SEC. ANDANAR: Magandang umaga, Pilipinas. Mahahalagang balita’t impormasyon ang ating pag-uusapan tungkol pa rin sa ating paglaban kontra COVID-19. Good morning, Rocky.
USEC. IGNACIO: Good morning, Secretary, at welcome sa PTV. Makakasama po rin natin ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan para mapakinggan ang mga programang ipinatutupad nila para po masugpo ang krisis na ito. Ako po si Usec. Rocky Ignacio.
SEC. ANDANAR: At ako po naman si Secretary Martin Andanar, at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.
Upang sumagot sa mga tanong ng bayan, maya-maya lamang ay makakasama natin sa programa sina Department of Health Secretary Francisco Duque III; Dr. Butch Ong mula sa UP OCTA Research Team; at Mayor Toby Tiangco ng Navotas City.
USEC. IGNACIO: Maghahatid din po ng ulat ang mga PTV correspondents mula po sa iba’t ibang probinsiya at ang Philippine Broadcasting Service.
Samantala, para naman sa inyong mga katanungan, maaari kayong mag-comment sa live streaming ng ating programa sa PTV Facebook page.
At sa ating unang balita: Kagabi po ay kinumpirma ng Department of Health na nasa bansa na ang COVID-19 UK variant matapos isagawa ang genome sequencing, na-detect ito sa isang Pilipino na umuwi mula sa United Arab Emirates noong January 7. Pagdating ng Pilipinas, agad nag-swab test at nag-quarantine sa isang hotel ang nasabing pasyente na residente ng Quezon City. At nang lumabas ang positive result ay inilipat agad ito sa isang quarantine facility. Ang kasama niya sa biyahe sa Dubai ay nagnegatibo naman sa COVID-19, ngunit sumailalim pa rin ito sa istriktong quarantine at monitoring.
Nagsasagawa naman ngayon ng intensive contact tracing ang lokal na pamahalaan ng Quezon City mula sa isolation facility na pinagdalhan sa pasyente hanggang sa immediate household members nito. Nakaalerto rin ang LGUs sa posibleng transmission ng sakit sa mga kabahayan na malapit sa tirahan ng pasyente.
Pinaalalahanan naman ng Department of Health ang mga pasaherong lulan po ng Emirates flight number EK332 na makipag-ugnayan sa kani-kanilang barangay health emergency response team para po sa mas mabilis na contact tracing.
Samantala, COVID-19 vaccine rollout sa bansa target ng Duterte administration bago matapos ang unang quarter ng taon; Senator Bong Go hinimok ang pamahalaan na mas paigtingin pa ang information campaign kaugnay sa epektibo at ligtas na COVID-19 vaccine upang maibalik ang kumpiyansa ng publiko sa pagpapabakuna.
[VTR]
SEC. ANDANAR: Kaugnay ng mga balitang iyan at ang unti-unting pagtaas ng COVID-19 cases dahil sa nagdaang holiday season at selebrasyon ng Piyesta ng Itim na Nazareno, nagbabalik sa Public Briefing #LagingHandaPH ang OCTA Research Group para tulungan tayong maintindihan ang kasalukuyang COVID-19 situation ng bansa. Narito po si Dr. Butch Ong. Magandang umaga, Doc. Butch.
DR. BUTCH ONG: Good morning, Secretary. At I’m glad to be here, back to the Public Briefing.
SEC. ANDANAR: Ano po ang kasalukuyang reproduction rate ng Metro Manila; at ano po ang ibig sabihin nito para sa ating mga kababayan?
DR. BUTCH ONG: Sa ngayon, ang reproduction rate ng NCR ay naglalaro siya between 1.10 to 1.17 ‘no. Kung maalala natin, our reproduction number noong December ay below one but it is because the testing center capacity is only operating at 45% capacity. Now that the testing centers are going back to the usual operations, siguro nakikita na natin ang… kumbaga, tamang number ng Ro value natin.
So ngayon, nasa 1.17 which means above one tayo and this means that it is now being actively transmitted in the community.
So uulitin ko, ang COVID-19 ay actively ngayon nata-transmit na sa community. So there’s active transmission, it means that for… at least for the NCR, nandoon iyong 1.17 kasi sa NCR ay mas maingat dapat tayo ngayon dahil umaakyat na tayo nang konti, bahagya ‘no mula noong pumasok tayo ng bagong taon.
SEC. ANDANAR: Aling parte ba po ng ating bansa ang may nakababahalang increase nitong R0?
DR. BUTCH ONG: Sa National Capital Region, nakikita natin iyong pag-increase sa Quezon City, Manila, Pasig, Parañaque at Marikina.
Sa labas naman po ng NCR, nakikita natin na tumataas ang numero sa Davao del Sur, Isabela, Quezon, Misamis Oriental, Pangasinan, Agusan del Sur, Negros Oriental. Kasama na rin dito siguro, isama na natin iyong Cebu City at Zamboanga del Sur. Itong mga nabanggit ko ay nakakita ng bahagyang pagtaas ng number of new cases so far within the last two weeks.
SEC. ANDANAR: Ayon po sa inyong pag-aaral, gaano kataas po itong inaasahang significant surge sa COVID-19 cases dahil sa nagdaang holiday season o iyong Traslacion?
DR. BUTCH ONG: Sa ngayon ay hindi pa natin masasabi ‘no kasi dahan-dahan lang umaakyat. May konting uptick lang ng mga datos natin sa ngayon so hindi pa natin masasabi na nasa surge level na tayo.
However, knowing that nagkaroon tayo ng mga mass gatherings lately, especially noong Traslacion last week ay maaaring umakyat nang bahagya ang ating R0. Maaaring pumalo tayo sa from 1.17 to maybe 1.5. Pero ginigiit natin na iyong datos natin ay may konting delay lang ng mga one week, one week lang, at makakakita tayo nang mas magandang trending by next week.
So I hope na hindi masyadong umakyat iyong Ro value natin lalo na ngayon na may naibalita na na may bagong variant na na-detect sa Pilipinas noong January 7.
SEC. ANDANAR: Have you considered na rin po ba itong UK variant ng COVID-19 sa inyong pag-aaral lalo’t kagabi ay kumpirmadong nakapasok na ito sa ating bansa?
DR. BUTCH ONG: Oo ‘no at nakakabahala din nang konti iyong pagpasok ng bagong variant. However, we are in a pandemic so it is expected talaga na may mga variants talaga na papasok sa bansa natin once in a while. So iyong importance ng pagkaalam nito, dahil nalaman natin na confirmed yesterday na may bagong variant tayo, mas maganda na maaga natin itong nalaman, mabuti na lang dahil we can institute measures to control the spread of the virus.
So madagdag na natin mula noong pagpasok ng taon tumataas na nang bahagya iyong ating R value. Ngayon itong new variant na ito is reported to be more transmissible by as much as 70% than the previous variants. So mas nakakahawa ito than the previous ones.
Kung naalala natin noong bandang Agosto at Setyembre, nagkaroon tayo ng bagong variant na pumasok – ang tawag natin doon ay D16G ‘no. So ito iyong dahilan kung bakit tayo bahagyang umakyat ng R value at nagkaroon tayo ng two-week timeout ‘no kung naalala ninyo iyon ‘no. So with this now, with this information na bagong dating maaga pa ‘no, we are still doing the contact tracing and hopefully iyong measures na binigay ng gobyerno, iyong minimum health standards natin ay nasunod at hindi na kumalat iyong bagong variant na iyon galing sa isang pasahero from, I think if I believed, from the UAE.
SEC. ANDANAR: Ano po ang mga mungkahi ninyong measure na dapat pang ipatupad ng pamahalaan ngayon para makontrol po natin ang pagkalat ng COVID-19?
DR. ONG: Ang mungkahi namin sa OCTA Research Group ay to increase the capacity of the national healthcare system. Ibig sabihin more human resources, maraming doktor at nurse ‘no; equipment, especially the ventilators; bed capacity, so sa mga ospital, more wards sana ang maitalaga for COVID ‘no. We must also increase the testing capacity, ngayon na mayroon nang bagong variant, siguro may kaunting adjustments na gagawin para sa PCR ‘no.
Dito sa PCR tinutumbasan niya iyong RNA, iyong genetic material ng SARS CoV2 ‘no. Kung mayroon mang mga changes sa genetic material ‘no, siguro kailangan mag-adjust din ang ating PCR tests ‘no. We must also scale up our contact tracing efforts lalo na ngayon na mayroon nang bagong variant ‘no at I think nagku-contact tracing na rin sa mga passengers ng flight na iyon at sa Quezon City kung saan siya nakatira. So magandang mungkahi iyon from the local government. But still, for the other provinces dapat din mag-scale up din tayo ng contact tracing ‘no.
Further more and one last thing na minumungkahi namin ay to scale up the isolation facilities natin sa bansa. Pagpasok siguro ng mga OFWs for example, o kaya mga bisita galing sa ibang bansa, maaaring ma-overwhelm iyong isolation facilities lalo na sa probinsiya. So it would help to build more or additional isolation facilities not just in NCR, but in strategic locations sa buong Pilipinas, iyong mga metro cities like Cebu City, Davao City etcetera.
SEC. ANDANAR: Ayon sa inyong survey, 25% lamang ng mga Pilipino ang willing na mabakunahan para sa COVID-19. Ano po ang mungkahi ninyong paraan para po mas mahikayat ang ibang mga kababayan nating Pilipino na magpabakuna?
DR. ONG: Yes, Secretary, last week we released our latest survey. Ginawa namin ito sa National Capital Region at tinest namin iyong vaccine confidence ng mga tao sa NCR ‘no, lumalabas na only 25% of the respondents sa NCR are willing to be vaccinated. Although medyo mataas ang number ng mga respondents ang sumusunod sa pagsuot ng mask ‘no, I think it’s at around a high 80% of the respondents said that they wear masks; around 60 to 70 percent said that they follow the face shield ‘no and the physical distancing ‘no. Ito iyong mga magagandang mungkahi ang nagsasabi na sumusunod at nai-implement naman, nai-enforce naman nang kaunti ‘no – kaunting push pa sa pagsuot ng mga mask at sa paggawa ng physical distancing.
Pero sa usaping vaccination, hahabulin pa natin ang 75%, kasi 25% lang ang willing ‘no. Perhaps maganda na umpisahan na natin ang massive information campaign sa paggamit ng vaccination program natin ‘no – iyong benefits nang pag-achieve ng herd immunity ‘no, ang benefits ng vaccine para makabalik na sa new normal. Marami sa ating mga kababayan ay naghihintay din naman na bumalik na tayo sa trabaho, bumalik na tayo sa new normal. This is the right time actually for us to implement a good strategy for public education/public advocacy… our social advocacy for the vaccination program.
SEC. ANDANAR: Maraming salamat po sa inyong panahon, Dr. Butch Ong mula sa UP-OCTA Research Team. Mabuhay po kayo.
DR. ONG: Maraming salamat, Secretary.
SEC. ANDANAR: Huwag po kayong aalis, magbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH.
[COMMERCIAL BREAK]
SEC. ANDANAR: Nagbabalik po ang ating programa. Tunghayan po natin ang iba’t iba pang balita: Senador Bong Go, pabor sa constitutional amendments, economic provisions para makatulong sa paglago ng ekonomiya sa ating bansa. Ang detalye, narito po:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Kumpara po sa ibang bayan sa Metro Manila, nananatiling mababa ang mga nagpopositibo sa Navotas, base po iyan sa pag-aaral ng OCTA Research Team. Alamin natin ang kasalukuyang sitwasyon doon kasama po ang kanilang Punong Lungsod na si Mayor Toby Tiangco. Magandang umaga po, Mayor.
NAVOTAS CITY MAYOR TIANGCO: Yes, good morning. Good morning.
USEC. IGNACIO: Opo. Kasama po natin si Secretary Martin Andanar din. Kumusta po iyong COVID-19 cases ngayon sa Navotas? Nakapagtala po ba kayo ng surge sa mga COVID-19 cases dulot po ng nagdaang holiday season?
NAVOTAS MAYOR TIANGCO: Ang active cases po namin ngayon is we have 56 active cases ‘no. Iyong surge… tumaas iyong cases, pero salamat na lang at as of today, hindi naman grabe iyong pagtaas, mukhang nag-cooperate po iyong ating mga mamamayan doon sa ating pagpapaalala sa kanila at siyempre on the part of the local government unit medyo minodify namin iyong strategies namin para paghandaan ito.
Isa sa aming ginawa, is noong pumasok po, noong bumalik po sa trabaho iyong ating mga employees ng City Hall, lahat po sila ay ni-require po natin na mag-undergo ng RT-PCR test, libre naman po iyon. Ngayon pati po lahat ng barangay officials ay required po na mag-undergo ng RT-PCR test. So iyon po ay para masigurado na iyong mga nagbibigay ng serbisyo sa ating mga kababayan ay safe po sila.
Pangalawa po, simula po January 1 ginawa po natin na bagong polisiya is iyong mga close contact, as soon as ma-determine sila na close contact, dinadala po natin sila kaagad sa isolation facility at kapag nag-negative na po sila sa swab test, saka lang po sila puwedeng umuwi sa kanilang mga bahay.
Ito po ay binago natin magmula doon sa ating dating sistema na kapag nag-swab test sila ay nakakauwi pa sila sa bahay, tapos kapag nag-positive saka lang sila pupunta sa CIF. So, ngayon para masiguradong hindi po sila gumagala habang hindi sila negative ay dinadala na natin sila sa ating community isolation facility.
USEC. IGNACIO: Mayor, kahapon po kinumpirma ng Department of Health na iyong bagong variant sa UK. So, ano po iyong ginagawa ninyong hakbang sa Navotas – katulad ngayon sinabi ninyo maigting pa rin po – para naman po masiguro talaga na kontrolado ng lokal na pamahalaan iyong pagkalat ng COVID-19 at ngayon nga po ay may bago ng variant mula sa UK o South Africa.
NAVOTAS MAYOR TIANGCO: Yes, ganoon nga po. Of course, tuluy-tuloy pa rin iyong aming pag-implement noong kailangan na naka-face mask kapag nasa labas, kailangan ng social distancing at patuloy ang pagpapaalala doon sa ating mga kababayan. Pero ang pinakamahalaga kasi dito is iyong early detection, kaya nga ginawa natin kaagad iyong swab test doon sa ating mga employees. At ganoon din po, hanggang ngayon po, until today at hindi po tayo maghihinto na libre po ang RT-PCR test ng lahat ng gustong magpa-RT-PCR test na Navoteño at lahat po ng mga empleyado na nagtatrabaho sa mga kampanya sa Navotas.
USEC. IGNACIO: Mayor, gaano karami daw po iyong testing capacity ng siyudad kada araw at kumusta po iyong capacity rate ng isolation facility ng Navotas?
NAVOTAS MAYOR TIANGCO: Ang capacity namin ngayon sa RT-PCR test is about 600. But we will increase if necessary, kasi sa ngayon ang pumupunta naman sa amin para magpa-test ay hindi po umaabot ng limang daan isang araw. But we will adjust accordingly.
Ngayon pagdating naman doon sa isolation facility natin, siyempre nandiyan pa rin po iyong tulong ng national government doon sa mga positibo, napapadala po namin sila sa national isolation facility. So, kami po talaga ay nagpapasalamat din sa national government sa kanilang tulong dito sa isolation facility.
So iyong local isolation facilities namin ay totally devoted iyan para doon sa mga close contact, para iyong mga close contact malapit lang sila sa Navotas, kapag na-determine silang close contact, dahil kaagad po sila sa community isolation facility and then ipapa-RT-PCR kaagad. Pagkatapos ma-RT-PCR at negative sila, uwi sila sa bahay. Kung nag-positive sila lipat naman sila doon sa national isolation facility.
At siyempre maganda po na mabilis na po ang resulta ng ating RT-PCR test, 24 hours lang po nakukuha na po natin iyong ating resulta.
USEC. IGNACIO: Tungkol naman po sa usapin ng bakuna Mayor, 20 million doses po ng AstraZeneca vaccine iyong kumpirmadong na mabibili po ng Navotas LGU, tama po ba ito; at kumusta po iyong naging proseso at gaano kalaking porsiyento po ng inyong populasyon ang mababakunahan nito?
NAVOTAS MAYOR TIANGCO: 25 million po, P25 million ang in-allocate natin for AstraZeneca. So ang mababakunahan po dito is 50,000 residents ng Navotas for AstraZeneca.
Ang gagawin natin dito is siyempre kung ano iyong vulnerable sector iyon ang unahin natin – frontliners, iyong mga senior citizens.
Ngayon, may basehan po kami kung paano namin naabot iyong 50,000 na iyon ‘no. Noong December 27 to January 3 nagpa-online survey po kami sa aming Facebook page na ‘Navoteño Ako.’
Ang tanong po doon is, number one: Kung libre ang vaccine, kayo ba po ay magpapa-vaccine?
So, ang puwedeng sagot niya doon is ‘oo kahit anong vaccine’; ‘hindi at depende sa brand.’
Ngayon kung sinagot po ninyo ay ‘hindi,’ tinatanong namin, ‘bakit?’ Kasi gusto naming maintindihan kung ano iyong agam-agam ng mga kababayan natin.
Kapag sinagot naman po ninyo ‘iyong depende sa brand,’ papapiliin po kayo ng brands. So itatanong sa inyo ano ba Pfizer, Moderna, AstraZeneca, Sinovac, Sinopharm, Novavax o Sputnik.
Base po sa resulta ng survey 18% po ang nagsasabi na kahit anong vaccine ay tatanggapin nila; 17.9% naman po ang nagsabi na ayaw nila magpabakuna; at 64% naman po ang nagsabi depende sa brand.
But doon sa nagsabing ‘depende sa brand’; ang nagsabi po na ang gusto nila is AstraZeneca is 3.8%. So 3.8% of the 64% is 2%. So idagdag po natin doon sa nagsabing ‘oo, kahit anong brand’ ang 20%. So 20% of 250,000 residents of Navotas is 50,000 residents. Doon po kami, kaya po namin na-determine na for AstraZeneca, 50,000 po ang bibilhin natin.
Months po, nakapirma na po ang national government doon sa agreement with Pfizer o Moderna, bibili din po ang local government noong dalawang brands na iyon.
So, siguro kunin ko na rin ang pagkakataong ito na ipaliwanag sa ating mga kababayan, kasi madami akong nadidinig na sabi, ‘bakit hindi na lang padiretsuhin iyong mga local government doon sa mga pagbili ng bakuna?’
Alam po ninyo doon sa tatlong kinontak namin na drug companies na nagbebenta ng bakuna, sila po mismo, iyong drug company po mismo ang nagsasabi, ‘hindi namin kayo bebentahan local government kung hindi iyan part ng National Vaccination Program.’
So, ang first step is dapat pumirma muna iyong national government with the drug company and ito pong kondisyon na ito ay hindi po iyan kondisyon ng gobyerno natin, ito po ay kondisyon ng drug company.
We have to be fair to the National Task Force on Vaccination, hindi naman po sila ang nagdi-demand na kailangan pumirma sila, iyong mismong drug company po, hindi po bebentahan iyong local government kung hindi po nakapirma iyong national government.
USEC. IGNACIO: Opo, malinaw po iyan Mayor, pero paano po ninyo balak i-handle iyong mga taga-Navotas na hindi po willing na magpabakuna – medyo malaki po iyong porsiyento ano po – at ano po iyong hakbang ninyo para masigurong iyong malaking porsiyento ng mga taga-Navotas talaga magpapabakuna.
NAVOTAS MAYOR TIANGCO: Okay. Iyon na nga, so 17.9% ay sabi nila ay ayaw nila, ang importante dito, unang-una, is iyong mga willing magpabakuna ay mabakunahan—iyong iba kasi sinasabi nila karamihan depende sa brand, isipin ninyo 64.1% sabi depende sa brand. So, kaya nga kami bumili ng AstraZeneca, dahil tinanong ang gusto AstraZeneca; kaya gusto naming bumili ng Moderna, dahil mayroong may gusto ng Moderna; kaya gusto naming bumili ng Pfizer, dahil mayroong may gusto ng Pfizer; iyong ibang mga brands ay hindi na kami bumili dahil kaunti lang naman ng percentage ng Navoteña na may gusto at mayroon namang supply ang national government niyan. Even po itong AstraZeneca ay may supply din iyong national government.
So iyong sa Navotas City government is just an augmentation. Suporta lang po ito sa national government.
Sa tingin ko po ang dapat na attitude natin lahat is we have t0 support the national government. Talagang dapat ito eh lahat tayo ay nakasuporta para maging successful ang vaccination program ng ating national na pamahalaan.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong panahon, Mayor Toby Tiangco ng Navotas City.
NAVOTAS MAYOR TIANGCO: Yes, okay. Thank you, stay safe.
USEC. IGNACIO: Samantala, Senator Bong Go at iba pang ahensiya ng pamahalaan nagpaabot ng tulong sa mga biktima ng sunog, mga tricycle at padyak driver sa Obando, Bulacan. Narito po ang report:
[NEWS REPORTING]
SEC. ANDANAR: Sa puntong ito, dumako naman tayo sa pinakahuling ulat mula sa iba’t ibang lalawigan sa bansa. Makakasama natin si Czarinah Lusuegro mula sa Philippine Broadcasting Service.
[NEWS REPORTING]
SEC. ANDANAR: Maraming salamat, Czarinah Lusuegro mula sa Philippine Broadcasting Service.
USEC. IGNACIO: At upang maghatid ng iba pang balita, puntahan naman natin si Alah Sungduan mula po sa PTV-Cordillera.
[NEWS REPORTING]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Alah Sungduan.
Dumako naman po tayo sa pinakahuling tala ng COVID-19 cases sa buong bansa. Base po sa report ng Department of Health, kahapon, January 13, 2021, umabot na po sa 492,700 ang total number of confirmed cases. Samantala, naitala naman ang 1,453 new COVID-19 cases kahapon. One hundred forty-six katao naman ang bagong bilang ng mga nasawi kaya umabot na sa 9,699 ang kabuuang bilang ng COVID-19 deaths sa ating bansa, ngunit patuloy pa rin naman ang pagdami ng mga nakaka-recover na umakyat na sa 458,523 matapos makapagtala ng 397 new recoveries. Ang kabuuang total ng ating active cases ay 24,478.
SEC. ANDANAR: Mula naman sa PTV-Cebu, may ulat si John Aroa.
[NEWS REPORTING]
SEC. ANDANAR: Daghang salamat, John Aroa.
USEC. IGNACIO: Mula naman po sa PTV Davao, may ulat si Julius Pacot.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Julius Pacot. Huwag po kayong aalis, magbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH.
[COMMERCIAL BREAK]
SEC. ANDANAR: Nagbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH.
Paano kikilos ngayon ang pamahalaan ngayong inanunsiyo ng DOH na na-detect na ang UK variant ng COVID-19 sa bansa? Makakasama natin ang Kalihim ng Kagawaran ng Kalusugan para bigyan tayo nang pinakahuling update tungkol diyan. Magandang umaga po, Secretary Francisco Duque III.
DOH SEC. DUQUE III: Hi. Magandang araw sa iyo Ginoong Kalihim Martin Andanar ng PCOO. Sa ngalan ng Department of Health ay malugod po akong bumabati ng isang napakamagandang araw.
SEC. ANDANAR: Secretary Duque, ano na ang magiging sunod na hakbang ng pamahalaan para matiyak na hindi kakalat sa publiko ang mas nakakahawang strain ng virus?
DOH SEC. DUQUE III: Una sa lahat ay ang atin pong istratehiya/tugon sa COVID-19 pandemic ay paiigtingin pa natin nang lalo dahil nga sa nabalita na natin na nakapasok ang COVID-19 UK variant.
So ang atin pong pagsunod sa minimum public health standards ay napakamahalaga – iyong pagsuot ng mask, iyon pong face shield, iyon pong social distancing more than 1 meter, iyon pong pag-iwas sa mga matataong lugar at kulob na mga lugar, at dapat po ay sundin ang lahat po ng tagubilin ng ating Department of Health at ng IATF para mapanatili natin na mababa o sana mabawasan pa nang mas lalo o nang mas malaki ang mga COVID cases sa bansa.
Siyempre kasama din po diyan ang pagpapaigting naman sa mga lokal na pamahalaan, iyong kanila pong ginagawa katulad nang early detection; aggressive or active case finding, hinahanap kung saang mga barangay mukhang nagkakaroon na ng sakit or nagpapakita ng sintomas na posibleng COVID ito.
So iyong aggressive testing, contact tracing, iyon pong ating isolation or quarantine at treatment ano po para naman sa mga kaso na humantong sa severe or critical cases.
So hindi naman parang wala tayong laban sa bagong variant na ito. Sa totoo lang kahit anong variant ang lumabas, ang ating dati nang ginagawa – ‘ayan, iyong mask, hugas, iwas… iyan po ay ating pinaiigting at pinapalawig ang ating kampanya para ang taumbayan ay talagang mabigyan nang sapat na paalala na sumunod sa atin pong mga health protocols, ang atin pong mga prevention measures ‘no kagaya noong pagsusuot nga nitong mask, face shield, physical distancing.
At lahat po ng aking nasabi ay nagpapakita na we are not defenseless, hindi tayo parang walang laban. Mayroon po tayong laban at nakita na po natin iyan nagdaan ang halos isang taon kung papaano po natin napababa ang kaso ng COVID-19 ngunit binabantayan din po natin dahil nga iyong post-holiday surge ay baka sumipa ang mga kaso ano. Kaya mahigpit po nating binabantayan – ang IATF, ang DOH at ang mga pamahalaang lokal ay regular na nagpupulong para masabihan sila, mabigyan nang bagong data analytics para ma-calibrate ang ating response.
SEC. ANDANAR: Is it possible na hindi lamang itong Pinoy na mula UAE ang carrier ng nasabing virus at gaano po ba kabilis ang pag-detect dito ng Philippine Genome Center?
DOH SEC. DUQUE III: Ang atin pong detection time frame mga 5 days ay lalabas po ang kanilang resulta ng genomic sequencing. Kaya po natin ito nasabat o natukoy dahil napalakas ang ating bio-surveillance, ito pong PGC malaking bahagi ng ating bio-surveillance at strict border control, kaya kung napansin ninyo isa nga po tayo sa mga nauna nag-enforce o nag-implement ng travel restrictions mula pa noong December 22 sa UK at pinalawig ang listahan, isinama ang mga iba pang bansa na nagpakita o nagtala ng UK variant ng SARS COVID 2.
SEC. ANDANAR: Secretary, hindi raw po sumasagot iyong mga pasahero sa Emirates flight na kasama ng nagpositibo sa new variant. Ano po ang gagawin ng DOH tungkol dito?
DOH SEC. DUQUE III: Binigyan ko na po sila ng aking direktiba na pupuntahan nila iyong mga tao na hindi nasagot sa telepono ngunit may mga sapat na—o tukoy na address ‘no. So pupuntahan po iyan physically.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary Duque, magandang tanghali po. Bigyang-daan lang po natin ang tanong ng ating mga kasamahan sa media.
May tanong po mula kay Pia Gutierrez, ito po tanong niya: Department of Health is reporting a significant increase in daily deaths from COVID-19 in January 12, 1—I think 9 and 12 and January 13. Do you find this alarming? What could be the explanation?
DOH SEC. DUQUE III: Iyan po ay spread over iyan ano sa mga nagdaang panahon na hindi lang po kaagad ito nai-report at dahil nga bina-validate pa natin itong mga kaso o mga deaths ‘no at saka minsan lumalabas na nagkukumpul-kumpol iyong datos natin. Pero ang ating case fatality rate nanatiling 1.9%, mababa po ito kung ikukumpara sa global average na mga 2.3 – 2.4 percent case fatality rate.
USEC. IGNACIO: Opo, ulitin ko lang po ha. Iyong tanong ni Pia, ibig po niyang sabihin, 139 daw po in January 12 and 146 in January 13. At ano daw po iyong explanation dito?
SEC. DUQUE: Well, kagaya ng sinabi ko kanina, hindi naman ito parang nangyari lang sa isang araw. Ito po ay nangyari sa mga mahabang panahon and iyon lang, because of validation ay ‘ika nga, nagkumpulan iyong datos ay nai-report at that day na ito iyong bilang. Mukhang mataas, pero kung titingnan natin isa-isa iyan, kalat po iyan over a period of time. Hindi po nangyari iyan sa isang araw lamang.
USEC. IGNACIO: Opo, may tanong po ni Joseph Morong ng GMA 7: Can you give us po the cost of the vaccines, particularly Sinovac, Sinopharm, Pfizer, AstraZeneca at Moderna?
SEC. DUQUE: Hindi po ako ang authority para magbigay kung ano ang napagkasunduan na presyo ng bawat bakunang nabanggit. Bagkus, si Secretary Charlie Galvez ang inatasan ni Pangulo na siyang kumakatawan sa gobyerno pagdating po sa negosasyon kasama ang pagtukoy ng presyo ng bawat isang bakuna.
USEC. IGNACIO: Opo, may follow up po si Joseph Morong: Dahil nakarating na po iyong new variant sa bansa, are we tightening community quarantines po?
SEC. DUQUE: Well, we will be guided as ever, as usual sa atin pong data analytics. Mayroon po tayong mga pangkat ng mga eksperto na sila po nagrirekomenda sa Inter-Agency Task Force, alam naman po natin, magbabago ba tayo ng community quarantine status, di ba? Kung naalala ninyo nagsimula tayo sa expanded community quarantine, ECQ, napunta ng MECQ, napunta na tayo ngayon sa GCQ at pinakamalaking bilang naman po o bahagi ng atin pong bayan ay mayroon tayong MGCQ. Ngayon, kung warranted, nakita natin na mayroon tayong binabantayang mga daily average attack rates, iyon ating pong two week growth rate, iyon pong kung tumataas ba ang ating hospital ang healthcare capacity system, eh iyan po ang maghuhudyat na baka kailangan ay we will heightened our community quarantine, increase the community quarantine status. Pero sa ngayon, wala pa po tayong ganoong hudyat o signal para magtaas ng ating kasalukuyang community quarantine.
Pero siyempre hindi naman siguro makakasama kung ang ating mga pamahalaang lokal, iyan naman po puwede sila, nasa kanila pong kapangyarihan kung kinakailangang mag-lockdown, alam na po nila ang gagawin nila lahat dahil mayroon naman po tayong guidelines on how to do localized lock downs, if indicated, kung may mga surge of cases sa kanila pong mga communities.
USEC. IGNACIO: Opo, Secretary may follow up question lang po si Pia Gutierrez ng ABS-CBN after po noong dumating iyong new variant sa ating bansa: Will you recommend po the extension of travel restrictions on countries with the variant of COVID-19 beyond January 15?
SEC. DUQUE: Tama po kayo. Pero sa ngayon ang atin pong inirekomenda ay ang pagsama ng UAE sa atin pong listahan na kung saan mayroon na po tayong travel restrictions sa mga bansa na nakapagtala ng UK variant ng COVID-19. At akin din pong pag-uusapan sa IATF mamaya, kung kinakailangan pang magkaroon ng extension itong ating two-week travel ban beyond January 15.
USEC. IGNACIO: Opo, may pahabol lang din pong tanong si Celerina Monte ng Manila Shimbun: May panawagan po iyong ibang foreign businessmen na i-allow sila ang their staff to go back here after they spent their holiday vacation abroad – example Japanese. Will their call be granted daw po ba?
SEC. DUQUE: Pakiulit lang po.
USEC. IGNACIO: Opo, dahil po doon sa posibleng desisyon na i-extend po iyong travel restrictions, may call po iyong ibang foreign businessmen na i-allow po sila ang their staff to go back here sa Pilipinas after they spent their holiday vacation abroad. Example po Japanese – will their call be granted po ba?
SEC. DUQUE: Well, pag-uusapan po iyan, tatalakayin sa Inter-Agency Task Force Technical Working Group na sila ang susuri nitong mga request to allow them to come back after after they finished their holiday vacation at ang magpapaghintulot dito ay ang Inter-Agency Task Force proper.
USEC. IGNACIO: Okay, iyon na lang po muna, Secretary Duque. Hindi ko po alam kung may mga nagpa-follow up pa rin pong tanong ang ating mga media, kasi mukhang may pahabol maya-maya si Pia Gutierrez. Pero maraming salamat po, Secretary. Ito po mayroon po yatang pahabol pa. Okay, si Joseph Morong. Titingnan ko lang po, Secretary, pasensiya na po kayo. Nagpapahabol lang kasi ng mga tanong iyong ating mga kasamahan sa media. So, nagpapasalamat po kami sa inyong panahon, Department of Health Secretary Francisco Duque III. Secretary Andanar?
SEC. ANDANAR: Maraming salamat Secretary Duque sa panahon na ibinigay po ninyo sa amin ngayong umaga. And of course the past few months.
USEC. IGNACIO: Nandiyan pa ba si Secretary Duque? Secretary Duque sandali lang po. May tanong po si Pia, last na po daw tanong sa inyo: Bakit hindi po maagang naisama ang UAE sa listahan ng countries with travel restriction gayong may bagong variant sila ng ng COVID-19?
SEC. DUQUE: Magandang tanong iyan. Unang-una hindi po sila nag-report na kung mayroon ba slang UK variant. So wala po silang lumalabas na batayan para sabihin na sila ay mayroon na. Pero ngayon, we have the evidence to tell them, you have the UK variant now. Kaya nga isasama natin sila sa mga bansa na magkakaroon ng travel restrictions. Noong una kasi wala silang report, walang international health regulation, notification na mayroon sila nitong variant na ito. Pero ngayon alam na nila pinadala na namin sa kanila.
USEC. IGNACIO: Opo, pasensiya na po, Secretary Duque, may pahabol pong tanong si joseph Morong ng GMA 7: On Sinovac po, how would you address na may alleged kickback form Sinovac, kaya may preference tayo sa Sinovac?
SEC. DUQUE: Wala naman pong katotohanan iyan. Ang (garbled) si Secretary Galvez at siya po ay kilala bilang may isang taong may integridad, siya po ay honest, he is a bemedalled war hero of Marawi at hindi po niya papayagan o papahintulutan ang mga ganitong katiwalian na makakaapekto sa kumpiyansa, tiwala at paniwala ng taumbayan sa atin pong vaccination COVID-19 vaccination program.
USEC. IGNACIO: Secretary, ang tinutukoy po ninyo sa unang bahagi po kasi naging choppy kayo ay si Secretary Carlito Galvez po ba?
SEC. DUQUE: Tama po kayo, si Secretary Carlito Galvez ang ating vaccine czar na pinili po na personal ni Pangulong Duterte dahil malalim ang kaniyang tiwala, ang kaniyang paniwala sa integridad, sa ‘ika nga, honesty, competence of Secretary Galvez. Kaniya suportahan po natin ang national government para matagumpayan po natin ang COVID-19 immunization program of government.
USEC. IGNACIO: Okay, maraming salamat po sa inyong panahon Department of Health Secretary Francisco Duque III.
SEC. ANDANAR: At iyan po ang mga balitang aming nakalap ngayong araw. Maraming salamat sa mga naglaan ng kani-kanilang oras sa pagbibigay-linaw sa mga impormasyon na mahalagang malaman ng ating mga kababayan.
USEC. IGNACIO: Ang Public Briefing po ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng Presidential Communications Operations Office sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.
SEC. ANDANAR: Maraming salamat din sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19. Asahan po ninyo ang aming patuloy na serbisyo upang maihatid ang mga update sa ating paglaban sa COVID-19 pandemic.
USEC. IGNACIO: Muli, ako po si Usec. Rocky Ignacio mula sa PCOO.
SEC. ANDANAR: At ako po naman si Secretary Martin Andanar, magkita-kita po tayo muli bukas, dito lang sa Public Briefing #LagingHandaPH.
##
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)