Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

USEC. IGNACIO: Magandang umaga Pilipinas. Ngayong araw ng Sabado, sisentro tayo sa mga usaping pangkalusugan sa bansa na talaga naman pong malaki ang epekto sa takbo ng pamumuhay natin ngayon. Kaya’t nariyan ang ating mga panauhin mula sa iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan na handa pong sumagot sa tanong ng taumbayan.

Ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio at ito Public Briefing #LagingHandaPH.

Makakasama po natin ngayong Sabado ng umaga sina Dr. Jonas Del Rosario, ang Spokesperson ng Philippine General Hospital; Pateros City Mayor Miguel Ponce III; Dr. Anna Marie Celina Garfin; at si Undersecretary Maria Rosario Vergeire ng DOH.

Una sa ating mga balita, pagtaas po ng vaccination rate sa bansa ikinatuwa ni Senator Bong Go. Hiniling din niya sa pamahalaan na ipagpatuloy ang vaccine rollout sa ligtas na paraan alinsunod sa mga ipinatutupad na health protocols. Narito ang report:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Samantala simula po bukas, August 8 hanggang August 15 ay malilipat na ang Gingoog City sa General Community Quarantine with Heightened Restrictions mula po sa kasalukuyang ECQ status nito.

At upang makibalita sa sitwasyon ng Pateros sa ikalawang araw ng ECQ sa Metro Manila at alamin na rin po natin ang hakbang na ginagawa ng lokal na pamahalaan sa pagsugpo sa sakit na TB, makakausap po natin si Pateros Mayor Miguel Ponce III at si Dr. Anna Marie Celina Garfin ng Department of Health para po pag-usapan ang kanilang mga inihandang programa sa pagdiriwang po ng National Lung Month. Good morning po sa inyo.

PATEROS MAYOR PONCE III: Yes. Good morning po. Good morning.

USEC. IGNACIO: Opo. Mayor, unahin ko na po muna kumustahin ito pong ikalawang araw ng implementasyon ng ECQ diyan sa Pateros. Naku huwag naman, may nahuli po ba kayong lumabag sa curfew at iba pang ipinatutupad na health protocols?

PATEROS MAYOR PONCE III: Yes, mayroon pa rin tayong mga nahuhuli ‘no, mangilan-ngilan bagama’t siyempre malaki ang pinagbago dahil talagang pumasok ang tao sa kanilang mga tahanan. Kaya naman iyong ating mga law enforcers ay patuloy na umiikot ano kasi dito po sa aming bayan, marami kaming lugar talaga bago pa sinimulan iyong ating ECQ na naka-lockdown dahil mataas talaga ang aming kaso. At isa kami sa pitong local government unit na talagang nasa high risk level ano o iyong critical level ng COVID-19 positive.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Mayor, kayo po ba ay nag-issue ulit ng quarantine pass sa inyong mga kababayan; at kung nag-issue ulit kayo, paano po ang sistema ng paglabas ng mga residente?

PATEROS MAYOR PONCE III: Yes, nag-issue tayo ‘no. Hinabol naming pilit ito dahil bago pa magsimula ang ECQ ay nagpagawa na kami ng quarantine pass, dito sa aming pamahalaang bayan ginawa iyan at binigyan ko iyong ating mga barangay para i-distribute nila sa kanilang mga mamamayan.

Ngayon pinasimulan namin ngayong araw na ito iyan dahil mayroong isang barangay na naiwan na hindi pa nakakumpleto kaya mahihirapan kaming i-execute iyan kahapon kung kailan tayo nagsimula ng ECQ. Pero ngayon ay nagpapasimula na po tayo, hindi ka puwedeng lumabas kung ikaw ay walang quarantine pass maliban na lang kung ikaw ay kasama doon sa APOR ano na nagtatrabaho ka, ikaw ay magpapabakuna, may mga emergency cases ka o kaya ikaw ay nagninegosyo na ipapakita mo rin, may mga dokumento kang ipapakita para ikaw naman ay palagpasin noong ating mga la enforcers.

USEC. IGNACIO: Opo. Mayor, kanina nga po nabanggit ninyo na iyong sitwasyon ng Pateros at nakataas nga po ang inyong bayan ngayon sa Alert Level 4 ayon po sa Department of Health. Ibig sabihin tumataas na rin po iyong inyong healthcare utilization at ang patuloy pang tumataas ang inyong mga kaso. So, paano po tinutugunan ng lokal na pamahalaan ito?

PATEROS MAYOR PONCE III: Actually tayo, tayo naman hindi naman tayo nagbago eh ‘no, talagang diri-diretso pa rin iyong ating PDITR na tinatawag ano – iyong Prevention, Detection, Isolation, Treatment at Reintegration ano. Bagama’t siyempre siguro mga a month ago, 2 to 3 weeks ago napakababa noong kaso natin tapos ito bigla tayong nag-surge ano; at ang nakikita namin dito ay hawa-hawahan din ang nangyayari kaya compared naman doon sa mga nakaraang panahon ay mas mabilis iyong aming pagla-lockdown dahil talagang nagkakaroon ng groupings ano, iyong tinatawag natin na clustering ng mga COVID positive.

Ngayon tayo po ay mayroong kulang-kulang na 200 beds sa ating mga isolation facilities dito sa Pateros pero mas mataas iyong number ng positive natin diyan sa ating available isolation beds. Kaya kami naman ay palaging natutugunan ang Oplan Kalinga at marami tayong kababayan na nag-a-isolate na nasa labas din ng bayan ng Pateros.

Ngayon mayroon din kaming mga ina-approve din na mangilan-ngilan na home isolation. Kapag nakita natin na pupuwede naman especially ‘pag halimbawa isang buong pamilya na halos iyong nag-positive, ito’y binabantayan na lamang ‘no ng mga barangay. So ganito ang ginagawa natin at napaka-active din ng ating testing; hindi po kami tumigil sa testing at hindi rin kami tumigil sa libreng pagbibigay ng mga swab test ano kaya’t ito ay araw-araw, mula Lunes po hanggang Biyernes.

Pinag-aaralan na naming isama ang araw ng Sabado para sa ating testing bagama’t tayo’y hirap na hirap din sa availability ng ating mga healthworkers dahil maski sila man ay nagkakasakit din, nagpa-positive din.

USEC. IGNACIO: Opo. Mayor, may dalawang kaso daw po kayo ng Delta variant diyan sa Pateros; ano po ang kalagayan nila ngayon at kumusta po ang contact tracing ng mga nakasalamuha nila?

PATEROS MAYOR PONCE III: Iyon ang talagang pinaigting natin nang husto ‘no. Kasi noong i-communicate at i-confirm sa atin ng DOH iyang presence ng Delta variant dito sa ating bayan, ito naman ay iyong mga—ang kaso nito ay nag-positive sila early July pa ‘no kaya ito ay mga nai-isolate na rin. Pero ang pinapaigting natin ngayon ay iyong contact tracing nitong mga pinagdaanan nitong dalawang na-test na Delta variant na ito ‘no. Talagang binabantayan namin ito dahil alam naman natin ito’y nakakatakot sa lahat at ito rin marahil ang dahilan kung bakit tayo’y nagkakaroon noong surge o pagtaas ng kaso ng positive hindi lamang dito sa bayan namin kung hindi sa buong Kalakhang Maynila at maaaring sa buong bansa.

USEC. IGNACIO: May no walk-in policy po ba kayo patungkol naman po ito sa mga pagbabakuna? At kumusta po iyong inyong pagsasagawa ng bakuna sa Pateros? Dumadagsa po ba ang mga tao?

PATEROS MAYOR PONCE: Iyong pagdagsa ng tao ay naramdaman namin iyan siguro mula noong July 30, kasi ito iyong panahon na nagkaroon ng announcement na magkakaroon ng ECQ. So dito na medyo naging pursigido ang tao na magpabakuna kaya even before the lockdown, kami naman ay hindi po naapektuhan ng fake news na hindi palalabasin, hindi bibigyan ng ayuda kapag walang bakuna. At tingin ko hindi kami naapektuhan niyan pero sabi ko nga, starting July 30 ay naramdaman na namin iyong pagdagsa.

Kaya nga nitong last weekend, Sabado at Linggo, nakita namin iyong dami ng tao ‘no kasi nag-a-allow kami ng walk-in dati dahil ang problema kasi natin kaya tayo nag-allow ng walk-in, maski iyong ini-schedule mo ay malaki ang porsiyentong hindi dumarating. Ang nagiging problema natin, nasasayang iyong oras ng ating mga health workers, nakatambay sila, kakaunti iyong nagpapabakuna. Kaya ang ginawa natin, mag-i-schedule kami at the same time magpapa-walk in tayo. Pero nakita natin last week ay iyong pagdagsa talaga ng tao.

Kaya ito pa lang Monday na ito, Tuesday, kinontrol na namin iyong walk-in. Pero ngayon, talagang no walk-in policy tayo except for senior citizens. Ngayon po makakapunta ka lang sa vaccination center at ikaw ay iku-consider na APOR kung ikaw ay mayroong text message na ipapakita na ikaw ay naka-schedule ngayon for vaccination at kung saang vaccination at anong oras ka pupunta. Kaya iyon po ang mga protocol at iyong mga procedure na sinusunod natin ngayon para makatiyak tayo na iyong ating pagbabakuna ay hindi po mababalam at hindi rin naman magiging spreader ng virus.

Sa amin pong bayan ay napakataas na po ng ating vaccination. Ang totoo, doon po sa aming unang target na 70% ng population ay lumagpas na po kami ng 100% diyan; at iyong second dose po ay nasa almost 63% na po kami. Ngayon, ang ginawa po natin, dahil sa nakita po natin na gustung-gusto na ng tao ay itinaas na po natin iyong eligible population to 80%. Kaya ngayon ay as of yesterday, mayroon po kaming 89.38% doon po sa 80% ng population natin, iyon sabi ko nga po ay itinaas na natin ‘no. At iyong second dose ay mayroon na po tayong almost 55% po doon sa bagong target population natin.

USEC. IGNACIO: Opo. Mayor, nabalitaan po namin na aktibo rin ang Pateros sa paglaban sa tuberculosis, ito po ay sa gitna ng COVID-19. So anu-ano po ba ang mga issues sa tuberculosis na nais tugunan ng Pateros sa kabila po ng pandemya? At sino po ang katuwang ninyo dito sa TB campaign?

PATEROS MAYOR PONCE: Actually, ano po ‘no, alam ninyo naman bago pa tayo nagkaroon ng pandemya ay napaka-active po kami pagdating sa programa ng pagbibigay ng serbisyo doon sa mga tinatamaan ng tuberculosis sa ating bayan.

At ngayon ay hindi naman po, siyempre alam naman natin na lahat ng health service has taken a backseat dahil na-concentrate nga tayo, lahat ng local government dito sa ating COVID response. Pero kami naman po, we’re proud to say na hindi po namin nakalimutan iyan at ang totoo ay patuloy tayong nagmu-monitor po nito especially iyong mga taong talagang hanggang sa ngayon ay tinutulungan namin na ituloy po iyong kanilang mga gamot.

Bagama’t napakahirap din naman ng ating challenges dito dahil alam ninyo naman ang TB minsan ay ikinahihiya po ng mga may sakit, ayaw nilang aminin. Minsan kahit may mga sintomas na ay ayaw pang pumunta sa atin, ayaw pang aminin na sila ay magku-continuous medication at imu-monitor ng ating mga health workers dahil nahihiya sila doon sa kanilang sakit.

Kaya ngayon pong panahon ng pandemya ay ang ginagawa po natin ay talagang tina-tap po naming maigi ang services ng ating mga barangay nutrition scholar. Sila po kasi ang umiikot sa ating bayan ‘no. At minu-monitor po nito iyong mga may sintomas, hinihikayat na magpa-checkup para madetermina rin naman natin iyong posibleng mayroong tuberculosis, at kung ano iyong dapat na intervention na i-apply natin.

Tuluy-tuloy po iyong aming mga ads na ginagawa. At ngayon po, sa kasalukuyan, kapag ikaw ay naramdaman na may sintomas, magpapa-swab muna. Kapag nagpa-swab po, diretso examination na po sa health center iyan. At kapag na-determine po namin na ikaw ay afflicted with tuberculosis, doon na po iyong treatment management na approach natin.

Noon pong 2020 ay mayroon po tayong 85 cases ‘no, ito po ay gumaling na at naayos na po natin ito. Bagama’t itong 2021, as far as I could recall, parang mayroon tayong 45 cases na minu-monitor at tinutulungan po. Libre naman po lahat ang gamot na ito. Bukod po doon sa ating pinu-purchase ay nakakakuha din tayo ng tulong sa DOH.

Ngayon, ang katulong po namin diyan ay ang USAID. Kamakailan nga lamang po ay isa kami sa mga local government ng National Capital Region na naunang nababaan ng programa ‘no, nang integration po ng ating tuberculosis program dito sa ating COVID response at saka sa vaccination na ginagawa natin.

Sa kasalukuyan po ay mayroon tayong mobile X-ray na ibinibigay, libre po ito, na provided by USAID na ito ay nilalagay po natin sa PCS (Pateros Catholic School) annex, isa po sa malalaking vaccination center natin dito sa ating bayan. At by Monday ay ililipat naman po namin ito doon sa isa pang malaking vaccination center, sa may Villa Monica Resort, upang doon naman po tayo manghikayat. Napakarami namang mga kababayan po natin ang gustong mag-avail nitong libreng chest X-ray dahil nakita naman po nila na talagang kinakailangan dito sa panahon ng pandemya ngayon.

Kaya iyan po ang ating ginagawa. At kami nga ay nagpapasalamat nang malaki dahil ang USAID ay patuloy po tayong ginagabayan hindi lamang sa panahon ng COVID, hindi lamang po sa panahon na ina-address natin ang problema sa tuberculosis kung hindi sa napakaraming serbisyo po na ibinababa natin sa ating mga kababayan dito po sa bayan ng Pateros.

USEC. IGNACIO: Opo. Puntahan ko naman po si Dr. Garfin. Doc, ano po ang mga programa iyong mga inihanda ninyo para naman po dito sa National Lung Month? Ngayong nakailalim tayo sa mahigpit na quarantine status ang ilang mga lugar sa bansa, so paano rin po natin sila hinihikayat na paigtingin ang mga hakbangin ng pamahalaan kontra tuberculosis?

DR. GARFIN: So good morning, Ma’am, and thank you ‘no for the invitation. So sa National Tuberculosis Control Program ng Department of Health, mayroon po tayong hinanda na mga webinars para sa ating mga health workers. Ito po ay ginagawa natin together with the PhilCAT and other partners.

So actually, nag-umpisa na kami nang August 4, iyong session namin doon ay tungkol sa preventive therapy. Then iyong another session would be on August 11, ito naman ay para sa childhood tuberculosis. Then august 18, ito naman ay sa pag-provide ng ating patient-centered care even na mayroon tayong COVID-19 na pandemic. And then sa August 27 mayroon tayong Race to End TB. So ito rin po iyong isa nating activity to motivate our health workers to continue iyong paggawa ng services sa ating TB program.

So sa ating Race to End TB, so this is supported by WHO and other partners as well, ang theme po natin ngayon ng pag-award ng mga health workers o mga health facilities ay about testing. Kasi sa tuberculosis, mayroon tayong tinatawag na cascade of care. So we start with screening and then we test, tapos kung ma-identify natin na mayroon silang sakit na TB, we provide a treatment. Pero kung wala silang sakit pero may contact sila sa mga TB cases, para hindi mag-progress iyong TB infection to TB disease, binibigyan natin sila ng preventive treatment. So noong quarter one¸ iyong awarding natin sa Race to End TB is about prevention. Pero this time, for quarter two, it will be about testing po iyong gagawin natin.

So aside from that, we continue to coordinate with our local government units. Sabi nga kanina ni Mayor Ponce na actually, nag-launch sila noong Monday lang ng pag-provide ng testing for tuberculosis or for screening ng tuberculosis doon sa vaccination centers nila. Kasi, Ma’am, alam naman natin na ngayon, with COVID-19 pandemic, ang focus ng ating health workers ay COVID-19. So naiintindihan natin iyon, pero dapat din nating intindihin na iyong TB bacilli, hindi siya nag-i-stop ‘no dahil nandiyan iyong COVID-19. That’s why we still need to do our activities.

So para magawa pa rin natin ‘to, we synergized ‘no our activities with COVID-19. So nasabi na kanina ‘no ni Mayor Ponce and we want to say thank you for Mayor Ponce ‘no for really supporting our activities to still continue to provide TB services na despite the COVID-19 pandemic. So iyon ‘yung isa nating activity, we will do screening doon sa mga vaccination centers. At the same time mayroon din tayong testing na gagawin ‘no. Mayroon na silang symptoms for COVID, gagawin din natin iyong testing for TB.

And iyong isa pa na hinihiling sana namin ‘no sa mga local government units that they still do contact tracing. ‘Di ba mayroon tayong contact tracers sa ating COVID, baka puwede nating isama iyong pag-contact trace din ‘no sa ating mga TB patients or tinatawag natin na presumptive TB. So sila iyong kumbaga parang masasabi natin na parang mayroon silang TB but we still need to confirm kaya tayo mayroon testing.

So iyon po, ma’am, iyong ginagawa ngayon ng Department of Health together with partners and the local government units. So iyong partners natin ‘no, mayroon tayong USAID, ang kanilang project ay TB Platform, iyon ‘yung naka-focus sa mga local government units; then mayroon din TB Innovation; then we also have support ‘no from the global fund through Philippine Business for Social Progress. So ganoon din ginagawa – testing, doing chest x-ray, sa mga vulnerable groups ‘no kagaya sa mga People Deprived of Liberty or iyong mga inmates natin and other high risk groups ‘no kagaya doon nakatira sa mga urban ‘no or rural areas.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, nasa ilan daw pong mga LGUs na iyong nagkaroon ng integration for COVID-19 testing vaccination testing o iyong mass screening at paano rin po ito sinusuportahan ng Department of Health?

DR. GARFIN: So sa ngayon, ma’am, based sa data ‘no that I have, iyong pinakauna po na gumawa noon, ng integration would be San Juan City then they integrate ‘no COVID-19 testing – swab test and TB screening. So kung sino iyong nagpa-swab test, i-screen nila for TB. Then as mentioned ‘no by Mayor Ponce [garbled] iyong isa na mga LGUs dito sa NCR na gumawa ng COVID-19 vaccination and TB screening. Kasama din po diyan iyong Pateros and Taguig, silang dalawa.

Then sa other LGUs, we also have sa Manila and sa other areas din ng Luzon. Actually nationwide siya, talagang we advocate that they continue to do screening ‘no and testing. Kasi, ma’am, based po kasi sa study na ginawa ‘no, modeling iyong tawag natin dito na if we don’t resume our activities for Tuberculosis, finding the TB cases, tataas ‘no iyong number of TB cases. At saka hindi lang number ‘no kung hindi kahit iyong mamamatay kasi hindi natin sila nabigyan ng gamot against Tuberculosis.

USEC. IGNACIO: Opo. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon, kay Pateros Mayor Miguel Ponce at ganoon din po kay Dr. Anna Marie Celina Garfin ng Department of Health. Mabuhay po kayo.

PATEROS MAYOR PONCE III: Thank you very much po.

DR. GARFIN: Thank you.

USEC. IGNACIO: Samantala, nagbigay po ang Philippine Amusement and Gaming Corporation o PAGCOR nang mahigit [garbled] Department of Labor and Employment at sa bayan po ng Corella sa Bohol. Isinagawa ang turnover ceremony nito lamang ika-tatlo ng Agosto sa pangunguna nina PAGCOR Chairman at CEO Andrea Domingo, President and COO Alfredo Lim at Director Gabriel Claudio. Layunin nito na matulungan ang bayan ng Corella na magkaroon nang dagdag na pondo para sa pag-procure ng medical equipment para sa kanilang municipal laboratory at dagdag kagamitan din para sa OFW Hospital and Diagnostic Center sa San Fernando, Pampanga ng Labor Department.

Ilang mga lugar sa bansa po ang itinaas na ng DOH sa iba’t ibang alert level at isa po sa mga naging basehan dito ay ang kanilang healthcare utilization rate. Karamihan kasi sa kanila ay pumalo na sa 70% ang kapasidad. Sa puntong ito, alamin natin ang sitwasyon ng PGH na isa po sa pangunahing COVID referral center sa bansa, makakausap po natin si Dr. Jonas Del Rosario, Spokesperson po ng Philippine General Hospital. Good morning po, Doc.

PGH SPOKESPERSON DR. DEL ROSARIO: Magandang umaga po. Good morning, Usec. Rocky Ignacio at sa lahat po ng inyong mga tagasubaybay.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc sa ngayon po, ilan po iyong kabuuang bilang ng mga COVID-19 patients na naka-admit po sa PGH at ilan po rito ang positibo sa Delta variant kung mayroon man po?

PGH SPOKESPERSON DR. DEL ROSARIO: Sa ngayon po based sa last census namin kaninang umaga, we have 169 patients po na confirmed COVID out of the 225 beds that we have allocated for COVID so that’s roughly about 75% occupancy po. As to kung ilan po dito ang may Delta eh hinihintay pa po namin iyong confirmation sa Philippine Genome Center, hindi po namin alam; ang huli po namin nakuhang datos was two weeks ago po kung saan may 21 samples po from PGH which tested for Delta.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero Doc, iba po ba iyong proseso ng paggagamot ninyo sa mga pasyenteng may Delta variant kumpara po sa mga pangkaraniwang COVID-19 lamang na iniinda?

PGH SPOKESPERSON DR. DEL ROSARIO: Hindi naman po, pareho rin po ang treatment. Kung ano rin po iyong mga accepted treatment protocols, iyong mga recommendations po ay patuloy po. Iyon din po ang ginagawa, wala naman po silang special treatment ‘no.

Siguro ang naging siste lang, it’s more of for our healthcare workers na ngayon po dahil iyon pong threat ng Delta at alam po natin na iyan ay mas nakakahawa at kapag daw po ang pasyente ay mayroong Delta variant ay mataas ang viral load kaya po pinagdoble-ingat po namin ang ating mga healthcare workers na protektahan ang kani-kanilang mga sarili po.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, basahin ko lang po itong tanong ni Red Mendoza ng Manila Times: Kumusta na raw po iyong mga batang tinamaan ng COVID-19 sa PGH; iyong mga sample po ba nila ay ipapa-genome sequence po ng Philippine General Hospital sa PGC para po ma-determine kung ang tumama nga sa kanila ay Delta variant?

PGH SPOKESPERSON DR. DEL ROSARIO: Opo, salamat po sa tanong. Mayroon po kaming 8-bed pedia COVID ward facility na expandable to 12. Ngayon po ay may anim na COVID patients po out of the 8 beds – tatlo po doon ay critical, dalawa po ay moderate, iyong isa po ay mild, medyo pa-recover na. Iyon pong mga PCR nila, iyong samples po nila lalo po iyong medyo malulubhang bata ay pinadala po namin for sequencing sa Philippine Genome Center; hindi pa po namin alam iyong resulta, hinihintay pa po namin.

USEC. IGNACIO: Oo. Doc, itong sinabi mong tatlong bata na kritikal, anong mga edad ito at ano po iyong parang pinakadahilan at naging severe iyong kaso nila? Kasi ang pagkakaalam ko po ‘pag bata medyo talagang mas matibay ang resistensiya.

PGH SPOKESPERON DR. DEL ROSARIO: Opo, totoo po iyon. Talagang in general po, more of an exception po itong mga nangyayari. At dapat po nating tandaan na ang PGH po ay referral center at kami rin po ay nag-aalaga ng mga bata na marami ring ibang sakit ‘no. So isa po sa mga nakaka-complicate sa aming mga COVID patients sa PGH ay may kaniya-kaniya po silang comorbidities. Mayroon pong iba, let’s say, may epilepsy, iyong iba may sakit sa puso, may sakit sa bato, kung minsan nga po ay magkakasama ito. Kaya minsan po ay mas mahirap na alagaan sila kapag sila ay nagka-COVID. Usually po, nagkaka-pneumonia po iyong mga bata na nagkaka-COVID, at iyon po ang nakakadagdag at kung minsan po ay kailangan silang mabigyan ng ventilatory support, nai-intubate po para makatulong sa kanilang paghinga.

USEC. IGNACIO: Opo. So ito pong tatlo na kritikal ay may comorbidities po?

PGH SPOKESPERON DR. DEL ROSARIO: Doon po sa tatlo, dalawa po ay may comorbidities; iyong isa po ay wala pero mayroon po siya noong tinatawag na MIS-C ‘no. Iyong Multisystemic Inflammatory Syndrome in Childhood na iyan po ay kumplikasyon ng COVID, at ang nangyayari po sa kanila ay nagkaka-COVID sila, two weeks later ay nagkakaroon po ng pamamaga ang iba’t iba nilang mga organs at doon po sila minsan nagkakaproblema kaya nadadala po sa ospital.

USEC. IGNACIO: Opo. Dok, iyong sunod pong tanong ni Red Mendoza ng Manila Times: Ano po ang assurance natin sa mga pasyente sa PGH na safe pa rin po ang pagpunta sa ospital kahit na may Delta variant? Available rin po ba ang telemedicine service ng PGH at may babayaran po ba dito?

PGH SPOKESPERON DR. DEL ROSARIO: Una po, doon po sa outpatient namin, iyong OPD, binawasan muna po namin. Itong dalawang linggo na ECQ, ni-limit po iyong face to face encounter. So magkakaroon muna po ng telemedicine, tama po kayo, telemedicine. Mayroon pong ginawa kaming system kung saan online consultation muna po ang mangyayari. Ibibigay ko po iyong aming hotline na puwedeng tawagan para makakuha ng schedule, iyong 155-200. At siyempre po kung kayo ay nag-a-avail ng aming OPD services ay libre naman po iyon, wala naman pong bayad iyon sa online. Iyon po.

At iyon naman pong tanong kung paano makakasiguro na ligtas pa ring pumunta sa PGH? Una po, talagang maingat po kami sa paghihiwalay ng COVID patients sa non-COVID patients; talagang hindi sila naghahalo. Pangalawa po ay binabawasan po namin ang taong labas-pasok sa ospital ‘no. In fact, doon sa mga pasyente po namin na kailangang i-admit, isa lang na bantay ang pinapayagan namin kasi less foot traffic, less chance of transmission. At kung wala ka naman talagang rason para pumunta sa PGH ay hindi po kayo pinapayagang pumasok.

At iyon amin pong mga healthcare workers, nakasuot po sila ng mga appropriate personal protective equipment.

USEC. IGNACIO: Opo. Dok, nitong mga nakaraan ay medyo nakahinga po ang ating medical health workers, ano po. Pero ngayon po na nasa alert level III at IV ang karamihan po sa mga lungsod sa Metro Manila, bilang COVID referral hospital, paano po kayo naghahanda sa posibleng pagdami pa ng mga dumarating na pasyente? Ito po bang 225 bed capacity ninyo ay may balak pa po bang ma-expand dahil nga po sa inaasahang pagtaas pa ng kaso?

PGH SPOKESPERON DR. DEL ROSARIO: Puwede naman po iyang ma-expand ‘no. Ang magdi-dictate po niyan ay iyong bilang ng aming mga frontliners or healthcare workers. Noong nakaraan pong surge, naalala ko noong napuwersa po kami na mag-extend na up to 250 beds po dahil talagang napakadaming pasyente ‘no, ang nagiging limitasyon po kagaya rin po ng ibang mga ospital ay bilang ng mga nurses, doktor, mga iba pa pong ancillary staff ‘no kasi po minsan nagkakasakit din po sila. At minsan kapag nagkasakit ang isa, may damay na iba dahil na-expose nila, nagka-quarantine din po.

Ang ginagawa po naming huling fallback ay kung talagang napakadami pong pasyente ng COVID ay magsasara po kami ng mga non-COVID wards or non-COVID units at ititigil po muna namin lahat ng mga non-COVID elective admissions po para po matugunan iyong demand ng COVID lalo na kung magkaroon po talaga ng sobrang pagdami ng pagpasok ng pasyente.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Job Manahan ng ABS-CBN News: Kumusta po ang healthcare workers ng PGH? Their frontliners recently infected with COVID-19?

PGH SPOKESPERON DR. DEL ROSARIO: Opo. Salamat po sa tanong. Alam ninyo po, 80% of our healthcare workers are fully vaccinated. Iyon pong mga sinabi kong iyon ay talagang iyan iyong lumalaban sa giyera ng COVID. Eighty percent po, at actually itong linggo lang na ito, a few days ago, iyong mga ilan pa pong hindi nababakunahan ay nabakunahan na ng Moderna vaccine. So iyon po ang una naming proteksiyon na panlaban.

Ngayon po, in spite of fully vaccinated na ang ating mga healthcare workers, nagkakaroon din po ng breakthrough infection. Noon pong May, mayroon kaming mga 26 na na-infect; noong June po, mga 28; at nitong July ay mga 38 ‘no. Iyan po ay mga fully vaccinated either with Sinovac or AstraZeneca. Ang maganda lang pong balita ay wala po sa ating mga fully vaccinated na healthcare workers ang naging severe or critically ill ‘no. Lahat po sila o halos lahat po ay mild or asymptomatic; may ilan-ilan po na moderate pero lahat po sila ay naka-recover.

USEC. IGNACIO: Opo. Although may sinagot na po kayo sa ikalawa niyang tanong pero baka may maidagdag lang kayo, ano raw po ang recent vaccination status ng COVID-19 patients sa PGH?

PGH SPOKESPERON DR. DEL ROSARIO: Okay. Sa mga pasyente naman po na naka-admit, iyon po ay ang huli po naming census ay August 3 at ngayon po ay August 7 ‘no so four days later. Tina-try po namin, kasi po noong August 3, out of the 110 patients po; ngayon po ay 168 na, inaalam po iyong vaccination status.

But based po sa aming last survey, 86% po ng naka-admit sa PGH na pasyente ay unvaccinated, 11% po ay partially vaccinated – ibig sabihin po ay isang dose pa lang po ang natatanggap – at iyong natitira po na halos close to three percent lang po ang fully vaccinated. So mas marami po nang hindi hamak ang unvaccinated po na nasa ospital po ngayon sa PGH.

USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat, Dok, sa inyong oras at siyempre sa ibinahagi ninyo pong impormasyon sa aming programa, PGH Spokesperson Dr. Jonas del Rosario. Dok, mag-ingat po tayo.

PGH SPOKESPERON DR. DEL ROSARIO: Mag-ingat po tayong lahat. Marami pong salamat.

USEC. IGNACIO: Isa sa Enhanced Kadiwa ni Ani at Kita Financial Grant Assistance Program sa mga proyekto ng Department of Agriculture para solusyunan ang pinansiyal na pangangailangan ng mga manggagawa sa sektor ng agrikultura. Ilan sa mga nagbenepisyo rito ang Aurora Citrus Marketing Cooperative at ang bayan ng Pola sa Oriental Mindoro. Alamin natin ang mga tulong na naipaabot sa kanila sa ilalim ng nasabing programa. Panoorin po natin ito:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Sa iba pang balita, nakatakdang iendorso ng PDP Laban sina Pangulong Duterte at Senator Bong Go, or Go-Duterte tandem bilang tandem ilang linggo bago ang filing of candidacy para sa 2022 election.

Senator Bong Go, muli naman iginiit na dapat unahin ng pagtugon sa pandemya at hindi pa ito ang tamang panahon para pag-usapan ang pulitika. Narito ang report:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Narito naman ang pinakahuling datos ng COVID-19 cases sa bansa base sa report ng Department of Health kahapon August 6, 2021:

  • Umabot na sa 1,638,345 ang total number of confirmed cases matapos itong madagdagan ng 10,623 na mga bagong kaso. Huli po tayong nakapagtala ng ganyang karaming kaso noong buwan ng Abril.
  • Tumaas naman po sa 247 ang bilang ng mga bagong nasawi kaya umabot na 28,673 ang total Covid-19 deaths.
  • Ang mga kababayan naman natin na gumaling na sa sakit ay umakyat na sa 1,535,375 matapos itong madagdagan ng 3,127 new recoveries kahapon.
  • Ang active cases naman po ngayon ay umakyat na sa 4.5% ng kabuuang bilang ng mga COVID-19 cases sa bansa, katumbas ito ng 74,297 na katao.

Base naman po sa datos ng Philippine Genome sequence noong August 5:

  • Muli pong nadagdagan ng 119 ang Delta cases sa bansa, sumatotal may 450 recorded Delta variant cases sa Pilipinas.
  • 12 po rito ang aktibong kaso pa habang nananatili sa 9 katao ang nasawi.
  • Kahapon din po ay nakapagtala ng bagong 120 cases ng Alpha variant,
  • 94 naman po ang naitalang Beta variant
  • habang 11 naman ang P.3 variant.

At para naman po ipaliwanag sa atin ang tuloy-tuloy na pagtaas ng naitatalang kaso ng COVID-19 at sitwasyon sa mga hospital sa bansa, m uli nating makakasama si Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire para po sa paglilinaw. Welcome po sa Laging Handa, Usec.

DOH USEC. VERGEIRE: Magandang umaga po Usec. Rocky; good morning to all of you.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., muli na namang sumampa sa 10,000 ang naitalang COVID cases sa loob lamang ng isang araw. May kaugnayan po ba rito ang tanong na… tanong na rin po ito ni Jab Manahan at ni Michael Delizo ng ABS-CBN News: What does our recent data and testing indicate; tataas pa po kaya ito in the next few days?

DOH USEC. VERGEIRE: Iyan po Usec. Rocky ‘no. So, nakikita na ho nating sumisipa na ang mga kaso, tumataas na po ang mga kaso, nararamdaman na po natin ang epekto ng Delta variant dito po sa ating bansa; at amin pong nakikita, based also on projections na tataas pa rin po ang mga kasong ito.

Ito pong ginagawa natin ngayong paghihigpit ng mga quarantine restrictions or classification, ang ating adhikain diyan ay is to delay further increase. Pero, hindi niyan patitigilin, tutuloy pa rin ang pagtaas; pero ang ating pong ginagawa ngayon is to prepare our system for this continuous increase in the number of cases.

USEC. IGNACIO: Opo. Ang sunod nilang tanong: iyong ICU rate in Metro Manila at in the country is rising din po continuously. What is the DOH doing to address this? May mga gagawing bang adjustment o improvement ang Department of Health? Sa health care utilization rate naman po, will there be a possibility to turn away mild COVID-19 patients from state hospitals?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes po Usec. Rocky, we had been hammering on the different response processes na ginagawa natin sa ngayon. We are now expanding beds in the different facilities across the country, pinadadagdagan po natin ang mga ICU, pinapa-decongest natin ang mga ospital dito sa mga mild at asymptomatic at ililipat po sila sa mga step down facilities.

Hindi naman po para tanggihan ang kahit na sinong pasyente sa ating mga hospital, ire-redirect lang po sila. That’s why we are asking local government and also our hospital facilities to have a navigation system para po natin nairi-refer sa appropriate facility ang ating mga pasyente at malaman ng mga pasyenteng mild and asymptomatic that they can also be taken cared of in our lower facilities,

Hindi na kailangan sa mga matataas na hospital. Nagpi-preposition na rin po tayo ng mga kailangang gamit like oxygen, mga supply, reagent or testing kit at mga gamot sa ating mga hospital para po tayo ay makapaghanda dito sa mga tumataas na kaso na ito.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin po ni Red Mendoza ng Manila times. Pakiklaro lang po iyong bagong alert system ng DOH at marami po umano ang nalilito na baka ito na po ang papalit sa current community quarantine system na ipinaiiral natin? Pareho po ba ito sa community quarantine system or may mga pagkakaiba?

DOH USEC. VERGEIRE: Actually Usec. Rocky, ito pong alert system na ginawa namin, this is specifically for action kung ano ang puwedeng gawin ng ating local government kapag nandiyan na sila sa stage or sa phase ng alert na iyan. Ito po ay maihahalintulad natin doon sa alert level kapag tayo ay nagkakaroon ng mga bagyo or di kaya ay earthquake, ito po ang puwedeng gawin ng local government.

Iyon pong ating matrix na two weeks group rate, average daily attack at saka hospital utilization hindi po natin iyan binabago for our metrics to determine community quarantine classification. Ang alert level po, ipinapakita lang sa ating local government ng mas maayos at kainti-intindi kung ano ang kailangan nilang gawin sakaling mapunta sila sa ganoong level ng alert.

So, ito pong alert levels ay parang naging mix na po siya because when you say alert level, mayroon pong mga facilities dito ang mga LGU na ang risk classifications sa pagtaas ng kaso ay nasa moderate to critical risk at ang kanilang paggamit ng hospital ay nasa high to critical risk.

So, comparing doon sa ating previous metrics, iyon pong moderate risk class po ng ating mga LGU dati hindi pa ho mapupunta doon sa sinasabi nating mas pinakamataas na quarantine classification. But again let me reiterate, because of these alert levels, we are providing more specific actions to our local government para alam po nila at guided sila kung ano ang gagawin nila.

USEC. IGNACIO: Opo. So, bukod po sa pagtaas nga ng new cases o pataas o halos doble din po ang naitatalang COVID deaths nitong mga nakaraang araw, ano po ang indikasyon o ibig sabihin nito sa laban natin kontra COVID? Ito po ba iyong sinasabi o bahagi na ng sinasabi na community transmission?

DOH USEC. VERGEIRE: Ah wala. Katulad ng lagi namin sinasabi, Usec. Rocky, mula noong umpisa na bagama’t hindi pa natin ma-officially declare na may community transmission sa ating bansa, we are now acting as if there is really community transmission dahil nakikita na ho natin iyong epekto na mabilis na tumataas ang mga kaso. Nakikita rin po natin na hindi na lang sa isang parte ng bansa ngunit maraming parte ng bansa. So, we are now actioning or giving actions as if there is already community transmission.

USEC. IGNACIO: Opo. Ito daw pong mga COVID deaths ay kung may pag-aaral na ba ang DOH kung sila daw po ay unvaccinated individuals?

DOH USEC. VERGEIRE: Well, ito pong namamatay dahil sa COVID-19 currently this past two weeks ay tinitingnan po natin ang mga datos and kapag tiningnan po natin, when we talk about the variants, katulad ng Delta variant, iyon pong mga namatay marami sa kanila hindi bakunado. Marami rin po na nagkaroon nitong Delta variant ay hindi rin bakunado.

Mayroon po tayong pag-aaral ngayon na ginagawa, katulad po sa Philippine General Hospital, nakapaglabas sila ng initial findings and most of those who were admitted for severe infections ay mga unvaccinated or hindi bakunado. Mayroon din pong ginawa ang Department of Health na initial study among our hospital naman po, maliit pa lang na pag-aaral, pero ipinapakita na po na the incidence of having infections among our health care workers, pinakita niya na mas mataas talaga na nagkakaroon ng mga hindi bakunado na healthcare workers. And when it comes to death, nakita na ho natin dito sa pag-aaral na ito, although as I’ve said this still initial, nakita natin unvaccinated po talaga iyong mga namamatay and wala po tayong naitala na namatay among those vaccinated in our different hospitals included in the study.

USEC. IGNACIO: Opo. Nadagdagan naman po ang mga lugar na nakapagtala ng Delta variant, karamihan mga lungsod po sa NCR. Ini-expect na po ba natin na hindi malayong maging dominant variant na po ito sa bansa?

DOH USEC. VERGEIRE: Well, sa ngayon po Usec. Rocky, ang dominant po or iyong pinakamadami na porsiyento among our samples na naproseso would still be the Beta variant. Ito po iyong variant from the lineage from South Africa, nasa 26% po iyan among those sample and iyong UK variant naman po, ay iyong Alpha variant, ito po iyong sa UK lineage about 23%. Ito pong Delta variant or ito pong Indian lineage ay nasa 4.9% among those sample.

So, makikita po natin siguro in the coming days but as I have said, hindi po natin makikita iyong ganito talagang accurate extent kung ano ang mas predominant dito sa ating bansa sa ngayon dahil nga po limitado pa po ang paggagawa natin nitong genome sequencing and that is not the objectives also on why we do genome sequencing.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin po ni Red Mendoza: Sa mga plano ng Amerika at Europa daw po ay magkaroon ng travel corridor. Diumano ay hindi nila tatanggapin ang mga bakuna ng China at Russia bilang pruweba ng vaccination. Kung sakali pong magkaroon ng plano ng travel corridor sa pagitan ng Asya at America or Europa, kung ipu-push ba ng Pilipinas ang requirement na tanggapin ang bakuna ng China or Russia daw para po makapasok sa kanilang bansa?

DOH USEC. VERGEIRE: Well, Usec. Rocky, I guess this is foreign relations policy ‘no. So, I will leave it to the other agency to response to it.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Athena Imperial ng GMA News Desk. Unahin ko na lang po itong sinasabi ni Michael Delizo: Batay po sa nakikita ninyong trend, tataas pa ba ng 10,000 cases per day? Ano pong posibleng sitwasyon na dapat paghandaan?

DOH USEC. VERGEIRE: Well, nagpagawa na ho tayo ng projections. Iyong initial projections natin nagpakita na kapag tayo ay nagpatupad nitong mga higher community quarantine classifications for this next four weeks, we will still reach around 18,000 active cases by the end of September. Kapag hindi naman po natin ginawa iyan, magtutuluy-tuloy ng GCQ with heightened restrictions ng apat na linggo, we could reach about 32,000 active cases by the end of September.

Naipa-update po namin itong ating projections kung saan nakapagpakita rin po na if we do GCQ with heightened restrictions for one week and 5 weeks ECQ, puwede ho tayong magkaroon ng 15,000 active cases by the end of September. If we do GCQ with heightened restrictions ng isang linggo and then 3 weeks na ECQ, and then 2 linggong MECQ, we will reach around 42,000 active cases by the end of September.

And, if we do 1 week GCQ with heightened restrictions, 2 weeks ECQ and 3 weeks MECQ, 58,000 active cases by the end of September. So, looking at our projections, Usec. Rocky, makikita natin na kahit na tayo ay magsasagawa nitong paghihigpit ng ating mga quarantine classification. We will still see the rise in the number of cases.

Pero, ang pinaka-importante, kung masasabayan natin po ng pag-prepare ng ating sistema at saka magbabakuna ng mas madami, ang hope po natin walang masyadong magiging severe infections, walang masyadong mauospital at wala pong masyadong mamamatay.

DOH USEC. VERGEIRE: Pero, ang pinaka-importante kung masasabayan natin po ng pag-prepare ng ating sistema at saka magbabakuna ng mas madami, ang hope po natin walang masyadong magiging severe infections, walang masyadong ma-ospital at wala pong masyadong mamamatay.

USEC. IGNACIO: Opo. Ito po iyong tanong ni Athena Imperial ng GMA news: Nahihirapan po ang LGUs dahil late nalalaman ang Delta variant cases sa Marikina, according to Mayor Marci Teodoro, August na nila nalamang Delta variant case pala iyon. Hindi rin daw nakauwi ang patients sa Marikina dahil nagta-trabaho sa ibang lugar at doon nagkasakit. Hindi raw po ba nagiging accurate ang data at contact tracing at paano po natin palalakasin ang ating contact tracing?

DOH USEC. VERGEIRE: Kailangan maintindihan po ng lahat – we have been explaining for a number of weeks already – ang atin pong whole genome sequencing it is not a tool to manage cases. The expectations will be dahil ang pasyenteng iyan ay positibo, lahat po ng gini-genome sequence natin ay positive cases.

The expectations noong sila po ay naging positibo, they were already managed. Ibig sabihin ng managed, they were isolated for 14 days, 10 to 14 days, contact tracing was done for the specific individual.

So, kapag lumalabas po ang whole genome sequencing results natin hindi na po para i-manage pa natin uli iyong individual na iyon dahil alam natin na-manage na siya, kailangan lang ituloy ang management kung hindi pa tapos at maggawa na ng community intervention. That’s the whole objectives of whole genome sequencing po; hindi para i-manage iyong specific na kaso.

So, whether you get, na sinabi natin na Agosto na nila nalaman, dapat po na-isolate na nila dati pa, na manage, nakagawa ng contact tracing. Now as to the addresses of these specific individuals, what we indicate in our data system will be the permanent address that the individual has included or indicated in their forms.

So, kung sakaling hindi naman pala po doon sa kanilang lugar at nasa ibang lugar, noted po iyan ng ating mga Regional Epidemiology and Surveillance Unit, at nagagawa naman po natin iyong appropriate management sa kapag diyan. We just need to reiterate to everybody, the whole genome sequencing po ay isang second level tool for all of us to do community interventions; it is not for the individual interventions po.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong pagpapaunlak sa aming paanyaya dito sa Laging Handa, Undersecretary Maria Rosario Vergeire, mabuhay po kayo.

DOH USEC. VERGEIRE: Maraming salamat po.

USEC. IGNACIO: Para po sa pinakahuling pangyayari sa iba’t-ibang mga lalawigan, puntahan naman natin si Aaron Bayato mula sa PBS Radyo Pilipinas.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat Aaron Bayato ng PBS Radyo Pilipinas.

Samantala, dahil sa sunod-sunod na pag-ulan na dala ng habagat, ilang mga kababayan po nating magsasaka sa ilang lugar sa Cordillera Region ang nakaranas ng matinding pinsala sa kanilang mga pananim. Ang detalye sa report ni Breves Bulsao ng PTV Cordillera.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Senator Bong Go, nagpaabot ng tulong sa mga nasunugan sa Cavite City, Taguig City at sa Maynila. Kanyang isinusulong na BFP modernization sa Senado ratipikado na, narito ang report:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: At iyan po ang mga balitang aming nakalap ngayong araw, ang Public Briefing ay hatid sa inyo ng iba’t-ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP; ako po si Usec. Rocky Ignacio, ng PCOO, magkita-kita uli tayo sa Lunes dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

###


News and Information Bureau-Data Processing Center