Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar and PCOO Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location People’s Television Network, Inc. (PTV), Quezon City

SEC. ANDANAR: Magandang umaga po sa lahat ng ating mga kababayan sa loob at labas ng bansa. Samahan ninyo po kami sa panibagong linggo ng balitaan tungkol sa COVID-19. Mula po sa PCOO, ako ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar. Magandang umaga, Rocky.

USEC. IGNACIO: Good morning, Secretary Andanar. At mula pa rin sa PCOO, ako naman po si Usec. Rocky Ignacio.

SEC. ANDANAR: Ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

USEC. IGNACIO: Secretary, kahapon, October 4, 2020, ay nakapagtala ang Department of Health ng karagdagang 3,190 cases ng COVID-19 sa bansa na sa kabuuan ay nasa 322,497 na. Isandaan ang nadagdag sa mga nasawi sa kabuuang bilang na 5,776; samantalang nasa 273,079 na ang mga gumaling mula sa sakit matapos itong madagdagan ng 18,065 kahapon.

SEC. ANDANAR: Sa bilang ng mga kasong nadagdag kahapon, muli nitong nalagpasan ang 3,000 mark makalipas ang limang araw. Ito na rin ang pinakamataas na kaso na naitala sa nakalipas na isang linggo. Forty percent sa mga kasong naitala kahapon ay nagmula sa NCR, umabot ito sa 1,279. Ang lalawigan ng Rizal na pumapangalawa sa talaan ay may 212 na bagong kaso. Sumunod naman ang Laguna na may 127 cases. Ang Cavite ay nakapag-report din ng 146 new cases. Samantala, 122 naman ang nagmula sa Batangas.

Malaki rin ang ibinaba sa bilang ng [unclear] cases dahil na rin sa mataas na recovery rate na naitatala tuwing linggo. Kung last week ay nasa 16% ito, bumaba na ito sa 13.5% kahapon.

USEC. IGNACIO: Sa mga aktibong kaso, umangat ang bilang ng critical cases na nasa 3.8%, 1.7% naman ang severe, samantalang 9.2% ang asymptomatic o hindi kinakitaan ng sintomas. Malaking bahagi naman ang 85.4% ay mild cases lamang.

Nais po naming ipaalala na maging BIDA Solusyon sa COVID-19. Magagawa po natin iyan sa pamamagitan ng pagsusuot facemasks at face shield. Maganda rin na lagi tayong may baong alcohol o ‘di kaya’y hand sanitizer.

May ilang lugar pa rin na nangangailangan ng quarantine pass kaya huwag ninyo pong kakalimutan itong dalhin. Mabuti rin na gumawa ng listahan ng inyong bibilhin o mga gagawin sa labas ng bahay. Kung gagawin natin ito, malaki ang maitutulong natin para tuluyan nang matuldukan itong COVID-19.

SEC. ANDANAR: Para po sa inyong mga katanungan at concerns tungkol sa COVID-19, maaari ninyo pong i-dial ang 894-COVID o kaya’y 894-26843. Para sa mga PLDT, Smart, Sun at TNT subscribers, i-dial po ang 1555. Patuloy rin kayong makibalita sa mga pinagkakatiwalaang sources ng impormasyon tungkol sa COVID-19, maaari ninyo pong bisitahin ang covid19.gov.ph.

USEC. IGNACIO: Sa ating mga balita: Ikawalumpu’t limang Malasakit Center inilunsad sa National Center for Mental Health sa Mandaluyong City. Ang launching ay dinaluhan nina Senate Committee Chair on Health and Demography Senator Bong Go, Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos, Representative Neptali Gonzales II at iba pang national and local government officials.

Si Senator Go ang pangunahing may akda ng Republic Act 11463 o ang Malasakit Center Act of 2019 na naglalayong magtayo ng isang center sa bawat DOH hospital sa buong bansa.

Ang nasabing Malasakit Center ang kauna-unahang itinayo sa siyudad ng Mandaluyong at panlabing-anim sa buong Metro Manila na nagsisilbing one-stop shop sa mga serbisyon ng pamahalaan para tugunan ang pangangailangang medikal at pinansiyal ng mga pasyente.

Matapos po iyong launching, sa isang panayam, umapela naman si Senator Bong Go sa pamahalaan na huwag umanong madaliin ang pagpapagaan sa quarantine restriction sa bansa habang wala pang vaccine sa COVID-19. Pangunahing prayoridad pa rin aniya ang kaligtasan ng mga Pilipino. Dagdag pa niya na tuluy-tuloy din ang pag-aaral at assessment na ginagawa ng IATF para siguruhing tama at naaayon ang mga ipinatutupad na guidelines.

Nanghingi rin siya ng dagdag na pang-unawa sa publiko at sinabing patuloy na makikiisa sa pagsunod sa ating health and safety protocols.

SEC. ANDANAR: Samantala, tuluy-tuloy din ang paghahatid ng tulong ni Senador Bong Go para sa mga kababayan nating naapektuhan ng COVID-19 ang kabuhayan. Kamakailan ay nagpaabot ang opisina ng Senador ng food packs, mga gamot, facemasks at face shield sa mga mangingisda at tindero sa Barangay Yumbing sa Mambajao, Camiguin Island.

Namahagi rin ng cash assistance at food packs ang DSWD sa ilalim ng kanilang assistance to individuals in crisis situation program, habang sampung benepisyaryo naman ang nakatanggap ng sari-sari store starter kits mula sa Pangkabuhayan sa Pagbangon at Ginhawa Livelihood Program ng DTI.

Present din sa distribution ang ilang representatives ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na nangakong tutugunan ang mga pangangailangan ng mga mangingisda.

Samantala, para pag-usapan ang pinakahuling balita sa mga kalsada ng Kalakhang Maynila ay muli rin nating makakapanayam ang tagapagsalita ng MMDA, si Assistant Secretary Celine Pialago. Magandang umaga, Asec. Pialago. Welcome back sa Public Briefing.

ASEC. PIALAGO: Magandang umaga, Secretary Martin Andanar at kay Usec. Rocky po. Magandang umaga po sa ating lahat.

SEC. ANDANAR: Ayon po sa 2019 COA report na inilabas noong nakaraang linggo ay 75% daw po ng mga sasakyan ng MMDA ay unregistered o hindi rehistrado sa LTO. Ano po ang reaksiyon ng MMDA rito?

ASEC. PIALAGO: Secretary, iyong mga unregistered vehicles po cited in the COA observation ay mix po ng MMDA assets. May mga sasakyan po na naka-line up for repairs, pending doon sa delivery ng mga parts. Mayroon din pong vehicles na na-auction na at hindi lang ho nai-cross out sa mga libro. At mayroon naman pong mga unused vehicles na nasa proseso na po ng disposals na hindi na po kailangang i-register.

Paglilinaw lang po sa, Secretary, wala pong makikita ang ating mga kababayan na kahit anumang uri ng MMDA vehicles sa kalsada ang hindi po rehistrado. Ngayon po ay nakikipag-coordinate po ang MMDA sa COA dahil nagkaroon po sila ng recommendations, at iyong mga recommendations po na iyon, Secretary, ginagawa na po ng aming ahensiya.

For the past three years po, 300 million worth po ng new vehicles iyong na-purchase ng aming ahensiya at mayroon pong 120 million allotment po para naman po sa mga heavy equipment for this year.

SEC. ANDANAR: Ano po ba ang dahilan sa mga unregistered vehicles na ito; at bakit patuloy pa rin daw itong ginagamit ng MMDA particularly iyong mga motorsiklo ng mga traffic enforcers sa kabila nang hindi pagkakaroon ng rehistro?

ASEC. PIALAGO: Well sir, iyong mga motorcycles po na donated sa MMDA ay properly registered po ‘no. It just took time para po marehistro lahat. At kapag hindi po narirehistro, sir, ang mga donasyong sasakyan ay hindi po pinapagamit ng aming Chairman Danny Lim.

Iyon nga po, Secretary, ang nais lang naming linawin na lahat po ng nakikita nilang sasakyan sa EDSA magmula po sa aming mga tow trucks, motorcycles, mobile patrols, iyong mga trucks po namin na ginagamit sa sidewalk clearing operations, lahat po ito ay rehistrado. Nagbaba po ng recommendations ang COA sa amin kagaya ho ng pag-request ng aming ahensiya ng funding sa DBM para ho ma-repair iyong ibang mga sasakyan – hindi po bumibiyahe iyan, Secretary – or possible acquisition po ng mga brand new motor vehicles.

Iyong iba po, Secretary, ay na-auction na. Ito po iyong mga lumang sasakyan na hindi talaga ginagamit at hindi po ito makikita sa kalsada sa Metro Manila.

SEC. ANDANAR: Bukod po doon sa mga allegations ‘no patungkol sa mga vehicles, nakasaad din po sa COA report na may unnecessary expenses daw ang MMDA noong 2019 specifically para sa penalties ng late registration at renewal ng motor vehicles. Ito po ba ay iniimbestigahan na rin ng inyong tanggapan?

ASEC. PIALAGO:   Well, ang instruction po ng aming chairman Danny Lim, nakipag-coordinate po siya sa Transport Service Unit po ng aming ahensiya at lahat po ng naging dahilan at kung sino man po ang naging dahilan for late registration ay iniimbestigahan po, and rest assured that our agency will act to this accordingly, Secretary.

SEC. ANDANAR:   Tungkol naman sa modified provincial bus routes na muling pinayagan na bumiyahe sa Metro Manila, ano ang mga guidelines na kailangang sundin ng mga pasahero at ng mga bus operators?

ASEC. PIALAGO:  Secretary, unang-una po diyan lahat po ng mga kababayan natin na sasakay ng pampublikong sasakyan dapat po naka-face mask at naka-face shield. Hindi po pupuwedeng face mask lang, hindi rin pupuwedeng face shield lang.

Pangalawa po, para sa mga provincial buses sila, sila po ay hindi papasok ng EDSA. Ang ruta po na ibinigay ng LTFRB ay magmula po doon sa Region IV-A. Usually ho ang biyahe ay Cavite, Laguna, ang baba po ay PITX at iyong isa naman pong ruta na ibinaba po ng LTFRB na magmumula po sa norte which I believe po dito lang po iyan sa Pampanga ay hanggang Araneta Center Cubao lamang po iyan. But then again hindi po iyan dadaan ng EDSA, magba-backdoor po iyan Mindanao Avenue, North Avenue hanggang sa makarating po ng Araneta Center Terminal.

So, sa ngayon po hindi pa naman po natin namo-monitor iyong pagdami ng mga provincial buses na bumibiyahe at naniniwala po kami, sir, at sinisikap namin na hindi po ito makakaapekto sa influx po ng mga sasakyan na nasa EDSA na ngayon dahil hindi pa naman, Secretary, nakakabalik po sa normal na bilang ng mga sasakyan ang dumadaan sa EDSA.

Originally, Secretary, 405,000 po iyan, as we speak right now, Secretary, nasa 200,000 pa lang po iyan. So, iyong mga provincial buses po ay may sarili namang ruta at hindi naman po papasok sa Metro Manila at ang MMDA po, sir, within Metro Manila lang. We believed po kapag sila ay lumabas dito, of course, mape-penalty po sila at maiisyuhan po sila ng corresponding TVRs (traffic violation receipts).

SEC. ANDANAR:   Ano ang mga travel requirements na kailangang dalhin ng mga pasahero sa pagsakay sa provincial buses?

ASEC. PIALAGO:   Well, sir, para ho sa mga commuters natin na manggagaling po sa labas ng Metro Manila, napaka-importante po ang kanilang certificate of employment at ang kanila pong ID kung saan po sila nagtatrabaho. Magdala po tayo ng mga valid IDs, para ho tiyakin na kayo ho ay nagtatrabaho dito sa Metro Manila. Hindi naman ho nagkalat ang checkpoints sa Metro Manila pero napaka-importante lang po dahil sa bawat terminal ay may isinasagawa pong random inspection and at the same time po alam naman natin na tayo ay nasa ilalim pa rin ng community quarantine, so, hindi pa rin po maaaring lumabas tayo nang hindi naman essential.

So, pagpasok po ng Metro Manil,a tiyakin lang po na dala ang certificate of employment, ang kanilang valid ID kung saan po sila nagtatrabaho at siguraduhin pong tayo ay authorized person outside of residence o mayroon po tayong essential business dito po sa Metro Manila.

SEC. ANDANAR:   ASec., kumustahin po namin ang update sa pagsasara ng mga U-turn slots along EDSA. Ilang slots na po ang nakasara sa ngayon at ilan pa ang inaasahang isasara sa mga susunod na linggo?

ASEC. PIALAGO:   Overall, Secretary, inaasahan po na sa loob ng dalawang buwan bago po matapos ang taon ay maisasara iyong nasa 13 u-turn slots po sa kahabaan ng EDSA to give way doon sa ating EDSA bus way.

Mapo-forfeit po iyong purpose, Secretary, kapag may mga u-turn slots dahil magca-cause po ito ng delay para sa ating mga city buses na ang sakay po ay ang ating mga regular na mga commuters na dumadaan po sa EDSA.

Thirteen po ito, sir, sa ngayon po ang naisara pa lang po ay iyong u-turn slots sa may North Avenue, tapat po ng Trinoma Mall. Susunod po sa October 12 iyong tapat po ng Quezon City Academy. Mayroon na po tayong mga paunang signages na “These U-turn slots would be closed soon” para ho ma-mindset iyong ating mga motorista na kung sila man po ay regular na dumadaan doon sa mga U-turn slots anytime soon po ay isasara po iyon.

Sa Caloocan City po, isasara ang Gen. Tinio U-turn slot, De Jesus St. to Gen. Malvar; sa Quezon City po, Balintawak Market, Kaingin Road, Congressional LRT station, Corregidor Intersection, U-turn slot po sa tapat ng Quezon City Academy na una ko na pong nabanggit at iyon pong Santolan/Boni Serrano U-turn slot. Sa Makati po, iyong Buendia U-turn slot sa may ilalim po ng Kalayaan flyover; sa Pasay City, dalawa po – iyong P. Celle U-turn slot at iyong U-turn slot po bago mag-Roxas Boulevard.

Ang alternate U-turn slots, Secretary, ay iyong mga service roads po natin, iyong nasa kanang bahagi, iyong mga may traffic light, iyong intersecting roads, iyong may mga left turning roads iyon po ang magiging permanent U-turn slot po natin kasama na ho iyong dalawang rotunda which is Monumento and MOA at bubuksan din po ang Balintawak Cloverleaf.

SEC. ANDANAR:   Puntahan naman natin si USec. Rocky para sa media questions. Please go ahead, Rocky.

USEC. IGNACIO:   Hi. Good morning, ASec. Celine. May tanong po tayo mula kay Evelyn Quiroz ng Pilipino Mirror, ito ang tanong niya: Seeing the heavy traffic around Metro Manila this morning due to the opening of schools, were there measures if any, implemented by the MMDA to prepare for this day? Ang traffic po ba ay dahilan dahil sa opening of classes, ASec.?

ASEC. PIALAGO:   Well, ma’am, ang traffic po na nararanasan natin ay napakalayo pa po sa traffic na naranasan natin noong buwan po ng Enero hanggang Pebrero bago po tayo tamaan ng pandemya. Iyong nauna kong nabanggit, 405,000 to 410,000 daily po ang dumadaan sa EDSA noon, ngayon po nasa 200 to 210,000 pa lamang po ang nakikita natin. sa pagbubukas po ng klase, hindi po ito masyadong makakaapekto since marami rin naman po ang nag-avail ng online class lalo na ho dito sa Metro Manila.

Kung mayroon naman pong mga ilang pampublikong eskwelahan na nagbukas para naman ho sa ilang mga klase ng pag-aaral ay hindi po ito nakakaapekto since hindi naman po usually dumadaan ng major thoroughfares ang ilan sa ating mga kababayan o estudtyante na nag-aaral po sa pampublikong paaralan kung hindi po sa secondary roads.

So, hindi po nakakaapekto, ma’am ‘no. Technically ho ang naranasan hong traffic ngayong umaga ay nakapagtala po ng isang aksidente sa kahabaan ng EDSA southbound at iyon po ang isa sa contributory factor ‘no dahil po dumadami rin iyong mga vehicular accidents natin lately dahil po dito sa mga motoristang nagmamadali, nababangga sa barriers, nakainom, lasing, distracted or overspeeding. Pero iyong pagbubukas po ng klase, Usec. Rocky, hind po makakaapekto iyan.

SEC. ANDANAR:   ASec., salamat po sa inyong oras at hingin po namin ang inyong mga paalala para sa ating mga pasahero.

ASEC. PIALAGO:   Para po sa ating mga pasahero, lagi lang ho nating pakatandaan na magsuot po tayo ng face mask at face shield. Para naman po sa mga drivers at operators, huwag ho tayong mag-overloading lalo na ho kapag walang HPG, MMDA sa kalsada. Huwag po tayong lumusot sa ganoon dahil tayo ho ay nasa ilalim pa rin ng community quarantine. Kailangan pong masunod iyong limited capacity na ibinaba po ng Department of Transportation, and at the same time social distancing.

Para naman po sa mga private motorists, mag-ingat po tayo. Ang mga concrete barriers po natin ay huwag naman ho nating banggain. Huwag pong mag-drive nang nakainom; huwag pong mag-text habang nagda-drive at huwag din pong mag-overspeed; huwag din hong mag-change ng lane from time to time. Sumunod lang po tayo sa batas trapiko para iwas aksidente.

Iyon lang po, Secretary. Maraming salamat po.

SEC. ANDANAR:   Maraming salamat, MMDA spokesperson ASec. Celine Pialago. Stay safe.

USEC. IGNACIO:   Tuloy-tuloy din po ang hakbang ng pamahalaan na mas padamihin pa ang mga pasilidad sa bansa na makatutulong sa tuluyang pagsugpo sa COVID-19 at kamakailan po ay binuksan na ang pinakamalaking isolation facility sa bansa na matatagpuan sa Bagong Nayong Pilipino sa Parañaque City.

At para po pag-usapan iyan, makakausap natin si DPWH Undersecretary at head po ng Task  Force to Facilitate Augmentation of Local and National Facilities, Usec. Emil Sadain.

Magandang umaga po, USec.

USEC. SADAIN:   Magandang umaga, Sec. Martin and Usec. Rocky. Mabuhay po tayong lahat!

USEC. IGNACIO:   Usec., sa pagbubukas po nitong largest quarantine facility sa Parañaque City, gaano po eksakto ito kalaki at ilan po ang bed capacity nito?

USEC. SADAIN:   Usec. Rocky, noong September 29, ito po ay pinasinayaan po natin iyong pagbubukas po ng mega quarantine facilities po mismo sa Solaire PAGCOR Mega Quarantine Facility, to be more specific, ito po ay nasa loob ng three-hectares of land na kung saan mayroon po siyang 525-bed capacity. Kumpleto po ito, may tubig, ilaw, may clinic may lounge, mayroon siyang palutuan, kumpleto po iyong facilities niyan, may WiFi,

So, ito po ay will cater the mild and asymptomatic patients po sa Metro Manila at saka pati po iyong portions of Cavite ay abot po ito ng serbisyo ng mega quarantine facility po na ito.

USEC. IGNACIO:   Usec., kasi sa tala po ng Department of Health, mataas iyong porsiyento ng mga asymptomatic at mild cases. Marami pa rin ang mild at asymptomatic patients. Iyon pong nag-aalangan na pumunta sa mga isolation facilities para po doon magpagaling sana. So, paano po nasisiguro na safe at komportable ang isolation facility lalo pa’t kung ganito kalawak o kalaki?

USEC. SADAIN:   Usec. Rocky, we have around 600 facilities all over the country at ito po around 300 of these were completed actually nitong katapusan nang Setyembre. Ito pong mega quarantine facility is kabilang po iyan doon sa mga probinsiya, ito po ay ginawa sa pakikipag-ugnayan din po ng ating mga local government units, in fact, the request will come from them. Siguro po lahat po ito dahil matatapos na rin iyong ibang mga facilities, the local government can actually expound deeper on the info campaign advocacy, iyong kahalagahan po ng isolation facility.

Alam po natin marami po na mga kasamahan o kapatid natin na nasa bahay-bahay lang. Pero ito po ay alinsunod sa kautusan ng IATF na hanggat maaari lahat po ng may sakit na COVID infected should actually go to the isolation facilities.

So, mahalaga po dito iyong pakikipagtulungan po ng local government down to the barangay para po ipaalam iyong mga isolation facilities na available sa mga lugar na kung saan may napatayo ang gobyerno or even the local government has its own also, isolation facilities, na kanilang pinondohan din sa kanilang budget. So ito po ay makakatulong para po ma-isolate at mapigilan po natin ang paglaganap ng COVID na pandemya sa Pilipinas po.

USEC. IGNACIO: Opo. Bukod dito Usec., recently po ay tinurn-over din sa inyo, iyong isolation facility sa Lipa, Batangas naman. So gaano naman po ito kalawak at ilan po iyong bed capacity at saan po ba ito matatagpuan?

DPWH USEC. SADAIN: Ito po Usec. Rocky ay matatagpuan sa Barangay Dagatan, mismo sa loob ng LASCA o iyong Lipa Academy of Sports, Culture and Arts ‘no. Ito po ay multipurpose building na kung saan kinonvert or ni-repurpose po natin into a 128-bed capacity dahil marami rin pong mga mild and asymptomatic cases po sa Batangas kasama na po iyan, iyong mga nasa paligid nila that can possibly avail of these quarantine facilities.

Mismo po si Senate President Pro Tempore Ralph Recto at saka si Mayor Africa po ang nanguna po dito sa pagpapasinaya po natin noong nakaraang Biyernes at iyon po ay malawak pong naging bahagi po ng ating impormasyon pati po iyong mga barangay officials who attended the ceremony were fully aware iyon pong kahalagahan ng mega quarantine facility sa Lipa City.

Maliban po riyan sa Lipa at muli din po tayo sa Batangas City kung saan DPWH will be proposing the first modular hospital po gagawin natin sa loob po ng regional health center ng Batangas City. Nagkaroon uli po kami ng pakikipag-ugnayan sa administrator ng building at ito po ay gagawin po natin sa loob mismo ng compound nila, meaning ito offsite hospital po para doon sa area.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., alam naman natin na marami pa rin po iyong mga bilang na naitatala ng COVID-19. So far, ilan na po iyong kumpletong isolation facility ng DPWH at ilan pa po iyong nasa pipeline?

DPWH USEC. SADAIN: Around 608—actually 608 po lahat-lahat ang ginagawa natin sa buong Pilipinas. 300 of these were fully completed noong katapusan noong Setyembre at itong buong 608 facilities can actually account to a total of 24,000-beds capacities. So ito po ay ginagawa po ng 16 regional offices; 184 district offices po natin sa buong Pilipinas at alinsunod na rin sa pakikipag-ugnayan po sa lokal na pamahalaan po doon sa kani-kanilang lugar.

USEC. IGNACIO: Uhum. Pero iyong pagpili po ba ng lugar Usec. na gagawing isolation facility, strategic din po ba iyon? Dahil nga bakit sa mga lugar na ito itinatayo iyong mga naturang pasilidad.

DPWH USEC. SADAIN: Mayroon po tayo Usec. Rocky some kind of protocol in the determination of these quarantine facility sites; ito po ay request coming from the local government at ito po ay bina-validate ng ating District Engineering Offices at saka Regional Offices as to the locations ‘no. Dapat po ang isang site should have a supply of water and electrical, mayroon din po siya dapat na security provisions from the city government o local government at magkakaroon din po ito ng memorandum of agreement signing, Usec., para lang po magkaroon nang siguradong coordination with our offices, mag-aadminister po sa kaniyang pagpapatakbo once matapos po iyong facility sa construction.

Ito po ay bahagi po ng ating protocol na kung saan hindi lang po basta-basta na construction ang tinitingnan natin, we have to make sure na these facilities can put into proper use and somebody has to administer the operations of the medical team operations pati na po iyong pangangasiwa ng facilities po para at least magtagal at marami pong makikinabang sa ating mamamayan.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., bakit sa palagay ninyo mahalaga iyong pagtatayo ng mga isolation facility sa bansa kahit pa sinasabi na medyo talaga napa-flatten na po iyong curb ng ating COVID-19?

DPWH USEC. SADAIN: Usec. Rocky, hangga’t po wala pang lumalabas na malinaw na bakuna para dito sa pandemya na pong ito, hindi po natin masasabi na maayos ang kalagayan po natin sa ating mga sambayanan ‘no. Kasi po ang kailangan nating tingnan hindi lang po siya iyong testing, contact tracing, iyong constructions and isolation saka treatment hindi po—pati po iyong kahandaan ng ating mamamayan doon po sa pandemya.

So itong isolation facilities na ginagawa natin, ito po ay makakatulong para po pigilin iyong pagkalat ng COVID pandemic po. Kasi po alam natin, mabilis pong hawaan iyan kaya po ang IATF-NTF ay mahigpit na po na nagkakaroon ng pagpapatupad po doon sa protocols. In fact po itong National Action Plan Phase 3 ‘no na kung saan binuo po ng ating IATF team doon po sa Baguio noong Biyernes saka Sabado, ito po ay magkakaroon po nang balanseng atensiyon hindi lang po sa public health safety at saka po iyong regarding ng nation’s economy.

Alam natin po patungo tayo sa new normal kaya po dapat maging handa po sa panahon ngayon at ito po ay unti-unting ginagawa po natin para lang po maibsan ang paglaganap ng pandemya po sa Pilipinas.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., kumusta rin po iyong coordination ninyo sa mga LGU tungkol sa isolation facility nila? Tuluy-tuloy ba rin po iyong pagbibigay ninyo technical assistance ng DPWH sa mga LGU?

DPWH USEC. SADAIN: Tama po iyon Usec. Rocky, kasi po unang-una before we construction facilities, ito po ay alam po ng local government hanggang sa barangay at ito po ay nakikipag-ugnayan po kami nang diretsuhan sa kanila. Kaya po lahat ng facilities po natin mayroon tayong memorandum of agreement na undertaking kung saan nakasaad po doon iyong facilities na ginagawa ng pamahalaan ay masu-sustain din po ng local government.

So the LGU will have to assure mayroon silang health team to look or oversee the management and administering of the facilities pati iyong security, iyong tubig, ilaw… lahat na po ng kailangan pati pagkain ng pasyente, they have to assure us para lang ito po ay ma-sustain.

Maliban po diyan Usec. Rocky, the local government also may have the opportunity to consult the Regional DOH sa kanila pong lugar para magpatulong po kung in case talagang kulang sila sa health facility team ‘no, kulang sila sa medical team. At ganoon din po ang OCD ng pamahalaan ay tumutulong din po sa pangangasiwa tulad nito pong sa Solaire-PAGCOR Mega Quarantine, ito po ay pinangangasiwaan po ng OCD and they have that full medical corps team na sila po nagpapatakbo para diyan po sa operations ng facilities diyan po.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec. kumustahin naman natin iyong pagtatayo ng offsite dormitories para po sa ating mga healthworkers, tuluy-tuloy pa rin po ba ito?

DPWH USEC. SADAIN: Malaking tulong po Usec. Rocky iyong dormitory. Alam po natin talagang ang hospitals, hindi lang po overwhelmed sila sa bed capacity, pati po iyong mga pahingaan at saka mga kuwarto ng mga nurses and doctors na kung saan ay kinu-convert na rin into COVID ward na rooms ‘no. In fact mayroon po tayong natulungan like iyong Lung Center of the Philippines, PGH, East Avenue Medical Center… marami po diyan na mga pahingaan po ng ating medical professionals na kung saan nakukuhanan po ng additional bed na ginagawa rin natin bilang tulong po sa mga hospitals na iyan.

So itong dormitories po, we have an account of 75 dormitories po sa buong Pilipinas at ito po ay karamihan nito ay nilalagay natin sa loob din mismo ng compound ng hospitals. Ang pinakamalaking dormitory nagawa natin nandito po sa Memorial Circle Center, nandiyan po siya, about 186-beds capacity po iyan na kung saan it catered to the hospitals from East Avenue, NKTI, Lung Center, Children’s Hospital pati po iyong Veterans – they can avail of that dormitories para po magamit nila ‘pag in case they need to have a more better area na kung saan makapagpahinga sila after their services in hospitals.

Tuluy-tuloy pa po ginagawa natin Usec. Rocky, in fact maliban po dito patuloy din po ang DPWH gumagawa noong mga offsite na hospitals ‘no which is an addition to the ICU beds ng hospitals, ilalagay po natin ito dito, iyong mga pasyente from moderate to severe. Like po itong nasa loob ng QI, ginagawa na po natin ngayon and towards the end of the year, they have around 110 bed capacity for moderate and severe patients. At mayroon din po siyang about 64 bed capacity dormitories for medical professionals.

Mayroon din pong ginagawa din diyan off-site hospital sa loob ng Lung Center of the Philippines at iyong dormitories may dalawa din pong nailagay diyan na facilities niya. Dito sa loob po ng Jose Rodriguez Memorial Center sa Tala, Caloocan mayroon din po tayong ginagawa diyan na dormitories at saka po iyong off-site na hospital.

Mayroon pa po tayo diyan, Usec. Rocky na gagawin towards the end of  this month nasa advance stage na po ng design, ito po iyong dialysis center sa loob ng NKTI which can account a total  of 45  bed capacity. Binubukod po natin dito iyong patient for dialysis na may COVID infection at saka iyong dialysis na patients na walang COVID infections.  So, ito po ay uumpisahan na rin po natin sa lalong madaling panahon.

USEC. IGNACIO:  Usec, bigyang-daan lang natin iyong tanong ng ating mga kasamahan sa media. Ang tanong po mula kay Evelyn Quiroz ng Filipino Mirror.  Ito po ang tanong niya: What has been the effect of the COVID-19 pandemic on the strategic infrastructure programs and policies of the DPWH?

DPWH USEC. SADAIN:  Iyon po iyong taas ng antas po ng level ng pandemya, iyon po ang binibigyan natin ng top priority. Kaya po karamihan po ng facilities natin nag-start po tayo for NCR that it went through to Region VII, Region III and Region VI at ngayon po pati na rin po iyong karatig na lugar, at down to the Visayas at Mindanao mayroon na po siya. Pero we are giving high priority doon po sa malaking COVID cases sa buong parte po ng Pilipinas.

USEC. IGNACIO:  Okay, DPWH Usec. Emil Sadain, maraming salamat po sa inyong panahon, stay safe po.

DPWH USEC. SADAIN:  Thank you, Usec.

USEC. IGNACIO: Samantala puntahan natin ang mga balitang nakalap ng Philippine Broadcasting Service, kasama si Aaron Bayato mula sa PBS Radyo Pilipinas. Good morning, Aaron.

(NEWS REPORTING

SEC. ANDANAR:  Magbabalita naman si John Aroa mula sa Cebu. Maayong buntag, John.

(NEWS REPORTING)

SEC. ANDANAR:  Daghang salamat, John Aroa.

USEC. IGNACIO:  Puntahan naman natin ang pinakahulinbg balita sa Davao Region, kasama namang magbabalita si Regine Lanuza, Regine?

(NEWS REPORTING)

USEC. IGNACIO:  Daghang salamat, Regine Lanuza ng PTV-Davao.

SEC. ANDANAR:  Alamin naman po natin ang pinakahuling balita sa Cordillera Region, magbabalita si Eddie Carta, live.

USEC. IGNACIO:  Opo, babalikan natin, Secretary Andanar si Eddie Carta, maya-maya lamang. At kanina nga po ay inaantabayanan natin kung magkakaroon nga itong opening of classes, Secretary?

SEC. ANDANAR:  Well, ngayong araw nga po ay pormal nang nagsimula ang klase para sa school year 2020-2021 at kasabay nito ay ang pagbubunyi ng  Department of Education  dahil sa ‘ika nga nilang historic, victorious and successful school opening. Bisitahin natin ang isinagawang school opening day program kaninang umaga. Makakapanayam natin si Secretary Leonor ‘Liling’ Briones, Usec. Nepomuceno Malaluan at si Usec. Analyn Sevilla. Magandang umaga po sa inyo at congratulations po sa DepEd.

SEC. BRIONES: Magandang umaga din, Secretary Martin. Ang congratulations ay hindi lang karapat-dapat para sa DepEd, kung hindi sa buong bansa.  Hindi namin magawa itong successful launching kung walang tulong ang buong bansa. Kasama na ang agency ninyo, ang PCOO; kasama ang Legislature, civil service and local government units. Lahat-lahat nagkakaisa at nagtulungan para maging successful itong pagbukas ng ating classes ngayon sa taong ito.

SEC. ANDANAR:  Secretary successful po siya, paki-describe po sa amin kung ano po ang nangyari kanina.

SEC. BRIONES:  Kaninang umaga, mayroon tayong pang-heneral na opening ceremonies, lahat nag-participate. Ang ginawa natin, ang pinaka-top officials natin ay pumunta sa iba’t-ibang lugar. Sila ang nag-oversee, tinitingnan, ino-observe, nagpa-participate sila. Tapos ako naman nandito sa Maynila, bulwagan, na sa ating central office at maraming mga programa, may video, ini-explain ang ating activities lahat. May participation ang mga bata, may mga bata na nagsalita, mga teacher.

At saka this time Martin, nakakatuwa talaga dahil ang teacher-broadcaster natin, sila na ang magdadala. Ang mga awit, gawa ng mga taga-DepEd, mga songs about blended learning at napakasaya ng selebrasyon. Umentra din ang local governments at nandoon din ang civil society.

Lahat-lahat, kaya sabi ko nga celebratory talaga iyong opening ng academic school year at lahat nag-participate, lahat nagbigay ng pugay, lahat nagbibigay ng kung ano ang maibigay nila, anong suportang maibigay nila para maging successful ang ating school opening. Kaya kami we are overwhelmed by the support and the cooperation of everyone.

SEC. ANDANAR:  Para po naman kay Usec. Malaluan at Usec Sevilla. Kumusta naman po ang pagmo-monitor at pagbisita ninyo ngayon sa mga regional offices?  Kayo po, Usec. Malaluan muna, sa Batangas?

USEC. MALALUAN:    Yes, Sec. Martin. Nandito tayo sa division office of Batangas City at nagkaroon din sila ng kanilang programa kaninang umaga, pero inaantabayan namin iyong pahayag ni Secretary Briones at saka ni Presidente Duterte.

Pero doon sa kanila dito ay kitang-kita na handa sila sa kanilang 107 public schools, ang kanilang enrollment ay lampas pa by 8% than last year’s enrollment, from 62,000 plus to 65,000 plus this year. They have already organized them into 2,547 classes at mayroon ngayong public assistance command center dito kung mayroon pang mga problema; but otherwise, wala akong nakitang problems that have come in.

Kasama po ang SDS at saka Assistant Regional Director at si Assistant Regional Director ay bumisita na sa mga ibang paaralan dito at ibang division offices sa Lipa. Iyon ang some update, Sec. Martin.

SEC. ANDANAR:  Thank you, Usec. Malaluan. Balikan natin si Secretary Liling. Sa kabuuan po, Secretary, ilang estudyante ang nakapag-enroll para sa school year na ito sa buong bansa?

SEC. BRIONES:  Sec. Martin, sa buong bansa, lahat-lahat ng mga enrollees natin umabot na ng 24,753,906. This is 89% ng last year’s enrollment na wala pa ang pandemya. Pero ang target natin na in-approve ng NEDA for this year ay 80%; nakamit natin ang 89%. Ang malaking bahagi ng mga learners na naka-enroll sa atin ay ang galling sa public school, ito ay 99.7%. Halos lahat na buong enrollment figure natin para sa public sector, nakamit ng DepEd.

Ang medyo challenging ay ang sa private sector, dahil hindi nakabalik lahat ng mga private sector learners natin.

Pero sabi ko nga, Sec. Martin, dahil unti-unti ng binubuksan ang ating ekonomiya ay magkakaroon na ng trabaho ang mga parents, makabalik na sila sa mga gawain nila at makayanan na nilang mapag-aaral ang kanilang mga anak.

So, with the opening of the economy, with economic recovery, sigurado kami na tataas lalo ang enrollment natin dito sa DepEd at saka makikita natin araw-araw may humahabol na nagi-enroll. Kaya nga nagkukulang kami ng mga modules dahil may mga late enrollees.

Ang mga bata, Sec. Martin, puwedeng mag-enroll sila hanggang November, dahil ang ating regulasyon noong wala pa ang COVID sinasabi na natin, kung mahabol ang bata, 80% ng ating requirement ay puwede silang mag-enroll. So, puwedeng November, pero sabi naming huwag ng mag-hintay sa November.

Isa pa ang malaking bulto din ng ating enrollees sa Alternative Learning System o ALS, iyon din hindi nakabalik. Halos kalahati ng ating mga enrollees sa Alternative Learning System, hindi nakabalik dahil nawalan sila ng trabaho at hindi na nila kaya iyong mga pangangailangan nila sa school.

Kaya with the opening of the economy, iyong mga workers na nag-aaral sa gabi o nag-aaral during weekend, nagtatrabaho during the week, kapag makabalik sila ng trabaho, balik-eskwela din sila.

Kaya we’re very optimistic na kung patuloy ang pag-recover ng ating economy, patuloy din ang pagbalik ng mga learners natin sa private sector schools at saka sa Alternative Learning Systems. Salamat, Martin.

SEC. ANDANAR:  Sa kasalukuyan, Secretary Briones, ay may malaking hamon pa rin sa ilang paaralan ang pag-distribute ng module sa mga estudyante. Halimbawa na lamang po ang report ng DepEd-NCR kung saan 16 na school divisions daw dito, tatlo pa lang po ang nakukumpleto ng distribution ng mga module. Hindi po ba ito makaka-apekto sa pagbubukas ng klase ngayong araw?

SEC. BRIONES: Salamat sa tanong na iyan; gusto talaga naming iyan sagutin.

Kasi iyong report na iyan three weeks ago na-submit namin. Pero iyong three weeks na iyan, humabol lang ang NCR. Halos lahat ng mga schools sa NCR as far as we know, na-deliver na ang mga modules, maliban lamang iyong para sa mga late enrollees. Kasi iyon naman ang sabi ng regional director sa amin noon. Sabi niya, ito pag kulang, bigyan ninyo kami ng time para matapos itong mga modules na ito, binigyan namin sila ng time by October 5 – kasi may deadline kami na October 5 – kumpleto na lahat. Eh nakukumpleto naman ng NCR.

So, that was three weeks ago and three weeks marami naming nagagawa ang ating mga teachers at mga opisyal.

SEC. ANDANAR:  Okay. Dumako naman tayo kay USec. Sevilla nasa linya na po siya. USec.   Sevilla, we understand kayo po ng nag-monitor sa DepEd-NCR. Kumusta po ang naging opening of classes kanina; totoo ba na may mga challenges pa rin hanggang ngayon sa distribution ng modules?

USec. Sevilla?

Okay. Kay USec. Malaluan muna tayo. USec. Malaluan, kumusta po ang module distribution po naman sa mga regional division na binisita ninyo ngayong araw?

USEC. MALALUAN:  Well, maayos na iyong distribution dito. May mga residual na lang na mga magulang na hindi pa nakapag-claim, pailan-ilan iyan sa isang schools. So may skeleton forces naman tayo sa mga paaralan natin. So kung may mga magulang na hindi nakakuha pa ng modules during their scheduled time – kasi ang nakita ko dito by sitio ang scheduling nila – kung hindi nakapunta o hindi naihatid ay maaring i-claim this week. But most of them ay nai-distribute na. At dito din kagaya sa Metro Manila ay ang local government has provided tablets also for junior high school and senior high school. So, it will be a combination also in the subsequent quarters na may nasa digital format at mababawasan na din iyong ating dependents doon sa ating printed modules.

SEC. ANDANAR:  Balik po tayo kay Secretary Liling. Alam po natin na hindi lang sa pagbubukas ng klase nagtatapos ang challenges sa taong ito para sa sector ng akademya. Magkakaroon po ba ng evaluation sa blended learning after some time at possible bang mabago ang learning system sa kalagitnaan ng school year?

SEC. BRIONES:  Sec. Martin, right now halos every hour on the hour ang monitoring. Malaking tulong kasi nag technology, like you know what happened in Mindoro, we know what’s happening in Kalinga, we know what is happening in various parts of Mindanao dahil sa bilis ng ating information system.

Namo-monitor ito on a day to day basis at saka kung may challenge na lumalabas, gumagawa tayo ng adjustment. Pero ang mahalaga sa tanong ninyo and it is a very important question – I-assess ba natin itong ating polisiya ng blended learning?

Secretary Martin, ang blended learning ay matagal na iyan, siguro kasing tanda ko and blended learning, iba’t ibang teknolohiya ang pinagsama-sama depende iyan sa sitwasyon. Ang kulang lang sa ating blended learning ngayon dito sa Pilipinas ay ang face to face. Dahil ang face to face session, hindi naman pinapayagan ng Presidente at tayo naman lahat ay nakakaintindi kung bakit, since health is the major consideration.

So, tama kayo, we are going to assess as I said, mino-monitor, alam namin ang mga  developments, alam naming ang mga challenges, pero iyong overall assessment gagawin iyan, kasi malapit na ang katapusan ng ating third quarter, papasok na tayo sa fourth quarter.

Tayong dalawa parehong nasa Gabinete, alam naman natin kung gaano katindi o gaano ka-relevant ang pag-monitor ng ating mga accomplishments halimbawa ng ating cabinet secretary, nandiyan ang Department of Budget, so nagsu-submit tayo ng  reports, para  may-in-house din tayo na assessment na gawin.

At dahil tayo naman ay naniniwala sa honesty is the best policy, eh kung ano ang resulta ng assessment na iyan, will always be made to the public at saka ito iyong palagay ko factors ng success ng ating exercise today sa opening of classes. Hindi natin tinatago ang mga challenges, hindi natin dine-deny ang mga challenges na initially hinarap natin, kaya ang dami talagang tumulong and we are sure na kung may challenges along the way, ito ay talagang matugunan ng maayos.

Alam mo, Sec. Martin, naalala ko na may kaugalian ang mga Pilipino, kung magtatayo tayo ng bagong bahay halimbawa, halos hindi pa tapos o malapit ng matapos lilipat na ang may-ari, kasi ang sabi it’s only when you live in the house na makikita mo kung mayroon pang mga pagkukulang o marami pang challenges, when you actually live in the house. So, right now, we are applying blended learning, sa actual implementation kung may challenges na  lalabas ito ay ise-share namin publicly at everybody I am very sure will lend a helping hand, lahat ng sector sa ating bansa. Thank you.

SEC. ANDANAR: Balikan po natin si Usec. Sevilla. Usec., ano po ang ginagawa ng DepEd-NCR para tugunan ang umano’y hindi pa nakukumpletong module distribution?

Naku, talagang nagkakaproblema ang ating linya ng telekomunikasyon. Pero maraming salamat po sa inyong pagpapaunlak DepEd Secretary Leonor ‘Ma’am Liling’ Briones, Usec. Nepo Malaluan at Usec. Annalyn Sevilla.

Alamin po natin ngayon ang mga pinakahuling balita po naman mula sa Cordillera. Live magbabalita si Eddie Carta.

[NEWS REPORT]

SEC. ANDANAR: Maraming salamat Eddie Carta ng PTV-Cordillera.

USEC. IGNACIO: Secretary Martin, ako ay humihingi ng paumanhin sa ating mga kasamahan sa media na hindi natin naitanong iyong gusto sana nilang itanong kay Secretary Briones. Paumanhin po.

Samantala, hinihikayat po tayo ng National Quincentennial Committee na makilahok sa Lapu-Lapu National Monument Design Competition. Extended po ang deadline of entries hanggang October 30, 2020. Sali na at baka isa po kayo sa apat na mag-uuwi ng kalahating milyong piso. Para po sa ibang detalye, bisitahin lang po ang www.nqc.gov.ph.

Nananawagan din ang Philippine Red Cross sa mga COVID-19 survivor na mag-donate po ng convalescent plasma. Para sa iba pang detalye, makipag-ugnayan lang po sa PRC Convalescent Plasma sa numerong 0917-582-04-99 o ‘di kaya 015-399-77-18.

SEC. ANDANAR: Usec. Rocky, para sa ating mga katanungan sa media…

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, kung nandiyan pa po si Secretary Briones. May tanong po ang kasamahan natin sa TV-5. Nandiyan na po si Secretary? Ang tanong po ni Maricel Halili ng TV-5, paumanhin na po, Secretary: Pangkalahatan pong problema ang internet ng guro. Paano daw po ito riresolbahin ng DepEd?

DEPED SEC. BRIONES: Itong internet problem, hindi ito challenge lamang sa DepEd – challenge ito sa buong sistema natin sa ating bayan. At hindi lamang ang DepEd ang maka-resolve nito – may mga agencies tayo, may mga private groups tayo na makakatulong/makaambag sa pag-resolve ng problemang ito dahil alam naman natin hindi ito creation ng DepEd and DepEd cannot solve it by itself. But we can help identify the problems, we can suggest solutions and sa last SONA speech ni President, nag-organize siya, iyong sinasabi niya na kailangan magkaisa na itong mga agencies na apektado nitong ating problema sa communications. At inumpisahan na namin na umupo talaga at harapin itong mga problemang ito.

Pero ang gusto ko lang i-emphasize, kasi paulit-ulit na lumilitaw itong challenge ng modules. Ang sinabi na namin na iyong data na pinagbasehan niyan ay three-week old at in three weeks’ time nakakahabol naman ang ating iba’t ibang region.

Pangalawa, kung magri-resolve itong problem natin of connectivity ay malaking malaking bagay sa pag-resolve ng problems ng module. Kasi kami sa Department of Education, gusto nating ibalanse iyong demand ng modules na gumagastos ng tone-toneladang papel, pumatay ng libu-libong mga puno para sa paggawa ng materyales na ito. Gusto naman nating i-spare ang environment.

Pangatlo, alam natin, sinabi na natin ito sa mga budget hearings sa Senate at saka sa House, very much more expensive ang modular approach. Iyong pag-produce ng material, sobrang mahal i-compare mo sa, iyong sinasabi ko, na connectivity aspects sa communication. Kaya gusto namin unti-unti o pabilis-bilis ba, ang gusto natin na mag-move on na tayo kasi iyon ang pangangailangan ng panahon ngayon, iyong sinasabi nating new normal. Worried tayo halimbawa sa PISA examination, ang PISA examination ay through connectivity. Hindi naman mano-a-mano ang mga international assessments na gusto nating salihan.

At iyong mga pagtuturo sa ibang bansa, hindi naman lahat mano-a-mano kaya gusto natin na even as we are now giving-in dahil kagustuhan ng parents, kagustuhan daw ng mga kabataan, gusto nila iyong module – gusto din nating mag-shift to online methods kagaya ng ginagawa natin sa DepEd Commons. Dito kung magkaisa tayo, tayong lahat na involved sa connectivity na hindi lang ang DepEd ang humarap ng problemang ito, kung mari-resolve ito, masi-save natin iyong mga puno natin.

We don’t want a desert planet like Arrakis ‘no. Arrakis is the planet in Dune na completely dried, ubos na lahat, wala na talagang isang tulo ng tubig. Ayaw natin iyan mangyari kaya iyon ang direksiyon na patutunguhan ng DepEd. Iyon din ang direksiyon sa tingin ko patutunguhan ng ating bansa. Babalansehin natin ang environment. Babalansehin natin ang cost ng mga materyales na ito sa paggamit ng iba’t ibang paraan. Kaya nga blended – kung hindi uubra si blended, nandiyan si module, nandiyan naman ang online kung available ang online.

At ngayon alam naman ito ni Sec. Martin, dini-develop na natin ang TV programs, TV learning at saka radyo. Kung hindi puwede sa module, hindi puwede sa mga platforms natin, eh nandiyan ang TV, nandiyan ang radio na dini-develop din natin at binibilisan din natin ang pag-develop niyan. Gusto ko lang i-emphasize na we are not matching iyong sasabihin natin na one is better than the other. Gusto natin both but at the same time we consider cost, we consider the environment and we also consider the competitiveness of our learners in so far as their life outside, their professions in the future will be like. Thank you.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, may pahabol lang po si Meg Adonis po ng Philippine Daily Inquirer. Ito po ang tanong niya: Will the DepEd consider conducting face-to-face learning in low risk or zero transmission areas as suggested by Vice President Leni Robredo?

DEPED SEC. BRIONES: Maliwanag kasi, Rocky, ang policy ng President. Sinabi niya na walang face-to-face for as long as a vaccine is not found or by implication, an effective cure for coronavirus is developed and found. Iyon naman ang condition.

Now iyong possibility of face-to-face learning sa mga lugar na zero, alam naman natin pinag-aaralan naman nating lahat ang kilos at saka ang ugali ng coronavirus na ito. Alam naman natin na may mga zero places and I don’t have to mention them, na bigla na lang nagkaroon ng spike. May mga lugar na konting-konti lang ang kanilang virus na infections, na-identify, biglang tumataas, saka mayroon namang nagpa-flatten.

Kaya sabihin natin ngayon mag-face-to-face tayo dahil walang coronavirus and I don’t have to mention which places, which are. But sa mga lugar na ito ay mayroon nang iilan, nag-uumpisa na sa mga lugar na ito. Kaya binabantayan pa rin natin at sa tingin natin kailangan sundin natin iyong patakaran ng Presidente – unless talagang an effective cure is developed and we’re able to access that, then we cannot consider face-to-face at this time.

USEC. IGNACIO: Okay. Last na lang po, maigsi lang daw po Secretary. From Evelyn Quiroz ng Pilipino Mirror: Can the reopening of schools really be considered a victory considering the pandemic is still very much around?

DEPED SEC. BRIONES: It’s a victory because the pandemic is still around and we are opening schools – that is victory.

USEC. IGNACIO: Thank you very much, Secretary Leonor Briones ng Department of Education. Ma’am, stay safe po, Secretary. Salamat po.

DEPED SEC. BRIONES: Pumasa ako, yesterday I was tested again for COVID. Nakailang test na ako every so often at beterano ako and I know what it’s like, that’s why I agree with the policy of the President.

USEC. IGNACIO: Maraming salamat po, Secretary.

DEPED SEC. BRIONES: Thank you.

USEC. IGNACIO: Opo. At diyan po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Ako po si Usec. Rocky Ignacio. Good vibes pa rin po dahil walumpu’t isang araw na lamang Pasko na. Hanggang bukas pong muli dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.

 

###

 

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)