Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar and PCOO Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location People’s Television Network, Inc. (PTV), Quezon City

SEC. ANDANAR: Isang maaliwalas na umaga po sa lahat ng ating mga tagasubaybay sa loob at labas ng bansa. Samahan ninyo po kaming tunghayan ang ating mga balita ngayong araw, ako po ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar mula sa PCOO. Good morning, Rocky.

USEC. IGNACIO: Good morning Secretary Martin at ngayon po ay October 28, 2020, araw po ng Miyerkules. Mula pa rin po sa PCOO, ako naman po si Usec. Rocky Ignacio.

SEC. ANDANAR: Simulan po natin ang Public Briefing #LagingHandaPH.

USEC. IGNACIO: Para sa ating mga balita: Pangulong Rodrigo Duterte inutusan ang Department of Justice na pangunahan ang task force na tututok sa korapsiyon sa mga ahensiya ng pamahalaan.

Department of Disaster Resilience isinusulong ni Senator Bong Go at mga market vendors sa Digos City, Davao at Balagtas, Bulacan muling nakatanggap ng tulong. Narito ang detalye: [NEWS CLIP]

SEC. ANDANAR: Samantala, bukod po sa banta ng COVID-19 may iba pang kinakaharap na hamon ang ilan sa ating mga kababayan partikular sa Visayas at sa Mindanao at ito nga ay ang banta ng mga makakaliwang grupo. Kaya naman para protektahan at ilayo sa posibleng kapahamakan ang ilang komunidad sa bansa, isinusulong itong Barangay Development Program.

Pag-uusapan natin iyan kasama ang National Security Adviser at Vice Chairperson ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict, retired General – Secretary Hermogenes Esperon, Jr. Welcome back to the program sir. Magandang umaga po.

SEC. ESPERON: Magandang umaga, Sec. Mart. Magandang umaga din kay Usec. Rocky. Maraming salamat sa pagpapaunlak at pagbibigay sa atin ng pagkakataon upang matalakay natin ang ating mga ginagawa ngayon sa National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict na kung saan ang namumuno dito ay walang iba kundi ang ating Pangulo at ako naman ay Vice Chairman.

At siyempre pa mayroon tayong mga tinatawag nating Cabinet Officer for Regional Development and Security at isa na dito sa Region X, nag-volunteer ang ating host ngayon, si Secretary Martin Andanar. Siya ang ating CORDS, namumuno ng Regional Task Force doon sa Region X; sa Region I naman ako. Magandang umaga at salamat ulit sa pagkakataon, Secretary Mart.

SEC. ANDANAR: Okay. Tamang-tama Secretary Jun dahil marami akong iri-report sa inyo tungkol sa pag-usad ng ating mga programa sa Region X partikular dito sa 403rd Brigade na napakaganda ng kanilang mga ginawang programa para sa ating mga former rebel returnees. Sila po ay nagtanim ng mga adlay, iyong mga mais at handang-handa na po i-harvest ito by the end of November at marami pang mga training na binigay ng TESDA, DTI at binigay po ng DILG at DOH.

Pero ito po Secretary Jun ang tina-target ng iba, itong isinusulong ninyong Barangay Development Program. Ano po ba ang nilalaman ng programang ito at paano po ito specifically makakatulong sa bawat komunidad to combat insurgent groups?

SEC. ESPERON: Ganito iyan, Sec. Mart. Alam mo naman you being from Mindanao, alam mo naman na doon sa mga CPP-NPA ngayon, sa mga kinikilusan nila na mga lugar ay mayroon silang tinatawag na Centro de Gravedad at iyan ang kanilang mga guerilla bases. Iyong kanilang guerilla bases ay walang iba kundi itong mga barangay na talagang kontrolado na nila, naimpluwensiyahan na nila. Iyong mga barangay kapitan diyan ay actually kanilang hawak na iyan at sa totoo lang nakapagtayo na sila ng shadow government. Mayroon na silang organs of political power na tinatawag diyan at sila na ang nagpapatakbo ng gobyerno doon sa mga barangay na iyan.

At kung pagtabi-tabihin mo ang mga barangay na iyan ay nagiging distrito iyan kaya nakakapamugad sila diyan kaya dapat ay alisin natin sila diyan sa pamamagitan ng social economic and military programs.

Ang nangyayari kasi dati, military lang at saka PNP, National Police ang nagtatanggal sa kanila diyan. Ngayon sa sistema natin sa National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict whole-of-government na iyan kaya sama-sama tayo diyan. Halos wala akong nakikitang ahensiya ng gobyerno na hindi kasama sa pagpuksa natin sa CPP-NPA.

Kailangan talaga mawala doon sa guerilla bases dahil hangga’t mayroon silang malakas na guerilla ay lalo lamang nabibigyan ng lakas din itong mga galamay nila or front organizations dito sa tinatawag natin na ‘white area’ o sa mga urban areas. So kailangan natin itong clearing na ito.

Ngayon, paano ang clearing na gagawin natin? Ang dating ginagawa natin ay patrolyahan natin, maglagay ng detachment hanggang sa humina sila doon. Pero hindi magtatagal iyon dahil nandoon pa rin iyong mga problema, dahil maraming socio-economic problems diyan sa guerilla bases nila dahil ang mga ito ay geographically-isolated and disadvantaged areas. So kailangan nating i-clear iyan sa pamamagitan ng kombinasyon ng economic programs, political programs at military programs.

Sa isang Cabinet meeting natin noon, matatandaan mo, Secretary Mart, na nagprisenta ako kay Presidente ng datos ng operations ng Armed Forces at naipakita ko na mayroon tayong mga na-clear nang barangays na umaabot na sa 1,400 barangays. Ang ating hinaharap na challenge noon ay nawala iyong NPA doon, kung hindi natin lalagyan ng development ay babalik-balikan nila iyan o susubukan nilang maagaw ulit sa control natin.

Kaya hiniling ko at inirekomenda ko sa Pangulo, sa ating Cabinet noon, na sana ay maglaan ng pondo para makapaglagay ng mga basic services or basic amelioration para gumanda iyong buhay ng ating mga kababayan sa mga barangay na iyan.

So ano itong barangay development program? Ito na iyon, napapaloob na ngayon sa ating panukalang budget, sa national expenditure program. Mayroon tayong 822 barangays na lalagyan natin ng mga farm to market road, eskuwelahan/classrooms, health station. Mayroon din tayong ilalagay na programa para sa waterworks at saka irigasyon. At mayroon din tayong ilalagay na national greening program or forest protection programs para pangalagaan iyong environment at saka para magkaroon na rin ng hanapbuhay iyong mga tao doon sa pamamagitan ng reforestation, at sasabay na rin ang mga iba’t ibang programa ng gobyerno para mapabuti iyong buhay ng mga tao doon.

Kung magagawa natin ito, kung makukuha natin iyong pondo nito dahil nandiyan pa naman sa Kongreso – hinihingi natin ang 16.44 billion – palagay ko ay tuluy-tuloy nang mawawala iyong guerilla bases ng mga New People’s Army sa Mindanao man o sa Samar man o sa Bicol man o dito sa Cordillera or sa Region II o sa mga ibang lugar pa na nag-o-operate sila. Ito ang gamot natin sa insurgency, na tinatawag nating insurgency sa mga barangay, Sec. Martin.

SEC. ANDANAR: Sa proposal, ito po ay nagkakahalaga ng 16.4 billion pesos. Ano po ang update ninyo mula sa Kongreso regarding this? Ito po ba ay kasama sa aprubadong budget ng House of Representatives bago nila i-turnover sa Senado?

SEC. ESPERON: Awa ng Diyos, Secretary Mart, itong ating proposal, actually, ito dahil 1,400 na barangays ito, ang ma-accommodate lang natin itong for 2021 ay 822. Ito iyong mga barangays na na-clear natin sa impluwensiya ng New People’s Army-Communist Party of the Philippines noong 2016 to 2019 kaya ang napasama ay 822 barangays na binibigyan natin ng halagang 20 million per barangay, kasama na iyong sinabi ko kanina na may farm to market road, eskuwelahan, health station, livelihood at saka waterworks. At ito ay napasama ngayon, ang update nito, dahil kahapon ay isinumite na ng ating House of Representatives iyong General Appropriations Bill at nandoon na sa Senador ngayon.

At iyong ngayon ay pag-uusapan naman sa Senado. At tulad ng ibang bahagi ng ating budget ay magkakaroon later on, mga end of November siguro iyan, makikita natin na magkakaroon ng bicameral conference committee para maging final na iyong magiging laman ng ating General Appropriations Act.

So ako ay natutuwa, Sec. Mart, na iyong ating 16.44 billion – 20 million bawat barangay, 822 all over the Philippines – ay napasama pa rin doon sa isinumite ng House of Representatives doon sa Senado.

SEC. ANDANAR: May ilang kongresista po ang nagsasabi na this could also be a form of pork barrel. Ano po ang response o paglilinaw ninyo tungkol sa accusation na ito?

SEC. ESPERON: Hindi ko alam kung saan nanggagaling iyong akusasyon nilang iyan na pork barrel daw. Palibhasa, may mga tao talaga na sanay na mag-pork barrel. Hindi naman tayo iyon, Sec. Mart. Alam mo naman tayo, sa atin talagang diretso serbisyo sa tao.

Siguro sinasabi nila na iyong 16.44 ay hahawakan ko at kukuha tayo ng komisyon diyan. Hindi puwedeng mangyari iyon, Sec. Mart, dahil alam na alam mo naman, ikaw ay isang Cabinet Officer Regional Development and Security, at iyong strategic communications cluster ay pinangungunahan nga ng departamento mo. Ang National Task Force-ELCAC ay magiging matagumpay iyan kung kaniya laging isasapuso at isasagawa ang tinatawag nating good governance.

Ang mangyayari kasi dito sa pondong ito ay inilagay lang natin dito sa DBM, at tayo naman sa National Task Force-ELCAC ang magsasabi kung ready na iyong barangay na tumanggap ng pondo. Samakatuwid, iyong pondo ay pupunta sa provincial government dahil 20 million iyan; hindi kayang tanggapin ng barangay iyan. Doon naman sa ating probinsiya ay mayroon tayong provincial task force ng National Task Force-ELCAC, at iyon ang kasama ng munisipiyo, ng barangay at ang mga tao mismo na mag-implement ng programa.

Kaya sa mga bidding tungkol sa farm to market road o sa eskuwelahan o sa irigasyon o doon pa sa mga ibang projects na ia-award ay kitang-kita ng mga tao iyan, very transparent. At saka talaga namang pag-iigihan natin ito dahil noong hiningi natin itong programang ito, galing na ito sa mga tao kaya dapat lang na iyong mga tao ay alam nila kung ano iyong programa.

Paano mo wawaldasin itong pera na ito at sasabihin nilang pork barrel? Hindi ko talaga alam kung ano talaga ang ibig sabihin ng pork barrel sa kanila? Ito bang mga projects na ito ay magiging ghost projects? Hindi puwedeng mangyaring ghost project, kasi alam ng tao na iyon ang darating. Ito ba ay kakaltasan natin? Hindi rin puwede kasi kung kakaltasan mo iyan ay hindi mo mai-deliver iyong projects. At alam na alam ng provincial government, municipal government, barangay government at saka local populace. So, saan ka lulugar diyan? Siguro talagang ito na ang pagkakataon para maipakita natin ang sistema ng good governance.

Talagang I will deny in the strongest terms, Secretary Mart, na form of pork barrel ito. Paano magiging pork barrel eh iyong mga barangay na 822 ay nasa listahan na natin; hindi mo na mababago iyon. Talagang iyang mga barangay na iyan ay pinaghirapan ng ating mga tropa na i-clear, pinaghirapan ng mga taga-munisipiyo at barangay na i-clear iyan. So hindi puwedeng tayo mismo ang magdikta kung anong barangay, baka kung saan-saan lang mapunta.

Kaya I’m sorry, iyong mga nagsasabing pork barrel ay baka nangangarap sila na sana mapunta na lang sa kanila iyong pondo para sila ang kumita diyan.

SEC. ANDANAR: Tama po kayo, Secretary Esperon, ako po ay saksi sa pag-identify ng mga projects diyan dahil ito po ay galing sa baba. Bottom up po galing iyan – galing sa barangay, dumaan ng munisipiyo, dumaan ng probinsiya, dumaan ng NEDA, dumaan ng iba’t ibang mga ahensiya bago po ito naaprubahan ng DBM. So imposible ho, wala ho talagang puwang ang korapsiyon dito at hind ho ito pork barrel dahil hindi po ito in-identify ng iba pang mga tao mula sa taas, dahil ito ay in-identify mismo ng tao.

SEC. ESPERON: Ng mga tao.

SEC. ANDANAR: Anyway, why is it important, Secretary Esperon, na tuluy-tuloy din po ang counter-insurgency programs ng pamahalaan gaya nitong barangay development program despite the pandemic.

SEC. ESPERON: Sec. Mart alam naman natin, tayong dalawa ay miyembro din ng Inter-Agency Task Force to take care of the COVID-19 ano.

Itong COVID-19 ay isang clear and present danger na kailangan tutukan natin, kaya nga mayroon tayong Bayanihan 1, Bayanihan 2 at ang Pangulo natin ay talagang nakatutok diyan because it’s a clear and present danger. Lahat tayo nakatutok diyan, ngunit sa gitna nito ay nandiyan pa rin ang mga security threats.

Sa katunayan, ito ngang CPP-NPA-NDF ay lagi tayong pinupulaan sa ating mga ginagawa tungkol sa pandemic, sa COVID-19 at mayroon daw tayong pagkukulang sa social amelioration, mabagal daw iyong vaccine pero hanggang criticism lang naman sila.

Sila, ang pinaggagawa nila pati iyong mga sundalong nagbibigay ng ayuda sa mga barangay ay kung minsan ina-ambush pa nila at kung minsan pati ang ayuda natin sa mga barangay sila mismo ang kumukuha pa, inuunahan nila iyong mga taga-barangay.

Ang sinasabi ko, clear and present danger ang pandemic ngunit kailangan tingnan din natin itong mga threats to national security at pangunahin na dito, ang Presidente na mismo ang nagsasabi na ang CPP-NPA-NDF is the number one political security threat kaya’t hindi natin puwedeng pabayaan ito. Kaya’t dapat tuluy-tuloy talaga itong ating counter insurgency programs at itong National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict ay siya na ngang ginawa ng Pangulo dahil siya ang chairman nito. Matandaan mo, Sec. Mart, na nag-volunteer siya mismo na siya ang mag-chairman dahil gusto niya talagang matapos ito.

Tuluy-tuloy ito, ang mga programa natin na alisin ito, puksain itong insurgency sa mga barangays, sa mga kinikilusan nilang white area at saka sa—dito sa kanilang iba pang kinikilusan tulad ng parliamentary struggle at saka international solidarity works nila.

Tutugisin natin sila diyan kaya nga ang ating National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict ay may 12 clusters – una na diyan ang strategic communications na pinangungunahan ng departamento mo; nandiyan ang ating situational awareness; nandiyan ang intelligence; nandiyan ang ating international engagement; nandiyan ang ating basic services; at makikita mo sa 12 clusters, isa lang ang sa military at saka sa pulis kaya talagang hindi na ito ang solusyon na military lang.

Kailangan ituluy-tuloy natin ito upang sa ganoon ay mawala iyong nanggugulo sa atin sa kanayunan at sa naninira ng ating puri ‘ika nga dahil lagi nilang pinupulaan ang gobyerno. Ang gusto kasi ng CPP-NPA ay itumba ang democratically elected government at ang ating democratic system. Gusto nilang palitan ng centralized dictatorship na kagaya ng mga nangyayari sa mga communist states. Kaya dapat lang naman na talagang labanan natin itong insurgency na ito hindi lang sa kanayunan kung hindi sa iba pang lugar na kung saan sila kumikilos.

Marami kasi silang underground organizations Sec. Mart, alam natin iyan, marami rin silang front organizations. May malaki tayong hinaharap na tasking at ako’y natutuwa na sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsama-sama ang buong gobyerno at ang ating private sector dito sa pagpuksa ng CPP-NPA-NDF at nandito tayo ngayon nga [signal cut]

SEC. ANDANAR: Okay. Secretary Jun, dalawa ho sa mga miyembro na high ranking officials ng ating National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict, namely General Parlade at si USec. Lorraine na Undersecretary ko ay dalawa ho sa pinakakontrobersyal ngayon na mga opisyales po ng NTF-ELCAC.

Recently, si General Parlade ay na-interview kung saan-saang mga media outfits tungkol po sa kaniyang naging statement sa ilan sa mga artista po ng ating bansa. How would you defend General Parlade doon sa kaniyang mga binitiwang salita?

SEC. ESPERON: Hindi ko dedepensahan si General Parlade at saka si Undersecretary Lorraine Badoy, iyong Undersecretary mo kung hindi susupor—[signal cut] usapan naman natin sa National Task Force-ELCAC.

Ano bang sinasabi ni General Parlade? Na ang CPP-NPA ay mayroong mga underground organizations na mayroong front, legal na front. Halimbawa, ang Kaguma o iyong Kalipunan ng mga Gurong Makabayan underground organization iyan at ang kaniyang lumalabas na organisasyon ay ang Alliance of Concerned Teachers. Ang sinasabi ko, iyong mga miyembro ng ACT ay hindi mga komunista iyan kung hindi may mga nagku-control sa kanila na miyembro ng underground movement, iyong Kalipunan ng mga Gurong Makabayan. At iyan ay sa mga organo ng National Teacher’s Bureau ng Communist Party of the Philippines.

Mayroon din silang [garbled] underground organization is the Confederation of Migrant and Patriotic Filipinos, ang naka-legal naman na front sa kanila ay iyong Migrante. Nandiyan din ang Kabataang Makabayan which is the underground organization that is actually controlling the organization of the League of Filipino Students, iyong mga anak ng Anakbayan, Kabataan Partylist or iyong College Editors Guild of the Philippines, na mga legal at magagandang organisasyon ngunit itong mga miyembro nito pinipili nila diyan, mayroon silang tina-target na i-recruit para maging miyembro ng Communist Party of the Philippines.

Parang iyon ding Makabaka, iyong Malayang Kilusan ng Bagong Kababaihan, iyan ang underground na organization na nagku-control sa Gabriela. Sa Courage naman, sa gobyerno mayroon silang Courage na front organization pero ang nagku-control diyan iyong Makabayang Kawaning Pilipino. Sa mga lawyers naman, nandiyan iyong Lumaban or Lupon ng mga Manananggol Para sa Bayan at iyong kanilang prente [front] iyong National Union of People’s Lawyers.

Hindi natin sinasabi na iyong National Union of People’s Lawyers are members of the Communist Party pero may mga miyembro sa kanila ng nagku-control sa organisasyon na kasapi sa Communist Party of the Philippines.

So, ito ang sinasabi ni—alam mo sa LFS, iyong mga kabataan, either mapunta iyan sa Gabriela Youth o Kabataan or LFS pagkatapos doon ang recruitment ngayon. Habang tumatagal ay mapupunta na na regular fighter at [signal cut] engkuwentro sa Palawan, sa Mindoro at iba-iba pang lugar. Sila iyong laging nagpupuno maski na ang ating napa-surrender at na-neutralize na mga NPA ay umabot ng 3,000. Mayroon pa ring mga dumadating na mga bagong recruit.

Kaya iyon ang sinasabi ni General Parlade na kayo ay mga front organizations at kasama na diyan ang Bayan or iyong Makabayan Bloc dahil nasa parliamentary struggle na nga sila ngunit ang kanilang trabaho talaga ay upang mapalakas iyong mga ibang organization or iyong underground organization sa kanilang pagri-recruit ng mga kasapi. Kaya ganoon din ang sinasabi ni Undersecretary Lorraine Badoy, pareho sila ng sinasabi. Paano natin wawakasan itong armed revolution?

SEC. ANDANAR: Okay. Secretary Jun, wala na po tayong oras pero medyo naputol po iyong sinabi mo kanina, so lilinawin ko lang iyong sinasabi mo – hindi mo dinidepensahan bagkus ay sinusuportahan mo – dahil naputol, baka ma-misquote po kayo. Iyon po ba iyong sinabi ninyo, sinusuportahan ninyo, Sec. Jun?

SEC. ESPERON: Yeah. Sinusuportahan ko at sinasabi ko rin, dinadagdagan ko iyong sinasabi nila kung hindi pa nila nasabi. Pero napakagaling ni Lorraine at saka ni General Parlade, nasasabi nila ang lahat. At ngayon lang kasi nangyayari na mayroon tayong mga spokespersons na ganito na talagang nagsasabi ng totoo at kailangan talaga magising na ang buong bayan. Ano ba ang gusto natin? Palalawigin ba natin itong 52 years nang CPP-NPA na ginugulo tayo o gusto na nating wakasan ito?

Kaya ako ay hindi lang sumusuporta kundi ini-encourage ko talaga si Lorraine at saka mga ibang kasama pa namin. Kasi mayroon tayong mga former rebels na mga kasama at lumabas na rin sila kahapon. Sinasabi nila, naghahanap iyang mga Makabayan bloc o kung sino pang mga grupo diyan, naghahanap sila ng proof na kung anong ebidensiya natin, iyon. Lumabas—[signal cut]

SEC. ANDANAR: All right. Maraming salamat, Sec. Jun. Naku, talagang naubusan na po tayo ng oras pero siguro one of these days ay maganda siguro kung bigyan kayo ng pagkakataon dito sa PTV na magdebate na lang po, magdebate. Maganda sigurong magdebate si Sec. Jun Esperon at Bayan Muna.

SEC. ESPERON: Actually iyon ang hamon ko, Sec. Martin, at iyan din ang hamon ni General Parlade at saka ni Usec. Badoy na magdebate tayo in the open at ilabas natin kung ano ang holdings natin at ipakita natin sa buong bayan na itong CPP-NPA ay isang mapanlinlang, duplicitous and violent organization which seeks to overthrow the democratic way of life of the Filipino, kaya wakasan nating itong CPP-NPA-NDF na ito, Sec. Martin.

SEC. ANDANAR: Sec. Jun, sa ngalan po ng malayang pamamahayag ay kausapin po natin si GM Kat de Castro para sila na po ang mag-arrange. Maraming salamat po at mabuhay po kayo.

SEC. ESPERON: Mabuhay kayo Sec. Martin at mga ibang kasama natin diyan.

USEC. IGNACIO: Samantala kumustahin natin ang lagay ng ating mga kababayan sa Visayas, nasa kabilang linya natin ang chairperson ng Regional Development Council for Eastern Visayas at ang ama ng buong lalawigan ng Leyte, Governor Leopoldo Dominico Petilla. Magandang umaga po, Governor.

GOVERNOR PETILLA: Magandang umaga Usec. Rocky at saka Sec. Andanar. Magandang umaga. Maayong buntag.

USEC. IGNACIO: Governor, kumusta na po iyong overall atmosphere sa Leyte in terms po doon sa community quarantine restrictions? Karamihan po ba ng mga bayan sa Leyte ay nasa MGCQ na?

GOVERNOR PETILLA: Yes, matagal na kaming MGCQ. In fact noong na-lockdown ang Luzon noong March, ang dineklara lang namin dito is GCQ and then siguro mga after 2 months naging MGCQ na kami. Yes we have cases, for example, as of October 26 we have 1,987 although karamihan nito, 86% nito ay asymptomatic, iyong low risk. Ang ginagawa natin dito, iyong may mga COVID positives, nilalagay natin sa isolation facilities talaga para hindi makahawa. Kasi ang isolation ang nag-stop ng transmission eh, hindi naman ang testing ang nag-stop ng transition, it’s the isolation eh. So generally, low risk din ang ating mga household dito sa Province of Leyte.

USEC. IGNACIO: Opo. Governor, bagama’t nasa MGCQ na po kayo pero kumusta na rin po Governor iyong mga isolation and health facility sa inyong probinsiya? Sa ngayon po ay sapat pa po ba ang mga ito para tugunan iyong pangangailangan, in case po ha na tumaas ang kaso ng COVID-19 sa inyo, bagama’t kayo po ay MGCQ na?

GOVERNOR PETILLA: Yes po. Ang ating mga, I think overall, naka-spread all over sa ating mga munisipyo sa Leyte, we have mga around 2,000 para sa isolation beds at saka mga 7,000 na quarantine beds. Not to mention ang ating mga provincial and district hospitals na nag-a-admit din ng mga medyo mas malubha na cases. Pero so far ang ating mga district and provincial hospitals ay hindi pa naman gaano ka – ganoon nga – napupuno, hindi naman ganoon. So mabuti na lang na ganoon ang situation.

USEC. IGNACIO: Governor, may mga programa po ba iyong provincial government ng Leyte para tulungan naman po iyong mga COVID-19 positive at kasama na po iyong kanilang pamilya?

GOVERNOR PETILLA: Yes po. Ang ano talaga natin diyan is kapag nilalagay natin ‘no, sinusuportahan natin as much as possible sa mga pangangailangan nila kapag nandoon sila sa ating mga isolation. Working together naman tayo sa 41 mayors under sa Leyte, so nagkakaisa kami. For example iyong mga testing, iyong mga pag-swab, sa contact trace parang libre iyon, hindi natin pinapabayaran tapos nagbibigay din tayo ng mga support sa mga pagkain habang nandoon sila sa isolation.

And ang ano naman natin, in terms of economy, hindi naman natin talagang ni-lockdown pati iyong ekonomiya. Continuous naman ang ating ano, in fact Usec., iyong report nga ng Department of Agriculture, ang province of Leyte is despite sa pandemic, we’re still food sufficient. We’re still producing more food than we consume, so at least maganda iyan, mas kalmado ang tao kapag ganoon.

And ang mga business naman natin hindi naman natin talaga masyadong inaano. Ang importante lang naman dito na istrikto silang nag-i-implement ng pagsuot ng face mask at saka iyong mga may sintomas na huwag silang tatanggap, magpapasok ng mga taong may mga sintomas. So ma-maintain lang iyan talagang less ang risk ng transmission kapag mayroong ganoon.

USEC. IGNACIO: Opo. Good news po iyan Governor kasi sa kabila po ng—I mean bukod sa pandemic po, alam po natin na itong lugar ninyo ay malimit din pong dinadaanan ng malalakas na bagyo. Pero napakaganda pong balita na matatag ang inyong food security sa lugar. Pero bilang chairperson po ng Regional Development Council for Eastern Visayas, kayo po ay nakatutok din doon sa Leyte Economics na basically po nagbibigay ng livelihood assistance na kailangang-kailangan po ng lahat, siyempre to prevent them from joining insurgent groups at ito po ay pinapaigting ninyo po considering na marami pa rin ang nawalan ng hanapbuhay this time dahil po sa COVID-19.

GOVERNOR PETILLA: Usec, yes. Kung tutuusin parang on the contrary. Parang may mga ano pa tayo, shortage pa tayo ng labor doon sa ating mga rice land. We have 65,000 of rice lands – hectares, 65,000 hectares. Medyo nagkukulang tayo ng labor kaya iyong iba napupuwersa na sila, no choice na sila kung hindi mag-mechanize. So marami naman ang mga harvester, mga ganoon, truck planters na tractors na nagpapa-rent dito, so kaya may napupuntahan rin sila, which is good also kasi in the end kapag nag-mechanize sila, bumababa ang cost din ng production.

Ang ano naman natin, ang Leyte Economics Usec., eh matagal na ito, before pa ito ng Yolanda eh. Offshoot ito ng conversations po ng maraming tao sa ating mga barangay dito. May mga barangays talaga na nilalakad pa at that time. May nalakad ako noon na 6 kilometers, hindi nga uphill eh, up mountain eh, paakyat talaga ng bundok and then just to have a conversation noon with the people. Ang reklamo naman talaga nila sa mga ano natin, remote barangays, iyong kahirapan naman talaga ang reklamo. In fact parati kong sinasabi dito sa ating ano na ang biggest recruiter naman talaga sa insurgency ay iyong kahirapan eh. Iyon naman, kasi kung maalis natin sa kahirapan ang tao eh no need for them to go into that – mga insurgency, sa criminality, iyong iba pumapasok sa mga sindikato, iyong iba nagho-holdup. Parang kapag ganoon, kapag naano natin iyong kahirapan, hindi na nila kailangan gawin iyon.

So now, based on that kaya nabuo namin ang—after Yolanda binuo natin ang Leyte Economics program na kapag sinabing kahirapan, hindi lang naman iyan livelihood eh. Kaya nga tama ang sinasabi ni Secretary Esperon kanina na Barangay Development Program kasi kapag sagot mo ang kahirapan, hindi lang naman livelihood, kailangan suportahan mo ng… ang common complain nila doon iyong water system nila, ang kanilang kalsada, mga tulay, tapos nandiyan pa ang peace and order, ang kanilang solid waste management sa environment.

Ang kanilang malnutrisyon ‘no, isang cause of poverty rin natin sa Pilipinas ang malnutrition. So I’m glad that from 25% noon, ang malnutrition rate ng Leyte bumaba na kami to 7.2% ‘no – ang laki na ng ibinaba and we’re targeting mga 4% by 2022.

So kapag kahirapan talaga ang ano—iyon lang ang reklamo talaga ng lahat, kahirapan. So give them a good—i-develop natin economically ang mga barangays then I think they will stop doing what they have been doing in the past na hindi maganda.

USEC. IGNACIO: Opo. Governor, pero kumusta po iyong kabuhayan ng inyong constituents sa ngayon? Unti-unti na po ba silang nasasanay doon sa tinatawag po nating new normal sa kabila po ng mayroon pa ring active cases ng COVID-19 sa inyong probinsiya?

GOVERNOR PETILLA: Karamihan ng mamamayan namin dito, iyong constituents sa Leyte, karamihan ay dependent talaga sa agriculture. And then over the years, since ang implementation namin ng Leyte Economics sa mga maraming barangay—ang ginawa namin dito actually noon, katulad ng sinasabi ni Secretary Esperon na barangay development, we have been doing this to mga 350 barangays na all over the province of Leyte, and nag-contribute iyan ng ano—puro agriculture eh. Hindi naman tayo masyadong risky ang agriculture sa COVID kasi, iyon nga, outdoor sila eh, nasa labas. Mataas naman ang risk ng COVID kapag nasa indoor, nasa mga aircon at saka nasa mga bahay. Ang hawaan nasa bahay kasi hindi nagpi-facemask.

Ngayon, because of the impact sa kabuhayan, maraming nag-invest dito na mga multinational companies ‘no. Nag-invest doon sa mga munisipiyo na usually nag-i-invest sila doon lang sa cities, ngayon sa munisipiyo na. Ngayon, naglalagay ng mga supermarkets, iyong mga fast-food chains, mga ganoon, drugstore chains, ang daming nag-invest so nag-create din ng thousands of jobs; so nandiyan talaga nanggagaling ang economy ng Leyte.

Ang tourism, siguro because of our problems din sa Eastern Visayas ng insurgency, medyo less din kami sa tourism. Mayroon, pero hindi ganoon kadami katulad sa mga neighboring na mga regions namin. That’s why nag-rely kami talaga heavily on agriculture.

Kung agriculture and then food sufficient, then ibig sabihin talaga ang tao pa rin ay productive pa rin during the pandemic, nakakapagtanim pa rin sila, nakakapagbenta pa rin, they’re still earning incoming despite of the pandemic. So iyon ang nakikita natin na ano, na situation sa ekonomiya dito as Leyte.

USEC. IGNACIO: Opo. Governor, kunin ko na lang po iyong inyong mensahe sa inyong mga kababayan, partikular po doon sa mga nagnanais na rin pong makauwi sa inyong lugar. Ano po ba iyong mga ipinapairal ninyong mga patakaran diyan sa mga nais na rin bumalik sa inyong probinsiya?

GOVERNOR PETILLA: Well, as far as the Province of Leyte, Usec. Rocky, ang stand naman natin dito, at ating mga mayors dito, ang stand natin na iyong mga… lalo na iyong mga na-stranded, iyong mga LSIs na dapat makauwi na sila dito sa Leyte. At marami nang nakauwi dito sa amin ‘no.

And then, kumbaga, kung gusto ninyong pumunta, makauwi dito kasi nahihirapan na kayo kung nasaan kayo, then welcome naman ‘no. Puwede naman silang makauwi anytime na kailangan nila. Mag-ano lang sila, mag-undergo lang sila ng mga isolation at saka quarantine at saka mga swab testing para hindi naman nila mahawa ang pamilya nila kung sakaling mayroon silang virus pagdating sa Leyte.

And ang sa akin, sa mga Leyteños, patuloy lang natin ang… ang pinakaimportante dito na hindi—the only way maka-survive ang virus, iyong virus … the only way na maka-survive siya is mag-transmit siya sa ibang tao eh; humawa siya sa ibang tao. Kasi eventually, mamamatay naman ang virus. Pero makaka-survive lang siya kung palipat-lipat siya. So ang the best weapon natin para hindi iyan makalipat, maka-transmit sa ibang tao ay kung sa pamamagitan ng pagsuot ng facemasks. At saka siyempre kung may mga sintomas tayo, COVID-like symptoms, respiratory na mga symptoms, mayroon naman tayong nagti-test, nagsa-swab at saka puwede rin kayong magpa-rapid test so libre naman iyon para malaman natin kaagad kung safe ba ang household ninyo o hindi; kung may virus ba o wala.

So patuloy natin ang cooperation nang ganoon, I think we will survive this ‘no. We will survive until mag-end ang pandemic. Maganda na ang ekonomiya natin and so far ang spread ng virus is controlled dito sa Province of Leyte so nababalanse natin ang dalawa.

Ang mahirap naman kasi, Usec., halimbawa mayroon tayong isang munisipiyo dito, isang barangay na may APOR dumating, nanghawa siya, tapos iyong nahawaan niya ay nakahawa rin ng iba. And then umabot ng mga more than 50 in one barangay lang ang nag-positive. Pero noong nag-usap kami ng mga officials natin, iyong mayor, ang nakita namin ay hindi kailangan i-lockdown eh. So hindi kami nag-lockdown sa barangay na iyon. Natigil natin ang transmission without doing the lockdown basta ang ginawa lang natin talaga ay in-isolate natin ang mga positives; in-identify. And then iyong contact tracings siyempre.

So kayang-kaya natin i-control ito at ma-sustain ang economy. So with all the cooperation ng lahat, tulung-tulong tayong lahat.

USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa inyong panahon, Governor Leopoldo Dominico Petilla mula po sa Lalawigan ng Leyte. Ingat po kayo, Governor.

GOVERNOR PETILLA: Thank you, Usec. Rocky. At thank you sa mga nanunood at nakikinig ngayon. Mabuhay tayong lahat!

SEC. ANDANAR: Samantala, silipin din natin ang mga pinakahuling kaganapan sa Bahrain, partikular na ang lagay ng ating mga kababayan na naninirahan at nagtatrabaho doon. Makakapanayam po natin live si Ambassador Alfonso Ver mula sa embahada ng Pilipinas sa Bahrain. Magandang umaga po mula dito sa Pilipinas, Ambassador.

AMBASSADOR ALFONSO VER: Magandang umaga at maraming salamat sa pagkakataong ito na makapag-ulat sa mga bagay-bagay at pangyayari mula sa Kaharian ng Bahrain. Good morning, Undersecretary Rocky, at lalo na po sa inyo, Secretary Martin. Sariwa pa po dito ang inyong pagdalaw kasama ng ating Pangulo tatlong taon na pong nagdaan sa kaniyang state visit. At sana po ay makabalik kayo sa mainit na pagsalubong at pagtanggap ng ating mga kababayan dito.

SEC. ANDANAR: Yes, sir. We’re looking forward to that, sir, kapag tapos na po ang pandemya. Before anything else, Ambassador, COVID-19 count po muna tayo. Ilan na po ba ang active cases sa Bahrain at ilan po dito ang mga Pilipino? At kung mayroon man, paano ninyo namu-monitor ang lagay at kundisyon ng ating mga kababayan na nagpositibo sa COVID-19?

AMBASSADOR ALFONSO VER: Salamat, Secretary. Maliit ang Bahrain ‘no, may 1.5 million ang total population. In fact, bahagya pang mas marami mga foreigners dito, mga expat na nagtatrabaho dito. At sa 1.5 million na total population, nakapagtala na ng 80,000 cases.

Ang magandang balita diyan ay 77,000 plus na po ang nakapag-recover at na-discharge. Sa tala mula sa Ministry of Health, 3,000 lang po ang active cases. At sa 3,000 na iyon, 71 ang receiving active treatment at 24 ang critical.

Sa panig naman po ng ating mga kababayan, nakapagtala na po tayo ng 362 cases at labing-isa po ang namatay po sa kanila. At patuloy po nating nakikipag-ugnayan sa Ministry of Health; sila po ang pangunahin nating source ng information. Namu-monitor namin through sa mga kaibigan din natin sa mga ospital, sa mga quarantine centers, sa community at sa mga iba pang sources; mula rin sa mga pamilya mismo ng ating mga kababayang naapektuhan.

SEC. ANDANAR: Kumusta naman po ang pagpapatupad ng health and safety protocols sa buong Bahrain? Are they still in place or nagkaroon na po ba ng mas maluwag na restrictions?

AMBASSADOR VER: Patuloy pa rin. Unti-unti na pong lumuluwag. Unang-una, hindi naman talaga nagpatupad ng malawakang lockdown. In fact, noong Mayo pa, noong late April, mayroon na pong kahit isang flight papuntang Pilipinas, naging two flights a week, ngayon three flights a week.

Nagbukas na po iyong mga eskuwelahan although maraming safety measures in place, iyong mga bubbles at saka mga pods na tinatawag. Last week po, nagbukas na rin ang mga indoor dining sa mga restaurant, sa mga hotel. Senyales na po ng pagganda ng mga sitwasyon dito at sana po ay tuluy-tuloy na ito at makabalik na rin sa trabaho ang ating mga kababayan.

SEC. ANDANAR: Unti-unti na rin pong niri-revive ang ekonomiya ng Bahrain sa pagbubukas din po ng ilang business establishments like cafes and restaurants, how is the overall economic atmosphere in Bahrain?

AMBASSADOR VER: Everyone is optimistic nga po ano dahil nga po sa pagbubukas at iyong response natin sa pandemya napakaganda po, 94% po ang recovery rate, wala tayong problema sa mga quarantine centers.

Katulad po ng ating mga kababayan dito, we have around 51,000 Filipinos, mga 19,000 ho doon sa mga bahay-bahay, ang ating mga household workers at isang malaking sektor din diyan ay ang ating mga nasa hospitality, tourism, mga restaurants, sa mga hotel, sa customer service.

So, sana pagbukas nang unti-unti sila po ay tuluy-tuloy na rin nakakabalik at kung makabangon iyong mga industriyang ito, sektor na ito, mas marami naman pong makakabalik na mga Filipino sa kanilang mga trabaho.

SEC. ANDANAR: Paano po ang working arrangements na ipinatutupad ngayon diyan? Does the government support work from home scheme o business as usual lang din po?

AMBASSADOR VER: Patuloy po, of course, iyong mga normal protocol na temperature taking at you have to fill-up a health declaration form para sa kanilang contact tracing, iyong pag-hand sanitation at mayroon din pong mga work from home na arrangements.

Kung kami po dito sa embassy tuluy-tuloy po kami, halos hindi po kami nagsara at mayroon din po kaming mga measures na ipinapatupad at awa naman ng Diyos at hindi kami masyado pang naapektuhan din dito kahit marami ho kaming mga kliyente sa araw-araw at hindi po kami nakapagsara nang matagal.

SEC. ANDANAR: Pati po iyong mga eskuwelahan, nurseries, ay pinayagan na rin pong magbukas sa Bahrain. Does that mean na pinapayagan din pong lumabas ang mga bata o minors at paano po kaya masisiguro na ligtas po ang mga batang ito mula sa banta ng COVID-19?

AMBASSADOR VER: Sa mga eskuwelahan po, online pa rin po karamihan. Iyong mga [unclear] kagaya ng isang eskuwelahan dito, ang Philippine school, sila po ay totally online, ‘no. Sa mga ibang private schools sa kung saan nag-aaral din iyong mga anak at mga dependents ng ating mga kababayan, mayroon pong mga learning bubbles o learning pods at patuloy ho iyan mula sa pagsakay ng school bus, pagdating sa eskuwelahan at while in school, patuloy ho iyan. Mga limited iyong number of students per class at patuloy ang coordination namin sa Ministry of Health nila. Every day they have to report the situation.

So, iyong mga bata naman po, mayroon na pong mga pagkakataon na mayroong mga bukas na mall, mayroong mga bukas na outdoor recreation, mayroon pa nga ditong outdoor cinema para po sa mga libangan ng mga tao at mga iba pang activities, may mga dagat ho dito, kaya maluwang-luwang na rin po at wala na pong masyadong nalulungkot na nasa bahay lang po.

SEC. ANDANAR: Tumatanggap na rin daw po ulit ang Bahrain ng mga foreign domestic workers at ang sabi preferred nila ang Filipino. Is it safe to say na ligtas na ulit bumalik at mag-apply diyan ang ating mga kababayang OFW?

AMBASSADOR VER: Opo. Thank you for that, Secretary. Ayon po sa ulat ng ating labor office, ng ating POLO dito, noong magsimula ulit sila magproseso ng mga domestic workers, iyon po ang ipinahiwatig sa kanila ng mga employers na they prefer the Filipinos. Kagaya po ng sabi ko, hindi lang po doon sa ating mga household service worker na ating mga kababayan, marami rin sa hospitality service, sa hotel and tourism at malaking bagay ho dito of course iyong customer service, iyong pakikipagtungo sa mga tao, iyong ating communication skills, iyong ating mga pisikal na pag-aanyo – iyan, tanyag ang Filipino diyan. Magaling tayong mag-alaga ng ating mga kliyente, kaya totoo na mayroon talagang bias o preference sa ating mga kababayan sa mga sektor na ito.

SEC. ANDANAR: Lastly, kung may maipapayo po kayo o mensahe para sa mga kababayan nating gustong magtrabaho sa Bahrain at paano po nila maku-contact ang inyong tanggapan po?

AMBASSADOR VER: Opo. Sana nga po tuluy-tuloy na at iyong mga flights regular na, nakakabalik na. Iyong mga may kontrata at saka iyong mga new hires, makakabalik na dito. Ang dadatnan naman nila dito, Bahrain has really turned a corner, pababa na po ang ating mga infection rate. Kaunting pasensiya na lang po at kami po, ang embassy is also safe and open para sa ating mga kliyente. Kung gusto ninyo pong tumawag, ito po ang aming mga 24/7 hotline numbers – 3995-3235; ang aming POLO – 3807-2476; at ang OWWA – 3467-3268. At alam po ng ating mga kababayan dito na iyong aking mismong direct personal line ay open sa kanila, ang ating mga social media accounts ay madali ding paraan para makapag-communicate sa atin at iparating ang kanilang mga pangangailangan.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat po sa pagpapaunlak sa aming tawag, Ambassador Alfonso Ver mula sa Bahrain. Stay safe po kayo.

AMBASSADOR VER: Kayo rin po. Salamat po, Secretary.

USEC. IGNACIO: Samantala, nasa kabilang linya na rin ang tagapagsalita ng Department of Interior and Local Government, Usec. Jonathan Malaya.

Usec., welcome back po sa ating Public Briefing.

USEC. MALAYA: Opo. Magandang umaga rin po sa inyo, Usec. Rocky at kay Secretary Martin Andanar. Magandang umaga po sa inyong lahat.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., hanggang ngayon daw po ay may mga scammers pa rin daw na gumagamit ng pangalan ninyo at iba pang DILG officials and this time, ang mga biktima naman daw po ay mga local officials. Ano po ang ginagawang hakbang ng DILG laban dito?

USEC. MALAYA: Opo. Usec., totoo po iyan at kami po ay nagbibigay babala sa lahat ng ating mga local government officials na mag-ingat po tayo dito sa criminal syndicate na tumatawag at nagti-text sa mga mayor at nagsasabing sila ay tutulungan ng DILG. Nagpapanggap po na mga senior officials ng DILG at mayroon pong hinihinging kapalit na pera.

Ang masaklap nga diyan, Usec., ay kahit po ako ay nabiktima na rin nitong mga sindikatong ito, tumatawag sila sa mga mayor. Kaya po kami ay nagbibigay babala sa ating mga mayors sa buong bansa na kung mayroon pong mag-text at mag-call sa inyo na nagpapanggap na DILG official, i-verify ninyo muna po kung tunay nga po talagang taga-DILG iyong tumatawag at kung lumalabas pong scam ito ay ipagbigay-alam ninyo po kaagad sa pinakamalapit na Philippine National Police station para maimbestigahan at mahuli po itong sindikatong ito.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., nagkaroon po ba kayo ng pagpupulong kasama ang mga LGU regarding this?

USEC. MALAYA: Opo. Actually po, naglabas na po ang DILG ng memorandum tungkol dito. Mayroon na rin pong memorandum ang ating kapulisan, ang Directorate for Operations, na nagbibigay babala sa ating mga local government officials. Ngunit hindi pa rin po tumitigil itong mga kawatang ito. So mabuti po at napaunlakan ninyo kami sa DILG na makasama dito sa Public Briefing para po mabigyan ang babala ang lahat ng mayors sa buong bansa na mayroon na naman pong sindikatong gumagala at tulungan ninyo po ang DILG at ang ating kapulisan para mahuli na po itong sindikatong ito.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., may tanong lang po si Joseph Morong ng GMA 7: Baka lang po alam ninyo if may mga umaapela doon sa mga ilalagay sa GCQ na mga lugar by November 1st?

USEC. MALAYA: Opo. Mayroon po na mga appeals, ngunit hindi ko pa po puwedeng ito ay ilabas. Iyon po kasi ang proseso namin, hindi po kami nagbibigay ng announcement until ma-proseso po ito ng IATF.

But we will make the necessary announcement po kapag mayroon na pong desisyon ang technical working group at napagdesisyunan na po ito ng IATF.

USEC. IGNACIO: Usec., ipinag-utos din po iyong pagsasara ng mga sementeryo at kolumbaryo sa bansa from October 29 to November 4. Kaya naman ngayong araw po dumadagsa iyong mga taong gustong makabisita sa kani-kanilang mga yumaong kamag-anak.

Ngayon pa lang po ba ay expected na maghihigpit o mahigpit na babantayan ng PNP at ng mga LGU ang bawat sementeryong sakop nila? Kasi bagama’t isinarado po ninyo iyan, may mga araw po na talagang dadagsain po iyang mga sementeryo para po makapunta pa rin doon sa kanilang kamag-anak.

USEC. MALAYA: Opo. Nagpalabas po ng direktiba si Secretary Eduardo Año sa lahat ng local government units at lahat ng PNP units sa buong bansa na siguraduhin nga pong sarado ang ating sementeryo at kolumbaryo at memorial parks simula po bukas hanggang November 4.

Maayos naman po ang koordinasyon na ngayon ng DILG at mga LGUs at napaghandaan naman po ito. Ngayon nga lang po ay tama po ang sinasabi ninyo, mayroon pong pagdagsa ng mga tao ngayon sa mga sementeryo kaya pinapaalalahanan po namin ang mga local government units at ang ating publiko na rin doon sa polisiya na sa mga araw na ito na bukas pa ang mga sementeryo, minimum health standards must be fully complied with; at number two, up to 30% lang po ng capacity ng sementeryo or ng memorial park or kolumbaryo ang puwedeng pumasok.

At sa amin naman pong pagmu-monitor ay mukha naman pong nasusunod itong mga regulasyon na ito. So patuloy po ang pakiusap ng DILG na magtulungan po tayo na hindi magkaroon ng siksikan sa mga sementeryo habang bukas pa po ito hanggang ngayong araw.

USEC. IGNACIO: USec, pero hanggang kailan po kaya magbabantay itong PNP at mga LGU sa mga sementeryo para po masigurong, sinabi nga po ninyo, nasusunod iyong health and safety protocol kung sakaling marami pa ring pumunta sa mga sementeryo?

USEC. MALAYA: Hanggang mayroon pong pumupunta sa sementeryo ay kailangan po may nakatalagang kapulisan doon.

Ang instruction po ni Secretary Eduardo Año ay magkaroon ng help desk sa bawat sementeryo o kolumbaryo at memorial park sa buong bansa. At kailangan din po may regular foot patrol ang ating mga kapulisan; at hinihikayat din namin ang mga barangay na tumulong po sa ating kapulisan as force multipliers para po masiguro at matulungan ang ating kapulisan in the enforcement of minimum health standards. Dahil ito lang po talaga ang ating pinakamabisang panlaban sa COVID-19.

USEC. IGNACIO: Opo. Balik po tayo sa usapin ng COVID-19, Usec. Tuluy-tuloy pa rin po ang inihahanda ng DILG ang mga local barangays para naman po ma-insure na handa at equipped ang mga ito para po labanan ang COVID-19. Magsasagawa daw po ng pagsasanay ang DILG at Department of Health para sa kanila; ano po ito Usec?

USEC. MALAYA: Tama po iyan. Maganda na kasi po ang datos natin sa COVID-19 situation natin ngayon, pababa ng pababa partikular po dito sa Metro Manila ang numero ng mga kaso ng COVID-19. Sa mga probinsya naman po, kahit mayroong mga instances or outbreaks doon, madali naman pong makontrol ng ating mga local government units. So, para po ma-sustain ito, dalawa po ang hakbang na ginawa ng DILG.

Unang-una nga po, iyong deployment ng ating mga contact tracers; at libu-libo na pong contact tracers ngayon ang nakatalaga sa mga iba’t-ibang local government units nationwide. Mayroon na po tayong matatawag na ‘army of contact tracers’ na magsisiguro na iyong transmission ng COVID-19 sa lahat ng lugar sa ating bansa ay mapipigil, because iyan po talaga ang trabaho ng contact tracer.

Pangalawa pong hakbang na ginagawa ng DILG ay iyong aming pakikipagtulungan sa Department of Health para po sa retooling or retaining ng lahat ng 46,500 nating Barangay Health Emergency Response Teams sa buong bansa.

Alam naman po natin ang BHERTs ‘no, ito po iyong ating mga frontliners sa mga barangay. Sila po ang katuwang ng ating pamahalaan para sugpuin ang COVID-19 sa mga barangay at alam po natin na kailangan natin silang bigyan ng dagdag na kaalaman para masugpo nga sa barangay level ang COVID.

So, mayroon po itong tinatawag na BHERTs Friends Project with the DOH, ito po ay mixture of face to face and webinars para sa lahat ng BHERTs sa buong bansa at magbibigay din po ng pocket guide ang DOH at ang DILG para sa lahat ng BHERTs. Para pong Bibliya nila ito, nakasaad po doon sa pocket guide na iyon, iyong lahat ng mga panuntunan at mga dapat gawin ng isang BHERTs para po marespondehan ang sitwasyon ng COVID sa kani-kanilang mga barangay.

USEC. IGNACIO: Usec, ito po bang BHERTs na ito ay expected na mananatili na sa kanilang tungkulin bilang paghahanda po sa mga possible pang sakit na sana naman po wala ng dumating sa hinaharap?

USEC. MALAYA: Opo. Ito pong BHERTs ay sinimulan natin noong nagkaroon tayo ng SARS, way back several years ago at binuhay po muli natin ito sa panahon ng COVID-19 pandemic. Pero nakitaan po natin ito ng magandang accomplishment at magandang performance, so sa tingin ko po, we will now start institutionalizing these BHERTs, gagamitin na rin natin sila sa iba pang mga public health initiatives ng ating bansa. Kahit po itong ginagawa natin ngayon na measles, rubella and polio vaccination ay minu-mobilize na rin po natin itong BHERTs.

So, it would be a good idea if we can institutionalize ito na pong BHERTS na ito na permanente na sila para tuluy-tuloy po ang kanilang pagsisilbi sa ating mga barangay kapag mayroong mga problema with relation to kalusugan.

USEC. IGNACIO: Usec., paalala na lang po sa ating mga manunuod ngayong araw.

USEC. MALAYA: Opo. Mayroon pa po akong isang importanteng announcement Usec., tungkol naman po ito sa pagpapatuloy ng road clearing program.

Nagpalabas na po si Secretary Año ng Memorandum 2020-145 wherein ang road clearing program na alam naman po natin ay sinuspinde noong Marso ay babalik muli mula November 16 at ang deadline pong ibinigay ni Secretary Año para sa road clearing, they have until January 15, 2021.

So, mayroon pong dalawang buwan ang ating mga LGUs na ipagpatuloy ang road clearing programs sa kanilang mga lugar.

Ngunit naiintindihan naman po namin na since may mga community quarantine classifications ang ating mga LGUs. So kung ang isa pong LGU ay nasa Modified General Community Quarantine or nasa new normal o wala na po silang CQ classification, they are expected to fully implement the road clearing directive of the President.

Ngunit kung sila po ay nasa GCQ, a partial implementation lamang; at kung sila po ay nasa Modified ECQ or ECQ, suspended implementation po.

So ito po ay ipinapaalam namin ngayon sa lahat ng local government units nationwide, nabalik na po ang road clearing starting November 16, 2020.

USEC. IGNACIO: Okay, maraming salamat po sa inyong panahon, Undersecretary Jonathan Malaya ng DILG. Stay safe po, Usec.

USEC. MALAYA: Maraming salamat din po at mabuhay po kayo.

USEC. IGNACIO: Samantala, para naman po sa ating COVID-19 update. Sa pinakahuli pong ipinalabas na bulletin ng Department of Health, naitala po ang dagdag na 1,524 na kaso ng COVID-19 sa bansa, umakyat ang kabuuang bilang nito sa 373,144. Nasa 353 naman ang mga nadagdag sa mga gumaling na umabot na sa 328, 602; 14 naman po ang nadagdag sa mga nasawi sa kabuuang bilang po na 7,053.

Muli pong bumaba ang bilang ng reported cases kahapon na umabot lamang sa 1,524. Ito po ang pangalawa sa pinakamababa na nagdaan sa isang linggo.

Ang Negros Occidental ang pinagmulan ng pinakamataas na bilang ng COVID-19 cases kahapon, nakapagtala ng 115 new cases; sumunod po ang Cavite with 76 cases. Napasama na po ang Benguet sa top 5 na pinagmumulan ng mataas na kaso kung saan 72 cases ang naitala kahapon. Ang Quezon City ay nakapagtala rin ng 67 cases; hindi naman po nalalayo ang Laguna with 65 new COVID-19 cases.

Mula sa 9.8% ay umakyat [garbled] percent ang total cases o [garbled] 37,489 ang mga aktibong kaso. Sa bilang na ito, 2.2% ang severe; 4% naman ang nasa kritikal na kondisyon samantalang 11% ng active cases ang walang sintomas or asymptomatic. Ang malaking bahagi o 82.8% ay mild cases lamang.

Samantala, hindi po kami magsasawang magpaalala na maging ‘BIDA SOLUSYON’ sa COVID-19. Kung kayo po ay lalabas sa inyong tahanan huwag kakalimutan na magsuot po ng face mask; maganda rin po kung magdadala po tayo ng alcohol; huwag pong kalimutan ang inyong quarantine pass, ganoon din po ang listahan ng inyong bibilhin o mga gagawin sa labas ng bahay. Mga simpleng paraan lamang po ito pero malaki po ang maitutulong para labanan ang COVID-19.

Para po sa inyong mga katanungan at concerns tungkol sa COVID-19, maaari ninyo pong i-dial ang (02) 894-COVID o kaya ay (02) 894-26843. Para naman po sa PLDT, Smart, Sun at TNT subscribers, i-dial po ang 1555. Patuloy rin kayong makibalita sa mga pinagkakatiwalaang sources ng impormasyon tungkol sa COVID-19. Maaari ninyo pong bisitahin ang covid19.gov.ph.

SEC. ANDANAR: Puntahan din po natin ang mga balitang nakalap ng ating mga kasamahan mula sa Philippine Broadcasting Service, ihahatid sa atin iyan ni John Mogol.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat sa iyo, John Mogol. Magbabalita naman a Davao City si Julius Pacot. Julius?

[NEWS REPORT BY JULIUS PACOT/PTV-DAVAO]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Julius Pacot. Pasalamatan na rin natin ang ating mga partner agencies para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.

Salamat din po sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19, mabuhay po kayo.

SEC. ANDANAR: At diyan nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Ako po ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar, mula sa PCOO.

USEC. IGNACIO: At ako naman po si Usec. Rocky Ignacio. Secretary, 58 days na lang, araw po ng Pasko.

SEC. ANDANAR: Samahan ninyo po kami ulit bukas dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

###

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)