SEC. ANDANAR: Magandang umaga Pilipinas. Welcome to the Public Briefing #LagingHandaPH. Magandang umaga sa iyo, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Magandang umaga rin po sa inyo, Secretary Martin. Kaagapay pa rin siyempre ang mga paalala ng mga eksperto at ng pamahalaan, samahan ninyo kami ngayong umaga para alamin ang iba’t ibang mga hakbang ng pamahalaan para tuluyang masugpo ang COVID-19 sa ating bansa. Ako po si Usec. Rocky. Ignacio.
SEC. ANDANAR: At ako po naman si Secretary Martin Andanar. Tuluy-tuloy po ang ating programang Public Briefing #LagingHandaPH. Rocky, can you take it away, mayroon lang akong konting technical problem dito.
USEC. IGNACIO: Yes, Secretary. At upang sumagot sa mga tanong ng bayan, maya-maya lamang ay makakasama natin sa programa sina DR. JAIME MONTOYA, Executive Director ng Philippine Council for Health, Research and Development; at si Governor Arthur Yap ng Bohol Province.
Makakasama rin natin sa paghahatid ng ulat ang mga PTV correspondents mula sa iba’t ibang probinsiya at ang Philippine Broadcasting Service. Samantala, para naman po sa inyong mga katanungan, maaari kayong mag-comment sa livestreaming ng ating programa sa PTV Facebook page.
At para po sa ating unang balita: Hinikayat ni Senator Bong Go ang Department of Agrarian Reform na palaging unahin at siguruhin ang kapakanan ng mga mahihirap at landless farmers.
Sa ginanap na budget hearing nitong Martes, nagpahayag ng pagsuporta ang Senador sa proposed 2021 budget ng Department of Agrarian Reform. Sinabi rin niya na ipagpatuloy lang aniya ng Kagawaran ang pagbibigay ng karapatan sa mga magsasaka upang malaya nilang pagyamanin ang lupang sinasaka nila.
Nagbigay din ng pagbuti ang Senador sa kanilang upcoming project na “Support to Parcelization of Lands for Individual Titling.” Sa ilalim ng proyektong ito, ang gobyerno po ay ipa-parcelize ang 1,380,420 na ektaryang lupa sa buong bansa at mag-issue rin ng individual title sa 1,140,735 agrarian reform beneficiaries. Ito ay inaasahang magsisimula ngayong buwan at matatapos sa taong 2023.
Samantala, sa naging pahayag naman ni Senator Bong Go bilang co-sponsor ng Senate Bill #1844 sa ilalim ng Committee Report #130, sinabi niya na malinaw ang nais ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na mawala ang korapsyon sa ilalim ng kaniyang pamamahala. Dagdag pa niya, ang red tape at korapsyon ay matagal nang problema sa bansa kaya naman hinihikayat niya ang sambayanang Pilipino na patuloy na makiisa sa hangarin ng administrasyong iwaksi ang korapsyon sa pamamagitan ng pagsuporta sa mga panukalang batas tulad ng ease of doing business, e-governance at iba pang bills na naglalayong mapabilis at linisin ang mga serbisyong pampubliko ng pamahalaan.
Para sa iba pang balita: Nagpaabot ng tulong si Senator Bong Go sa mahigit isandaang pamilya na nasunugan sa Barangay 401 Sampaloc, Manila kung saan nagpamigay ang tanggapan ng Senador ng mga pagkain, cash assistance at gift cards sa mga benepisyaryo.
Nakipag-ugnayan din si Senator Go sa NHA para sa mga residenteng nawalan ng bahay dahil sa insidente. Bukod pa riyan, ang ilang piling residente rin sa Barangay 401 ang nabigyan ng bisikleta, motorcycle barriers at tablet na maaari pong magamit ng kanilang mga anak ngayong pasukan.
Samantala, lahat naman po tayo ay nag-aabang sa mga updates sa COVID-19 vaccine. Para bigyan tayo ng mga impormasyon ukol diyan, makakausap po natin si DR. JAIME MONTOYA, Executive Director ng Philippine Council for Health, Research and Development. Magandang umaga po, Doc.
DR. JAIME MONTOYA: Magandang umaga po.
USEC. IGNACIO: Okay. Magandang umaga, Doc. Ang tanong po ng karamihan hanggang ngayon: Gaano pa po ba katagal bago magkaroon ng safe ha, iyon pong safe vaccine dito sa ating bansa? Posible po ba talaga na maging available ito by April hanggang June ng 2021?
DR. JAIME MONTOYA: Base po sa plano na inilatag ng WHO, iyong COVAX Facility, at batay din po sa ating mga projection, tama po kayo, the earliest na magkakaroon tayo ng supply ng bakuna sa Pilipinas ay sometime in the second quarter of next year.
Ikinu-consider na po natin dito ang COVAX Facility na in-organize ng WHO, ng CEPI – iyong Coalition for Epidemic Preparedness Innovations – at ng Gavi para maka-access po tayo ng at least 20% of our demand for vaccine. So ito po ay 20%. At ito po ay lalabas ang supply, first quarter of next year.
So ibig sabihin po, lalabas sa kanila, so with all of our approvals, sa FDA, at iyong mga requirements na kailangan, talaga pong mga second quarter of next year po tayo magkakaroon ng supply… ng panimulang supply ng bakuna.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc, gaano po karaming developers ng vaccines ang papayagan po natin na magsagawa po ng clinical trials dito sa ating bansa?
DR. JAIME MONTOYA: Salamat po sa tanong. Wala po tayong limit. Basta lahat po ng kumpaniya na gumagawa whether government or public, whether mayroon tayong agreement or not, puwede naman pong mag-conduct ng clinical trial sa ating bansa.
Pero po ang ating pamahalaan ay magsusuporta lang sa Solidarity Trial ng WHO. So ito po iyong trial that will involve a number of vaccines that will be approved by the advisory group of experts ng WHO para gawan po ng clinical trial, at isa po tayo sa isandaang bansa na magpa-participate po dito sa Solidarity Trial.
So dito po tayo may commitment. Pero even po iyong mga hindi kasama sa Solidarity Trial at mga independent vaccine developers ay puwede naman po mag-conduct dito basta po sila ay magsa-submit ng application sa Food and Drug Administration, at kapag nabigyan ng approval po ay puwede silang magsagawa ng trial sa ating bansa.
USEC. IGNACIO: DR. MONTOYA, bigyan ko lang po muna ng daan itong tanong ni Joseph Morong ng GMA 7, pero may iba pa po tayong tanong ng ating media: Are there any countries applying already for phase 3 clinical trials; and where are we in that?
DR. JAIME MONTOYA: Salamat po sa tanong. As of today, may tatlo na po na nag-submit ng application for possible conduct of phase 3 clinical trial sa ating bansa. Ang pinakauna po dito, alam na nating lahat, ay ang Russian vaccine o Sputnik 3. Tapos po nag-submit na rin ang Janssen Pharmaceuticals, ito po ay independent clinical trial. Nag-submit na po silang ng application, although medyo hindi pa ho kumpleto ang documents nila. At ang ikatlo po ay iyong Sinovac from China, nag-submit na po pero kumpleto po ang documents nila. So tatlo po so far ang already in the process of application sa ating FDA.
USEC. IGNACIO: Ang second question po ni Joseph Morong, Doc: WHO said supply will come out in first quarter. Ano daw pong vaccine ito?
DR. JAIME MONTOYA: Iyan po ay hindi pa natin alam kasi kahit po ang COVAX ay hindi po pina-finalize pa kung alin sa mga bakuna na ito ang eventually magiging successful. Mayroon po silang listahan ngayon na mga manufacturers at mga vaccine developers na kasama po sa listahan nila. Pero hindi pa po ito ang final list na eventually magiging available dahil depende po ito sa results ng phase 3 clinical trials na nangyayari pa lang po ngayon – at baka magsimula rin sa ating bansa – na malamang ay matatapos, at the earliest, end of this year or even early next year. Kaya po hindi pa natin mapa-finalize iyong final list na magiging available through the COVAX Facility.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po mula kay Kristine Sabillo ng ABS-CBN: Kailan na po ang target start ng Solidarity Trial for vaccine?
EXECUTIVE DIRECTOR MONTOYA: Salamat po sa tanong. Ang simula po niyan, base sa WHO timelines ay mga last week of this month, last week of October. Kasi po hanggang ngayon po ay pinag-uusapan pa rin ng WHO through their scientific advisory group kung ano po ba talaga sa mga bakuna sa dinami-dami ang talagang mapapasama sa Solidarity Trial na gagawin sa isandaang bansa. So, ito po ay inaantabayanan pa natin pero po ang projection po ay mga last week of this month.
USEC. IGNACIO: Opo. At ang second question po ni Kristine: Ano na po ang status ng independent talks with Russia, Chinese companies and Janssen and other countries?
EXECUTIVE DIRECTOR MONTOYA: Well, ito pong mga sinabi kong tatlong vaccine developer, ito pong Sputnik V, ito pong Sinovac, at ito pong Janssen, ito po iyong talagang magku-conduct ng Phase 3 clinical trial sa ating bansa. Of course, ina-assume natin na they will also apply for eventual marketing dito sa ating bansa po dahil sila ay gagawa ng clinical trial dito.
So, iyon pong mga mag-a-apply o magsa-submit ng application for actual marketing, meaning magiging available po dito sa ating bansa – ito po ay isu-supervise at aalamin pa ng sub-Technical Working Group on Procurement na hiwalay po sa amin dahil kami po ay in- charge lang ng vaccine trials – so, ito po ay nasa Department of Health.
So, malalaman lamang po iyong final list kung sino ba talaga dito ang magiging available, depende po kung sino po sa kanilang magkakaroon ng successful Phase 3 clinical trials at maaaprubahan po ng ating Food and Drug Administration.
USEC. IGNACIO: Opo. Ang third question po ni Kristine Sabillo pa rin ng ABS-CBN: May updates na po ba sa VCO, Lagundi and Tawa-Tawa studies?
EXECUTIVE DIRECTOR MONTOYA: Okay po. Iyong sa VCO – virgin coconut oil, nagsimula na po noong una na iyong community-based study para sa mga COVID suspects at sa mga contacts. Nagsimula na po iyan nang may dalawang buwan na at marami-rami na rin po ang pasyenteng napasama. So, about 2/3 of the target sample has already been achieved. Iyon pong sa mga naospital na COVID-19, magsisimula pa lang po sa PGH. So, ito po iyong sa VCO.
Iyong sa Lagundi po, ito po ay nagsisimula na, naaprubahan na po ang kanilang application ng FDA at ng Ethics Review Board. So, ito po ay nakapag-screen na sila ng mahigit 150 pasyente na out of which mga 37 po ang nag-qualify at nagsisimula na po ang kanilang pagdyu-join o paglahok dito po sa Lagundi. At ito pong Lagundi ay tinitingnan natin kung puwede pong, iyong tinatawag nating adjunct medicine, o karagdagang gamot para sa mga may sakit na COVID-19 para po sila ay hind imaging complicated o mag-progress into the severe form.
Iyon namang Tawa-Tawa ay hindi pa po natatapos iyong approval nila. Mayroon pa hong mga review na ongoing ang Ethics Board p bago po sila magsimula pero tingin po namin eh magsisimula na ito baka by next week basta po na-issue na iyong approval ng Ethics Board. Iyan po iyong sa Tawa-Tawa.
USEC. IGNACIO: Tanong naman po mula kay Evelyn Quiroz ng Pilipino Mirror: The Philippine Council for Health Research and Development (PCHRD) is the body responsible for coordinating and monitoring research activities in the country. With regard to the current pandemic, had there been any significant research findings by the PCHRD which would help the government in lessening the impact of COVID-19?
EXECUTIVE DIRECTOR MONTOYA: Again, salamat ho doon sa tanong. Marami po, marami na pong natapos at marami na pong ongoing pero iha-highlight ko lang po iyong mga natapos na na may kontribusyon na. siguro naman alam po ng lahat iyong locally developed diagnostic kit for COVID-19, ito po iyong GenAmplify na dinivelop po ng mga siyentipiko natin sa Pilipinas at pinondohan po natin at ito po ay ginagamit na ng mga iba’t ibang testing center po sa bansa na nag-undergo na ng training sa paggamit po ng kit na ito.
Tapos po, mayroon po tayong mga ongoing studies pa po, marami po iyan. Mayroon po tayo iyong binanggit ko na kanina iyong for treatment, mayroon din po tayo sa Solidarity Trial for treatment po na WHO [unclear], ongoing pa rin po pero naglabas na po sila ng final result doon sa ibang mga natingnan na na gamot. Unfortunately hindi po maganda ang resulta kaya ang konklusyon po ay itong mga gamot na ito na natapos na ang pag-aaral through the Solidarity Trial ay hindi po irirekomenda na gamitin although may mga tinitingnan pa silang mga additional drugs na makikita natin na baka puwede pong gamitin sa COVID-19.
USEC. IGNACIO: Opo. Question po ni Joseph Morong ng GMA 7,
DR. MONTOYA: What’s the update po of the Russian application? Have we reviewed all the necessary documents?
EXECUTIVE DIRECTOR MONTOYA: Opo. Ongoing po, nag-second round na po kasi may mga kulang pa na mga datos na hiningi ang ating Vaccine Expert Panel, so may second round po ng evaluation na nangyayari ngayon. So, talagang masusing tinitingnan po iyan para po masigurado natin na safe po at magagawa po natin itong clinical trial na ito sa ating bansa. So, ongoing ho iyong second round.
USEC. IGNACIO: Doc, pagkatapos po ng clinical trials, ano naman po ang mga proseso na pagdadaanan para maging available na po sa publiko ang bakuna?
EXECUTIVE DIRECTOR MONTOYA: Well, siyempre po katulad ng sinabi ko kanina, kailangan po matapos muna ang Phase 3 Clinical Trial. Ang nakikita po natin iyong pinakamaagang nagsimula, so… ito po iyong sa America iyong sa Pfizer, iyong sa Moderna at pati po iyong sa England iyong sa Oxford vaccines, iyong sa AstraZeneca. Kung ito po ay hindi magkakaproblema matatapos po ito ng mga November or early December.
So, kapag natapos po ito, ia-approve ito ng kanilang FDA sa kanilang bansa at only kapag na-approve ng mga FDA nila sa kani-kanilang bansa puwede po silang mag-submit sa ilang mga FDA po sa outside na ng kanilang bansa kasama po ang Pilipinas. So, malamang matanggap ng ating FDA iyong mga papeles po first quarter of next year. At given mga one month para i-review nila, so tamang-tama po ay tatapat po iyan ng mga second quarter, early second quarter ma-approve iyan, magiging available na po iyong vaccine para bilhin ng kahit sino at para mabili din po ng ating gobyerno.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc, dahil magku-conduct nga ng clinical trials dito sa bansa, so gaano naman po tayo kasigurado na magkakaroon ng priority access nga sa mga vaccines na ito?
EXECUTIVE DIRECTOR MONTOYA: Opo. Ang ating mekanismo para tayo masigurado na makaka-access tayo ay hindi po through the clinical trials. Iyon po ay para lang malaman natin kung ito ba talaga ay magandang bakuna na uubra o aangkop sa mga Filipino. So, ito po ay magiging basehan para sa desisyon ng FDA at ng ating pamahalaan kung alin ang pipiliin na bakuna.
Pero iyong pagkakaroon po ng bakuna natin at the soonest time possible, tayo po ay naka-access po sa COVAX Facility. Ito po iyong magga-guarantee na tayo po ay makakakuha dahil isa po tayo sa 92 countries na eligible na bigyan po ng at least 20% of our national need para ma-cover po iyong 20% of our population.
So, 3% po will go to our healthcare workers, [unclear] workers, mga frontliners iyong sa first delivery at iyong second delivery po iyong remaining 17% to complete the 20%, for the groups na high risk katulad ng mga may edad, may mga ibang sakit, at iyong remaining 80%, iyon po ang ini-negotiate pa after the 20% has been delivered. At ito po ay through the COVAX Facility.
USEC. IGNACIO: Opo. Sa ibang usapin naman, Doc. Ito marami kasing nagtatanong, ano po ba itong saliva COVID-19 test at gaano daw po ito ka-accurate at gaano po kalaki ang chance na maaaprubahan ito sa ating bansa?
EXECUTIVE DIRECTOR MONTOYA: Ito po ay natapos na po iyong pag-aaral para malaman kung makatutulong ba itong saliva test at ito po ay isinagawa ng Philippine Society of Pathologists at ito po ay niri-review na iyong resulta at gagawan na po ng rekomendasyon para sa Department of Health. So, ito po ay natapos na antabayanan lang po natin iyong magiging recommendation ng Department of Health regarding this, kasi po eh katatapos lang po ng pag-aaral at pag-aaralan iyong datos para maging basehan ng ating guideline kung ito ay magagamit na talaga sa ating bansa.
USEC. IGNACIO: Doc., may pahabol po na tanong si Ms. Jam Punzalan ng ABS-CBN. Ano daw po ang cause of delay ng negotiations with Sinovac?
DR. JAIME MONTOYA: Wala pong cause of delay, kasi po ang Sinovac ay nag-submit ng kanilang application nito lang pong October 1 or 2 if I’m not mistaken. So kumpleto na po ang dokumento nila kaya po pinag-aaralan na. So iyan po ay may about 14 days na titingnan ng ating expert panel kasama po iyong ethics review bago po ito ibigay sa FDA for the final regulatory process.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc., ano na lang po ang inyong mensahe sa ating mga manonood?
DR. JAIME MONTOYA: Ang mensahe ko lang po ay tayo po ay nasisikap at umaasa na magkakaroon po tayo ng successful na bakuna na magiging available po sa ating bansa. Pero bago po mangyari iyan, kailangan pong masigurado natin na ito po ay safe at ligtas, walang side effect at epektibo, mabibigyan ng proteksiyon ang ating mga mamamayan.
Kaya po ating ginagawa na hangga’t maaari na magkaroon ng mga clinical trials po itong mga bakunang ito sa ating bansa para malaman natin kung paano nagri-react o nagri-respond ang mga Pilipino sa mga bakunang ito at ito po ay makatutulong para maging basehan ng desisyon ng ating pamahalaan kung alin pong mga bakuna ang talagang ating kukunin at gagamitin para sa ating mga mamamayan.
So iyon lang po ang aking masasabi at sana po ay tayong lahat mag-antabay at umasa tayong lahat na magkakaroon po ng successful na bakuna based on the phase 3 clinical trials na ongoing pa po.
USEC. IGNACIO: Marami pong salamat Doctor Jaime Montoya, Executive Director ng Philippine Council for Health Research and Development.
MONTOYA: Maraming salamat po.
SEC. ANDANAR: Ngayon po naman kumustahin natin ang lagay ng ating mga kababayan sa Bohol Province at para sagutin ang ating mga katanungan, narito po si Bohol Governor Art Yap. Maayong buntag kanimo.
BOHOL GOV. YAP: Maayong buntag. Daghang salamat sa kahigayunan. Good morning sir and good morning po sa lahat ng viewers natin, sa lahat po ng mga listeners natin. Salamat po.
SEC. ANDANAR: Governor, kumusta po ang COVID-19 cases ngayon sa probinsya ng Bohol? So far, ilan na po ba ang mga nagpositibo at PUIs sa probinsya?
BOHOL GOV. YAP: So far, ang active cases namin is in the vicinity of 70 cases. So we suffered the highest number of COVID active cases September, pero after that nag taper off siya, bumagsak pa nga ng 30 tapos ngayon medyo umaakyat nang konti hanggang 70. Pero nama-manage naman po iyong situation kasi mabilis na ang aksiyon ngayon ng mga mayors dito – ‘pag nagkakaroon ng local infections, gina-granular lockdown kaagad nila. So kasama ang mga pulis at saka iyong mga volunteers at saka mga barangay health workers, very focused iyong approach nila na very granular so mabilis na silang umaksiyon ngayon. So it has been successful in the sense that we’ve been able to manage the little outbreaks in different parts of Bohol.
SEC. ANDANAR: Kumusta po ang pagpapatupad ninyo ng mga safety protocols sa Bohol para sa mga mamamayan para makaiwas po sa COVID-19?
BOHOL GOV. YAP: Right now we are in the process of distributing more than 300,000 family contact tracing cards. So ang kada pamilya binibigyan namin ng contact tracing card and magpapalabas na rin kami ng executive order very soon na hindi ka makakaikot kung wala kang dalang contact tracing card. So that is going to complement our PCR laboratories today. Dalawa iyong PCR lab namin dito, ang isang PCR laboratory namin nasa Gallares Hospital [garbled] sa sariling PCR laboratory natin.
Lahat rin ng turistang dumarating dito, ang plano namin bibigyan na rin namin ng isang contact tracing card at puwede rin nilang i-download sa mga smart phones nila. Tinesting namin ‘to last week doon sa Philippine Travel Exchange at maganda naman, tumatakbo naman siya. So at least nakita namin—‘ayan iyong contact tracing card Secretary, iyong pinapakita sa screen. That’s me explaining the contact tracing card to them that everybody has an individual and a special unique QR code na kailangan nilang [garbled] because that is our way of issuing early warning alerts to people.
At the time kung mayroon na tayong madiskubre na may na-infect, we will warn the people na nakapasok sa database natin na kailangan silang warning-an na mayroon nang na-infect. So those are the systems that we are putting in place right now.
SEC. ANDANAR: Mayroon po bang mga lugar na nakasailalim sa mga localized lockdowns diyan po sa lalawigan ng Bohol?
BOHOL GOV. YAP: May mga localized lockdown po. Ngayon po kasi sa—the entire Bohol, may mataas na mga cases ngayon iyong Municipality ng Tubigon where there are 25 active cases. So doon sa mga barangay where there has been detected na may active community transmission doon, iyon po ang gina-granular lockdown right away. And we saw how it was very effective, iyong community lockdown na granular. Ginawa namin ito sa Municipality ng Talibon, ginawa rin namin sa Municipality ng Bien Unido kung saan iyong mga island-barangays na na-expose because they’re very near to Cebu, ni-lockdown namin kaagad iyon. And within two weeks because of the contact tracing that we did, umakyat lang sandali iyong infections tapos bumababa kaagad iyong infections, nabantayan.
So ganoon iyong ginagawa rin namin ngayon sa Tubigon, so iyong mga areas na identified na mayroon siyang transmission, iyon ang nila-lockdown kaagad. Of course when you lockdown, ang mangyayari talaga aakyat iyong kaso. But after umakyat iyong kaso, bumabagsak rin kaagad iyon – iyon ang na-detect namin.
So that is the trend, ‘pag mayroon kaming nadiskubre, we quickly zero-in on the area, we contact trace and then aakyat iyong numbers pa and then nagli-level off, bababa na naman. So that’s—iyon ang behavior at iyon ‘yung mga nakikita naming mga statistics dito every time we address a local breakouts.
SEC. ANDANAR: Ano po ang sitwasyon ngayon ng mga COVID-19 quarantine facilities at testing laboratories at medical facilities sa inyong lalawigan, sir?
BOHOL GOV. YAP: Secretary, they’re very much operational. Kaya nga ang lagi naming paulit-ulit na sinasabi: kung hindi naman kakailanganin ng Department of Education for their classrooms since wala naman tayong mga face-to-face, bigyan na natin hanggang next year.
Anyway sabi naman ni Presidente Duterte, he will not advocate face-to-face until magkaroon na ng commercialization, mass availability ng vaccine. At tama si President Duterte doon, we cannot take risk with our children’s life dahil mas gagrabe iyong sitwasyon, hindi natin maku-control iyong infections.
So kung ganoon din naman at ang instruction ng mahal na Pangulo, eh sana hindi na nila ipagdamot pa iyong paggamit ng mga classrooms. Napakalaking tulong noong classrooms, kasi ‘pag dumarating dito iyong mga LSI at OFWs, nagagamit nila iyon for the local quarantine. So maganda, dahil doon sa mga local classrooms na iyan at quarantine facilities sa barangay, napakalaking tulong noon sa anti-COVID efforts natin.
And as I said, the laboratories naman are working. Sa una pupunta pa kami sa Cebu. It takes about two weeks for the results to come out. Pero dahil na-operational na iyong Gallares Hospital PCR Lab at iyong Provincial Government PCR Laboratory na mobile containerized facility, mabilis na ang resulta, hindi tumatagal nang dalawang araw.
Ako nga last week nagpa-test ako, nagpa-swab test ako. Ano lang, mga one and a half days lang nakuha ko na rin iyong resulta ko. So ganoon lang naglalaro lang doon sa 1 to 2 days lumalabas na ang resulta. So without contact tracing, useless rin iyong testing kaya importante rin iyong pagdi-distribute ng contact tracing cards sa more than 300,000 Bohol families.
SEC. ANDANAR: Governor, gaano po kalaki ang naging epekto ng COVID-19 pandemic sa kabuhayan ng mga kababayan po natin sa Bohol, at nakakabawi na po ba ang probinsiya ngayong medyo mas lumuluwag na po ang quarantine measures natin?
BOHOL GOV. YAP: Well, sa amin, Secretary ang dalawang sources ng revenue ng Bohol iyong OFW remittance at saka iyong turismo. Kaya sa nangyari sa COVID-19 na marami ring nagsara all over the world at marami pang tinatayang uuwi, sabi ng Department of Labor, 200,000 pa nga yata daw ang mga uuwi na OFWs and then iyong tourism ngayon is very much constricted dito sa Bohol, napakalaki ng impact. So, siguro kung sa income na lang, siguro ang mga tao nawalan ng more than P10 billion sa personal disposable income nila in the time na nagka-COVID dito sa Bohol.
And then kung jobs naman ang ating pag-uusapan sa mga employed at saka sa mga self-employed, siguro 211,000 to 220,000 na ang affected. So, iyon nga ang sinasabi natin na kung hindi natin bubuksan ang Bohol sa umaabot na mga panahon, mahihirapan tayo dahil magkukulang na ang pondo natin, dahil kukulangin tayo. Iyong pagdi-distribute lang ng rice support kukulangin at hanggang saan na lang rin kakayanin ng national government. So, hindi na kakayanin. We have to help ourselves.
Kaya nga slowly, pinag-aaralan namin na kailangan na rin, dapat na ring buksan ang ekonomiya natin, especially sa turismo. Pasalamat kami na dito ginanap iyong Philippine Travel Exchange, because nabigyan kami ng pagkakataon na i-showcase iyong contact tracing namin, iyong mga medical protocols na sinusunod namin. Nabigyan rin kami ng four days of how it is to really manage an event in Bohol again in the new normal. So, napakaganda noong experience at magagamit namin iyon sa umaabot na mga next few months na ang plano namin buksan na ang Bohol sa mga events, mga weddings, mga trainings, mga team building. Mass events, mga convention-type events na controlled ang mas tinitingnan namin, na mas angkop sa Bohol ngayong mga panahon.
SEC. ANDANAR: Nabanggit po ninyo bubuksan na, kailan po ang target ninyong mag-reopen itong mga targeted tourism diyan po sa Bohol? Aling mga lugar po ang mauunang magbukas para po sa mga gustong magpunta po diyan.
BOHOL GOV. YAP: Secretary, even as we speak. Ang pinag-aaralan namin ngayon siguro bubble within a bubble. Di ba sabi po ni Secretary Berna Romulo na we will open a bubble, a Bohol will be a bubble, we will open another bubble, magkakaroon tayo ng travel corridor. Ngayon ang gagawin namin, to make sure na safe rin ang Bohol, uunahin natin iyong municipality where the Panglao International Airport is, so that is the Panglao. Iyong municipality ng Panglao doon tayo mag-uumpisa. So, what we are going to do is, open up Panglao possibly by November and mag-a-accredit tayo ng mga establishments doon. So, we will open a bubble within a bubble, iyon ang uumpisahan natin
SEC. ANDANAR: Sa ngayon ano po ang mga nakikita ninyong mga guidelines, protocols na posibleng maipapatupad pa para sa mga turista na bibisita sa Bohol. Ito po ay mga karagdagang protocols na hindi po natin nakikita sa iba pang mga lugar na pinu-promote ng national government, baka mayroon pong iba diyan.
BOHOL GOV. YAP: Sa amin kasi, magre-register ka muna sa website namin, bibigyan ka ng authorized QR code and with that QR code, you can now book your ticket, pagdating mo dito, susunduin kayo, dadalhin kayo sa accredited hotel. So ang protocol na sinusunod namin dito, basta mayroon kang 48 hours na valid PCR test, then you can stay within your bubble, idi-designate ka sa isang area.
Pati sa pagkain ninyo, iyong family ninyo, naka-segregate kayo, hindi kayo puwedeng sumama sa iba. And then after that, if you are going to stay more than five days, that is when you have to do a confirmatory PCR test and if you are not staying for more than five days, then, okay na iyon. Iyong 48-hour valid PCR test, as long as nga, you followed the health protocols and you will stay within the bubble that is being created for you.
So sa hotel, kung saan ka kakain, iyong bibisitahin lahat iyo nakaplano, wala pong do it yourself ngayon. So, curated lahat at hinahanda ng mga tour operators para sa mga bisita natin. So, rather than opening it to mass tourism, ang ginagawa namin ngayon, ang pinag-iisipin namin dito, bubuksan lang namin ang Bohol sa events lang – sa mga team building, mga family reunions this coming Christmas, mga kasal, destination packages ang gusto naming i-promote ngayon, dahil sa feeling namin, mas mabilis i-manage kung isa o dalawa lang ang kausap natin doon sa grupo na iyon. Alam rin nila iyong mga rules at makakatulong sila sa pag-monitor doon sa grupong iyon.
Ang then, around province, kung gusto nilang bumisita, only in accredited areas. So, in that way, what is unique with what is happening in Bohol na iba sa ibang parte ng bansa? Ready iyong mga QR codes system namin, promoted at functional, operational ang reservations, transportation through contactless innovations, including contactless payments. And then mayroon ring track-make contact tracing system in place and more importantly than that, hindi namin binubuksan sa lahat. Curated ang lahat, pati ang bibisitahin ninyo, that is pre-approved, walang do it yourself and sa Bohol mismo, hindi namin bubuksan muna iyong buong Bohol, iyong Panglao lang. Pag-aaralan natin, we will try to make a perfect narrative for Panglao, kapag naayos na natin iyong Panglao, that is the time na bubuksan na natin iyong buong Bohol to other forms and levels of tourism.
USEC. IGNACIO: Good morning po Governor Yap, may katanungan po iyong ilang kasamahan natin sa media, mula po kay Evelyn Quiroz ng Filipino Mirror. Ito po ang tanong niyan: Bohol has been reported to have lost 10 billion pesos in revenue and 200,000 people have lost their jobs due to the pandemic. What measures are being done to effect an economic recovery and to help the people who lost their jobs?
BOHOL GOV. YAP: Right now, there is no way to address this unless we slowly reopen the economy. So iyon nga ang ginagawa namin, pinag-aaralan na namin how to reopen the economy this coming November. But as I said, slowly but surely, kasi ang mga tao dito may pangamba pa rin. So, para sa akin naman, bilang gobernador, naiintindihan ko na useless na buksan ito kung wala ring support sa local, so dinadahan-dahan namin. We are trying to make people understand that we have nowhere to go, except but to open the economy again, because hindi natin kakayanin na tulungan iyong more than 200,000 people na iyon, kung hindi natin bubuksan ang ating ekonomiya.
Number two, while we are doing that, heavy ang programa namin sa tubig, sa mga patubig at saka sa food production ngayon. Kasi ang point namin kung hindi rin natin bahagyang mabubuksan ang entire economy ng Bohol at hindi natin maibabalik sa free-COVID and we think it’s really going to take one to two years. Ang minimum doon, dapat wala namang magutom na Boholano. Kaya tuluy-tuloy ang food production program namin ngayon. Iyon ang tinatrabaho namin.
USEC. IGNACIO: Opo, Governor, ano na lang po iyong mensahe ninyo sa inyong mga kababayan?
BOHOL GOV. YAP: Sa Bohol, ang mensahe ko, we are doing our best right now. Humihingi lang ako ng understanding and support sa mga kababayan natin na many have been telling me na successful iyong pag-manage natin sa crisis natin that below 80 cases lang tayo na active in an island province of 1.4 million people and they understand na tourism destination nga rin tayo ng Pilipinas. So. I am asking our people to please understand na kailangan buksan rin natin iyong economy natin, hindi tayo puwedeng laging natatakot.
We have to make the best under this new normal, hindi lang new normal, but better normal. But more importantly, to all our mga kababayan natin, at the time na bubuksan na rin namin ang Bohol iniimbita namin kayo na sana tangkilikin po ninyo ang Bohol at bumalik rin kayo sa Bohol, bisitahin po ninyo kami.
Of course it will be a very different Bohol you will be visiting. Marami tayong susundin na mga protocols to keep everybody safe, but you will be richly reward. Because the time under COVID nakapag-recover talaga iyong environment. So, mas lalong gumanda iyong mga attractions at mga sites natin. At sana sa national government, ang hinihingi ko lang Usec., kung puwede sana, Secretary, they should always coordinate lalo na iyong implementation ng programs with the local governments.
Dahil iyong sa Bayanihan 2 na 162 billion, we can level that up through the local governments, the mayors, and the governors, we can counterpart. Isipin na lang natin na iyong budget ng lahat ng local government sa isang taon naglalaro iyan sa 700 billion.
So, kahit kumuha na lang kami ng… huwag nang 700 billion dahil may iba-ibang project ang LGU, kung tapatan na lang nila ng another 160 billion out of the 700 billion budget ng lahat ng LGU iyong 160 billion ng Bayanihan 2, can you imagine the multiplier effect on the economy.
So, sana iyong paggamit ng pondo sa Bayanihan 2 na 160-B, sana kasama ang mga local governments sa pag-scale up at sa pag-implementa ng mga programang iyan. Sana magsama-sama tayo sa panahon ng COVID because kulang na rin ang pondo, we have to leverage each other’s funds for better impact sa local economies natin. Kailangan na nating buhayin at buksan ang ating ekonomiya.
Salamat po, USec.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po, Governor Arthur Yap ng Bohol Province. Stay safe po, Governor.
BOHOL GOVERNOR YAP: Salamat. Salamat po, Secretary Andanar.
USEC. IGNACIO: Samantala, upang bigyang-daan ang Hatid Tulong Program na layong mapauwi ang mga na-stranded sa Maynila dahil sa umiiral na community quarantine ay pansamantala munang ipinagpaliban ang Balik Probinsiya Bagong Pag-asa Program. Para sa iba pang detalye, panoorin po natin ito.
[VTR]
SEC. ANDANAR: Sa puntong ito dumako naman tayo sa pinakahuling ulat mula sa iba’t ibang lalawigan sa bansa, makakasama natin si Czarinah Lusuegro mula sa Philippine Broadcasting Service.
[NEWS REPORT BY JURIZ ALPAPARA/RP VIRAC]
[NEWS REPORT BY MAYA JUNI/RP BUTUAN]
SEC. ANDANAR: Maraming salamat, Czarinah Lusuegro mula sa Philippine Broadcasting Service.
USEC. IGNACIO: Puntahan naman natin si Jorton Campana mula po sa PTV Cordillera.
[NEWS REPORT BY JORTON CAMPANA/PTV CORDILLERA]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Jorton Campana.
SEC. ANDANAR: Mula sa PTV Cebu, may ulat po si John Aroa. John, maayong udto ka nimo.
[NEWS REPORT BY JOHN AROA/PTV CEBU]
SEC. ANDANAR: Daghang salamat, John Aroa. Mabuhay ka.
USEC. IGNACIO: Mula naman sa PTV Davao may ulat naman si Regine Lanuza
[NEWS REPORT BY REGINE LANUZA/PTV DAVAO]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Regine Lanuza.
Samantala, dumako naman tayo sa update kaugnay sa COVID-19 cases sa buong bansa.
Base po sa tala ng Department of Health. As of October 7, 2020, umabot na po sa 329,637 ang total number of confirmed cases; naitala ang 2,825 new COVID-19 cases. Naitala rin kahapon ang 60 na katao na nasawi kaya umabot na sa 5,925 cases ang kabuuang bilang ng COVID-19 deaths sa ating bansa; ngunit patuloy rin naman ang pagdami ng mga nakaka-recover na umakyat na sa 273,723 with 437 new recoveries recorded as of yesterday. Ang kabuuang total ng ating active cases ay 49,989.
SEC. ANDANAR: Para sa inyong mga katanungan at concerns tungkol sa COVID-19, maaari ninyo pong i-dial ang (02) 894-COVID o kaya ay (02) 8942-6843. Para naman sa PLDT, Smart, Sun at TNT subscribers, i-dial po ang 1555. Patuloy rin kayong makibalita sa mga pinagkakatiwalaang sources ng impormasyon tungkol sa COVID-19. Maaari ninyo pong bisitahin ang COVID19.gov.ph.
Iyan ang mga balitang aming nakalap ngayong araw. Maraming salamat sa mga naglaan ng kanilang oras sa pagbibigay linaw sa mga impormasyon na mahalagang malaman ng ating mga kababayan.
USEC. IGNACIO: Okay. Secretary, iyon pong na-interview natin kanina ay si Doctor Jaime Montoya at hindi po Montoya. Paumanhin po.
Ang Public Briefing ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng Presidential Communications Operations Office sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).
SEC. ANDANAR: Asahan ninyo ang aming patuloy na pagbibigay impormasyon kaugnay sa mga update sa ating paglaban sa COVID-19 pandemic. Maraming salamat din po sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19.
USEC. IGNACIO: Secretary Martin, paalala ko lang sa inyo, 78 days na lang Pasko na. Bagama’t patuloy pa rin ang pagharap na rin sa krisis na dulot ng COVID-19 lagi pa rin nating tandaan ang pagmamahal at pagtutulungan sa kapwa ay ang tunay na diwa ng Pasko.
Mula Presidential Communications Operations Office, ako po si USec. Rocky Ignacio.
SEC. ANDANAR: At mula rin po sa PCOO, ako naman po si Secretary Martin Andanar. Magkita-kita po tayo bukas muli dito lang sa Public Briefing #LagingHandaPH.
###
—
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)