SEC. ANDANAR: Magandang araw po sa lahat ng ating mga kababayan sa iba’t ibang bahagi ng bansa pati na rin sa ating mga tagasubaybay worldwide. Ako po ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar mula sa PCOO. Magandang umaga, Rocky.
USEC. IGNACIO: Good morning, Secretary Martin. Ngayon po ay araw ng Martes, November 17, 2020, at handog pa rin po namin ang mga sariwang balita sa ginagawang pagtutok ng ating pamahalaan upang matulungan ang lahat ng nasalanta ng Bagyong Ulysses, gayun din ang health crisis na patuloy nating nararanasan. Ako naman po si Usec. Rocky Ignacio mula pa rin sa PCOO.
SEC. ANDANAR: Laging tandaan, basta sama-sama at laging handa, kaya natin ito. Ito po ang++ Public Briefing #LagingHandaPH.
Umakyat na sa 374,366 ang bilang ng mga gumaling mula sa COVID-19 sa bansa matapos itong madagdagan kahapon ng 45 recoveries. Pito naman ang naitalang mga bagong nasawi na may kabuuang bilang na 7,839. Nasa 409,574 na ang bilang ng mga nagka-COVID19 sa bansa na nadagdagan ng 1,738 kahapon. Kahapon ay muli namang umangat ang reported cases na pumalo nga sa mahigit 1,700, ito na ang pangalawa sa pinakamataas na bilang sa nakalipas na isang linggo.
Ang Lungsod ng Davao ang pinagmulan ng pinakamataas na bilang na umabot sa 140 cases. Ang Cavite ay nakapagtala rin ng 117 new cases. Nasa ikatlong puwesto naman ang Rizal na may 89 cases. Hindi nalalayo ang Laguna with 87 cases; Batangas na may 79 na bagong kaso ng COVID-19.
USEC. IGNACIO: Mula po sa 6.3% noong Linggo ay umangat pa sa 6.7% ang total cases ng mga aktibong kaso, katumbas ito ng 27,369. Maliit na bahagi o 0.20% sa bilang nito ay moderate cases lamang; nasa 3% ang severe; 5.3% ang critical; ang mga walang sintomas o asymptomatic ay nasa 8.5%; samantalang malaking bahagi o 83% ay mild cases lamang.
Sa kabila po ng ating sitwasyon ngayon na dulot ng mga sakuna, hangga’t maaari po ay panatilihin natin ang physical distancing. Ugaliin din ang pagsusuot ng face mask lalo na kung tayo ay lalabas ng bahay. Muli po, maging BIDA Solusyon sa COVID-19.
SEC. ANDANAR: Para sa inyong mga katanungan at concerns tungkol sa COVID-19, maaari ninyo pong i-dial ang 894-COVID o kaya ay 894-26843. Para po naman sa mga PLDT, Smart, Sun at TNT subscribers, i-dial ang 1555. Patuloy rin kayong makibalita sa mga pinagkakatiwalaang sources ng impormasyon tungkol sa COVID-19, maaari ninyong bisitahin ang covid19.gov.ph.
Para sa ating mga balita: Pitong panukalang batas na magpapalakas sa mga lokal na ospital sa bansa naisabatas na. Narito ang ulat: [VTR]
USEC. IGNACIO: Mga market vendors sa Capiz nakatanggap ng ayuda mula sa ating pamahalaan. Narito ang detalye: [VTR]
SEC. ANDANAR: Senador Bong Go naghatid ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo sa Malinao, Albay. Panoorin po natin ito: [VTR]
USEC. IGNACIO: Senator Bong Go personal na binisita ang mga naapektuhan ng Bagyong Ulysses sa bayan ng Marikina. Ang karagdagang detalye sa report na ito: [VTR]
Samantala, nasa kabilang linya natin ang gobernador po ng Lalawigan ng Isabela, si Governor Rodito Albano III. Magandang umaga po sa inyo, Governor.
GOVERNOR ALBANO: Magandang umaga sa inyong lahat diyan, magandang umaga kay Secretary Andanar. Sino pa iyong kasama ninyo diyan?
USEC. IGNACIO: Si Rocky Ignacio po ito, Governor.
GOVERNOR ALBANO: Rocky, oo.
USEC. IGNACIO: Governor, kumusta na po ang inyong probinsiya ngayon matapos po iyong—?
GOVERNOR ALBANO: Medyo umaaraw na, bumababa na iyong tubig. Nakikita ko na iyong mga ano ng tulay at on the road to recovery na kami pero may post-flood scenario tayo. Baka pumasok iyong mga dengue, alam mo na kailangan maglinis. Kailangan palakasin iyong resistensiya ng ating mga kababayan, pagbibigay ng vitamins, mga itlog, mga kung anu-ano pa para at least hindi sila tamaan ng COVID, hindi sila tamaan ng sakit, ng pneumonia. Siyempre, kung galing kang ano, ang daming sakit na lumalabas eh, iyan muna ang iisipin muna natin ngayon.
USEC. IGNACIO: Alam po natin, Governor, na talagang napakalaking hamon sa inyong lalawigan iyong pangyayari pero batay po sa initial report ng Office of Civil Defense, tinatayang nasa P73-Million po iyong napinsala sa agriculture sector, samantalang 39.8 million naman po iyong pinsala sa infrastructure ng Region II. Sa Isabela po, Governor, specifically, magkano po ang inabot na pinsala sa agrikultura maging po sa infrastructure natin?
GOVERNOR ALBANO: Mag-a-assessment pa muna kami ngayon, magmi-meeting kami ng mga mayors namin ngayong alas-dos at kasalukuyan pa kaming nagbibigay ng relief para sa ating mga kababayan dito sa Lalawigan ng Isabela.
Actually, naapektuhan dito iyong northern part ng Isabela. Kasama nga namin si Ivana Alawi dito na nagbigay ng tulong at ngayon nagbibigay ng tulong dito sa mga nasalanta ng bagyo, nagbigay pa ng pera itong batang ito.
USEC. IGNACIO: Sa kasalukuyan po, ano iyong mga bayan na lubog pa rin sa baha at kumusta po iyong paglilinis natin lalo na sa mga kalsada? Naging passable na po ba ang mga ito?
GOVERNOR ALBANO: Yes, passable na noong kahapon pa. Noong isang araw pa passable na iyong mga kalsada, so hindi problema iyon. Ang problema na lang ngayon iyong mga ibang barangay talaga na na-isolate at pinupuntahan namin hanggang ngayon. Naglilinis na rin sila, magbibigay kami ng pagkain para lumakas, gumanda ang kalusugan nila.
USEC. IGNACIO: Governor, bigyan-daan ko lang po iyong tanong ni Joseph Morong ng GMA 7 para sa inyo po: How many evacuees and evacuation centers do you have? Will you conduct a massive testing of evacuees for COVID-19?
GOVERNOR ALBANO: Hello? Ano? For twenty? Anong sabi ninyo, for what?
USEC. IGNACIO: How many evacuees and evacuation centers po mayroon kayo sa Isabela, at kung magku-conduct daw po kayo ng massive testing sa mga evacuees for COVID-19?
GOVERNOR ALBANO: Hindi, wala kaming pera para sa ganoon, mag-aano kami ng massive testing sa mga evacuation centers. Karamihan ng mga evacuation center sa amin nalubog din kasi nga sa laki ng tubig na nag-ano sa ilog. So, ina-assess pa namin ito at niri-reorient at niri-redirect namin iyong mga resources natin towards upgrading ng mga rescue facilities at saka mga evacuation centers dito sa Isabela.
USEC. IGNACIO: Pero Governor, paano ninyo po nasisiguro na nasusunod pa rin kahit papaano iyong health at saka safety protocol po pagdating sa COVID-19?
GOVERNOR ALBANO: Ngayong wala ng baha, masusunod na iyan nang husto pero ang importante palakasin ko muna iyong resistensya ng mga tao dito. Kasi kung humina iyong resistensiya nila, wala! Kasi iyang na iyong COVID-19 sa ano iyan, tatama at tatama iyan sa kanila.
USEC. IGNACIO: Governor, may tanong din po iyong ating kasama sa media na si Evelyn Quiroz ng Pilipino Mirror: Isabela po recently experienced the worst flooding in 42 years. Will the province now study and explore various flood control measure so as to prevent flooding of similar magnitude in the future? If so, what are the possible measures?
GOVERNOR ALBANO: Actually, Isabela cannot do it alone. So, the study has to be a holistic approach towards this river basin kasi ang daming confluence ng incidence na makakapagdulot ng another flooding with this kind of magnitude.
We never expected this to happen kaya nga once in a hundred years itong nangyayaring ganito. Meaning, one percent ng chance na magkaroon ng ganitong massive flooding. So, it has to be a thorough study by the national government, hindi po kaya ng mga local governments ito.
Ang mga local governments magpu-provide lang ng management pero ang data gathering ay manggagaling talaga sa national government na kailangan sila ang manguna dito, sila iyong may mga resources gumawa ng mga study dito.
Actually, isang project study lang ng isang river basin, aabutin ka na ng hundreds of millions just for the study in which, hindi kaya ng budget ng isang probinsiya lamang iyan. Ang magagawa lang namin dito is to appeal to the national government na kailangan tulungan kami i-dredge specially iyong sa bottleneck ng Cagayan River and gumawa ng series ng mga sabo dams doon sa mga tributaries ng Cagayan River.
Kasi 38 iyong tributaries dito, kahirap kontrolin kasi iyan ang nagbibigay ng debris, iyan ang nagbubuhos ng tubig, iyan ang nagdadala ng soil dito sa river na ito o silt kung tawagin natin. So, diyan umaapaw iyong tubig, nag-o-overflow iyong tubig ng Cagayan River dahil diyan sa mga tributaries na iyan na tuluy-tuloy at hindi natin nakikita kung papaano nagka-cut.
Kasi sa taas kapag umuulan sa taas ng bundok hindi natin nami-measure iyong volume ng rain na pumapasok, bigla na lang rumaragasa iyan kung todo-todo na, parang dam ba! Minsan napupuno iyong dam kailangan nang buksan, kapag binuksan iyon o unti-unting binubuksan, kapag hindi makayanan pa rin, kapag binuksan na lahat, doon na iyon magiging isang tributary iyan na dagdag para sa pag-apaw ng tubig dito sa Cagayan River.
USEC. IGNACIO: Governor, may casualties po bang naitala sa Isabela at kung mayroon man po, ilan na po ito as of, iyong pinakahuling tala?
GOVERNOR ALBANO: As of now, tatlo namatay, dalawa iyong missing.
USEC. IGNACIO: Kami po ay nakikiramay, Governor, sa kanilang pamilya—
GOVERNOR ALBANO: Yes, thank you.
USEC. IGNACIO: Pero kumusta na po ang supply ng kuryente sa inyong probinsiya, Governor?
GOVERNOR ALBANO: Okay na, naibalik naman kaagad. Naging problema for the past two and a half days ano, pero agad namang natugunan ng cooperative namin dito sa tulong ng DOE.
USEC. IGNACIO: Governor, kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon. Alam po namin na kayo ay abalang-abala sa inyong lalawigan. Kunin ko na lamang po ang mensahe ninyo sa ating mga kababayan diyan?
GOVERNOR ALBANO: Iyon lang, na sana maging wake-up call ulit ito sa ating lahat na iyong mga signal number one, two, three, minsan eh hindi na natin nasusunod kasi hindi natin alam kung ano iyong dadalhin ng mga signal na ito either hangin or tubig. Kami kasi Signal number one lang dito and yet ganoon ang nangyari sa amin. So, wake-up call ito sa atin na kahit anong signal na ibigay ng PAGASA sa atin kailangan iyong highest alert ang gagampanan namin dito sa Lalawigan ng Isabela.
USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa inyong panahon, Governor Rodito Albano III ng Isabela Province. Keep safe po.
GOVERNOR ALBANO: Thank you, thank you po.
SEC. ANDANAR: Dumako naman tayo sa pinakahuling balita sa Cordillera Region. May balitang hatid si Eddie Carta mula sa PTV-Cordillera.
[NEWS REPORT BY EDDIE CARTA]
SEC. ANDANAR: Maraming salamat, Eddie Carta ng PTV Cordillera.
USEC. IGNACIO: Puntahan naman natin ang mga nakalap na balita ng ating mga kasama sa ilang lalawigan sa bansa. Ihahatid iyan ni Ria Arevalo mula sa PBS-Radyo Pilipinas.
[NEWS REPORT BY RIA AREVALO]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Ria Arevalo ng PBS-Radyo Pilipinas.
SEC. ANDANAR: Mula naman sa Davao Region magbabalita si Jay Lagang.
[NEWS REPORT BY JAY LAGANG]
SEC. ANDANAR: Maraming salamat, Jay Lagang ng PTV Davao.
Okay, Rocky, ang oras natin, alas onse trenta y dos na ng umaga. Alam naman natin na tuluy-tuloy pa rin ang ating coverage dito sa Bagyong Ulysses at sa ating mga nakakapanayam na mga Gobernador, Rocky.
USEC. IGNACIO: Yes, at tuluy-tuloy rin po ang ating pagpapaabot ng tulong ng pamahalaan sa mga apektado pong lugar diyan sa Cagayan Region at siyempre tuluy-tuloy pa rin po iyong pagpapaabot ng tulong ng pamahalaan dito pa rin sa bahagi ng Kabikulan at Quezon at iba pang lugar na naapektuhan pa rin po ni Rolly at ni Ulysses.
SEC. ANDANAR: Sisikapin nating kausapin din ang ating mga LGUs – ang ating Governor, ang Congressman dito sa Lalawigan ng Quezon. Magbabalik po ang programang Laging Handa, please don’t go away.
[COMMERCIAL BREAK]
SEC. ANDANAR: Sa isinagawang situation briefing noong Linggo sa Pili, Camarines Norte na pinangunahan mismo ni Pangulong Duterte para magamit sa pagriresponde at pagtulong sa mga lugar na lubhang tinamaan ng nagdaang bagyo, and to know more about this ay makakapanayam po natin ngayong umaga si Budget Secretary Wendel Avisado. Magandang umaga po sa inyo, Secretary Wendel and welcome back to the Public Briefing.
Kaya mahalaga na dapat makausap natin Rocky, si Secretary Wendel, dahil siya ang may hawak ng budget at siya ang nakakaalam kung mayroon pa tayong pondo o magkano pa iyong pondo na available pa para sa mga kababayan natin na kailangang ng relief.
USEC. IGNACIO: Kasi hindi lamang ang COVID-19 ngayon, Secretary Martin, ang pinagtutuunan ng pansin ng pamahalaan kung hindi maging po itong mga epekto ng mga kalamidad kaya nga po nagpautos na si Pangulong Rodrigo Duterte ng isang task force na pamumunuan nga po ni Executive Secretary Salvador Medialdea para daw po mapabilis iyong pag-aksiyon dito sa rehabilitasyon ng mga naging pinsala po ng sunud-sunod na kalamidad sa bansa na importante din po nating malaman kung papaano po ang magiging proseso nito, Secretary.
SEC. ANDANAR: At alam naman natin na tayo ay nasa dulo na ng taon, nasa fourth quarter at malapit ng mataas ang taon. Mayroon pa bang natitirang budget para sa ating mga nasalantang mga kababayan at para din ma-assure ang ating mga kababayan na mayroon pa ngang sapat na budget na nakalaan para matugunan ang kanilang mga pangangailangan? Subukan natin kung nandiyan na si Secretary Wendel Avisado. Secretary magandang umaga po.
DBM SEC. AVISADO: Dahil nga sa sunud-sunod na bagyo at nagpalabas ng kautusuan ang ating Pangulo na gumawa ng kaukulang aksiyon patungkol sa sobrang dami ng suliraning hinaharap ng ating mga kababayan sa Regions IV, Region IV-a, IV-B, sala Bicol; ngayon naman sa Cagayan Valley dahil nga sa Typhoon Ulysses. Gusto ko lang ipaalam sa ating mga kababayan na huwag po kayong mag-aalala at ang inyo pong gobyerno ay mayroon pong sapat na pondo para po tugunan iyong mga pangangailangan ninyo at dahil nga dito pinapamadali ng ating Pangulo ang pagri-release ng additional funds para sa ating mga local government units, particular una doon sa nasalanta ng Typhoon Quinta, sinundan ni super Typhoon Rolly at ito naman nga ngayon itong kay Typhoon Ulysses naman.
Sa ngayon po, ang balanse ng ating NDRRM funds o iyong tinatawag na National Disaster Risk Reduction Management Fund ay nasa 6.8 billion pa po ‘no. Tapos ang mangyayari po nito, dahil kulang po iyan, dinagdagan po natin na additional na 10 billion pa. So, awa ng Diyos, kung anuman ang mga pangangailangan ay siguradong matutugunan kaagad ng pamahalaan.
Ito namang 6.8 billion, ang 1.7 billion po nito ay para replenishment for quick response fund. Alam po ninyo, may mga ahensiya po tayo na binibigyan ng quick response fund at ito babanggitin ko mamaya lang. At mayroon ding natitira pa para sa Marawi na 1.87 billion at saka 4.9 billion para kung maalala ninyo iyong earthquake damage sa Regions XI and XII noong July.
Tapos po, consistent with the suggestion and proposal of Senator Bong Go, we, at DBM recommended the provision of financial assistance to local government units, to augment, para madagdagan po iyong calamity funds nila pagkatapos nilang maapektuhan ng Typhoons Quinta and Rolly, chargeable against the NDRRM fund. Ang katumbas po nito ay 1% of their IRA at we take into consideration the estimated amount of damage and number of affected populations as reported by both the OCD and the DSWD.
So, nandiyan po on the screen makikita po natin ang amount of allocation per LGU sa susunod na slide. Makikita po natin diyan ang Albay, Quezon, Camarines Sur, Catanduanes, Oriental Mindoro, Batangas, Sorsogon, Occidental Mindoro, Laguna, Marinduque, Cavite, Rizal, Camarines Norte, Masbate at Romblon.
At nagdagdag nga po tayo – ‘andiyan po sa screen – kabuuan, that’s 1.5 billion po iyan na ire-release natin baka kung hindi ngayon ay baka bukas po, basta within the week, ire-release na po natin iyan. Diretso na po iyan sa account ng mga local government units po.
Diyan po sa Albay, di lang po ang probinsya ang tatanggap, lahat po ng siyudad at munisipyo diyan sa Albay; ganundin sa Quezon at sa iba pang mga probinsya po.
Kaya nga po nagdagdag pa tayo ng 10 billion at ang mangyayari po nito similar arrangement po, dahil nagdeklara o nag-submit na ng rekomendasyon ang NDRRMC na ilagay under state calamity ang buong Luzon. So kasama po particular ang Cagayan Valley, ang lalawigan ng Cagayan at Isabela at ganoon din, maging iyong proseso, maglalagay din po tayo, maglalaan din po tayo ng pondo para madagdagan ang kanilang calamity fund at diyan po natin itsa-charge sa additional 10 billion na inilagay natin.
And we will recommend, again, the amount that will be allotted for these provinces and regions to the Office of the President for approval.
Ito po iyong mga Quick Response Fund ng bawat ahensiya, sinabi ko kanina naii-replenish po namin every time na kaunti na lang at kailangan nilang madagdagan pa. Ang Department of Agriculture, may Quick Response Fund iyan na 1.5 billion. Ito po nakapaloob sa 2020 General Appropriations Act. Ang Department of Health naman 600 million; ang Department of Education 2.1 billion; and Office of Civil Defense 250 million; ang Department of Public Works and Highways 1 billion; ang Department of Social Welfare and Development 1.250 billion; at ang National Electrification Administration 100 million.
So, makikita po natin na kung idadagdag natin, as of November 15 po, after the second augmentation natin, ang NDRRM fund has an available balance of 16.8 billion which can be tapped for new necessary expenditures para po makaresponde tayo doon sa nangyari na at mangyayari pang kalamidad – huwag naman na sanang madagdagan pa – until the end of the year.
Bale ba ho ang gusto lang nating ipaalam sa ating mga kababayan na huwag po kayong mag-aalala hindi po madalian lang din na makarating sa inyo, subalit ito po ay may proseso kasi.
Kaya naman po kami dito sa DBM dali-dali po kaming gumagawa na kaagad ng aksiyon at ang mga pondo po na sinabi ko kanina ay makakarating po sa MDS account ninyo through the Department of Finance – Bureau of Treasury, dahil sila po ang maglilipat ng pondo. Kami po mag-i-isyu kagyat ng tinatawag na SARO at saka NCA. Kaya po iyan po ang instructions talaga, bilin, order ng Pangulo na huwag kayong pababayaan at narito po ang gobyerno sa tabi po ninyo saan man tayo makarating, anuman po ang mangyari sa atin, sama-sama po tayong lahat at nandiyan po kami na tutulong sa inyo.
At sa ngalan po ng serbisyo publiko, kasama din namin ang PCOO, ang PTV4 at PNA at lahat po ng mga private television stations natin at radio station na nakikipag-ugnayan po sa atin. Magtulungan po tayo dito, makakaasa kayo na gagawin din po namin ang aming magagawa para sa ating lahat.
SEC. ANDANAR: Secretary Wendel, how are the amounts determined at paano pina-prioritize ang disbursements?
SEC. AVISADO: Ang amount po ay base po sa kanilang IRA po. So, 1% of their IRA, iyon naman pong IRA nasa General Appropriations Act na po iyan eh. So doon lang namin binase iyong 1% of their IRA as additional augmentation para po sa calamity na kinaharap nila. At ang disbursement po nito, madali lang po, dahil diretso po ito sa Modified Disbursement Account nila or system account nila na nandiyan naman po sa Bureau of Treasury, dahil ang Bureau of Treasury po ang maglilipat niyan either through LANDBANK, DBP or Veterans Bank – ito po iyong mga government banking institutions natin po.
SEC. ANDANAR: May mga tanong din mula sa mga kasamahan natin sa media. Please go ahead, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Secretary Wendel, may tanong po mula kay Evelyn Quiroz ng Filipino Mirror: DBM has so far released 87.89 billion under Bayanihan 2 to various agencies of the government. The concerned agencies have only until December to use the funds unless they properly obligate the funds. What is the procedure for properly obligating funds?
SEC. AVISADO: Ganito po, dito po sa Bayanihan 2, alam po natin na mag-i-expire ng December 19 iyan. At sa ngayon po, hinihintay lang po namin ang OP clearance para doon sa capital infusion sa LANDBANK, 18.4 billion; sa DBP 6 billion; sa Phil Guarantee 5 billion. So that’s almost 30 billion po ano. Tapos awaiting final submission lang po noong tinatawag na request for special budget release. Ang DA po mayroon pang 18.6 billion; ang CHED 3 billion; ang DPWH 1 billion; ang DILG 2.5 billion para sa contact tracing; at ang OCD mayroon pang 3.6 billion.
So, wala pa po sa amin iyong mga papeles dahil manggagaling po sa kanila, ibig sabihin po kailangan po na umaksiyon ang mga ahensiya dahil kami po wala po kaming pending dito, sa DBM po. Lahat po ng mga kumpletong papeles po nakalabas na po lahat iyong pondo except iyong awaiting clearance from the Office of the President at saka iyong mga hindi pa namin natatanggap na mga request for release of these budgets po.
USEC. IGNACIO: Secretary tanong po ni Tuesday Niu ng DZBB; pareho po sila ng tanong in Joseph Morong ng GMA 7: Aprubado na po ba ni Pangulong Duterte iyong recommendation ng NDRRMC na ilagay under state of calamity ang buong Luzon; and nakita po nila na nagba-budget na daw po kayo, magkano daw po ang posibleng abutin para dito?
SEC. AVISADO: Ini-evaluate pa po namin, dahil po ang factor of IRA allocation is cost of damage and affected families po per OCD and DSWD reports. So, maghihintay po kami ng report na iyan. Katulad din po sa Quinta at Rolly, natanggap na nga po namin, kaya po nakapagtalaga na kami o nakapag-allocate na nga po kami kung magkano iyong aabutin ng pondo na kailangan ating ibigay sa mga local government units at dito nga po sa Quinta at saka Rolly, mayroon po tayong 1.5 billion na kaagad na na-allocate diyan. At mayroon pa po tayong buffer na 500 million kung mayroon pa pong mga kailangan na mga LGUs na hindi po naisali kaagad, mayroon naman po talagang mga late na reports na dumarating. At dito po sa Ulysses naman, ganoon din po proseso natin dahil nga mayroon ng request for the declaration of state of calamity for the entire Luzon, hinihintay lang po namin ang approval po niyan, hindi pa po alam kung naaprubahan na ng Pangulo iyan.
USEC. IGNACIO: Secretary, mayroon po tayong tanong mula kay Marichu Villanueva ng Philippine Star: How would you explain po the computation of Senator Recto, government is awash with about 1 trillion cash due to underspending which can be used instead to procure vaccines and augment typhoon calamity funds? Kasi po you claim you have only 16.8 billion left.
DBM SEC. AVISADO: Para po sa NDRRM fund lang iyan po, para lang sa NDRRM fund. Iyong iba naman po kasi, sinasabi nga po natin, eh hindi naman po kara-karakang – dahil may budget silang ganiyan iri-release na po lahat iyan. Dahil po mayroon pong tinatawag na requirement for each agency and department, iyong statement of appropriation, allotment, obligation, disbursement. Kaya po hindi po kami basta-basta niri-release na lang lahat iyong pera dahil po mayroon tayong tinatawag na cash budgeting system po. Kailangan po gamitin po nila hanggang katapusan ng taon, kapag hindi po nagamit magri-revert po iyon.
So that is part of the function of DBM, iyong management part. Kaya nga po Department of Budget and Management dahil po tinutulungan natin ang mga agencies na tingnan kung paano ba nangyayari at hindi naman sinasabi na iniistriktuhan. Lamang po, kailangan pong magamit sa tama at sa tamang oras po para hindi po masayang iyong pera po. Pero po sa parte natin ngayon po, talaga namang our statistics would show that we have spent more than ano nga po eh dahil may mga borrowed funds na tayo eh more than the GAA po eh, dahil nga po dito sa pandemya po.
SEC. ANDANAR: Secretary, ano po ang inyong reminder sa ating mga manunood?
DBM SEC. AVISADO: Ang sinasabi ko lang, let’s stay together, stick together as one nation. This is not the time na magsisihan po tayo, bagkus magtulungan po tayo. Hindi naman po natutulog ang gobyerno natin, ginagawa naman po lahat ng magagawa po at makikita ninyo po mayroon din namang nakalas na ang buhay sa panig ng mga government workers po. Eh magtulungan po sana tayo at this time at saka na lang muna iyong mga issue nang hindi naman nararapat at this time po. Bagkus makasiguro lang po kayo na talagang kami po dito sa gobyerno, si President Rody Duterte ay ginagawa po ang lahat para po sa ating lahat ding kabutihan ng bawat Pilipino po. At sana po magdasal tayo dahil ang ating Panginoon ay nakikinig naman po sa ating mga hinaing.
Iyon po ang gusto kong reminder na mag-ingat po tayo, sumunod tayo sa protocol – maghugas ng kamay, social distancing at magsuot ng mask. Iyon din po parati nating inuulit iyan po dahil tumataas po ngayon na naman ang bilang ng mga reported positive cases po, so mag-ingat po tayong lahat po. Maraming salamat.
SEC. ANDANAR: Mayroon po tayong pahabol na tanong sa media, Secretary Wendel pasensiya na po. Go ahead, Rocky.
USEC. IGNACIO: Opo. Pasensiya na Secretary, pahabol po ni Marichu Villanueva ng Philippine Star: So it’s true na 1 trillion cash but bureaucratic process slows down cash releases?
DBM SEC. AVISADO: Well hindi naman ho talagang slows down. Hindi ko lang alam right now ‘no kung saan iyong area na iyan na sinasabing kinukulang tayo or nag-underspent tayo ‘no because we need to look at how the departments have been using the funds, dahil sa panig po namin talagang hindi naman po kami nagkukulang ‘no ng pagri-release ng mga pondo. It’s just that probably at the level of the implementing department and agencies po.
Siguro titingnan po natin iyan. Kaya nga po na niri-require po talaga namin sila na mag-submit noong statement of appropriation, that’s as far as the General Appropriations Act is concerned and allotment, that is as far as the money that we have released to them through SARO and NCA, tapos po iyong obligation na kung saan kailangan umpisahan nila iyong mga projects at mga programa. Tapos iyong disbursement kasi hindi po natatapos sa obligation, kailangan disbursement, iyon po iyong operative act na talagang wala na sa kanila iyong pera, naibayad na at nagamit na at saka iyong balances po. Iyon po lahat ang pinagbabasehan natin on how government spend the money para po malaman lang ng lahat at iyan po pinuposte namin po sa website ng DBM po iyan.
SEC. ANDANAR: Maraming salamat, Budget Secretary Wendel Avisado para sa inyong oras. Mabuhay po kayo at ang inyong ahensiya.
DBM SEC. AVISADO: Maraming salamat din po.
SEC. ANDANAR: Nasa kabilang linya po naman ang ating Gobernador ng Quezon, si Governor Suarez. Magandang umaga po sa inyo, Gov.
QUEZON PROVINCE GOV. SUAREZ: Magandang umaga Sec., at magandang umaga sa inyong mga tagasubaybay.
SEC. ANDANAR: Governor Suarez, kumusta po kayo diyan sa Quezon? Kumusta po, specifically, ang Polillo Island – ito po ay iyong unang tinatamaan po talaga ng bagyo every time na mayroon po, Polillo Island – kumusta po?
QUEZON PROVINCE GOV. SUAREZ: Oo. Kahapon, lumipad ako at binisita ko lahat iyong island-municipalities, iyong lima, inisa-isa ko sila at natapos ko naman lahat sila kahapon. Lumipad muna ako ng Jomalig, tapos Patnanungan, Panukulan, Burdeos, Polillo. Binisita ko ang mga kalagayan nila at timely, bago naman ako dumating doon, naka-deploy na iyong ating mga relief items. Kaya’t right now we have come up with a—this is temporary and we need more assistance pero in equation of maybe 1 or 2 weeks we have enough or ample supply of food dito sa ating mga biktima.
I would like to acknowledge the help of Secretary Bello, nagpadala siya sa akin ng TUPAD sa DOLE na 20 at ito ay gagawin naming payout dito sa mga mawawalan ng kita, sapagkat fishing and agriculture will be dead for a certain period of time sapagkat medyo malaki pa ang mga tubig dito and that money will be quite handy. Maraming salamat kay Secretary Bello.
Ngayon partner through your program, I would like to air out kung maaari lamang ay itong outside of cash-for-work, itong rehab, itong emergency shelter namin at kasi mayroon silang binibigay na parang tent na puwedeng tulugan muna kasi mayroon kami ditong dalawang casualty na hypothermia ang kinamatay, namatay sa sobrang lamig – sa sobrang lamig, malakas ang hangin at umuulan. Iyong rehab natin ng mga nasirang kalsada at tulay medyo marami. Pangalawa ay tuloy pa rin ang spike ng COVID sa lalawigan, tumataas pa rin hanggang ngayon. Back to you, Martin.
SEC. ANDANAR: Iyan po ay ipaparating natin agad kay Presidente Duterte. Governor Suarez, kumusta po naman ang pakikipagtulungan ninyo sa DSWD diyan po sa Quezon partikular diyan sa Polillo at sa apat pang isla?
QUEZON PROVINCE GOV. SUAREZ: Gusto ko ngang pasalamatan si Secretary Bautista at nakiusap ako kay Senator Bong Go na pakiusapan iyong DSWD team na huwag munang i-pullout kasi akala nila tapos na roon, eh noong they are preparing to pullout, lumaki na naman ang tubig, unpassable na naman iyong mga area. Eh alam mo naman DSWD ay malalim ang resources nila sa pagdating ng mga relief items so nakapagpadala na sila ng 12,000 packs ulit – that will be very, very helpful at ito, dini-distribute na namin.
Noong una kasi ang focus lang namin ay itong third and fourth, eh ngayon nandito na ako sa 1st District gawa nga nitong si Ulysses. Marami ang medyo masama ang tama nitong Ulysses, Martin, nandito ako ngayon sa Infanta at the devastation is terrific and there are several portion of roads na iyong iba unpassable, iyong iba one lane kaya medyo—tumutulong naman ang ating mga sandatahan, men and uniform in maintaining traffic.
At ang isa ko pang gustong hingan sana ng tulong ay kung maaari lamang itong ating total kasi na nasa evacuation center, I have 1,287 – itong evacuation center na ito are mixed. Iyong evacuees ko sa bagyo kasi panlimang bagyo ko na ito in 2 months so balik-balik iyong evacuation sa bagyo pero iba pa iyong aking evacuation sa COVID. Kaya in total, dito pa lang sa Ulysses I have 811 barangays na affected, 214,000 individuals, 57,000 families. Kailangan matulungan ito in terms of food supplement at saka kung may mga medical supply, that will be very handy.
Iyon namang rescue operation, mga motorized banca, sanay na kami rito kaya nandito marami kaming nai-save dito – iyong mga bahay na lumubog. Nakapag-rescue kami, dala-dala namin iyong mga bangka namin na kinuha namin sa Lucena at mayroon kaming center of operation doon. But in the meantime I would like to repeat, we need food stuff and medical supply.
SEC. ANDANAR: Mayroon po ba kayong mensahe kay Presidente, Governor Danny?
QUEZON PROVINCE GOV. SUAREZ: Ang aking panawagan lang sa Pangulo, eh alam ko naman na napakarami niyang problema, Ang akin lamang ay iyong tulong na maaari, ito naman ay hindi [garbled] panghabang panahon na tulungan, ang kanila lamang, interim na tulong at sana iyong ating Department of Agriculture bagama’t kumilos na kaagad si Secretary Dar, nandito na iyong mga feeds, fertilizer dumating na, certified seed, ibang farm implement, pero we need more. Masisipag ito, gusto nilang makabangon kaagad that we really need assistance in terms of this agricultural input saka tulong sa magsasaka.
Iyong fiberglass na binibigay ng DSWD saka iyong makina ay alam mo talagang marami tayong lumubog na bangka at nasira at tinali lang sa tabi, naanod pa rin. Eh baka kay Secretary Bautista mayroon pa siyang mga motorized na fiberglass, kung puwede lamang padala sa aming lalawigan.
SEC. ANDANAR: Okay. Maraming salamat kabayan. May tanong pa po ang ating kasamahang si Usec. Rocky Ignacio, kasama niya po ang mga media dito po naman sa Malacañang Press Corps. Please go ahead, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Opo. Good afternoon, Governor Suarez. Tanong po mula kay Joseph Morong ng GMA-7: OCTA Research show a positivity rate of 20% for COVID. Nag-aalala po ba tayo? Magma-mass testing po ba sa mga evacuation center?
QUEZON PROVINCE GOV. SUAREZ: Ang problema nga namin, gawa nga nitong nagkaroon kami ng molecular laboratory na – hindi naman spike – na ngayon nakilala natin iyong infection at iyong iba naman asymptomatic lang dahil sa iyong blood na iyong ating ginagamit na—iba iyong swab ano. Iyong molecular namin sa Lucena, iyong swab eh talagang effective iyon. Ang akin lang pinagtataka, kaya nga pumunta ang WHO sa amin, nandito ngayon sa amin sa probinsiya, nagpunta na sa opisina ko sa kapitolyo, nandito ang team ng WHO at pinag-aralan nila ang kaso ng Lungsod Tayabas at Lungsod ng Lucena kung bakit nagkaroon ng spike.
Bagama’t ang ibang area namin bumababa ay doon sa dalawang lugar na iyon tumaas and I believe that in 2 days I will have the result of their analysis. And that this may come handy dito sa iba nating local government na sabihin natin ito ang magiging reason kung bakit nagkakaroon tayo ng spike, in spite of some area na bumababa na ang COVID.
SEC. ANDANAR: Maraming salamat po sa inyong panahon, Governor Danilo Suarez ng Quezon Province. Mag-ingat po kayo sir at nandito lang po ang PCOO, bukas po ang aming linya sa inyo.
At diyan po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Ako ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar ng PCOO.
USEC. IGNACIO: Ako naman po si Usec. Rocky Ignacio.
SEC. ANDANAR: Samahan ninyo po kami tutukan ang mga pinakahuling kaganapan sa bansa bukas dito po sa Public Briefing #LagingHanda.
###
—