayon po nasa 640 billion na po tayo as of August. In fact po, it’s an honor for us po na maibahagi sa ating mga miyembro na even our annual audit report galing po sa Commission on Audit ay nakamtan po muli natin ang Unmodified Opinion, pangwalong taon na po ito na tayo ay unmodified o unqualified opinion na ang natanggap natin, iyan po ang pinakamataas na opinion na puwedeng makuha sa Commission on Audit at sinisiguro po natin sa ating mga miyembro, bilang commitment po natin kay mahal na Pangulong Rodrigo Roa Duterte, na for the next two years pa po , hanggang 2020 bale, ay makakakuha pa po muli. Iyan po iyong goal natin, ang unmodified o unqualified opinion po.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir, noong huli po namin kayong nakasama dito sa aming programa, may nabanggit po kayo na may mga borrower po na hindi po nakakabayad sa kanilang monthly amortization, kumusta na po iyong kanilang sitwasyon sa ngayon?

PAGIBIG CEO MOTI: Yes. Usec. Rocky, tulad po ng nabanggit ko noong huli nating pag-uusap, ngayon po iyong panahon para ang PAGIBIG Fund ay paigtingin pa lalo ang tulong nito sa mga miyembro na sila naman ang rason kung bakit lalong tumatag ang pondo in the last three years.

So, lagi po naming binabalikan lahat nang ating mga borrowers lalo na po iyong mga nasa housing loans at pati na rin po iyong mga may multi-purpose at calamity loans na lahat po ng housing loan borrowers natin na performing or updated as of March 17 po bale, noong magkaroon po tayo ng ECQ, mayroon po tayong listahan noon at patuloy po natin silang hinahanapan ng mga pamamaraan po para sila ay lalong matulungan.

Mayroon po naman tayong programa sa PAGIBIG Fund iyong tinatawag po nating loan restructuring. Iyon pong kung sakaling may mga borrowers po tayo na sa kasamaang palad halimbawa ay nagkaroon ng pay cut; kung hindi naman po ay medyo nahihirapan na po sila, dati po siguro ang pinili nilang loan term ay ten years, para po mas makaluwag puwede po silang mag-request ng tinatawag natin na loan term, iyong lengthening of the loan. So, kung gusto nilang mas maluwag muna habang may pandemya puwede nilang i-request na ang loan term po ay tipong from ten years gawing twenty years para mas bumaba iyong buwanang hinuhulugan – puwede po iyon.

At kumbaga p sinasabi natin lahat ng desisyon at lahat ng programang gagawin ng PAGIBIG Fund, tinututukan po natin lahat noong ating mga borrowers lalo na po na iyong mga religiously paying borrowers po natin before the pandemic at sinisiguro po natin ,on behalf pf the management of PAGIBIG Fund, na tayo ay patuloy po na hahanap ng pamamaraan para mapanatili po nila iyon pong kanilang bahay ay patuloy po nilang maging pag-aari at moving forward po ay maka-recover po sila.

Mayroon po tayong inihahanda na programa pong ganiyan.

USEC. IGNACIO: Sir? Opo… nawala sa linya ng ating komunikasyon—

PAGIBIG CEO MOTI: Sorry…

USEC. IGNACIO: Yes. Go ahead, sir. Go ahead, sir.

PAGIBIG CEO MOTI: Yeah, sorry napuputol, Usec. Rocky. So, iyon po, patuloy po namin ano… patuloy po na makakaasa ang ating mga borrowers po ng tulong sa PAGIBIG fund. Lagi po nating sinasabi… kumbaga po ay ngayon po, during these uncertain times we will make sure that your PAGIBIG Fund will be here for you. Iyon po iyong ating commitment po sa ating mga miyembro po.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir, noong November po 2019 ay inanunsiyo ng PAGIBIG Fund board iyong plano pong pagtataas ng monthly contribution ng inyong mga miyembro mula po sa P100 gagawin po itong P150 at ito po ay magiging epektibo sana sa Enero ng taong 2021 ngunit dahil nagkaroon nga po ng pandemya, napagpasyahan po na ipagpaliban muna ito at magkakaroon muna ng konsultasyon sa iba’t ibang grupo tungkol dito. So, ano na po ang nangyari dito, sir?

PAGIBIG CEO MOTI: Yes Usec. Rocky and Sec. Martin, thank you so much for this question. Tama po iyan, ipinag-utos po ng ating chairman ng PAGIBIG fund, si Department of Human Settlement and Urban Development Secretary Eduardo del Rosario na sumangguni muli ang management, kausapin muli ang labor groups at ang employer organizations, iyong Employer Confederation of the Philippines.

Nag-touch base na po tayo sa kanila, halos lahat naman po ng ating mga stakeholders ay nagsabi po na makakatulong daw po iyan kahit papaano sa ating mga manggagawa at sa mga employers, din kung ito po ay puwede nating i-delay. So, iniipon lang po namin iyong lahat po ng consultations na ginagawa natin at ang PAGIBIG Fund naman po, unfortunately po dahil po sa pandemya ay hindi na po natin maaabot iyong gusto sana natin na ang pautang sa pabahay ay umabot ng hundred billion pesos this year, pero dahil po sa pandemya mukhang aabot lang po ito ng 60-70 billion.

So, binisita po natin ang ating projections at ang lumalabas kaya po natin i-delay iyong P50 additional increase po bale buwan-buwan sa January at puwede po nating i-delay iyan ng six months or twelve months.

Pero tatapusin lang po namin pero doon po tayo patungo, mukhang ang lalabas po diyan ay baka ma-delay po—baka po i-delay natin nang up to 12 months so malamang po baka sa 2022 na po siya, January 2022 maging effective po iyong pagtaas po na iyan. Mayroon lang po—kung mabanggit ko lang po, may mga sumulat din po sa atin kasi na ibang labor groups lalo na po iyong mga kaibigan po natin na mga nagtatrabaho po sa gobyerno.

Mukha pong naintindihan po nila na kapag nagtaas po tayo ng P50, ito po ay savings nila at kung may counterpart na P50 galing sa gobyerno, that’s additional P50 po na pera nila. Kaya may mga kaibigan po tayo na mga government employees po na—iyong mga kaibigan po natin sa PGEA [Philippine Government Employees’ Association] na… kumbaga nagtatanong po na baka naman puwedeng mauna daw po iyong government Usec. Rocky.

Pero in terms of financial projections at financial strength, kayang-kaya naman po ng Pag-IBIG Fund na i-delay po ito nang up to 12 months.

USEC. IGNACIO: Naibalita ninyo rin po kamakailan na naglaan po ang Pag-IBIG Fund ng sampung bilyong piso para po doon sa housing construction financing line nito. Para po maliwanagan ang publiko, ano po iyong layunin nito at paano po ito makakatulong sa inyong mga miyembro at sa pagbangon ng ating ekonomiya?

PAGIBIG CEO MOTI: Yes. Usec. Rocky, ang pinakainiiwasan po natin ay tumigil ang ating mga partner-developers sa kanilang paggawa at pag-produce po ng mga affordable housing, iyon pong mga socialized housing na talaga naman po iyong ating mga kababayang Pilipino lalo na po iyong mga nasa—iyong mga kumbaga mga entry level employees ay iyon po ‘yung kanilang binibili. Ang gusto po nating mangyari ay minimal ang maging impact or mapabilis ang pag-recover ng socialized at low cost housing industry dito po sa Pilipinas. So iyong 10 billion po, may nakapag-avail na po na mga partner-developers natin, more than 1 billion na po iyong na-process natin.

At ang plano po dito ay on the supply side, iyong mga developers natin ay patuloy na gagawa ng mga bahay para po hindi magkaroon ng shortage po ‘pag nag-recover na next year or next, next year. So ang pinipigilan po natin ay iyong epekto nito sa 2021 at sa 2022. So patuloy po iyon, iyan po ay nakakatulong kasi para siyang bridge financing sa ating partner-developers at nationwide ay sinulatan natin lahat ng mga good standing developers at pinre-approve na po natin iyong kanilang linya para po diyan para po habang naghahanap sila ng mga borrowers ay mayroon po silang kayang funds na ma-draw.

Ngayon po on the demand side naman po, sa ating mga miyembro at marami po kasi kaming napalitan na medyo nagdalawang-isip kung itutuloy nila iyong planong pagbili ng kanilang dream houses. Ibinaba din po natin iyong ating interest diyan, iyong nagpatakbo pa tayo ng promo rate until December 31, 2020 na ang one year fixing po natin ay nasa 4.9% na lang po at ang ating 3-year fixing ay nasa 5.3% na lang po at ang loan term niyan ay hanggang 30 years. Sinadya po natin iyan para iyong demand naman po sa pabahay ay patuloy na manatili para po huwag mag-slowdown ang industriya.

Sayang po eh, kasi kung hindi nangyari ang pandemic, Usec. Rocky/Sec. Martin, ang plano po originally na kinomit (commit) po natin kay mahal na Pangulo ay 100 billion a year na ang pautang ng Pag-IBIG Fund by 2022. Pero napansin po natin na noong end of 2019 na kakayanin na po natin ito nitong 2020 kaso po eh noong Marso nangyari po itong pandemya kaya nagbago po nang konti iyong mga plano natin.

Pero sinisiguro po natin na iyong Pag-IBIG Fund po nating lahat ay patuloy naman po na tutugon sa pangangailangan po ng ating mga stakeholders, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir, kunin ko na lang iyong panghuli ninyong mensahe para po sa mga member-borrower ninyo.

PAGIBIG CEO MOTI: Yes. Sa lahat po ng ating mga miyembro lalo na po iyong may mga loans po sa atin, lalo na po iyong may mga housing loans makakaasa po kayo lagi ng tulong po galing sa Pag-IBIG Fund. At kami naman pong inyong mga lingkod-Pag-IBIG ay patuloy din pong naghahanap ng pamamaraan para mas makatulong pa. Hinihikayat din po namin lahat po ng ating mga borrowers naman na may kapasidad na magbayad na patuloy na magbayad. At lahat po ay ini-encourage natin na patuloy din pong magbayad kasi po habang tayong lahat ay nagbabayad, mas kayang mapanatili ng Pag-IBIG Fund iyong napakababang interest rates po natin.

So ang panawagan po natin sa lahat noong mga miyembro na may kakayahan na magbayad ay patuloy po tayong magbayad. Iyon naman pong may—iyong mga nangangailangan ng financial help from Pag-IBIG Fund ay makakaasa naman po kayo na ang inyong Pag-IBIG Fund ay naririto lagi. Ang serbisyo po ng Pag-IBIG Fund, ang commitment po natin lagi ay iyong tinatawag na ‘Lingkod Pag-IBIG, Tapat na Serbisyo Mula sa Puso’. Thank you so much, Usec. Rocky/Sec. Martin.

USEC. IGNACIO: Opo. More power po sa inyong ahensiya. Maraming salamat po sa pagpapaunlak na makausap namin kayo dito, Pag-IBIG Chief Executive Officer Acmad Rizaldy Moti. Salamat po.

SEC. ANDANAR: Kahapon ay ginanap ang State Universities and Colleges at Commission on Higher Education budget deliberation sa Senado. Upang bigyan tayo ng updates ay makakapanayam po natin ang Chairman on Senate Education Committee, si Senator Sherwin Gatchalian. Magandang umaga po sa inyo, Senator Gatchalian.

SENATOR GATCHALIAN: Martin, magandang umaga at magandang umaga kay Usec. Rocky. Magandang umaga po sa ating mga televiewers.

SEC. ANDANAR: Senator, sa ginanap na budget hearing kahapon ay inihayag ni CHEd Chairperson Popoy de Vera na kinakailangan ng 4 to 6 billion pesos upang ma-expand po ng mga unibersidad sa bansa ang pagtuturo ng medical degree courses sa ilalim ng Doktor Para sa Bayan Act. Kung sakali po na ito ay maisabatas, saan po natin kukunin iyong pondo para dito?

SENATOR GATCHALIAN: Sec. Martin, ang direksiyon po ng Senado ay padamihin ang bilang ng doktor at padamihin ang bilang po ng mga medical practitioners sa ating bansa. At isa pong nakitang problema dito sa ating bansa ay ito iyong kakulangan ng medical schools. Marami sa ating mga bata gustong mag-aral ng medicine o kumuha ng medisina pero walang medical school na malapit sa kanila at magastos kung sila ay luluwas pa sa mga siyudad o pupunta ng Metro Manila.

So isa sa mga hakbang na itinutulak ng Senado ay iyong batas na ang tawag ay [garbled] Law. Ito po ay ini-sponsor ni Senator Joel Villanueva at itinutulak po ngayon ng Senado para maging ganap na batas. At ang intensiyon ho nito ay mapadami pa ang bilang ng doktor at nurses sa ating bansa at dahil nga dito sa pandemyang ito nakita natin na malaki ang pagkukulang at malaking responsibilidad ang ginagampanan po ng ating mga medical frontliners.

Pero nakita rin namin Martin na malaking pondo rin ang gagamitin at malaking pondo rin ang kakailanganin para mapadami po ang medical schools sa ating bansa – at hindi lang medical schools, kung hindi po iyong scholarship program ‘no. Pero kami po ay gagawin ho namin ang aming makakaya para masiguradong mapondohan ito at ito po ay isang bagay na mahalaga sa ating bansa dahil importante na mayroon ho tayong mga doktor sa bawat bayan at sa bawat sulok ho ng ating bansa.

SEC. ANDANAR: Kamakailan lang din po ay inaprubahan sa Bicameral Conference Committee ang panukalang batas na mag-i-institutionalize ng Alternative Learning System o ALS sa ilalim ng Department of Education. Senator Gatchalian, paano po nito matutugunan ang mga pangangailangan sa edukasyon sa kabila ng banta ng COVID-19 at anu-ano po ang mga teaching method na gagamitin?

SENATOR GATCHALIAN: Martin, itong batas na ito ay perfect timing ano dahil doon sa pagdinig namin noong isang linggo ay nalaman namin na mahigit 2.3 million na mga estudyante hindi nag-enroll this coming school year. At itong 2.3 million students, marami dito siguro nagtrabaho na, marami ay huminto ng pag-aaral dahil sa kakulangan ng pondo. At dito po papasok iyong Alternative Learning System dahil ang Alternative Learning System ay isang para para makuha ng isang bata iyong kaniyang equivalency test at accreditation na ang ibig sabihin nito ay katumbas ng isang high school diploma na magagamit niya sa patuloy na pag-aaral sa kolehiyo o kung gusto niyang magtrabaho, ang tingin sa kaniya ay at least high school graduate at mas mataas ang kaniyang suweldo.

So ang ALS system ay isang paraan para mabigyan ng tinatawag pong second chance iyong mga batang nag-dropout, iyong mga out-of-school youth na napilitan pong magtrabaho at gustong bumalik ng pag-aaral. At ang methodology ho dito ay ipa-pattern din natin sa mangyayari ngayon ‘no tulad po ng distance learning – marami sa ating mga ALS ay hindi rin makalabas ng kanilang bahay ‘no tulad ng mga out-of-school youth kaya gagamit rin ho tayo dito ng online, gagamit rin po ng mga self-learning modules na puwede nilang gamitin at mag-aral ho sa bahay.

SEC. ANDANAR: Sa tuluyang pagsasabatas po ng Bayanihan 2 ay 300 million pesos ang nakalaan para sa pagbibigay ng tulong pinansiyal lalo na sa mga guro at non-teaching personnel na nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19. Kumusta na po ang coordination natin sa DepEd regarding dito, Senator?

SENATOR GATCHALIAN: Ito pong P300 million na ibibigay po sa teaching and non-teaching staff na nawalan po ng trabaho, kasama po dito ang DepEd at ang CHED. At ang nakikita naming formula ay 50/50 po sila doon, ngunit mas marami po sa CHED ang mga guro. Pero marami din po tayong mga SUCs at mga LUCs na mayroong senior high school na nabawasan rin po iyong kanilang scholarship—nabawasan iyong kanilang enrollment po doon. Kaya ang naririnig naming formula sa DepEd at saka sa CHED ay gagawing 50/50 iyong pagbibigay ng tulong, 50% sa basic education at 50% sa higher education.

Ngayon ang aming itinutulak ay bilisan iyong implementing rules, dahil nga nasabi ko nga kanina, mayroon tayong 2.3 million students na hindi nag-enroll sa private school, iyan po ay kulang-kulang mga nasa 50,000 na mga estudyante ang hindi nag-enroll. At ini-estimate namin na iyon ay mga closed to about 4,000 teachers and non-teaching staffs sa private schools na nawalan ng trabah0 at ito iyong kailangan nating matulungan, bigyan sila ng trabaho sa DepEd dahil may mga opening sa DepEd o iyong iba naman ay mabigyan po natin ng suporta habang naghahanap po sila ng tulong.

SEC. ANDANAR: Sinabi ninyo rin po na para mas smooth ang distribution nito ay kailangan ng database para ma-identify iyong mga individual na nawalan ng trabaho. Kumusta po ang update dito, Senator Gatchalian?

SENATOR GATCHALIAN: Opo, Martin dahil nationwide ito. Pinag-uusapan natin dito ay nationwide at minungkahi po natin sa DepEd na magkaroon ng database para maging malinis at maayos iyong pagbibigay ng tulong at hindi magdoble-doble. Itong database dapat din po i-coordinate sa DSWD dahil baka magdoble iyong binibigyan ng DSWD at magdoble rin po sa ibibigay po ng Department of Education. So importante na ang listahan ay malinis at maayos.

SEC. ANDANAR: Paano naman natin mabibigyan ng ayuda iyong mga guro na nawalan ng trabaho na nasa mga liblib na lugar ng bansa, Senator?

SENATOR GATCHALIAN: Martin, mayroong mga close to more or less mga 30,000 na available teaching and non-teaching staff sa DepEd na puwede nilang pasukan. At dahil nga sa pandemya, marami dito ay hindi na po itinuloy ng DepEd ano, dahil nga hindi nga tayo magpi-face-to-face learning. Pero ganoon pa man, dahil nga magbubukas na rin tayo ng distance learning kakailanganin pa rin ng tao.

So, hinihikayat ko ang ating mga guro at non-teaching staff na nawalan po ng trabaho, mag-apply po sa DepEd at iyon rin po ang itinutulak namin sa DepEd na mabilis iyong kanilang hiring process. Dahil ito ay isang uri ng stimulus program. Iyong pondo nandoon, iyong pampasuweldo nandoon na. Kung mabibigay natin iyan sa ating mga kababayan, mas mabilis pong umusad ang ating ekonomiya dahil magagamit nila iyong suweldong nakalaan na po.

SEC. ANDANAR: Pagdating naman po sa kapakanan ng ating mga guro, kumusta na po ang pagpapaigting ng pagpapatupad ng magna carta for public school teachers, lalo na ngayong may pandemic?

SENATOR GATCHALIAN: Martin, marami tayong mga provision sa magna carta for public school teachers ang hindi pa naiimplementa. Ito matagal na ho, almost 30 plus years na itong batas na ito at magkakaroon po tayo ng isang review na magna carta for teachers at magkakaroon tayo ng review on the education course o iyong kurso ng edukasyon na itinuturo po sa mga kolehiyo natin, dahil ito ay nakakaapekto rin ng quality ng education natin.

Martin, ngayon ay Teacher’s month at by October 5, it will be iyong World Teacher’s Day at bilang pugay sa ating mga guro, magkakaroon po kami ng isang pagdinig tungkol sa teacher education, teacher training at sa magna carta for teachers, para makita natin ng komprehensibo at mabuti po iyong mga pagkukulang sa pag-iimplementa ng batas at kung ano pa ang kailangan natin para tumaas po ang antas ng pagtuturo sa ating mga future teachers.

SEC. ANDANAR: Senator, ano po ang kanilang mensahe sa publiko before we let you go, sir?

SENATOR GATCHALIAN: Martin, unang-una maraming salamat sa maganda nating panayam. At sa ating mga magulang, gusto ko silang bigyan ng paalala na ang pagbubukas po ng klase ay October. At kailangang-kailangan po ang gabay at tulong po ng ating mga magulang dahil itong pagbubukas natin ay gagamit po ng mga modules na gagamitin ng mga bata sa pag-aaral sa kanilang mga tahanan. Kaya importante po iyong partisipasyon ng ating mga magulang. Alam ko po very challenging, malaki po ang hamon, malaki po ang adjustment na gagawin po natin, pero ito po ay para sa kabutihan ng kanilang mga anak at importante po na maging hands-on at aktibo po ang ating mga magulang sa pagtuturo po ng kanilang mga anak.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat po sa inyong panahon, Senator Sherwin Gatchalian, mabuhay po kayo, sir.

SENATOR GATCHALIAN: Maraming salamat, Sec. Martin.

USEC. IGNACIO: Samantala, puntahan naman natin ang mga balitang nakalap ng ating mga kasamahan mula sa Philippine Broadcasting Service. Ihahatid iyan ni Ria Arevalo. Ria?

(NEWS REPORTING)

USEC. IGNACIO: Maraming salamat, Ria Arevalo ng PBS-Radyo Pilipinas.

SEC. ANDANAR: Magbabalita naman mula sa Davao City, si Julius Pacot, Julius maayong buntag.

(NEWS REPORTING)

SEC. ANDANAR: Daghang salamat Julius Pacot ng PTV-Davao.

USEC. IGNACIO: Pasalamatan din natin ang ating mga partner agency para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas. Salamat din po sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19, mabuhay po kayo.

SEC. ANDANAR: Diyan nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Muli’t muli po ang aming paalala, be the part of the solution – wear mask, wash hands, keep distance, stay at home. Ako po si Secretary Andanar mula sa PCOO.

USEC. IGNACIO: Secretary, 94 days na lang po at Pasko na. Mula pa rin po sa PCOO ako naman po si Usec. Rocky Ignacio.

SEC. ANDANAR: Samahan po ninyo kami bukas dito sa public briefing #LagingHandaPH.

##

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)