USEC. IGNACIO: Magandang umaga Luzon, Visayas at Mindanao at sa lahat ng ating mga kababayan sa iba’t ibang panig ng mundo. Sa kabila po nang pagdami ng kaso ng COVID-19 sa bansa, patuloy din naman ang ginagawang pagbabakuna ng pamahalaan kaya kumustahin natin ang vaccination rollout dito sa National Capital Region gayun din ang iba pang mahahalagang usapin sa sektor ng kalusugan.
Ako po si Usec. Rocky Ignacio at ito Public Briefing #LagingHandaPH.
Posibleng magkaroon ang bansa ng isa pang brand ng COVID-19 vaccine para sa mga kabataan, ito ang bakuna ng Moderna na nag-apply na ng Emergency Use Authorization para sa mga edad labindalawa pataas. Sa ngayon ay tiniyak ng pamahalaan na tuluy-tuloy pa rin ang pagdating ng mga bakuna sa bansa. Narito ang report ni Mela Lesmoras:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Samantala, pinasinayaan na ang East Interchange Section ng Cavite-Laguna Expressway o CALAX sa pangunguna ng DOTr at ng DPWH. Inaasahang makatutulong ito para mas mapabilis ang biyahe at mapalakas ang komersiyo sa bahaging ito ng CALABARZON. Ang detalye sa report na ito:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Pinapayagan na muli ang mga walk-in sa mga vaccination sites sa Navotas City. Hinimok naman ng LGU ang kanilang eligible population magpabakuna na. Ito’y matapos tumaas ang bilang ng mga tinatawag na ‘no-show’ o iyong mga hindi dumating sa kanilang vaccination schedule. Ang update doon mula kay Cleizl Pardilla. Cleizl…
[NEWS REPORT]
[COMMERCIAL BREAK]
USEC. IGNACIO: Samantala, 43.5% o katumbas ng six million na individuals sa National Capital Region ang tinatayang fully vaccinated laban sa COVID-19. Malapit na po iyan sa target na limampung porsiyento bago matapos ang buwan ng Agosto. Iyan at iba pang usapin dito sa Metro Manila ang ating tatalakayin kasama po natin si MMDA Chairperson Benhur Abalos. Magandang umaga, Chairman.
MMDA CHAIR ABALOS: Yes, Usec. Rocky, magandang umaga po. At sa lahat po ng mga nanunood at nakikinig, magandang umaga po.
USEC. IGNACIO: Kayo po ba sa Metro Manila Council ay confident na aabot sa 50% ng NCR population ang magiging fully vaccinated ngayong huling linggo ng Agosto?
MMDA CHAIR ABALOS: Well, pipilitin po natin, Usec. Rocky ‘no. But what is important to point out, siguro mga 7,445,911 o higit-kumulang 75.98 ng nabakunahan ay first dose ‘no, first dose po iyan. Once mag-second dose po iyan ay napakarami nitong grupong iyan at siguro anytime na po iyang second dose na iyan. Tandaan po natin, basta ang ibang bakuna like Sinovac, iyong iba ay, more or less, four weeks. Iyong iba naman like Astra is about two to three months ‘no. So basta pumasok po ang two doses nito, kayang-kaya pong ma-hit po iyon.
USEC. IGNACIO: Opo. Chair, mostly ay saang priority sector galing iyong fully vaccinated individuals mula sa NCR? Malaki rin po ba iyong nadagdag sa mga nabakunahan nang senior citizen?
MMDA CHAIR ABALOS: Well, I would say ‘no, napakaganda sa senior citizen; halos protektado po sila lolo at lola sa Metro Manila. Iyon pong first dose ay 92% ng lahat ng senior citizens ay bakunado at 78% ng lahat ng lolo at lola ang dalawa na ang bakuna or sabihin na natin na completely protected. So napakagandang numbers na ito kasi po iyon po ang naging strategy ng mga MMC or mga mayors at ng national government na unahin iyong talagang, sabihin na natin, pupuwedeng maapektuhan ng COVID at sila po madalas ang naoospital – ang senior citizens at persons with comorbidities.
USEC. IGNACIO: Opo. So tama rin po ba na 75% naman ang may first dose sa NCR, ano po, at itong 75% malapit na rin sa target [garbled] immunity, hindi po ba? Papaano ito, ibig sabihin po ba nito ay talagang posibleng masayang Pasko sa mga residente ng Metro Manila, Chair?
MMDA CHAIR ABALOS: Well, opo ‘no. We are on the right track right now. Inuulit ko, ang ating nabigay na dose ay 11.7 million. Tapos po nito, kahapon o three days ago, 43.75% ang nakakadalawang dosage na which 4.2 million; at iyong mga first dose ay 7.4 million, mga 76% po ito, more or less.
So ang magandang dito, Usec. Rocky, itong first dose na ito, anytime. Kamukha sa Mandaluyong, bukas puro second dose, maramihan ito. So basta mabakunahan iyon puro second dose na iyon, puro fully protected ‘no, sa Kalakhang Maynila. Kaya iyon po ang ano po nitong mga bakuna eh. Akala natin mabagal pero sa totoo lang ay naghihintay. Kasi once makapag-first dose ka, you have to wait until a certain na mabakunahan ka ng second dose. Kaya ganoon po ang nangyayari, kung minsan marami, kung kakaunti dahil iyong iba ay naghihintay po.
USEC. IGNACIO: Opo. Sa ngayon po ba ay [may] ang mga NCR cities na medyo, sinasabi lang po nila, nahuhuli sa kanilang vaccination rollout? At ano po iyong challenge na nararanasan naman sa mga lungsod na ito?
MMDA CHAIR ABALOS: Well, sa totoo lang ay halos pare-pareho naman po ‘no, hindi naman ganoon kalayuan; halos dikit-dikit naman po. Mayroon lang talagang mga nauuna dahil siguro dahil maliliit ang lugar nila, kamukha ng Pateros, ng Mandaluyong, ng San Juan. Kung kaya’t mas minabuti namin, kaya nga mag-uusap din po kami bukas ng gabi, na imbes na bawasan namin o isara—kasi isang ingredient po rito sa pagbabakuna ay hindi lamang iyong sa supply ng bakuna, higit sa lahat iyong facilities mo at higit sa lahat iyong manpower mo – iyong mga doktor mo, mga nurses mo, at naka-set up iyon.
So mas minabuti naming ituloy na lang ang operation at anyone can just register at pabakuna sa mga center na ito maski na hindi sila nakatira doon sa lungsod na ito.
USEC. IGNACIO: Opo. Chair, sa kabila nga ng pagtaas ng bilang ng mga nababakunahan sa Metro Manila, dumarami rin po iyong mga sumasailalim sa granular lockdowns dito. So paano po iyong ayuda ng mga apektadong pamilya, sino po iyong sumasagot dito?
MMDA CHAIR ABALOS: Well, actually sa totoo lang ‘no, hindi po kasi kayang bigyan ng ayuda ng local government unit ‘no. Under the system, iyon pong pagkain ay talagang sagot ng LGU para hindi sila makalabas. Dahil once lalabas po sila, baka makahawa sila dahil very contagious po itong [Delta variant]. Pero hindi ho bale, nakipag-ugnayan na po ako sa ating NEDA, kay Secretary Karl Chua, and I’m asking him na baka tumagal ito. Kung sakali mang tumagal, could there be a cost sharing program kung maaari lang, dahil siyempre there will come to a point na talagang medyo mabigat na rin po ang gastusin. There should be a system in place. Pero pag-uusapan po namin ito kung papaano po ang puwedeng mangyari.
USEC. IGNACIO: Opo. Chair, kung maganda naman iyong turnout ng pagbabakuna sa Metro Manila, kailangan pa po ba talagang magsagawa ng mga granular lockdowns dito?
MMDA CHAIR ABALOS: Well, kinakailangan po ano. Sana maunawaan ng tao dahil maski na tayo’y completely na bakunado, hindi natin maiiwasan talagang tatamaan pa rin ano at ito’y naipapakita sa ibang bansa.
Ang problema, maski asymptomatic ka baka makahawa ka at baka mamaya mahawaan mo iyong mga walang bakuna, kawawa naman sila. So, iyon po talaga ang iniiwasan natin, Usec. Rocky.
Although makikita naman natin sa ating pagsusuri halos ang ratio is 65/35; ang mga hindi bakunado ay 65% at ang bakunado ay 35. Pero ang importante rito ay ang tinatawag na death, critical, and severe. Talagang grabe ang taas noong mga unvaccinated, malayung-mayo doon sa mga bakunado ‘no.
So, kung kaya’t ginagawa natin itong lockdown para more or less maano natin dahil napupuno ang ating mga ospital, sa ngayon ang ating ICU. Dapat iyong pagkasakit natin it should be in such a way na huwag sabay-sabay at huwag talagang mapuno dahil once mapuno, magkakaproblema po tayong lahat dito.
USEC. IGNACIO: Opo. Ngayon nga po ay pinahihintulutan ninyo na rin po iyong pagbabakuna ng mga city/LGUs sa residente ng iba pang lungsod and eventually po ang mga karatig lalawigan ng NCR, tama po ba?
MMDA CHAIR ABALOS: Tama po.
USEC. IGNACIO: At ito po ba ay applicable sa lahat ng Metro Manila LGU o iyong ilan lamang po?
MMDA CHAIR ABALOS: Well, sa ngayon, Usec. Rocky, iyon lamang mga nakatapos na halos ‘no. Hindi naman talagang matatapos mo lahat kung hindi you’re nearing it like let’s say 90% or 85%, kamukha ng Mandaluyong, kamukha ng Pateros ‘no. At kakausapin ko iyong ibang lugar, I think si Mayor Marcy willing din siya at si Mayor Zamora po, nagma-mopping out lang sila, at iyon po ang pag-uusapan namin kasi sayang naman iyong mga doktor, mga nurses, iyong mga nai-set-up ‘no. So, kung kaya’t dito magtutulungan po talaga ang lahat.
USEC. IGNACIO: So, paano po kaya masisiguro na itong individual na magpapaturok sa ibang LGU ay hindi pa nabakunahan sa mismong city niya lalo na iyong mga gusto lamang palang magpa-booster shot gaya ng napabalita po nitong nakaraan?
MMDA CHAIR ABALOS: Well, napakagandang tanong po iyan ‘no at gusto kong samantalahin itong pagkakataon na ito para magbigay ng warning doon sa nagpaplano na huwag ninyo nang gagawin. Huwag na huwag ninyong gagawin at makukulong kayo.
Bakit? Number one, pagrehistro po ninyo kailangan ninyo—paparehistro kayo, bibigyan kayo schedule, pero pagpunta ninyo doon sa vaccination center hihingan kayo ng government-issued ID. Maaaring ito’y driver’s license, passport o kung anumang government-issued at ito ay ir-record.
Number two, tatanungin ka kung ika’y nabakunahan na at saang lugar? Siyempre, kung dalawa hindi ka na pupuwede. Ililista mo iyon hindi ka pa bakunado.
At pangatlo, kami ay nag-u-upload na ngayon sa DICT, kay Usec. Manny Caintic ng lahat ng aming data halos… sabi nila sa akin last week ay 85%, malamang 90% na ngayon at makikita sa record na ito, mahahanap kayo kung kayo’y nakatatlo o kung ilang shot; mahuhuli at mahuhuli kayo!
So, sa ngayon pa lang iyong aming safeguard. Sana maunawaan ng lahat tayo’y nagmamadali toward that herd immunity kung kaya’t kinakailangan huwag nating isarado, ituloy-tuloy na rin natin pero at the same time may safeguard po tayo sa baba kamukha ng mga government-issued ID na matsi-check po natin.
USEC. IGNACIO: Pero Chair, paano po iyong allocation ng bakuna? Hindi po ba bilang iyong inventory niyan sa mga bayan-bayan? Hindi po ba magugulo iyong sistema kapag parang labu-labo na iyong magpapabakuna?
MMDA CHAIR ABALOS: Hindi naman kasi ganito po ang ginagawa nila Sec. Vince. Araw-araw, mini-meeting po ang lahat at tsinitsek po nila kung ilan ang kaya mong ubusin. Kasi kung ikaw ay may imbentaryo pa ng let’s say more than one week or more than five days, bakit ka nila bibigyan, baka mapanis ang bakuna.
Ang ginagawa nila kung ano iyong efficiency mo within that time, kung three days kaya mo, four days kaya mong maubos, so, bibigyan ka pa—o two days bibigyan ka. Pero importante naman may recording naman iyan, Usec. Rocky, at maipapakita naman natin na talagang taga-NCR or at least taga-NCR+ ang binabakunahan natin ‘no.
Kaya ito’y talagang tulungan ‘no. Kung bandang huli ay hindi lamang Metro Manila pati ating mga ka-lungsod o mga kapitbahay. Kaya huwag kayong mag-alala, naka-record po lahat ito, naka-upload po ito at higit sa lahat naka-record din po ito sa ating Vaccine Czar, si Sec. Vince Dizon.
USEC. IGNACIO: Opo. Chair, bakit hindi na lang daw po i-direct na sa labas ng NCR iyong supply na mayroon kayo para hindi na lumuwas pa iyong ating mga kababayan?
MMDA CHAIR ABALOS: Well, mayroon din naman po silang supply ‘no. Mayroon naman silang supply pare-pareho. Inuulit ko, ito’y sa Metro Manila lamang muna ‘no, priority ang Metro Manila hanggang matapos namin talaga ang metro.
Ngayon, may iba sumasabay-sabay from outside ‘no, so, ganoon po ang nangyayari rito. Kasi kung minsan iyong mga kapitbahay namin medyo punong-puno sila, so nagtutulungan na lang po kami. Ganoon po ang nangyayari rito.
USEC. IGNACIO: Opo. Chair, basahin ko lang iyong tanong ni Patrick De Jesus ng PTV.
MMDA CHAIR ABALOS: Yes.
USEC. IGNACIO: Nabanggit po sa ulat ninyo kay Pangulong Duterte na bumababa ang two-week growth rate ng COVID-19 cases sa NCR. Pinag-iisipan na po ba ng Metro Manila Mayors na ibaba na rin sa GCQ ang community quarantine status mula Setyembre?
MMDA CHAIR ABALOS: Well, iyon pong growth rate na iyon ay napaka-negligible po noon. Parang sinabi rin ng OCTA from 1.9 na reproductive rate, nag-1.67 tayo noong isang araw. Ang ibig sabihin po noon, iyong panganganak noong virus. Nanganganak pa rin siya pero hindi na ganoon kadami kamukha ng original niya.
So, talagang tataas pa rin ang kaso natin pero iyong pagtaas hindi kamukha ng inaasahan kamukha noong 1.9. Pero hindi ibig sabihin we should let our guards down, nandito pa rin po ang danger. Talagang kung papabayaan natin ito, ito’y talagang dire-diretso ito. Maaaring epekto po ito ng two-week ECQ po natin; so, itong darating na dalawang linggo ay very, very crucial kaya ang dapat pong gawin natin talaga, talagang lalong higpitan pa natin pag-implement.
Sasabihin nating MECQ tayo, iyong ating minimum health protocol, iyong ating isolation iyong mga may sakit dapat ma-isolate kaagad para huwag makahawa; iyong ating testing ‘no napaka-importante po niya; at of course iyong ating pagbabakuna dapat dire-diretso po ito.
USEC. IGNACIO: Opo. Iyong second question po niya ay kung posible na po bang payagan iyong ilang sektor pagdating ng Setyembre gaya ng dine-in or al fresco dine-in at personal [garbled] dahil halos isang buwan na raw pong apektado ng nagdaang ECQ at MECQ?
MMDA CHAIR ABALOS: Well, ang makakasagot lang po niyan ay ang IATF; ng health experts; at ng economic experts. Of course, they would have consider iyong dami ng kaso po natin; kung medyo nag-stabilize na; pagkatapos iyon pong nababakunahan; pagkatapos possibly iyong ating mga nasa ICU, iyong tinatawag nating hospital care utility rate ‘no. These kinds of factors at sa tingin ko naman kung medyo maganda-ganda na let’s just hope for the best ‘no. Importante rito magtulungan ang lahat!
USEC. IGNACIO: Opo. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon, MMDA Chairperson Benhur Abalos. Mabuhay po kayo! Always stay safe, Chair!
MMDA CHAIR ABALOS: Yes, ma’am. Mag-ingat po tayong lahat at maraming salamat po! Thank you.
USEC. IGNACIO: Samantala, muling nakitaan ng pagbaba sa reproduction rate o ang bilis ng hawaan ng COVID-19 sa National Capital Region pero iniulat din ng OCTA Research Group na nasa critical level pa rin ang bilang ng COVID-19 cases kada araw sa isang linggo. Ang ulat mula kay Mark Fetalco:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Samantala, bahagya namang bumaba ang naitalang mga bagong nahawaan ng COVID-19 sa bansa kahapon. Mula sa 18, 000 noong Lunes, nakapagtala lamang ang Department of Health ng 12,067 new cases kahapon. Dahil diyan umabot na sa 1,869,691 ang kabuuang bilang ng mga nagkasakit sa Pilipinas; nadagdagan naman ng 14,565 ang mga gumaling sa sakit; habang 303 naman ang mga nasawi.
91.4% ng total cases o 1,709,724 recovered na sa bansa; habang 1.73% o 32,264 ang mga namatay. Dahil sa mataas na bilang ng mga gumaling, bahagya ring bumaba sa 6.8% o 127,703 na katao ang active cases sa Pilipinas. Ayon sa DOH sampung laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng kanilang datos.
Isa rin sa mainit na usapin nitong mga nagdaang araw, ito pong paglalabas ng isang circular order ng PhilHealth tungkol sa temporary suspension ng payment of claims o TSPC sa mga pribadong ospital dahil sa hinihinalang maanomalyang claims. Inalmahan naman iyan ng grupo ng Private Hospitals sa bansa maging ng ilang mambabatas sa isinagawang congressional hearing kahapon. Kaugnay niyan makibalita tayo mula mismo sa Pangulo ng Private Hospitals Association of the Philippines Incorporated, si Dr. Jose Rene De Grano. Magandang umaga po, Doc.
DR. DE GRANO: Yes, magandang umaga, Usec. Rocky po. Good morning po.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc, ano po ang masasabi ninyo sa naging congressional hearing kahapon? Kayo po ba ay satisfy doon sa initial outcome ng hearing?
DR. DE GRANO: Parang walang masyadong nangyari, kasi ang naging pinagtapusan po ay sinabihan sila ng isang Congressman to look again into that circular order and see kung pupuwedeng ma-suspend muna ang implementation nito. Pero so far ay wala pa po. Sabi naman po nila ay iri-revisit nila iyong circular na ginawa namin. Opo.
USEC. IGNACIO: Pero, Doc, tama po ba na nakasaad sa circular order, eh kapag may isang hinihinala o iniimbestigahang fraudulent claim ang PhilHealth, automatically ay puwedeng i-suspend agad ang lahat ng claims payment ng naturang ospital, tama po ba ito?
DR. DE GRANO: Iyon nga po ang kinu-complain namin. Ganito eh, kapag may nakita sila halimbawa o suspect nila na may fraudulent na ginawa ang isang health care provider, ino-notify nila and you have to answer within three calendar days ng non-extendible, hindi puwedeng i-extend. Three calendar days! And then, mabuti kung tama iyong sagot mo, kapag mali ang sagot ninyo automatic na po iyon na ipapasa nila sa Presidente at CEO ng PhilHealth and he has 30 days to decide at kung hindi ma-decide within 30 days, automatic na po iyon na ipapataw iyong suspension.
USEC. IGNACIO: Pero, Doc, kung sakaling ituloy nga ng PhilHealth ito, paano ito makakaapekto sa operasyon ng mga private hospitals, ng mga health care providers at maging sa kalagayan ng mga pasyente, lalo ngayong ongoing ang laban natin sa pandemic? Hindi po ba magiging taliwas ang PhilHealth sa tunay na layunin ng Universal Health Care Law?
DR. DE GRANO: Iyan nga po ang kinalulungkot namin, kasi ang mga sinasabi po ng aming mga ospital, kapag nagpatuloy iyan at ganoon talaga ang nangyari na mapi-freeze pati ang kanilang mga claims – remember may isa lang pong claims na kinuwestiyon sa inyo and then lahat po, buong claims ninyo, iyong past, present at saka future claims, i-stop na nila – ibig sabihin po, parang pinutulan nila ng lifeline ang isang health care provider. Kaya nga po, kapag nagkaganoon po, kawawa pa rin ang ating mga pasyente.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc, naglatag po ang mga organisasyon ng hospital owners ng suggestion sa PhilHealth para hindi humantong sa ganitong desisyon ang ahensiya? Anu-ano po ang mga ito?
DR. DE GRANO: Kung maaari po, i-stop muna ang implementation niyan, kasi mayroon naman, sila na rin ang nagbanggit, na dati na palang mayroon iyan, TSPC na tinatawag. Ngayon nga po ay nagtataka kami kung bakit ngayon na parang panahon na sila ay tinututukan ng media, tinututukan ng Congress at saka ng Senate, kung bakit hindi nababayaran iyong utang ay saka naman po bigla na lang inilabas itong mga circular na ito na lahat po ay nagpi-pertain doon sa mga funds na ire-release nila dapat. Kaya nagtataka po kami kung bakit ganoon. Opo.
USEC. IGNACIO: Pero, Doc sa tingin ninyo, pakikinggan nila ito at iri-reconsider kaya ng PhilHealth Board ang kanilang memo?
DR. DE GRANO: Hopefully naman po, kasi nagkapaliwanagan po and pati po mga ibang mambabatas doon ay tinanong sila at sinabihan sila, kumbaga sa ano, inano nila kung saan iyan nagmula, ganiyan, iniisa-isa nila at sinabihan sila ng mga ano na kapag tinuloy nila at nagkaganoon na nga, ang mas kawawa talaga ay hindi lang ang mga hospital kung hindi lalo ng kawawa po ay ang ating mga pasyente ng PhilHealth.
USEC. IGNACIO: Pero Doc, kung [garbled] ang circular order na ito after ng congressional hearing kahapon, open pa rin po ba kayo, iyong patuloy na makikipag-ugnayan o makipag-transact sa kanila?
DR. DE GRANO: Tuluy-tuloy naman po iyan, sinabi naman po namin doon sa statement namin na ang pakikipag-ugnayan at negosasyon po ay tuluy-tuloy pa rin. Kasi naman po we have enough time until, halimbawa, end of December to renew our accreditation. Iyon nga lang po baka marami pong hospital ang talagang hindi na po nila kayanin ay baka nga po hindi na po sila magpa-accredit. Iyon ang mas maano po, na kawawa talaga ang ating mga pasyente. Kasi ang mangyayari po kapag hindi kayo nag-renew, pareho pa rin po ang serbisyo, pero ang pasyente magbabayad na sila ng full. Tapos after ma-discharge sila, bibigyan sila ng mga requirements, documents para sila na mismo ang magri-refund nito sa PhilHealth, hindi po iyong dadaan na sa ospital, ganoon po ang mangyayari.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc, kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon, mag-iingat po kayo. PHAP president Dr. Jose Rene De Grano. Mabuhay po kayo, Doc.
DR. DE GRANO: Maraming salamat po, Usec. Rocky. Thank you.
USEC. IGNACIO: Ngayong araw po ay ipagpapatuloy ng Senate Blue Ribbon Committee ang [investigation] tungkol sa COA findings. Kaya naman ang Senate Committee on Health Chair, inatasan ang mga ahensiya ng pamahalaan na mag-comply sa COA. Nagpaalala [din na gamitin] ang pera ng bayan kung saan ito nararapat at tiyakin na hindi naaantala ang serbisyong publiko. Narito ang report.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Tiniyak ni Health Secretary Francisco Duque III, na mailalabas na sa lalong madaling panahon ang pondo para sa Special Risk Allowance ng health care workers. Tandaan una ng binigyan ni Pangulong Rodrigo Duterte, ng 10 araw na palugit ang mga kinauukulang ahensiya para ayusin ito.
Sa pagharap ni Secretary Duque kagabi sa Pangulo, sinabi niyang ngayong araw inaasahang ilalabas ng Department of Budget and Management ang Special Allotment Release Order para dito kaya’t inaasahang mapapabilis na rin ang distribution nito sa mga eligible beneficiaries.
[VTR]
USEC. IGNACIO: Sampung araw ang ibinigay na palugit ni Pangulong Duterte sa DOH at sa DBM para mabayaran ang special risk allowance at iba pang benepisyong nakasaad sa Bayanihan 2 para sa ating medical frontliners at kaugnay niyan makikibalita tayo mismo mula sa Department of Budget and Management Officer-In-Charge Under Secretary Tina Rose Marie Canda, magandang umaga po.
DBM USEC. CANDA: Magandang umaga, good morning
USEC. IGNACIO: Opo. Ma’am, kumusta po iyong pag-aayos ninyo ng pondo para sa SRA ng mga health workers maipapamahagi po ba ang benefits ng ating mga front liners sa sampung araw po na palugit na sinabi ni Pangulong Duterte?
DBM USEC. CANDA: Iyon hong pagbigay ng mga benepisyo na iyan, hindi sa amin, nililinaw ko lang na hindi DBM ang magda-download niyan para doon sa mga health care workers. Ang magda-download kasi niyan is DOH.
Pero iyong paglabas ng pondo, ini-expect namin na ngayon puwede na naming matapos iyong final release documents at matatanggap na ng DOH ngayong araw na ito. So, it will be give them time to distribute the amount sa mga health care workers.
USEC. IGNACIO: Opo. Ma’am, magkano pa po ba iyong kailangan para mabayaran ang lahat ng benepisyo ng mga health care workers at saan po huhugutin ang pondo para dito?
DBM USEC. CANDA: Ang amount P311 million para sa 20,000 health care workers ano.
At ang pondo nito para sa government health care workers kukunin ito sa miscellaneous personnel benefits funds; tapos iyon namang iba kukunin mula doon sa isang unprogrammed appropriation, mayroon naman cash backup iyon ‘no para bayaran ang mga health care workers naman coming from the private sector.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, diyan na po ba kukunin iyong pambayad para sa public at private sector na health workers?
DBM USEC. CANDA: Hindi, Iyon nga in-explain ko. Iyong isa doon sa miscellaneous personnel benefits funds para doon sa gobyerno no, kasi iyon ang lump sum o special purpose funds na nagku-cover para lang sa government employees. Hindi natin puwedeng gamitin iyong pambayad sa mga taga-pribadong sector. So, mayroon tayong kukunan pang iba. So, na-cover naman iyon at mabibigay naman ng sabay iyan hopefully doon sa pribado at gobyernong health care workers.
USEC. IGNACIO: Pero Ma’am, ito po ba ay ibibigay din ng medical frontliners o para lang sa mga nagbibigay ng direct care to COVID-19 patients? Susundin pa rin po ba iyong stipulation na ito under the Bayanihan 2 law kahit po sinasabi ang lahat naman daw naman po ng frontliners ay equally exposed sa COVID-19 virus?
DBM USEC. CANDA: Ang aking tingin dito, ito ay ibibigay doon sa mga hindi nakatanggap na directly affected na mga health care workers, iyon muna ang uunahin pagkatapos iyong expansion niyan kung ano ay hindi pa namin alam kung magkano talaga. Ang DOH ang magbibigay sa amin ng listahan kung magkano; kung saka-sakaling bibigyan ito, ano ang magnitude at saka ilan itong mga health care workers na ito. Kasi, pati daw ano halimbawa empleyado o nagda-drive ng ambulansya covered ito.
So, gusto namin malaman kung ilan iyon at saka magkano? Kasi, hindi naman—itong 311 million will cover only the 20,000 na hindi nakatanggap under the first category under Bayanihan 2.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., idugtong ko na rin po iyong tanong dito sa inyo ni Kris Jose ng Remate: Reaksiyon ninyo daw po sa panawagan ni dating Senador Bong Bong Marcos, na dapat ding mabigyan ng SRA ang mga contact tracers? Ang katuwiran po ng dating Senador, isa ang mga contract tracers sa mga malapit o malapit sa panganib dahil sa pakikipag-usap close contact sa pasyenteng nagpositibo sa virus. Maari po kayang masama ang mga contact tracers sa SRA budget?
DBM USEC. CANDA: Parang expansion ng masyado ang contact tracers ‘no. Hindi na iyan sa DOH, sa DILG na yata iyan at saka sa mga local government units. So, at this point hindi ako makakasagot kasi hindi ko alam kung ano nga iyong magnitude at saka kung paano ang paraan ng pagbibigay ng kung saka-sakali nitong SRA na ito.
USEC. IGNACIO: Opo. Sa isang pahayag po ni Sen. Ralph Recto, nabanggit niya na tila naging mega-parking lot ng mga pondo ng iba’t ibang ahensiya ang DBM Procurement Service at ang PITC. Sa DBM po may P31.56 billion, tama po ba? Na ‘di umano’y unutilized deposit and advance payments ang mga opisina ng gobyerno sa tinatawag po ng Senador na pasabay scheme. Ito po ba ay nakaugalian, kasi kapag mag-e-expire daw po ang pondo ng isang ahensiya ipapasa ito sa DBM para masabing obligated na ang pera. Ano po ang masasabi ninyo dito?
DBM USEC. CANDA: Well, ginagawan namin ngayon ang pag-aaral iyan para kung saka-sakali hindi na nga mangyari. Kasi alam nga namin na pagka halimbawang malapit ng matapos ang taon—kaya mayroong polisiya na hindi mo puwedeng ibigay iyong pondo, halimbawa dalawang buwan na lang iyong natitira tapos ibibigay mo sa PS-DBM ‘no.
Iyong mga pondo na iyan, iyan iyong mga kumbaga highly specialized acquisition and iniiwasan na rin namin iyan at sinasabi namin gusto namin mag-concentrate na lang ang Procurement Service sa common used items. So, iyon iyong pinag-aaralan namin pero tama ka hindi nga dapat maging parking lot ang PS-DBM tungkol diyan sa mga item na iyan.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., tungkol naman sa proposed national budget para sa taong 2022. Ano daw po iyong major factor na ikinonsider ng Executive Department sa P5 trillion budget proposal na ito?
DBM USEC. CANDA: Ano, ano? Hindi ko narinig kasi nandoon ako sa isang meeting. Ano iyon, ano iyon?
USEC. IGNACIO: Opo. Iyong tungkol po sa proposed national budget para sa taong 2022, iyon pong major factor na ikinonsider ng Executive Department dito po sa P5 trillion budget proposal?
DBM USEC. CANDA: Ano ang ibig mong sabihing major factor?
USEC. IGNACIO: Ano daw po iyong parang pinaka-pagtutuunan ng pansin sa budget na ito ng Executive Department?
DBM USEC. TINA ROSE MARIE CANDA: Ah, okay. Ang budget for 2022 siyempre ang pinakamataas na amount pa rin na bibigyan ay ang Department of Education or ang education sector no. Ito ay dahil nakasaad sa ating Constitution na ang education sector will get the first priority or the number one priority in the budget allocation. Ang sumunod dito ay ang DPWH, kasi maraming proyektong inumpisahan under DPWH na kailangang tapusin or i-continue. Ang pangatlo ay DILG. Ang pang-apat is DOH. Ang DOH kasi pag tiningnan mo year on year, iyon ang malaki ang increase kasi marami kaming natatanggap bakit number four lang ang DOH.
Malayo ang pinanggalingan ng DOH ano, hindi ko lang sigurado kung pang-ilan siya? Pero, ibig sabihin in term of comparison year on year before pandemic and after the pandemic mataas naman ang itinalon na ng DOH.
USEC. IGNACIO: May tanong po si Llanesca Panti, ng GMA news online: Gaano daw po kasiguradong mapupondohan ng P45 fund for COVID-19 booster shots na nasa ilalim ng unprogrammed funds sa proposed 2022 budget?
DBM USEC. CANDA: Dahil nandito ito sa unprogrammed fund ano, hahanapan ng pondo pa iyan ano kasi nga at this point, hindi pa nga sigurado ang science about booster shots ‘no. So iyon namang pagkalap ng pondo na, I think doable naman iyong pagkuha niyan ng mga excess revenue for that purpose next year. Pero ang talagang makakasagot niyan will be DOF kasi sila ang nagdi-generate kumbaga ng revenues.
USEC. IGNACIO: Ah, okay po. Pero ang dagdag na tanong po ni Llanesca Panti: Kung may sapat na pondo para dito sa booster shot, bakit po ito inilagay sa unprogrammed fund?
DBM USEC. CANDA: Kasi nga at this point nga, wala pang nakapagsasabi na talagang kailangan ang booster shot. Mayroon nagsasabing kailangan, mayroon naman nagsasabing hindi. So hanggang walang pinal na desisyon about booster shot, na ang siyensya natin o ang ating task force ay nagsasabi noon, then hindi namin mailagay doon sa program. Magku-compete siya doon sa program. Anyway kung talagang sasabihin na kailangan, puwede naman mag-set aside or mag-generate ng additional revenues to cover the booster shot.
USEC. IGNACIO: Opo. Maraming salamat po sa mga paglilinaw at sa inyong panahon, DBM Officer-In-Charge, Undersecretary Tina Rose Marie Canda. [Mag-ingat] po kayo, ma’am.
DBM USEC. CANDA: Maraming salamat.
USEC. IGNACIO: Daan-daang reformed drug users naman mula sa Misamis Oriental ang nakatanggap ng tulong mula sa outreach team ni Senator Bong Go kasama ang ilang ahensiya ng pamahalaan. Bukod sa kanila ay hinatiran din ng tulong ang ilan pang residente sa iba’t ibang bayan sa lalawigan. Panoorin po natin ito:
[VTR]
USEC. IGNACIO: Puntahan naman po natin ang mga balitang nakalap ng Philippine Broadcasting Service sa iba’t ibang lalawigan sa bansa. Ihahatid ni John Mogol ng PBS-Radyo Pilipinas. John?
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat, John Mogol ng PBS-Radyo Pilipinas.
Habang papataas ang kumpiyansa ng mga tao sa COVID-19 vaccine, dumarami rin ngayon ang nagpapakalat nang maling impormasyon tungkol dito at madalas ito ay nangyayari sa social media. Kaya para bigyang-linaw ang mga haka-haka pa rin sa bakuna, makakasama natin ngayong umaga ang isa po sa miyembro ng Vaccine Experts Panel ng DOST, si Dr. Rontgene Solante. Magandang umaga po, Doc.
DR. SOLANTE: Magandang umaga, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc, unahin na natin itong pamphlet na shini-share ngayon sa social media. Ang laman nito ay mensahe na hindi raw totoo at hindi ligtas ang mga bakuna na panlaban sa COVID. Nabasa ninyo po ba ito at ano pong masasabi ninyo dito?
DR. SOLANTE: Yes, Usec. Rocky ‘no. Nabasa iyan at I think nakalat na rin iyan sa mga different platforms ng mga social media ‘no. Nakakalungkot dahil mayroon pa ring mga tao na naniniwala sa ganitong klaseng paniwala na hindi nakakatulong sa kumpiyansa natin sa pagbabakuna ‘no. So ulitin siguro natin, palagi nating ipapaalam iyan, remind everyone na napakaimportante ng bakuna at this point in times especially sa mga pagtataas ng mga kaso ngayon. Dahil unang-una, iyong mga na-admit ngayon sa mga hospital, otsenta porsiyento ay walang bakuna ‘no. Pangalawa, iyong mga nasa ICU ngayon, nag-severe/critical ‘no, mas higher ang percentage na walang bakuna kumpara doon sa mayroong bakuna. So saan ba tayo nakakasandal ngayon? Dito sa bakuna.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Doc, totoo ho ba na may laman na genetically modified organism o aborted cells ang ating mga bakuna?
DR. SOLANTE: Actually nagbibigay na tayo ng mga statement on that ‘no, sa mga different meetings, na itong mga bakuna ngayon is really safe ‘no. Iyong mga sinasabi nilang mga genetic material, wala po talagang katotohanan iyan na makaapekto sa katawan ng tao ‘no. So ibig sabihin in totality, ang bakuna ay safe at kailangan nating tanggapin.
USEC. IGNACIO: May nagsasabi rin, Dok, na babaguhin ng sangkap ng bakuna ang katawan ng tao. Ito daw po ba ay totoo?
DR. RONTGENE SOLANTE: Well, ang importante nito na kapag nabakunahan ka ‘no, magpu-produce ka ng antibody against the virus ‘no, and that antibody will be there to protect you ‘no. So ibig sabihin, itong mga naramdaman na mga adverse reactions, basically because our immune response, our body is reacting to the vaccine.
USEC. IGNACIO: So paano natin maipaliliwanag, Dok, sa mga kababayan natin na ligtas at hindi nakamamatay ang lahat ng mga bakuna kontra COVID-19? At iyong iba kasi parang tinitingnan nila iyong brand.
DR. RONTGENE SOLANTE: Okay, unang-una, sa puntong ito ‘no, hindi siguro tayo magtitingin na ng brand at this point in time ‘no. Kung anuman iyong mga bakunang darating sa atin, ito ay nanatili, na na-maintain pa rin ang efficacy. In fact, may mga data tayo na puwede nating i-prove for that ‘no.
At siguro every now and then ‘no, sa kampaniya natin sa pagbabakuna, palagi nating i-remind ang mga tao na itong bakuna na ito ay hindi nagdudulot ng masama sa katawan natin.
USEC. IGNACIO: Opo. Dok, bago itong pamphlet na ito ‘no, may mga ilang [garbled] na rin po na sinasabi nga, mga medical experts, na kinukuwestiyon itong efficacy ng ating COVID-19 vaccine. Bakit po sa tingin ninyo ay lumalabas ang ganitong mga uri ng anti-vaccine [garbled]?
DR. RONTGENE SOLANTE: Actually, normal lang iyan talaga, Usec. Rocky ‘no dahil alam mo, itong mga anti-vaxers kapag tumataas ang kumpiyansa ng mga publiko, doon din sila gumagawa ng mga paraan para ipapababa ang kumpiyansa ‘no. And it’s not only happening in the Philippines ‘no, even outside of the Philippines, global ‘no. Napakataas ng ano nila, in fact, institutionalized iyong mga klaseng itong taong mga anti-vaxers ‘no na they also have data to tell us na hindi raw epektibo ang bakuna at nakakasama pa raw.
So I think we have to counteract all of these allegations, itong mga misinformation at this point in time na kinakailangan na natin ang bakuna.
USEC. IGNACIO: Opo. Dok, kunin ko lamang iyong mensahe ninyo sa ating publiko at doon sa mga hindi pa nagpapabakuna.
DR. RONTGENE SOLANTE: Okay. So importante ‘no, unang-una, huwag tayong mamimili. Marami na tayong mga pasyente ngayon na sa kakahintay sa pinipili nilang bakuna, nagka-COVID, na-admit, naging severe – kunin na natin kung anuman iyong bakuna na ibibigay ng gobyerno, i-offer sa inyo. Magpabakuna na po tayo kasi ito po ay ligtas at you will be protected against severe infections.
USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa inyong panahon, Dr. Rontgene Solante ng Vaccine Experts Panel.
Samantala, sa puntong ito ay makakasama po natin ang tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Secretary Harry Roque. Magandang umaga po, Secretary!
SEC. ROQUE: Magandang umaga, Usec. Rocky. At magandang umaga, Pilipinas.
USEC. IGNACIO: Opo. May mga balita kasi na sa Talk to the People kagabi ni Pangulong Duterte na hindi raw po naisama iyong naging pahayag niya kung tatakbo ang kaniyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte ay uurong sila ni Senator Bong Go sa kandidatura. Go ahead, Secretary.
SEC. ROQUE: Kinukumpirma ko po iyan na nanggaling iyan sa bibig ng Presidente.
To be more exact, ang sabi niya, “Kung tatakbo si Mayor Sara, Bong is out. Ako naman dahil sa delicadeza, hindi pupuwedeng dalawang Duterte ang tatakbo. So if Sara runs, then she will have to choose her own vice president.” Iyan po ang mga binitawang salita kahapon ng ating Presidente.
USEC. IGNACIO: Secretary, sakali nga po na tumakbo na itong si Mayor Sara Duterte sa eleksiyon, handa po bang lumaban iyong mag-ama sa magkaibang partido?
SEC. ROQUE: Hindi nga po. Sinabi niya dahil sa delicadeza, hindi pupuwedeng dalawang Duterte ang tatakbo. Kapag tatakbo po si Mayor Sara, si Mayor Sara lang po ang tatakbo. He will retire if Mayor Sara will run.
USEC. IGNACIO: Pero si Pangulong Duterte ay buo na rin po ba ang loob ng Pangulo na sumabak na rin sa 2022 national elections bilang bise presidente?
SEC. ROQUE: Hindi nga po. Kasi kung tatakbo po si Mayor Sara, hindi na siya tatakbo as vice president. Kung hindi po siya tatakbo—kung hindi po tatakbo si Mayor Sara, iyong napakita po kagabi ang kaniyang kasagutan – pupuwede siyang tumakbo kung hindi tatakbo si Mayor Sara.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, kailan daw po kaya magiging pinal iyong magiging desisyon ni President Duterte?
SEC. ROQUE: Ang desisyon po ngayon ni Presidente Duterte ay nakasalalay sa desisyon ni Mayor Sara kung siya ay tatakbo o hindi.
USEC. IGNACIO: Opo. May tanong lang po si Ivan Mayrina ng GMA News: Bakit daw po na-edit out ang pahayag na iyon, Secretary?
SEC. ROQUE: Wala po akong kinalaman diyan. Pakitanong po diyan po sa RTVM at saka PTV 4 dahil PCOO po sila.
USEC. IGNACIO: Secretary, may nais pa po ba kayong [garbled] sa naging pagpupulong kahapon ni Pangulong Duterte?
SEC. ROQUE: Wala na po, iyon lang po. At tingin ko po, malinaw na ngayon ang posisyon ng Presidente – ang kaniyang pagtakbo bilang bise presidente ay nakasalalay sa gagawing desisyon ni Mayor Sara Duterte.
USEC. IGNACIO: Maraming salamat po [garbled] Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque.
SEC. ROQUE: Maraming salamat po. Magandang araw po.
USEC. IGNACIO: Dumako naman tayo sa mga napapanahong balita sa Davao, mag-uulat si Julius Pacot. Julius?
Babalikan po natin si Julius Pacot or—kami po ay nagpapasalamat sa ating mga partner agencies para sa suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.
At dito na po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Magkita-kita tayong muli bukas. Sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio ng PCOO, at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.
##
—
News and Information Bureau-Data Processing Center