SEC. ANDANAR: Magandang umaga sa lahat ng ating mga kababayan sa loob at sa labas ng bansa, ito po ang Public Briefing #LagingHanda. Ako po ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar mula sa PCOO. Good morning, Rocky.
USEC. IGNACIO: Good morning, Secretary Martin. Mula pa rin po sa PCOO, ako po si Usec. Rocky Ignacio. Samahan ninyo kami sa panibagong balitaan ngayong araw ng Miyerkules, October 14, 2020.
SEC. ANDANAR: Simulan natin ang balitaan ngayong araw: Proposed 2021 budget para sa Presidential Communications Operations Office suportado ni Senador Bong Go. Sa isinagawang hearing ng Senate Committee on Finance ay sinabi ng Senador na malaki ang papel ng PCOO sa pagpapakalat nang tama at tapat na impormasyon sa publiko at malabanan din ang fake news and misinformation na aniya ay nagdudulot ng public anxiety lalo ngayong panahon ng pandemya.
Pinuri din ni Senador Go ang mga naging accomplishments ng PCOO para maibigay ang makabuluhang impormasyon sa mga Pilipino sa pamamagitan ng kaniyang mga attached agencies gaya ng People’s Television Network na mas tumaas ang viewership at mas pinahusay ang pagbabalita sa ilalim ni Chair Aliño at General Manager Kat de Castro, Radyo Pilipinas at Philippine News Agency. Dagdag din dito ang kauna-unahang Satellite Operations Office ng ahensiya na naitayo sa Lungsod ng Davao at ang Mindanao Hub na malapit nang matapos ang konstruksiyon.
Ang tanging hiling ng Senador aniya ay ang patuloy na siguruhing mabigyan nang tamang impormasyon ang ating mga kababayan ngayong may kinakaharap tayong pandemya dahil ang impormasyon sa panahon ngayon ay maaari ring makapagligtas ng buhay.
Kami po sa PCOO ay nagpapasalamat kay Senador Bong Go sa kaniyang suporta at pakikiisa sa ating mga programa dito po para sa ating bayan. Ganoon din Rocky, nagpapasalamat tayo kay Chairman Dick Gordon sa kaniyang suporta, kay Senator Mig Zubiri sa kaniyang 100% support, Senator Nene Pimentel at kay Senator Imee Marcos.
USEC. IGNACIO: Opo. Samantala, isandaan at limampung residente ng Barangay 8 sa Lucena City, Quezon Province na naapektuhan nang matinding flashfloods nakatanggap ng tulong mula kay Senator Bong Go. Muling namahagi ang opisina ng Senador ng mga pagkain, food packs, face masks at face shields sa ilang pamilya sa probinsya habang ang ilan sa kanila ay nakatanggap din ng bisikleta para magamit sa pagpasok sa trabaho at tablet para naman po sa online schooling.
Nakiisa rin ang Department of Social Welfare and Development sa pamamagitan nang pamimigay ng financial assistance para sa mga residenteng apektado ng flashfloods. Pinaalalahanan din ng Senador ang mga benepisyaryo na huwag mag-alinlangang dumulog sa pinakamalapit na Malasakit Center kung nangangailangan ang mga ito ng tulong pangmedikal at pinansiyal.
Sa kabilang banda ay apatnaraan at walumpu’t pitong miyembro ng TODA o Tricycle Operators and Drivers Association sa Lungsod ng Pasig ang nabigyang-ayuda mula pa rin sa tanggapan ni Senator Bong Go. Bukod po sa pagkain, face masks at face shields ay nabigyan din ang piling individual ng tablets at bisikleta. Namahagi din ng food packs ang Department of Social Welfare and Development sa mga miyembro ng TODA.
Sa pagpasok natin sa Phase 3 ng National Action Plan ng pamahalaan laban sa COVID-19 ay inilunsad ang bagong kampanyang ‘Ingat Buhay Para sa Hanapbuhay’. Dito po ay inaasahang unti-unting makakabangon din ang ekonomiya ng Pilipinas mula po sa malaking epektong idinulot dito ng pandemya.
Para po pag-usapan iyan, makakausap po natin ang dating Economics Spokesperson ni former President Gloria Macapagal-Arroyo, si dating Usec./Professor Gary Olivar. Sir, good morning po.
PROF. OLIVAR: Good morning, Usec. Rocky. Good morning, Sec. Martin. It’s good to see and hear from you again.
USEC. IGNACIO: Kami rin po. Sinasabi nga po natin Professor itong unti-unting pagbawi ng ekonomiya ng bansa sa tuluy-tuloy din na muling pagbubukas po ng mga business establishments and even local tourism. On an expert’s perspective sir, masasabi ninyo po ba na we are on the right track sa pagbabalik po ng sigla ng ekonomiya ng Pilipinas?
PROF. OLIVAR: Well we are on the right track, kung pag-aaralan po natin ang naging recent history ng ating ekonomiya sa gitna ng pandemya, nakita po natin ‘no based on first quarter data lahat po ng klaseng—iyong importanteng spending categories ‘no – investment, iyong tinatawag na growth capital formation, iyong ating external trade not only the import but export side, okay… bumagsak po, nag-reduce, nag-contract. Pati po iyong household consumption napakaliit po ng inilaki niya in the first quarter, 0.2% lamang.
Ang nagdala po ng patuloy na… na mabagal ngunit patuloy na pagbangon natin mula sa pandemya ay ang government spending po. Okay. Government spent 7.1% in the first quarter and two new legislation na ipapasa po ng ating Kongreso, magpapatuloy na rin po—patuloy pa rin ang pag-alalay ng ating pamahalaan sa mga pangangailangan para po mag-recover ang ating ekonomiya at mabigyan po ng kalutasan ang mga problema ng mga kababayan natin sa kanilang hanapbuhay.
USEC. IGNACIO: Opo. Professor, pero on a layman’s perspective po, paano po ba mararamdaman o maa-assure ang ating mga kababayan na nakakabawi nga po ang ekonomiya ng bansa?
PROF. OLIVAR: Well mararamdaman naman Usec. Rocky sa kanilang araw-araw na mga karanasan. Halimbawa po most recently, marahil nabalitaan naman natin nagsimula na pong luwagan pa lalo ‘no ang mga restrictions tungkol po sa public transportation ‘no. Dati po yata is one meter apart, ngayon po is pinapayagan na every other seat ang maupo so that is a shorter distance so makakadagdag po ito sa kapasidad ng ating mga bus at jeepney ‘no. Tapos unti-unti na pong binubuksan ang maraming mga establisyimento para po lalong magpatuloy ang paglakas ng ating ekonomiya.
On a personal note, siguro hihilingin ko na lamang kung puwede ay buksan din nang mas maluwag ang ating mga Simbahang Katoliko. Ang mga simbahan natin in general sapagkat maaasahan naman po natin na sumusunod ang mga ito sa mga patakaran tungkol sa stay safe.
USEC. IGNACIO: Opo. Professor, ayon pa rin sa World Bank, posibleng hindi maging kasing-bilis ng economic recovery ng ibang bansa sa East Asia and the Pacific Region ang economic recovery ng Pilipinas. Professor, posible po bang magkatotoo ito?
PROF. OLIVAR: Well, ang recommendation po ng—ang prognosis, ang prediction ng ating government planners sa NEDA ‘no, for the full year we will shrink our economy by -5.5%. Sa katunayan mas mababa pa nga ang prediction ng ADB, they project something like -7.3%. So may panganib po na mangyari ito ‘no. But having said that—I mean, we can only recover at our own pace.
Okay. Mayroon po tayong mga minanang kahinaan ng ating mga ekonomiya at ang dating mga institutions noong maupo po si Pangulo at ang mga kahinaan pong ito ay nag-contribute din po ‘no sa epekto ng pandemya sa atin. But we are slowly and working our way out of it.
Ang ikinatutuwa kong malaki ay ang pagdagdag po ng contact tracing ‘no at pag-hire ng 50,000 new contact tracers na ginagawa po ng DILG, iyon po naging malaking kakulangan ‘no sa mga ginawa nating mga response.
So far I think by closing this tracing gap, okay, magiging–puwede na po tayong maging mas targeted o mas retinado ang mga lockdown na ginagawa natin at lalo po itong makakatulong sa pagbilis ng ating recovery.
So yes, it is possible na we are not keeping up with some of our neighbors but as I said we made progress at our own pace and I can see it already happening ‘no.
Importante po ‘no and I wrote about this in my last column, two columns ito sa Manila Standard ay ang pagbalik po ng kumpiyansa ng tao, iyong tinatawag nating ‘animal spirits’ ‘no ng mga negosyante, tipong magnegosyo. At this has to be—this has to recover and when that happens, okay, lalo na ‘no but I think the key to that is ‘pag nagkaroon po ng bakuna, ng vaccine, I think that will be the key event na muli pong lalakas ang loob ng karamihan ng ating mga mamamayan.
USEC. IGNACIO: Uhum. Professor, sa last quarter po daw ng taong 2021 hanggang 2022 posibleng makabawi ang ekonomiya ng bansa at ito po ay kung wala nang mataas na kaso o pag-spike pa sa kaso ng COVID-19 sa bansa.
Pero masasabi ninyo po ba na may basehan ang projection na ito ng World Bank and if yes, ano po iyong mga factors na magdudulot sa slow recovery ng bansa as compared po sa iba?
PROF. OLIVAR: Ang problema po, hanggang ngayon siyempre ang mga bangko ay natatakot magpautang kasi nga po mahina ang mga ekonomiya at medyo mabuhay ang mga kliyente. Ang mga borrowers naman po siyempre iniingatan na din naman nila ang kanilang capital, hindi rin po sila sumusubok kasi ang problema, hindi pa po malakas ang demand mula sa ating mga consumers at hindi pa po matibay ang mga production situation natin kasi hanggang ngayon na may mga restriction pa rin tungkol sa pagpasok ng tao at may mga problema sa transportation.
So, number one—so, in the end as I said ‘no, it boils down to two things na kailangang mangyari: Number one, ipagpatuloy po ang suporta ng gobyerno through—on the spending side in terms of both pushing economic recovery and supporting our people lalo na po iyong mga mahihirap through this crisis – ang kanilang kabuhayan, ang kanilang mga pamilya; and secondly po, kailangan talagang bumalik ang confidence sa atin, okay? We have to restore our confidence in our economy, in our future, in our growth. Lot of it will happen when the vaccine arrives and probably not before then.
But even now, basta sumunod lang po tayo sa mga importanteng safety protocols puwede naman po tayong manumbalik sa dating pamumuhay. Ano po iyong mga protocols na iyon? Wear mask and now face shields; observe distance – one-meter o kaya maghugas ng kamay palagi ano. Things like that, basic things like that basta po ginagawa natin wala pong dahilan kung bakit hindi dapat bumalik ang ating kumpiyansa sa ating ekonomiya at sa ating pamumuhay.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong panahon, Professor Gary Olivar. Stay safe po, Professor!
PROF. OLIVAR: Salamat, USec., kayo rin. Kumusta rin kay Sec. Martin. Thank you guys. Good luck! Stay safe.
SEC. ANDANAR: Maraming salamat po, Prof. Gary Olivar.
Samantala, tatlong linggo na po matapos unang ipakita ang Manila Bay artificial white sand sa publiko ay maingay pa ring isyu ito sa mga natutuwa at maging sa mga hindi natutuwa sa naturang proyekto.
Ilang paglilinaw tungkol sa rehabilitasyon at beautification project ng Manila Bay ang gagawin natin ngayong umaga.
Nasa kabilang linya na po ng ating komunikasyon ang tagapagsalita ng DENR, si Undersecretary Benny Antiporda.
Magandang umaga, USec. Benny!
Okay… Rocky, mayroon pang mga nag-iinterbyu kay USec. Benny, so, hindi pa tayo makakausap ni Undersecretary Benny Antiporda and I’m sure he is doing the same, he is defending the stand of the government na maganda itong ginawa sa pag-rehabilitate ng Manila Bay shores.
At kitang-kita naman, USec., sa ganda ng white sand at talagang nalinis din ang Manila Bay. Bukod doon sa physical na mga basura na nakikita mo ay maging iyong testing na ginawa nila doon sa mikrobyo na nandiyan sa Manila Bay ay nalinis din, kumonti na kumpara dati.
USEC. IGNACIO: Okay. Secretary, para naman po muna pag-usapan ang paghahanda naman po ng NDRRMC kaugnay pa rin sa mga kalamidad na patuloy nating nararanasan kagaya po ng sunod-sunod na bagyo, makakasama natin ang Executive Director ng National Disaster Risk Reduction and Management Operation Center, walang iba po kung hindi si USec. Ricardo Jalad.
Magandang umaga po, USec.!
USEC. JALAD: Magandang umaga, USec. Rocky at saka Secretary Martin. Magandang umaga sa ating mga kababayang sumusubaybay ngayon.
USEC. IGNACIO: Opo. Una po sa lahat, pagkatapos po ng Tropical Depression Nika, pumasok naman po sa Philippine Area of Responsibility ang bagyong Ofel kung saan kasalukuyan itong naaapektuhan ang mga probinsiya sa silangang Visayas gaya po ng Samar. So, gaano o kahanda ang mga lugar na ito sa lupit o bagsik na naman ng bagyo at kumusta pa rin po ulit iyong coordination ng NDRRMC sa mga LGUs doon?
USEC. JALAD: Well, bago pa man ang pagdating nitong rainy season na may mga kasabay na pagbagyo, ang NDRRMC at ating mga Regional Disaster Risk Reduction and Management Council ay nagsagawa, mga ilang buwan na ang nakalipas, ng mga pagpupulong at pagpaplano ano at iyan ay nagresulta sa dalawang importanteng memorandum circular na ibinigay ng NDRRMC at saka DILG, USec. Rocky.
And kamakailan nga, noong Lunes ay nagsagawa rin tayo ng paghahanda para dito sa dalawang low pressure area na nakita ng PAGASA and ang isa ay nabuo na bagyo itong si Tropical Depression Ofel.
Ngayon, babalikan ko iyong mga advisories at saka memorandum natin sa ating mga member national government agencies at saka local government units. Sinasabi ng memorandum circular ng NDRRMC, USec. Rocky, na kung kinakailangan na mag-activate ng response operations ang NDRRMC, kailangan aligned ang mga measures na ito doon sa mga resolutions at saka guidelines ng IATF on the Management of Emerging Infectious Diseases partikular na itong sa COVID at ang DOH guidelines on risk-based public health standards for COVID-19.
Gayundin, ating hinihikayat ang ating mga national government agencies na magsagawa ng inventory ng resources kasama diyan ang human resource, mga logistical requirements na katulad ng relief goods, mga food and non-food items, mga gamot and ang ating mga local government units din ay hinihikayat natin na magsagawa ng ganoon.
And sa local government units, ang naibigay ng DILG na memorandum circular ay tinatawag na “Listo sa Tag-ulan at COVID-19” or preparedness measures of local government units for rainy season nitong taong 2020. Isa na diyan ang pagsagawa ng maagap na disaster risk at risk assessment meetings, ang pag-update ng kanilang local contingency plans, iyong coordination with relevant agencies katulad ng DOST, PAGASA, DENR, MGB at saka DOH para doon sa mga alert levels ng COVID-19 ano.
And noon ngang meeting natin noong Lunes, Rocky, ay naipakita sa atin ng DENR–MGB na dahil sa mga pag-uulan na dala nitong Tropical Depression Ofel ay mayroong 4,000 barangays dito sa regions ng CALABARZON, Region VIII, Region V at saka Region III, na maaaring at risk to or susceptible to landslides and flooding, so, nagkaroon tayo ng abiso doon sa mga local government units na iyan.
At isa rin sa hinihikayat natin sa mga local government units lalo na sa ating mga provincial government ay iyong pagsagawa ng mutual aid response dahil sila naman ang unang tutulong sa ating mga munisipyo na magkaroon ng karanasan or masamang epekto sa mga pag-ulan at bagyo. Sila ang inaasahan natin na unang-unang tutulong and iyan nga, dito nga halimbawa sa Metro Manila, mayroon silang tinatawag na One Metro Manila One Response na ibig sabihin kapag ang Quezon City ay may nararanasan na pagbaha, hindi lang siya ang magresponde pati na rin ang mga katabi niyang mga cities dito.
So, inaasahan natin iyong ating mga local government units lalo na itong mga probinsiya na magsagawa ng ganoong arrangement.
And isa pa, iyong paggamit ng pondo dahil sila naman ng—local disaster risk reduction management fund na tinatawag nating calamity fund dahil sila naman ang unang-una talagang magresponde, mayroong gap bago makapagresponde ang national government agencies sa pamamagitan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council.
Iyon ang ating paghahanda, Rocky, at ang ating mga regional offices ng OCD na namumuno sa mga regional disaster risk reduction and management council ay kasalukuyang nag-i-integrate ng mga compliance at saka measures naman ng ating mga local government units at mga regional government agencies.
USEC. IGNACIO: Usec. Jalad pero kumusta naman po iyong mga kahandaan o aksiyon na ginagawa ng ating mga LGUs, kasi po alam naman po natin na umuulan na, may dumarating na bagyo, tapos nandiyan pa rin po iyong pandemya. Hindi po ba kayo nahihirapan dito. Usec. Jalad?
USEC. JALAD: Well, mahirap talaga kung iisipin natin ano, dahil halimbawa na lang sa mga evacuation centers na naihanda natin. Ang DPWH kasi ay mayroong mga ginawang mga evacuation centers and iyong atin namang mga local government units ay mayroon ding mga ginawa na kanilang evacuation centers funded by their own funds. And ang iba rito ay maaaring ginamit as quarantine facilities for COVID cases at mga suspects. So, ibig sabihin, maaaring nabawasan iyong mga available evacuation centers na magagamit nila for evacuation ng mga maapektuhan ng pagbaha, pagbagyo.
So, hinihikayat natin ang ating mga local government units na ang ibayong paghahanda nila at paggamit ng iba pang facilities na maaaring gamitin as evacuation centers katulad na lang ng mga covered court, mga multi-purpose halls and iba pang mga innovations na puwede nilang gawin. Isa nga riyan halimbawa iyong sa private sector at saka iyong mga may kaya nating kababayan na mayroon maipagamit na mga facilities para sa ating mga kababayan na kinakailangang magsilikas.
Sa kasalukuyan, Usec. Rocky ang ating mga regional directors ng OCD na siyang namumuno ng Regional Disaster risk Reduction and Management Council ay nakatutok sa mga paghahanda ng ating mga local government units lalo na ngayon sa mga lugar naapektuhan ng Tropical Depression Ofel
USEC. IGNACIO: Opo, nito lamang September 22 ay naipasa na po ba iyong inyong –magtatag daw po ng Department of Disaster Resilience, ito pong House bill5989. Ano po ang saloobin ninyo dito Usec. Jalad?
USEC. JALAD: Well, tayo ay natutuwa sa suporta ng ating Congress doon sa panawagan ni Presidente na pagtatatag ng Department of Disaster Resilience at iyon ngang nabanggit mo, naipasa na diyan sa House of Representative iyong kanilang version, medyo mahaba pang usapin ito, Rocky, dahil mayroon pang gagawin diyan sa Senate, so that sila ay magkaroon ng one version na maaaring tatawaging Department of Disaster Resilience or anuman base na rin sa kanilang pag-uusap. Tayo naman ay willing naman na magbigay ng ating comments or inputs doon sa Senado, katulad ng ginawa natin sa House of Representative.
So, ang Office of Civil Defense ay all out support sa ating Presidente at ganoon na rin sa ating Congress para finally mabuo itong Department of Disaster Resilience. Ito ay nakikita doon sa pag-review ng Republic Act 10121 na nagbigay ng sistema natin ng Disaster Risk Reduction and Management System dito sa bansa at iyon nga ang nakikita na iyong isa na sa nakita doon ay iyong insufficiency ng authority ng Office of Civil Defense, this is a bureau under the Department of National Defense na manguna sa lahat ng gawain ng Disaster Risk Reduction and Management System dito sa ating bansa.
USEC. IGNACIO: Okay, maraming salamat po sa inyong panahon, Usec. Ricardo Jalad, ang Executive Director ng National Disaster Risk Reduction and Management Operation Center.
SEC. ANDANAR: Nasa kabilang linya na po natin ang tagapagsalita ng Department of Environment and Natural Resources, si Usec. Benny Antiporda. Benny, good morning?
DENR USEC. ANTIPORDA: Good morning po Secretary Andanar and good morning po sa ating tagapanuod at tagapakinig.
SEC. ANDANAR: Usec. Benny, hanggang ngayon ay marami pa ring reklamo tungkol sa umano ay pag-washout daw nitong dolomite sand sa Manila Bay lalo pa’t malakas ang mga pag-ulan recently dito sa Metro Manila. Sa mga kumakalat din kasing pictures online ay kita ang tila pagliit daw ng white sand nito again and again, Usec. Would you like to comment on that?
DENR USEC. ANTIPORDA: Well, dito po sa nangyaring ito na pagbisita po ng ating Chief Justice at ang atin pong Secretary Roy Cimatu nakita po na puro kasinungalingan po iyong lumabas na nag-washout po iyong white sand natin. Ang nangyari po talaga is wash-in ano po. Pumasok po iyong itim na buhangin at pumatong doon sa white dolomite ano po. Now, paano po natin susolusyunan ito, dahil balang-araw malamang mapatungan na lang ng black sand itong white sand natin. Well, iyong ganito po talagang beach front o nourished area or natural beach po ay nililinis po talaga kahit saang parte po ng mundo, talaga pong mine-maintain ito ano po.
Now ito po, kaya po hindi talaga mine-maintain pa ngayon, dahil this is still under the jurisdiction of the contractor ano po. Pinakita po natin sa atin pong mga kapatid sa media na there is a two to three inches thick of black sand na nakapatong na po sa white sand ano po. So, sa madaling salita, wala pong na-washout, hindi po nabawasan iyong ating white dolomite – nadagdagan po tayo ng black sand galing sa ilalim po ng dagat.
SEC. ANDANAR: Usec., the UP Institute of Biology offered help sa pag-rehabilitate nitong Manila Bay, pero imbes na dolomite sand ang ilalagay, kung saan sabi nila, na they are strongly against ay magtanim na lang daw ng mangrove sa Manila Bay shores. Anong masasabi ng DENR tungkol dito, Usec. Benny?
DENR USEC. ANTIPORDA: In the first place, all the projects here in Manila Bay has their own place. The mangroves are located in [unclear] area, in Bataan, in Cavite and in Baseco area, wherein we have our wet land. You cannot put it in the middle of the Baywalk areas, wherein it will destroy the landscape, hindi po magandang tingnan. And at the same time, hindi po mabubuhay dito sa lugar na ito iyon pong mangrove ano po. Kami nga po mayroon nga kaming proyekto sa Baseco area na magtatanim po kami noong Nilad, iyong Nilad na kung saan kinuha po iyong pangalang Maynila.
So doon po sa mga nagkukomento, eh baka puwede pong magtanong muna sila sa DENR bago po sila magkomento. And doon naman po sa offer nila na sila po ay handing tumulong sa amin, as long as it is for free, tatanggapin po naming iyong tulong nila. Dahil base po sa pag-aaral ng inyong lingkod, kalahating bilyon po ang binayaran namin sa kanila simula 2016 hanggang taong ito, kalahating bilyon na puro lang po konsultasyon, wala pong infrastructure, wala lahat. Kalahating bilyon ang binayaran natin sa UP na iyan.
Ang UP po sa buong pagkaalam ho natin ay libre dapat iyan ano po. Bakit kayo naniningil sa gobyerno, matapos kayong pag-aralin ng taumbayan, matapos kayong maging iskolar ng taumbayan, sisipsipin ninyo ang dugo ng taumbayan sa dami ng kinuha ninyong pondo? Tapos ngayon, gumagawa kami ng maganda, kailangang magbayad kami sa inyo, huwag naman ano po. Hindi ninyo karapatang batikusin ito dahil bayaran kayo. Iyon lang po ang masasabi ko sa UP. Uulit-ulitin ko – bayaran kayo!
SEC. ANDANAR: Okay puntahan naman natin ang katanungan ng mga kasamahan natin sa media, go ahead, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Usec. Benny tanong mula kay Joyce Balancio ng ABS-CBN: Ngayon daw pong tag-ulan maraming nakapansin nga na nawa-washout na ang dolomite overlay sa Manila Bay, kumusta daw po ang monitoring ng DENR sa Manila Bay project na ito?
DENR USEC. ANTIPORDA: Joyce, I will address this directly to Joyce. Before you come up with allegation that it was being washed out. Maybe you can visit it on your own ‘no and look at it personally rather than giving statements na hindi po talaga o wala pong facts or basis ‘no. Ngayon po nandito iyong mga media pinakita po natin na wash-in po iyong nangyari sa buhangin, hindi washout.
USEC. IGNACIO: Opo. Iyong tanong naman po ni Joseph Morong ng GMA-7: How many percent daw po iyong na-wash off sa dolomite beach na?
DENR USEC. ANTIPORDA: Again, I’m inviting you to look at it personally but sad to say this is under the jurisdiction of the contractor wherein we can wait for them to finish the project because in the first place hindi pa rin po naman bayad iyan nang buo dahil hindi pa ho tapos ang proyekto. Kapag natapos po iyong proyekto, that’s the time po bago natin tanungin po sila kung ano nangyari. But as of now, wala pong nawa-washout – wash in po ang nangyayari. Pumapasok po iyong buhangin na itim, hindi po lumalabas iyong buhangin na puti.
SEC. ANDANAR: Maraming salamat, Usec. Rocky. Usec. Benny, mayroon din palang mga pagdududa na sinasabing ang pinagkukuhanan ng dolomite sa Cebu, itong Dolomite Mining Corporation ay itinatag daw solely for the purpose of providing dolomite sa Manila Bay. Is this true at bakit sa tingin ninyo ay may mga ganitong hinala o haka-haka ang mga kalaban natin sa pulitika?
DENR USEC. ANTIPORDA: Well basically if you will look at the situation ‘no, we can see that there is an attempt to discredit the government on this project wherein we all know that next year is election fever na po kung kaya’t ayaw nilang magtagumpay itong proyektong ito ano po.
About the dolomite in Alcoy, Cebu, this had been operating for 39 years and yet sad to say na bakit ho hindi alam ng mga politicians nila diyan na it has been operating for 39 years ano po.
Now this project only started last year and yet bakit sa atin isisisi iyon ‘no. Now we issued a cease and desist order already against the Dolomite Mining Corporation because there’s an issue in environmental protection, eh gagawin po natin ano po, isasapalaran natin itong proyekto ng Manila Bay para lang maprotektahan din natin ang ating kalikasan. Iyan po ang sinabi ng ating Kalihim Roy Cimatu.
SEC. ANDANAR: Lastly Usec. Benny, ang iyong mensahe para sa mga kababayan natin in relation to the Manila Bay sands. Please go ahead, Usec.
DENR USEC. ANTIPORDA: Okay. Ito po ‘no, ang DENR po ay pina-subject sa audit ng mga grupong ito na bumabatikos sa atin na sinagot naman po natin kaagad. We are now calling the attention of the Commission on Audit to conduct an audit against UP ‘no, especially UP Marine Science Institute sa lahat po ng pondong ginastos namin sa kanila which is about half a billion pesos since 2016 ano po. Iyong buong UP system po, mga kalahating bilyon po ginastos namin.
One particular project na ginastos namin sa UP system is noong 2016 nagbigay po kami ng 210 billion ‘no without any infrastructure ano po. Saan ninyo po ginastos iyong 210 billion? Pakipaliwanag po sa taumbayan, baka ho ang akala ng taumbayan libre kayo kaya ho sa inyo kami itinutulak.
Maglalagay lang ho kami rito ng buhangin at pagandahin iyong bay, kailangan pa kaming magbayad sa inyo. I don’t think that is fair to the Filipino people.
SEC. ANDANAR: Maraming salamat sa iyong panahon, Usec. Benny Antiporda ng DENR. The best of luck para sa mga programa ng ating pamahalaan para sa kalikasan. Stay safe at mabuhay kayo.
DENR USEC. ANTIPORDA: Thank you, thank you.
SEC. ANDANAR: Alamin po naman natin ang pinakahuling balita mula sa PTV Cordillera kasama si Allah Sungduan. Allah…
[NEWS REPORTING]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat, Allah Sungduan ng PTV Cordillera. Mula Cordillera, puntahan natin ang kaganapan sa Cebu kasama si John Aroa. John…
[NEWS REPORTING]
SEC. ANDANAR: Maraming salamat, John Aroa ng PTV Cebu. Puntahan naman natin ang mga balitang nakalap ng ating mga kasamahan sa Philippine Broadcasting Service, ihahatid iyan ni John Mogol.
[NEWS REPORTING]
SEC. ANDANAR: Maraming salamat sa’yo, John Mogol. Oras po natin ay alas onse singkuweta’y sais na po ng umaga. Usec. Rocky, nagkakaproblema ang ating screen dito. Please take it away.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary Martin, puntahan natin iyong COVID natin kung ilan na po naitala kahapon. Ito na Secretary Martin: 344,713 na po ang kabuuang bilang ng COVID-19 sa bansa. Iyan po ay nasa pinakahuling datos na nilabas ng Department of Health kahapon, October 13, 2020 kung saan po ay nadagdagan ito ng 1,990 new cases; 327 naman po ang nadagdag sa mga gumaling mula sa sakit na sa kabuuan ay nasa 293,283 recoveries na; habang nasa 6,372 naman ang mga nasawi na kahapon po ay nadagdagan ng apat na pumanaw.
Malaki ang ibinaba ng COVID-19 cases kahapon kung ihahambing sa mga nakalipas na araw na umabot lamang sa 1,990. Ito na po ang pinakamababa sa nakalipas na isang linggo. Malaki rin ang ibinaba sa kasong naitala sa National Capital Region kahapon na pumalo lamang sa 580. Malaki ang diperensiya nito sa ating naiulat kahapon na nasa mahigit 1,300. Nananatili sa ikalawang puwesto ang Cavite na may 114 new cases, sumunod naman po ang Rizal na may 105 na bagong kaso. Nasa ikaapat na puwesto ang Laguna na may 100 cases. Ang Misamis Oriental pumasok rin sa top provinces na pinagmumulan nang mataas na kaso na nakapagtala ng 94 new cases.
SEC. ANDANAR: Samantala, umangat naman nang bahagya ang active cases na nasa 13% ng total cases o katumbas ng 44,958 – 84.2% ng active cases ay mild cases lamang, ang walang sintomas ay nasa 10.6%, samantalang nasa 1.7% naman ang severe at 3.4% ang nasa kritikal na kalagayan.
Muli po naming paalala sa lahat na maging BIDA solusyon sa laban na ito kontra COVID-19. Ugaliin po ang pagdi-disinfect ng inyong kapaligiran. Siguraduhin na malinis at virus-free ang mga bagay na madalas hinahawakan. I-disinfect ang mga ito gamit ang .5% bleach solution. Madali lang po ito gawin, ihalo lamang ang isang bahagi ng bleach solution sa siyam na bahagi ng malinis na tubig. Gamitin ito sa pag-disinfect ng mga doorknobs, susi, cellphone, ibabaw ng lamesa at iba pa. Mga simpleng paraan lang po iyan pero malaki ang maitutulong para labanan ang COVID-19.
Para sa inyong mga katanungan at concerns tungkol sa COVID-19 ay maari ninyo pong i-dial ang (02) 894-COVID o ‘di kaya’y 894-26843. Para naman sa PLDT, Smart, Sun at TNT i-dial po ang 1555. Patuloy rin kayong makibalita sa mga pinagkakatiwalaang sources ng impormasyon tungkol sa COVID-19. Maaari ninyo pong bisitahin ang covid19.gov.ph.
Magbabalita po naman diyan sa Davao City si Julius Pacot. Julius…
[NEWS REPORTING]
USEC. IGNACIO: Salamat sa’yo Julius Pacot ng PTV Davao. Pasalamatan na rin natin ang ating mga partner-agency para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP. Salamat din po sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19. Mabuhay po kayo!
SEC. ANDANAR: Diyan nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Ako po ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar mula sa PCOO.
USEC. IGNACIO: Secretary, nais nating batiin sa kaniyang birthday si Executive Secretary Salvador Medialdea. Happy birthday po ES.
SEC. ANDANAR: Happy Birthday Boss ES.
USEC. IGNACIO: At ako naman po si Usec. Rocky Ignacio.
SEC. ANDANAR: Hanggang bukas pong muli dito lang sa Public Briefing #LagingHandaPH.
###
—
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)