Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar and PCOO Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location People’s Television Network, Inc. (PTV), Quezon City

SEC. ANDANAR: Magandang umaga sa lahat ng ating mga kababayan sa loob at labas ng bansa, ngayon po ay araw Lunes, December 14, 2020. Ako po ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar mula sa PCOO. Magandang umaga, Rocky.

USEC. IGNACIO: Good morning, Secretary Martin. Muli tayong magbabalita ng mga tama at kumpletong impormasyon tungkol sa mga pinakahuling hakbang at programa ng pamahalaan. Ako naman po si Usec. Rocky Ignacio.

SEC. ANDANAR: Basta sama-sama at laging handa, kaya natin ito. Simulan na po natin ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Nasa anim na libo nating mga kababayan na naapektuhan ng iba’t ibang kalamidad sa bansa hinatiran ng tulong ng mga ahensiya ng pamahalaan at ng opisina ni Senador Bong Go. Narito ang detalye:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Samantala, pagtatatag ng Department of Overseas Filipino muling isinusulong ng ilang mga mambabatas. Narito ang detalye:

[VTR]

SEC. ANDANAR:   Ginawang pag-aresto ng kapulisan sa ilang aktibista noong International Human Rights Day malinaw na hindi politically motivated ayon kay Senator Bong Go. Ang kabuuang detalye sa ulat na ito.

[VTR]

USEC. IGNACIO:   Samantala, nakapagtala ng dagdag na 9,269 na bilang ng mga pasyente ang gumaling mula sa COVId-19 kahapon. Iyan po ay base sa latest bulletin na ipinalabas ng DOH kung saan umakyat na sa 418,687 ang total recoveries o katumbas ng 93.2% ng total confirmed cases na nasa 449,400.

Tatlo naman ang naiulat na nasawi na umabot na sa bilang na 8,733 total deaths; nasa 21,980 naman ang nananatiling active cases sa bansa.

Sa ating line graph, makikita na patuloy ang pagbaba ng reported cases na kahapon ay umabot lamang sa 1,085. Ito na po ang pinakamababang bilang sa nakalipas na isang linggo.

Sa Quezon City nagmula ang pinakamataas na bilang na may 103 new cases, sumunod naman dito ang Rizal, Lungsod ng Makati, Maynila at nasa-ikalimang puwesto ang Pasig.

Samantala, bumaba naman sa 4.9% ng total cases ang mga aktibong kaso. Ang pagbaba ay dulot ng mataas na bilang ng recovery kahapon na mahigit 9,000.

Malaking porsiyento pa rin ng active cases ay mild na kaso lamang; 5.8% naman ang asymptomatic; 6.3% ang critical; 3.2% ang severe; samantalang 0.33% naman ang moderate cases.

SEC. ANDANAR:   Habang papalapit ang Pasko, ang amin pong paalala ay ipagpaliban muna ang pasasagawa ng Christmas Party. Iwasan din po ang pagtitipon na may maraming tao. Ganoon din po ang mga kumpulan at mahigit sa fifteen minutes na gathering.

Lumayo din sa mga lugar na hindi tiyak ang maayos na daloy ng hangin. Hanggat maaari ay iwasan din muna ang mga kwentuhan at tawanan. Muli, maging BIDA Solusyon sa COVID-19.

Para sa inyong mga katanungan at concerns tungkol sa COVID-19, maaari ninyo pong i-dial ang 02-894-COVID o hindi kaya ay 02-8942-6843. Para naman sa mga PLDT, Smart, Sun at TNT subscribers, i-dial ang 1555.

Patuloy rin kayong makibalita sa mga pinagkakatiwalaang sources ng impormasyon tungkol sa COVID-19, maaari ninyo pong bisitahin ang covid19.gov.ph.

Puntahan natin ang mga balitang nakalap ng Philippine Broadcasting Service mula sa mga lalawigan sa bansa mula kay John Mogol ng PBS-Radyo Pilipinas. Good morning!

[NEWS REPORT BY MAY ANNE BATA/RP BATAAN]

[NEWS REPORT BY GREG TATARO/RP TANDAG]

SEC. ANDANAR: Maraming salamat John Mogol ng PBS-Radyo Pilipinas.

USEC. IGNACIO:  Samantala, tuluy-tuloy pa  rin po ang ginagawang hakbang ng pamahalaan  sa pangunguna ng Department of  Tourism, ang iba’t ibang local government units para po tuluy-tuloy ang pagbubukas ng tourism industry sa bansa at isa nga po sa pinakahuling napabalitang handa ng tumanggap ng mga bisita ang probinsiya ng Bohol. Makakausap po natin si Governor Arthur Yap tungkol po sa magandang balitang ito. Good morning p Governor Yap.

BOHOL GOV. YAP:  Usec., magandang umaga sa iyo.

USEC. IGNACIO:  Opo. Governor, simula po sa December 15 o bukas ay bukas na raw po ang lalawigan ninyo sa mga leisure at travelers across all ages para bumisita po sa mga tourist destination diyan sa Bohol. Kumusta na po ang paghahanda ng provincial LGU para dito?

BOHOL GOV. YAP: Salamat Usec. sa opportunity. Nag-umpisa ang preparations namin September pa noong tinanggap namin iyong Philippine Travel Exchange dito sa Bohol. So Philippine Travel Exchange dito din idinaos iyong Bohol iyong combined virtual and actual kung saan nagbenta ng mga properties at mga holiday packages ang mga… Philippine destinations sa mga international clients natin.

So, doon pa lang, tinesting na natin iyong mga protocols natin; pagkatapos iyong contact tracing card natin, ni-ready natin, tinesting natin doon at saka iyong mga ibang mga protocol. And what we did was binuksan muna natin ang Bohol sa mga mice, iyong mga events, from November 15 up to this December, pero sa nakita natin may mga 59 to 60 guest lang ang pumasok.

So, nakita namin sayang naman iyong mga preparations natin kung hindi natin bubuksan iyong Bohol to frequent independent travelers for leisure to accept. So, nagdesisyon tayo na by tomorrow, December 15, bubuksan na natin ito, but you have to log on to the tourism.bohol.gov.ph page, tourism.bohol.gov.ph because you have to register there. Then you will register your negative 72 hours PCR test, iyong confirmed hotel booking ninyo, iyong pre-arranged transport and tours ninyo. Dahil wala pong Do It Yourself ngayong mga panahon.

So, we will see what will happen by tomorrow slowly maengganyo natin iyong mga kababayan natin na bumisita at bumiyahe dito sa Bohol.

USEC. IGNACIO:  Opo. Governor, ano naman po iyong mga activities na puwedeng gawin sa Bohol. May mga ipinagbabawal pa rin po kayong mga activities o mga lugar na puwedeng puntahan o open po ang lahat ng tourist destination sa Bohol?

BOHOL GOV. YAP:  Actually Usec. Rocky, hindi po open ang lahat. Hindi po puwede ang Do It Yourself ngayong mga panahon, kaya nga po kapag bumisita kayo doon sa tourism.bohol.gov.ph. importante na mag-register doon, kasi ire-register mo iyong 72 hour negative PCR mo, ire-register mo doon iyong magpapa-book ka sa transport mo at saka sa tour mo, tapos doon ka rin magbobo-book sa confirmed hotel booking mo na kailangan DOT-accredited.

Hindi puwede iyong Do It Yourself, because nagta-travel ka sa tourism bubble areas. So, bubuksan namin iyong bubble na para sa turista, pagdating  dito  doon lang siya sa  bubble niya, sa hotel niya, sa resort niya at kung may pupuntahan siyang tourism  pre-selected iyon, kasi hindi naman po lahat ng sites ay kakayanin nila iyong preparations.

So, dinadahan-dahan namin para kapag accredited na sila, napakita nila na kakayanin nila iyong safety protocols, then isasama natin sila sa mga accredited tours.

So iyon lang nag puwedeng puntahan dahil ang konsepto nito, iyong inilunsad ni Secretary Berna Romulo-Puyat na travel bubble, people from other parts of the Philippines, mga kababayan natin, they are opening domestic travelers first, puwede muna silang bumisita sa  Bohol, bago iyong bubble-to-bubble at least kontrolado iyong area na papasyalan nila at pupuntahan nila at titirhan nila sa Bohol. Pati iyong mga binibisita nilang mga tourism sites, pre-accredited din iyon, because we don’t want them mixing with locals. Unless willing silang magpa-quarantine dito for a longer period of time.

But kung five days lang naman sila, basta may negative PCR test na 72 hours makakapunta sila ng Bohol, they can stay for five days. On the fifth day they have to leave. If they want to stay, gusto pa nilang tagalan iyong bisita nila, then they will have a second confirmatory PCR test on the fifth day; iyan po ang protocol.

Pero kung five days lang and that is the normal weekend visit here in Bohol, puwede na iyong 72 negative PCR test. But I remind everybody please mag-register na kayo sa tourism.bohol.gov.ph. dahil doon po kayo magbo-book ng pre-arranged transport, pre-arranged tours ninyo at confirmed hotels booking sa mga DOT-accredited accommodations.

USEC. IGNACIO:  Governor, may maximum days lang ba o iyong sinasabi mong five days lang  ang puwedeng mag-stay ang mga turista diyan, Governor?

BOHOL GOV. YAP:  Hindi naman Usec, puwede naman silang magtagal dito, basta on the fifth day kailangang mag-second confirmatory PCR test sila. Kung negative iyon then okay they will continue their stay within the bubble and at the end of the 14 days, then they can already go out. But within that 5 to 14 days na iyon, they are allowed to go around their initial bubble. Kaya nga kailangang accredited iyong hotel establishment mo. Because doon sa hotel establishment mo papabayaan kang maggala doon sa loob kasama ang family members mo or ikaw if you are travelling alone, you have to stay there.

USEC. IGNACIO:  Opo, Governor nagkaroon ng controversy recently lang tungkol doon sa pekeng RT-PCR result ng mga bakasyunistang nagpunta sa Boracay. So, kayo po paano po maa-assure ng provincial LGU na hindi po makakalusot iyong mga ganitong pamemeke ng dokumento bago po makapasok sa inyong lalawigan?

BOHOL GOV. YAP:  Doon po sa tourism.bohol.gov.ph. nandoon din po iyong listahan ng mga accredited laboratories. So, iyong mga accredited laboratories po na iyon, mayroon silang tracking na QR code, so kailangan i-submit po sa amin iyon, kapag hindi po na-verify iyon, hindi po tayo papasukin sa Bohol.

USEC. IGNACIO:  Governor, para naman daw po sa mga residente ng Bohol, may mga restrictions din ba kayong ipapatupad sa kanila ngayong magpapasko po?

BOHOL GOV. YAP:  Well, iniwan natin iyan sa mga local governments namin, sa mga Mayor. Mayroon silang curfew and they are strictly enforcing the minimum health standard at saka iyong pagsusuot ng face mask at saka iyong siyempre iyong pagsunod ng mga minimum health standards.

And then uumpisahan na rin namin iyong implementation, mayroon kaming mga family contact tracing cards for every full adult, mayroon silang mga sariling card na may tatak na QR code. So they are going to start implementing this all over the province, so kapag pumapasok sa mga merkado, sa mga palengke,  sa mga opisina, sa mga restaurants, sa mga pharmacies, hospitals, offices kailangan ipakita nila ito, because we are enforcing a stricter contact tracing system through family based contact tracing cards.

So, aside from the minimum health standard, the strict observance of the minimum health standard and the local curfews na ni-release na iyong order na iyon ng mga local government, wala namang special orders outside of that, except well siyempre iyong mga IATF rules natin na alive naman na sinusunod namin dito sa Bohol.

USEC. IGNACIO:  Governor, kumustahin natin iyong latest sa COVID count po sa inyong probinsiya. Ilan na po iyong active sa kasalukuyan?

BOHOL GOVERNOR YAP: Sixty-nine cases po ang active cases and more than 600 have recovered and 50 ang deaths namin from the time that we lockdown in March. So from March up to today, more than 600 have recovered; 50 have died – we’re very sorry about that. We commiserated and sympathized with the families for those who lost their lives, iyong 50 families na iyon.  Iyong active ngayon, 69 cases po.

USEC. IGNACIO: Pero, Governor, kumusta iyong recovery rate at iyong pagmu-monitor ninyo sa kanila?

BOHOL GOVERNOR YAP:  Iyong recovery rate, as I said, mataas naman na more than 90 plus percent ang recovery rate. Kaya nga ang payo naming, especially for those who are suffering influenza-like illnesses, kahit na wala pang test, to stay at home and to contact their municipal health officials.

So okay naman, manageable naman iyong situation considering that 1.5 million ang population ng province. With 50 deaths and 69 cases, we feel na kaya naman naming i-manage iyong situation.

USEC. IGNACIO:  Governor, kunin ko na lang iyong advice ninyo at reminder po sa mga nagpaplanong pumunta sa Bohol sa mga susunod na araw?

BOHOL GOVERNOR YAP: Reminders lang po, please, mag-log in kayo sa tourism.bohol.gov.ph. It’s very important na mag-log kayo doon, i-register ninyo, answer some questions about your trip and who you’re traveling with. Ang importante, mag-log on kayo doon at mayroon kayong negative 72-hour PCR test. Kung may negative PCR test kayo na 72 hours before ang travel ninyo, you have a very, very big chance to be able to come in. Kailangan i-register po iyong QR code ng exam, ng test ninyo sa website natin kasi papasok po iyan sa records ng Bohol IATF.

Ang then, please confirm your hotel booking doon sa site at saka iyong pre-arranged transport and tours ninyo. Wala pong do-it-yourself tours. You’re good for five days. You come in to Bohol, you travel within your bubble, within your resort and within the pre-arranged sites and tours.

If you want to stay for more than five days, then magsi-second confirmatory test tayo. So after the second confirmatory test negative pa rin kayo, you stay within your bubble up to 14 days ‘no, iyong total time ninyo. So after that, kung clear pa rin tayo, puwede na tayong lumabas sa mga hotels and resorts natin at puwede na tayong makihalubilo sa mga tao dito sa Bohol. The entire province now is open for you to explore. But kung five days lang, puwede na iyon, iyong one negative 72-hour PCR test ninyo before you travel, makakapasok na kayo ng Bohol. Mag-register lang kayo sa website for your pre-arranged tours, transport and hotel accommodations.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po, Governor Arthur Yap. At kami po ay umaasa sa maayos na pagbubukas ng Probinsiya ng Bohol simula bukas ng turismo. Mabuhay po kayo.

BOHOL GOVERNOR YAP:  Merry Christmas po.

USEC. IGNACIO: Merry Christmas po. Okay, isa rin po, Secretary, ang Bohol sa nadagdag na maaari nang puntahan ng ating mga kababayan para magbakasyon.

SEC. ANDANAR: Okay. Dapat lang mapuntahan ang Bohol at iba pang mga lugar sa Visayas. Basta importante ay sumunod lang tayo sa mga protocols ng DOH pagdating sa travel bubble. Eh hindi ibig sabihin na bumaba na ang number of cases ay wala ng COVID. Tandaan natin, wala pa rin tayong vaccine sa ngayon so kailangan sundin pa rin natin iyong social distancing, iyong pagsusuot ng face shield, facemasks at paghuhugas ng kamay.

USEC. IGNACIO: Okay. Salamat, Secretary. Magbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH.

[COMMERCIAL BREAK]

SEC. ANDANAR: Nagbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH. Higit isang linggo bago mag-Pasko, tuluy-tuloy na rin ang paghahanda ng Philippine National Police para mas pahigpitin pa ang mga pagbabantay at pagpapatupad sa health and safety protocols sa buong bansa.

Para pag-usapan iyan, we are joined by the Commander of the Joint Task Force COVID Shield, si Lt. General Cesar Binag. Magandang umaga po at welcome sa Public Briefing, General.

GENERAL BINAG: Magandang umaga po, Secretary, at sa lahat ng mga nanunood. Usec, good morning din po.

SEC. ANDANAR: Paano po ang paghahanda ng PNP sa nalalapit na Pasko lalo na this week ay magsisimula na rin ang Misa de Gallo o Simbang Gabi?

GENERAL BINAG: Yes, sir. Ang inyo pong Philippine National Police – pinag-utos ho ng ating hepe, si General Sinas – kami ho ay nakahanda, naka-full alert para nga sa pagdiriwang nitong ating Kapaskuhan at sa konteksto nga ng ating pagpapatupad ng iba’t ibang protocol laban dito nga sa COVID ‘no.

At bahagi ng aming paghahanda, hindi lang iyong pag-implement ng mga COVID protocols o pag-enforce nitong mga batas na ito ay iyong pagbabantay din ng ating mga tao laban sa iba’t-ibang klase ng krimen ‘no at ito ay ino-obserbahan natin kasi nagbukas nga iyong ekonomiya, nadagdagan na iyong ating mga social activities kaya iyong opportunity dumami para sa mga kriminal na gumawa ng masasamang bagay. Kaya ito ang dalawa o tatlong klase pa nga pati iyong seguridad sa terorismo, bahagi iyan ng ating ginagawang pagbabantay ng PNP, sir.

SEC. ANDANAR:   Anu-ano po ang mga lugar na mahigpit na babantayan ng mga pulis, General?

LT. GEN. BINAG: Sir, sa amin pong pag-aaral, kung saan ho iyong pinakamataas na risk pagdating po ho sa implementation ng ating COVID protocols, ito ho iyong matataong lugar,  ito iyong mga places of convergence – nandiyan ho iyong ating palengke, lalo na iyong ating mga public markets; nandiyan ho iyong malls at sa pakikipagtulungan siyempre ng ating local government units kasi sila naman po ang nagpapatupad nito at kasama ho iyong mga kabarangayan.

At sa malls naman, iyong ating mga mall managers tapos iyong ating mga private security guards sila ho iyong katulong natin dito. Kasama rin ho na binabantayan natin iyong mga public terminals, transport terminal at seaports, ports, iyan ho. Ito kasi iyong matataas na dami ng tao na pumupunta kaya dito ho mataas iyong risk, doon ho tayo nakatuon.

At sa pagbabantay, uulitin ko, pati na rin ho sa ibang klase ng krimen binabantayan natin ang ating mamamayan para hindi sila maging biktima.

SEC. ANDANAR:   Ano naman po ang masasabi ng PNP sa mga kababayan nating nagbabalak pong umuwi sa kanilang mga probinsiya? Mayroon po bang mga changes o update sa travel restrictions na ipinatutupad ng PNP lalo na ngayong nalalapit na ang Pasko?

LT. GEN. BINAG: Tama po iyan, sir. Maganda hong mapaalalahanan ang ating mga kababayan na uang-una alamin ho nila kung ano iyong reasonable restriction na ipinatutupad ng local government unit na nakakasakop sa pupuntahan nila kasi ho binigyan ng kapangyarihan ang ating mga LGUs na magpatupad ng kani-kanilang restriction ayon sa lugar o sa sitwasyon ng kanilang lugar. So, kapag nalaman ho nila ito, iyon ang unang step.

Pangalawa, i-comply ho nila iyong requirement nitong LGU na ito. Kadalasan naman ho ang sequence ng requirements, ID tapos ho iyong barangay health clearance tapos iyong mas mataas na… iyong resulta na negative ng RT-PCR test. At kung kinakailangan hong dadaan sila sa isang restricted na bayan tapos iyong pupuntahan naman ho nila walang restriction, dito ho kailangan nilang kumuha ng travel pass through permit mula ho sa ating Philippine National Police. Ang atin hong mga istasyon na malapit sa inyong lugar ay puwede hong mag-issue ng ganiyang klase ng permit.

SEC. ANDANAR:   Sinabi po ni Usec. Densing ng DILG na imo-monitor din daw ng PNP ang social media para sa possible sa violations sa mass gatherings at videoke restrictions sa Pasko. How exactly would PNP do this at paano maa-assure ang ating mga kababayan nang hindi mako-compromise ang data privacy nila?

LT. GEN. BINAG: Yes, sir. Maganda po na maipaliwanag natin sa taumbayan, ang inyo pong PNP ay kami ho ay sumusunod dito sa ating tinatawag na Data Privacy Act sa pagtupad ng aming tungkulin. At dito naman ho sa pagmo-monitor sa social media, ito naman ho iyong mga public postings na ginagawa nila, ng ating mamamayan.  So, iyon ho, napakaliwanag ho niyan sa aming guidelines sa pag-monitor ng ating mga… ito ngang activities o violation ng protocol through the social media posting.

SEC. ANDANAR:   Paano naman nakikipag-communicate ang PNP sa mga local government unit para paigtingin ang pagpapatupad sa mga restrictions na ito? Kailangan ba munang magbaba ng kautusan ang LGU tungkol dito before the PNP can step in?

LT. GEN. BINAG: Yes, sir, tama po iyon. Kaya nga ho dahil sa kapangyarihan na ibinigay sa ating local government units, kailangan ho nilang mag-issue ng ordinansa para ipatupad ho iyong specific na gusto nilang restriction doon sa lugar nila.

At ang amin naman hong mga hepe sa iba’t-ibang munisipyo sa ibang siyudad ay palagi naman hong kasama ng ating mayor, ng ating local government chief executives, para ho sa pagpapatupad pati iyong pagpaplano kung paano ipatutupad itong restriction na kanilang inilagay ho sa kani-kanilang LGUs.

So, ganoon ho. We are working very closely with our local government unit counterparts at ito nga ho, ipinag-utos ng ating DILG Secretary na ganito ang system natin sa baba.

SEC. ANDANAR:   Puntahan muna natin, General, ang mga tanong mula sa media. Usec. Rocky, please go ahead.

USEC. IGNACIO:   Good morning po, General! Mula po kay Kenneth Paciente ng PTV News: Paano daw po pinaghahandaan ng COVID-19 Task Force on Law Enforcement ang pagbabantay sa mga lugar na dinadagsa ng mga tao ngayong holiday season gaya na lang po ng tiangge at malls?

LT. GEN. BINAG: Ma’am, katulad po ng binanggit namin kanina, kami ho ay nakikipagtrabaho sa local government unit at iyon ho kanilang mga patakaran doon aming ipinatutupad kasama na ho dito iyong patakaran sa mga palengke at iyon na nga ho, dinoble ho natin ang mga tao natin doon para masuportahan din iyong LGU, iyong mga barangay tanod diyan na nagpapaalala diyan sa ating mga tao at sa mga mamamayan na namimili doon.

So, aaminin ho namin napakalaki ho nitong hamon na ito kasi kung titingnan ninyo kapag dumagsa iyong tao doon numinipis ho kahit nag-doble kami ng tao. Let’s say sa Divisoria, 229 na ho iyong tao namin doon pero kapag makita mo sa inspeksyon na ginawa ng aming [unclear] eh talaga hong manipis ‘no. Kaya kami’y nakikiusap talaga sa ating mamamayan na talagang sumunod ho kayo sa protocol para ho mapagtagumpayan natin itong laban na ito.

USEC. IGNACIO:   Opo. Tanong pa rin po ni Kenneth Paciente: Ano po ang marching order ninyo sa ating pulis pagdating sa pagsuway sa publiko lalo na’t kinuwestyon kamakailan iyon daw pong paggamit ng yantok?

LT. GEN. BINAG: Maliwanag po iyon. Iyong yantok o iyong truncheon naman ho na tinatawag namin, ito ho ay bahagi ng aming police operational procedure o iyong aming rules of engagement at tinuruan pa po kami ng Human Rights Commission kung papaano ho gagamitin ito. Nakapirma ho sila doon sa aming handbook at kaya nga ho ngayon ipinag-utos ng ating hepe, si Chief PNP, na mag-retraining, refresher lahat iyong mga pulis natin na may hawak na yantok at ginawa ho nila ito para ho sa tamang paggamit nito.

So, ganoon pa rin ho ang sequence, paalala, paalala nang paalala. Nakita ninyo may mga pulis mayroong megaphone, mayroong placards, lahat na ho ginagamit na natin. Tapos kung mayroon pa rin talagang hindi susunod, isyuhan pa rin ho ng ticket ayon sa ordinansa ng LGU hanggang sa iyong mas mataas na ho, ay iyon hong pag-aresto na lalung-lalo na ho kung ia-assault nila ang ating mga otoridad, kasama na ho iyong mga taga-barangay diyan, eh ipatutupad ho namin ang aming tungkulin para mapanatili ang kapayapaan at ligtas na pag-celebrate ho nitong Kapaskuhan.

USEC. IGNACIO:  Tanong naman mula kay Jam Punzalan ng ABS-CBN News: Presidential Spokesperson Harry Roque said recently that laws and PNP regulations do not allow law enforcers to hit violators with yantok. What is the final guideline about this? Will enforcers continue using sticks, why or why not?

LT. GEN. BINAG: Iyon hong yantok, ipinaliwanag ko na rin ho na ito ay ginagamit nating panukat, paalala, at ito na nga kung kinakailangan pang-aresto gagamitin po natin iyan at ito ay aming official na issued equipment ayon ho sa aming police operational procedure. At natutuwa naman ho kami dahil sa announcement po ng ating Pangulo next year daw ho bibilhan niya kami truncheon. Ito na ho iyong rubber ang pagkakagawa ho nito.

So, meantime ho na wala ho kaming supply at kulang, ito ho iyong available at nakita ho namin na effective na marami siyang puwedeng paggamitan kaya ho ginagamit natin ito. Sana tuwing makikita ho nila iyong yantok ang maalala ho nila, binabantayan ho namin sila para maging ligtas sila sa COVID at pinapaalalahanan sila at maging ligtas din sila sa ibang krimen.

USEC. IGNACIO:   Opo. Tanong naman mula kay Joseph Morong ng GMA News: What are our guidelines for gathering during Christmas? How many are allowed in family gatherings and on what IATF Resolution is this based on?

LT. GEN. BINAG: Ma’am, maliwanag naman po iyan, ina-announce natin ang mass gathering ho mahigit sa sampu kahit ho iyan pribadong lugar basta ho mahigit sa sampu iyan ho ay mass gathering na iyan at siyempre ho bawal ho.

Paulit-ulit iyan, bawal ang Christmas Party, bawal ang caroling, bawal ang—iyon ho iyong mga in-announce na rin ho natin dati iyan. Sana ho sundin na lang natin ito, huwag na lang natin hanapin kung paano palusutan kung hindi ang gawin natin isipin natin paano natin masunod ito. Para sa atin naman ho lahat ito.

USEC. IGNACIO:   Ang second question po ni Joseph Morong: What are the steps we are taking to stem the rise of cases in Metro Manila?

LT. GEN. BINAG:Sa amin ho, law enforcement perspective ang aming ginagamit ho palagi. Iyon nga, to enforce iyon ating mga quarantine protocols saka minimum health standards. So, patuloy ho naming gagawin iyan.

Sa tala ho namin ngayon, sir/ma’am, iyon hong mga nag-violate ang tawag ho namin dito iyong mga nag-disobey, nag-violate ho ng ating protocols, tumaas po po ano. Iyong last two weeks na ni-report ko dati nasa 598,000, ngayon ho nasa 624,000 na ho. Sa wikang Tagalog, ito ho iyong mga pasaway.

So, sana naman ay huwag nang dumami ito, sumunod na lang ho tayo kasi talagang kami ho, gagawin namin iyong tungkulin namin kahit na anong mangyari ho ipatutupad namin iyong batas para sa kapakanan ninyo rin ho iyan.

USEC. IGNACIO:   Tanong pa rin ni Joseph: Who are required to take the PCR tests among those who are traveling for the holidays?

LT. GEN. BINAG: Ma’am, kaya nga po ang sabi ko, ang unang step tingnan ho nila kung ano ho iyong reasonable restriction ng LGU na nakakasakop sa pupuntahan nila, tapos ho mula doon makikita nila kung ano iyong iko-comply nila. Kadalasan nga ho ang sequence lang naman niyan o ang basic requirements nagsisimula sa ID tapos pangalawa ho iyong barangay health clearance tapos pataas na nga ho iyan, iyong negative na RT-PCR result tapos kung kinakailangan ho iyong travel pass through permit.

So, ganoon ho iyong ano at base po lahat sa restriction na ipinatutupad ho ng LGU na nakasasakop sa pupuntahan nila para ho hindi sila malito doon sa sequence, ganoon na lang ho ang gawin nila.

USEC. IGNACIO:  Opo, tanong naman mula kay Cedrick Castillo ng GMA News. May mga claims po na may mga nagpapa-edit sa computer shops ng kanilang PCR results para mistulang updated ang requirements nila. May mechanism po ba ang gobyerno para ma-trace ang ganitong tampering. Ano po ang posibleng repercussion nito sa publiko?

LT. GEN. BINAG:  Mayroon na po tayong napaylan ng kaso diyan, una sa Boracay ‘no, pangalawa po dito sa Ilocos – iyon peneke po iyong ating PCR. Pambihira naman imbes na nakatulong sila nakadagdag pa sila sa problema, so kinasuhan natin iyan at patuloy naming pinapapaalalahanan ang ating mga pulis na maging mitikuloso din sa pag-check nitong mga pinapakita sa kanila na resulta ng RT-PCR at natutuwa po kami na dahil nga dito sa mga nahuli at we are giving this warning sa ating mga kababayan na huwag ninyong pekein. Lalo kayong nakakadagdag ng problema sa atin sa paglaban sa COVID.

USEC. IGNACIO:  General, may pahabol lang na tanong si Maricel Halili ng TV 5: Paano po iyong mga gustong umuwi ngayong Pasko? Anu-ano ang mga requirements, iba-iba pa rin ba ang policy per LGU o balak na gawing centralized?

LT. GEN. BINAG:  Ma’am, katulad po ng ipinaliwanag din ng IATF sa atin, binigyan po ng kapangyarihan, malawak na kapangyarihan ang ating local government units para magpatupad po ng kanilang restriction ayon sa sitwasyon sa lugar nila. Kaya kami po ginagalang namin ito, kung ano po iyong pinapatupad nila, iyon po ang i-implement naman namin.  Kaya nga ang paalala natin, bago po kayo pumunta sa isang lugar, alamin po kung ano ang restriction na ipinapatupad ng LGU na nakakasakop sa lugar na ito at sundin po natin ito para hindi po tayo either mapigilan po doon sa checkpoints na baka ma-quarantine tayo o baka naman mapauwi kayo, sayang lang po iyong pagod ninyo, iyong lakad ninyo, iyon po ang paalala natin.

SEC. ANDANAR:  Maraming salamat po sa pagpapaunlak sa amin Lt. General Cesar Binag, ang Commander ng Joint Task Force COVID Shield. Mag-ingat po kayo, sir!

LT. GEN. BINAG:  Thank you po, sir. Thank you, Ma’am at sa lahat po ng nanunuod.

SEC. ANDANAR: Samantala, kamakailan ay isinagawa ang groundbreaking ceremony para sa itatayong Multi-Purpose Evacuation Center ng Philippine Amusement and Gaming Corporation. To know more about this project, makakapanayam po natin ang Vice President ng Corporate Social Responsibility ng PAGCOR, si Mr. Jimmy Bondoc. Magandang umaga po.   Welcome to the public briefing, Jimmy.

PAGCOR VP FOR CORPORATE SOCIAL RESPONSIBILITY BONDOC:  Magandang umaga po, Sec and Usec magandang-magandang umaga sa inyong mga tagapakinig.

SEC. ANDANAR:  Para saan itong itatayong Multi-Purpose Evacuation Center at saang lugar ito itatayo?

PAGCOR VP FOR CORPORATE SOCIAL RESPONSIBILITY BONDOC:  Ito pong mga Multi-Purpose Evacuation Center ay nasimulan po ito noong nag-erupt iyong Mayon. So, noon pa lang ay nasimulan na po ito at mayroon po tayong P2 billion na budget para dito. And so far, we have 31 approved sites para dito. Nagsimula na po kami ng groundbreaking sa ibang mga lugar. Sa kasamaang-palad, naudlot lang po iyong sa Marikina, pero matutuloy naman po iyon, but the others are on track, Sec. Martin.

SEC. ANDANAR:  Gaano naman kalaki ang isang MPEC at gaano kalawak ang capacity nito?

PAGCOR VP FOR CORPORATE SOCIAL RESPONSIBILITY BONDOC:  Tatlo po iyang iskema natin. Mayroon pong maliit – 1 to 3 – at iyong 3 iyong pinakamalaki in terms of monetary value muna. Iyong pinakamalaki po ay 50 million, tapos pababa na po iyon. Iyong capacity noong pinakamalaki, we are hoping siguro aabutin na ng isang libo kasi dalawang floors po iyon at buhos at iyong iba will be graduated pababa accordingly. Pero hindi na po mababawasan siguro sa isang libo iyan.

SEC. ANDANAR:  Alam natin na malaki ang ibinababa ng revenue ng PAGCOR nitong taon, dahil sa naging temporary suspension sa mga gaming operation dahil sa pandemya. Buti po at nakapagtabi po rin ang PAGCOR ng pondo para sa proyektong ito?

PAGCOR VP FOR CORPORATE SOCIAL RESPONSIBILITY BONDOC:  Ako po ay hindi lang po bilang empleyado ng PAGCOR, kung hindi bilang fan, bilang tagasuporta ng Pangulo at ni Chairman Andrea Domingo at noong Presidente naming si Fred Lim. Lalo na po kay Chairman, napakatipid po Chairman and I am very encouraged dahil nakikita namin na kung tama po talaga iyong release ng pera at kung medyo may ingat nang kaunti. Eh siguro kahit mga isang taong hindi mag-operate, baka mabuhay pa tayo without giving up the socio-civic responsibility of PAGCOR as provided in our charter. Pero siyempre kami rin po ay nananalangin na bumalik na sa normal para makaipon po ulit tayo ng pera dahil hindi na siguro tatagal ng higit sa isang taon iyong ipon ni Chairman.

SEC. ANDANAR:  Kailan naman inaasahang matatapos itong unang MPEC ng PAGCOR?

PAGCOR VP FOR CORPORATE SOCIAL RESPONSIBILITY BONDOC:  Ang balita namin sa mga LGU because you know this is, ito po iyong revolutionary na ginagawa naming – binibibigay na po namin, ipinagkakatiwala namin with the presumption of regularity ang pera sa LGU, of course with monitoring from COA. Kaya palagay namin mas mabilis po, Sec Martin. Ang tantiya ng ibang mga contractor ay dahil dadaan iyan sa lokal ay baka six to nine months kaya na daw po nila. We are hoping for the best, sana kaya ng six, sana matagal na iyong nine.

SEC. ANDANAR:  Jimmy, your parting words na lang tungkol sa commitment ng PAGCOR na patuloy na tumulong sa mga kababayan nating nangangailangan?

PAGCOR VP FOR CORPORATE SOCIAL RESPONSIBILITY BONDOC: Kami lang po ay nagpapaalala na kami bilang PAGCOR, bilang isang Government Owned and Controlled Corporation ay diretso pong nasa ilalim ng Pangulo ng Pilipinas. At hangga’t ang Pangulo po natin ay kumukumpas sa amin na talagang pagsilbihan ang bayan at unahin lalo na po ang pinakamahirap na sektor, hinding-hindi po kami mawawala dito, kahit maubos na po iyong ipon ng PAGCOR to the last peso, ang sabi ng Pangulo ibigay sa mahirap.

SEC. ANDANAR:  Maraming salamat sa oras ninyo, Ginoong Jimmy Bondoc, ang Vice President ng Corporate Social Responsibility Group ng PAGCOR. Mabuhay po kayo at advance Merry Christmas.

PAGCOR VP FOR CORPORATE SOCIAL RESPONSIBILITY BONDOC: Merry Christmas Sir at mabuhay po kayo. God bless everybody.  

SEC. ANDANAR:  Puntahan naman natin ang pinakahuling kaganapan sa Cordillera Region. May balitang hatid si Debbie Gasingan ng PTV Cordillera, please go ahead, Debbie.

(NEWS REPORTING)

SEC. ANDANAR:  Salamat Debbie.

USEC. IGNACIO:  Mula naman sa Region XI magbabalita si Julius Pacot ng PTV-Davao, Julius?

(NEWS REPORTING)

USEC. IGNACIO:  Maraming salamat, Julius Pacot ng PTV-Davao. Maraming salamat po sa ating partner agency para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas. Salamat din po sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19, mabuhay po kayo.

SEC. ANDANAR:  At diyan nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Ako po ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar ng PCOO.

USEC. IGNACIO:  Ako naman po si Usec. Rocky Ignacio. Eleven days na lamang po at Pasko na.

SEC. ANDANAR:   Hanggang bukas po muli dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

 

###

 

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)