Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar and PCOO Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location People’s Television Network, Inc. (PTV), Quezon City

SEC. ANDANAR: Magandang araw po sa lahat ng ating mga kababayan sa loob at sa labas ng bansa, ngayon po ay November 18, 2020, araw ng Miyerkules. Ako ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar mula sa PCOO. Good morning, Rocky.

USEC. IGNACIO: Good morning, Secretary Martin. Muli tayong maghahatid ng mga pinakahuling impormasyon mula sa iba’t ibang panig ng bansa partikular ang patuloy pa ring pagtulong sa mga kababayan nating nasalanta ng sunud-sunod na bagyo at ang rehabilitasyon naman ng mga lalawigan na naging sentro ng pananalasa. Ako po si Usec. Rocky Ignacio.

SEC. ANDANAR: Lagi po nating tandaan, basta sama-sama at laging handa kaya natin ito. Ito po ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Kaugnay sa sunud-sunod na batikos at duda sa mga namamahala ng iba’t ibang water dam na ‘di umano’y naging dahilan nang malawakang pagbaha sa ilang probinsya, makakapanayam natin ang Administration ng National Irrigation Administration, retired General Ricardo Visaya. Magandang umaga po sa inyo sir, welcome sa Public Briefing.

NIA ADMINISTRATOR VISAYA: Magandang umaga rin sa inyo Secretary Martin at saka Usec. Rocky.

SEC. ANDANAR: Sir, kumustahin muna namin ang operasyon ng Magat Dam sa mga oras na ito. May nakabukas pa rin bang gate until now at kumusta na po ang water level ng Magat Dam?

NIA ADMINISTRATOR VISAYA: Secretary Martin, as of 10 o’clock this morning ang water level po ng Magat Dam is now at 191.93 meters above sea level. Meaning, mas mababa na sa spilling level. Pero malakas pa rin iyong inflow, iyong agos ng tubig na nanggagaling sa 8 tributaries – lima po sa Nueva Vizcaya at tatlo sa Ifugao – about 563 cubic meter per second pa rin. Kaya mayroon pa rin po tayong nakabukas na isang gate at 2 meters at nagpapalabas po tayo ng tubig nang about 646 cubic meters per second.

SEC. ANDANAR: May mga kritikong nagsasabi na may naging kapabayaan sa parte ng Magat Dam dahil sa hindi umano nasunod ang tamang protocol sa pre-release ng tubig kada may tatamang bagyo sa bansa although sinabi naman ng management na nag-abiso naman noong November 9. It is still days late daw dahil noong November 8 pa lang eh dapat ay unti-unti nang nagpakawala ang Magat Dam o 3 days prior ng expected landfall ng bagyo. Ano po ang inyong reaksiyon dito, General?

NIA ADMINISTRATOR VISAYA: Sec. Martin, actually mayroon tayo pong protocol na ginagamit and ito ay mula noong 2006 pa ‘no during the time of President Arroyo. At nakalagay doon sa protocol na ang pagpapalabas po ng tubig ay actually manggagaling sa PAGASA at sasabihin sa amin na nasa preemptive ano na tayo at kailangang mag-release na ng tubig – and that is about 2 to 3 days ang nakalagay sa protocol before iyong darating iyong bagyo. So makita ninyo doon sa—despite iyong mga pinapakita namin na documents, na despite iyong mga sinasabi ng ating local chief executives na na-receive nila iyong mga abiso namin ng mga November 9 na still ano, parang hindi maniwala ang ating mga kababayan. Nasunod [garbled] protocol.

SEC. ANDANAR: Sabi rin ng ilan na the overspill could have been somehow mitigated kung na-maintain ng Magat Dam management ang 165 to 175 meters water level which was the average height from July to September instead of 188 to 191 meters height nito lang ilang linggo bago ang bagyo na malapit sa spilling levels na 193 meters. And this despite the warnings na posible ngang sunud-sunod na bagyo ang pumasok sa bansa. Your thoughts on this, General Visaya?

NIA ADMINISTRATOR VISAYA: Secretary Mart actually iyon nga, ngayon po niri-review natin iyong protocol. Mayroon po tayong sinusunod na rule curve ‘no, na kung saan anong araw, anong level dapat iyong itong araw na ito, itong buwan na ito; so sinusunod po natin iyan. Kaya ngayon at least kahit papaano, masakit man iyong nangyari sa atin, but this gave us a chance na i-review ang ating protocol.

Ongoing Secretary Martin ngayon iyong aming pagri-review ng protocol with the DILG, NDRRMC, PAGASA at NAPOCOR.

SEC. ANDANAR: General Visaya, puntahan muna natin ang mga tanong mula sa media. Go ahead, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Good morning, General Visaya. Mula po kay Evelyn Quiroz ng Pilipino Mirror. Ito po ang tanong niya: There are currently calls upon the President to file you for allegedly criminal incompetence for not assuming leadership in the programmed discharging of the Magat Dam that could have eased the flooding in Cagayan and nearby provinces during Typhoon Ulysses. What is your response to that allegation?

NIA ADMINISTRATOR VISAYA: Alam ninyo po hindi ko naman sinasabi na hands on ako mula noon pa dahil… hindi ako showy eh ‘no. But I was kept in touch with our project manager doon sa Magat reservoir irrigation system natin. Ano iyan, every hour nagpu-provide siya atin, nag-uusap kami ‘no. Binibigyan niya ako ng situation update at binibigyan ko rin naman ang—dito naman sa level natin, na binibigyan ko rin ng through text messages ang ating classmate na si Secretary Jalad sa NDRRMC and also our Chairman of the Board, si Secretary Nograles.

Nasa kanila po iyon, ano po nila iyon eh na kuwan… right nila iyan na magsabi lang ng—it’s okay for me. It’s okay for me.

USEC. IGNACIO: Opo. So General sinasabi ninyo po na handa ninyong harapin kung anuman po iyong sinasabi nila na—kasi sa kasalukuyan po may mga mambabatas na nais na pong silipin ito, General.

NIA ADMINISTRATOR VISAYA: Yes. Actually ready naman po kami na ano, na ipapakita namin iyong ginawa namin because that is well documented iyong mga actions taken by our Reservoir Dam Division sa Magat.

SEC. ANDANAR: Okay. Mapunta naman tayo sa Angat Dam. Sinabi po ni Mayor Marcy Teodoro na balak din niyang kasuhan ang Angat Dam management dahil sa aniya’y hindi pag-abiso nito na magri-release ng tubig na nag-cause ng pagtaas ng tubig sa Marikina River. Ano po ang inyong reaksiyon dito, General Visaya?

NIA ADMINISTRATOR VISAYA: Ang Angat Dam po ay hindi under ng NIA iyan. It’s under ng National Power Corporation.

SEC. ANDANAR: Okay. Binabalak daw ng ilang senador na imbestigahan ang ilang water dam administrators kasama po ang inyong tanggapan sa National Irrigation Administration. Nakahanda po ba kayong humarap at sumagot sa probe kung sakali?

NIA ADMINISTRATOR VISAYA: Ay yes, Secretary Andanar. Maganda na rin iyan, gusto nga po namin iyan para talagang sa susunod eh wala nang mangyari na ito para—at least sabi ko nga is, this is an opportunity for us to review everything.

SEC. ANDANAR: Yes, sir. DILG Secretary Eduardo Año proposed na ang NDRRMC na lang daw dapat ang mag-decide kung puwede bang magpakawala ng excess water ang mga dams sa oras ng bagyo o anumang kalamidad. Do you think this is plausible or a good idea?

NIA ADMINISTRATOR VISAYA: Actually, kung titingnan natin ang mission ng NDRRMC, nasa mandato naman ng NDRRMC iyan ano. Kaya nga pinapag-aralan po namin na bago kami gagawa ng recommendation, the first thing that we should do is talagang i-review natin iyong protocol.

Now, kung makita natin na mas maganda na i-transfer natin iyong authority to release water from dams to NDRRMC, so be it! No problem po.

SEC. ANDANAR: Mayroon ba kayong dagdag na paglilinaw o paalala sa ating mga kababayan lalo na sa mga lugar na mayroon pa ring pagbaha hanggang sa mga oras na ito?

NIA ADMINISTRATOR VISAYA: Well, ngayon, nag-stabilize na po iyong ating sitwasyon sa Magat Dam ay sana po, itigil na po natin iyong pagsisihan. This is not the time to blame anybody, but this is the time for us to unite and cooperate. Iyong nangyayari po natin ngayon na alam na po natin kung anong dahilan, at ito ay sabi ko nga is it will take a whole of nation approach para po mabigyan ng solution itong mga naging problema natin na ito.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat po sa mga paglilinaw, NIA Administrator General Ricardo Visaya. Mabuhay po kayo, sir.

NIA ADMINISTRATOR VISAYA: Thank you very much din, Secretary Martin at saka kay Usec. Rocky. Maraming salamat po.

SEC. ANDANAR:  Samantala, umabot na sa 410,718 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa bansa matapos itong madagdagan ng 1,148 kahapon. One hundred eighty-six (186) ang bagong bilang na nadagdag sa mga gumaling sa sakit na umakyat naman sa kabuuang 373,543 recoveries, habang dalawampu’t tatlo naman ang naitalang nasawi na umabot na sa 7,862. Naitala kahapon ang pinakamababang bilang ng reported cases sa nakalipas na isang linggo na umabot lamang sa 1,148.

Sa Cavite nagmula ang highest number na nakapagtala ng 88 new cases. Sumunod naman ang Quezon City na may 52 cases. Ang Rizal ay nakapag-report naman ng 46 na bagong kaso, samantalang parehong 44 cases ang naitala sa Lungsod ng Baguio at ng Maynila.

Ang active cases ay umakyat sa 6.9% ng total cases mula sa 6.7% na ating naiulat kahapon. Sa ngayon ay may 28,313 active cases ng COVID-19 sa bansa.

USEC. IGNACIO: Samantala, 83.6% sa mga aktibong kaso ay mild lamang. Ang asymptomatic cases ay nasa 8.2%, 5.1% naman ang kritikal, 2.9% ang severe at .22 ang moderate cases.

Samantala, nais po namin muling ipaalala na bagama’t sunud-sunod po ang pagtama ng mga sakuna, hangga’t maaari po ay sundin natin ang health protocols na ipinatutupad para maiwasan pa ang pagkalat ng COVID-19. Siguraduhin din po na malinis at virus-free ang mga bagay na madalas na hinahawakan tulad po iyan ng door knobs, susi, cellphones, ibabaw ng mesa at iba pa. Simpleng paraan lang po iyan pero malaki po ang maitutulong para labanan ang COVID-19.

Para po sa inyong mga katanungan at concerns tungkol sa COVID-19, maaari ninyo pong i-dial ang 02-894-COVID o kaya ay 02-894-26843. Para naman sa mga PLDT, Smart, Sun at TNT subscribers, i-dial po ang 1555.  Patuloy rin kayong makibalita sa mga pinagkakatiwalaang sources ng impormasyon tungkol sa COVID-19, maaari ninyo pong bisitahin ang covid19.gov.ph.

Samantala, patuloy po ang pamamahagi ng tulong ng ating pamahalaan sa kabila ng mga batikos. Narito po ang report: [VTR]

SEC. ANDANAR: Rekomendasyon na isailalim sa state of calamity ang buong Luzon, nilagdaan na ni Pangulong Duterte. Panoorin po natin ito: [VTR]

USEC. IGNACIO: Samantala, matindi ang naging pinsalang iniwan ng mga bagyong nagdaan sa bansa mula kay Bagyong Quinta hanggang kay Bagyong Ulysses sa lalawigan po ng Albay, dagdag pa ang lahar overflow mula naman po sa Mayon Volcano. Makakausap po natin sa kabilang linya si Governor Al Francis Bichara, ang ama po ng Lalawigan ng Albay. Magandang umaga po, Governor.

GOVERNOR BICHARA: Magandang umaga din sa inyo at saka sa mga listeners ninyo.

USEC. IGNACIO:  Opo. Governor, alam po namin na wala po kayong pahinga dito sa pagtugon sa pangangailangan ng inyong mga kababayan. Pero kumusta na po ang inyong mga kababayan ngayon sa Albay? Marami pa rin po ba ang mga nasa evacuation center ngayon?

GOVERNOR BICHARA: Iyong mga nawalan ng bahay, iyong iba ay lumipat sa mga kamag-anak. Siyempre may naiwan sa evacuation center lalo na iyong mga bahay na natabunan ng lahar.

USEC. IGNACIO: Governor, kumusta naman po iyong pamamahagi ninyo ng relief assistance sa mga barangay sa Albay? Ito po ba ay nagpapatuloy at hindi na rin po mahirap maipaabot para sa kanila iyong agarang tulong?

GOVERNOR BICHARA:  Lahat ng kalye – iyong national road, provincial roads, barangay roads ay clear na lahat iyon; at saka tuluy-tuloy ang relief operations namin. Lahat ng ano… lahat ng kalye at saka iyong mga national road, provincial roads, barangay road eh clear na lahat iyon at saka tuluy-tuloy ang relief operations namin.

At nagpapasalamat din ako sa mga nagpadala, iyong mga private, iyong mga donors, iyong mga kasama natin sa mga province, si Senator Bong Go at saka si Presidente at saka iyong mga ibang senators na dumaan na dito, nakatulong iyon, malaking pasasalamat.

Pero tuluy-tuloy pa rin kami at ginagawa namin lahat ng paraan—kaya kumuha na rin kami ng lupa para mai-relocate na itong mga hindi na puwedeng bumalik doon sa mga sinalanta ng lahar.

USEC. IGNACIO:   Governor, may tanong po ang ating kasama mula sa media. Si Evelyn Quiroz po ng Pilipino Mirror, ito po ang tanong niya: Last week daw po, you appealed for help from the national government and international institutions citing the dwindling calamity funds of the province which got hit by two typhoons a week apart. What has been the response to your appeal?

GOV. BICHARA:   Well, all of them—iyong mga pumunta rito, they came over and they went around, in-assess nila and we explain to them we give them a brief presentation of the situation. So, lahat naman sila ay willing tumulong. Iyong Red Cross nangako ng mga more than 160 houses, tapos iyong ibang mga dating private foundations nag-commit na rin. Pumunta na iyong Red Crescent, iyong counterpart ng Red Cross, nag-commit na rin at iyong IOM pupunta—

Maraming pupunta rito at mas maganda iyong marami ang tumutulong para mapaikli namin iyong problema at babalik sa normal ang sitwasyon dito. In fact, kasi iyong mga ilog dahil sa lahar eh pantay na halos sa… iyong river, pantay na. So, lahat iyan binabaha na.

Minobilize ko na iyong mga private contractors, private concessionaires na for one month at no expense to the government, kayo na ang mag-dredge diyan para tulungan naman kami at sa inyo na iyong takeout para mabilis na maayos. Ito, dahil nasa typhoon season pa rin kami eh, rainy season na, typhoon season pa hanggang mga December.

USEC. IGNACIO:   Governor, kanina po nabanggit ninyo na kayo po ay kumuha na ng ligtas na lugar o lupa para dito sa mga pamilya na hindi na maaaring bumalik doon sa lugar na nasalanta. So, ilang pamilya po ito na naapektuhan na nakatakdang ilipat?

GOV. BICHARA:   Iyong mga bahay na nakalibing na, mga more or less more than 150 houses, pero iyong mga ibang bahay nasa tabi noon, kailangan na ring lumipat dahil palaki nang palaki ang papasok diyan na lahar at may mga kasamang malalaking bato at may mga ibang lugar malapit din sa mga gullies kailangan o-relocate natin kasi talagang hindi na puwede.

USEC. IGNACIO:   Governor, nabanggit ninyo nga po na itong mga ganitong panahon nakakaranas pa rin ng mga sama ng panahon. Pero kumusta na po iyong clearing operation na isinasagawa ninyo; nalinis na po ba iyong mga putik, iyong mga tumigas ng putik diyan sa mga apektadong lugar?

GOV. BICHARA:   Kung pumunta kayo rito malinis na iyong probinsiya, malinis na ang mga bayan at (garbled) sa ibang bayan dahil 90% bumagsak iyong mga poste, iyong iba 70%, 60%, so iyong ibang bayan okay na, may kuryente. Pero marami pang mga bagsak na mga poste at may mga dumating dito, mga linemen na galing sa ibang probinsiya pero siyempre iyong iba magbabalik doon dahil sinalanta rin ng bagyo iyong lugar nila. (Garbled) manu-normalize ito basta wala ng bagyong pumasok.

USEC. IGNACIO:   Governor, medyo nag-choppy lang po kayo sandali. Pero kumusta na po iyong supply ng kuryente diyan, Governor, naibalik na po ba lahat ang supply at pati na rin po iyong malinis na inuming tubig?

GOV. BICHARA:   Sa tubig, dahil iyong ibang bayan nakalubog pa, dinadalhan namin ng mga water lorry at iyong water purifier, mayroon kami diyang emergency management office na naka-assign doon sa mga lugar na iyon. Pero iyong iba, okay na, at least ilang bayan na ang may kuryente.

Pero lahat iyan nagtataka parang hindi binagyo dahil malinis na nga, napakalinis na ng mga kalye lahat, problema lang talaga we have to relocate itong mga ibang tao at ituloy pa rin namin iyong relief operations dahil talagang maraming nawalan ng bahay eh, totally damaged, so obligadong tulungan muna sila.

USEC. IGNACIO:   Governor, alam po namin talagang ang tindi ng tumama sa inyong lalawigan ano po, pero hindi po dapat isantabi ang iyong problema pa rin po ng COVID-19. So, doon po sa mga evacuation centers, nasusunod po ba iyong ating safety protocols, papaano po natitiyak na nasusunod ito at may plano po ba ang inyong lokal na pamahalaan na magpa-test, ipa-test ang mga nasa evacuation center?

GOV. BICHARA:   Kung may mga symptoms eh obligado. Saka effective naman dito ang (garbled) iyong mga may symptoms kaagad pinapa-swab namin, iyong mga LSI bago pumasok dito; pati iyong ibang donors o iyong mga tutulong dito eh pinapa-rapid test namin dahil mahal iyong swab eh. Iyong iba naman ay may mga certificates, clearance, medical clearance.

Pero sa ngayon, kakaunti lang iyong may COVID, so iyong ibang mga isolation areas, iyong mga quarantine areas, halos bakante. So nagtataka nga kami bakit tipong ngayon after the typhoon kaunti iyong mga kaso eh.

USEC. IGNACIO:   Mabuti naman po ano po, Governor. Ipinag-utos rin po ni DENR Secretary Roy Cimatu na ipatigil muna po iyong quarrying operations sa may bahagi ng Mayon Volcano dahil ito po iyong itinuturo ng mga residente na dahilan ng naging lahar overflow ng Mayon. Karamihan daw po sa mga legal operations galing sa LGU ang permit, isa lang po umano ang mayroon mula sa DENR. Governor, ano po ang masasabi ninyo dito?

GOV. BICHARA:   Hindi totoo iyan eh, kasi (garbled) dumadaan muna iyan sa DENR para kumuha ng environmental certificate. Nagpadala na sila ng investigative task force bakit hindi pa lumalabas iyong sa task force para iyon ang susundin namin. Eh matagal na iyon, more than one week na wala iyong investigation report.

So, I think—alam mo, kailangan i-dredge iyong mga ilog. Kapag hindi natin nai-dredge iyon mas malaki ang problema, mas malaki ang damages, malulunod iyong mga villages. Iyan tingnan mo, hindi galing iyan sa quarry. Tingnan mo iyang mga bato, wala namang nagku-quarry ng bato diyan, galing iyan sa taas.

Ang difference ng Pinatubo, dahil nga iyong Pinatubo mababa iyon; ang sa Mayon Volcano eh, kapag umuulan bumababa pati mga malalaking bato. Ito, galing iyan lahat sa Mayon, hindi galing sa quarry, kakaunti lang ang quarry eh.

USEC. IGNACIO:   Governor, kami po ay umaasa sa mabilis na pagbangon ng inyong lalawigan mula po sa hagupit ng mga bagyo ano po. Kuhanin ko na lang po iyong mga mensahe ninyo sa ating mga kababayan partikular po sa ating mga kababayan diyan sa Albay, Governor.

GOV. BICHARA:   Alam mo, may mga bumabatikos sa gobyerno ganoon, dahil mabagal, hindi pa inaabutan. Eh… bumisita sila dito sa amin makikita mo tuluy-tuloy ang pag-repacking, tuluy-tuloy ang deliveries.

At saka iyong mga nagbabatikos, tumulong na lang sila. Hindi puwedeng parang gagawin nilang—hindi naman gumagawa ang milagro ang gobyerno eh, puro tayo tao eh. So, kailangan dito magtulungan at kami dito ay ginagawa namin lahat.

We’re so used to typhoons, sanay kami diyan sa mga bagyo. Sa lahat ng mga lugar ang Bicolano eh mas resilient dahil parte na ng buhay namin dito ang bagyo eh. Kaso kailangan it’s a question of restoring it back to normal, iyong time element. Kung marami ang tutulong, mas iikli iyong pag-normalize namin; pero kung walang tulong siyempre kahit iyong tao hindi nagku-cooperate, naghihintay lang, hindi naman puwedeng ganoon, hindi natin magagawa iyan.

So, ito lahat sila gumagalaw kahit na Sunday, Saturday, gumagalaw itong mga tao namin dito. Kung makikita naman ninyo may transparency, may listahan ng lahat ng donors, saan pumupunta iyong mga donations nila. (Garbled) they can participate in the relief operations, sa repacking. This is for the poor people; and hands off sila, iyong may mga plano diyan hands off sila dito.

USEC. IGNACIO:   Okay. Maraming salamat po sa inyong pagsagot sa aming tawag, Governor Al Francis Bichara ng Lalawigan ng Albay. Ingat po kayo, Governor.

GOV. BICHARA:   Okay. Maraming salamat po.

SEC. ANDANAR:   Kumustahin ulit natin ang relief operation efforts ng ating pamahalaan para pa rin sa mga nasalanta ng sunud-sunod na bagyo sa bansa sa pangunguna ng Social Welfare and Development. We have on the line, Secretary Rolando Bautista ng DSWD. Magandang umaga po Sec. Rolly and welcome back to the Public Briefing.

USEC. IGNACIO:   Magandang umaga sa iyo, Sec. Martin at USec. Rocky at sa lahat ng tagasubaybay ng inyong programa.

Hindi naman gumagawa ng milagro ang gobyerno eh, puro tayo tao eh. So, kailangan dito magtulungan at kami dito ay ginagawa namin lahat. Because we are so used to typhoon, sanay kami diyan sa mga bagyo, sa lahat ng mga lugar, ang Bicolano ay mas resilient, dahil parte na ng buhay namin dito ang bagyo. Kaso kailangan, there is a question of restoring it back to normal iyong time element. Kung maraming tutulong, mas iikli iyong pag-normalized namin, pero kung walang tulong, siyempre kahit iyong tao, hindi nagku-cooperate, naghihintay lang, hindi naman puwedeng ganoon, hindi natin magagawa iyon.

So, ito lahat sila gumagalaw, kahit na Sunday, Saturday, gumagalaw itong mga tao namin dito. So, makikita naman ninyo, may transparency, may listahan nang lahat ng donor, saan pumupunta iyong mga donations nila. So they can act, they can participate in the relief operation, sa repacking; this is for the poor people.  And hands-off sila iyong mga may plano, hands off sila dito.

USEC. IGNACIO:  okay, maraming salamat po sa inyong pagsagot sa aming tawag, Governor Al Francis Bichara ng Lalawigan ng Albay, ingat po kayo, Governor.

GOV. BICHARA:  Okay, maraming salamat po.

SEC. ANDANAR:  Kumustahin ulit natin ang relief operations efforts ng ating pamahalaan, para pa rin sa mga nasalanta ng sunud-sunod na bagyo sa bansa sa pangunguna ng Department of Social Welfare and Development. We have on the line, Secretary Rolando Bautista ng DSWD. Magandang umaga, Sec. Rolly and welcome back to the public briefing.

DSWD SEC. BAUTISTA:  Magandang umaga sa iyo, Sec. Martin and Usec. Rocky at sa lahat ng mga tagasubaybay ng iyong programa.     

SEC. ANDANAR:  Secretary Rolly, kumusta na po ang disaster operations ng DSWD? Ano po ba ang latest update natin dito sa pamimigay ninyo ng relief?

(TECHNICAL PROBLEM)

SEC. ANDANAR:  Okay balikan natin si Secretary Rolly Bautista, Rocky, dahil may problema lang sa linya ng komunikasyon. So, perhaps we can have them on telephone para mas klaro.

USEC. IGNACIO:  Secretary Samantala alamin muna natin ang pinakahuling ulat mula naman sa Visayas. May live report si John Aroa ng PTV-Cebu, John?

(NEWS REPORTING)

USEC. IGNACIO: Babalikan po natin ang ulat ni John Aroa. Samantala, pagsasailalim po sa state of calamity ng buong Luzon, inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte. Narito po ang report.

(NEWS REPORTING)

SEC. ANDANAR:  Balikan po natin si Secretary Rolly Bautista. Sec., kumusta na po ang disaster operations ng DSWD?

SEC. BAUTISTA:  Magandang umaga sa iyo, Sec. Martin. Usec. Rocky at sa lahat ng mga tagasubaybay ng inyong programa. Ayon sa aming pinakahuling ulat ngayong umaga, P52.1 million na ang halaga ng relief assistance na naipamahagi ng DSWD sa mga local na pamahalaan sa Rehiyon I, II, III, CALABARZON, MIMAROPA, Region V, CAR at NCR na apektado ng Bagyong Ulysses.  Ito ay kinabibilangan ng mga family food packs at iba pang food items at mga non-food items. Sa katunayan, Sec. Martin, ang DSWD-Field office II ay nakapamahagi na ng mahigit 19 milyong piso bilang tulong sa mga apektadong pamilya at indibidwal.

Sa Bicol Region naman, ang Field office V ay nakapamahagi na ng mahigit 17 million. Ang Field office CALABARZON ay may mahigit na 11.2 million. Sa NCR, nakapamahagi na ang Field office-NCR ng halos 7 million. Ang pagpapadala ng karagdagang food at non-food items ay bahagi ng augmentation support ng ating ahensiya sa mga local na pamahalaan upang matugunan ang pangangailangan ng kanilang nasasakupan. Sa pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang sangay ng pamahalaan kagaya ng Armed Forces of the Philippines, Coast Guard at PNP, naipaaabot ang tulong sa ating mga kababayan gamit ang mga air at mga naval assets, kasama na rin dito iyong mga kagamitan nila sa by land. So, iyon ang update natin, Sec. Martin.        

SEC. ANDANAR: Kumusta naman po ang pondo ng DSWD para sa disaster response; sapat po ba ang pondo ninyo, Secretary?

DSWD SEC. BAUTISTA: Sapat ang pondo ng ahensiya para sa disaster response operations. Nakapag-replenish ang ahensiya ng Quick Response Fund mula sa Department of Budget and Management upang masiguro na tuluy-tuloy ang pagtugon sa mga pangangailangan ng mga biktima ng sakuna at kalamidad. Sa katunayan ang DSWD, mga field offices nito at ang National Resource Operation Center ay mayroong nakahandang stockpiles at standby funds na sumatotal nagkakahalaga nang higit sa 1.2 bilyong piso.

SEC. ANDANAR: Ano na po ang iba pang assistance na ibibigay ng DSWD para sa recovery ng mga pamilyang naapektuhan ng bagyo?

DSWD SEC. BAUTISTA: Ang ahensiya ay nagsasagawa ng Rapid Damage Assessment and Needs Analysis o RDANA katuwang ang mga lokal na pamahalaan at ibang mga sangay ng gobyerno.

Ang RDANA po ay isang disaster monitoring tool na agad isinasagawa pagkatapos ng isang sakuna upang malaman ang immediate relief and response requirements sa mga apektadong lugar.

Karagdagan sa mga food and non-food items, nagbibigay ang DSWD ng psychosocial interventions or stress debriefing sa mga naapektuhang mga biktima ng bagyo upang matulungan sila na maka-cope sa nararanasan nilang stress o trauma mula sa epekto ng kalamidad.

Para naman sa recovery ng ating disaster response operations, nagbabahagi ang ahensiya ng pinansiyal na tulong sa ilalim ng Emergency Shelter Assistance upang makatulong sa pagpapatayo o pagsasaayos ng mga nasirang tahanan.

Katuwang ang lokal na pamahalaan, nagsasagawa ang ahensiya ng cash-for-work program upang mabigyan ang mga apektadong indibidwal ng pansamantalang pagkakakitaan ‘no. Nagpapatupad ang ahensiya ng sustainable livelihood program para matulungan silang magkaroon ng oportunidad tulad ng magsimula ng mga pangunahing negosyo upang makabangon sa kanilang kasalukuyang sitwasyon.

SEC. ANDANAR: Puwede po ba kayong magbigay ng clarification sa nabanggit na unexpended 83 billion pesos ng DSWD na nabanggit kahapon sa hearing?

DSWD SEC. BAUTISTA: Nais po naming bigyang-linaw na ang 75 billion na pondo ng DSWD ay nakalaan na para sa iba’t ibang programa ng ahensiya para sa taong 2020 ‘no. Mula rito, 48.3 billion ang allotted sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program, 2.1 bilyong piso para sa Supplementary Feeding Program for Children, 2.6 bilyong piso para sa Sustainable Livelihood Program, 3.9 billion naman para sa mga Social Pension for Indigent Senior Citizens.

So meaning to say, ito ay talagang nakaprograma for year 2020 at hindi po natin ito basta-basta ilaan sa ibang programa dahil kailangan pa po ito ng approval ng ating DBM. Tinitiyak ng DSWD ang pondo ay magagamit kung saan ito nakalaan.

SEC. ANDANAR: How is the government’s Social Amelioration Program different from the newly implemented Emergency Cash Subsidy under the Bayanihan II?

DSWD SEC. BAUTISTA: Kung babalikan natin ‘no iyong Social Amelioration Program, makikita natin na 18 million ang benepisyaryo nito ‘no at malalaking budget ang binigay nito, umabot tayo sa more or less mga 196 billion intended for Social Amelioration Program under Bayanihan I.

Pero itong Bayanihan II, binigyan lang tayo ng 6 billion, iyong 5 billion nito ay intended for Emergency Subsidy Program at ang isang bilyon naman ay intended para sa livelihood assistance grant.

So meaning to say nabawasan ang magiging benepisyaryo ng Emergency Subsidy Program under Bayanihan II dahil nakatuon lang ito—prayoridad dito iyong mga lugar na apektado ng granular lockdown. At iyong depinisyon ng granular lockdown ay nakasaad naman sa guidelines na binuo ng IATF, Sec. Martin.

SEC. ANDANAR: Secretary, ano po ang inyong parting message? Please go ahead.

DSWD SEC. BAUTISTA: Sec. Martin, Usec. Rocky muli nagpapasalamat kami sa inyong programa sa pagbibigay-daan sa aming ahensiya upang makapagpahayag nang tamang impormasyon tungkol sa disaster response ng ahensiya sa mga apektadong rehiyon at the same time makapagbigay kami ng impormasyon o update regarding sa Emergency Subsidy Program under Bayanihan II.

Tinitiyak ng DSWD na ang nararapat na tulong at ayuda ay maipapaabot natin sa mga tunay na nangangailangan nating mga kababayan. Asahan po ninyo na patuloy kaming maghahatid nang maagap at mapagkalingang serbisyo sa sambayanang Pilipino whether in a normal situation or during this time disaster and calamities.

SEC. ANDANAR: Mayroong lang tanong si Usec. Rocky Ignacio bago natin putulin ang interview, Secretary Rolly. Please go ahead, Rocky.

USEC. IGNACIO: Paumanhin po, Secretary Bautista. May tanong po si Tina Panganiban-Perez ng GMA-7, ito po iyong tanong niya: Tungkol daw po doon sa P6,500 Pantawid Pasada for PUV drivers. Sabi po ng PISTON hindi daw lahat ay makakakuha dahil for selected operators lang daw po and iyong ibang nakabili ng jeep, nakapangalan pa rin sa dating franchise owner eh maliit lang daw po iyong P6,500. Mabibigyan po kaya ang ibang operators and drivers? May ibang tulong din po kayang maaasahan iyong PUV drivers mula sa ating pamahalaan, Secretary?

DSWD SEC. BAUTISTA: Maraming salamat, Usec. Rocky ano. Kung mayroon tayong… sabihin nating problema regarding doon sa mga makakatanggap nitong ayuda para sa ating mga PUV drivers, ang suggestion ko po diyan ay makipag-ugnayan sa aming ahensiya para malaman natin talaga kung ano ugat noong problema kung bakit hindi sila nakasama sa listahan o kaya sabihin nating may mga hindi makakatanggap. Actually iyon naman ang ating ginagawa dahil sa proseso kasi ano mayroong nawawala sa listahan na hindi naman sinasadya. Sa katunayan ‘no mayroon nang 200,000 na mga PUV drivers ang nabigyan na ng ayuda at nakatanggap na ng tulong.

Ganoon pa man, mayroon naman kaming ibang programa kung sakaling hindi sila makatanggap. Ito na iyong sinasabi nating puwede silang mag-avail ng regular AICS para from there ma-assess sila, mabigyan sila nang karampatang ayuda base sa of course guidelines ng ating regular AICS.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat po sa paglilinaw, Secretary Rolando Bautista ng DSWD. Mabuhay po kayo at ang inyong tanggapan.

USEC. IGNACIO: Samantala, balikan natin ang pinakahuling ulat mula naman sa Visayas, may live report po si John Aroa ng PTV-Cebu. John?

[NEWS REPORTING BY JOHN AROA]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, John Aroa ng PTV-Cebu.

SEC. ANDANAR: Puntahan naman natin ang mga nakalap na balita ng ating mga kasamahan sa ilang lalawigan sa bansa. Ihahatid iyan ni John Mogol ng PBS Radyo Pilipinas.

[NEWS REPORTING BY JOHN MOGOL]

SEC. ANDANAR: Maraming salamat, John Mogol ng PBS Radyo Pilipinas.

USEC. IGNACIO: Dumako naman tayo sa Cordillera Region. May balitang hatid si Alah Sungduan mula po sa PTV-Cordillera.

[NEWS REPORTING BY ALAH SUNGDUAN]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Alah Sungduan ng PTV-Cordillera

SEC. ANDANAR: Mula naman sa Davao Region, magbabalita si Julius Pacot. Go ahead, Julius.

[NEWS REPORTING BY JULIUS PACOT]

SEC. ANDANAR: Maraming salamat, Julius “Walang Takot” Pacot ng PTV-Davao.

USEC. IGNACIO: Bago iyan, Secretary Martin ha. Maraming salamat po sa ating mga partner agencies para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas. Salamat din po sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19. Mabuhay po kayo.

SEC. ANDANAR:  Diyan po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Ako ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar ng PCOO. 

USEC. IGNACIO: Congratulations, Secretary Martin, kagabi – nakapasa na iyong budget.

SEC. ANDANAR:  Ay, salamat! Congratulations sa ating lahat, at sa grupo ni Asec. Kris Ablan. Congratulations! Salamat din kay Senator Dick Gordon at sa liderato ng Senado.

USEC. IGNACIO: Thank you po sa inyo. Ako naman po si Usec. Rocky Ignacio. 

SEC. ANDANAR: Hanggang bukas pong muli dito lamang sa Public Briefing #LagingHanda.

 

###

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)