Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar and PCOO Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location People’s Television Network, Inc. (PTV), Quezon City

SEC. ANDANAR: Magandang umaga po sa lahat ng mga nakasubaybay sa ating programa. Ngayon po ay November 25, 2020, araw ng Miyerkules. Ako ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar mula sa PCOO. Magandang umaga, Rocky.

USEC. IGNACIO: Good morning, Secretary Martin. Muli po nating alamin ang mga pinakahuling hakbang at programa ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan para sa ating mga kababayan. Ako naman po si Usec. rocky Ignacio.

SEC. ANDANAR: Basta sama-sama at laging handa, kaya natin ito. Ito po ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Sa pinakahuling bulletin na inilabas ng Department of Health, umabot na sa 421,722 ang kabuuang bilang ng mga nahawaan ng COVID-19 sa bansa. Ito’y matapos makapagtala ng karagdagang 1,118 infections kahapon, hundred ninety-six ang nadagdag sa mga gumaling at labindalawa ang mga nasawi. Sa kabuuan po naman ay nasa 386,792 na ang total recovery sa bansa, habang 8,185 ang total death.

Samantala, naitala kahapon ang pinakamababang reported cases sa nakalipas na isang linggo na umabot lamang sa 1,118. Ang Lungsod ng Caloocan ang pinanggalingan ng pinakamataas na kaso kahapon na nakapagtala ng 89 new cases; pareho namang 52 cases ang naitala sa Davao City at Laguna; nasa ikaapat na puwesto ang lalawigan ng Quezon with 47 cases; at hindi naman nalalayo ang Lungsod ng Quezon na nakapagtala ng 46 na bagong kaso.

USEC. IGNACIO: Nasa 6.3% ng total cases ang nananatiling aktibo. Sa kabuuan ay mayroon pang 26,745 cases na hindi pa gumagaling. Sa mga aktibong kaso, 83.7% ang mild cases, 7.0% ang walang sintomas o asymptomatic, 5.3% ang kritikal, 2.8% ang severe, at .25% naman ang moderate.

Nais din po naming ipaalala na siguraduhing malinis at virus-free ang mga bagay na madalas na hinahawakan. I-disinfect ang mga ito gamit ang .5% bleach solution. Simple lang po ang paggawa nito: Ihalo lamang ang isang bahagi ng bleach solution sa siyam na bahagi ng malinis na tubig. Muli, maging bida sa solusyon sa COVID-19.

Para sa inyong mga katanungan at concerns tungkol sa COVID-19, maaari ninyo pong i-dial ang 02-894-COVID o kaya’y 02-894-26843. At para naman sa mga PLDT, Smart, Sun at TNT subscribers, i-dial ang 1555. Patuloy rin kayong makibalita sa mga pinagkakatiwalaang sources ng impormasyon tungkol sa COVID-19, maaari ninyong bisitahin ang covid19.gov.ph.

SEC. ANDANAR: Panukalang batas na nagsusulong ng dekalidad na edukasyon para sa lahat lalo para sa mga mag-aaral na may kapansanan, isinusulong ni Senador Bong Go. Narito ang detalye:

[VTR]

SEC. ANDANAR: Samantala, muli tayong makibalita sa pinakahuling hakbang ng National Task Force Against COVID-19 para labanan ang pagkalat ng sakit sa ating bansa at ang nalalapit po ng pagkakaroon ng bakuna. Makakapanayam natin si NTF Chief Implementer at COVID-19 Vaccine Czar, Secretary Carlito Galvez, Jr. Magandang umaga sa inyo, Secretary. Welcome back to the Public Briefing.

SEC. GALVEZ: Magandang umaga po sa ating lahat po, sa mga nakikinig at nanunood sa Laging Handa. Secretary Mart, magandang umaga po.

SEC. ANDANAR: Secretary, aling mga probinsiya ang itinuturing na bagong hotspot ng COVID-19? Kasama pa rin dito ang mga lugar na binagyo?

SEC. GALVEZ: Asahan po natin sa ngayon, nakita po natin medyo tumataas po talaga sa parte ng Mindanao especially sa Davao Region. And then also, partly dito sa Region IV-A, nakita natin Quezon and also some part of NCR. So iyon po ang binabantayan po natin. At kahapon nga ay galing po kami sa Davao City, at nag-inspect po ang CODE Team sa Southern Philippines Medical Center. At gagawin po natin na talagang maiayos at mapababa po natin ang mga tumataas na kaso po sa mga areas po na ito.

SEC. ANDANAR: Bakit po biglang taas ang kaso sa mga lugar na ito? Mayroon po bang explanation?

SEC. GALVEZ: Iyong isang nakita po natin na explanation doon is karamihan po doon ay mga hub centers especially iyong Davao, nakita natin na buong Mindanao po, siya po ang tinatawag na central hub. At ang ospital po ng Southern Philippines Medical Center ay siya rin pong pinaglalagakan ng lahat ng tinatawag nating mga COVID cases.

Ganoon din po sa area ng Quezon, at nakita po natin iyong mga dating hindi tinatamaan ay ngayon po ay umakyat dahil kumbaga sa ano, kung hindi po natin gaanong nabantayan iyong area ng Quezon at iyong ibang area.

Then, tinitingnan din po natin iyong mga evacuation centers at matagal nga pong pinag-uusapan po namin na talagang dapat immediately magkaroon po ng random testing sa mga evacuees para po makasiguro po tayo na talagang hindi po lumaganap ang COVID-19.

So ang ginagawa po natin, pinapaigting po natin ang ating testing, ang ating isolation at saka iyong tinatawag nating contact tracing at saka iyong tinatawag nating active case finding po.

SEC. ANDANAR: Okay. Secretary Galvez, baka mayroon pong tanong ang ating kasamahang si Usec. Rocky Ignacio sa studio.

USEC. IGNACIO: Opo. Magandang umaga po, Secretary Galvez. Ang tanong po muna, mula po kay Joseph Morong ng GMA-7, ito po ang tanong niya: If we are vaccinating 60 million Filipinos that would roughly be 120 million doses of vaccines, can you give us a breakdown as to where we plan to get the 120 million doses?

SEC. GALVEZ: Nakita po natin na continuous po ang ating negotiations sa mga vaccine producers at saka po sa mga countries. Tinitingnan po natin unang-una doon sa China Sinovac, isa po itong mga sources natin na more or less 20 to 50 million na doses ang kukunin natin doon. At nagkakaroon na po tayo ng starting negotiations sa Pfizer. And also, tuluy-tuloy po ang ating ugnayan sa UK Ambassador pertaining sa access natin sa AstraZeneca. And then may ongoing na rin po tayong sort of talks with India, baka po sa next week ay kakausapin natin po ang ambassador at titingnan po natin kasi dalawa po ang puwedeng maging sources niya – iyong Novovax at AstraZeneca. And at the same time, tinitingnan din po natin, mayroon kaming meeting din po this coming day with the Ambassador of Australia.

So iyon pong tinatawag natin na iba-vaccinate natin na 60 million Filipinos, kumukuha po tayo ng portfolio of access sa different vaccine producers at saka mga countries na pinagmulan po ng mga vaccine para po at least mayroon po tayong … at least mayroon pa rin tayong five to six na countries na pagkukunan po nito.

USEC. IGNACIO: Opo. Ang second pong tanong ni Joseph Morong ay when is our target for mass vaccination? And what do you think will be our biggest roadblock to vaccinating?

SEC. GALVEZ: [INAUDIBLE] sinasabi ko noong una pa, ang ating best case scenario is the second quarter or middle of the year. Although mayroon na tayong clinical trial this coming December, inaasahan po natin na iyong mga result po kasi ng regulatory board natin sa FDA baka matapos po iyon mga first quarter. So ang best case scenario is second quarter, ang worst case scenario o tinatawag na realistic scenario ay end of the year or early 2022. Kasi ang gagawin po natin dito, iyong sa vaccination po natin, more or less 60 to 70 million, we will do this in three to five years period. Kasi po ang kaya nating ma-vaccinate is more or less 20 to 30 million a year, at the same tinitingnan po natin talaga rin na safe at saka effective na vaccine, kasi lahat po ng vaccine ngayon ay ongoing pa rin po ang trial.

USEC. IGNACIO:  Tanong naman po ni Sam Medenilla: May update na po ba kung ilang cold chain facility ang kakailanganin ng government for COVID19-vaccine distribution?

SEC. GALVEZ:  Nakikita po natin sa cold chain, pinaplano na po natin iyan with the possible vaccine distributor at mayroon na rin po silang ginagawa na mga packaging na nilalagyan ng dry ice at kahapon nga nandoon ako sa Southern Philippines Medical Center, tiningnan ko po iyong cold storage, charcoal chain na refrigerator nila doon, iyon pong 2 to 8 wala po tayong problema, may mga establishment na po tayo, iyong 2 to 8 degrees. Ang ano po natin ay iyong -20 at saka iyong -80. Marami na po tayong kinakausap na consortium na mayroon po silang facilities na -80 at saka -70. So palagay ko wala naman tayong magiging problema, kasi it’s a logistic issue na puwede nating pagpaplanuhan within 6 months.

USEC. IGNACIO:  Magkano po iyong gagastusin ng government to rent ng nasabing pasilidad?

SEC. GALVEZ:  Wala pa po kaming figures ngayon, pero nakita namin for every vaccine, mini-multiply lang namin into two iyong mga figures. So more or less, kung we will buy 50 million vaccine, more or less ang ating logistics requirements is more or less 50 to 70 million. So iyong nakita namin na talagang malaki ang gagamitin po natin sa mga tinatawag nating major criteria sa pagsi-select ng mga vaccine na kailangan po.

USEC. IGNACIO:  May plano po kaya ang government to impose a strict implementation during Christmas holidays to prevent COVID-19 cases surge?

SEC. GALVEZ:  Sinabi na nga ng IATF na iyong caroling, talaga pong ipinagbabawal natin and then magkakaroon po kami ng meeting this coming Thursday, one of our item and issue to be tackled itong incoming celebrations natin during Christmas.  But as we have said, si Secretary Año at ang ating ibang mga secretaries, they are really enjoining the public na magkaroon tayo ng tinatawag na brilliant or very judicious na celebration. Kung maaari ay talagang dapat na talagang maging parang pamilya na at same time huwag na po tayong masyadong magkaroon ng magarbong mga selebrasyon kasi nakikita po natin na ito po ay magiging cause ng spread ng ating virus.

USEC. IGNACIO:  Opo, may pahabol pong question si Joseph Morong, Secretary Galvez. Ang tanong po niya: Can we say that we are flattening the curve? As per OCTA Research there are upticks also in National Capital Region and key cities. Is this a cause for concern?

SEC. GALVEZ:  Nakita po natin, iilan lang naman po iyong nakita na kaunting pagtaas, pero generally araw-araw po nagsa-submit po sa akin ang MMDA ng report. Sa ngayon, po more or less mga 2,300 na po ang active cases natin sa NCR. At nagpapasalamat kami sa mga mayors na talagang puspusan po ang kanilang pag-supervise para at least ma-contain talaga completely itong virus. Ang usapan nga po namin ng MMDA at saka ng mga mayor ay i-welcome natin, na Christmas is coming. Kailangan talaga makasabay iyan, mapababa po natin ng mababang-mababa ang active cases, para po just in case magkaroon ng tinatawag nating increase of cases ay manggagaling po tayo sa mababang bilang.

USEC. IGNACIO:  Secretary may tanong po si Pia Rañada ng Rappler: When are we paying to reserve vaccines of Moderna, Sinovac, Pfizer, AstraZeneca? Around how much are we paying to each firm?

SEC. GALVEZ:  Nasabi na nga po ni Secretary Dominguez, iyong range natin pinaplanuhan po natin na normally two doses po iyan, at the range na more or less ten dollars per dose. So, pinagpaplanuhan po namin na more or less 73 billion ang magiging cost po ng vaccine at included na po dito iyong ibang mga ancillary cost sa mga syringes at saka iyong tinatawag nating mobilization. So pinagpaplanuhan po natin ng husto iyon talaga, pini-fix na po namin iyong figures at hindi po namin maano pa ngayon ang mga figures kasi nagkakaroon pa po kami ng tinatawag nating logistics and service report – summit! Doon po namin makikita ang talagang tunay na figures na paghahandaan po namin. For the meantime, pinaghahandaan po namin talaga iyong more or less 70 to 150.

USEC. IGNACIO:  Tanong naman po mula kay Reymund Tinaza ng Bombo Radyo: Iyon pong nasa 73 billion pesos na gagamitin sa pagbili ng COVID-19 vaccines, cash on hand na ba ito or to be sourced out from a lending institutions? If to be sourced out, mga kailan daw po ito magiging available?

SEC. GALVEZ:  Makita po natin ito, baka ma-unlock na po natin ito this coming December, mayroon na po tayong proseso, magkakaroon na po ng meeting ang mga board at saka po magkakaroon po ng board meeting ang World Bank and also the ADB this coming December. So we are expecting na before December 15 ma-unlock na po natin ang mga ito. So, rest assured na iyong ating pera na gagamitin po dito ay magiging prepared na po this coming December.

SEC. ANDANAR:  Secretary, specific to Davao po, bilang ang bagong epicenter ng COVID-19 transmission sa Pilipinas. Secretary, now that Davao is back to GCQ, may iba bang measures na ginagawa para pigilan ang pagtaas ng mga kaso doon?

SEC. GALVEZ:  Ang ginagawa po natin ngayon nagkaroon kami ng meeting kahapon nang lahat ng private at saka public hospitals at nakita po natin na tumataas po ang tinatawag na critical care utilization. So ini-organize na po ni Usec. Vega at ni Secretary Duque ang One Hospital Command para at least magkaroon po ng mas magandang coordinated at harmonized na referral system. Kapag po nagkaroon po noon, bababa po ang ating critical care at gaganda po ang ating serbisyo.

Pangalawa po, magkakaroon po tayo ng aggressive testing, ina-analyze na po natin iyong ating mga molecular lab at nakita natin mayroon talagang tinatawag na delay na three to four or to five days. Ang aming objective ay mapaiksi po iyong turnaround time na one to two days lang at magkakaroon din po tayo ng tinatawag na aggressive contact tracing, nandoon po si Mayor Magalong kahapon at dalawang araw po siyang nagkaroon ng seminar, including po iyong ibang adjacent region. So iyong gagawin po natin, iyong aggressive contact tracing, surveillance, iyong testing at saka iyong isolation ay gagawin po natin doon sa Davao Region. Buong Davao Region po, para at least kumpleto po at magiging long term effect po kapag buong region po ang ia-address po natin.

SEC. ANDANAR:  Pag-usapan po natin, Sec. Galvez, iyong vaccine although wala pang approved sa FDA at WHO.  Marami na pong pharmaceutical companies ang nagdi-declare na mataas na success rate sa kani-kanilang clinical trials kagaya ng Pfizer at Moderna. Tayo ba ay nakikipag-usap na sa kanila tungkol dito at para na rin po matigil na iyong kuwento dito, kuwento doon na mayroon ng vaccine, kailan ba talaga, etcetera. Nasaan na po ba talaga ang WHO sa pagdideklara – kung mayroon kang impormasyon, Secretary Galvez?

SEC. GALVEZ:  Iyon pong nasabi po ninyong mga vaccine manufacturer ay nagkakaroon na po sila ng FDA approval sa kanilang mga bansa. Iyon din po ang inaabatan din ng ating FDA dito dahil kasi magkakaroon po talaga ng tinatawag na collaborative registration and evaluation. Iyong mga bansa at saka iyong mga vaccine companies po na iyon ay niri-require din po natin na mag-submit po sila ng kanilang mga evaluation sa phase 1, phase 2, phase 3 clinical trials para iyong ating vaccine expert at saka iyong ethics board review ay ma-evaluate na po, kasi iyong ano po naaprubahan na po ng ating Mayor, Presidente Rodrigo Roa Duterte na magkaroon po ang FDA ng tinatawag na emergency use authorization. At iyong mga vaccines na sinabi ninyo, iyong Sinovac, Pfizer, they are also applying that emergency use authorization sa kanilang mga countries.  Mas Madali na po, Secretary Martin kung iyong mga vaccine na iyon ay maaprubahan ng mga stringent FDA regulatory board.

SEC. ANDANAR:   Okay. So ang hinihintay na lamang natin ang FDA para maaprubahan iyong Emergency Use Authority. Klaruhin lang po natin, Sec. Galvez.

SEC. GALVEZ:   Opo. Iyong ano po [garbled] ay magkaroon na po ng tinatawag—by this coming December ay magkaroon na po sila ng tinatawag na Emergency Use Authorization kasi nai-submit na nila po ang kanilang mga clinical trials sa US and also iyong ibang vaccine din, iyong Sinovac ay nagkakaroon na rin po ng tinatawag na Emergency Use doon sa Tsina at saka iyong mga ibang bansa na nagkakaroon ng clinical trial.

So, iyon po ang tinitingnan po natin… at ito pong Gamaleya ganoon din po, magkakaroon din po siya ng tinatawag na rollout sa kanilang mga bansa. Kapag naka-rollout na po sa kanilang mga bansa itong mga vaccines na ito puwede na po tayo din mag-rollout kasi ibig sabihin po na effective, safe at saka iyong tinatawag nating efficiency ng vaccine na iyon ay talagang nakikita rin na ginagamit ng mga originating na mga bansa ng mga vaccine.

SEC. ANDANAR:   Okay. So malinaw po iyon, kailangan aprubahan muna sa kanilang bansa na mag-rollout before our FDA approves kung itong mga gamot na ito ay puwede ring i-distribute sa bansa natin.

Nabanggit po ng Pangulo na uunahin niyang pabakunahan ang mga pulis at militar, mga frontliners. Sa ngayon po, may listahan na po ba kung ano-anong sektor ang unang bibigyan ng bakuna bukod sa pulis at military?

SEC. GALVEZ:   Mayroon na po tayong listahan na more than 35 million na Filipinos ang nasa priority listings. Iyon po ay ibinigay ng ating Department of Health base rin po sa guidance ng ating mahal na Presidente.

So, ang pinakauna nga po is health care workers at saka ang mga frontliners. Kasama po sa mga frontliners pong ito ang mga pulis, sundalo, at saka iyong ating mga servicemen. Kasama rin po dito ang mga essential workers ng DSWD, DepEd, at saka iyong ating mga government agencies at ang tinatawag po nating mga vulnerable communities at saka mga indigents, ang mga poor communities priority rin po iyon.

Pero sa strategy natin, Sec. Martin, ang ano po natin ay gusto natin na maging effective ang pag-ano ng vaccine, so ang gagawin po natin ay unang-una, geographical. Meaning, uunahin po natin iyong affected areas na katulad ng NCR, Region IV-A, at saka Region III, at saka Cebu, at saka Davao, at ang Cagayan de Oro, para maramdaman po natin iyong effect ng vaccine para ang mangyari po ay magkaroon ng normal na buhay iyong mga centers na ito at ang ating ekonomiya ay umusad po kasi nakita po natin napakalaki po ng epekto sa ekonomiya ng virus.

So, iyon po ang gagawin natin. Una muna geographical in order to contain and achieve full recovery; secondly, iyong sectoral para at least we comply with the guidance of the President, unahin natin ang health care workers, ang mga pulis, at saka ang mga sundalo at ang mga vulnerable communities.

SEC. ANDANAR:   Sec. Galvez, mayroon pa pong mga katanungan ang ating mga kasamahan sa media. USec. Rocky?

USEC. IGNACIO:   Yes. Secretary Galvez, tanong po muli kay Reymund Tinaza ng Bombo Radyo: Bilang Vaccine Czar, may posibilidad ba ang binanggit ni Senate President Tito Sotto III na vaccinated na sina Senator Lacson at Representative Romualdez. Do you think mayroon na ito sa black market considering wala pa namang approved sa FDA ng either governments?

SEC. GALVEZ:   I cannot comment on that. I will look into this at mag-uusap po kami ng FDA. Pero sa ngayon po wala po akong knowledge pertaining po iyong sa [garbled] sina Senator Lacson at saka ni Congressman Romualdez.

USEC. IGNACIO:   May pahabol rin pong tanong si Joseph Morong ng GMA 7: Would you know the list of vaccines in the WHO Solidarity Trial?

SEC. GALVEZ:   Maraming kasama po doon. Kasama po doon ang Novavax at ang ibang mga leading mga companies na sumama doon dahil kasi ang ano po natin ay—kasi ang alam ko pati iyong AstraZeneca kasama din po doon. Iyon po kasi ay para magkaroon ng tinatawag sa COVAX na magkaroon ng accessible at saka mura po ang magiging kanilang presyo na more or less $2-3 lang po.

So, karamihan po ng mga vaccine companies na nailathala po natin, na ini-evaluate din natin, karamihan po sa kanila kasama rin po sa COVAX.

SEC. ANDANAR:   Hindi pa raw napasama sa 2021 National Budget ang para sa logistics ng COVID-19 vaccine, Secretary?

SEC. GALVEZ:    I believe nakausap na po namin ang Kongreso at saka iyong Senado. Ang ano po nga namin ay dapat maisama na po doon, kasi iyong 2.5-billion na initial ay iyon lang po ay sa initial na three million na pagba-vaccine po natin, iyong tinatawag na essential health workers pero sa ngayon po ay pinapa-adjust po namin na talagang maisama po iyong tinatawag nating logistics.

We support iyong sinasabi po ni Senator Recto na more or less 150-billion po ang kailangan po kaya po minsan nakikipag-usap po kami na kahit mailagay lang po sa unfunded fund iyong 100-billion at saka sa pondo po natin na budget na 50-billion.

So, ayun po ang… we are working out at kasama rin po naman sa budget natin iyong tinatawag natin, iyong gagawin nating loan sa ADB at saka sa World Bank. Nakita po natin na more or less $600 million ang makukuha po natin doon, more or less 40 to 50 billion. So, malaki pong pondo po iyon para rin po sa mga logistics na kailangan po natin.

SEC. ANDANAR:   Sa walong buwan na nakapailalim sa quarantine protocols ang buong bansa, Secretary, nakakaranas na raw ng quarantine fatigue ang marami. As a matter of fact ay grabe na ang kumpulan ng mga kababayan natin sa iba pang mga lugar na makikita natin like sa Divisoria, etc. Ano pong masasabi natin dito?

SEC. GALVEZ:  Kailangan pa rin po tayo na maging vigilant pa rin po tayo. Kami ay nananawagan po sa ating mga kababayan na talagang nakita po natin na kaunting tiis na lang po dahil kasi kahit malapit na po ang vaccine kailangan pa rin po nating na talagang may minimum health standard ang atin pong implement.

Kailangan pa rin natin ang continuous vigilance at saka self-protection at inaano po namin na huwag po tayong magpabaya kasi nakita po natin iyong mga bansa na nagpabaya, ang nakita natin ang Europa at saka iyong ibang bansa sa US, nakita natin na nagkaroon ng tinatawag na parang quarantine fatigue ay nagkaroon talaga ng spread o tinatawag na second or third wave na mas mataas pa noong mga first wave.

So, huwag po natin hayaan na mangyari po sa atin.

SEC. ANDANAR:   As always, maraming salamat po sa iyong oras, Secretary Carlito Galvez Jr. Makikibalita pa po kami sa susunod pang hakbangin ng NTF. Mag-ingat po kayo, sir! Salamat po!

SEC. GALVEZ:   Maraming salamat po, Sec. Martin at USec. Rocky! Mabuhay po kayo!

USEC. IGNACIO:   Samantala, programang Balik-Probinsiya Bagong Pag-asa ng pamahalaan, muling inilunsad sa Lanao del Norte. Malasakit Center pinasinayaan rin sa Kapatagan Provincial Hospital sa lalawigan. Ang detalye sa report na ito.

[VTR]

USEC. IGNACIO: Tuluy-tuloy rin naman ang assistance packages na handog na Social Security System o SSS para sa mga miyembro nitong naapektuhan ng sunud-sunod na kalamidad sa bansa. Para pag-usapan iyan po ay makakasama natin si SSS President and CEO Aurora Ignacio. Ma’am, welcome back po sa ating Public Briefing at magandang umaga po sa inyo.

SSS PRES/CEO IGNACIO: Magandang umaga po, Usec. Rocky. Magandang umaga, Sec. Martin.

USEC. IGNACIO: Opo. Ma’am, magsisimula na raw po iyong assistance package na handog ng SSS para sa mga member pensioners ninyo, starting November 27, tama po ba? At ano po iyong nilalaman ng assistance package na ito? At siyempre ang tanong po, sinu-sino iyong puwedeng mag-avail nito?

SSS PRES/CEO IGNACIO: Simula po sa November 27, puwede na po kaming mag-release ng calamity loan package para po sa mga affected members po ng calamity – Ulysses, Rolly and Quinta – iyon pong mga bagyo na dumating sa atin nitong mga nakaraang buwan. At ang calamity loan assistance package program po na ito ay kasama po ang calamity loan assistance, iyong loan, puwede po silang humingi ng three months advance pension para doon sa mga SSS pensioners ng SSS at saka EC pensioners; at puwede rin po silang umutang para sa direct house repair para sa kanilang nasalantang bahay.

Ang puwede pong mag-avail ng package na ito, ng loan assistance program ay iyon pong mayroong 36 monthly contributions, 36-months monthly contribution na kung saan po iyong anim na buwan ay naibayad po sa pinakahuling dalawang anim na buwan at wala silang missed nitong last six months.

Ang puwede po nilang mautang doon sa loan package na ito ay iyon pong kanilang katumbas na isang buwan na monthly salary credits na base po sa huling labindalawang monthly salary credits nila. Ira-round off natin ito sa nearest thousands. At ito po ay payable in two years.

Ang mga kuwalipikado naman po na mag-avail ng loan ay iyon pong mga members natin na residente ng calamity area na diniclare [declared] ng NDRRMC to be under state of calamity doon sa tatlong bagyo po na iyon. Sila po ay dapat registered sa SSS website natin at kailangan po ay hindi pa sila nabibigyan ng final benefits na kagaya ng permanent, total disability, or retirement package. At ang isa pong require pa ay wala sila dapat na outstanding restructured loan or any other calamity loan. So iyon po ang para sa loan.

Iyon naman pong SSS pensioners ay puwede hong humingi para lang po makatulong sa kanilang immediate na pangangailangan ng tatlong advance, tatlong buwan na advance pension para po doon. Iyon po iyong para sa ating calamity loan assistance program po.

USEC. IGNACIO: Opo. Ma’am, may validity ba hanggang kailan available ang loan program at advance pension program na ito?

SSS PRES/CEO IGNACIO:  Tatakbo po siya ng tatlong buwan, simula November 27 hanggang February 26 po ng 2021. Dapat po ay registered sila sa my.sss website. Mag-update po din sila ng kanilang mga data para po sila ay makatanggap ng text messages or e-mail.

USEC. IGNACIO:  Nag-extend din po ang SSS ng deadline ng contribution payment. Ito po ba ay walang penalty sa mga late na nakapagbayad, ma’am?

SSS PRES/CEO IGNACIO: Tama po, nag-extend kami at ilang araw na lang po ang hinihintay natin, matatapos na po siya ngayong November 30. Kung kayo po ay hindi pa nakapagbayad simula nitong bago mag-calamity ng February, alam ho natin na lahat po ng kababayan natin ay nahirapan lumabas o hindi nakapupunta doon sa kanilang bangko or SSS branch kaya ho nag-extend kami hanggang November 30 to receive iyong mga contributions.

Ito po ay hindi na matsa-charge-an ng penalty at hindi na po tayo magri-record ng gap sa inyong contribution kung kayo po ay makabayad dito sa extension period na ito. Unlike ho dati may gap kasi hindi kayo nakabayad, hindi na po natin mababawi. Pero this time po, in-allow natin na iyong gap na iyon puwede ho ninyong habulin magbayad hanggang November 30 na lang po.

USEC. IGNACIO:  Opo. Ma’am, maiba naman po tayo, pero ito ay tanong din ng ating kasamahan na si Joseph Morong ng Gma-7: May isa pong mambabatas daw po na nagsusulong na pabilisin iyong second tranche ng paglalabas ng additional 1,000 pesos sa pension ng inyong mga miyembro lalo pa’t iyong mga naapektuhan din pong pensioners ng mga sunud-sunod na kalamidad sa bansa. Ano po ang reaksiyon ninyo dito?

SSS PRES/CEO IGNACIO: Doon ho sa isinusulong ng mambabatas natin, hindi lang po sila, pati na po iyong ating mga senior citizens group ano, na ibigay ho ng SSS iyong additional na hinihingi nilang 1,000 na pension. Pinag-aaralan po siya dahil ang atin pong requirement sa batas ay kailangan actuarially sound ang pondo po ng SSS. And right now po, sa pag-aaral po natin ay hindi ho siya makakabuti sa pondo ng SSS in the coming years. Pero hindi pa rin ho naman namin tinatapos iyan dahil kagaya po ngayon, nag-a-allow po kami under the calamity loan assistance package na makapagbigay ng three months advance.

Iyon po naman sa 1,000 na iyon, ngayon pong panahon ng pandemya, hindi naman po maitatanggi na marami hong nawalan ng trabaho at marami rin po ang tumigil na makapagbayad sa SSS kaya ho medyo bumaba po ang ating kontribusyon at iniingatan po namin ito para maging sapat na makapagbayad ng mga benepisyo na hihingin din po ng ating mga miyembro sa susunod na mga araw. Kagaya nga ho ng unemployment benefit package na binibigay din ho natin, ito po ay parang insurance sa kanila, tulong lang ho.

So sa ngayon po, mina-manage na nating maigi ang pondo dahil lumiliit po ang kontribusyon. Gusto pa rin naman ho natin silang ma-cover kaya ho naggagawa tayo ng extension at matanggap ang contribution. Iyon po, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Ma’am, kumusta na rin daw po iyong inyong actuarial fund ng SSS sa ngayon?

SSS PRES/CEO IGNACIO: Sa ngayon po, dahil po tayo ay nag-increase ng salary credit noong nakaraang taon, mayroon hong magandang nagawa sa actuarial. Pero dahil po dito sa pandemya na ito, naapektuhan din po iyong ating management pala ng pondo at ng benepisyo dahil ini-expect po namin na mas marami kaming babayaran na benepisyo kaysa doon sa matatanggap po na kontribusyon ng SSS.

USEC. IGNACIO: Opo. Kumustahin rin namin iyong bago daw pong disbursement method ninyo, ma’am, na ngayon ay online and check-less na. Ito po ba ay effective na sa lahat ng pensioners?

SSS PRES/CEO IGNACIO: Iyon hong nakaraang pagbayad natin ng pension ng SSS pensioners simula po noong October, binago po natin nga siya. At dalawang beses na lang po supposedly maki-credit ang mga account ng mga pensioners – December 1 or first of the month or 16 of the month. So kung ang inyo pong contingency falls on the first half of the month, matatanggap ninyo ho siya ng December 1 or first of the month. Kung ang contingency naman po ay nandoon sa second half of the month, matatanggap po siya ng 16th of the month.

Iyon pong September pension po na kasama ho siya sa old disbursement system, karamihan ho sa kanila ay nakatanggap na ng September pension nila ng sometime August 26 or 28. Iyon po iyong September pension. Kaya iyong October ho, kung medyo na-delay sa kanila at hindi nila nakita ang pension credit na September – sa October po sila lahat pumasok.

Ngayon hong December through PesoNet pa rin ho siya dahil doon sa bagong scheme natin. Lahat po ng bangko na miyembro ng PesoNet, doon natin siya idinaan. Iyong para ho sa bonus na 13th month bonus natin at saka iyong December pension na first half ay matatanggap na ho nila ngayong December 1. Actually, unti-unti na ho namin nilalabas ngayon sa DBP, ililipat na ho namin sa DBP by today or tomorrow iyong pondo para ho maibigay na nila sa mga bangko at maging withdrawable na siya on December 1.

So 13th month and December pension will be on December 1. Tapos po iyong second batch ng pensioners will receive iyong kanilang December pension ng December 16 po.

USEC. IGNACIO: Okay, good news po iyan, ma’am. Kunin ko na lang po iyong mensahe ninyo o paalala sa ating mga member-borrowers at pensioners, ma’am.

SSS PRES/CEO IGNACIO: Usec. Rocky, salamat po. Ini-encourage ko po lahat ng pensioners na mag-enroll sa my.sss at iyon pong sa mobile app ng SSS. Bakit po? Kailangan po nilang i-update ang mga data nila para palagi na ho silang nakatatanggap ng messages, through text or phone or email.

Isa-suggest ko rin po na i-like nila iyong Facebook page ng SSS, Philippines Social Security System, dahil dito po namin nilalagay karamihan ang announcement lalo na po virtual at kung hindi na po nakakalabas ang tao karamihan naman po ay may cellphone, puwede po nilang tingnan ang Facebook page ng ating SSS, lahat po ng announcement, advisory nandoon po naka-post.

Isa rin po, ine-encourage ko rin po na ang mga miyembro sana po mag-contribute ng kanilang contribution at magbayad din po ng loans, para po kung sakaling kailanganin nila ng mga benepisyo at loan packages, hindi po sila magkakaroon ng problema dahil nagkaroon ng gap or hindi nabayaran iyong ganito, kino-consider din po natin iyon kasi.

So ito pong mga ito ay para mayroong continuity of servicing the SSS members po. Iyon lang po, Usec. Rocky, salamat po.

USEC. IGNACIO:  Maraming salamat po ulit sa inyong pagpapaunlak, SSS President and CEO Aurora Ignacio. Stay safe po, Ma’am.

SEC. ANDANAR:  Matapos bahagian ng tulong ang ilang market vendors sa Lanao Del Norte, mga biktima naman ng sunud-sunod na bagyo sa Bustos, Bulacan at Baggao, Cagayan ang pinagkalooban rin ng ayuda. Ang tuluy-tuloy na pagtulong sa mga nangangailangan siniguro ng pamahalaan, narito po ang ulat.

[NEWS REPORTING]

SEC. ANDANAR:  Kumustahin naman natin ang mga hakbang na ginagawa ng Department of Agriculture para tulungang makabangon ang sektor ng agrikultura sa bansa na sunud-sunod ding sinalanta ng mga nagdaang bagyo, we have on the line Secretary Willy Dar. Magandang umaga po sa inyo, Secretary Dar.

SEC. DAR:  Magandang umaga, Sec. Martin at sa lahat po ng viewers po ninyo.

SEC. ANDANAR:  Secretary, nasa higit 10 bilyong piso daw ang initial assessment ng DA na halaga ng pinsala ng agriculture sector sa bansa. Most likely ba ay may itataas pa ang halagang ito na nalugi sa agriculture industry?

SEC. DAR:  Mayroon tayong naitala as of today, Secretary Martin. Sa lahat ng bagyo na bumisita sa atin dito sa bansa ay umabot na ng 12.8 billion pesos po ang sum total ng nasalanta sa agrikultura.

SEC. ANDANAR:  It will take time and a significant amount of money, Secretary, para tulungan pong makaahon ang agriculture sector considering the damages. May nakatalaga na bang—yes go ahead, sir.

SEC. DAR:  Sec. Martin, gusto ko ring banggitin na mayroon tayong early warning advisories base doon sa mga forecast ng PAGASA ay may na-save tayo na 32 billion pesos worth of agricultural products. So ito ay na-save at malaking tulong po sa ating agrikultura.

Now iyong katanungan po ninyo ay can we start the planting season for the dry season? Mayroon na tayong naka-ready po na tulong ang Kagawaran ng Pagsasaka lahat ito kasama na rin iyong mga cash and financial assistance dito sa apektado na mga rehiyon. Kanina we were summarizing everything aabot na ng 6.5 billion pesos po ang budget ng DA na gagamitin po natin dito sa recovery and rehabilitation ng agrikultura po sa mga nasalantang mga lugar.

SEC. ANDANAR:  May sobrang limang bilyon pisong tariff collection sa Bureau of Customs diumano under the Rice Tariffication Law at ito ay puwedeng ipamahagi as cash assistance para sa mga magsasaka ayon rin sa resolusyon na isinusulong naman ni Senator Cynthia Villar. Ano po ang reaksiyon?

SEC. DAR:  Tama po at iyong proseso ay naumpisahan na ay kung maibigay po natin dito sa Disyembre, ang ganda sana; pero kung hindi man maibigay itong Disyembre ay mga January na po maibigay. Sumulat na po tayo sa DBM at saka sa Bureau of Treasury and we will be needing about 6.4 billion pesos, ito naman ay sapat iyong excess tariff out of the Rice Tariffication Law at ibibigay po natin sa mga rice farmers tilling two hectares and below. So, almost 1.4 million rice farmers po ang matutulungan po natin dito sa paggamit as a rice subsidy, rice financial subsidy po.

SEC. ANDANAR:  All right. Itong Rice Tariffication Law and Rice Competitiveness Enhancement Fund na naglalayong i-modernize ang mga sakahan sa bansa ay hindi naman daw talaga umaabot sa kanila kaya minsan ding Senator Pacquiao na gusto niyang paimbestigahan ito. Ano pong reaksiyon natin dito, Secretary Willy, para po mabigyan kayo ng pagkakataon?

SEC. DAR:  Baka hindi lang nabigyan ng tamang impormasyon ang ating mahal na Senador Manny ay we can give him all the facts. Kasi itong RCEP po, iyong 10 billion pesos a year ay maganda po ang implementasyon at dito nga sa taong ito – kasi last year naantala iyong pagbigay ng mga makinarya – halos P10 bilyon na worth of farm machineries ang naibibigay po dito sa taon na ito, plus the P5 billion na P3 billion para sa pagdi-distribute ng inbreed rice seeds and P1 billion each for credit and extension and training.

SEC. ANDANAR:   Okay. Baka mayroon ding mga katanungan iyong ating mga kasamahan sa media. Usec. Rocky?

USEC. IGNACIO:   Secretary Dar, no doubt na kaya rin po daw mataas iyong presyo ng mga bilihin sa merkado ay dahil na rin po sa laki ng epekto ng mg nagdaang kalamidad sa agriculture industry. Pero sa kabilang banda po ay nagpapatupad din ngayon ng price freeze sa buong Luzon pero dumadaing po ang mga retailers kagaya ng mga nagtitinda sa palengke dahil sila raw po iyong naiipit sa mataas na presyo pero mababang ibinibenta. Ano po ang tugon ng Department of Agriculture dito?

SEC. DAR:   Ang ginagawa po natin, Usec. Rocky ay we are mobilizing more food supplies from the less affected areas ng mga typhoons para mas marami pang supply na makakarating dito po sa Metro Manila at iba’t-ibang metro areas all over the country at para iyong price freeze ay maisakatuparan kasi alam naman natin na kapag may natural state of calamity na ma-declare ay automatic po iyong price freeze and this is good for sixty days.

At iyon ang tugon po natin, we will continue to mobilize vegetables and fruits and other food supplies na galing doon sa iba’t ibang probinsiya na least affected by typhoons.

USEC. IGNACIO:   Opo. Secretary Dar, may programa rin ba ang Department of Agriculture para naman daw po protektahan iyong kapakanan ng mga nagtitinda naman laban doon sa mataas na presyo ng benta naman sa kanila from the suppliers?

SEC. DAR:   Well, ang isang tinututukan rin natin, iyong mga traders, kasi sila iyong nagdadala karamihan dito sa Metro Manila at sila na iyong nagdidikta ng presyo. So, kinakausap rin natin iyong mga market superintendents, kasi ang unang nasa frontline ay ang mga local government units at sila po iyong nakakakilala ng mga traders na nagdadala doon sa mga iba’t-ibang wet markets.

So, iyon po ang unang ginagawa po natin, kakausapin po natin itong mga traders na huwag masyado naman iyong pagsamantala, huwag naman dapat magsasamantala sila ngayon na naapektuhan tayo ng bagyo at saka iyong supplies ay may kaunting tightness po ang mga supplies po natin.

USEC. IGNACIO:   Opo. Naglabas rin po kayo ng bagong SRP sa mga basic products kagaya po ng mga karne ats gulay. Hanggang kailan po effective ang suggested—

SEC. DAR:   Usec. Rocky, wala kang sound.

USEC. IGNACIO:   Opo. Sinasabi dito na naglabas po kayo ng bagong SRP sa mga basic products kagaya po ng karne at mga gulay. So, kailan po ito effective?

SEC. DAR:   Usec. Rocky, walang sound po.

USEC. IGNACIO:   Mukhang nagkakaroon po tayo ng problema sa komunikasyon namin. Can you hear me now, Secretary Dar?

SEC. DAR:   Yes, okay na po.

USEC. IGNACIO:   Ito po, ulitin ko na lang po. Kasi sinasabi naglabas nga daw po ng bagong suggested retail price sa mga basic products kagaya po ng karne at gulay. Ang tanong po dito, kailan po effective ang SRP na ito? Hanggang kailan?

SEC. DAR:   Ang effectivity po ay good for sixty days. So, ngayon na na-publish natin ay effective na po iyan at sana nga makipagtulungan po lahat ng stakeholders dito para sa ganoon ay may sapat na kita ang mga producers at the same time hindi naman masyadong mahal kapag dito sa merkado. So, iyong price freeze po ang iiral.

USEC. IGNACIO:   Opo. Secretary, ano naman daw pong parusang naghihintay para sa mahuhuling hindi sumusunod sa SRP?

SEC. DAR:   Mayroon po diyan sa Price Act nakalaan iyong kung ano po ang mga damages or multa. I do not have the details but easily we can provide you next time around, Usec. Rocky.

SEC. ANDANAR:   All right. Secretary, mensahe ninyo po para sa ating mga manunood. Please go ahead.

SEC. DAR:   Sec. Martin, wala pong sound kanina.

SEC. ANDANAR:   Opo. Ano pong mensahe ninyo, sir, sa ating mga viewers?

SEC. DAR:   Gusto kong ibalita na noong Lunes po ay nai-rollout na iyong pamimigay ng cash and food subsidies sa mga non-rice farmers. 4.5 billion po ito nationwide and to be given to 890,000 farmers all over the country.

So, ikakasa na po natin iyong para sa rice farmers, iyong natanong ninyo kanina, iyong rice farmers subsidy na aabot ng pangangailangan natin doon ay P6.4 billion na galing naman sa excess tariff sa Rice Tariffication Law. At kapag may pera na ay puwede na naming ibigay iyan itong Disyembre, if not – January.

So, lastly, Sec. Martin, tulong-tulong po tayong lahat. Lahat po apektado dito sa mga bagyo na dumating sa ating bansa mas lalo na dito sa Luzon at sana naman huwag magsamantala ang mga traders at sana ay huwag itaas masyado iyong mga bilihin na ibabagsak diyan sa mga iba’t-ibang wet markets.

Salamat po, Sec. Martin and Usec. Rocky.

SEC. ANDANAR:   Maraming salamat, Secretary William Dar ng Department of Agriculture. Mabuhay po kayo, Secretary!

SEC. DAR:   Mabuhay po kayo!

USEC. IGNACIO:   Samantala, puntahan natin ang mga nakalap na balita ng ating mga kasama sa ilang lalawigan sa bansa. Ihahatid iyan ni John Mogol ng PBS-Radyo Pilipinas.

[NEWS REPORT BY JP HERVAS/RP-ILOILO]

[NEWS REPORT BY JOHANIAH YUSOPH/RP-MARAWI]

USEC. IGNACIO:   Maraming salamat sa iyo, John Mogol ng PBS-Radyo Pilipinas.

SEC. ANDANAR:   Dumako naman tayo sa Cordillera Region. May balitang hatid si Alah Sungduan mula PTV-Cordillera.

[NEWS REPORT BY ALAH SUNGDUAN/PTV-CORDILLERA]

SEC. ANDANAR:   Maraming salamat, Alah Sungduan mula PTV-Cordillera.

USEC. IGNACIO:   Maghahatid din sa atin ng balita mula naman sa Cebu si John Aroa. John?

[NEWS REPORT BY JOHN AROA/PTV-CEBU]

USEC. IGNACIO:   Maraming salamat sa iyo, John Aroa at maraming salamat po sa ating mga partner agencies para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP). Salamat din po sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19. Mabuhay po kayo!

SEC. ANDANAR:   Diyan po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Ako po ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar ng PCOO.

USEC. IGNACIO:   Ako naman po si Usec. Rocky Ignacio. 30 days na lamang po at Pasko na.

SEC. ANDANAR: Hanggang bukas pong muli dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

 

###

 

 

 

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)