Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar and PCOO Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location People’s Television Network, Inc. (PTV), Quezon City

SEC. ANDANAR: Magandang umaga, Pilipinas. Marami sa araw-araw nating gawi ang nabago ng COVID-19, unti-unti na nga nating niyayakap ang new normal. Good morning, Rocky.

USEC. IGNACIO: Good morning, Secretary Andanar. Alam kong puyat na puyat pa rin kayo. Kasabay po ng pag-iingat, mahalaga ang pakikiisa sa mga hakbangin ng pamahalaan kaya naman ngayong araw muli nating makakasama ang mga opisyal mula sa iba’t ibang ahensiya para sagutin at linawin ang mga katanungan kaugnay pa rin sa COVID-19 pandemic. Mula po sa PCOO, ako po si Usec. Rocky Ignacio.

SEC. ANDANAR: Mula rin po sa PCOO, ako po si Secretary Martin Andanar at ito ang Public Briefing #LagingHanda.

Upang sumagot sa mga tanong ng bayan, maya-maya lang po makakasama natin sa programa sina DILG Undersecretary Epimaco Densing III; Sergio Ortiz-Luis, Jr., Presidente po ng Employers’ Confederation of the Philippines; at Senator Imee Marcos.

USEC. IGNACIO: Makakasama rin natin sa paghahatid ng ulat ang mga PTV correspondents mula po sa iba’t ibang probinsya at ang Philippine Broadcasting Service. Samantala, para naman po sa inyong mga katanungan, maari kayong mag-comment sa live streaming ng ating programa sa PTV Facebook page.

At para po sa ating unang balita: Tatlondaang miyembro ng Tricycle Operators and Drivers Association o TODA ang nabigyan ng tulong ng tanggapan ni Senator Bong Go sa Barangay 201 Pasay City. Ang ilan nga ay naipaabot ay mga pagkain, face masks at face shields. Nagpamigay din po ng tablets at bisikleta sa mga piling benepisyaryo at ang DSWD naman ay nagpaabot ng tulong pinansiyal, habang ang DTI ay nagpaabot livelihood assistance sa mga kuwalipikadong benepisyaryo.

Para sa iba pang balita, dumalo rin si Senator Bong Go sa ceremonial turnover ng 84 emergency vehicles ng Bureau of Fire Protection sa Camp General Emilio Aguinaldo sa Quezon City. Patuloy namang isinusulong ng senador ang modernization ng BFP sa pamamagitan ng Senate Bill 204 na ngayon ay consolidated under Committee Report No. 111 o BFP Modernization Act na naglalayong makapag-hire nang mas maraming personnel, magkaroon ng modern fire equipment at makapagsagawa ng mga pagsasanay para sa mga bumbero ng BFP. Bukod pa riyan magpapaigting din sa pag-iwas sa mga sunog sa pamamagitan ng pag-atang ng panukalang batas sa BFP na magkaroon ng kada buwan ng fire prevention campaign at information drive sa lahat ng lokal na pamahalaan lalo na sa vulnerable areas.

SEC. ANDANAR: Update naman kaugnay sa implementasyon ng mga ipinatutupad na measures sa mga LGUs sa gitna ng COVID-19 pandemic ang ating aalamin kasama si DILG Undersecretary Epimaco Densing III. Magandang umaga po sa inyo. Maayong buntag, Usec.

DILG USEC. DENSING: Maayong buntag Secretary Martin, Usec. Rocky at sa lahat po ng followers po ng Laging Handa. Magandang umaga po sa inyong lahat.

SEC. ANDANAR: Alam po natin Usec. kung gaano kahalaga ang contact tracing sa ating laban sa COVID-19. Sa ngayon po, ilan na po ang contact tracers ang kasalukuyang naka-deploy sa bansa at ilan pa po iyong sumasailalim sa training?

DILG USEC. DENSING: Ang total contact tracers bago po napasa ang Bayanihan II ay nasa 85,000 na po ‘no sa iba’t ibang local governments sa buong bansa at noong napasa po ang Bayanihan II law nadagdagan o binigyan ho tayo ng authority na mag-hire pa ng additional 50,000 to which as of today mahigit tatlumpung libo na po ang na-hire ng ating iba’t ibang regions ng DILG. Hopefully we can fulfill another 20,000 in the next 7 to 10 days at lahat po sila ongoing ho ngayon iyong bago nating na-hire o nakuha na contact tracers, ongoing po ang kanilang training ngayon.

SEC. ANDANAR: Ilang hotels po sa Maynila ang pinayagan nang tumanggap ng staycationers? Ano ba ang guidelines o requirements ng DILG tungkol dito at sino at mula saan lamang ang mga guests na maaaring tanggapin ng mga hotels?

DILG USEC. DENSING: Opo. Kung naaalala po natin, inaprubahan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases ang dahan-dahan na pagbubukas ng turismo sa ating bansa at sinimulan po ito ng Department of Tourism through Secretary Berna Romulo-Puyat na ang staycation dito po sa mga tinatawag nating GCQ areas kagaya ng Metro Manila, Batangas, Tacloban City, Iloilo City, Bacolod City at Iligan City. Itong pong mga GCQ areas, pinapayagan po ang staycation.

Dito po sa Metro Manila, mayroon na pong na-accredit ang Department of Tourism na anim na 5-star hotels—4 and 5-star hotels at puwede na ho kayong pumunta doon, tingnan ninyo ho sa website ng Department of Tourism itong mga hotels na ito. Patuloy pa silang nag-a-accredit ng mga hotel, kung saan tayo puwedeng mag-staycation. Ang kailangan pong gawin ng ating mga kababayan—hindi na po tinitingnan ang edad ‘no, so mula bata hanggang matanda puwede hong mag-staycation.

Kailangan lamang po pagdating natin sa hotel, kailangan mayroon tayong—magkakaroon tayo ng rapid antigen test, ito po iyong bagong testing na ginagawa na medyo mataas-taas po ang accuracy at ang maganda po dito 15 to 20 minutes lang po lalabas kaagad ang resulta. So ‘pag pumasa na po tayo sa rapid antigen test sa mga hotels, puwede na ho tayong magbakasyon, magkaroon ng ibang scenery.

At maganda po ito dahil ina-address po iyong mental health issue ng ating kababayan dahil sa maraming buwan, marami sa ating mga kababayan po ay naka-isolate or naka-quarantine at hindi nakakalabas ng bahay.

So bukod po sa pagbubukas ng turismo, ina-address din po ito ang mental health issue ng ating kababayan para ho sila magkaroon ng ibang kapaligiran naman po nitong pandemya.

SEC. ANDANAR: Sa kabila ng pagbubukas ng mga establisyimento, paano mas pinaiigting ng mga LGUs ang kanilang pagpapatupad ng health and safety measures? I’m sure every LGU would have its own style of implementing it.

DILG USEC. DENSING: Opo. Ang importante lang po, ipinapatupad po natin iyong tinatawag nating minimum public health standards at inuulit natin ‘to, paulit-ulit para ho mapasok sa isipan at sa puso ng ating mga kababayan ngayong panahon na wala pang bakuna itong COVID-19 – paghuhugas ng kamay, paglalagay po ng face mask, social distancing at ang bagong protocol po ay paglalagay na po ng face shield.

At may bagong pahiwatig po iyong ating Department of health na kailangan po lahat ng mga establisyimento maganda po ang ventilation system. Ito po iyong bagong binrief (brief) sa atin ng Department of Health at ating mga public consultants o private consultants na kailangan po maganda po ang ventilation ng mga lugar. So lahat po, ito po iyong minimum na pinapatupad natin sa lahat ng mga lokal na gobyerno sa buong bansa.

At bukod po dito, puwedeng magdagdag ang ating mga lokal na gobyerno as long as these are what you call reasonable [garbled] sagabal din sa dahan-dahan na pagbubukas ng ating [garbled] at mga negosyo po. Dahil ito po ang gustong ipatupad ng ating Pangulo nitong mga susunod na mga buwan.

SEC. ANDANAR: Curfew ang isa sa mahigpit na ipinatutupad ngayon ng bawat LGU. Kumusta po ang update sa pagpapatupad nito?

DILG USEC. DENSING: Opo. Sa mga MGCQ areas medyo maluwag na po ang kanilang curfew. However, sa GCQ lalo na dito po sa Metro Manila, ang sa aking pagkakaalam po, nananatili po ang posisyon ng ating mga lokal na gobyerno dito sa National Capital Region na panatilihin po ang 10 P.M. to 5 A.M. na curfew. Pero ang pagkakaalam ko rin po, humingi po ng exemption si Mayor Francis Zamora ng San Juan City. Siya po yata ay—ang kaniyang curfew nagsisimula po ng 12 midnight to 5 in the morning.

At the end of the day, assessment po ito ng ating mga local chief executives or mga mayors kung kailan nila pagagaanin iyong curfew na tinatawag. Pero hinihikayat po natin na ‘pag medyo maganda-ganda na iyong sitwasyon, iyong ating mga health protocols nasusunod na at bumababa na rin po iyong mga numero ng mga infections on a daily basis, puwede na ho siguro magluwag-luwag na ng curfew.

In fact, kinu-congratulate ko po ang ating—sa National Capital Region dahil po for the last 7 to 10 days ang infections po dito sa Metro Manila nasa 3 digits na lamang po ‘no; before nagtu-two thousand to three thousand a day po sila. Nitong huling pito hanggang sampung araw nag-a-average na lamang po sila ng 700 to 800 a day. In fact, kahapon 500 plus na lamang po infection sa Metro Manila. So nagiging epektibo na po iyong ginagawa nating pagku-contain ng COVID-19 and hopefully ipagpatuloy no ating mga kababayan iyong pagsunod sa minimum public health protocols.

SEC. ANDANAR: Tradisyon na po ng mga Katolikong Pilipino ang Simbang Gabi, kaya naman may mga umaapela na luwagan o magkaroon ng adjustment sa curfew hours. Ano po ang masasabi ninyo dito, Usec?

DILG USEC. DENSING: Opo, Secretary, in fact, maganda ngayon pa lang ay pinag-uusapan na iyan para gumawa na po tayo ng ating mga safety protocols in case na medyo lakihan po natin ang mga taong puwedeng magsimba o pumasok sa loob ng simbahan. Napakaimportante po iyong pag-a-anticipate ng isa sa mga kinikilala nating kultura na ginagawa nating mga Pilipino [garbled] darating na Undas ‘no, itong pagpupunta sa mga sementeryo dahil napag-aralan po ito months ago kaya po napagdesisyunan na isara po ang ating mga sementeryo. Pero puwede naman pong pumunta iyong ating mga kababayan ahead of the closure of the cemeteries.

So ganoon din po itong para sa Simbang Gabi, maganda po ngayon pa lang ay pinag-uusapan na at pinaplano na para magkaroon tayo ng malinaw na pamamaraan para i-celebrate po itong darating na Disyembre na masigurado rin po nating hindi naman po kakalat ang COVID-19 sa mga panahon na iyon.

SEC. ANDANAR: Ngayong panahon ng La Niña, ano ba iyong plano ng mga LGUs or DILG sa pamamagitan ng LGUs sa quick response sa mga lugar na prone sa flash floods and landslides? Ano po ba ang mga hakbang na ginagawa ng DILG tungkol dito?

DILG USEC. DENSING: Opo. Mayroon na po tayong naka-protocol po diyan, even wala pa itong pandemya or years before, mayroon na pong mga protocols na ginagawa ang DILG ukol sa mga sakuna na dumarating, kaya nga po reding-ready iyong ating mga local chief executives ‘no.

Ngayon po, ang nagiging problema lang natin, dumarating iyong bagyo, depleted ang karamihan po ng disaster response funds ng ating mga local government. So, naghahanap po tayo ng pamamaraan para ho ito ma-augment and hopefully mayroon pang natitirang pondo sa national government para matulungan po natin itong mga lokal na gobyerno na tinatamaan pa rin ng bagyo na dumadating pero kulang na po sa disaster response funds.

So far, very minimal po ang mga nagkakaroon ng disaster sa ating mga properties and mga kababayan, buhay ng ating mga kababayan. So ito po ang binabantayan natin and we are always anticipative because we’re getting the information ahead because of the information we get from PAGASA days before the storm hits a particular local government unit. So lagi po tayong nandiyan, nakaalisto po tayo lagi sa mga darating na mga bagyo nitong mga susunod na buwan.

USEC. IGNACIO: Usec. Densing, bigyan-daan po muna natin ang tanong ng ating kasamahan sa media mula po kay Leila Salaverria ng Inquirer: Ano daw ang masasabi ng DILG sa comment na overkill iyong security arrangement sa libing ni Baby River Nacino. Anak daw po ito ni Reina Nacino. May SWAT daw po at maraming pulis. Normal po ba ito na security arrangement?

DILG USEC. DENSING: Well, given the situation ano, iyong kaniyang public issue, it’s a major public issue, kailangan lang hong dagdagan nang kaunti iyong regular security na binibigay sa mga ganiyan, especially so ang binabantayan natin diyan ay hindi lang actually security, pati po iyong paninigurado na iyong health protocols po ay nasusunod. Kasi dahil medyo major issue siya na pinag-uusapan nitong huling mga araw, nag-anticipate lang po na maaaring magkaroon ng pagdadagsa ng mga tao.

So the security arrangement is just proper because of the issues at hand. And hindi naman po ito overkill; it’s more on anticipative rather than being overkill. Buti na iyong medyo prepared ho tayo sa maaaring mangyari kaysa naman hindi tayo preparado. So eksakto lamang po iyon.

USEC. IGNACIO: Okay, maraming salamat po. Ano na lamang po ang inyong mensahe sa ating mga manunood, Usec. Densing?

DILG USEC. DENSING: Sa mga kababayan po nating nakikinig ngayong araw, malinaw po ang deklarasyon ng ating Pangulo, kailangan na nating simulan ibalik iyong ating ekonomiya. Pero para natin gawin po iyan, kailangan po nating tandaan sa ating pang-araw-araw na ginagawa lalo kung tayo ay lumalabas ay ang pagsunod sa minimum public health protocols. Inuulit ko: Paghuhugas ng kamay, paglalagay ng facemasks, social distancing at paglalagay po ng face shield.

Sa aming pananaw po, dahil po sinusunod ng ating maraming kababayan itong mga minimum public health protocols, ito po ang kadahilanan kung bakit bumababa na po ang numero ng mga infections natin. And we are proud to report that the infection rate a day is now less than 10%. Prior to that was more than 10%, higher than the world average. [garbled]. And we are also ahead in terms of case fatality rate.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong panahon, DILG Undersecretary Epimaco Densing III. Salamat po. Stay safe, Usec.

DILG USEC. DENSING: Salamat po, Usec. Rocky, Secretary Martin, at magandang umaga po sa inyo.

USEC. IGNACIO: Samantala, kumustahin natin ang lagay ng pagninegosyo sa bansa ngayong marami nang muling pinapayagang magbukas ng establishment. Makakausap po natin si Employers Confederation of the Philippines (ECOP), President Sergio Ortiz-Luis, Jr. Magandang araw po.

ECOP PRES. ORTIZ-RUIZ: Hi! Good morning, Usec.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir, ngayong papalapit na po ang Pasko, mainit pa rin po iyong usapin tungkol doon sa pagbibigay ng 13th month pay o iyong bonus sa mga empleyado. May mga negosyante po iyong nababahala kung saan daw po ito kukuhanin. Bilang tugon po, mag-i-extend daw po ang government ng loan facility para sa mga enterprises. Kumusta na po ito?

ECOP PRES. ORTIZ-RUIZ: Well, actually, napag-usapan pa lang iyan noong isang araw eh na sinadyest [suggested] namin na gustung-gusto naman ng mga laborers at saka iyong mga workers at si Secretary Lopez and he really said it’s a good idea. Because alam naman natin na noong mag-umpisa itong pandemya, si Presidente ay ni-request sa ibang employers na kung puwede i-advance iyong 13th month pay. So nagkampanya kami noon. Ako, almost lahat ng mga miyembro namin ay palagay ko ay nagbigay ng advance 13th month pay. Iyon, hindi mga problema iyon kasi, alam mo, itong pandemya na ito have awaken social consciousness sa mga employers. Nakita kasi nila iyong mga empleyado nila na naghihirap, pareho sila, eh iyong mga iyon ay nagbibigay pa ng mga 14th month pay iyon kahit advance na, 15th month. Iyong iba nga nagbibigay pa ng 16th month eh.

So ang problema natin, iyong mga micro. Alam naman natin na iyong mga micro ay 90% na enterprises, at kalahati niyan ay nagsara na. At iyong mga nag-o-operate ngayon na mga micro ay hindi pa makadesisyon kung tutuluy-tuloy sila. Lalo pa nga iyong mga nandoon sa mga non-essential industries kagaya ng tourism, mga restaurants, iyong ibang services. Eh ang problema riyan, hindi nila nakikitang kikita pa sila pero nagtitiyaga sila na mag-operate just in case.

Iyong mga iyan, hirap na hirap na magbayad ng suweldo even pati iyong mga renta nila sa kanilang opisina or factory, eh iyan ang mga may problema. So iyong exception na sana mayroon ay hindi naman angkop diyan dahil iyon ay exceptions na ang mga requirements ay parang requirement doon sa nag-a-apply ng minimum wage, hindi kasama iyong exemptions sa minimum wage adjustment, hindi kasama iyong pandemya. So ang mga requirements na iyon ay three years financial statement before at saka papatunayan mo na ikaw ay nalulugi ng at least 50% eh hindi gagamitin ng mga maliliit iyan. Masyadong mahirap na trabaho para mag-apply para sa 13th month pay lang. Iyong malalaki naman, I think they will not bother.

So, iyon ang inilapit naming. Tutal tayo ay talagang tinutulungan natin iyong mga small enterprises at saka iyong mga empleyado. Nagpapamigay tayo ng pera sa CAMP, sa SAP. Eh napag-usapan nga namin noon, eh baka naman pupuwede na iyong mga facilities natin like sa Bayanihan, a portion of it be allocated para sa lending doon sa mga walang pambayad pero gustong magbayad ng 13th month pay.

USEC. IGNACIO:  Opo. Pero, sir, magkano po iyong halaga na posibleng abutin nito at ilan po ang inaasahang MSMEs na matutulungan sa ilalim po nito?

ECOP PRES. ORTIZ-RUIZ: Well, hindi namin ano … nanghuhula lang kami, ako ang hula ko, ang nearest estimate ko mga 300,000 employees.

USEC. IGNACIO:  Opo. Pero sa palagay ninyo sapat po ba iyong loan facilities sa dami ng mga nangangailangan o mangangailangan pa rin? Sa tingin po ba ninyo, dapat magkaroon ng company exemption talaga pagdating sa pagbibigay ng 13th month pay?

ECOP PRES. ORTIZ-RUIZ: Itinuturong mabigat na labor union at sabi ko nga, iyong guidelines, kasi wala naman kasi roon sa law iyan eh na may exceptions, pero nandoon sa IRR. Eh iyong the way it’s prepared, eh hindi naman angkop para roon sa mga mag-a-apply, unless babaguhin nila iyon na iyong puwedeng mag-apply doon ay iyong mga distressed company during the pandemic. Eh hindi ko naman alam kung paano patutunayan iyon dahil wala namang mga pinapakitang papers ‘no.

We will probably have to assume na lahat itong mga micro na ito eh distressed eh dahil sa totoo lang, talaga namang hirap na hirap talagang mag-operate iyong mga  ano. Eh kapag ganoon ang ginawa mo, napakarami niyan at hindi naman siguro kayang susugan ng gobyerno iyon.

USEC. IGNACIO:  Pero, sir, kumusta na po iyong sitwasyon ng mga MSMEs natin sa nakalipas nga po nitong pitong buwan? Unti-unti na po ba, kahit papaano, nakaka-recover ngayong mas marami na po ang pinapayagang magbukas ng negosyo?

ECOP PRES. ORTIZ-RUIZ: Well, marami na talagang nag-aano, pero ang problema ay iyong mga iba ay hindi naman fully operational, lalo na halimbawa iyong mga non-essentials kagaya halimbawa iyong mga restaurants, iyong mga ano, alam mo iyan napakalaki ng epekto noong walang customer eh na hindi 100%. Plus the fact iyong problema sa transportasyon, iyong problema sa curfew napakaraming problema na buti naman isa-isang sino-solve ng IATF ngayon.

Totoo paliit nang paliit iyong negative natin lalo sa export halimbawa, pero negative na negative pa rin. Pero at least lumiliit, sana mabilis-bilis pa kung lang na iyong ibang mga problema kung maso-solve natin kagaya halimbawa noong iyon nga transportasyon nga, pangalawa iyong mga assistance na sinasabi natin, ibibigay eh, hindi po nakakarating sa mga maliliit na kumpanya, kulang pa iyong allocation sa ano. Mayroong allocation iyong sa lending, doon sa SB Corporation na P1 billion, ubos na ubos iyon. So naghihintay pa ng pera para naman makautang iyong MSME na iba na malaki-laki. At ito nga kagaya doon sa 13th month pay na ito, problema ito ng marami dahil walang pambayad, sana mapautang.

USEC. IGNACIO:  Opo. Pero, sir, sa inyo pong estimate, gaano po kalaking halaga ang nawala sa kita ng mga business owner sa bansa? At sa ngayon, paano po nila ito patuloy na hinaharap?

ECOP PRES. ORTIZ-RUIZ: Well, actually makikita naman doon sa GDP natin na talagang minus 8% iyong GDP. So from there alone, you can gage talaga maraming … iga ito sa ating mga manggagawa. Mabuti na lang unti-unting nagri-recover, pati iyong export natin, pati iyong ano, pero malayo pa rin doon sa normal na dati nilang [unclear]. So marami talaga iyong…  even malalaking kumpanya na nagsasara o nag-iisip na magsara.

USEC. IGNACIO:  Opo. Kaugnay po niyan, bilang malaking bahagi po ng pagninegosyo sa bansa binubuo ng mga MSMEs, so paano po sa tingin ninyo makakaapekto ito sa ating economic recovery?

ECOP PRES. ORTIZ-RUIZ: Well, masyado siguro tayo na-concentrate doon sa lockdown eh, hindi natin masyadong natingnan iyong epekto nito roon sa mga business at saka sa mga ibang ano na… so tapos iyong iba halos hindi na makaka-recover sa tagal ano. Iyong sana ang dapat nating bilisan pa, iyong pag-o-open ng economy na calculated na hindi naman siguro dapat na panay lockdown ng lockdown ang titingnan natin marami namang iba eh.

Tapos sabi ko nga, iyong facilities natin siguro sa isolation at saka iyong facilities na pupuntahan noong mga nati-testing na mga positive, eh sana handang-handa at available doon sa mga lugar na hindi natatakot pumunta iyong mga nagpa-positive. Sa ngayon marami pa ang nagtatago, ayaw pang magpakita eh.

So, sana iyon ang pag-igihin natin, kapag iyon eh maraming magagandang facilities natin. There as a time nga sumulat nga kami sa IATF at sinadyest [suggested] pa nga namin, bakit ba hindi natin baligtarin, bakit ba kailangang magkagasta pa tayo sa contact tracing, eh ang dami namang nati-testing at marami naman eh, kapag na-testing wala namang pupuntahan. Bakit hindi natin baligtarin iyon o pagandahin natin, maging encouraging iyong treatment doon sa mga quarantine center at maayos at plus the fact na, we even recommended, bakit ba hindi natin i-suspend ng at least for this purpose iyong Privacy Act. Para noon, hindi na tayo nagti-trace ng nagti-trace. Kapag inano mo sa community sino iyong mga positive doon inilabas mo, eh lalabas talaga iyong mga nakasalamuha noon at hindi mo na kailangang hanapin.

USEC. IGNACIO:  Opo. Umapela po ang PCCI sa mall at stall owners at sa commercial building owners na suportahan po ang mga tenants sa gitna po ng pandemya. Gaano po kahalaga sa mga tenants ang consideration na ibigay ng mga commercial building landlords para po maibsan ang bigat ng operational cost ng mga negosyo po sa gitna ng pandemic?

ECOP PRES. ORTIZ-RUIZ: Alam naman natin na wala pang … napakalayo pa sa 100% iyong mga costumers, kung magbubukas ka ng stall eh wala naman halos pumapasok pa.  So, talagang kung hindi naman natin i–encourage ang mga iyan, hindi tayo magiging normal. Eh hindi naman kaya, mahirap kumita kapag ganoon lang kadami ang kliyente, limited pa iyong hours at saka mayroon pang ibang issues.

So, dapat talaga matulungan iyong ano, alam namin naghihirap din ang mga mall owners, pero dapat iyan pagtulung-tulungan siguro, dahil kung hindi naman nila e-encourage magbukas hindi rin pupunta roon sa mall iyong mga tao at pare-pareho silang masasaktan. So, importante siguro talagang magtulungan.

USEC. IGNACIO: Opo. Kunin ko na lamang po ang inyong mensahe sa ating mga manunood ngayon, sir?

ECOP PRES. ORTIZ-RUIZ: Well, sana we keep on iyong mga protocols at request ko naman sa IATF tingnan nila iyong mga iba-ibang industries na pupuwedeng makapasok na iyong mga tao na baka naman over regulated.

Kagaya halimbawa sa transportation, hindi namin maintindihan hanggang ngayon, bakit tingi-tingi iyong pagbubukas ano. Bakit hindi na lang patakbuhin lahat iyong mga transportasyon noong bago mag-umpisa ito at susugan dahil the spacing kulang pa rin iyon.

Ba’t hindi na lang iyon mga ano eh, at saka na lang i-solve iyong mga modernization na iyon o whatever, mga eksperemento.

Plus, mayroong mga industries like for instance iyong mga sports, iyong golf, may sulat na nga kami, bakit po masyadong niri-regulate iyong golf, eh mga 30,000 employees hindi nakakapasok dahil sa paghihigpit eh wala naman masyadong cases of danger diyan, napaka-safe sa mga sports na iyan na napakalaki ng espasyo para hihigpitan pa ninyo at maiingat naman iyong mga nandiyan lalo na iyong mga golf operators at clubs. Eh bakit sila mismo mahigpit pa nga roon sa IATF kung minsan eh.

Pero maraming empleyado ang hindi nakakapasok eh dapat sana kung titingnan mo iyong mga iyan, isa-isa iyong mga industries na iyan makakahanap ka ng libu-libo na puwede na sanang nagtatrabaho at kumikita ngayon.

USEC. IGNACIO:   Maraming salamat po sa inyong panahon, ECOP President Sergio Ortiz-Ruiz Jr. Stay safe po, sir.

ECOP PRES. ORTIZ-RUIZ: Maraming salamat sa pagkakataon, Usec.

SEC. ANDANAR:    Sa puntong ito, dumako naman tayo sa pinakahuling ulat mula sa iba’t-ibang lalawigan sa bansa. Makakasama natin si Czarinah Lusuegro mula sa Philippine Broadcasting Service.

[NEWS REPORT BY LYZL PILAPIL/RP-PALAWAN]

[NEWS REPORT BY GEMMA NARIT/RP-LEYTE]

SEC. ANDANAR:    Maraming salamat Czarinah Lusuegro.

Samantala, upang alamin ang ilan sa kaniyang mga programa sa gitna ng laban natin sa COVID-19, makakausap po natin sa puntong ito si Senator Imee Marcos. Magandang umaga po sa inyo, Senator Marcos. Good morning po, Senator Marcos.

SENATOR MARCOS:   Yes, Magandang umaga! Nandito na naman kami sa budget hearing. Walang katapusan!

SEC. ANDANAR:    Oo nga po. Ma’am, umapela po kayo sa Department of Agriculture na magkaroon ng drying machines at storage facilities na makakatulong para sa mga kababayan nating magsasaka. Gaano po kahalaga ito sa kanila lalo na ngayong panahon ng La Niña?

SENATOR MARCOS:   Well, ang laking problema kasi ng palay natin. As you know, iyong wet rice natin bumabagsak sa eight pesos hanggang twelve. Pagkatapos iyong dry – wala ngang magpa-dryer – talagang kulang na kulang iyong lugar. Itinatago na roon sa mga kubo-kubo dahil putok iyong mga bodega ng imported rice, samantalang iyong drying facilities kulang na kulang.

Ngayon, sabi ng NFA, iyong usual na may buriki, isasaksak mo roon sa sako sasabihin nila na lampas 14% ang moisture content, ayaw nilang bilhin kaya pagkahirap-hirap ng sitwasyon.

SEC. ANDANAR:    Sa gitna po ng pandemya, Senator, sunud-sunod na po ang pag-ulan sa bansa. Kumusta po ang sitwasyon ng mga magsasaka particular na po ang ating mga rice farmers? Ano po ba ang naging epekto nito sa kanilang pag-aani at kita, base na rin po sa inyong obserbasyon lalung-lalo na po doon sa Ilocos Region?

SENATOR MARCOS:   Well, sa Ilocos Region nagtataka kami kasi sabi El Niño pero hindi naman makatotohanang El Niño, tunay na climate change na ito. Kulang pa rin ang aming ulan at nag-aani na nga pero parang pumasok iyong La Niña nang maaga. Hindi nga namin maintindihan, may nagsasabi pa nga magka-cloud seeding.

So, there are so many problems talaga in agriculture. Kaya’t ang iniisip namin ngayon iyong collections ng Bureau of Customs in excess of ten billion, ipamigay na sa ating mga rice farmers in terms of support. Mag-crop diversification, magtanim na sila ng gulay, magtanim na ng corn, magtanim na ng kung ano-ano pa para maka-recoup naman sa lugi ng palay. So, that’s what we are working on now in the Senate and we are trying to carve out sums.

Ganoon din ang problema sa isda kasi hindi ba dati-rati pang-mahirap iyong galunggong aba’y ngayon imported na siya. Mayroon pang nagsasabi na frozen daw at may formaldehyde na nakakasama sa katawan. Eh, bakit tayo nag-i-import eh puro isla ang Pilipinas, pinaligiran tayo ng dagat, mayroon tayong mga ilog, ang dami-daming mga tubig sa ating bansa eh bakit ba tayo nagkaganito? So, we’re working on the fishery sector as well because it’s a disgrace that we actually have to import fish for our people.

SEC. ANDANAR:    Sa ganang Senate Committee on economic affairs po, Senator, ano ba iyong mga hakbang na ginagawa po ninyo para matugunan itong mga hinaing ng ating mga kababayan? Para sa inyo po ba, ano po ba iyong dapat na pagtuunan ng pansin ng pamahalaan para masiguro po ang kita ng mga magsasaka sa bansa?

SENATOR MARCOS:   Hindi lang ang ating magsasaka kasi hindi lang iyong ating rural sector, dahil iyong COVID tumama talaga sa siyudad. Ang dami-dami talaga sa marginal or arawan o hindi kaya iyong mga namamasada, iyong mga hindi kabilang, iyong mga janitor, iyong mga barber. Lahat iyan hindi kabilang sa ekonomiya eh wala nang kinikita dahil sa sunud-sunod na lockdown.

So, ang pinagkakaabalahan namin sa economic affairs ay iyong job retention. How are we going to retain jobs? That’s been the real issue and the challenge and we keep asking the DOLE, which is why during the DOLE hearings, we’ve tried to add more. More opportunities for jobs, more cash for work, more TUPAD, more of all these opportunities to earn a living.

I think this is very, very important that we have a coherent and comprehensive national jobs policy. Aabot na yata ng ten million ang naging jobless. Tapos ito pa ang problema: Nawala raw ang Noche Buena, papaano naman iyan? Hindi naman natin puwedeng i-postpone ang Pasko dahil walang 13th month pay. So, we are extending wage subsidies as well as cheap loans for our small and medium scale na hindi na talaga kaya ang 13th month pay.

It’s a real challenge. I am hoping that we can push the TROPA. I have a bill that says that government will directly hire. Exactly as President Roosevelt during the Great Depression in the 1930s established work brigades that set-up the big Hoover Dam and other infrastructure in the US, all the way to media and the writers such as Saul Bellow and Richard Wright who were hired to write their tourism brochures.

So, I’m hopeful that we can embark on this. All the different agencies of government have some form of cash for work and it’s important that we help the micro and small industries retain labor.

SEC. ANDANAR:    Senator, gaano po ba kahalaga ang isinusulong ninyong pagkakaroon ng schedule para sa rice importation ng bansa? Paano ba ito makakatulong sa ating mga magsasaka?

SENATOR MARCOS:   Ito nga iyong problema ngayon. Alam ninyo, hindi ba na-COVID? So, iyong mga imported rice eh talagang hindi pumasok sa bansa hanggang recently. Ito nga June, July, August, eh ngayon, putok ang mga bodega, punung-puno ng imported rice samantalang nag-aani iyong ating lokal. So, hindi maibenta iyong local, papaano punung-puno iyong mga bodega, excess ang kanilang import.

Hindi ko maintindihan, kung tutuusin we actually grow 93% of our rice requirement. Ibig sabihin, dapat iyong import 7% lang. Bakit milyun-milyon, ilang daang tonelada ang pinapasok? Nakapagtataka! Isa pa, karagdagan niyan smuggled pa or hindi kaya undervalued. Ginagamit iyong maliliit na COOP at sila ang mag-a-apply doon sa importation para sa trader, pero actually iyong trader ang kikita. Kapag nagkahulihan at nabulilyaso sa Customs, ang ikukulong iyong farming coop na kakarampot lang naman ang kinita doon sa scam. Pambihirang buhay ito!

SEC. ANDANAR:    Ikinatuwa ninyo po ang extension ng moratorium sa pagbabayad ng electric bills hanggang Disyembre. Pero para po sa inyo, ano po ba ang nakikita ninyong long term solution na makakatulong para sa ating mga kababayan pagdating sa usaping bayaran ng kuryente?

SENATOR MARCOS:   Ito nga nakapahirap nito kasi supply chain iyan ano. Alam naman natin kapag hindi nagbayad iyong consumer eh talagang puputulan ng utility or ng coop. kapag hindi nagbayad iyong coop at iyong utility kasi hindi kinaya ng consumer, hindi naman magbibigay ng kuryente iyong mga power producer. Tuluy-tuloy iyan ano, isang cycle iyan, isang value chain.

Kaya’t ang tingin ko hindi lamang iyong ERC – although nagpapasalamat tayo kay ERC at madam Agnes Devanadera kasi very active siya – kailangan mag-usap-usap na talaga iyong buong power sector all the way down the line, mag-usap sila kung anong gagawin kasi alam naman natin na maraming hindi kakayanin magbayad. Higit sa lahat ngayon, kasagsagan ng pag-aaral ng mga bata, lahat dependent sa power. Sa computer, pag-aaral, iyong mga e-business, iyong nagbibenta online na mga nanay, iyong ating mga graduate naghahanap ng trabaho the class 2020 wala pang trabaho kaya e-business muna sila.

Lahat iyan kuryente ang kailangan eh now that more even kailangan ng kuryente at saka pa puputulan. So, I understand na ie-extend daw hanggang December although some utilities have already said on their own, they will try to extend pero hanggang kailan kakayanin. Maikli na rin ang pisi ng iba eh kaya’t importante magtipun-tipon na, pag-usapan natin kung puwede nating bawasan iyong sa household, marginal household, iyong lifeline at saka iyong sa commercial.

SEC. ANDANAR: Senator, hindi po kayo sang-ayon sa ilang probisyon sa ilalim ng Senate Bill No. 1357 or the Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises Act partikular na po ang so-called rationalization of tax incentives. Sino po ba ang mga maaapektuhan nito at bakit po sa tingin ninyo ay kailangan magkaroon pa ng review tungkol dito?

SEN. MARCOS: Iyan dapat iyong sagot ko kanina tungkol sa econ affairs pero nakaka-bad mood na talaga. Grabe itong CREATE, ako’y hirap na hirap diyan dahil dumadaing lahat ng ating exporters. Alam naman ninyo iyong ating exporters sa Laguna, sa Cavite, sa lahat ng—sa Bataan Freeport, sa MEPZ sa Cebu – lahat iyan talagang dumadaing pati iyong mga BPO, iyong call centers natin dahil sabi nila, “Ano ba kayo,” ang Pilipinas daw ay Indian-giver. Ito “Iyong binigay ninyo sa amin noong umpisa para kami ay maakit na mag-invest dito at magpatayo ng factories, pagkatapos midway, ngayon pa na hirap na hirap lahat sa pandemya, tatanggalin ninyo sa amin.

Eh kinakabahan ako kasi milyun-milyon, hundreds of thousands ang employed diyan ano – sa garment sector, electronic sector, call center… napakarami niyan and many of them have been with us for decades and we are really afraid that these layoffs na nag-umpisa na noong May, nag-start na iyong layoff sa garment industry, mabigat-bigat na siya. Iyong electronics nakakatiis pa pero palagay ko tagilid na iyan.

Ako’y natatakot na tuluy-tuloy ang pagkawala ng trabaho at higit sa lahat wala namang kapalit, wala namang kapalit na katumbas iyong suweldo.

So hindi maganda itong nangyayari dahil akala natin makakadali tayo from China ng ilang factories eh nagsipuntahan na sa Vietnam at sa Thailand. Wala namang pumunta rito pagkatapos tatanggalin pa natin iyong incentives, lalo nang hindi sila pupunta rito. Ito iyong kinatatakutan natin dahil sinasabi nasa 10 million na iyong jobless, dadagdagan pa natin ng mga nasa garments, nasa electronics, iyong ilang call center. Aba’y nakakatakot talaga ito.

USEC. IGNACIO: Opo. Good morning po, Senator Imee Marcos. Permiso po, may tatlo pong tanong mula sa ating kasamahan sa media at bibigyan-daan lang po natin. Tanong po mula kay Jam Punzalan ng ABS-CBN, ito po ang tanong niya: DevCom practitioners recently slammed your comment about their field being cute and archaic. Do you stand by your remark or would you like to apologize or make a clarification?

SEN. MARCOS: Hala, papaumanhin lang ako. Hindi dahil ang init-init na ng ulo namin noon. Eh medyo talagang ayaw namin na iyong ibang mga pangyayari—ito nga, ang nangyari diyan kasi, ang gustung-gusto naming marinig eh magkaroon ang PIA, ang PTV-4 kung paano natin gagamitin ang TV and radio para sa ating mga mag-aaral. We know that the DepEd is hard put to produce for television, broadcast is not one of their skill sets and we were hopeful that the PTV and other groups would be able to come in, help us with these issues.

USEC. IGNACIO: Opo. Mula naman po kay Evelyn Quiroz ng Pilipino Mirror: Last month po you cited a Bureau of Customs report that 29.5 tons of cellphones, storage devices and electrical items that lack clearances from the Bureau of Products Standards, National Telecommunications Commissions and the Optical Media Board were confiscated in August. These gadgets would greatly help disadvantaged children in their remote schooling and to this end you asked the Bureau of Customs to donate the confiscated electronic gadgets to Filipino students to help them adjust to the blended forms of learning amid the COVID-19 pandemic. Ang question po niya: Did the BOC act favorably upon your request?

SEN. MARCOS: Yes, thank you very much. General Jagger (Gen. Rey Guerrero) acted upon it right away. And I think they’re still in the process of turning over. Iyong OMB rin, binigay na iyong mga gamit nila. At nakakatuwa naman, iyong ibang call center narinig iyong ating hiling, sila ay nagbigay din ng 1,000 desktops sa ating mga teachers. So kahit papaano may Bayanihan spirit naman sa Pilipinas. At ngayon ay nananawagan na naman ako kasi ang balita ko, iyong gamot para sa COVID na galing sa China na herbal supplement ay mayroon naman daw, nandiyan nakatambak sa NAIA, sa Custom, pati sa NBI. Aba’y kung smuggled ba iyan o kung ano, hindi puwedeng i-auction. Ano bang ibigay na lang sa mga ospital at sa ating mga indigent patient na talagang okay sa kanila iyon, baka makatulong pa. Sayang eh, parang nakakapanghinayang na magsayang ng gamot at this point in time.

USEC. IGNACIO: Opo. Senator, question naman po mula kay Joseph Morong ng GMA-7. Ito po ang tanong niya: The government is on the hunt for money to buy COVID vaccines now. There is pending auction of the Marcos jewelries in the future. Do you think the proceeds from that sale should be spent to purchase COVID-19 vaccines?

SEN. MARCOS: Well, kung ano ang mahahanap natin ay kailangan talagang ibigay sa COVID vaccine. Maraming salamat. Thank you very much. Talagang itong vaccine na ito, we’re looking forward to the China vaccine because I think they are way ahead; at ganoon din iyong Russian. Kaya lang sabi nga ng FDA, kailangang i-testing iyan. And of course, iyong mga kaibigan natin sa Amerika na handang-handa naman tumulong as soon as they get a tested vaccine.

SEC. ANDANAR: Ano po ang inyong mensahe Senator Imee Marcos para sa ating mga kababayan?

SEN. MARCOS: Well, tuwang-tuwa naman ako na makipiling kayong lahat. Alam ko pinakikinggan at nakatutok ang maraming kababayan natin dito. Asahan ninyo, overtime kami talaga sa Senado. Ito nga, nakakapagod din eh kasi 12 hours na, 14 hours kung minsan iyong Zoom namin. Kaya lang, kailangang gawin dahil sabi nga, kapag maikli ang kumot, matutong bumaluktot. Eh talagang maikli ang kumot ng budget natin at napakaraming kinakailangan para sa COVID. Asahan ninyo, hindi lang kami bumabaluktot; tumbling na talaga para pagkasyahin at tulungan ang taumbayan. Asahan po ninyo na narito kami at hahanapan natin ng trabaho, ayuda at tulong ang mga magsasaka, ang mahihirap at iyong mga natanggal sa trabaho.

Maraming salamat. Thank you. At sabi nga, happy weekend. Thank God it’s Friday, po.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat po sa inyong panahon, Senator Imee Marcos. Mabuhay po kayo.

USEC. IGNACIO: Samantala, upang maghatid sa atin ng mahalagang announcement, makakausap po natin si Presidential Spokesperson Harry Roque. Good morning, Secretary Roque.

SEC. ROQUE: Good morning. [Garbled] balita po natin [garbled] Presidente Rodrigo Duterte ang [garbled]

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary Roque, babalikan po namin kayo. Aayusin lamang po natin ang linya ng komunikasyon sa inyong side.

Okay? Dumako po muna tayo sa update kaugnay sa COVID-19 cases sa buong bansa. Base po sa tala ng Department of Health, as of October 15, 2020, naitala ang 2,261 newly reported COVID-19 cases. Ang total number of confirmed cases ngayon ay 348,698. Naitala rin kahapon ang 50 na katao na nasawi kaya umabot na sa 6,497 cases ang kabuuang bilang ng COVID-19 deaths sa ating bansa. Ngunit patuloy rin naman ang pagdami ng mga nakaka-recover na umakyat na sa 294,161 with 385 new recoveries recorded as of yesterday. Ang kabuuang total ng ating active cases ay 48,040.

SEC. ANDANAR: Para po sa inyong katanungan at concerns tungkol sa COVID-19, maaari ninyo pong i-dial ang 02-894-COVID o kaya ay o2-894-26843. Para po naman sa mga PLDT, Smart, Sun at TNT subscribers, i-dial po ang 1555. Patuloy rin po kayong makibalita sa mga pinagkakatiwalaang sources ng impormasyon tungkol sa COVID-19, maaari ninyo pong bisitahin ang covid19.gov.ph.

USEC. IGNACIO: Okay. Salamat, Secretary Martin. Balikan na po natin si Presidential Spokesperson Harry Roque. Good morning po, Secretary.

SEC. ROQUE: Magandang umaga, Sec. Martin. Good morning, Usec. Rocky.

Unang balita po natin, inaprubahan na po ng Pangulo ang rekomendasyon ng Department of Energy na payagan muli ang mga petroleum activities at papayagan muli ang paghahanap ng natural gas at langis diyan po sa West Philippine Sea. Ito po ay inanunsiyo na kahapon din po ni Secretary Cusi kung saan pinasalamatan din po ni Secretary Cusi ang Presidente sa kaniyang approval.

Inaasahan na magtutuloy ngayon ang paghahanap ng langis at natural gas diyan sa West Philippine Sea. Mayroon po tayong isang service contractor ngayon, at inaasahan po natin na itong service contractor na ito, Forum Limited at saka PXP Energy Corporation ay magtutuloy ng kanilang mga gawain at aktibidades diyan po sa West Philippine Sea.

Ang sabi naman po ni Secretary Cusi, ito pong paghahanap muli ng mga tanging-yaman sa West Philippine Sea ay posible dahil mayroon nga po tayong napakalapit na pagkakaibigan sa China. At ang sabi nga po ni Secretary, “The oasis of peace of the Philippine Department of Foreign Affairs and the Chinese Ministry of Foreign Affairs’ envision, must also be an oasis of prosperity. For this to happen, the Philippines must restart its economy using the engine of energy resilience and security.”

Kahapon po ay nagpulong po ang inyong IATF, at naaprubahan po ang mga sumusunod: Unang-una, kinumpirma po ng IATF, alinsunod na rin sa approval po ng Cabinet, na pupuwede na pong lumabas ang menor de edad mula kinse at ang mga seniors na hanggang 65. So pupuwede na pong lumabas ang mga minors from 15 to 65 years of age, pero ang nga local government units po ay pupuwedeng magtakda nang mas mataas o mas matandang edad para po sa mga menor edad. So that is without prejudice po to the LGUs to increase the age of minors who may go out.

Bukod po dito, nagkaroon po ng paglilinaw sa depenisyon ng interzonal movement at intrazonal movement. And interzonal movement po ay iyong pagbiyahe mula sa isang lugar na magkakaiba po ang quarantine classification kagaya ng GCQ to MGCQ; at ang intrazonal naman po ay para po doon sa mga kaparehong mga quarantine classification, GCQ to GCQ. Pinayagan na po ng ating IATF ang interzonal travel maski po iyong mga non-APOR between GCQ and MGCQ areas; at pinapayagan rin po ang travel between MGCQ papunta po doon sa madideklarang mga new normal.

Now, bukod pa po dito, inaprubahan din po ng ating IATF ang mas malawakan pang pagbubukas ng ekonomiya at pinahintulutan po ang DTI na i-adjust ang onsite operational capacities ng lahat ng pinapayagang business establishments and/or activities sa ilalim ng GCQ or lower.

Sa usapin ng curfew po, nagsabi ang IATF sa mga LGUs na huwag isama ang mga manggagawa, ang mga authorized person outside of residence, at necessary establishments sa aplikasyon ng curfew ordinances.

Ang mga establishments at mga malls may hold activities para magkaroon ng economic of business activity, ito po iyong mga sales. Pero subject po ito sa DTI guidelines in the operation of malls and shopping malls.

Binigyan ng awtoridad and Department of Tourism po to determine the operational capacity ng mga hotel at accommodation establishment pati na rin ang ancillary establishment within their premises.

Now, kung dati po lahat ng mga turista ng Boracay ay kinakailangan magpa-RT PCR test 48 hours prior to arrival, ngayon po ay ginawang 72 hours prior to their date of travel. So pinahabaan po iyong period kung kailan pupuwedeng magpakuha ng PCR test bago bumiyahe patungo po ng Boracay.

Na-lift na rin po ang restriction ng non-essential outbound travel of Filipinos effective October 21, 2020. Pinayagan nang lumabas ng bansa subject to the submission of, unang-una po, confirmed roundtrip tickets at adequate travel and health insurance for those traveling in tourist visa and execution po ng Immigration declaration na nagsasabi na alam po nila iyong risk kapag sila po ay nag-travel; at kinakailangan po magkaroon ng negative antigen results 24 hours bago po lumipad, subject po sa mga guidelines na iisyu ng Department of Health. At sa mga outbound Filipino travelers, kailangan nilang sumunod sa guidelines ng NTF pagbalik po nila dito sa Pilipinas.

So ito po ay applicable sa lahat ng Pilipino. Puwede na pong magbiyahe muli maski non-essential, kasama na rin po ito iyong mga Love is Not Tourism – iyong mga Pilipino na mayroong mga fiancé at mga iniibig sa ibang bansa, pupuwede ninyo na po silang dalawin doon sa ibang bansa.

Now, pinapayagan na rin po subject to conditions ang beach volleyball tournament ng Philippine Super Liga sa ilalim ng sports bubble concept. Ibig sabihin po, mananatili sila doon sa lugar kung saan sila po ay magkakaroon ng kanilang volleyball tournament. At pinapayagan na rin po ang operasyon ng off-track horse race betting stations sa mga lugar sa ilalim ng GCQ or mas mababa pang klasipikasyon; at ang operasyon po ng licensed cockpit, ng mga sabong sa mga lugar na nasa ilalim po ng MGCQ. Pero ang sabi po ng IATF, bawal iyong broadcast at online na sabong at kinakailangan po, mayroon pagpayag ng lokal na pamahalaan na siya rin pong magsu-supervise nitong mga sabong na ito. Hindi po pupuwede na may audience; kinakailangan iyong mga manok at iyong kanilang mga naghahawak lamang ang naruroon – bawal po rin ang audience.

Okay. So iyan po ang ating mga balita. Napakadami na itong ating ginawang balita. Kung may oras pa po, siguro po, we can answer some questions.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, pahabol lang po na tanong ni Joseph Morong. Ano daw po iyong naging reason ng IATF doon sa pag-apruba doon sa age group po na nabanggit ninyo kanina?

SEC. ROQUE: Well, ito naman po ay sang-ayon na rin sa mga technical studies na ginawa na rin po iyan ng TWG bago pa po ma-submit po iyan ‘no sa Gabinete for approval. Sorry po, nasisinok ako ‘no. So mayroon naman pong mga pag-aaral na ginawa po diyan.

USEC. IGNACIO: Opo. Iyong tanong po niya, iyong reason why extend daw po iyong age; and iyong inbound non-essential travel, hindi pa rin ba daw po?

SEC. ROQUE: Hindi pa po. Pilipino pa lang po ang mga ina-accommodate natin, mga kamag-anak ng mga Pilipino, at iyon pong specifically na pinayagan ng Commission on Immigration and Deportation upon endorsement of the relevant government agencies.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po, Presidential Spokesperson Harry Roque.

SEC. ROQUE: Maraming salamat po. Magandang hapon po sa inyong lahat.

USEC. IGNACIO: Samantala, mula po sa PTV Davao, may ulat po ang aming kasamang si Regine Lanuza. Regine?

[NEWS REPORTING]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa’yo, Regine Lanuza ng PTV Davao.

SEC. ANDANAR: Puntahan naman natin si Danielle Grace de Guzman mula sa PTV Cordillera.

[NEWS REPORTING]

SEC. ANDANAR: Maraming salamat sa’yo, Danielle Grace de Guzman.

USEC. IGNACIO: Para naman alamin ang sitwasyon ngayon sa Cebu City, nandito si John Aroa. John?

[NEWS REPORTING]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyong report, John Aroa.

SEC. ANDANAR: At iyan ang aming balitang nakalap ngayong araw. Maraming salamat sa mga naglaan ng kani-kanilang oras sa pagbibigay-linaw sa mga impormasyon na mahalagang malaman ng ating mga kababayan.

USEC. IGNACIO: Ang Public Briefing ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng Presidential Communications Operations Office sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.

SEC. ANDANAR: Asahan po ninyo ang aming patuloy na pagbibigay-impormasyon kaugnay sa mga updates sa ating paglaban sa COVID-19 pandemic. Maraming salamat sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19.

USEC. IGNACIO: Samantala, Secretary Andanar, 70 days na lang po Pasko na. Bagama’t patuloy pa rin ang pagharap natin sa krisis dulot ng COVID-19, lagi pa rin nating tandaan ang pagmamahalan at pagtutulungan sa kapuwa ay ang tunay na diwa ng Pasko. Marami pong salamat muli. Ako po si Usec. Rocky Ignacio.

SEC. ANDANAR: Mula rin po sa PCOO, ako po si Secretary Martin Andanar. Magkita-kita po tayo bukas dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

 

###

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)