Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar and PCOO Undersecretary Rocky Ignacio, MIAA General Manager Ed Monreal; Ormoc City Mayor Richard Gomez; Malay, Aklan Acting Mayor Frolibar Bautista; Ambassador of the Embassy of the Republic of the Philippines in Muscat, Oman Narciso Castañeda


Event Public Briefing #LagingHandaPH Episode #44
Location People’s Television Network, Inc. (PTV), Quezon City

SEC. ANDANAR: Magandang umaga, Pilipinas. Sa ating krisis na nararanansan ngayon dahil sa COVID-19, kritikal na papel ang ginagampanan ng ating pagkakaisa at pagtutulungan upang tuluyan nating masugpo ang sakit na ito. Good morning, Rocky.

USEC. IGNACIO: Good morning, Secretary. Kaya naman para siguruhin na tayo po ay laging handa at may sapat na kaalaman, narito po kami muli upang ihatid sa inyo ang mga importanteng balita at impormasyon na ating kakailanganin sa labang ito. Ako po si Usec. Rocky Ignacio.

SEC. ANDANAR: Ako po naman si Secretary Martin Andanar. Samahan po ninyo kami sa isa na namang makabuluhang talakayan ngayong araw dito sa Public Briefing #Laging Handa PH.

Upang sumagot sa tanong ng bayan, maya-maya lang po makakausap natin via VMIX sina MIAA General Manager Ed Monreal; ORMOC CITY Mayor Richard Gomez; Malay, Aklan Acting Mayor Frolibar Bautista.

USEC. IGNACIO: Samantala, makakausap pa rin po natin via phone patch si Ambassador of the Embassy of the Republic of the Philippines in Muscat, Oman Narciso Castañeda. At mamaya makakasama din natin sa pagbibigay ng pinakahuling ulat ang ilang ating mga PTV correspondents mula sa iba’t ibang probinsiya.

Samantala sa mga balita naman, ikinatuwa ni Senator Bong Go ang pag-amyenda ng Department of Health Administrative Order 2012-007, kung saan isinama na sa 20% discount ng senior citizens ang vitamins at mineral supplement na prescribed ng kanilang mga doctor. Ayon pa sa Senador, sa gitna ng dinaranas sa COVID-19 ng bansa, malaking tulong at ginhawa para sa senior citizens ang pagbibigay ng diskuwento para sa kanilang mga iniinom na gamot. Dagdag pa ng Senador na kailangang masigurong nagagamit ng mga senior citizen ang kanilang mga benepisyo base sa batas lalung-lalo na sa pagbili ng mga gamot upang makatulong na mapanatili ang kanilang kalusugan.

SEC. ANDANAR: At bilang chair ng Senate Committee on Sports, nanawagan din si Senador Bong Go sa pamahalaan at sa lahat ng mga Pilipino na patuloy na ipakita ang kanilang taus-pusong suporta sa mga atleta at sports program ng bansa. Aniya, ang sports ay mahagalang bahagi ng kultura at ekonomiya na nagdadala ng karangalan sa Pilipinas.

Nagpasalamat din ito sa mga ahensiyang tumututok sa sports para sa kanilang inisyatibo upang maalagaan ang ating mga manlalaro sa ginta ng COVID-19. Hinikayat din niya ang Philippine Sports Commission at Games and Amusement Board na bumuo ng mga polisiya at programa na magpapanatili ng kaligtasan ng mga atleta para makapaglaro at makapag-training sila na hindi nailalagay sa alanganin ang kalusugan.

[VIDEO CLIP]

USEC. IGNACIO: Kaugnay naman po ng Balik-Probinsya Program, binigyang diin ni Senator Bong Go ang kahalagahan ang pagpapaabot ng government assistance. Aniya, mas mapapadali at magiging maayos ang pagbibigay ng tulong sa mga tao kung binibigyan sila ng oportunidad na mabuo ang kanilang pamilya.

Paliwanag ni Senator Go, ang pagkakahiwa-hiwalay ng mga magkakapamilya sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang isa sa mga dahilan kung bakit nagkakadoble ang mga pamimigay ng amelioration sa ating mga kababayan. Dagdag pa niya, dapat ding bigyan ng pansin ang mga hamon na kinakaharap sa pamamahagi ng ayuda at siguraduhin na mabibigyan ang lahat ng mga nangangailangan ng tulong lalo na sa panahong ito.

SEC. ANDANAR: At sa puntong ito, makakausap natin si Manila International Airport Authority General Manager Ed Monreal. Magandang umaga po sa inyo, GM.

GM MONREAL: Good morning, Sec Martin at Usec. Rocky. Good morning po sa ating mga tagasubaybay.

SEC. ANDANAR: Sir, nitong nakaraang Sabado po ay inanunsyo ang one-week suspension para sa lahat ng incoming international flights. Kumusta po ang sitwasyon ng ating mga airport sa ngayon?

GM MONREAL: Well, kung titingnan po natin ng operasyon base po doon sa pagsususpindi ng ating mga inbound flight, napakaliit po ng operasyon natin ngayon. Minsan may tatlo, may dalawa na mga passenger flights na dumarating; wala lang pong incoming. Pero marami po tayong cargo freighters, ma-domestic man at international, patuluy-tuloy naman po ng tugunan ang (garbled) ng ating bansa.

SEC. ANDANAR: Gaano po kalaki ang naging epekto nito, sir?

GM MONREAL: In terms of passenger movements per day, noong pre-COVID po, tayo po ay nag-a-average ng about 768 flights per day. Sa ngayon po, mayroon pong … pinakamarami na bago po tayo magsuspindi ng incoming flights ay nasa … minsan po 10 flights a day lang po ang commercial flights po natin. So talagang sobra—wala pa pong 10% ang operasyon ng ating paliparan.

SEC. ANDANAR: Anu-ano po ang mga exempted sa one-week suspension na ito, GM?

GM MONREAL: Ang mga exempted lang po rito para sa kaalaman din po ng ating mga kababayan, ang exempted rito ay ang mga cargo freighters, cargo flights na nagdadala ng mga gamit, medical supplies, maintenance flight, emergency flights that may use our runway. Iyong mga parating pong walang laman at pag-alis may lamang pasahero, iyan po ay mga exempted na mga flights paalis ng ating paliparan.

SEC. ANDANAR: Mayroon na pong tatlong airports worker ang nagpositibo sa COVID-19. Ano po ang aksyon ng MIAA para dito at papano natin masisiguro ang safety sa buong paliparan?

GM MONREAL: Well, tama po iyan. Unang-una, as compared po—Secretary Martin, may isang nag-report na ang sabi ay 6. Tama po, 3 po iyan, iyan po ay base po sa aming pagtatala at sa report sa aming medical, may tatlo pong airport police. Iyong isa po na nag-negative na po sa kanyang secondary testing; iyong isa po ang report po sa akin nag-negative na pero wala pa rin pong binibigay na clearance iyong local government.

Matugunan ko po ang inyong pagtatanong tungkol sa ano ang ginagawa ng ating paliparan. Iyan po ay even prior to the expanded quarantine, kami po ay tumugon sa lahat ng mga pamamaraan, lahat ng ipinag-uutos base po sa ating Department of Health, Bureau of Quarantine, sila po ay binibigyan ng mask … noong una po ay hindi naman po mandatory iyong prior to the ECQ. Lahat po iyan ay binibigyan, iyong mga medical staff natin na tumutugon sa mga tawag ng kasamahan natin sa paliparan, mayroon po silang ginagamit na PPE. Ang sanitation naman po ng ating paliparan ay tuluy-tuloy po iyan, mayroon po tayong mga sanitizing equipment or sanitizers na nakalagay sa ating paliparan, may alcohol pong binibigay sa ating mga tao and we also encourage them to follow the proper hygiene. Iyan lang po nagagawa natin dahil, unang-una, hindi po natin kilala at nakikita ang ating kalaban. So, basically the protocols that we are implementing ay ayon po sa mga direktiba na pinapatupad ng mga eksperto.

USEC. IGNACIO: Pero, GM, anu-ano na po iyong paghahanda na isinasagawa ninyo para naman po doon sa opening at pag-adopt ng airport sa new set of protocols ng DOTr para doon sa tinatawag nating new normal situation sa buong bansa?

GM MONREAL: Salamat, Usec. Rocky, sa katanungan. Ang aming mga ginagawang paghahanda po ngayon bago po, hopefully, na ang ECQ ay ma-lift na po, unang-una, as all other agencies are enforcing, kailangan po mandatory po ang paggamit ng mask sa ating paliparan, parating o paalis; lahat ng empleyado ay kailangan po gumamit ng mask.

Mayroon na ho kaming nilalagay doon ngayon na mga social distancing markers para po maipatupad na mandatory ang pag-iiwas o pagsama-sama ng mga pasahero o kaya gumagamit ng paliparan. Naglagay po kami ng … ngayon ongoing po ang—as far as we speak, kumpleto na po ang Terminal 1 at Terminal 4 nang paglalagay po ng acrylic barriers. Meaning, mayroon po kaming nilalagay sa counters para ho kapag nag-transact ang pasahero sa mga check in reps ay protektado po sila. Mandatory na rin po ang gagawin namin, ang paggamit ng facemasks as mentioned earlier. Mayroon pong karagdagang ipapagamit namin when it’s necessary, iyong face shield. Iyong mga frontline natin lalo na iyong mga medical staff, kumpleto po sila ng PPE na dapat gamitin kapag mayroon pong mga tumatawag ng medical attention sa ating mga tauhan.

We will also strictly enforce iyong proper hygiene kasi iyon po ang kautusan na mas maganda pong gawin ng ating mga tauhan at lahat ng gumagamit ng paliparan na kailangan po maghugas ng kamay regularly.

USEC. IGNACIO: Opo. GM, pero may mga guidelines na po ba kayo para sa publiko, sa mga nais bumiyahe o pumunta sa mga lugar na under GCQ or iyong General Community Quarantine?

GM MONREAL: Papunta ng GCQ, sa ngayon po ay pinag-aaralan po iyan ng CAAP kasi ho ang Manila ay nasa ECQ pa rin po. Pero kapag nagkaroon na po ng lifting na magiging GCQ to GCQ, which hopefully ang Manila ay matanggal na sa ECQ, iyan po ay ipapatupad natin in coordination with the local governments at lahat po ng mga ahensiya na puwede hong i-coordinate para ho ma-lift na rin po iyong pagbaba ng mga domestic flights. Pero iyan po ay kailangan pag-aralan at maigi pong isangguni sa lahat po ng ahensiya na nagkakaroon ng karapatan about dito sa GCQ. But hopefully, kapag nagkaroon po tayo ng GCQ, iyan po ay makikipag-coordinate po kami sa airlines para po mag-mount na rin po sila kung nararapat ang kanilang mga flights patungo pong ibang probinsiya at pabalik ng Manila.

USEC. IGNACIO: Opo. Mayroon po tayong katanungan mula po sa kasamahan natin sa Malacañang Press Corps. Mula kay Gillian Cortez ng Business World: Nasa halos two months na nasa ECQ na, may update daw po kayo ng mga losses ng NAIA?

GM MONREAL: Medyo malaki po ang kawalan ng ating paliparan. Sa ngayon po, last tally po namin ay noong end of April, tumatala na po kami ng almost mahigit po isang bilyon na losses sa ating revenue sa paliparan.

USEC. IGNACIO: Ang laki na po ‘no.

GM MONREAL: Malaki po.

USEC. IGNACIO: Pero tanong pa rin po ni Gillian Cortez: Ano po ang inaasahan natin na weekly volume naman po ng passengers and flights kapag nga po na-lift na ang ECQ at naging GCQ na tayo?

GM MONREAL: Okay. Unang-una, I’m really fervently hoping na sana bumalik na sa dating sigla. Pero medyo matagal, it’s a wishful thinking sa ngayon po iyan dahil alam naman po natin na marami po tayong mga restrictions. At siguro po we have to build the passenger confidence in terms of travelling. Magagawa ho natin iyan sa tulong ng ating mga kababayan na huwag na hong magdagdag, at sumunod at tumalima sa ating mga panuntunan na huwag lalabas, huwag na hong makipaghalubilo sa mga ibang mga tao para iyong inyong mga area ay maging COVID-free. Iyan po ay isang tulong na magagawa natin para ma-enhance ang ating komersyo.

At ang ating pamahalaan naman sa pamumuno ng ating Presidente, Presidente [Rodrigo] Roa Duterte, ay gumagawa po ng lahat ng hakbang para bumalik tayo sa normal. But kailangan po talaga tulung-tulong at kailangan po nating gawin para bumalik po ang sigla ng ating komersyo lalo na ang ating mga paliparan.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong oras, MIAA General Manager Ed Monreal.

GM MONREAL: Marami pong salamat, Usec. Rocky at Sec. Martin. Good morning po sa inyong lahat.

USEC. IGNACIO: Salamat po. Samantala, upang alamin ang kasalukuyang lagay ng ating mga kababayang Pilipino sa Oman, nasa linya po ng telepono si Ambassador Narciso Castañeda mula po sa Embassy of the Republic of the Philippines in Muscat, Oman. Magandang araw po, Ambassador.

AMBASSADOR CASTAÑEDA: Magandang umaga din sa lahat ng nakikinig sa atin.

USEC. IGNACIO: Opo. Ambassador, kumusta na po iyong kasalukuyang sitwasyon ninyo diyan sa Oman? At paano ninyo po kinakaharap iyong bantang dala ng COVID-19?

AMBASSADOR CASTAÑEDA: Sa kasalukuyan, everything is fine. We are coping very well with the COVID-19 here. There is a lockdown by the Omani government. Pero in spite of that, we are doing our best to help mga kababayan natin.

USEC. IGNACIO: Kumusta naman po iyong ating mga Overseas Filipino Workers or iyong Filipino community natin diyan at doon po sa mga kasalukuyang—kung nawalan po sila ng trabaho, paano naman po iyong tulong na ibinibigay ng ating embahada sa kanila?

AMBASSADOR CASTAÑEDA: Iyong ating binibigay ngayon is administered by iyong ating POLO office here, iyong AKAP Program ng DOLE. At sa kasalukuyan, it’s being implemented. Medyo kukulangin nga nang konti at maraming mga may gusto ng tulong pero limited lang ang ating funds na maibibigay.

USEC. IGNACIO: Opo. Ngayong may kinakaharap pong pagsubok, Ambassador, ang ating mga kababayan, marami pong nakakaranas ng depression lalo na po iyong mga nasa ibang bansa katulad po ng Oman. Paano ninyo po sila sinusuportahan mentally?

AMBASSADOR CASTAÑEDA: Iyong kanilang mga—iyong mga household workers natin which comprise more than half of the total of 52,000 Filipinos here, basically, tinutulungan din sila ng ating Labor office. At malaki ang tulong ang ginagawa ng ating Philippine Overseas Labor Office with regards to our employed Filipinos here in Oman. Marami silang mga binibigay na programa at although sa ngayon, medyo (unclear) dahil nga lockdown tayo dito sa Muscat ngayon.

SEC. ANDANAR: Sa ngayon po, may mga kababayan ba tayong nais na magbalik ng bansa at paano po natin sila tinutulungan?

AMBASSADOR CASTAÑEDA: Sa ngayon, ang Muscat International Airport ay sarado. Ang bukas lang para doon sa mga special flights na authorized by the Omani government. But iyong mga gustong umuwi sa atin, we ask them to indicate their intention at titingnan natin kung papaano natin sila mare-repatriate. Dahil normally, ang kanilang kumpaniya, kung nagtatrabaho sila sa malaking kumpaniya, iyon na ang magbabayad ng kanilang biyahe pabalik sa atin.

SEC. ANDANAR: At para po sa mga kababayan natin diyan sa Oman na nais humingi ng tulong, paano po nila kayo mako-contact, Ambassador?

AMBASSADOR CASTAÑEDA: We are always ready to be contacted, mayroon tayong mga telephones that can be… at email at Facebook na puwede nila tayong i-contact. It’s available…readily available for them to ask for assistance. At ibinibigay namin ang lahat ng aming makakaya para sa kanila.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat po, Muscat, Oman Ambassador Narciso Catañeda.

AMBASSADOR CASTAÑEDA: Walang anuman. Maraming salamat din po.

USEC. IGNACIO: Samantala, dumako naman po tayo sa pinakahuling tala ng Department of Health sa kaso ng COVID-19 sa Pilipinas. As of 4P.M, May 6, 2020, mayroon na po tayong 10,004 confirmed cases. Nasa 658 na ang kabuuang bilang ng mga nasawi ngunit patuloy naman po ang pagtaas ng bilang ng mga gumagaling na umabot na po sa 1,056.

Nasa ika-siyamnapung puwesto naman po ang Pilipinas sa buong mundo at sinundan ng Serbia na mayroong 9,677 confirmed cases.

SEC. ANDANAR: At bilang pagtugon sa mga katanungan ng ating mga kababayan ay nagtalaga na po ang DOH ng COVID-19 hotline kaya naman po huwag kayong mag-atubiling tumawag sa (02) 8942-6843; Para po sa PLDT, Smart, Sun at TNT subscribers, maaari ninyo pong i-dial ang 1555. Bukas ang mga linyang ito para sa lahat.

Samantala, sa kabila po naman ng pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa ating bansa, nananatili pa ring COVID-free ang lungsod ng Ormoc sa Leyte. At upang malaman natin ang buong detalye, makakasama natin si Mayor Richard Gomez.

Magandang umaga sa inyo, Mayor Richard.

MAYOR GOMEZ: Secretary, good morning sa iyo at kay USec. Rocky! Good morning sa lahat!

SEC. ANDANAR: Mayor Richard Gomez, ano po ba ang protocols or measures na ipinatutupad ninyo sa inyong lungsod upang manatili pa rin na COVID-free?

MAYOR GOMEZ: Ang ginawa namin dito, Mr. Secretary, as early as March 13 nag-border lockdown na kami dito. Ang mga nakakatuloy lang dito ay iyong mga supply ng pagkain, iyong mga goods, sila iyong makakapasok dito and iyong mga hindi taga-Ormoc pero nagtatrabaho dito sa City namin, sila rin puwedeng pumasok; but otherwise that’s how we control our border.

SEC. ANDANAR: Ano po ang maaari ninyong i-recommend na puwedeng i-adopt sa ilang lugar para mabawasan ang tumataas na bilang ng kaso ng COVID-19 sa buong bansa?

MAYOR GOMEZ: Secretary, sa experience namin siguro… Number 1: Kailangan maging istrikto talaga sa border control. Iyong mga hindi talaga taga-Ormoc, and I’m speaking just for Ormoc, mas maganda siguro doon muna sila sa kaniya-kaniyang lugar tapos.

Tapos kailangan din very vigilant iyong mga tao. Kung mayroong mga nakakalusot, sinasabi sa mga authorities kung sino iyong nakalusot, that way puwede naming ma-monitor, na mabantayan; kung sakaling may sakit, puwede kaagad dalhin sa ospital, ma-check-up, ma-rapid test.

And then dapat vigilant din iyong mga pulis, umiikot. Kasi alam mo, iyong mga tao kung minsan matigas talaga ang ulo, kapag sinabi mong mag-mask, ayaw mag-mask; kapag sinabi mong huwag lumabas ng bahay, lumalabas ng bahay, so dapat mataas ang police visibility.

SEC. ANDANAR: Kaugnay naman po sa usapin ng assistance para sa inyong nasasakupan, ano pong tulong ang inyong naipaabot na? And you know, I really admire one of your activities na namigay kayo ng tig-isang sakong bigas and that to me is, you know, that’s very basic, it’s elementary and yet kakaunti lang kayong nakapag-isip ng ganiyan.

MAYOR GOMEZ: Ang ginawa namin dito, Mr. Secretary, sa ORMOC CITY noong nag-lockdown na, inutusan ko muna iyong mga barangay to use their own disaster funds para magbigay ng ayuda. So, iyong mga barangay kapitan namin nagsimula silang magbigay ng tig-tatatlo or limang kilong bigas, may kasama na ito na mga sardinas. And then a week and a half after that, nag-purchase na kami ng mga sako ng bigas dito sa Ormoc City. We purchased about at least 65,000 sacks of rice.

Ang ginawa ko, pinabilang ko lahat ng mga bahay per barangay and then iyan ang ni-report ng barangay kapitan namin. So, for example one barangay will say mayroon kaming 500 na bubong dito sa barangay namin, iyon ang pina-deliver namin na number of bigas. Sabi ko sa kanila, kailangan isang bahay isang bigas ang ibibigay ninyo sa barangay ninyo. Now, kapag may kulang sabihin ninyo lang sa amin dadagdagan na iyan; kapag may sobra, ibalik ninyo lang sa amin. In that way, natugunan iyong 110 barangays namin dito sa ORMOC CITY at nabigyan namin dito iyong more than 63,000 homes. Na-distribute namin iyan within four days, tapos lahat.

So, I think, Secretary, ito iyong mga paraan para to keep the people calm. Kailangan ina-anticipate natin na iyong gutom – number one – ng tao, na kapag nagugutom iyan sigurado lalabas iyan kasi maghahanap ng makakain, maghahanap ng pera pambili ng pagkain. Pero dahil siguro nasimulan natin na mabigyan kaagad sila on the barangay level ng bigas at saka ng mga canned goods medyo nag-calm down sila and then a week and a half after nabigyan sila ng isang sakong bigas, so medyo nagkampante sila na alam nila at least for the next month mayroon silang bigas sa bahay nila na kakainin.

And then two weeks after that, Secretary, tamang-tama dumating naman iyong ayuda galing sa National Government, itong SAP na ito. So, these are the activities na nakakapagpakalma sa mga tao dito sa Ormoc City. Kaya ang ginawa ko sa kanila, sabi ko mayroon na kayong bigas, ang next na ibibigay namin sa inyo ay bigyan namin kayo ng mga buto ng vegetables, magtanim kayo diyan sa mga backyard ninyo.

I think, masuwerte kami dito, Secretary, na mga taga-probinsiya kami kasi malaki pa iyong mga lupa sa mga pali-paligid namin. Kahit hindi namin pag-aari, may kaunting lupa puwedeng taniman ng mga tao ng mga vegetables and rest assured na in the next three – four weeks mayroon talaga silang aanihin na mga gulay na puwede nilang kainin.

Ang lagi kong sinasabi dito sa kanila, kung mayroon tayong itatanim mayroon tayong aanihin para kakainin.

SEC. ANDANAR: Well, congratulations sa ganiyang klaseng forward thinking, Mayor Richard Gomez. Wala kayong ipinagkaiba kay Mayor Emeng ng Gapan, ganoon din po iyong ginawa niya, so kami po ay bilib sa inyo.

Ngayon din po ang huling araw ng SAP distribution. Gaano karami na po ang naipamahagi sa inyong lungsod at mayroon pa bang humahabol na gustong makatanggap ng SAP?

MAYOR GOMEZ: Mr. Secretary, kung sa humahabol, definitely marami talagang gustong humabol at gustong magpalista pa. Natapos iyong distribution namin dito ng SAP dito sa ORMOC CITY yesterday. Ang na-distribute namin dito is about I think 32,000 if I’m not mistaken.

Ang ginawa namin, Secretary, na sistema dito beforehand pa lang gumawa na kami ng sistema na pagpasok nila sa barangay kumpleto na ang identification nila, kumpleto na iyong… pati iyong listahan ng pangalan nila. In that way, pagdating nila doon sa bintana ng DSWD, kapag tinawag iyong pangalan nila, matatanggap nila iyong pera nila, makukuhanan sila ng picture at saka makakaalis sila.

Lahat ito, Secretary, ang prosesong ito it took us less than a minute per person para ma-process sila hanggang sa makaalis sila, kuha na nila iyong five thousand pesos nila.

USEC. IGNACIO: Magandang araw po! Ngayon pong pirmado na ang Balik-Probinsiya, Bagong Pag-Asa Program, gaano po sa tingin ninyo kalaki ang maitutulong nito sa inyong mga kababayan?

MAYOR GOMEZ: Iyong Balik-Probinsiya na ipatutupad ng National Government natin is a very noble act except that, USec. Rocky, kailangan pagdating noong mga galing sa Balik-Probinsya Program, dapat talaga mayroon tayong mga strict protocols.

So, what we did here in ORMOC CITY is that we prepared an area na pagpasok nila, bibigyan muna sila ng—kailangan nilang mag-mandatory quarantine. What we are doing here, mayroon kaming NHA housing dito na dapat naming itu-turnover na next month, actually, itong month of May. Because of the COVID, na-delay iyong pag-turnover namin.

So, ang ginawa namin kinonvert muna namin siya into an isolation and quarantine area, that’s about seven hundred houses na inayos namin dito sa Ormoc City. Tamang-tama itong Balik-Probinsiya na ito, kapag pumasok iyong mga galing sa ibang lugar uuwi dito sa Ormoc City, may mandatory 14-days sila na quarantine and then may mandatory rin sila na rapid test.

So, kung papasok sila, mag-negative sila, doon lang sila sa quarantine; pero kapag na-test sila na positive sila, doon sila sa isolation area. Mayroon silang separate na lugar, mayroong mga doktor at saka mga nurses na magbabantay sa kanila. They will be fed, may pagkain sila three times a day pero wala hong puwedeng pumasok at lumabas doon sa area na iyon.

USEC. IGNACIO: Opo. Napakaganda po, kasi talagang napaghandaan ng Ormoc City. Kanina po nabanggit ninyo na rin ‘to, na iyong isinulong po ng Department of Agriculture, ang urban agriculture upang matiyak po iyong food availability and production sa gitna ng crisis ng COVID-19. Hinikayat ninyo po iyong lungsod na magkaroon ng urban planting.

ORMOC CITY MAYOR GOMEZ: Yes, USec. Rocky. Noong ni-launch ko iyong pagbigay ng isang sakong bigas sa bawat bahay, kasabay noon ni-launch ko rin iyong pagtanim ng gulay sa bakuran namin dito sa Ormoc City. And eksakto, iyong Department of Agriculture namin dito sa city, mayroon kaming maraming stock na bagong bili na mga buto, na iyon ‘yung pinamigay namin sa mga residents ng Ormoc na gustong magtanim. Tapos binabantayan namin iyong mga barangay na ‘pag nakita namin na mayroon silang mga bakanteng lupa, sinasabi talaga namin sa kanila, “Ito ‘yung buto at magtanim kayo. Kailangan mayroon kayong itatanim nang sa ganoon mayroon kayong aanihin at kakainin.”

USEC. IGNACIO: Napakaganda po. Mayor, bilang isang aktor at isa sa mga original cast ng Palibhasa Lalake, ano po iyong mensahe naman ninyo sa network at kapwa artista ninyo doon po sa nangyari sa ABS-CBN?

ORMOC CITY MAYOR GOMEZ: Naku, USec. Rocky [laughs], baka mas maganda yata kayo ang sasagot niyan dahil kayo ang nasa gobyerno na [laughs] nagpahinto sa pag-broadcast ng ABS-CBN. Pero ang akin naman, ang take ko diyan… nakakalungkot din isipin na temporary—hopefully temporary iyong pagsara sa ABS-CBN dahil napakarami pong tao na nagtatrabaho diyan and marami akong mga kaibigan na artista na nagtatrabaho din sa ABS-CBN. And hopefully matugunan na or kahit provisionary lang iyong ibibigay sa kanila na pag-operate sa prangkisa nila nang sa ganoon ang ABS-CBN ay muling makapag-ere.

USEC. IGNACIO: Mayroon po bang mga kaibigan ninyo ang humingi ng tulong sa inyo, Mayor?

ORMOC CITY MAYOR GOMEZ: Ah, marami … Tinutulungan ko in ways na kaya namin. Alam naman natin na ang artista kapag hindi nagtrabaho, wala ring kikitain and ano ‘yan eh, iyong trabaho namin, ano kami eh, per day kami eh ‘no. So although depende sa artista, may malalaking artista, may maliit na artista pero iyong manner ng trabaho saka sahod namin pare-pareho lang, no-work, no-pay. You work, then you get paid.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong panahon, ORMOC CITY Mayor Richard Gomez.

ORMOC CITY MAYOR GOMEZ: Thank you, USec. Rocky at saka thank you very much Secretary Andanar. And thank you so much sa lahat ng tagapakinig ninyo.

SEC. ANDANAR: Samantala upang magbigay sa atin nang pinakahuling balita, narito po si John Aroa, live mula sa PTV Cebu.

[NEWS REPORTING BY JOHN AROA]

SEC. ANDANAR: Daghang salamat kanimo, John Aroa.

USEC. IGNACIO: Secretary, upang alamin ang kasalukuyang lagay sa Boracay Island, makakausap po natin si Aklan Acting Mayor Frolibar Bautista. Magandang araw po, Mayor.

AKLAN ACTING MAYOR BAUTISTA: Yes, good morning ma’am.

USEC. IGNACIO: Opo. Kumusta na po ang sitwasyon natin sa Boracay Island?

AKLAN ACTING MAYOR BAUTISTA: Thank you very much ma’am ‘no for this opportunity na ma-interview ninyo kasama si Secretary Andanar. Sa Boracay ngayon na naka-GCQ kami ‘no, the whole Province of Aklan naka-GCQ.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero may mga turista po ba na na-stranded sa lugar o iyong inabutan nga po ng pag-ano ng ECQ, at kung mayroon man pong mga na-stranded na turista, paano ninyo po sila tinutulungan, Mayor?

AKLAN ACTING MAYOR BAUTISTA: Yes. Ang proseso na nasa kuwan ma’am ay—as of to date ‘no ay mayroon kaming 1,128 na tourist na—iyong sa kasama doon sa sweeper flights. Iyong foreign, iyan iyong 1,128 saka may mga domestic naman na tourists na 145 na itong… the other day lang lumabas ng Boracay.

So ang tulong namin na ibinigay, siyempre iyong ano muna, itong latest kasi, iyong embassy ang nagtulong sa kanila through the Department of Tourism, iyon ang request then binibigyan ko na sila ng approval to—iyong pag-landing plane at saka pag-depart.

SEC. ANDANAR: Opo. Mayor, ibig ninyong sabihin sa kasalukuyan po, wala na pong stranded na turista ngayon sa Isla ng Boracay?

AKLAN ACTING MAYOR BAUTISTA: Ako nga nabigla dahil bigla lang may darating na mga request sa mga sweeper flights ‘no. Some ay doon dumaan sa Iloilo dahil hinahatid ng isang bus company doon, ng tourist bus. So sa ngayon, mayroon pa diyan sa Boracay ma’am dahil nga hindi mo kasi ma-locate iyong iba eh ‘no, except kung mag-request sila na lalabas, iyon malalaman namin na mayroon pa pala diyan sa area ng isla.

USEC. IGNACIO: Opo. Mayor, simula po nang magpatupad ng mandatory 14-day quarantine doon po sa mga turistang dumarating sa Boracay, ano po iyong mga sistemang ipinatupad ninyo doon sa quarantine accommodation para po maiwasan talaga na kumalat iyong COVID-19?

AKLAN ACTING MAYOR BAUTISTA: Sa ngayon wala kaming—hindi kami tumatanggap ng bisita ma’am sa Boracay, wala munang acceptance ng mga tourists ‘no…

SEC. ANDANAR: Mukhang walang marinig si Mayor… Mayor, can you hear us Mayor?

AKLAN ACTING MAYOR BAUTISTA: Yes, sir, nawala iyong signal eh.

SEC. ANDANAR: Sir, ano po ang tulong o assistance na inyong ipinapaabot sa mga manggagawa na nawalan ng trabaho dahil—well, kinailangan magsara ng Boracay Island, naturalmente magsasara din iyong mga resort.

AKLAN ACTING MAYOR BAUTISTA: Yes, Sec. Mayroon kami ring mga food assistance na binibigay sa mga… sa lead workers sa Boracay. Iyong iba kasi before… mayroon kasing, well issue ng EO iyong Governor na 48 hours dapat lumabas iyong—during the ano, sa ECQ. So iba naglabasan, iyong natira may mga record kami na almost 1,250 na mga workers stranded so nagbigay kami ng mga food supplies. Iyong iba namang municipalities, nagpadala sila ng mga supplies para sa mga stranded workers nila.

SEC. ANDANAR: Mayor, ngayon din po ang huling araw ng SAP distribution. Gaano karami na po ang naipamahagi sa inyong lungsod?

AKLAN ACTING MAYOR BAUTISTA: Yes. Kasi sa Malay, Secretary, mayroon kaming allocation na 6,922 so mayroong—naggawa ako ng deadline ngayong May 4 dahil nanghingi kami ng extension doon sa region. So ang na-release namin as of May 4 is mga 5,795. So mayroon kaming variants na 1,027 kaya mayroon kaming mga second priority. Sa ngayon matapos namin ang deadline, so lahat siguro maibigay just today; iyong 6,922 na binigay sa amin na allocation na ma-release lahat iyan.

SEC. ANDANAR: May mga proyekto na po ba kayong nakalatag na makakatulong sa muling pagtaas ng revenue ng isla at paano rin po haharipin ng inyong LGU ang tinatawag na new normal?

MAYOR BAUTISTA: So iyon nga, Secretary, kasi kami, ang Malay ay nag-aasa lang talaga sa turista eh, halos napabayaan ang agricultural industry. So ang ginawa ko ngayon, at least makatulong man lang muna sa mga farmers, at the same time kasi ang Malay nag-aasa talaga ng mga supplies in other areas parang importation ang nangyayari dito. So namigay kami ng … through the Municipal Agriculture Office (MAO) so nagdi-distribute kami ng mga seedlings ‘no. They started since February kaya ngayon nagha-harvest na iyong iba, at iyon may mga programa kami na bibilhin iyong mga products ng mga farmers para ipamigay naman na pagkain sa mga constituents namin.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat po Malay Aklan Acting Mayor Bautista. Mabuhay po kayo, sir.

MAYOR BAUTISTA: Thank you very much din, Secretary. Mabuhay din kayo.

USEC. IGNACIO: Samantala, narito naman po ang pinakahuling balita na nakalap ng ating mga PTV correspondents. Live mula sa PTV Baguio, narito po si Breves Bulsao.

[NEWS REPORTING BY BREVES BULSAO]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Breves Bulsao.

SEC. ANDANAR: Mayroon din po tayong balitang ihahatid ng ating kasama na si Allan Francisco, live mula sa Dasmariñas City, Cavite.

[NEWS REPORTING BY ALLAN FRANCISO]

SEC. ANDANAR: Maraming salamat sa iyo, Allan Francisco.

USEC. IGNACIO: At para naman po sa pinakahuling balita, narito po si Regine Lanuza live mula sa PTV Davao.

[NEWS REPORTING BY REGINE LANUZA]

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat sa iyo, Regine Lanuza ng PTV Davao.

SEC. ANDANAR: Sa gitna ng banta ng COVID-19, isa rin sa matinding kalaban natin ay ang pagkalat ng fake news. Marami pong maling impormasyon ang kumakalat lalo na sa internet at ang mga ito po ay nakapagdudulot nang mas matinding pangamba sa ating mga kababayan. Kaya naman po mahigpit po naming ipinapaalala na iwasan po ang pagpapakalat o pag-share ng fake news dahil may karampatang parusa po ang pagpapakalat ng mga ito.

Samantala, para hindi mabiktima ng maling impormasyon, ugaliin po nating mag-fact check at siguraduhin po nating credible ang inyong sources.

USEC. IGNACIO: Para naman pong manatiling updated kaugnay ng COVID-19, pumunta lang po sa aming official social media accounts na Laging Handa PH. At i-like at i-follow ninyo kami sa aming official Facebook, Twitter, Instagram at YouTube accounts na Laging Handa PH.

SEC. ANDANAR: Mga kababayan, isang makabuluhang diskusyon at mahahalagang impormasyon po ang aming naihatid sa inyo ngayong umaga, kaya naman po kami po ay nagpapasalamat sa ating mga nakausap sa kanilang oras na inilaan sa ating programa. Asahan ninyo po na patuloy naming ihahatid ang mga importanteng impormasyon na kailangan nating lahat.

USEC. IGNACIO: Ang Public Briefing ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng Presidential Communications Operations Office sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP. At maraming salamat din po sa Filipino Sign Language Access Team.

SEC. ANDANAR: Ngayong panahon ng krisis, mas lalong dapat nating ipadama ang tunay na pagmamahal sa bawat isa. Bawat Pilipino magkaisa, dapat sumunod, maging maalam at mapagmatyag tayo dahil hindi lamang mga frontliners ang may papel sa laban na ito – tayong lahat po. Ikaw ay magiting na homeliner, hindi mo hahayaang kumalat pa ang virus na ito. Tandaan, sa ating pagtutulungan at pagkakaisa, malalagpasan po natin ang lahat ng ito. Together, we heal as one. Ako po si Secretary Martin Andanar.

USEC. IGNACIO: At mula pa rin po sa Presidential Communications Operations Office, ako po si Usec. Rocky Ignacio.

SEC. ANDANAR: Magkita-kita tayong muli bukas dito lang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

##

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)