USEC. IGNACIO: Magandang umaga Pilipinas. Muli ninyo kaming samahan sa talakayan kaugnay pa rin sa mga isyu na mahalagang malaman at maintindihan ng taong bayan, ako po ang iyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio; at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.
Tumutok lang po kayo sa amin via digital TV, Facebook at YouTube via live streaming dahil makakasama natin ngayong araw sa programa sina Zambales Governor Hermogenes Ebdane Jr.; Col. Augusto Padua, mula po sa Philippine Air Force; at Department of Health Under Secretary Maria Rosario Vergeire.
Sa ating unang balita: inilabas na ng IATF ang magiging quarantine classification ng iba’t-ibang lugar sa bansa pagpasok ng buwan ng Setyembre. Para sa detalye narito po ang pahayag ni IATF and Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque.
SEC. ROQUE: Magandang araw Pilipinas, balitang IATF po tayo para sa community quarantine classifications sa buwan ng Setyembre; ang duration po nito ay mula a-uno ng Setyembre hanggang ika-7 ng Setyembre lamang dahil maaring magkaroon po ng pagbabago sa mga quarantine guidelines sa mga darating na araw.
Inaprubahan po ng inyong IATF na i-retain ang Modified Enhanced Community Quarantine or MECQ status sa National Capital Region.
MECQ rin po ang Apayao, Ilocos Norte, Bulacan, at Bataan sa Region III. Cavite, Lucena City, Rizal at Laguna sa Region IV-A sa Luzon. Tapos po sa Aklan, Iloilo Province at Iloilo City sa Region VI.
Lapu-Lapu City, Cebu City at Mandaue City sa Region 7 sa Visayas at Cagayan De Oro sa Mindanao.
Ang NCR, Bataan at Laguna ay mayroong added restriction sa dining, personal care services at religious activities, bawal pa po ito bagama’t nasa MECQ na tayo.
Samantala, ang Ilocos Sur, Cagayan, Quezon at Batangas sa Region IV-A at Naga City sa Luzon. Antique, Bacolod, Capiz at Bacolod City at Capiz sa Region VI, Cebu Province at Negros Oriental sa Region VII sa Visayas.
Zamboanga Del Sur, Misamis Oriental, Davao City, Davao Del Norte Davao Occidental, at Davao De Oro sa Region VII at Butuan City sa CARAGA sa Mindanao ay nasa General Community Quarantine or GCQ with Heightened Restriction.
Nasa GCQ naman ang Baguio City sa Cordillera Administrative Region, Santiago City, Quirino, Isabela, at Nueva Vizcaya sa Region II; Tarlac sa Region III; at Puerto Princesa sa IV-B sa Luzon. Guimaras at Negros Occidentals sa Region VI sa Visayas.
Zamboanga Sibugay, Zamboanga City at Zamboanga Del Norte sa Region IX. Davao Oriental at Davao Del Sur sa Region XI; General Santos City, Sultan Kudarat, Sarangani, North Cotabato at South Cotabato sa Region XII. Agusan Del Sur, Agusan Del Norte, Surigao Del Norte, Surigao Del Sur at Dinagat Island sa CARAGA at Cotabato City sa Bangsamoro Autonomous Region Muslim in Mindanao sa Mindanao.
Lahat ng mga lugar na hindi nabanggit ay nasa Modified General Community Quarantine or MGCQ. Magandang araw po sa inyong lahat!
USEC. IGNACIO: Samantala, dapat panagutin ang mga dawit sa katiwalian basta’t idaan sa due process. Ito ang nilinaw ni Sen. Bong Go, sa gitna ng mga kaliwa’t kanang imbestigasyon kaugnay sa mga kuwestiyonableng paggamit ng pondo ng mga ahensiya ng pamahalaan. Tiniyak ng mambabatas na kaisa siya ng Senado sa pag-ungkat ng katotohanan sa isyu. Narito ang report:
[VTR]
USEC. IGNACIO: Kahapon kinumpirma na nga po ang unang kaso ng Delta variant sa Zambales at ito po ay nakuha ng isang 2 taong gulang na bata. Para kumustahin ang nasabing pasyente at sitwasyon sa probinsiya na kasalukuyan pong isinailalim ng pamahalaan panlalawigan sa GCQ with heightened restrictions, makakausap po natin si Zambales Governor Hermogenes Ebdane Jr. Good morning Governor. Governor, can you hear me?
Okay. Babalikan na lang siguro natin si Governor.
Para mabilis na maipagbili ang mga produkto ng mga magsasaka na hindi na kinakailangang ibiyahe sa malalayong lugar, sinimulan ng Department of Agriculture ang Agri-Pinoy Trading Center or APTC program. Ilan sa beneficiaries ng programa ay ang mga lalawigan ng Benguet at Nueva Vizcaya, alamin natin ang buong detalye dito sa Ani at Kita:
[VTR]
USEC. IGNACIO: Samantala, balikan na po natin si Zambales Governor Hermogenes Ebdane, Jr. Good morning, Gov.
ZAMBALES GOV. EBDANE: Good morning, Rocky.
USEC. IGNACIO: Gov., kahapon ay naitala ang unang kaso ng Delta variant sa dalawang taong gulang na bata diyan sa Zambales. Kumusta na po ang kalagayan niya ngayon?
ZAMBALES GOV. EBDANE: Sa ngayon po naman ay asymptomatic siya. At inilagay siya sa karagdagang quarantine isolation at kasama rin niya doon iyong nanay niya na nurse sa Naval Educational Training and Doctrines Command at saka iyong tatay niya. But so far, siya lang naman ang lumabas na positive sa Delta variant.
USEC. IGNACIO: Pero, Governor, natukoy nga po ba kung ano po ang pinagmulan ng COVID ng bata na sinasabi ay mula sa kaniyang ina na isang nurse at nagpositibo rin po raw sa sakit noong July 29? Na-check na po ba kung iyon pong nanay talaga iyong Delta variant carrier o iyong nanay din po ba ay fully vaccinated naman since siya po ay isang medical worker?
ZAMBALES GOV. EBDANE: Iyong nangyari kasi doon, nagkaroon ng surge sa infection diyan sa San Antonio, more particularly sa NETC at na-determine na positive iyong mother niya na nurse, that was July 28. Then July 29, kasama na iyong mga contact tracing, nasama iyong father at saka iyong anak. Initially negative naman iyong—positive dalawa, at na-confine sila. But then dahil mayroon iyong kakaibang tingin doon sa bata, kinuhanan ng specimen, pinadala iyong specimen sa Philippine Genome Center noong August 5 at lumabas iyong resulta noong August 23 na siya ay positive sa Delta variant. Pero iyong huling check naman niya, before that, ay negative na siya sa COVID-19 virus.
Iyon nga iyong problema, kaya nga noong natanggap iyong resulta ng Philippine Genome Center, we decided to put them on additional restriction kaya hanggang ngayon ay nandoon pa iyong mag-aama sa quarantine center. At nag-request kami na magpadala uli ng specimen sa Genome Center. Ang problema dito kasi ay nakita namin, while positive sa Delta, negative ang RT-PCR nila.
USEC. IGNACIO: Oh, okay. Pero, Governor, dahil doon sa sinabi ninyong ang tagal bago lumabas ang resulta sa Genome Center, ilang close contact po ang dapat ninyong i-trace at kailangan po bang magsagawa pa rin ng lockdown doon sa lugar ng mag-iina?
ZAMBALES GOV. EBDANE: Iyon nga, iyong pagkakadiskubre doon sa bata ano eh, iyong dahil sa exposure ng ina dahil nurse ito sa Naval Education and Training and Doctrine Command kaya nagkaroon ng mass testing diyan sa mga estudyante ng Navy, at iyon nga nasama ito. So far, ang NETC ay nagkaroon naman sila ng isolation kaya sa tingin naman natin ay lahat ng puwedeng contact ng mother ay na-check na. Ang pinagtataka lang dito ay kung bakit iyong bata lang ang mayroong Delta variant.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero simula po noong nakaraang Sabado nga ay ipinatupad ang GCQ with heightened restriction. Pero hanggang kailan po ba ang effectivity nito? At sa tingin ninyo, posibleng magpatupad pa nang mas mahigpit na quarantine status sa Zambales lalo po’t mayroon nang naitalang Delta case?
ZAMBALES GOV. EBDANE: Iyong dito sa NETC, nag-automatic lockdown tayo eh. But sa katunayan as of August 8, nag-issue ako ng ano eh… pinag-usapan natin ito kaya nag-issue ako ng Executive Order #24 na kung saan ay naghigpit tayo sa border checkpoint dahil nagkaroon ng dalawang Delta variant sa Olongapo City. Kaya sa katunayan bago mangyari iyang insidente na may bata na nagkaroon ng Delta ay naghigpit na tayo. At iyon nga, marami ang nagrireklamo bakit masyadong istrikto tayo sa pagpasok, pero pinapaliwanag na po namin. Sa katunayan, ang nagrireklamo ay iyong mga APORs, iyong tinatawag nating Authorized Persons Outside of Residence, bakit daw pati sila ay tini-test pa. Pero ang sabi naman namin, puwedeng may authority silang lumabas but they are not immune to infection. Kaya nakita po naman nila iyong kahalagahan noon.
So far, ang ano namin dito sa Zambales, nagpa-meeting ako ng mga mayors at saka municipal health officers kahapon, ang napagkasunduan dito ay magkaroon ng granular lockdown.
Ang Masinloc magla-lockdown sila starting tomorrow at maghihigpit pero iyong sa ibang mga lugar, iyong identified na mga lugar na mataas ang incident – sa katunayan mayroon kaming 892 cases, total cases na ngayon eh. Ang pinakamarami dito sa Iba. Kaya nga ang mangyayari nito, magkakaroon kami ng mga granular lockdowns starting—actually starting today nagtatrabaho na po iyong mga mayors natin.
USEC. IGNACIO: Opo. Governor, anong bayan po sa Zambales iyong may pinakamataas na kaso?
ZAMBALES GOV. EBDANE, JR.: Ang pinakamataas na may case ng ano… kaso ay ano, ito marami kami rito eh – Iba pinakamataas with 130; Subic 128; San Narciso 82; Masinloc 73; Botolan 52; Castillejos 48; Palauig 87; San Marcelino 80; San Antonio 56; Santa Cruz 42; Candelaria 54; San Felipe 45; Cabangan 12.
Napansin lang namin na nagkaroon ng surge ito magmula noong nag-open ang Subic Bay Freeport Zone na pumasok iyong mga galing sa abroad dahil diyan sila nagbabaan. Ang problema kasi iyong mga nagtatrabaho lalo na sa Subic, Castillejos, San Marcelino, San Antonio ay pinapauwi din nila araw-araw. Ang request sana namin ay mag-duty na lang sila every 14 days para magkaroon ng isolation o quarantine para hindi kakalat.
So far sa ngayon karamihan ng cases namin ay magpapamilya pero nila-lockdown namin sila kaagad. And we have the provincial hospital with the capacity of 250 plus the Santa Cruz Hospital with the capacity of 90 that cater to them. Iyong mga asymptomatic na ano, nilalagay na muna sa quarantine site. I’m assured naman ng mga MHO sa liderato naman ng provincial health officer na ano ito… sa ngayon ay na-contact trace naman natin lahat at tinutuluy-tuloy po natin ito.
Kaso nga lang we will be more strict on the entry sa borders tapos pinapatupad natin uli iyong mahigpit na curfew sa bawat barangay para wala nang lalabas. And we have discouraged the holding of birthdays, weddings and other parties sa mga bayan-bayan.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Governor, kumusta po iyong sitwasyon ng ospital ninyo? Kinakaya ninyo po ba iyong dami pati iyong inyong isolation facility; at kumusta na rin po iyong vaccination rollout sa inyong lugar?
ZAMBALES GOV. EBDANE, JR.: Mabuti naitanong ninyo iyong tungkol sa ospital ano. Kasi effective as of March 2020 na nagkaroon tayo ng national lockdown, before that I have designated the provincial hospital as a COVID referral hospital. Kasi kung—pinag-aralan ko iyong nangyayari sa Maynila, ang pinaglalagyan lang ng mga COVID patients ay iyong mga ICU so we have to convert the whole hospital into a COVID hospital.
Iyong mga pasyente na konti lang ang karamdaman, pinauwi sila and then iyong may continuing treatment inilagay sa dalawang district hospitals.
So practically sabi ko nga kay Usec. Vergeire, we can say that kung COVID, ICU type we can accommodate 250 sa provincial hospital and 90 sa Santa Cruz. At kaya nga iyong ano natin nito—as of now we have 892 cases so iyong mga asymptomatic doon na lang muna sa mga quarantine hospital. Mayroon naman tayong iba pang ospital, iyong Kainomayan Hospital sa Botolan, plus other private hospitals na umaasiste sa kanila.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, kumusta rin naman po iyong vaccination rollout ninyo? Ilang porsiyento na po nabakunahan, Governor?
ZAMBALES GOV. EBDANE, JR.: Ah iyong sa vaccination, base doon sa binigay na available na mga ano natin ay mayroon tayong—doon sa target, iyong target na audience natin ay mayroon tayong—kasi ang inuuna natin dito iyong A1 to A4. Considering that, we have 57,027 single dose na that’s equivalent to 37% of the target; at iyong kumpleto na ay nasa 49,900 plus which is equivalent to 52.7%. Pero ang ano natin nito kasi ay we have 630 plus thousand population kaya relatively it will take time before we can attain herd immunity.
So baka—nagkaroon naman ako ng communication kay Secretary Galvez, ang sabi naman niya ay magdadagdag sila ng vaccine na ipapamigay sa Zambales. Kasi ang ano rito, whatever we do palagi tayong magkakaproblema kasi kapag biglang nag-open iyong mga katabing probinsya at lalo na if we considered the economic requirement, doon tayo nagkakaproblema. But anyway, we are working on this presently.
Iyong sa tourism naman ano ito eh, controlled dahil bago sila makapasok, may coordination muna. Tapos iyong mga visitors naman na gustong pumasok, nakikipag-coordinate sila and automatically we conduct testing. Kahit na mga APORs, even mga government official we tell them na kailangan mag-undergo ng testing and some of them were found to be positive.
USEC. IGNACIO: Opo. Governor, kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon. Maraming salamat po, Zambales Governor Hermogenes Ebdane, Jr. Mabuhay po kayo, Governor!
ZAMBALES GOV. EBDANE, JR.: Mabuhay din po kayo at sana magkakatulungan tayo nang husto rito. Ang pakiusap lang po natin baka naman puwedeng mabilisan iyong vaccine at kung puwede kaming mabigyan ng authority na mamili ng sarili naming vaccine para ma-attain natin kaagad iyong required na 70% herd immunity.
USEC. IGNACIO: Salamat po, Governor.
ZAMBALES GOV. EBDANE, JR.: Salamat din po.
USEC. IGNACIO: Samantala dahil sa mga isyung kinakaharap ng Department of Health, Senator Bong Go pinayuhan si Department of Health Secretary Duque na linawin ang mga ibinabatong alegasyon at magbitiw sa tamang panahon. Aniya, mahalagang lumutang ang katotohanan para mapanatili ang integridad ng pamahalaan at kagawaran. Narito ang report:
[VTR]
USEC. IGNACIO: Kamakailan po ay ipinakilala ng Metrobank Foundations incorporated ang sampung (10) natatanging Pilipino na nagpamalas nang hindi matatawarang serbisyo para sa bayan. Sila ay mula sa larangan ng pagtuturo at pagpapanatili ng seguridad sa bansa. Isa po si Col. Augusto Padua, ng Philippine Air Force na kinilala ng foundation bilang Air Power Innovator for Peace ngayong taon. Kilalanin po natin siya ngayong umaga, good morning po Colonel. Col. Padua, welcome po sa Laging Handa.
PAF COL. PADUA: Good morning Usec. Rocky at good morning po sa ating mga tagapanood.
USEC. IGNACIO: Okay. Unang-una po congratulations. Ano po ang pakiramdam na mapabilang po sa sampung (10) Outstanding Filipinos ng Metro Bank Foundation?
PAF COL. PADUA: Usec. Rocky, hindi pa ako makapaniwala na, hindi pa nagsi-sink-in sa akin na isa ako sa pinili ng Metro Bank Foundations. Pero, of course sampu ng aking pamilya at mga kasama ay natutuwa. Tuwang-tuwa kami!
USEC. IGNACIO: Opo. Puwede po ba ninyo kaming bigyan ng kaunting background, Col. Padua, sa ilang innovation strategies ninyo para sa military operations.
PAF COL. PADUA: Actually, Usec. Rocky, anim na accomplishments ang pina-submit sa amin noong ako ay ni-nominate ano. Tatlo sa community service at tatlo sa military service. Tulad ng sinabi mo, sa military operations, nakita ng mga hurado iyong aming accomplishments sa leaflets dropping operations. Iyon iyong pagbagsak ng mga leaflets sa mga kanayunan at sa mga liblib na lugar kung saan nagkukuta ang mga naligaw ng landas nating mga kapatid na rebelde.
At iyon ang resulta noon, ang mas mahalaga bago ako nari-assigned sa headquarters ng Philippine Air Force, may mga 103 na mga nagbalik-loob sa gobyerno. At iyon iyong kinonsider.
USEC. IGNACIO: Colonel, ito iyong sa Isabela ano? Kasi kahit ako, noong nakuwento mo sa akin ito, humanga ako doon sa sinabi mong ginagawa ninyo. So, ang sa akin, paano po ninyo naisip itong strategy na magsagawa ng aerial leaflets dropping operations? Kailan po ito nagsimula at aside sa mga nabanggit ninyo, ano po talaga ang pinaka layunin nito?
PAF COL. PADUA: Actually, ang leaflet dropping operations from history, World War 1 pa lang ginagawa na siya. So, nagkakaroon ng leaflet dropping operations ang mga tactical operations group ng Philippine Air Force sa buong Pilipinas. Of course, ang kasama naming nagpa-plano ang mga ground troops natin, ang Philippine Army at Philippine Marines, sa operations na ito.
Ang layunin lang naman nito is basically information operations. Ipagbigay alam sa mga kanayunan, sa mga liblib na lugar na hindi naaabot ng media, social media ang mga proyekto ng gobyerno. Actually, tamang-tama at napakaganda noong whole-of-nation approach ng NTF-ELCAC, National Task Force to End Local Communist Armed Conflict kasi, nagsama-sama iyong mga ahensiya rin ng gobyerno pati ang mga taong bayan, ang media. Iyong mga proyekto ng ibang ahensiya ng gobyerno, pinagbibigay alam lang naman sa mga tao. So, basically, iyon lang naman ang layunin – ang magkaroon ng information.
Lalo na doon sa mga napag-alaman namin doon sa mga ordinaryong lumalaban, mga rebelled, incommunicado sila, iyong tinatago sila, bawal silang gumamit ng cellphone, manood ng TV, bawal silang mag-text sa mga kamag-anak nila. So, tinatago talaga iyong mga information, hindi napaparating sa kanila iyong mga ginagawa natin sa gobyerno. Iyong progreso na ganito na ang Pilipinas ngayon, hindi na dapat na kailangan ng armas. Iyon lang naman ang pinagbibigay-alam natin sa kanila, iyong ang purpose lang naman ng leaflet dropping operations.
USEC. IGNACIO: Para sa inyo, gaano kahalaga na magkaroon tayo ng bagong paraan sa pagsugpo sa insurgency sa bansa lalo na ngayong panahon naman ng pandemya?
PAF COL. PADUA: Actually, Usec. Rocky, 52 years na po ang insurgency na iyan na lagi nating pinuproblema. Ang laking resources ang nawawala kasama na iyong nagagamit ng gobyerno plus iyong mga nasisira o kapag minsan nasasabotahe ng mga rebelde. Ang laki ng resources na nawawala, lalo na ngayong pandemya medyo kakapusin tayo kung mayroon pa tayong inaatupag na insurgency, sana iyong pera natin, nakalagay na, nakatuon na sa national development. So, iyon iyong malaking dapat ma-solve nitong insurgency at napaka-importante nito lalo na ngayong pandemya.
USEC. IGNACIO: Opo. Col., bukod sa pagtugon sa insurgency, isa rin po kayo sa nag-head ng rescue and relief operations sa nangyaring malawakang pagbaha sa Cagayan at Isabela last year at tumulong sa mga komunidad para po magkaroon ng pagkakakitaan ngayong panahon ng pandemya. Bakit po ganoon na lamang ang inyong passion for public service?
PAF COL. PADUA: Actually, iyong nangyari noon, nagkaroon ng malawakang baha, tinawag ng Provincial Public Information Office ng Cagayan na Cagayan mega flood 2020. Ginagawa lang naman namin din iyong trabaho namin kaya lang iyon iyong tinatawag natin doing your ordinary work extra ordinarily. May extra effort lang naman kaming idinadagdag sampu ng aking mga kasama.
Hindi iyon accomplishment ko, accomplishment ng mga kasama ko sa Philippine Air Force at sa buong Sandatahang Lakas ng Pilipinas. So, kapag sinabing passion lahat siguro ng mga lingkod-bayan mayroong ganoong passion for service. Lalo na isa ako sa mga pinalad din na ipinadala sa ibang bansa, nakikita ko na iyong development nila nakatuon sila wala silang insurgency.
So, sa aking maliit na paraan tingin ko may magagawa ako, kami sampu ng aking mga kasama may magagawa kami. So, doon nagmumula, kapag nakikita mong may sumusuko kahit na isang rebelde lang may dala-dalang leaflets tapos sumuko siya, ang laking bagay na sa amin –one soul lang na ma-save namin.
So, doon mo makikita, doon mo rin makikita na sana ang inaatupag namin national development, sana isa na rin kaming mayamang bansa. So, tingin namin ang Philippine Air Force, ang Armed Forces of the Philippines at mga ahensiya ng gobyerno, may magagawa tayo kaya doon siguro, doon iyong passion namin for lingkod-bayan.
USEC. IGNACIO: Opo. Para sa kaalaman ng marami, si Col. Padua, po ay isang jet fighter pilot. Colonel?
PAF COL. PADUA: Opo, opo. Ako po ay nagsilbi sa Pasay Air base sa 5th Fighter Wing, labing anim (16) na taon po akong lumilipad doon bago, of course, I need to be re-assigned also to higher headquarters according sa direction ng aking mga superiors sa Philippine Air Force.
USEC. IGNACIO: Kailan daw po gaganapin iyong mismong awarding ceremony at gaano po kahalaga iyong mga ganitong pagkilala sa mga public servants lalo na ngayong pandemic na malaking hamon iyong pagbibigay serbisyo sa mga kababayan natin?
PAF COL. AUGUSTO PADUA: Bale ang conferment ceremonies ay gagawing online dahil nga sa pandemic, sa September 2 at ito rin ay via zoom at ito rin ay magiging live via Facebook.
USEC. IGNACIO: Kailan daw po gaganapin iyong mismong awarding ceremony; at gaano po kahalaga iyong mga ganitong pagkilala sa mga public servants lalo na ngayong pandemic na malaking hamon iyong pagbibigay serbisyo sa mga kababayan natin?
PAF COL. PADUA: Bale ang conferment ceremonies ay gagawing online dahil nga sa pandemic sa September 2 via Zoom at ito rin ay magiging live via Facebook Live sa Thursday. At kaming sampu – tatlong sundalo, tatlong pulis at apat na guro – ay bibigyan ng parangal as Outstanding Filipinos for 2021 ng Metrobank Foundation.
USEC. IGNACIO: Opo. Colonel, may kaibigan akong taga-Malacañang Press Corps, ang guwapo ninyo daw pong Colonel – hindi, joke lang. Maraming salamat po sa inyong dedikasyon at serbisyo para sa bayan, Philippine Air Force Colonel Augusto Padua. Muli, congratulations at mabuhay po kayo!
PAF COL. PADUA: Thank you, Usec. Rocky, ma’am. At as always, maraming salamat sa inyong suporta sampu ng inyong mga kasama sa media. Isa rin iyan sa information operations, ipapaalam natin kung ano iyong mga programa natin sa gobyerno. Ang laki, ang laki ng bagay na nagagawa ng media. Maraming salamat po, Usec. Rocky!
USEC. IGNACIO: Okay. Salamat po!
Sa ibang balita: Libu-libong market vendors at TODA members sa mga bayan ng Capiz ang sinadya ng outreach team ni Senator Bong Go para dalhan ng tulong. Ang mga ahensiya ng pamahalaan ay nagbigay din ng ayudang pinansiyal, scholarship, trabaho at kabuhayan sa ating mga kababayan. Narito ang detalye:
[VTR]
USEC. IGNACIO: Magbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH.
[COMMERCIAL BREAK]
USEC. IGNACIO: Nagbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH. Narito naman po ang pinakahuling datos ng COVID-19 cases sa bansa kahapon, August 27, 2021:
- Nadagdagan po ng 17,447 ang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19. Ikalawa po iyan sa pinakamataas na naitalang kaso sa loob ng isang araw. Dahil diyan, sumampa na sa 1,916,461 ang total number of confirmed cases sa Pilipinas;
- 130 naman po ang mga pumanaw sa sakit kaya umabot na sa 32,841 ang total COVID-19 deaths.
- Ang mga kababayan naman natin na gumaling sa sakit ay umakyat na sa 1,741,089 matapos itong madagdagan ng 6,771 new recoveries kahapon.
- Ang active cases sa ngayon ay nasa 142,531 o 7.4% sa kabuuang bilang ng mga nagka-COVID sa bansa.
Samantala, bakuna, benepisyo ng mga healthcare workers sa gitna ng kanilang kilos-protesta at iba pang update sa laban natin kontra COVID-19 ang ating pag-uusapan kasama muli si DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire. Good morning, Usec. Welcome back sa Laging Handa.
DOH USEC. VERGEIRE: Magandang umaga po, Usec. Rocky. Good morning po sa inyo.
USEC. IGNACIO: Usec., kaugnay po sa pagri-release ng SRA para sa mga healthcare workers. Bagama’t nakapagbaba na po kayo ng pondo, pero sa tantiya ninyo ay nasa magkano pa po ang kakailanganin para mabuno iyong kulang na SRA benefit ng iba pang umaapelang eligible healthcare workers; at kailan po ang target ng DOH na makukumpleto ito?
DOH USEC. VERGEIRE: Well, inaantay pa natin, Usec. Rocky, iyong submissions ng ating regional offices as to the additional healthcare workers applying for this SRA. So kahapon po ay may datos kami about 17,670 eligible healthcare workers have already applied through their facilities, at ito po ang pauna na hiningi po namin uli sa Department of Management na pera worth 201 million. But we are still awaiting for additional submissions coming from our units para po makumpleto natin ito.
USEC. IGNACIO: Opo. Sunod ko na po itong tanong ni Analou de Vera ng Manila Bulletin: Ano po ang masasabi ng DOH sa planned protest action ng nurses sa September 1st?
DOH USEC. VERGEIRE: Well, kami pa rin po ay nakikiusap sa ating mga healthcare workers because ito po ay makakaapekto nang maigi sa ating operations sa ating ospital, at nakikita naman po natin ang kalagayan o sitwasyon ng ating mga ospital ngayon na ito pong mga klaseng ganitong mga kilos or actions ay sana po maiwasan po muna natin, ipagbigay-daan muna po natin iyong ating pagmamalasakit sa ating mga pasyente. Ginagawan po ng DOH ang ating lahat na makakaya para maibigay po natin ang mga kahilingan at mga benepisyo ng ating mga healthcare workers.
USEC. IGNACIO: Tanong naman po ni Bianca Dava ng ABS-CBN: According daw po sa healthcare worker groups, under the Bayanihan Law, hindi pupuwedeng mabigyan ng special risk allowance ang mga hindi directly serving COVID patients. Pero nanawagan po ang mga healthcare workers na ibigay na ito sa lahat dahil pare-pareho naman daw pong risk sa loob ng ospital. Magagawan po ba ito ng paraan ng DOH?
DOH USEC. VERGEIRE: Iyan po ngayon ang ating pinapakiusap sa ating mga legislature ‘no, iyong ating legislative bodies, kung maaari po tayong magkaroon ng liberal interpretation of this law. Kailangan po maintindihan din ng ating mga healthcare workers, ang DOH po kahit gusto po naming gawin iyan, we are tied because of the provisions in the law.
Actually, doon po sa aming COA findings, makikita po ninyo po doon, mayroon po kaming flinag (flagged) ang COA na nagbigay kami doon sa mga unqualified na mga healthcare workers. But we were at that intent, iyong regional office namin na nagbigay noon, ang sinasabi, they do not want to differentiate between those healthcare workers working in COVID and non-COVID, but it was flagged by COA kasi nga po iyong provision ng batas. So ngayon nakikipagtrabaho po tayo sa ating mga legislative bodies kung sakali para po magkaroon ng amyenda itong batas para maisama na po lahat ng healthcare workers.
USEC. IGNACIO: Sunod po niyang tanong: Sabi rin ng mga grupo, posibleng mag-udyok sa pag-resign ng mas maraming healthcare workers iyon daw pong hindi pagbibigay ng kanilang benepisyo sa lalong madaling panahon. Ano po ang magiging epekto nito sa ating laban kontra COVID at paano natin ito matutugunan?
DOH USEC. VERGEIRE: Well, alam po natin iyan, Usec. Rocky ‘no, that’s a fact and that’s a reality na kailangan po natin talaga ang mga healthcare workers natin ngayon na buo at naandoon sa ating mga facilities to care for our patients. Ngayon po, ito pong kanilang hinihinging mga benepisyo, nakikiusap po ang Department of Health na sana maintindihan din po [na] there is a process na pinapatupad po at sinusunod natin because we are in government. Kami po ay ginagawa namin lahat para po atin pong mabigyan ng katugunan ang kanilang mga hiling pero sana po hintayin lang po natin and huwag po natin gawin itong mga aksiyon na kanila pong pinaplano.
USEC. IGNACIO: Tanong naman po mula kay Red Mendoza ng Manila Times: Reaksiyon po sa suggestion ni Senator Bong Go na magbitiw sa tungkulin si Secretary Duque dahil ang Pangulo na raw po ang nahihirapan sa pagprotekta sa kaniya.
DOH USEC. VERGEIRE: Well, kami po sa DOH strongly supports the Secretary of Health. Nakita ho natin kung paano naman nagtrabaho ang Secretary natin mula noong nag-umpisa kasama po ang buong kawan ng DOH. So para po diyan sa suggestion na iyan, iyan naman po ay katulad ng sabi ni Secretary kahapon – kung kailangan gagawin niya. Pero kailangan muna nating tapusin itong issue ng COA, maibigay natin ang proper documents, maklaro po natin ang mga dapat klaruhin at saka po pag-uusapan ang mga bagay na iyan. Pero kami po sa Kagawaran ng Kalusugan, strongly supports our Secretary and sana po hindi naman po tayo mapunta sa puntong iyan na kailangan pang mag-resign dahil well accounted for naman po lahat ng mga pondong mayroon tayo.
USEC. IGNACIO: Sunod po niyang tanong: Sa hearing daw po ng Blue Ribbon Committee kahapon ay pinu-push pa rin ni Dr. Tony Leachon iyong pagbili ng booster doses at ang pag-aakusa na mababa diumano ang efficacy ng Sinovac at mukhang pinapanigan siya ng mga senador. Ano po ang reaksiyon ng DOH dito?
DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky. Actually kagabi nagsalita naman po si Secretary Galvez at akin naman pong nasegundahan kahapon na unang-una ang mga statements na ganiyan, this is very critical sa ngayon sa vaccine confidence. So sana po ang ating mga fellow doctors ay hindi po nagbibigay at nagbibitaw ng mga ganitong statements na wala naman pong basehan. Just recently may lumabas po sa Lancet Publication, around 10,000 samples or individuals inoculated with Sinovac at nagpakita po ng 100% effectiveness against severe infections at iyon naman po talaga ang gusto natin ano, at nakikita natin din dito sa ating bansa na ang Sinovac is protecting our population.
So wala pong basehan ang mga prinesent ni Dr. Leachon kagabi at sana po gusto lang ho namin ipaliwanag sa ating mga kababayan na sana po hindi po tayo nadadala ng mga ganitong ipinapakita or statements ‘no. Kailangan po tayong maniwala sa siyensya at mayroon ho tayong basehan ngayon at nakikita po natin na nagiging effective naman po itong bakunang ito para sa ating lahat.
USEC. IGNACIO: Mula naman po kay Crissy Dimatulac ng CNN Philippines: The country recorded the second highest daily tally for COVID-19 cases yesterday since March. Now the government is considering a change in quarantine strategy such as wider lockdowns by regions and granular lockdowns where number of cases is high. When will this be taking effect and what are other suggestions that can help curb the number of rising cases?
DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky ‘no. Actually this is still being discussed among the officials in IATF. Pinag-aaralan po nating mabuti iyan, para kapag tayo ay nag-re-strategize, wala naman pong masyadong maging epekto doon po sa ating ginagawang response. Ayon po sa ating mga eksperto at saka sa data analytics group natin sa IATF, pinag-aralan po natin at nakita natin na ang talagang makakatulong sa atin to stop the transmission in communities would be improving vaccine coverage, shortening the duration from detection to isolation – ibig sabihin lahat ng nagkakasakit nakikita natin, naia-isolate natin – at saka compliance ng tao sa minimum public health standards.
And we saw na itong wider community quarantine restrictions, mukhang hindi na masyadong effective para sa atin kaya we would like to shift into this granular lockdowns where our local governments will be doing active case finding. Ito po ang nakikita natin that can stop transmission pero katulad nga ng sabi ko, ito po ay kailangan pa ring pag-aralan further ng ating mga eksperto at ito po ay didesisyunan ng IATF.
USEC. IGNACIO: Tanong naman po ni Michael Delizo ng ABS-CBN News: Kumusta ang trend ng mga kaso sa nakalipas na linggo at anu-anong lugar po iyong high risk?
DOH USEC. VERGEIRE: Well, nakikita pa rin po natin ang patuloy na pagtaas ng mga kaso dito sa ating bansa these past weeks and even this week. Actually nakikita ho natin na dito po sa alert level, wala na ho tayong area sa ating bansa na nasa Alert Level 1. Ang sa Alert Level 4 po natin ay mayroon tayong 70 plus areas. Ibig sabihin po ng Alert Level 4, patuloy na tumataas ang mga kaso ang kanilang mga ospital ay more than 70% utilization na. So ito po ang mga binabantayan natin ngayon, Usec. Rocky, but we expect that the number of cases will continue to increase in the coming days.
USEC. IGNACIO: Pinapatanong naman po ni Faith del Mundo ng TV-5: Kumusta daw po iyong utilization rate ng mga hospital beds sa NCR?
DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky ‘no. Dito po sa National Capital Region, ang utilization po ng ating mga ospital, mayroon ho tayo almost 50% of our cities na iyong bed utilization po nila ay nasa more than 70% na po. Iyon naman pong sa ICU utilization, mayroon na lang po tayong anim na cities dito po sa Metro Manila na 60 plus ang kanilang ICU utilization – the rest are more than 70%. So ginagawan po natin iyan ngayon ng mga kaukulang tulong. We are assisting to expand beds, to place tents and modular hospitals dito po sa mga lugar na ito para maka-accommodate pa tayo nang mas maraming pasyente po.
USEC. IGNACIO: Ang sunod po niyang tanong: Does DOH hotline One Command Center has technical glitch? Kasi daw po many are calling for several hours to know which hospital has a vacant slot but no one is answering the line and there are also several reports daw po that a number of patients are having a hard time to get a hospital including Vice President Leni Robredo where she na hindi po siya makakita ng ospital for a patient and the patient just died. What is DOH doing about this matter and what is DOH advice of what is the best thing to do for those looking for hospital para po maka-save ng time, maka-save ng lives ng pasyente?
DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky ‘no. Actually iyong One Hospital Command natin nag-expand na po tayo ng services diyan at nag-deploy na tayo nang mas maraming tao. May traffic po talaga at atin pong inaamin iyan ano sa mga tawag, dahil ang dami pong tumatawag ngayon. Araw-araw we are averaging about 500 calls per day para po sa mga nangangailangan ng ospital sa ngayon. But most of these calls would be for guidance – iyong for mild, asymptomatic – ano ang kanilang gagawin.
Ngayon po ang ginagawa natin, we would like to strengthen ‘no. We are meeting with local governments so that they will be establishing their triaging and navigation systems. Iyong mga hotlines po ng local government, kailangan pong gumana iyan para hindi po natatambak sa One Hospital Command natin ang mga tawag. So local governments are your first step, sila po ang una ninyong tawagan. Sila po ang makakatulong sa inyo para malaman kung saan pong facility kayo dapat dalhin – kung dapat sa temporary treatment and monitoring facility o kailangan sa ospital na po kayo.
Kapag ospital na po ang kailangan, doon po papasok ang One Hospital Command. If that system, we can be able to do that, maa-unclog po ito pong traffic at mga tawag sa One Hospital Command at mas magiging maayos ang proseso, maihahanap po natin lahat ng ospital ang mga nangangailangan.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Jamie Santos ng GMA News: Bukod po sa pami-pamilyang hawaan, mabilis din iyong hawaan sa mga offices. Sa government offices na lang daw po, madami ang cases tulad sa OCD, 116 iyong nag-positive, at FDA, 29 iyong cases kaya nag-lockdown. Ano po ang nakikita nating cause ng rapid increase sa cases, Delta variant po ba? May rekomendasyon po ba ang DOH sa mga ipinatutupad na protocols sa mga offices para maiwasan ang hawahan?
DOH USEC. VERGEIRE: Tama po iyon, Usec. Rocky ‘no. At dati pa naman nating sinasabi that whatever increases in the number of cases here in the country that we are now experiencing, nakita na natin na mukhang Delta variant na po talaga ang nagku-cause nito because there is exponential increase in cases.
Now, as to the workplaces, iyon pong mga impeksiyon sa bahay, iyon po iyong sinabi natin kanina, iyong tatlong factors that can stop the transmission of the disease. And that is, one of those would be iyong ating compliance sa safety protocols, at kasama po diyan ang workplaces. Kaya ipinag-utos na po ng IATF na dapat bawasan ang carrying capacity ng bawat opisina o iyong mga nagtatrabaho. Those who can work from home, they should stay at home at doon na lang magtrabaho muna sa bahay para kakaunti lang po ang magsasama-sama sa mga opisina o sa mga workplaces at maiiwasan po natin ang impeksiyon. And of course, nandiyan na po iyong ventilation na napakaimportante sa ngayon na mayroon tayong Delta variant. Ensure that there is adequate ventilation in your workplaces; ensure that your safety officers are monitoring all the employees, at soon as may magkaroon ng sintomas, dapat po ay nai-extract na natin at nai-isolate para hindi kumakalat ang impeksiyon.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin po ni Jamie Santos: ‘Ber’ months na po sa loob ng ilang araw, mayroon bang call o baguhin sa health protocol dahil mas inaasahan na lalabas po iyong mga tao?
DOH USEC. VERGEIRE: Well, ang inaasahan natin ngayon, Usec. Rocky, because of the granular lockdowns that we are implementing, our local governments will ensure that there is strict enforcement ‘no, na ang lalabas lang po talaga sa ngayon ay iyong mga essential na kailangan nating gawin. Wala muna po tayong mga crowding, iyong mga activities na makakapag-attract ng maramihang tao. So hindi muna po natin iyan papayagan, atin lang po munang putulin itong transmission na nangyayari at saka po natin puwedeng tingnan kung maaari na po nating gawin itong mga activities because of these ‘Ber’ months.
USEC. IGNACIO: Opo. Pahabol po niyang tanong: Iyon daw pong panawagan for Secretary Duque to resign, may epekto po ba sa DOH as an institution? Ang sabi po ni Secretary Duque, magri-resign siya kapag na-clear na ang name niya sa COA. Ready po ba ang DOH sa turnover in case mangyari?
DOH USEC. VERGEIRE: Well, kami, Usec. Rocky, we remain to be steadfast ‘no. Kung anuman iyong posisyon namin noong una kasama si Secretary Duque, iyon pa rin ang posisyon namin.
We will account for all of these funds that had been flagged. Magsusumite kami ng lahat ng dokumento na kailangan para atin pong malinis ang pangalan ng Department of Health. At kung saka-sakali pong darating tayo sa punto na iyan, eh kami naman po ay magsu-soldier on lang ‘no; kami po ay magtutuloy pa rin ng ating response. Ang amin pong serbisyo ay para sa publiko. So kung sinuman po ang magiging pinuno, tayo po ay magtutuloy-tuloy lang.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po mula kay Cathrine Gonzales ng Inquirer.net: Johns Hopkins said new evidence suggests that for Delta variant, it takes three to five days after an exposure for a COVID infection to show in a PCR test, this is lower than the five to eight days timeline daw po in other variants. Will the government revise its schedule of testing for arriving travelers considering this data?
DOH USEC. VERGEIRE: Well, we still hold the data ‘no, Usec. Rocky, na kahit na anong variants iyan, the most accurate na atin pong makukuha na resulta ng test would be from the fifth to the seventh day, and that is, you know, with any variant that there is. Pero ang kailangan nating balikan, kahit hindi po natin nagawa iyong test kung sinasabing third to fifth day ang sinasabi na paglabas ng mga positive na test, naka-isolate po iyong ating mga kababayan, iyong mga travelers natin; they are on quarantine. So wala po tayong nami-miss out doon sa ating protocol, we can still ensure na wala pong hawahan na mangyayari o makakapanghawa sila sa community.
USEC. IGNACIO: Mula naman po kay Madz Recio ng GMA News: Reaksiyon daw po ng DOH sa what DTI Secretary Lopez said in an interview on MECQ extension. He is pushing for allowing vaccinated to be allowed sa [unclear] sectors like dine-in and personal care, parang incentive to vax, to encourage vaccination. DOT also pushes for granular lockdowns and exempt fully vaccinated tourists to revive the tourist industry. Papunta na po ba tayo sa possibility ng separating those vaccinated from unvaccinated?
DOH USEC. VERGEIRE: Pinag-aaralan po iyan, Usec. Rocky. Actually, that’s one of the things na pinag-uusapan po sa IATF, and of course, pinag-aaralan ng ating mga eksperto. Pero kailangan ho nating tingnan lahat ng considerations. Ang unang consideration po diyan kasi, marami pa ho sa ating mga kababayan ay hindi bakunado; hindi sila bakunado not because they don’t like to be vaccinated but because supplies are not there yet. So that’s one consideration.
So for us to impose this differentiation between vaccinated and unvaccinated will be inequitable for them and unfair for them; second, kailangan po nating tingnan, ang atin pong mga vaccines ngayon, ang kaniya talagang pangako ay maprotektahan tayo against severe infections. Pero hindi naman po sinabi na makakapag-block ng transmission ito pong mga bakunang ito. So ito po ay isang ating konsiderasyon dahil ibig sabihin, ang isang fully vaccinated can still infect and can still be infected by this disease. So kailangan po nating pag-isipan maigi ito lalung-lalo na nga po ngayon na tayo po ay nagkakaroon ng pagtaas ng kaso.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., totoo po ba ito na sinuspinde ng bansang Japan iyong paggamit daw po ng nasa 1.63 million doses ng Moderna vaccine dahil sa posibleng kontaminasyon. Doon po ba sa mga ipinadalang batches sa atin ay wala po bang kasali sa isyung ito; at hindi po ba ihihinto raw ng DOH ang rollout ng Moderna vaccine dahil sa sinasabing umano’y kontaminasyon? At anong klaseng kontaminasyon po ba ang nangyari?
DOH USEC. VERGEIRE: Kailangan po nating maintindihan what happened ‘no. Sa bawat delivery po ng mga bakuna, mayroon po silang lots and batches. Ibig sabihin, one batch can be different from the others, iba-iba.
So dito po sa nangyari sa Japan, they found ito pong isang product o iyong isang lot or iyong batch ng bakuna na contaminated po siya ‘no. So ibig sabihin, mayroon pong ibang mga components na medyo nagkaroon ng problema or issue diyan, at tinanggal po nila at hindi nila ginamit.
Pero hindi po sinabi diyan na ang kabuuan na na-deliver sa kanila ay hindi na gagamitin. Ang tinanggal lang po ay iyong batch na iyon.
So here in the Philippines, we inspect lahat po ng batches ng bakuna bago natin gamitin at wala ho tayong nakitang ganiyang kontaminasyon dito po sa ating mga na-deliver na Moderna. So we are not going to stop the implementation of our Moderna inoculation.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Usec., wala rin po bang magiging epekto ito sa vaccine procurement ng Pilipinas sa kumpanyang Moderna?
DOH USEC. VERGEIRE: Wala naman po, Usec. Rocky, because every time that we have this kind of order as I have said, mayroon po tayong protocols natin for us to ensure na safe iyong mga bakunang dumarating sa atin at magagamit.
So ito po ay hindi naman talaga kabuuan ng Moderna vaccine; ito po ay isang batch lang. Kumbaga, parang isang separate na mga number of vaccines lang that they found contamination, and this might be because of the transport o kaya doon sa manufacturing site pero hindi po ibig sabihin na iyong kabuuan ng manufacturing ay apektado na po.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., kami po ay nagpapasalamat sa inyong oras at sa impormasyon, Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire. Salamat po, Usec.!
DOH USEC. VERGEIRE: Maraming salamat po.
USEC. IGNACIO: Para sa pinakahuling pangyayari naman sa Davao, puntahan natin si Clodet Loreto. Clodet?
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa’yo, Clodet Loreto ng PTV Davao.
Bago po kami magpaalam, nais lamang po naming ihatid ang aming pakikiramay sa mga naulila ng kasama natin sa industriya at kaibigan na si Melo Acuña. Si Melo po ay isa pong beteranong mamamahayag mula sa Asia Pacific Daily at haligi ng Foreign Correspondents Association of the Philippines o FOCAP. Muli, nakikidalamhati po ang PCOO at PTV sa kaniyang pagpanaw.
Ito po ang mga balitang aming nakalap ngayong araw; ang Public Briefing po ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng mga Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.
Ako po si Usec. Rocky Ignacio ng PCOO; magkita-kita tayo uli sa Lunes dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.
##
—
News and Information Bureau-Data Processing Center