Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

USEC. IGNACIO: Magandang umaga Luzon, Visayas at Mindanao. Ngayong umaga ay ating pag-uusapan ang ilan sa mga inilahad ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kaniyang ika-6 at huling State-of-the-Nation Address kahapon. Mula sa COVID-19 response ng pamahalaan hanggang sa pagpapalakas ng ating Hukbong Sandatahan, hihimayin natin ang mga programang natupad at tutuparin pa rin ng administrasyong Duterte sa nalalabing taon ng Pangulo. Ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Samantala, sa Davao Region, mahigpit na minu-monitor ngayon ng DOH Region VII ang dalawang indibidwal na hindi sinasadyang nabigyan ng ibang brand ng bakuna para sa ikalawang dose. Iyan ang report ni Julius Pacot:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Julius Pacot.

Samantala, nadagdagan muli ang bakuna ng Pilipinas pangontra sa COVID-19 matapos dumating ang 375,570 doses ng Pfizer Biotech. Bandang alas nuebe kagabi nang lumapag sa NAIA Terminal III ang 272,620 doses ng bakuna na agad dinala sa cold storage facility ng PharmaServ sa Marikina, habang tig-51,480 doses naman ang natanggap ng Cebu at Davao kagabi at kaninang umaga.

Samantala, nasa dalawanlibong residente naman ng Bantayan Island na nawalan ng hanapbuhay ang binigyan-tulong ng pamahalaan at ni Senator Bong Go sa dalawang araw na distribution aid sa isla. Narito ang report:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Sa puntong ito ay makakausap din natin ang OCTA Research group kasama sina Dr. Guido David and Professor Ranjit Rye para talakayin ang local transmission ng Delta variant sa Pilipinas. Magandang umaga po sa inyo.

PROF. RANJIT RYE: Magandang umaga, Usec.; at sa lahat nang nakikinig at nanunood sa ating lahat.

DR. GUIDO DAVID: Good morning, Usec.

USEC. IGNACIO: Opo. Unahin ko na po itong tanong kung ano po ang naging reaksiyon ninyo sa SONA ng Pangulo tungkol sa mga isyung may kinalaman sa COVID? Unahin ko po si Professor Ranjit.

PROF. RANJIT RYE: Well, para sa akin, satisfactory iyong mga pinag-usapan ni Presidente. Continuing ho talaga iyong challenge; kailangan po magtutulungan tayo, I was very happy na ni-recognize po iyong mga health [garbled] security frontliners natin [garbled] mga bayani natin dito sa ating kolektibong laban against COVID. [Garbled] totoo na nag-scale up na po talaga iyong ating response pati iyong ating preparedness po.

Pero tama ho talaga iyong sinabi ni President Duterte na hindi pa tapos ang laban; mayroon pang banta ng Delta po. At maganda ho na [garbled] sa ating lahat na dahil ito [garbled] na we should all be prepared for a … not just a surge in cases but a strong response from government which is possibly a lockdown po. [Garbled] pag-uusapan namin ngayong umaga po.

USEC. IGNACIO: Opo. Dr. Guido?

DR. GUIDO DAVID: Yes, masaya naman tayo doon sa ano, iyon nga, satisfied, as Professor Ranjit said, doon sa binigay na ulat ng ating Pangulo. At iyon nga, siyempre medyo maganda iyong feels natin ngayon – katatapos lang ng SONA, naka-gold medal tayo. Pero siyempre hindi pa tapos iyong mga problema natin, itong mga pinaghahandaan na natin ngayong taon at saka these coming months, sa vaccination natin at saka dito sa pandemic natin.

USEC. IGNACIO: Opo. Fifty-five news cases po ng Delta variant ang nakumpirma nitong nagdaang weekend with that rate that going kung hindi po mapipigilan ang pagkalat ay gaano kalaki ang posibleng itaas ng bilang na ito sa mga susunod na linggo? Kung sino na lang po ang maaaring sumagot.

PROF. RANJIT RYE: Yes, Usec., actually minu-monitor natin iyong reproduction number. Sa ngayon ay nakikita natin tumataas pa rin iyong reproduction number sa NCR, nasa 1.33 na. We were hoping na medyo mai-slowdown iyong pagtaas ng cases sa NCR na nag-implement na ng GCQ with heightened restrictions.

Ang palagay natin ay itong mga Delta cases ay nakaka-contribute sa pagtaas ng cases natin sa NCR. Ngayon, we are averaging almost 1,000 cases per day; kapag hindi pa ito mapigilan, we have to have a discussion kung ano pa iyong mga puwede nating maidagdag na mga restrictions or interventions para mapabagal iyong pagtaas ng mga cases which we don’t know kung ano iyong cause nito pero it’s possible na may impact iyong Delta variant.

USEC. IGNACIO: Dr. Guido and Professor Ranjit, kung sino lang po ang maaaring sumagot, ano po. Tama ba na sa loob ng ilang linggo ay tumaas agad ang reproduction number ng Metro Manila from 0.92 to .121? At sa nakikita ninyo ay talagang posibleng early signs ito ng Delta variant community transmission?

PROF. RANJIT RYE: Usec., [garbled] namin sa ngayon ‘no, actually, it’s [garbled] ang taas po niya. Right now, it’s official, we are in a surge po dito sa National Capital Region. Hindi ho puwedeng balewalain ito; hindi ho puwedeng hindi pansinin itong pagtaas.

Iisipin ninyo, a month ago lang, Usec., nasa 0.6 lang tayo ngayon 0.33; nasa isang libo na po ang kaso natin. Kapag lumampas tayo ng mga dalawang libo, mararamdaman na po talaga ng ating mga ospital. So, kami sa OCTA, tiwala kami kagaya ng Presidente ng Pilipinas, si President Duterte, na dapat maagap at maingat po tayo kasi nga ang pinuprotektahan natin hindi lang kabuhayan pero buhay rin.

Ngayon, kung sakaling ang nagda-drive ng current surge sa NCR ay ang Delta variant, nakita naman natin, Usec., iyong nangyari sa ibang bansa eh. Talagang dinurog niya iyong health care system; marami hong namatay; marami ho ang nahawa.

So, ang strategy na sina-suggest ng OCTA, ang rekomendasyon namin, ngayon na nakikita na natin iyong elements ng emerging na surge na very similar ang path kagaya sa nangyari noong last March at alam naman natin kung ano ang nangyari last March, muntik tayong ma-overwhelm ‘no, buti na lang nakapag-respond tayo.

Ito ang sinasabi namin dito sa OCTA, we should adopt what Australia and New Zealand are doing now which is basically go early and go hard. Uulitin ko po, go early and go hard po. So, ibig sabihin, mayroon tayong anticipatory, preventive, circuit breaking lockdowns po na ang tingin namin kung gagawin natin ito over the next two weeks lalo na this week or next week ‘no, hindi lang natin mapapababa iyong kaso, hindi lang natin mapapababa iyong mahahawa at mamamatay, masi-save pa ho natin iyong economy ho kasi napaka-ikli po ng lockdown na gagawin natin at masi-save natin iyong fourth quarter for all our big businesses and small businesses po.

Iyon ho ang importante eh. Ginawa rin natin ito last year noong August trend po. So, dahil ginawa natin iyon, we were able to save the fourth quarter last year, naka-rebound tayo ng kaunti. Ngayon po, may banta tayo ng Delta po, ibang klase ho itong variant na ito. Kapag kumalat ito at pinabayaan nating kumalat ito, we will lose effective control of the epidemic po. Iyon ho ang sinasabi namin, dapat lang maagap, maingat.

So, kailangan natin [garbled] iyong cause po. Kung magla-lockdown tayo later sa limang libong kaso, ilang buwan tayong sarado, ilang tao ho ang mahahawa at ilang posibleng mamamatay. Kung maaga tayong mag-i-enforce ng circuit breaking restrictions na sa tingin namin sa OCTA mas mainam iyon. Maaga at maingat, mababa pa iyong kaso, kaunti ang mahahawa, halos walang mamamatay at iyong ekonomiya masi-save natin ho kasi maikli lang ho iyong lockdowns.

So, iyon ho ang aming pananaw – go early, go hard po. So, puwede namang i-consider ng government iyan over the next week or so. Bukas ho maglalabas kami ng report para makita natin ang projections for the next weeks.

Ang ayaw lang namin po ang nangyayari sa Indonesia, ang nangyari sa India, ang nangyayari ngayon sa Thailand na sumabog ho ang mga kaso, delayed ho; too little too late ho ang response ng lahat – ng taumbayan, ng private sector at ng gobyerno.

So, bagama’t masaya tayong lahat sa first gold natin kay Ma’am Hidilyn, ito ho ang totoong kailangan rin tayong mag-up ng game natin kasi mayroon tayong banta ng Delta. Ayaw po natin ma-overwhelm at gusto nating bukas ang ekonomiya for a long period of time hanggang Christmas.

Last point, Usec., maganda ang nangyari sa Philippines ngayon, ang siyang bright light sa ating COVID response, iyong vaccination po. Wala na po kaming masabi. Ang kaunti ho ng supply natin pero whatever we get, we efficiently distribute. Ngayon ho sa NCR ho, we are around 20% fully vaccinated po dito sa population natin. Kaunting panahon na lang we might get our 30%, we might be a little more resilient sa Delta.

So, ito ho iyong mga situational: We need to work fast, we need to work together and we need to urgently consider itong mga bold moves which by the way the President already talked about in his SONA. Kapag tumaas ang kaso which I think inu-observe na ng DOH, he will need to consider lockdowns also. Ang question ngayon: Ang lockdown ba natin later kapag limang libong kaso na o ngayon habang isang libo pa lang ang kaso, maagap at maingat na tayo? So, whatever the decision of the government we will support. We will bring this forward na, iyong go early, go hard.

Sana ho ang taumbayan, iyong private sector, tulungan natin. Kapit-kamay lang ho tayo ngayon kasi malaki ho iyong banta ng Delta, tulong-tulong po tayo ngayon.

USEC. IGNACIO: Opo. Kung sino rin po ang maaaring sumagot. Sa ngayon ay may nadagdag ba na probinsiya na considered as high risk area at posible ba na work na rin ng Delta variant sa mga lugar na ito kaya hindi bumababa ang reproduction rate?

DR. DAVID: Yes, Usec. Right now ang pinaka-hot spot sa buong Pilipinas hindi iyong NCR, pero it’s the Cebu area – Cebu City, Mandaue at Lapu-Lapu. Mataas na ang reproduction number nila, it’s around 1.9. In fact, in terms of average daily cases, pinakamataas na ang Cebu City sa buong bansa.

Iyong Davao City, we’re happy to note na – although may na note doon na Delta case bumababa na iyong bilang ng kaso sa Davao City.

Sa Cagayan de Oro din isa ring hotspot iyan. We considered it critical risk area because napakataas na ng ICU utilization and the reproduction number.

Sa Laoag City din, sa Ilocos Norte and I think sa Ilocos Sur, maituturing nating hotspot and then iyong sa Mariveles, Bataan it’s still a high risk area.

So, iyon ang mga main areas na binabatayan natin ngayon and of course iyong NCR we are closely monitoring kasi hindi pa naman high risk area iyong NCR but the cases are increasing.

USEC. IGNACIO: Opo. Kung sino lang ang puwede rin pong sumagot: Kung babalik daw po sa 10,000 a day ang mga kaso ng COVID sa bansa, what are the possible repercussions nito sa health care system ng bansa?

PROF. RYE: Sa dalawang libo lang mahihirapan na po tayo. Yes po, tama iyong gobyerno nagdagdag tayo ng kama at nagdagdag rin tayo ng kaunting health care workers. Pero ho ang nakikita namin dito sa trend ng Delta sa ibang bansa, you cannot prepare even for the worst scenario sa Delta po eh ‘no.

Kaya nga huwag na nating paabutin po, iyon ang sinasabi ng OCTA. Let us have this open conversation when we will have this circuit breaking restrictions. Importante ho na hindi maantala iyong ating vaccination at importanteng-importante sa ating mga kababayan ‘no, totoo ho iyong banta. Sobra ho siyang nakakahawa kaya kailangan ho paigtingin pa natin iyong ating mga pagsunod ‘no sa minimum public health standards – suot ng face shield, face mask, pag-iwas at paghugas.

Kailangan ho talaga grabe ho ang ingat natin ngayon. At ito ho ay totoo, hindi lang sa mga unvaccinated, pati ho ang bakunado ho puwede ho kayong mahawa o puwede ninyong madala sa inyong mga pamilya kaya dapat ho mag-ingat na po tayo kasi may bagong variant na po tayo and lahat po ng lessons from the other countries are telling us na number one, we can solve this problem with a combination of lockdowns, expanded testing, expanded contact tracing and of course the continuation of our vaccination program.

We also noticed na doon sa mga important lessons natin sa ibang bansa, iyong mga ibang bansa na nakapag-successfully mitigate ng Delta variant, naging clear na they went early. They followed the go early, go hard approach po – maagap, maingat, okay? Noong mababa pa iyong cases, nagpasok na sila ng mga restrictions.

So, iyon ang sinasabi namin dito sa OCTA, let’s think of more stricter restrictions. Puwedeng calibrated up to severe lockdowns para lang ho bumaba iyong ating R, bumaba ho iyong hawaan.

Sa ating mga kababayan, huwag na muna masyadong ma-social gathering ho, iyong kumain sa restaurants, magtipun-tipon, kasi ho malaki ho ang posibilidad na mahawa po kayo lalo na kapag hindi kayo bakunado.

At sa mga kababayan natin, last na lang, kung may tsansa kayo at may magkakataon, magpabakuna na po tayo kasi malaking bagay po iyan. Added protection iyan at iyan ang long term solution natin to the COVID problem.

USEC. IGNACIO: Opo. Kung sino lang po puwedeng sumagot. Kakayanin kayang mabakunahan ang target na population protection ng pamahalaan bago tuluyang kumalat itong nakakatakot na Delta variant?

DR. DAVID: Yes, USec., it’s a race against the Delta variant eh. Sa ngayon, we’re happy to note na as mentioned by Professor Ranjit, sa nakikita natin 22% na iyong fully vaccinated, so, that offers some level of protection.

Ang target natin for population protection is 40 – 50% kaya lang iyong 40 – 50% na iyon baka hindi pa iyan kakayanin within the next month eh. Most likely by around September to October na mababakunahan iyan.

And then pero itong Delta variant, sa nakikita natin may pagtaas na ng cases, so, it’s happening now. And in fact based on history, iyong nangyari noong February to March, in one month baka nandoon na tayo sa point na ma-overwhelm na tayo kung patuloy na magtaas iyong cases. So ibig sabihin may one month window tayo bago tayo nandoon sa critical situation.

So mukhang mauuna iyong Delta variant eh pero hindi naman ibig sabihin mananalo iyong Delta variant against us. We must try to have this victory, parang iyong sa Olympics, may victory din tayo sa Delta variant because you know, marami nang ibang bansa ang tinamaan ng Delta variant pero I believe we can prevail against the Delta variant. Kailangan nating magtulung-tulungan, good pandemic management as mentioned by Professor Ranjit.

USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong mga makabuluhang impormasyon na ibinahagi sa amin Dr. Guido David at Professor Ranjit Rye ng OCTA Research. Mabuhay po kayo.

PROF. RYE: Salamat, Usec. Ingat po tayo lahat.

USEC. IGNACIO: Salamat po.

Samantala Senator Bong Go sinabing ang mga Pilipino ang bahalang humusga sa mga ginawa at sinulong na pagbabago sa bansa ng administrasyon na nabanggit ni Presidente Duterte sa kaniyang SONA. Narito ang report:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Gaya ng inaasahan ng marami, isa sa naging focus ng Pangulo ang naging pagtugon ng pamahalaan laban sa pandemyang dulot ng COVID-19. Kaugnay niyan makakausap po natin si Department of Health Secretary Francisco Duque III. Good morning, Secretary.

DOH SEC. DUQUE: Magandang umaga sa iyo Usec. Rocky at sa lahat ng inyong mga tagasubaybay.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, nakausap po namin ang OCTA Research Team dito ngayon, katatapos lamang po at satisfactory po ang ibinigay nilang opinyon sa naging SONA ng Pangulo kaugnay po ng COVID response ng gobyerno. Ano po masasabi ninyo dito?

DOH SEC. DUQUE: Well, ang ginagawa ng Duterte administration ay talagang pinaigting natin ang PDITR Plus strategy natin ‘no. Ito iyong prevention, early Detection through aggressive or active case finding, contact tracing, testing at saka aggressive isolation through our Oplan Kalinga at saka iyong treat naman natin, pillar ‘of the PDITR strategy ay iyong pinahuhusay ng ating mga doktor, nurses, mga healthcare workers na kumalinga at gamutin at magsalba ng mga buhay lalung-lalo na ang mga mayroong severe to critical COVID cases.

At ang atin namang Plus doon sa PDITR, iyong vaccination natin. So we’re ramping up our vaccination at sa ngayon halos 17 million doses na ang ating naibigay at mga 11 million first dose at 6 million naman thereabouts ‘no for the second dose.

So ang ating second dose coverage ‘no, population coverage is almost mga 9% of the 70 million herd immunity target ‘no.

So maayos ang ginagawa natin pero siyempre paigtingin pa natin lalo na mayroon tayong banta ng Delta variant kaya patuloy ang aming pakikipag-ugnayan sa mga local government units, sa mga kinatawan ng pribadong sektor na talagang bantayan ito at talagang gawin ang lahat ng makakaya para maputol ang kadena ng hawaan at hindi humantong sa pagkumpul-kumpol ng mga kaso ng Delta variant ‘no sa kanilang mga komunidad.

So habang mababa pa ang mga kaso although of course dito sa NCR at mga ibang mga piling lugar tumaas na nga. Tama naman ang OCTA diyan dahil dito sa NCR tumaas tayo nang mga 47% itong linggong ito compared doon sa nakaraang linggo kaya dapat ito’y wakeup call sa ating mga pamahalaang lokal na talagang intensify ‘no, paigtingin, palawigin ang lahat po ng ating mga tukoy na istratehiya na napatunayan naman na natin na naging epektibo noong unang surge natin noong nakaraang taon – July/August ‘no nagkaroon tayo ng surge. Eh wala tayong bakuna noon ano.

At ito na naman pangalawang surge natin na nangyari ng March/April na kung saan natukoy ang Alpha variant at saka ang Beta variant ano at kakaunti pa ang ating mga bakuna noon. So ngayon ay awa ng Diyos at gumaganda ang ating supply ng bakuna at susi ito or isa ito sa mga istratehiya para mabigyan nang karagdagang proteksiyon ang ating mga kababayan at maibsan ang pagtaas muli ng kaso ng COVID sa bansa.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, susugan ko lang po ano. May tanong po si Ivan Mayrina kasi: Sinabi na nga po ng OCTA Research that Metro Manila is officially experiencing a surge in COVID at 1.33 reproduction number and nanawagan po sa government to go early and go hard – meaning impose circuit preventive and circuit breaking lockdowns. Ano po ang response ng government dito?

DOH SEC. DUQUE: Tama naman iyon. Sinasang-ayunan natin itong rekomendasyon ng OCTA kaya walang tigil ang ating pakikipag-ugnayan sa mga pamahalaang lokal dahil sila naman ang on the ground implementing units ‘no para sa ating PDITR Plus strategy ‘no. So kinakailangan talaga gawin ang lahat para hindi magpatuloy ang nagsimula nang tumataas na mga kaso ‘no.

So, talagang iyong ating aggressive active case finding, iyong atin talagang aggressive testing, community testing, ang ating contact tracing, iyan ay marami naman tumutulong dito. Iyong DOLE ay in-extend iyong serbisyo ng mga contact tracers sa mga pamahalaang lokal at siyempre dagdag din iyan doon sa sarili namang mga contact tracers ng mga LGUs para ng sa ganoon matukoy, and aggressive isolation. Talagang ito pa rin ang napatunayan na solusyon para maibsan ang patuloy na pagtaas ng mga kaso, dahil nga dapat bantayan natin, we have to keep closely monitoring the situation.

Iyong datos na galing po sa ating mga Epidemiology Bureau and Regional Epidemiology Surveillance Unit Officers ay talagang dapat maging maayos ang pagsasakatuparan ng lahat po ng mga hakbang para mapigilan itong pagtaas ng COVID-19 sa gitna ng banta ng Delta at ang namamayagpag din na Alpha and Beta variants. So hindi lang isa ang kalaban natin dito, kalaban din natin dito iyong Beta and Alpha variants.

So iyon po, tuloy tayo, iyong bakuna natin kagaya ng nasabi ko. Although of course, kasi nga naulan itong mga dumaan na araw, medyo bumaba ang ating daily vaccination output na dapat mga 300,000 to about 350,000 a day tayo, eh minsan, itong weekend bumaba tayo ng mga 150,000 lamang. So, kinakailangan din bigyang paalala ang ating mga LGUs na nagpapatupad ng ating vaccination activities na pumili ng mga lugar na kung saan ligtas at protektado naman ang ating mga mamamayan mula sa baha. Dahil ang baha, ang banta naman dito, leptospirosis at marami pang ibang sakit na mga infectious diseases – cholera, typhoid, hepatitis.

So kinakailangan din ay mag-ingat tayo sa iba pang mga sakit bukod sa COVID-19 at sa banta ng Delta variant. Dapat ay siguraduhing maayos po ang ating bakunahan sa ligtas na mga lugar, malayo sa mga baha. At siyempre, nananawagan din ako sa ating mga City Health Officers na makipag-ugnayan sa atin pong DOH Center for Health Development – NCR na kung kinakailangan ng karagdagang gamot, doxycycline, laban din naman sa leptospirosis ay mangyari lang po na magpadala sila kaagad ng komunikasyon para matugunan po ito sa lalong madaling panahon. Although nasabihan na po ako kaninang umaga ni Director Glo Balboa ng CHD na madami na rin po silang naibaba, nai-preposition na mga gamot laban sa leptospirosis.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Secretary kung kayo daw po ang tatanungin, maaari bang sabihin na kumakalat na talaga ang Delta variant sa bansa, pero hindi pa lang daw po na-identify sa ngayon dahil limitado pa ang kapasidad ng Genome Center?

DOH SEC. DUQUE: Matagal na nating binigyang-diin na it is better to assume that there is already a local transmission at ang lahat ng ating kilos o tugon ay dapat nakaangkla sa ganitong assumption ‘no. Sabihin na natin na talagang mayroon tayong local transmission, whether mayroon nang community transmission, that is something that needs to be established by expanding, increasing the capacity of the genome sequencing by the PGC. So, iyan ang importante ay huwag na tayong maghintay ng resulta na iyon. Kumilos na tayo, tumugon na tayo as if mayroon na talaga tayong local and community transmission.

USEC. IGNACIO: May tanong lang, Secretary, si Tuesday Niu ng DZBB: Kung susundin ba ng DOH ang rekomendasyon ng OCTA na mag-lockdown muna ng two weeks, habang maaga, kaysa abutin pa ng limang libong kaso per day bago ito ipatupad?

DOH SEC. DUQUE: Sa NCR kasi ngayon has a little over 900 cases per day tayo the past weeks. So, titingnan natin dahil nga ang IATF naman, ginabayan ito ng atin pong mga experts, iyong Technical Advisory Group of experts, iyong ating data analytics experts, kasama iyong FASSTER at ang ating Epidemiology Bureau at pinag-aaralan ang mga sariwang datos at mula dito nagbibigay sila ng mga rekomendasyon, so hintayin na lang po natin. Mamaya magkakaroon na naman ng pagtitipon, pagpupulong ang IATF at palagay ko ito ay tatalakayin at magbibigay muli ng rekomendasyon ang atin pong mga expert group.

USEC. IGNACIO: Opo, may tanong lang po rin si Reymund Antonio ng Manila Bulletin: May reports daw po that our vaccination rate, nabanggit nga ninyo kanina, has gone down and we shipped our vaccines to PharmaServ Express which is in Marikina daw po, a flood prone city. Ano daw po ang assurance na itong cold chain facility is free from flood at paano daw po ang distribution to LGUs? Hindi po ba daw masisira iyong vaccine because of this flood?

DOH SEC. DUQUE: Wala namang naiuulat pa sa akin ang ating procurement supply chain management office patungkol sa isyu kung mayroon bang lugar doon na hindi madaanan, dahil ang pagkakaalam ko iyong malalaking mga truck, mga delivery vans, mga diesel engines itong mga ito at kayang lumusong kung hindi naman kalaliman ang mga baha. Ang mga bakuna naman ay nakapaloob sa isang mataas na lugar doon sa storage location or areas para ligtas ang ating mga bakuna. So, sinisiguro naman ito na bago nakipagkontrata diyan sa mga logistics, third party logistics providers na talagang lahat itong mga contingencies na ito ay natutugunan.

USEC. IGNACIO: Opo. May tanong naman po si Neil Jerome Morales ng Reuters News: Ang tanong po niya antibodies from Sinovac COVID-19 shot fade after about six months and booster helps according to a lab study by Chinese researchers. With millions of Sinovac doses administered to Filipinos? Do we see this trend of antibodies fading? And we will give booster shots and to what specific segment of the population?

DOH SEC. DUQUE: Well, unang-una wala pang pasya o wala pang rekomendasyon ang ating vaccine expert panel patungkol sa pagbibigay ng booster dose or booster shots ‘no. Kung mayroon man sigurong kinokonsidera diyan, parang sa mga ibang bansa, iyong mga immunocompromised [persons] ang may posibilidad na bigyan ng booster shots. Pero sa pangkalahatang populasyon, sa ngayon ay walang rekomendasyon pa kung kinakailangan ng booster shots.

Pero iyan ay pinag-uusapan na ng ating vaccine expert panel at ng ating DOH sa public health services team at hinihintay ko lang magbuo sila ng rekomendasyon at doon puwede nating pag-usapan ulit. Pero by enlarge, iyong kinikilalang panahon na nakakapagbigay proteksiyon ang mga bakuna, mga 9 to 12 months. So tingnan natin, dahil bago pa naman itong mga bakunang ito, kaniya patuloy ang ating mga eksperto na inaalam ang pinakahuling mga datos, impormasyon mula sa mga iba’t ibang siyentista, mga data scientist, mga medical scientist, virologist, immunologist ‘no. Lahat po ito ay pinanggagalingan ng pinaka-updated, pinakahuling mga impormasyon para gabayan ang ating IATF at ang ating National Vaccination Operation Center kung napapanahon na ba na magbigay ng booster shot. Pero sa ngayon, hindi pa

USEC. IGNACIO: Secretary, isa po sa isinulong ni Pangulong Duterte sa SONA niya kahapon iyong pag-prioritize ng Kongreso dito sa pagkakaroon ng sariling Center for Disease Control sa Pilipinas. So gaano po kaimportante na maipasa ito ng Kongreso bago man lang po bumaba sa puwesto ang Pangulo?

Ang tanong naman po ni Victoria Tulad ng GMA News: So gaano kahalaga ang Center for Disease Control and Virology Institute at kailan po kaya ito maitatayo?

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, isa po sa mga isinulong ni Pangulong Duterte sa SONA niya kahapon iyong pag-prioritize ng Kongreso dito sa pagkakaroon ng sariling Center for Disease Control sa Pilipinas. So, gaano po kaimportante na maipasa ito ng Kongreso bago man lang po bumaba sa puwesto ang Pangulo? Ang tanong naman po ni Victoria Tulad ng GMA News: So, gaano kahalaga ang Center for Disease Control and Virology Institute at kailan po kaya ito maitatayo?

DOH SEC. DUQUE III: Well, depende na iyan sa mga proseso sa loob ng Kongreso dahil mayroon tayong mababa at mataas na kapulungan, both houses. Ide-deliberate nila ito at ang pinakahuling ulat sa akin nasa second reading na Itong Center for Disease Control bill at saka iyong Institute of Virology.

So, ang tinatalakay nito at kapag ka naging maayos sa second reading, iendorso nila ito on third reading and plenary debates sa House at ganoon din naman may parallel deliberations sa Senate under committee on health na pinamumunuan ni Sen. Bong Go at nagpapasalamat nga tayo dahil talaga naman na tumutulong, masigasig ang ating magilas na Senador Bong Go sa paghubog ng mga batas pangkalusugan.

Isa nga po na binibigyan ng priority sa ibabaw ng legacy laws na pinatupad sa ilalim ng Duterte administration – Universal Health Care law, National Integrated Cancer Control Act, iyong ating Medical Stockpiling Bill, isa din napakahalagang panukala iyan na tinatalakay at sana maging batas din ito at marami pang mga ibang mga batas na naipasa na.

At this will compliment na itong Virology Institute, itong Independent for Center for Disease Control mahalaga na panukala ito sana maisabatas din. This will responsible forecasting, for projecting, for preventing diseases, Injuries, disabilities, non-communicable diseases and communicable or intensive diseases para mas maganda ang plano at tugon/paghahanda ng ating gobyerno pagka naitatag ang ating Centers for Disease Control as part of the Universal Health Care Law.

Maganda po na ang panukalang ito ay mabuo at maisabatas at mapalakas din natin ang ating Center for Disease Control capability.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary Duque, kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon. Muli po nakausap natin ang kalihim ng Kagawaran ng Kalusugan, Secretary Francisco Duque III, mabuhay po kayo at stay safe.

DOH SEC. DUQUE III: Ganoon din po sa inyo USec. Rocky, at sa lahat po ng inyo pong programa at sa PCOO all the less for the remaining period on the Duterte administration. Maraming salamat po, sa ngalan ng DOH at ng IATF.

USEC. IGNACIO: Samantala, narito naman po ang pinakahuling tala ng COVID-19 sa bansa. As of 4:00 pm kahapon:

  • naka-record tayo ng 6,664 na mga bagong kaso ng COVID-19 dahilan upang umabot na ito sa 1,555,396.
  • Mataas pa rin naman ang bilang ng mga gumagaling mula sa COVID-19 kada araw.
  • Kahapon po ay nakapagtala ng 5,766 new recoveries sa bansa kaya naman po umabot na ito sa 1,473,009 total recoveries.
  • Sa kabilang banda, 23 naman po ang bagong nasawi dahil sa sakit kaya nasa 267,247 na ang total deaths.
  • 55,140 naman sa kabuuang bilang ng COVID cases sa bansa ang nananatiling aktibo pa rin sa ngayon.

Isa po sa mga tinalakay ni Pangulong Duterte sa kaniyang SONA kahapon ay ilang programa at panukala ng administrasyon para sa uniformed personnel, para pag-usapan ang detalyeng

iyan, makakasama po natin ngayong umaga ang hepe ng Public Information Office ng AFP, Captain Jonathan Zata, magandang umaga po Captain.

CAPT. ZATA: Magandang umaga po sa inyo USec. Rocky, at sa ating mga tagapanuod.

USEC. IGNACIO: Opo. Isa po ang AFP at PNP sa mga unang binanggit ng Pangulo sa kaniyang SONA kahapon. Sa bahagi po ng Sandatahang Lakas, naging satisfied po ba kayo sa pamumuno ng Pangulo sa nakalipas na anim na taon?

CAPT. ZATA: Opo. Sa katunayan nga po, ipinapaabot ng ating Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines ang taus pusong pasasalamat sa pag-guide at pagsuporta ng ating Commander in Chief sa Hukbong Sandatahan.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, kumusta na po ang estado ng AFP modernization sa ngayon? Mapu-fully implement ba ito bago man lang po matapos ang termino ng Pangulo?

CAPT. ZATA: Maraming salamat po. Ongoing po iyong ating modernization program. Tayo po ay magta-transition na from Horizon 1 to Horizon 2 at mayroon po tayong mga nakalaan na mga 600 billion pesos para po sa mga proyektong 107.

Iyong mga ibang projects po na iyan ay naisakatuparan na at makikita po natin na bukod po sa ongoing Horizon 2, marami na rin pong mga kagamitan sa Horizon 1 ang ating pong nakita na, nai-deliver na at ginagamit na po ng inyong Hukbong Sandatahan.

Kasama na rin po dito iyong mga bagong Super Tucano, iyong mga Black Hawk Helicopters, ganoon din po iyong mga makabagong barkong pandigma ng Hukbong Dagat at po iyong mga equipment, force protection equipment ng ating Philippine Army.

Patuloy po ang mga proyektong ito at different stages of completion; kung inyo pong alalahanin ang Horizon 1 po ay nagsimula noong 2013 at nagtapos noong 2017 at ang ongoing second Horizon ay from 2018 to 2022 at iyong third Horizon po ay from 2023 up to 2027.

USEC. IGNACIO: Opo. Sa dako naman po usapin ng pensiyon na matagal na ring sinusubukang solusyunan ng pamahalaan, bakit mahalaga pong magkaroon ng unified system sa pension ng mga unipormadong hanay at ano po ang estado ng pagbibigay ng pension sa militar sa kasalukuyan po?

CAPT. ZATA: Opo. Maraming salamat po Usec. Rocky, sa katunayan po kasama po sa pag-increase ng suweldo ng kasundaluhan na ipinatupad noong 2018 at 2019 ay doon din po sa ating mga pensioners at kasalukuyan po ayon sa RA 91—sa kasalukuyang pagkakataon ay iyong dalawang buwan po na differential ng pension ay naibigay na po sa ating mga retirees at mga pensioners at patuloy po ang aming koordinasyon together with the Department of National Defense at Department of Budget and Management para po sa nalalabi pa pong pensions na kinakailangan po maibigay sa ating mga pensioners.

USEC. IGNACIO: Alright, nagbalik tanaw po ang Pangulo noong 2018 kung saan tinaasan ng pamahalaan ng sahod at dagdag benepisyo para po sa ating military at uniformed personnel. Nagkaroon ba ng significant na pagbabago po sa pamumuhay ng mga sundalo at kanilang pamilya dahil dito?

CAPT. ZATA: Tama po iyan, napakalaking impact ang ginawa pong pagsuporta ng ating Commander-In-Chief sa kasundaluhan simula po noong 2018 na nagkaroon po ng adjustment sa suweldo ng kasundaluhan hanggang sa makumpleto po ito ng 2019.

As an example lamang po, ang ating private na noon ay nakakatanggap ng mahigit kumulang ng labing-apat na libo sa kada buwan, ngayon po ang ating kasundaluhan ang pinakamababang private ay nakakatanggap na po ng humigit kumulang na tatlumpung libo kada buwan.

Bukod diyan po hindi lamang po sa compensation na high morale ang po ang mataas na paglilingkod ang inyong Sandatahang Lakas dahil mayroon din pong mga kagamitan at mga kasiguruhan na kapag nasa area po, nasa labanan ang ating ordinary soldier ay makakaasa po na ang kaniyang pamilya ay mayroon po na nararapat po na mga benefits at kung siya po ay magkakasakit ay mayroon pong karampatang hospital at Doctor na puwedeng maggamot po sa kaniya. Kaya napakalaki pong impact ang naging pang-increase ng salaries and benefits po ng ordinaryong soldiers sa buong kasundaluhan.

USEC. IGNACIO: Opo. hihingi na rin po kami ng updates sa imbestigasyon naman sa naging C-130 crash nitong nakaraan. Lumabas na po ba ang naging resulta ng pagsusuri sa black box at kung na-finalize na po ba kung ano talaga iyong pinagmulan ng pagbagsak ng eroplano at pagkasawi po ng ating mga ilang sundalo?

CAPT. ZATA: Usec. Rocky, as of the moment, iyong mga iba’t-ibang aspeto po ng imbestigasyon ay ginagawa ng Sandatahang Lakas, sa katunayan po iyong black box ay naipadala na po sa Estados Unidos at patuloy po nating inaalam ang laman nito at lahat ng aspeto po kung bakit nangyari ang insidenteng ito ay iniimbestigahan as of the moment at makakaasa po kayo na kapag natapos na po ang impartial at objective na investigation na ito ay maipapaalam po natin kung ano po talaga ang naging dahilan at nagkaroon ng ganitong sakuna.

USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa inyong pagtugon at pagbabahagi ng impormasyon Captain Jonathan Zata ng AFP. Mabuhay po kayo at stay safe po.

CAPT. ZATA: Maraming salamat po Usec. Rocky, at mag-ingat po tayo lahat at ipinaabot po ng ating butihin Chief-of-Staff ng Armed Forces of The Philippines na si General Cirilito Sobejana, ang taos-pusong pasasalamat sa kanayunan po sa pagsuporta ninyo po sa Hukbong Sandatahan at ang pagbati sa ating Sgt. Hidilyn Diaz, na nagbigay ng dangal hindi lamang po sa Sandatahang Lakas, kundi po sa buong Pilipinas. Mabuhay po ang atletang Pilipino, mabuhay po ang Pilipinas.

USEC. IGNACIO: Salamat po Captain Zata.

Samantala, puntahan natin ang mga balitang nakalap ng Philippine Broadcasting Service, ihahatid iyan ni Ria Arevalo ng PBS-Radyo Pilipinas.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat Ria Arevalo ng PBS-Radyo Pilipinas.

Samantala, direktang lumapag sa Cebu ang dagdag na 51,480 doses ng Pfizer BionTech vaccine kagabi. Malaking tulong ito sa pagbabakuna sa probinsiya. Mag-uulat si John Aroa, live!

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, John Aroa.

Samantala, mga programang lalaban sa insurgency sa Cordillera Region, pinaigting ng Tactical Operations Group ng Philippine Air Force. Ang detalye hatid ni Eddie Carta ng PTV-Cordillera.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Bago po tayo magtapos ay muli nating batiin ng congratulations ang kauna-unahang Olympic gold medalist ng bansa sa larangan ng weightlifting: Congratulations at proud kami sa iyo, Hidilyn Diaz!

Samantala, magkita-kita po tayo muli bukas. Ako po ang inyong lingkod Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

##


News and Information Bureau-Data Processing Center