SEC. ANDANAR: Magandang araw sa lahat ng ating mga masusugid na tagapanood sa iba’t ibang panig ng mundo. Mula sa Presidential Communications Operations Office, ako po ang inyong lingkod Secretary Martin Andanar.
USEC. IGNACIO: Good morning, Secretary Andanar. Ako naman po si Usec. Rocky Ignacio mula pa rin po sa PCOO at makakasama ninyo rin sa paghahatid ng mga impormasyon ukol sa pandemyang patuloy nating kinakaharap.
Lagi po naming paalala sa lahat na ugaliing magsuot ng facemasks, mag-sanitize, i-observe ang physical distancing sa mga kasama at kung wala naman pong importanteng lakad ay manatili na lamang sa loob ng inyong mga tahanan.
SEC. ANDANAR: Good morning din, Usec. Rocky. Basta’t laging handa at sama-sama, kaya natin ito. Simulan na natin ang ating makabuluhang talakayan dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.
USEC. IGNACIO: As of 4 P.M., Secretary, kahapon, September 29, 2020 ay nakapagtala ang Department of Health ng karagdagang 2,025 reported COVID-19 cases sa bansa na sa kabuuan ay umabot na sa 309,303 na kaso; 50,925 sa bilang na iyan ang nananatiling active cases. Nadagdagan naman ng 290 ang bilang ng recoveries o mga gumaling mula sa sakit na sa kabuuan ay umabot na sa 252,930. Samantala, animnapu’t walo naman ang dumagdag sa mga nasawi na sa kabuuan ay nasa 5,448 na.
Mahigit isanlibo ang ibinaba sa kasong naitala kahapon na umabot lamang sa 2,025, ito na po ang pinakamababa sa nakalipas na isang linggo.
Ang National Capital Region pa rin ay nakapagtala ng karagdagang 628 cases, ito pa rin ang pinagmumulan ng pinakamataas na kaso sa bansa. Nasa ikalawang puwesto ang Cavite na may 279 new cases. Pumasok naman sa talaan ang Negros Occidental with 280 new cases. Samantala, ang Laguna ay nakapag-report ng 1,808 cases; hindi naman nalalayo ang Bulacan na may 102 na bagong kaso.
Sixteen point five percent (16.5%) na kabuuang kaso o 50,925 ay nananatiling aktibo, sa bilang na iyan ay hindi po kasama ang mga nasawi at naka-recover mula sa sakit.
SEC. ANDANAR: Malaking bahagi rin ng active cases ay mild lamang, katumbas ito ng 86.5%. Nasa 8.8% naman ang walang sintomas. Samantalang nasa 1.4% ang severe at 3.3% naman ang nasa kritikal na kalagayan.
Ang amin pong paalala sa lahat, maging BIDA Solusyon sa COVID-19. Kung kayo po ay lalabas ng bahay ay huwag kakalimutang magsuot ng facemasks at mag-face shield at magdala ng alcohol o hand sanitizer. Huwag din kakalimutan ang inyong quarantine pass, ganoon din po ang listahan ng mga bibilhin o mga gagawin sa labas ng bahay. Mainam din na magdala ng bottled water at tissue power. Kung gagawin natin ito, malaki ang maitutulong natin para labanan ang COVID-19.
Para sa inyong mga katanungan at concerns tungkol sa COVID-19, maaari ninyo pong i-dial ang 894-COVID o kaya ay 02-894-26843. Para naman sa mga PLDT, Smart, Sun at TNT subscribers, i-dial ang 1555. Patuloy rin kayong makibalita sa mga pinagkakatiwalaang sources ng impormasyon tungkol sa COVID-19, maaari ninyong bisitahin ang covid19.gov.ph.
USEC. IGNACIO: At para naman po sa ating mga balita: Namahagi ng gift cheque, food packs at nagpaabot ng financial assistance si Senator Bong Go sa tatlumpu’t isang pamilyang naapektuhan ng sunog sa Barangay 258, Zone 23 ng Sta. Cruz, Manila; at labing-anim na pamilya naman po sa Barangay 267 sa Tondo, Manila.
Bukod dito, nagbigay din si Senator Bong Go ng mga tablets sa mga estudyante na kanilang magagamit para sa online class. Nakatanggap din ng bisikleta ang ilan sa mga nangangailangang residente. Pakiusap lamang po ng Senador sa mga residente na palaging magsuot ng facemask at face shield upang makaiwas po na mahawaan ng sakit ng COVID-19.
Nagpahayag din ng suporta si Senator Bong Go sa Senate Bill #1844 na mag-o-authorize sa Presidente sa panahon ng national emergency na pabilisin ang proseso ng pag-isyu ng national and local permits and licenses.
Nagbabala rin si Senator Go sa mga opisyal ng gobyerno na hindi susunod sa Anti-Red Tape policy. Ayon sa Senador, suportado niya ang layunin ni Pangulong Rodrigo Duterte na ayusin ang burukrasya sa gobyerno na hindi lamang upang ma-improve ang ease of doing business sa bansa kung hindi pati na rin labanan ang korapsiyon sa gobyerno.
Aniya, kinakailangan ng polisiyang ito upang matulungang maka-recover ang ekonomiya sa krisis na dulot ng pandemya.
SEC. ANDANAR: Samantala, suportado rin ng Senador Bong Go ang pagbibigay ng kaukulang budget sa Philippine Drug Enforcement Agency at Dangerous Drugs Board sa mga programa nito kontra iligal na droga.
Hiling lamang ng Senador na siguruhing masugpo ng PDEA ang mga problema ng bansa patungkol sa mga isyu na may kinalaman sa iligal na droga.
Ayon kay Senator Go, importante kay Pangulong Duterte na tuluyan nang maalis ang mga problema sa droga. Kinakailangan nang sugpuin ang mga organisasyon at mga sindikatong may kinalaman dito.
USEC. IGNACIO: Samantala, mamaya po ay makakasama natin magbabalita sina John Mogol mula sa Philippine Broadcasting Service, si Alah Sungduan mula po sa PTV Cordillera, si John Aroa mula sa PTV Cebu, at Julius Pacot mula sa PTV Davao.
SEC. ANDANAR: Makakapanayam naman natin, Rocky, si Governor Ben Diokno ng Bangko Sentral ng Pilipinas; Parañaque Mayor Edwin Olivarez, ang Chairperson ng Metro Manila Council; at Ambassador Antonio Lagdameo ng Embassy of the Republic of the Philippines diyan po sa London, United Kingdom.
Kung may mga nais po kayong linawin sa ating mga resource person, i-comment ninyo lang po iyan sa ating livestream at sisikapin nating maipaabot sa kanila ang inyong mga katanungan.
Para po sa ating unang panauhin ngayong umaga ay subok na subok na po ang kaniyang galing at pagsiserbisyo sa taumbayan, nakapaglingkod bilang public servant sa tatlong administrasyon at ngayon po siya ay Governor ng Bangko Sentral ng Pilipinas. Upang mapag-usapan ang mga polisiya at proyekto na ipinatutupad ng BSP sa gitna COVID-19 pandemic sa Pilipinas ay makakasama na natin ngayong umaga si BSP Governor Benjamin Diokno. Good morning po, Governor.
BSP GOV. DIOKNO: Magandang umaga sa’yo, Sec. Martin and Usec. Rocky. Good morning.
SEC. ANDANAR: Kamakailan po ay naglabas kayo ng bagong memo para sa mga bangko at financial institutions bilang gabay sa kanilang mga pautang o loan sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act at nakasaad po rito ang implementing rules and regulations sa mandatory non-extendable 60-day grace period sa mga kasalukuyan nating mga pautang. Can you tell us more about this, Governor?
BSP GOV. DIOKNO: Well unang-una, itong batas na ito, itong Bayanihan II ay self-executory. Kaya lang maraming mga tanong na natatanggap ang Bangko Sentral so minabuti namin na mag-issue kami ng memo para naman mas madali pong ma-implement ano.
Iyong coverage nito ay lahat ng tinatawag na BSP-supervised financial institutions, kasama na rito ang mga bangko, quasi-banks, non-stocks savings and loan associations, credit card issuers, trust department corporations, mga pawnshops and other credit granting entities under the supervision.
Nakalagay sa batas na magkakaroon ng panibago… dahil doon sa Bayanihan I, kung natatandaan ninyo, mayroon na doong 30-day na palugit o grace period, in-extend natin ng another 30 days ngayon. Ito naman, bago na naman ito ‘no. One time mandatory pero non-extendable 60-day grace period na sa lahat ng mga loans with principal and interest, including amortizations, na dapat bayaran between 15 September at saka 31 December 2020 na dapat walang interest on interest, penalties, fees and another charges. So iyon ang nakasaad sa batas.
SEC. ANDANAR: Sakop po ba ng 60-day grace period ang lahat ng klase ng loan accounts hanggang sa employees benefit loans?
BSP GOV. DIOKNO: Sa lahat ng—alam mo mas malawak ang epekto nitong batas na ito. Kaya lang sinasabi ko lang iyong coverage namin. For example, iyong mga loans sa GSIS, SSS, kasama rin dito iyon ‘no; Pag-IBIG, mga ganoon. Ito ay applicable [garbled] institutions to their own workforce. So halimbawa, mayroon kang appliance loan, emergency loan, provident fund loan, kasama rin ito doon sa batas na ito. Kaya lang iyong memo namin, dahil iyong nasasakupan lang namin ay iyong mga BSP-supervised institutions. So iyon lang ang memo namin. Pero applicable sa ibang klaseng loans.
SEC. ANDANAR: Kinakailangan po bang mag-apply o mag-request sa mga BSP-supervised financial institutions ng mga borrower para magamit ang one-time 60-day grace period?
BSP GOVERNOR DIOKNO: Ah hindi, hindi na kailangang mag-apply. This law itself, sabi ko nga, is self-explanatory. So, iyong mandatory one-time 60-day grace period ay automatic iyon na kailangan ibigay ng mga BSP-supervised financial institutions at saka ng mga ibang lending institutions na katulad ng SSS, GSIS at saka iba pa ‘no, Pag-IBIG ganoon. So hindi nila kailangan mag-apply, this is already applicable to them without applying.
SEC. ANDANAR: Nito lamang September 8, 2020 ay inilunsad ninyo itong Digital PERA o Digital Personal Equity and Retirement Account na layong makapagbigay ng seguridad pampinansiyal sa mga Pilipino sa loob at labas ng bansa. Governor Ben, maaari ninyo po bang mas maipaliwanag sa amin ang layunin at kahalagahan ng Digital PERA?
BSP GOVERNOR DIOKNO: Alam mo itong batas na ito na-approve na ito noong mga 12 years ago kaya lang hindi siya na-implement dahil siguro pinagtatalunan pa ng Department of Finance noon. Kasi itong batas na ito ay nagbibigay ng tax exemption dito sa Personal Equity and Retirement Account at ang tingin siguro ng Department of Finance noon, noong mga nakaraang dalawang administrasyon ay malaki ang mawawalang pera sa gobyerno so medyo natulog ito ‘no.
Pero nitong sa under the Duterte administration, nakita naman namin na kailangan talaga ito para ma-supplement iyong nakukuha ng private sector workers sa SSS at sa government workers sa GSIS. So magandang batas ito so, nagdesisyon na kami ni Secretary of Finance Sonny Dominguez at ni Presidente rin na i-implement natin pero in-enhanced pa namin, ibig sabihin ginawa pa naming digital. So ang ibig sabihin nito kahit saang sulok ka ng mundo puwede kang mag-invest dahil gagamitin mo lang iyong mobile gadgets mo ‘no.
So ang layunin nito nga ay madagdagan iyong natatanggap ng isang retired personnel sa GSIS at SSS. Kasi alam mo Sec. Mart, ang natatanggap lang ng SSS retiree on average ay P5,123 samantalang sa isang GSIS naman ang natatanggap niya on average ay P18,500 ‘no. So tingin namin hindi iyon sapat para tustusan iyong pangangailangan ng isang retired personnel lalo na sa gamot kung may sakit at saka day-to-day expenses doon sa pagkain ‘no.
So maganda itong idea na ito, iyong PERA. So ang ibig sabihin nito kung ikaw ay isang Pilipino, may kapasidad kang magsubi, na mag-invest at ikaw ay mayroong TIN, iyong tax account number, puwede kang maging contributor dito sa PERA or kung nasa abroad ka, iyong asawa mo o iyong anak mo puwede rin silang mag-invest dito sa PERA.
SEC. ANDANAR: Ano po ang kaibahan ng Digital PERA sa iba pang existing investment at regular savings account?
BSP GOVERNOR DIOKNO: Ang kaibahan nito, unang-una doon sa savings account, alam mo iyong savings account kapag nagkaroon ka ng interest doon, iyong kinikita mong interest ay taxable iyon nang 20% final tax. Ito investment ‘no, tax exempt nga ito at in fact magagamit mo pa ito, iyong equivalent noong 5% noong kung magkano kinontribute mo sa PERA. Halimbawa 100,000 magagamit mo iyong 5% as an income tax credit kung may pagbabayaran kang buwis dito sa loob ng Pilipinas ‘no.
Tapos itong income na kikitain mo dito sa PERA ay exempted din ito from all taxes on investment income at saka ito ay hindi kinu-consider na asset for the purpose of insolvency and estate tax so, hindi ito subject to estate taxes. So ang kondisyon lang nito ay dapat hindi mo gagalawin siya for 5 years ‘no at magagamit mo ito, automatic ito kapag nag-reach ka ng age 55 ay makukuha mo siya nang buong-buo plus iyong interest.
At saka ito may option ka, kung bata kang nag-i-invest, siguro mas riskier iyong asset na paglalagyan mo kasi kapag mataas naman iyong risk mataas din iyong return. Pero kung medyo may edad ka na, malapit ka nang magretiro medyo conservative naman iyong investment mo so makakapili ka ng investment according to your risk appetite ‘no.
SEC. ANDANAR: Sino lamang po ang eligible na makapag-open ng kanilang Digital PERA? Nasa hanggang magkano po ang puwedeng maging contribution ng isang eligible member ng PERA?
BSP GOVERNOR DIOKNO: Well any Filipino citizen at may kapasidad na to enter into a contract, kailangan mo ng TIN, tax ID number at iyon naman ay required kung ikaw ay nagtatrabaho sa pribadong sektor o sa gobyerno or puwede kang kumuha sa BIR niyan, puwede kang maging contributor at puwede rin iyong asawa mo or iyong anak mo; ang asawa o anak ng isang Overseas Filipino Worker puwede rin silang magbukas.
Ang maximum nito na kontribyusyon ay P100,000 except for Filipinos who can contribute up to P200,000 – Filipinos abroad ‘no – P200,000 annually. For married individuals, kung mag-asawa kayo, iyong bawat husband and wife can contribute up to P100,000 each ‘no. So kada taon ito, ang minimum naman nito ay P10,000. So kung malaki ang kinikita mo puwede kang mag-contribute nang mas malaki. So pagdating mo ng age 55 malaki ang makukuha mong return dito sa investment mo na ito.
SEC. ANDANAR: Ano po ang mga investment products na maaaring makuha ng isang PERA contributor o member?
BSP GOVERNOR DIOKNO: Well ngayon marami nang option ang isang contributor ‘no, iyong tinatawag na UITF (Unit Investment Trust Fund). Ito iyong bagong investment product – shares of stock of mutual funds, annuity contract, insurance pension product, iyong pre-need pension plan, share of stock or other security listed and created in local exchange sa stock market natin, exchange traded bonds; government securities, iyong treasury bill, treasury bonds and any other category of investment products or outlets with the concerned regulatory authority may allow for PERA purposes provided that iyong produkto na iyon ay hindi speculative. It’s got to be non-speculative and readily marketable with track record of regular income payments to investors. Iyon ang range ng mga puwede mong paglagyan ng pera mo. Ikaw ang mamimili noon ha with the help of course of the investment advisor. Ikaw mamimili mo noong appetite mo for risk.
SEC. ANDANAR: Okay. Governor, maiba naman ho tayo. Kumusta po ang lagay ng Philippine Peso ngayon lalo na’t kasalukuyang humaharap ang ating bansa sa krisis dulot ng pandemya?
BSP GOVERNOR DIOKNO: Alam mo, mabuti natanong mo iyan Sec. ‘no. Ako, marami na akong nakitang krisis – noong Marcos years, noong Asian financial crisis, noong global financial crisis. Everytime nagkakaroon tayo ng krisis, nauubusan tayo ng dolyar sa pagbabayad natin sa utang. Unang-una nagdi-devalue kasi, nagdi-depreciate iyong peso natin ‘no. So halimbawa from 20 nagiging 34, nagiging 45 ganoon. So nauubusan tayo ng dolyar na pambayad ng ating utang, napakalaki noong mga panahon na nakaraan. Ngayon, dahil para huwag mag-depreciate iyong currency tinataas natin ang interest rate.
Ngayon, iba itong crisis na ito, although it’s unprecedented, napakaganda ng ekonomiya natin to the extent na napakadami nating dolyar ngayon. We have close to 100 billion US dollars na tinatawag na Gross International Reserves. So, walang threat na hindi tayo makakabayad ng utang, hindi tayo nauubusan ng dolyar.
Ang interest rate natin, bumaba at nag-cut kami ng policy rate ng 175 basis points or 1.75%, that ngayon napakababa na ng interest rate, kumpara noong mga nakaraang krisis, 2.25%. At saka napakalakas ng kumpiyansa naman sa piso natin, hindi nagdi-depreciate. In fact nag-a-appreciate; in fact, second strongest currency in the world and number one in Asia ang piso natin.
Sa kasalukuyan, siguro ay nasa around 48.50 and ma-assure natin ang ating mga kababayan na siguro steady lang ang value ng peso sa ganiyang rate. Siguro maglalaro iyan between 48.50 to 48.70, ganoon.
SEC. ANDANAR: Governor Ben, puntahan naman natin si USec. Rocky. Para sa katanungan ng ating mga kasamahan sa media, USec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Good morning, Governor Diokno. May tanong po tayo mula kay Evelyn Quiroz ng Filipino Mirror. Ito po iyong tanong niya, Gov.: Considering the effect of the pandemic on our economy, what measures have been implemented by the BSP to ensure ample liquidity and to help stimulate the economy?
BSP GOV. DIOKNO: Tama, magandang tanong iyan. Alam mo kapag nagkakaroon ng krisis, usually nagkakaroon ng takot inyong tao, nagwi-withdraw sila ng pera, iyong mga costumers at dahil nga dito sa lockdown nagsasara naman iyong mga businesses. So, ang problema lagi diyan kapag ganiyang mga krisis ay iyong tinatawag na liquidity.
So, unang-una naming ginawa ay kinat (cut) namin iyong reserve requirement, ito iyong parte ng deposito na ire-require namin ilagay sa Bangko Sentral; kinat namin iyan at 200 basis points or 2%. Bawat isang percent na pag-cut namin ay nagre-release kami sa sistema ng financial system ng around P100 billion. So iyong 2% cut namin, nag-release kami ng around P400 billion.
Ang dami naming ginawa, kinat din namin iyong interest rate, at iyon ay mabilis naming ginawa, in fact as early as February, hindi pa masyadong seryoso iyong krisis. So within five months na-cut namin ang interest rate 175 basis points; so, talagang napaka-strong noong action ng BSP. Suma total ay nakapag-release na kami ng… in terms of increased liquidity sa sistema na P1.5 trillion. That is equivalent to 7.6% of our Gross Domestic Product o iyong laki ng ekonomiya natin.
At sa mga tinatawag naman nating Micro-Small and Medium Enterprises, nagkaroon din kami ng innovative na patakaran na kapag any new loans, bagong pautang sa mga Micro Small and Medium Enterprises ay kinokonsidera namin na compliant na doon sa tinatawag naming reserve requirement. Dahil doon, nagkaroon ng panibagong pagpapautang sa mga Micro Small and Medium Enterprises na… last August around P109 billion additional lending to the micro enterprises.
SEC. ANDANAR: Governor, baka gusto po ninyo magbigay ng parting words sa ating mga viewers?
BSP GOV. DIOKNO: Well, alam mo mabuti noong tayo ay—when the pandemic hit us, we are in a position of strength, napakaganda talaga ng ekonomiya natin for the last ten years, lumalago tayo ng 6% so ang ating utang ay napakababa around 39.6% of our GDP.
Ang rule of thumb diyan, kapag 60% and below okay ka; and the fact, that is one of the lowest among the emerging economies, iyong piso nga ay napaka-steady, hindi katulad noong mga nakaraang krisis dahil na aatake. So, we were in a position of strength. Ngayon because of the pandemic, talaga namang unprecedented ito, lahat ng bansa sa buong mundo ay naapektuhan nito.
Pero lagi kong sinasabi na—I think we should not lose track of where we want to be say two, three years from now and ano ba talaga ang plano natin. Dapat patuloy natin na ginagawa iyong mga structural reforms na dapat talaga nating gawin habang tayo ay nahaharap sa isang krisis ngayon. So that after the dust settles ay tayo, ang Pilipinas ay magiging isang bansa na malakas, mas equal tayo, walang masyadong income disparity at saka competitive at safer. So, dapat we should think long term and we should take this opportunity to do these actual reforms that we have to do.
Huwag tayong laging nakatutok sa present, although kailangan natin iyong tatlong ‘WWWs’ na wear your mask, wash your hands and watch your distance, kailangan din natin iyon. We have to take care of the health protocol but at the same time let’s not lose track of our long, long term goals which is to make the Philippines a better, a stronger and a safer country.
SEC. ANDANAR: Maraming salamat po sa iyong panahon, BSP Governor Ben Diokno.
USEC. IGNACIO: Noong pong Lunes ay inanunsiyo po ang magiging quarantine classification ng iba’t ibang lugar sa bansa na magiging epektibo po mula October 1 hanggang October 31 bunsod pa rin iyan ng pandemyang patuloy nating nararanasan. Kaugnay niyan po makakausap natin ang Chairperson ng Metro Manila Council, walang iba po kung hindi si Parañaque Mayor Edwin Olivarez. Good morning po, Mayor?
MAYOR OLIVAREZ: Good morning po, Ma’am; magandang umaga po Secretary Martin.
USEC. IGNACIO: Opo. In-announce nga po noong Monday, Mayor, na mananatili po sa ilalim ng General Community Quarantine or GCQ ang Metro Manila kasama po ang Batangas, Tacloban City, Bacolod City, Iligan City at Iloilo City na magiging epektibo po buong buwan ng Oktubre. Ngunit bago pa man po nasabi iyong anunsiyo ay napagpulungan ninyo na po ng kapwa pong Mayor na hindi pa handa ang National Capital Region na mag-shift sa mas maluwag na quarantine measure.
So, anu-anu po iyong mga naging basehan ninyo kung bakit ninyo nirekomenda na manatili po sa GCQ ang Metro Manila?
MAYOR OLIVAREZ: Tama, USec, iyong nabanggit po ninyo. Prior po ng announcement ng ating mahal na Presidente through the recommendation ng ating IATF ay nagkaroon po kami ng pulong ating Metro Manila Council at nandoon po lahat iyong 17 Mayors at pinag-usapan po namin iyon pong atin pong recommendation tungkol po sa atin pong quarantine itong buwan na ito sa darating na October 1.
Nag-present po iyong ating DOH po doon at alam naman po natin na bumababa po iyong ating pong mga cases po natin all over the country at dito po sa ating Metro Manila at nakita po natin iyong pagbaba ng ating mga—iyong pagtaas ng ating recovery. Pero hindi pa po tayo pupuwede po talagang magluwag at para ma-sustain po natin iyong atin pong ginagawa na procedural sa health protocols.
Kasi ang kinakatakutan po ng ating mga local government units, kapag po tayo nagluwag o kapag dumami iyong ating mga operational capacity ng ating mga business, iyong ating mga public utility vehicle, baka magkaroon na naman tayo ng spike. So ang tingin po ng ating Metro Manila Council, we need another 30 days for GCQ.
USEC. IGNACIO: Mayor, nakapanayam po namin dito kahapon sa Laging Handa iyong OCTA Research Group kung saan po inilahad na may down trend sa positivity rate ng COVID-19 sa bansa, ngunit pinaalalahanan pa rin nila na mas dapat po mas pagbutihin pa iyong ipinatutupad na quarantine measures para po ma-sustain iyong positive trend na ito. Being the epicenter po ng naturang sakit, can you share with us po iyong mga naging pag-aksiyon ng Metro Manila nitong mga nakaraang linggo kaya naman po slightly bumaba po ang kaso ng COVID-19 dito? Sa inyo naman po diyan sa Parañaque bilang kayo po iyong tinaguriang role model sa paglaban sa COVID-19 sa buong Pilipinas.
MAYOR OLIVAREZ: Ang naging strategy po natin, ng atin pong mga LGU all over Metro Manila, iyon pong tinatawag nating PDITR(Prevent-Detect-Isolate-Treat-Reintegrate). Iyon pong atin pong Prevention, atin pong ipinatutupad iyong pagsusuot po ng ating mga face mask, iyong ating mga face shields, iyon pong social distancing po natin; at iyon pong atin pong tinatawag na detection; na iyon pong expanded testing, tuloy-tuloy pong ginagawa po iyan at iyon pong resulta po ng ating laboratory na dati pong tumatakbo nang isang linggo to ten days ngayon two to three days na po lumalabas na po iyong atin pong resulta ng atin pong mga molecular laboratory. At nagkakaroon po ng expanded testing all over Metro Manila, sa lahat po ng mga barangay na sinasakop ng bawat local government units.
At iyon pong importanteng-importante po doon, doon po sa atin pong ginagawang testing po diyan, iyon pong ating isolation. Kaya po iyong pinag-usapan po namin doon po sa Metro Manila Council iyon pong ating positive cases po natin. Iyong positive patient po natin kailangan po madala po isolation facility. At gusto ko pong ipaalam sa inyo sa buong Metro Manila at dito po sa amin sa Lungsod ng Parañaque ang dami na po nating mga isolation facility at inililipat po natin iyon pong mga positive po doon. At iyon pong mga probable at mga suspect natin, mga close contact, ay atin na pong inilalagay na po sa isolation facility at kung hindi po kakayanin ng particular local government unit po iyan, sinisigurado po natin na sila po ay naka-home quarantine mismo iyon pong close contact. Pero iyong positive inaalis po natin sa kanilang household po diyan, para hindi po lumabas po iyong ating naka-home quarantine at tinutulungan po iyan, inaayudahan ng ating local government units.
At after po ng isolation po iyong atin pong treatment, iyong ating critical care makikita po natin na bumaba na po iyong occupancy ng ating mga critical care all over National Capital Region. May mga bakante na po tayong mga ICU hindi katulad po ng nga nakaraan pong mga panahon na weeks o months, na punong-puno po iyong ating mga intensive care units. At iyong huling-huli pong ginagawang strategy po ng ating LGU, iyong Reintegration. Iyong reintegration sa community noon pong ating mga recoveries all over Metro Manila.
USEC. IGNACIO: Opo. Mayor, para po sa pagpapatuloy ng pagpapatupad ng GCQ bukas, are you planning to retain po iyong action plan na mayroon kayo ngayon na [line cut]
SEC. ANDANAR: Nawala si Mayor.
USEC. IGNACIO: Opo… Dinagdagan ninyo po ba iyong mga strategy na dapat ninyong ipatupad na mga pagbabago dito, Mayor?
MAYOR OLIVAREZ: Yes. Ang ginagawa po ngayon ng atin pong mga LGU po ngayon, hindi lang po iyon ang ating health protocol, kasi kailangan sagadin po natin iyong ating ekonomiya. So, doon na rin po papunta iyon pong mga strategy ng atin pong mga siyudad na pagbubukas po ng ating economy without compromising iyong atin pong healthcare po natin. Kaya nga po pinag-uusapan po natin ngayon, pero wala pa hong final po iyan, iyong tungkol po sa curfew, iyong tungkol sa curfew natin. Kasi unified po iyong ating curfew all over Metro Manila from ten o’clock in the evening hanggang five o’clock in the morning.
Binuksan na rin po ng atin pong Metro Manila iyon pong delivery na puwedeng mag-24 hours para po iyong atin pong negosyo ay tumakbo naman po. Pero sa mga susunod na pagpupulong po namin ng atin pong Metro Manila Mayors, ng MMC, ang pag-uusapan po iyong curfew po rito na hindi naman po masa-sacrifice o mako-compromise iyong atin pong health protocol.
USEC. IGNACIO: Opo. Mayor, sa tingin po ninyo kailan kaya posibleng maipasailalim po sa Modified General Community Quarantine ang Metro Manila at bakit po?
MAYOR OLIVAREZ: Kung magtutuloy-tuloy po itong ating trend, ito pong pagbaba ng ating mga cases po natin at iyong recovery po natin umaabot na po siya ng more than 90% ng ibang LGU po natin na recovery at ipagpapatuloy lang po natin iyong pagdisiplina sa ating mga constituents, palagay ko po hanggang katapusan ng October na ito, itong katapusan ng October na ito ay matapos natin iyong GCQ at hopefully with God’s graces, nito pong darating na November baka mag-MGCQ na po tayo sa pahintulot ng ating mahal na Presidente.
USEC. IGNACIO: Opo. Mayor mga tanong po tayo galing sa ating mga kasamahan sa media. Ito po iyong unang tanong mula kay Evelyn Quiroz ng Pilipino Mirror: Last month po, Senator Risa Hontiveros said that the designation of Cabinet members in local government units is toxic micro-management. Are Cabinet members still being designated as conduits sa mga LGUs po and what are the added benefits of such a practice?
MAYOR OLIVAREZ: Iyon pong ginawa po na nag-appoint po ng parang ‘big brother’ sa bawat local government units noong ating mga Secretaries ay malaking bagay po sa amin po iyan. Iyon pong atin pong link noong atin pong bridge ng ating national government at ng ating local government unit ay napadali. Kapag po may mga pangangailangan po kaagad ang local government unit mayroon na pong focal person na tumatayo po sa amin bilang big brother po namin para maasistihan po kami sa lahat po ng ating pangangailangan. At for the past weeks o past months na nagkaroon po ng tawag ng assignment iyong amin pong mga Secretary papunta sa aming LGU, malaking tulong po iyan sa paglaban po namin ng atin pong COVID, itong pandemic.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po mula kay Joseph Morong: Any update po sa decision on the curfews in Metro Manila?
MAYOR OLIVAREZ: Iyan po iyong nabanggit ko po kanina na iyon pong ating curfew pinag-aaralan na po iyan na matanggal po iyang curfew. Pero wala pa hong desisyon ang ating Metro Manila council po diyan. Ang naging desisyon lang po niyan iyon pong unified namin na ten o’clock in the evening hanggang five o’clock in the morning mananatili pa until now po iyan. Pero iyong deliveries po natin, iyong mga deliveries ng atin pong mga food chain, mga restaurant, 24 hours po iyan, pinapayagan na po iyan pero sa susunod na meeting po namin iyan po ay isa po sa pinaka-main agenda po natin para mabuksan na po natin ang economy po natin.
USEC. IGNACIO: Opo. Ang dagdag po ni Joseph Morong: What will be the strategy of the LGUs to go to MGCQ?
MAYOR OLIVAREZ: Okay. Iyong strategy po natin po, iyon pong patuloy na implementation ng ating health protocol. Kaya nga po kung makikita po nila, ipinatutupad po ng atin pong mga LGU iyon pong ating pagsusuot ng face shield, iyon atin pong ating face mask, iyong atin pong social distancing at dagdagan po iyong ating critical care. Iyan po iyong healthcare para po sa treatment para hindi po ma-overwhelm ang atin pong mga health workers po natin, iyon po ang atin pong ginagawa.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po mula kay Joan Nano ng UNTV: Inanunsiyo po ni Quezon City Mayor Joy Belmonte kahapon na kanselado na po ang pagdaraos ng Christmas party sa City Hall at sa halip po ay gagamitin na lang ang pondo para sa COVID-19 response ng LGU. Posible ba itong i-consider na gawin buong Metro Manila, Mayor?
MAYOR OLIVAREZ: Actually po, hindi lang po iyong mga Christmas party, iyon pong mga ibang mga projects ay nai-realign na rin po natin doon sa ating mga COVID prevention at doon po sa ating paglaban ng ating pandemic na ito. At siguro naman po iyong Christmas party po natin, iyan po ay gagawin po ng lahat ng LGUs sa Metro Manila. Mayroon po tayong hinaharap na pandemic po na ito, ito po ang ating bibigyan ng priority.
USEC. IGNACIO: Opo. Iyong second question ni Joan ng UNTV: May panawagan ang DTI na 100% na pong buksan ang mga business establishment para makabalik na sa pagtatrabaho ang ating mga kababayan, lalo na ngayong nalalapit na daw po ang December. So, ano po ang opinyon dito ng Metro Manila Council? Mayroon ba kayong pangamba sakaling buksan na nga daw po nang full operations ang mga business establishment lalo na sa mga mall?
MAYOR OLIVAREZ: Yes. Iyan po iyong pagdating po natin ng MGCQ. Kasi ito pong GCQ po natin koni-control pa rin po natin iyong pong ating pag-crowd, pag-gathering ng mga tao sa mga establishment sa mga commercial area at kapag na-sustain po natin po ito papunta po tayo sa MGCQ at iyon pong MGCQ natin ibig sabihin noon mas luluwag po iyong ating pagbubukas ng business, pero we could not sacrifice iyong atin pong minimum health protocol.
USEC. IGNACIO: Opo. So, Mayor, ulitin ko lang po kasi may tanong dito si Joyce Balancio ng ABS-CBN: Kung pabor nga po ang Metro Manila Mayors na 100% na ang opening ng ilang industries under GCQ?
MAYOR OLIVAREZ: Okay. Kasi under MGCQ po, ang maximum po natin doon sa mga establishment is 50% eh, kasi ngayon po ay 30% of full capacity iyan. Kasi ang MGCQ naka-quarantine pa rin po tayo, hindi pa ho tayo doon sa new normal. So, ibig sabihin po niyan, kung ano po iyong guidelines na ibinigay ng ating IATF regarding po sa MGCQ iyon po ang ipai-implement ng bawat local government unit sa Metro Manila.
USEC. IGNACIO: Mayor, maraming salamat po sa pagpapaunlak ninyo sa amin dito sa Laging Handa.
MAYOR OLIVAREZ: Maraming salamat po sa inyo; maraming salamat po, Secretary Martin.
SEC. ANDANAR: Nasa ikalabing apat na puwesto sa may pinakamataas na bilang ng COVID-19 cases sa buong mundo ang United Kingdom na tinatayang nasa mahigit 400,000 kaso at sa mga nakalipas na araw po ay patuloy ang pagtaas ng kaso sa London na siyang kabisera ng bansang Inglatera, sa UK.
Sa biglaang pagtaas ng kaso kumusta naman po ang ating Filipino community sa London. Kaugnay niyan makakasama po natin si Ambassador Antonio Lagdameo sa embahada diyan sa United Kingdom.
Magandang araw po sa inyo, Ambassador. Ambassador Lagdameo, can you hear me? Okay, balikan natin si Ambassador Lagdameo.
USEC. IGNACIO: Secretary, puntahan naman natin ang mga balitang nakalap ng ating mga kasamahan mula po sa Philippine Broadcasting Service. Ihahatid po iyan ni John Mogol. John?
(NEWS REPORTING)
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat sa iyo, John Mogol ng Philippine Broadcasting Service.
SEC. ANDANAR: Ambassador Antonio Lagdameo mula sa United Kingdom. Ambassador magandang araw po sa inyo.
AMB. LAGDAMEO: Magandang araw naman rin sa inyo. Hello sa inyo at kay Rocky.
SEC. ANDANAR: Ambassador, dahil sa patuloy na pag-akyat ng bilang ng COVID cases sa London ay inilagay na po sa lockdown o watch list ng UK government ang kabisera. Ambassador, ano po ang naging dahilan ng pagtaas ng kaso diyan sa London?
AMB. LAGDAMEO: Bueno, marami ang nagsasabi na sa kasalukuyan nga nagaganap na ngayon dito sa United Kingdom ang tinatawag nilang second wave of infections at patuloy ngang tumataas ang bilang ng mga confirmed COVID cases dito. Kung sabagay natukoy naman ng mga otoridad ang ilang local hotspots ng COVID-19 dito sa UK kung saan ang rate of transmission ay lubhang mataas.
Kaya naman ang mga ipinatutupad nila ngayong extra restrictions sa mga lugar na ito including sa buong Scotland at saka Northern Ireland. Katulad ng pagbabawal sa personal na pagkikita-kita ng mga hindi magkakasama sa isang tahanan; maagang pagsasara ng mga eating and drinking establishments at saka iyong mga compulsory wearing of face mask at iba pa.
SEC. ANDANAR: Ngayon po ba ay nasa watch list pa rin po na ila-lockdown ang London o isinasailalim po talaga sa lockdown?
AMB. LAGDAMEO: Hinigpitan lang nila iyong mga restrictions, pero madaming mga nandito naman ayaw nilang mag-total lockdown. Pinaghahandaan rin kasi nila ang regular winter flu season, kaya maski iyong sa regular na panahon eh madaming mga namamatay rin sa flu. Kaya ang pinapanigurado rin nila ngayon, na madaming na-vaccinate against the regular flu ng hindi ma-overburden ang health services sa flu at saka COVID-19.
SEC. ANDANAR: Anu-ano po ba ang ginagawa ng gobyerno diyan to address the crisis at nagkaroon na po ba ng mass testing diyan po sa inyo?
AMB. LAGDAMEO: They are trying to get as many test kits available and they have been ramping up the production so that they can do maximum testing. So they are—well, patuloy na nagdaratingan pa rin ang mga bagong mga Pilipino dito at nurses at—bueno, pinayagan na nga ng ating pamahalaan iyong mga may kontrata. Pero we are continuing to assist seafarers and other workers who are transiting through London. Pero hindi na kasing dami ng two months ago.
Kaya ang testing dito parang pinapalaganap nila para mahinto nga itong spread na ito.
SEC. ANDANAR: On the part of embassy, paano po tinitiyak na ligtas ang ating mga kababayan na naninirahan o nagtatrabaho diyan?
AMB. LAGDAMEO: Well, throughout this whole lockdown period and hanggang sa ngayon, the embassy has been serving the public with their consular needs, pero since dahil kailangan tayong magsagawa ng physical distancing, we are requiring everyone to book appointments before going to the embassy. However, we reply to all email received to our official email addresses and we also insure that our social media accounts show the latest updates and news from the Philippines.
Kaya ang aming inaano rin sa mga kababayan natin dito, the best way to contact the embassy is by email ang most of the information is already on our official website, www.londonpe@dfa.gov.ph. And we are servicing all the ones who need to have consular needs. But we have set up an appointment system so that we are able to practice distancing also while serving them, dahil mahirap rin iyong magsiksikan at ganoon nagkakandahawaan.
SEC. ANDANAR: Para po sa mga kababayang nawalan ng trabaho diyan, kumusta po ang pagtulong natin sa kanila sa pamamagitan ng DOLE-AKAP Program?
AMBASSADOR LAGDAMEO: Mayroong mga … iyong mga natutulungan na ng DOLE natin, iyong—bueno, mayroon tayo iyong mga binibigyan ng assistance nga ng DOLE na may—I don’t remember the exact amounts, but we are paying them, giving them the assistance. But most of our workers naman are still working there, doing their jobs in the NHS [National Health Service (UK)]. Iyon nga ang ating mga healthcare workers talagang kinikilala nila dito sa England na iyon ang mga masisipag at tuluy-tuloy nagtatrabaho even at the risk of catching the disease themselves.
SEC. ANDANAR: Maaari po ba kayong magbigay ng parting message sa ating mga kababayan, Ambassador Lagdameo? Salamat po.
AMBASSADOR LAGDAMEO: Bueno, ang panghuli, nais kong pasalamatan ang mga Filipino at Filipino-British and Filipino-Irish groups and individuals who look out for their fellow Filipinos through charitable projects and other activities that provide much needed support while we’re going through this pandemic. Salamat po sa inyong pagtutulungan at pagsusuporta sa bawat isa, lalo na sa mga mas lalong nangangailangan.
For our part at the embassy, we are ready to be of assistance to our all assistance to all our citizens and to all those who require our services. So you can get in touch with us and we will help as far as our regulations will allow and within the current health guidelines promulgated by both DFA and our host government.
SEC. ANDANAR: Maraming salamat po sa inyong panahon, Ambassador Antonio Lagdameo ng Philippine Embassy sa United Kingdom. Mabuhay po kayo.
AMBASSADOR LAGDAMEO: Salamat din sa inyo.
SEC. ANDANAR: Alamin naman natin ang pinakahuling balita mula naman sa PTV-Cordillera kasama si Alah Sungduan. Alah?
[NEWS REPORTING]
SEC. ANDANAR: Maraming salamat, Alah Sungduan ng PTV-Cordillera.
Mula naman sa Cordillera, puntahan natin ang mga kaganapan sa Cebu kasama si John Aroa. John?
[NEWS REPORTING]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa’yo, John Aroa ng PTV-Cebu.Samantala, magbabalita naman diyan sa Davao City, kasama natin si Julius Pacot. Julius?
[NEWS REPORTING]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Julius Pacot ng PTV-Davao.
Samantala, pasalamatan din natin ang ating mga partner agency para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas. Salamat din po sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19. Mabuhay po kayo.
SEC. ANDANAR: Usec. Rocky, walumpu’t anim na araw na lang, 86 days na lang Pasko na.
USEC. IGNACIO: Eighty-six.
SEC. ANDANAR: Eighty-six, at nakahanda na iyong aking regalo sa iyo – naka-wrap, napakalaki ng regalo.
USEC. IGNACIO: Sana hindi naman problema iyong regalo ninyo, Sec., ha? Malaki ha, ibig sabihin niyan maganda.
SEC. ANDANAR: Kailangan ay bubuhatin mo, padala ka muna ng truck dito dahil napakabigat.
USEC. IGNACIO: Secretary, may ref pa ako, Secretary.
SEC. ANDANAR: Anyway, pairalin natin ang pagkakaisa at pagbabayanihan lalo na ngayon na may krisis tayong kinakaharap.
At diyan po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Muli’t muli po naming paalala, be the part of the solution: Wear mask, wash hands, keep distance, stay at home.
Ako po ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar mula sa PCOO.
USEC. IGNACIO: At ako naman po si Usec. Rocky Ignacio mula pa rin sa PCOO.
SEC. ANDANAR: Samahan ninyo po kami bukas dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.
###
—
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)