SEC. ANDANAR: Magandang umaga Luzon, Visayas at Mindanao. Maayong buntag, ako si PCOO Secretary Martin Andanar.
USEC. IGNACIO: Ako naman po si Undersecretary Rocky Ignacio.
SEC. ANDANAR: Bilang pagpapatupad sa ating mandato na maghatid ng mahahalagang balita at impormasyon sa ating mga kababayan, binuo ng puwersa ng PCOO ang programang ito upang magsilbing plataporma para sa mahahalagang usapin tungkol sa patuloy nating paglaban sa banta ng COVID-19.
USEC. IGNACIO: Ang programang ito ang magbibigay-daan para mailahad po ang mga mahahalagang katanungan ng ating mga kasama sa media at ng mga mamamayan at agad naman pong sasagutin ng mga kawani ng pamahalaan.
SEC. ANDANAR: Samahan po ninyo kami sa isa na namang makabuluhang talakayan ngayong araw dito lang sa Public Briefing # Laging Handa Ph.
USEC. IGNACIO: At upang sumagot sa mga tanong ng bayan, mamaya lang po ay makakausap natin via VMIX sina: Department of Local and Interior Government Undersecretary Jonathan Malaya; Metropolitan Waterworks and Sewerage System Administrator Emmanuel Salamat; Department of Information and Communications Technology Undersecretary Eliseo Rio Jr.; Bohol Governor Arthur Yap; Ambassador Antonio Lagdameo ng Embassy of the Republic of the Philippines in London; at Filipino Community Leader in New York, Ernesto Pamularco Jr.
Mamaya po ay makakausap din natin via phone patch sina: Senator Christopher ‘Bong’ Go; Local Water Utilities Administrator Jeci Lapus; at Isabela Governor Rodolfo Albano III.
SEC. ANDANAR: Mula naman sa iba’t-ibang sangay ng PCOO, makakasama rin po natin sa pagbibigay ng pinakahuling ulat sina Dennis Principe ng Philippine Broadcasting Service at PTV-Davao correspondent Clodet Loreto.
USEC. IGNACIO: Narito naman po ang update sa bilang ng kaso ng COVID-19 sa buong bansa base po sa tala ng DOH as of 4:00 PM, April 3, 2020: Umabot na po sa 3,018 ang dami ng kaso na naitala na nag-positibo sa COVID-19; nasa 136 na po ang nasawi; habang 52 naman po ang bilang ng mga naka-recover sa COVID-19.
Samantala, sa datos naman ng Johns Hopkins Coronavirus Resource Center as of 8:00 Am ngayong araw, April 4, 2020: Tumaas na po sa 1,097,909 ang bilang ng COVID-19 confirmed cases sa buong mundo; aabot naman po sa 59,131 ang bilang ng mga nasawi; habang nasa 225,442 ang dami ng naka-recover sa COVID-19.
SEC. ANDANAR: Base pa rin sa kanilang tala, nasa 181 ang dami ng mga apektadong bansa at rehiyon sa buong mundo. Kung saan USA pa rin po ang may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 na aabot sa 276,995 cases; sumunod po dito ang Italy na may 119,827 cases; pumangatlo naman ang Spain na may 119,199 cases; at nasa ika-apat na puwesto naman ang Germany na may 91,159 cases; sinundan ito ng China with 82,511 cases.
USEC. IGNACIO: Nasa ika-anim ang France with 65,202 cases; pang-pito naman po ang Iran na may 53,183 cases; pang-walo ang United Kingdom with 38,690 cases; ika-siyam na puwesto ang Turkey na may 20,921; at pang-sampu ang Switzerland with 19,606 positive COVID-19 cases.
SEC. ANDANAR: Umakyat naman sa 31st na puwesto ang Pilipinas; sinundan ito ng Pakistan na may 2,684 positive COVID-19 cases. At sa ASEAN Region pumapangalawa pa rin po ang Pilipinas sa Malaysia na may 3,333 cases.
Kaya naman po mahigpit nating panawagan sa lahat ang ibayong pag-iingat, panatilihin po natin ang kalinisan, palakasin po natin ang ating resistensiya, ugaliin ang tamang paghuhugas ng kamay at ang ating physical distancing. Hangga’t maaari po ay huwag tayong lumabas ng ating bahay. Sabi ng mga nurse at doctor, ‘we stay at work for you, so please stay at home for us.’
USEC. IGNACIO: At bilang pagtugon po sa mga katanungan ng ating mga kababayan nagtalaga na po ang DOH ng COVID-19 hotline, sa pamamagitan ng linyang ito na maari po kayong kumonsulta kung may mga nararamdaman po kayong mga sintomas ng COVID-19 o humingi ng assistance kung sakaling may kakilala po kayong na-expose po sa confirmed cases o patient under investigation. Huwag po kayong mag-aatubiling tumawag sa 02-89426843; para naman po sa PLDT, Smart, Sun and TNT subscribers, maari po ninyong i-dial ang 1555. Bukas po ang linyang ito para sa lahat.
Sa gitna naman po ng banta ng COVID-19, isa pa rin po sa napakatinding kalaban natin iyong patuloy na pagkalat ng mga fake news. Marami pong mga maling impormasyon na nagkalat at lalo na sa internet kung saan wala po itong naidudulot kung hindi takot at pangamba sa ating mga kababayan. Kaya naman mahigpit po naming ipinapaalala sa lahat na iwasan po nating magpakalat ng mga maling impormasyon. Maging maingat po tayo sa mga sine-share natin lalo na sa internet, may karampatan pong parusa para sa mga mapapatunayang nagpapakalat ng fake news. Upang hindi mabiktima ng mga maling impormasyon, ugaliin po natin ang mag fact check at siguraduhing credible po ang iyong news sources.
Samantala, para manatiling updated kaugnay ng COVID-19, magpunta lang po sa aming official social media accounts, i-like at i-follow po ninyo kami sa aming official Facebook, twitter, Instagram at You Tube account ng Laging Handa Ph. Para naman po sa iba pang impormasyon kaugnay naman po sa Bayanihan to Heal as One Act, bisitahin lamang po ang website ng covid19.gov.ph.
Sa pagkakataong ito, Secretary, ay makakausap naman po natin si Bohol Governor Arthur Yap. Magandang araw po.
GOV. YAP: Magandang araw, Usec; Sec, magandang umaga po sa inyo diyan.
USEC. IGNACIO: Governor, paano po ipinapaabot ng lokal na pamahalaan ng Bohol ang mga tulong ng pamahalaan para po sa mga residente; at papaano po nasisiguro ng lokal na pamahalaan na ito po ay natatanggap o may mga makakatanggap.
GOV. YAP: Sa totoo lang po, Usec, nagmi-meeting sa kabilang kuwarto iyong mga Mayor ng Bohol. Hinati po sila ngayon, 50% of those in the coastal towns are now here, nasa Kapitolyo kami, nagmi-meeting kami kasama ang DSWD. Kasi pinapaliwanag ng DSWD iyong mga guidelines para sa Social Amelioration Program ng DSWD na ire-release natin sa ating mga kababayan. So, this afternoon the interior towns are coming over for that meeting.
USEC. IGNACIO: Opo, hindi po kasi maiiwasan iyong mga may magrereklamo. Pero may ordinansa po ba tayong ipinatutupad upang maiwasan iyong pagkalat pa rin ng COVID-19 sa inyong probinsya?
GOV. YAP: Kami po ang unang probinsya na nag-declare ng community quarantine. After the national government issued Resolution Number 11, immediately the day after nag-ready na po kami and it actually solved many things for us, dahil marami po kaming mga tanong na nasagot noong Resolution Number 11. But decided na kami no na ire-release namin… na magre-release kami ng community quarantine at that time.
Kami rin iyong unang lalawigan na nag-declare ng reverse isolation. So, lahat kami ngayon nag-declare kaming lahat… naka-face mask kaming lahat ngayon. Kasi ang assumption nga namin dito, without the testing kits, ang ipinaliwanag ko sa ating mga kababayan dito, isipin na lang natin na tayong lahat ay we are all asymptomatic, infected. So we have to be very aggressive sa prevention—of course, hindi naman ready, hindi talaga kakayanin. Sa nakita natin sa Manila, hindi talaga kakayanin ng mga hospital na kung puwede matulungan ang lahat… we did our best but as if it is hindi natin kaya. That is why we have to have an aggressive prevention.
USEC. IGNACIO: Opo. Governor, ang Bohol po ay isa sa mga paboritong tourist destination hindi lamang po ng mga Pilipino kung hindi ng mga dayuhan. Ano po ang nagiging epekto ng COVID-19 sa inyo? Mayroon na po bang report na may nag-positive po sa lugar ninyo?
GOVERNOR YAP: At least wala pa, hanggang ngayon po. So ang impact sa amin, matindi, kasi hindi kami pareho ng ibang mga lugar or lalawigan sa Pilipinas natin na ang ekonomiya ay puwedeng balansehin ng mga pabrika at ng iba-iba pang mga components ng economic sectors nila.
Ang Bohol, dalawa lang ang basehan ng aming revenue dito: Ang OFW remittance; at number two, ang turismo. So long before Manila was affected by anything, we already felt it. By January pa lang, humina na nang humina iyong turismo dito sa Bohol. By February-March, wala na, 70% na ang tama sa amin by that time. So long before the community quarantine in Manila, damang-dama na namin iyong impact ng COVID-19 dahil nagsasara na iyong mga resorts namin.
So ngayon, nandoon na nga kami. Although bukas pa iyong agriculture sector namin and other essential establishments are open, ang transport industry namin tinamaan dahil siyempre, marami sa aming mga transport industry, ang mga kliyente ay mga turista, so sila rin, wala silang mga negosyo, kaya wala silang kliyente.
So iyon ang mga tinamaan talaga, iyong mga resorts, iyong mga nasa wellness, iyong mga transportation industry, iyon ang malalaking tama namin ngayon.
USEC. IGNACIO: Pero, Governor, mayroon kayong contingency measures or mayroon kayong dapat—parang nais hilingin sa pamahalaan bilang tulong sa inyong lalawigan?
GOVERNOR YAP: Siyempre, right now, wala naman talaga tayong magagawa kung hindi abutan natin ng ayuda ang mga kababayan natin. Ang isyu lang na nakikita ko ngayon na tinatanong ng mga mayor ngayon, napaka-broad kasi ng guidelines ng social amelioration program, parang lahat naman kaya pong bigyan. At kung ang lahat ay bibigyan, eh di sana supisyente naman iyong iaabot na tulong na ayuda ng national government. Kasi kung magde-depend tayo sa pondo lang ng Bohol at saka ang pondo ng mga local governments, ng mga mayor, kukulangin talaga.
Pero very broad kasi iyong guidelines ng social amelioration act, iyong process of choosing kung sino iyong mga dapat talagang bigyan parang lahat kailangang bigyan at puwedeng bigyan. Kaya iyon ang nagiging problema ngayon, so iyon ang alam ko sa dini-discuss ngayon ng mga mayors na kukulangin talaga. So there has to be a solution on what to do dahil kukulangin nga iyong ibibigay na 6,000 para sa amin dito sa Bohol, sa Region VII, iyong 6,000 na ibibigay sa dalawang buwan. Iyon ang nakikitang problema!
Ako naman kasi, kung puwedeng idaan sa ibang proseso or ibang form na tulong, puwede naman sigurong pagtulungan ng national government at ng provincial government iyon. There are many things that we can do. We can still keep people working, for example, at home ‘no, marami sa kanila ang puwede nating bigyan ng MSME funds to keep them working at home. Tapos ang ginagawa namin ngayon, nilo-load namin sa isang application ang lahat ng mga transport operators para makatulong po sila sa pag-deliver ng pagkain at ng kung anu-anong mga bagay na kailangan sa mga barangay natin dumadaan sa mga transport operators natin; wala naman silang mga kliyente ngayon.
At ang isang hinihingi sana namin na pag-isipan din ng Bangko Sentral at saka ng Monetary Board ngayon, tulong sa may mga utang. Ang dami sa aming mga transport operators dito ngayon ang umutang dahil alam naman natin putok na putok, boom na boom ang ekonomiya sa turismo sa Bohol in the last few years, maraming humiram ng pera sa mga bangko para bumili ng bagong van, bumili ng mga tourist buses at saka ng mga motorcycles na puwedeng gamitin pang local transport. Eh ngayon na nawalan na kami ng kliyente, lahat sila may utang.
Alam po natin na nagpapasalamat po sila sa Republic Act 11469 na lifted na po iyong mga interest at iyong capital payments ngayon. Pero ang hinihingi rin po sana namin is kailangan mag re-structure ang mga bangko sa mga loan na ito; hindi lang lifted. Kasi ang mangyayari dito, after the quarantine is lifted, after three months, babayaran pa rin ang interest na iyon. Ang hinihingi sana namin, lahat ng interest na iyon kung puwede ay hilahin pa natin doon sa original term ng utang. For example, five years iyong term ng utang, kung anuman iyong mga interes na inutang ng mga debtors ngayon, puwede nilang hilahin doon sa original term ng utang nila para mas humaba iyong runway na mabigyan sila ng panahon na makabayad sila. Dahil after three months kung babalik din iyong mga interest payments na iyon, hindi naman po ibig sabihin na babalik iyong negosyo. So nandoon pa rin iyong kahirapan, nandoon pa rin iyong problema na wala naman tayong kliyente ngayon.
Kaya kung puwede sana, hilahin sa mas mahabang panahon; bigyan po natin iyong mga kababayan natin hindi lang po sa Bohol pero sa buong Pilipinas nang panahon; bigyan sila ng mahabang runway na mabayaran iyong mga utang nila at hindi lang na three months – mayroon silang gap, hindi magbabayad, may grace period and then after three months, balik na naman iyong bigat ng utang na iyon. Hindi rin po mangyayari iyan, marami lang pong mareremata na mga properties at mga sasakyan po.
USEC. IGNACIO: Okay, maraming salamat, Governor. Pero mayroon po ba kayong mensahe para sa inyong mga kababayan?
GOVERNOR YAP: Sa Bohol naman po, ang mensahe lang naman natin dito is, we are doing our part. May proseso tayo ngayon na tinitingnan natin kung sino ang talagang kailangan bigyan ng ayuda. Dahil maganda pong balita sa mga farmers dito sa Bohol, maganda ho ang presyo ng palay – nasa 21 to 23 pesos. So sigurado ako na hindi malulugi ang mga rice farmers natin sa cropping season ngayon.
Pero siyempre, ang flipside niyan, kapag mataas ang presyo ng palay, mataas din po iyong presyo ng bigas. Kaya doon pumapasok iyong tulong para sa lahat. But para sa mga farmers natin at fisherfolks, tuluy-tuloy naman ang produksyon nila; hindi naman natin shinat down iyong agricultural at fishery industries.
So sa mga ibang kababayan natin, please be assured na sa Bohol, we are going to address your situation, iyong mga … siyempre natamaan talaga sa tourism industry, sila iyong bibigyan natin ng tulong ngayon kasama iyong DSWD.
Sa mga kababayan naman natin sa buong Pilipinas, our heart is with you. We are all doing our part here in Bohol. We are praying for all of you, and we hope you’re also praying for us. At siyempre, aggressive prevention pa rin tayo doon sa mga areas na wala pang tama. Kaya dito kami sa Bohol, mayroon kaming curfew dito ng 9 P.M. up to 5 A.M., tapos ang 65 and over ay naka-24-hour curfew ang 65 and over dito. At iyong mga youth po na below 18 years old dahil we recognize that they could be carriers also, sila rin po naka-curfew ngayon – except agricultural workers. Lahat ng non-essential retail establishments, pinasara na rin po namin dito at lahat kami ay required po ngayon na mag-face mask on a reverse isolation policy.
Tinatapos na rin namin iyong mga isolation centers namin at matatapos na rin ang iyong Gallares Hospital to be the main COVID-19 hospital in Bohol. So we are doing our part to make sure our part of the Philippines is contained against the COVID. And for all the other patients that are affected especially in Metro Manila, our heart is bleeding out to all of you. Abalang-abala kami kapag nakikita namin kayo sa television. And we are praying for all of you. We’re all doing our part. So let’s just keep on fighting, at nandoon na we’re going to succeed against this COVID-19. It’s just a question of time and it is a question on how serious we all are in terms of prevention.
SEC. ANDANAR: Rocky, mayroon lang akong gustong mensahe para sa kababayan kong si Governor Art Yap. Rocky, kung okay lang.
USEC. IGNACIO: Opo, opo.
SEC. ANDANAR: Maayong buntag Gob, og maayong buntag pud sa atong mga igsoon diha sa Bohol.
GOVERNOR YAP: Sec., maajung buntag nimo diha. Nanghinaot ko nga okay ka diha Boss.
SEC. ANDANAR: Okay, trabaho lang gihapon ta. Gov., ang paalala ko lang sana sa ating mga mayor, huwag nilang kalimutan na mayroon ding social amelioration ang Department of Labor and Employment at mayroon din silang maibibigay bukod po ito sa maibibigay ng DSWD. Sana ay i-maximize din po ng mga kababayan nato diha sa Bohol itong maibibigay din po ng DOLE. Halimbawa, sa mga informal sector, mabibigyan din po ng sampung araw na trabaho just to disinfect, linisin ang kapaligiran, sampung araw po iyan na minimum wage ang ibabayad. At para din po sa ating mga formal workers ay mayroon din pong ayuda ang maibibigay ang DOLE na ididiretso sa kanilang mga employers. Iyon lang po, Gov.
GOV. YAP: Yes sir, daghang salamat sa mga pahinumdom. Nag-meeting sila karon and atong ipaabot ang inyong mga [garbled]. Daghang salamat sir sa imong pagbati ug kamong tanan, i-ampo namo kamong tanan diha ug nanghinaot ko na of course sa atong mga pagtinabangay, sa atong paghiusa, sa atong pag-ampo, sigurado naman po na mahimo tang malampuson, makabalingkawas sa kini nga kagaw. (Yes sir, maraming salamat sa mga paalala. Nagmi-meeting sila ngayon at ipapaabot ko ang inyong [garbled]. Maraming salamat sir sa iyong pagbati at kayong lahat, ipanalangin namin kayong lahat diyan at ninanais ko na, of course, sa ating pagtutulungan, sa ating pagkakaisa, sa ating pagdadasal, sigurado naman po na magagawa nating malampasan at makakabawi dito sa virus na ito.)
SEC. ANDANAR: Daghang salamat kanimo Gov. Art Yap. Maadyong buntag sa atong tanan diha sa Bohol.
Sa puntong ito, makakausap din po natin via VMIX si Department of Interior and Local Government Undersecretary Jonathan Malaya. Magandang umaga pong muli, Usec. Jonathan.
USEC. MALAYA: Yes, magandang umaga po Secretary; at magandang umaga kay Usec.
SEC. ANDANAR: Marami po sa ating mga kababayan sir ang dumaraing dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin daw natatanggap ang tulong na ibinibigay ng national government at ito nga po ay mayroong kinalaman sa mabagal na pag-distribute ng LGU. Ano po ang inyong masasabi dito?
USEC. MALAYA: Well Sec., kahapon nagsimula na po tayo sa Parañaque; Parañaque was our first distribution ‘no. Ito po ang hudyat na ng paggulong ng programang ito ‘no. Makakaasa po ang ating mga kababayan that in the next few days ay lalapitan sila ng kanilang mga barangay officials para ipamahagi iyong kanilang SAP forms at sana po kaagad-agad ninyong fill-up-an ito para maibalik sa inyong barangay official para ma-encode ng inyong LGU.
So nananawagan po ang ating butihing Secretary, si Secretary Ed Año, sa lahat ng mga local government officials na nanonood ngayon. Please coordinate immediately with your local DSWD field office, kasi nga po ito po ay programa ng DSWD at humingi po ng—we are deputized by the DSWD to implement this program.
So ang bilis po ng pagdating ng inyong SAP form at ang bilis din ng pagdating ng ayuda, iyong tinatawag nating SAP Bayanihan Fund ay depende po iyan sa magiging bilis ng aksiyon ng ating DSWD field office at ng ating mga local government officials.
SEC. ANDANAR: Ay, talagang kailangan tulung-tulong ho talaga it from the national government up to the local government. Ano po ang magiging papel naman ng mga LGUs in terms of distribution ng DSWD goods or Social Amelioration Fund? Sabi po ni Presidente kagabi, ang magbibigay lamang ay ang DSWD, hindi ang mga politiko. Ano po ba ang ibig sabihin nito?
USEC. MALAYA: Well ang ibig pong sabihin ng ating Pangulo ay ang DSWD ang magko-control ng buong proseso; at iyan naman po talaga ang nangyayari sa ground dahil nasa DSWD po ang pondo. Ang DSWD naman po ang nagpadala noong mga file ng email kung saan nandoon iyong mga SAP forms, kasi ito pong mga SAP forms na ito ay individually barcoded ‘no. And ang ginawa po ng DSWD para mas mapabilis na makarating sa ating mga kababayan iyong tulong ay dineputize po niya ang LGU.
Ngunit sa bawat proseso po ng pagbaba ng tulong, nandiyan nakabantay ang DSWD at maging kami man po sa DILG ay nakabantay. So tuluy-tuloy po iyong ating pagmo-monitor sa ating mga local government units na kanilang bilisan iyong pag-iimprenta ng kanilang SAP forms, iyong pamimigay nito sa kanilang mga beneficiaries at kolektahin nila kaagad at isumite sa DSWD. Kasi po ang DSWD po ang magbibigay ng go signal kung puwede na pong ipamigay iyong pondo na nanggagaling sa SAP Bayanihan Fund.
SEC. ANDANAR: Okay. My last question Usec. Mayroon po akong natatanggap na mga text message mula po sa ating mga kababayan, mayroon din po sa social media ang nagsasabi na, number one, ay hindi raw sila pinapayagan ng kanilang kapitan na makatanggap ng Social Amelioration Fund kasi sinasabi nila ay iyong binoto nilang kapitan iyong kalaban. Number two, may nagsasabi na eh talagang tahasang hindi ho sila sinasali. Pero kung titingnan mo naman, sila talaga ay informal worker. Puwede po ba silang umapela at kung puwede, kanino po sila puwedeng lumapit?
USEC. MALAYA: Opo. Diyan po papasok ang DILG, kasi nga po ang DILG, ang tungkulin ng DILG ay siguraduhing sumusunod sa batas ang lahat ng ating local government officials. At maliwanag po ang beneficiaries ng batas na ito, lahat ng low income families ay kailangang makatanggap ng SAP Bayanihan Fund depending on the region kung saan sila—the amount is dependent on the region kung saan sila nakatira.
So diyan po papasok ang DILG, mayroon po kaming emergency operation center. Pasensiya na po kayo kung medyo mahirap tumawag doon dahil ang dami pong tumatawag sa buong bansa, ngunit doon po kayo tumawag para i-report ang inyong barangay captain na sa tingin ninyo ay hindi naging patas. Ngunit ang pakiusap ko naman Sec. ‘no, lumapit po tayo sa ating barangay kapitan para ipaalam sa kanila iyong ating hinaing. Baka po sa social media lang natin nilalabas iyong ating complaint. We should go to our barangay official to complain, at kung wala pong naging maayos na tugon ang ating barangay official, dumulog na po sila sa DILG.
At puwede rin po silang tumawag sa DSWD, mayroon pong hotline ang DSWD 8951-2803 at puwede rin po silang tumawag doon sa 8888 para maaksiyunan kaagad ng mga partikular na ahensiya ng gobyerno ang kanilang reklamo.
USEC. IGNACIO: Secretary, may tanong po si Tuesday Niu at si Leila kay Usec. Malaya. Ang tanong po—dalawa po ito, unahin ko iyong kay Tuesday Niu. Pinalawig daw po iyong oras ng mga palengke or sa grocery, pero paano naman daw po pupunta iyong ating mga kababayan kung ang isang barangay nagpapatupad naman po ibang oras na hindi na nagpapalabas.
Ang tanong naman po ni Leila ng Inquirer: Some LGUs daw po outside Luzon na nag-impose ng quarantine, pinapayagan daw po iyong public transpo like tricycle. Ano daw po iyong national government policy at posisyon dito?
USEC. MALAYA: Okay. Doon muna po Usec. sa tanong ni Tuesday ‘no. ‘Pag ganiyan po na nagsasalungat or hindi aligned ang polisiya ng barangay at ng, sabihin natin LGU, tungkulin po ni Mayor na ipatawag ang kaniyang mga barangay para po iyong schedule ng pagbibili ay consistent. Kasi po kadalasan iyong public market ay nasa poblacion at iyong mga barangay naman ay nasa labas ng poblacion. So kailangan po si Mayor ang magpatawag ng meeting sa kaniyang mga nasasakupan para po aligned ang oras na itatalaga nila. Hindi po sila puwedeng hindi nagkakaintindihan. Iyan po ang role ng mayor, kaya nga po may mayor tayo.
Doon naman po sa pangalawang katanungan, tungkol doon sa mga LGU sa labas ng Luzon na nagdeklara ng kanilang sariling enhanced community quarantine. Kung ganoon po ay kailangan po kayong sumunod sa IATF guidelines. Kung kayo po ay nasa lockdown na, bawal po ang public transportation, kahit anong uri ng public transportation maging tricycle man, maging bus man, maging jeep ‘no. Lahat po ng uri ng public transportation ay kailangan nang ipagbawal.
Ngunit kailangan pong papasukin pa rin iyon lahat ng cargo. Kailangan pa ring papasukin lahat ng essential workers. Hindi pupuwedeng hindi po papasukin iyang mga ‘yan kasi that is important to the health and food security of our country.
Again, kung mayroon pong mga LGUs na hindi aligned sa polisiya ng national government, aaksiyunan po iyan ng DILG. Because under the Bayanihan Law, kung mayroon man pong LGU na hindi sumusunod sa patakaran ng national government ay puwede po silang mapatawan ng kaukulang penalties na nakalagay sa batas.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong oras, DILG Undersecretary Jonathan Malaya.
USEC. MALAYA: Maraming salamat po, Secretary. Maraming salamat, Usec.
USEC. IGNACIO: Okay. Sa kabila po ng patuloy na pagseserbisyo ng mga healthworkers para sa ating mga kababayan sa gitna ng Enhanced Community Quarantine, umapela po si Senator Bong Go kaugnay ng pagbibigay ng risk allowance para sa mga medical frontliners na nagbubuwis po ng kanilang buhay.
Ayon sa Senador, dapat lamang na protektahan ang kalusugan po at kaligtasan ng ating mga frontliners ngayon pong nahaharap sa matinding krisis ang bansa. Sa ilalim po ng Bayanihan To Heal As One Act, Section 4, binigyan ng Pangulo ng pansamantalang awtoridad para bigyan ng special risk allowance ang mga Philippine healthworkers. Sakaling maaaprubahan, iminungkahi po ni Senator Go na ang mga ahensiya po ng gobyerno, LGUs at Government Controlled Corporations ang may awtoridad na ipamahagi po ang one-time COVID Special Risk Allowance na katumbas [garbled] salary kada buwan ng mga healthworkers.
SEC. ANDANAR: Samantala, umapela din po si Senator Bong Go sa Executive Department na payagang magkaroon ng one time Bayanihan Financial Assistance sa mga Local Government Units bilang ayuda sa kanilang mga nasasakupan habang ang bansa ay humaharap sa krisis dulot ng COVID-19. Paliwanag ng Senador, ang one time bayanihan financial assistance sa mga lungsod at lalawigan ay maaaring makuha sa available funds or savings ng national government, pero dapat lamang aniya itong gamitin sa mga proyekto, programa at aktibidad na may kaugnayan sa COVID-19, gaya ng pagbili ng mga medical supplies para sa mga frontliners at iba pang equipment sa mga ospital, pamamahagi ng relief goods at pagtatayo ng tents bilang pansamantalang tutuluyan para sa mga kababayan nating walang matirhan.
Kabilang din po rito ang pagkain, transportasyon at accommodations expenses sa mga medical at LGU personnel na parte ng mga aktibidad kaugnay sa COVID-19. Nagpaabot din ng pasasalamat si Senador Bong Go sa mga LGUs na ibinubuhos ang lahat ng makakaya upang magampanan ang sinumpaang tungkulin para sa bayan. Sa ganitong sitwasyon, dapat aniya na maging responsible ang mga local na pamahalaan at gawin ang lahat para matugunan ang mga pangangailangan ng kanilang mga nasasakupan.
Kaugnay diyan, ang Bayanihan to Heal as One Act ay makakatulong upang mapadali ang pag re-program, pag re-allocate at pag-realign ng mga pondong gagamitin upang maprotektahan ang mga Pilipino laban sa banta ng COVID-19. Ayon pa sa senador sisiguraduhin niya na ang mga pondo ay nagagamit ng tama at pupukpukin niya ang mga ahensiya na aksiyunan agad ang pangangailangan ng Pilipinong apektado ng krisis.
Paalala naman ng senador sa LGUs na siguraduhin na makakarating ang ayuda lalo na sa mga nangangailangan at huwag na nilang haluan pa ng pamumulitika ang pagtulong. Kaugnay riyan, mula sa kabilang linya makakausap po natin sa puntong ito, si Senador Bong Go. Magandang umaga po sa inyo, Senador Go.
SENATOR GO: Magandang umaga, Sec. Martin, Usec. Rocky at sa mga kapatid nating Pilipino na nakikinig ngayon sa inyong programang Laging Handa. Magandang umaga po.
SEC. ANDANAR: Maganda po itong programa ninyo, sir itong panawagan ninyo sa Executive Branch of government na magbigay ng bayanihan fund para po sa mga LGUs. Kanina kausap lang namin si Governor Art Yap ng Bohol. At sabi nga niya magiging problema talaga ang pondo sa kaniyang lalawigan, dahil ang kanilang inaasahan lamang ay turismo at sa ngayon naman ay bagsak ang turismo. Papaano po ninyo sisiguraduhin Senador Bong Go na ito pong pondo na Bayanihan Act para sa LGU ay talagang magagastos ng wasto.
SENATOR GO: Unang-una, naiintindihan ko po, ako galing po ako sa executive nagtrabaho po ako ng tatlong taon Kay Pangulong Duterte at sa Davao naman po, bilang Mayor from 1998 to 2016. Naintindihan natin ang gobyernong local ang humaharap mismo sa araw-araw na problema ng kanilang mga nasasakupan. Tulungan natin sila na mabigyan ng additional funds, dahil noong unang pumutok itong krisis, sila o talaga iyong unang tumugon, bumibili ng pagkain, bumibili ng mga gamot at sumusuporta sa lahat ng pangangailangan sa kanilang mga barangay.
So, kailangan nila ng susuporta, bawat city o municipality, bigyan natin ng – nag-apila po ako sa national government na bigyan sila ng pondo ng isang buwang pondo katumbas ng kanilang IRA magagamit nila ito para hindi magutom o magkagulo ang mga tao, mabigyan kaagad nila ng immediate assistance iyong ating mga kababayan na nasasakupan sa kanilang mga siyudad at mga munisipyo.
Siguraduhin lang po nila, alam naman natin na sa panahong ito, huwag na pong haluan ng pulitika, walang dapat piliin kung sino ang mga constituents ninyo sa inyong lugar. Bigyan na ninyo kaagad ng tulong. Itong panahon na ito magtulungan po tayo, wala na pong sisihan o pamumulitika. Alam po ninyo survival na po ang pinag-uusapan dito sa ngayon. Hindi nga natin alam kung saan tayo patutungo. Nakita naman po ninyo sa ibang bansa, kahit na napakayaman, sa New York, tinamaan po sila. Kaya makinig po kayo sa gobyerno, makinig po kayo kay Pangulong Duterte, stay at home po tayo para hindi na po kumalat itong virus na ito.
And going back itong assistance sa LGUs, umaapela po ako sa ating Pangulo, kay Secretary Dominguez, kay Secretary Avisado ng DBM na bilisan na po ito para makatulong po kaagad. Dahil iyong DSWD naman po natin ay nakatutok po sa pagbigay ng social amelioration, eh sila po iyong inatasan ng ating Pangulo na mag-distribute kaagad ng financial assistance, while mag a-assist po ang ating LGUs, ang ating barangay official sa pag-identify. Pero alam po ninyo, hindi po kayang i-cover lahat iyan kaya kailangan rin po tulungan ang ating mga LGUs para makagalaw po kaagad sila.
Ako naman, isa po akong legislator, mambabatas. As a member of Joint Oversight Committee ng Senado that oversees the implementation of the Bayanihan to Heal as One Act, isa po ako sa mga bumoto na magbigay agad ng kapangyarihan sa ating Pangulo, alam ninyo there should be no politics involved in the distribution of aid and that the fund must be allocated fairly and distributed equitably, especially among the poorest of the poor.
Alam ninyo pinilit natin silang manatili sa kanilang mga pamamahay. Kailangan silang manatili sa kanilang pamamahay para hindi kumalat itong virus na ito. Dahil the more na lalabas tayo, hindi natin alam, hindi natin nakikita itong virus na ito, kumakalat po ito, hindi po natin nakikita ang kalaban. So, dapat manatili sa bahay nila, pinilit natin sila kaya suportahan natin sila ng financial assistance lalung-lalo na po iyong mga poorest of the poor. Ako naman, bilang miyembro ng Oversight Committee dapat po mag-report iyong executive every Monday kung saan po napupunta iyong pera.
Ako po ay nanawagan sa executive bilisan na po ninyo ang pag-distribute. I heard po, parati kong tinatanong sila, bilang dati kong kasamahan po sa executive noon, may tiwala naman tayo sa kanila ‘no. May tiwala rin po ako sa mga taga-DSWD, mga kasamahan ko po ito sa executive. Ang importante po dito, hindi na natin kayang isa-isahin o bantayan man sila, konsensiya na lang po nila ang tamang nakabantay po sa kanilang likod sa ganitong panahon, dahil kailangan na po ng ating mga kababayan itong tulong pinansiyal.
Halimbawa dito sa Metro Manila, makakatanggap sila ng P8,000, ito po iyong mga poorest of the poor. Kaya sabi ko ibigay na ninyo, bilisan na ninyo para sa mga 4Ps beneficiary. Huwag na po ninyong tagalan, itong mga taxi drivers, tricycle, vendors, habal-habal. Lahat po ng mga isang kahig, isang tuka, itong mga daily wage earner! Dapat po mabigay na po sa kanila iyong tulong, para hindi na po sila mapilitang lumabas pa ng kanilang mga pamamahay.
Pati naman po sa DOLE, itong mga displaced workers, itong mga informal sector, iyong mga empleyado na daily wage lang po ang kanilang tinatanggap at iyong mga nawawalan po ng trabaho, iyong mga small businesses po ay bigyan na po kaagad ng tulong.
Ako naman ang sa tingin ko sa ngayon, one month at a time ang dapat treatment ng ating executive, dahil marami po tayong reklamong naririnig na hindi sila nabibigyan, dapat tugunan muna nila iyong pagkukulang at iyong mga reklamo, iyong mga hindi nabibigyan. I-perpekto muna nila iyong unang buwan ng distribution at saka po pag-usapan naman po iyong second month, iyong second round na po. Ibig sabihin, kaya na nilang i-perpekto iyong second month.
So, importante po rito ang ating mga finance manager ng Duterte administration ay mahanapan po nila ng pondo one month at a time. Dapat perpekto iyong unang buwan para sa second month po ay madali na po iyong magiging distribution nila
SEC. ANDANAR: Okay. Senator, maganda pong nabanggit ninyo as member of the Oversight Committee na kayo po ay talagang sinuri ninyo nang wasto itong Bayanihan Act. Now, mayroon po tayong natatanggap na mangilan-ngilang mga messages mula sa ating mga kababayan sa mga barangay na sinasabing, “Tinanggihan ho kami ni kapitan, isa ho kaming—driver ho ako ng tricycle, driver ho ako ng bus.”
Sir, papaano po kapag nag-report sa inyo ang isang ordinaryong mamamayan at nagsabi na hindi siya binigyan ni kapitan dahil magkaaway sila sa pulitika o hindi niya binoto si kapitan pero ang tao naman na iyon ay very qualified to receive the Social Amelioration Program. Ano po ang puwedeng gawin ng inyong opisina, sir?
SEN. GO: Ako, bilang Oversight Committee member, puwede ninyo pong iparating sa akin at ipaparating ko kaagad ito sa DSWD or kung may abuso pong ginagawa, nabanggit na po ito ni Pangulong Duterte, maaaring masuspinde iyong kapitan o iyong local official kung may abuso pong ginagawa sa pagtugon ng kanilang tungkulin.
Gaya ng sinabi ko, ito ang panahon na walang pulitika, dito walang dapat pinipili. Kaya nga po si Pangulong Duterte nagalit po siya kagabi. Mayroon po siyang sinibak dahil alam ninyo lahat iniengganyo niya po ang lahat ay tumulong mapa-pribado man po o gobyerno, magtulungan po tayo. Sa ngayon, huwag nating haluan ng pulitika kahit nga po—sabi niya, wala naman pong ginagawa si Vice President Leni dahil tumanggap po siya ng mula sa pribado ay itutulong naman po niya dahil sa krisis ay—unang-una na po si Pangulong Duterte na nanawagan. So, magtulungan na lang po tayo, huwag na po nating haluan ng pulitika sa ngayon.
Ako nga, gaya ng sinabi ko sa inyo, ito iyong panahon na walang mayaman, walang mahirap sa giyerang ito, walang senador po o wala mang congressman sa panahong ito. Hindi natin alam kung sino pong mabubuhay pa pagkatapos, survival na po ito. Alam ninyo, napakahirap po ng giyerang ito, hindi natin nakikita. Tayo na lang po ang magtulungan dapat dito para to overcome this crisis o itong war na ito. Kung hindi pa tayo magtutulungan, magsisiraan pa tayo, wala pong mangyayari sa atin.
SEC. ANDANAR: Senator Go, isa ho sa ikinagalit ni Pangulong Duterte kagabi sa kaniyang talumpati ay iyong paglipana ng fake news. Halimbawa na lamang noong mga nakaraang araw, iyong Office of the Civil Defense daw ang tumatanggap lamang ng mga ayuda. Hindi raw puwede itong ibigay sa mga private sector. Iyong Malasakit Center daw ho ay ito lang daw ho ang puwedeng magbigay ng mga ayuda sa mga ospital at magbigay ng mga PPEs. Fake news din po iyon! Mayroon din pong itong grupo daw ni Lucio Tan ay namamahagi ng mga goods at inilagay daw iyong pangalan ninyo, kayo daw iyong responsable, fake news na man daw. Talaga hong naglipana ho talaga itong fake news, Senator Bong Go. Ano po ang masasabi ninyo dito? Pati kayo ay dinadamay na ho dito sa fake news.
SEN. GO: Alam ninyo, nabanggit ni Pangulong Duterte iyong mga sumasali sa fake news, iyong sumasakay po sa fake news ngayon, iyong gustong sirain iyong gobyerno ni Pangulong Duterte, itong mga “oust Duterte” na ito. Gusto nilang mag-agitate ng mga tao bilang sa pag-spread ng mga fake news.
Gaya ng sinabi ng Pangulong Duterte, kung naniniwala kayo sa kanila, sa oposisyon o kung sino man iyong mga naninira dahil hindi nila matanggap na natalo sila noong nakaraang eleksiyon, doon po kayo. Kung dito kayo, naniniwala kayo sa administrasyon ni Pangulong Duterte, naniniwala kayo sa amin, patuloy lang po kaming magseserbisyo sa inyo… eh dito po kayo. So, nasa sa tao na po iyon.
Anyway, ako bilang isa sa mga boto sa Bayanihan Act ay naging biktima po ako mismo dahil puwede pong parusahan iyong nagpapakalat ng fake news. So, pagharapin ninyo po iyan kung sino po iyong nagpapakalat ng fake news. Harapin ninyo po kung saka-sakaling makasuhan po kayo. At alam ninyo, nakikiusap na po ako sa inyo. Hindi po ito iyong panahon na magpakalat ng fake news, nakakadagdag lang po iyan sa problema at kalbaryo ng ating mga kababayan.
Unang-una, itong Malasakit Center, it’s a one stop shop po iyan. Alam ninyo na po mayroon ng 71 Malasakit Centers sa buong bansa, puwede ninyong lapitan po ito sa mga billing. Proseso lang po ito, tumutulong lang po ito sa pag proseso ng mga billing sa apat na ahensya ng gobyerno tulad ng PhilHealth, PCSO, DOH at DSWD. Halimbawa po, may bill kayo forty-five thousand. Halimbawa, nagka-komplikasyon po kayo eh lumampas po doon sa package ng PhilHealth. Puwede ninyo pong lapitan iyong DOH, iyong PCSO at saka iyong DSWD para po magbayad doon sa balanse ninyo po, para zero balance po ang target ng Malasakit Center.
Pero wala pong mga medical equipment o PPEs na nakalagay po diyan sa Malasakit Center. Nananahimik po ang Malasakit Center, batas na po itong Malasakit Center, sa Pilipino po itong Malasakit Center, lapitan ninyo lang po ito pero wala pong mga PPEs o mga donasyon na dumadaan sa Malasakit Center.
Nagpapakalat po sila ng fake news para siraan kami ni Pangulong Duterte. Iyong may mga motibo po ito, hinahaluan nila ng pulitika, gusto nilang siraan si Pangulong Duterte para po hindi kami makapagtrabaho nang maayos. Iyon po ang gusto nilang gawin. Halos wala na ngang pahinga ang ating Pangulo, 24/7 tayong nagseserbisyo. Eh, kami wala na po kaming hihilingin pa sa tao, ibinigay na po nila, ng Panginoon, sa amin ang lahat. Siya, isang mayor, probinsiyanong mayor na ginawang presidente. Ako po, isang staff lang po na probinsyano rin po, ginawang senador kaya ibabalik namin sa inyo iyong serbisyong para sa inyo.
Huwag ho kayong maniniwala diyan sa mga fake news dahil alam ninyo, halimbawa, mayroong mga nagdo-donate sa akin. Nagbigay na po ng statement ang LT Group o iyong Lucio Tan Group. Hindi ko po alam na inilagay nila iyong aking pangalan sa pagdo-donate nila. Nagpatulong lang po sila na i-identify po iyong mga ospital dahil bilang Chair po ng Committee on Health sa Senado ay sabi ko, puwede ninyo pong tulungan itong mga ospital na nangangailangan kasi hindi naman po lahat natutugunan ng DOH iyong lahat ng mga ospital lalung-lalo na po iyong mga pribadong ospital na kulang po iyong mga gamit. Kami po ang mga tumutulong.
Ako naman po, nagmamagandang-loob po ako na gusto kong makatulong po sa ating mga kababayan, sa mga private hospitals. Alam ninyo, napakarami na po naming napaabot sa napakalayong lugar, sa Ormoc o sa ibang lugar pa po, sa Koronadal—(LINE CUT)
SEC. ANDANAR: Okay… Nawala po iyong linya natin. Maraming salamat sa inyong panahon, Senator Bong Go. Balikan natin si Senator Bong Go maya-maya, Rocky.
USEC. ROCKY: Opo. Samantala, makakausap naman po natin sa pagkakataong ito si Department of Information and Communications Technology Undersecretary Eliseo Rio Jr. Magandang araw po!
USEC. RIO: Magandang umaga rin, USec. Rocky at Secretary Andanar, long time no see!
SEC. ANDANAR: Yes, sir! Magandang tanghali sa inyo, Secretary!
USEC. ROCKY: USec., kasi patuloy pa rin po iyong paglaganap ng mga maling impormasyon lalo na po sa internet sa ilalim ng Republic Act 11469, Section 6. Sinu-sino po ba iyong mga dapat maparusahan dito at naghihintay na mapatunayan na may gumagawa o nagpapakalat po ng fake news?
USEC. RIO: Ang DICT po ay nagtutulong, nagbibigay ng technical support sa Philippine National Police natin, sa NBI natin, sila ho iyong law enforcement agency, so, hindi po kami kasama sa prosecution, sa pag-arrest. Ang ginagawa lang ho namin ay technical support sa mga law enforcement agencies.
So, marami na rin po kaming naibigay na mga impormasyon sa kanila at in fact, some of these information actually resulted to arrest in these past few days.
USEC. IGNACIO: Uhum. Napakahalaga po ng DICT sa mga panahong ito, kasi po pinatatatag nito iyong mga pagpapaabot ng impormasyon dahil sa gamit ng teknolohiya. So papaano ninyo po sinisigurado na talagang kayo po ay mananatiling kaagapay ng gobyerno lalo na at kasi ang inaasahan ng tao siyempre iyong maraming impormasyon na gusto nilang malaman?
Naririnig ninyo po ako, Usec?
USEC. RIO: Yes, okay. Okay na.
USEC. IGNACIO: So ano po iyong parang aksiyon na ginagawa ng DICT kasi napakahalaga po ng tanggapan ninyo ngayon, sa mga panahong ito dahil kailangan matatag din iyong kagawaran kung papano matitiyak na iyong lahat po ng mga mahahalagang impormasyon naipapaabot po sa ating mga kababayan?
USEC. RIO: Okay. Kung mapuna ninyo po ay iyong ating mga telecommunications service provider, iyong mga ating internet service provider ay kasama ho sa mga frontliners ‘no na gumagala ngayon para talagang masigurado na iyong ating telecommunication services ay uninterrupted. Of course nagkakaroon ng problema katulad ngayon sa atin ay sa dami ng gumagamit ng internet at may okasyon na napuputol. Pero ito’y [garbled] kung 2 years/3 years ago nangyari ito, talagang hindi ganito ka—hindi tayo siguro magkaroon ng pagkakataon na makapag-usap nang ganito.
So iyon, binibigyan ho namin ng lahat ng passes ang ating mga telecommunication service providers. At isa pa iyong aming free internet, even with this emergency situation ay patuloy, nagbibigay ho ng mga internet free Wi-Fi ho sa mga probinsiya natin para ho dito sila makakuha ng mga—makapaggamit ho ng komunikasyon nila either to their love ones o para humingi ho ng tulong sa gobyerno.
USEC. IGNACIO: Opo. Kaugnay naman po sa inilunsad na rapid pass system para sa ating mga authorized personnel, ano po ba ang kahalagahan nito?
Usec., narinig ninyo po ako? Ulitin ko po iyong tanong ko, Usec.
USEC. RIO: Naputol po.
USEC. IGNACIO: Iyon pong nilunsad ninyong rapid pass system para sa ating authorized personnel, ano po iyong kahalagahan nito?
USEC. RIO: Okay. Ang dating sistema natin ay itong tinatawag na Inter-Agency Task Force ID. Lahat ng mga frontrunners ng Departamento ay nagbibigay nito sa mga tinatawag nating forerunner, iyong Department of Health for example, iyong mga doktor, kami sa DICT iyong mga nagbibigay ng telecommunication. Pero ang problema ho ito ay kailangan mong i-print, kailangan mong ipa-deliver o kunin ng tao na nag-request nito at ito ho iyong bottleneck natin ngayon.
So ang pinairal ho, this is in the initiative ho ng Department of Science and Technology na sinuportahan ho ng Department namin, DICT, at through a private initiative ho ay ito na lang ho ang binibigay. Narito na ho sa tinatawag natin na QR code na ito ay narito na ho iyong pangalan, iyong mga personal circumstances noong may-ari nitong QR code na ito. At dito ho ay—kasama ho rito iyong picture, iyong picture ng taong may passes.
So ito lang ay ipa-flash lang sa mga nagmamando ng mga checkpoint at sila naman ay mayroong QR reader, isang cellphone din na madali nilang makita na kung iyong tao na gustong maglakbay sa checkpoint nila ay ito iyong mga APOR, iyong Authorized Person Outside of Resident. So mas mabilis na ho ngayon kasi dito ho nagkakaroon ng bottleneck lalo na ho sa mga delivery of goods na kailangan ay hindi ho talaga ma-delay o ma-impede. And of course iyong ating mga healthworkers, mga doctors ay dapat mabilis makapunta sa mga dapat nangangailangan sa kanila.
Ito ho ay inumpisahan ho last Friday, nagre-register na ho ngayon iyong mga nangangailangan ho nito at ito ay tuluy-tuloy na ho i-implement starting tomorrow ho.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po, DICT Undersecretary Eliseo Rio, Jr.
USEC. RIO: Salamat din po and stay home, stay safe, stay healthy.
USEC. IGNACIO: Thank you po, kayo rin po. Muli po nating balikan si Senator Bong Go mula po sa kabilang linya. Senator…
SENATOR GO: Pasensiya na po Usec. Rocky, naputol tayo kanina. Speaking about Malasakit Center, it’s a—ulitin ko, one-stop shop ho ito, batas na po ito. Lapitan ninyo lang po ito kung kailangan ninyo po ng tulong sa billing lang po ito, wala pong donasyon na nakakarating sa Malasakit Center, wala pong medical equipment – fake news po iyong pinapakalat nila. Alam naman natin ang Malasakit Center, processing po ito ng bill.
Halimbawa nagkasakit po kayo tapos package po ng PhilHealth P45,000, naging komplikasyon iyong kaso ninyo, lumapit lang po kayo sa apat na ahensiya ng gobyerno na nandiyan po sa one-stop shop na Malasakit Center. Tutulungan po kayo ng DSWD, DOH or PCSO para po maging zero balance ang billing.
Alam ninyo po, marami pong gustong manira sa amin, nagpapakalat ng fake news. Gaya ng sinabi ni Pangulo, punishable by law po itong fake news. Ako mismo pumirma doon sa Bayanihan Law, eh ako po ang naging biktima ng fake news. Alam ninyo nabanggit na po ng Pangulo, gusto nilang siraan kami, ang mga kalaban, and they want to destruct us. Gusto nila kaming sirain para – alam ninyo, ayaw nilang tumulong po kami at ayaw nilang gampanan namin ang aming trabaho – by spreading fake news!
Anyway, nabanggit na po ni Pangulo na patuloy po tayong magkaisa, pribado man po na tulong, tanggapin natin, pasalamatan natin. Ako naman sabi ko sa inyo, patuloy ninyo po ako maging tulay po sa lahat. Hindi ko po kailangan ng recognition, kahit na po huwag ninyo na po kaming pasalamatan dahil trabaho po namin iyan.
Sabihin ko na lang po sa inyo, iyong opisina ko po mismo tingnan ninyo sa pinto, ako lang iyong opisina diyan sa Senado, sana po makita ninyo nasa Facebook, ma-flash ninyo diyan sa screen ‘no – ‘Bong Go’ lang po iyan, wala pong nakalagay na Honorable o Senator diyan. Hindi ko na po kailangan magpakilala po. Dahil binigay na po ng ating Panginoon ang lahat sa akin. Isa lang po akong staff, probinsyano ng Davao, ginawang Senador. Ibabalik ko po sa tao. Tulad ni Pangulong Duterte, isang Mayor na probinsyano ginawang presidente. Ibabalik namin sa tao iyong serbisyong para sa kanila.
Hindi po namin ugaling maglagay ng pangalan. Hindi naman po natin maiwasan, nagbigay na po ng statement iyong Lucio Tan Group na without my knowledge po, nilagay nila iyong pangalan ko para po makarating doon sa mga pribado rin pong mga ospital na nangangailangan ng tulong. Kasi po sa ngayong panahon na ito, hindi po kayang tugunan ng gobyerno, ng DOH ang lahat ng ospital kaya marami pong mga pribado na gustong tumulong, tapalan iyong mga pagkukulang na hindi po kayang bigyan ng mga medical equipment.
Marami pong mga good Samaritans na mga pribado na mga kumpanya tulad ng LT Group, namimigay po sila; Shoppee Philippines, namigay po sila ng tulong sa iba’t ibang ospital. Hindi na po importante kung kanino galing. Ang importante po rito, makarating po sa dapat tulungan. Uulitin ko, hindi po namin kailangan ng recognition.
Alam po ninyo napakarami na pong nakarating sa malalayong lugar as far as Koronadal, sa dulo pong Mindanao, sa dulo po ng Luzon na mga equipment, pinapasakay naming sa eroplano, minsan sa barko, basta lang po makarating doon sa malalayong hospital na hindi po kaya tugunan ng gobyerno, eh mayroon pa pong nagpapakalat ng fake news, hindi po makakatulong iyan sa panahong ito.
Kung wala po kayong maitutulong, wala kayong maibigay na solusyon, dapat po i-quarantine na lang po ninyo ang iyong mga bunganga dahil hindi po makakatulong iyan. Puro po kayo critic eh wala naman po kayong solusyon na naibibigay sa panahong ito, nagbibigay lang po kayo ng problema sa ating mga kababayan. Baka bukas po panibagong fake news na naman po ang kakalat para siraan lang po kami ni Pangulong Duterte. Makarma na lang po kayo, konsensiya na lang po ninyo.
USEC. IGNACIO: Okay, salamat po. Pero Senator, kumusta daw po kayo; kayo ni Pangulo at kailan daw po kayo last na nagkausap ni Pangulong Duterte?
SENATOR GO: Parati naman po kami nagkakausap, halos araw-araw ay nag-a-update po kami. Ako naman bilang isang legislator ay importante po iyong oversight committee tingnan natin kung nabigay na kaagad iyong tulong.
Pero uulitin ko, si Pangulong Duterte nagtatrabaho iyan 24/7. Ako naman po hindi ko nililimitahan ang sarili ko bilang isang legislator o bilang isang senador lamang, magtatrabaho po ako, kahit anong trabaho po makapag-serbisyo lang po sa ating mga kababayan. Hindi ko po matiis po na hindi makapag-serbisyo, 24/7 po kaming magtatrabaho para sa inyo. Sana po malampasan natin itong krisis na ito. Sabi ko nga sa inyo, walang mayaman, walang mahirap sa panahong ito, survival na po ito ng bawat Pilipino at bawat tao; lahat po tayo ay tinamaan na. Pero huwag po nating kalimutan na manalangin sa Panginoon.
USEC. IGNACIO: Okay, muli maraming salamat po sa inyong panahon, Senador Bong Go.
SENATOR GO: Maraming salamat po. Sa mga kapatid kong Pilipino, ginagawa po namin ang lahat, kailangan lang po magtulungan po tayo, makiisa po tayo, mag bayanihan po tayo. Stay at home po tayo, dahil para hindi po kumalat itong virus na ito at alam natin napakadelikado nito. Maraming salamat po, mahal namin kayo.
USEC IGNACIO: Salamat po kay Senator Bong Go. Samantala upang alamin naman po natin ang estado ng supply ng tubig sa bansa. Ngayon naman po makakausap natin si Metropolitan Waterworks and Sewerage System Administrator Emmanuel Salamat. Magandang araw po.
Mukhang hindi tayo naririnig ni Administrator Salamat. Babalikan po natin siya.
Sa bahagi naman pong ito puntahan naman natin ang ating kasamahan na si Clodet Loreto live po mula sa PTV Davao.
[NEWS REPORT)]
SEC. ANDANAR: Upang alamin ang estado ng supply ng tubig sa bansa, ngayon naman po ay makakausap natin si Metropolitan Waterworks and Sewerage System Administrator Emmanuel Salamat. Magandang tanghali po sa inyo, General Salamat. General are you there? Okay wala si General Salamat sa linya. Balikan natin siya maya-maya lamang.
Sa puntong ito ay nasa linya natin si Administrator Jeci Lapus ng Local Water Utilities Administration. Magandang umaga po sa inyo diyan. Sir, kumusta po ang estado ng supply ng tubig sa mga probinsya at mga munisipalidad sa bansa?
ADMINISTRATOR LAPUS: Tayo po ay kagaya ng last year ay mayroon tayong kakulangan, pero pinag-iigihan po ng ating mga water districts na tugunan ang pangangailangan ng ating mga kababayan.
SEC. ANDANAR: Ano po iyong naging obserbasyon ninyo sa pagkonsumo ng tubig ng ating mga kababayan sa kabila po ng pinapatupad na Enhanced Community Quarantine sa Luzon?
ADMINISTRATOR LAPUS: Medyo lumakas po ang konsumo ng mga bahay-bahay dahil po dito sa sinasabi nating wash your hands; tapos nagbigay po tayo ng mga instructions na maglagay ng mga washing area sa mga lugar ng sinasakupan ng water district.
SEC. ANDANAR: Okay, ngayon po na may COVID-19 sa buong bansa ay isang mahalagang aspeto po ang tubig. Naku, summer na po, sir. Paano po naisasakatuparan ng LWUA na ang mga local water district sa buong bansa ay may sapat na tubig at kahandaan lalo na ngayong naideklara na nga ng PAGASA ang summer or tag-init?
ADMINISTRATOR LAPUS: Iyon na nga po, iyong mga tao natin, hindi po nila kaya na mag-quarantine at pinipilit tugunan ang pangangailangan na tubig ng ating mga mamamayan. Sila po ay 530 water districts at iyong iba ay 24/7 ang kanilang bantay dahil nasisira iyong mga daluyan ng tubig at kailangan pong makumpuni.
SEC. ANDANAR: At dahil nga sa banta ng COVID-19. Marami po sa ating mga kababayan, sir, ang talagang nangangamba na baka maubusan sila, eh baka matuyo po iyong supply ng tubig, kaya maganda po ang inyong assurance na hindi po tayo mauubusan ng tubig. Pero sa kabila niyan, ano po ang inyong mensahe sa ating mga kababayan, how to conserve water, sir?
ADMINISTRATOR LAPUS: Well, last year po, noong kinulang tayo ng tubig, nagbigay po kami ng mga babala na papaano tayo mag-conserve ng tubig: Kamukha ng mga paliligo, iyong paglinis ng sasakyan, iyong paghugas ng kamay. Ito po naman ay hindi natin nakikita na magkakaroon tayo ng talagang mahigpit na pangangailangan. Ang mga water district po natin ay tinutugunan iyong sakripisyo po nila sa pagbibigay ng tubig, ay parang kasama din ninyo, na laging handa.
SEC. ANDANAR: All right! Maraming salamat po sa inyong panahon, sir! Mabuhay po at just stay strong and healthy para po sa ating mga kababayan. Si sir Jeci Lapus po ang ating administrator, mabuhay po kayo, sir!
ADMINISTRATOR LAPUS: Maraming salamat po!
USEC. ROCKY: Samantala, makibalita naman muna tayo kay PTV correspondent Louisa Erispe mula po sa Valenzuela City – Lousia?
[NEWS REPORT BY PTV CORRESPONDENT LOUISA ERISPE]
USEC. ROCKY: Maraming salamat, Louisa Erispe.
SEC. ANDANAR: Makakausap din po natin ngayon si Ambassador Antonio Lagdameo ng Embassy of the Philippines diyan po sa London. Magandang umaga po diyan sa inyo sa London, ambassador!
AMB. LAGDAMEO: Magandang umaga rin sa inyo, Sec. Martin at si USec. Rocky! Una sa lahat, dalawang bansa ang nasa jurisdiction natin – ng Philippine Embassy sa London: United Kingdom at ang Ireland. Sa United Kingdom, mayroon tayong humigit-kumulang 200,000 Pilipino at sa Ireland naman, hihigit sa labing-walong libo ang mga kababayan natin.
SEC. ANDANAR: Kumusta na po ang lagay ng ating mga kababayan, sir?
AMB. LAGDAMEO: Sa awa ng Diyos ay okay naman dito, karamihan sa ating mga kababayan dito ay mga healthcare professionals kasi. Kagaya ng nurses, healthcare assistant, radiographers, at iba pang support staff ng mga ospital. Dito sa UK, aabot sa hanggang 21,000 ang mga Pilipinong nagtatrabaho sa National Health Service at sa mga pribadong ospital. Ang mga Pilipino naman ang pangalawa sa pinakamalaking bilang ng foreign workers sa NHS after India and followed by Ireland.
Sa Ireland naman, aabot hanggang 10% ng mga nurses sa kanilang Health Service Executive ay galing sa Pilipinas. Kaya masasabi natin na ang ating mga kababayan ay nasa frontline ng paglaban sa COVID-19 sa dalawang bansa.
SEC. ANDANAR: Mayroon na po bang napabalitang nagpositibo na Pilipino sa COVID-19 diyan po sa Ireland at sa UK?
AMB. LAGDAMEO: Sa pinakahuling datos na nakuha natin, sampung Pilipino at former Pilipino sa UK na nag-positibo sa COVID-19 at pito po naman sa Ireland. Apat naman sa kanila ang nabawian na ng buhay sa UK at mayroon ring 33 persons under investigation o iyong may sintomas ng sakit pero hindi pa lumabas ang test results, sa dalawang bansa, at four persons under monitoring o iyong walang sintomas pero na-exposed sa mga may sintomas.
SEC. ANDANAR: Go ahead, sir.
AMB. LAGDAMEO: Ilan sa mga persons under investigation ay mga nurses at healthcare workers. Patunay lamang kung gaano kadelikado ang kanilang trabaho sa ngayon.
SEC. ANDANAR: Para po sa ating mga kababayan na mayroong concerns diyan sa United Kingdom at Ireland, paano po nila kayo maaaring kontakin, ambassador?
AMB. LAGDAMEO: Mayroon kaming Facebook page dito na tuloy-tuloy na naglalagay ng mga kung anong balita na dapat ipalaam sa mga kababayan natin. Kagaya nga nitong may mga natanggap kaming mga reports na hindi daw nabibigyan ng PPE ang ibang mga nurses natin. Ipinaabot namin ang concern na ito sa UK government at sa mga recruitment agencies na nag-deploy ng ating mga nurses at sila naman ay nakikipag-ugnayan sa mga ospital kung saan nagtatrabaho ang mga kababayan natin.
Ayon sa kanila, iyong mga may direct exposure sa mga lugar kung saan may COVID-19 cases ay may sapat namang equipment, samantalang iyong nasa ibang bahagi ng ospital na wala namang COVID-19 cases ay pinag-iingat sa normal na paraan at binibigyan ng PPE kung kailangan.
SEC. ANDANAR: Maraming salamat sa inyong panahon, ambassador Antonio Lagdameo. Mabuhay po kayo sir and stay strong and healthy.
AMB. LAGDAMEO: Salamat Secretary at masasabi natin, walang mainam na gamot kung hindi panalangin ng buong sambayanan.
USEC. ROCKY: At upang alamin naman po ang estado ng supply ng tubig sa bansa, ngayon naman po ay makakausap natin si Metropolitan Waterworks and Sewerage System Administrator Emmanuel Salamat. Sir, magandang araw po!
ADMINISTRATOR SALAMAT: Magandang umaga po sa inyong lahat. Good morning po.
USEC. ROCKY: Sa ngayon po ay ipinatutupad pa rin po ba iyong rotational water interruption sa kabila po ng Enhanced Community Quarantine?
ADMINISTRATOR SALAMAT: Sa katunayan po, we are assuring the public po na mayroon po tayong sapat na supply ng tubig. Katunayan din po, we have requested iyong National Water Resources Board to increase our allocation from 42 cms to 46 cms since March 13 pa po, iyong early stage of our implementation ng Enhanced Community Quarantine.
So, iyon po ang contribution ng water utilities natin para makapaghugas po tayo, makapaligo at magamit din po iyong ating mga patubig para sa mga sanitation po. In fact, mayroon din po tayong assistance desk na binigay sa DPWH through our two concessionaires to—with regard to the installation of the sanitary gantries for vehicular sanitation doon po main tributaries po natin.
With that din po, na-reduce po iyong water service interruption natin from 67% to 87%, so, nakakapagserbisyo po tayo ng mas malaki ngayon kaysa sa dati with the increase allocation ng supply natin from Angat Dam.
USEC. IGNACIO: Opo. Magandang balita iyan, kasi napakahalaga po ng tubig sa mga panahong ito. Tungkol naman po sa payment extension ng mga water concessionaires, ano po iyong kanilang guidelines sa pagbabayad po ng water bill?
MWSS ADMINISTRATOR SALAMAT: Sa RO po iyan, pero ang pagkaalam ko po binigyan din po sila ng 30 days extension para mabigyan po sila ng sapat na panahon para makabayad din po at habang ino-observe po natin iyong enhanced community quarantine period.
USEC. IGNACIO: Opo. Administrator may mga kababayan din kasi na hindi mo maiiwasan may nangangamba doon sa tubig na dumadaloy sa mga kabahayan dahil baka raw po ito ay—maari bang ma-contaminate ng coronavirus? Paano po ninyo sinisiguro sa publiko na ligtas po ang tubig na dumadaloy o lumalabas sa aming mga gripo?
MWSS ADMINISTRATOR SALAMAT: Mayroon po tayong ano—we ensure iyong supply po natin ng water is dumadaan po siya sa Philippine National Standard for drinking water ho. So we ensure—ini-ensure po ng dalawang concession natin iyong compliant nila that our water is safe and compliant po doon sa Philippine National Drinking Standard po natin. So mayroon pong mga personnel tayo, both the concessionaire and the regulatory office na lumilibot po para i-ensure iyong inspection po ng tubig natin.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po, Administrator Salamat sa inyong panahon. Salamat po.
MWSS ADMINISTRATOR SALAMAT: Maraming salamat din po.
SEC. ANDANAR: Makakausap natin via phone patch si Isabela Governor Rodolfo Albano III. Magandang tanghali po sa inyo, Gov. Albano.
GOVERNOR ALBANO: Magandang tanghali, Sec. Martin.
SEC. ANDANAR: Sir sa ngayon, ilan na po ba ang naitalang nagpositibo sa COVID-19 diyan po sa inyong probinsiya?
GOVERNOR ALBANO: Lima na, iyong isa nakakalungkot taga-bayan ko pa naman ano. Siya’y iyong nag-swab doon sa taga-Alicia na nag-positive. So siguro sa kawalan ng PPEs naano siya, nahawaan.
SEC. ANDANAR: Anu-ano po iyong mga hakbang at plano po ng inyong probinsiya, ng inyong Provincial Capitol, inyong pamunuan para sa paghahanda dito sa COVID-19, Governor?
GOVERNOR ALBANO: Matagal na kaming nakahanda dito ‘no at may mga quarantine areas na kami na ginawa, iyong papasok sa Lalawigan ng Isabela, sa Cordon. Doon namin inaano iyong mga OFWs, kasi iyong mga OFW na pinauwi nila, kinu-quarantine muna namin sa Villa Amelita tapos kinausap namin iyong Isabela State University, doon sa mga dormitoryo nila, pinagamit muna sa amin iyon at saka sa Echague District Hospital. Doon namin kino-confine, kinu-quarantine itong mga nanggagaling Maynila, nanggagaling Clark na pinauuwi sa kani-kanilang mga probinsya na mga OFWs.
SEC. ANDANAR: At pagdating po sa ayuda sir, mayroon po tayong Social Amelioration Program ng DSWD, mayroon din po tayong assistance na binibigay mula sa Department of Labor and Employment. Kumusta po ang pakikipag-ugnayan ng DOLE at ng DSWD sa inyong tanggapan?
GOVERNOR ALBANO: Yeah. Iyong mga mayors ang nakipag-ugnayan sa DSWD ‘no, tapos iyong sa DOLE naman, nabalitaan ko na kahapon na online sila. Nagpapatupad sila ng ano… kaya Sec. ano, nakikiusap ako sa mga national government agencies bilang Chairman nitong RBC na sana lahat iyong mga—iga-guide nila kami noong mga interventions nila sa mga programa nila at saka iyong status ng implementation ng mga agencies nila tungkol dito sa programa, mga projects at saka mga assistance package na papasok sa LGUs.
SEC. ANDANAR: Sir, ano po ang inyong mensahe sa publiko at ano po ang inyong gustong iparating sa national government.
GOVERNOR ALBANO: Ay iyon nga gusto kong iparating ano, na sana i-coordinate nating mabuti sa amin kung sino na iyong mga—at kung kailan nila ibibigay iyong pondo sa amin kasi kami iyong pinuputakte eh, iyong mga mayors iyong pinuputakte ng mga tanong na kung kailan dadaloy iyong pinangako ng ating Pangulo ano na amelioration na ibibigay sa ating mga kababayan. At ini-explain pa po natin na hindi ho lahat ng tao mapagbibigyan dito. Pero ang kailangan lang namin iyong impormasyon para at least iyong mga hindi mabigyan, puwedeng saluhin ng provincial government at saka ng mga local government namin dito sa Lalawigan ng Isabela.
SEC. ANDANAR: Maraming salamat po sa inyong panahon, Governor Rodolfo Albano III ng Isabela. Sir mabuhay po kayo, salamat po.
GOVERNOR ALBANO: Yes, salamat Sec. Martin.
USEC. IGNACIO: Samantala sa puntong ito, dumako naman po tayo sa pinakahuling ulat mula sa iba’t ibang lalawigan sa bansa. Mula sa Philippine Broadcasting Service, makakasama po natin si Dennis Principe.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Samantala, makakausap naman natin ang ating kababayan na isang Filipino community leader sa New York City sa America na si Ernesto Pamolarco Jr. – magandang araw po.
PAMOLARCO: Magandang gabi ngayon dito, magandang araw diyan.
USEC. IGNACIO: Kumusta na po ang lagay ng ating mga kababayan diyan?
PAMOLARCO: Sa ngayon ay nananatili ang ating mga kababayan sa kani-kanilang mga tahanan dahil mayroon pong order ang governor ng New York na ang essential workers lamang ang puwedeng lumabas ng bahay at ang mga non-essential workers ay manatili sa kaniya-kaniyang mga tahanan.
Sa ngayon, ang mga guro o iyong mga taong may mga trabaho na puwedeng gawin sa bahay ay nagkakaroon kami ng—kaming mga guro ay nagkakaroon kami ng—mayroon kaming remote learning platform na ginagamit para maturuan pa rin namin ang aming mga estudyante dito.
At nais kong ibalita na na-overwhelm na po ang ating mga nurses dito, ang ating mga frontliners dito sa New York. Dahil sa ngayon ay umabot na po 1,941 ang namatay dito sa New York, at ang total number of cases, this is 30 minutes ago is already 83,948 in New York at ang mga naka-recover ay 6,142.
USEC. IGNACIO: Sir, so dapat po talaga iyong ibayong pag i-ingat po ninyo diyan sa New York. Ano po iyong mga pangunahing pangangailangan, kung mayroon man, ang ating mga kababayan diyan sa New York?
PAMOLARCO: Iyong face mask, kailangan lagi kang nagsusuot ng face mask pag lalabas ka ng bahay. At ugaliin na maghugas ng kamay at iyong ginagawa na natin dati iyong paglilinis at siyempre iyong pagkain ng mga masustansiyang pagkain. Dahil sa lockdown kami ngayon, so ang ating mga kababayan ay gumagawa ng paraan upang maging productive ang kanilang mga araw.
Kagaya ng iba kong mga kaibigan, ang ginagawa nila, gumagawa sila ng face mask at ibinibigay nila sa mga frontliners natin, dahil nga medyo kinulang po ng face mask. At alam ninyo kahit na first world country itong Amerika ay nataranta din, hindi rin nakapaghanda dahil itong pandemic na ito ay talagang matindi, mas matindi pa nga yata ito sa tinatawag na black death noong 1346 to 1353. Kaya lang ngayon, dahil mayroon tayong social media, alam natin, nababalitaan natin ang mga pangyayari. Pero kung hindi tayo magiging alerto o hindi tayo susunod sa ating gobyerno ay malamang baka malampasan pa natin iyong statistics na iyon – na umabot ng 200 million people died. Kaya dapat siguro sundin natin ang ating gobyerno, kung ano iyong panawagan ng gobyerno.
Dito sa New York, walang reklamo ang mga tao, kapag sinabi na doon lang kayo sa bahay, dito lang kami sa bahay, hindi kami lumalabas. Kaya iyong iba gumagawa ng face mask, iyong iba nag-e-exercise, iyong iba nag ti-tiktok, iyong iba nagluluto. At ako naman, dahil mahilig akong kumanta ay nagka-karaoke, just to keep myself busy.
USEC. IGNACIO: Okay, maraming salamat po Mr. Ernesto Pamolarco Jr. Mag-ingat po kayo diyan.
PAMOLARCO: Ay mayroon pa akong idagdag. Kasi kanina lang, 6:43 ng hapon, nag-text ang New York City ng emergency alert na nangangailangan sila ng health workers na mga lisensiyado sa buong Amerika. At hindi lamang sa Amerika, iyong aking kaibigan doon sa Ireland pinadalhan siya ng sulat para pumunta, isyuhan siya ng working visa or green card para lang magtrabaho dito sa New York.
Ganoon kakapos sa mga health workers ang New York. In fact, dito sa aking data na nakikita ngayon ay out of 912 patients isang doctor lang ang available. So, just imagine that! So kulang na kulang talaga sa mga health workers ang New York. At ang pinakasentro talaga, iyong epicenter talaga iyong nandiyan ngayon sa Elmer’s hospital kung saan marami tayong mga kababayang mga nurses na nagtatrabaho diyan, mga physical therapist. In fact, iyong isang physical therapist ay nasa critical na condition at ibang mga health workers natin ay nasa critical na condition ngayon dahil sa COVID-19 virus na ito.
USEC. IGNACIO: Okay, maraming salamat po sa inyong panahon at sa impormasyon na ibinigay ninyo sa amin. Mag-ingat po kayo.
PAMOLARCO: Maraming salamat po sa panahon at sa time na ibinigay ninyo sa amin. Mabuhay kayo diyan at mag-ingat kayo diyan at lahat ng mga kapwa ko Pilipino diyan sa Pilipinas, makinig po kayo sa gobyerno. Wala pong mayaman, walang mahirap, lahat tayo ay apektado!
SEC. ANDANAR: Sa kabila po naman ng krisis na dinaranas ngayon ng ating bansa dahil sa CVID-19, hindi pa rin matatawaran ang serbisyo at sakripisyo ng ating mga frontliners. Lalung-lalo na sa ating mga health workers, kaya naman po ang ilan sa ating mga atleta ay nagpaabot ng pasasalamat sa kanila. Panoorin po natin ito…
[VIDEO PRESENTATION]
SEC. ANDANAR: Marami na naman pong katanungan ang nabigyan ng kasagutan. Kaya naman po kami ay lubos na nagpapasalamat sa ating mga nakausap kanina sa kanilang oras at panahon na inilaan sa ating programa.
Pilipinas dito na natatapos ang ating public briefing ngayong araw para sa ating mga kababayan dito sa Pilipinas at sa buong mundo. Asahan po ninyo na patuloy kaming maghahatid ng mahahalagang impormasyon sa ating patuloy na paglaban sa COVID-19.
USEC. IGNACIO: Ang public briefing po ay hatid sa inyo ng iba’t-ibang sangay ng Presidential Communications Operations Office, sa pangunguna ng Peoples Television Network (PTV), kasama po ang Philippine Broadcasting Service at Radyo Pilipinas Network, Philippine Information Agency, Philippine News Agency, Office of Global Media Affairs, Bureau of Communications Services, National Printing Office and APO Production Unit and IBC13. Sa pakikipagtulungan ng Department of Health, kaisa ng Kapisanan ng Brodkaster ng Pilipinas o KBP.
SEC. ADNANAR: Sa kabila ng hamon at pagsubok na dumarating sa ating bansa, malinaw na kung tayo ay magkaisa malalagpasan natin ang lahat ng ito bilang isang bansa. Basta’t laging handa at sama-sama, kaya natin ito – muli ako po si Secretary Martin Andanar!
USEC. IGNACIO: Mula pa rin po sa Presidential Communications Operations Office, ako po si Usec. Rocky Ignacio.
###
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)