Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar and PCOO Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location People’s Television Network, Inc. (PTV), Quezon City

SEC. ANDANAR: Magandang araw po sa lahat ng ating mga kababayan sa buong bansa, ngayon po ay November 16, 2020, araw ng Lunes. Ako po ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar mula sa PCOO. Good morning, Rocky.

USEC. IGNACIO: Good morning, Secretary Martin. Tuluy-tuloy ang ating pagtutok sa patuloy na pagresponde ng ating pamahalaan sa mga nasalanta ng Bagyong Ulysses nitong nagdaang linggo. Sama-sama po tayong bumangon at harapin ang bagong linggo na may pag-asa. Ako naman po si Usec. Rocky Ignacio.

SEC. ANDANAR: Laging tandaan, basta sama-sama at laging handa, kaya natin ito. Ito po ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Simulan po natin ang ating talakayan: Trahedya ang inabot ng ating mga kababayan sa Cagayan Valley dahil sa malawakang pagbaha na naranasan sa buong rehiyon. Ang sinasabing pinakamatinding pagbaha na naranasan sa Region II sa loob na apatnapung taon. Kumustahin natin ang sitwasyon sa Quirino Province sa mga oras na ito, makakapanayam po natin ang ama ng Lalawigan ng Quirino, Governor Dakila Carlo Cua. Magandang umaga po sa inyo, Governor. Welcome back to the Public Briefing.

QUIRINO GOVERNOR CUA: Magandang umaga po, Sec. Martin at Usec. Rocky at sa lahat po ng nanunood. I hope everybody’s safe po.

SEC. ANDANAR: Yes. Governor Dax, kumusta po ang Lalawigan ng Quirino noong kasagsagan ng Bagyong Ulysses? Nagkaroon din daw ba ng—well, nagkaroon din daw ng pagbaha at landslides sa ilang mga lugar sa Quirino, Gov.

QUIRINO GOVERNOR CUA: Tama po, Sec. Martin. Iyong nasabi ninyong apatnapung taon nang hindi nakikita iyong ganiyang pagbaha, ako ay isang testigo na ngayon ko lang nakita ang ganoong paglaki ng tubig na parang hindi mo ma-imagine na talagang lumaki nang husto ang ilog sa—siguro hindi lang naman Ulysses pero iyong sunud-sunod, iyong ilang bagyo na nagdala ng napakaraming ulan at tubig. At siyempre, itong si Ulysses ang pinakahuli at nagdala ng pinakamaraming tubig din kaya ang dami pong nabaha.

Iyong mga ilog namin ay tumaas, iyong mga tulay namin ay na-submerge, ang dami naming hindi passable na kalsada. At iyong nasabi ninyo pong mga landslides, iyong isang problema natin dahil lalo na po dito sa Quirino, kabundukan po kasi itong lugar namin kaya marami kaming mga ka-barangay na na-isolate dahil sa pagguho ng lupa mula sa bundok.

So kasalukuyan namin iyang binubuksan isa-isa, unti-unti hangga’t kaya ng equipment ng ating probinsiya, sa tulong ng iilang mga individuals na tumutulong sa atin, patuloy nating binubuksan. Pero humingi na rin kami ng saklolo. Kanina po ay naiparating ko po sa NDRRMC sa pamumuno ni Secretary Lorenzana na kung puwedeng pakikatok naman, hingian ng tulong ang DPWH at iyong ating mga engineering brigade po ng military para po makatulong sa pagbubukas ng mga kalsada po.

SEC. ANDANAR: Hanggang ngayon ba ay mayroon pa rin pagbaha o ito po ba ay humupa na, passable na ba ang karamihan sa mga daan sa Quirino?

QUIRINO GOVERNOR CUA: Sec. Martin, iyon pong mga main thoroughfares, iyong mga na-submerge na mga tulay ay okay na po; nadadaanan na po ngayon. Ang hindi pa rin po passable ay iyong mga iilang barangay na na-isolate dahil sa pagguho nga po ng bundok. So iyon ang patuloy naming binubuksan para makalabas din iyong mga produkto at iyong mga kababayan namin na kailangang pumunta sa bayan at sa ibang lugar. So iyon po ang tinututukan namin ngayon.

Pero doon sa pagbaha po ng ilog, medyo nag-subside na po substantially at passable na po iyong mga tulay natin along the main thoroughfares.

SEC. ANDANAR: Despite the preventive evacuation ay nagkaroon pa rin daw ng casualties sa Quirino, Governor. Ilan po ang estimated na pamilya naman at indibidwal na naapektuhan ng bagyo mula sa inyong lalawigan?

QUIRINO GOVERNOR CUA: Sec. Martin, sa tingin ko po sa ganitong  magnitude ng disgrasya, medyo karamihan, if not all, in one way or another in their livelihood, sa kanilang hanapbuhay, sa kanilang agriculture, sa kanilang farming, napakaraming apektado dito, Sec. Martin. Pero ang naging casualty po natin ay pito lamang, iyong isa po ay isang 10-year old na bata na nadulas habang siya ay …nag-evacuate siya doon sa isang barangay evacuation center at hindi siguro nabantayan nung kaniyang nakakatandang kapatid, nadulas, nahulog doon sa tubig at natangay na. So iyon iyong isang casualty na bata.

And we have six other casualties na… although kababayan namin sila, sila ay natabunan ng lupa dito sa bandang Runrono. Ito ay isang lugar, isang mining site dito sa boundary ng Nueva Vizcaya at Quirino so bandang Nueva Vizcaya na po nangyari iyong insidenteng iyon. Anim na kababayan namin ang nag-perish doon sa lugar na Runrono.

SEC. ANDANAR: Governor Dax, kumusta na po ang mga nasa evacuation center pa rin?

QUIRINO GOVERNOR CUA: Iyong mga evacuation centers po, karamihan po ay nagbalik na po sa kanilang mga tahanan. Kukonti na lang po ang naiiwan sa evacuation centers natin. Ito mainly, iyong mga naiwan diyan ay iyon talagang severely affected iyong kanilang bahay o ‘di kaya iyong iilan na natangay talaga iyong kanilang bahay ‘no, nadala ng ilog. So iyong bahay nila kasi tinayo nila sa tabi ng mismo ng ilog kaya noong lumaki iyong tubig, Secretary, talagang nakita daw niya, inanod na daw ng tubig iyong kaniyang buong bahay. At kawawa itong isang tinutulungan natin ‘no, si Manang kasi kababalo lang niya. Namatay ang kaniyang husband about three months ago at on the way siya na magkaroon ng… buntis siya ngayon, so iyon ang isang taong tinutulungan talaga natin dahil medyo malaki ang kaniyang problemang kinakaharap.

SEC. ANDANAR: Governor, may estimate na ba kayo sa total cost ng damage diyan po sa Quirino after the Typhoon Ulysses?

QUIRINO GOVERNOR CUA: Mayroon kami pong mga initial estimates pero hindi pa po talaga kumpleto, Secretary. Tulad ng karamihan ng mga disaster, hindi talaga makolekta kaagad kasi nga may mga isolated areas at iyong mga paglikap ng information from different concerns – infrastructure, agriculture, etc – napakarami po.

Definitely po ang mga main areas of concern namin, substantially medyo malaki ang damage sa infrastructure. Kailangan po talagang i-retrofit ang ilang mga tulay and highways natin para siguradong may pagdadaluyan ng tubig at hindi nagkakaroon ng impounding. Siyempre, nandiyan po iyong mga nawalan ng bahay o nasira ang bahay, so iyong DSWD emergency shelter assistance will go a long way in helping those people who lost their homes or nasira iyong bahay.

And siyempre ang isang main concern po ng Quirino Province ay iyong agrikultura. So iyon nga po ang panawagan natin kung puwedeng magkaroon ng cash assistance or some aid programs for our rice, corn and other vegetable and other crops farmers para makabangon naman. Two hits na po ang natanggap nila – una po iyong bagyo kaya hindi sila nakapag-realize ng kanilang anticipated revenues or iyong [LINE CUT]

SEC. ANDANAR: Okay, naputol ang ating linya ng komunikasyon with Governor Dax Cua. I was going to ask him kung kumusta na ang supply naman ng kuryente sa Quirino. Balikan natin si Governor once ma-reestablish natin ang communication. Governor, are you back on the line? Rocky, hindi pa, wala pang sign na si Governor ay nakabalik na. Kumusta naman from your end, Rocky?

USEC. IGNACIO: Opo. Ang Quirino Province ang naapektuhan pa rin ng sunud-sunod na bagyo. Isa na nga iyong pinakahuli dito ay iyong Ulysses.

At kahapon nga, Secretary, ang ating mga tinutukan din iyong Cagayan Valley, iyong Cagayan Province at ang Isabela. Ang Cagayan po kung saan dumating si Pangulong Rodrigo Duterte kahapon doon, maging sa Camarines Sur at isa po sa mga pangunahing direktiba nga ni Pangulong Duterte iyong mabilis na ipaabot ang agarang tulong ng gobyerno para po makabangon agad ang ating mga kababayan dito po sa hagupit ng mga sunod-sunod na bagyo. Sabi nga po ng mga taga-Cagayan at maging ni Governor Cua na talagang after forty years talagang ikinagulat nila na ganito kalala ang naranasan po nila. Secretary?

SEC. ANDANAR:   Kanina nga ay kausap ko rin si Ms. Angeline ng Philippine Information Agency sa Region II, Rocky, at nagbigay din ang Philippine Information Agency ng pansamantalang opisina dahil ang mga kasamahan natin sa media ay hindi makapag-operate dahil walang kuryente kaya maganda’t automatic naman na preparado ang Philippine Information Agency para bigyan ng masisilungan ang ating mga kapatid na media na nagtatrabaho diyan sa Region II. Please go ahead, Rocky.

USEC. IGNACIO:   Secretary, samantala, maituturing na ground zero nga ang lalawigan ng Cagayan sa naging malalang epekto ng Bagyong Ulysses sa buong probinsiya dahil sa pag-apaw ng Magat Dam na siya naman pong sinasabing nagdulot ng malawakang pagbaha sa buong lalawigan. Kumustahin na po natin ang sitwasyon ng ating mga kababayan sa Cagayan, makakausap po natin si Governor Manuel Mamba. Magandang araw po, Governor.

GOVERNOR MAMBA:   Magandang araw, Usec. Rocky. At magandang araw din po Secretary Andanar.

USEC. IGNACIO:   Patuloy po kayong nakatutok sa sitwasyon diyan sa Cagayan, so, kumusta na po ang sitwasyon ninyo diyan, bumaba na po ba iyong malaking tubig baha na dulot po nitong mga sunud-sunod na sama ng panahon?

GOVERNOR MAMBA:   Humuhupa na po. Kaninang umaga, ang reading po namin ay 8.3 na po, ibig sabihin bumaba na po from 13.1 diyan sa measuring system namin diyan sa Buntun Bridge. So, humuhupa na po ito at awa ng Diyos iyong ating national highway is passable na, except for some few na mga secondary roads po hindi pa passable.

At this point in time naman po ay nagri-relief operation po tayo using the land na po dahil for how many days po talagang hindi pupuwede iyong highway mismo natin. Tumulong po ang Armed Forces of the Philippines, ang National Police, ang air assets nila. At this point po, mayroon po tayong mga relief operation using the helicopters pa rin in some areas na hindi po maabot ng ating mga land transportation. Dito na lang po dinadala natin ang mga relief goods in some isolated areas because number one, hindi po accessible because iyong road at ang iba po ay may mga areas na hindi rin accessible because of the localized flooding in the area pa.

USEC. IGNACIO:   Governor, sa kasalukuyan po ba ay may mga kababayan pa rin tayo diyan na mas pinili munang manatili muna sa kanilang mga bubong ng kanilang mga bahay, at masasabi ninyo po ba na safe sila sa lugar na kanilang kinalalagyan ngayon sa halip na magtungo muna sa evacuation center, Governor?

GOVERNOR MAMBA:   Well, wala na po kaming mga rescue operations ngayon, relief na lang po ang ginagawa namin ngayon at masasabi ko po na, ang evacuees po kasi natin dito, 70% of our evacuees po ay nasa mga ‘Adopt a neighbor’, nakaugalian na po natin iyon, and some of them opted to stay with their neighbors. Ako ay nagpapasalamat po dahil kahit may COVID, iyong mga neighbors ay willing to accept them po and about 1/3 po naman nasa mga evacuation centers. At this point in time almost nag-uwian na rin po iyong mga nasa evacuation centers.

USEC. IGNACIO:   Pero Governor, sa kasalukuyan nga po tuluy-tuloy iyong pagdaloy ng relief sa mga pamilyang naapektuhan ng baha, kumusta naman po bukod po doon sa sinabi ninyo, ano po iyong mga na nahihirapan pa kayo na dalhan ng relief assistance?

GOVERNOR MAMBA:   Well, may mga barangays po sa Alcala na kailangang dalhin po ng ating helicopters; may barangays din po diyan sa Amulung, these are just barangays already at may mga barangays din po sa Baggao, nagri-request din sila na madalhan sila through the helicopter po.

All others naman po, kasi alam ninyo dito, Usec. Rocky, alam ninyo naman iyong national highway natin is parallel sa ating Cagayan River. Kapag umapaw na iyong Cagayan River pati ang ating national highway ay hindi na madaanan. Kaya kahit papaano po, we could not do a lot of things doon noong malaking-malaki pa iyong baha, pero ngayon po, humupa na ito at ang national highway ay nagagamit na. So, ang nagiging problema lang namin ay iyong mga secondary roads and some areas na hindi maabot dahil iyon nga po, either landslide or may mga damages iyong mga roads natin.

USEC. IGNACIO:   Governor, sa kasalukuyan nakakaranas kayo ng magandang panahon diyan at dahil sabi ninyo nga po, nagsisimula na iyong clearing operations ng ating concerned government agencies. Sa palagay po ninyo, mga gaano ang itatagal nang gagawin pong rehabilitasyon at ito hong pagkuha o pagki-clear doon po sa mga nakabara sa mga iba pang daanan?

GOVERNOR MAMBA:   Siguro po, we expect that in the next two days kung hindi na uulan ay wala na pong mga bahang areas and siguro in the next week we could clear all of these things with the help of DPWH and even our private contractors na tumutulong din po sa atin and of course, iyong mga local po – municipal and of course, the province po mismo.

So, we also expect, in fact, today po suspended pa rin ang classes in all levels and then ang ginawa ho naming parang linis day ngayon, dalawang araw din po, today and tomorrow. Iyong mga tao lalung-lalo na iyong mga government offices ay they work sa mga bahay-bahay nila para linisin iyong mga bahay-bahay nila at counted as working day pa rin po nila iyon.

So, ganoon po iyong ginawa natin dito para kahit papaano po ay we could be back as stated by the President yesterday, normality, kahit papaano po. At he saw to it po na tubig ang kailangang uunahin at pagkain and I am also very, very happy po na yesterday nadi-discuss na rin po iyong medium and long term plan para hindi na po maulit itong mga ganito.

At so far, at this point in time we still have ten deaths and still one missing. Wala pa ho, interrupted pa rin po ang electricity namin dahil tsinitsek pa rin nila dahil underwater nga kami for a long, long time. Tsinitsek po nila and siguro in the next two days po as promised by our coops dito, two cooperatives po dito – CAGELCO 1 and CAGELCO 2 – baka bumalik na rin po ang aming power.

USEC. IGNACIO:   Governor, nabanggit ninyo na rin po ito at maging nang ilan nating mga mambabatas at maging si DILG Secretary Año ay nagtanong din kung papaano po iyong proseso ng pagpapalabas ng tubig sa dam. At kayo nga po ay nabanggit ninyo na iyong sinabi ninyong class suit. So, ano po ang inyong pananaw dito po na nakikita po ng ilang mga mambabatas na dapat na rin pong silipin itong dapat na proseso at paraan ng pagpapalabas ng tubig sa dam?

CAGAYAN GOV. MAMBA:  Alam ninyo po kasi ‘no, just to give you a brief history of the dam ‘no, it has been in existent for a long, long time now ‘no. Kung tutuusin po the Province of Cagayan wala pong pakinabang diyan ‘no. Unang-una po, it is irrigating about 80,000 hectares of Isabela, not a single hectare in Cagayan and then it is also generating electricity and I know na nakikikuha din ang Ifugao diyan, may nakukuha rin ang Isabela but wala po sa Cagayan.

And alam din ho naman natin ‘no that it contributed a lot po sa flooding in our province. It’s practically inu-open mo po iyong isang river pagka in-open mo po iyong pitong outlets po niyan ‘no, iyong mga canals niyan ‘no. Kaya nga po talagang kailangan din po na makialam kami – hindi lang makialam, maki-cooperate sa amin at kailangan din po siguro tingnan din nila iyong kanilang watershed that gives the water diyan sa dam kasi nagwu-worsen din po iyong experience namin with them ‘no, sa dam ‘no kasi napakalaking tubig din po iyan na nag-i-exacerbate sa aming flooding dito.

Ina-anticipate din po natin ito ‘no, alam ho namin may mangyayaring ganito but not the magnitude of what we have gone through and this is a learning experience sa atin and I hope, I hope ‘no that this time ‘no katulad ng sinabi ng ating Presidente na the investigation of both the regulation sa dam releases including that of logging and mining ay magiging seryoso po ngayon.

At I’m very, very thankful ‘no the President palaging nandito po siya basta may major calamities ganito ‘no. This is his 5th time and all of these panay problema po iyong pinuntahan niya dito ‘no at noong Super Typhoon Lawin nandito po siya sa amin, noong Super Typhoon Ompong nandito na naman siya sa amin ‘no and then dalawang beses siyang pumunta sa CEZA para i-stop iyong contraband diyan and then ngayon po pumunta na naman siya po sa amin.

And alam ko na alam ng Presidente ang problema namin dito, most especially dito sa flooding ‘no, perennial flooding sa amin dito and kahit papaano po ‘no na-discuss po lahat ito. There were suggestions and there were moves ‘no undertaken na nagbibigay po sa amin ng pag-asa na sa lalong madaling panahon ay makakapagplano at siguro mag-i-start ito. Gino (go) signal na rin po ang investigation and of course possible regulation na puwedeng gagawin sa pagri-release ng mga dams. Pina-start niya rin po iyong investigation sa illegal logging dito at kaagad-agad na sinabi niya rin po that we should start also the dredging of the Cagayan River starting from the mouth of the Cagayan River. Ang laking tulong po at laking pag-asa, laking—we see hope after how many decades na hindi po napansin ito.

USEC. IGNACIO:  Opo. Governor, kumustahin naman natin iyong entry point sa inyong probinsiya. Tuluy-tuloy na po ba iyong—nakakapasok na using by land iyong mga rescue and relief operation at maging po iyong ating mga kasamahan sa media para po kayo puntahan?

CAGAYAN GOV. MAMBA:  Yeah. Opo kasi nag-trending pa nga po na ayaw daw namin silang pumasok – that’s not true po ‘no. Mayroon naman kaming mga testing na nangyayari dito at iyong sinabi nilang quarantine ay—that’s not true ‘no. From the very start po, they are all welcome dito sa amin lalong-lalo na noong sinabi ni DILG Secretary that we have to relax itong mga COVID, anti-COVID protocols for as long as we have the testing. Ang dami pong media dito since the very start ‘no – national, international, local media – they have always been welcome po dito.

Diri-diretso na po ano, by land ‘no, through Ilocos, mayroon din po dito sa Isabela diretso na po lahat iyan ‘no, wala na po tayong problema and the road ‘no, the national road from Tuguegarao up to Aparri okay na rin po. Kung may problema pa kami, it’s the secondary road na lang, iyong mga papunta sa barangay, iyon na lang po and some na mga papunta sa mga towns. Otherwise parang kuwan na rin po, parang dati na rin po.

USEC. IGNACIO:  Okay. Tungkol naman po doon sa gagawing task force o pinabuong task force ni Pangulong Duterte para po sa rehabilitation ng Cagayan, sa palagay po ninyo paano po ito makakatulong sa mas mabilis pong pagbangon ng inyong probinsiya?

CAGAYAN GOV. MAMBA:  Well, sa totoo lang po ‘no may mga initial steps na rin po kami nagawa diyan ‘no. We have the Inter-Agency Committee on the Restoration of the Cagayan River ‘no. We started that months back ‘no with Secretary Cimatu and of course Secretary Villar ‘no kaya in a way po naka-start na po kami diyan ‘no so dredging na lang po. Kaya ang laking tulong po iyong push na sinasabi ni Presidente doon sa mga initiative na ito ‘no especially on the restoration or the dredging of the Cagayan River.

So it’s just a matter of time na po iyan and we hope that we could start within this year, the dredging itself. Kasi kung magagawa po namin ito, mami-mitigate namin talaga ang effect ng flooding dito sa amin ‘no. We could open iyong channel mismo na labasan at daluyan ng tubig at the same time we will also be opening our port, the Port of Aparri, the only major port in the north ‘no if we could dredge the Cagayan River and that is our international trade po, connection namin sa especially China, Taiwan na kuwan na po ito, A market, a very big market of any of our agricultural, even our livestock, including that of our aqua culture po ‘no. This is a very big market po kung ma-open po namin ito.

Kaya we see a lot of hope and we see a lot of light ‘no in the future and this is not only for Cagayan po but the entire region or even entire northern Luzon. Kaya nga po sinasabi namin that it’s now time ‘no to consolidated, it’s now time to cooperate, it’s now time to have an inter-regional and inter-provincial plans towards ito nga po, restoration of our river, restoration of our port and of course the rehabilitation of our environment, most especially itong forest po namin.

USEC. IGNACIO:  May mensahe pa kayong nais idagdag at paalala sa ating mga kababayan? Go ahead po, Governor.

CAGAYAN GOV. MAMBA:  Unang-una po, nagpapasalamat ako sa ating Pangulo ‘no. Thank you so much Mr. President ‘no, you really gave hope sa amin. You also gave direction sa amin. So anyway maraming, maraming salamat po talaga ‘no with all the help and the assistance at iyong pagmamahal na nakita namin sa inyo ‘no. Maraming, maraming salamat po.

Lahat po ng mga tumutulong ngayon ‘no – our neighboring provinces, our neighboring—even as far as Manila, lahat po ng binibigay nilang mga assistance po sa amin maraming, maraming salamat po. At again ‘no, huwag ho tayong mawalan ng pag-asa ‘no. Nakita po natin kung papaano tayo nagkakaisa sa mga problemang ito. Kaya po natin ito with the help of the national government, with the help of our neighbors and all of us helping out together lalong-lalo na po naging ugali na po natin iyong nagkakaisa sa mga ganito. Wala hong rason na hindi rin tayo magkakaisa sa mga plano natin in the future.

Again, maraming salamat po kay Secretary Andanar ‘no, Usec. Rocky. Maraming, maraming salamat po sa mga oras na binibigay ninyo sa amin.

USEC. IGNACIO:  Okay. Maraming salamat po sa inyong panahon, Governor Manuel Mamba mula po sa Cagayan.

CAGAYAN GOV. MAMBA:  Dito si Senator Imee, kararating lang nila ni Governor Albano ‘no, kararating po nila. Andiyan si Governor Pogi nandito rin po sa amin ngayon and I am very, very thankful nandito sila to help us out sa mga problema namin.

USEC. IGNACIO:   Maraming salamat po, Governor Mamba.

SEC. ANDANAR:  Maraming salamat po. Mabuhay po kayo Governor Mamba. Balikan po natin si Governor Dax Cua ng Quirino Province. Governor Dax…

QUIRINO PROV. GOV. CUA:  Yes, Secretary, magandang umaga ulit.

SEC. ANDANAR:  Good morning ulit, Governor Dax. Kumusta naman po ang supply ng kuryente diyan sa inyo sa Quirino at ang signal din ng inyong telekomunikasyon, internet kumusta ho?

QUIRINO PROV. GOV. CUA:  Iyong aming kuryente ay halos fully restored na po. As early as two days ago eh 50% restored na po iyong mga nawala. Ang nawalan lang naman po ay dalawang bayan and both were electrified after a day and a half tapos—substantially. Tapos ngayon po halos kumpleto na po lahat except nga po iyong mga lugar na talagang medyo malayo at hindi maipasok dahil nga may konting accessibility problem doon sa roads nila dahil sa landslides. Other than them okay naman po; at iyong telecommunication namin ay back to normal din naman po.

SEC. ANDANAR:  Nag-mobilize din daw, Governor, ang inyong lalawigan ng augmentation team papuntang Cagayan at Isabela. Please tell us more about this.

QUIRINO PROV. GOV. CUA:  Oo nga, Sec. Martin, ako’y tunay na na-inspire na nabilib ako sa mga … sa kabutihang-loob ng aking mga ka-probinsiyahan, fellow Quirinians dahil alam ko nabagyo din sila, alam kong nasalanta rin sila kahit paano. Pero siguro nakikita nila, there are others who are more in need at nakuha nilang sumugod pa sa Cagayan, sa Tuguegarao, sa Isabela. Nandoon pa rin sila ngayon. So they have rehab plan for a 6-day stay, dala-dala po nila iyong kanilang mga rubber boats, iyong mga bangka, dala-dala nila iyong mga tali para sa mga na-stranded at may dala-dala  rin kaunting relief goods na maipapamahagi.

At doon sa mga kababayan ko na nagbigay din iyong mga private individuals ng mga donations, iyan po, iyang mga donations  na iyan  ay parang mga damit, bigas, mineral water, etcetera. Isang Facebook post lang ang katapat ay ang dami rin naman palang generous namin na ka-probinsiya na nagbigay ng tulong. So, nakakabilib. Pero siguro, Sec, gusto ko lang sabihin na some of these donations, we will also allocate to our own ka-probinsiyahan, iyong mga naapektuhan, pero siguro we still go to Cagayan and Isabela.

SEC. ANDANAR:  Governor, mensahe po ninyo para sa mga kababayan natin sa Quirino at sa buong Rehiyon ng Cagayan Valley.

GOV. CUA:  Napanood ko, napakinggan ko si Governor Mamba. Ako ay sumasang-ayon na sa ganitong panahon ang pinakamahalaga ay maalala natin na may bukas pa at may pag-asa pa at mayroong mga kababayan nating mabuti ang loob na tutulungan tayo. So, hindi dapat mawalan ng pag-asa, dapat lang matibay ang loob at dadating naman ang tulong, ako ay naniniwala. Salamat sa inyo, Sec. Martin for letting us speak to our countrymen na nagbibigay ng tulong. Salamat po sa inyong lahat na nagdo-donate at nagsu-support sa mga relief efforts po at rescue efforts.

SEC. ANDANAR:  Anytime, Governor Dax Cua. Mabuhay po kayo, sir. Mag-ingat po kayo, sir. Maraming salamat po.

GOV. CUA:  Salamat din.

SEC. ANDANAR: Nasa kabilang linya naman ng ating komunikasyon si Undersecretary Jonas Leones mula sa Department of Environment and Natural Resources. Magandang umaga po sa inyo, Usec. Welcome to the public briefing.

DENR USEC. LEONES:  Magandang umaga, Sec. Martin, Usec. Rocky at sa mga nakikinig po sa atin.

SEC. ANDANAR:  Undersecretary, marami ang nagsasabi na ang sunud-sunod na kalamidad na dumarating sa ating bansa  mula pa lang nitong January, sa pag-aalburoto ng Taal Volcano hanggang sa mga bagyo ay dulot ng  climate change.  Ano po ba ang ginagawang hakbang ng DENR para ipagpatuloy ang laban ng Pilipinas dito sa pagbabago ng klima sa gitna pa rin ng COVID-19 pandemic?

DENR USEC. LEONES:  Tama po iyan, Sec. Martin, talagang itong nangyayari po sa atin, despite our efforts to rehabilitate our forest through our National Greening Program, talagang ang pagbabago ng klima, talagang hindi po natin maiiwasan, nandito na po sa ating paligid iyan. Ang kinakailangan na lang po natin ay talagang mag-adapt dito sa mga epekto ng climate change. Kagaya po rito napansin natin sa Cagayan, malakas po talaga ang tubig na dumaan, bagyong dumaan diyan at maraming tubig na bumaba kung kaya’t nagkabaha diyan, nagkaroon ng flooding sa Cagayan.

So, ang gagawin na lang po natin para po maka-adapt tayo diyan, siguro makikipag-coordinate po ang ating departamento, ang mga Secretaries po natin, Secretary Cimatu at Secretary Villar kung papaano po magkaroon ng mga infrastructure development diyan. Unang-una po ang sabi po ni Governor Mamba  na talagang kailangan po lawakan at i-dredge iyong river system natin diyan sa parting Alcala, dahil po talagang hindi natin maiiwasan, talagang kapag nagbago po ang klima talaga, talagang kinakailangan po eh may mga gawin tayong mga bagay, mga proyekto. At sa aming department po ay tuluy-tuloy pa rin ang aming National Greening Program, pagtatanim po sa kagubatan para at least ma-cushion po iyong epekto ng climate change.

SEC. ANDANAR:  Zoning-in on the recent onslaught of Typhoon Ulysses, hindi raw magiging kasing-devastating ang sinapit ng mga probinsiya sa Luzon kung hindi damaged itong Sierra Madre. Kumusta ba ang efforts na ginagawa ng DENR para mapangalagaan nga itong Sierra Madre?

DENR USEC. LEONES:  Secretary Martin, talagang ang Sierra Madre isa po sa talagang kino-consider nating protected area, ito po iyong pinakamahabang mountain made natin, mula po sa Cagayan Province hanggang sa Quezon po haba ng Sierra Madre. Ang ginagawa po natin diyan, talagang totoo po na maraming logging diyan, although masasabi ko po na 70%  pa rin ang Sierra Madre ay vegetated. Ang nangyari po diyan talagang ang pagtanim po natin talaga ay nandoon sa upstream. Dahil doon po talaga bumabagsak iyong mga ulan, naiipon po doon iyong tubig.

So, ang ginagawa po natin diyan ay talagang continuous iyong ating pagtatanim. Iyong atin pong enforcement, lalung-lalo na sa mga illegal logging at nagbibigay na rin tayo ng livelihood sa mga communities diyan, kasi napansin po natin, aside from commercial logging, kino-convert po ng mga community natin diyan iyong forest land natin  into agriculture land, nagtatanim po sila ng mga cash-crops dito sa sloping area.

So, ang ginagawa po ng DENR, nagkakaroon po tayo ng massive information dissemination campaign na huwag na nilang i-convert ang forest land natin at nagbibigay po tayo ng mga livelihood programs. Ang binibigay po nating seedlings sa kanila, hindi na po mga fast crop, mga perennial crops na po, iyong mga agro-forestry crops, para po ito ay magbigay sa kanila ng  pagkain and at the same time maprotektahan  po iyong  ating kagubatan.

SEC. ANDANAR: May mga panawagan or calls online na dapat daw ipatigil ang anumang mining at logging activities sa Sierra Madre regardless kung legal or illegal ang mga ito. May mga petisyon ding pigilan ang panukalang Kaliwa Dam na kapag naipasa ay magko-cause ng massive deforestation dito po sa Sierra Madre. Ano po ang tugon o reaksiyon ng DENR dito?

DENR USEC. LEONES:  Sa una pong tanong, Sec. Martin, iyong tungkol po doon sa pagmimina. Dito po sa Sierra Madre, dito po sa Cagayan Province. Wala po tayong masyadong mining diyan, dahil po protected iyan – Northern Sierra Madre Natural Park po iyan, so bawal po diyan ang pagmimina. Dito lang po sa parting Vizcaya mayroon tayo at ito po ay sinisigurado po natin sa DENR na ito po ay nagko-comply sa ating environmental laws. Hindi po mangingimi ang DENR kung talagang ito po ay nakakasira at nagba-violate sa ating environmental laws, talagang ipapatigil ng DENR. Ito po ang kautusan ng ating Kalihim, Secretary Cimatu na dapat ma-comply sila sa ating environmental laws.

Dito naman po sa sinasabi nilang iyong isang tanong po natin na. Ano po uli, Sec. Martin iyong isang tanong natin pangalawa, hindi ko po nakuha.

SEC. ANDANAR: Iyong pangalawang tanong ay mayroon pong kinalaman din sa Kaliwa, sa massive deforestation nga dito sa Sierra Madre and the other question was about the Kaliwa Dam, Usec?

DENR USEC. LEONES:  Iyong Kaliwa Dam po kung ang kinakatakot po nila ay magkakaroon ng massive deforestation, palagay ko po, hindi po naman papayag ang ating departamento kung masisira po ang ating kagubatan diyan. Pero sa amin pong pananaw, ito po ay dumadaan sa masusing pagri-review sa mga dapat nilang i-comply. Dapat po hangga’t maaari wala pong masisira na mga puno at dapat maigi po iyong konsultasyon na ginagawa natin diyan.

Ako po ang personal  na pananaw ko po,  dahil nga po  may climate  change po na nandiyan,  nabanggit ko po kanina na kailangan natin mga infrastructure development. Isa po sa mga naiisip na paraan, ito pong Kaliwa, dahil bukod sa ito ay magbibigay sa atin ng sustenableng suplay ng tubig, ito rin po ay maaari nating maging flood control, itong mga dams na ito, dahil kung talagang malakas po, Sec. Martin, ang tubig, ang bagyo, kailangan po magkaroon tayo ng kaunting pampahinto doon sa daloy ng tubig na bababa po sa kapatagan. So ito pong mga dams na ito makakaasa po ang ating mga kababayan na titiyakin natin na sa paggawa po sa Kaliwa Dam, bago po tayo magbigay ng permit diyan, dapat po masusi ang pagri-review. At kailangan ma-ensure natin that they will be complying with all our environmental laws and forestry laws.

SEC. ANDANAR:  Panghuling tanong na lang po, Usec. Jonas Leones, mula po kay Ichu Villanueva ng Philippine Star. Ito pong reaksiyon ninyo sa sampung minero na namatay dito po sa Nueva Vizcaya mining site dahil po sa bagyong Ulysses?

DENR USEC. LEONES: Kami po sa aming department nakakalungkot din po dahil taun-taon na lang at lagi pong may mga bagyo at nakikita na rin po natin na iyong pagmimina ay minsan iyong mga kababayan natin ay doon umaasa. Kaya nga po ang ating DENR sa pamamagitan po ni Secretary Cimatu ay nag-utos po sa ating mga regional offices na kailangang sundin po iyong ating tinatawag na geo-hazard mapping. Lahat po ng lokal na pamahalaan, binigyan po natin ng geo-hazard map at saka list of flood prone and landslide prone areas. Ito po ay ina-assess ng ating departamento na para po maging guide sa ating mga lokal na pamahalaan kung saan po talaga pupuwede lang magmina, kung saan po pupuwedeng mag-resettle ang ating mga community.

Siguro ito po ang nangyari sa sampung minero na namatay, siguro po medyo hindi po napapaalalahanan na talagang delikado po lalung-lalo na kung may mga bagyong ganiyan,  dapat po talaga umiiwas po tayo sa mga lugar na iyan para masigurado po ang ating safety.

Siguro po sa mga susunod po na mga daraan pang panahon, araw, papaigtingin pa po namin ang aming information campaign para po masiguro natin na hindi na po mangyayari itong mga nangyaring ito sa sampung minero.

SEC. ANDANAR:  Maraming salamat, USec. Jonas Leones mula sa DENR. Mabuhay po kayo, sir.

DENR USEC. LEONES: Salamat po, Sec. Martin at USec. Rocky at sa ating mga manunood.

USEC. IGNACIO:  Samantala, kumustahin naman natin ang sitwasyon ng ating mga kababayan sa Sta. Maria, Isabela. Makakausap po natin si Mayor Hilario Pagauitan. Magandang umaga po sa inyo, Mayor.

MAYOR PAGAUITAN:  Magandang umaga rin po sa inyo.

USEC. IGNACIO:  Mayor, kumusta na po ang sitwasyon ninyo diyan ngayon sa Sta. Maria? Ilan pa po bang mga barangay at residente ang naapektuhan ng bagyo at pagbaha, Mayor?

MAYOR PAGAUITAN:  As far as iyong tanong ninyo kung ilan barangay ang naapektuhan, ang totally affected po nating barangays ay lima, dahil mayroon po tayong tatlong barangay na partially affected then mayroon din the rest of the barangays likewise experienced some effect sa pagbaha po dito sa aming bayan.

USEC. IGNACIO: Mayor, may mga report po ba na nasawi o missing person sa Sta. Maria dahil sa nangyari pong bagyo at pagbaha, Mayor?

MAYOR PAGAUITAN:  So, far as of this time, we are zero casualty, wala namang nawawala at walang namatay at walang injuries so far na nangyari dito sa aming bayan.

USEC. IGNACIO:  Opo, pasalamat naman po tayo diyan, Mayor. Although nagkaroon daw po ng initial warning ang Sta. Maria LGU doon sa posibleng pagbaha, wala naman daw pong   nag-expect na magiging ganito kalala ang sitwasyon. So, paano po ang naging initial response ng city government para po tulungan iyong mga residente na naapektuhan po ng pagbaha sa kanilang mga bahay?

MAYOR PAGAUITAN:  Well, out initial action was to prepare to some evacuation movement, however some of the residents did not expect na ganoon kataas iyong tubig. So, those that expecting some levels of tubig na hindi dapat maabot ang second floor ng kanilang mga bahay, incidentally ay halos lubog na rin iyong kanilang second floor. That is why itong tubig ito is defined as one of the worst situation dito sa aming bayan. Halos ito iyong pinakamataas na, na baha since siguro hindi pa ako pinapanganak.

USEC. IGNACIO:  Pero, Mayor, kumusta po iyong inyong mga evacuation center? Kayo po ba ay mayroong kailangan pang tulong mula po sa national government?

MAYOR PAGAUITAN:  So far, nag-respond na po ang DSWD, our provincial government and other local LGUs in our neighboring towns, marami na po ang nagpadala ng pagkain dahil iyon po ang primary na kailangan na kailangan namin dito. Kasi karamihan ng mga nabaha ay, una, hindi makakaluto then of course iyong mga iba ay talagang nasira ang bahay.

We are now in the process of cleaning the roads, cleaning the barangays, incidentally mayroon pa ring mga kaunting lubog na mga areas. So we are expecting na na mag-subside na ng husto ang baha. However, medyo mahina ang pagbaba ng tubig ngayong panahon na ito.

USEC. IGNACIO:  Pero, Mayor, mayroon na pong mga kababayan natin nagsisiuwi na sa kanilang mga tahanan at masasabi po ba nating safe na bumalik sila sa kanilang mga bahay?

MAYOR PAGAUITAN:  Yes, we qualify kung puwede na silang umuwi o hindi. Bago namin sila i-release from the evacuation centers, our MDRRMO at ating mga kapulisan involved in the evacuation are qualifying whether puwede ng umuwi itong mga kababayan natin.

USEC. IGNACIO:  Mayor, maraming salamat po sa inyong pagpapaunlak. Mag-ingat po tayo, Mayor Hilario Pagauitan ng Sta. Maria. Isabela.

MAYOR PAGAUITAN:  Maraming salamat din sa inyong concern at pakikipagtulungan, para malaman ng ating mga kababayan na ang Sta. Maria ay zero casualty nitong nakaraang pagbaha at pagbagyo ng Typhoon Ulysses. Maraming salamat. God bless you all.

USEC. IGNACIO:  Salamat po. Samantala, puntahan naman natin ang mga nakalap na balita ng ating mga kasama sa ibang lalawigan sa bansa, ihahatid iyan ni John Mogol ng PBS-Radyo Pilipinas.

[NEWS REPORTING]

USEC. IGNACIO:  Maraming salamat, John Mogol ng PBS-Radyo Pilipinas.

SEC. ANDANAR:  Live ring mag-uulat mula sa Isabela si Daniel Manalastas. Go ahead, Daniel.

[NEWS REPORTING]

SEC. ANDANAR:  Salamat at ingat kayo diyan, Daniel Manalastas. Dumako naman tayo sa Cordillera Region, may balitang hatid sa atin si Jorton Campana mula sa PTV-Cordillera. Go ahead, Jorton.

[NEWS REPORTING]

SEC. ANDANAR:  Samantala, para sa ating mga balita: Pangulong Rodrigo Roa Duterte bumisita sa Cagayan Valley at Bicol Region kahapon. Narito po ang detalye:

[NEWS REPORTING]

USEC. IGNACIO:  Mga nasalanta ng Bagyong Ulysses sa Albay, hinatiran ng tulong. Narito ang report.

[NEWS REPORTING]

USEC. IGNACIO:  Ika-91 na Malasakit Center, pinasinayaan sa Probinsiya ng Antique. Panoorin po natin.

[VTR]

SEC. ANDANAR:  At diyan po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Ako po ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar ng PCOO.

USEC. IGNACIO:  Ako naman po si Usec. Rocky Ignacio.

SEC. ANDANAR:  Samahan ninyo kami ulit bukas dito sa Public Briefing #Laging HandaPH.

 

###

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)