Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar and Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location People’s Television Network, Inc. (PTV), Quezon City

SEC. ANDANAR: Magandang umaga sa lahat ng ating mga kababayan sa loob at labas ng bansa, ngayon po ay Lunes, November 30, 2020, kung kailan ipinagdiriwang natin ang buhay at kapanganakan ng Ama ng Katipunan na si Andres Bonifacio.

Ako po ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar mula sa PCOO. Good morning, Rocky.

USEC. IGNACIO: Good morning, Secretary Martin; ako naman po si Usec. Rocky Ignacio.

Ngayon pong Bonifacio Day ay muli nating pasalamatan ang ating mga bagong bayani na patuloy na umaalalay sa ating bansa sa gitna ng kalamidad at pandemya. Sa ating mga doktor, nurse at iba pang medical workers, mga sundalo, pulis, media personnel, at sa mga patuloy na naglilingkod sa kapuwa at sa ating bayan, maraming salamat po sa inyo.

SEC. ANDANAR: At lagi nating tandaan, basta sama-sama at laging handa, kaya natin ito. Ito po ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Sa pinakahuling bulletin na inilabas ng DOH, umakyat sa 398,624 ang bilang ng mga gumaling sa bansa matapos itong madagdagan ng 10,579 kahapon. Ito ay 92.7% ng kabuuang bilang ng mga nagkasakit ng COVID-19 sa Pilipinas na ngayon ay nasa 429,864 na, na kahapon ay nadagdagan ng 2,076 ng mga bagong kaso. Apatnapu naman ang nadagdag sa mga nasawi sa kabuuang bilang na 8,373. Nasa 22,867 naman ang mga kasong nananatili pa ring aktibo na may COVID-19.

Sa nakalipas na anim na araw na naging tuluy-tuloy ang pagtaas ng reported cases, kahapon ay muli itong sumampa sa 2,000-mark na umabot sa 2,076 cases. Ang pinakamalaking bilang ay nagmula sa Quezon City na may 137 new cases; ang Laguna ay nakapagtala rin ng 122 cases; na nasa ikatlong puwesto ang Cavite na may 103 na bagong kaso; ang Batangas ay may 96 cases; at ang Angeles City ay nakapagtala ng 79 new cases.

USEC. IGNACIO: Bumaba naman sa 5.3% ang total cases ang bilang ng mga aktibong kaso o iyong mga hindi pa gumagaling sa sakit. Ang pagbaba ay dahil sa malaking bilang ng recoveries na naitatala tuwing Linggo. Eighty-two point nine percent sa mga aktibong kaso ay mild cases lamang, 7.4% ang walang sintomas, 6.1% ang kritikal, 3.2% ang severe at .34% naman ang moderate cases.

Samantala, ang amin pong paalala sa ating mga kababayan na bumibiyahe gamit ang pampublikong transportasyon, sundin po natin ang seven commandments:

  • Una, huwag pong kakalimutang magsuot ng facemask at face shield;
  • bawal ang pagsasalita, pakikipag-usap o pagsagot ng telepono;
  • ipagpaliban din muna ang pagkain;
  • kinakailangan din ang may sapat na ventilation;
  • kailangan may frequent disinfection;
  • bawal magsakay ng symptomatic passenger;
  • at panghuli, kinakailangan sumunod sa appropriate physical distancing.

Muli, maging BIDA Solusyon sa COVID-19.

SEC. ANDANAR: Para sa inyong mga katanungan at concerns tungkol sa COVID-19, maaari ninyo pong i-dial ang mga numerong 02-894-COVID o kaya’y 02-894-26843. At para naman sa mga PLDT, Smart, Sun at TNT subscribers, i-dial po ang 1555. Patuloy rin kayong makibalita sa mga pinagkakatiwalaang sources ng impormasyon tungkol sa COVID-19, maaari ninyo pong bisitahin ang covid19.gov.ph.

USEC. IGNACIO: Samantala, muli pong nagpapaalala ang ating pamahalaan na umiwas muna sa anumang social gathering na inaasahan dahil sa nalalapit na Pasko. Hinimok ng IATF na baguhin ang guidelines na aakma sa holiday season. Narito po ang report:

[VTR]

SEC. ANDANAR: Three hundred fifty bus laborers at workers sa Caloocan City hinatiran ng tulong ng pamahalaan; mga mangingisda, market vendors at displaced workers naman sa Lalawigan ng Siquijor nakatanggap din ng ayuda. Narito ang ulat:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Samantala, mga biktima ng Bagyong Ulysses sa Isabela Province binigyan ng assistance ng pamahalaan at ng tanggapan ni Senator Bong Go. Ang detalye sa report na ito:

[VTR]

SEC. ANDANAR:   Tuluy-tuloy po ang ginagawang pakikipag-ugnayan ng DOST sa iba’t-ibang pharmaceutical company companies sa buong mundo na nagdi-develop ng posibleng bakuna sa COVID-19. Para alamin ang pinakahuling balita dito, makakausap natin si Dr. Jaime Montoya, Executive Director ng Philippine Council for Health Research and Development ng DOST. Magandang umaga po, Dr. Montoya.

DR. MONTOYA:Magandang umaga po, Secretary.

SEC. ANDANAR:   Doc, noong Biyernes ay pumirma na ng 600-Million deal ang ating pamahalaan sa isang tripartite agreement between the private sectors at AstraZeneca for the COVID-19 vaccine na posible daw dalhin dito sa Pilipinas by second quarter of 2021. But AstraZeneca recently mentioned that they will have to conduct fresh clinical trials because of its varied results. Ang DOST po ba ay nakikipag-ugnayan sa AstraZeneca with the latest development on their clinical trials?

DR. MONTOYA: Opo. Ang magandang balita po dito, ang DOST po ay nakikipag-usap sa AstraZeneca at katunayan ang AstraZeneca po ay nag-sign na po ng confidentiality data agreement, para po ang ating mga Vaccine Expert Panel ay matingnang mabuti ang datos na kanilang isa-submit at datos nila based on the Phase 1 at Phase 2 clinical trial. Bukod pa po dito, sila po ay magko-conduct o magsasagawa ng clinical trial dito po sa ating bansa, Phase 3 clinical trial, kaya ito po ay isang pagkakataon para maberipika rin natin kung ano po man iyong mga katanungan na ibinibigay sa kanila ng press at ng iba’t-ibang tao po tungkol sa resulta ng kanilang Phase 3 Clinical Trial.

SEC. ANDANAR:   May dapat ba tayong ipag-alala sa effectivity ng vaccine ng AstraZeneca considering na marami rin daw pong kumukuwestiyon na mga eksperto sa pag-conduct ng clinical trials ng AstraZeneca in UK and in Brazil?

DR. MONTOYA: I think ang kailangan po nating gawin dito is we just have to wait for the official publications regarding the data that they have been talking about. For now po, ang Vaccine Expert Panel are basing their evaluation on the documents submitted to them by AstraZeneca in line with their intention to conduct clinical trials here in the country.

So, let us await the evaluation po of the data to be done by our Vaccine Expert Panel in cooperation with AstraZeneca.

SEC. ANDANAR:   Kumusta po ba ang application ng AstraZeneca to conduct a clinical trial dito naman sa Pilipinas? Ito po ay expected to happen by early next year?

DR. MONTOYA: Opo. The AstraZeneca po nag-submit ng kanilang application for the conduct of a clinical trial Phase 3 as of last November 20 at ang VEP po, ang Vaccine Expert Panel, ay nakumpleto na po ang kanilang initial na evaluation tungkol po sa trial na ito at ibinigay na po nila ang kanilang katanungan sa AstraZeneca, and currently AstraZeneca is preparing the response to these questions po.

So, hopefully kung masasagot po nila lahat itong mga katanungan na ito, mairirekomenda na po ito ng Vaccine Expert Panel sa ating Ethics Review Committee at sa FDA na siya pong magbibigay ng pinal na desisyon kung ito po ay gagawin sa Pilipinas o hindi.

SEC. ANDANAR:   Kapag ba na-grant ng USFDA ang authorization to use the vaccine of the three big pharma companies, including AstraZeneca ay kailangan pa rin nilang mag-seek ng approval from our own FDA bago ito madala sa loob ng Pilipinas?

DR. MONTOYA: Tama po kayo, Secretary. Kailangan pa rin po na maaprubahan ng ating Food and Drug Administration kahit na po sila mabigyan ng Emergency Use Authorization ng ibang bansa katulad ng Amerika. Katunayan po dito ay tayo rin po ay magkakaroon ng kapangyarihan na mag-issue ng Emergency Use Authorization, ang ating FDA, sa pamamagitan po ng Executive Order na manggagaling po sa ating Pangulo. So, ito po ay inaantabayanan natin at katulad ng sinabi ko ay kailangan pa ho silang kumuha ng approval sa ating FDA.

SEC. ANDANAR:   Kumusta naman po ang pakikipag-usap natin with other countries especially with the United States kung nasaan ang Pfizer for the vaccine? Are we given the guarantee and commitment na we will be getting our share of the vaccine from the as early as ma-approve po ito?

DR. MONTOYA: Ang Pfizer po ay hindi magsasagawa ng clinical trial sa ating bansa pero patuloy po ang ating negosasyon sa Pfizer dahil sila po ay of course, magbibigay po ng supply sa ating bansa at ito po ay pinamamahalaan ng Task Group on Engagement and Negotiations at saka iyong Task Group of Procurement and Finance na pinangungunahan po ng DFA at ng Procurement Service po ng Department of Budget and Management.

SEC. ANDANAR:   Puntahan naman natin ang mga tanong mula sa media. Go ahead, Rocky.

USEC. IGNACIO:   Thank you, Secretary Martin. Tanong po mula kay Red Mendoza ng Manila Times: Is the DOST-PCHRD ready to consult the private sector on the purchase of vaccine that they would plan to procure for themselves after the agreement of the government and private sector last Friday, Dr. Montoya?

DR. MONTOYA: Salamat po sa tanong. Iyan pong katanungan na iyan ay tungkol sa prioritization, kung sino po ang unang bibigyan ng bakuna. Kung ang pag-uusapan po natin ay ang tripartite agreement, ito po ay susunod pa rin sa panuntunan na pinag-uusapan na ngayon, ipa-finalize po ng ating Department of Health, at ito po ay magsasabi kung sino po ang mauunang bakunahan.

Ito po ay susundin ng ating private sector. Although ang pag-uusap po ay since sila po ay nag-contribute, sa pagbibili ng bakuna ay ang ibang supply po nito ay mapupunta sa kanilang mga empleyado sa iba’t-ibang industriya na kasama po dito sa tripartite agreement.

USEC. IGNACIO:   Opo. Pahabol na tanong pa rin ni Red Mendoza ng Manila Times: In last Saturday’s briefing po, Usec. Vergeire said that of the AstraZeneca vaccine is not approved by the Panel, it will not be allowed for purchase or distribution in the country. Has the Panel told this rule to our bilateral partners and those planning to do clinical trials or procurement in the country?

DR. MONTOYA: Tama po kayo. Kung makikita ninyo po ang ating steps para makakuha po ng approval sa FDA, nagsisimula po iyan sa ating Vaccine Expert Panel. Kung ito man ay for clinical trials or kung ito man ay para sila ay makapag-register at maging available sa ating merkado, kailangan po na irekomenda sila ng Vaccine Expert Panel.

So, kung hindi po sila irirekomenda ng Vaccine Expert Panel, hindi rin po sila mabibigyan ng approval ng ating FDA.

USEC. IGNACIO:   From Aiko Miguel po ng UNTV: May update na po ba sa sa result ng VCO trials sa Laguna? Ano na po ang next step? Also, iyon daw pong paggamit ng melatonin, ilan po ang participants dito at ano po ang nakikita nating effect nito to those who are undergoing this treatment?

DR. MONTOYA: Tungkol po sa VCO, dalawang pag-aaral po iyan, iyong isa po iyong ginagawa sa komunidad sa Laguna, natapos na po iyan at ang datos po ay tinitingnan na at pinag-aaralan at magkakaroon po ng separate briefing para po sa ating mga kaibigan sa press tungkol sa resulta po ng ginawang pag-aaral na ito sa Laguna.

Iyong isa pong pag-aaral na sa ospital naman, para po sa mga moderate cases ng COVID-19 na nangangailangan ng hospitalization, ito po ay ongoing pa. So, ito po ay baka early next year na po ito matatapos. Tungkol po sa melatonin, as of two weeks ago po ay naaprubahan na siya ng FDA, napayagan na po siya para mag-conduct ng clinical trial. Kaya nagsisimula na po ang recruitment ng pasyente o mga volunteers para po sa melatonin.

Ang melatonin po, base po sa mga pag-aaral, ay isang gamot po na ginagamit para po makatulog ang mga tao pero ito po ay may iba pang mga gamit at ito po ay posibleng may kinalaman sa COVID-19 para mabawasan po ang immune response na nakasasakit o nakada-damage po ng mga organs ng mga may COVID-19. So ito po ang tinitingnan natin na baka siya ay makatulong na maiwasan po na ang ating mga may COVID-19 ay maging kumplikado o magkaroon ng kumplikasyon na nangangailangan ng paggamit ng respirator po. So ito po ang titingnan ng pag-aaral na ito.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman mula ay Kristine Sabillo ng ABS-CBN News Online: May update na po ba sa clinical trials para sa Lagundi at Tawa-tawa? At gaano na kadami ang participants? At kailan daw po ang target end date ng studies?

DR. MONTOYA: Salamat po sa tanong. Iyong Lagundi po ay nauna sa Tawa-tawa so mas nauuna po siya. Pareho po silang may phase 1 and phase 2. Iyong phase 1 po ay para malaman iyong taas ng dose o dami ng gamot na kailangang inumin. At iyong ikalawa naman ay iyong actual na pagtingin kung ito po ay epektibo sa mga may COVID-19.

Ang Lagundi po ay natapos na ang phase 1 so nasa phase 2 na po siya at ito po ay magtatagal ng mga dalawa hanggang tatlong buwan, depende po ito sa bilis na makakuha po sila ng mga volunteers.

At sa ano naman po, sa Tawa-tawa, sabi ko po ay nagsisimula pa lang po ang phase 1. Hopefully po ay kung iyan ay mabilis po ang kanilang pagkuha ng mga volunteers, baka po by next week or two weeks from now ay magsisimula na po ang phase 2, iyong titingnan po natin kung epektibo po iyong Tawa-tawa o makatutulong para sa mga may COVID-19. So ito po ay magtatagal din ng dalawa o tatlong buwan.

USEC. IGNACIO: Opo. Follow up po niya: May update na po ba tungkol sa Sinovac and Clover application? Bukod sa kanila, may iba pa daw pong pumasa sa vaccine experts’ panel at mayroon po bang bagong nag-a-apply?

DR. MONTOYA: Again, salamat po sa tanong. Ang Sinovac po ang unang nakalusot po sa vaccine expert panel at kasalukuyan pong tinitingnan ng ethics review committee. Mayroon lang pong mga katanungan na kailangang sagutin ang Sinovac bago po ito ibigay sa FDA for the final regulatory approval.

Ito naman pong Clover, ganoon din po, nakalusot na siya sa vaccine expert panel at ito po ay kasalukuyang niri-review na rin po ng ethics review committee bago po ito ibigay sa ating FDA.

So sa kasalukuyan po, patuloy pa rin po ang evaluation ng mga iba pa na tinitingnan ng ating vaccine expert panel – ito po iyong Gamaleya, iyon Sputnik V vaccine ng Russia; Janssen po at ito pong pinakahuli po ay ang AstraZeneca.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman mula sa kay Joseph Morong ng GMA News: What are the schedules for clinical trials of vaccines and from what companies and countries?

DR. MONTOYA: Well, kung titingnan po natin iyong mga nauna nang nakalusot o nirekumenda ng ating vaccine expert panel, ito po ay nauna ang Sinovac, sinundan po ng Clover Biopharmaceuticals. So kung sila po ay mabilis ang pagsagot sa mga tanong ng ethics review board at saka po ng FDA, sila rin po siguro ang mauuna na maaprubahan para mag-conduct ng clinical trial na kung ito po ay base sa plano at walang problema ay baka po magsimula nitong Disyembre o early January.

Dapat ko pong sabihin din iyong solidarity vaccine trial na tayo po ay naghahanda na na anytime po this month of December magsisimula. At ganoon din po ang susundin na proseso at tingnan po natin na ito’y magsisimula sana po ng December or early January.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin ni Joseph Morong, Dr. Montoya: When is the earliest time that we could have a mass vaccination?

DR. MONTOYA: Mass vaccination, kung ang inyong ibig sabihin ng mass vaccination ay million ang bibigyan ng bakuna, ang atin pong estimate dito ay nasa second quarter pa rin po next year. So either po June or July.

Pero patuloy po ang negosasyon natin sa mga supplier ng bakuna na kung sila po ay magiging successful ay sana po mas mapapaaga iyong availability ng bakuna. Pero as of now po, iyon po ang ating petsa na tinitingnan sa ngayon po, mga June or July po next year.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat po, Dr. Jaime Montoya, Executive Director ng Philippine Council for Health Research and Development ng DOST. Mabuhay po kayo, sir!

DR. MONTOYA: Maraming salamat po.

SEC. ANDANAR: Samantala, alamin natin ang pinakahuling hakbang ng Department of Health sa patuloy na pakikipaglaban sa COVID-19, makakapanayam po natin si Secretary Francisco Duque III. Magandang umaga po sa inyo, Secretary. Welcome back to the Public Briefing.

DOH SEC. DUQUE: Yes. Magandang umaga sa’yo, Kalihim Martin Andanar of the PCOO at higit sa lahat sa atin pong mga kababayan. Sa ngalan po ng Department of Health, isang mapagpalang araw po sa ating lahat.

SEC. ANDANAR: Pinirmahan na po ng inyong tanggapan sa DOH at ng DTI ang isang joint administrative order na naglalagay ng price range sa RT-PCR tests sa bansa kasunod ng utos ni Pangulong Duterte na tugunan ang mga reklamo sa mahal na singil ng ibang ospital at laboratories. Would you like to elaborate, Secretary, kung magkano na ang presyo para sa RT-PCR? And how did DOH and DTI come up with this price range?

DOH SEC. DUQUE: Unang-una, tumpak po kayo, napirmahan na po natin iyong joint administrative order kasama po ang DTI noon pong Nobyembre 25, nakaraang linggo. At may kaakibat po ito na inilabas din noong Biyernes, nakaraang linggo, na department circular na kung saan ay malinaw na nakatatag na ang tinatawag nating price range para po sa pribadong sektor na mga laboratories. Ang kanila pong singilan or testing fees, mayroon pong floor or minimum na 4,500 at ang kanila pong maximum ay 5,000 pesos per test. Ngayon naman po, para sa pampublikong mga laboratoryo, iisa lang po ang itinakdang singil or fee, ito po ay nasa 3,800 pesos.

Sa katanungan na ano ang naging batayan, kung paano po naipalabas itong price range para po sa testing fees ng mga iba’t ibang laboratoryo ay nagsagawa po ng pag-aaral ‘no, ng malawakan at malaliman na pag-aaral ang DOH, DTI kasama po iyong tinatawag nating expert panel at mayroon pong iyong EpiMetrics na kasama din po natin sa paglikha ng ating maximum drug retail price, at sila rin po ang nagsagawa ng pag-aaral na ito.

At kinunsidera po rito iyong makatarungan, iyong sensitibo at iyong kayang abutin ng atin pong kababayan na presyo ng singilan. At ito po ay gumawa po sila ng survey or market study at kung saan lahat po ng singil ng mga lampas kalahati ng mga hundred seventy plus public and private laboratories, at inaalam po nila iyong minimum, median and maximum fees na sinisingil ng mga iba’t ibang laboratoryo ke pampubliko o pribadong mga facilities.

So dito ay ang naging batayan kaya po nila na-formulate iyong price range na 4,500 to 5,000 para sa private laboratories; at ulit, 3,800 for public laboratories. Today is the official effectivity of this department circular on price range.

SEC. ANDANAR: Dahil para sa plate-based RT-PCR pa lang ang price range na ito, kailan naman mailalabas ang price range para sa cartridge-based RT-PCR at sa antigen test?

DOH SEC. DUQUE: Well, unang-una, susunod na po iyan ano. Iyong para po sa ating tinatawag na cartridge-based RT-PCR ay magkakaroon po ng hiwalay na department circular po ito at sa kasalukuyan ay inaalam po kung ano ang makatarungan at sensitibong presyo na abot kaya ng atin pong mga kababayan. Ganoon din po naman, para sa antigen testing ay isasailalim po natin sa parehong proseso.

SEC. ANDANAR:   Magkakaroon ba ng adjustment sa package rate naman ng PhilHealth for COVID testing, Secretary?

DOH SEC. DUQUE:   Well, sa ngayon wala pang ganoon na mag-a-adjust ba ang PhilHealth. Pero sa kasalukuyan, pinag-aaralan din ito dahil nga ang PhilHealth po ay mayroon silang tinatawag na three-tiered testing fees: Iyon pong kung ang private laboratory ay wala namang natanggap na ayuda or subsidy mula sa gobyerno, wala namang donasyon na tinanggap, ang singilan po nila ay nasa P3,409; ngayon, kung mayroon naman pong natanggap na donasyon, iyong testing kit halimbawa, bababa po iyong kanilang fee to P2,077 per test; at doon naman sa mga karamihan na public or government laboratories, national or local na kung mayroong natanggap na ayuda or subsidy from the government, ang singilan ng fee ay nasa P901 na lang po.

So, titingnan po natin ito pong darating na mga araw kung ano ang direksiyong tatahakin po ng PhilHealth patungkol po sa ating bagong price range. Kinakailangan sundin po ang ating panibagong price range.

SEC. ANDANAR:   Secretary Duque, ano po ang penalty sa mga hindi susunod sa price range na itinalaga ng DOH at DTI?

DOH SEC. DUQUE:   Dalawa po ang ating batayan: Number one, iyon pong ating non-compliance to the mandated price range ng COVID-1 testing, mayroon po tayong first violation – 15-day suspension ng license to operate. May kaakibat po ito – hindi po ito “or” kung hindi “and” – may kasama, may kaakibat po na P20,000 fine; at sa second violation naman ay magkakaroon po ng 30-day suspension ng kanila pong LTO (license to operate) at kaakibat na P30,000 fine; at ang panghuli naman, iyong mga recidivist o iyong mga paulit-ulit ay iri-revoke na natin ang kanilang LTO at hindi na po makakapag-test ang kanila pong COVID-19 laboratory.

So, ito po ang isa na batayan natin para mapasunod ang lahat at malinaw po ang ating sanctions or penalty. Puwede rin pong gamitin dito iyong for non-compliance to the mandated price range for COVID-19 test kits, iyong RA 7581 ay puwede ring iyong mga lumalabag ay makulong for the period not less than one year but not more than ten years or – “or” hindi ito “and” – or a fine of not less than P5,000 nor more than P1-Million or both at the discretion of a court of competent jurisdiction.

SEC. ANDANAR:   Puntahan naman natin ang media questions with Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO:   Good morning, Secretary Duque! Tanong po mula kay Red Mendoza ng Manila Times: Paano daw po makakasiguro ang ating mga kababayan na ang AstraZeneca na vaccine na pinirmahan ng gobyerno at ng pribadong sector ay hindi po matutulad sa nangyaring issue ng Dengvaxia kung saan kahit nasa Phase 3 pa ang bakuna ay pinagamit na ito sa mga bata?

DOH SEC. DUQUE:   Well, unang-una, bibigyan-diin natin na ito pong lahat ng bakuna ay dadaan po iyan sa pagsusuri, mahigpit na pagsusuri ng ating Vaccine Expert Panel at saka ganoon din po, simultaneously, susuriin din po iyan ng ating single-joint Review Ethics Board at sila po ang magbibigay/magsasabi kung pasado po ang mga bakuna na dadaan po sa ganitong expert panel evaluation and analysis.

At matapos niyan ay ipapasa naman po sa Food and Drug Administration na kung saan isasailalim din itong mga candidate vaccines for regulatory and technical evaluation. So, mahihirapan pong makalusot iyan kung mayroon pong makikita sila na hindi magandang resulta at puwedeng makaapekto po sa tinatawag natin – sa pagiging ligtas, de kalidad at epektibo na bakuna.

Sa bandang huli, ang talagang pinaka-importante rito, we clear for safety, for quality and efficacy ano po.

 USEC. IGNACIO:   Tanong pa rin po ni Red Mendoza ng Manila Times: Sabi po ng UP-OCTA na tumataas ulit ang kaso dito sa Metro Manila. Maaaring dahil sa kakulangan daw po ng testing noong bagyo, increased mobility or pagkapagod ng tao sa quarantine. Ano po ang inyong opinion bilang hepe ng Department of Health sa mga obserbasyon ng OCTA? Kailangan po ba nating maghigpit o mag-MECQ dito sa Pasko?

DOH SEC. DUQUE:   Well, hindi naman kinakailangan o nangangahulugan na kailangang mag-MECQ, lalo na sa ating darating na Holiday Seasons, ngunit tama iyong sinabi ng OCTA na talagang mayroon sa ngayon, bahagyang tumataas ang mga kaso dito sa NCR kapag ginamit po natin ang panukatan ng two-week growth rate at saka iyong average daily attack rate at saka iyong pangatlong atin pong parang, ‘ika nga, panukatan ay ang critical care utilization rate.

Sa ngayon po ay iyong 2-week growth rate ay ibig pong sabihin nito na iyong change between the current two weeks and the previous ‘three to four weeks’ ng mga kaso ay nagdaan nang halos dalawang linggo kung hindi ako nagkakamali, na negative po. In other words, mababa po kumpara doon sa ‘three to four weeks’ at saka sa current ‘two weeks’, ano po. Pero nakikita natin na iyong pagbaba niya, iyong pagiging negative niya ay unti-unting lumiliit iyong negativity. So in other words, iyong mga kaso unti-unting tumataas, ganoon din sa kanilang average daily attack rate. Mayroon po tayong formula, ibig sabihin po niyan ay unti-unti na rin pong tumataas iyan.

Ngayon, siguro ang tanong, ano ba ang ibig sabihin ng average daily attack rate? Ibig sabihin, mayroon po iyang kapag less than one case pero 100,000 population, ito po low risk; kung 1-7 cases per 100,000 population, ang ibig sabihin po nito, nasa moderate risk; kung lumampas naman po sa 7 cases per 100,000 population, ito na po ang tinatawag nating high risk.

Ganoon din po sa ating 2WGR, two-week growth rate measurement. So, ibig sabihin niyan kung less than zero which means a negative value ang number of cases or change in the number of cases, therefore ibig sabihin, low risk.

Iyan po ang nangyari sa NCR, puro negative po tayo nitong mga nakaraan na araw pero unti-unti nawawala iyong negative change, papunta na siyang zero or positive. Tapos doon naman kapag ang pagbabago o ang change ay nasa between 0% – 200%, iyan po ay ang moderate range. Ang high risk matapos ang moderate risk, anything higher than 200% change in the number of confirmed cases between the current two weeks and the previous three to four weeks.

And of course, iyong ating critical care utilization rate, nakita natin sa NCR, sana mapanatiling mababa pero katulad ng nangyari noong August ay nakita natin ay sumipa, kaya kinakailangan talaga paghandaan ng ating mga pamahalaang lokal, ginagabayan ng ating IATF at ng Department of Health at ng NTF.

USEC. IGNACIO:   Secretary, sa kabilang panig naman po, ang grupong Concerned Doctors and Citizens of the Philippines, ay nag-a-advocate po ng pagtatapos ng lockdown at gamitin ang hydroxychloroquine na hindi na inirekomenda ng WHO. Ano po ang masasabi g DOH dito? Nagpahayag po ba sila ng kagustuhang ma-meet kayo?

DOH SEC. DUQUE:   Oo, puwede naman iyon pero sa ngayon nga kung maaalala ninyo noong maaga-aga pa noong nag-umpisa ang pandemya natin, nakasama naman sa WHO Solidarity Trial ang hydroxychloroquine. Iyon nga lang ay noong nakita na wala namang malinaw na batayan o basehan na ito’y may benepisyo ay mukhang ito naman ay inihinto o tinanggal na doon sa listahan na kung saan sinasagawa ang Solidarity Trial. Pero alam naman ninyo, marami ring pagbabago-bago patungkol sa mga gamot, sa mga sistema, sa management kaya kami po ay bilang miyembro ng WHO ay talagang pinapakinggan po natin sa majority of the advisories coming from the WHO.

So tingnan natin kung mayroon silang patunay, scientific evidence or data na dapat ibalik iyan ay kami naman ay handang makinig.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman, Secretary, mula kay Kristine Sabillo ng ABS-CBN News Online: According to OCTA Research, may slight uptick in COVID cases recently. Totoo po ba ito at ano daw po ang dahilan nito? Kahapon daw kasi po ay umabot nang dalawang libo ang additional cases ng COVID.

DOH SEC. DUQUE: Well, tama po kayo, iyong pagtaas ay puwedeng ma-attribute natin iyan o ang kadahilanan niyan ay, unang-una, nagdaan itong dalawang malakas na bagyo o Typhoon—actually, hindi lang si Rolly, Typhoon Quinta nag-umpisa na tayo; Typhoon Rolly, Typhoon Ulysses ‘no. So iyong sa mga evacuation centers natin ay posibleng naging dahilan din iyan sa kaunting pagtaas ng kaso. At siyempre, itong pagsalubong ng Kapaskuhan at nasa GCQ tayo, iyong mga tao ay muling lumaki ang bilang ng lumalabas at nakikihalubilo, minsan nakakalimutan ang pagsunod sa minimum health standards of wearing face shields, facemasks, physical distancing, use of alcohol and frequent application of disinfectant sa mga gamit.

Minsan iyan po ay kawalan po ng pagsunod o kakulangan sa pagsunod o nakakalimot sa atin pong paulit-ulit na paalala sa BIDA Solusyon ano po ng DOH, iyon pong BIDA ang may Disiplina ng DILG, iyon pong ating Ingat-buhay para sa hanapbuhay ng PCOO at saka iyong seven commandments naman ng ating transport sector ay ito po ay napakamahalagang paalala at abiso; huwag po natin isantabi o balewalain po itong mga ito. Gawin na po natin itong bahagi ng ating buhay at nang hindi tayo lalabas hangga’t naka-mask, naka-face shield at mataas sa ang ating kamalayan at talagang dapat sumunod iyong physical distancing, iyong sapat na huwag iiksi sa isang metrong layo sa gitna ng mga tao.

So tama po iyong sinabi, talagang mayroon po tayong mga karagdagang kaso kaya ito po ay naghuhudyat na talagang mas maging maingat po tayo. Sumunod po tayo sa lahat po ng panuntunan at health advisories ng atin pong gobyerno, both national at local, mula sa IATF, NTF, sa DOH, DILG at sa iba pa pong mga bumubuo ng ating IATF.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, mula pa rin po kay Kristine Sabillo ng ABS-CBN News Online: May mga kumukuwestiyon po sa desisyon ng Pilipinas ng pag-sign ng tripartite agreement with AstraZeneca gayung hindi ito aprubado ng FDA at wala pa raw pong EUA. Ano po ang reaksiyon ninyo dito?

DOH SEC. DUQUE: Iyong tripartite MOA agreement, agreement pa lang iyan. Nakapaloob naman sa agreement na kailangan dumaan po sa mahigpit na pagsusuri ano, iyong stringent evaluation, analysis, ang anumang bakuna ang papasok at pahihintulutan ng ating vaccine expert panel at ng FDA. At sumang-ayon naman ang AstraZeneca na… in fact, magsasagawa nga sila ng clinical trial phase 3 sa Pilipinas. So hindi po sapat na nakapag-clinical trial phase 3 sila sa ibang bansa kung hindi kinakailangan ay dito sa Pilipinas ay magsasagawa rin po.

So huwag po kayong mag-aalala dahil iyan po ay agreement pa lang, at nakapaloob po naman sa agreement na iyan na talagang susunod po sila sa lahat po ng ating pamantayan at panuntunan ng DOH dahil sa bandang huli, mandato po ng gobyerno na siguraduhin na ligtas, dekalidad, epektibo at praktikal na i-implement ang mga bakunang ito.

USEC. IGNACIO: Opo. Mula pa rin kay Kristine: Masyado raw pong matagal ang three to five years na vaccination plan, may paraan po ba para mapabilis ito?

DOH SEC. DUQUE: Ayan naman po kagustuhan natin ay masiguro na talagang sapat ang supply dahil iyan naman ay nasabi ng ating Vaccine Czar, ang ating masipag na Kalihim Charlie Galvez ay dahil nga hindi tayo nakakasiguro kung ang global supply ba ay angkop doon sa pangangailangan or demand.

So that is a very conservative projection na ginawa po ng ating Vaccine Czar. But ang best scenario ay by second quarter or by end of the second quarter of 2021, baka makapag-roll out na partial vaccination or immunization plan so by 2021 ang atin pong pinupuntirya ay makapagbakuna tayo ng nga 20 to 25 million na katao based on our prioritization list. At sa susunod na taon, 2022, ay makapagbakuna na tayo ng another 25 – so 50 na iyon; by 2023 puwedeng makapagbakuna ulit ng mga 20 million. So mga 60 to 70 million thereabouts ay puwede na po natin makamit ang herd immunity na tinatawag.

Pero iyan po ang ating tentative projection at depending on supply; number one po ditong kunsiderasyon ay iyong sapat na supply ng bakuna.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin ni Kristine: Ano po ang paalala ng Department of Health sa mga Pilipino lalo na iyong mga gustong mag-family reunion ngayong Pasko?

DOH SEC. DUQUE: Well, unang-una, iyong mga—kasi mayroon tayong low, moderate and high-risk conditions na dapat alam natin iyan ngayong sinasalubong natin ang Pasko at Bagong Taon.

Unang-una, halimbawa iyong pagdiriwang, dapat limitado na sa immediate family members at sa tahanan na lamang ang pagdiriwang nito. Huwag nang mag-imbita ng mga iba pang mga kamag-anak na galing kung saan-saan at hindi tayo nakakasiguro kung sila ba ay free or ligtas sa COVID, eh kung hindi ay baka makahawa.

Pangalawa, iyong puwede, iyong atin pong mga OFWs na kababayan ay mag-tele meeting na lang, ano po. Maganda naman po ang teknolohiya – may Zoom, may Webex at may vMIx call, iba-ibang plataporma. At iyon pong pagsisimba, dapat ay online na rin po. Huwag na pong pumunta sa mga lugar na kung saan madaming dumadalong mga mamamayan para magsimba dahil tumataas po ang risk of contracting COVID o mahawaan ng COVID.

So pinagbabawal din natin, hangga’t sa maaari, iyong pumupunta sa mga matao at kulob na lugar na walang sapat na bentelasyon or air circulation. Alam po natin na ito ay makakadagdag sa risk o sa tiyansa na ma-infect ng COVID-19.

So lahat pong ito ay dapat mataas po sa ating kamalayan para lumayo po tayo sa peligro at maging ligtas po ang pagdiriwang ng ating Pasko at Bagong Taon. At huwag po tayong pasaway dahil may kasabihan: Nasa bandang huli po ang pagsisisi. So ayaw po natin na imbes na talagang maligaya ang Pasko natin ay baka mapunta tayo sa ospital, sa ICU, either tayo mismo ang ma-ICU, iyong atin pong si lolo, si lola. Alam ninyo po ang madalas tamaan ng COVID ang mga nakatatanda lalo na po iyong may mga kasama o kaakibat na mga iba pang mga sakit. Alam ninyo katulad ng diabetes, hypertension, emphysema, asthma, ito po ay makakapagpalala ng posibleng makamatay na kumplikasyon ng COVID-19.

So iwasan po natin ang ganito pong nga sitwasyon at magbigay po tayo, ika nga, regalo ng kalusugan, kaligtasan at maunlad na kinabukasan para sa lahat sa pamamagitan ng maayos na pagsunod sa atin pong minimum health standards.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, mula naman kay Pia Rañada ng Rappler: Aside from AstraZeneca, to which vaccine developers has the Philippines given a payment for COVID-19 vaccines? If none yet, when do we expect to make these payments?

DOH SEC. DUQUE: Wala pa po tayong binabayaran diyan. Kasi ito pong tripartite agreement between the Philippine government, the private sector representatives, nangyari po iyan noong Biyernes, kung hindi po ako nagkakamali, at ang vaccine manufacturing companies. Ito po ay tripartite MOA, agreement, memorandum of agreement, no cost po iyan sa government.

Ngayon, tungkol naman kung kailan tayo magbabayad, iyan ay unti-unti na pong lumilinaw ang panggagalingan ng pondo sa pag-angkat ng bakuna. Iyon pong sinabi ng Department of Finance, ang Kalihim Sonny Dominguez, sabi niya, from multilateral financing arrangements or agreements ay puwedeng mukhang sabi nila may posibleng 40 billion pesos na puwedeng mahiram. At doon naman po sa domestic sources – Landbank or DBP or other government financing institutions – ay mayroon din pong posibleng makuha o mahiram na 20 billion pesos. At ang 13.2 billion naman ay inilalaan po iyan para naman sa mga peripherals o ito po iyong mga kaakibat kapag nag-nationwide vaccination, iyong mga syringes, needles, iyon pong storage, transport, iyong cold chain logistics, iyon pong disposal ay puwedeng umabot po sa halagang 13.2 billion. So total, mga 72.3 billion po iyan na kakailanganin to immunize or to vaccinate 60 million Filipinos – thereabouts ‘no, 60 to 70 million Filipinos.

USEC. IGNACIO: Opo. May pahabol lang po si Sam Medenilla ng Business Mirror: Secretary Duque, kung mabo-void po ba ang tripartite agreement ng private sector and government with AstraZeneca sakaling hindi po makapasa sa FDA iyong vaccine nila? Kung mabo-void daw po.

DOH SEC. DUQUE: Posible iyan, siyempre, dahil ibig sabihin may violation ng agreement. So dapat basahin po ninyo iyong provisions ng MOA at doon po malinaw ang nakasaad, ano ba ang mandato ng bawat panig doon sa lumagda sa kasunduan. So mayroon tayong mga obligasyon under the agreement, ang national government, ang private sector at ang vaccine manufacturing companies. Malinaw po doon, nakalista po kung anu-ano iyong mga mandato ng bawat party na lumagda sa agreement.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman mula kay Joseph Morong ng GMA News: What are the dangers of shifting to MGCQ this December?

DOH SEC. DUQUE: Well, kung magdi-deescalate o ibababa natin iyong current community quarantine status from GCQ to MGCQ ay ibig sabihin nagluluwag tayo ng mga restrictions pa ‘no. Nagluwag na nga tayo pero mas marami pa tayong iluluwag pa na restrictions either sa transport o sa mga taong makikihalubilo, magsya-shopping, papasyal, pupunta kung saan-saan. Eh kapag ganoon ang nangyari, tataas ang contact rate. Kapag tumaas ang contact rate sa gitna ng mga mamamayan, tataas din ang transmission rate mo; posible ang hawaan ay mas lumawak, bibilang, dadami ang bilang ng ating kaso. At kung dumami ang bilang ng kaso ay posibleng mapuno na naman, ma-overwhelm ang ating health system’s capacity. At kapag na-overwhelm iyan ay malaking problema.

At hindi po magandang ito ang mangyayari dahil ibig pong sabihin niyan, puwedeng mas malaki ang bilang ng papanaw o iyong mamamatay dahil nga iyong kumplikasyon ng COVID, lalo na po sa mga nakatatanda ay tukoy na iyan, alam na po natin iyan.

Although, of course, ito pong mga nagdaang panahon, gumanda na po ang kakayahan, humusay po ang clinical management ng atin pong mga doktor, mga nurses at mga nangangalaga po ng mga COVID patients in terms of managing iyong kanila pong clinical manifestation from moderate, severe and critical COVID-19 cases.

USEC. IGNACIO: Opo. Mula pa rin kay Joseph Morong: What advice would you give to those travelling to the provinces to visit their families during Christmas and New Year amidst the threat of COVID-19?

DOH SEC. DUQUE: Ipagpaliban po ninyo iyong inyo pong kagustuhan na pumunta po sa mga probinsiya dahil mas maigi, kagaya ng sinabi ko po, ang department circular na inilabas po ng DOH ay malinaw po kung ano na lang po ang inyong mga low-risk activities na dapat gawin.

Tandaan po natin, ang laban sa COVID ay laban ng bawat mamamayan. Hindi po ito laban lang ng gobyerno, ng national o local governments o ng mga non-governmental organizations, kung hindi laban po ito ng bawat Pilipino. At kinakailangan po magkaisa tayo dito para mapanalunan po natin, maging tagumpay po ang ating laban sa COVID-19 at makamit ang atin pong mga hangarin na mababa lamang ang ating kaso that we can manage this to the extent that our health system’s capacity that we have already, in fact, enhanced or increased ay huwag naman pong ma-overwhelm ano po.

Of course, ang bandang huli, ayaw din natin iyong maraming posibleng pumanaw ay masakit po iyan sa atin at kay Pangulong Duterte at sa lahat po sa amin ay hanggang sa maaari, iyan po ang binabantayan natin. Kung hindi po tayo mag-iingat, eh iyong kabaliktaran po, kabaliktaran ng akin pong sinabi ang mangyayari.

USEC. IGNACIO: Opo. Pahabol na lang po ni Joseph Morong: Kung pinapayagan na po ang mga bata sa mall? At kung oo, bakit daw pinayagan na?

DOH SEC. DUQUE:  Well, iyan ay ang sabi naman nila, itong pagluluwag din, iyong easing of the restrictions, dati po kasi ang pinapayagan lang natin ay iyong between 18 years old to 65. Hanggang ngayon, iyong upper limit ng 65 years of age, hanggang doon lang po iyan; hindi po pupuwede iyong lagpas 65. Pero ngayon, unti-unti, ang alam ko mayroon pong pinayagan na 15 years old. From 18, pinapayagan na po iyong pati 15 years old na mga bata ay sumama na sa mga pami-pamilya kung saka-sakaling lalabas sila but at the same time ay nag-iingat ano po. Nag-iingat po at sumusunod, mariin na sumusunod po sa minimum health standards.

SEC. ANDANAR:  Maraming salamat po, DOH Secretary Francisco Duque III. Stay safe po, sir.

DOH SEC. DUQUE: Maraming salamat, Kalihim Martin, at mabuhay ka sa iyong napakamahusay na programa. At maraming salamat po at magandang araw po sa lahat po ng ating mga kababayan.

USEC IGNACIO: Nagpapatuloy rin naman ang programa ng pamahalaan na mabigyan ng disenteng tahanan ang mga displaced nating kababayan dulot ng mga sakuna ng pandemya at ng naging kaguluhan sa Marawi City tatlong taon na po ang nakakalipas. At ang pangunahing nakatutok dito ay ang Task Force Bangon Marawi Chairperson and Housing Czar Secretary Eduardo del Rosario ng Department of Human Settlements and Urban Development. Magandang umaga po, Secretary. Welcome po sa Public Briefing.

Secretary del Rosario? Okay, babalikan na lang natin siguro si Secretary del Rosario. Secretary Martin?

SEC. ANDANAR: [OFF MIC] mga proyekto doon, Rocky, sa Kauswagan, doon sa Lanao del Norte, tapos iyong mga pinuntahan nating lugar doon sa Lanao del Norte kung saan ay tatayuan nga ng bahay iyong ating magbabalik-probinsiya, bagong pag-asa na programa.

Napakadami, USec. Rocky, ang nag-apply na gustong umuwi ng probinsiya mula Maynila, mula sa mga urban at capitals ng ating mga isla. Sa Cebu, dito sa Visayas; sa Davao sa Mindanao, tapos dito po naman sa Metro Manila. Kaya maganda iyong proyekto ng housing authority, maganda iyong ginagawa nila ni Jun Escalada, iyong ating Administrator diyan sa housing and of course iyong mga proyekto po naman ng departamento ni Secretary Ed del Rosario.

USEC. IGNACIO:   Okay, Secretary. Puntahan naman natin ang mga balita mula sa lalawigan. Magbabalita po si John Mogol mula po sa PBS Radyo Pilipinas.

[NEWS REPORT BY RP TAYUG MARIE COQUIA]

[NEWS REPORT BY RP SOGOD GEMMA NARIT]

USEC. IGNACIO:   Maraming salamat, John Mogol ng PBS Radyo Pilipinas.

Balikan po natin si Secretary Eduardo del Rosario. Secretary, magandang tanghali po!

DHSUD SEC. DEL ROSARIO:   Magandang tanghali, Usec. Rocky and Sec. Martin!

USEC. IGNACIO:   Secretary, we understand po na nanggaling kayo sa Marawi City. Kumusta na po iyong ongoing rehabilitation doon, Secretary?

DHSUD SEC. DEL ROSARIO:   Gusto kong ibalita, Usec. Rocky, I had a three-day inspection of our projects in Marawi City at nakita ko doon ang mabilis na paggulong ng ating ginagawang horizontal at saka vertical infrastructures sa most affected area, iyong ground zero ng Marawi City.

Iyong mga buildings na itinatayo karamihan papunta na sila sa second floor at iyong mga Mosque na ating pinapa-repair at niri-reconstruct ay napakaraming gumagawang mga tao, inaapura talaga nila para matapos iyong kanilang pag-repair the soonest possible time.

Kaya ako ay natutuwa at itong development na ginagawa natin na rehabilitasyon sa Marawi City ay gumugulong na nang sakto.

USEC. IGNACIO:   Secretary, kuntento po ba kayo sa nakita ninyong development sa project? So far, anu-ano po iyong mga na-accomplish na doon sa mga nakita ninyo pong naitayong gusali na?

DHSUD SEC. DEL ROSARIO:   Actually, ang nasimulan na ay iyong 10,000 square meters or one-hectare floor area ng Marawi Central Market. Ito iyong pinakamalaking market na gagawin sa Marawi. This is a three-storey, nasa second floor na iyong first building at iyong second building naman sa likod na three-storey ay magsisimula na rin ang second floor in a few weeks’ time.

Itong Central Market na ito na ginagawa ay magiging wet and dry market at iyong second floor for dry market ay air-conditioned with elevator and escalator. So, napakaganda ng progress na ginagawa ng public market kasi ito ang magtri-trigger ng economic activity once they have their normalcy.

Ganoon din iyong ginagawang 25-km pag-repair ng primary, secondary and tertiary roads, basically 25 to 30% na ang kanilang natatapos and I was assured by the National Housing Authority na in charge sa road network and including the power, water and telecommunications facilities na nakasama sa road network ay matatapos by September of 2021.

USEC. IGNACIO:   Secretary, puwede ban ating sabihin na on track po iyong rehabilitation efforts sa Marawi City at mami-meet po iyong target na deadline nito itong December 2021?

DHSUD SEC. DEL ROSARIO:   Yes, Usec. Rocky. Actually, iyong lahat ng ongoing projects ngayon matatapos sila sa early part of the 4th quarter or about August or September of next year but karamihan dito matatapos early part ng 4th quarter which is ahead of the December 2021 target.

There are some projects that na sinimulan natin, nag-groundbreaking kami last Friday ng 50-bed capacity hospital for the City Government and we expect that the remaining projects will have its groundbreaking by January of next year.

The projects remaining will be completed in 9 to 12 months’ time, so we had it considered as third priority which will be constructed in the first quarter.

USEC. IGNACIO:   Senator Drilon po is pushing for an additional fund daw po para sa Marawi rehabilitation para sa 2021 dahil sa aniya’y grossly inefficient at mostly ay nakaasa lang daw po sa donasyon and foreign aid ang rehabilitation project. Ano po ang masasabi ninyo dito, Secretary?

DHSUD SEC. DEL ROSARIO:   Hindi po accurate ang obserbasyon ng kagalang-galang na Senador Drilon dahil ang lahat po ng public infrastructures na ginagawa natin sa most affected are ay funded by the National Government at itong lahat na ito ay sakto para matapos natin ang rehabilitation by December.

Actually, mayroong pondo na nakapaloob sa 2021 in the amount of 5 billion. Halos lahat nang ito para sa vertical and horizontal infrastructures, karagdagang pondo para matapos iyong kanilang mga projects kasi ang ini-release sa 2020 ay iyong mga gamit lang nila. Ang kapupunan noon para matapos ay iri-release by 2021 ng DBM at nakapaloob sa ating GAA for 2021.

Iyong mga budget na ibinigay na mga donation, it’s about 10.5-Billion, sa labas iyon ng most affected area. Iyong pag-construct ng Transcentral Road outside the most affected area sa paligid ng Marawi. That was a grant from the Japanese Government. Pati iyong construction na 1,500 permanent shelter but the 2,000 permanent shelter will be constructed out of the National Budget na manggagaling sa National Housing Authority.

USEC. IGNACIO:   Opo. Secretary, kahapon po lumabas iyong balitang gin-grant ng inyong ahensiya iyong P255-Million fund para po sa socialize housing project ng Baguio City. Paano po maipatutupad ito, Secretary?

DHSUD SEC. DEL ROSARIO:   Napakaganda ng project natin sa Baguio City. Mayroon silang lupa, lumapit sa atin ang local government unit na pagtatayuan ng rental housing program. As part of our programs sa Department of Human Settlements, we can provide assistance for the land development of the project and the housing construction will be availed by the local government unit from commercial banks or even Pag-IBIG fund and the local government will be the one to pay the funding source of their requirements for the condominium construction.

So, magandang programa ito ni Mayor Benjie Magalong, makakatulong sa kaniyang informal settler families pati iyong formal sector, kasi combination ito ng formal at saka informal sectors. Ito, sinasabi namin sa department na maitutulong natin sa ating mga local government units na, we can provide assistance in terms of land development provided they had a lot of their own that will be their equity in the proposed housing project. Kaya at the end of the day ang babayaran lang noong mga recipients ay iyong building construction, so they save 30%. Kung ang babayaran nila is 2,000/month, less 30%, matanggal natin ang 600, 1,400 na lang.

So, maganda itong opportunity na ito na magagawa natin na decent and affordable iyong mga projects na socialized housing in nature.

USEC. IGNACIO:   Secretary, ito na po ba iyong sinasabi na more socialized housing projects with DHSUD at siyempre iyong sinasabi nating pagtugon po sa housing backlog ng bansa?

DHSUD SEC. DEL ROSARIO:   Yes, Usec. Rocky. We would like focus more on collaboration with the local government units kasi sa ating inventory, ang local government units, specially iyong mga nag-u-urbanize na, nagkakaroon sila ng problema sa informal settlers. So, we would like to focus more on the informal settlers, kasi tinawag silang informal settlers, because they are occupying a land owned either by the government or the private sector.

So, kung ang LGU ay may programa para ma-resettle sila dahil iyong kanilang ino-occupy hindi kanilang pag-aari or hazard zones, along riverbank, ay mailagay natin sa safer ground provided the local government units can identify and allocate funds for the purchase of the land. Pero kung may lote sila owned now by the city government, we can immediately make some progress at mas mabilis ang magagawa natin para sa land development at pati ang housing construction.

USEC. IGNACIO:   Okay. Maraming salamat po sa inyong panahon, Secretary Eduardo del Rosario ng Department of Human Settlements and Urban Development. Salamat po. Ingat po, Secretary!

Samantala, kasama nating magbabalita mula sa Cebu si John Aroa. John?

[NEWS REPORT BY PTV CEBU JOHN AROA]

USEC. IGNACIO:   Maraming salamat sa iyo, John Aroa ng PTV-Cebu. 

SEC. ANDANAR:   Puntahan naman natin ang mga pinakahuling balita mula sa Cordillera Region. Magbabalita si Fevi Kate Valdez.

[NEWS REPORT BY PTV-CORDILLERA FEVI KATE VALDEZ]

SEC. ANDANAR:   Maraming salamat, Fevi Kate Valdez ng PTV-Cordillera. Okay, so maraming salamat na tayo, Rocky, sa ating mga partner agency para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas. Salamat din po sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19. Mabuhay po kayo!

Diyan nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Ako po ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar ng PCOO.

USEC. IGNACIO:   Ako naman po si Usec. Rocky Ignacio. Twenty-five days na lang po, Pasko na!

SEC. ANDANAR:   Hanggang bukas po muli, dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

 

###

 

 

 

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)