Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office secretary Martin Andanar and Usec. Rocky Ignacio with DOLE Secretary Silvestre Bello III, SSS President and CEO Aurora Ignacio, National Nutrition Council Executive Director Azucena Dayanghirang and Film Development Council of the Philippines Chairperson Usec. Liza Diño-Seguerra


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location People’s Television Network, Inc. (PTV), Quezon City

SEC. ANDANAR: Magandang umaga po sa lahat ng ating mga kababayan sa loob at labas ng Pilipinas. Muli ninyo kaming samahan sa pagbibigay-impormasyon tungkol sa COVID-19 dito po sa ating bansa. Ako ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar ng PCOO.

USEC. IGNACIO: At ako naman po si Usec. Rocky Ignacio kasama ninyong aalam sa pinakahuling hakbang ng pamahalaan laban sa pandemya.

SEC. ANDANAR: Basta laging handa at sama-sama, kaya po natin ito. Kaya naman samahan ninyo kami dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.

Sa kabuuan ay umabot na po sa 37,514 confirmed COVID-19 cases ang naitala sa bansa as of yesterday, ito’y matapos itong madagdagan ng 1,080 new cases kung saan 858 sa mga ito ay fresh cases at 222 naman ang late cases. Nasa 10,233 ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa sakit matapos itong madagdagan ng 277 recoveries kahapon; habang nasa 1,266 ang mga nasawi matapos madagdagan ng labing-isa.

Kapansin-pansin na sa huling araw ng Hunyo ay muli na namang tumaas ang bilang ng mga reported cases na umabot nga sa 1,080. Ito ang pinakamataas na bilang sa nakalipas na isang linggo. Sa mga kasong naitala kahapon, malaking bahagi nito o 43% ay nagmula sa Central Visayas; 90% o 203 cases naman ay mula sa Metro Manila; at ang nalalabing 38% ay mula sa iba pang rehiyon sa bansa.

Samantala, sa naitalang 25,227 na active cases, 95.7% dito ay may mild symptoms lamang; 3.7 ang walang sintomas; .5% ang severe at nasa .1% lamang ang nasa critical na kundisyon.

USEC. IGNACIO: Nananatili man ang bahagyang pagluwag ng restriction sa maraming lugar sa bansa ay hindi ibig sabihin nito na ligtas na tayo mula sa posibleng pagkakaroon ng sakit. Patuloy pa rin po ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa kaya muli’t muli po ang aming paalala na manatili sa ating mga tahanan at huwag lumabas kung hindi naman kailangan; panatilihin ang physical distancing sa lahat ng oras at palaging maghugas ng kamay.

Para po sa inyong mga katanungan at concerns tungkol sa COVID-19, maaari ninyo pong i-dial ang 02-894-COVID o kaya 02-894-26843. Para naman sa mga PLDT, Smart, SUN at TNT subscribers, i-dial po ang 1555.

Patuloy po kayong makibalita sa mga pinagkakatiwalaang sources ng impormasyon tungkol sa COVID-19, maaari ninyong bisitahin ang covid19.gov.ph.

Maya-maya po ay kasama rin nating magbabalita si John Mogol mula sa Philippine Broadcasting Service at si John Aroa naman po mula sa PTV Cebu.

SEC. ANDANAR: Kagabi ay muling humarap si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa ating mga kababayan kasabay ng mga miyembro ng Gabinete at ng IATF para ianunsiyo ang pagpapanatili sa Cebu City sa ilalim ng Enhanced Community Quarantine. Habang ang dating nasa ECQ na Talisay City, Cebu naman ay bahagyang lumuwag papuntang GCQ.

Mananatili rin ang Metro Manila sa GCQ hanggang July 15, habang nasa Modified GCQ ang malaking bahagi ng bansa. Ang ibang mga lugar na hindi nabanggit ay mananatili sa low risk classification.

USEC. IGNACIO: Samantala, kahalagahan ng mahigpit na pagpapatupad ng health and safety protocols para sa mga pabalik na Overseas Filipino Workers at kanilang pamilya ay binigyan-diin ni Senator Bong Go.

Sa isang pahayag ay pinuri ng Senador ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease sa paglalatag ng health and safety protocols sa mga pabalik na OFWs upang mapigil ang pagkalat pa ng COVID-19 sa bansa.

Binigyan-diin niya na dapat masunod ito ng mga Pilipinong babalik sa Pilipinas upang maingatan din ang kani-kanilang mga pamilya mula sa sakit. Bilang Senate Committee on Health and Demography, pinasalamatan ng Senador ang collective efforts ng DOH, IATF at Philippine Red Cross sa patuloy nitong paggawa ng paraan para maisaayos ang proseso ng pagbalik ng ating mga kababayan abroad.

SEC. ANDANAR: Pagkakaroon ng kagawaran para sa Overseas Filipinos isinusulong ni Senador Bong Go. Isinusulong ng Senador ang pagsasabatas ng Senate Bill #202 on Department of Overseas Filipinos Act of 2019 upang mapabuti ang pagtugon ng pamahalaan sa mga pangangailangan ng ating mga kababayan sa ibang bansa lalo na may kinakaharap tayong pandemya.

Kung ito ay maisasabatas, layon nitong paigtingin ang mga serbisyo at koordinasyon ng bawat concerned offices. Pagsasama-samahin din ang mga OFW-related agencies sa isang kagawaran kasama na ang kanilang pondo, records, equipment, property at personnel.

USEC. IGNACIO: Secretary, makakasama natin sa ating Public Briefing sina DOLE Secretary Silvestre Bello III; si SSS President and CEO Aurora Ignacio; Executive Director Azucena Dayanghirang mula po ito sa National Nutrition Council; at si Usec. Liza Diño-Seguerra , ang Chairperson ng Film Development Council of the Philippines.

Kung may tanong po kayong nais mabigyan-kasagutan, mag-comment lamang po kayo sa aming livestream para sagutin ng ating mga resource person.

SEC. ANDANAR: Una nating makakapanayam, Rocky, ang Presidente at CEO ng SSS, si Ginang Aurora Ignacio. Magandang umaga po sa inyo, ma’am.

SSS PRES/CEO IGNACIO: Magandang umaga po, Sec. Martin and Usec. Rocky.

SEC. ANDANAR: Maybe noong June 28 po ang huling deadline ng pag-claim sa Small Business Wage Subsidy Program ng mga small business employees. But prior to this ay nakapagtala ang SSS ng libu-libong employees na hindi nag-claim nito para sa first at second tranche. Kumusta po ang naging turnout nito?

SSS PRES/CEO IGNACIO: Natutuwa naman po akong ibalita na sa loob ng dalawang buwan at—actually, mahigit po na dalawang buwan, dahil in-extend po natin ng 15 days ang ating crediting ng trance 1 and tranche 2. Actually, more than 28 days po pala natin siyang ini-extend kasi nagsimula po tayo ng April 30 at natapos po ito ng June 28.

So, ang lahat po nang naka-receive ng tranche 1, nag-total po ito ng [garbled] employees. Sa tranche 2 naman, ang naka-receive po ng SBWS subsidy ay [garbled]. Sa kabuuang total po nito in terms of millions of pesos, ang nakatanggap po sila ng [garbled] pesos. So binigay po sa atin ng gobyerno na pera para po dito sa subsidy na ito na naghahalagang 50 billion plus ay binalik po natin sa Bureau of Treasury ang kabuuang five billion para ho gamitin naman sa ibang programa ng small businesses.

Ito po ay pera ng gobyerno, hindi po ito pera ng SSS. Nililinaw ko lang po dahil nagkaroon yata ng confusion na akala nila po ay pera ho ito ng SSS. Ito po ay binigay ng gobyerno para specifically ibigay po natin sa mga nangangailangan ng tulong sa COVID calamity.

So iyon po ang numero ng beneficiary. Ang target po natin actually ay 3.4 million employees. Pero nakapagbigay po tayo ng almost 91% of the 3.4 million employees and nabigay po ito ng April, May and June in two tranches. Kasama na rin po dito iyong mga nag-avail ng DOLE-CAMP, iyong mga hindi nakakuha sa DOLE-CAMP, nabigyan po din natin ng tranche 1. At iyong nakatanggap po ng tranche 1 na nakatanggap din ng tranche 2 ay mas maliit lang po ang natanggap sa tranche 2, depende po sa natanggap nila sa DOLE-CAMP.

USEC. IGNACIO: Opo. Ma’am, bukod po sa SBWS ay binuksan din po ng SSS iyon pong Calamity Loan Assistance Program o CLAP para po sa dagdag tulong sa mga miyembro nito. Lahat po ba ng miyembro ay eligible sa assistance na ito; at kung eligible po, saan naman po kukunin ang pondo mula dito?

SSS PRES/CEO IGNACIO: Ang pondo po ng—uunahin ko po, ang pondo ng Calamity Loan Assistance Program ay manggagaling po sa pondo ng SSS; hindi na po ito manggagaling sa gobyerno. So ang nanggaling po sa gobyerno ay iyon lang pong nasa SBWS, at hindi po nagalaw ang pondo ng SSS.

Para naman po sa Calamity Loan Assistance Program, ito po ay ibinibigay natin para ho dito—ito po ay ongoing program ng SSS. Kapag po may calamity sa localized areas, doon po natin binibigay itong Calamity Loan Assistance Program. Pero dahil po nagkaroon po ng pronouncement ang ating Presidente na ang buong Pilipinas is under the state of calamity, available po itong assistance program na ito para sa mamamayan ng buong bansa na nangangailangan ng tulong para sa COVID calamity, COVID quarantine ano po. So, galing po ito sa pondo ng SSS, at simula po nang ni-launch natin ito ng June 15 hanggang June 30, kahapon po nakapagtala po tayo ng successful applications na 346,375. Ang equivalent po nito na binigay natin in pesos ay nakapag-approve na po tayo ng 5.4 billion sa loob lang ho ng 16 days – napakalaki hong availment nito.

Ang average loan assistance program ay nandoon po sa between 11,500 pesos or up to 16,400. So, nililinaw ko lang po na ang kailangan po kasi para ang isang member ay makapag-apply ng Calamity Loan Assistance Program ay kinakailangan po siyang nakapagbayad siya for the last three years at ang six months ho nito ay dapat naibayad niya doon sa huling 12 months before siya nag-apply ng calamity loan assistance program.

So, kung hindi po sila nakapagbayad for the last three years at wala nga po iyong six months na iyon in the last 12 months, mari-reject po sila dito. So, lahat po ng miyembro ng SSS or would be members, ini-encourage po natin talagang ipagpatuloy at walang putul-putol po ng payment ng contribution para ma-qualify po kayo doon sa mga dapat pong benefits or loans na puwede ninyong ma-avail. So, may na-reject po tayo na 119,000 dahil hindi po sila naka-meet.

USEC. IGNACIO: Pero, ma’am, ang tanong po kasi ng marami, paano po iyong proseso ng pagbabayad nito? At saka magkano po ba iyong annual interest? Gaano katagal nila puwede po itong bayaran? Kasi alam naman po natin na iyong epekto na dinala nitong COVID-19 sa ating mamamayan at sa mga miyembro ng SSS.

SSS PRES/CEO IGNACIO: Dahil po iniiwasan natin ang mga miyembro na lumabas ng kanilang bahay, noong ni-launched po natin ito ng June 15, ito po ay online filing na. So, kailangan sila ay registered sa my.sss, at doon po sila mag-a-apply. Makikita nila iyong application form doon, ilalagay nila ang kanilang mga detalye ng kanilang application at doon po din nila ipapadala iyon. So, iki-click lang po nila doon, makakatanggap po sila ng notice na sila ay may approval at ino-nominate din nila iyong payment na gusto nila. Puwede po itong tseke, puwede po ito sa Union Bank quick card or the UMID na may ATM card. Ito po ay may interest ng 6%, in-approve po natin ito ng 6% para po makatulong doon sa ating mga mamamayan, iyong mga miyembro ng SSS na mag-a-avail. And ang application po nito ay simula nitong June 15 at mag-i-end po ito ng September 14 ngayong 2020. Tatlong buwan ho ino-offer itong calamity loan assistance program.

Ang terms naman po ng loan na ito ay two years plus three months, so 27 months all in all. Ang ibig sabihin po nito, iyong first three months after na nag-apply ay naka-moratorium po, wala po kayong babayaran na installment during that time at magsisimula po ang collection only on the fourth month pa po after the application. Iyon po, Usec. Rocky.

SEC. ANDANAR: Sa dami ng mga naging displaced workers natin sa loob at labas ng bansa na miyembro ng SSS, mayroon bang assistance na ie-extend ang SSS specifically sa kanila?

SSS PRES/CEO IGNACIO: Yes, Sec. Martin, mayroon po tayong unemployment insurance benefit, ito po ay nakasama doon sa in-approve na charter for SSS in 2018, at naging effective po ito sometime in August of 2019. So, kung na-unemployed po ang isang miyembro ng SSS, involuntarily, at sila po ay natanggal, na redundant, nawalan ng trabaho, nagsara iyong kumpaniya, hindi po voluntary ‘no, puwede po silang mag-apply ng unemployment insurance benefit. Pero ganoon din po, kailangan po sila ay nag-contribute na the last 36 months at 12 months doon ay nabayaran nila in the last 18 months.

So, simula po ng August 2019, nakapagtala na po tayo ng P354 million na nabayaran natin ng unemployment insurance benefit. Ito po ay para sa bilang na mga 30,000 employees na po iyon na nag-apply. Ito pong June 1 lang to June 23, nakapagtala po tayo ng application na 4,496, equivalent of 60 million na po ito. So, talaga pong affected po ang ating mga workers dahil dito po sa calamity na ito. So, malaki po iyong ating natanggap na application ng June 1 and ito din po ay online filing, sa my.sss din po. So, kailangan po rehistrado ang ating mga miyembro sa my.sss.

SEC. ANDANAR: What are the requirements to avail these unemployment benefits again? At magkano po ang halaga ulit ng makukuha ng mga eligible for this, ma’am?

SSS PRES/CEO IGNACIO: Ang miyembro for the last years, kailangan po na sila ay not 60 years old, hindi pupuwede iyon. Pero iyon pong mga mine workers, mga race horse jockeys, ang mga age would be 50 to 55 years old. So they should not be beyond that age. Ang separation naman nila po should not be voluntary, kailangan po na-retrench sila, na-downsize, nagkaroon ng closure or pagtigil ng negosyo o iyong reasons brought about by the coronavirus.

Iyong application po nila, ila-lodge nila sa my.sss. Ito po kailangan (garbled) ng certification (garbled) unemployment benefit po na ito ay equivalent ng 50% of the member’s average monthly salary credit for two months. So, kung halimbawa po ang suweldo mo ay nasa, sabihin na lang po nating 20,000, ang 50% po niyan 10,000 ang makukuha ninyo for the two months, consecutive months.

Ang submission po ng application ay one-year prescriptive period simula ng separation, tapos ang atin pong mga miyembro ay kailangan magpakita ng certification nga po na na-displace sila. Pati overseas workers po puwede.

USEC. IGNACIO: Ma’am, kukunin na lang namin ang mensahe ninyo sa ating mga kababayan particular po sa mga miyembro ng SSS?

SSS PRES/CEO IGNACIO: Usec. Rocky, hindi ko po kayo narinig.

USEC. IGNACIO: Kunin ko na lang po ang inyong mensahe sa ating mga kababayan at partikular po doon sa mga miyembro ng SSS?

SSS PRES/CEO IGNACIO: Usec. Rocky, hindi ko po naririnig iyong statement ninyo. Sorry po.

USEC. IGNACIO: Anyway, maraming salamat po sa inyong panahon. Pasensiya na po at nagkaroon ng medyo mahirap na linya ng ating komunikasyon, pero kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon dito sa ating Laging Handa. Sa inyo, SSS President and CEO Aurora Ignacio, maraming salamat po. Stay safe po.

SSS PRES/CEO IGNACIO: Maraming salamat po.

SEC. ANDANAR: Ang Kalihim ng Kagawaran ng Paggawa at Empleyo, Secretary Silvestre Bello III. It’s nice to have you back on the show, Secretary.

SEC. BELLO: Hello, Sec. Sec. Mart, good morning. Ma’am Rocky.

SEC. ANDANAR: Good morning, sir. In a statement—CAAP mentioned na papayagan na ang mga airlines na magpabiyahe nang mas maraming eroplano para tulungan ang mga Overseas Filipino na gustong umuwi sa Pilipinas. Is DOLE and the government ready to assist them lalo pa’t marami pa ring displaced OFWs ang umaasa rin sa ayuda ng ating pamahalaan?

SEC. BELLO: [UNCLEAR AUDIO]

SEC. ANDANAR: All right, may problema tayo sa komunikasyon with Secretary Bebot Bello. So ayusin muna natin iyong sistema para hindi po magkaroon ng reverberation or iyong echo kasi hindi maganda pakinggan, Rocky, on air.

USEC. IGNACIO: Opo, Secretary, lalo pa po na marami po talaga tayong tinatanggap na tanong na dapat… gusto nilang malaman sa DOLE, partikular na po iyong marami pa rin mga gustong umuwi na Filipino Workers abroad. Papaano po iyong assistance na ibibigay sa kanila? Paano po iyong koordinasyon sa OWWA? And at the same time, iyon pong mga nagtatrabaho dito sa atin sa Pilipinas, ano po iyong puwedeng itulong sa kanila ng DOLE? Hanggang kailan po iyong assistance na maibibigay sa kanila? So napakahalaga po na malaman natin mula po sa Kalihim ng Kagawaran ng Paggawa.

Samantala, aantabayanan po natin iyong makabalik sa atin si Secretary Bello para rin po malaman na—bukod po doon kasi sa mga umuuwi na OFWs, Secretary, ano daw po iyong puwedeng ibigay naman sa kanila na tulong din ng pamahalaan para kung dito sila mag-i-stay, ano daw pong assistance o trabaho ang kanilang gagawin dito. Alam nama po natin na talagang hindi po biro ang naging epekto nitong COVID-19, lahat po talaga ay apektado.

SEC. ANDANAR: Gusto kong malaman kung iyong P10,000 na assistance sa mga OFWs doon sa abroad na nawalan ng trabaho ay tuloy pa rin. Tapos iyong libreng repatriation, kung ito’y tuloy pa ba? At kung tuloy pa, aling mga bansa ang puwedeng ma-repatriate ng libre at saan sila puwedeng makapag-avail.

So balikan natin ngayon si Secretary Bebot Bello. Sec. Bebot?

SEC. BELLO: Sec. Mart, good morning again. [UNCLEAR AUDIO] na iyong pagri-repatriate sa ating kababayan, tuluy-tuloy iyan.

SEC. ANDANAR: Ayun, so may problema pa rin. Balikan natin muli. Siguro let’s proceed to the next item first para maayos, Rocky, iyong linya ng komunikasyon with Secretary Bebot Bello.

USEC. IGNACIO: Opo. Samantala, Secretary, tuwing Hulyo po ay ipinagdiriwang natin ang National Nutrition Month. Pero sa gitna po ng COVID-19, paano nga ba natin namu-monitor ang kalusugan ng bawat isa lalo na ng ating mga kabataan.

SEC. ANDANAR: Para pag-usapan iyan ay makakapanayam natin si Executive Director Azucena Dayanghirang ng National Nutrition Council. Magandang umaga po sa inyo [garbled]/

EXECUTIVE DIRECTOR DAYANGHIRANG: Maayong buntag. Good morning din sa iyo, Secretary Martin.

SEC. ANDANAR: Ma’am, napakahalaga po ng nutrisyon sa panahon ngayong may health crisis tayo na kinakaharap lalo na para sa ating mga kabataan. Ngayong National Nutrition Month, how can the parents keep their kids healthy and safe sa gitna po ng pandemya?

EXECUTIVE DIRECTOR DAYANGHIRANG: Okay. So actually, unahin ko ang pagbati sa ating mga kababayan sa buong Pilipinas, Secretary Martin.

This month, July, ang taunang Nutrition Month ay mahalaga dahil mas pinapalawak natin ang ang kaalaman ukol sa nutrisyon lalung-lalo na sa mga parents, especially mothers.

Ngayong 46th Nutrition Month, bibigyan-pansin natin ang pinakamalaking problema ngayon ng ating bansa especially on nutrition, itong tinatawag nating child stunting. Dahil sa survey ng National Nutrition Council, isa sa bawat tatlong bata below 5 years old ay stunted. Ano bang ibig sabihin ng stunted? Ito iyong maliit sa height para sa kanilang edad.

So ang Pilipinas din ay nasa Top 10 na bansa na may pinakamaraming batang bansot or sa Bisaya “putot.” So halos apat na milyong batang Pinoy ay stunted. Kaya, Sec. Martin, ang tema ng Nutrition Month ngayong taon na ito ay “Batang Pinoy, Sana Tall; Iwas Stunting, Sana All; Iwas All Din sa COVID-19.”

SEC. ANDANAR: Nabanggit ninyo po na ang tema nga ng National Nutrition Month ngayong taon ay nakasentro sa pagkabansot, putot o pagiging stunted. Ito po ba ay nakakaapekto sa kabuuang kalusugan ng isang bata? Can you enlighten us, Doctor?

EXECUTIVE DIRECTOR DAYANGHIRANG: Yes, actually masasabi nating stunted ang isang bata kapag pagtuntong niya sa edad ng 5 years old ay hindi niya naabot iyong height na standard height na 110 centimeters kung lalake at 109 centimeters naman kung babae. So in short, kumbaga, ang 109 kung i-convert mo siya ay mga nasa 3 feet and 6 inches. So kapag stunted na siya sa edad na ito, hindi na talaga mababawi ang naging pagkukulong sa kaniyang paglaki.

Kaya naman importante na kapag 2 years old na siya ay dapat umabot siya sa tamang height na 80 centimeters. Pero kung hindi lang din pisikal na tangkad ang problema, Sec. Martin, ang pinakamalaki na problema talaga is iyong isang stunted child ay iyong kanyang utak ay stunted din. So hindi agad nakikita iyong pagiging stunted ng kaniyang utak kung hindi natin na-develop iyong kaniyang brain.

So kailangan…anong dapat gawin ng mga parents natin especially iyong mga mothers ay kailangan regular na dinadala ang mga bata nila sa health center para sa regular na growth monitoring. So ano ito? Sa mga batang below 3 years old, kailangan every month ay matimbang at makuha ang kaniyang height. So for older kids naman, every three months ang dapat pagpunta sa health center.

Bakit mahalaga? So mahalaga ang pag-monitor ng tangkad para kung nakikita na hindi lumalaki ang bata, maagapan pa ito bago tuluyan na siyang mabansot.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, ma’am, ano po iyong dahilan ng pagiging stunted? Namamana po ba ito?

EXECUTIVE DIRECTOR DAYANGHIRANG: Actually, wala pong epekto sa genes. Kukonti lang po iyong genes na may effect sa pagiging stunted. So iyan ang akala ng maraming Pilipino na porke’t Pilipino tayo, natural lang or normal lang ang pagiging bansot or putot. Gaya ng mga madalas nakikita natin sa mga sinasabi ng mga tao, kumbaga, misinformation or misconception na, “Okay lang iyan, putot siya or bansot siya dahil putot din or bansot din iyong lolo niya, nanay niya.” Pero sa totoo lang, maliit lang talaga ang kinalaman ng genes pagdating sa tangkad. Lahat ng bata ay may, actually, may kakayahan na tumangkad especially kapag nabigyan siya or sila ng tamang nutrisyon, kalusugan, pag-aalaga kasama na ang pag-develop ng kaniyang isipan, lalung-lalo na nasa sinapupunan or during pregnancy pa lang at hanggang 2 years old.

Dahil sa patuloy na problema ng pagkabansot, ang mga Pilipino ay isa sa mga pinakamababa ang tangkad. Dahil kung bansot sa pagkabata, tiyak na apektado na ang tangkad kapag adult na siya [garbled] konti lang ang epekto ng genes.

USEC. IGNACIO: Ma’am, malinaw po iyon. Pero paano ninyo po nasasabi na kapag ito po ay stunted na o bansot na iyong isang bata, ano ba dapat iyong normal height na dapat pong ma-reach ng isang growing kid para po sa kaalaman ng ating mga nanay na nanunood sa ating mga tahanan?

EXECUTIVE DIRECTOR DAYANGHIRANG: Okay. Importante na kapag two years old na ang isang bata ay umabot siya sa 80 centimeters, iyon iyong standard. So below that ay talagang bansot na siya. And pagdating naman ng five years old, dapat ang height niya is, kung lalake is, the least is at least mayroon siyang 109 centimeters or 3 feet and 6 inches.

Sa madaling salita, with these numbers like 110 centimeters, 109 centimeters kung babae, at age five years old, below that stunted na iyong bata. Iyon po ang ating tandaan. Kaya mahalaga po ang growth monitoring.

USEC. ROCKY: Opo. Ma’am, hindi pala talaga puwede gamitin na porke maliit ang tatay ko, maliit din ako. Pero ano po iyong dapat gawin sa bahay ng mga magulang para po mabigyang solusyon ito?

DR. DAYANGHIRANG: Actually, marami tayong dapat tandaan ‘no. Para sa mga magulang at miyembro ng pamilya na may mga batang edad dalawang taong gulang pababa, kailangan number one, ay dalhin ang kanilang – kagaya ng sabi ko kanina – dalhin ang kanilang mga anak from 0 to 23 months old or less than 2 sa health center kada buwan upang ma-monitor ang kaniyang tangkad at timbang. At para naman sa mga batang 2 years old pataas, dalhin sila sa health center kada tatlong buwan.

Now, next is pasusuhin or breastfeeding ang iyong sanggol sa loob ng unang anim na buwan, ito iyong tinatawag nating exclusive breastfeeding. And then pagdating naman niya ng anim na buwan, bigyan siya ng solid foods. Ito iyong tinatawag natin na complementary feeding ‘no, bigyan siya. Ito iyong mga pandagdag ng pagkain na mataas sa protina kagaya ng karne, isda, manok at itlog.

Importante rin na makapagbigay at matiyak ng ating gobyerno, ng ating pamahalaan ang mga serbisyo sa first 1,000 days. Ito ay ayon sa Republic Act No. 11148 o Kalusugan at Nutrisyon ng Magnanay Act. Ano itong first 1,000 days? Ito iyong from the first day of pregnancy up to 2 years old ng bata. So kinakailangan ang buntis dapat tamang nutrisyon para naman iyong sanggol na nasa kaniyang sinapupunan ay mayroong tamang nutrisyon at paglabas nito ay wasto ang timbang.

USEC. ROCKY: Opo. Ma’am, Hulyo nga po or ngayong buwan ay iyong Nutrition Month na. Pero paano po magpa-participate iyong ating mga bata sa taunang selebrasyon na ito? May online activities po ba kayo na puwede nilang salihan, alam naman po natin iyong sitwasyon natin ngayon dala ng COVID-19?

DR. DAYANGHIRANG: Okay. Dahil sa bagong sitwasyon—actually, this is already a new normal ‘no. Hindi po porke may pandemic tayo na hinaharap ngayon especially this COVID-19 pandemic, wala na tayong ibibigay na mga impormasyon. Lahat tayo mayroon—lahat ng Pilipino mayroon siyang kuwestiyon at ang National Nutrition Council sa pamamagitan ng aming mga FB pages, nandoon lahat ang impormasyon.

In fact, last March 23, right after the issuance of the Enhanced Community Quarantine (ECQ), ay nagbigay ang National Nutrition Council ng Advisory. Ano iyong mga advisory na ito? Pina-post namin sa lahat ng mga FB pages namin from the national government down to the regional offices namin, at ang mga advisory na ito para sa mga local chief executives na, number one, is talagang bibigyang lunas itong pagkakaroon ng pandemya na iyong access to food sa pamamagitan ng ating tinatawag na ‘Nutri-Relief’ ‘no. So sa mga relief packs, kailangan mayroon tayong mga pagkaing sagana sa protina especially ang ating mga dressed chicken at mayroong isda and then karne and then especially also lagyan natin ng gulay at prutas.

So masaya kami dahil ang dami po naming natatanggap na good news galing sa ating mga LGUs na talagang sumusunod sila noong ating mga advisory. At pangalawa, hindi naman po natin dapat i-stop iyong breastfeeding, talagang continuously mayroong breastfeeding na nangyayari especially doon sa mga mama na okay naman, kailangan ipagpatuloy ang breastfeeding. Kasi through breastfeeding, ito iyong makapagbigay ng tamang resistensiya sa bata against infection.

USEC. ROCKY: Okay. Maraming salamat po sa impormasyon na ibinigay ninyo or binahagi sa amin. Alam po namin napakaimportante po niyan para sa lahat ng magulang sa ating bansa. Salamat po, Executive Director Azucena Dayanghirang mula po sa National Nutrition Council. Stay safe po, ma’am.

DR. DAYANGHIRANG: Stay safe din. Maraming salamat.

SEC. ANDANAR: Ayan, totoo iyan, Rocky, itong issue ng ating mga ibang kababayan na stunted, maliit, putot o bansot. In fact, sa Philippine National Police, maraming gustong maging pulis, Rocky, na humihingi ng rekomendasyon—bakit ka tumatawa?

USEC. ROCKY: Secretary, alam ko hindi ka apektado nito eh [laughs].

SEC. ANDANAR: Hindi … Galing akong Nueva Ecija noong isang linggo at mayroong nagpapatulong dahil gustong mag-apply pagkapulis eh kaso 5’3” ang height niya – ‘di ba kailangan 5’4? Eh papaano iyan, eh sabi ko kung puwede ko lang ibigay itong isang inch ng height ko, eh sa iyo na eh kasi—pero iyon nga eh, so kailangan talagang seryosohin itong National Nutrition Month at iyong nutrisyon na ibinibigay sa mga anak mo. Anong height mo, Rocky?

USEC. ROCKY: Secretary, parang mayroon ka nang susunod na … [laughs] Hindi, tama lang po, average lang. Tama lang para sa isang babae [laughs].

SEC. ANDANAR: More than 5’2”?

USEC. ROCKY: Hindi po.

SEC. ANDANAR: So hindi ka puwedeng maging pulis?

USEC. ROCKY: [Laughs]

SEC. ANDANAR: 5’2” kapag pulis eh, kailangan 5’2”.

USEC. ROCKY: Sir, hindi po, baka mga 5’1” lang po ako.

SEC. ANDANAR: Ah, okay sige. Hindi bale okay na iyong newscast, bagay sa iyong maging newscaster. Samantala, alamin muna natin ang mga balitang nakalap ng Philippine Broadcasting Service mula sa ating mga lalawigan kasama si John Mogol. Go ahead, John.

[NEWS REPORT]

SEC. ANDANAR: Maraming salamat, John Mogol ng PBS-Radyo Pilipinas. Balikan po natin si Sec. Bebot Bello III. Sec. Bebot, okay na ba iyong ating linya ng komunikasyon?

SEC. BELLO: Sec. Martin, good morning ulit. Ma’am Rocky, good morning.

SEC. ANDANAR: Eh kanina kasi nag-i-echo, parang nasa loob ka ng karaoke bar eh [laughs] nalakasan iyong echo. Anyway, tuluy-tuloy po nating niri-repatriate iyong ating mga kababayan. Pero para sa kabatiran po ng ating mga OFWs, tuluy-tuloy pa rin po ba iyong tulong natin na P10,000 tapos iyong libreng repatriation?

SEC. BELLO: Tuluy-tuloy iyan, Sec. Mart. We still have about 700 million na binigay ng ating Pangulo kaya open pa rin. At sa dami kasi nang humingi ng tulong, Sec. Mart, ay hihingi kami ng dagdag tulong kay Presidente Duterte at ako naman ay … I’m confident dahil alam mo naman super love ng ating Pangulong Duterte ang mga OFW kaya there are about 500,000 more applying for assistance kaya kailangan siguro hihingi pa kami ulit.

USEC. ROCKY: Opo. Secretary, pero ano po iyong reaksiyon ninyo doon sa napabalitang may limampung OFWs diumano sa Saudi Arabia nagbebenta ng dugo para daw po makabili ng pagkain dahil tatlong buwan na umano silang walang trabaho dahil sa pagsasara ng kanilang pinagtatrabahuhan?

SEC. BELLO: Nakuwento ko na iyan, Rocky. Alam mo may mga kababayan talaga tayo na gusto nila iyong kinikita nila doon sa kanilang trabaho, pinapadala nila sa kanilang pamilya. Ngayon iyong mga—para sa mga lakad nila kagaya gusto nilang mag-inuman ganoon, gusto nilang mag—may lakad sila, ang ginagawa nila, nagbebenta na lang sila ng dugo. Pero iyon, dahil sa kagustuhan nila na iyong kinikita nila doon sa kanilang lugar lalung-lalo na sa Saudi ay buo pinapadala sa kanilang pamilya. Ito, malaking sakripisyo sa mga OFW natin.

Pero ganiyan ang ugali nating mga Pilipino, we are willing to sacrifice anything para lang sa ating pamilya. In fact, even dito sa Maynila, dito sa Pilipinas, Rocky, mayroong nagawa ng ganyan. Kapag gustong uminom, nagbebenta ng dugo rin eh, ‘di ba. Pero ganoon talaga ang situation doon and isolated naman iyan.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, bigyan-daan ko po iyong tanong ng ating kasamang si Tina Mendez ng Philippine Star. Ang tanong po niya: What are the new industries that emerge during the lockdown? With your earlier projection po na 10 million people losing their jobs this year, how fast can the Philippine government help private firms in their recovery? What’s the scenario for the labor sector in the next 6 months for the Philippines?

SEC. BELLO: Well, Rocky, umaasa kami dito sa BPO. Maaaring tutulong iyan sa pag-bounce back natin dahil alam naman natin na marami sa ating mga kababayan nawalan ng trabaho lalung-lalo diyan sa transportation, sa hotel, sa restaurant, marami talaga. Kaya umaasa tayo dito sa BPO industry natin. At lately nga mayroon nang tumawag sa amin na nangangailangan ng additional 6,000 call center agents.

And then also, dito naman sa construction, malaki ang pag-asa natin diyan dahil ngayong full implementation ang public works at saka transportation, doon sa Build, Build, Build infrastructure program of our President. Lahat i-full implementation nila, so it will generate a lot of construction works and we will have a lot of constructions workers getting back to their employment status.

SEC. ANDANAR: Sec. Bebot, ano naman po ang update sa repatriation ng mga kababayan nating nasawi sa Saudi?

SEC. BELLO: Naku, napakagandang tanong iyan, Sec. Martin. In fact, I have a meeting this afternoon, I’m meeting until tonight, dahil pina-follow up natin iyong—originally, Sec. Mart, 301 OFWs iyan. Mga 152 sa kanila ay namatay dahil sa COVID and 149 ay namatay dahil sa natural causes, kagaya sa sakit, na disgrasya, nagkaroon ng high blood, nagkaroon ng dialysis, ganoon natural causes iyon, 149. Iyong 152 na COVID, Sec. Mart, mayroon ng nailibing na 23. Iyong 20 na doon, may permission, mayroong pahintulot iyong kanilang next of kin. Kaya lang kahapon, nabigyan kami ng notice na iyong Saudi government without giving notice, naglibing pa sila ng tatlo. So, 23 lahat iyong nalibing na. So, we are talking of only 129 na lang, 129 na OFWs who died of COVID.

Now, doon sa mga non-COVID death, mayroon tayong 149. Ngayon out of the 149, apat na ang nakauwi on their own, na-repatriate nila iyong kanilang mga namatay na kamag-anak. So, we are talking of only 274 and by July 4, eh dapat maiuwi natin iyan, iyong ating mga minamahal na kababayan. And we have to do that dahil kung hindi ililibing na po ng Saudi government iyong ating mga kababayan.

So, we are doing our best para ma-meet lahat iyong mga requirements, including iyong health protocols, iyong mga exit visa. Lahat ng pahintulot ng mga employers, pati iyong mga pahintulot ng mga next of kin, we will have to get all of these and we will try to bring them by July 4, puwede nating ilipad sila, Sec. Mart.

SEC. ANDANAR: Alright, thank you so much for the information. Maiba lang po ako, Sec Bebot, dahil napag-usapan po natin noong nakaraang interview about the CAMP, iyong tulong ho na maibibigay ninyo sa mga nawalan ng trabaho. Tapos ang sinabi po ninyo ay nag-apply na ho kayo sa DBM. Kumusta na po iyong application, sir? Pumasa ho ba iyong second tranche ng CAMP natin?

SEC. BELLO: Iyon ang hindi pa namin alam, Sec. Martin. In fact, I am having a meeting with Senator Angara, Senator Villanueva and including Senator Recto late this afternoon and until Friday morning to find out how we can continue iyong ating programa na tinatawag na COVID Adjustment Measure Program para mabigyan natin ng cash assistance iyong mga formal workers na hindi nakapagtrabaho kaya walang suweldo.

SEC. ANDANAR: Yes, sir. I-remind ko lang po, sir, na marami na po sa mga kasamahan natin sa media, Luzon, Visayas at Mindanao ang sinunod po ang inyong payo na mag-apply online at once na ito ay maaprubahan ng DBM ay para mabigyan po ang inyong tanggapan ang ating mga media workers, formal workers na nawalan po ng trabaho ngayon.

The next question po is, maaari ba nating idetalye iyong protocols na ipatutupad kapag naiuwi na po ang mga OFWs dito po sa ating bansa lalung-lalo na po iyong mga namatay po?

SEC. BELLO: Okay. Thank you, Sec. Mart. Magandang tanong iyan. Dahil sabi ni Undersecretary Villaverde, according to the standard of the World Health Organization, iyong ating namatay na kababayan dahil sa COVID, babalutin muna iyan, pero bago sila babalutin doon sa body bag ay i-disinfect nila iyong body bag, bago ipasok iyong labi ng ating kababayan. Kapag naipasok na iyan, isasarado at pagkatapos ise-selyo, ise-seal iyong body bag, Sec. Martin. After that, mayroong casket, iyong casket bago ipasok iyong body bag ide-disinfect din at pagkatapos ipasok iyong body bag and then seal it again, ganoon ka-strikto iyong health protocol.

Ngayon, Sec. Mart, pagdating dito, agad-agad, from the airport, itutuloy iyan sa crematorium, maki-cremate agad because that is the recommendation of the Department of Health na kapag namatay ka through an infection disease, kailangan ma-cremate ka within 24 hours. So, iyon ang health protocols, Sec. Mart.

USEC. IGNACIO: Secretary, bigyang-daan ko po iyong tanong ng ating kasamahan na si Gillian Cortes from Business World. Ito po ang tanong niya: What is the updated figure on the number of employees displaced because of the COVID-19 crisis? How many companies have filed for closure already?

SEC. BELLO: From January this year up to this time, we have received from 3,012 business establishment going into temporary closure, masuwerte tayo temporary closure iyan. Out of these, mayroon ding mga 200 plus na business establishment na permanent ang closure nila. This involves about almost 100,000 employees, Rocky.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat po muli sa inyong oras, Secretary Bebot Bello ng DOLE. Mabuhay po kayo. Mabuhay po ang inyong tanggapan.

SEC. BELLO: Salamat din, Sec. Mart. Rocky thank you. Magandang tanghali po sa ating lahat.

SEC. ANDANAR: Sa puntong ito ay makakapanayam po natin si FDCP Chairperson Undersecretary Lisa Diño. Magandang umaga po sa inyo, ma’am? Ma’am, are you there?

USEC. DIÑO: Yes, I’m here.

SEC. ANDANAR: Ma’am, a few days ago ay naglabas po ang FDCP ng clarificatory guidelines tungkol sa joint administrative order na inilabas ng inyong tanggapan together with the DOH and DOLE on the conduct of film and audio-visual production shoots. Tungkol po saan ang clarification na ito?

USEC. DIÑO-SEGUERRA: Kinlarify lang po natin na dahil ang audio visual production po ay malawak. So, hindi lang po siya nakakahon sa mga film industry workers or sa different formats like advertising, television, marami na rin po ngayong lumalabas na iba pang klaseng audio visual content dahil din po nag-a-adapt sila dito sa ating new normal.

So, even live events production nagkakaroon din po ng ganito nang klaseng content kung saan walang audience pero sino-shoot po nila ang kanilang mga ginagawang mga content at ipinapalabas po ito sa iba’t-ibang platform

Unfortunately, dahil nga po sa nature or dahil sa traditional nang nakasanayan na basta event ay hindi muna papayagan under GCQ, at sa MGCQ pa papayagan, we consulted with DOH para malaman kung puwede bang payagan iyong mga ganitong klaseng formats kasi it’s still a content productions since sinu-shoot ito, controlled environment, wala naman siyang audience but these productions are just expanding ang adapting to the new normal right now.

At talagang kailangan na rin talaga nating mag-restart at mag-reopen iyong ibang mga industriya, so talagang gumagawa ang lahat ng paraan para makapag-umpisa na ulit at makapaghanapbuhay.

SEC. ANDANAR: Mayroon po bang nabago sa guidelines na ito?

USEC. DIÑO-SEGUERRA: Wala po. Lahat po ng guidelines na inilagay natin sa advisory are just reiteration of the existing joint administrative order that the DOLE and the DOH and the FDCP partnered with, released last June 7, 2020. So, ito po ay para sa lahat ng—para sa conduct ng production shoots sa pelikula, sa telebisyon, sa advertising at iba’t-iba pa pong audio visual content.

So, ang ini-emphasize po natin dito ay hindi po tayo nagli-limit sa pagdating sa formats. Iyong conduct po ang ating tinitingnan; iyong guidelines po natin; iyong health and safety protocols po ay—ang nakapaloob po doon ay iyong paano natin gagawin nang safely ang ating mga productions.

USEC. IGNACIO: Opo. Sec. Martin, Usec. Liza, nasa kabilang linya rin po si DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Magandang araw po sa inyo, Usec. Vergeire.

USEC. VERGEIRE: Yes. Good morning po, Usec. Rocky and Sec. Andanar.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec. Vergeire, ano ba iyong nangyari at bakit kailangan pong mag-release ng clarificatory guidelines ang FDCP regarding po this joint administrative order?

USEC. VERGEIRE: Ito naman pong clarificatory guidelines na ito na nai-release nga po ay para lang po i-reiterate itong guidelines natin regarding safety and health guidelines para po sa mga gumagawa ng pelikula and the other scope of this guidelines. Gusto lang ho nating iparating na kailangan talagang mai-enforce natin ang minimum health standards especially dito po sa setting na ito.

Gusto ko lang klaruhin, Usec. Rocky, this is not just that specific agency na nakikipagtrabaho ang DOH para ma-enforce natin ang health and safety guidelines. Nakikipagtrabaho po tayo sa lahat ng ahensiya para iyong iba’t-ibang sektor mabigyan po natin ng guidelines na ganito so that we can assure the protection and safety of our employees.

USEC. IGNACIO: Opo. Para po kay Usec. Vergeire din and kay Usec. Liza: Ano daw po iyong mga considerations na ginawa noong ginagawa pa lamang itong joint administrative order? How did DOLE, DOH and FDCP come up with the guidelines? Nagkaroon po ba ng dialogue with different production outfits?

Si Usec. Vergeire po muna.

USEC. VERGEIRE: Yes, ma’am. Sa pagkakaalam ko nagkaroon sila ng konsultasyon with the industry itself, doon po sa mga guild or mga miyembro po nitong Directors’ Guild. And ang DOH naman sa aming parte, kapag gumagawa po kami ng mga polisiya, we make it a point that we consult the stakeholders that are involved.

Also, ito pong pinaka-objective po ng DOH dito is para po nga sa minimum health standards. That’s why, ito po ay atin naman pong naikonsulta na sa lahat ng sektor. This is really to promote health and to ensure that all people are safe right now specially in this time of the pandemic.

USEC. IGNACIO: Usec. Liza?

USEC. DIÑO-SEGUERRA: Yes. On our end naman, ang unang-una nga naming stakeholders meeting to introduce the initiative of the FDCP para magsagawa ng health and safety protocols at makipagtrabaho sa mga ahensiya dahil nga po iyong inilabas po ni DOH na puwedeng magkaroon ng sector-specific guidelines.

Isang malaking stakeholders meeting po ito, in-attend-an po ito ng DOH, in-attend-an po ito ng DOLE, in-attend-an ng DTI, DICT. Marami pong mga ahensiya ang sumama dito sa aming townhall para lamang po makilala nila ang aming industriya.

At pagkatapos noon ay nagkaroon ng sunod-sunod na focused group discussions at konsultasyon sa iba’t-ibang organisasyon, iba’t-ibang workers na nasa film industry sector and even iyong mga allied sectors ng audio visual industry. Kasi, of course, the Film Development Council of the Philippines, ang primary at ang mandate talaga namin ay para sa mga gumagawa ng pelikula at audio visual content.

Pero iyong mga advertising, iyong live events hindi po namin iyan saklaw. Pero in terms of the conduct of the nature of the work and the conduct of the productions, may crew, recorded equipment, ganito, we have to also share itong mga ginagawa ngayon na guidelines para makita nila if this something that will also align with how they do their business.

SEC. ANDANAR: Usec. Liza, working in the media industry, we know it is quite challenging to adhere to these guidelines yet we have no choice but to follow. Sa panig po ng FDCP, how do you make sure that these guidelines are and will be strictly followed?

USEC. DIÑO-SEGUERRA: We have monitoring tools at kasama rin po ito sa hiningi sa aming requirement para masigurado natin na ang iba’t-ibang ahensiya at government agencies are taking responsibility.

Ang LGU po ay ang mag-i-implement at mag-i-inspect ng mga productions na ginagawa sa iba’t-ibang locations. FDCP naman po is asking for reportorial requirement so, malalaman po natin kung saan po iyong kanilang mga locations; sino-sino po iyong mga kasama sa production na ito para in the event na mayroon pong mangyaring-sana huwag naman po-na suspect case ng COVID, madali po tayong makapag-contact trace at matutulungan po natin ang DOH, ang LGU at ang mga iba’t-ibang ahensiya para ma-contain po natin ang mga nangyayaring ganitong sakuna.

So, we ask for the public support, we ask for our industry stakeholders’ support. Ito po ang ambag natin para masigurado po natin na lahat po tayo ay nakikiisa sa laban sa COVID.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa clarification, USec. Liza. Maraming salamat din po sa ating kasama talaga si Usec. Liza Diño-Seguerra sa inyong FDCP, pagiging chair at alam po namin na ginagawa ninyo ang lahat para po matulungan din iyong inyo ring mga kasamahan sa hanapbuhay at alam ko naman po na talagang binibigyan ninyo sila ng pagkakataon na harapin ang malaking hamon ng COVID-19.

Salamat po.

USEC. DIÑO-SEGUERRA: Maraming, maraming salamat din sa pagkakataon.

USEC. IGNACIO: Opo. Mayroon po tayong katanungan kay Usec. Vergeire. Usec. Vergeire, if I may? Mayroon pong ipinadalang tanong ang ating kasamahan na si Maricel Halili ng TV5. Ito po ang tanong niya: To reiterate daw po, paki paliwanag pong muli ang difference between positive individuals ang confirmed cases. Sa DOH website po kasi 47,347 ang positive individuals pero 37,514 ang confirmed cases. Ano daw po ang ibig sabihin nito?

USEC. VERGEIRE: Yes, ma’am. Doon sa po sa ating tinitingnan niyan, doon sa nCoV tracker. Nilalagay po natin diyan iyong atin pong mga nagagawang laboratory tests per day. Ito po ang kinukumpara niya, iyong tinatawag natin na unique individuals tested at saka iyong cumulative, unique positive.

So, ito po iyong sinasabi niya na mayroon tayong almost 47,000 na cumulative unique positive. This is based on the laboratory results and the laboratory processes. Ikinukumpara niya po ito dito sa ating confirmed cases na 37, 514. So, itinatanong niya po bakit hindi nagkakapareho.

Ito pong ginagawa ng laboratory, bago po namin iyan i-tag as confirmed at mapunta doon sa 37,000 na sinasabi natin, kailangan pa ho naming i-validate at i-verify iyan kasi ito pong mga unique individuals tested or iyong cumulative na iyan, maaaring may duplicates kami; maaaring mayroon din pong na-tag na sa ibang laboratory kaya nagdodoble-doble ang numero. So, kailangan muna po nating linisin, ma-validate, ma-verify before we can tag really as a unique confirmed case of positive COVID-19.

Kaya po may diperensiya ang mga numero na ito dahil iyon pong 47,000 plus, iyan po iyong sinubmit ng laboratory at hindi pa nava-validate ng Epidemiology Bureau as to really isang tao lang iyan. Kasi minsan din po ang isang tao magkakaroon ng mga repeat test dahil nasa ospital sila, mino-monitor sila, so ibig sabihin nagdo-double count din sila. So, kailangan muna pong linisin para sigurado tayo na ang numerong ibinibigay natin sa general public ay accurate po at saka tama at walang doble na tao sa loob.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec. Vergeire, may ipinadala pong tanong si Joseph Morong ng GMA 7: Ano daw po ang guidelines doon sa areas ng low risk but still under MGCQ, kasi iyong pangamba po na baka biglang maglabasan ang mga tao dito sa MGCQ?

USEC. VERGEIRE: Yes, ma’am. Usec., kailangan maintindihan ng lahat ng tao, kahit ano pong level ng community quarantine na ang mayroon tayo sa bawat area natin, may mga basic na prinsipyo at mga basic na dapat ipinatutupad.

Unang-una na kung wala kang gagawin na essential outside of your home, huwag kang lumabas because you are still in community quarantine kahit sabihin natin na low risk MGCQ iyan.

Pangalawa, kailangan pa rin nating gawin ang minimum health standards: Isuot ang mask kapag lalabas ng bahay; mag-physical distancing; laging maghugas ng kamay.

And of course pangatlo po, kailangan din pong mag-ingat ang bawat individuals at saka para maingatan nila ang kanilang pamilya.

So, these are the different basic principles or basic things that you need to do kahit anong level ng community quarantine. Kapag sinabi po natin na low risk na MGCQ, ito po ay mas mababa doon sa talagang MGCQ. We are now transitioning into this new normal na sinasabi natin kung saan lahat po ng minimum health standards na dapat ipatupad sa bawat setting na mayroon tayo whether it be for transport; whether it be for education and all, kailangan po naipatutupad.

So, nandiyan pa rin ho iyong ating mga minimum health standards that can assure our people nasana ico-comply din po at ma-enforce din po ang mga pamantayan na iyan para masiguro po na ang mga tao ay hindi magkakasakit in spite of easing out of this restriction.

USEC. IGNACIO: Okay. Usec. Vergeire, maraming salamat po sa inyong panahon. Stay safe pa rin po.

USEC. VERGEIRE: Maraming salamat po, Usec.

SEC. ANDANAR: At diyan po nagtatapos ang ating programa para sa araw na ito. Ako po ang inyong lingkod, Sec. Martin Andanar mula sa PCOO.

USEC. IGNACIO: At mula pa rin po sa PCOO, ako naman po si Usec. Rocky Ignacio.

SEC. ANDANAR: Hanggang bukas pong muli sa Public Briefing #LagingHandaPH.

###

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)