SEC. ANDANAR: Isang mapagpalang araw po sa lahat ng ating mga kababayan sa buong mundo; ngayon po ay October 6, 2020, Martes. Ako ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar ng PCOO. Magandang umaga, Rocky.
USEC. IGNACIO: Good morning, Secretary Martin. At mula pa rin po sa PCOO, ako naman po si Usec. Rocky Ignacio.
SEC. ANDANAR: Samahan ninyo kami ngayong umaga sa ating Public Briefing #LagingHandaPH.
Maya-maya, Rocky, ay makakausap natin ang prime mover ng Philippine Red Cross, at mayroong magandang balita si Senator Dick Gordon para sa lahat.
USEC. IGNACIO: Opo. Marami ring nagtatanong niyan, Secretary, kung ano pa ang maitutulong din ng Red Cross sa ating mga kababayan lalo pa ngayon na tayo po ay nahaharap dito sa pandemya.
SEC. ANDANAR: Iyan ang kagandahan sa Philippine National Red Cross dahil sila ay present all over the country at katuwang ng pamahalaan – auxiliary nga, ika nga, ng ating pamahalaan pagdating sa mga delubyo, sakuna, pagdating sa pandemya, sa lahat ng mga panahon na kailangan ng tulong. Kaya mamaya, makakasama natin.
USEC. IGNACIO: Okay. Secretary Martin, iyong iba pa nating mga kasamahan na sa kasalukuyan po ay patuloy pa ring nakasubaybay sa ating Public Briefing #LagingHandaPH. Tayo po ay nagpapasalamat din sa kanila.
At siyempre, inaantabayanan din po kayo sa iba pang mga lugar dahil kabilang po kayo doon sa mga tinatawag nating “Big Brother” na tumutulong po sa ating mga LGUs para po talaga mapigilan itong pagkalat ng COVID-19 na isa pong napakahalagang alam kong task na ginagawa po ng ating mga Cabinet members. Isa po iyan doon sa mga nakikitang paraan para po nagkakaroon ng magandang coordination ang government at ang LGU.
SEC. ANDANAR: Tama ka diyan, Rocky. Sa nakalipas na mga buwan ng pagharap ng ating bansa sa COVID-19 ay napatunayan nang malaking bagay ang pakikipagtulungan ng pamahalaan sa pribadong sektor at iba’t ibang mga organisasyon para matugunan ang pangangailangan ng sambayanang Pilipino sa paglaban sa pandemya. At isa po sa naging matibay na katuwang ng ating pamahalaan ang Philippine Red Cross.
Ngayong umaga, kumustahin po natin ang mga naging achievements ng Philippine Red Cross at ang patuloy nilang pagtulong para masugpo ang COVID-19. Makakapanayam po natin ang Chairperson at CEO ng Philippine Red Cross, Senator Richard Gordon. Magandang umaga po sa inyo, Senator.
SENATOR GORDON: Good morning, Martin at kay Rocky, good morning; and I’m glad to be here in your program sa Laging Handa. Kumbaga sa Red Cross, always first, always ready; ang Laging Handa, always there.
At ang iyong sinasabi mong achievement, kami ay hindi nagbibilang ng achievement; tuluy-tuloy lang kami. May mga milestone lang na aming hinaharap alang-alang sa mga nagbo-volunteer sa amin at sa mga staff namin, iyong mga medtech na ilalagay ang mga buhay nila sa alanganin dahil humahawak sila ng maseselang bagay na puwede silang magkasakit.
At ngayon ay natutuwa ako na batiin sila sapagka’t dahil sa kanila, nakalipon tayo ng 1,003,754 tests – the highest in the entire country and we are higher by 700,000 sa susunod sa amin na nagti-test. Kami ay nasa top ten, number one kami. Ang sumunod ay 331,000 tests. Tapos ang RITM has 292,000 tests. Chinese General had 145,000 tests. Everybody contributes. And the contribution resulted in 3.8 million tests na para sa ganoon ay masugpo natin ang COVID.
Hindi tayo nagpapataasan, pero ginagamit ko lang iyan para give my people a pat in the back. Pero ang totoo niyan, we work with everybody, the government and other institutions so we can fight COVID and finally eradicate it in our country.
SEC. ANDANAR: Congratulations po sa Philippine Red Cross, Senator, sa mga kasamahan ninyo po diyan. Hindi po biro iyong mag-test ng mga kababayan natin, whether negative sila or positive sila. Pero paano po kaya ito naging possible, Senator, ang makapag-test ng more than a million?
SENATOR GORDON: Alam mo, matutuwa ka kapag kinuwento ko sa’yo iyan eh. Kasi noong nag-umpisa magkaroon ng ganiyan, naghanda na kami diyan dahil binasa ko noong araw iyong libro na “The Great Influenza.” Iyan iyong nangyari noong 1917-1918 kung saan ay ang namatay ay over… sabi ng iba, hundred million; iyong iba ang sabi 50 million ang namatay doon sa Great Influenza na iyon.
Ang sabi ko, dapat maghanda na tayo diyan. At noong nagkaroon ng 911, nasa isip [garbled] dapat nakahanda ang Red Cross. Kaya ang Red Cross ay nakahanda sa lahat ng [garbled] tulad ng mga rescue trucks, fire trucks, amphibians kapag may baha, may barko pa tayo. Kumpleto tayo sa dialysis machines. Kumpleto tayo sa mga tents na pinapahiram natin.
At noong nagkaroon na nga nitong COVID, tinanong ko kaagad ang ating partners natin sa China dahil sila ang unang tinamaan, sa Wuhan. Tinanong ko ang Chinese Red Cross at agad-agad sinabi nila ang mga mahuhusay na gamitin ninyo ay iyong makinang ito, iyong Sansure. At tinanong ko rin ang Chinese Ambassador natin dito, si Ambassador [unclear] at saka iyong Philippine Ambassador natin sa China na walang ibang kung hindi si Chito Sta. Romana nakasabay ko. Si Ambassador Xilian, ang ambassador dito sa China.
At lahat kami ay nag-agree na mabuti na bumili na kaagad ng makina sapagka’t ang ginagamit ng RITM noong mga panahon na iyon ay manual – talagang hinihiwa-hiwa nila isa-isa. At binili namin kaagad ay iyong automated, medyo may kamahalan. Mayroon kaming konting pera na naipon, nakabili kami ng apat na makina. Kinonvert kaagad ng kaibigan natin na Ayala iyong makina na iyong building namin sa [garbled]. And later on, kinonvert din namin doon sa lingkod ng building namin, iyong ginawa ko na tinatawag nating PLMC kung saan nagku-conversion kami doon o kaya nagmi-meeting kami doon, at nagkaroon ng eight machines.
Tuwang-tuwa kami dahil ang bilis eh. Noong panahon na iyon, dumating bigla sina Secretary Duque, sina Secretary Galvez, Secretary Año, Secretary Lorenzana, si Secretary Dizon at saka si Secretary Nograles, si Harry Roque – tinest pa namin si Harry Roque – at saka iyong mga ibang mga namumuno. At nakita nila, sabi nila kaagad, nagulat ako, “Ito ang kailangan natin. Ito ang makakapag-save sa atin.” Iyon pala, inaabangan na nila iyong parating na maraming mga OFWs, daan-libo na darating na hindi nila alam kung papaano nila mati-test.
At ginawa namin kaagad na… ginawa na iyon. At dahil nakita ko na marami ang kakailanganin, gumawa pa ako uli ng another 14 tests doon sa dati naming headquarters sa Manila. So umabot tayo ng 22,000 test machines dito sa Manila. At tapos tuluy-tuloy na sa Subic, dalawa; sa Clark, apat; sa Batangas, apat; at hanggang umabot na sa Cebu, apat; sa Bacolod, dalawa; sa [garbled], dalawa; Cagayan de Oro, dalawa. At ginagawa na iyon sa Surigao, dalawa, para buong Mindanao ay ma-cover pati BARMM. Naghahanap kami ng lugar sa BARMM para mapaglagyan doon sa mga tapat ng bus. Although, iyong Cagayan de Oro ay kaya nang i-test iyong mga tiga-Marawi, tiga-Lanao at tiga-ibang lugar.
At ganoon rin, nagpagawa tayo sa Isabela sa Norte. Pagagawa tayo sa Pangasinan, at may nagbigay ng lupa doon. At pagkatapos dito sa Quezon, kina Governor Suarez; at saka dito sa Legazpi, doon sa aming opisina sa Albay, sa request naman ng gobernador ng Albay.
Kaya tuluy-tuloy iyan at dahil diyan, ang bilis namin nakapag-test. Kumuha kami ng maraming test, tulung-tulong kami. Minsan kinakapos kami binibigyan kami ng DOH at kung minsan test kami nang test, nilalagay sila sa hotel para hindi sila lalabas, nagkakasakit pa iyong iba, ang dami naming hirap.
Now, there are 384 med techs at pagkatapos iyong mga tao namin ay talagang binabantayan na ngayon. At kumuha kami ng mga pathologists siyempre, nag-train kami ng mga swabbers, ang pinakamahirap iyong encoding, Martin, sapagkat kapag nagkamali sa encoding hindi mo makikita kung saan hahanapin mo nang matagal iyong test.
Kaya ang puyatan noong araw hindi lang iyong [choppy audio] iyong mga test hanggang kinausap ko iyong isang kaklase ko na si Bodjie Garcia na binigyan ako ng dalawang programmer at pagkatapos tinulungan ako ng mga kaibigan ng anak ko na mga bata sa Xavier; galing sa pa sa Switzerland, galing sa Canada, galing sa America at ngayon perpekto na iyong aming computerization. Dashboard Philippines inayos iyan, iyon iyong mga bata at ngayon ang bilis na at hindi na nawawala iyong mga records ng mga tao sapagkat alam mo naman, kapag binuhusan ka bigla ng 200,000 OFWs tapos ilalagay pa nila ang date [choppy audio] kung minsan may nagbibiro pa kapag tinanong mo sex, ilalagay nila three times a day eh talagang masisira ang ulo mo kapag minsan, kaya ngayon maayos na.
Iyan ang istorya niyan at hanggang ngayon tuluy-tuloy na iyong ating pagbibigay ng mga testing at ngayon pinapalakad ko na iyong mga volunteer para doon sa mga bayan-bayan para ma-test at sa darating na mga araw ay magbabago, ibababa na namin sa village. Iyong halaga ng testing para makatipid ang PhilHealth.
At dahil pinag-aaralan namin ay isang reagent, puwede nang mag-test ng tatlo at gumagawa kami ngayon ng bagong saliva test with the University of Illinois at saka University of the Philippines para mabilis. Tapos tinulungan pa namin ng anim na ambulansiya; na mayroon kaming 1158 na numero para mayroon tayong referral sa mga tao. At naglagay tayo ng 71 tents, dagdag na mga kama sa mga hospital at nagbibigay pa tayo ng mga pera doon sa mga tao. Umabot na sa P73 million ang naibigay sa mga tao na [unclear] nitong COVID-19 [unclear].
Iyan ang istorya namin, napakaraming istorya.
SEC. ANDANAR: Senator Gordon, so far ay ilan naman po ba ang operational molecular laboratory ng Philippine Red Cross at ano po ang pangunahing layunin ng Philippine Red Cross sa pagkakaroon ng molecular laboratory?
SENATOR GORDON: Well, sa sampung location at parami pa iyan. Katulad na nga ng sinabi ko, sa Manila, sa Subic at saka sa Clark, sa Batangas, sa Cebu, sa Bacolod, sa Zamboanga, sa Cagayan de Oro, Surigao, dadami pa iyan. Ang pakay niyan ay kunin iyong mga swab at i-test sa lalong madaling panahon para mahiwalay na natin iyong mga may sakit doon sa mga taong walang sakit para hindi na kumalat iyang COVID.
At napakahalaga niyan sapagkat nabawasan siguro nang malaki dahil sa nati-test natin, naa-isolate natin at iyan ay binibigyan pa natin ng pagkain iyong mga iniiwanan ng mga positive para nang sa ganoon hindi sila mag-alala masyado. At isa pang ginagawa natin diyan ay nakikipag-ugnayan tayo sa DOH para alam nila iyong ginagawa namin, nalalaman nila kung ilan na nati-test.
At kung minsan nauubusan ang RITM o ang Lung Center ng test kits, sa amin nagpapa-test kung nao-overwhelm sila at tini-test natin at tinutulungan natin pati NKTI at lahat ng mga ospital lalo na dito sa kabuuan ng Maynila.
SEC. ANDANAR: Mayroon po ba tayong mga target na lugar na kailangang magkaroon po ng sariling laboratory bukod po sa..? I know that, I was in Los Baños ‘no, nagtayo po ang Red Cross doon ng molecular laboratory. Kayo po ay nag-assist doon sa UP-Los Baños at tuwang-tuwa nga ang Laguna dahil po doon. Mayroon pa po bang ibang lugar na aasahan nating magtatayo po ang Philippine Red Cross?
SENATOR GORDON: Sa Laguna, nagpaplano kami either sa Biñan o kaya dito sa kung saan ako ikinasal, dito sa Cabuyao, naghahanap kami ng lote roon. At magtatayo tayo dito sa Lucena at saka sa Albay, at saka sa Pangasinan, at saka definitely sa Isabela matatapos na iyan at sa iba pang lugar.
Ang target namin kung saan marami, pinupuntahan namin. Sa Iloilo, malapit na iyong Bacolod pero naiipit ang Iloilo sa dami, so inilagay ko na sa gitna ng island of Panay para Iloilo, Antique, Aklan, Capiz, Guimaras, magkakasama doon ang mate-test. Iyon ang gagawin natin doon.
SEC. ANDANAR: You mentioned earlier, Senator, na madami na rin kayong med techs, mga staff na tumutulong. Paano rin po sila inaalagaan ng PRC at kumusta naman po ang manpower ng mga laboratory ng Philippine Red Cross?
SENATOR GORDON: We pay them top dollar. 35,000 ang bayad namin sa med tech; mayroon silang hotel, kapag nagtatrabaho sila libreng pagkain, at siyempre mahigpit kami. Pinag-iingat namin sila dahil kung minsan lumilipat sila ng kuwarto, nakikipag-chikahan doon nagkakasakit kaya dapat eh talagang binabantayan natin iyong mga med tech natin para hindi sila maaano. So, iyon ang ating ginagawa.
Bukod diyan, marami tayong encoder na dati-rati mas marami ngayon kakaunti na lang at para sa ganoon makuha natin lahat iyong mga dapat i-encode at tama lahat iyong mate-test. Marami rin tayong mga tinatawag na doktor na tsi-check; pathologist at saka iyong mga assistants nila; at saka mayroon rin tayong mga drivers na nagdi-deliver, lumalabas kasama ng mga med tech kapag nagpapa-test sa labas ng bahay, sa labas ng Red Cross nang maramihan.
Siyempre, marami tayong katulong dito at halimbawa, ngayong araw na ito, nagpapasalamat kami sa mga tao namin, bibigyan namin sila ngayon ng… nagbigay ang Nestle sa amin ng KitKat. Gustung-gusto nila iyong KitKat eh at Coca-Cola nagbigay ng bottled drinks sa pamamagitan ng ‘brod’ ko na si Attorney Juan Lorenzo Tañada. Si [unclear] nagpadala ng 96,096 na KitKat at magpapadala rin tayo ng Wilkin’s bottle, 2,400 at saka Pocari Sweat bottles mula naman kay Kohei Oyamada. So, total of 15,000 iyan, mabibigyan natin ng kaunting pabuya.
Ganoon naman iyan, katuwaan lang iyan eh, hindi naman talaga ipinagmamalaki iyan pero at least masaya dahil magkakaroon sila ng kaunting inuman na soft drinks nga lang pero hindi hard drinks.
SEC. ANDANAR: Bukod po sa mga molecular laboratory ay may iba pa pong proyekto at programa ng Philippine Red Cross para sa COVID-19 kagaya ng cash grants, tents sa mga ospital at food relief. Kumusta po ang updates sa mga ito, Senator?
SENATOR GORDON: Well, sa mga cash grants, umabot na tayo ng 73,000 [unclear]. 73 million sa mga binibigyan natin sa iba’t ibang lugar, hindi pa tapos iyan. Quezon City, Taguig, Manila, Muntinlupa, Mandaluyong, Marikina, San Juan – tapos na, Mandaluyong – tapos na, Pasay, Parañaque, Caloocan, Makati, Las Piñas, Pasig at Cebu Province including Lapu-Lapu City, Cebu City, Mandaue City, Talisay, Leyte, Western Samar, sa Central Luzon, Bulacan at Olongapo City. Sa Southern Luzon, magbibigay tayo sa Taytay, Cainta, Binangonan, and the City of Antipolo.
At iyan ay binibigyan natin ng halaga na 3,500 kada pamilya para may pantawid sila. bukod diyan, marami pa tayong binibigyan ng mga hot meals at saka mga ready to eat. Mayroon tayong mga pini-pick-up na mga tao, iyong mga tinatawag nating locally stranded individuals (LSIs). Naka-pick-up na kami ng 2,600 at pina-swab pa namin iyan at saka iyong assisted 1,568 returnees from Sabah, Malaysia and another 5,300 more coming.
Bukod diyan nagbibigay tayo ng tubig, hygiene sa may 3.9 na million individuals, 2,296 hand washing facilities and soap para makakapaghugas… sa mga palengke nilalagay namin iyan at saka 8.8 million liters of water distributed 1,600 jerry cans distributed. Tuluy-tuloy iyan.
Bukod diyan mayroon pa tayo sa Taal, iyong mga nasalanta sa Taal nabibigyan rin ng pera iyang mga iyan at pagkain at mga gamit.
Sa Mindanao hanggang ngayon tuluy-tuloy pa, nag-earthquake diyan noong 2019, October 16, 29 at 31 at hanggang ngayon nagbibigay tayo ng mga tents doon, gumagawa tayo ng bahay; 900 households, may tents at saka—gagawa tayo ng savings group. Mayroon tayong mga family tents, mayroon tayong mga hot meals at saka recruitment and community campaigns for livelihood.
Doon naman sa Typhoon Ursula tuluy-tuloy pa tayo, 6.9 million pesos have been distributed support 690 families. Sampunlibo kada pamilya ang binigay diyan kasama iyong mga mayors saka iyong mga chapter administrators natin.
At saka sa polio, isang milyon ang nabigyan natin ng gamot laban sa polio at ngayong Nobyembre magsisimula na naman kami para sa measles at saka sa polio sa buong Pilipinas.
Iyan lang ang ilan sa mga ginagawa namin at naghahanda rin kami sa dengue at patuloy ang pagkalap ng dugo, iyan ang mahalaga – hindi nauubusan ng dugo ang Red Cross at para sa ganoon palagi kayong may maaasahan. ‘Pag nangailangan ng dugo mayroon kayo at kung COVID plasma, convalescent plasma ang kailangan ninyo, mayroon na kaming nakalap na 398 at naibigay na namin iyon sa mga tao iyan. 88 has recovered, ang na buhay; 63 ang recovering at 35 expired. Iyong iba hindi namin alam, hindi na sinasabi ng doktor sa amin kung ano ang talagang nangyari doon sa mga pasyente.
SEC. ANDANAR: Apart from that ay nagkaroon din daw po ng programa para sa mga Locally Stranded Individuals ang Red Cross. Ano po ito, Senator?
SENATOR GORDON: Ay iyon na nga, nakukuha namin iyan sa mga—malapit sa airport, doon sa Nichols, nakukuha iyan doon sa may Pasay. Mayroon pang mga buntis diyan na mga 17-year old, dalawa 17-year old na buntis. Tinulungan namin iyan, dinala namin, sinwab at binigyan natin ng pagkain at hygiene kits at inaayos natin makauwi sila sa kanilang mga probinsya. At binigyan natin ng pagkain, binigyan natin ng load, pinagagamit natin ng load para makatawag sila sa pamilya nila at inayos natin iyong hygiene nila para hindi na sila magkasakit sapagkat napakahalaga iyan.
We assisted all these people about 2,600 of them ang na-assist diyan sa mga tinatawag nating Locally Stranded Individuals.
SEC. ANDANAR: Alam din po natin Senator na talaga namang nangangailangan pa rin ng maraming blood donations bilang pagtugon pa rin sa COVID-19 – iyong plasma halimbawa. Pero kumusta po ang mga programa ninyo para makapangalap po ng dugo?
SENATOR GORDON: Alam mo maraming nahirapan na mga hospital, hindi sila makakuha ng dugo so Red Cross ang nagpupuno niyan. May mga donation kami sa SSS, sa GSIS, San Miguel Corporation… nagbigay sila ng dugo doon sa lahat ng kumpanya na iyan at gagawin nila every quarter iyan. At saka Puregold nakakuha tayo ng mga 1,001 units sa mga tindahan nila at pati na rin iyong mga kaibigan ko at iyong mga regular donors tinatawagan namin para magbigay ng dugo para sa ganoon may dugo palagi ang Red Cross. Minsan dini-deliver na namin ang dugo at para sa ganoon hindi na mamamasahe at hindi na mahirapan iyong mga tao lalo na iyong mga mahihirap.
SEC. ANDANAR: Senator, please tell us more about the Convalescent Plasma Center ng PRC at paano po sila maaaring mag-donate ng kanilang plasma?
SENATOR GORDON: Well, kapag ikaw nagka-COVID, puwede kang mag-apply na magbigay ka ng blood mo para—ti-testing-in ka lang muna kung okay ka, kung marami kang antibodies. Kung marami kang antibodies kukunin iyong dugo mo at iyon ay ilalagay natin sa [unclear] at pagkatapos iyon ay gagamitin natin para maibigay sa mga tao na inoopera.
Marami iyan nangangailangan at kanina nga may mga kaya sa buhay dahil may kamahalan iyan pero binibigyan rin namin nang libre iyong mga taong nangangailangan katulad noong mga doktor sa PGH na nahirapan, binigyan namin ng dugo doon – 124 bags ang binigay doon sa isang doktor doon at binibigyan rin namin ng dugo iyong mga mahihirap.
Mayroon kaming Blood Samaritan Program at tuluy-tuloy iyan at we are very proud of that program because minsan lang namin ginawa iyan, maglalagay sana kami sa Cebu pero mukhang hindi nila kailangan doon kaya ililipat namin iyan sa ibang lugar.
SEC. ANDANAR: Puntahan naman natin ang mga media questions para kay Senator Gordon. Please go ahead, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Good morning, Senator Gordon. Tanong po mula kay Evelyn Quiroz ng Pilipino Mirror. Ito po ang tanong niya: The Red Cross is presently trying to make COVID-19 testing more affordable to Filipinos. COVID-19 testing in private hospitals now costs between P4,000 to over P10,000 for express results. How cheap can the Red Cross offer COVID-19 testing in the future?
SENATOR GORDON: How inexpensive you mean, hindi naman cheap. How inexpensive… So what we will do is we will probably try to bring it down to maybe P2,500 to P2,000. Kinu-compute pa namin, ‘pag nakuha na namin iyong permits sa DOH sa saliva test magmumura iyan dahil—nasa expert panel approval na iyan. Kailangan madaliin natin iyon at iyong ating regular COVID testing ay babawasan namin iyong reagent. Good pa rin iyan sabi sa akin ng mga doktor. Iyong 1:3 ang dilution, so sa isang reagent puwede kang mag-test ng tatlo at divided by 3 iyong P3,500 or P4,000 – aabot iyan ng mga P1,500 or P2,000.
USEC. IGNACIO: Opo. Mula naman po kay Haydee Sampang ng DZAS: Paano po tinitiyak ng Red Cross na ligtas ang specimen collection para maiwasan po iyong insidente kagaya sa Amerika na nasira sa nasal swab test ang lining ng utak ng isang babaeng pasyente?
SENATOR GORDON: Well you know, diyan kami maingat na maingat sapagkat tini-train namin nang maigi iyong mga medtechs natin. Alam ninyo naman sa America kulang sila sa mga tao doon eh kaya kung minsan ay nagpipilitan din silang kumuha kahit na hindi magaling, hindi pa masyadong magaling nasusubo sila.
I don’t think it’s gonna happen here because we are very, very careful with Red Cross. 4 million na iyong na-test namin wala namang insidente eh. Makati lang ang ilong pagkatapos.
SEC. ANDANAR: Senator, may announcement o panawagan din po ba kayong nais ipabatid sa ating mga manonood?
SENATOR GORDON: Well, matatalo natin itong COVID na ito kung tayo ay mag-iingat, maghugas ng kamay palagi, may mask tayo, two-meter distance, huwag tayong daldal nang daldal sa mga taong kaharap natin; kumain tayo nang hiwa-hiwalay, hindi harap-harapan at marami tayong magagawa para maging safe tayo.
At kung gusto ninyong magpa-test, tatawag lang kayo sa online. Ang online natin ngayon ay you book.redcross1158.com.
Ulitin ko – book.redcross1158.com – may sasagot sa inyo doon at magpi-pay lang kayo online with credit card, debit card, GCash, bank transfers at pagkatapos ay mati-testing na kayo, may schedule na kayo na mag-test at hindi na kayo maghihintay ‘pag kayo ay pupunta roon. Kaya napakahalaga na gamitin itong ating mga tinatawag na bagong new normal. Ito ginagawa natin ngayon at tayo ay nag via… video talks ‘no. At ganoon rin doon sa ginagawa natin ngayon, you can just text or you can just right away download that or go online and call and book.redcross1158.com.
Sana malagay ninyo sa [garbled] ninyo Martin iyong sinasabi ko sapagkat eventually aabot na sa buong Pilipinas iyan. Ngayon dito muna sa Metro Manila iyan.
SEC. ANDANAR: Thank you very much Senator Richard Gordon. Mabuhay po kayo, mabuhay po ang Philippine Red Cross. Ingat po kayo.
SENATOR GORDON: Thank you, Martin and thank you sa lahat ng nagtatrabaho sa inyo, sa PCOO. Mabuhay kayo at magtulungan tayo para sa ganoon magawa natin ang kailangang trabaho para umangat tayo sa ating bansa. Thank you very much.
USEC. IGNACIO: Samantala, nasa huling tatlong buwan na po tayo ng taong 2020 at kasabay po niyan ang pag-rollout sa ikatlong yugto o sa phase 3 ng National Action Plan ng pamahalaan. Alamin po natin ang nilalaman niyan kasama ang Chief Implementer ng National Task Force against COVID-19. Secretary Carlito Galvez, Jr. Magandang umaga po, Secretary at welcome back po sa public briefing.
SEC. GALVEZ: Magandang umaga sa iyo, Usec. Rocky at sa ating magiting na Secretary Martin Andanar at sa lahat po ng nakikinig po dito sa Laging Handa.
USEC. IGNACIO: Secretary Galvez, nabanggit nga po natin itong third phase ng National Action Plan for COVID-19. Ano po ang nilalaman ng third phase na ito at ano po ang layunin nito?
SEC. GALVEZ: Ang nilalaman ng third phase ng ating mas enhanced na National Action Plan Phase 3 ay talagang paiigtingin po natin ang ating prevention of infection through proactive case surveillance, finding or iyong tinatawag nating syndromic surveillance at ang ating pinaigting din na isolation strategy through Oplan Kalinga. Dito po sa NAP Phase 3, importante po na maipagpatuloy po natin ang tagumpay na ating nakamit nitong nakaraang anim na buwan.
Ang third phase po ay ang ating National Action Plan ay tututukan po natin ang pagpapatigil ng pag-akyat ng mga kaso at iaakyat din po natin ang antas ng ating recovery through our medical therapist at ang pagbaba ng ating mortality. Sa paraan pong ito ay mas magiging ligtas po ang ating mga mamamayan at mas malaki ang tsansa na maka-recover at mapabilis ang ating pag-akyat sa ating economic recovery.
Bahagi ng ating intervention ay ang mas mahigpit na pagpapatupad ng minimum health standards sa ating mga workplaces at business establishment. Layunin din po ng phase 3 na magkaroon ng isang manageable rate of active cases ang ating mga LGUs katulad po ng siyudad ng Taguig, Manila at Navotas na sa ngayon ay nasa baba po ng 5% na lang ang kanilang aktibong kaso.
Patuloy din po nating palalakasin ang ating health care system sa tulong ng iba’t ibang intervention sa ilalim po ng ating PDITR (Prevention-Detection-Isolation-Treatment-Reintegration) strategy. Nais po ng pamahalaan na wala na po tayong isasakripisyo sa health safety o sa tinatawag nating i-compromise ang ating economic recovery. Sa ating pagtupad sa phase 3, there will be no more paid offs in the implementation of the scheme
USEC. IGNACIO: Secretary, bigyan ko lang iyong tanong ng ilang kasamahan natin sa media. Tanong po ni Evelyn Quiroz ng Filipino Mirror: In March this year, the administration implemented the first phase of the National Action Plan against COVID-19. Iyon pong second phase of NAP started when the government started to ease up on restrictions in order to help the nation’s economy. Are we now headed towards NAP phase 3 and what significant changes will it bring?
SEC. GALVEZ: Actually po noong sa aming mga assessments dito, we encountered a lot of challenges as we gradually opened our national economy. This is why we launched intervention campaigns such as the BIDA Solusyon at saka iyong BIDA sa Disiplina campaigns other the prevent strategy which encourage greater public participation and ensuring health and safety. Sa ano po, kung titingnan po natin, noong in-assess po namin iyong ating performance ng NAP 1 at saka NAP 2, nakita po natin na malaki po ang naging accomplishment considering that during those days, we were able to hire more than 180,000 contact tracers and also we have also reached, tinatawag po natin sa contact tracing na nagkaroon po tayo ng mas mataas na ratio na dati is one is to three, ngayon nagiging one is to five.
Kaya nakikita din po natin during the NAP Phase 1, nagkukumahog po tayo na talagang wala po tayong mga testing capacity during those times at nakita po natin na karamihan ng mga testing capacity natin noon ay nandoon lang sa mga major cities – ang NCR, Cebu at saka iyong sa Baguio City. Pero sa ngayon po, lahat po ng regions ay at least mayroon na po tayong mga testing laboratory at kayang-kaya nga po nating mag-test ng from 15,000 noong phase 1 tayo, nagsimula tayo ng phase 2, ngayon po tumataas na po tayo na nag-a-average na po tayo ng more than 42,000 kada araw. At ngayon po ay mayroon na po tayo more or less mga 3.9 na na-test.
So, sa ngayon po ang nakikita po natin tuluy-tuloy po ang pagbaba rin po ng mga kaso, kaya po ang gagawin po natin ay aayudahan po natin ang mga nagawa po natin sa phase 1 at saka sa phase 2, para kapag nag-implement tayo ng phase 3 ay talagang maayudahan natin ang lalong pababa nang pababa ng cases dito sa NCR.
Tinututukan po natin ang mga ibang flash points at sa ngayon nakita po natin na iyong mga maraming nag-GCQ na mga siyudad ay bumalik po sa pagiging, nagkakaroon po tayo ng restrictions at nakita po namin na isa sa mga lessons learned, bakit ang Cebu na kahit na ilang linggo at mahigit na isang buwan na nasa MGCQ na ay ngayon ay talagang napakababa pa ng kanilang mga kaso.
Iyon po ang tinitingnan po namin, at ang lahat po ng ito na ina-assess namin na kakulangan during phase 1 at kakulangan during phase 2 ay pupunan po namin dito sa phase 3. Ang gagawin po namin sa phase 3 ay talaga pong titingnan po namin at talagang bibigyan na po namin ang dalawang tinatawag na major areas – one is iyong tinatawag nating health response at ang pangalawa po iyong tinatawag nating economic recovery. And we will treat them both equally.
USEC. IGNACIO: Secretary, nabanggit nga po ninyo itong first phase ay nakatutok sa pagpapalakas ng healthcare system sa bansa at ang second phase ay sa pagbalanse ng kalusugan at pagbubukas ng ekonomiya. So, maaari po ba ninyong masabi na ang third phase po ay naka-focus mainly sa muling pagpapalakas ng ekonomiya lalo pa’t ayon po sa NEDA ay nasa 0.10 to .28% ang nabawas sa potential annual GDP po ng bansa na 6.5%?
SEC. GALVEZ: After experiencing drop of our national GDP and at the second phase na National Action rin, sa conclusion ay nakikita po natin na talagang gusto po natin na ang atin pong ekonomiya ay along iangat. Kasi talaga pong during the first phase, ay talagang ang ating ekonomiya greatly suffer. Sa ngayon po nakikita po natin, even though we open up iyong economy natin nang second phase, for example we open up 50%, pero ang actual ano natin is 30%. So, ganoon ang nakita natin na talagang iyong ating ekonomiya ay medyo mabagal ang kaniyang pag-angat dahil may mga tinatawag tayong mga continued challenges.
Ang isang challenge dito is iyong sa transport. Sa ngayon po, kaya po na ang ating tinututukan ay iyong magkaroon po tayo ng maigting na pag-supply ng transport, para at least ay maging fluid ang pag-ano po ng ating mga workers. Sa ngayon po, kahapon po nagpulong po kami ng ating mahal na Presidente at magkakaroon po tayo ng cabinet na pagpupulong, dahil titingnan po, i-ano natin kung ano po ang magiging istratihiya ng ating DOTr para lalong mapadami ang kakayanan, lalo na dito sa Metro Manila na kailangan ng more or less 1.7 transport services para sa ating mga 1.7 workers.
So, iyon po ang gagawin po natin. Itong third phase po talaga, ay talagang paigtingin natin ang ating tinatawag na health response para makapag-open up tayo ng mas malaki dito sa economy.
USEC. IGNACIO: Secretary, sa phase 3 daw po ay sinasabing possible daw pong ma-downgrade ang quarantine restrictions ng National Capital Region mula sa GCQ to MGCQ, totoo po ba ito and how soon po kaya ito ipatutupad?
SEC. GALVEZ: It’s very possible, nakita po natin na possible talaga iyan, dahil sa nakita natin na sa Cebu, napakataas po ng ating tinatawag na mga cases, ngayon nakita natin napakababa niya. At ang nakikita namin, we are so happy to report that continuous na pinaigting ng ating mga mayors ang kanilang response dito sa NCR. Nakikita natin na tuluyan ng bumaba. Very happy nga kami, noong dati libu-libo ang ating active cases, pero sa ngayon po talagang bumababa na po na nasa hundreds na lang po, lalung-lalo na iyong ibang mga talagang nagpunyagi na mga mayors, ay sobrang napakababa na po ang kanilang mga active cases.
From as high as more or less 50% ang kanilang active cases, ngayon ay bumababa na ng nasa 3.9 at nasa 5% na lang ang kanilang active cases. Karamihan po may mga ano pa na below 10% at mayroon pang mga iba na mga about 12% ang active cases, pero sa kanilang mga istratihiya na dahan-dahan ng binubukas ang mga tinatawag nating mga risky na mga establishment, ang ginagawa po ngayon ay talagang ang ating mga Mayors at ang ating mga local government units at saka mga barangay captain, they are getting involved para at least talagang maipatupad po ang minimum health standard at maging safe ang ating work place.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, nabanggit rin po ninyo kanina na wala ng trade-offs o ikukumpormiso pagdating sa mga rules ipatutupad sa third phase. Ano po ang ibig sabihin nito, Secretary, at paano po ito maaring maging posible?
SEC. GALVEZ: Noon pong NAP phase 1, nagpatupad po tayo ng mga lockdowns sa buong bansa. Ang prayoridad po natin noon ay kalusugan at kaligtasan ng bawat isa, kaya nga po mahigpit ang ating galaw sa mga tao at talaga pong nagsakripisyo ang ating ekonomiya.
Pagdating naman sa NAP phase 2, kinakailangan po nating unti-unting magbukas ng ekonomiya dahil kung mananatili po tayong naka-ECQ at saka naka-lockdown ay mahihirapan po ang pagbangon ng ating ekonomiya at ang mangyayari po ang ating mga laborer ay talagang male-layoff.
Sa pagbabalik po ng mamamayan sa kani-kanilang mga trabaho at sa pagbubukas ng mga commercial establishment at mga opisina nagkaroon ng pag-akyat ng kaso ng COVID-19. Kaya nga po sa NAP 2 nagkaroon tayo ng maraming adjustments at sinubukang magbalanse ang ekonomiya at ang kalusugan ng publiko.
Sa pagpasok po natin sa NAP phase 3, wala na pong tradeoff, kailangan po dapat po natin gawin natin ay magkaroon po tayo ng starting balance or equilibrium between the economy and health. Gagamitin po natin ang mga aral na natutunan po natin sa pagpapatupad ng phase 1 at phase 2, katulad sa Cebu at sa mga ibang areas para maipatupad ng maayos ang NAP phase 3.
Ang NAP phase 3 ang gagabay sa ating pagtawid sa new normal. Ito po ang parang magiging transition po natin, transition point, kasi ang gagawin po natin, ang phase 3 po, USec. Rocky, ay anim na buwan po ito. Iyong buo po ng last quarter at saka iyong first quarter, kasi po magta-transition na po tayo sa new normal na by that time baka magkaroon na po tayo ng tinatawag na phase trial sa ating mga vaccine.
Kailangan po natin na—kailangan po talaga na talagang magkaroon po tayo ng medyo mahaba-haba na transition line, para po hindi po hindi po mabigla ang ating mga tao pag-angat po ng mga restrictions. So, iyon po ang ano po natin, na gagawin natin talaga dito na dapat wala tayong i-compromise, it is more of risk management on how we will manage health risk at saka iyong business risk. Iyon po ang gagawin po namin.
USEC. IGNACIO: Opo, Secretary sinabi rin po ni USec. Isidro Purisima na dapat daw po ay people centered, nationally supported and locally led and third phase at dapat po ay maramdaman ito ng mga mamamayan. Ano po ang tugon ninyo rito, Secretary?
SEC. GALVEZ: Noong, una noong pinabilis natin ang phase 1, sabi po natin, nationally enabled, locally led at saka people centered. Ngayon binaligtad po natin ang ano po natin, business people centered, locally led and nationally supported. Kasi po sa paggawa po ng National Action Plan phase 3 ay base po sa kaganapan po kung ano po ang nangyayari sa ground. Kasi po, talaga po kailangan po natin iyong real time na information sa ground, ito po ang bubuo ng mga data na natin para at least iyon po ang gagawin natin sa ating mga decision-making process.
Dahil nagbago po ang pangyayari sa ating mga lokalidad, sa ating mga probinsya, siyudad, bayan at barangay kailangan po maging flexible at saka adaptable ang ating mga programa at polisiya.
Iba po ito sa nauna nating pahayag na wala na pong tradeoff sa NAP phase 3, dahil ang ibig sabihin po nito, kapag nagkaroon po tayo ng trade off, mayroon po tayong nasa-suffer na aspeto between the health and the economy. Ngayon po parehas po natin na nabibigyan ng pansin ang saving lives and saving of livelihood.
Doon po sa Malacañang nag-present po si Secretary Karl Chua at nakita po namin doon on how we could manage iyong dalawang aspeto po ng health safety at saka iyong tinatawag na economic recovery. So, iyon po ang tinitingnan po natin, dahil kasi ito iyong tinatawag nating pag-respond po natin, it is like tinatawag nating local context. Hindi pupuwede na iyong ibibigay mo sa isa ay iyon po ang magiging response mo sa isa. Kasi, iba-iba po ang kanilang kapasidad, iba-iba po ang kanilang tinatawag na orientation at iba-iba po ang leadership doon po sa iba pa. So, ganoon po ang gagawin po natin na ang ating plano ay magiging more flexible, more adoptable at magiging people centered. Kung ano po ang kailangan ng tao, iyon po ang ibibigay po natin; ang ibig pong sabihin, kailangan po grounded po ang lahat ng ating gagawin. At kapag grounded po ang ating gagawin, magiging responsive po ang ating mga mamamayan, kasi napi-feel po nila na ang ginagawa po natin ay talagang damang-dama po nila.
USEC. IGNACIO: As always po Secretary Galvez, we appreciate your time and effort po. Maraming salamat po muli, Secretary Carlito Galvez Jr. and Chief Implementer ng National Task Force against COVID-19. Stay safe po, Secretary.
SEC. GALVEZ: Maraming salamat po, USec. Rocky at sa aking kaibigan, Secretary Martin Andanar. Maraming salamat po.
SEC. ANDANAR: Mabuhay po kayo, Secretary Galvez.
Samantala, isa rin po sa tinitingnan para mas mapabilis ang pagbabalik ng sigla ng ekonomiya ng bansa ay ang mga negosyong may kaugnayan sa agrikultura o ang tinatawag na ‘Agripreneurship.’ Malaki rin ang papel na ginagampanan nito para masiguro ang food security sa bansa lalo pa’t sa gitna ng uncertain times na dulot ng pandemya. Pag-uusapan po natin ang ilang mga programa ng Department of Agriculture kasama po si ASec. Kristine Evangelista. Magandang umaga umaga sa inyo, ASec. Kristine.
ASEC. EVANGELISTA: Magandang umaga Sec. Mart; magandang umaga din USec. Rocky.
SEC. ANDANAR: ASec. madalas pong nababanggit itong Agripreneurship lalo pa at malaki umano ang maitutulong nito sa regional development na magiging susi naman sa success ng Balik Probinsya Bagong Pag-asa Program. Kumusta po ang estado ng Agripreneurship sa bansa?
ASEC. EVANGELISTA: Ngayon, sir ang agribusiness po—kasi ang DA mayroon po tayong iba-ibang units, one of which is the agribusiness and marketing services unit. Pinalalakas po namin ang tulong sa ating mga agripreneurs sa pamamagitan po ngayon, mayroon po tayong tinatawag na enhanced Kadiwa financial grant. Binibigay po natin ito sa ating mga cooperatives who are into agri-business. Meaning, they are ones na sumasali sa mga retail po natin sa Kadiwa, sila din po iyong mina-market match sa ating mga institutional buyers.
So, with this grant, we hope to strengthen their role po sa value chain at the same time, marami rin po kaming hinihikayat na tingnan ang agrikultura bilang isang alternative source of livelihood.
SEC. ANDANAR: Kumusta naman ASec. ang programa ng DA na nagbibigay incentive sa mga possible investors sa agriculture sector?
ASEC. EVANGELISTA: The investment side, we are strengthening it, we have talks now po with BOI and DTI also. Kasi sa agribusiness po marami po tayong tinitingnang sector – mayroon po tayong business for micro-agribusiness, mayroon din tayong mga malalaking investment opportunities that we also offer for those who are willing to get into agriculture in a large scale.
So, pagdating po sa investment opportunities, these were something that we developed even before ‘no tayo tinamaan ng pandemya. These are mga investments sa dairy, sa mango, even sa goat ‘no. We have computations on how much land do we need, ano ang ROI at pati po iyong market na kung saan natin puwedeng ibenta ang inyong produkto.
On the other hand, we developed also micro agribusiness, which are for iyong ating mga… basically, nakita po kasi natin ano, mayroon tayong tinatawag na locally displaced, mga individuals, mga workers na nawalan ng trabaho na gusto nilang bumalik ng probinsya at gusto nilang maghanapbuhay. So, the micro agri-business ito po iyong mga tinitingnan nating opportunities – magtayo ng maliit na bigasan o kaya mga fruit stand. So both ways, mayroon tayong mga malalaking investment opportunities in agribusiness in which we work with BOI and DTI at mayroon din tayong mga micro agribusiness, mga TESDA naman po ang ating partner dito, even ang DOLE po at OWWA, ito po ang ating mga partners diyan.
SEC. ANDANAR: Recently ay nag-appoint ang Department of Agriculture ng mga Ambassador para sa inyong programa gaya ng Plant Plant Plant ni James Reid at sa food security si farmer agripreneur Cherry Atilano. Paano po ito makakatulong sa mga programa ng DA?
ASEC. EVANGELISTA: Well for one, people are taking notice of us because of our Ambassadors that is something that is most welcomed and at the same time, ito na rin sir iyong way to encourage the youth to get into agriculture. We are showing that there are different ways to get into agriculture, you can get into production or you can get into agribusiness. I think it’s very important that we have especially like si Cherry. Cherry is a proof of concept, kasi even before, talagang very active na siya sa agriculture, she even goes out of her way to train and mentor mga cooperatives not only in the production side, but also sa agribusiness sides. So mga ganiyang tao po ang nagiging partner na rin natin ngayon sa DA so we can push and encourage more people specially nga the youth to get into agriculture po.
SEC. ANDANAR: May mga katanungan rin po mula sa ating mga media partners. Rocky please go ahead.
USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Martin. Good morning ASec. Mula po kay Evelyn Quiroz ng Filipino Mirror. Ang tanong po niya ay ito: The Department of Agriculture launched a program called Kadiwa ni Ani at Kita which aims to establish a direct link between the farmers and fishermen and the consuming public. Are the farmers and fisher folk able to supply the goods and keep up with the demand?
ASEC. EVANGELISTA: So far, yes, Ma’am. We are very happy na ito po iyong naging opportunity nila to sell directly to the consumers as well as institutional buyers. If I may say po, based on our reports mga nasa more than 20,000 na pong mga farmers and fisher folks ang kasali sa Kadiwa and this is their market opportunity.
Now we also have the Kadiwa online, wherein this is an alternative for our farmers and fisher folks to sell their produce using the digital platform. So, we have the Kadiwa retail, we have Kadiwa different modalities po iyan including market matching.
USEC. IGNACIO: Tanong naman po mula kay Naomi Tiburcio ng PTV: Kumusta po ang supply and demand sa situation sa mga pangunahing agricultural products? Ayon po sa PSA, bumagal po ang inflation nitong Setyembre, dahil sa pagbaba ng presyo ng gulay at karne.
ASEC. EVANGELISTA: Pagdating Ma’am sa karne, although based sa pagsusuri po ng ating livestock group tinitingnan po natin kung saan mayroon over supply at saan may deficit. Rest assured na kung saan po tayo may over supply, they are able to compensate doon sa mga areas po na mayroon po tayong deficit.
Mayroon po tayong mga meat dealers na nakakausap and they are very much open doon sa tinatawag nila Ma’am na ‘tawid dagat.’ It’s the inter-island trade wherein we bring also pork from Visayas and Mindanao to Luzon so definitely as far as food security is concerned, we have enough supply. There are other protein substitutes for pork, we have chicken and even vegetables are good. So, basically, Ma’am rest assured food security is being addressed by DA.
USEC. IGNACIO: May additional question po si Naomi Tiburcio: May mga imported pets daw po na matagal nang na-quarantine sa cargo bay at holding bay ng NAIA. Ang iba po daw ay more than a month nang nasa quarantine. Ano po ang ipinatutupad na protocols sa importation/exportation ng mga hayop? At ano po ang ginagawa ng DA at ng Bureau of Animal Industry upang siguruhin ang kanilang kaligtasan habang nasa quarantine?
ASEC. EVANGELISTA: Ma’am, that one I will have to get in touch with BAI ‘no, ang ating Bureau of Animal Industry ‘no, and BOQ. I think they work closely together to make sure na ang ating mga protocols are being followed, at the same time, iyong kanilang kalagayan po, tinitingnan po natin ang kalagayan ng ating mga pets, eh hindi po sila naaagrabyado. They are, of course, kept in a place that’s safe and following safety protocols especially in this time of pandemic.
SEC. ANDANAR: Kami man, Asec., ay excited din sa mga programang inihanda ng inyong kagawaran para sa industriya ng agrikultura sa bansa. May mga nais pa ba kayong idagdag na announcement o paalala sa ating mga kababayan?
ASEC. EVANGELISTA: Siguro, sir, I’d like to take this opportunity to also encourage all the – mga cooperatives, we are now open to accept your business proposal para po kayo ay mag-qualify para magkaroon ng enhanced KADIWA financial plan. Ito po ay capital grant para po makabili kayo ng crates, ng delivery trucks or even to help you become consolidators. The idea is, we will infuse funds to your cooperatives for you to be able to have a better role sa ating value chain, at the same time, mas gumanda po ang inyong income.
Gusto na rin po namin ipaalala na ang KADIWA po ay tuluy-tuloy po, actually parang everyday na nga po ang KADIWA because we have it in the malls, we have it in gasoline stations. And we have partnered with a lot of agencies as well, wherein we do it with DTI.
So kung kayo po ay gusto at naghahanap ng merkado para sa inyong mga agri-commodities, please do get in touch with us so we can also link you to buyers of your commodities or you can join KADIWA po.
SEC. ANDANAR: Maraming salamat po sa pagpapaunlak, Asec. Kristine Evangelista ng Department of Agriculture. Mabuhay po kayo.
ASEC. EVANGELISTA: Salamat, sir. Salamat, Usec. Rocky sa pagkakataon. Magandang umaga po.
USEC. IGNACIO: Sa puntong ito ay nasa kabilang linya naman po si Asec. Rose Bautista mula sa Philippine Statistics Authority para naman po pag-usapan ang nalalapit na pagsisimula ng national ID system sa bansa.
Magandang umaga po, Asec. Rose, and welcome to Public Briefing.
ASEC. BAUTISTA: Magandang umaga naman sa iyo, Usec. Rocky at Sec. Martin.
USEC. IGNACIO: Opo. Asec., matagal na po nating naririnig itong national ID system, at ngayon nga pong October ay itutuloy na iyong mass registration para dito. How would we go about this po? At paano po tayo makakapag-mass registration while maintaining health and safety protocol?
ASEC. BAUTISTA: Iyan, iyan iyong pinakamalaking challenge sa aming implementasyon ng national ID, itong taon na ito. Ang ginawa namin, naglagay kami ng tinatawag … iyong registration ay magiging ease-up process.
So iyong Step 1, ito iyong pre-registration pero ang equivalent nito ay talagang pagbabahay-bahay or doorstep interview ng mga targeted respondent. So bakit targeted? Kasi pinili muna ang mga low income household heads na galing sa Listahanan ng DSWD. At mayroong limang milyon itong mga ito na iku-cover namin in 32 provinces.
So starting October 12, mayroong mga magbabahay-bahay sa 32 provinces na ito para i-pre-register or iyong Step 1 na tinatawag. At dito, kukunin iyong mga impormasyon na kakailanganin para pagpunta mo ng Step 2, pupunta ka na sa registration center ay biometrics na lang ang kukunin na impormasyon sa mga tao.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po mula kay Evelyn Quiros ng Pilipino Mirror: One of the duties of PSA is the enforcement of civil registration functions in the country. During the total lockdown, beginning in March up to June of this year, almost all government offices came to a standstill. Would you say that there is currently a backlog in the registration of birth, marriages, deaths, etc., which occurred during the lockdown?
ASEC. BAUTISTA: Ang pagpaparehistro po kasi ng birth, iyong sa civil registration, ay wala po sa PSA. Ang pagpaparehistro po ay nasa local government units, kaya po naapektuhan. Bakit po naapektuhan? Kasi iyon pong mga may nanganak ay hindi makapunta sa munisipyo para i-report ang kanilang mga panganganak.
Tapos po, iyon namang mga local government units, iyong office ng Local Civil Registrar, sila naman po ang magpu-process initially at tapos po ay isa-submit itong mga documents na ito. So medyo nagkaroon po ng delay doon sa pag-submit ng ating mga local government units ng kanilang mga dokumento.
Pero as of now po ay we are back to normal. In fact, pati po iyong reporting ng deaths ay binigyan po ito ng priority para po makapag-report kaagad kami ng count of registered deaths.
USEC. IGNACIO: Opo. Asec., bakit po hindi dapat ipagpaliban pang muli iyong roll out ng PhilSys? May maitutulong po ba ito sa pag-control ng pagdami ng COVID-19 cases sa bansa?
ASEC. BAUTISTA: Hindi naman po talaga sa pag-control, pero titiyakin po namin na ang proseso ng pagpaparehistro, iyong pagpunta nila sa registration center, mayroon pong schedule iyon – may araw, may oras – kaya po kontrolado; hindi sila magsisiksikan kaya madali pong mag-control kaya in that way, maiiwasan po natin iyong posibleng magkahawaan iyong ating mga nagpaparehistro.
Dini-disinfect po namin iyong mga processes na ginagawa doon sa machine at pati iyong mga hinahawakan ng ating mga magpaparehistro. So ito po ay part of the health and safety protocols na ii-implement sa lahat ng registration centers.
USEC. IGNACIO: Okay, Asec., pagkakataon ninyo na po ito para hikayatin ang ating mga kababayan na makiisa po sa roll out PhilSys. Please, go ahead po, ma’am.
ASEC. BAUTISTA: Para po sa ating mga nakikinig, huwag po kayong matakot na ipagkatiwala ang impormasyon sa PSA para po mairehistro namin kayo at magkaroon tayo ng national ID na makakatulong sa mga maraming bagay para po mapadali ang mga transaksiyon natin hindi lamang sa gobyerno kung hindi pati po sa pribadong sektor.
Magandang umaga po at maraming salamat.
USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa pagpapaunlak, Asec. Rose Bautista ng Philippine Statistics Authority. Salamat po. Stay safe.
ASEC. BAUTISTA: Salamat din po, Usec. Rocky.
SEC. ANDANAR: Samantala, sa balita natin ngayong araw. Ilang residente ng Davao City na apektado ng ilang kalamidad, nakatanggap ng tulong mula kay Senador Bong Go.
Pinagkalooban ng opisina ng Senador ng food packs, facemasks at face shields ang labing-walong Dabawenyo na naging biktima ng bagyo at landslide noong mga nakaraang buwan. Ilang benepisyaryo din ang nakatanggap ng libreng bisikleta na maaaring gamitin para makapasok sa kani-kanilang mga trabaho.
Present din ang ilang representante ng National Housing Authority para mamigay ng housing assistance na sa kabuuan ay umaabot sa 420,000 pesos sa ilalim ng kanilang emergency housing assistance program.
Nauna nang namahagi ng assistance ang DSWD, DOH at DTI sa mga apektadong residente ng Davao City.
USEC. IGNACIO: Samantala, pagbuo ng Cacao Research and Development Center at pagdeklara sa Davao City bilang Cacao Capital of the Philippines suportado ni Senator Bong Go.
Sa ginawang Senate Committee on Agriculture Food and Agrarian Reform noong Lunes ay pinapurihan ni Senator Go ang Senate Bill 1741 ni Senator Cynthia Villar at Senate Bill 899 ni Senator Lito Lapid na naglalayong kilalanin ang kontribusyon ng Davao City bilang pangunahing producer ng cacao sa bansa. Sinabi niya kailangang i-take advantage ang tumataas na global demand ng cacao na makakatulong din sa pagpapalakas sa ekonomiya ng bansa. Maaari rin itong lumikha ng dagdag na trabaho at oportunidad sa mga liblib na lugar.
Hinikayat din ng Senador ang Department of Agriculture na paigtingin ang mga programa ng kagawaran na may kaugnayan sa cacao production sa bansa.
SEC. ANDANAR: Silipin natin ang pinakahuling bilang ng COVID-19 sa bansa. As of 4 P.M. kahapon ay muling naglabas ng report ang DOH kung saan naitala ang kabuuang bilang na 324,762 confirmed COVID-19 cases sa bansa matapos itong madagdagan ng 2,291. Animnapu’t apat ang nadagdag sa mga nasawi, habang walumpu’t pito ang mga gumaling. Sa kabuuan ay mayroon ng 5,840 deaths at 273,123 recoveries sa bansa.
Halos 900 cases po ang ibinaba ng mga naitalang kaso kahapon kung ikukumpara sa 3,119 noong nakaraang araw. Ito na ang pinakamababa sa nakalipas na limang araw. Sa NCR pa rin nagmumula ang pinakamataas na kaso. Kahapon ay 825 na bagong kaso ang naitala sa Metro Manila; 140 naman ang new cases na nai-report sa Batangas. Nasa ikatlong puwesto ang Laguna na may 128 cases, samantala ang Rizal ay nakapagtala ng 114 new cases, at 102 na bagong kaso ang nagmula sa Cavite.
USEC. IGNACIO: Fourteen point one percent (14.1%) ng total confirmed cases ay nananatiling aktibo, Katumbas ito ng 45,799 cases. Labas na po iyan sa bilang ang mga gumaling at pumanaw dahil sa sakit.
Sa mga aktibong kaso, 3.6% ang kritikal ang kundisyon, 1.6% ang severe. Nasa 9.2% naman ang asymptomatic at malaking bahagi o 85.6% ang mild cases.
SEC. ANDANAR: Para po sa inyong mga katanungan at concerns tungkol sa COVID-19, maaari ninyo pong i-dial ang 894-COVID o kaya ay 894-26843. Para naman sa mga PLDT, Smart, Sun at TNT subscribers, i-dial po ang 1555. Patuloy rin kayong makibalita sa mga pinagkakatiwalaang sources ng impormasyon tungkol sa COVID-19, maaari ninyo pong bisitahin ang covid19.gov.ph.
At dito po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Ako po ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar mula sa PCOO.
USEC. IGNACIO: At ako naman po si Usec. Rocky Ignacio. Secretary, 80 days na lang po Pasko na.
SEC. ANDANAR: Malapit na. May music pa, may music pang nalalaman ang ating studio. Hanggang bukas muli dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.
###
—
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)