Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar, PCOO Undersecretary Rocky Ignacio and Aljo Bendijo


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

SEC. ANDANAR: Magandang umaga, Pilipinas at sa lahat ng ating mga kababayan saan mang sulok ng mundo, ngayon po ay February 3, 2021, araw ng Miyerkules. Ako ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar mula sa PCOO. Good morning, Rocky. Good morning, Aljo.

USEC. IGNACIO:  Ako naman po si Usec. Rocky Ignacio mula pa rin po dito sa makasaysayang gusali ng Manila Hotel tayo po ay nakakapag-broadcast sa kabutihang loob po iyan nila Chairman Basilio Yap, Manila Bulletin President Emilio Yap at Manila Hotel President and former Senator Joey Lina. Muli, kaisa natin ang Philippine Information Agency ngayong umaga para maghatid ng tama at napapanahong impormasyon tungkol po sa National Vaccine Roadmap ng Pilipinas.

Makakasama rin po natin si Aljo Bendijo live mula po sa PTV Studio. Good morning, Aljo.

ALJO BENDIJO: Maayong buntag, Sec. Martin. Good morning, Usec. At good morning sa ating mga kababayan. Direkta nating maririnig ang paliwanag sa mga isyu mula mismo sa mga nangunguna sa vaccination program ng pamahalaan.

SEC. ANDANAR: Pangunahin po naming layunin sa PCOO na labanan ang pagkalat ng fake news. Tandaan po, walang mabuting maidudulot sa panahon ngayon ang pagpapakalat ng maling impormasyon, at ang paniniwala rito ay kaya naman natin; kaya simulan po natin ang special edition ng Public Briefing #LagingHandaPH – ito po ang COVID-19 Vaccine Explained.

Una po sa ating mga balitang ngayong araw: ‘No fines, no arrests, no confiscation of licenses,’ iyan po ang paglilinaw na ginawa ni Senador Bong Go tungkol sa pagpapatupad ng Child Safety in Motor Vehicle Act habang nasa gitna pa rin ng pandemya ang ating bansa. Nakiusap din siya sa bawat Pilipino na makinig sa information drive na ginagawa ng pamahalaan tungkol dito dahil para naman ito sa kaligtasan ng mga bata. Narito ang report:

[VTR]

USEC. IGNACIO:  Samantala, umabot na sa isandaan ang bilang ng mga Malasakit Center na naitatag sa buong bansa. Ang pang-isandaan po ay nasa RITM o Research Institute for Tropical Medicine sa Muntinlupa City na personal na binisita ng main proponent nito na si Senator Bong Go. Narito po ang detalye:

[VTR]

ALJO BENDIJO: At kaugnay niyan ay personal ding binisita ni Senador Go kasama ng ilang ahensiya ng pamahalaan ang mga residente sa Muntinlupa City na nabiktima ng flashflood noong nagdaan taon. Ikinatuwa naman ito ng mga residente ng siyudad, ang detalye sa report na ito:

[VTR]

ALJO BENDIJO: At samantala, Sec. Martin at Usec. Rocky, kasama rin natin dito sa PTV studio ang Director General ng Philippine Information Agency, si Usec. Ramon Cualoping III para magbigay ng update sa Explain, Explain, Explain program ng PCOO at ng Philippine Information Agency nitong nagdaang linggo.

DG Mon, maayong buntag sir.

PIA DG CUALOPING: Maayong buntag, Aljo. It’s been a very, very busy month. Iyong unang buwan ng 2021 naging busy ho tayo, ang PIA at PCOO, kasama si Sec. Martin at si Usec. Rocky. Nandito ako every Wednesday para Explain, Explain, Explain natin sa mga kababayan natin kung ano ba talaga iyong vaccination program ng Pilipinas. I think Aljo, ang malaking hamon sa atin bilang communicators ng gobyerno ay ma-increase iyong willingness noong kababayan natin na magpaturok.

Kasi at this point lagi nating ini-emphasize nga, kapag hindi natin na-achieve iyong 70% noong population natin na maturukan ng COVID-19 vaccines, hindi natin makukuha iyong herd immunity. So hangga’t hindi natin maabot iyong herd immunity, medyo hindi tayo makakabalik sa dating normal na gusto natin – iyong pagbiyahe, iyong nakakagala sa mall, sa pagsimba, iyong ganoon. So, kaya kailangan natin ma-achieve iyon this year and nag-guarantee si Sec. Galvez, si Vaccine Czar natin na 70 to 80 million Filipinos ang matuturukan this year.

ALJO BENDIJO: Okay. So, DG Mon, ano po iyong update? Ang iniiwasan natin dito ay ang pagpapakalat ng mga pekeng balita. So update tayo sa ating communications campaign para sa pagbabakuna.

PIA DG CUALOPING: Oo. The past two weeks umikot tayo sa buong Pilipinas. The other week nasa Central Visayas kami – sa Cebu, Siquijor at Negros Oriental. Bukas naman pupunta ako sa Davao, sa Davao Oriental at Davao del Norte. At sa susunod na lingo, kami ni Sec. Martin, ay pupunta sa Caraga Region para kausapin talaga iyong mga mayors, iyong mga stakeholders natin at ang mga sectoral representatives.

Importante ito Aljo dahil ginagawa natin end-to-end communications. Siyempre mayroon tayo, ang mainstream ano natin which is TV pa rin, ang primary source ng information at sinasabayan natin ng social media campaigns. Ngunit kailangan rin natin talagang ibaba ang komunikasyon, iyong harap-harapan at maintindihan ng ating mga kababayan. So kasama ng pag-ikot natin, ng PIA at ng PCOO – ang Department of Health, ang Department of Social Welfare and Development at ang Department of Interior and Local Government para i-explain talaga natin kung ano iyong vaccines.

ALJO BENDIJO: Okay. So napakahalaga na magkaroon tayo talaga ng brand neutrality, ‘ika nga ‘no, DG Mon.

PIA DG CUALOPING: Yes. I think Aljo kailangan natin i-emphasize kasi alam natin na medyo nagkalat the past two months iyong balita na may pinapaboran tayong isang brand or itong isang brand na ito ang mauuna or mas effective itong isa. Siguro we will emphasize this, Aljo, na wala pa hong brand sa buong mundo na mayroong guaranteed na percent ng efficacy dahil lahat ho noong vaccines ngayon ay nasa trial stage pa – which means Emergency Use Authorization pa lamang – EUA, iyon ho ang tinatawag. Buong mundo, wala pa ho ni isang vaccine na mayroong certificate of product registration. So emergency use, which means national government lamang ang makakabili at this point kasi hindi pa siya puwedeng maibenta sa mga botika, sa mga clinics ng mga doktor natin.

Pangalawa ho, ang ina-assure ng national government sa pamamagitan ng mga directives ni Pangulong Duterte at ni Senator Bong Go bilang Chair ng Committee on Health ng Senate at ni Vaccine Czar na si Secretary Galvez, ang sinasabi ho natin lagi ay walang bakuna ang maituturok sa ating mga kababayan na hindi dumaan sa proseso ng Food and Drug Administration at ng DOST for the trials. So lagi ho natin sinasabi, regardless kung anong brands iyan, kung galing man China, US, UK, India or Russia, safe and effective ho iyan para sa ating mga kababayan.

ALJO BENDIJO: So tuluy-tuloy lang ang ating roadshows ‘no sa iba’t ibang panig ng Pilipinas, outside Metro Manila para maibsan ang pangamba ng ilan nating mga kababayan tungkol nga dito sa bakuna.

PIA DG CUALOPING: Opo.

ALJO BENDIJO: Dahil may iba pa rin tayong mga kababayan na natatakot magpabakuna, pero wala namang sapilitan ito, papaano natin maipaliwanag sa kanila, DG Mon, na relax lang kayo at itong bakuna ay para po sa atin, napakaimportante nitong vaccination program?

PIA DG CUALOPING: Yes. I think, Aljo, medyo nakakalungkot dahil nahaluan ng pulitika iyong kuwento ng vaccines, medyo nating maingay since December. Ngunit lagi nating sinasabi na ang bakuna ay para sa lahat, regardless kung ano ang gusto mo sa pulitika or kanina ka naka-align at ang sinasabi natin lagi safe and effective vaccines.

Gaya ng sinabi ni Dr. Edsel Salvaña sa isang hearing sa Kongreso, iyong bakuna makakatulong sa atin dahil kung ngayon ang COVID ay isang parang lion, dahil kapag sumigaw siya, lion, ganoon siya ka-fierce – kapag naturukan ka, magiging pusa na lang siya, nagmi-meow – parang ganoon na lang. So, nati-tame natin iyong COVID.

So importante iyon, Aljo, dahil kunyari—I’ll give a clear example siguro para maintindihan ng kababayan natin. Kunyari Aljo, nagpaturok ka na pero ako hindi nagpaturok. So magkikita tayo, hindi ka pa rin safe kasi kailangan may herd immunity tayo eh, mabuo natin iyon, majority ng community natin ang magkaroon ng certain level of protection. So kapag naturukan ka, ako hindi, hindi pa rin safe. Hindi ka pa rin safe, hindi ka pa rin makakagala, hindi ka pa rin makakaikot dahil mataas pa rin iyong risk na mahawaan ka ng COVID-19.

So ang purpose ng vaccines is to add protection. Lagi nang sinasabi ng DOH ngayon – baka mamaya nandito si Usec. Vergeire – we always say mask, iwas, hugas plus bakuna. So ito na iyong apat ngayon na proteksiyon natin from COVID-19 – mask, iwas, hugas plus bakuna. So iyan ho iyong apat na proteksiyon natin.

ALJO BENDIJO: Paano natin ipaliwanag sa ating mga kababayan, DG Mon, na ito pong proseso ng transparency sa pag-procure ng bakuna’t wala po talagang korapsiyong mangyayari?

PIA DG CUALOPING: Guaranteed ho iyan, laging sinasabi ng Pangulong Duterte, zero tolerance on corruption, lalo na ho dito sa procurement ng vaccines dahil nakasalalay dito ang buhay ng buong sambayanan. Sinasabi nga natin, Aljo, the Philippine COVID-19 vaccination program or rollout is the most massive endeavor that our government, our nation will be undertaking in our history. Never tayong nagkaroon ng programa, Aljo, na buong Pilipinas sabay-sabay nating tuturukan, so this is the most massive program. So the President assures everyone na zero tolerance on corruption.

And pangalawa, darating tayo sa tamang panahon na puwede na nating mailahad sa publiko iyong presyo ng bawat turok, bawat dose. Kasi at this point, Aljo, inuulit-ulit natin na mayroon tayong non-disclosure agreements sa manufacturers ng COVID-19 vaccines. Buong mundo naman, Aljo, walang gobyerno, walang pamahalaan sa buong mundo na nagsasabi kung magkano iyong pagbili nila at this point dahil naka-emergency use pa lahat, Aljo.

ALJO BENDIJO:  Maraming salamat, DG Mon. Mamaya ay nandito kasama pa rin natin si DG Mon para sagutin ang tanong ng ilan nating mga kasamahan sa media. Samantala, Sec. Mart?

SEC. ANDANAR:  Thank you, Aljo. Maya-maya mag-usap tayo, DG Mon. Samantala, para bigyang linaw naman ang mga tanong ng bayan tungkol sa bakuna, nagbabalik muli sa ating programa si Vaccine Czar at NTF Chief Implementer Carlito Galvez Jr. Sec. Galvez, good morning.

SEC. GALVEZ: Good morning po, sir. Good morning, Sec. Mart. Mabuhay po kayo.

SEC. ANDANAR:  Sec. Galvez, please go ahead with your presentation.

SEC. GALVEZ:  Magandang umaga po sa ating lahat. Nais po naming ibahagi sa inyo ang magandang balita tungkol sa ating National Vaccination Program laban sa COVID-19. Ang atin pong WHO, Gavi at COVAX Facility ay nag-allocate po sa atin ng 5.6 hanggang 9.3 million vaccine doses para sa ating bansa, nagsimulang ipadala ngayong first quarter ng taong ito.

So sa loob ng 72 na nag-submit po, Sec. Martin, 18 lang po na bansa ang kasama, kasama dito ang Pilipinas. Ibig sabihin, nakita po ng WHO na maganda po iyong preparation po natin. So nagbigay po sila ng preference from 72 na nag-submit, 18 lang po ang nabigyan ng tinatawag nating COVAX vaccine, kasama po tayo, kaya po nagpapasalamat po tayo sa ating mga vaccine cluster sa kanilang maagap na pagsulat at pagpapahayag ng ating intensiyon na magkaroon ng vaccine dito po sa Pilipinas.

117,000 doses ang bakunang ito ay mula sa Pfizer at puwede po itong madagdagan kapag po tayo ay sumulat before February 14. Ang first tranche ay maipapadala simula ngayong Pebrero; ang mga bakuna naman mula sa AstraZeneca na aabot sa lima to 9 million pesos (?) ay darating sa loob ng first and second quarter ng taon. Nagpapasalamat po kami sa WHO sa pagtulong na mag-allocate sa ating bansa ng bakunang ito na para sa ating mga health workers.

Napakahalaga po ng bakunang ito mula sa COVAX sapagkat mabibigyan natin ng prayoridad ang ating mga health workers at frontliners base sa sektoral at geographical na strategy ng ating National Vaccine and Development Plan.

Pumirma na rin po tayo, ang pamahalaan, ng term sheet sa limang vaccine companies na kung saan tayo ay makakaangkat ng 108 million vaccine doses. Inihanda na po namin ang ating supply agreements at kontrata para sa mga bakunang ito at inaasahan po namin na ipa-finalize sa loob ng buwang ito.

Nakita po namin na excited na ang ating mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila at sa ibang mga karatig pook na matanggap ang bakunang ito. Bilang paghanda, nagsama-sama po at nagsagawa po tayo ng simulation at table top exercises upang mas mapabuti ang kanilang mga pasilidad at proseso at prepared po sila. May mga siyudad na nagpahayag ng kanilang pagnanais na sila ay magsagawa ng pagbakuna sa kanilang mamamayan kasama ang mga Lungsod ng Makati, Pasig, Manila, Taguig and Quezon City. Sinabi din nila na bigyan ng prayoridad ang kanilang mga economic frontliners.

Ito po, Secretary Martin, is para po talagang maging ma-preserve po natin ang economy at magkaroon tayo ng economic recovery ngayong first quarter.

May mga siyudad na nagsabing kaya nilang magbakuna ng humigit kumulang ng 18,000 hanggang 24,000 na katao sa isang araw.

Ang CBCP po, ang ating mga kaparian at ibang religious sector naman ay nag-volunteer na tumulong sa pamahalaan at pinapahintulutan nilang gamitin ang kanilang mga simbahan bilang vaccination center. At alam po natin na ang mga pari po ay talagang malaki rin po ang kanilang impluwensiya para magpaturok po ang ating mga sambayanan.

Pupuntahan po namin ang CODE Team at iba’t ibang mga siyudad sa NCR, pagkatapos iba’t ibang bahagi naman ng bansa tulad ng Davao City, Cebu City, Region III, Region IV-A at ang Baguio City. Ito po ay upang makita ang kanilang kahandaan sa pagtanggap ng mga bakuna at tulungan silang balangkasin ang kanilang mga lokal na vaccine plans.

Dito po sa COVAX, ang ina-ano po ang WHO talagang i-priority po natin ang more or less 3 to 6 million po nating mga frontliners, kasama na po iyong lahat ng mga hospital at iyong lahat po ng mga vaccinators, kasama po iyong mga BHERTS at saka iyong ating mga local health officers at saka mga frontliners, kasama na rin po dito ang ating tinatawag na uniformed personnel at ang ibang mga economic frontliners.

Iyon lang po, Secretary Martin at ako po ay natutuwa na mayroon na pong darating ngayong Pebrero na mga vaccine at kami po ay nagpapasalamat sa LGU at sa lahat ng ating mga kababayan sa kanilang paghahanda dito sa ating pagba-vaccine.

SEC. ANDANAR:  Maraming salamat po sa update, Secretary Galvez. We will see you tonight sa Cabinet. Mabuhay po kayo!

SEC. GALVEZ:  Opo.

SEC. ANDANAR:  All right. So may pahabol po tayong tanong para kay Secretary: As soon as dumating ba ang Pfizer vaccine na nauna na ninyo ng sinabi na darating nga by the second or third week ng February ay agad-agad ding magsisimula ang vaccination para sa mga nasa priority list o maghihintay pa tayo ng ilang linggo para ibakuna ito?

SEC. GALVEZ:  Hindi na po tayo magtatagal, ang gawin lang natin i-inspect lang natin two to three days at ituturok po natin kaagad iyan. Uunahin po natin iyong apat na referral hospitals dito sa Metro Manila, itong Philippine General Hospital (PGH), Lung Center, itong East Avenue at saka iyong Tala Hospital dito sa Caloocan City. And then afterwards ang gagawin po natin, iyong ating mga hospital na may COVID referral sa different cities ng Metro Manila. Cebu City at Davao City po ay susunod na po iyon. At after Pfizer naman po, mayroon na pong darating na AstraZeneca.

SEC. ANDANAR:  Kung maaari daw po, as per WHO, ay ilaan ang COVAX vaccines sa medical workers at sa mga elderly with pre-existing conditions. Paano po natin mamo-monitor na ang isang brand ng bakuna ay maibibigay sa intended population gaya nitong galing sa COVAX Facility?

SEC. GALVEZ:  Iyon po ang pinag-usapan namin sa vaccine cluster kahapon na dapat po talaga, dahil ito po ay galing po sa COVAX Facility ng WHO ay susundin po natin ang regulation at saka iyong tinatawag na SAGE [Strategic Advisory Group of Experts] format platform ng WHO. At ang ano po natin sa WHO na huwag po silang mabahala talagang susundin po namin po iyon, ang gagawin po namin ay ang medical professionals lalo na sa mga hospital at ang ating mga frontliners at saka iyong ating mga vulnerable indigent senior citizens – iyon po ang gagawin po natin.

SEC. ANDANAR:  Pinag-aaralan rin po ba ninyo itong oral coronavirus immunization vaccine na Vaxart at iosBio na ngayon ay nasa clinical trials na rin?

SEC. GALVEZ:  Iyan po ay idudulog namin sa DOST at sa ating Vaccine Expert Panel titingnan po nila kung ito po ay magandang next generation na puwede nating pag-aralan at matanggap po dito sa Pilipinas.

SEC. ANDANAR:  Maraming salamat po, Secretary Galvez. Maya-maya po ay sasagutin din ni Secretary Galvez ang mga katanungan din po naman ng ating mga kasamahan sa media.  Huwag po kayong aalis, magbabalik po Public Briefing #LagingHandaPH.

[AD]

USEC. IGNACIO:   Nagbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Kahapon, Secretary Martin at Aljo, ay naka-set-up po ng drive-thru saliva PCR testing sa bus bay ng isang malaking mall sa Ortigas, iyan po ay sa pangunguna ng Philippine Red Cross at bukas po iyan para sa mga gustong mag-avail ng saliva testing simula alas-nuwebe ng umaga hanggang ala-singko po ng hapon.

Sa puntong ito makakausap po natin si Department of Health spokesperson Undersecretary Maria Rosario Vergeire to give us additional update po sa COVID-19 situation ng ating bansa.

Good morning po, USec. Vergeire. Please go ahead po.

DOH USEC. VERGEIRE:   Magandang umaga po, USec. Rocky and good morning to all of you, to Secretary Andanar and Secretary Galvez as well.

So, gusto lang ho naming dagdagan kaugnay po ng mga sinabi ni Secretary Galvez kanina. For this past weeks, nag-uusap na po tayo tungkol sa mga vaccine deployment, kung paano po natin ilalagak ang mga bakuna dito sa mga iba’t-ibang lugar dito sa ating bansa.

Ngayon po, please allow me to give you some brief information about master listing, because this is an integral part of our data management para po maisapatupad po natin nang maayos itong pagbabakuna na ito.

As mentioned, master listing involves listing and determining the eligible population to guide operational planning. So, due to the limited supply of COVID-19 vaccines globally, we need to do prioritization. So, kaya po kailangan mailista po natin lahat ng at risk, lahat po ng vulnerable para po sila iyong uumpisahan natin at tayo ay magkaroon ng maayos na pagbabakuna.

So, for the Phase 1 of master listing, iyon pong ating mga workers sa kani-kanilang mga health facilities iyon po ang ating gagawin. The first step of profiling kung saan ang health and non-healthcare workers in frontline health services ay kailangan po natin malaman, mailista ng kanilang mga facilities. Second is ma-consolidate po natin as a full data.

So, ito pong mga information na ito will be directly encoded to the COVID-19 electronic immunization registry (CEIR). Ito pong registry na ito ay naisagawa natin sa pakikipagtulungan ng Department of Health, with the Department of Information and Communication Technology or DICT.

Now, health facilities can also upload their master list to this information system using the prescribed CSV format. Iyong ospital po o iyong kanilang mga local government information system na naka-link po dito sa CEIR though an API (Application Program Interface) ay makakapag-allow ng health facilities with existing vaccine information system to seamlessly integrate with the CEIR. Ang ibig sabihin po, iyon pong mga facilities natin ngayon na mayroon na po siya sa kanilang sariling information system ay maaari na pong makipag-link na lang dito sa ating CEIR with this system that we have introduced.

Ito rin po ay magkakaroon ng service delivery network kung saan mayroon ho tayong unique identifier for each individual. This will assure us na kapag may unique individual ay maiiwasan natin po ang duplication at mata-track po natin nang mas maayos ang mga babakunahan.

We had the pre-submission of this master list kung saan nakapagbuo na po tayo from almost all facilities. Still awaiting to be completed iyon pong ibang facilities but we are assured that bago mag-February 15 ay buo na po ang master list natin already for our vaccine implementation.

So, aside from this, mayroon din ho tayong ginagawang master listing ng vaccination workforce. Hindi lang po iyong bibigyan ng bakuna ang ating mina-master list, mina-master list din po natin iyong mga magbabakuna sa ating mga kababayan.

Mayroon po tayong mga iba’t-ibang platforms for this vaccination registry. We have COVID Kaya of course which is our main system dito po sa DOH. We also have our COVID-19 data repository system, we have StaySafe, we have Tanod KIRA and will be used for case management for the COVID-19 response. Mayroon ho tayong COVID-19 vaccine master list and we have vaccine management information system na ginagamit po dito. And lastly, para po doon sa mga adverse reactions, we are using the system iyong Digi-Flow which can monitor the adverse events following immunization.

With all of these systems in place we can ensure a seamless integration of data coming from all sectors, coming from all areas, and that it will be unified into just one platform.

So, iyon lang po ang aming maibibigay na update sa ngayon with regard to the implementation of vaccination.

Over to you, USec. Rocky.

USEC. IGNACIO:   Yes. Salamat po, USec. Vergeire. May tanong lang po, may kaibahan po ba iyong ibinibigay na Emergency Use Listing (EUL) ng WHO dito po sa Emergency Use Authorization (EUA) naman na ibinibigay po ng FDA sa mga COVID-19 vaccines? Bakit po kailangan pa ring hintayin ang EUL ng WHO sa AstraZeneca bago ito dalhin sa bansa through COVAX facility kahit may EUA na po ang AstraZeneca dito sa Pilipinas, USec.?

DOH USEC. VERGEIRE:   Iyon po ang isa sa mga ginagawang basehan. Like for example for the COVAC facility, ang kanila pong kundisyon para kanilang tanggapin itong AstraZeneca at gawin nilang isa sa mga bakunang ipapamahagi nila sa mga iba’t-ibang bansa ay kailangan may Emergency Use List ng WHO, because the Emergency Use List is the internationally accepted standard sa buong bansa na puwedeng gamitin kahit sa anong bansa kaya iyan po iyong niri-require ng WHO sa mga manufacturers bago nila maipamigay itong bakuna sa iba’t ibang bansa.

Ngayon, iba naman po ito sa EUA kasi ang EUA specific iyan for each country. Aside from the standards for a vaccine na kinakailangan, mayroon din pong ibang kundisyon ang bawat gobyerno para dito po sa EUA.

So the Emergency Use List of WHO can also be recognized by the countries, especially for example, sa atin po kapag pumasok po ang isang bakuna na mayroon na silang EUL coming from WHO, ibig sabihin ay mas mai-expedite na natin iyong ating pagbibigay ng EUA because we are assured that WHO also has given that certification na compliant sa standards based on the EUL that was given.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., pero wala po bang nakikitang problema ang Department of Health sa magkakaibang spacing o timing ng pag-administer ng second dosage ng mga bakuna base po ito sa brand? At based doon sa clinical review ay may 21 days daw po ang Pfizer, habang four to 12 weeks naman daw po iyong AstraZeneca.

DOH USEC. VERGEIRE: Base po sa mga ginawang pag-aaral ng iba’t ibang manufacturers, napakaimportante po iyong dosing schedule ng bakuna.

Doon po sa pag-aaral na ginawa ng Pfizer, kailangan within 21 days ay maibigay po natin iyong second dose ng babakunahan for Pfizer because it states na mararating mo lang iyong potensiyal na efficacy nitong bakuna na ito if you will have the second dose.

So ang sabi nila, iyong 21 days, that is the appropriate time ‘no based on the trial that they have done kung kailan dapat ibigay na itong bakuna for Pfizer compared to the AstraZeneca which, yes, it requires four weeks to 12 weeks – mas matagal. May mga pag-aaral po na isinasagawa dito, at base po doon sa pag-aaral at indikasyon nitong bakuna na ito, iyon po iyong inilagay natin sa Emergency Use Authority nila based on evidence kaya kailangan susundin po natin iyan.

Ang isa pong sinasabi ng ating mga eksperto, kapag mas pinatagal po natin itong pagbibigay ng second dose ‘no compared doon sa dapat na… or required na dapat na dosing schedule ay baka magkakaroon nung tinatawag na “escape mutations” na maaaring makaapekto doon sa efficacy ng bakuna. So mas maganda na po susundin na natin iyong schedule na sinabi ng Emergency Use Authority at saka indikasyon ng bakuna na iyon.

USEC. IGNACIO: Ang Johnson & Johnson daw po ay pinag-aaralan iyong tinatawag na single shot vaccine for COVID-19 na may 85% efficacy rate base po sa interim analysis ng Phase 3 trial nito. So ano po iyong rekumendasyon ng Department of Health tungkol dito?

DOH USEC. VERGEIRE: Well, alam ninyo, Usec. Rocky, maganda pong balita iyan ano hindi lang po sa ating bansa kung hindi sa lahat ng bansa kung magkakaroon nga ng ganitong bakuna na isang dose na lang po. Unang-una, operationally po ay napaka-simple na ng gagawin; wala na po tayong aantayin na time or period of time para magbakuna for the second dose.

At dito sinasabi rin, isang turok lang sa’yo, makukuha mo na iyong efficacy na kinakailangan ng iyong katawan para ikaw ay maproteksyunan. So dito po, bukas po ang ating gobyerno ‘no, if we can be able to get this kind of vaccines that will be very beneficial for our population. And alam po natin na nakapagsabi na rin po ang ating Vaccine Czar that we have current negotiations with Johnson & Johnson already.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., kunin ko na rin po iyong reaksiyon ninyo sa pagkakapirma po ng memorandum of agreement ng Philippine Red Cross sa isang private corporation para po sa paggamit ng saliva PCR testing. Aprubado na ba ng Department of Health iyong pag-public use po ng saliva testing?

DOH USEC. VERGEIRE: Ang inaprubahan po natin for the saliva test would be for the Philippine Red Cross to use saliva as alternative specimen dito po sa pagpuproseso ng RT-PCR. Pero kailangan din po nating maintindihan na ang binigay po nating conditionalities dito po sa pag-aapruba nito is that we will monitor them strictly kasi nga po iyong kanilang nagawang pag-aaral ay iyon pong mga positive na napag-aralan nila doon na samples ‘no noong ginawa iyong kanilang pag-aaral ay medyo kulang pa.

Kaya ang usapan po with the Philippine Red Cross, for every 100 specimens that they will do, they will need to submit ‘no dito po sa RITM so that we can be able to properly monitor at makita natin kung tuluy-tuloy talagang nagiging accurate pa itong saliva as alternative specimen.

Now, with regard to the use across the country and among the different laboratories, inaantay lang po natin ang RITM na makapag-release ng kanilang resulta for their validation study so that we can also be able to apply this or use this in the other laboratories of the country.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Usec., ano daw po ang masasabi ng Department of Health dito sa pagsi-set up ng Philippine Red Cross ng mga drive-thru saliva testing centers?

DOH USEC. VERGEIRE: Kailangan lang ho tayong maging maingat ‘no sa mga ganitong mga initiatives. Although, we commend this kind of efforts pero kailangan din po nating tingnan doon sa banda na nagiging efficient po ba tayo sa gobyerno? Kailangan po ba natin ng mass testing?

Noong nag-umpisa po iyong ating response dito sa COVID-19, iyan po ay isang debate na na atin nang sinagot ‘no, na kahit saan po sa buong mundo, wala naman pong gumagawa ng mass testing. Gagawa lang tayo ng testing kung kinakailangan because of our scarcity of resources. So tingnan lang ho nating maigi kung ito pong ating ginagawa ay ayon doon sa objective na gusto nating marating sa ating gobyerno.

We would like to test everybody if possible, pero kailangan po mayroon hong sapat na basehan kung bakit tayo nagti-test.

And gusto ko lang pong iparating sa ating mga kababayan, baka ho magkaroon tayo ng complacency at confidence na because na-test na po tayo ng isa at nagnegatibo tayo, hindi po ibig sabihin na hindi na kayo puwedeng magpositibo in the coming days. So iyon pa rin po, continue to comply with the minimum health protocols, iyon po ang sinasabi natin. And bigyan natin sila ng paalala that this testing would just be a one-time event at pagkatapos niyan ay maaari pa rin kayong ma-expose at magkasakit kaya kailangan pa rin laging mag-ingat.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., pupuntahan na po natin iyong mga tanong mula sa ating kasamahan sa media ano po, mga tanong para sa ating mga panauhin.

Mula po kay Red Mendoza ng Manila Times para po kay Usec. Vergeire: According to OCTA Research, dapat daw po munang i-prioritize ang pagbabakuna dito sa Metro Manila before a possible loosening of restriction should be implemented. Is the DOH thinking of the same view with OCTA that it should implement vaccination first before any loosening of restrictions or kailangan magdepende po tayo talaga sa data so that we can loosen up?

DOH USEC. VERGEIRE: Well, Usec. Rocky, kailangan nating maintindihan ano, the Inter-Agency Task Force has a set of parameters that they use para makapagdesisyon tayo kung nag-i-ease ang restrictions o mas hinihigpitan natin. Iyan po iyong pangunahin ‘no, na tinitingnan natin iyong numero ng mga kaso at saka iyong mga healthcare utilization natin.

Ito pong pagbabakuna, it’s just going to be an add-on factor ‘no na mas makakatulong ‘no sa pagdidesisyon natin. But we cannot rely on the vaccination of the populace para masabi natin if we can ease the restrictions or not at this point in time. Because we know that the vaccines will come in tranches; we know that these vaccines wala pa ho tayong ebidensiya that it can block transmission; and we know that itong mga bakuna will only reach their potential benefit kapag naka-two doses na tayo. So marami po tayong konsiderasyon for this immunization.

So pinaka-rational way pa rin po na dapat nating tahakin for our government is to still rely on these measures on the number of cases and the healthcare utilization. And again, I will say, iyong vaccination will be an add-on factor that we can also consider for these levels of restrictions.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Christian Maño ng DZRH News para po kay Secretary Galvez. Secretary Galvez, good morning po.

Ito po ang tanong niya: What’s the vaccination rollout priority list as of today? NTF COVID-19 said that economic and government frontliners will be part of the priority after the healthcare workers, saan na po ang senior citizens, indigent?

SEC. GALVEZ: Iyon pong sa COVAX Facility vaccines ay kailangan po very stringent iyong ipa-follow po natin iyong with DOH, WHO protocol. So uunahin po natin iyong ating talagang healthcare workers and frontliners and also the vulnerable communities. Ang ano po, ang sinasabi nga po natin na pagka after ng tinatawag natin na iyong ating mga priority sectors ay natapos na po ay talagang tinatawag din po natin iyong tinatawag nating frontline economic workers. Kasi ito rin po kailangan din po natin kasi in order to survive kasi ito po, sila po ang araw-araw na bumubuhay din po sa atin.

USEC. IGNACIO: Opo. Question for Usec., Vergeire mula po kay Sheila Crisostomo ng Philippine Star para po sa DOH. Please give us an update daw po the measles, Rubella, and oral polio vaccination? May initial data na po ba o update?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, ma’am. As of February 2, iyon pong ating coverage for the phase 2 for MR-OPV-SIA (Measles Rubella – Oral Polio Vaccination – Supplemental Immunization Activity), ang overall coverage po ng measles and rubella immunization is at 10.7% or 545,614 na target population ng 9 to 59 months old children. While dito naman po sa ating OPV immunization, mayroon po tayong 10.5% or 499,573 children, 59 months old and below who were able to receive the oral polio vaccine immunization.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec. Vergeire, ang sunod po niyang tanong: Is there a formal study on long-haul COVID-19 cases and reinfection? What are the initial findings and how many sample studies are involved? Do you have data on reinfection and how are they recorded/counted in the bulletin?

DOH USEC. VERGEIRE: Hanggang sa ngayon, Usec. Rocky ‘no, nasagot na namin ito. Wala pa rin ho tayong eksakto na datos ukol dito. Tayo po ay nagri-rely pa rin doon sa mga lumalabas na mga artikulo base sa mga pag-aaral sa ibang bansa on reinfection and long-haul COVID. But what is good at this point, mayroon po tayong mga iba’t ibang mga eksperto na gumagawa po ng kani-kanilang mga pag-aaral ukol dito sa mga incidents na ganito like reinfection and this long-haul COVID.

And also we are waiting for guidance from WHO. Although, we have heard them already ‘no saying this in their media conferences, pero wala pa hong lumalabas tayo talaga na eksaktong ebidensiya or guidelines that will provide us with proper guidance on this. Although the studies are underway, tingnan ho natin if we can be able to have this kind of data by the middle of the year.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec. Vergeire, ano daw pong regions or provinces ang nasa danger and warning zones ang health system?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, ma’am. Ito naman po ay nakalabas na doon sa ating mga situational reports ‘no. But currently naibigay-alam na rin nga po natin sa ating mga kababayan, we are seeing that in the Cordillera Administrative Region as well as in Davao or Region XI, nakikita po natin ang pagtaas ng utilization ng kanilang healthcare services, specifically the dedicated beds for COVID. At ito naman po ay maigting nating minu-monitor at tayo na po ay nag-offer na ng assistance and our National Task Force din po ay nakikita na at binabantayan po itong mga lugar na ito.

USEC. IGNACIO: Opo. Huling tanong po ni Sheila Crisostomo, Usec. Vergeire: Why do you think the number of cases globally is going down while the number of cases in the Philippines is on the rise?

DOH USEC. VERGEIRE: Well, if you try to see across the globe ‘no, hindi naman po lahat ay bumababa. Kailangan nating tingnan per region also kung ano iyong mga bumababa at tumataas. Nakikita ho natin that some, dito po sa mga parte sa Europa ay medyo may pagbaba ng mga kaso although, hindi pa rin ho natin masasabi that they are in that safe level. At makikita naman natin dito sa mga parte sa North America na mayroon hong pagtaas ang kanilang mga kaso.

Dito po sa atin sa Asia, makikita natin iyong parang nag-i-stabilize po iyong mga numero ng kaso. Hindi masyado tumataas, hindi masyado bumababa. Although when we try to look at our country nga, kapag tiningnan natin from a once a 7-day average of 1,300, we are now averaging for the 7-day average in the country, iyong 1,800 and we are seeing na dito po sa mga iba’t ibang lugar ng bansa ang pagtaas nitong mga kaso.

So iba-iba ho ang mga factors para masabi natin kung bakit tumataas o bumababa ang kaso sa isang bansa. Marami hong factors when it comes to the response of government. Marami ring factors tungkol sa mga behavior ng tao. Dito po, kapag pinag-usapan ang behavior ng tao, iba-iba rin po ang mga naging events sa bawat bansa na atin pong mga binabanggit. Katulad po sa Pilipinas, dumaan po sa atin ang ating holidays – all countries have that.

Pero iyong ibang countries nagkaroon sila ng Thanksgiving, na mga events na hindi naman po pareho rin sa ating bansa. Tayo po ay nagkaroon nitong mga events like the Traslacion, iyong Feast ng Sto. Niño na wala rin naman po sa ibang bansa. So, I guess, kapag tiningnan po natin sa kabuuan, kailangan ay i-interpret po natin nang maayos ang pagtingin sa mga datos na ito dahil katulad ng sabi ko, iba-iba po ang factors sa bawat bansa.

BENDIJO:  Ito naman ay mula kay Christian Joseph Yosores ng Bombo Radyo Philippines. Ang tanong niya po: Has the DOH studied or reviewed the reports from South America where two patients in Brazil tested positive for more than one variant of the coronavirus?

DOH USEC. VERGEIRE:  Yes sir, ‘no. So magandang umaga po sa inyo. Dito po sa study na ito ‘no, pinakita nga na mayroon daw pong isang tao na nag-test siya ‘no for two different variants. Actually weeks ago noong nag-uusap po ang Task Force on COVID-19 Variants, ang ating mga eksperto ay nagsabi na rin na mayroon talagang probability o may posibilidad na magkaroon ng dalawang klaseng variant ang isang tao. Ngunit wala pa rin naman ho tayong nakikitang ganiyan dito sa ating mga ginagawang mga test.

Sa ngayon po pinag-aaralan pa rin po iyan ano, iyang lumabas na artikulo na iyan ay kailangan pa nang further study, mas masusing pag-aaral at para rin malaman natin kung ano ang magiging implikasyon nito dito sa nangyayaring pandemya na ito. As to the reports here in our country, hanggang sa ngayon po labingpito pa lang po din ang ating nadi-detect na variants. Wala pa hong nadadagdag diyan. Iyong pinakahuli po nating ginawang genome sequencing among 48 specimens ay wala po tayong natagpuan na variant which has public health significance or makakaapekto dito po sa mga pagkakahawa-hawa dito sa ating bansa.

By next week po, we are back in our regular procedures of having 750 specimens run per week na gagawin dahil dumating na po ang ating mga supplies and reagents.

USEC. IGNACIO: Ikalawang tanong po: Aside from the B.1.1.7 variant that has entered the Philippines, may ibang variant na rin po bang na-detect ang Philippine Genome Center na maaari daw pong mas o kasing bagsik ng UK variant?

DOH USEC. VERGEIRE: Usec. Rocky, as I’ve said wala pa po tayong nakikita na ibang variants which has public health significance or makakaapekto po dito sa pagkakahawa-hawa or higher transmissibility dito sa ating bansa. So hanggang sa ngayon ang nakikita pa rin po natin, iyong labingpito na na-detect natin which has the B.1.1.7 variant, which is the UK variant.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman mula kay Lei Alviz ng GMA News: Ano ang resulta daw po ng genome sequencing o 48 samples this week? Are we sequencing enough samples from areas experiencing increase in cases including Cebu? Bukod po daw sa UK variant, may iba pa bang bagong variant na nakita na sa bansa kagaya ng South African variant at variant na nakita sa Malaysia?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes Usec. Rocky, ‘no. So again I will have to repeat it. Wala pa ho tayong nakitang ibang variant na may public health significance. Although mayroong mga ibang variants na nakikita pero hindi po ito iyong makaka-cause ng transmissibility na tinatawag which are the South African and Malaysian variant ‘no. So wala pa ho tayong nakikitang ganiyan.

Hanggang sa ngayon, labingpito pa rin ang mayroon tayong na-detect ng variant with the UK variant and ito pong samples na paparating or pinu-process ngayon ay lalabas po in the coming days ‘no. Hindi pa ho lumalabas ang mga resulta. And as I’ve said, by next week we can already run the 750 because reagents had been delivered already to the Philippine Genome Center.

USEC. IGNACIO: Opo. Huli pong tanong ni Lei Alviz: Ilang percent daw po ang projected wastage sa COVID vaccines? Anu-ano po ang factors at anu-ano po ang gagawin para ma-minimize ang wastage?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky ‘no. Unang-una bago ko po sagutin ang tanong na ito, gusto ko lang hong ipaalala o bigyang-impormasyon ang ating mga kababayan na ang wastage po should be as minimal as possible, especially for this COVID-19 vaccines. Dahil alam po natin that bawat dose nitong bakuna na ito ay napakahalaga sa lahat sa atin dito sa ating bansa because of the shortage in supplies.

So what is wastage? Ang wastage po ay maaaring mangyari halimbawa po, tayo ay naglagak na nitong vaccination plan at during that time ay biglang mayroong isang tao na nakalista na siya as eligible eh bigla po siyang umatras at ayaw na niyang magpabakuna. So, that might be na maaring ma-waste iyang bakuna na iyan.

Pangalawa, maari rin naman po na siya ay naka-lista, nakalagay eligible but during that time of the vaccination, siya po ay biglang ay hindi naging eligible, maybe  for some other medical conditions na nangyari during the day. And if we cannot find somebody else who can take on the vaccine that is going to be wastage again.

Pangatlo po, it can be with the supplies ‘no on how we store the vaccines or maybe how we inject the vaccines. So you have to remember ang bakuna po like Pfizer ito po ay multiple doses in a given vial. So kung hindi po tama ang pagbibigay ng ating mga healthcare worker o tama ang pagpe-prepare maaring mayroon ding maging wastage with that.

So ito po iyong different factors that may affect and that can cause wastage.

So, mayroon po tayong tinatala na ang acceptable po ay mga 5% na ine-estimate na ho namin iyan kapag kumukuha tayo ng mga numero o estimated number na kailangan natin ng bakuna. Pero kailangan nga, katulad ng sinabi ko, we have to keep it as minimum as possible, because every dose will count because of this COVID-19 vaccines which is needed badly by all of us Filipino.

So, paano ba natin mape-prevent iyan: kailangan talaga preparado po ang ating mga facilities to provide the vaccines; we can be able to store the vaccine properly; we can be able to provide the vaccines properly, prepared it properly, para po walang nasasayang na doses; kailangan po din, ready po iyong mga distribution [unclear] natin para hindi po nasisira ang bakuna, kung sakaling sa distribution phase masira; and kailangan din po, may ready tayo na alternative recipients kung sakaling during that day of vaccination, mayroon po tayong mare-reject because of medical conditions o mayroong hindi dumating doon sa appointment na iyon, mayroon po tayong handang ipalit agad-agad para hindi masayang ang bakuna.

SEC. ANDANAR:  Mula naman kay Joseph Ramos ng Business Mirror para kay Secretary Galvez: On the inoculation of athletes and coaches in the national team who will be training  for  the 31st South East Asian Games in Vietnam set this November 21 to December 2 this year. Could they be prioritized too?

SEC. GALVEZ:  Idi-discuss po iyan, especially sa ngayon ang available po natin sa COVAX wala po sa listing po iyan kasi very stringent po iyong listing ng WHO na ang [unclear] is iyong healthcare workers at saka iyong ating vulnerable community; so anyway, mayroon pa namang ample time for them to have the vaccination. Titingnan po namin sa IATF kung just in case we have excess vaccines, puwede po nating pagbigyan.      

SEC. ANDANAR: Follow up question po. On the [garbled] of face to face training for national team athletes and coaches, they are still considered amateur. But as mentioned earlier, they need to go back to training. Will they be allowed to train already in a bubble facility?

SEC. GALVEZ:  Iyon po, pinag-aaralan din po ng ating Deputy Chief Implementer dahil siya po ang nag-aano po sa ating PBA bubble games dito sa Clark. At naihayag na po niya recently sa public na pag-aaralan po natin iyon, ganoon po ang gagawin nating model iyong parang PBA bubble.        

USEC. IGNACIO:  Tanong naman po mula kay Catherine Valente ng Manila Times. Secretary Galvez: Any update daw po sa Russia’s Sputnik Coronavirus vaccine. According to Russian Direct Investment Fund CEO Kirill Dmitriev the Philippines daw po will get its first batch of this vaccine in April once it receives the FDA authorization this month. When do we start daw po to start inoculations for this vaccine in the Philippines? Ilang doses of Sputnik vaccine ang plano nating i-procure and do we have enough cold storage facilities para dito?

SEC. GALVEZ:  Nakita po natin recently iyong sa publication ng Lancet na maganda po iyong  naging result ng Sputnik and ongoing po iyong negotiation natin with the Russian Direct Investment Funds at titingnan po natin kung just in case na magkaroon po tayo ng approval sa FDA ng tinatawag nating Emergency Use Authorization we will continue. Hindi po namin mai-reveal iyong volumes dahil kasama po iyan sa CBA po natin.

USEC. IGNACIO:  Opo, mula naman po sa ating kasamahan sa Philippine Star for Usec Vergeire. Usec. Vergeire said the cost of genome sequencing is subsidized daw po by the national government. But she also said that they are requesting for a 362 million from DBM to fund the genome sequencing effort for the entire year. Can you explain po kung paano po i-subsidize iyong cost?

DOH USEC. VERGEIRE:   Well, when the national government pays for the cost of the sequencing and then that is subsidized by the national government. So ang hinihingi po na 362 million is for the RITM, the UP-NIH and the Philippine Genome Center to continue their sequencing until the end of the year.

If you will know, so ngayon po Philippine Genome Center lang po ang nagsasagawa nitong sequencing natin na isinasagawa regularly. At gusto po natin na mai-expand pa po natin itong kakayanan na ito para mas bumilis at mas marami pa rin ho tayong ma-sequence na mga kababayan natin na nagte-turn positive. So kaya po inaantay lang po natin na makabili ang RITM at saka ang UP-NIH ng mga kinakailangang reagents nila para makatulong na po sila sa Philippine Genome Center.

So, this 362 million will include reagents and other logistical supplies para po dito sa tatlong institusyon na ito para ma-sustina natin or we can sustain this sequencing process hanggang matapos po ang taon.

USEC. IGNACIO:  Opo. Mula naman po kay Claudeth Mocon-Ciriaco ng Business Mirror: Earlier the Research Institute for Tropical Medicine issued a warning against falsified COVID-19 confirmatory test results. How do you strengthen daw po efforts in validating the test results? If you have the number, how many COVID-19 testing laboratories are being investigated and how many persons are now facing criminal charges for falsification of documents?

DOH USEC. VERGEIRE:   Well, first Usec. Rocky, we are able to validate the authenticity of these results and iyon pong lisensiya ng ating mga laboratory. Because lahat po nitong mga laboratoryo na ating ni-lisensiyahan for COVID-19 ay naka-link sa amin dito po sa ating centralized system which is COVID Kaya. So lahat po ng pumapasok diyan considered   official po iyan na mga resulta at alam po namin na galing iyan sa ating mga lisensiyadong mga laboratoryo.

Ngayon po dito po sa—just I think yesterday or a day ago, previous to yesterday nagpalabas na po tayo ng advisory sa ating mga kababayan kung paano po sila makakaiwas na makapagpa-test dito po sa mga non-licensed laboratories at magkaroon ng mga fake na mga resulta. So ito po ay ipinagbigay alam natin kung sinu-sino lang ang mga talagang lisensiyadong laboratoryo at kung sinu-sino lang po ang mga dapat nilang puntahan.

As to those who had been violating the specific standard and also the specific policies of the department and the whole of government, mayroon po tayong mga inimbestigahan ngayon, ngunit hindi pa rin po nating puwedeng ibigay itong information na ito because it is still under investigation.

SEC. ANDANAR:  Okay. Mula naman kay Mela Lesmoras ng PTV for Secretary Galvez: Kahit mabakunahan na ang maraming Pilipino ngayong 2021, tuluy-tuloy pa rin po ba ang implementation ng minimum public health standards sa 2022?

SEC. GALVEZ:  Iyon po ang ating nabanggit at lagi po naming pinapaalala kasama po ni Usec. Vergeire na dapat po talaga vaccine plus. Ibig sabihin after the vaccine nandiyan pa rin po iyong stringent na minimum health standard iyong tinatawag nating social distancing, wearing of mask, face shield at saka iyong personal hygiene. Kailangan po talaga na panatilihin natin iyon, kasi iyon po talaga ang pinaka-protection natin.

So, iyong vaccine po added protection lang po natin iyan at ang talagang main defense po natin talaga is iyong minimum health standard, iyong compliance po natin.

SEC. ANDANAR:  Tanong pa ni Mela: Ano po ang masasabi ninyo sa mungkahi ng Comelec na ipagbawal ang face to face campaign para sa eleksiyon sa susunod na taon; at paano po kaya ang ating magiging new normal sa eleksiyon?

SEC. GALVEZ:   Iyon po ay tatalakayin natin po with the COMELEC kasi talaga pong nakikita po natin na malaki po iyon na challenge at risk, iyong magkakaroon po ng mga face-to-face na crowd gathering.

Nakikita po natin na iyong pangangampanya po it will enhance iyong close contact with different people. So, kapag ano po namin at tumatawag na rin po sa akin ang COMELEC and we will discuss this later.

USEC. IGNACIO:  Tanong naman po mula kay Aika Miguel para po kay USec. Vergeire: Ang sabi po ng chief scientist ng WHO, worrying development po iyong sa South African variant kasi nakita na mas mahina iyong mga existing vaccine laban dito. Magsa-suggest po ba daw ang DOH ng travel ban sa mga bansang mayroong existing South African variants?

DOH USEC. VERGEIRE:  Pag-aaralan pa hong mas maigi iyan, USec. Rocky. Ito pong mga lumalabas ngayon na mga impormasyon at saka mga balita ay mga paunang balita pa lang po ito.

Kailangan pa rin nating pag-aralang mabuti ito. Although of course, tama po ang WHO, kung sakali talagang nangyayari iyan at nakikitaan po natin ng ibang pattern or ibang mekanismo itong mga viruses na ito, kailangan natin ang mas maigting na pag-iingat ulit.

And we are also worried, alam natin na eventually, hindi po ngayon ano, pero kapag nagtuluy-tuloy po itong mga variants na ito, ang atin pong mga eksperto ay nakapagbigay na rin ng kanilang mga inputs na sinasabi na baka makaapekto sa ating mga bakuna.

So, kailangan nga natin talagang paigtingin ang pagbabantay dito sa ating borders and also to comply strictly to minimum public health standards para mababa lang po ang ating mga kaso at wala pong tsansa ang virus na mag-mutate dito sa ating bansa.

USEC. IGNACIO:   Opo. Halos ganiyan din po iyong naging tanong ni Mark Fetalco ng PTV, USec. Vergeire. Iyong tinatanong niya kasi kung may report na po iyong UK variant na muli pong nag-mutate at tinawag na E484K at ano ang epekto nito sa effectiveness ng ating mga vaccine.

Tanong naman po mula kay Greg Gregorio ng TV5, USec. Vergeire pa rin po: Ano daw po ang reaksiyon ng DOH doon sa interim analysis released about Gamaleya’s Sputnik V showing 91.6% efficacy and 100% protection against severe infection?

DOH USEC. VERGEIRE:   Magandang development, hindi lang po para sa ating bansa. Katulad ng sabi ko kanina, lahat po, sa globally, would benefit kung may mga ganitong bakuna with this kind of efficacy. Pero katulad po ng lagi nating sinasabi bago tayo maghusga at bago natin mapapasok sa ating bansa, kailangan dumaan sa ating regulatory process so that we can doubly ensure na ito ay ligtas at magiging epektibo nga para sa ating populasyon.

So, ito pong 91% na efficacy and 100% protection, ito po ay magandang balita at sana nga po tayo ay magkaroon ng ganitong bakuna rin kasama ng mga ibang bakuna to provide additional protection for our population.

ALJO BENDIJO:   USec. Vergeire, may pahabol pong tanong: In the recent UST-CoVAX survey on vaccine hesitancy, only 55.9% showed readiness to be vaccinated; 44.1% say they are either undecided or not ready to get the vaccines. They also have confidence o high confidence to vaccines coming from USA and Europe as compared to those from China and Russia. May we get DOH’s reaction?

DOH USEC. VERGEIRE:   Well, kahapon po nagbigay information naman sa amin itong mga authors nitong survey na ito at ibinahagi nga nila sa amin ang kanilang mga paunang mga resulta ukol dito. And this is kind of similar to other surveys that is being done here in the country, kung saan nakikita po natin talaga iyong hesitancy ng mga tao sa pagbabakuna and specifically because of safety, because of the other reasons that they have mentioned.

Ito po talaga ay pinagtatrabahuang maigi ng ating gobyerno katulad po ng sinabi kanina ni DG Cualoping na sabi niya ay talagang intensified iyong Explain, Explain, Explain. Iyong atin pong mga eksperto rin ay atin pong hina-highlight sa ating mga ibinibigay na information campaign para po makilala ng ating mga kababayan na mayroon po tayong mga katulong na eksperto na nagkikilatis dito sa mga bakunang ito.

Gusto ko lang ho ipagbigay-alam, with all of these town hall meetings that we have been doing these past weeks, lagi ho kaming nagkaka-poll survey. Ang poll survey ho lagi, laging mag-uumpisa sa ganitong mga katanungan: Kung ikaw ay magpapabakuna; Ikaw ay unsure; or Ikaw ay ayaw talaga.

And with this, pag-umpisa ho ng town hall makikita natin na talagang mababa, it’s about 50 – 60% lang ang magpapabakuna, the rest are unsure or do not really like to be vaccinated. Pero every time na matapos ang town hall, we’ll have another poll survey using the same questions at nakikita ho natin ang pagtaas or pag-increase ng bilang ng mga tao na gusto na magpabakuna pagkatapos nitong mga town hall meetings na ito.

So, what does it say? It just states na talagang information dissemination should be instensified dahil kapag napapaliwanagan po ang ating mga kababayan, mas nagkakaroon po sila ng bukas na isip para tanggapin ang mga bakunang parating dito sa atinig bansa.

So, iyon lang po ang gagawin natin. Tuluy-tuloy po na pagbibigay ng impormasyon, tuluy-tuloy na Explain, Explain, Explain, para ma-oppose po natin ang hesitancy ng mga tao. We can convince them that vaccines saves lives at ito po iyong magbibigay ng proteksiyon sa atin para dito po sa kinakaharap na pandemya na mayroon tayo.

ALJO BENDIJO:   Mula po kay Jerome Morales ng Reuters, USec., ang tanong po niya, ito naman kay Secretary Galvez: Sec. Galvez, scientists including those from The Lancet are touting the safety, effectiveness, and easy storage requirements of Russia’s Sputnik V vaccines. How does this endorsement and positive study results impact the Philippines’ talks for Gamaleya’s vaccines? Will we fast track talks with Gamaleya? And how many dose will we want from Gamaleya?

SEC. GALVEZ:   Sinabi na nga po ni USec. Vergeire na ito po ay napakagandang balita po dahil additional volumes na naman po ang maaaring ibigay po natin. Sa ngayon po, ongoing po ang negotiation natin and we are asking for some doses pero iyon po, sinasabi ko po sa inyo na sa ngayon po ongoing ang negotiation ay hindi ko po masasabi iyong details po.

Pero po maganda po ito, welcome news po ito considering that the news came from The Lancet, very peered review and nakita rin po natin na itong Sputnik ay nagagamit na rin po sa more than 18 countries sa ngayon at based doon sa report ng DFA ay talagang iyong mga third world countries ay they are working with the Sputnik and also with the Chinese vaccine.

USEC. IGNACIO:   Correct ko lang po iyong sinabi ko kanina, Sputnik V (5) po iyon, ang nabanggit ko kanina ay Sputnik V (letter v), my apologies.  Tanong naman po ni Joseph Morong ng GMA 7 para po kay Secretary Galvez: Have we personally asked the President to have himself vaccinated in public?

SEC. GALVEZ:   Iyon nga po, sinabi na po iyan ni Secretary Roque na ang gusto po ng ating mahal na Pangulo ay talagang in private. Kaniya pong prerogative iyon and we respect that po.

USEC. IGNACIO:  Opo. Dagdag pa po niya: Are we asking for more Pfizer vaccines? Are we in talks with other countries for possible donations?

SEC. GALVEZ:   Sa ngayon po, gumagawa po kami ng sulat dahil kasi nakasaad po sa COVAX arrangement na if we can have submission for additional more than 900,000 to make it one million iyong ating vaccine sa Pfizer ay gagawin po namin iyon. So, we are now preparing the letter and we will submit it before February 14 and additionally, ongoing pa rin naman po iyong ating negotiations with Pfizer.

USEC. IGNACIO:   Para naman po kay USec. Vergeire: Can we – if the UK variant is spreading or not – do we know enough now about the UK variant, to make a decision whether we can relax community quarantines and/or allow 10 – 14 years old out?

DOH USEC. VERGEIRE:   Well, the presence of the UK variant is not the considerations that we use in the IATF, for us to consider quarantine restrictions or for us to decide if children can go out or not.

The main reasons why the children, where the implementation of this expanded age to go out, is not just the UK variant but the increasing number of cases in certain areas of the  country.

Now with regard to the ‘if we are able to know already precisely if the UK variant is here or not,’ we always say we are not sure, nothing is certain because what we are now sequencing would just be a portion or a sample of this population that we have.=

We still need to do complete sampling across all of the regions of the country and the different vulnerable sectors so that we may be able to determine really if the variants have these kind of transmission, if the variants also have caused local or community transmission in the other areas of the country.

So we still need to do further testing so that we can be able to be certain if the variant has this kind of numbers already in the country or not.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Maricel Halili ng TV5 para kay Usec. Vergeire: Will you recommend daw po the use of home test kit? Anu-ano po iyong danger nito? Is this efficient? Are there ways to monitor the results of home test kits?

DOH USEC. VERGEIRE: Sa ngayon po ay wala pa hong nag-a-apply sa Food and Drug Administration. Noong huli naming nakapanayam si Usec. Eric Domingo, wala pa hong nag-a-apply sa kanila regarding this kind of technology, the home test kits.

Dito naman po sa atin, kung sakali ano, basta mayroon tayong rehistro ng Food and Drug Administration at na-validate naman po ng RITM na ito po ay magiging acceptable and it will provide us with accurate results similar to what we have for RT-PCR, maaari po nating tignan kung ano po ang magiging value nito sa ating response.

Pero kailangan nari-regulate po iyong mga ganitong teknolohiya dahil maaari po kasi na magkaroon po ng extra use ang ating mga kababayan kapag sila ay nakakagamit na nito sa kanilang bahay at magkaroon po ng confusion on the interpretation of results and magkaroon po ng mga missing data ‘no. Dahil iyong iba, magti-test sa kanilang bahay, hindi na po natin malalaman ano itong reporting system na ito.

So this has to be studied well, hindi lang po iyong acceptability at accuracy nitong teknolohiya na ito nguni’t paano po natin magagamit in terms of our response and in terms of us doing a rational response for the country. So titingnan po natin at pag-aaralan iyan.

SEC. ANDANAR: Tanong naman ni Dreo Calonzo para kay Secretary Galvez. Ano na raw po ano status ng ating negotiations with Moderna; have we signed a term sheet?

SEC. GALVEZ: Nasabi ko na po na iyong sa pito po na nine-negotiate po natin ay mayroon po tayong lima na napirmahan na term sheet, at isa po dito ang Moderna. Sa ngayon po ay ongoing po ang aming supply agreement negotiations with these five companies. And iyong dalawa po na nahuhuli po ay halos ang ano po namin ay matapos po this coming second week of February.

SEC. ANDANAR: Question from Sam Medenilla para kay Secretary Galvez pa rin: Since wala pa rin pong identification bill for the COVID vaccination drive, ano po ang magiging protocol to compensate people who may suffer severe side effects from using the vaccine?

SEC. GALVEZ: Mayroon po tayong existing PhilHealth ano po natin. Alam ko kasi mas alam po ni Usec. Vergeire na mayroon po tayong indemnification na current na ginagawa po sa ngayon. Pero ang inaano po namin na kailangan po talaga iyong indemnification law ay—well, kasi po iyon ang requirement po natin sa COVAX and also with other manufacturing company.

Mayroon po tayong mga existing, mga health benefits po natin but kailangan po natin iyong mas extensive na specific na indemnification law for these vaccines.

SEC. ANDANAR: Tanong mula kay Sandra Aguinaldo ng GMA7: Anong hospitals pa po ang magbi-benefit sa 117,000 na Pfizer vaccines aside from PGH, Lung Center, Tala Hospital and East Avenue Hospital? All hospitals within NCR lang po ba?

SEC. GALVEZ: Lahat po ng ating mga COVID referral hospital nationwide at magiging beneficiary po nito. Inuuna lang po natin itong talagang extensive nagamit at saka iyong tinatawag nating highly infected area like the NCR, Cebu and now Davao.

So iyong ano po, hindi po namin mailalabas pa iyong tinatawag nating listahan pero naibigay na po sa akin iyong listahan na halos lahat po ng mga primary hospital po natin, Level 3 at saka iyong mga tinatawag na both public and private hospitals na talagang maraming pasyente ng COVID ay iyon po ang mabibigyan natin na mauuna. Dahil limited lang po po iyong 117[000] doses which is only can accommodate, more or less, 58,500 nurses and doctors and medical personnel ay talagang magkakaroon muna po tayo ng priority. Kung ano po iyong mga major public hospitals po na ginamit po natin na COVID hospital like for example iyong Southern Philippines Medical Center, Vicente Sotto and other government hospitals po.

USEC. IGNACIO: Okay. Dagdag na tanong naman po mula kay Sam Medenilla para po kay Usec. Vergeire: Sa ngayon po ay ilan na po kaya ang listed na beneficiaries sa master list of DOH for the government vaccination drive?

DOH USEC. VERGEIRE: Sa ngayon po ay nakapagsumite na ng initial list ‘no. Nguni’t katulad po ng sabi natin, hindi pa po ito kumpleto. And we gave the facilities until February 15 para lang po ma-validate uli nila ang mga naisumite nilang mga listahan. Dahil ang mga naisumite po sa amin noong una ay mga purely medical workers ‘no, iyong mga directly caring for patients. But they were not able to provide us with these lists of healthcare workers na kasama po iyong kanilang mga administrative units, iyon pong ibang mga nagtatrabaho sa loob ng ospital kung saan napagkasunduan nga po at nabigyan na ng rekumendasyon ng ating National Immunization Technical Advisory Group na buong ospital po ang babakunahan natin. So antayin muna po natin makumpleto ang listahan bago po kami makapagbigay ng numero.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa pagbibigay ninyo ng linaw sa mga tanong ng taumbayan, Secretary Galvez, Jr. at Usec. Maria Rosario Vergeire. Mabuhay po kayo! Maraming salamat po.

SEC. ANDANAR: Salamat pong muli sa pagtutok ninyo sa COVID-19 Vaccines Explained na hatid sa inyo ng PCOO, PTV at PIA.

Muli po ang aming paalala: Mag-facemask at face shield kada lalabas po ng bahay; palaging maghugas ng kamay at matutong mag-physical distancing sa lahat ng pagkakataon. Ako po ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar.

USEC. IGNACIO: Salamat pong muli kay Chairman Basilio Yap, Manila Bulletin President Emil Yap, at Manila Hotel President and former Senator Joey Lina na makapag-broadcast po tayo dito sa Manila Hotel.

Samahan ninyo kami muli bukas para po sa mga karagdagan pang impormasyon tungkol sa pinakamaiinit na isyu sa bansa. Ako po si Usec. Rocky Ignacio.

ALJO BENDIJO: Mag-ingat po tayong lahat. Ako naman po si Aljo Bendijo. Daghang salamat, Sec. Mart. Daghang salamat, Usec. Rocky.

SEC. ANDANAR: Thank you. Hanggang bukas pong muli dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPh.

 

###

 

 

 

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)