Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar and PCOO Undersecretary Rocky Ignacio


SEC. ANDANAR: Magandang umaga Luzon, Visayas and Mindanao at sa lahat ng ating mga kababayan sa ibang bansa. Ngayon po ay December 16, 2020, araw ng Miyerkules. Ako ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar ng PCOO. Good morning, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Good morning, Secretary Martin. Mula pa rin po sa PCOO, ako naman po si Usec. Rocky Ignacio.

SEC. ANDANAR: Ito po ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Kaninang ala siyete kuwarenta y otso ng umaga ay naramdaman ang magnitude 6.1 na lindol sa Alabel, Sarangani Province. Para maki-update sa balitang iyan, nasa kabilang linya si Usec. Renato Solidum, ang Director ng PHIVOLCS. Good morning po, USec. Solidum

USEC. SOLIDUM: Magandang umaga, Sec. Andanar, at sa lahat po ng inyong tagasubaybay.

SEC. ANDANAR: Usec., ano po ang origin o pinagmulan ng lindol na ito na naramdaman diyan sa Sarangani?

USEC. SOLIDUM: Ito pong lindol ay nanggaling sa isang fault sa karagatan na nagdulot ng magnitude na 6.2 na lindol – ito po iyong pinaka-latest update natin – at ang naramdamang pagyanig po ay pinakamataas na sa General Santos City ng intensity 5; at sa ilang bayan ng Sarangani at ganoon din sa South Cotabato at Sultan Kudarat at Maguindanao na intensity 4. Sa ganito pong intensity, hindi naman po ito mapanira at pangalawa hindi po ganoon kalaki ang magnitude para magdulot ng tsunami so wala po tayong nakuhang report na mayroong damage o ‘di kaya ay wala naman talaga tayong inaasahang tsunami.

SEC. ANDANAR: May mga initial reports na po ba from the ground tungkol sa pinsalang dulot ng panibagong lindol na ito?

USEC. SOLIDUM: Ah, wala po ‘no. Wala po tayong nakuhang report at sa intensity 5 na pinakamataas, wala tayong nakikitang significant damage; pero iyong mga tao siyempre magugulantang kasi malakas po iyong pagyanig.

SEC. ANDANAR: Okay. So magandang balita at wala palang banta ng tsunami diyan sa Sarangani. Usec., may mga inaasahan pa ba tayong mga aftershocks ngayong araw? Maaari bang mas malakas pa ang mga pagyanig na ito?

USEC. SOLIDUM: Posible pong magkaroon ng mga aftershocks diyan po sa lugar na iyan pero so far ang aftershock po na nakuha natin ay hindi po ganoon kalakas, mayroon lang pong mga magnitude 2.4, less than magnitude 3 tayo na record. Pero iyong lugar pong iyan sa karagatan/offshore ng Sarangani, nandiyan naman po iyong talagang posibilidad na magkaroon nang mas malakas, nangyari na po iyon in the past.

Pero so far ang kailangan lang sigurong gawin ng ating mga kababayan ay i-review iyong kanilang kahandaan po sa shaking o pagyanig and then sa mga coastal areas, iyong tsunami evacuation procedure.

Pero iyong lindol po kanina, palagay ko maliliit lamang ang kasunod nito at iyon nga po ang sumunod. Pero in the long term ‘no ay kailangan talagang lahat ng coastal areas sa Southern Mindanao at ganoon din sa buong Pilipinas ay naghahanda sa lindol at tsunami.

SEC. ANDANAR: December 15 last year nagkaroon din ng intensity 7 na lindol naman sa Davao del Sur, halos eksaktong isang taon ang nakalipas. May koneksiyon kaya ito Usec. o any similarity sa nangyaring paglindol kanina? May dapat bang ikaalarma ang mga kababayan natin?

USEC. SOLIDUM: Tama po kayo, kahapon lang iyong isang taong anibersaryo noong magnitude 6.9 na nangyari sa Davao del Sur. Pero iyon pong lindol last year ‘no, sa Davao del Sur na 6.9 at noong Oktubre na anim na mahigit magnitude 6 earthquake sa Cotabato area, ito po ay mga sanhi nang pagkilos ng inland faults, sa lupa naman po iyon. Ito pong earthquake generator na nasa karagatan ng Sarangani, offshore ng Sarangani ay hindi po konektado.

SEC. ANDANAR: Kumusta po ang ginagawa ninyong coordination with the local government units? Ano po ang mga paghahanda na dapat nilang gawin? Ulitin po natin, Usec.

USEC. SOLIDUM: Opo. Sa coordination po natin sa mga local government units ‘no, ito’y sa pakikipagtulungan with the Office of Civil Defense, ang kanilang mga regional offices and Disaster Risk Reduction and Management Offices. Diyan po sa Mindanao nagkaroon po tayo ng Mindanao Tsunami Summit last October at mayroon din tayong mga serye ng mga LGU seminars ngayon sa ilang probinsiya ng mapagtuunan nila ng pansin ang, una, pag-alam sa mga lugar na delikado sa mga earthquake hazards.

Mayroon po tayong app na HazardHunter na puwede po nilang makita kung ano iyong mga panganib na dapat paghandaan. Mayroon din po tayong mga guidelines patungkol sa kahandaan sa lindol and in particular dapat maging ligtas at wala mismo sa taas ng aktibong fault, iyong construction ng mga bahay ay maayos, may guidance din po tayo; at pagdating po doon sa mga evacuation procedure sa tsunami, mayroon pong sinusunod na batayan na madali lang pong sundan ng ating mga local government. Ito po’y ipagpapatuloy natin pero siyempre kailangan din ng participation ng publiko na ito po ay kailangang mapatupad ng mga disaster managers sa local level.

SEC. ANDANAR: Muli Undersecretary, paalala na lang po sa mga kababayan natin lalo na sa mga residente ng Sarangani Province at mga karatig probinsiya nito.

USEC. SOLIDUM: Opo. Sa atin pong mga kababayan diyan sa Southern Mindanao, iyong lindol po kanina ay malakas pero maganda na rin at malayo at hindi po ito mapanira. Gawin po natin itong paalala na despite na walang nangyari sa atin, nandiyan pa rin iyong posibilidad na paminsan mayroon tayong mga mararanasang malalakas na lindol at paminsan may dalang tsunami. So kailangan po nating paghandaan ito at ang ating kaligtasan ay nakasalalay sa pakikipagtulungan natin with the local government. So tandaan po ninyo na alamin ang mga panganib kung nasaan man kayo; pangalawa, anong dapat gawin at ito po ay parati nating isa-isip. Marami pong salamat, Sec. Andanar.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat. Mabuhay po kayo Undersecretary Renato Solidum. Please keep up posted.

Samantala, malawakang information campaign para tanggalin ang pag-aalinlangan ng publiko sa vaccine roadmap ng pamahalaan isinusulong ni Senador Bong Go. Narito ang detalye:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Mabilis na pag-aayos ng serbisyo ng mga telecommunications sa bansa, pinasisiguro ni Senator Bong Go dahil sa malaking epekto nang mabagal na serbisyo ng internet sa work-from-home scheme at maging sa distance learning ng mga mag-aaral. Ang detalye sa report na ito:

[VTR]

SEC. ANDANAR: Mga nasunugan sa Muntinlupa City hinatiran ng tulong ng pamahalaan. Panoorin natin ito:

[VTR]

SEC. ANDANAR: Samantala, inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang proposal ng Department of Education na magsagawa ng dry run ng face-to-face classes sa ilang low-risk areas sa bansa ngayong Enero. Para pag-usapan iyan ay makakapanayam natin si Secretary Liling Briones ng DepEd, kasama sina Usec. Dado San Antonio, Undersecretary Nepo Malaluan at si DepEd NCR Regional Director Dr. Malcolm Garma. Magandang umaga po and welcome back to the Public Briefing.

DEPED SEC. BRIONES: Magandang umaga, Martin. Magandang umaga sa nanunood at nakikinig sa ating mga panayam ngayong umagang ito tungkol sa edukasyon.

SEC. ANDANAR: Sec. Liling, ano po ba ang nagtulak sa DepEd para irekomenda sa Pangulo ang dry run ng face-to-face classes ngayong darating na Enero?

DEPED SEC. BRIONES: Background lang, Martin. Alam natin this year, nagpasa ng batas ang ating Kongreso na nagbigay ng kapangyarihan sa ating Presidente na siya ang mag-decide ng opening ng classes kung ano ang nilalaman dito at ang Department of Education ay mag-recommend. Maalaala din natin na ilang ulit ang sinabi niya na hindi siya papayag ng blended learning kung hindi pa available ang vaccine.

Ngayon na mukhang lumiliwanag na magkaroon tayo ng vaccine kung kailan man iyan, pero nandiyan na iyong mga paghahanda. Kami naman sa Department of Education, nakikita namin na baka mag-expect ang taumbayan na ngayong may posibilidad na may vaccine na ay i-implement na ang face-to-face. Kaya ang sabi namin, hindi siguro wise o appropriate na diri-diretso kaming mag-implement ng policy ng face-to-face. Sabi namin, i-pilot muna namin. Kaya iyong permiso na hinihingi namin sa Presidente ay paggawa ng pilot study para kung nandiyan na ang vaccine, handa na ang lahat, mayroon na kaming ideya kung paano namin ito ipapatupad, itong pangako ng Presidente.

So iyon ang background, Martin. Thank you.

SEC. ANDANAR: Secretary, gaano po kalawak ang magiging dry run na ito? At anong mga edad ng estudyante lamang ang mapapasama? Sa public schools ba lamang ito?

DEPED SEC. BRIONES: Ni-require namin, Martin, ang mga regional directors na mag-nominate sila ng mga eskuwelahan at mga rehiyon na sa tingin nila ay may posibilidad na magkaroon tayo ng pilot study.

Now, una, may mga kundisyones tayo, in addition of course, to the vaccine: Una, kailangang may pahintulot ang local governments dahil iyong mga eskuwelahan ay nasa local governments naman at tinutulungan ng local governments. At saka pangalawa, kailangan din ang consent ng mga parents kasi halo ang mga responses ng mga parents. Mayroong iba, galit na galit dahil walang face-to-face dahil sabi nila ay hindi na sila maka-concentrate sa trabaho nila at saka iyong mga modules ngayon ay ibang-iba sa pinag-aralan nila dati. May mga parents na hindi nakapag-aral, so gusto nila na pumasok at magiging aggressive ang Department of Education; mayroon namang ibang parents na right from the beginning ay may agam-agam pa sila.

Kaya ang sabi namin, kailangan may parental consent; hindi ito mandatory. Kung mapili ang school nila, it’s not mandatory; it’s going to be voluntary, only with the consent of the parents.

Sabi ng iba na wala daw parent na papayag. Eh kahapon lamang inaway ako ng isang mother sa isang malaking senior high school, kasi bakit daw hindi kasama iyong school ng anak niya sa sampling o sa mapipili na mga pag-aaralan na mga schools. So, mixed ang responses ng parents.

Iyong kayang-kaya na nilang magturo ng anak nila sa bahay, eh hindi nila iyan pinoproblema. Pero iyong nagtatrabaho, iyong medyo hindi nila mahabol iyong mga requirements sa module dahil maraming parents sa maraming lugar na hindi nakapag-aral, eh gusto nila na mas malaki ang papel ng schools. So we adjust to what the parents want.

Pangatlo, siyempre ang bottom line natin is the safety of the children and of the teachers; hindi gagalaw ang Department of Education without the advice of the IATF.

Alam mo, Martin, itong recommendation na sinabmit namin sa Presidente ay amin muna iyang dinulog sa IATF, kung sang-ayon ba sila. Sabi nila mabuti iyong pilot study at saka sabi nila mabuti din na may parental consent. Dahil iyong mga pag-aaral na lumalabas tungkol sa COVID at saka sa mga bata on a worldwide scale – ang UNICEF nag-compile ng lahat ng mga pag-aaral na iyon – nagpapakita na more than 90% ng mga infection sa mga bata ay hindi naman galing sa school.

Pinakamababang source of infection ang school dahil guwardiyado iyon at lahat, 90% ay sa homes. So mahalaga ang papel ng mga parents dahil uuwi naman iyong mga bata sa school at wala naman tayong control kung ano ang sitwasyon sa loob ng mga bahay ng mga bata. Kaya kailangan talaga ang cooperation at saka ang consent ng parents.

Ibang factor din, Martin, halimbawa ang bata pupunta sa school, kung kailangan niyang mag-public transport, sasakay ng tricycle o ihahatid, sasakay ng jeep, ihahatid ng parents, kailangang siguraduhin natin na may commitment naman ang mga transport and other providers na magiging safe iyong kanilang produkto. Sa canteen, halimbawa, hindi puwede iyong buffet styles ng pag-ano ng pagkain kung may pagkain man na isisilbi. Itong lahat ay babantayan talaga.

Kaya ang prinsipyo dito na pino-propose namin kay President na in-approve niya ay iyong shared responsibility. Dahil ang bata, puwedeng makapulot ng virus sa iba’t ibang lugar at ang kapasidad niyan sa pagkalat ng bata ay mga bagong studies, ginawa ng Harvard, nagpapakita na ang mga bata kung minsan maski asymptomatic, baka nagdadala na iyon ng mga virus, iyong ating mga bata.

Kaya maingat na maingat tayo. Kaya gusto namin i-pilot muna at titignan talaga kung paano ito uubra para naman ma-fulfill ni President iyong kaniyang pangako at ma-fulfill naman iyong kaniyang mandate na the children and the teachers and the community will be safe. So, ayon ang sinasabi namin at inaprubahan naman, hindi lamang ng Presidente. Ang mga members ng Gabinete, isa-isa sila na nagsabi na sinusuporta nila itong paraang ito – pilot muna bago pang-malawakan kung nandiyan na si vaccine. Thank you, Martin.

SEC. ANDANAR: Para po naman kay Usec. Malaluan. Paano po isasagawa, sir, iyong staggered classes during the dry run?

USEC. MALALUAN: Salamat, Sec. Martin sa tanong. Tama po kayo, hindi po magiging full class size tayo at saka full schedule na nakagawian natin sa normal class situation. Ito po ay blended pa rin sa distance learning at kaya ginagawa ito na sinasamahan natin ang face to face ay para ma-compliment ng mga bagay na maaaring gawin sa face to face sa loob ng paaralan. Pero hindi all the schedules for the week kung hindi mayroon lamang schedule ng face to face, siguro ay it can be and we are giving our regions based on their class management at saka doon sa instructional design nila ng flexibility, pag-schedule kung isang beses o dalawang beses sa isang linggo o kada dalawang linggo ito.

Hindi po magiging—ang class size po natin ay between 30 to 40 at hindi pupuwedeng ganiyan ang class size natin dahil kung magiging puno iyong mga bata sa loob ng silid-aralan ay hindi magagawa iyong physical distancing. So, ang atin pong maximum sa isang classroom ay between 15 to 20 lamang ang bata na maaaring ia-accommodate in class.

At bukod po diyan ay lahat ng mga safety and health standards, kagaya ng proper distancing at saka itong pagsuot ng face mask at face shield at gayun din iyong frequent hand washing ay ipapatupad kasama doon sa symptom-based screening ng mga bata.

At kaya po binabanggit ni Secretary Briones ay kailangang-kailangan ng shared responsibility ng mga magulang at ng LGUs ay kailangan ding ma-observe itong health standards and protocols na ito hindi lamang sa loob ng mga paaralan, kung hindi gayun din sa tahanan at saka sa travel or transport ng mga bata to and from their homes.

So, hindi po full class size at hindi rin po full week schedule ang mga bata kung hindi combined pa rin po ito sa distance learning. Salamat, Sec. Martin.

SEC. ANDANAR: Usec., one more, magkakaroon po ba ng rapid test ang mga guro bago simulan ang dry run?

USEC. MALALUAN: Hindi po necessary na may rapid test ang mga guro, ito po ay symptom-based screening tayo. Subalit kung doon sa pag-uusap ng local government units na kailangan ang kanilang conformity, ito ay makakapag-source tayo for rapid testing ay mabuti po.

At mamaya ay nagpatawag si Secretary Briones din ng pagpupulong ng aming executive committee at saka management committee, so maaari pong tingnan namin iyan. Pero at the minimum ay iyon pong symptom-based screening – kailangan ay walang exposure at walang sintomas ang ating mga guro. Pero kung doon sa pilot cases natin ay ma-identify na mayroon tayong maaaring source ng pagkukunan ng suporta para sa rapid testing halimbawa—testing based screening ay maaaring ikunsidera iyan sa pagpupulong na ipinatawag ni Secretary Briones ngayong hapon.

SEC. ANDANAR: To Regional Director Garma, sa NCR naman. May paaralan na ba kayong napili para makilahok sa dry run na ito?

DEPED-RD GARMA: Magandang umaga, Sec. Martin.

Alam natin na iyong minimum requirement po natin para po doon sa nomination natin for pilot classes ay at least ito po ay dapat nandoon sa mga classification ng low severity cases. So ibig pong sabihin nito ay MGCQ po dapat. At alam naman po natin na ang National Capital Region at least hanggang katapusan ng Disyembre ay nasa ilalim pa rin po ng General Community Quarantine.

So hindi po muna tayo nagnomina, Sec. Martin, ng paaralan mula sa National Capital Region na lumahok dito sa pilot na ito. So, tingnan po natin pagdating po ng Enero sa susunod na taon kung ano po ang magiging estado ng National Capital Region pagdating po sa community quarantine level at maaari pong doon po natin ibabatay kung handa na po ang NCR para lumahok sa gagawin pong pilot limited face to face.

SEC. ANDANAR: Okay. Puntahan natin ang mga tanong naman mula sa media. Usec. Rocky, please go ahead.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Martin. Mula po kay Evelyn Quiroz para po kay Secretary Briones: President Duterte recently daw po allowed classes to resume in areas considered low risk to coronavirus transmission or those under Modified General Community Quarantine starting next year. The Alliance of Concerned Teachers po have expressed misgivings stating that low COVID-19 infection rate did not guarantee the safe return to schools specially since probable areas for the pilot implementation were poor rural localities where school facilities are least ideal and personnel are most wanting. Will the Department of Education still push through with the plan or defer it for further consideration?

SEC. BRIONES: Iyong sinasabi natin na low-risk areas, nanggagaling iyan sa IATF, kina-classify iyan; pero isa lang iyan sa mga considerations natin. Sinabi ko na kanina na kailangan papayag ang mga local governments, tapos sinasabi iyong situation, iyong status ng mga schools natin. Kung iyan ba ay conducive to face-to-face learning, isa din iyan sa mga decision points kasi responsibility iyan ng Department of Education.

Kasi ina-assure natin, we want to make sure na iyong distancing will be observed; ventilation is going to be implemented, iyong open air, etc., at saka palaging minamanman at binabantayan iyong mga bata at saka mga teachers. So, ang starting point iyong classification na low risks sila but beyond that, consent of the local governments, consent of the parents and iyong preparedness level of iyong environmental aspects, the physical, the mental aspects of a child being school.

Pero uulitin ko, iyong mga pag-aaral nagpapakita na ang bata nakakakuha ng COVID sa ibang lugar, sa iba’t ibang lugar maliban sa school. Ang pinakamababang rate ng infection globally at saka sa atin din dito sa Pilipinas ay sa school. Kasi ngayon kahit wala naman tayo face-to-face, malaking bahagi ay sa mga homes, sa transport kaya hindi puwedeng magpatuloy tayo maski low risk kung ang ibang factor ay hindi natin nako-consider lalo na local government at parents dahil the children spend most of the time at home and we know the various conditions in the homes of our children and also both for the teacher na gusto nating maprotektahan. Kaya nag-recommend kami nito hindi dahil may vaccine ipapatupad na natin, ganoon. Iyong sinabi namin shared responsibility kung saan mapupulot, saan ikakalat ng bata iyong virus na COVID. Not all will be in school. Iyon ang lumalabas na datos ngayon worldwide at saka, well, also here in the Philippines.

So, hindi maiwasan ang parents, hindi mo maiwasan ang local governments dahil sila very supportive. Hindi mo maiiwasan ang mga transport facilities, in addition of course to the physical environment that DepEd has to create for face-to-face.

USEC. IGNACIO: Secretary, tanong naman mula kay Jaehwa Bernardo ng ABS-CBN: How many schools are nominated for the dry run or face-to-face classes and which provinces do they mostly come from? How many will be selected for the actual dry run?

SEC. BRIONES: So far, ang ni-report ng ating mga regional directors last week ay 1,114 schools ang na-nominate out of 61,000 schools. Tatlong regions ang nag-beg-off at this time. Alam na natin ang NCR at naintindihan natin iyan. Ang Davao nag-beg-off also, ang Cotabato nag-beg-off pero ang malaking demand talaga is in Region IV-A, Region VIII, the other regions nagba-varry. Pero ang final listing will be very much lesser than 1,114 considering na may ibang factor tayong tinitingnan, kino-consider kaya gusto nating written consent from the parents.

Ang parents mixed kasi, Usec., mayroong iba galit na galit dahil gusto nila ng face-to-face, mayroong iba naman galit na galit dahil ayaw nila ng face-to-face, kaya kailangan mayroong written consent. But what is very clear is that children spend most of their time at home. And we know the different conditions of the homes of our learners kaya very important consideration ito. So, it will be very much lesser than the 1,114, I’m very sure of that.

Mamayang hapon mag-meet kami with the EXECOM and MANCOM, so mapababa natin iyong listahan na iyan.

USEC. IGNACIO: Secretary, tanong naman mula kay Joseph Morong ng GMA 7, ang tanong niya: Wala po kayang threat of exposing the children to the virus?

SEC. BRIONES: Sa school, sinasabi na lahat ng pag-aaral nagpapakita na ang pinaka-lowest threat ay sa schools. Ang malaking posibilidad ay sa homes kasi that is where they spend most of their time and other places.

Ang isa pang lumalabas na bagong pag-aaral na galing sa Harvard, parang sabay-sabay naming natuklasan itong pag-aaral ng Harvard with the Department of Health na sinasabi na ang mga bata ay ang viral load nila maski asymptomatic ay may posibilidad na nagdadala din sila ng COVID virus at hindi lang mahahalata.

Kaya kailangan talaga where do they spend most of their time? What are their activities? Sino ang ka-deal nila aside from the schools? But right now, schools as a source is perhaps the lowest at this time both in the Philippines as well as globally.

Kaya tinitingnan namin iyan sa mga pag-aaral but, ingat pa rin tayo dahil sinasabi na ang mga bata maski asymptomatic – hindi natin sila tinitingnan dahil asymptomatic sila – baka may dala-dala silang virus na puwedeng ipasa sa members ng kanilang households lalo na ang mga mixed households.

Nandiyan si lola, nandiyan si tita, nandiyan si nanay, nandiyan si tatay, nandiyan si kuya sa loob ng isang bahay and that has to be considered very carefully.

Kaya iyong shared responsibility mahalaga, hindi lamang responsibility ng isang institusyon kung hindi responsibility ng buong society. Ang interest ng local government is very, very keen and very watchful sila dahil kanilang teritoryo iyong gagalawan namin at gagalawan ng mga bata.

USEC. IGNACIO: Secretary, may tanong din si Tuesday Niu pero nasagot na ninyo po ito. Ang tanong lang niya – baka may maidagdag lang po kayo: Ilang school ang kasali sa dry run at saan po iyong mga regions na ito? And then may follow-up po si Pia Gutierrez ng ABS-CBN, ito po ang tanong niya: How is DepEd daw po improving on its pre-service and in-service teacher education? In a Senate hearing last week, it was pointed out daw po that there should be an improvement in the licensure examination for teachers and pre-service trainings.

SEC. BRIONES: Alam mo, very relevant at mahalaga iyong tanong na iyan dahil again, sinasabi ng iba na dahil sa present leadership ng DepEd eh bumaba iyong performance natin sa PISA. Eh, for the first time tayo sumali sa PISA ngayon sa Administrasyong ito kaya wala tayong benchmark.

Eh, mababa daw iyong performance natin sa TIMSS. The last time nag-participate tayo sa Math and Science was 2003 at saka ang sabi ko as the head of this present DepEd, we have to know where we stand with the rest of the world, so we will introduce improvements and changes – 2003 iyan.

Tapos, ang sa Southeast Asia naman from Grade 5 children, siyempre nagri-resonate iyan kung anong lumalabas sa PISA at lumalabas din sa TIMSS – TIMSS is the test on Math and Science. Konektado ito lahat. At ang Department of Education ngayon, gusto na naming tumingin sa mirror. Nagtatanong nga kami, “Mirror, mirror on the wall, who is the fairest of us all?” And we are getting the answers. And the question of Pia, of course, is very relevant. And Usec. Nepo can share what we are doing, iyong tinatawag namin na pinagbabago natin, mga improvements natin, transformation.

Sabi namin, transformation of the pre-service and in service capacities of our educational system; but the main game of course, it’s obvious, na kami ang nag-uumpisa ng pagtingin sa mirror. Thank you.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat po sa inyong oras, Secretary Liling Briones, Usec. Malaluan at kay NCR Director Garma ng DepEd, mabuhay po kayo! Advanced Merry Christmas.

Magbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH. Please don’t go away.

[COMMERCIAL BREAK]

USEC. IGNACIO: Para naman po pag-usapan ang patuloy na issue ng diumano’y red tagging at ilan pang batikos sa programa ng pamahalaan kontra insurgency, makakausap po natin si National Security Adviser Secretary Hermogenes Esperon. Good morning po, Secretary.

Good morning, Secretary? Ayan, nawala. Naputol ang linya—Secretary, okay na, naririnig ninyo na ako? Secretary? Babalikan po natin si Secretary Esperon, aayusin lang po natin iyong ating linya ng komunikasyon kay Secretary. Naririnig na po ako ni Secretary? Okay, Secretary? Wala pa rin po si—

Samantala, puntahan po muna natin ang ibang balita mula po sa PTV Cebu, makakasama po natin si John Aroa. John Aroa, maayong buntag.

[NEWS REPORTING]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, John Aroa ng PTV-Cebu. Samantala, balikan po natin si Secretary Hermogenes Esperon. Secretary? Okay, wala pa rin si Secretary. Babalikan po natin si Secretary Esperon.

SEC. ANDANAR: Okay. Samantala, base sa pinakahuling tala ng Department of Health, umabot na sa 451,839 ang kabuuang bilang ng mga nahawaan ng COVID-19 kahapon matapos itong madagdagan nang 1,135 kahapon. Umakyat sa 173 cases ang bilang ng mga gumaling mula sa sakit, habang limampu’t anim ang namatay. Sa kabuuan ay nasa 418,867 ang total recoveries sa bansa habang 8,812 naman ang mga nasawi.

Muling bumaba ang reported cases kahapon na umabot sa 1,135 cases. Ito na ang pangalawa sa pinakamababa sa nagdaang isang linggo. Ang lalawigan ng Rizal ang pinagmulan ng mataas na bilang ng new cases na umabot sa 117 cases; sumunod naman ang Bulacan with 84 cases; nasa ikatlong puwesto ang Quezon City; sumunod ang Isabela at Laguna with 38 new cases. Ang active cases ay nasa 24,160, ito ay 5.3% ng total cases.

USEC. IGNACIO: Sa mga aktibong kaso, maliit na bahagdan o 0.30% ang moderate cases, 2.9% ang severe, 5.7% ang critical, 6.4% ang asymptomatic at 84.7% naman ang mild cases.

Narito naman ang 7 commandments sa pampublikong transportasyon na dapat nating sundin. Una, huwag pong kalimutang magsuot ng face mask at face shield – minamandato na po ito kapag kayo po ay lalabas ng bahay; bawal ang pagsasalita, pakikipag-usap o pagsagot ng telepono; ipagpaliban din po muna ang pagkain; kinakailangan din na may sapat na ventilation; kailangan may frequent disinfection; bawal magsakay ng symptomatic passenger; at panghuli, kinakailangang sumunod sa appropriate physical distancing.

Para sa inyong mga katanungan at concerns tungkol sa COVID-19, maaari ninyo pong i-dial ang (02) 894-COVID o kaya ay (02) 894-26943. Para naman sa mga PLDT, Smart, Sun at TNT subscribers, i-dial ang 1555. Patuloy rin kayong makibalita sa mga pinagkakatiwalaang sources ng impormasyon tungkol sa COVID-19, maaari ninyo pong bisitahin ang covid19.gov.ph.

Samantala, balikan na po natin si Secretary Hermogenes Esperon. Secretary?

NSA SEC. ESPERON: Hello! Good morning.

USEC. IGNACIO: Opo. Paumanhin po kanina, Secretary. Secretary, may bago pong issue na naman iyong red-tagging na kumakalat and this time po ito daw ay directed na mismo kay Pangulong Duterte kung saan may isang grupo na nagsasabing ni-red tag daw ‘di umano ng ating Pangulo ang isang mambabatas with baseless accusations. Ano po ang masasabi ninyo dito, Secretary?

NSA SEC. ESPERON: Muli, magandang umaga. Sa totoo lang, ang issue ng red-tagging ay hindi nanggaling sa atin. Kung mayroon mang red-tagging, ang nagri-red tag – nagsimula iyan sa video clip ni Jose Maria Sison, sa isang talumpati ay kaniyang pinangalanan ang kaniyang mga kasama na legal front organizations na kasama niya sa National Democratic Revolution. At kaniyang binanggit doon sa video clip na iyon ang Alliance of Concerned Teachers, ang Gabriela, ang LFS, ang Bayan, ang Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, Kilusang Mayo Uno at iba pa. Kaya siya mismo, kung may masasabi tayong red-tagging, ay siya mismo ang nag-red tag niyan.

Pangalawa, mayroon silang international solidarity works at ang kanilang nabuo na organisasyon ay iyong tinatawag nilang International League of People’s Struggles na ang purpose nito ay upang pataasin ang status ni Jose Maria Sison sa pamamagitan nang pagiging presidente ng International League of People’s Struggles – this is supposedly, purportedly an organization of communist struggles all over the world – at diyan chairman si Jose Maria Sison.

At sino itong mga miyembro ng organization nito? Makikita naman natin sa kanilang web page, sa kanilang website na nandiyan ang Alliance of Concerned Teachers, Makibaka, Bayan, League of Filipino Students, Gabriela, Courage, Kilusang Magbubukid ng Pilipinas… nandiyan sila lahat, so hindi na natin sila kailangang sabihin na i-red tag.

Sa totoo lang tama iyong sinabi ng Pangulo na ini-inform natin ang public. We are informing, we are identifying them and that is of course for the information of the public para hindi mapasubo iyong mga kabataan na pasama-sama sa kanila.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, dahil pinawalang-bisa po iyong Anti-Subversion Law noong 1992 kung saan hindi labag sa batas iyon daw pong pagiging komunista. May mga bintang na nagkaroon ‘di umano nang creative ways ang militar at pulisya para i-detain ang mga niri-red tag – ito po raw ay sa pamamagitan nang false charges kagaya nang pagpatay o illegal possession of firearms. Ano po ang masasabi ninyo dito, Secretary?

NSA SEC. ESPERON: Paano namang creative ways, eh talaga namang nangyayari iyan dahil miyembro sila nang armadong grupo dahil sila, gusto nilang pataubin ang ating gobyerno sa pamamagitan nang armed struggle. At ano nga ba ang armed struggle? Hindi ba kasama diyan ang pagdadala ng armas at kapag sila ay nahuhuli sa kanilang mga safehouses, underground safehouses, talagang nandoon iyong armas nila. So doon sila talagang nakikita, iyon ang nagiging ebidensiya sa kanila na kasama sila sa violent overthrow ng Republika ng Pilipinas.

That’s not something that is invented by our operating troops, talagang may nakikita sa kanilang mga armas at mga equipment at iyong mga nakukuha sa kanila na mga laptops ay doon nakasaad mismo iyong kanilang involvement sa armed struggle or armed revolution or violent overthrow of the government. Wala tayong ginagawang [imbento], kung hindi sinasabi nila ay planting of evidence, iyong mga nakukuha sa kanila ay talagang kanila iyon at malimit naman ay sa engkuwentro nakukuha iyan. So kailangan pa ba nating imbentuhin iyong engkuwentro? Eh may namamatay diyan na sundalo, may namamatay na civilian. Kung ano talaga ang makuha natin sa mga engkuwentro, iyon ang ebidensiya natin.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, puntahan ko lang po iyong tanong ng ating kasama sa media. Tanong po mula kay Evelyn Quiroz ng Pilipino Mirror. Ito po ang tanong niya: DITO Telecommunity has an agreement daw po with the AFP to setup the transmission facilities in military bases all over the country. In its own risk analysis conducted in May 2019, the AFP identified daw po spying risk presented by its deal with DITO electronic and radio frequency, eavesdropping, interception and signal jamming. You recently daw po admitted that the Philippines has no operation center to defend against cyber attacks on a national level. Why then are we allowing Chinese telecoms to setup their facilities inside our military bases?

NSA SEC. ESPERON: Iyong sinasabi kong national operation center ay sa DICT iyon na hindi pa kumpleto actually. Pero diyan sa Armed Forces of the Philippines ay mayroon sila diyan na Cyber Group, Armed Forces of the Philippines. Alam ninyo naman ang communication security, iyon ang dating tawag diyan, kung paano mo i-secure ang communiqué ay nagsimula sa Armed Forces iyan, sa military. Kaya ang military ay sanay na diyan sa pag-secure ng communications and now that we are in cyberspace or in the internet ay ginagawa pa rin patuloy ang pag-secure ng ating communications.

Maraming paraan para i-secure natin iyan. Ngayon, ang bagong ginagawa ngayon ng mga kalaban ay hacking or pinapasukan ang ating mga internet. Mayroon tayong ginagawa diyan sa… kaya nga humingi ako ng executive session doon sa hearing, para doon natin i-explain, hindi iyong ilalahad mo sa public kung ano iyong depensa mo. Eh di ‘pag nilalahad mo sa public iyong kung ang depensa mo, eh di mas mapapadali para sa kalaban na pasukan kayo.

Mayroon tayong nasimulan na operation center sa DICT, dapat lang palakasin iyon – iyon ang sinasabi ko doon – dahil underfunded ang DICT tungkol sa cyber security. Nonetheless, we have the National Security Inter-Agency Coordinating Community (NSIACC) at ang niyan ay Chairman niyan ay si Executive Secretary Medialdea; co-chairman kami ni Secretary Honasan diyan. Mayroon kaming mga isinasagawa tungkol sa cyber security at hindi man ito kumpleto sa palagay namin ay alam namin kung ano iyong problema at sa ngayon nasasapatan natin, ngunit kailangan talagang palakasin pa natin ang ating cyber security system and our infrastructure for this.

Ngayon, punta tayo sa DITO Telecommunity. Ang bawat isa sa mga Telco na iyan ay required na dapat i-secure nila iyong kanilang communications lines o kaya iyong kanilang data centers. Noong itatag ang Globe at saka Smart ay wala sa regulations, walang nag-supervise iyan, bahala na sila. Dito sa DITO ay talagang hinigpitan namin iyan noong bigyan natin iyan ng certificate of public convenience, iyong kanilang lisensiya. At miyembro ako ng Oversight Committee sa pagpili noon ng mga dapat na pumasok. At dahil ako ang tumitingin sa national security, nailagay ko sa ating memorandum circular when we selected Mislatel that they should not violate national security provisions.

Hindi natin nagawa iyan sa Smart at saka Globe noon. Kaya sila ay—mayroon din silang catch up program for cyber security. At ang DITO naman, ang DITO Telecommunity ay naglagay na ng kanilang cyber security system. In fact, they just inaugurated their national operation center under security operation center last December 9. At pinuntahan ko iyon, as part of my duty so that I could assure ourselves that they have it.

At alam mo napag-alaman ko iyong mga military officers and all Filipino team ay sila ngayon ang nandoon sa security operation center and national operation center ng DITO at ang ginagamit nilang applications ay limang American companies.

Sa nakita ko nakakasiguro ako na ang cyber security set up ng DITO ay sapat, it is what we required as per our selection criteria that we prescribe. Kaya kung magkaroon man ng towers ang DITO sa mga military camps, ang benefit na lang noon ay mabilis ang proseso, magkakaroon ng tower doon, na maging secure iyong tower dahil alam naman natin na nagkaroon na tayo ng experience na ang mga towers, telecommunication lines ay sinusunog ng NPA.

At isa pang benefit diyan sa pinagtatayuan ng mga towers ay puwede silang bayaran in terms of internet or consumption. Kung magtatayo iyan sa eskuwelahan, magkakaroon iyan ng free internet. Kung magtatayo naman sa barangay magkakaroon ng internet.

USEC. IGNACIO: Secretary, mayroon pong follow up question diyan kasi nabanggit po ninyo iyong New People’s Army. May tanong po ni MJ Blancaflor ng Daily Tribune: May nakikita po ba kayong security threat this coming holidays? CPP has declared po just a few minutes ago that they are urging all NPA units to carry out secret meeting to mark the 52nd anniversary of the CPP this year. They also said they will continue their offensives during the holiday since hindi po nag-declare ng ceasefire ang AFP. Isa lang pong mabilis na sagot, Secretary, please.

SEC. ESPERON: Pakiulit lang medyo malabo.

USEC. IGNACIO: Secretary, tanong ni MJ Blancaflor ng Daily Tribune: Kung may nakikita daw pong security threat this coming holidays? CPP daw po kasi nag-declare po just a few minutes ago na they are urging all NPA units to carry out secret meetings to mark the 52nd anniversary of the CPP year. They also said they will continue their offensives during the holiday since hindi naman daw po nag-declare ng ceasefire ang AFP.

SEC. ESPERON: Kasama na iyan sa kung walang ceasefire pronouncement or declaration. Talagang naka-red alert ang Armed Forces at saka Philippine National Police. Kung mayroon mang banta ang CPP-NPA ay ano ba ang bago, eh dati naman silang nandiyan na, mayroong mga armas. Kaya we should be prepared for that. Kung mayroon silang gagawing kaguluhan ay nakahanda ang ating mga tropa.

USEC. IGNACIO: Okay, maraming salamat po sa inyong panahon, Secretary Hermogenes Esperon. Mabuhay po kayo!

SEC. ESPERON: Salamat, mabuhay and Merry Christmas sa ating mga tagasubaybay sa inyong programa.

USEC. IGNACIO: Salamat po, Merry Christmas, Secretary.

SEC. ANDANAR: Advanced Merry Christmas, Secretary Jun.

At diyan nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Abangan po ninyo ang pagsisimula ng bagong programa ng DILG dito sa PTV at Radyo Pilipinas, ang Barangay Kuwatro, kasama si Alex Santos at Usec. Jonathan Malaya. Susunod na po iyan.

Muli ako ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar ng PCOO.

USEC. IGNACIO: At ako naman po si Usec. Rocky Ignacio.

SEC. ANDANAR: Hanggang bukas, dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

##

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)