SEC. ANDANAR: Maayong buntag Pilipinas – Luzon, Visayas and Mindanao. Ngayon po’y December 5 at tayo’y live na nagbu-broadcast mula dito sa Davao City gamit ang makabagong pasilidad ng People’s Television sa bahaging ito ng Mindanao. Tuluy-tuloy po ang paghahatid natin nang maiinit na balita’t impormasyon ukol sa mga hakbang ng pamahalaan para tuluyang masugpo ang COVID-19 at ang krisis na dulot nito.
Ako po ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar mula sa PCOO. Magandang umaga sa iyo, Rocky.
USEC. IGNACIO: Good morning, Secretary Martin. Makakasama po natin ngayong umaga ang mga kawani ng pamahalaan na handang sumagot sa mga tanong ng bayan. Maghahatid ng ulat ang puwersa ng PTV at Philippine Broadcasting Service sa iba’t ibang probinsya.
Ako naman po si USec. Rocky Ignacio mula dito sa PTV Quezon City.
SEC. ANDANAR: Ito ang Public Briefing #LagingHandaPH. Dito nga po sa sentro ng Davao Region ay nai[garbled] po ng ating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang maipagmamalaking Mindanao Media Hub kaya kayang magbato ng impormasyon sa malaking bahagi ng Mindanao gamit ang [garbled]. Magsasama [garbled] PTV [garbled] Service, Philippine Information Agency at iba pang ahensiya sa ilalim ng PCOO. Ang state-of-the-art facility na ito ay inaasahang magsusulong pa sa pag-unlad ng Region XI at mga karatig-lugar nito.
Kaugnay sa pormal na pagpapasinaya ng ating Mindanao Media Hub, makakasama po natin si PTV Davao correspondent Rodirey Salas. Maayong buntag.
[NEWS REPORT]
Maraming salamat, Rodirey sa live report.
Sa bahaging ito ng ating programa, makakasama po natin dito sa studio ang ating Guest of Honor sa pagbubukas ng Mindanao Media Hub para talakayin ang ilang mga issue at polisiya na may malaking epekto sa ating mga kababayan. Magandang umaga po sa inyo Senador Bong Go at DMB Secretary Wendel Avisado.
SENATOR GO: Magandang umaga, Sec. Martin. Magandang umaga, Sec. Wendel Avisado and welcome sa Davao. Taga-dito kami ni Sec. Wendell sa Davao City at congratulations sa inyong bagong Mindanao Hub ‘no, sa mga Bisaya na taga-Davao tibuok Mindanao [dialect]… Bisayain ko na rin ‘no – ala-BBC po ito na Mindanao Hub. Nandidito na po iyong print, online, pati iyong radio, TV so kumpleto na at nakaka-proud po at hindi na po nahuhuli ang Mindanao, ang Davao lalung-lalo na po ang inyong Pangulo ay nanggaling po dito mismo sa Davao City at aabot po ito sa Region X, sa BARMM, sa Region XIII at nakakatuwa.
Maalala ko 2 years ago po iyong groundbreaking and finally natapos na po at sana po’y hindi po nagtatapos dito itong mga ideyang ito, mga proyektong ito… ay napag-usapan nga namin ni Secretary Martin na sana magkaroon rin po ng Visayas Hub para naman po doon sa mga kababayan nating Bisaya diha sa Cebu, sa Leyte, sa Region VI, VII and VIII. Panahon na rin po na magkaroon kayo ng Visayas Hub na nasa ibang building, kumpleto na ang lahat at nakiusap rin tayo kay Secretary Avisado at isa-suggest rin natin ‘to kay Pangulong Duterte and I’m sure si Pangulo po ay taga-Visayas rin po, taga-Cebu, isa rin po siyang Bisaya at siguraduhin din niyang hindi po nahuhuli ang ating mga kababayan na diyan mismo sa Visayas.
At sumang-ayon naman ang ating DBM Secretary na hopefully magkakaroon rin tayo ng groundbreaking at iyong ating pangarap na magkaroon nang bagong Visayas Hub tulad ng Mindanao Hub ay maisakatuparan po.
SEC. ANDANAR: Well, maraming salamat Senator Bong Go and I remember 2 years ago magkasama nga tayo dito’t kayo ang official na nag-groundbreak nitong Mindanao Media Hub. Sa palagay ninyo, ano ang maitutulong ng Mindanao Media Hub sa development ng ating mga isla dito sa Mindanao?
SENATOR GO: Malaki po ‘no, marami pong mga munisipyo, mga probinsya na hindi po naaabot ng signal. So lalung-lalo na po sa panahong ito dahil hindi po halos nakakalabas ang ating mga kababayan, malaking tulong po talaga ito – radyo, telebisyon, iyong online. At kayo naman po bilang empleyado ng gobyerno, ng PTV, nakaka-proud talaga na magkaroon ng Mindanao Hub at saka congratulations sa PTV-4, sa lahat po ng namumuno headed by GM Katkat de Castro, Chairperson Peng Aliño, lahat kayo po sa likod po ng PTV-4, ng Mindanao Hub, ng Laging Handa, si USec. Rocky Ignacio ay talagang napakalaki pong improvements ang ginagawa ninyo.
Ika nga ala-BBC na po ito. Ito po ang pinangarap ng ating Pangulo na magkaroon rin dito sa ating bansa, ala-BBC na programa, kumpleto, malakas sa signal… ang ganda po pati inyong pasilidad dito; wala po akong masabi, napakaganda. Congratulations po sa lahat ng Pilipino. Inyo po ito, government station po ito, sa Pilipino po ito. Para po ito sa taumbayan.
SEC. ANDANAR: So far ito na ho ang pinakamalaki nating media hub sa buong Pilipinas. Secretary Wendel Avisado, ano pong reaksiyon ninyo noong nakita ninyo po iyong—I know you’re from Davao and siguro nadadaanan ninyo rin ito, ano pong reaksiyon ninyo noong nakita ninyo po ito first time nakapasok kayo dito kaninang umaga?
DBM SEC. AVISADO: Eh totoo lang Secretary Martin nakakagulat eh, nakakamangha eh. All of a sudden we have this Mindanao Media Hub, the first ever in the country at we are all proud for PTV and PCOO and all the rest of the operating units of our government TV network. At dito nga makikita talaga natin kung hanggang saan aabot ang pagsisikap ng pamahalaan na mapaabot ang impormasyon sa ating mga kababayan lalo na sa mga malalayong lugar.
And on behalf of DBM, I’d like to congratulate you and all the rest – sila Chair Peng, si GM Kat and all the rest of the Directors and the personnel. At makakaasa po kayo, doon sa punto kanina na ni-raise ni Senator Bong na kung puwedeng suportahan iyong pagtatayo ng Visayas media hub, hindi lamang na iyon ang gusto ng Pangulo kung hindi sapul na rin pati iyong budget niyan ay makakasiguro po kayo na susuportahan po iyan ng DBM – one hundred and one percent po.
SEC. ANDANAR: Naku, maraming, maraming salamat, Secretary Wendel at Senator Bong Go. Actually, iyan ang pinakamalaking balita, akala namin isang balita lang, magpapasinaya tayo nitong building; iyon nga ay sinuportahan ni Senator Bong Go, sinuportahan itong Visayas media hub and I’m very certain na nagpapalakpakan ngayon ang ating mga kababayan sa Visayas, lalung-lalo na diyan sa Cebu.
So kambyo muna tayo, Secretary at Senator Bong Go, sa isyu naman tayo ng kalusugan, Senator. Bilang Senate Committee chairperson for Health, nakikita ninyo na bang handa ang Executive Department sakaling may go signal na ang mga, you know, bakuna na ibigay sa ating mga kababayan?
SENATOR BONG GO: Alam mo, Sec. Martin, napakaimportante po dito sa vaccine na ito ang isyu ng affordability, accessibility at, unang-una, availability po sa ating mga kababayan at dapat pong unahin iyong mga poor. Iyong mga mahihirap nating mga kababayan, dapat po mauuna dito.
So mayroon na tayong roadmap na ginagawa si Secretary Galvez, at siya po ang taong inatasan ni Pangulong Duterte na nakatutok. Isang tao lang, ayaw ni Pangulo na maraming council o marami pang ibang kausap. So siya po iyong in-charge. At ang panawagan ko lang po kay Secretary Galvez, unahin ninyo po iyong mga mahihirap, iyong mga vulnerable once safe na po ito. Napakaimportante po na dapat safe po ito at efficacious ito, iyong effectivity ng vaccine dahil marami pa pong takot, sa totoo lang. Sa ngayon kahit tanungin mo, sa kakaikot ko, tinatanong ko sila, tataas ba ng kamay, may mga nag-aalanganin pa. Kaya dapat unahin muna natin iyong safety nitong vaccine na ito.
And I’m challenging Secretary Galvez, once available na po iyong safe na vaccine ay ipakita niya, along with Secretary Duque, sila po unang magpapaturok ng vaccine once safe para to encourage naman po. Pero dapat unahin: Poor; vulnerable; frontliners, of course, sila iyong nangunguna sa labang ito; mga sundalo; and of course, iyong mga guro natin; iyong mga senior citizens po na talagang vulnerable; at especially po iyong mga indigent Filipino people na kailangang lumabas, magtrabaho, maghanapbuhay po, sila po iyong talagang exposed dito so, unahin po natin sila. At dapat po ay maging libre po ito sa mga mahihirap.
Kaya sa pag-uusap namin ni Pangulo, dapat mauuna po ang mga mahihirap at dapat po ay libre po ito. At pinaghahandaan naman po ito ng gobyerno. Ako naman bilang isang senador, naglaan na tayo ng pondo para sa vaccine. Bagama’t kulang pa po ito kaya iba’t ibang paraan po ang gagawin, puwedeng direct purchase; puwede rin pong government to government or multilateral loan; puwede rin pong ipi-finance po ito ng World Bank; at iba naman po iyong nanggagaling po sa private sa sector na iyong nilagdaan nila, na sila po mismo ang bibili ng mga vaccine para sa kanilang mga empleyado at kalahati po ay idu-donate nila.
So tumutulong ang ating mga private sector, mga negosyante po natin. Alam naman nila na hindi po kakayanin ito ng gobyerno lamang – maraming salamat po sa inyong suporta sa administrasyon ni Pangulong Duterte. Kailangan nating magkaisa para malampasan natin ito. Sino ba naman ang magtutulungan kung hindi tayo lang po, kapuwa natin Pilipino.
SEC. ANDANAR: Thank you, Senator Go. So malinaw iyong challenge kay Secretary Galvez at kay Secretary Francisco Duque na kayo ang dapat unang maturukan ng vaccine para to give confidence to our fellowmen.
Do we have the budget for that, DBM Secretary? Well, sa pagbabalik po ng ating programang Laging Handa, made and broadcast dito po sa Mindanao media hub. Please don’t go away.
[COMMERCIAL BREAK]
SEC. ANDANAR: Alas onse bente singko na po ng umaga, live pa rin tayo dito sa Mindanao media hub sa Davao City. Kasama pa rin po natin si Usec. Rocky Ignacio na nandoon po naman sa ating studio diyan sa Visayas avenue sa Maynila, and of course, kasama natin sa studio si Senador Bong Go at Secretary Wendel Avisado. Let’s go back to our hanging question earlier: Mayroon ba tayong budget, Secretary Wendel, para sa vaccination?
DBM SECRETARY WENDEL AVISADO: Alam mo, Sec. Martin, iyan ang laging pinag-uusapan namin ni Senator Bong eh dahil siya nga ang chair ng Committee on Health sa Senado. At kami naman sa economic team, ina-anticipate na namin na kailangan talaga nang mas malaking pondo iyan.
Sa ngayon, mayroon tayong naka-standby na ten billion sa Bayanihan II for the procurement of vaccine. Bagama’t sa susunod na taon, under the national expenditure program, mayroon lang nakalagay doon na 2.5 billion na initial budget for the procurement. Pero sa huling report ni Secretary Sonny Dominguez kay Pangulong Duterte in the last meeting namin ay sinabi na niya na nakahanda na ang ating pamahalaan na gumastos hanggang 73 billion pesos para nang sa ganoon ay ma-vaccinate natin ang kulang-kulang 60 million Filipinos or more para ma-attain natin iyong tinatawag na herd immunity.
So with that, hindi na tayo dapat kabahan dahil marami pong pamamaraan na kung saan malilikom iyong pera na iyan. At sinabi na nga ni Senador Bong kanina, it could be bilateral, multilateral or direct loans from ADB or World Bank or a combination. So wala po tayong dapat na alalahanin. Kapag po si Pangulong Duterte ay nagsabi na kaya ng gobyerno, totoo po iyong sinasabi niya. At kami naman sa economic team ay talagang nakahanda na maglikom ng pera para po matustusan ang lahat ng pangangailangan ng ating taumbayan.
SEC. ANDANAR: Okay. So nothing to worry about. Now, noong November 16, Senator Bong, ay pinirmahan ni Pangulong Duterte ang Administrative Order No. 35 at 36 na nagbibigay ng three thousand pesos (P3,000) hazard pay sa mga healthcare workers at five thousand pesos (5,000) naman para sa risk allowance – ano ang maitutulong nito sa laban natin sa COVID-19?
SEN. GO: Naglaan po ng pondo ang Kongreso including the Senate ‘no, both Houses. Part po ito ng Bayanihan, naglaan po ng about P13 billion para po dito sa mga hazard pay at saka sa special risk allowance. At narinig ko po na magkakaroon—may resolusyon na Senado, paiimbestigahan at napakatagal po ng releases.
Para sa akin with our without resolution wala pong dahilan na dapat matagal ng nai-release ito. Ayon naman po sa DBM na nagpirmahan na po sila sa kanilang joint circular ay nanawagan po ako both sa DBM at Secretary of Health natin na huwag na pong tagalan iyong pagri-release. Nag-o-overtime kami sa Senado, nagtatrabaho kami para maipasa kaagad iyong Bayanihan at wala pong rason na magkakaroon ng delay sa pagri-release. Kailangan po iyan, alam po ninyo napakaliit na halaga iyan sa sakripisyong ginagawa ng ating mga health workers, including mga barangay health workers natin, mapubliko man o mapribado na tumutulong po nito. Buhay po nila ang nakataya diyan.
So, wag na po ninyong antayin na magagalit na naman po si Pangulong Duterte iyong nangyari po noong nakaraan na nagkaroon po ng delay sa pagri-release noong 1 million financial assistance. Kita ninyo ngayon, di mayroong mga suspendido sa Ombudsman.
So three days dapat tapos na po, wala pong dahilan, ‘andiyan na iyong pondo, inaprubahan na Kongreso, halos wala na nga kaming tulog para maipasa po ito sa Bayanihan 2. So, nakikiusap po ako sa inyo na bilisan ninyo na po at malaking tulong po ito sa ating mga health workers.
SEC. ANDANAR: Handa naman ang DBM, Secretary?
SEC. AVISADO: Opo. Sa totoo lang, matagal na pong release iyong pera o iyong pondo sa Department of Health. Lamang sa lawak ng coverage ngayon ng special risk allowance, kasi kasama na po ang pribadong sector eh iyong mga frontliners natin sa mga private hospitals and healthcare services, kasama din po sila sa special risk allowance. Kaya po makakaasa po kayo na nakahanda na po na i-release iyan ng Department of Health immediately, dahil pirmado na po iyong joint circular at matagal ng nasa kanila iyong pondo ng both for the duty pay hazard pay at saka iyong special risk allowance.
SEC. ANDANAR: Ito pondo pa rin, Senator Bong Go magtatapos na ang 2020. At maari ba ninyo kaming bigyan ng update tungkol naman sa bicameral committee para sa pagpapasa ng national budget for next year?
SEN. GO: Yes. Noong nakaraang linggo po nagpulong na kami ako po bilang Vice Chairman po sa finance sa Senado ay isa rin po akong miyembro ng bicam. Nagpulong na kami at hopefully po matatapos na ito ng both chairman ng Finance ng both leadership po ng Kongreso by Monday, December 7 or hopefully December 9 ma-ratify na po ito ng both Houses at ma-transmit na po ito sa executive.
Hopefully, ire-review ng executive iyan ang inaasahan natin dito ay mapipirmahan po ito ng Pangulo hopefully sana by December 21 or December 28; basta bago po matapos ang taon, mapirmahan po dapat ito ng Pangulo. And by January 1, dapat mayroon na tayong budget. Kasi itong budget na ito it’s tailor made or suited for sa COVID. So, kaya nga hindi po pumayag iyong Pangulo na magkaroon ng reenacted budget, we cannot afford another one po dahil mahirap itong labang ito, laban sa COVID-19. Lalung-lalo na po iyong mga tulong sa mga mahihirap natin na nawalan po ng trabaho.
SEC. ANDANAR: The never ending topic of COVID-19, Sec. Wendell. Laman ng balita na nararanasan natin ngayon dito sa Pilipinas or sa buong mundo, matinding post war recession dulot ng COVID-19 pandemic. Ano ang inaasahan natin sa taong 2021; makakabawi na po ba tayo sa recession?
SEC. AVISADO: Sa totoo lang po, totoo naman iyong obserbasyon, hindi lamang Pilipinas, kung hindi buong daigdig ang talagang kinakaharap iyang problema na iyan. At dito sa ating bansa, nag-contract ang ekonomiya natin dahil nga dito sa pandemyang ito. As a matter of fact, umabot ng 16.9 noong July, bumaba naman sa 11.5 nitong September and hopefully it will further go down pa.
And for next year bang inaasahan natin ay instead na sa ngayon nag-negative tayo eh babalik tayo sa positive. Hopefully, between 6.5 to 7.5 ang ating economic growth next year at tataas iyan from 8 to 10 sa 2022. Kaya naman ginagawa po lahat ng ating pamahalaan at ng economic team at sa 2022 na ihahanda na natin iyong budget call natin, aangat ng about 11.5% ang level ng ating proposed budget for 2022 from 4.056 to 4.024 trillion pesos para sa 2021, it’s about 22% of GDP.
So makakaasa po ang ating taumbayan na ginagawa po lahat ng ating pamahalaan na makabangon tayo at ang tema po ng ating budget next year ay ‘Reset, Rebound and Recover’ at dalawa po ang sinisentro natin dito iyong healthcare responses at measures for economic growth. Kaya chill lang po tayo at ginagawa po natin lahat ng para sa ating bansa, sa ating taumbayan po.
SEC. ANDANAR: Magtungo naman tayo sa studio sa Maynila. Baka mayroong mga katanungan ang ating mga kasamahan sa media, kasama si USec. Rocky Ignacio. Rocky come in.
USEC. IGNACIO: Yes, Secretary Martin, mayroong tanong si Evelyn Quiroz ng Pilipino Mirror para po kay Senator Go; although natanong na po ito kanina or nasagot niya kanina. Pero ulitin ko na lang po baka po may idadagdag pa si SENATOR GO: President Duterte recently signed EO #121 which will help speed up the acquisition of a vaccine for COVID-19. If and when a vaccine becomes available, how will the government determine who to give the vaccine to first and are there existing guidelines para daw po dito, Senator Go?
SEN. GO: Ito po ba iyong Emergency Use Authorization? Binibigyan po ng authority ang FDA halimbawa po na mayroon ng mga existing vaccines sa ibang bansa na mayroon rin pong mga Emergency Use Authorization. Iyon po iyong puwedeng pag-aralan ng ating FDA along with DOST, so may mga stages po na susundin si Secretary Galvez bago niya bibilhin iyong mga vaccines. So, mas magiging mabilis iyong proseso natin ngayon, dahil mayroon na tayong Emergency Use Authorization ng ating FDA.
So, hinihikayat ko po ang ating FDA, dahil talagang nakaabang po ang ating taumbayan diyan sa available na vaccine. Pero ulitin ko po, unahin po natin na dapat maging safe po muna ito. Dahil takot po ang taumbayan hangga’t hindi ito po napu-prove iyong safety nito at saka iyong efficacy nitong vaccine na ito ay mahihirapan po tayong magkumbinsi sa ating mga kababayan.
So sabi ko nga, I challenge Secretary Galvez and Secretary Duque na kapag mayroon na pong safe na vaccine eh mauna po kayo para ipakita sa mga taumbayan iyong kumpiyansa po na puwede na silang maturukan, dahil marami pa talaga nag-iisip at takot. Although nagmamadali na tayo, dahil gusto na po nating bumalik sa normal nating pamumuhay ang ating buhay. Alam ninyo bumaligtad talaga ang ating mundo sa panahong ito.
Sa kakaikot ko po, alam ninyo noong unang panahon, kapag nagpatawag iyong local government official, iyong Mayor, kapag walang pumunta, galit si Mayor, dahil walang pumunta. Ngayon kapag maraming pumunta galit si Mayor, dahil nagkukumpol iyong tao. Noong panahon kapag may hawak ka na alcohol, maarte ka, ngayon po kapag wala kang hawak na alcohol, hindi ka kakamayan. Marahil po ay sinusubukan ng Panginoon ang ating pananampalataya sa kaniya. Kaya paigtingin na natin ang ating pananampalataya, magtulungan tayo, mga kapwa Pilipino magbayanihan po tayo.
Usec. Rocky, bakit wala ka rito sa Davao? Hinihintay ka namin dito. Totoo ba na takot kang magpa-swab?
USEC. IGNACIO: Hindi naman Senator, hindi naman po. Wala lang pong taong-bahay, kailangan natin nandito rin tayo sa Manila para po makita pa rin iyong ating gagawin diyan sa Mindanao Hub. Promise po, pupunta po talaga din ako sa Davao. Balik po tayo kay Secretary Martin…
SENATOR GO: Sige po, kapag nandidiyan na iyong Visayas Media Hub dapat ikaw na at by that time po, hopefully wala na pong COVID-19 pandemic po at malampasan natin itong pandemyang ito, itong krisis na ito.
USEC. IGNACIO: Yes, salamat Senator.
SEC. ANDANAR: Okay. Nagpapasalamat po tayo kay Secretary Wendel Avisado ng DBM sa pagtugon sa ating mga katanungan. Samantala, bago po tayo tumungo sa isa pang programa na malapit po sa inyo, Senador Go, ay tunghayan muna natin ang mga balita at impormasyon mula sa ibang lalawigan. Makakasama natin sa puntong ito ang tagapaghatid ng balita sa Philippine Broadcasting Service mula sa Radyo Pilipinas, si Aaron Bayato.
[NEWS REPORT]
Maraming salamat, Aaron Bayato ng PBS. Tuluy-tuloy po ang ating programa ngayong umaga, at 11:43, balikan po natin si Senador Bong Go. Napakarami na pong Malasakit Centers ang napasinayaan sa buong bansa at para sa mga taga-Mindanao na nanunood sa atin, paano po ba sila makikinabang sa serbisyong ito, na one-stop shop for medical assistance Senator Go?
SENATOR GO: Sec. Martin, kakabukas lang po natin kahapon ng pang-94th na Malasakit Center diyan po sa San Fernando, La Union. Maraming salamat sa kanila ni Governor Ortega, Mayor Gualberto. Ang Malasakit Center po ay batas na at pinirmahan po ito ni Pangulong Duterte noong December 3, 2019, itong Malasakit Act of 2019. One-stop shop po ito, nasa loob na ho ng hospital, sa building iyong apat na ahensiya ng gobyerno – PhilHealth, PCSO, DOH at DSWD.
Noong unang panahon po kailangan pa nilang pumila – Lunes pipila sila sa PCSO, Martes pipila sila sa DOH, Miyerkules pipila sila sa DSWD, ang-Huwebes po sa PhilHealth. Ubos po ang kanilang panahon, ubos po ang kanilang pamasahe sa kakapila, madaling araw pa, mas delikado pa magkukumpul-kumpol pa iyong tao. Ngayon po nasa loob na noong hospital, one-stop shop po. Tutulungan sila ng apat na ahensiya ng gobyerno at ang target po nito ay zero balance billing po. Para po ito sa mga poor and indigent patients at mayroon pong express lane dapat sa mga senior citizens at sa mga disabled para hindi na sila kailangan na pumila pa.
Uulitin ko, ano bang kuwalipikasyon ng Malasakit Center? Basta Pilipino ka, basta poor and indigent patient ka qualified ka po sa Malasakit Center. Inyo po ito, wala pong pinipili ang Malasakit Center. Sa ngayon mahigit 1.8 milyong pasyente na po ang natulungan. Mayroon na tayong 49 Malasakit Center sa Luzon, mayroon tayong 23 sa Mindanao at 22 po sa Visayas at tuluy-tuloy po itong pagbubukas dahil batas na po ito. Ayon sa batas, 73 DOH-run hospital magkakaroon ng Malasakit Center at iyong mga provincial hospital naman po na gustong maglagay ng Malasakit Center, they just have to follow the criteria being set by the law para po malagyan sila ng Malasakit Center.
SEC. ANDANAR: Senator Bong Go, makakasama natin ang ilan sa naging benepisyaryo nito. Usec. Rocky, sino ang unang maglalahad ng kaniyang kuwento tungkol sa Malasakit Center?
USEC. IGNACIO: Salamat, Secretary Martin. Magandang araw po ulit, Senator Bong Go. Isa pong anim na buwan na baby mula po diyan sa Davao City ang nadugtungan ngayon ng buhay dahil sa walang tigil na medical assistance na naipapaabot natin sa kaniyang magulang na si Rowena. Rowena, ano ba iyong dumapong sakit sa iyong bunsong anak na si Queenie?
ROWENA: Cerebral palsy at saka pneumonia po.
USEC. IGNACIO: Opo. Rowena, magandang araw sa iyo ‘no. Ano iyong naitulong ng Malasakit Center at ang tanggapan ni Senator Bong Go sa kaniyang pagpapagamot?
ROWENA: Yes, po. Magandang araw din po. Malaking tulong po iyon para kay baby.
USEC. IGNACIO: Opo. Senador, mayroon ka bang gustong itanong kay Rowena dahil talaga pong nagpapasalamat si Rowena sa inyong tanggapan dahil napakalaki daw po nang naitulong mo para doon sa kaniyang anak/baby na may sakit? Senator, go ahead po.
SENATOR GO: Yes. Nandidito po ang inyong gobyerno, lapitan ninyo lang po ang Malasakit Center. Kami po ni Pangulong Duterte sa abot po ng aming makakaya ay tutulong kami sa inyo. Huwag ho kayong mawalan ng pag-asa lalung-lalo na po iyong mga ganoong may komplikasyon na sakit po. Huwag ho kayong mag-atubiling lumapit sa amin, kay Pangulong Duterte dahil trabaho po namin iyan na magserbisyo po sa inyo.
At huwag ho kayong magpasalamat sa amin dahil, uulitin ko, trabaho namin iyan. Lapitan ninyo lang po kami, handa kaming tumulong sa inyo sa abot ng aming makakaya – 24/7 po bukas ang aming tanggapan para sa aming kapwa Pilipino.
USEC. IGNACIO: Mayroon kang gustong sabihin sa ating Senador, Rowena?
ROWENA: Yes po.
USEC. IGNACIO: Ano ang gusto mong iparating o sabihin sa ating senador na si Bong Go?
ROWENA: Maraming, maraming salamat po sa tulong ninyo po lalo na ngayon na walang-wala po … wala po kaming ibang malapitan po, lalo na si baby marami pong maintenance.
USEC. IGNACIO: Rowena, ikaw ba ay nasaan ngayong ospital? At, oo, naiintindihan namin ang iyong pinagdaraanan ngayon, ano. Katulad ng iyong narinig sinabi ni Senator Bong Go na huwag kayong mag-alala dahil ipapaabot ng pamahalaan iyong kaukulang tulong para sa iyo at alam ko naman na talagang—‘ayan, naririnig ka na ni Senator. Senator, go ahead.
SENATOR BONG GO: Misis, huwag ho kayong mag-alala, kami na hong bahala, tutulungan po namin kayo. At asikasuhin mo na lang po iyong anak mo at dasal ka rin po para gumaling siya. Basta tutulong po kami sa inyo sa abot ng aming makakaya. Iyon lang po ang pakiusap ko, aalagaan mo po ang iyong anak, unahin ninyo po. Sa babayaran mo sa ospital, kami na ho ang tutulong diyan; huwag mo nang alalahanin po iyan.
ROWENA: Salamat po, Senator.
USEC. IGNACIO: Okay. Salamat sa iyo, Rowena; salamat din, Senator Bong Go.
Samantala, kinse anyos naman po na si Ayna Macalbi(?) ay napagkalooban din ng medical assistance ng DSWD at ng opisina ni Senator Bong Go. Hindi kasi sumasapat ang kita ng kaniyang ama na pedicab driver para tustusan ang kaniyang pangangailangang medikal. Kasama natin ngayon ang pinsan ni Ayna na si Jamila. Magandang umaga sa iyo, Jamila. Kumusta na ang kalagayan ni Ayna ngayon?
JAMILA: Magandang umaga po sa inyo.
USEC. IGNACIO: Iyon pong medical assistance na naibigay sa inyo, paano po nagamit ito para sa pagpapagamot ni Ayna?
JAMILA: Puwede pong pakiulit, ma’am.
USEC. IGNACIO: Ano po iyong naitulong o iyong medical assistance na naipagkaloob sa inyo para po magamit sa pagpapagamot ni Ayna?
JAMILA: Iyon po, ma’am, ay binili po namin ng kaniyang mga pangangailangan. Nabili po namin ang gatas niya po at saka iyong pang-araw-araw po, iyong transportation at saka iyong mga ibang reseta po; pero iyong iba po, ginagawa pa po ng OSAP. Inaayos pa po.
USEC. IGNACIO: Opo. Senator Go, ikaw po ba ay may gustong ipahayag kay Jamila para po kay Ayna, sa pagpapagamot ni Ayna?
SENATOR BONG GO: Ma’am, gaya ng sinabi ko kanina, huwag ninyo na pong alalahanin iyan, tutulungan po kayo ng Malasakit Center. Kung hindi po available sa Malasakit Center iyong mga gamot ay gagawan po natin ng paraan at tutulong po ang aming opisina. At si Pangulong Duterte rin po ay handang tumulong sa inyo, iyon po ang parati niyang pinagbibilin lalung-lalo po sa mga wala pong matakbuhan. Nandiyan po ang inyong gobyerno para tumulong po sa inyong lahat.
USEC. IGNACIO: Opo. Senator Go, mayroon pong mensahe sa atin si Ayna. Panoorin po natin ito, Senator.
[VTR]
USEC. IGNACIO: Iyan, Senator, inyong narinig iyong naging pahayag ni Ayna na isa po sa mga maraming sa mga natutulungan ng ating pamahalaan. May nais po ba kayong sabihin kay Ayna na ngayong nanunood sa atin, Senator Go?
SENATOR BONG GO: Bisaya man siya, sabi ko, ayaw kaguol mutabang me sa imo pati sa imuhang nga adlaw-adlaw na ah kan-un [huwag mag-alala kami sa iyo pati sa inyong pang araw-araw na kakainin] araw-araw mong gagastusin po hanggang makauwi ka sa iyong tirahan pati pamasahe ninyo po ay tutulungan po namin. Huwag ka na pong mag-alala. Unahin mo ang iyong pagpapagaling at magdasal din tayo sa ating Panginoon.
USEC. IGNACIO: Opo. Doon po sa pinsan ni Ayna na si Jamila – Jamila, pagkakataon mo na para makausap mo si Senator Go. Ikaw ba ay may nais pang sabihin sa kaniya?
JAMILA: Magandang umaga po sa iyo, Sir Bong Go. Humihingi po kami ng tulong para sa aking pinsan kasi walang-wala po talaga sila at saka alam ko po na matutulungan ninyo po kami through financial at saka sa bill po ng ospital. At sana po makausap ninyo po iyong doctors niya kasi hinahanapan po kami ng pang-down payment at saka papalabasin daw nila [unclear].
USEC. IGNACIO: Okay, Jamila. Jamila, narinig naman ni Senator Go iyong inyong—
SENATOR BONG GO: Opo, kakausapin—
USEC. IGNACIO: Yes, go ahead, Senator.
SENATOR BONG GO: Kakausapin po namin iyong doktor ninyo para sa inyong down payment at tutulungan namin kayo sa inyong pagpapaospital hanggang makauwi ho kayo pati po ang pamasahe ninyo hanggang makauwi kayo sa inyong pamamahay. So huwag na po kayong mag-alala, importante po ay gumaling po kayo at magkaroon kayo ng panibagong buhay. Huwag ninyo na pong alalahanin iyan, tutulungan po namin kayo.
JAMILA: Salamat po, sir.
USEC. IGNACIO: Okay. Salamat sa iyo, Jamila; salamat din, Senator Go. Babalik po tayo diyan sa Davao, Secretary Martin.
SEC. ANDANAR: Maraming salamat, Usec. Rocky. Senador, hindi po ba nahihirapan ang mga ahensiya ng ating pamahalaan sa pag-sustain ng operasyon ng Malasakit Centers? Ninety-four na.
SENATOR BONG GO: So far naman po ay nagtutulungan sila, iyong apat na ahensiya ng gobyerno, depende po sa pangangailangan – ang PhilHealth, PCSO, DOH at DSWD and of course, kay Pangulong Duterte. Iyong atin dito is matulungan po iyong pinakamahirap, iyong poor and indigent patients, lalung-lalo na po sa panahon ng pandemya. Hindi lang naman po COVID-19 ang kinakaharap natin, marami pong mga kababayan natin na may mga sakit at may mga pangangailangan po sa kanilang pagpapagamot.
Tuluy-tuloy po ang Malasakit Center. Inyo po iyan. Uulitin ko: Sa Pilipino po iyan, wala pong pinipiling pasyente ang Malasakit Center.
SEC. ANDANAR: Kaya po ay madalas na lumilibot sa buong Pilipinas lalung-lalo na iyong mga nasalanta ng bagyo, nasusunugan, at nakita po natin ang tumitinding epekto ng mga kalamidad sa bansa. Kung magkakaroon po ng Department of Disaster Resilience, ano ang magiging advantage kaysa sa kasalukuyang NDRRMC lamang?
SENATOR BONG GO: Ang NDRRMC is a coordinating council po ‘no. Ito pong Department of Disaster Resilience, pasado na po ito sa Lower House at nasa Senado na po ito, sa komite, at pinag-aaralan po ito. I’m not losing hope po. At the proper time, kinausap ko po iyong kapuwa ko senador, sana po ay magkaroon tayo ng isang departamentong ready po – Cabinet-level; maging more responsive bago pa po dumating iyong bagyo; naka-preposition na po iyong mga goods; coordination between different agencies and the LGUs po. Hindi iyong pagkatapos pa po ng bagyo saka darating iyong mga iba’t ibang ahensiya ng gobyerno. Pag-alis ng hepe nila, wala na rin pong maiiwan doon sa mga probinsiya nila.
Eh katulad ngayon, nagtalaga si Pangulong Duterte ng task force headed by Secretary Cimatu and Secretary Villar para sa mga tinamaan ng bagyo. Iyong task force na iyon ay parang departamento na rin po iyon, bakit hindi na lang natin lagyan ng permanente dahil talagang pabalik-balik po ang bagyo dahil po iyan sa climate change at saka nasa Pacific Ring of Fire tayo, halos taun-taon po, buwan-buwan, dinadaanan tayo ng bagyo dito sa ating bansa.
Not only bagyo, not only baha, lindol, pagputok ng bulkan, pati itong sunog ‘no. So, dapat handa tayo especially itong rehabilitation and recovery efforts ng gobyerno na huwag pabayaan po na makabangon at ang pinakaimportante diyan pinapaalala ni Pangulong Duterte sa lahat, restore back to normalcy parati, kapag mayroong mga sakunang nangyayari.
SEC. ANDANAR: Bukod sa Department of Disaster Resilience na inyong isinusulong. Ano po ba ang update natin sa Department of Overseas Filipinos, naka ilang paalala na po si Pangulong Duterte sa Kongreso noong mga nakaraang SONA niya na ipasa na sana ito. Tiwala pa rin po ba kayo na ito ay maisasabatas?
SEN. GO: Pumasa na rin ito sa lower house, hopefully mayroon na pong enhanced version na nai-file namin sa senado along with Senator Joel at mayroon kaming committee hearing ngayong darating na Lunes. Remember, more than 10 million Filipinos po ang nasa ibang bansa, overseas Filipinos. Dapat po mayroon din pong departamentong nakalaan sa kanila.
Alam ninyo noong nangyari ang pandemya nananawagan sila sa radyo, sa TV, sa Facebook, ngayon po kapag mayroon ng departamentong cabinet level na malalapitan at isa na lang po ang makikipag-coordinate lalung-lalo na po sa mga problemang ito ng pandemya. Uuwi iyong mga OFWs natin, may mag-aasikaso po sa kanila, one department, they deserve it. Hero ang tingin natin sa kanila, bigyan natin sila ng departamentong nakatutok po sa kanila at dapat ituring natin silang mga bayani po, ang ating mga OFWs.
SEC. ANDANAR: Maraming salamat po sa inyong panahon, Senador Bong Go. Baka mayroon po kayong reminders or huling mensahe para sa ating mga kababayan?
SEN. GO: Sa mga kababayan ko, kaunting tiis lang po, kapit lang po kayo, ginagawa naman po ni Pangulong Duterte ang lahat at ng kaniyang administrasyon, magtulungan lang po tayo. Sino ba naman ang magtutulungan kung hindi tayo lang po kapwa nating Pilipino. Malalampasan po natin itong pandemyang ito. Hopefully po sa darating na taon ay matatapos na itong problemang ito with cooperation po ng lahat ng mga Pilipino.
SEC. ANDANAR: Sa uulitin, maraming salamat po sa inyong panahon at pagbisita rito sa bagong Mindanao Media Hub, Senator Bong Go.
SEN. GO: Congratulations po sa lahat, sa PTV, sa PCOO, Usec. Rocky, biro lang po iyon ha, hopefully magkikita tayo dito, nami-miss ka lang namin dito sa Davao City. So bisitahin mo kami dito sa susunod and hopefully ikaw ang magbubukas sa Visayas Hub kapag natuloy na po iyon. Maraming salamat. Sa mga kapatid nating Pilipino, mag-ingat po tayong lahat po. Mahal po namin kayo.
SEC. ANDANAR: Take it away, Usec. Rocky. Back to you.
USEC. IGNACIO: Opo, salamat Senator Go at Secretary Martin. Nagpapasalamat po tayo kay Reymund Tinaza ng Bombo Radyo na nakatutok po sa atin ngayon.
Samantala, narito naman po ang COVID-19 situation sa buong bansa. Base po sa tala ng Department of Health, as of December 4, 2020, naitala ang 943 newly reported COVID-19 cases. Ang total number of confirmed cases ngayon ay 436,345. Naitala rin kahapon ang 63 katao na nasawi kaya umabot na sa 8,509 cases ang kabuuang bilang ng COVID-19 deaths sa ating bansa. Ngunit patuloy rin naman nag pagdami ng mga nakaka-recover na umakyat na sa 399,457 with 148 new recoveries recorded as of yesterday. Ang kabuuang total ng ating active cases ay 28,379.
Patuloy po tayong magtulungan na masugpo ang COVID-19 sa pamamagitan po ng pagsasailalim sa COVID-19 test kung kinakailangan at siyempre katuwang pa rin natin dito ang Philippine Red Cross. Kung nais po ninyong magpa-swab test sa Red Cross narito po ang hakbang na dapat ninyong gawin.
[VTR]
USEC. IGNACIO: Sa pagkakataong ito bigyang pansin naman po natin ang hakbang ng pamahalaan upang matulungan ang ating mga kababayang nasalanta ang mga bahay dahil sa nagdaang kalamidad. Makakasama po natin si National Housing Authority General Manager Marcelino Escalada Jr. Magandang araw po GM Escalada.
NHA GEN. MANAGER ESCALADA: Good morning Usec. Rocky. Good morning, Secretary Martin.
USEC. IGNACIO: GM, bigyang-daan muna iyong tanong ni Evelyn Quiroz po ng Pilipino Mirror. Last week po, the government launched the Balik Probinsya, Bagong Pag-asa or BP2 program, which aims to decongest Metro Manila and enhance regional development. Could you tell us more about this program and will this be a long standing program fully supported by the government?
NHA GEN. MANAGER ESCALADA: Tama iyon, Usec. Rocky ano. Executive Order 114 is very clear in its direction na this has the components of a short term, medium term at saka long term. So, we have already started our dispatch even before the height of the COVID. But then again, sabi natin, we need to also rationalize our movement, kasi baka this maybe a very crucial means of transmitting the COVID-19. So, we suspended, Usec. Rocky, only the dispatch, only the deployment. But tuluy-tuloy ang ating evaluation, tuluy-tuloy ang ating assessment. At saka right now, Usec. Rocky, umabot na ng almost 120,000 that have signified na talagang sasama na sila, babalik na sila sa kaniya-kaniyang probinsiya. And top of the line again, iyong Leyte, CamSur, Zambo Norte, we also have Lanao Del Norte, as well as Isabela and the rest of the Visayas Region.
So, ngayon, we have encourage all our LGUs, Usec. Rocky, to participate and based on the latest criteria na ginawa natin, we have identified iyong top 5 natin na mga LGUs that are ready ngayon, ready to accept our kababayan na nandito na sa Metro Manila for the longest time, residents of Metro Manila na talagang gusto nang bumalik sa probinsiya and last week, together with Senator Bong Go, pumunta kami sa Kauswagan.
Because Kauswagan, Usec. Rocky, has been identified to be the center of our Lanao Del Norte Balik Probinsiya Bagong Pag-asa community housing together with the livelihood as well as agricultural productivity na i-prepare natin, we are preparing Kauswagan that eventually by next year, when all these worries natin on COVID will go down at saka pagkatapos may kumpiyansa na ang mga tao natin, then they can finally decide to really avail our Balik Probinsiya Bagong Pag-asa dispatch system. So, sa Kauswagan, Usec Rocky, we have already made available, the first 100 housing units ongoing right now na hopefully by mid of 2021 tapos na ito at saka maka-decide na rin ang mga tao na babalik na sila with a very good livelihood support.
USEC. IGNACIO: GM, nabanggit po ninyo may limang LGUs na nag-open na para dito sa programang ito, anu-ano pong LGUs ito, puwede po ba nating banggitin, GM?
NHA GEN. MANAGER ESCALADA: We are very happy, Usec. Rocky to report to you and to the people of this country, na number one si Leyte. So the province of Leyte is the most responsive right now. Second is ang Camarines Sur. We also have Lanao Del Norte, we have Zambo Del Norte, Isabela and newest in our list that have signified their intention na magiging participants na sa ating pilot rollout will be the Davao Del Norte of Governor Edwin Hubahib.
USEC. IGNACIO: So, iyong pilot pong iyan, kailan po natin gagawin iyan GM?
NHA GEN. MANAGER ESCALADA: Ongoing ang ating coordination ngayon, Usec. Rocky. In fact, I am also pleased to report to everyone, especially to the member-agencies of the Balik Probinsiya Bagong Pag-asa Council, na itong limang provinces na ito have already submitted the LGU profile at saka they already submitted the key resolve areas na anong gusto nilang mangyari sa probinsiya nila in four major key resolve areas. Such as the empowerment of local industries, the food security and agricultural productivity, social welfare, health and employment and finally the development of infrastructure.
So sabi natin Usec. Rocky, we will not impose Balik Probinsya Bagong Pag-asa, we will not impose developments on these provinces, but sila mismo ang mag-identify kung ano ang gusto nila mangyari sa probinsya nila, provided that once in place na lahat, they should be ready to accept their own constituents in time.
USEC. IGNACIO: GM, nagkaroon na po ba kayo ng assessment kung ilang mga kababayan natin iyong naapektuhan ng bagyo at pagbaha, iyong kanilang mga bahay at ano po iyong agarang naipaabot na tulong ng NHA sa kanila?
NHA GM ESCALADA: Medyo malaki, Usec. Rocky, Senator Bong Go and the rest of team, went to una sa Catanduanes during the time of Rolly. And even before we took off from Catanduanes, Ulysses was already 340 kilometers off Virac. So Senator Bong Go and myself together with Secretary Bello, Secretary Dar, Secretary Rolly Bautista went on board to the plane on signal number 2. So that is how our senator is very purposive in his action to help out people, our kababayan.
So right now Usec. Rocky, for the rest of the Rolly, Quinta and Ulysses ang na-enroll natin sa ating situational report coming from NDRRMC around 150,000 families both partially and totally damaged. So hindi pa natin naa-account iyong sa Marikina natin, kasi this was the most recent, but our—ito iyong commitment natin, iyong ating financial assistance for both iyong sa Marikina na naapektuhan, iyong sa Ulysses natin in Metro Manila, sa Catanduanes and Isabela, the NHA together with DSWD—we have divided our forces, Usec. Rocky. Kasi given the resources available, we said that Region V will be handled by DSWD and Regions IV-A and IV-B will be handled by NHA.
So, initially, nagbibigay tayo Usec. Rocky ng P5,000 for partially damaged and P10,000 for totally damaged. Just an initial funding support para lang maka-overcome, para lang mapaayos iyong mga sariling bahay nila to be able to give them needed roof before a permanent housing will be provided to them next year.
So ngayon Usec. Rocky, I have already written a letter request to NDRRMC indicating among others our budget proposal na gagawin na natin iyong resilient housing programs intended for the Bicol Region as well as in Region II na talagang it can withstand a 250/270 magnitude of wind and at the same time na earthquake na medyo mataas iyong intensity niya.
So hopefully Usec. Rocky, we have already implemented and designed a very good housing resilient proposal to be implemented next year.
USEC. IGNACIO: GM pasensiya na ano, balik lang po ako dito sa Baling Probinsya, may pahabol po kasing tanong si Leila Salaverria ng Daily Inquirer: Pa-clarify naman po kung kailan talaga magsisimula ulit iyong pagpapauwi ng mga tao sa probinsya?
NHA GM ESCALADA: Tama, Usec. Rocky, I would like to clarify that.
I will be dependent upon the go signal of our Inter-Agency Task Force on COVID. Actually, I was negotiating with Senator Bong Go as well as our Executive Secretary Chair Salvador Bingbong Medialdea na umpisahan na natin, kasi it’s December, baka puwede nating luwagan at saka pagkatapos we will schedule the roll outs already.
Medyo may apprehension pa ang level ng committee up until there is no clear go signal for the Inter-Agency Task Force na talagang iyong mga LGUs natin are ready to accept, kasi medyo mahirapan tayo Usec. Rocky. For example, I have already scheduled around ten trips to Leyte, ten trips to CamSur, ten trips to Lanao Del Norte. So that would mean something like 2,000 persons travelling. So if and when our provinces are not yet ready for the isolation, for the treatment and all others, medyo mahirapan tayo. So up until there is no certainty yet in terms of the vaccine and at the same time the readiness of some LGUs, suspended muna natin until further notice.
But our facility, Usec. Rocky, in Quezon City, we have the terminal, we have already the isolation facility. We have an overnight stay accommodation for everyone. Nandito ngayon sa Quezon City, it is located in a 6.9 property of NHA, ginawa namin ito para comfortable iyong mga tao natin during the dispatch system.
And finally, Usec. Rocky, Senator Bong Go also approved together with Secretary Wendell Avisado the P1billion fund for Balik Probinsya Bagong Pag-asa, that before we will dispatch our passengers bound to their respective provinces, they will undertake a swab test. So, we will have a swab test onsite then wait for another 12 hours, the day after the first hour in the day after then when the result is negative on board sila to the provinces. Pag-positive naman, we will assign them to a facility where available according to our Inter-Agency Task Force.
So, ito iyong mga bagong innovations natin, bagong ginawa natin to make sure that our Balik Probinsya, Bagong Pag-asa will not be a transmission vehicle or transmission carrier to where they will be going soon. So we are making sure everything is taken cared of, Usec. Rocky, at the dispatch center pa lamang.
USEC. IGNACIO: Dahil hindi naman daw po GM nawawala agad iyong paghagupit ng bagyo at malawakang pagbaha sa ating bansa. So ano po iyong nakikita ninyong gagawing sistema ng National Housing Authority pagdating po doon sa paggawa, pagpapatayo ng mga nasalantang bahay sa bansa?
NHA GM ESCALADA: Tama, Usec. Rocky, that’s a very good question you have raised. You know, before Duterte administration came, marami ng disasters na dumaan sa bansa natin. So, I said to our team, we will take the lessons, the lessons of Yolanda in 2013, the lessons of Pablo, the lessons of Sendong in Iligan, Cagayan De Oro corridor, the lessons of Zamboanga. So, all of these, Usec. Rocky, nasa literature na namin. So, we will take off from the lessons we have learned in all these disasters.
So, number one na lesson namin is there is a need for us to redesign our housing, kasi iyong housing natin is something that is very ordinary, something that is very normal na design.
So if you are located in the provinces of Bicol, Catanduanes, CamSur, CamNorte, Marinduque, Masbate were typhoons are regularly visiting all these areas, inulit na namin iyong design. So, mayroon na kaming mga eaves na gagawin, mayroon na kaming mga parapet na gagawin, in fact hindi na exposed iyong ating roofing system. It will be covered by a concrete na naka-connect siya sa ating wall na concrete din. So hindi siya exposed ang ating roofing system.
Plus of course there will be anchors. So iyong mga two days, three days na advisory before a typhoon will arrive. Ang gagawin ng ating mga tao is ikakabit lang iyong mga anchors kaagad eh. So naka-turn buckles siya from the roofing system to the anchor and therefore at any given time, when the typhoon hits the land, so hindi magdadala ng ating typhoon iyong mga bahay natin. That’s on the design. The other is on the project implementation, kasi in the case of Yolanda. Usec. Rocky, it happened in 2013, until now tuluy-tuloy pa rin iyong ating construction ng housing sa Yolanda corridor. So all the way from Guiuan, all the way that it exited in Palawan. So that is more or less 205,000.
In the case dito sa Rolly, that’s 150,000 more or less. We said na dapat tingnan natin iyong capacity ng mga LGUs. If the LGUs, Usec. Rocky, have an approved local shelter plan, have a functional local housing board and an approved comprehensive land use plan, then we will tap our LGUs because in that manner, ready sila to implement, sabay with the National Housing Authority. So in that way, we’re able to reduce the time of project implementation.
Case in point, Usec. Rocky, is what happened in Magsaysay, in Tulunan, in Kidapawan. It happened, the earthquake – exactly last year, that was November 30. And right now, as speak, I’m already 80 or 85% complete in less than one year because of a very close collaboration and participation of the local government units; and the permittings of all of these will be handled by the LGUs. These are the lessons of Yolanda, Sendong and Pablo.
USEC. IGNACIO: Opo. Masasabi ba natin na sa kabila po ng mga bagyo, iyong sama ng panahon, pandemic, natutugunan ng pamahalaan iyong sinasabi nating housing backlog ng bansa?
NHA GM MARCELINO ESCALADA: Two things, Usec. Rocky, in terms of the informal sector families, NHA is actively pursuing our participation, our role in the ISF. The total backlog actually right now is something like 6.5 million, one-third of that goes to NHA, around 1.5 million. But the bigger and larger number goes to the private sector through Pag-IBIG financing and other bank institutions.
So si Secretary Ed Del Rosario naman is trying to consolidate all the forces available and financing available. Kasi ang NHA, our market is the informal sector families, iyong mga vulnerable families natin living in the coastal road, in the riversides, in the road right of way and even in the calamity-stricken sites. But the bigger portion, something like four million, goes to the private sector. That is why we are encouraging our private sector, together with the Pag-IBIG Fund, to also fully support the requirements of the backlog. In that way, dalawa tayong gagawa. We will have the private investments, as well as the public investments, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Okay. GM, kunin ko na lamang po ang inyong mensahe sa ating manunood ngayon.
NHA GM MARCELINO ESCALADA: In behalf of our Secretary, Secretary Ed Del Rosario, and our authority, under my administration, tuluy-tuloy ang ating intervention for temporary shelter assistance. But we are looking forward talaga, Usec. Rocky, that one day, we will be able to service all the requirements of ISFs. In that manner, sabi ko kay Senator Bong Go, I think it’s about time that NHA, together with the key shelter agencies and the Congress, will also enact a law which I called the National Housing Production Development, in which case, funding every year should be an appropriation incumbent upon the housing sector. Kasi whatever good intention we have, Usec. Rocky, whatever good plans we have, the real intention is found in the budget. Kapag wala talagang pondo, mahirapang mag-implement ang isang housing sector kagaya namin.
So we are making sure that all of these, once done – in the next 20 years, that was our projection with Senator Bong – that at least man lang wala ng squatter sa sariling bayan natin. The 1.5 million, more or less ang target ng NHA, will be able to be addressed by them.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong panahon, NHA General Manager Marcelino Escalada, Jr.
Samantala, makibalita naman tayo sa mga pangyayari sa Cebu. Makakasama natin si John Aroa. John?
[NEWS REPORTING]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat, John Aroa.
At iyan nga po ang aming mga balitang nakalap ngayong araw. Maraming salamat sa mga naglaan ng kani-kanilang oras sa pagbibigay-linaw sa mga impormasyon na mahalagang malaman ng ating mga kababayan. Ang Public Briefing ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng Presidential Communications Operations Office sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP. Asahan ninyo ang aming patuloy na pagbibigay-impormasyon kaugnay sa mga update sa ating paglaban sa COVID-19 pandemic.
Maraming salamat din sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19. Samantala, 20 days na lamang po, Pasko na.
Tandaan, basta’t sama-sama at laging handa, kaya natin ito. Sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar na nandiyan sa Mindanao media hub sa Davao City, ako po si Usec. Rocky Ignacio. Magkita-kita po tayong muli sa Lunes dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.
##
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)