SEC. ANDANAR: Magandang umaga, Pilipinas. Mga hakbang para labanan ang COVID-19 at unti-unting pagbangon ng ating bansa, iyan po ang muli nating pag-uusapan ngayong Biyernes ng umaga. Good morning, Rocky.
USEC. IGNACIO: Good morning, Secretary Martin. Kasama pa rin po siyempre ang iba’t ibang mga kawani ng pamahalaan na handa na para sa isang makabuluhang talakayan. Ako po si Usec. Rocky Ignacio.
SEC. ANDANAR: At ako po si Secretary Martin Andanar. Ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.
USEC. IGNACIO: Bago po tayo, Secretary Andanar, magsimula sa ating talakayan, pakinggan po muna natin ang mahalagang anunsiyo ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque. Panoorin po natin ito.
SEC. ROQUE: Magandang araw po. Galing sa Alona Beach, Panglao, Bohol. Ito po ang balitang IATF. Nagpulong po ang inyong balitang IATF kahapon kung saan inaprubahan ang mga sumusunod:
– Unang-una po, bilang preparasyon sa pagdating po ng bakuna laban sa COVID-19, bumuo na po ng COVID-19 Immunization Program Management Organizational Structure. Ito po’y pamumunuan ng Department of Health at kabahagi rin po ng kinatawan nito ang iba’t ibang ahensiya ng gobyerno. Ito pong COVID-19 Immunization Program Management Organizational Structure ay mapapasailalim ng National Task Force on COVID-19. Inatasan po na magpulong sa lalong mabilis na panahon itong bagong kinatawan.
– Inaprubahan din po kahapon ang face-to-face Medical Clinical Program ng University of the Philippines, College of Medicine. Ito po ay magaganap sa UP-PGH Hospital at ito po ay magiging exception sa ilang mga omnibus guidelines ng COVID-19 na binuo ng IATF.
– Nasapinal na rin po ang ating mga quarantine classifications matapos po ang takdang panahon na ibinigay sa mga lokal na pamahalaan upang mag-apela. Nasa ilalim po ngayon sa GCQ ang Metro Manila, ang Batangas, ang Iloilo City, ang Bacolod City, ang Tacloban City, ang Iligan City at Lanao del Sur. Ang iba’t ibang lugar pa po ng Pilipinas na hindi nabanggit ay mapapasailalim sa MGCQ. Ibig sabihin po nito, wala pong nagbago doon sa naanunsiyo na quarantine guidelines ng ating Presidente.
Maraming salamat po and happy weekend to all of you.
SEC. ANDANAR: Maraming salamat, Secretary Harry Roque. Samantala, upang sumagot sa mga tanong ng bayan, maya-maya lang po makakasama natin sa programa sina Usec. Joji Aragon ng Department of Labor and Employment; Subic Bay Metropolitan Authority Chairperson and Administrator, Attorney Wilma Eisma; at Asec. Noel Reyes ng Department of Agriculture.
USEC. IGNACIO: Makakasama rin natin sa paghahatid ng ulat ang mga PTV correspondents mula sa iba’t ibang probinsya at ang Philippine Broadcasting Service. Samantala, para naman sa inyong mga katanungan, maaari kayong mag-comment sa livestreaming ng ating programa sa PTV Facebook page.
Mga balita naman ngayong umaga, ipinag-utos na rin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang imbestigasyon ukol sa kasambahay na minaltrato umano ni Philippine Ambassador to Brazil Marichu Mauro.
Nais namang palakasin ni Senator Bong Go ang Anti-Money Laundering Act sa pamamagitan ng Senate Bill 1412 at House Bill 6174 at ang pagtulong sa mga apektado ng pandemya. Nagpapatuloy ang mga detalye, narito po. [NEWS CLIP]
SEC. ANDANAR: Updates po naman at karagdagang impormasyon ukol sa COVID-19 response ng Department of Labor and Employment ang ating pag-uusapan. Makakasama po natin si Usec. Joji Aragon ng DOLE. Magandang umaga po sa inyo, ma’am.
DOLE USEC. ARAGON: Secretary Martin, magandang umaga po sa inyo at kay Usec. Rocky. Magandang umaga po sa inyong dalawa.
DOLE USEC. ARAGON: Mayroon pong nakalaang 13 billion pesos ma’am na budget mula sa Bayanihan to Recover as One Act. So mayroon po tayong nakalaan na ganoong kalaking pera para sa pagpapatupad ng cash assistance sa mga displaced workers dulot ng pandemya at inanunsiyo po ninyo na mag-uumpisa na ang pamamahagi ng cash assistance ngayong first week of November. Ano po ang mga paghahanda na ginagawa ng inyong departamento, Usec.?
DOLE USEC. ARAGON: Opo. Tuwang-tuwa po ang ating [garbled] sa buong Pilipinas dahil tama po kayo, mayroon na po tayong around 13 billion… labintatlong bilyon na puwede na nating ipamahagi. In fact, by now, right after the release of the DBM ay nandoon na po sa ating mga regional offices, labing anim na rehiyon ang labintatlong bilyon at ito po ay ang mga sumusunod na ating programa:
Una po iyong CAMP, iyong COVID Adjustment Measures Program na ito po ay isang one-time assistance para sa ating mga empleyado sa pormal na sektor. Ito ho iyong mga na-displace o naapektuhan whether ito ay flexible work arrangement or temporarily closed ang kanilang mga establisyimento o kaya naman ho ay permanently closed ang kanilang mga maliliit na kumpanya. Sila ho ay makakatanggap out of the 13 billion ng limang bilyong piso at ito ho ay mabibenepisyuhan ang 993,432 workers.
Doon naman po sa tinatawag nating TUPAD or emergency employment, lahat sila ay mababayaran ng regional minimum wage, siguro po labinlimang araw, iyan po ang—sabi ni Secretary Silvestre Bello, “Huwag naman sampung araw, gawin nating labinlimang araw,” ay mabibigyan sila ng anim na bilyong piso out of the 13 billion at ang mabibenepisyuhan naman po ay around 863,867 workers. Ito naman ho, itong tinatawag na TUPAD ay mga informal na sektor ng ating mga kababayan at kapatid. Meaning, ito ho iyong mga naapektuhan sa mga karinderya, iyong mga nagpu-push ng mga kariton, nagtitinda ng taho at lahat ho ng ating mga kababayan nationwide.
Ang pangatlo po ay iyong AKAP o iyong Abot-Kamay ang Tulong. Nabigyan ho sila ng dalawang bilyon at ang mabibenepisyuhan ho nito ay iyong 200,000 affected OFWs na na-repatriate po dahil dito sa pandemya, sa global pandemic na ating kinakaharap – iyong mga balik manggagawa. O kahit na rin po iyong mga OFWs natin na nasa abroad at hindi naman ho makaalis dahil sila ho ay pinaplano na ang pag-uwi nila, makakatanggap din ho nito. So nagbibigay ho kami ng notisiya na by, siguro, this week or early part of next week ay rolling na po ito, meaning, tuluy-tuloy na.
By the way, Sec. Martin and Usec. Rocky, mayroon pa ho pala tayong additional one billion pesos, at ito ho ay tinatrabaho natin with the CHED dahil mabibigyan ho ang ating mga dependents na college students ng around 30,000 pesos, one-time scholarship grant. Ito po iyong mga dependents ng ating mga OFWs. So more or less, mga 30,000 college students po ang mabibenepisyuhan nito.
At mayroon pang isa, ito ho iyong sa tourism industry na medyo siyempre naapektuhan ho global, effect ho nito ay medyo slump ang ating tourism industry ay nabigyan ho sila sa Bayanihan II ng tatlong bilyon. At ang usapan po namin, Secretary Bello at si Secretary Berna, ay ang kanilang mga trabahador, ang kanilang mga workers na 597,000 workers at tour guides ay mabibigyan po ng sabsidiya o hanapbuhay at training – pinakaimportante po ay training. Ang total ho na benepisyo ho ay 616,000 tourism workers para unti-unti na ho but for sure ay makakabangon ang ating tourism industry. Nakakapag-generate naman ho nang katakut-katakot, in fact, prior to the pandemic, they were able to generate around 5.7 million work in 2019; and downstream ho ito lahat.
So maraming salamat po. I think it is one good news and happy news that we can share with you and your viewers and listeners today, Sec. Martin.
SEC. ANDANAR: Usec., sa distribution po ng financial assistance mula sa Bayanihan II, maaari po bang makatanggap ng financial assistance ang mga nakatanggap na noong Bayanihan I?
DOLE USEC. ARAGON: Sec. Martin, alam ninyo ho under Section II, ng Bayanihan II Law ay nakasaad ho doon na kapag nakatanggap na ho ng Bayanihan I ay hindi na po maaaring makatanggap muli. Pero kung sila naman ay aplikante noong – kasi mayroon din ho tayong unserved, ‘di po ba, ng Bayanihan I. Kung sila ho ay unserved at sila ho ay nag-apply, kaunting proseso na lang po, very short, iyon ang sinasabi ni Secretary Bello, paikliin natin ang proseso – apply sila uli sa Bayanihan II. At for sure, with our regional offices and our hotline, you can be sure that they will be served this time, Sec.
SEC. ANDANAR: Isa po sa mga sektor na lubhang naapektuhan ng pandemya ay ang mga sea-based workers. Kaya naman good news para sa kanila ang pagsusulong ng panukalang batas na Magna Carta for Seafarers. Sakaling maisabatas po ito, Usec., ano po ba ang maaaring asahan ng ating mga seafarers mula po rito?
DOLE USEC. ARAGON: Totoong-totoo ho iyan, mahal na mahal ho natin ang seafarers. Can you imagine, Sec., one out of five deployment natin na OFW, one out of five ay seafarer; pero in terms of remittances, one out of three. Ang ibig pong sabihin, noong 2019, before the pandemic, kung sampung bilyon po ang nai-remit ng ating mga OFWs, three billion ho dito ay seamen.
Ano pong ibig sabihin nito? Natutuwa po kami na i-share sa inyo ngayong umaga na ang ating sea-based deployment ay lumakas muli. In fact, compared to 2019 figures at babasahin ko lang ito, ang deployment natin ng sea-based, in fact, ay tumaas. Can you imagine, by 11.83%. Ang binabasa ko pong ito ay galing sa POEA.
Noon pong 2019, ang record ho natin ay 41,179 seafarers were deployed in September of 2019. Pero ngayon pong September of 2020, tayo po ay nag-deploy ng 46,049 seafarers. Ang ibig sabihin po nito ay sumisiglang muli ang ating pag-deploy hindi lang ho sa cargo, sa oil, to a certain extent, even the cruise line ay sumisiglang muli. So nakakasigurado ho ako, marami ho tayong mga innovations and programa together with the PPA and MARINA. For example, ang paglikha ng Green Lane, na kapag dito kayo sa Green Lane pumasok ay expeditious at facilitated na ang ating proseso. Ito ho ay ginawa ni DOLE Secretary Bello, together with PPA and MARINA and the other inter-agencies; and it has been successful.
Tayo rin ho ay nagbukas ng additional ports ‘no, iyong tinatawag na change crew or crew change, hindi lang po dito sa port area, dito sa Intramuros, kung hindi pati sa Subic ay nagbukas tayo. At right now, ang PPA ay nagpaplano na rin hong magbukas sa iba-ibang bahagi ng Pilipinas para ang pag-disembark at pagpasok ng ating seafarers ay facilitated na. Ganoon po ang mga inisyatibo na nakikita natin relative to the seafarers.
At by the way, Secretary Martin, ito hong Department of OFW, whichever comes first, whether magkaroon ng separate entity solely devoted to seafarers o magkaroon ng DOFW, one of the principal values and strategic intent ng batas na ito or ng entity na ito ay talagang palakasin ang seafarers. Matagal na po itong hinanaing ng ating seafaring industry. At talagang under the Duterte administration – nagpapasalamat po kami, Mr. President, at of course, under the leadership din ni Secretary Bello – ay matutugunan na once and for all ang pagpapalakas ng ating seafaring industry. Kasi ho iyong conditions at work, iyong standards at work ay kailangan hong palakasin hindi lang ho ng mga officers natin, iyong rank and file or tinatawag nating ratings ay kailangan ho nating pangalagaan.
Mayroon ho kaming tinatawag na isang national maritime polytechnic in charge of training, so iyon din ho ay definitely pinapalakas ni Secretary Bello under his watch. Thank you, sir.
SEC. ANDANAR: Bukod po sa Magna Carta of Seafarers, nabanggit din po ni Pangulong Duterte noong nakaraang Martes sa kaniyang public address ang agarang pagsasabatas sa Department of Overseas Filipino Workers. Ano po ang status ng nasabing proposed measure? May pag-asa po bang maisabatas ito ngayong taon?
DOLE USEC. ARAGON: Opo. Kahapon po ay nag-meeting kami, mga ahensiya. At si Secretary Bello kagabi ay nagpadala na naman ng sulat sa Senado na sinasabi niyang sinusuportahan ko ng 100% ang creation ng Department of OFW or OF, kung anuman po ang bersiyon niyan na nasa Senado. Let’s remember, sir, na tapos na ang boksing o tapos na ang final, finally approved sa Lower House. So sa Senado po ay nasa committee level at we can be sure, balita ho namin, baka masertipikahan po ito as urgent nitong 18th Congress. Kami po ay naniniwala na itong Department of OF na ito authored by Senator Bong Go at supported by practically all, ay talagang palalakasin nito, hindi lang ang sea-based kung hindi pati land-based. Titingnan niya ang pangkalahatan ng ating programa ng overseas employment.
Again, we repeat that we have no policy to promote overseas employment as a national policy. But can you imagine, sir, bundling all of the services, programs and policies ng buong government na ngayon po ay medyo watak-watak o medyo hiwa-hiwalay hindi po ba.
So kunwari kayo ay namatayan o nagkasakit abroad, anu-anong mga ahensiya ang pupuntahan ninyo, hindi lang dito ho sa Metro Manila, pupunta pa kayo sa pulis for some kind certification, etc.
But this time under one roof ay makakakita na tayo ng isang department na papangalagaan not only the rights but especially, sir, during pre-employment. Ito po ang pinakamahalaga naming nakikita eh, iyong pre-employment situation natin, both in terms of regulation, in terms of welfare and in terms of really protecting them and giving all the benefits and the information they need para sila ay maging successful Filipino citizens abroad.
So, ako po ay very confident as a [unclear] person na under the watch and leadership of the President, the good President and Secretary Silvestre Bello, matutupad po natin ito. Siguro kaunting tweaking lang and that is the reason why the PLLO I was told is calling for a November 4 meeting, just to ensure ang executive branches ay magkaroon lang po ng isang version na dadalhin natin sa Senate for the last hoorah para naman po this year or early part of next year ay magkaroon na po tayo ng isang departamento.
Ang pinapakiusap nga lang po namin, ang POEA at OWWA are attached and nakikita ko naman po sa version na ito ay they are attached agencies and therefore in terms of iyong kanilang trust fund o iyong fiduciary obligations nila ay mapapangalagaan. Iyong POEA iyong regulatory powers nila and quasi-judicial functions nila ay mapapangalagaan at ang OWWA naman po in charge of the welfare side ay mapapangalagaan.
Mayroon din po kaming mga labor attachés, mga tinatawag na POLO or Philippine Overseas Labor Offices, na in-charge din naman po ng ating mga half way homes, the so-called centers ay mapapangalagaan. Kayang-kaya po natin ito, basta magkausap lang at magtulungan po ang iba’t ibang ahensiya, sir.
SEC. ANDANAR: Ano na lamang po ang inyong mensahe para sa ating mga kababayan, USec?
USEC. ARAGON: Opo. Ito po is a global pandemic, sir. So, lahat po ng ating nae-eksperyensiya in terms of employment at unemployment, underemployment ay nai-experience din po ng iba-ibang kasamahan natin in the region and elsewhere. So kailangan ho lang ang masasabi ko lang po ay iyong competitiveness ng manggagawa ay mapangalagaan by way of continuous training, training and education, nandito naman ho tayo sa computer, e-mail at—tingnan lang po natin.
So, for a welder, kung tayo ay isang welder o isang mekaniko o isang construction worker, lets test in the area or in the field that we chose, if we are an engineer o kung anuman. Let us be the best and we can only to be the best if we train continuously and hone our skills and competencies.
Iyon lang po, sir, siguro by now. So we remain competitive, we stay competitive and very, very soon, tayo po ay babangon, sir, tayo po sabay-sabay tayong babangon in the area of labor and employment.
In behalf of Secretary Silvestre Bello, nagkukumusta po kami sa inyo at kung anumang tulong ang maipaparating ng aming departamento, feel free mayroon po kaming hotline 1349 at mayroon po kaming command center. Medyo marami-rami lang po ang telephone number noon. So, I‘ll get I touch with Sec. Martin for that regard. Thank you, thank you very much, sir.
SEC. ANDANAR: Marami pong salamat USec. Joji Aragon mula sa Department of Labor and Employment.
USEC. IGNACIO: Ngayon naman po pag-uusapan natin ang sitwasyon sa Subic Bay Freeport, nanatiling mahigpit ang pagpapatupad ng health and safety measures doon. Para pag-usapan ang mga ito, makakausap po natin ang Chairperson and Administrator ng Subic Bay Metropolitan Authority si Atty. Wilma Eisma, good morning po.
CHAIRPERSON EISMA: Good morning po, thank you very much po for having me today.
USEC. IGNACIO: Attorney, marami na pong mga tourist destinations ang nagbubukas. Ano na po ba ang status ngayon ng SBMA sa larangan po ng turismo? Dahil marami pa rin daw po iyong nahihirapan na hindi makapasok dito hanggang ngayon.
CHAIRPERSON EISMA: We are open already po. As advised by the IATF we have now allowed visitors from GCQ and MGCQ to come here in Subic Bay Freeport.
We are only now requiring PCR test kung mag-i-stay po kayo ng four days or more.
The only basic requirement that we have now is a health certificate and an itinerary kung mamasyal po kayo at kung mayroon po kayong hotel booking, it is something also that we will require.
Ang gusto ko lang po paalalalahanan katulad na po [garbled] policy dito sa SBMA at sa Subic Bay Freeport, mahigpit po nating pinapatupad hindi lamang ang traffic rules, kung hindi ngayon po ang health and safety protocols. Kailangan po palaging naka-mask, naka-face shield, palagi pong magso-social distancing at ang patuloy pong paghuhugas ng kamay at alam naman po ninyo na napakahigpit po naming magpatupad ng patakaran dito.
Ang hindi po sumusunod kung patuloy na magiging pasaway mapa-fine po sila ng up to 3,000 pesos po.
USEC. IGNACIO: Attorney, anu-ano pong tourism establishments po ang pinayagan ng mag-operate o magtaas ng kanilang capacity and kumusta po ang performance ng economic activity sa Subic Bay ngayon?
CHAIRPERSON EISMA: As required by the IATF, ang hindi na lamang po ina-allow ngayon ay kids theme park, kaya po nakasara po iyong kids theme park natin; ngunit halos lahat po ay bukas na, ang beaches po ay bukas na, ang Ocean Adventure po ay bukas na. In fact, ang ina-allow lamang po ay iyong animal encounters, hindi po allowed iyong mga shows, sapagkat hindi po iyan pinapayagan ng IATF.
Bukas po ang mga tindahan, bukas po ang mga restaurants, ang mga beaches po bukas, puwede na rin pong pumunta sa forest kung gusto nating mag-hiking. We are strictly implementing 50% capacity in all these establishments. So, dapat po siguro tumawag ng maaga para makapag-reserve ng inyong slots para naman po hindi kayo ma-disappoint na kapag dumating po kayo dito hindi kayo ma-accommodate, sapagka’t puno na po ang slots for the day.
USEC. IGNACIO: Opo, Attorney, pino-promote rin po ninyo itong tinatawag na sa safety pledge among employees sa SBMA. Ano po ba ang ibig sabihin nito at paano po ito makakatulong na mapanatiling ligtas ang komunidad na nasasakupan po ng SBMA?
CHAIRPERSON EISMA: Thank you for mentioning that. Napakaimportante po nitong safety pledge and I would like to promote it not just to our employees but to everybody, everybody who visits Subic and everybody who lives here, everybody who is concerned for our country and for each other. I will in fact, even encourage everybody in the country.
Ito pong safety pledge is ang panunumpa na you will take care of each other by wearing a mask, social distancing, the safety protocols that are basics so that COVID will not spread. Kasi po itong safety pledge na ito, ibig sabihin, you are taking it seriously, hindi po ito something na sinasantabi or pinagtatawanan, hindi ko kailangan mag-mask, si superman ako, there is no such thing.
Ginagawa po natin ito at gagawin po natin ito hindi lamang po para sa ating sarili kung hindi para sa ating mga mahal sa buhay at para sa ating kapuwa. Naniniwala po ako that the safety pledge is a very, very important first step for awareness and self-awareness.
Medyo mahirap magsalita kung hindi mo naman sariling tinutupad. Mahirap magpatupad kung hindi magpatupad sa iba or hilingin ng iba kung sa sarili mo hindi mo ginagawa. So, napaka-importante po na mag-pledge ka sa sarili mo na gagawin mo ito because you’re doing this to protect yourself, protect your loved ones and to protect everybody around you. At hinihikayat ko po ang lahat sa buong Pilipinas, kung puwede nga lang po sa buong mundo. Because if we pledge to our self, we pledge to our country, we pledge to our community.
USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, ano naman po ang efforts na ginagawa ninyo para naman tulungan iyong mga establishments at workplace diyan na palakasin po iyong kanilang COVId-19 response and prevention?
CHAIRPERSON EISMA: Unang-una po, I want to emphasize that this is a community effort and with government leading the way, kami po ang unang-unang nagpatupad ng pagsusuot ng mask. As early as March po mandatory na po ang mask sa atin. As early as April po mayroon na po tayong isolation facilities, mayroon na po tayong almost a hundred capacity as early as April. And lately po, last month, nagbukas na naman po ako ng another isolation facility na mayroong capacity for forty people. Sapagkat napakaimportante po na ligtas, ready tayo. Alam na po natin na puwedeng may mangyari, kung kaya inuna po muna natin ang facilities, so, importante po ready tayo.
Isa rin po tayo sa mga areas na mayroon po tayong sariling COVID lab in partnership with the Philippine Red Cross po. Mayroon po tayong sariling PCR test laboratory dito sa loob ng Subic Bay Freeport. Very convenient po na ang testing center po natin ay nandudoon sa malapit sa gate, nadadaanan at malapit, madaling puntahan hindi lamang ng mga taga-Subic Bay Freeport, hindi lamang ng mga turista kung hindi pati na rin ng ating mga karatig-bayan sa Olongapo City, Zambales and Bataan.
So, bilang paghahanda po para matulungan ang ating mga negosyante, kailangan po ready ang infrastructure to support and prevent the spread of COVID. So, we have the isolation facility, we have the COVID testing facility and the laboratory. Again, I go back, information is very important, so, ang team po namin patuloy ang pagka-conduct ng iba’t-ibang klaseng webinars not just from the prevention of COVID, including contact tracing measures, pati na rin po iyong pag-aasikaso sa mental health sapagka’t all these lockdowns and all these fears from COVID has also put a stress on some on our mental health.
So, continuous po ang pagwe-webinars po namin ng iba’t-ibang mga topics including po ang pagpapalakas ng negosyo sapagka’t napaka-importante pong mapalakas ang hanapbuhay upang huwag maapektuhan o mabawasan ang economic effects nito sa ating mga mangangalakal at pati na rin sa mga manggagawa.
Of course, we halve already provided them economic relief, sinunod po natin ang IATF. In fact, sumobra pa sapagkat ang ibinigay po nating reliefs sa ating mga mangangalakal dito sa Subic Bay Freeport is more than 119 days na puwede silang huwag munang magbayad. Ang IATF po only provided 60 days, dinagdagan po natin iyan sapagkat alam naman po natin kailangan. At patuloy po tayong nagiging mapang-unawa sa pakikipag-usap tungkol sa pagbabayad ng mga bayarin dito sa Subic Bay Freeport.
Ako po, naniniwala po ako na ang pagpapatuloy nating mapigil ang COVID ay talagang nasa strict implementation of measures of the safety measures – ang pagsusuot ng mask, huwag magtabi-tabi – napaka-importante po niyan kaya po patuloy ko pong ini-encourage ang lahat pati po ang mga locators na they should be strictly implemented.
Mayroon po akong team na nag-iikot sa lahat ng investors, sa lahat ng locators, to ensure na sumusunod po sila sa mga patakaran ng safety measures. Ayaw po natin na porke nakatalikod na iyong inspector, i-ignore po iyan, hindi po ganoon. Required po sila na mayroong safety marshals, kailangan po mayroong self-monitoring.
At natutuwa po ako that a large part of our success kung bakit mababa po ang numbers natin is the cooperation of our businessmen and our community, so, nagpapasalamat po ako sa mga taga-Subic Bay Freeport sa kanilang walang sawang pagsuporta at pag-aalala para sa isa’t-isa.
Mababa po ang numbers namin ma’am. As of today, ang cases ko lamang po is 34, ang active case ko nga lang po is dalawa right now as we speak at ang goal po natin dapat huwag nang madagdagan. Ang cases ko po is far and between, meaning kung nadadagdagan man po ako ng paisa-isa, padala-dalawa, mayroon po akong several days na pagitan before all those positives. So, ang ibig lamang sabihin nito, talaga pong maingat ang pagpapatupad natin ng safety protocols at nagpapasalamat po ako sa aming mga residente sa aming mga stakeholders at pati na rin sa aming mga bisita sa pagsunod sa safety pro—
USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, inaprubahan ninyo nga po itong public buses na may cashless system na magagamit sa Subic Freeport, ano na po ang status nito ngayon? Natapos ninyo na po ba iyong dry run and kumusta po ang assessment ninyo?
CHAIRPERSON EISMA: We are on (choppy audio) mayroon din po kaming (choppy audio) how do we move forward (choppy audio) information po namin (choppy audio) is really very important and very helpful sapagkat it’s contactless at kung makikita po ninyo iyong structure po ng buses, ang upuan po nito halos magkakahiwalay po talaga, hindi po ito iyong traditional na bus na magkakadikit sila.
So, we are very hopeful that we will be able to continue this and mapadami pa po ang units at ito na po ang new normal po talaga namin.
USEC. IGNACIO: Attorney, huling tanong na lamang po. Ito naman pong POGO workers na patuloy na bumabalik ng China dahil nga daw po sa nararanasan nating pandemya. May update po ba sa sitwasyon ngayon sa mga natitirang POGOs sa Subic Freeport?
CHAIRPERSON EISMA: Actually po, nakakalungkot in a way, because the POGO closure is a signal that the economy is not yet there. And I would think economy not just in the Philippines but also worldwide because ang POGO po ay ang mga kanilang mga kliyente wala naman po sa Pilipinas, nasa labas ng Pilipinas. So, kung kailangan magsara noong POGO which supports the BPO-POGO here in Subic, ibig pong sabihin, ang economy outside where POGO is being serviced is also going down.
Sa apat po na POGO operators dito sa Subic Bay Freeport, isa na po ang nagsara at nagsabi na po ang mga may-ari ng natitirang POGO na they are also in the process of winding down. We are now in close cooperation with the Bureau of Immigration sapagkat ang mga visa po ng mga POGO workers na ito ay kinakailangan ma-cancel sapagkat kailangan po silang bumalik sa China or kung saan man po silang bayan nanggaling, unless makakuha na po sila ng bagong employment which will support their visa sponsorship.
So, unti-unti na pong magsasara po ang mga POGO establishments at least that’s based on the last meeting that I had with the owners of those companies. At nakakalungkot din pong sabihin na mayroon din pong ibang mga kumpanya, hindi lamang ang POGO, na nagkaroon na rin po ng mga retrenchments sapagkat, ayun nga po, sa pagbaba ng ating ekonomiya ngunit mayroon din naman po tayong mga bagong negosyo or negosyante na dumadating.
Katulad po, very recently, we approved a company who will manufacture masks here in Subic Bay Freeport. So, kung maaaring may bad news po, mayroon din po tayong kaunting good news sapagkat mayroon pa rin pong dumadating na investments dito sa Subic.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong panahon, SBMA Chairperson and Administrator, Attorney Wilma Eisma.
SEC. ANDANAR: Sa puntong ito, pag-usapan naman natin ang mga update ukol sa ating sektor ng agrikultura, makakausap po natin si Assistant Secretary Noel Reyes ng Department of Agriculture. Magandang umaga po sa inyo, Asec.
DA ASEC. REYES: Magandang umaga din, Sec. Mart at kay Usec. Rocky. Magandang umaga po.
SEC. ANDANAR: Gusto po ng Senado na magkaroon ng Senate inquiry tungkol po sa pagpapatupad ng Rice Tariffication Law. Pinaghahandaan ninyo na po ba ang inquiry na ito at ano po iyong mga nakikita ninyong issues na mapag-uusapan dito?
DA ASEC. REYES: Yes, Sec. Mart ‘no, handa po kami diyan para i-explain sa ating mga senador na kung saan naman nandiyan si Senator Villar na nangunguna sa amin ‘no, na ang batas po kasi, ang Rice Tariffication Law, dalawa po ang gustong gawin niyan – ibig sabihin pamurahin ang bigas at pagandahin ang ani ng palay, maging competitive po ang ating mga magsasaka.
So iyon po ay nasusundan na, nito lamang po kasi nagkaroon ng konting problema dahil nagdagsa po ang ating palay production. Tumaas po ng 16% itong third quarter at pagdagsa po nito bumaba naman ang presyo at basa dahil rainy season po kaya iyon po ang nakikita naming malalaking problema na dapat bigyan ng ayuda ang ating mga magsasaka.
At sabi ho ni Secretary William Dar, doon po namin ibubuhos iyong ayuda ngayon sa mga driers, mechanical driers para po tumaas ang presyo ng kanilang mga palay at tutulong din po ang National Food Authority na bumibili sa P19 iyong 14% dry.
So again, handa po kami Sec. Martin sa inquiry nito at welcome po iyon para marepaso o ma-review kung ano pa ang dapat kailangan na mga ayuda o assistance along the way para mas lalong maigting ang pagpapatupad ng Rice Tariffication Law.
SEC. ANDANAR: Hindi pa raw po natin masyadong nararamdaman ang mga expected results ng Rice Tariffication Law which is to increase productivity ng ating mga magsasaka. Ano po ang mga factors na nagiging dahilan po kung bakit nahihirapan tayo na i-improve iyong competitiveness ng ating mga magsasaka sa rice production?
DA ASEC. REYES: On the contrary, Sec. Mart ‘no, tumaas na iyong production natin ngayon nang 16%, itong third quarter napakaganda dahil po doon sa ayudang binigay ano – libreng seeds at fertilizers ‘no.
Again, nararamdaman na po iyan, in fact tumaas na po ang productivity level ng ating mga magsasaka doon sa RCEP areas. Doon sa RTL po kasi naglaan ng pera diyan, sampung bilyon taun-taon, 10 billion po iyon galing po sa taripa ng imported rice ‘no. Iyon pong 5 billion para sa machineries, 3 billion para sa seeds, 1 billion para sa pautang at 1 billion para sa training and extension.
So nakikita na po, may initial—maganda na po ang initial results nito. Sa productivity po umaabot na po sa almost .4 tons po ang inakyat kada ektarya. So iyan po ang gusto nating pababain pa, iyong production cost ng—P12 po kasi ngayon ang production cost noong palay at gusto nating pababain hanggang P8 po after 6 years. Iyan po ang taon na pagpapatupad ng RTL. Nasa second year pa lang po tayo, so again napakabata pa po nito and yet marami na po ang magandang resulta. So again, iyong sa taripa po, may 10 billion po iyan taun-taon.
SEC. ANDANAR: Nais ko po kayong i-congratulate, Asec., at si Secretary Willie Dar dahil sa aking pagbisita sa Northern Mindanao partikular po diyan sa Impasug-ong at sa Malaybalay ay napakalaki po talaga ng tulong ng Department of Agriculture sa ating mga magsasaka, hindi lang po iyong mga pangkaraniwang magsasaka kung hindi pati na rin po iyong mga former rebels na naging magsasaka na po sa tulong po ng Department of Agriculture.
Congratulations din po, napakaganda po ng inyong research center doon at maganda po iyong inyong adlay production. In fact, by the end of this month ay mayroon pong harvesting na mangyayari and I will be there by the first week of December para po saksihan ang magandang produce mula sa Department of Agriculture.
Anyway, sa issue po ng pagtaas po naman ng level ng ating soil degradation, ano po ba ang mga ginagawang aksiyon ng ahensiya para ma-improve ang situation at maiwasan pong makaapekto ito sa food security ng bansa?
DA ASEC. REYES: Ina-address naman po ng DA iyan through the Bureau of Soils and Water Management. Again, gustung-gusto ni Secretary iyan kasi iyan ang pinapatupad niya sa India noon eh, iyong soil rejuvenation. Kailangan po talagang dagdagan ang organic matter ng ating mga sakahan at wala na po tayong—tuluy-tuloy po ano, kailangan talaga i-rejuvenate. So again tamang-tama po iyong tanong ninyo, iyan po ang gagawin nitong mga susunod na mga buwan at taon na natitira dito sa Duterte administration. Makakaasa po kayo magkakaroon po tayo ng mga soil rejuvenation program through the DA and the Bureau of Soils and Water Management.
Again, maganda po siguro kung makasabay si Secretary diyan sa pagha-harvest ninyo, Sec. Mart. Again, padalhan mo kami ng ano, parang anunsiyo or notice para sabay tayong makapunta diyan and Secretary William Dar will be willing to join you diyan po sa Mindanao.
SEC. ANDANAR: Opo. Yes, Asec. In fact, sa December 8 ay mayroon pong turnover sila ni Director Collado na napakasipag po na RD sa Region X. Oo, mayroon po silang mga turnover na mga farm machineries doon po sa mga magsasaka sa Bukidnon so it will be perfect to have DA Secretary Willie Dar. In fact, hinihintay po siya doon sa research center po ninyo sa Malaybalay. Dito po naman sa pagtaas ng presyo ng baboy—
DA ASEC. REYES: You mark the date, December 8.
SEC. ANDANAR: Yes, sir, December 8 po. I think Secretary Esperon is also joining kasi napakaganda po ng proyekto na ginagawa ng Department of Agriculture kasama na rin po ng 403rd Brigade ng Philippine Army.
Sir, dito naman po sa pagtaas ng presyo ng baboy, gaano po katagal bago muling bumaba ang presyo nito?
DA ASEC. REYES: Sec. Mart, thank you for that question ‘no. Naapektuhan po kasi ang supply ng baboy dito sa Metro Manila and Luzon dahil nga po sa ASF at malaking tulong ang Mindanao, Mindanao hog raisers natin pati iyong sa Visayas po. So nagpaparating na kami ng mga baboy at pork in a box, iyong frozen pork po. At ito po in partnership din po sa DOTr, kay Secretary Tugade para iyon pong mga shipping lines ang magkarga nito.
So again, we’d like to increase the current level of 34,000 hogs a month ‘no, September/October, at paaakyatin ito hanggang 50,000 na additional hogs galing sa Visayas at Mindanao.
So we’re looking at stabilizing the prices and supply come November and December. Nasa P260 po/P280 ang aming suggested retail price ng kasim at liempo at sana naman po mahatak natin pababa ang presyo ngayon na nasa P320/P300. So again, we hope our consumers will benefit from this and we thank our hog producers from Visayas ang Mindanao for cooperating, for sending the hogs through ito po, sa mga ships dito sa Luzon at Metro Manila para ma-stabilize again the supply and prices of ating baboy, kasim at liempo.
SEC. ANDANAR: Naatasan po ang inyong ahensiya na mag-establish ng farm-to-market roads sa ilalim ng Bayanihan II. Ano po ba ang status po nito sa ngayon, itong mga farm-to-market roads?
DA ASEC. REYES: Sec. Mart, thank you again ‘no. Nakalista na po iyong mga—pagdating noong pera, wala pa po ang pera pero nakalista na po kung saan pupunta iyong magku-construct ng farm-to-market roads in partnership with the congressional districts and provincial local government units. Mayroon pong nakalaan na diyan at iyon po ay tuluy-tuloy, ipapa-bid na kaagad at tuluy-tuloy po iyan, mga 5 billion mahigit po ang ating FMRs na ipatatayo.
At malaking tulong ha Sec. Mart ito pong farm-to-market roads para ang produkto mula sa sakahan, pangisdaan ay makadating dito sa pamilihan at hanggang sa hapag-kainan. So dahil napakalaking programa po iyan, iyong infrastructure lalong-lalo na ang farm-to-market roads.
SEC. ANDANAR: Okay. Paano po nito mai-improve muli iyong, halimbawa na lamang iyong mga economic activities naman ng mga lugar kung saan ay mayroon pong mga former rebels po or iyong mga lugar po na mayroon din pong mga rebels? Mayroon po tayong tinatawag na mga convergence areas for peace and development. Itong mga farm-to-market roads po, ano po ba ang kahalagahan nito para sa mga lugar na ganoon?
ASEC. NOEL REYES: Tamang-tama, nandito ho kami ngayon sa Cordillera, sa Baguio – si Secretary ay nagtsi-chair siya ngayon ng isang RDC meeting – malaki pong bagay, alam ninyo po, dahil siyempre kapag may development at nakikita ng ating mga constituents na mayroong progreso, may economic activities, nawawalan po sila ‘no, nahihikayat nating bumalik-loob sa ating mainstream ang ating mga kapatid na nasa kaliwa.
So again, ito pong development na ito, kapag nagbukas po ng kalye, magandang senyales po iyan na ibig sabihin, dadaloy na ang serbisyo at support ng ating mga ahensiya kabilang na po rito ang Department of Agriculture. So again, sama-sama po iyan. Sabi nga ni Presidente ay whole-of-government approach po iyan. So again, kapag nagbukas po talaga ng kalye, malaking bagay sa development at iyong tulong, kapag naramdaman nila iyong tulong po, nagbabalik-loob po sila, na mayroong nangyayaring maganda sa ating pamahalaan.
SEC. ANDANAR: Ano na lamang po ang inyong mensahe para sa ating mga manunood, Asec?
ASEC. NOEL REYES: Again, on behalf of Secretary William Dar, Department of Agriculture, ginagawa po natin ang lahat dito po sa pag-stabilize ng supply and prices, pati po sa palay. Sa mga magsasaka, asahan ninyo po ang patuloy na tulong ng ating Duterte administration through the Department of Agriculture, kay Secretary William Dar, na ihatid po sa ating mga magsasaka, mangingisda at sa kanayunan, overall, para po gumanda ang ating ekonomiya at makabangon muli.
So again, maraming salamat sa pagkakataon, Sec. Mart and Usec. Rocky.
SEC. ANDANAR: Maraming salamat po, Asec. Noel Reyes ng Department of Agriculture.
USEC. IGNACIO: Sa puntong ito ay dumako naman tayo sa pinakahuling ulat mula sa iba’t ibang lalawigan sa bansa, makakasama natin si Czarinah Lusuegro mula sa Philippine Broadcasting Service.
[NEWS REPORTING]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Czarinah Lusuegro, mula sa Philippine Broadcasting Service.
Patuloy po tayong magtulungan na masugpo ang COVID-19 sa pamamagitan po ng pagsailalim sa COVID-19 test kung kinakailangan, at siyempre katuwang pa rin natin dito ang Philippine Red Cross. Kung nais ninyo pong magpa-swab test sa Red Cross, narito po ang mga hakbang na dapat ninyong gawin.
[VTR]
SEC. ANDANAR: Mula sa PTV-Davao, may ulat po si Jay Lagang.
[NEWS REPORTING]
SEC. ANDANAR: Maraming salamat, Jay Lagang.
USEC. IGNACIO: Pumasok na po sa karagatan ng Pilipinas ang Bagyong Rolly, at inaasahang tatama sa kalupaan ng bansa sa araw ng linggo kaya naghahanda na ang Probinsiya ng Aurora sa maaaring epekto nito. Para sa detalye, may ulat ang aming kasamang si Mela Lesmoras. Mela?
[NEWS REPORTING]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Mela Lesmoras. Mag-ingat kayo diyan.
Samantala, dumako naman tayo sa update kaugnay sa COVID-19 cases sa buong bansa. Base po sa tala ng Department of Health as of October 29, 2020, umabot na sa 376,935 ang total number of confirmed cases. Naitala ang 1,761 new COVID-19 cases kahapon. Thirty-three katao naman ang bagong bilang ng mga nasawi kaya umabot na sa 7,147 cases ang kabuuang bilang ng COVID-19 deaths sa ating bansa. Ngunit patuloy din ang pagdami ng mga nakaka-recover na umakyat na sa 329,848 with 740 new recoveries recorded as of yesterday. Ang kabuuang total ng ating active cases ay 39,940.
SEC. ANDANAR: Iyan po ang mga balitang nakalap namin ngayong araw na ito. Maraming salamat po sa mga naglaan ng kani-kanilang oras sa pagbibigay-linaw sa mga impormasyon na mahalagang malaman ng ating mga kababayan.
USEC. IGNACIO: Ang Public Briefing po ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng Presidential Communications Operations Office sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.
SEC. ANDANAR: Asahan po ninyo ang aming patuloy na pagbibigay-impormasyon kaugnay sa mga updates sa ating paglaban sa COVID-19 pandemic. Maraming salamat din po sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19.
USEC. IGNACIO: Samantala, 56 days na lamang po Pasko na.
Bagama’t patuloy pa rin ang pagharap natin sa krisis na dulot ng COVID-19, tuloy lang po ang ating pagtutulungan at pagmamahalan sa kapuwa dahil iyan naman po ang tunay na diwa ng Pasko. Mula po sa Presidential Communications Operations Office, ako po si Usec. Rocky Ignacio.
SEC. ANDANAR: Mula rin po sa PCOO, ako po si Secretary Martin Andanar. Magkita-kita po tayong muli bukas dito lang sa Public Briefing #LagingHandaPH.
###
—
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)