Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar and PCOO Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location People’s Television Network, Inc. (PTV), Quezon City

SEC. ANDANAR: Magandang umaga, Pilipinas.

Mahahalagang balita at impormasyon ukol sa ating laban kontra COVID-19 ang inyong matutunghayan ngayong Huwebes, unang araw ng Oktubre. Good morning, Rocky.

USEC. IGNACIO: Good morning, Secretary Martin. Kasama ang iba’t ibang mga kawani ng pamahalaan, samahan ninyo kami sa isang makabuluhang talakayan. Ako po si Usec. Rocky Ignacio.

SEC. ANDANAR: At ako po naman si Secretary Martin Andanar; ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Upang sumagot sa mga tanong ng bayan, maya-maya lamang ay makakasama natin sa programa sina Department of Trade and Industry Secretary Ramon Lopez, Philippine National Police Spokesperson Ysmael Yu, at Secretary Carlito Galvez ng National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer.

USEC. IGNACIO: Makakasama rin natin sa paghahatid ng ulat ang mga PTV correspondents mula po sa iba’t ibang probinsiya at ang Philippine Broadcasting Service.

Samantala, para naman sa inyong mga katanungan, maaari kayong mag-comment sa live streaming ng ating programa sa PTV Facebook Page.

At para po sa unang balita: Pinuri po ni Senator Bong Go ang Balik Probinsiya, Bagong Pag-asa Council Member Agencies para sa kanilang patuloy na commitment na makapagbigay ng economic opportunities at bagong pag-asa na magkaroon nang mas maayos na buhay ang mga Pilipinong nais bumalik sa kanilang mga probinsiya.

Sa kaniyang naging pahayag, sinabi ng Senador na sa ilalim ng BP2 ay babalansehin ang pag-unlad at paramihin ang mga oportunidad sa mga rehiyon. Dagdag pa niya, magtutulungan ang iba’t ibang ahensiya gaya ng DTI, NHA, DSWD at iba pa upang makapaghatid ng tulong at kabuhayan sa mga Pilipino.

Kaugnay niyan, 33 beneficiaries ang napagkalooban ng livelihood starter kits sa pamamagitan ng Kabuhayan Program ng DOLE. Ang NHA naman, katuwang ang DHSUD, ay nagplano na makapagtayo ng low-cost houses para po sa mga kwalipikadong benepisyaryo, habang ang DAR naman ay naghahanda ng public lands nationwide na maaaring magamit sa land distribution o housing projects.

Samantala, nagpahayag naman ng suporta si Senator Bong Go sa DOST at Philippine Space Agency kaugnay sa panukala nito na 2021 budget. Hinikayat ng Senador na siguruhin ng DOST na ligtas ang vaccine bilang in-charge sa clinical trials para sa COVID-19 vaccine sa bansa.

Ayon kay DOST Secretary Fortunato Dela Peña, kapag na-release ng WHO ang bakuna at mga protocols kaugnay dito, maaari nang makapagsimula ang Pilipinas na makapag-recruit ng pasyenteng maaaring mag-participate sa trials ngayong Oktubre.

Nagpahayag din ng pagsuporta si Senator Bong Go sa Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises o CREATE Bill. Aniya, ang panukalang tax reform measure ay naglalayong maaabot ang mabilis na equitable regional development at makapagbigay ng economic opportunities sa mga probinsiya sa pamamagitan ng paghikayat sa mga negosyo na mag-invest sa kanayunan.

Ang nasabing panukala ay sinisiguro ang mga incentives na ibibigay sa mga investors ay performance-based, time-bound, targeted at transparent.

Ayon naman kay Senator Pia Cayetano, malaking tulong sa mga negosyo kung mapapaaga ang pag-apruba ni Pangulong Duterte na mapababa ang corporate tax from 30% to 25% dahil maaari na silang mag-benefit dito sa susunod na taon.

At sa iba pang balita, mahigit isanlibong tsuper ng dyip na apektado ng pansamantalang suspensyon ng public transportation sa Metro Manila ang nakatanggap naman po ng tulong mula sa PAGCOR at FBM Gaming ang Amusement Philippines. Sila po ay nagbigay ng essential kits tulad ng pagkain, facemasks at alcohol gel sa mga tsuper ng dyip sa Parañaque at Pasay City.

SEC. ANDANAR: Samantala, upang kumustahin ang lagay ng pagnenegosyo sa bansa sa kabila po ng pandemya, makakausap natin ngayon si Secretary Ramon Lopez ng DTI. Magandang umaga po sa inyong, Secretary Mon.

SEC. LOPEZ: Good morning, Sec. Martin at saka kay Usec. Rocky. Good morning po sa inyong lahat, sa mga nanunood.

SEC. ANDANAR: Sec., isinusulong po ni Senador Koko Pimentel sa DTI ang pagkakaroon ng online shopping platform exclusive para sa mga produktong Pinoy. Ano po ang masasabi ninyo tungkol dito; sakaling matuloy po ito, gaano po kalaki ang maitutulong nito para sa mga local producers sa bansa?

SEC. LOPEZ: Malaki po ang maitutulong niyan, Sec. Martin. Actually, align na align po kami diyan nila Senator Koko Pimentel dahil alam niya po iyong ating pagtulak talaga sa pagbigay ng exposure sa ating mga Micro-SME products.

Actually ho, naumpisahan na namin ito pagdating sa mga physical stores na nagki-carry ng mga MSME products. Iyong ating mga Go Lokal!; mga OTOP Hub, ito po iyong mga stores na nasa smalls o kaya nasa mga pasalubong center area, mga airport na nagki-carry ito lahat ng SME products natin.

At nag-umpisa na rin tayong mag-create ng mga virtual, digital platform para nga dito sa MSME products. Kaya pabor na pabor po kami sa panukala po ni Senator Koko, ang pag-iisahin natin iyong mga project na ganito.

In fact, ang DOST rin, mayroon din silang nasimulan din na parang digital platform. At kami rin po ay nakipag-ugnayan doon at they carry also SME products. So the whole of government, whole of nation approach po tayo rito.

Malaki hong tulong ito sa SME dahil hindi lang iyong mga kapitbahay nila ang nabebentahan nila, actually nai-expand ang reach ng kanilang mga merkado kapag sila po ay nai-post dito. At marami tayong seminars din po para dito, matuto iyong mga SME natin kung paano magbenta sa online, sa mga digital platform din po.

SEC. ANDANAR: Ngayon mas marami na po ang pinapayagang magbukas ng establisyimento sa bansa. Unti-unti na rin pong nakaka-recover kaya ang mga negosyo sa bansa partikular iyong mga MSMEs?

SEC. LOPEZ: Yeah, oo, Sec. Martin. Actually, isang good news na pumasok ngayong umaga ay iyong ating manufacturing index, ito iyong tinatawag na PMI or Purchasing Managers’ Index. Any number above 50, ibig sabihin ay naggu-grow ito versus the previous period; at any number below 50 ay nagku-contract.

As you know, noong tayo po, ang Pilipinas, parati po tayong… pre-pandemic, parati po tayong nasa mga 50 to 53, minsan nag-57 pa tayo. Pero recently—nag-a-average naman tayo ng mga 50 t0 53 po diyan; pero noong nag-ECQ, noong nag-lockdown, iyan po ay bumagsak to 32, so way below 50. Pero after a few months na nag-o-open up tayo ng mga sektor at bumababa rin iyong community quarantine, ito pong numero na mga 32, unti-unting umakyat na sa 47, 48 at 49. As of this morning, 50 na po tayo – I’m sorry, 50.1 ang PMI.

So ibig sabihin lang po ay nakikita natin iyong unti-unting recovery ng ating economy hanggang po tayo ay unti-unting nagbubukas, nagre-reopen. Iyong ating unemployment din po ay bumaba, from 17.7—alam ninyo po dati ay nasa 5% lang tayo, umakyat sa 17.7. Ngayon po, iyong huling talaan noong July ay 10%, so mataas pa iyan pero at least ho nakita na natin iyong kaunting pagbaba from 17.7.

At mayroon pang ibang indicators, pati exports. Iyong malaking decline ay naging single digit decline. So hopefully, on the way up, tuluy-tuloy na. That’s the reason, Sec. Martin, na kailangang ipagpatuloy natin itong reopening. Kahit under GCQ ay may mga panukala tayo na mag-reopen pa ng remaining sectors na nakasarado.

SEC. ANDANAR: Ngayong pandemic, online transaction po ang pinakapatok dahil sa pagiging safe nito dahil naiiwasan po ang face-to-face contact. Kaugnay diyan, kaliwa’t kanan din po iyong mga complaints ng ating mga kababayan. Ano po ba iyong reklamo na inilalapit po sa inyo sa DTI?

SEC. LOPEZ: Well, marami ho dito iyong hindi iyong ini-expect na produkto na minsan below standard or madaling masira or iba ang specs na dumating, iyon po iyong mga typical complaints at iyon naman po ay naaaksiyunan. Actually, again statistics ano… mga dati iyan 1,000 ang complaints naging 12,000 na iyan dahil lumago talaga itong e-commerce system pero lumago rin iyong mga consumer complaints.

Pero ito naman po naaaksiyunan natin, over 90% po ang action rate natin diyan dahil mabilis ho, may ugnayan tayo sa mga iba-ibang agencies kung saan nagpo-fall iyong mga produkto na iyon. For example, mga pharmaceutical, health products at even food products, sa FDA din po kasama natin diyan. Tapos kapag mga pagdating sa standards siyempre under BPS (Bureau of Philippine Standards), ina-address din po natin iyan. At iyong mga iba-iba pang produkto diyan – telco-related, iyan po ay with NTC. So, naaaksiyunan naman po ito pero marami hong complaints talaga because of this online resurgence.

SEC. ANDANAR: Paano naman po sinisiguro ng DTI ang kaligtasan ng mga consumer at maging mga online sellers, ngayong panahon ng pandemya? Saan po sila maaaring lumapit, Sec. Mon?

SEC. LOPEZ: Doon po sa hotline natin lahat po doon tumatawag – 1384. Iyon po ang hotline po ng mga consumers whether po online sila bumili or sa mga tindahan sila bumili. So, doon lang po tumatawag at naaaksiyunan po kaagad ito.

SEC. ANDANAR: Sec. Mon, isinusulong din po ni Senador Pia Cayetano ang pagpasa ng CREATE Bill. Paano po ba ito makatutulong sa muling paglago ng ating ekonomiya lalong-lalo na sa mga existing businesses?

SEC. LOPEZ: Ito po, malaking tulong ho ito kaya ito ay fully supported po ng DTI at ng mga attached agencies po ng DTI. So, ito po ay unang-una, malaki ang pagbaba sa taxes – corporate income tax rate. Sa mga ASEAN regions—sa ASEAN regions, ang mga countries dito tayo na ang may pinakamataas na tax rate at 30%. Kaya sa pagbaba nito sa 25% immediately upon passage of the bill at further down to 20% magiging mas comparative—competitive na ang ating corporate income tax rate.

Isa pa, sinisigurado nito iyong stable investment environment. Hanggang hindi kasi naipapasa itong CREATE Bill, maraming mga nag-aalinlangan na foreign investors or mga investors na kailan ba sila magre-register dito, hintayin pa muna nila itong bagong incentive regime, bagong regime na ito or mag-invest na sila ngayon? Kaya ho amin hong talagang isinusulong na sana po ay maipasa kaagad ito para mawala iyong uncertainty dito sa mga katanungan, alinlangan pagdating sa investment incentive environment.

And ang CREATE, again uulitin po natin, na ito po ay will ensure, will continue iyong granting noong fiscal incentives dahil ang worry ng iba akala tatanggalin. Hindi po, itutuloy po ito. Ang ginawa lang po, ginawang time-bound at pagdating naman doon sa mga existing, isa pong maganda sa version ngayon ay tinagalan iyong transition period. Hindi po immediately ika-cut iyong incentive.

And it is performance-based, in other words, kung iyong investment ay high export-oriented like 100% puwede pang mas matagal ang transition up to nine years. Dati ho kasi ang pinakamatagal na transition, five years – two to five years ang transition. Ngayon po ay five years to nine years, so, humaba na nang humaba itong transition para talagang hindi nila masabing biglaan ang mga pagbabago dito sa reporma na ito.

Ito po ay reporma dahil kino-correct din po iyong dating system. May mga ibang ahensiya na nagbibigay ng indefinite na incentives. Tayo po ay pabor naman sa pagbigay ng time-bound incentives. Ibig sabihin, whether that’s ten years or nine years, iyan po ang itatagal ng mga incentives po dito sa ating bayan lalo na for new projects. This can be up to ten years ho, so, kasama pa rin iyan sa CREATE.

USEC. IGNACIO: Opo. Good morning po, Secretary Lopez. Bigyan-daan lang po natin iyong katanungan ng ating kasamahan sa media. Tanong ni Reymund Tinaza ng Bombo Radyo: Ano po ang masasabi ninyo sa pahayag ng Metro Manila Council na tutol sila sa kagustuhan ng mga negosyante na gawing 100% operational na ang mga negosyo sa Metro Manila?

SEC. LOPEZ: Actually, ang atin pong binubuksan ay iyong mga partially opened na, na mga safe naman na mga businesses. So, hindi po sana mag-aalala ang ating mga mayors dahil kung titingnan natin, ito hong mga sector na ito, ito iyong mga services na legal, accounting, mga consultancies, architecture services, engineering services. So, iyong 50% na ina-allow ngayon ay simpleng gagawing 100%.

So, iyon naman po ay puwede naman hong ma-authorize iyan ng DTI na bigyan po ng authority ng IATF ang DTI para maggawa ng adjustment nito at nakita naman natin sa pag-reopen din ng mga sector na ito ay ang mga numero ho ngayon natin sa mga statistics natin ay continuously nag-i-improve naman ho. Significantly nag-improve iyong ating mga R0 (R-naught), iyong mga growth rate ng mga cases week on week or two weeks versus two weeks. So, masasabi naman natin na talagang safely naman ang reopening and it’s about time.

Narinig po natin iyong survey na lumabas two days ago na malaki pa rin iyong hunger dito sa ating bayan. Iyong atin pong business confidence mas bumaba po, so, that can mean job losses again in the future kaya ho kailangan maalalayan natin ang economy at hindi ho tuluy-tuloy bumagsak. At iyan po ay sa pamamagitan ng pag-reopen pa para lang magkatrabaho iyong mga dapat magtrabaho at magkaroon ng income at ma-resuscitate iyong demand, mare-stimulate iyong demand dahil kapag may income ang tao mayroon hong panggastos at iyan ho iyong importante – ma-save iyong trabaho nila at makabalik sila sa trabaho at sa kanilang mga kita.

So, very important po na talagang ituloy natin ang gradual reopening and safe reopening. Hindi po ibig sabihin nito ay luluwag ang implementation ng ating minimum health protocol. In fact, mas istrikto pa ho – pumila kayo, tracing the positive, may contact tracing, may testing, tuluy-tuloy po iyon – and minimum health standard. In fact, naka-improve pa nga from face mask, nag-face shield tayo at lahat po gumaganda iyong mga numero.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, may isa pang tanong po. Mula naman po kay Joey Gilas po ito ng PTV. Ang tanong po niya: Between now and the end of October, is it safe to assume that all businesses now operating at 30% will be allowed to operate at full or a higher level of capacity?

SEC. LOPEZ: Hindi po lahat. Ang iniwan po natin, hindi naman ho natin ginagalaw iyong unang-una, iyong mga now under MGCQ na bubuksan sana na sector tulad ng mga cinemas or, iilan na lang iyon. Iyong mga tourism, under MGCQ po iyon hindi ho natin ginagalaw. Ang ginagalaw lang iyong mga allowed na rin sa GCQ, allowed na sa GCQ na 50% ay ini-enhance lang natin to 100%.

So, iyon po iyong safe na pag-reopen naman natin, in fact, iyong huli nating batch na mga in-open tulad ng mga internet, mga gym, sports facilities, hindi ho natin ginagalaw ho for now iyon, iyon pa rin muna kahit bagong reopen sila. And if you will recall, ito po ay iniwan na natin sa mga LGUs. Sila na po ang magdi-determine ngayon kung up to what extent nila bubuksan iyon.

Pati rin ho ito sa restaurants, iyong mga dine-in, ngayon po nasa 50% na naman sila at nakita naman natin wala namang nag-o-outbreak. Kaya ho kasama dito sa ii-isyu po ng DTI is to allow and to request iyong ating mga LGUs, sila na ang mag-determine from 50 to 100. Anong percent nila ii-increase ang mga restaurants sa kani-kanilang lugar dahil iba-iba ho iyong situations sa bawat lugar po lalo na dito sa NCR, kaya we leave it to the mayors.

We leave it to them kung anong menu ang ai-allow nila, kung may limit ba o kaya ay pati iyong opening, iyong operating hours, ang isa lang sinasabi ho namin dito, i-allow na iyong restaurant. Iyong mga gustong magbukas after curfew, in other words tanggalin na iyong curfew pagdating sa mga food establishment dahil ito po, they serve iyong mga APORs, they serve iyong mga nagtatrabaho.

So, may mga night shift, may mga nagtatrabaho pa rin kahit midnight, lampas midnight. Kaya sabi natin part of gradual reopening iyong mga restaurant o fastfood na gustong magbukas after midnight ay i-allow na rin kasi safe naman. Wala naman tayong binibitawang mga minimum health protocols, tuluy-tuloy pa rin naman iyong enforcement.

Nothing will change kung hindi lang po—iyong allowing them to open dahil ito naman ay para sa kapakanan ng ating mga mamamayan na may mga kainan pa rin, so may dine-in. Pero iyong delivery alam po natin ni-liberalize na iyan ng ating mga mayors mula 24/7 iyong deliveries, so, okay na po tayo doon. Iyon na lang dine-in ang kailangang mai-allow pa. And bahala na, we leave it to the mayors iyong kanilang pag-open diyan sa operating hours.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po, DTI Secretary Ramon Lopez. Stay safe, Secretary.

DTI SEC. LOPEZ: Okay. Thank you po. Salamat po. Mabuhay po.

USEC. IGNACIO: Samantala, upang magbigay naman po ng update kaugnay sa paghahanda ng PNP sa muling pagbabalik ng provincial buses sa bansa, makakausap natin sa puntong ito si PNP Spokesperson Police Colonel Ysmael Yu. Good morning po.

PNP SPOX PCOL. YU: Magandang umaga po Ma’am Rocky at saka po kay Sir Martin.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir, nagsimula nga po iyong pagbabalik ng ilang mga ruta para po sa mga provincial buses na bibiyahe. So paano po naghanda ang PNP para po mapanatili iyong seguridad at kaayusan sa mga bus terminals?

PNP SPOX PCOL. YU: Ma’am, dati naman natin ‘tong ginagawa so hindi na ito bago sa amin. Ang nagpabago lang ay itong mga new normal natin. So back to work kami, back to the usual enforcement facilitation – kami ang tagapangasiwa tungkol dito – para maging maayos ang pag-implement ng ating mga regulations.

USEC. IGNACIO: Kumusta naman po iyong imbestigasyon ng PNP kaugnay po doon sa mga tinanggal na Facebook accounts na nag-link diumano sa PNP at AFP, sir?

PNP SPOX PCOL. YU: Ma’am, kung tinanggal po talaga ng Facebook ang PNP account eh wala na po kaming PNP account ngayon because we have only one account – ang DPCR account namin sa Facebook which is PNP sanctioned and we have 1 point [garbled] followers.

USEC. IGNACIO: Opo. Sa ngayon sir, gaano na po karami iyong mga tinamaan ng COVID-19 sa hanay ng PNP? May mga naka-recover na ba at muling nakabalik na sa kanilang duty? Kasi sir ang alam ko iyong mga trainees dito naka-deploy sa Baguio medyo marami po ito. Kumusta na po sila?

PNP SPOX PCOL. YU: Sa ngayon ma’am, reported as of 30 September, kahapon 6 P.M., we have 5,990 total number of cases. So ang active cases sa ngayon is 1,189. So ang mga recoveries naman natin is 4,784 with 75 new recoveries at wala tayong—we have 17 death pero iyong bagong mortality zero na tayo. As of today, cases reported ay 61.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero iyon pong mga police trainees na nandoon po sa Baguio, kumusta na po sila sir?

PNP SPOX PCOL. YU: Pardon, ma’am…

USEC. IGNACIO: Iyong mga trainees po, iyon pong mga police trainee o PNP na nandoon po na naka-deploy sa Baguio, kumusta na po sila? Na-test po kasi yata silang positive?

PNP SPOX PCOL. YU: Yes, ma’am. Actually ma’am we are still getting the latest update of PRO-COR para po mai-coincide natin dito sa ating ano—dahil sa—as of now we’re still on the process of getting the real numbers as of this time. So I will get back to that question in case the feedback is obtained.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir, mahigit anim na buwan na po tayong nakailalim sa community quarantine. So ano naman po iyong naging observation ninyo pagdating doon sa crime rate sa buong bansa at ano po iyong kadalasang niri-report o natatanggap ninyong report at paano ito [garbled] ng PNP?

PNP SPOX PCOL. YU: 6 months… 6 months to 7 months crime rate, bumaba po ang crime rate natin lalo na sa index crimes. Medyo tumaas po ang ating non-index crimes at dito po ay isang indication po na iyong mga kababayan natin talaga ay nag-a-adjust pa doon sa kasunod. But when in comes to index ma’am, talagang bumaba po kaya—dahil ang kliyente po nila ay—iyong binibiktima sa Manila sa dating normal at lalo na ang akyat-bahay, hindi makaakyat ng bahay dahil lahat is at home.

So iyon po iyong mga naging positive natin sa ano—and then of course the outlaws, itong mga masasamang loob natin na talagang gustong maghasik ng krimen at manggulo at lalo na iyong doon sa hurt and gain nagkakasakit din ‘no, tinatamaan din sila. Nobody is exempted with the unseen enemies. So refrained lahat talaga, protektado lahat including them.

USEC. IGNACIO: Colonel, may tanong po dito iyong ating kasamahan na si Tuesday Niu sa DZBB. Ang tanong po niya para sa inyo: Bakit po kinakailangan pang magpa-schedule sa inyo ng two days prior para sa media interview? Mahalaga ngayong panahon nang may pandemya ang sense of urgency at kailangan din agad ang follow up po sa inyo kung may breaking o developing story.

PNP SPOX PCOL. YU: The standing rule has been with us since then—since I assumed position that is the standing rule. But of course I can still reach out anytime of the day whatever they like as long as we will be able to convey our information to educate the public pertaining to law enforcement and peace and order process of course.

USEC. IGNACIO: Opo. May pahabol siyang tanong, si Tuesday Niu ng DZBB: Kung alam daw po ni PNP Chief Cascolan ang inilabas ninyong sistemang ito para po sa media interview?

PNP SPOX PCOL. YU: He is my Commanding General, anything that I do with all these intention, he knows it.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir, kumusta naman daw po iyong paghahanda ng PNP ngayong nagbukas na po ang turismo natin? Siyempre may mga gagawin po ang PNP to ensure pa rin po iyong kaligtasan ng ating mga turista. So ano daw pong kahandaan ang ginawa ninyo tungkol dito?

PNP SPOX PCOL. YU: Hindi na rin po ito bago sa PNP, ma’am. Nahinto lang po ito dahil dito sa pandemya.

Dating gawi po – balik po sa dating trabaho, balik po sa dating control points sa ating tourist assistance desk. Lahat po ng mga tourist police natin ay naghahanda na po. Concerned regions, police regional offices are already ready to receive our visitors from other places who wants to see the beauty of the Philippines that shines on them.

USEC. IGNACIO: Okay. Ano na lang po ang mensahe ninyo sa ating mga kababayan, sir?

PNP SPOX PCOL. YU: Madam, pinagdaanan na natin ito, lahat tayo so isa lang po ang sinasabi ng ating Presidente. Unang-una ay sumunod; pangalawa, magkaroon ng disiplina; pangatlo, umayon kung ano po ang nakakabuti sa lahat lalo na sa ating sarili, sa ating pamilya, sa ating barangay, sa ating bayan at sa ating buong Pilipinas. Iyon lamang po at–

USEC. IGNACIO: Maraming sal–

PNP SPOX PCOL. YU: —sa mga mamamayan natin na ang inyong police po ay inyong partner. Hindi po kaaway kundi kami po’y kakampi at lagi pong maglilingkod at siserbisyuhan kayo at puprotektahan sa lahat ng panahon.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong panahon, PNP Spokesperson Police Colonel Ysmael Yu. Mabuhay po kayo, sir. Stay safe.

PNP SPOX PCOL. YU: Ma’am Rocky, salamat ma’am. Og kang Sir Martin, daghang salamat. Maayong buntag sa inyo—

USEC. IGNACIO: Opo. Maayong udto.

SEC. ANDANAR: Ngayon po naman, mga updates ukol sa ating COVID-19 response ang ating pag-uusapan kasama ang National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer Secretary Carlito Galvez. Magandang umaga po sa inyo, Secretary.

SEC. GALVEZ: Magandang tanghali po, Sec. Martin.

SEC. ANDANAR: Magandang tanghali po sa inyo, Secretary Charlie. Sa ilalim po ng IATF-EID Resolution No. 75, nagbigay po ng direktiba sa DOH at DILG na palawakin ang pagpapatupad ng CODE o Coordinated Operations to Defeat Epidemic. Ano po ba ang ibig sabihin nito?

SEC. GALVEZ: Ang gagawin po nito Sec. Martin ay palalawigin natin. Dati pumupunta lang tayo sa mga affected areas sa mga provinces at saka sa mga cities. Ang CODE team natin ngayon bumababa na ngayon sa mga different barangays para mag-conduct tayo ng tinatawag nating active case finding.

Ito ay nakikita natin na mas maganda dahil kasi proactive ito na kahit wala tayong [garbled] ay nangyayari ay talagang tinitingnan natin kung sino iyong mga may sintomas at ina-isolate natin kaagad po iyon. Ito po iyong tinatawag natin FIND, na sa ating National Action Plan ay ikakabit natin iyon sa tracing at saka testing. So, magiging tatlo na po ang detection natin kasama na po ang find, tracing at saka testing.

SEC. ANDANAR: Sa pagsasagawa po ng house to house visits and swab testing, ano po ang tamang proseso na dapat pagdaanan at no po ang mangyayari kapag tumanggi ang pamilya na mag-cooperate?

SEC. GALVEZ: Ang ating proseso ay kapag po nagkaroon po tayo ng tinatawag na testing ay kapag nagkaroon ng positive, ang case finding po natin ay iyong first contact, kailangan po talaga nating ma-isolate kaagad at ma-test. And normally, iyong first contact ay ito ay mga pamilya at saka iyong malapit sa kaniyang mga komunidad at iyong mga taong nakasalamuha niya noong panahon na siya ay nagkaroon ng case.

So, ang ano po natin dito ay kung ginagawa po natin dito, mayroon po tayong ginagawang information drive at saka tele-medicine na kung ano ang dapat gawin ng isang tao na nagkaroon ng first contact. At kung sakaling mayroong tinatawag natin na may mga tumatanggi, ipapakita po natin iyong RA 11332 na nagbibigay ng otoridad sa ating mga health officer na magkaroon ng otoridad kasama ang mga PNP na ma-isolate ang isang tao na nagkaroon ng tinatawag nating first contact.

So, sa ngayon po wala naman pong nangyayari na ganoon, dahil kasi nakita natin medyo informed na ang ating mga barangays. At through our barangay captains at saka iyong tinatawag nating mga BHERTs ay binibigyan natin ng mga information ang ating mga kababayan. So, sila mismo ang tumatawag sa atin at mismong nagpapa-schedule ng swabbing.

SEC. ANDANAR: Paano po ninyo ina-address ang magkakaibang polisiya, mga istratehiya at implementation ng LGUs sa mga IATF guidelines, dahil nagko-cause daw po ito ng confusion sa mga kababayan natin?

SEC. GALVEZ: Ang ginagawa natin Sec. Martin, ay nagko-conduct tayo ng talagang very deliberate at saka very clear na mga guidance. And then kapag mayroon pong nakita natin na mayroong sumalungat sa mga guidance po natin ngayon ay tinatawagan po natin iyong mga LGUs. At naglagay po tayo, nagkakaroon ng mga meeting, twice a week or even thrice a week, ang NTF nagkakaroon ng meeting with the IATF. At with that, ini-elaborate natin sa kanila na iyong mga guidance natin dapat in consonance or in line with the guidance of the IATF.

So, kadalasan pumupunta rin kami, Sec. Martin, sa mga areas na nakita natin na mayroong mga tumataas ang mga cases. Nakikita nga natin ito na talagang may mga instances na talagang iyong mga LGUs ay hindi sinusunod iyong ating mga patakaran. So, with that ay niri-reiterate natin na ito iyong dapat nating gawin at sumusunod naman po sila.

SEC. ANDANAR: Nanindigan po kayo na hindi nakakatulong ang home quarantine sa mga COVID-19 patients, pero ayon po sa apila ng ibang health advocates ay maaaring magsinungaling naman sa kanilang sintomas at hindi magpa-test ang mga tao, dahil sa takot na dalhin sa quarantine facility. Ano po ang inyong opinyon, Secretary?

SEC. GALVEZ: Sa ngayon po nakikita po natin, kadalasan po, because iyong sinasabi ko nga na iyong information drive at saka iyong education natin sa ating mga barangay at because of the active participation also of our barangay health emergency response teams at saka iyong pinaigting nating CODE team ay wala naman pong nangyayari na ganoon na parang tinatago po nila.

Siguro sa una iyan, iyong mga panahon ng March and April, sa ngayon, nakita natin medyo very ano na po ang ating mga kababayan at very aware kung ano ang mga kailangan na gawin, to just in case na magkaroon ng sintomas. At nakikita po natin na iyong ginagawa po ngayon ng mga LGU, may mga incentive po sila na ginagawa lalo na po, katulad din po sa Parañaque, dito po sa Taguig and also sa different areas.

Napakaganda po ng mga quarantine facilities at kung maikukumpara natin ito sa mga tinutuluyan po nila, hamak napakaganda po ng mga quarantine facilities po natin at saka karamihan po ay nag-aano po tayo ng mga hotel.

I believed iyong worries po ng ibang mga doktor na baka itago po iyong kanilang sintomas, iyon po ay mga siguro po noong mga panahon ng May or June, pero sa ngayon po talaga na medyo maganda po ang ating information drive at sumanib po ng strategic communication po natin, sa tulung-tulong po natin ay naiayos po natin ang komunikasyon natin at saka iyong risk communication natin sa ating mga mamamayan.

Sa ngayon po wala po kaming nakikita po na mga ganoong problem, dahil karamihan po nakikita po natin talaga, very active po ang mga mayor natin at saka sinasabi ko na nga po iyong iba po binibigyan po nila ng ayuda at iyon nga niri-recommend nga namin ni Secretary Año na iyong ginagamit na ten million (10M) ng DSWD ay puwedeng magamit na pang-ayuda doon sa mga positive natin at saka mga maa-isolate natin na mga first contact, para at least hindi na po mahirapan po ang ating mga LGUs.

SEC. ANDANAR: P4.5 billion po ang budget para sa pagpapagawa at pagsi-secure ng COVID-19 quarantine facilities, gaano po karami ang target natin na magawa sa budget na ito?

SEC. GALVEZ: Dalawa po iyong budget po nito – isa pong P4.5 sa pagpapagawa po ng tinatawag nating mga quarantine facilities that will be used by the DPWH at mayroon din po tayong P4.5 naman po sa tinatawag natin sa mga quarantine facilities using the hotels at saka iyong tinatawag nating iyong mga motels na nandito po sa Metro Manila, Region III at saka Region IV at saka sa mga tinatawag nating mga key highly urbanized cities.

At sa budget preparation po namin ay 128,000 po na case positive po ang puwede pong makagamit po noon sa 14 days at iyong sa isang P4.5B, kaya nailaan sa DPWH ay kailangan po ay magkaroon po tayo ng karagdagang mga hospital beds at saka po iyong mga quarantine isolation facilities. Sa ano po namin ay kailangan po natin lahat-lahat tinataya po, kailangan po natin ng 42,000 beds para sa lahat po. Kasi nakikita po natin ang ating active cases noong aming pinag-aaralan ay hindi po tumataas ng more than 60. And then ang kaniyang pinakamababa ay sa 43,000.

Sa ngayon po ay mayroon na po tayong more or less 7,000 na available na beds sa Metro Manila. Kaya po ang kailangan po natin na ma-prepare po natin is all in all, kasama po iyong hotel at saka mga quarantine facilities, kailangan po natin ng more than 42,000 beds para po lahat ng mga positive ay mailagay po natin doon.

USEC. IGNACIO: Opo. Good morning, Secretary Galvez. May katanungan po iyong mga kasamahan natin sa media. Mula po kay Evelyn Quiroz ng Filipino Mirror: As the Chief Implementer of the government’s national policy on addressing the coronavirus pandemic, will there be a drastic shift in methods considering that the virus remains unchecked and the statistics show that the numbers of those infected are still on the rise?

SEC. GALVEZ: Palagay ko hindi naman po sa on the rise. Kung nakikita po natin, kahit po noong ano iyong pag-i-study po ng OCTA, bumababa na po tayo. Kung titingnan po natin noong kasagsagan ng August 14, umabot po tayo ng more or less 4,000 sa NCR and ating mga new cases. Sa ngayon po ang new cases po ng NCR ay bumababa na po sa 1,200. Noong isang araw po kahapon po, napakasaya po namin dahil kasi 502 lang po ang new cases sa NCR. Ang nakikita po natin pati iyong tinatawag natin, iyong mga kaso ng R0 (R naught) at saka positivity ay bumababa rin po.

Ang ating R0 (R Naught) ay bumaba na po ng less than 10. Mayroon po tayong report na as latest nang 27 sa OCTA ay lumagay na po ng .9 iyong tinatawag nating R0 (R Naught) dito po sa Metro Manila at nakikita po natin, iyong new cases, kung tuluy-tuloy po ang talagang masisigasig na ginagawa po ng ating mga Mayors lalo na sa NCR at saka dito sa karatig na Region III at saka Region IV-A ay makikita po natin na talagang tuluy-tuloy na pong bumaba ang ating mga cases. Sa Cebu po nakita po natin talaga na very stable na. Ang medyo umaakyat lang po na kaso ay dito po sa area ng Tawi-Tawi at saka po dito sa Bacolod ay tinitingnan po namin na medyo nag-i-stabilized na po ng kaunti.

Sa ngayon po ang ano po natin ay talagang—ang gagawin po natin magkakaroon po tayo ng planning session this coming weekend at ang nakikita natin na puwede nating i-recalibrate ang ating strategy ay talagang palakasin po natin iyong CODE team sa mga barangay at talagang ini-establish na po natin ang ating BHERTs at saka iyong coordination nila with our contact tracing team.

So, ang ano po namin talaga mapalakas ang aming contact tracing team na at least one is to five, mapaangat po natin to 1 is to 10 o 1 is to 15. Until such time na makuha na po natin na perfectly na iyong first contact makuha po natin within 24 hours, sa 100%.

Ang pinaka-ano po namin ngayon ay talagang palakasin po una iyong active case finding; second is iyong contact tracing i-improve po natin; third, iyong testing po natin, mataas na po, lumalagay po tayo sa 36,000 everyday, pero kailangan po iyong turnaround time niya i-improve po natin from 72 hours, kailangan po mailagay po talaga natin na within 48 t0 24 hours; and then sa treatment, maganda na po iyong ginagawa po natin.

Ang gagawin po natin is we have to continue to increase ang mga bed capacity at saka iyong tinatawag nating iyong ICU capacities. And also continuously build iyong ating mga quarantine facilities. Iyon lang po iyong nakita namin na mga pagbabago at nakikita namin talaga na we will implement iyong no home quarantine policy.

USEC. IGNACIO: Opo, tanong naman po mula kay Joseph Morong ng GMA News: Kaya po kayang maging MGCQ sa November o tina-target po natin na mag-MGCQ na talaga sa November?

SEC. GALVEZ: Ang tinitingnan po natin, ang strategy po natin ay talagang nakita po natin na iyong MGCQ, noong nag-MGCQ tayo sa ibang mga lugar, nagkaroon po tayo ng mga spike. Iyon nga ang tinatawag naming debate sa IATF is what we will do, we will implement a stricter MGCQ or we will have iyong tinatawag nating very permissive GCQ.

Sa nakikita po natin, iyong istratehiya po ng NCR napakaganda. Na kahit na nandoon siya, naka-maintain siya sa GCQ, pero tuluy-tuloy po na inaangat po natin ang ano natin ang ano natin sa ekonomiya.

So, iyon lang po kasi ang kagandahan po ng at least nasa GCQ tayo, but ang GCQ natin ay maluwag sa economic opening, mas maganda po iyon, kasi parang nandoon pa rin iyong tinatawag nating iyong strict implementation ng minimum health standard at saka nakita po namin kasi sa pag-iikot-ikot namin sa buong bansa kapag nag-declare po ng GCQ, nagkakaroon po ng tinatawag nating relaxation ng… too much relaxation of restrictions at nagkakaroon po ng kumpiyansa masyado ang ating mga tao.

I believe, ang sa akin, naniniwala ko, I really agree with the concept and theories of the NCR Mayors, especially iyong pamamalakad ng MMDA na kailangan talaga unti-unti, dahan-dahan. But there is also a way na talagang medyo talagang i-open natin ang mga economy na puwede ng i-open.

USEC. IGNACIO: Opo. Follow up pa rin po ni Joseph Morong ng GMA 7: Kailan po papayagan iyong fiancé visa na makapasok naman sa bansa?

SEC. GALVEZ: We will talk with the DFA on this. As of this moment, I’m not privy to discuss it today.

USEC. IGNACIO: Opo, tanong naman mula kay Pia Rañada ng Rappler: Has IATF approved the DTI proposal to open some Category 3 industries to 100% in GCQ areas. If not approved yet, what are the discussions of IATF on it? Are we inclined to approve it?

SEC. GALVEZ: Ang nakita po namin, mas inclined po kami na talagang ang discussion po within the opening of the business is with the LGU. Kasi po sila po ang nagpapa-implement at saka maganda po kasi ang LGU at saka iyong DTI regions at saka iyong mga business sectors, sila mismo ang collectively implementing it. So that iyong ownership po ng tinatawag nating ownership po ng responsibilities and at the same time iyong mga tinatawag na accountabilities ay nandoon po talaga.

Ang ano po namin, nakikita po namin, is mas maganda po talaga ang pamamalakad po ng business should be in conjunction of the decision of the LGU. Pero iyon po, ang inaano po namin sa IATF na we really agree na talagang sa ngayon, we have to save both the lives and also the survival of our economy.

So, ganoon po ang ginagawa natin, every week nag-uusap-usap po lahat ang mga LGUs especially iyong mga Mayors ng Metro Manila with us para kung ano po ang niri-recommend po ni Secretary Lopez na i-open ay pinag-uusapan po iyon. At kung just in case nakita na that it is agreeable and the risk it can be managed ay ino-open naman po at talagang nagkakaroon ng collaborations ang IATF at saka iyong local government units.

USEC. IGNACIO: Okay maraming salamat po, Secretary Carlito Galvez Jr. ng National Task Force Against COVID-19.

SEC. GALVEZ: Mabuhay po tayong lahat.

USEC. IGNACIO: Salamat po. Sa puntong ito dumako naman po tayo sa pinakahuling ulat mula sa iba’t ibang lalawigan sa bansa, makakasama natin si Czarinah Lusuegro mula po sa Philippine Broadcasting Service.

(NEWS REPORTING)

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo Czarinah Lusuegro mula sa Philippine Broadcasting Service.

SEC. ANDANAR: Puntahan natin si Danielle Grace De Guzman mula sa PTV-Cordillera.

(NEWS REPORTING)

SEC. ANDANAR: Maraming salamat Danielle Grace De Guzman.

USEC. IGNACIO: Mula sa PTV-Davao may ulat naman ang ating kasamang si Regine Lanuza, Regine?

(NEWS REPORTING)

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Regine Lanuza ng PTV-Davao. Samantala, upang bigyang daan ang Hatid Tulong Program na layong mapauwi ang mga na-stranded sa Maynila dahil sa umiiral na community quarantine ay pansamantala munang ipinagpaliban ang Balik Probinsiya Bagong Pag-asa Program. Para sa iba pang detalye, panoorin po natin ito.

(VTR)

USEC. IGNACIO: Samantala, dumako naman tayo sa update kaugnay sa COVID-19 cases sa buong bansa. Base po sa tala ng Department of Health as of September 30, 2020 umabot na sa 311,694 ang total number of confirmed cases; naitala ang 2,426 new COVID-19 cases. Naitala rin kahapon ang 58 katao na nasawi kaya umabot na sa 5,504 cases ang kabuuang bilang ng COVID-19 deaths sa ating bansa, ngunit patuloy rin naman ang pagdami ng mga nakaka-recover na umakyat na sa 253,488 with 585 new recoveries recorded as of yesterday. Ang kabuuang total ng ating active cases ay 52,702.

SEC. ANDANAR: Mula naman sa PTV-Cebu, may ulat si John Aroa.

(NEWS REPORTING)

SEC. ANDANAR: Maraming salamat, John Aroa.

Iyan ang mga balitang aming nakalap ngayong araw. Maraming salamat sa mga naglaan ng kani-kanilang oras sa pagbibigay linaw sa mga impormasyon na mahalagang malaman ng ating mga kababayan.

USEC. IGNACIO: Ang public briefing po ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng Presidential Communications Operations Office sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.

SEC. ANDANAR: Asahan po ninyo ang aming patuloy na pagbibigay ng impormasyon kaugnay sa mga update sa ating paglaban sa COVID-19 pandemic. Maraming salamat din sa Filipino sign Language Access Team for COVID-19.

USEC. IGNACIO: Samantala, Secretary, 85 days na lang Pasko na, iyong regalo ko. Bagama’t patuloy pa rin ang pagharap natin sa krisis na dulot ng COVID-19, lagi pa rin nating tandaan na ang pagmamahalan at pagtutulungan sa kapwa ay ang tunay na diwa ng Pasko. Mula sa Presidential Communications Operations Office, ako po si Usec. Rocky Ignacio.

SEC. ANDANAR: At mula rin sa PCOO, ako naman po si Secretary Martin Andanar. Magkita-kita po tayo muli bukas dito po sa public briefing #LagingHandaPH.

 

###

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)