Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

USEC. IGNACIO: Magandang umaga Pilipinas at sa buong mundo, ngayon po ay huling araw ng Agosto at ngayong araw ay aalamin muli natin ang kalagayan ng iba’t ibang sektor sa bansa habang nasa gitna ng pandemya.

Ako po si Usec. Rocky Ignacio, simulan na natin ang talakayan dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.

Pinasalamatan ni Senator Bong Go ang pamunuan ng PhilHealth matapos suspendehin ang pagpapatupad ng [garbled] circular sa hindi pagbabayad sa mga kuwestiyonableng claims ng mga ospital, dapat aniya magkapit-bisig ang PhilHealth at mga ospital para tuloy ang serbisyo at mapangalagaan ang pondo ng bayan. Narito ang report:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Ayon sa Department of Health, tanging ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM na lang po ang hindi pa pinapasok ng COVID-19 Delta variant. Pero mismong ang Bangsamoro Transition Authority hindi po nagpapakakampante at para po kumustahin ang sitwasyon ng pandemya sa rehiyon, makakausap po natin si BARMM Chief Minister Ahod Ebrahim. Magandang umaga po, Chief Minister!

BARMM CHIEF MINISTER EBRAHIM: Magandang umaga po Usec. Rocky at magandang umaga sa inyo pong lahat diyan.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir, kumustahin ko po muna ang COVID-19 count sa inyong rehiyon. Ang BARMM, Chief Minister, sa ngayon po ba ay ilan ang active cases na inyong minu-monitor?

BARMM CHIEF MINISTER EBRAHIM: Ngayon po as of August 30, ito po iyong data namin:

  • Total active cases 666;
  • percentage ng recovery, is total recoveries is 9,350 o 89.8%;
  • ang percentage po ng death is 3.8% o 394.
  • So sa ngayon po ay 68 new cases;
  • 39 new recoveries at isa pong death.
  • So cumulative confirmed cases po is 10,410;
  • 68 number of positive tests;
  • 383 number of individuals tested today;
  • 18% positive rate.

So sa ngayon we still remain at low risk po among the regions in Mindanao. Kami po ang pinaka-low risk sa ngayon. And then we allocated po last—para sa BTA another 50 million pesos para po mag-procure ng mga oxygen, mag-reinforce ng oxygen supply para i-prepare po namin sa possible COVID-19 surge kung sakali.

So sa ngayon, ito po ‘yung breakdown ng confirmed cases per province:

  • Maguindanao po, active is 235;
  • Lanao del Sur 234;
  • Basilan is 5;
  • Sulu 7;
  • Tawi-Tawi 0;
  • Cotabato City 185.

So a total po na 666. Pero sa ngayon po ay mayroon kaming asymptomatic na 381, mild is 206, moderate po is 69, severe is 9 at critical is 1. So iyan po ang general na data namin, as of August 30 po itong data na binasa ko po sa inyo.

USEC. IGNACIO: Magandang balita po kung titingnan iyong sinabi ng DOH na wala pa pong—totoo po ba ‘to na wala pang detected Delta variant sa BARMM? Sinabi naman po nilang ito ay posibleng dahil sa [garbled] po iyong sample na nakukuha sa inyong rehiyon. Kung may idea po ba kayo kung ilang samples per test lang po ‘yung naipapadala ng BARMM sa ating Philippine Genome Center?

BARMM CHIEF MINISTER EBRAHIM: Actually—[LINE CUT]

USEC. IGNACIO: Babalikan po natin si Chief Minister Ebrahim.

Kasalukuyan naman pong isinusulong sa Senado ang isang panukalang batas na magtataas sa kompensasyong natatanggap ng social workers sa bansa. Ito’y bilang sukli rin sa mahalaga ginagampanan nilang katungkulan sa mga komunidad. Ang detalye niyan sa report na ito:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Inilagay sa granular lockdown ang ilang bahagi ng isang barangay sa Mandaluyong City dahil sa patuloy na pagtaas ng naitatalang COVID-19 cases. Batay po sa pinakahuling tala ng lungsod, umaabot sa mahigit isanlibo ang kanilang active cases. Ang sitwasyon doon ihahatid [garbled] Bernardo. Bea…

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat sa iyong ulat, Bea Bernardo.

Ipinag-utos ng Department of Interior and Local Government na magsagawa ng contact tracing sa mga nakasaksi sa hostage taking sa Caloocan City. Ayon sa DILG, pinangangambahan na maging superspreader event ang naturang insidente matapos dagsain ng mga tao. Ang detalye mula kay Louisa Erispe.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyong report, Louisa Erispe.

Samantala, balikan na po natin si BARMM Chief Minister Ahod Ebrahim. Sir?

BARMM CHIEF MINISTER EBRAHIM: Yes po, Usec. So, kagaya ng nasabi ko, wala pa pong na-trace na variant Delta dito po sa amin. So far, iyong status po namin is nasa low risk pa rin po hanggang ngayon.

USEC. IGNACIO: Opo. Chief Minister, ano po ang ginagawa ng BARMM government para po palakasin pa itong testing and tracing capacity sa buong rehiyon?

BARMM CHIEF MINISTER EBRAHIM: Sa ngayon po ay almost kuwan na kami, nasa 50-60% na po ang vaccination rate namin po sa buong rehiyon. So, we are continuing itong massive vaccination and then nag-allot pa kami ng another P50 million last week lang para ibili ng [garbled] tapos para po in case na mayroong surge dito po sa aming rehiyon. Iyon po ang patuloy po kami na gumagawa ng paraan.

USEC. IGNACIO: Chief Minister, pasensiya na po ano po, medyo naputol po iyong sinabi ninyo. Iyong P50 million po na dagdag ay ipambibili ninyo po ng ano pong mga bagay, Chief Minister?

BARMM CHIEF MINISTER EBRAHIM: Para po ito sa additional na oxygen tank po kasi usually nga kung minsan nasho-short, so we allocated 50 million para po bumili ng oxygen po para sa mga supply sa hospitals.

USEC. IGNACIO: Pero, Chief Minister, sa ngayon po ay masasabi po ba natin na kinakaya ng mga ospital sa buong rehiyon ito pong pag-handle sa COVID cases? May sapat po bang bed capacity sa mga ospital?

Chief Minister? Nawala na naman sa linya ng ating komunikasyon si Chief Minister.

BARMM CHIEF MINISTER EBRAHIM: So far po, mayroon ding mga challenges pero so far po ay nakakaya naman po. So, ito nga iyong na-publish na sa DZRP Balita iyong “BARMM reinforces oxygen supply as it prepares for possible COVID-19 surge.” So, ito po iyong in-allot namin na P50 million para po ibili ng stock ng oxygen.

USEC. IGNACIO: Opo. Chief Minister, kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon at sa ibinigay ninyong impormasyon sa amin ano po. BARMM Chief Minister Ahod Ebrahim, mabuhay po kayo, Sir! Maraming salamat po.

Samantala, narito naman po ang pinakahuling tala ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa.

As of 4 P.M. kahapon, umabot na sa 1,976,202 ang kabuuang bilang ng mga nagkaka-COVID-19 sa bansa. 22,366 sa mga ito ang bagong naitala kahapon, iyan na po ang pinakamataas na bilang ng mga bagong kaso sa Pilipinas simula po nang magkaroon ng pandemya sa bansa at ang pang-apat na highest recorded new cases ngayong buwan pa lang po ng Agosto.

16,864 naman po ang mga bagong naka-recover mula sa COVID-19 kahapon kaya ito ay umabot na sa 1,794,278. Sa kabilang banda, 222 naman po ang mga nadagdag sa mga nasawi kaya ito ay umabot na sa 33,330 total deaths. Sa kasalukuyan, 148,594 ang mga aktibong kaso ng COVID-19 na patuloy na minu-monitor at ginagamot. Higit isang taon po na pananalasa ng pandemya sa bansa, higit na isang taon rin pong ipinatutupad ang distance learning sa mga pampubliko at pribadong paaralan.

Pero ang CHED po pinapayagan ang 118 higher education institutions na magsagawa po ng limited face to face classes, pero para lang muna iyan sa medical and allied health sciences, makikibalita po tayo sa naging implementasyon nito mula po mismo kay CHED Chairperson Prospero De Vera III. Good morning po, Chair, welcome back po sa Laging Handa.

CHED CHAIRMAN DE VERA: Hi good morning sa iyong mga tagapanood.

USEC. IGNACIO: Opo, Chairman pakipaliwanag lang po kung paano po ang magiging set-up nitong sa limited face to face classes na gagawin this academic year; may chances ba na base roon sa naging pilot run po?

CHED CHAIRMAN DE VERA: Actually, nagsimula noong January pa, noong pinayagan ni Pangulong Duterte through ES BingBong Medialdea na payagan na ang limited face to face as part of the flexible learning policy sa medicine and allied health sciences. So, as of today, 118 na public and private universities have been expected; they have been given authority to conduct limited face to face classes in medicine and allied health sciences.

The 118 universities are part of more than 400 that indicated their interest to open, pero sila pa lang iyong nakakapasa sa inspection ng CHED, ng DOH, ng local government units at saka ng local IATF. So that is about 9,000 plus students nationwide.

Iba-iba iyong starting point, some schools like iyong UP College of Medicines, Our Lady of Fatima, UST, iyong mga iyan nauna na, they actually have been holding limited face to face classes since the early part of this year. The others are opening their limited face to face this coming school year.

So, the good news is, out of all the students that are part of the limited face to face classes, the infection rate was very, very low. It is less than 1%, it is .03% of the students got infected. All of the students gumaling na, walang namatay. So that means, our guidelines are working, 76% of the students going limited face to face have been vaccinated and 95% of the faculty have been vaccinated.

So we have another layer of protection for the students and faculty. Kaya medyo maganda iyong resulta ng limited face to face na pinayagan ng Pangulo.

So, two weeks ago, I went back to the IATF and I recommended expanding the limited face to face classes to cover Engineering, Maritime and HRM. And the IATF has endorsed the proposal to the President already. So, I hope the President will approve it, so that we can expand the limited face to face classes to more courses that need hands on experience, they need, they need OJT, they need shipment training for maritime students, so that the students can graduate, complete their degrees, take the licensure test.

USEC. IGNACIO: Opo. Chair, pero kahit na po nabanggit nga ninyo na less than 1% lang po iyong nagpositibo ano po; sa palagay po ba ninyo, hindi pa rin ito dapat ikabahala ng mga magulang at ng buong education sector?

CHED CHAIRMAN DE VERA: Ah hindi, kasi less than 1% is very, very low. If you look at the national data, it’s very, very low compared to the infection rate outside of the universities and all the students were asymptomatic. Meaning, nobody among the students was hospitalized. So that is very, very low, that is—in a sense that is safe compared to other activities that individuals do.

USEC. IGNACIO: Opo. May assistance po ba silang maasahan from CHED; at patuloy din po ba iyong monitoring na ginagawa ninyo sa kanila?

CHED CHAIRMAN DE VERA: Yes, tuluy-tuloy na nagri-report iyong mga eskuwelahan sa ating regional offices. So we know what is happening in all parts of the country and the smart campus projects under Bayanihan 2, the money is already with the universities, with 89 state universities and colleges now. So many of them are laying fiber optics, making audio-visual rooms, making internet rooms, improving their connectivity so that as we bring the students slowly back to the classroom, they will go back to their schools which are in much better shape that when they left them in March of last year, in March 2020. So iyon ang maasahan ng ating mga estudyante na iyong mga papayagang unti-unting bumalik sa kanilang classroom, mas maganda ang kalagayan ng kanilang pamantasan dahil sa pondo ng Bayanihan 2 na ini-implement natin ngayon.

USEC. IGNACIO: Opo, maiba naman po. Ano po daw iyong reaksiyon ninyo o masasabi ninyo sa panawagan ng ilang mga grupo ng guro, doctor at estudyante na i-postpone muna ang medical board exam sa taong ito?

CHED CHAIRMAN DE VERA: Iyan ay desisyon kasi iyan ng Licensure units, pero doon sa konsultasyon kasi natin, bagama’t mayroong mga gustong magpa-postpone, marami ding gustong ituloy, kasi madaming gustong makapagtapos eh. So you have to balance all the sentiments of the different sectors.

Ang importante naman ay dapat ligtas iyong mga kukuha ng examination at kailangang ipagpatuloy ito, kasi mayroong mga estudyante na gustong makatapos, gustong maghanapbuhay at saka kailangan natin ng additional health workers dahil sa COVID. So we have to focus, continue to producing more doctors.

USEC. IGNACIO: Kaya nga po kung paano ito tinutugunan iyong panawagan nila na postponement ng board exam. Eh alam naman po natin na talagang kailangan natin sa panahong ito iyong ating mga dagdag na tutulong para po ma-prevent itong pandemya?

CHED CHAIRMAN DE VERA: Gusto kong ibalita na last week, kasama ko si Secretary Vince Dizon, umupo kami kasama ng mga state universities and colleges, private schools na mayroong medical saka nursing program because we are looking into the possibility of harnessing the 4th year and 5th year students and those that have graduated, but not have passed licensure test as additional vaccinators sa ating vaccination drive.

So iyan ay positive naman ang response ng mga eskuwelahan, we are now crafting the guidelines to see how it will work. Kasi kailangang-kailangan talaga natin ng dagdag na tulong para sa pagbabakuna habang dumadami ang dumarating na bakuna sa atin.

USEC. IGNACIO: Pero, Chair, papaano po, tumaas po ba iyong enrollment natin sa face to face classes ngayon?

CHED CHAIRMAN DE VERA: Depende kasi sa eskuwelahan na nag-a-apply, hindi ito mandatory, ibig sabihin, the school has to apply that they will be allowed to have limited face to face. So depende sa eskuwelahan iyan. Kasi mahigpit ang requirements natin, ire-retrofit iyong facilities nila, mayroong minimum health standards, mayroon tayong plano para kung mayroong magkasakit, paano madadala sa pagamutan.

Medyo mahigpit iyong ating guidelines na inisyu ng CHED at saka DOH. Kaya’t ang nangyayari actually ngayon ang inuuna ng mga eskuwelahan, ay iyon munang mga estudyante nilang nagki-clinical internship sa mga ospital. Iyon ang una nilang slowly na ibinabalik, kasi kailangan ito para maka-graduate. Palagay ko habang gumagaling iyong mga eskuwelahan na magpatakbo ng safety guidelines saka nila unti-unting bubuksan iyong kanilang mga laboratory, halimbawa, dahil kailangan ito ng mga bata, so different school are responding differently.

Galing ako sa Unibersidad de Zamboanga last several weeks back, ang ganda ng pagkaka-retrofit nila, sila ang puwedeng benchmark sa retrofitting. Kasi pati iyong sa Dentistry Program nila automated iyong pag-ayos ng ngipin, hindi gumagamit ng tao, mayroong parang mannequin na doon mo aayusin iyong ngipin, tapos ito nakakabit sa isang malaking screen na nakikita ng mga ibang estudyante, nakikita ng teacher. So they are maximizing the use of technology sa kanilang system. At saka mayroon silang hepa filter sa bawat kuwarto; so talagang mahigpit at maganda iyong kanilang pagkaka-retrofit.

Sa mga ganoong sitwasyon, ako Ay kumpiyansa na safe ang mga estudyanteng ibalik sa kanilang mga laboratory, halimbawa sa Dentistry, doon sa lagay ng Universidad de Zamboanga.

USEC. IGNACIO: Opo. Chair, nakikita ninyo na naiengganyo iyong ating mga estudyante na magbalik na po ng face-to-face?

CHED CHAIR DE VERA: Oo, kasi kailangan eh. Alam mo kapag hindi natin pinabalik ang mga bata, baka hindi nila makuha iyong skills na kailangan. Kapag hindi nakapag-clinical internship ang mga kumuha ng medisina, ang nursing halimbawa, baka hindi nila makuha iyong hands-on skill. Ang delikado diyan, they are dealing with human lives. Kapag grumadweyt ‘yan, makapasa man sa licensure, baka iyong kakayanan nila ay hindi ganoon kaganda eh delikado ang kanilang mga pasyente. Ganoon din sa nursing, ganoon din doon sa physical therapy at mga ibang kurso.

At ngayon doon sa ibang kurso din, halimbawa sa maritime – kailangan talaga diyan gumagamit ka noong mga makina kung paano paandarin ang isang barko, paano aayusin. Kung hindi natin papayagan ang mga estudyanteng gawin iyan, hindi sila makakatapos ng kurso nila. Hindi sila makakakuha ng licensure test. Halimbawa, hindi ko alam kung alam ninyo na sa midwifery kailangan makapagpaanak ng walong bata ang isang estudyante bago makapasa ng midwifery course. Eh kung hindi natin papayagan ang mga midwifery students, hindi sila ga-graduate kasi iyong number of deliveries nasa batas ng midwifery law iyan, hindi natin puwede iyan palitan.

USEC. IGNACIO: Opo. May tanong lang po para sa inyo si JP Soriano ng GMA News: Estudyante po ang .3% na nag-positive, galing po ba ito sa ilang school? And sa contact tracing, paano po na-contain at hindi kumalat?

CHED CHAIR DE VERA: Mayroong Sistema. Kasi ang isang requirement para ikaw ay mag-limited face-to-face ay kailangan mayroon ka nang agreement with the local governments and part of this is the contact tracing system at the local level. So iyan ay ipinapaubaya natin iyan sa pagitan ng pamantasan at iyong kanilang local government unit. Kasi alam mo iyong marami dito sa mga pinayagang mag-face-to-face, ginawa ding vaccination center iyong kanilang mga eskuwelahan o facilities, so maganda ang kanilang relasyon sa local government units. Ang maganda doon napabakunahan din ang kanilang mga estudyante at kanilang mga guro.

Kaya’t bahagi doon sa monitoring system at the local level, iyong representative ng local governments. So iyong contact tracing ay doon mangyayari iyan sa local government level kapag sakaling mayroong magkakasakit na bata ‘no. At remember ito namang limited face-to-face ay ginagawa ito sa MGCQ areas at doon sa GCQ areas kung saan pinapadala ang mga estudyante sa COVID-19 hospitals. Ito naman ay hindi pangbuong Pilipinas o hindi pangkalahatan ito, doon lang sa mga lugar na relatively kontrolado natin ang COVID.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong oras, CHEd Chairperson Popoy De Vera. Stay safe po.

CHED CHAIR DE VERA: Magandang umaga din at mabuhay kayo.

USEC. IGNACIO: Salamat po.

Samantala, Pangulong Rodrigo Duterte at mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno nagbigay ng update sa COVID-19 response ng pamahalaan sa lingguhang Talk to the People. Ang detalye mula kay Mela Lesmoras. Mela…

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Mela Lesmoras.

403% – ganiyan na po ang tinatayang dami ng mga Persons Deprived of Liberty o PDLs na nananatili sa mga jail facilities sa buong bansa. Noon pa man po ay malaking problema na ang overpopulation sa ating mga kulungan pero mas pinatindi pa ang problemang iyan ng pandemyang COVID-19. Kumustahin po natin ang pinakahuling sitwasyon ng mga PDL at jail facilities sa buong kapuluan. Kasama po natin si Assistant Secretary Gabriel Chaclag, ang Deputy Director General ng Bureau of Corrections. Magandang umaga po, ASec.

BUCOR DDG CHACLAG: Magandang umaga Usec. Rocky at magandang umaga po sa mga tagasubaybay. Dito po sa Bureau of Corrections ay maliit po lamang iyong active cases natin ngayon. As of now we have 33 cases and that is considering the population of PDL which reaches 48,367; and personnel population na 4,065. So if you take the percentage, it’s [garbled] percent lamang po iyong ating may infection ng COVID.

And as of today, ang active cases nga natin ay 33 and ang isa lamang po na downside namin ay kahapon dalawa pong personnel namin ang nag-succumb sa COVID-19 – isa sa CIW and isa po dito sa New Bilibid Prison. But they are not involved in the protection of PDLs, sila po ay nasa administration functions.

At dito po sa mga side ng PDL natin ay kaunti lamang po at wala po silang patient na severe COVID condition, wala rin pong moderate – puro asymptomatic po sila. At ginagawa po natin [garbled] weekly ang ating rapid antigen test targeted po sa mga vulnerable populations ng PDL natin, including those who are confined at the hospitals. Weekly po iyong rapid antigen test at nagpapasalamat tayo, negative po palagi. During the past two consecutive weeks we have tested 263, wala pong nag-positive and then another 200 just last Friday at wala rin pong nag-positive sa rapid antigen.

So that is the intervention that we are doing here at New Bilibid Prison [garbled] prison camps across the country na under ng Bureau of Corrections. So ang pakiusap lang natin [garbled] ay gusto nating mapanatili itong numbers natin dito sa Bureau of Corrections at sana [garbled] ng ating mga kababayan kung gaano tayo kahigpit dito sa ating mga prison camps.

At sana sa mga stakeholders maintindihan nila na iyong ating mga ginagawa ay para din sa mga kapakanan ng ating personnel at mga PDL. At nakita naman po natin ang resulta ay mababa po ang COVID-19 cases sa mga prison camps ng BuCor despite ng mga congestion rates, congestion conditions na ating nararanasan.

So, Usec., iyon lamang po at kung may katanungan po kayo ay puwede po nating sagutin.

USEC. IGNACIO: Opo. ASec., sinabi ninyo nga na talagang mahigpit kayo ano po. Pero may [garbled] kayo na—or isinasama ninyo sa mga paghihigpit para hindi po makapasok sa kulungan iyong COVID, papaano po iyong measures ninyo dito sa mga jail guards na uwian sa kanilang mga pamilya o pati po doon sa mga dalaw ng PDL? Kasi ang hirap po niyan ay kung may mga mahawaan po na isa sa kanila mabilis nga pong kakalat kasi nga po alam naman po natin iyong sitwasyon sa selda. So, papaano po iyong proseso na ginagawa ninyong paghihigpit diyan?

ASEC. CHACLAG: Salamat, ma’am Usec. Rocky. Mayroon po tayong duty schemes na sinusunod and that is contextualized po [garbled] mga prison camps. Hindi po lahat ng duty schemes ay pare-parehas across the country pero dito po sa New Bilibid Prison ay mayroon po tayong rotation ng mga duty and two weeks duty, two weeks off po ang ating mga personnel.

Ibig sabihin, iyong team po na papasok sa loob ng kampo ay mag-ii-stay po sila nang two weeks sa loob and then iyong next naman po ay mag-u-undergo ng quarantine seven days before assuming another two weeks duty at— [signal cut]

USEC. IGNACIO: ASec.? Okay, babalikan po natin si ASec. Nawala siya sa ating linya.

Samantala, Senator Bong Go, naniniwalang malaki ang tulong ng agrikultura upang maisalba ang ekonomiya kaya naman muling nagbalik ang tanggapan ng Senador sa Nueva Ecija para maghatid ng tulong sa ating mga magsasaka doon.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Samantala, balikan po natin si ASec. Gabriel Chaclag. ASec.?

ASEC. CHACLAG: Hello, Usec! Nawala po, pasensiya po.

USEC. IGNACIO: Opo. Sige, go ahead at ituloy po natin iyong sinasabi natin na naputol po.

ASEC. CHACLAG: Ah, opo. I was referring to our duty schemes dito po sa mga prison camps. Makakaasa po kayo na bago po mag-duty sa loob ang mga personnel natin ay tested po sila ng rapid antigen test at sila po ay nag-quarantine na rin nang 7 days bago sila pumasok.

At iyong mga palabas naman na magpapahinga ay ganoon din po, magka-quarantine din po sila nang another seven days and then they will be tested before they’re allowed to go home to their families.

So, ganoon po iyong ating sistema for the longest time na ginagawa natin at parang very effective and iyon po ang sistema na nailatag ng ating directorate for health services at very confident tayo at very—nagpapasalamat tayo na effective nga itong ginagawa nila.

At dito nga po sa Bureau of Corrections ay manageable lahat ang ginagawa natin regarding COVID-19 cases.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir, kumustahin ko rin po iyong mga isolation facilities ninyo. Nasisiguro po bang talagang [garbled] iyong PDLs natin na posibleng naging carrier ng virus?

ASEC. CHACLAG: Salamat, Usec. Mayroon po tayong isolation area for PDL and that is what we call the ‘Site Harry.’ Sa ngayon ay anim lang po ang naka-isolate doon at mild to moderate symptoms lamang po ang nararamdaman nila.

Noong nakita natin po na tumataas din ang cases ng ating mga personnel, nag-set-up po tayo ng isolation area at tinawag po nating ‘Site Leo.’ At iyon po, ay mayroon po tayong about a dozen na isolated. At salamat naman at asymptomatic naman sila but they have tested positive sa rapid antigen test. So, until they will test negative then they will be allowed to go out of that facility.

At ang tulong po natin sa ating personnel at PDL na nagkaka-positive, nagkakaroon ng mild to moderate symptoms, ay binibigyan po natin ng vitamins and food supplements. So, iyon po iyong ang mga interventions at nakita naman natin na very effective iyong system ng ating directorate for health services.

USEC. IGNACIO: Opo. ASec., pero iyong sa usapang bakuna naman po, ilang PDLs at jail officers na po ng Bureau of Corrections facilities iyong nabakunahan na po?

ASEC. CHACLAG: Ma’am Rocky, ang latest na statistics natin dito ay iba-iba po sa prison camps. I will give you one example, CIW [Correctional Institution for Women] which is under ng local city health office ng Mandaluyong, na-vaccinate po ang 97% ng PDL.

So, out of 3,300 na PDL ay 97% ang fully vaccinated sa kanila at iyong the rest are waiting for second dose of vaccination. At ang personnel naman nila ay ganoon din po, 7% na lang po ang natira na hindi pa vaccinated.

At dito naman sa New Bilibid Prison ay almost 80% na rin po ang vaccinated na personnel pero wala pa pong vaccinated na PDL at nakalatag na rin po iyong programa sa mga PDL na susunod na sila sa ating vaccination program.

At hindi po tayo tumitigil sa ating paghanap ng mga vaccine sources at nakikipag-usap tayo sa local government ng Muntinlupa City and also with the DOH and the IATF for possible sources of vaccines for our PDLs.

At sa mga prison camps na located sa mga different localities like in Zamboanga ay very supportive ang City Health Office ng Zamboanga at marami na rin po na vaccinated PDLs. Ang inuna po nila ay mga senior citizens. At ganoon din po ang Davao; ganoon din po ang Sablayan; and Iwahig.

So, as of now, very active po iyong ating mga [unclear]. Later on siguro ay mabigyan po natin; in about two weeks ay gusto natin po na lahat ng almost 50% sana ng PDL ay mabigyan na rin ng first dose.

Iyon lamang po, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon at impormasyong ibinahagi, Deputy Director General Gabriel Chaclag ng BuCor. Mabuhay po kayo, ASec.!

ASEC. CHACLAG: Salamat po, ma’am at mabuhay po kayo!

USEC. IGNACIO: Samantala, dumako na tayo sa pinakahuling balita sa iba’t ibang lalawigan sa bansa. Sa Cordillera Region, target na mabakunahan ng Baguio City ang 95% ng kanilang populasyon laban sa COVID-19 para makamit ang herd immunity. May report si Jorton Campana.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Makibalita naman tayo sa pinakahuling kaganapan sa pagbabakuna sa Lungsod ng Davao. Magbabalita si Hanna Salcedo ng PTV-Davao. Hanna?

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat, Hanna Salcedo.

Sa Eastern Visayas naman, libreng hotel accommodation ang handog ng Office of the Civil Defense-Region VIII, bilang suporta sa pangangailangan ng healthcare workers sa rehiyon. Ang detalye, ibabalita ni John Aroa.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Salamat po sa ating partner agencies para sa suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.

At dito na po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Ako pong muli ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio. Ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

##


News and Information Bureau-Data Processing Center

 

Resource