SEC. ANDANAR: Magandang umaga, Pilipinas; at pagpupugay sa lahat ng ating mga kababayan na nasa iba’t ibang panig ng mundo, gayun din sa lahat ng mga nakasubaybay ngayon sa kani-kanilang mga telebisyon, radyo at sa ating online streaming.
Mula sa Presidential Communications Operations Office, ako po ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar. Good morning, Rocky.
USEC. IGNACIO: Good morning, Secretary. Ako naman po si Undersecretary Rocky Ignacio kasama ninyong magbabalita patungkol pa rin sa health crisis na kasalukuyan nating nararanasan hindi lang dito sa ating bansa kung hindi sa buong mundo.
SEC. ANDANAR: Basta sama-sama at laging handa, kaya natin ito. Kaya naman, bayan, halina’t samahan ninyo kami dito sa Public Briefing #LagingHandaPH. Mukhang masarap ang gising mo, Rocky?
USEC. IGNACIO: Oo, Secretary. Sinusunod naman natin ang payo ng ating mga kasamahan din na para maiwasan iyong masyadong nag-iisip kaya hindi tayo nakakatulog, iyong lagi kang titingin sa positive side; kung ano iyong puwede mong gawin sa bahay mo na makakatulong din para hindi ka nag-iisip ng mga negatibo.
Samantala, Secretary, makakasama rin natin na magbabalita si Dennis Principe mula sa Philippine Broadcasting Service-Radyo Pilipinas, at si Daniel De Guzman mula sa PTV-Cordillera. Magandang umaga po sa inyo.
At para naman po sa pinakaunang balita: Pangulong Duterte muling nagbigay paalala sa pagharap ng bansa sa COVID-19 crisis. Sa kaniyang naging address kagabi, hinimok niya ang mga lokal na pamahalaan lalo na sa mga probinsiya na huwag namang harangin ang mga balik-bayang OFWs sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ayon sa Pangulo, responsibilidad dapat ng mga LGUs ang lahat ng residente sa kanilang nasasakupan kung kaya’t imbes na harangin dahil sa banta ng COVID-19 ay bigyan na lamang dapat ang OFWs ng 14-day quarantine period.
Kaugnay nito, suspendido na rin ang premium contributions ng mga OFWs sa PhilHealth. Imbes na mandatory, ito po ay magiging voluntary na lamang. Kinumpirma ito ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque sa Malacañang sa press briefing kahapon. Bilang isa sa mga nagsusulong ng Universal Healthcare Law sa 17th Congress, sinabi ni Secretary Harry Roque na wala sa implementing rules and regulations ng UHC Law o iyong Universal Healthcare ang karagdagang contributions sa PhilHealth ng mga OFWs. Aniya, hindi na dapat pang bigyan ng karagdagang pahirap ang mga OFWs sa gitna ng krisis na ating nararanasan ngayon.
Nilinaw din ng POEA at ng OWWA na hindi nila niri-require ang pagbabayad ng PhilHealth premiums sa mga OFWs para maisyuhan ang mga ito ng Overseas Employment Certificate o iyong OEC.
Nagbigay paalala rin ang Presidente sa mga isyu ng kurapsyon sa mga lokal na pamahalaan patungkol sa pagnanakaw ng ayuda mula sa mga programa ng gobyerno. Sinabi ni Pangulong Duterte na magbibigay ang pamahalaan ng P30,ooo na pabuya sa sinumang makakahuli ng anomalya at kurapsyon sa kanilang lugar.
SEC. ANDANAR: Samantala, Balik-Probinsiya Program ni Senador Bong Go suportado ng Senado. Malaki daw ang maitutulong ng Balik-Probinsiya Program para tuluyang ma-decongest ang Metro Manila; makatutulong din daw ito na masugpo ang malalang sitwasyon sa trapiko. Mas magiging madali rin para sa pamahalaan na aksyunan ang mga krisis sa kalusugan tulad ng COVID-19 kung bababa ang populasyon ng mga tao sa Metro Manila.
Samantala, mahigit tatlong libong homeless families naman ang nagpahayag ng kanilang interes na maging beneficiaries ng Balik-Probinsiya Program. Sa pahayag ni Senador Bong Go, kaniyang siniguro na mabibigyan ng maayos na kabuhayan ang mga magbabalik probinsiya matapos ang ipinatutupad na Enhanced Community Quarantine. Narito ang pahayag ni Senator Bong Go:
[VTR]
Hinikayat din ni Senador Bong Go na isasaayos ang mga medical facilities sa mga probinsiya para sa mas ikakatagumpay ng Balik-Probinsiya Program. Aniya, mahalaga na matugunan ng gobyerno ang mga pangangailangang medikal ng mga kababayan natin sa mga probinsiya upang mahikayat sila na manatili nga roon.
Tsek-apin [check up] mo na iyong mga lupain mo, iyong hacienda mo sa Laguna at maghanda sa pagbabalik-probinsiya.
USEC. IGNACIO: Alam mo, Secretary, napakaganda ng feedback ng Balik-Probinsiya Program. Marami rin akong mga kasamahan sa PTV na sinasabi na napakaganda ng programang ito para… kasi gusto rin naman nilang magbalik sa probinsiya pero kailangan naman na hindi sila magiging stagnant o wala silang kikitain doon. So kapag magtrabaho sila doon ay magiging masaya at maganda ang buhay sa probinsiya.
SEC. ANDANAR: Ikaw ba na-imagine mo na Saturday, Sunday ay nagtatanim ka ng petsay, nag-aararo? Na-imagine mo ba iyon?
USEC. IGNACIO: Yes, Secretary. Magtatayo po ako ng bakeshop.
SEC. ANDANAR: Ah okay, very good. Patikim.
USEC. IGNACIO: Oo, Secretary, ipapagawa kita kung anong gusto mong cake – fruit cake, lahat, rum cake, gagawa tayo.
SEC. ANDANAR: Spanish bread lang ako. Ano lang ako, simple lang, Spanish bread okay na.
USEC. IGNACIO: Igagawa rin kita ng Keto bread.
SEC. ANDANAR: Okay, sige. Simulan natin ang ating Public Briefing. Ngayong araw na ito ay makakapanayam natin si Secretary Liling Briones ng Department of Education; kasama rin sina Undersecretary Nep Malaluan, ang Chief of Staff ng Department of Education; at Undersecretary for Curriculum and Instruction, Diosdado San Antonio ng Department of Education. Magandang araw po sa inyo, Ma’am Liling at lahat ng mga Usecs.
SEC. BRIONES: Magandang araw naman, Martin. Magandang araw, Rocky. Magandang araw sa lalong dumadaming nanunood at nakikinig sa mga programa ng PCOO. At magpapasalamat kami na palagi ninyong pinapaalam sa publiko kung ano ang mga bagong developments sa Department of Education. Salamat na salamat sa pagtulong ninyo na ma-reach namin ang pinakamalawak na publiko. Thank you.
SEC. ANDANAR: Yes, ma’am, lalung-lalo na kapag nandiyan kayo dahil milyun-milyong mga estudyante at kanilang mga magulang ang nanunood.
Unang tanong, marami pa rin po tayong mga katanungan kung kailan na daw po ba talaga ang balik-eskuwela ng mga estudyante?
SEC. BRIONES: Ito ay pinag-usapan namin sa aming executive committee, sa aming management committee at saka nai-report ko na ito sa IATF. Last week, sinabi ko na na ang aming napili na date, dahil nagkonsultasyon naman kami over 700,000 respondents tapos ang mga partners, lahat malawakang konsultasyon, ang preference nila ay August. Tamang-tama naman ito dahil sang-ayon ito sa ating batas, dahil ang batas natin ay nagsasabi na ang pag-open ng school ay mag-uumpisa anytime between June and August.
So ang napili nating school opening date ay August 24.
Pero hindi ibig sabihin, Martin at Rocky, na lahat physical na papasok kasi may lockdown naman tayo sa iba’t ibang mga lugar. Puwedeng virtual, puwede ding physical sa mga lugar na ina-allow ang physical na pagbukas ng eskuwelahan.
Pero officially, August 24; tapos matapos naman ang school year by April 30.
Pero una sa lahat, ang pinakamalaking konsiderasyon natin dito ay to protect the health and the safety and well-being of learners. Iyon ang pinakaunang priority natin kaya sumusunod tayo sa payo ng Department of Education at saka sa mga polisiya ng IATF but at the same time, gusto natin na patuloy ang edukasyon. Ang hirap naman kung tigilan natin ang learning process samantalang nandito ang pandemic dahil ang ating mga kabataan kung nasa bahay, kailangang patuloy din ang pag-aaral nila, patuloy din ang pag-acquire nila ng knowledge pero mas malaki na ang papel ng mga magulang, ng mga lola at lolo sa pag-learn ng mga bata. At saka napakalaking challenge para sa amin sa Department of Education dahil iyong mga bagong pamamaraan sa pagturo na inumpisahan natin wala pa ang COVID pandemic ay ano na, pinabilis na natin at binibigyan ng emphasis. Kasi mayroon namang tinatawag na flexible learning options, puwedeng may mga schools na handa na daw sila na magbukas ng online, ma-public or ma-private ng kanilang school lessons. Maraming… through the cellphone, nag-survey kami.
Tapos puwede rin sa telebisyon at saka sa radyo, at napansin namin na iyong pinakamalaki para sa mga malalayong lugar ay sa radyo. So itong mga pamamaraan sa pagturo, ina-adjust natin… kapin pa – naku nag-Bisaya na ako – kasama na rin ang mga pagbabago ng ating curriculum, hindi lamang iyong pamamaraan sa pagturo kundi ang content also ng ating curriculum, ating baguhin.
Isa pa Martin at Rocky, iyong ating mga usual activities na napaka-exciting, nakakatuwa na lahat ay buong bansa nakikisali talaga na national events ay pansamantalang kina-cancel natin. Tulad halimbawa ng Palarong Pambansa na buong bansa naman talaga naglalaro. As many as 30,000 people gathered the last in Davao, more than 30,000 katao; mga talent contest, mga Brigada Eskuwela, lahat ito ay babaguhin natin ang pamamaraan at iyong talagang nangangailangan na mag-gather ng huge crowds ay kina-cancel natin ito.
Nakakapanghinayang dahil siyempre gustung-gusto natin iyong mga science fairs, iyong mga trade fairs, mga campus journalism, festival of talents, mga fairs – lahat pansamantalang kina-cancel lalo na sa mga lugar kung saan mayroon pa tayong tinatawag na ECQ. Pero ang motto natin ay patuloy din ang learning process, patuloy din ang pag-develop, pag-enrich at paghanap ng makabagong paraan na ang mga bata ay sila rin, ay matuto pa rin at maka-learn ng mga bagong mga konsepto dahil sa palagay ko – ito ang pananaw ko – talagang magbabago na ang buhay natin lalo na para sa ating kabataan na sila naman ang magiging future citizens ng ating bansa.
So ito, August 24, whether online o iba’t ibang pamamaraan, basta ang malaman lamang ng Department of Education lalo na sa mga private schools dahil nasanay na sila na mag-set ng kanilang sariling calendar. Ang closure ng ating academic year ay April 30 tapos iyong mga big events na crowd drawers natin ay pansamantalang kina-cancel natin.
Pero ang ating mga teachers ay June 1 pa lang to 30, kasi enrolment period na ito, mag-render na sila ng service whether physically or virtually. Ibig sabihin kasi, entitled sila sa dalawang buwan na bakasyon, eh nakadalawang buwan na silang bakasyon tapos sa June 1 to 30, magre-report na sila, as I said, online or physically.
Anong gagawin nila from June 1 to 30 at hanggang sa opening ng school classes ng August? They will undergo capacity building sa mga bagong lessons, mayroon tayong bagong mga platform na more than 5 million na ngayon ang nagsu-subscribe, itong tinatawag na DepEd Commons at saka may mga bagong programa din tayo para sa mga bata so they can learn while in school, with the guidance of their parents.
So starting June, busy na naman tayo uli dahil tapos na ang bakasyon. Formal opening: August 24, whether virtual, online or physical, depending on the decision of the IATF on the status of the particular province or place.
So in general, iyon ang mga features ng bagong kalendaryo natin sa Department of Education at ito talaga, kailangan namin ang tulong – sinabi ko na ito last time Sec. Martin – kailangan namin ng tulong sa Department of Education, sa PCOO at lahat ng communications, dahil itong mga pagbabago nangangailangan ng napakahalagang papel ng mga parents, mga lolo at lola sa mga bahay ng mga bata dahil ang mga bata ay gagawin ang ibang mga leksiyon nila sa bahay nila. At saka mag-aaral sila, part of the lessons will be at home so malaking papel ang pamilya dito at humihingi kami ng cooperation.
At saka ang teachers naman, marami din silang pag-aaralan dahil nag-iiba na ang mundo, nag-iiba na iyong mga subject natin, nag-iiba na ang pamamaraan at saka iyong ating nasanayan na very closed physical contacts with our learners, our teachers ay magbabago na iyon, dahil maraming mangyayari diyan ay usually, virtual sa mga lugar na dini-declare na ECQ.
So thank you very much for all your help and we look forward to even more help from PCOO and other communications platforms para malaman itong bagong paningin natin sa edukasyon. Thank you.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary may katanungan po si Gillian Cortez ng Business World: “Gaano po kahalaga na magkaroon ng realignment of Special Education Fund ngayong may COVID-19 crisis?”
SEC. BRIONES: Ang Special Education Fund ay covered by law, that’s part of the real property tax. May batas tayo na nagsasabi na iyong mga nakokolekta, ilang porsiyento ba na nakokolekta na real property tax sa isang probinsiya, sa isang local government unit ay mapunta sa education. Tapos ang Department of Budget and Management naman, nag-specify sila kung anong klaseng educational expenses paggagastusan ng SEF.
Ngayon dumadami ang mga request ng local governments dahil sang-ayon sa kanila, naubusan na sila ng pera na tulong sa kanilang mga mamamayan, pupuwedeng gamitin ang SEF. Sa tingin ko, ang puwedeng mag-aksiyon nito ang ating Kongreso at ang ating Senado dahil covered by law iyan, tax iyan eh galing sa real property tax iyan; at saka ang DBM. Ang DBM naman nagsasabi specifically kung anong activities.
Right now ang mga gastos sa SEF, kailangan directly related to education at marami namang magagastos ang mga local governments na related to education like keeping our schools safe, iyong mga equipment, mga telecommunications, etcetera, e-libraries, mga additional allowances pagtulong sa mga teachers na baka wala silang kita during the summer months and so on and so forth.
Pero ito kailangan aprubado ng Department of Budget and Management, and ito kasi covered by an agreement between the DILG, Department of Budget and Management and the Department of Education dahil ito ay buwis na galing sa taumbayan din – itong SE, so iyon ang sitwasyon. Kami, wala kaming objection kung babaguhin iyong regulasyon, kung babaguhin ang batas, eh mas mabuti nga na lalong gagastusan natin. Kasi right now it’s really for education at very specific iyong mga activities na puwedeng ma-fund from SEF.
SEC. ANDANAR: Okay. Mayroon tayong katanungan para po naman kay Usec. Malaluan. Usec., ngayong nakadepende na po sa e-learning platform ang mga estudyante, maaari po ba silang [unclear]. Of course, maaari silang ma-expose sa cyber bullying at pornography. Ano po ba ang gagawing hakbang ng DepEd para po maiwasan po ito at nang alam din po ng mga magulang kung ano ang dapat gawin?
DEPED USEC. MALALUAN: Well, siyempre kasama diyan ang pagsasanay ng mga bata sa pag-critically look at the content. At siyempre ang ating content na binibigay ng Department of Education ay will all be quality assured, ni-review na iyan ng aming Bureau of Learning Resources at saka Bureau of Curriculum Development. So we will ensure that all the contents coming from the Department of Education are all consistent with our curriculum and standards.
Pero siyempre iyong pagpunta sa ibang sites ay kailangan namin ng tulong ng mga magulang at kasama sa bahay ng mga bata, but at the end of the day, importante iyong kaalaman mismo ng mga mag-aaral natin to be very discerning in looking at digital content and online content, Secretary.
USEC. IGNACIO: Usec, ayon po sa Teacher’s Dignity Coalition dapat daw pong bigyan ng prayoridad ang kapakanan ng mga guro at estudyante bago ang pagbubukas ng klase. May mga guro at estudyante rin po kasi na talagang mahirap pong maka-access online dahil sa kakulangan ng gadget tulad ng laptop, computers at maging cellphone at hirap din siyempre sa online access. Ano po ang magagawang tulong ng DepEd kanila ukol dito?
USEC. MALALUAN: Well ngayon ay nakikipag-usap ang Department of Education sa mga telecommunication companies natin and we will insure that we will provide the appropriate support to both our learners and our teachers.
Pero nililinaw namin na hindi online platform lamang ang gagamitin natin dahil—what the Department of Education will give is a menu of learning delivery options and iba’t ibang materyales, both online, printed at saka digital at iyan ay based on those menu of options and platforms. At the end of the day ay iyong ating field unit ang magpapasya kung ano ang angkop para sa kanilang mga mag-aaral at sa konteksto ng kanilang mga lugar.
So, ngayong enrollment na papasok sa January (June) 1 to 30 ay may kalakip kami na parang survey ng mga kondisyon ng mga bawat isang mag-aaral at saka iyong kanyang household, kung mayroon ba siyang access sa online platform, kung mayroon ba silang mga gadgets sa bahay at saka kung ano ang preferred modes nila at iyan ang gagamitin ng mga guro at school leaders natin para i-structure iyong kanilang strategy for delivery of education.
At kaya nga tayo nagbigay ng palugit ng paghahanda mula pa nitong Mayo hanggang buwan ng Agosto, bago pormal na buksan iyong formal delivery of instruction, kaya may ganyang panahon ng paghahanda ay talagang para matulungan ang mga guro at saka ang mga mag-aaral at pati mga magulang.
Nabanggit ni Secretary Briones kanina na ang panuntunan nitong learning continuity plan na ito ay pangunahin ay iyong kalusugan at kaligtasan at kapakanan ng lahat ng mag-aaral at saka mga guro. So, talagang isinasaalang-alang iyang konsiderasyon na iyan dito sa pagpaplano natin, kakaibang school year talaga ito. We recognize all the challenges and that is why we need a period to make appropriate preparation.
Pero nabanggit din ni Secretary kanina na… in effect ay nagbabago rin iyong panahon, kaya marami dito sa mga bagay na ito na magiging kasama doon sa bagong pamamaraan ng pagtuturo ay matagal nang iniisip, pero ngayon ay napuwersa tayo, na-obliga tayo na mas palawakin ang implementasyon nito, Rocky.
SEC. ANDANAR: Mayroon din akong tanong para kay Usec. San Antonio. Sir, so far kumusta na po ang paggamit ng mga estudyante ng DepEd Commons, may mga naging problema po ba sa pag-access nito?
USEC. SAN ANTONIO: Good morning, Secretary Martin; good morning Usec. Rocky. Masuwerte po tayo ng nagkaroon nitong cancellation ng pagpunta sa school ay summer vacation, so hindi talaga masyadong challenging at napaganda ang pag-introduce ng DepEd Commons. Kasi hindi pa maramihan ang—I mean, hindi pa iyong lahat ng mag-aaral ay kailangang magpunta dito. Nasabi na po ni Usec. Nepo na may panahon nga para paghandaan namin.
So, mino-monitor po ng ating ICTS iyong mga feedback ng mga gumagamit nito, more than 4 million na po yata ang nag-access dito simula nang i-launch at ine-expect natin na sa buwan ng Agosto talagang malawakan ang paggamit sa learning commons kasi diyan po natin ilalagay iyong mga online learning resources; pero sabi rin po nga ni Secretary Liling at ni Usec. Nepo, hindi naman lahat online iyong gagamitin natin pag tayo ay nagbukas na ng pasukan. Kasi nga po alam naman natin nay mga mag-aaral na walang access sa technology. Kaya inihahanda din po natin iyong printed instructional packets or self learning kits para sa mga lugar na hindi magkakaroon ng access sa mga gadgets.
SEC. ANDANAR: Last question po para kay Secretary Liling. Ma’am, panghuling mensahe na lang po sa mga guro at estudyante bilang paghahanda nila sa new normal para sa sektor ng edukasyon?
SEC. BRIONES: Kami sa Department of Education ay nananawagan sa ating mga learners at saka sa ating mga teachers, pero hindi lamang learners and teachers pero iyong parents at saka iyong entire community. More than ever ang education process ngayon ang learning process is also a community driven activity, hindi lamang Department of Education ang responsable nito, dahil much of the time of the children will be spent at home.
But if I may make also add a contribution to the question, importante ito iyong cyber bullying at saka pornography, dito pumapasok ang civil society organizations dahil Sec. Martin may mga civil society organizations na sila ay nagbigay ng mga training, etcetera, material at sila ay nagkakampanya laban sa cyber bullying, ano ang dapat gawin ng parents, ano ang dapat gawin ng bata. At saka iyong access sa platform ang pinakabagong impormasyon na natanggap ko ay more than 5 million na nag nag-a-access sa ating DepEd Commons platform.
Pero nakikita natin na dahil sa kakulangan ng teknolohiya, kakulangan ng access to various platforms ay nakita natin na ang telebisyon at ang radyo malaki ang papel, ang cellphone malaki ang papel, hindi lamang iyong kailangang may laptop ka, puwedeng magagamit ang cellphone, kaya dito dine-develop din lalo na ang radyo, kasi maliit pa ako, hindi pa pinanganak si Secretary Martin ang radyo ginagamit na sa pag-aaral, iyong tinatawag nilang schools of the air. So, sa mga lugar na wala talagang telecommunication system ay puwedeng mag-resort tayo sa radyo; so iba’t ibang klase, iba’t ibang approach.
Kaya kami ay nanawagan ito ay community involvement, this is a great challenge also in communication, dahil may new normal na at isa sa mga aspeto ng buhay ng ating lipunan na talagang napakalalim napakalawak ang epekto ni COVID ay sa edukasyon. Kailangang ipagpatuloy ang edukasyon pero kailangang ding we stay safe. Ang health and safety ng ating teachers and learners ay talagang ating babantayan. Salamat, Sec. Martin at Rocky.
SEC. ANDANAR: Maraming salamat sa inyong panahon, Secretary Leonor “Liling” Briones ng Department of Education at sa lahat po ng Undersecretaries, thank you po. Undersecretary Nepo Malaluan, Undersecretary Diosdado San Antonio, maraming salamat po.
Samantala, ang susunod po nating makakausap ngayon ay si Governor Arthur Yap ng probinsiya ng Bohol, magandang umaga po. Maayong buntag kanimo, Governor.
GOV. YAP: Secretary, maayong buntag (dialect)
SEC. ANDANAR: Bago po ang lahat, Governor, let me congratulate you for keeping Bohol COVID-free in a sense that there was no local transmission recorded so far. We also heard that Bohol was the first province to close its borders and even the first province to implement curfew and mandatory wearing of face mask. Naging factor po ba ito, Governor?
GOV. YAP: Yes Secretary, malaking factor iyong reverse isolation din. Pero klaruhin lang po natin dahil marami pong nanonood po sa atin ngayon sa buong bansa. Nakasulat po sa caption natin: Ang probinsiya ng Bohol nananatiling COVID-free. Just to be totally transparent, noong May 1, mayroong nai-report iyong DOH na nag-positive dito sa returning OFWs. May dalawa daw na nag-positive sa PCR test. Pero ngayon, after that immediately pina-rapid test sila ng DOH at lahat negative kaya ngayon hinihintay pa namin iyong final word from DOH kung ano nga ba.
So, today iyong 48 OFWs po na nakauwi dito sa Bohol lahat po sila ay pinapa-second PCR natin, Secretary, para malaman natin na sure kasi May 1, may dalawang nag-positive immediately after nag-rapid test, nag-negative lahat. So hinihintay namin iyong final word kaya kung matse-check ninyo iyong COVID tracker ng Region VII, zero gihapon, zero pa rin ang Bohol. Pero, I think sa national naglilista na sila na may tama ang Bohol.
Whatever it is, I just want to say that for transparency. Gusto kong malaman ng lahat sa… the entire country na iyan ang situation ngayon, we are still verifying. But kahit na anong mangyari sa 48 na ipapa-test namin ngayon sa PCR, kampante naman kami na at least napaghandaan na namin iyong minimum na number na iyon. So pinaghahandaan namin sila ngayon, nandiyan naman iyong Gallares Hospital, okay naman, we are ready to accept anybody that needs to be admitted sa ating ospital.
Pero sa ating nakikita ngayon, Secretary, masaya ko pong pinapaalala sa lahat na ang situation po dito sa 48 OFWs natin, wala naman silang mga sintomas. Everybody is in their hotel rooms right now, sa quarantine facilities, isolated sila. Sa latest report sa akin, wala po sa kanila ang nagpapakita ng severe or unstable mild acute respiratory disorders, wala naman. Mayroong dalawa, tatlo may mga mild. Mga mild na mga sipon nila, nabibigyan sila ng gamot pero normal naman. According to the doctors hindi naman po out of ordinary iyong nakikita nila.
So, for transparency lang po dini-declare natin.
SEC. ANDANAR: All right. Governor, ngayong naka-GCQ na po ang Bohol, anong nagbago sa mga ipinatutupad ninyong rules and regulations, iyong mga guidelines po?
GOV. YAP: Well, basically, kaunti lang, Secretary, iyong adjustments namin kasi kahit na po noong panahon ng Enhanced Community Quarantine na nag-lockdown iyong Manila, basically open pa rin iyong mga major sectors namin. Bukas iyong agriculture namin, bukas iyong fishery, iyong transport sector, iyong mga palengke, iyong mga merkado, iyong mga grocery, iyong mga slaughter houses namin, pharmacies, water refilling stations, remittance centers, banks, major sectors, lahat po sila bukas pati hardware, construction, pati po iyong mga motor spare parts shops, all in support of the transport sector – open po lahat.
Sa totoo lang, ang medyo nagbago lang ngayon is we have started to open up some of our—pinag-aaralan namin iyong some of the tourism and non-essential, pinag-aaralan namin ngayon. Binuksan na rin namin iyong mga barber shops, iyong mga beauty parlors, iyong mga salon. And then iyong mga dine-in na mga restaurants, pinag-aaralan namin sila ngayon, ang malls namin nagbukas na rin, we are slowly opening up many sectors.
Pati nga ho iyong senior citizens binigyan namin sila ng tatlong araw – Tuesdays, Wednesdays and Thursdays from 6A.M. to 6P.M. kasi Secretary kailangan daw nilang pumunta ng bangko, although there are some transactions na unique na kailangan nilang bigyan ng pansin, so pinagbigyan din po natin sila.
At dahil po we are very concerned rin po na na-locked ang ating mga youth po, mga kabataan, mga youth sector na below 18, binigyan rin natin sila ng supervised break sa curfew nila. Kailangan samahan sila ng magulang nila only on Mondays and Fridays from 6A.M. to 6P.M. because we don’t want them locked up. We understand may cabin fever na eh maski naman [SIGNAL FADE] po ng mga senior citizens at ng mga members po ng youth sector dito.
So, iyon lang naman… para sa youth iyon ang changes, 6A.M. to 6P.M. from Mondays to Fridays pero kailangan supervised. Ang mga senior citizens natin – Tuesdays, Wednesdays and Thursdays po binigyan sila ng break. Iyon po ang major changes, Secretary.
USEC. ROCKY: Governor, ito pong nararanasan natin ay global pandemic, affected na iyong mga ekonomiya lalo na iyong turismo. Iyong probinsiya ninyo po ay talagang kilalang paboritong puntahan ng mga turista hindi lang sa Pilipinas kung hindi sa buong mundo at gustong-gusto nila iyan. So, papaano po kayo hahabol sa iyong mapanatili ring maganda ang takbo ng inyong ekonomiya? Paano ninyo po tutulungan iyong mga nasa sektor ng turismo sa inyong lalawigan?
GOV. YAP: Usec.! Good morning, USec. Rocky! Tama iyong sinabi mo, ang kritikal sa Bohol ngayon ay kung paano natin matulungan ang mga MSMEs at saka ang mga tourism industries na bumangon. Kaya nga ang sabi ko sa kanila ang kailangan iyong mga sektor natin, whatever happens doon sa mga arrival na OFWs, may infection man o wala, let the medical sector take care of them pero tayo, ang greater society ang greater sectors natin kailangang mag-focus tayo.
Iyong mga MSMEs ngayon, nag-set-aside kami ng two hundred fifteen(?) million na surety guaranty para matulungan sila, para mas magkaroon ng confidence ang mga banks at ang mga lending institutions na pahiramin ang mga MSMEs. Dinagdagan namin ng two hundred million na surety guaranty fund para ang mga bangko magpahiram sa kanila.
Pero ganoon pa man, ito nga iyong ipinaglalaban ko at nagpapasalamat ako sa mga fellow governors that they carried this already in the resolution, we are asking the national government to support our moves to lend to MSMEs at a lower interest, kung puwedeng 1% lang nga, pahiramin natin ang mga MSMEs natin.
Alam natin na sa buong bansa, sa buong Pilipinas ang job generators at ang karamihan ng mga companies natin dito hindi malalaking kompanya, they are small family-owned MSME corporations, so we have to support them. How do you support them? Kailangan bigyan natin sila ng pondo, we have to restart them. But Rocky, when you give them funds, they have to retool, they have to re-adapt to the new normal.
How does a carinderia now operate under the new normal? How does a barber shop operate under a new normal? Ang mga beauty parlor, ang mga salon, ang mga wellness, ang food industries? Kailangang magre-adapt, mag-retrain. Mga footbaths, mga pagsusuot ng gloves, ang sanitation, ang hygiene, ang packaging. How do we transact business now? Eh ‘di dapat mas maganda sana we have to put everything online. Papaano natin ide-deliver sa mga kliyente natin ito?
So, ang dami nating homework, ang dami nating kailangang gawin ngayon at pag-aralan. And you cannot do that kung pahihiramin natin sila sa normal 5-6-8-10% interest. Eh, ang sabi ko nga, humihingi ngayon ang gobyerno ng tulong dahil sabi ng gobyerno, we have already spent 400 billion doon sa package natin.
You know, Rocky, ang mga local government, ang mga LGU, mayroon kaming credit line sa mga bangko – sa DBP, sa Land Bank, which are in the billions. Kuwarta naman, IRA-backed naman iyon, secured iyon, naka-guarantee iyon sa IRA namin. Bakit hindi kami bigyan ng suporta – iyong mga local governments kahit na bigyan kami ng two to three hundred up to five hundred million na puwede naming hiramin sa kanila at a very concessional rate, kung puwedeng 1% lang, ipapasa lang namin.
Kung ano iyong ibinigay sa amin, iyon rin ang ipapasa namin sa mga MSMEs, sa mga restaurants, sa mga small industries, sa small tourism operators, sa transport sector, sa transport industry, lahat iyan puwede nating pahiramin sila, give them a chance to re-adapt, to retrain, to retool and then bigyan natin ng pondo para makapag-umpisa sila, para makabangon sila ulit.
Now, I believe that if we can do this quickly, and show we can work without breaking social distancing, without breaking all of those quarantine procedures [SIGNAL FADE] provinces and the cities and the municipalities who can show this na mabibigyan—mabibiyayaan ng continued confidence at mga [SIGNAL FADE] future clients natin or returning clients natin.
So, iyan ang kailangang gawin, hindi [SIGNAL FADE] Secretary, Usec., kung kakayanin ngayon, tingnan natin binigyan natin ng grace period ang mga taong humiram sa bangko ng 2 to 3 months, assumptions natin Mr. Secretary, Usec., na on the fourth month babalik ba iyong negosyo? Are you telling me bibigyan mo lang sila ng three months na pagitan na hindi sila magbabayad, sa fourth month capacitated na, kaya nilang magbayad ng interest at saka ng capital? Hindi po mangyayari iyon dahil walang bakuna, walang vaccine, wala pa pong gamot, wala po hong massive testing. This COVID is going to be with us for one and a half to two years. So in time how are we going to survive with this? At kung ang ia-act lang natin isususpinde natin iyong payments and after a few months kapag wala ng emergency, makakabayad ang mga negosyante at MSME, nagkakamali po tayo, hindi po mangyayari iyan.
SEC. ANDANAR: Alright, maraming salamat po sa inyong panahon, Governor Arthur Yap ng Province of Bohol. Perhaps next time, we will have you in one show, para talagang mapag-usapan natin extensively mga idea po ninyo. And we know your extensive experience, not only here sa executive branch sa Malacanang kung hindi maging diyan sa Bohol at sa pagiging Congressman. Salamat po.
Ngayon naman ay makakapanayam natin si Mayor Lino Cayetano ng Taguig City. Magandang umaga po sa inyo, Mayor Cayetano.
MAYOR CAYETANO: Good morning, Sec. Magandang umaga po, Usec, magandang umaga po sa inyo, magandang tanghali.
SEC. ANDANAR: Kumusta po ngayon diyan sa Taguig, paano po ang proseso nitong Systematic Mass Approach to Responsible Testing or SMART program na inyong inilunsad; at so far, ilan na pong mga residente ang sumailalim sa test?
MAYOR CAYETANO: Unang-una, sumasang-ayon ako sa ating magaling na gobernador ng Bohol na kaibigan ko rin po na si Governor Yap.
Iyong testing po natin, isa hong proseso iyan, part iyan of what the government needs to do to prepare for opening up the economy. So, sa mga kababayan po natin na nangangamba kung gaano katagal pa talaga itong ECQ natin, alam natin maraming sakripisyo ang ating mga kababayan bukod doon sa dulot ng sakit sa COVID, iyong mga sakripisyo natin dahil dito sa Enhanced Community Quarantine.
Iyong testing po, ito ay isang mekanismo na we are closely working with the national government sa utos ng ating Pangulo, habang tinataas natin iyong kapasidad nating mag-test, habang mas marami tayong nate-test, mas malaki iyong oportunidad na dahan-dahan magbukas na iyong ekonomiya natin, makapagtrabaho na ang ating mga kababayan. Ngunit hindi po mangyayari ito kung hindi tayo makapag-test in a larger capacity.
So, iyong ginawa po namin sa Lungsod ng Taguig, dalawa ho, iyong napag-uusapan po palagi ito pong drive thru testing natin, dahil nga po kakaiba di ba ho. Pero kung puwede po, Sec, pag-usapan ko iyong dalawa nating ginagawa. Dahil iyong isa po iyong pagka-capacitate sa health center, iyong hatid-sundo napakahalaga rin. So sa ngayon nasa pangalawang round na po kami, lahat ng health center natin sa Lungsod ng Taguig nakapag-testing na po. Ang style natin doon, hatid-sundo, tatawag ho kayo, dadalhan kayo ng form ng BHW, susunduin ho kayo at ihahatid pabalik galing sa health center. Iyon ho, saka iyong ating drive thru testing, iyong two important components of iyong SMART testing natin o iyong Systematic Mass Approach to Responsible Testing.
Iyong drive thru naman po doon sa mga kababayan natin na maaring hindi alam o hindi nakakapunta sa ating mga health center. Ito po online, ‘pag pumunta kayo sa taguiginfo.com magpi-fill-up po kayo ng assessment form, pupunta po iyan sa ating doctor at papadalhan kayo ng email at schedule kung kailangan ninyong magpa-test. So, every Wednesday and Friday iyong aming drive thru testing, PCR po pareho ito.
Sa ngayon nakapag-test na siguro tayo ng over a thousand Taguigeño’s ngunit nagsimula tayo mag-testing ano pa ho, second week of March. So, maaga ho tayong nakapagsimulang mag-testing, ito part lang po ng expansion natin dahil habang tumatagal po at habang naghahanda tayo doon sa pagbubukas ho natin doon sa posibleng GCQ and transition towards the new norm, we also need to increase the capacity of testing. So, ito ho iyong parte ng solusyon ng Lungsod ng Taguig and we expect this to be long term, hindi lang ito ilang linggo, hindi lang ito ilang buwan. Baka for the rest of the year and moving forward, regular na ho na mayroon tayong drive thru at regular na ho at institutionalized na mayroon tayong testing sa ating mga health centers dito sa Lungsod ng Taguig.
USEC. IGNACIO: Mayor, alam po namin na binabalanse ninyo iyong kalagayang pangkalusugan and at the same time iyong pangkabuhayan po ng inyong mga kababayan. Inilunsad po ninyo kamakailan iyong Taguig Online Resources and Community Hub o iyong tinatawag TORCH program. Ano po iyong nilalaman nito at paano po ito magagamit ng inyong mga residente?
MAYOR CAYETANO: Salamat Usec, kanina nakikinig din ako sa magaling nating Kalihim ng Edukasyon. We take our cue from the national government, from our President, from the Secretary of Education at matagal na po nilang nasabi sa atin na ihanda na natin iyong ating mga learners para sa pagdating ng new norm. So, iyong TORCH po natin, it is a various online resources para ma-deliver natin iyong serbisyo ng gobyerno doon sa mga paraan na maaring hindi traditional ngunit kailangan sa panahon na ito.
So, dalawa po doon na may kinalaman po sa edukasyon ay unang-una tine-train na po natin iyong 4,000 sa mga public school teachers natin and we also added 1,000 na private school teachers, tinuturuan nating gumamit ng mga tools, so that they can transition to teaching online. Hindi naman ito totally we will start teaching online, but we’re putting the foundation, nilalagay natin iyong pundasyon and in one week magga-graduate na po iyong 4,000 teachers natin. They are being trained by professionals kung paano ho magturo online. Kasi magaling naman po ang mga teachers natin, sanay magturo sa classroom pero mayroon pong kaunting mga learnings na kailangan kapag nagsimula tayong magturo online. So, that is one thing we are doing for the Department of Education. In cooperation with Department of Education, we launched a pilot program and we are training 4,000 public school teachers to teach online.
Iyong pangalawa po, Ma’am, exciting rin po para sa aming mga Taguigeño ay alam naman po natin na itong panahon ng ECQ maraming sakripisyo iyong ating mga kababayan at habang naghahanda tayo sa aspetong medikal; naghahanda tayo sa aspeto ng ayuda, financial man o kaya supply or goods; may hinanda rin iyong pamahalaang lungsod ng Taguig para sa ganoon magamit natin sa wastong paraan iyong oras na mayroon tayo.
So, iyong isa nating programa it’s ‘Taguig Open Campus.’ Iyong Taguig Open Campus po—ang university po namin dito sa Taguig, iyong Taguig City University it has 5,000 students. Ang goal po namin sa Taguig Open Campus ay up to 50,000 students, libre ho ito sa lahat ng Taguigeno at mga employers na mayroong kumpanya sa Taguig. Ang mga courses po dito its anywhere from accounting, leadership, customer service, iba’t iba pong mga kurso na puwede hong gamitin ng mga empleyado at mga negosyante para po sa… mayroon silang ilang araw o ilang linggo na hindi pa sila nakakapagtrabaho they can improved themselves. Ito iyong mga kababayan natin na maaring gustong palawakin iyong kanilang karunungan sa iba’t ibang aspeto. There are over 300 courses and they can take in online.
Marami po sa aming mga Taguigeño nakikinig po sa inyo, so kunin ko na rin iyong oportunidad na pumunta lang po sa taguiginfo.com, you click on TORCH, tapos iyong pangalan po ng ating programa doon ay TECTOC, hindi po TikTok, it is Training and Enrichment Courses under the Taguig Open Campus. And we partnered with one of the biggest e-learning platform in the world, iyong skills soft, iyong skill soft ginagamit ng malalaking kumpanya tulad ng Microsoft, Toyota, etcetera. Ano po ito napaka-wide noong range ng courses na puwede ninyong kunin, puwede ninyong tapusin iyong ibang kurso sa tatlong araw hanggang sa isa o dalawang linggo.
So anyone can apply, lahat ng Taguigeño welcome. At gusto natin habang nasa ECQ tayo, iyong hindi nakakapagtrabaho nagagamit iyong oras nila to prepare themselves para kapag nagbukas na iyong ekonomiya mayroon ho silang bagong skill o nakapag-improved o sila ng kaunti.
SEC. ANDANAR: Maraming salamat po sa inyong panahon, Mayor Lino Cayetano ng Taguig City – mabuhay po kayo, Mayor.
Ngayon naman ay makakapanayam natin si Ambassador Allan Timbayan ng Embassy of the Philippines diyan po sa Qatar. Magandang tanghali po sa inyo, Ambassador.
AMBASSADOR TIMBAYAN: Good morning, Secretary Andanar and Usec. Rocky Ignacio, at mga televiewers. Assalamualaikum.
SEC. ANDANAR: Sir, kumusta po ang sitwasyon diyan sa Qatar? [Garbled] mga Pilipino ang nagpositibo sa COVID-19?
AMBASSADOR TIMBAYAN: Qatar is the home to some 240 (thousand) Overseas Filipino Workers and it’s the fourth largest destination of land-based Filipino workers in the Middle East after KSA, UAE and Kuwait. Ang mga workers po natin dito sa Qatar ay skilled workers, domestic helpers at saka mga professional.
USEC. IGNACIO: Opo. Ambassador, ano po iyong latest immigration matters diyan sa Qatar, iyon pong mga tungkol sa application at renewal ng residency at iyong work permit po ng ating mga Filipino community diyan? May epekto po ba iyong nangyayari sa kanila sa COVID-19?
AMBASSADOR TIMBAYAN: Mayroon hong epekto. Ang epekto ho nangyari dito sa ating COVID-19 ay may mga job displacement po ang Overseas Filipino Worker dito sa Qatar. Based po dito sa recent data ng POLO, verified ho is 1,645 job displacement of land-based OFW in Qatar. POLO has also registered a total of 4,055 affected OFW/workers who are force to go on forced leave. Allowed po ito ng Ministry of Administrative Development and Labor and Social Affairs itong pag-force leave ng mga kumpanya.
SEC. ANDANAR: Papaano po ginugunita ng mga kapatid nating Muslim ang buwan ng Ramadan diyan po sa Qatar ngayong may physical distancing measures sa mga mosque dahil sa COVID-19 pandemic?
AMBASSADOR TIMBAYAN: Mahigpit po pinapatupad dito ang social distancing ng Governor ng Qatar. In observance of Ramadan po, sarado po iyong mga malls except po iyong jama’ah prayer, isa lang po ang mosque na bukas at for the prayers lang po ang mga ina-allow doon sa mosque. Lahat ho nag-o-observe ng Ramadan sa bahay.
USEC. IGNACIO: Opo. Ambassador, sa pangunguna po ng Supreme Committee for Crisis Management ng State of Qatar, may mga ilang kumpanya po, individual at maging iyong real estate sector po ang nagtulung-tulong para makalikom ng pondo para sa COVID-19 response. Kumusta po ito, ano po iyong idea ninyo tungkol dito—may idea po ba kayo dito, Ambassador?
AMBASSADOR TIMBAYAN: Wala pa ho kami dito na—wala pa hong announcement ang Qatar tungkol dito. Pero ang alam po namin bilang katulong ng Qatar dito, in cooperation with Qatar Charity, nagbibigay po sila ng mga pagkain sa ating mga OFW dito sa Qatar, hindi lang po Pilipino pero kasali na po ang lahat ng mga nationality.
USEC. IGNACIO: Opo. Ambassador, panghuling mensahe na lamang po sa mga Filipino community na nandiyan sa Qatar.
AMBASSADOR TIMBAYAN: Sa ating mga kababayan, patuloy po ang ating—susubaybayan ang mga announcement at advisories ng embahada. Ang embahada at ang attached service agencies gaya po ng POLO at OWWA ay patuloy po ang pagbibigay ng serbisyo sa lahat ng OFW kahit po ang ating workforce ay 20% lamang, in compliance po sa utos ng pamahalaan ng Qatar. Tayo po ay palaging maging mahinahon sa gitna ng pagsubok na ito; sama-sama po ito nating malalampasan.
Patuloy po nating sundin ang mga patakaran na pinapatupad ng government ng Qatar tungkol sa paglaban sa COVID-19. Maraming salamat po, ingat po tayong lahat, stay home and keep safe po.
SEC. ANDANAR: Maraming salamat po, Ambassador Alan Timbayan ng Embassy of the Philippines to Qatar.
USEC. IGNACIO: Ngayon po ay isang Filipino naman mula sa Development in Diversity and Solidarity sa Paris, France ang ating makakausap. Magandang umaga po sa kababayan nating si Queenie Laude. Kumusta po ang lagay ninyo diyan sa France?
MS. QUEENIE LAUDE: Magandang umaga po Usec. Rocky and magandang umaga Sir Martin [French greeting]. Okay naman po kami dito, still lockdown until May 11.
SEC. ANDANAR: Queenie, ano ang inaasahan ninyong tulong mula sa ating pamahalaan ngayong may COVID-19 pandemic at ano ang masasabi ninyo na voluntary na lang ang PhilHealth contribution ng mga OFW as ordered by the President?
MS. QUEENIE LAUDE: Well, ang inaasahan naming tulong sa Philippine government, first—una muna Secretary, sa ngayon wala po kaming natanggap na tulong mula sa government ‘no, any government agencies here except sa bayanihan act ng mga Filipino Community here. So ‘ayun po, ang inaasahan po namin na tulong sa ating gobyerno ay sana iyong agarang tulong ng relief goods. Hindi po iyon inaksiyunan ‘no, walang aksiyon na—except of course sa aming police attaché na si Col. Macapas(?), tumulong siya together with the Filipino community. Salamat doon, Colonel.
And about naman sa ano, sa ating PhilHealth, nagkagulo po ang mga Overseas Filipino here dahil sa mandatory na ini-release ng PhilHealth ‘no, noong una. And sana iyong sa COVID, nagkaisa kami ‘no even there are some differences pero sinet aside po namin iyon. Pero noong sa ano na ng PhilHealth, mayroon nang nagagalit kay PRRD, so ngayon mabuti naman at iyon ay hindi po napatupad, at salamat doon. Salamat, salamat.
USEC. IGNACIO: Queenie, ano iyong tulong naman po na ibinibigay sa inyo ng French government diyan sa ating mga kababayan na apektado pa rin ng krisis?
QUEENIE LAUDE: Dito po sa France, iyong documented and also undocumented as long as mayroon silang … declared sila or mayroon silang pay slip, mayroon po kaming tinatawag na ‘chômage partiel,’ which means temporary unemployment, makaka-receive po ng 80% of their salary. So ang kawawa po dito ay iyong no work, no pay.
SEC. ANDANAR: Okay, Queenie, ano ang mensahe mo sa mga kapwa OFW—ay hindi ka pala OFW diyan, ikaw pala ay isang migrant—pero sa mga kapwa Pilipino mo na OFW at kapwa Pilipino mo na migrant diyan sa Paris?
QUEENIE LAUDE: Ako ay nagpapasalamat, unang-una, Secretary Martin, I have to mention all the associations who helped the Bayanihan Act, the Development in Diversity and Solidarity Paris, the Filipino (unclear), the CGAP or Committee General Association Philippine-France, Filipino Convergence Organization, (unclear), Filipino Social Service in France, Guardians Brotherhood in France, United Guardians in Paris, Balikatan in South of France of Father Bernie Alejo, and of course, the Development in Diversity and Solidarity Europe because we extend our help, our organization extend our help in Madrid, Spain and in Athens, Greece.
So ayun po, nagpapasalamat ako sa mga Filipino here in France dahil sa bayanihan natin na ginagawa. Kindness is contagious. Salamat po at ipagpatuloy lang po natin ang ating pagtutulungan dahil sa panahong ito, wala pa po tayong natanggap na tulong galing sa Philippine government.
At nananawagan po kami para po doon sa POLO AKAP Program, sana naman—ang ibig sabihin kasi nila ng AKAP is Abot Kamay Ang Pagtulong. Sana naman tutuparin ninyo na abot-kamay ang pagtulong doon sa mga no work, no pay dahil inaasahan po nila iyon. Hindi po iyong nag-submit nga po ng form pero idi-deny ang kanilang ano. So sana po ay tugunan natin iyong mga kababayan natin na no work, no pay dahil hindi po madali sa amin ‘no, pang-apat po kami, ang France, sa Europe na mataas ang ano, marami pong patay dito sa bansang France.
And ang POLO din namin is wala din dito sa France. Kami ay magsa-submit pa doon sa Madrid so sila po ang mag-a-approve para sa mga nagsa-submit ng mga form for the POLO AKAP Program.
SEC. ANDANAR: All right. Maraming salamat sa iyong panahon, Kabayan Queenie Laude mula diyan s Paris, France. Ipaparating natin sa DOLE ang inyong concerns.
USEC. IGNACIO: Okay. Samantala, alamin na natin ang pinakahuling bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa. As of 4 P.M. ng May 4, 2020, ayon po sa tala ng Department of Health, mayroon ng 9,485 cases ang nagpositibo sa COVID-19 sa bansa; 1,315 ang naka-recover na mula sa sakit; at 623 naman ang pumanaw.
Samantala, silipin naman natin ang bilang ng recoveries at mga pumanaw dahil sa COVID-19 sa nakalipas na isang linggo. Kahapon ay muling naitala ang pinakamataas na bilang ng recoveries na umabot sa 101, on average 55 katao ang gumagaling sa sakit kada araw; samantalang labing-anim naman ang pumapanaw. Iyan po ay sa nakalipas na isang linggo lamang.
Sa kasalukuyan, 1,315 ang kabuuang bilang ng recoveries, doble ang taas nito sa total number of deaths na 623.
Samantala, alamin naman natin ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases buong mundo. Ayon po sa Johns Hopkins University and Medicine, mayroon ng 3,578,301 COVID-19 cases sa buong mundo kung saan 1,162,279 na ang naka-recover, habang 2,551 ang nasawi. Nasa 41st puwesto naman ang Pilipinas sa may pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Dumako naman po tayo sa…
SEC. ANDANAR: All right. Oras po natin 12:04 ng tanghali. Magandang, magandang tanghali, Luzon, Visayas, Mindanao. Salamat po sa mga kawani ng pamahalaan na nakasama natin ngayong umaga at ang mga nakasama nating nagbalita ngayong araw na ito, of course, Rocky.
USEC. IGNACIO: Bigyang pugay din natin ang Filipino Sign Language Access Team for COVID-19 para po sa walang sawang pagsuporta sa ating programa. Mabuhay po kayo.
SEC. ANDANAR: At diyan po nagtatapos ang ating programa ngayong araw. Salamat sa KBP (Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas) at salamat din po sa GMA/DZBB. Mula po sa Presidential Communications Operations Office, ako naman po si Secretary Martin Andanar.
USEC. IGNACIO: Mula pa rin po sa Presidential Communications Operations Office, ako naman po si Usec. Rocky Ignacio.
SEC. ANDANAR: Salamat din po sa DZMM at sa Radyo Bandera, at salamat din po sa DZRH at salamat din po sa Bombo Radyo, RMN.
Laging tatandaan, basta’t sama-sama at laging handa kaya natin ito. Hanggang bukas muli dito po sa Public Briefing #LagingHandaPH.
###
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)