Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar and PCOO Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH Episode #43
Location People’s Television Network, Inc. (PTV), Quezon City

SEC. ANDANAR: Maayong buntag sa lahat ng ating mga kababayang na nakatutok sa ating programa sa loob at labas ng bansa – ako po ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar ng Presidential Communications Operations Office.

USEC. IGNACIO: At mula rin po sa PCOO, ako naman po si Undersecretary Rocky Ignacio. Sama-sama nating alamin ang mga pinakahuling balita tungkol sa COVID-19 at ang mga hakbangin ng pamahalaan para labanan ang pandemyang ito.

SEC. ANDANAR: Basta laging handa at sama-sama, kaya natin ito. Kaya naman bayan, halina at samahan ninyo kami dito sa Public Briefing #LagingHandaPh.

Para naman sa pinakahuling bilang ng COVID-19 cases sa bansa, as of yesterday, May 5, 2020, umabot na po sa 9,684 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso sa bansa. Iyan po ay matapos maitala ang 199 new cases kahapon kung saan 87% ng mga karagdagang kasong ito ay galing pa rin sa NCR. Tinatayang nasa 7,639 naman o 79% sa kabuuang bilang na ito ang active cases kung saan 86% dito ang mild, 13% ang asymptomatic, 59 cases ang severe at 25 cases ang kritikal. Nadagdagan naman ng siyamnapu’t tatlo ang number of recoveries na ngayon ay may kabuuang bilang na 1,408 habang labing apat naman ang nadagdag sa mga nasawi sa kabuuang bilang na 637.

USEC. IGNACIO: Para po sa inyong mga katanungan at concerns tungkol sa COVID-19, maaari ninyo pong i-dial ang (02) 894-COVID o kaya ay ang (02) 894-26843. At para naman po sa PLDT, Smart, Sun at TNT subscribers, i-dial ang 1555. Maaari ninyo rin pong tawagan ang hotline numbers ng iba’t ibang ahensiya ng ating pamahalaan na makikita ninyo sa inyong TV screens. Patuloy po kayong makibalita sa mga pinagkakatiwalaang sources ng impormasyon tungkol sa COVID-19, maaari ninyong bisitahin ang www.doh.gov.ph COVID-19 tracker.

Samantala Secretary Martin, kasama rin nating magbabalita ngayong araw sina Jorton Campana mula sa PTV-Cordillera, Julius Pacot mula sa PTV-Davao at si John Aroa naman mula sa PTV-Cebu.

SEC. ANDANAR: Para naman sa ibang balita, mas maganda at maayos na benepisyo para sa mga solo parents at kanilang mga anak, isinusulong ni Senador Bong Go. Sa ikalawang araw ng pagbabalik ng sesyon ng Senado, ipinahayag ni Senador Go sa kapwa niya mga senador ang kaniyang co-sponsored bill na Senate Bill 1411 na naglalayong amyendahan ang Republic Act No. 8972 o ang Solo Parents Welfare Act of 2000. Nakasaad sa panukalang ito ang pagbubuo ng isang komprehensibong programa na magdadagdag sa mga benepisyo at pribilehiyong kasalukuyang natatamasa ng mga solo parents.

USEC. IGNACIO: Kung maipapasa ang naturang batas, pagkakalooban ang mga solo parent ng karagdagang financial assistance ganoon din ang mga dagdag diskuwento sa mga importante at pangunahing bilihin. Magkakaroon din sila ng 7-day parental leave with pay para sa mga empleyadong hindi bababa sa anim na buwan nang nasa trabaho. Ganoon din ang komprehensibong pakikilahok po ng Social Protection Services gaya ng Livelihood Development Services at Counseling Services.

SEC. ANDANAR: Maya-maya ay makakasama natin Rocky sa ating Public Briefing sina Secretary Carlito Galvez, Jr., ang Chief Implementer ng National Task Force COVID-19; si DOH Spokesperson Undersecretary Maria Rosario Vergeire; kasama rin po si Philippine Ambassador to the United Arab Emirates Hjayceelyn M. Quintana; Philippine Ports Authority General Manager Jay Daniel Santiago; ang Spokesperson ng MMDA na si Assistant Secretary Celine Pialago; Mayor Evelio Leonardia ng Bacolod City; at si Dr. Eduardo Morato, Jr., ang Chairman ng Ace Entrepreneurship and Management Education Incorporated.

Una muna nating makakapanayam si National Task Force COVID-19 Chief Implementer, Secretary Carlito Galvez, Jr. Magandang umaga po sa inyo, Sec. Galvez.

SEC. GALVEZ: Magandang umaga po sa inyo, Secretary Andanar. Good morning po.

SEC. ANDANAR: Unahin natin, sir, itong desisyon ng NTF na pansamantalang isuspinde o i-restrict ang lahat ng international flights to and from the Philippines until Friday, May 8 para mag-give way sa decongestion ng ating quarantine facilities. Is that timeframe enough po para ma-decongest itong ating mga facilities, Secretary Galvez, sir?

SEC. GALVEZ: Opo. Sa ngayon po, mayroon po tayong more or less 23,480 na nandito po ngayon sa Metro Manila at sa karatig po, nasa Batangas at iyon po ang amin pong ni-recommend sa IATF na inaprubahan naman po na magkaroon po tayo ng tinatawag na temporary restriction sa inbound. Sa inbound lang po na mga OFWs na incoming po dito sa national airport po natin.

Ito po ay gagawin po natin para at least ma-regulate po natin ang pagdating, kasi ang ano po natin, ni-prefer po natin ang NAIA na maging—mayroon po tayong tinatawag na minimum health standard at saka mayroon po tayong ginagawang mga swabbing area para po kapag once upon entry at sa disembarkation ay magkakaroon na po tayo ng tinatawag nating PCR testing.

SEC. ANDANAR: Sir, please give us the general picture kung ilang OFWs po ang ngayon, kasalukuyan ha, iyong naka-quarantine talaga, at ganoon din po ang overall capacity ng ating mga quarantine facilities.

SEC. GALVEZ: Sa ngayon po, mayroon po tayong 16,738 na seafarers at mayroon din po tayong 6,742 na land-based OFWs, sa total na 23,480. And then mayroon pa ho tayong upcoming, this coming month of May and June na 29,754 at 15,000 na OFWs na magkaroon tayo ng total na 44,754. So ang ginawa po natin ay nagkaroon po tayo ng some sort of restrictions kasi po halos puno na po ang ating mga hotels at saka mga accommodations dito sa atin sa Metro Manila. At ang mahirap po kapag mahigit po na 30,000 po iyan, mahirap pong i-control at baka malusutan naman po tayo.

Alam po natin na ang pinagpre-prepare-an po natin na ating i-regulate ang in-bound passengers na OFW para mapigilan po natin iyong tinatawag nating second wave. Lately lang po, sa 2,100 na ating tinest na OFW, sa unofficial report mayroon na po tayong nagkaroon ng 90 na positive. So we are still waiting for the official report of the Philippine Red Cross and we will see. So ganoon po ang mangyayari po, so we will start accepting in-bound passengers from abroad this coming Friday, pero ano po natin, ili-limit po lang natin na 400 to 500 po para at least kayang-kaya po nating i-manage.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, gaano po tayo kalapit na doon sa sinasabi puwedeng i-lift iyong ECQ sa Metro Manila and na-mention ninyo nga po na iyong flights na apektado, iyong papasok dito? Paano naman po iyong mga OFWs na maaapektuhan sa mga kanseladong—palabas naman po, iyong outbound flights?

SEC. GALVEZ: So wala po tayong limitation outbound flights, kasi ang inalok po natin, ang ni-restrict po lang natin ay iyong inbound flights kasi po para ma-decongest. Ang inaano po natin ngayon, once na—tinitingnan po natin na kapag po na-massive testing po natin, kaya po nagkaroon po tayo ng tinatawag na apat na mega swabbing na areas dito po sa Palasyo, sa Enderun, sa MOA at pati po sa Philippine Arena ay para po na magkaroon po tayo ng massive testing dito sa OFWs at saka sa ating mga suspected COVID cases dito sa Manila para po makita po natin na ang Metro Manila ay made-decongest na po ng OFWs, at the same time, mati-test na po natin iyong mga residents na possible carrier po ng COVID-19.

So ito po nakita po namin, napag-usapan po namin ng ating mahal na Pangulo na through massive testing dito sa Metro Manila, tinitingnan po namin na kapag once na na-accomplish po ng ating mga LGUs before May 15 ang pagti-test ng ating mga suspected COVID cases ay puwedeng, most probably magkakaroon po ng tinatawag nating mga—magkaroon na po tayo ng mga modified ECQ para at least ma-lift po natin iyong mga restrictions kapag once na na-isolate na po natin at na-trace na po natin ang possible carriers po ng COVID.

SEC. ANDANAR: Tayo po ay interesadong malaman, Secretary, kung ano po iyong nasa dulo nito. What is the end line of all of this? Kapag natapos po ang pandemic, ano po ang recovery plan din na inilatag ng IATF at ng ating NAP para po tayo ay maka-move forward?

SEC. GALVEZ: Nakita po natin na sa ngayon po because of the lack of the vaccine, sinasabi nga po ng ating mahal na Presidente that the COVID situation might stay until maybe hanggang 18 months or even two years. Kasi nakikita natin na ang preparation po natin talaga iyong tinatawag na minimum health standard, so iyong new normal. So iyon po ang ginagawa natin.

So nag-prepare po ang lahat ng mga agencies, lahat po ng different private sectors ay nag-present po sa IATF kung ano po ang magiging kanilang … tinatawag nating mga restrictions para magkaroon po talaga ng new normal sa social distancing and also iyong tinatawag nating mga bio-safety requirements before everything will be put into place.

So nandiyan po ang DTI, nag-present po; ang DPWH, na-present din po; ang Department of Transportation ay nag-present din po, para at least malaman po natin kung ano po ang gagawin po natin kung just in case magkaroon po ng lifting ng ECQ this coming May 15.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, mayroon po tayong katanungan mula dito sa Malacañang Press Corps. From Llanesca Panti of GMA News Online: Paano daw po makakaapekto sa pagpapakalat ng impormasyon at mga hakbang ng gobyerno laban sa COVID-19 ang pagpapasara ng NTC sa ABS-CBN? Why or why not daw po?

SEC. GALVEZ: Nakita po natin napakalaki pong tulong ng ating media para magkaroon po ng tinatawag nating public information on our new normal. Ito naman sa kaso po ng NTC at saka sa ABS-CBN, most probably ang ano po natin is … kasi po it’s a legal process, I may not be able to speak on behalf of DOJ. But ang ano po, nakita po natin na malaki po ang tulong po talaga ng ABS-CBN sa ating pagpalaganap ng mga impormasyon para sa ating mga kababayan.

USEC. IGNACIO: Opo. May tanong pa rin po from Bombo Radyo-Cauayan: May we know the stand of the NTF, iyon daw pong LGU of Cauayan City, Isabela implements number coding in all vehicles plying the city and we in the media are not among those given the exemption. Bakit daw po? At ibig ba daw sabihin nito, lalabas lang ang kanilang service vehicle kapag pasok sa coding? Ang nangyayari daw po ay nadye-jeopardize ang kanilang news gathering sa area. Iyan po ay sa Cauayan City sa Isabela, galing po sa Bombo Radyo-Cauayan.

SEC. GALVEZ: Sige po at pupulungin ko po si Secretary Año at idudulog ko po sa kaniya ang hinaing po ng ating mga media. Pero ang ano po natin, alam po natin ang media ay exempted sa mga restrictions. We will talk with the mayor.

USEC. IGNACIO: Opo. May katanungan pa rin po si Joseph Morong: Gaano na daw po ka-close ang mga nangyayari ngayong sitwasyon na magshi-shift na daw po ang … from ECQ ang buong Metro Manila?

SEC. GALVEZ: Titingnan po natin ang technical working group under kay Secretary Chua, at sila po ang nakakaalam po nito, iyong tinatawag nating mga experts sa pandemic crisis. And I am not privy to talk about this right now, considering that we still have an IATF meeting today.

USEC. IGNACIO: Secretary, mayroon po ba kayong mensahe sa ating mga kababayan kaugnay pa rin po nitong ginagawang aksyon ng pamahalaan laban sa COVID-19?

SEC. GALVEZ: Nakipag-usap na po kami sa ating mga LGUs, at ang amin pong panawagan sa ating mga mamamayan na sumunod lang po tayo sa pinag-uutos ng ating pamahalaan dahil ano po ito… ang ano pa din natin lalo na iyong nasa ECQs, stay home at stay safe, at ating sundin kung ano po ang inuutos ng ating mga LGUs.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po NTF COVID-19 Chief Implementer Secretary Carlito Galvez. Maraming salamat po. Mabuhay po kayo.

SEC. GALVEZ: Maraming salamat din po at mabuhay po tayong lahat.

SEC. ANDANAR: Makakasama rin natin si Ambassador to United Arab Emirates Hjayceelyn Quintana. Magandang araw po sa inyo, Ambassador.

AMBASSADOR QUINTANA: Magandang tanghali po sa inyo, Sec. Martin and Usec. Rocky.

SEC. ANDANAR: Ang UAE ay mayroon nang mahigit sa 14,700 confirmed cases as of yesterday. Mayroon na po bang reported cases na mga Pilipinong nagpositibo sa UAE?

AMBASSADOR QUINTANA: Bago ko po sagutin ang inyong tanong, Sec. Martin, nais ko lang linawin na ang amin pong basehan ng aming report ay iyong mga natatanggap namin na notification of death ‘no. Sa amin pong mga natanggap na notification of death, kapag nakikita namin na coronavirus ang cause of death, iyon po ang aming nire-report na datos sa aming department.

So sa amin pong na-receive na so far, there are about 17 po na sumakabilang buhay. I regret to inform that about 17 sa Dubai at apat po sa Abu Dhabi. So iyon po ang aming information at the moment.

SEC. ANDANAR: Ang UAE government po ay naku-conduct ng clinical trials in using stem cell mist bilang gamot sa COVID-19 and so far, maganda daw po ang resulta nito. Paano po ang prosesong ginagawa dito and how effective is this?

AMBASSADOR QUINTANA: Ang report po ng pamahalaan ng UAE ay about 73 trials na po ang kanilang nagawa, at maganda po ang resulta, very successful; at pinagbubuti pa nila iyong pagde-develop nito. Ang nagagawa po nito ay through inhalation, nagkakaroon ng pag-release sa lungs ‘no so that made-generate iyong mga cells.

Ito ho ay isang supportive treatment. Hindi nito napupuksa iyong virus pero ang nililinaw nila, ito ay nakakatulong po sa mga damaged lungs para malabanan iyong virus.

Iri-report din po namin iyan sa Department of Health natin para makipagtulungan din po tayo sa UAE just in case mayroon pong kakapuntahan itong mga pananaliksik nila. So we’re trying to connect sa Department of Health with the Ministry of Health dito po sa UAE.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Ambassador, kumusta naman po iyong general welfare ng ating Filipino community diyan ngayon po na medyo nag-ease na po iyong lockdown sa UAE, balik trabaho rin po ba iyong ating ilan sa mga kababayan diyan?

AMBASSADOR QUINTANA: Oho, two weeks ago ay nag-start na po mag-ease iyong mga mobility restrictions, nag-open na ang mga malls. Although, 30% lang po ang ina-allow nila na makapasok at any one time. Kahit sa embahada po, nagbukas na rin kami. We are normalizing our operations, pero mayroon pa rin hong 70% na working from home.

So iyon nga ho ang gusto kong ilinaw sa aming mga kababayan dito sa UAE dahil kailangan ay patuloy pa rin ang pag-iingat kahit nagsisimula nang maging normal. Dapat po ay hindi nila makalimutan na kailangan pa ring mag-ingat. There’s no—dapat po ay huwag maging complacent ‘no. At lagi naming nire-remind, patuloy na i-observe ang mga protocols na ibinigay para sa pag-iingat.

USEC. IGNACIO: Ambassador, iyon pong Filipino community sa UAE ay nagpakita po ng suporta sa government sa pamamagitan po ng kanilang Facebook campaign na “Filipinos Trust the UAE,” and we’re sure na ikinatuwa po ito ng kanilang pamahalaan. Ano naman po iyong humanitarian assistance na ini-extend ng UAE government diyan naman po sa ating mga (garbled) ating paglaban dito sa COVID-19 at iyon pong pag-lockdwon?

AMBASSADOR QUINTANA: Iyon nga po ang mga pasasalamat ng ating mga kababayan dito sa UAE. Sapagkat nakikita nila na nagkakalinga po sa kanila ang bayang ito, wala pong pinipili kung ito ay citizen or resident or katulad nating mga expatriate at iyon po ang nakita ng pangkalahatan. Dito po sa UAE, dalawandaang nationalities ang nandito at naninirahan at 10% lamang po ang kanilang local population, so the rest are actually expatriate. Kaya maganda po at naipapaliwanag ng pamahalaan nila na pantay-pantay ang kanilang pagtingin. Binibigyan ng kaukulang tulong ang mga nagkakasakit at binibigyan ng topnotch medical care ang lahat ng nagkakaroon ng sakit sa COVID-19. Kaya po mataas iyong trust ng lahat ng nakatira dito sa United Arab Emirates, kabilang na ang mga Pilipino.

Mayroon din silang mga campaign, like 10 million meals campaign, iyon po ay para sa mga nangangailangan ng food assistance sa mga nawalan ng trabaho o kaya ay on leave, unpaid leave or no work, no pay scheme. So, marami pong mga programa na inilabas ang pamahalaan para matulungan ang mga naapektuhan nitong krisis.

SEC. ANDANAR: Ambassador, recently nag-donate po ang UAE ng COVID medical aid sa Pilipinas. Ano po exactly ang ibinigay na tulong ng UAE at paano po ninyo ito sinimulan at papaano po ninyo ito ipinasa dito sa ating bansa?

AMBASSADOR QUINTANA: Sec. Martin ang UAE is known to be a model of humanitarian giving, hindi lang po sa mga panahong ito, kahit noon pa man. Iyan po ay talagang kanilang thrust bilang isang member of the international community. They sent a plane with 7 metric tons of medical supplies para sa 7,000 frontliners sa Pilipinas. Ang laman po ng mga kanilang tulong ay mga medical supplies like test kits, mayroong kaunting test kits po doon, tapos mayroong mga face shields, PPEs, shoe cover at marami pa pong iba.

Isang eroplano po itong dumating noon lamang last week, if I’m not mistaken at talagang gusto po nilang magpasalamat din sa atin, dahil marami din po ditong frontliners na Pilipino na nakakatulong sa pagpuksa ng coronavirus.

At lagi nilang inaalala rin ang mga Pilipino po sa mga panahon ito. They have very high regards po sa ating mga Pilipino, kaya pinapakita po nila lagi iyon, kahit na may mga sakuna sa atin, typhoon Yolanda, laging ready po silang tumulong. There were actually 32 countries that receive this kind of donation at kasama po tayo at habang ito ay tinutuligsa nila ang hamong ito, sila naman po ay patuloy ang pagbibigay ng mga humanitarian aid sa iba’t ibang bansa. At iyon o ay pinapakita nila dahil sila po ay naniniwala na ito ay global pandemic at global dapat ang response sa krisis na ito.

USEC. IGNACIO: Okay, Ambassador, kunin na lang po namin iyong inyong mensahe sa ating mga kababayan o Filipino community na nandiyan po nakatira at nagtatrabaho sa UAE?

AMBASSADOR QUINTANA: Okay, sa aking mga kababayan po dito sa UAE, ako po ay nag-aapela na patuloy na mag-ingat, siguro dapat eh lalo pa nating pagbutihin ang ating pag-obserba ng mga sinabi sa ating guidelines dito para tayo ay hindi magkasakit. At makakaasa kayo na lagi naman tayong tutulong kung anuman ang pangangailangan, maghahanap tayo ng mga solusyon sa mga naging problema as an effect of this pandemic. So, nandito po kami lagi sa embahada, sa konsulado para makatulong sa inyong lahat.

USEC. IGNACIO: Pasensiya na po mayroon lang pong pahabol dahil alam namin maraming nagtatrabaho diyan sa UAE na mga Pilipino. Pero ano daw po iyong magagawang tulong para po sa mga OFW na hindi pa rin nakakabalik dito, hindi nakakauwi dahil wala pong flights na pinapayagang pumasok sa Pilipinas?

AMBASSADOR QUINTANA: Naiintindihan naman po namin iyong pag-suspend ‘no. I think naunawaan po iyan ng karamihan na mga Pilipino. In fact, hindi po tumitigil ang aming pagpo-proseso ng kanilang aplikasyon for repatriation. In fact hindi po ganoon din kadali naman ang makauwi dahil iyong iba ay may mga problema sa papeles. So habang nag-hihintay po kami na ma-lift iyan, patuloy din naman iyong aming pagpo-proseso ng kanilang mga papeles para magkaroon sila ng exit clearance at ng makauwi sa ating bayan – doon sa mga gustong umuwi. At siguro by the time na ma-lift na iyan, I think, sabi ni Secretary Galvez ay mga about a week’s time or maybe only 4 days from now ay ready na rin kami na maipauwi iyong mga ready na ring umuwi. So, tamang-tama lang po iyong timing. I think nauunawan po iyan ng karamihan dito sa UAE.

USEC. IGNACIO: Okay, maraming salamat po sa inyong panahon, Ambassador Hjayceelyn Quintana.

AMBASSADOR QUINTANA: Maraming salamat po.

SEC. ANDANAR: Nasa kabilang linya naman si Philippines Ports Authority General Manager Jay Daniel Santiago. Magandang araw po sa inyo GM?

GM SANTIAGO: Magandang araw, Secretary Martin and Usec. Rocky. At magandang araw din po sa lahat ng nanunuod sa atin ngayon.

SEC. ANDANAR: Sir, tungkol po sa inilabas na guidelines ng IATF patungkol sa Maritime Transportation under GCQ. Unang-una, concerned dito ang pagpapatupad ng physical distancing at sanitary protocols. Ano po iyong mga measures na ginawa po ng PPA para po ito ay masiguro?

GM SANTIAGO: Okay po, Sec. Martin, para po sa kaalalaman ng ating publiko, makikita po sa mga social media pages ng Department Transportation at ng Philippine Ports Authority ang mga bagong patakaran sa ating maritime sector, sa mga facilities po ng PPA at sa mga barko na pinamamahalaan po ng Maritime Industry Authority. Nakalagay po diyan kung ano po ang mga health protocols na dapat sundin na naaayon po sa bagong health standard na ipinatutupad po ng Department of Health. Ang mga makikita natin na mga pagbabago katulad nga po ng nasabi ninyo, Sec. Martin, magkakaroon po tayo ng strict implementation po ng physical distancing, iyon pong mga barko ay magkakaroon lamang po ng 50% load capacity ng mga pasahero. Ganoon din po ang ating mga terminal sa Philippine Ports Authority magkakaroon din po tayo 50% passenger capacity sa mga terminal.

Makikita po ng ating mga mananakay pagpasok po nila sa terminal ng PPA, mayroon na po tayo doon na mga sanitation areas, may hand washing area po, may foot bath po tayo doon at mayroon po tayong health screening kasama po ang thermal scanning at ang pag-accomplish po nila ng mga health protocols. Magkakaroon din po tayo ng public information campaign kung papaano po ipapatupad ang physical distancing, ang coughing at sneezing etiquette po at pati po iyong mga reminder kung ano po ang mga alituntunin na dapat pong bantayan ng mga mananakay natin kapag sila po ay nasa pasilidad ng PPA at kapag sila po ay nakasakay sa ating mga sasakyang pandagat, Sec. Martin.

USEC. IGNACIO: GM, ano po iyong, sa palagay ninyo, ang resumption ng operasyon ninyo ng PPA sa ibang areas na magiging malaking tulong ba ito para o makabawi sa income slump na naranasan ng inyong ahensiya, dahil pa rin po sa epekto ng COVID-19?

GM SANTIAGO: Usec. Rocky, ang PPA po, maski po during the period po ng Enhanced Community Quarantine at ang iba-iba pa pong community quarantine sa ibang parte po ng bansa natin, tuluy-tuloy po ang operasyon ng mga pantalan po ng PPA at hindi po tayo tumigil. Dahil alam naman natin na dinikta po ng IATF na hindi po dapat maantala ang mga kargamento.

Sa ngayon po nag-uugnayan po ang Philippines Ports Authority at Maritime Industry Authority dahil po sa direktiba po ng ating mahal na kalihim ng Kagawaran ng Transportasyon, si Secretary Arthur Tugade, na doon po sa mga areas na dineklara na po na GCQ o under General Community Quarantine ay tingnan po kung maaari na pong makabiyahe ang mga pasahero.

So, tayo po ay nagtala na po ng mga areas under GCQ, nagtala na din po tayo ng areas na ang mga LGU ay pumapayag na puwede na po ang mga pampasaherong biyahe at ang Maritime Industry Authority naman po ay nakikipag-uganayan naman po sa mga shipping companies, sa mga barko po, na kung maaari po ay puwede na nila pong pabiyahihin ang kanilang mga barko doon po sa mga areas na allowed na po ang passenger vessels.

Doon naman po sa volume po ng cargo traffic at passenger traffic, totoo po iyong sabi ni USec. Rocky na dahil po sa community quarantine po, sa idinulot nitong COVID-19 pandemic, naapektuhan po ang revenues po ng ating mga pantalan. In fact, sa buwan po ng Marso, year on year, ikokompara po sa Marso ng 2019 at Marso ng 2020, bumagsak po ang revenues po ng ating mga pantalan sa halos 79% po.

Ngayon po, umaasa po tayo na sa paunti-unti pong pagluwag ng mga areas under General Community Quarantine ay unti-unti pong makaka-recover po tayo sa pagbagsak po ng revenue pero hindi po tayo umaasa na matutularan po natin ang revenues po natin sa mga nakaraang taon.

SEC. ANDANAR: Kumusta naman ang efforts ng PPA to assist the national government in mitigating the effects of COVID-19? Do we have further plans on adding more quarantine facilities para sa ating mga returning OFWs?

GM SANTIAGO: Sec. Martin, sa ngayon po tuluy-tuloy po iyong pag-o-operate natin, ng Department of Transportation po, ng dalawang quarantine vessels po at ng Eva Macapagal COVID-19 Treatment Facility po diyan po sa Pier 15 po natin.

Sa kasalukuyan po, halos puno po, mahigit 99% pong puno itong Eva Macapagal Cruise Terminal Facility po natin dahil ito po ay kino-consider po ng Department of Health at Bureau of Quarantine na stringent quarantine facility.

Inatasan na rin po tayo ni Secretary Tugade na ang Philippine Coast Guard, ang Maritime Industry Authority at ang PPA po na tumingin pa po sa ibang mga areas po sa ating bansa kung saan kinakailangan pa pong magtatag ng similar po na mga COVID treatment facilities or quarantine facilities at ito po ay patuloy nating pinag-aaralan.

Maliban po doon, patuloy pa rin po ang Kagawaran ng Transportasyon kasama po ang PCG, Marina at PPA na tumutulong po sa ating mga seafarers na sila po ay ma-accommodate sa mga quarantine facilities at sila po ay mapauwi sa kani-kanila pong mga probinsiya matapos po ang kanilang mandatory quarantine, Sec. Martin.

USEC. ROCKY: Okay. Maraming salamat po sa inyong panahon, PPA General Manager Jay Daniel Santiago. Mag-ingat po tayo.

GM SANTIAGO: Maraming salamat po, Sec. Martin at saka USec. Rocky. Mag-ingat din po sana kayo at sana po ang lahat ng ating mga kababayan ay patuloy na mag-ingat at manatili po sa kanilang mga tahanan. Magandang araw po.

USEC. ROCKY: Salamat po. Samantala, Secretary Martin, ASEAN at worldwide count muna tayo. Sa buong ASEAN Region, nananatiling nasa unang spot ang Singapore na may higit 19,000 confirmed cases as of this morning. Sinusundan ito ng Indonesia with 12,071 cases at pangatlo ang Pilipinas with 9,684 cases. Sa mga bansang ito ay nangunguna pa rin ang Thailand sa may pinakamaraming bilang ng recoveries na bilang na 2,747.

Naitala naman ang 3,656,644 confirmed cases sa buong mundo ayon po iyan sa datos ng Johns Hopkins University and Medicine; 1,196,920 dito ang naka-recover; habang 256,736 naman po ang kabuuang bilang ng mga nasawi.

Nangunguna pa rin ang Estados Unidos sa may pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa buong mundo na sinusundan ng Spain, Italy, United Kingdom at France; habang nasa ika-apatnapung puwesto naman ang Pilipinas dito.

SEC. ANDANAR: Sa puntong ito ay makakausap naman natin ang spokesperson ng MMDA, si Assistant Secretary Celine Pialago. Magandang umaga sa iyo, ASec.

ASEC. PIALAGO: Magandang umaga, Secretary Andanar at USec. Rocky. At sa lahat po ng nakasubaybay sa Laging Handa press briefing, magandang umaga po sa inyong lahat.

SEC. ANDANAR: Tayo po ay naghihintay sa desisyon ng ating Pangulo at ng IATF kung mapupunta na ba sa GCQ ang Metro Manila after May 15 o hindi pa. In case na mangyari ito, ASec. Celine, nakahanda na ba ang MMDA sa mga pagbabagong mangyayari at iyong mga kailangang ipatupad ng IATF?

ASEC. PIALAGO: Yes, Secretary. Since po ang MMDA ay isang enforcement agency, maghihintay lang po tayo ng guidelines mula sa IATF. Sa usapin po ng checkpoints, Secretary, tayo po ay force multiplier ng (garbled) at regarding naman po doon sa tatawagin nating new normal po ng capacity ng mga pribado at pampublikong sasakyan tayo naman po, Secretary, ay maghihintay naman sa guideline ng DOTr.

Handa po ang MMDA na ipataw ang parusa base po magiging guidelines na ilalabas once po na ma-shift sa GCQ ang Metro Manila on May 15. Puwede rin po, Sir Martin—Secretary Martin, (garbled) mag-implement po ng polisiya once po na tayo ay maisailalim na sa GCQ.

USEC. ROCKY: ASec., hihingi naman po kami ng update tungkol naman doon sa efforts ng MMDA para pigilin iyong pagkalat ng COVID-19 sa inyong ahensya; kasi itinuturing ding frontliners ang MMDA. Ang alam po namin nagpa-set up ng isolation facility si MMDA Chairman Danilo Lim sa inyong opisina?

ASEC. PIALAGO: USec. Rocky, sa ngayon po mayroon tayong dalawang quarantine facility o isolation facility. Dito po maaaring manatili, USec., iyong ating mga empleyado na wala naman pong sapat na espasyo sa kanilang tahanan para mag-quarantine.

Kapag sila po ay sumailalim sa rapid test, dito ho sila maaaring manatili. Kumpleto po ito, USec., mayroon pong lavatory, mayroon pong shower rooms. 48 rooms po ito, may bed, may kumot, may curtains at air con. Pero sa ngayon, USec., (garbled) days ang ating 31 MMDA personnel po. Ito ho ay galing sa Flood Control Information Center, Security Department at Metrobase. Priority po ng aming Chairman Danny Lim ang kalusugan ng aming mga empleyado.

MMDA po ang magpo-provide ng pagkain, medicine, mask, alcohol at damit po para sa mga empleyadong sasailalim sa quarantine.

SEC. ANDANAR: Sa mga nagdaang araw ay marami tayong napapabalitang violations na mismong mga MMDA personnel ang nagko-commit gaya na lang ng ECQ violations at iba pa. At ito naman ay hindi pinalalampas ni Chairman Lim. Ano po ang sanctions na ipinapataw sa mga nag-violate at kumusta rin po ang morale ng inyong mga empleyado?

ASEC. PIALAGO: Secretary, iyon pong ating mga violators ng No Angkas Policy ay isasailalim po sa 30-day preventive suspension at limang libong penalty. (Garbled), sila po iyong mga nag-viral sa photos, Secretary, na may angkas po or magka-angkas.

Iyong isa naman po natin na traffic constable, Secretary, terminated na po, si TA1 Roel Gatos at kasalukuyan pong nakakulong sa San Jose Del Monte, Bulacan, ito po ang iyong nambugbog ng kaniyang live-in partner. Ang kaniyang live-in partner ay tutulungan ng aming Chairman Danny Lim para mabigyan ng trabaho at nabigyan na rin po ng (garbled).

Iyong isa po nating traffic constable, Secretary, si TA1 Lucas Alcaraz na wala pong face mask ay suspended din dahil nahuli po siyang nasa checkpoint ng Alabang-Zapote Road (garbled)

Iyong traffic constable na dalawa, Secretary, ang nag-violate po ng physical distancing and drinking in public places, nasa ilalim na po ng 90-day preventive suspension, iyong isa po sa kanila ay terminated na.

USEC. ROCKY: Okay. Maraming salamat sa ito, ASec. Celine Pialago. Pero may mensahe ka ba sa ating taumbayan lalo na iyong mga may pasaway pa rin. Nabawasan na ba?

ASEC. PIALAGO: Yes, USec., patuloy pong nanghuhuli ang MMDA katuwang ang HPG lalo na po doon sa mga pribadong sasakyan, USec., na gumagamit ng IATF ID at (garbled) ng mga kamag-anak o kaibigan sa iba’t ibang lugar, napakadami po nahuhuli niyan sa EDSA. Paalala lang po, lahat po dapat ng sakay ng pribadong sasakyan ay dapat kasama sa Authorized Person Outside of Residence (APOR), may IATF ID o may RapidPass ID.

So far naman, USec., nabawasan iyong pasaway pero mayroon pa rin po. Sana ho magtuloy-tuloy nang mabawasan para ho ma-lift na po ang Metro Manila (garbled).

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat sa iyo Asec. Celine Pialago ng MMDA.

MMDA ASEC. PIALAGO: Salamat po.

SEC. ANDANAR: Makakapanayam din natin si Usec. Maria Rosario Singh-Vergeire. Magandang umaga po sa inyo, Usec. Vergeire.

DOH USEC. VERGEIRE: Good morning po, Sec.

SEC. ANDANAR: Usec., sa naging pahayag ninyo po kahapon, you mentioned na ang bansang Japan ay handa na pong magpadala ng anti-flu drug na Avigan sa Pilipinas. When are we expecting this at agad bang magsisimula ang clinical trial sa Pilipinas?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes Sec., ngayon po iyong ating trial for Avigan, inaayos na ho iyong protocol. Kumukuha na ho tayo ng mga clearances coming from different institutions dito po sa ating bansa. Patuloy po ang pakikipag-ugnayan natin sa Japan para po dito sa ating supply of this drug which is Avigan na ipapadala naman po nila, nakapagbigay na sila ng go signal para po dito. We are expecting this in these coming days.

SEC. ANDANAR: How do we go about clinical trial Usec., since for sure ay limited lang ang Avigan na maipapadala ng Japan? Paano po pipiliin ang mga sasailalim sa clinical trial?

DOH USEC. VERGEIRE: Ang ating protocol po ay ginagawa pa lang, but what I can tell you is the Japanese government is providing us with supply of this drug for 100 patients. So pipili po tayo ng mga ospital na isasali natin dito sa trial na ito, at doon po sa mga ospital na iyon, magkakaroon po tayo ng protocol kung paano natin pipiliin naman ang mga pasyente. Ang importante po dito ay because this is a clinical trial, the informed/consent should be there.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., kahapon po na-mention ninyo na may nakarating sa inyong report na may healthcare workers na tinatanggal sa trabaho dahil hindi na sila kayang suportahan ng kanilang employers, ilan po bang slot ang bukas under the emergency hiring program ng DOH? Iyong mga ganito po bang report na natatanggap ninyo na may mga tinanggal, puwede po ba silang i-hire ng DOH?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, ma’am. Good morning po, Usec. Rocky. Ang sinabi po natin ano, bukas po ang ating Kagawaran ng Kalusugan para i-absorb ang ating mga healthcare workers sa private hospitals na hindi na po kayang suportahan ng kanilang ospital. Mayroon ho tayong 15,000 na ipinapaapruba sa ating Department of Budget and Management para po magkaroon po tayo na nitong necessary cadre po in preparation if we are going to have that peak of cases. So yes po, we are accepting applicants coming from various hospitals na hindi na po kayang mapasuweldo ng kanilang mga ospital.

SEC. ANDANAR: Usec., 43 provinces po ang consistent na walang napapabalitang bagong kaso ng COVID-19 for the last two weeks. Is it safe to say na we are close to actually flattening the curve o huwag muna tayong magpaka-kampante?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Sec. Can I just clarify – it is 41 provinces. We have a typo error yesterday with our presser. It is 41 provinces for the past two weeks, wala pong naitatalang mga kaso ng COVID-19. Iyong iba po dito nawalan na ng kaso, iyong iba talagang from the start ay wala pang kaso. Para maging basehan kung tayo ay nagpa-flatten ng curve, ang atin pong ginagawang basehan ngayon ay ang ating case doubling time and iyong ating health system capacity.

At base po sa analysis ng ating mga eksperto, ang sinasabi nga po, ang ating case doubling time ay humaba na, from a once 2 to 3 days po napakabilis na pagtaas ng mga kaso, ngayon po ay nasa limang araw na tayo. May iba pa ho na mga sektor or population or areas in the country na nagtatala ng pitong araw na po at mahigit pa – 7 to 7.5 days na po ang kanilang mga naitatala na isang magandang indikasyon para masabi po natin na nag-uumpisa na ho tayong mag-flatten ng curve.

Pero ang babala po ng ating eksperto, it is too early to say if we can sustain itong flattening ng curve. Too early to say na talagang nakapag-flatten na tayo ng curve, kaya kailangan nandiyan pa rin iyong ating pag-iingat, nandiyan pa rin iyong pagpapatupad po natin noong ating mga measure para magtuluy-tuloy po tayo dito sa ating nakikitang indikasyon na ito.

SEC. ANDANAR: Kanina po Usec., ay nabanggit ni Ambassador Quintana ng UAE ang tungkol sa stem cell mist at ang effectivity nito diyan po sa UAE. Sabi niya po ay puwedeng magkaroon ng partnership ang DOH at ang Ministry of Health ng UAE tungkol dito, kayo po ba ay bukas sa ganitong klaseng partnership?

DOH USEC. VERGEIRE: Lahat naman po ng ating mga nakikitang mga bagong teknolohiya or innovations in other countries, kapag nakikita po nila based on their experience and observation ay nagiging beneficial naman sa kanilang population, bukas po ang ating gobyerno para subukan. Ngunit kailangan lang pong dumaan sa masusing pag-aaral, kailangan ng ebidensiya, kailangan ng siyensiya para masabi po natin kung ito ay magiging ligtas at katanggap-tanggap para sa ating mga kababayan.

USEC. IGNACIO: Okay. Usec., may tanong po mula sa media, sa ating kasamang si Llanesca Panti ng GMA News Online. Ano daw po iyong ideal number ng COVID-19 test conducted per day that will enable us to determine if COVID-19 cases in the Philippines has already reached its peak given that iyong previous 8,000 tests per day daw na target was not met. Is there a new target by May 15?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, ma’am. Ang atin pong tinitingnan base rin po sa analysis ng ating mga eksperto, ang una pong itinala natin ay walong libong tests per day para makita po natin kung talagang nakikita na natin iyong mga totoong kailangan nating makita dito sa ating bansa. Ngunit naitaas na po ito dahil din sa patuloy na pagdami noong ating mga kaso sa iba’t ibang lugar na sinasabi by May 15, we should have at least 15,000 tests per day done; and also by the end of May, we should have 30,000 tests per day done.

So dito po sa mga analysis na ibinibigay, gumagawa na po ng mga istratehiya ang ating pamahalaan, nakikipagtulungan na sa private sector upang maabot po natin itong numero ng tests per day at nang sa ganoon makita na ho natin ang complete picture of COVID-19 na mga kaso dito sa ating bansa.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., may tanong po, from Joseph Morong ng GMA7: May 400 specimen daw po na hindi tinanggap ang Lung Center mula sa Bulacan. Mayroon din daw pong 58 specimen na pending for release bukod pa sa 399 pending sa Bocaue – ano po daw ang masasabi ng DOH dito?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, ma’am. Tayo naman ay hindi nagkakaila na nagkakaroon tayo ng backlog sa ating mga subnational laboratories at isa na nga po dito, nag-announce po ang ating Lung Center of the Philippines noong isang araw that they are scaling down processes. Ito po ay sa kadahilanan na nagpatung-patong na po ang mga test na pinapadala sa kanila mula noong nagkaroon po tayo ng scaling down of RITM also.

But lahat po ito ay ginagawan natin ng paraan ngayon, nakakuha na ho tayo ng commitment at tulong galing sa Philippine Red Cross kung saan tumutulong po sila ngayon na para akuin muna ang mga assigned areas ng Lung Center of the Philippines nang sa ganoon po ay hindi po tayo magkaroon ng ganitong mga backlog.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong panahon, Usec. Vergeire mula sa Department of Health.

DOH USEC. VERGEIRE: Maraming salamat po.

SEC. ANDANAR: Ngayon naman ay makakapanayam natin ang ama ng siyudad ng Bacolod na si Mayor Evelio Leonardia. Magandang umaga po sa inyo, Mayor.

BACOLOD MAYOR LEONARDIA: Good morning, Secretary Martin. Good morning Usec. Rocky and good morning Philippines – that includes Mr. Ponso Tan. Yes sir, good morning.

SEC. ANDANAR: Mayor, maaari ninyo po ba kaming bigyan ng update muna kung ilan na ang kasalukuyang active cases ng COVID-19 sa inyong siyudad at kumusta na rin ang swab testing na isinasagawa po diyan sa Bacolod?

BACOLOD MAYOR LEONARDIA: To date, we have tested 536 and out of which, 440 were negative and 9 were positive. Out of the 9 positive, we have 3 fatalities and we have 86 pending. But the good side of the story is, since the last positive case, April 26, we’ve had a series of 162 tests which were negative. And as of the moment, we are having a test done by a lab in Iloilo which is in the next island. And we belong to Western Visayas and that’s quite a big, you know, let’s say a problem, because you know in Western Visayas has a population of 7.5 million and there is only one lab test as of the moment. And added to that, we were informed – Palawan, Mindoro and Romblon are supposed to be tested in Iloilo.

Part 6

con’t

MAYOR LEONARDIA: But on the part of Bacolod, we have partnered with the regional hospital and we are constructing now a bio-lab that should be operational by mid-June and when that happens, we can cope up with the testing capacity that we should be having here in Bacolod City.

SEC. ANDANAR: The Provincial government of Negros Occidental already eased to General Community Quarantine simula po noong May 1, and yet ang capital city po nito, Bacolod ay nag-extend ng ECQ until May 15. What was behind the initiative Mayor?

MAYOR LEONARDIA: Well, that is a question that is quite expected to be asked. Well, there is no doubt about it, we belong to the same island, but we are two different LGUs and we are independent from each other. And when we are talking about our condition, there is no doubt about it, the complexion and the circumstances of Bacolod are much different from that of the province of Negros Occidental. Like for example, if you talk about density and we found out that majority of these cases in the cities, and quite expectedly, that is so, because of the population and Bacolod is the biggest city in Western Visayas with 613,966, we are the biggest in Western Visayas.

Now, if you talked about density for example, if Negros Occidental and the rest of Western Visayas have three people to a hectare, Bacolod has 38 people to a hectare. So because of this circumstances and given during that period when we were of the impression that the cases we were having were local transmission, then that is why we appealed to Malacañang and to the President that we should have our ECQ extended because as of the moment, we started, we have been here in ECQ for already more than a month and I would like to thank the people of Bacolod for your patience and you know, every Sunday we have a total lockdown and every Sunday, Bacolod is a picture of empty streets and we feel that we have kept our numbers down because mainly of the support and cooperation of our people in Bacolod.

USEC. IGNACIO: Mayor, kumusta naman po iyong capacity ng LGU to provide assistance po doon sa inyong constituents under po dito sa ECQ? At ano po iyong mga tulong na naipamahagi na ninyo?

MAYOR LEONARDIA: When we started this, of course we had our insecurities, because we did not know if we could cope up with the situation. But as soon as we started our ECQ, we also started distributing our food packs. As we had already distributed 100,000 families, then we are so happy that the President and Senator Bong Go came with that big help of the social amelioration. Plus we were allocated 98,000 families for social amelioration and if you add that 4Ps beneficiaries’ number of 10,500, then that is already 108,000 of our families.

And so we are redirecting now our aid or food packs to the so-called lower middle class. And as of the moment, we feel that substantially, we have had complied and in terms of compliance with the Social Amelioration distribution, as of yesterday we were 99.38% done with this distribution and we feel that we had already complied with the deadline of the DILG and so far as the distribution of the social amelioration is concerned.

USEC. IGNACIO: Opo, Mayor ano naman po iyong masasabi ninyo doon sa panukalang balik-probinsiya system ng national government? Sa tingin po ninyo feasible ito o maganda para sa siyudad ng Bacolod?

MAYOR LEONARDIA: Well, we welcome the OFWs to come home. There is no doubt about it. That is their right, they belong to Bacolod and they belong to their cities respectively. However we would just like to have some caution here. Yesterday, we had that national teleconference with Secretary Galvez and I brought up this matter to him in behalf of the League of Cities of the Philippines. And we ourselves here in Bacolod had our own experience. You see, last week, we received 28 OFWs, and out of the 28, four of them tested positive in rapid test. We were told in Iloilo when they received 35 OFWs, nine were tested positive and even Negros Occidental had its own share, out of the 35, two were positive.

So, we would like to appeal to the national agencies to see to it that those that are sent to the provinces are in really exactly clear of the COVID and at the same time, we area insisting that once they come here, we have to institute our own health protocols. Like for example, demanding that they should undergo another 14-days quarantine and we will not allow quarantine in their homes because that is very impractical, that is very dangerous. And we would also oblige to do another swabbing when they get to Bacolod so that before we could send them home to their homes, we have to make sure that they are really free from COVID.

SEC. ANDANAR: Iyong tanong ko po sir, as the President of the Mayor’s League, gaano po sa tingin ninyo ka-importante ang role ng LGUs sa pagpapatupad ng national action plan ng pamahalan laban sa COVID-19.

MAYOR LEONARDIA: Well, I believe that the LGUs are supposed to be the structure that could facilitate the implementation of whatever plans national government has. This is massive, this is all over and this is the mechanism or the structure through which the national government can effectively and efficiently implement all the plans and we have proven as we have done for so long that the LGUs had been very effective. Of course we have the leadership of the local government units and for sure if only, well-organized and well-motivated, we believe that the LGUs are the best shot of the national government is so far as implementing the national plans are concerned.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat po, Mayor. Mabuhay po kayo…

MAYOR. LEONARDIA: Thank you very much for this privilege, Secretary Martin and Usec. Rocky. It is always a pleasure to be with you in your program.

SEC. ANDANAR: Samantala, Rocky, kausapin naman natin ngayon si Dr. Eduardo Morato Jr, ang chairman ng ACE Center for Entrepreneur and Management Education Incorporation. Magandang tanghali po sa inyo, Professor Ed.

  1. MORATO: Magandnang tanghali, Sec. Martin.

SEC. ANDANAR: Sir, we all know na isa talaga sa pinaka-apektadong industriya sa bansa o apektadong mga empleyado sa ating bansa ay iyong mga empleyado ng MSMEs dahil sa epekto ng COVID-19. How can they get back on their feet as soon as matapos po ang pandemyang ito?

  1. MORATO: Matatagalan, Secretary Martin, dahil hindi naman full operations ang mga negosyo maski ma-lift na iyong ating quarantine. Maghihinay-hinay ang mga tao sa pagpasok sa mga establasyimento, sa mga malls, sa mga restaurants. At dahil diyan, limitado ang kukuning mga empleyado ng mga MSMEs; hindi nila makukuha lahat at hindi mapapabalik lahat ang mga empleyado niya. So maganda naman ang layunin ng gobyerno na bigyan nang konting pabuya ang mga empleyado ng mga MSMEs – nabalitaan ko iyan. So palagay ko iyong mga programang ganiyan ay kailangang pairalin natin. Last time na nag-usap tayo, sinasabi ko, eh siguro talagang pag-aralan natin paano makakagalaw ang SSS, GSIS at ibang mga ahensiya na ang kanilang tungkulin ay talagang tumulong sa mga empleyado.

USEC. IGNACIO: Sir, habang ginagawa po ng gobyerno iyong kanilang makakaya para po tulungan ang ating MSME, ano naman po iyong dapat gawin nila para mapanatili ang negosyo sa gitna ng ECQ at GCQ sa bansa?

  1. MORATO: Gagawin ng mga pribadong sektor?

USEC. IGNACIO: Opo.

  1. MORATO: Anong tanong mo? Sino ang gagawa?

USEC. IGNACIO: Dr. Eduardo, habang ginagawa po ng gobyerno iyong paraan na magagawa nila para po matulungan iyong ating MSME, pero ano naman po iyong ginagawa nitong nasa sektor na ito sa ilalim ECQ at GCQ? Ano po iyong pupuwede nilang gawin para manatili na rin po sila sa ECQ at GCQ?

  1. MORATO: Alam mo, iyong mga taong iyan ay balisang-balisa ngayon, gumagawa sila ng kung anu-anong pamamaraan para magkaroon ng kaunting negosyo. So sa larangan ng pagkain, nag-shift sila from face to face na nagsisilbi ng mga parokyano at nandoon sila ngayon sa mga food delivery programs. So biglang tumaas ang bentahan sa food delivery. At hindi lang food, mga iba’t-ibang bagay na ninanais bilhin ng publiko ay iyan ay pinairal nila at pinalalakasan. So doon nakakabawi nang konti sa pag-eempleyo ng mga tao dahil lumalakas iyong ating food delivery system. Pero ang humina talaga ay iyong pagsisilbi ng mga parokyano sa mga establishments na kailangan ay face to face ang pagsisilbi, iyon talaga ay humina iyon.

Ang sinasabi ko sa mga negosyante – na ngayon ay estudyante ko sa Ateneo at sa ibang mga eskuwela – ay ngayon ang panahon na magmalasakit kayo sa mga tao ninyo. Kami sa mga foundation na pinamumunuan ko ay nagbigay ako ng utos na tatanggap lahat ng suweldo hanggang sa Hunyo 30. Hindi ko alam kung kakayanin namin six months later or one year later, probably not ‘no. Pero hanggang kaya ng aming ahensiya, ng aming pundasyon ay susuwelduhan namin sila nang buung-buo, so iyon ang unang patakaran na pinairal ko.

Ngayon, pag-aaralan namin pagdating ng June kung kakayanin pa o hindi na kakayanin. Sa panahon na ganito na malaking krisis, ang dapat ang nasa unang isip ng mga namumuno sa mga MSMEs at mga negosyo ay ang mga tao nila. Hindi ngayon ang panahon na unahin ang bulsa nila, iyong tinatawag nating kita o bottom line, profit. Kasi kapag inuna mo iyan, aayawan at maaasiman ang mga tao sa iyo at baka pagbukas ng lahat at maganda na naman ang takbo ng negosyo ay hindi na sila babalik sa iyo.

So sa akin, dapat unahin iyong pag-aalaga, pag-aaruga ng mga tao sa mga panahong ito kasi diyan ang talagang malaking pangangailangan.

SEC. ANDANAR: Tama po kayo, Prof. Kapag inalagaan mo naman ang mga tao mo ay mayroon din namang utang na loob ang mga Pilipino at sa pagdating ng panahon ay talagang kakayod iyan para ang negosyo ay lumago pagdating ng panahon.

Sa mga pagbabagong ito, malaki pa rin po ba ang maitutulong ng mga industriyang ito sa muling pag-angat ng ekonomiya ng Pilipinas? So looking at it from the context na magbabago po, well, magbabago po iyong ating political winds ay magbabago, perhaps the structure also, economic, iyong mga itinuturo ninyo po, iyong social way of living, magbabago po lahat ng ito. So ano po ang dapat gawin ng industriya talaga, bukod doon sa pagtulong sa mga employees nito? Ano po ba ang dapat nitong gawin para i-adopt ang sariling structure ng kanilang negosyo sa bagong lipunan?

  1. MORATO: Secretary, mayroong malaking pagbabago mismo sa negosyo. Kasi natutunan iyan ng karamihan na maaari pa lang magnegosyo sa iba-ibang paraan. At habang may krisis, niyayakap nila iyong krisis na siyang solusyon sa kanilang pagnenegosyo. So marami ngayon na negosyo na natuklasan nila na hindi lang pala sa retailing ang ating negosyo, mga food business, puwede tayong mag-concentrate sa ating commissary at mag-food delivery. So maraming nagbabago sa kanilang pagnenegosyo. Nalalaman din nila na puwede palang mag-work at home. Nalalaman nila na puwede palang mag-aral sa bahay. So maraming natutuklasan ang industriya dahil sa krisis na ito.

At sa aming palagay naman talaga, Secretary, hindi kakayanin ng gobyerno, at kung umaasa ang mga tao sa gobyerno na pabalikin sa normal na sitwasyon ang pamamalakad ng mga negosyo ay hindi mangyayari iyan. Ang talagang nagtutulak ng ekonomiya ng Pilipinas ay ang pribadong sektor – malaking bagay iyan…

So ngayon, sinabi ko na dati, noong naka-lockdown, kapag naka-lockdown, hindi umiikot ang pera. At kapag hindi umiikot ang pera, hindi pupunta iyan sa mga bulsa ng mga ordinaryong mamamayan. So ang pera ngayon ay siyempre inaalagaan ng mga negosyante. Hanggang kailan ba tatagal ang aking pera? At gumagawa sila ng kung anu-anong cash flow para [unclear] para alam nila na kapag konting nag-lift ang gobyerno ay talagang susugod sila at susugod at hahanap ng pamamaraan para umutang, kumuha ng bagong capital – pero uusbong at uusbong ang mga iyan.

So panatag ang loob ko na ang industriya ay magkakampiyon ng kanilang mga kaniya-kaniyang mga negosyo, iyon nga ang kabuhayan nila eh. Sa gobyerno, mas madali kasi may COVID man o walang COVID, tuloy ang suweldo ng gobyerno dahil nasa national appropriations budget iyan so walang problema ang mga tauhan ng gobyerno. Iyong mga tauhan ng malalaking kumpaniya, wala rin, mahaba ang pisi ng malalaking kumpaniya. Iyong MSMEs, maiiksi ang mga pisi niyan at sila ang tumatanggap ng buong lupit ng krisis na ito. Pero madali rin—dahil iyong mga maliliit na negosyo ay flexible sila, adaptable, sila rin ang madaling makakabalik pero nangangailangan sila ng pamuhunang kapital uli para makabalik sila.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat po sa inyong pagpapaunlak, Dr. Eduardo Morato, Jr. Mabuhay po kayo.

  1. MORATO: Maraming salamat din.

SEC. ANDANAR: So, Usec. Rocky, maiwan muna kita pansamantala dahil mayroon akong tatakbuhan na isang pang meeting. At ikaw na muna ang bahala dito sa ating tahanan.

USEC. IGNACIO: Okay. Salamat, Secretary Martin. Samantala, makibalita muna tayo sa Cordillera Region, kasama si Jorton Campana. Go ahead, Jorton.

[NEWS REPORTING BY JORTON CAMPANA]

USEC. IGNACIO: Salamat sa iyo, Jorton. Makibalita naman tayo sa Davao Region kasama naman si Julius Pacot. Julius?

[NEWS REPORTING BY JULIUS PACOT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Julius Pacot. Samantala, silipin din natin ang pinakahuling ulat mula naman sa Visayas kasama si John Aroa. John?

[NEWS REPORTING BY JOHN AROA]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa ating mga naging panauhin ngayong araw. Salamat din sa’yo, John Aroa. At siyempre salamat sa ating mga partner agencies sa kanilang paghahatid ng balita at impormasyon. Maraming salamat din po sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19 sa inyong araw-araw na suporta sa ating programa. Mabuhay po kayo.

At diyan po nagtatapos ang ating programa para sa araw na ito. Siyempre sa ngalan pa rin po ni Secretary Martin Andanar, mula po sa Presidential Communications Operations Office, ako po si Usec. Rocky Ignacio. Hanggang bukas pong muli dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.

##

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)