Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location People’s Television Network (PTV), Quezon City

USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas. Isang oras na siksik sa talakayan na naman po ang ating pagsasamahan dito sa Public Briefing #LagingHandaPH, ako po si Usec. Rocky Ignacio mula sa PCOO.

Simula ngayong araw ng Huwebes, umiiral na po ang pilot implementation ng Alert Level System 4 with granular lockdown sa buong Metro Manila. Sa ilalim ng bagong polisiya, hindi muna pinapayagan ang operasyon ng mga establisyemento kabilang na po ang indoor sports venues, gyms, spas, social events gaya po ng concert, wedding reception, birthday parties at iba pa. Bawal din ang indoor entertainment venues tulad ng mga sinehan at mga venues with live performers. Hindi rin puwede ang indoor tourist [garbled] tulad ng museums, libraries at galleries.

Tigil operasyon din sa ilalim ng Alert Level 4 ang amusement parks, indoor recreational venues tulad po ng internet cafés, billiard halls, arcades at similar venues.

Maging ang meetings, conferences, exhibitions at staycation, indoor face to face classes, casinos, horse  racing, cockfighting, lottery at iba pa ay ipinagbabawal pa.

Pinapayagan naman po sa Alert Level 4 ang 30% al fresco o outdoor dining para sa mga bakunado at hindi pa bakunadong individuals, samantalang ten percent naman po sa indoor dine-in services pero sa mga nakatanggap na ng mga bakuna.

Ganito rin po ang patakaran sa personal care services gaya ng barbershops, nail spa, hair spa at salon, at pati na rin po sa religious services. Pinapayagan din ang necrological services, wakes, interment at funeral nguni’t limitado lamang sa immediate family members.

Samantala, simula na rin po ngayong araw ang pagpapatupad ng bagong curfew hours sa Metro Manila, ito ay mag-uumpisa alas diyes ng gabi hanggang alas kuwatro ng madaling araw.

Sa nalalapit pong 2022 national and local elections, kabi-kabila na po ang mga partido at kandidato na nagpapahayag ng kanilang intensyon na tumakbo sa halalan. Ilang araw na lang din ang natitira bago po magsara ang voter’s registration, kaya naman po ay makibalita tayo sa mga paghahandang ginagawa ng Commission on Elections para sa isang ligtas at maayos na halalan, makakasama po natin ngayong umaga si Comelec Commissioner Rowena Guanzon. Good morning po, Commissioner.

COMELEC COMMISSIONER GUANZON: Good morning, Usec. Salamat.

USEC. IGNACIO: Opo. Commissioner, unahin ko na po itong tanong ni Karen Villanda ng PTV: Ano raw po ang data when it comes to voter’s registration? At ano raw po ang assessment sa pagbubukas ng mga registration satellites sa mga mall?

COMELEC COMMISSIONER GUANZON: Sa ngayon po, mga 61 million na ang nakarehistro. Pero mayroon pa po tayong mga around 6.5 million na deactivated voters na puwede naman silang mag-reactivate through e-mail. Punta lang kayo sa Comelec website, lahat ng e-mail ng aming regional offices o election officer ninyo ay nandiyan.

Kung hindi po sila nakaboto ng dalawang sunud-sunod na eleksyon, deactivated na sila. Para mag-reactivate, hindi na kailangang pumunta sa Comelec office, mag-e-mail po kayo sa inyong election officer.

At ngayon po ang Comelec ay bukas hanggang alas siyete ng gabi, Monday to Friday at hanggang alas singko ng hapon, Saturday at lahat ng holidays. Nakikiusap po kami lalo na sa mga senior citizens, PWD at mga buntis na kung pumila po kayo, kailangang ipaalam ninyo na nandiyan kayo. Huwag po kayong mahiya, pumunta kayo sa courtesy or express lane dahil priority po kayo.

USEC. IGNACIO: Opo. Follow up pa rin po ni Karen Villanda: Papayag po ba ang en banc na i-extend pa ang registration hanggang Oktubre?

COMELEC COMMISSIONER GUANZON: Noong nakaraang linggo po ay napag-usapan iyan – ang majority, ayaw na po ng extension. Pero narinig ko kahapon na ang Senado ay may resolusyon; hindi na po ito mga [garbled] tao. Dati naman po, humingi iyong Speaker of the House ng extension ng filing ng candidacy noon, kay GMA.

[Garbled] Senate Resolution ito pero hindi pa namin napag-usapan ulit. Kumbaga, as of now, wala pong extension. Pero hindi pa po napag-usapan iyong Senate Resolution requesting for an extension up to October 30.

USEC. IGNACIO: Opo. Commissioner, bukod po sa paglipat ng venue sa Sofitel tent mula sa headquarters ninyo sa Intramuros, ano pa po ang paghahanda ng Comelec sa nalalapit na filing of candidacy by next month? May final guidelines na po ba na ipatutupad ang Comelec considering na tumataas pa rin po ang COVID cases sa Pilipinas.

COMELEC COMMISSIONER GUANZON: Iyong health protocols po ay hundred percent [garbled] kami diyan. Kaya nilalagay na lang namin sa Sofitel dahil iba ang entrance, iba iyong exit at saka malawak po ang lugar, at saka iyong social distancing ay mai-enforce.

Ngayon, bawat kandidato puwedeng magsama lang siya ng isa. Kasi nga po kapag marami ay mahirap na pong maghawaan at ang social distancing ay hindi na ma-enforce. So isa lang po ang allowed na companion. At mayroon po kaming test, antigen test, bago pumasok. Libre naman po iyan para sa kandidato pero para sa kasama nila ay kung puwede po magbayad sila kasi siyempre pera iyan ng gobyerno.

At saka doon sa Sofitel, buong araw nandoon na iyong mga directors, mga commissioners na puwedeng present will also be there. In fact, iyong mga directors diyan na baka diyan na matutulog para po maagang-maaga sila, nasa puwesto na sila.

USEC. IGNACIO: Opo. Sa ngayon po ba, Commissioner, ay napag-uusapan na kung paano po ang magiging manner ng pagboto by next year? Sa joint congressional hearing po kahapon ay nabanggit po iyong pagrenta ng additional vote counting machine para po mapababa ang ratio ng botante kada VCM. Pero nabanggit po ng Comelec na kulang nga po sa budget. Paano kung hindi po mapagbigyan ang dagdag na pondo, ano po ang iba pang paraan para hindi po maging siksikan ang mga presinto?

COMELEC COMMISSIONER GUANZON: Sa ngayon po, mayroon kaming iyong tinatawag na refurbishment ng mga vote counting machines. Ongoing nga iyan doon sa Sta. Rosa; nakita naman may mga pictures ang mga technicians. Iyong lumang vote counting machine ay pini-prepare at refurbished ano, iyong mga parts na hindi na gumagana o mahina na ay pinapalitan. Pero naka-bidding na rin kami, ang Comelec, ng karagdagang machines na rirentahan.

Ang objective po niyan, ang target niyan ay para [garbled] 700 voters bawat presinto. Kapag marami kang vote counting machines eh ‘di mas mababa ang number of voters sa bawat presinto. Kaya lang po, baka masyado nang [garbled] pati bidding schedule, baka hanggang dito na lang po ang Comelec – magiging 700 voters per precinct.

At may nagtanong tungkol sa brownout, mayroon naman pong back-up battery bawat VCM namin kaya huwag po kayong mag-alala. Iyong transmission naman ay [garbled] at kagaya ng dati, iyong transmission naman ay maganda ang success rate – more than 99% naman ang success rate. Kapag hindi naman kasi po makapag-transmit, kunyari nandoon kayo sa [garbled] ‘no, iyong mga schools, kapag hindi po makapag-transmit doon, sasama po lahat ng watchers, bababa po sila doon sa población at doon po ita-transmit. Kaya huwag po kayong mag-alala, hindi po sila makakadaya sa transmission.

USEC. IGNACIO: Opo. Commissioner, may tanong lang po si Aiko Miguel ng UNTV sa inyo ano po, babasahin ko na po: Papayagan daw po ba ng Comelec na bumoto ang mga COVID-19 positive? Magsi-set daw po ba ng isolation area para sa kanila? At ano po ang sinabi raw ng Department of Health kaugnay dito?

COMELEC COMM. GUANZON: Kagaya ng sa plebesito, mayroon kaming mga isolation place doon sa mga botante na may lagnat o kaya inuubo pero hindi po iyon ibig sabihin na COVID positive, baka po may sintomas lang. Siyempre po, ang IATF hindi papayag iyan na kapag may COVID po kayo, tested na may COVID kayo eh pupunta pa kayo at buboto? Maawa naman po kayo sa mga kapwa ninyo. Siyempre, mahirap po eh pero may tao talagang asymptomatic, iyon siguro ang ibig nilang sabihin, iyon pong may COVID sila, hindi nila alam dahil wala silang sintomas. Itong variant ngayon nagsisimula sa sore eyes, makita ang mata. Ang staff ko ganoon ang nangyari sa kaniya eh.

So, iyong mga ibang tao hindi nila alam na sintomas na iyan kaya kailangan po talaga iyong [garbled] ay mag-public information campaign din. So, iyong mga asymptomatic sila, hindi nila alam na may sintomas sila, pagdating nila doon sa botohan at may fever sila o kaya umuubo sila o kaya sinisipon sila, dadalhin po sila sa isolation polling place. Nandoon ang health workers, isa-swab sila doon at may ballot din sila doon. Iyon lang naman po ang ibig sabihin ng kung may COVID puwede pa ring bumoto. Eh, kung alam po nilang may COVID sila, huwag na po silang [pumunta at bumoto].

Iyon pong ibig sabihin noon, iyong mga asymptomatic ba na pumunta sila, buboto sila hindi nila alam na may COVID pala sila. May swabbing po doon sa isolation polling place.

At saka mayroon na pong form ngayon iyong COVID declaration. Bago po kayo makaboto mayroon po niyan, fi-fill-upan (fill-up) ninyo. Iyon po ang kaibahan ngayon, dumami na iyong papel. Kasi iyan ngayon, ifi-fill-up ninyo ngayon iyong COVID declaration form. Kaya mas maganda ho kung may sintomas kayo eh mag-declare kayo doon sa barangay ninyo para mapa-swab na kayo bago kayo mag-decide kung pupunta pa kayo sa presinto.

USEC. IGNACIO: Commissioner, nanawagan po ang NAMFREL sa COMELEC na huwag gawing chronological iyong ayos ng mga pangalan ng kandidato sa balota bagkus ay may assigned numbers ang bawat isa sa kanila na ibibigay bago pa ang kampanya dahil mas mabilis daw po itong matatandaan ng mga botante kaya magiging mabilis din ang proseso ng pagboto.

COMELEC COMM. GUANZON: Ang suggestion ko po sa NAMFREL, sumulat na po sila sa Commission en banc, sa Chair, at sa lahat ng commissioners, mayroon naman kaming kaniya-kaniyang email, para po ma-agenda na iyang suggestion nila. Maganda po iyong mungkahi nila. Iyong sa Party-list, nira-raffle talaga namin iyon by computer, electronic raffle iyan kaya iyong Party-list nakikita ninyo may numbers, hindi po iyong alphabetical. Kaya wala hong kuwenta iyan iyong magsisimula sila sa “A.” “Ang ganito”; “Ang ganiyan,” wala iyan kasi nira-raffle namin iyan. Maganda po ang mungkahi ng NAMFREL.

Kung ako buboto sa Commission en banc, pabor ako diyan pero kailangan po siyempre ay sumulat sila nang pormal at ipa-agenda nila sa Office of the Chairman o kaya sa Commission secretary namin, kay Atty. [unclear]. Mayroon naman pong email address ang chair at lahat ng commissioners. Gusto ko po iyan kasi para wala na pong advantage iyong mga letter “A.” Kagaya ko, ang layo naman ng apelyido ko, letter G.

USEC. IGNACIO: May tanong lang din po si Rose Novenario ng Hataw sa inyo, Commissioner: Sa pag-approve po ba daw ng certificate of candidacy or nomination ng isang kandidato sa Party-list, ikukonsidera po ba ang kaniyang criminal record lalo na may kasong kinakaharap involving moral turpitude like syndicated estafa?

COMELEC COMM. GUANZON: Mayroon po kasi kami doong forms sa party-list, iyong tinatawag na certificate of nomination. Pinipirmahan iyon ng presidente nila o kaya chair nila at mayroong certificate of candidacy iyong lahat ng nominees. Nakalagay doon that “I do not have the disqualifications under the law.” Eh, may naka-tick box, may check doon – “I’m a Filipino citizen;” “Natural-born;” ganiyan. So, kapag nandoon po at nagsinungaling sila, eh, naka-notaryo naman iyon, talagang may problema silang election offense diyan. Nakalagay po diyan, may mga tick box diyan eh.

Usually po, ang mangyayari eh iyong, alam mo, mahirap iyong mga taong ayaw sumunod sa batas eh. Iyong mga nagpa-file ng candidacy sa ganiyan eh puwede naman ninyong file-an ng cancellation o kaya disqualification sa rason na siya po ay convicted felon, convicted po. May isa kaming kaso niyan noon eh na convicted siya sa America tapos fugitive siya, bumalik siya ng Pilipinas tapos tumakbo siyang Mayor. Aba, nanalo pa! Ang kailangan po talaga bantayan ng taumbayan at mag-file po kayo. O, convicted po iyan, final judgment! Na-convict iyan ng Supreme Court? File-an iyan ng cancellation o kaya disqualification.

USEC. IGNACIO: Sunod pa rin pong tanong ni Rose Novenario ng Hataw: May info po ba ang COMELEC na isang Dexter Villamin na umano ay involved sa agriculture scam na may halos 10,000 OFW victims, allegedly, P3 billion investment involve, may tatlong warrant of arrest sa kasong syndicated estafa at ilan pang pending criminal complaints ay may petisyon sa COMELEC para maging party-list group nominee? At alam din daw po ba ng COMELEC na bumuo na ng task force ang DOJ for DV Boer scam complaints at may manhunt po ang PNP and NBI against the Villamins?

COMELEC COMM. GUANZON: Pending case po iyan. Napaka-recent lang, a few days ago lang may nag-file ng petition kaya hindi ko pupuwedeng i-discuss iyong kaso. Pero as presiding commissioner, sinabi ko sa kanila, nag-hearing ako, nag-hearing kami ni Commissioner Ferolino kasi nga sabi ko po napaka-importante naman ng ground na ito. So, hinearing (hearing) po namin iyon sila.

Ang taumbayan po, any registered voter naman ay puwede naman pong mag-petition ng cancellation ng party-list kung gusto nila pero ang [ino-oppose] lang nila itong si Villamin. So, dalawa po ang magpa-file ngayon ng information sheet ng kanilang party-list or kanilang certificate of nomination.

Kasi may representative na po sila ngayon eh, may congressman silang nakaupo diyan, so, ibig sabihin, tatakbo uli sila itong eleksyon na ito, hindi ba? Pero sabi ko nga, within the party iyan. Dapat sila ang mag-settle niyan sana na kung gusto nilang tanggalin iyong isa eh ayusin nila iyong general assembly nila ayon sa kanilang by laws.

Eh, wala naman po akong natatanggap galing sa DOJ na any information. So, kung ganoon naman po, the DOJ can always send it to my office as the presiding commissioner. Puwede naman po nilang i-email at we will verify kung nandiyan rin iyong email nila.

USEC. IGNACIO: Opo. Kami po ay nagpapasalamat, Commissioner, sa inyong pagpapaunlak sa amin.

Nakapanayam po natin si COMELEC Commissioner Rowena Guanzon. Mabuhay po kayo at stay safe po, Commissioner.

COMELEC COMM. GUANZON: Salamat, Usec. at salamat din kay Secretary Andanar. Magandang umaga po sa inyong lahat.

USEC. IGNACIO: Salamat po.

Kahapon nga po ay sinimulan ng Mababang Kapulungan ang imbestigasyon naman dito sa ‘di-umano ay overpriced medical supplies na binili ng DOH sa panahon ng pandemya. Ilang personalidad ang sumalang dito kasama na po ang dating PS-DBM Director at ngayon ay Deputy Ombudsman Warren Rex Liong.

Para po pag-usapan ang naging takbo ng motu propio inquiry na iyan, makakasama po natin si Representative Mike Aglipay ang chairperson ng House Committee on Good Governance.

[COMMERCIAL BREAK]

USEC. IGNACIO: Nagbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH. Makakasama po natin si Representative Mike Aglipay, ang Chairperson po ng House Committee on Good Government and Public Accountability. Magandang umaga po, Congressman Aglipay. Paumanhin po sa nangyari kanina.

REP. AGLIPAY: Magandang umaga po.

USEC. IGNACIO: Congressman, lumutang po sa unang pagdinig na ginawa po ng Kamara dito sa paggamit ng pondo ng DOH for COVID-19 response ay wala naman pong sinasabi ang COA na pagmamalabis sa bahagi ng DOH at ng maging ng Budget Department tungkol sa pagbili ng PPEs. Tama po ba ang pagkakaunawa namin, Congressman?

REP. AGLIPAY: Opo. Sabi ng COA, walang overpricing na nangyari po.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero gaano po kalaki ang impact ng statement na ito ng COA sa mga isyung nagsusulputan at idinidikit sa DOH at sa DBM?

REP. AGLIPAY: Sa aking palagay iyong tungkol sa overpricing, medyo nasagot na at saka iyong tungkol po sa si Senator Bong Go ay nag-impluwensiya doon sa mga desisyon ay nasagot na po rin.

Doon naman tayo pupunta sa other questions po, iyong financial and technical capability ng Pharmally. Pero lahat po po, kaya iyon ang agad na tinanong ko kay Deputy Ombudsman Warren Liong, iyan agad ang tinanong kong dalawa overpricing at saka iyong impluwensiya ng mga matataas na tao. Iyon ang importante sa akin, kaya next hearing po, iyong mga other issues ita-tackle po natin.

USEC. IGNACIO: Opo. Congressman, sa naging presentation nga po ni Deputy Ombudsman Liong sa Komite, nalinawan ba ang mga mambabatas dito sa naging proseso ng procurement ng nasabing mga PPEs? Tingin ninyo ay ayon naman po sa Bayanihan Law ang ginawang pagbili nitong Procurement Service ng DBM dito?

REP. AGLIPAY: In general kasi, ang nasusunod kasi iyong law, in this case iyong Bayanihan I na may exemption na huwag ng kailangang dumaan sa bidding at exempted sa lahat ng proseso. Pero magtatanong pa ako sa GPBB, kasi naglabas sila ng mga circular 01-2020 na magsu-supervise kung paano mag-purchase. So sisilipin natin iyon sa Lunes po.

So, so far po, okay na iyan, pero hindi ko pa natatanong itong GPBB ng madaming tanong eh, so tingnan po natin iyan sa Lunes.

USEC. IGNACIO: Opo. Congressman, tatahakin din ba ng inyong komite, ito pong isyu ng Pharmally at ang kaugnayan nito kay Ginoong Michael Yang ba gaya po ng ginagawang pagbusisi ngayon ng Senado tungkol dito?

REP. AGLIPAY: Alam mo, USec. Rocky, diyan ako nalulungkot. In fact, dapat hindi naman kasama sa hearing iyang tungkol sa drug link ni Michael Yang sa hearing kahapon, hindi dapat kasama. Pero minabuti ko na isama sa other matters, kasi ang expectation ko dati na focus lang ng Senate Blue Ribbon is iyong DBM, may kung kalokohan, DOH kung may kalokohan and kung tama iyong pag-purchase ng mga supplies ang equipment. Iyon lang ang tingin ko dapat, i-focus nila.

In fact, dapat hindi lamang mag-investigate dahil may tinatawag ng inter-parliamentary courtesy na hindi ka dapat makigulo sa mga trabaho ng co-equal chamber, pero nakita ko na medyo biased – hindi lang medyo, biased talaga iyong kabilang chamber. So, I started my own hearing. As the Chairman I initiated a motu proprio hearing of the House Blue Ribbon Committee.

USEC. IGNACIO: Opo. Iyan nga po, bilang ang komite po ninyo ang bersyon ng Blue Ribbon ng Senado. So paano po ninyo matatalakay o tatalakayin iyong isyung ito at maipapakita po sa taumbayan ang ginawa ng DOH sa DBM dito po sa paggastos ng COVID-19 response fund ng pamahalaan?

REP. AGLIPAY: Alam mo, Ma’am, para sa taumbayan tayo na gusto nating every peso spent wisely.

Totoo na na P27.70 ang binili sa Pharmally at totoong iyong EMS ay presyong P13.00. Pero noong panahon na iyon, noong April, ang Pharmally lang ang may kayang mag-deliver noong April, May. So siya ang pinili, kasi iyong EMS tinanong ko kahapon point blank, yes or no, “Kaya mo bang mag-deliver ng P13.00 noong month ng April 2020?” Sabi ng may-ari, ni Mr. Ferrer, “no”.

So, iba-iba a0ng presyo po. Fluid po ang presyo po araw-araw, linggo-linggo, base sa demand and supply. Kung mataas ang supply, mababa iyong supply, may shortage po, which is sabi ni   Secretary Galvez, iyon po ay nangyayari noong panahon na iyon. Kasi under din pala sa kanya noong first three months iyong DBM-PS para mabilis, under kay Sec. Galvez.

USEC. IGNACIO: Opo. Congressman, ano po ang aasahan pa sa mga sa susunod na pagdinig at kailan po ito gagawin?

REP. AGLIPAY: Ang maaasahan po ng taumbayan na hindi tayo biased. Actually, before you, kinuwestiyon ako ni Ted Failon na baka ako lang ay spokesperson at mouthpiece ng Duterte administration – para po tayo sa bayan.

In fact, galit na galit sa akin si Pangulo noong February 2021 ng ako ay nag-lead ng investigation sa loan ng mga Lopezes. Sabi nila, tuta daw ako ng mga Lopez and anti-Duterte daw ako. So, maraming mga [garbled] sa Facebook, sa social media. Pero ngayon naman, baligtad naman, pro-Duterte naman ako.

So, I am not anything. I am not anti-government. I am not pro-government. I am pro-Filipino. Sa gitna lang po tayo, patas po ang mai-expect ng taumbayan. Ang hearing po ay sa Lunes, 11:00 o’clock po.

USEC. IGNACIO: Opo. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon at pagpapaunlak sa aming paanyaya, Representative Mike Aglipay ng Diwa Partylist at pinuno po ng House Committee on Good Government ang Public Accountability. Salamat po, Congressman.

REP. AGLIPAY: Salamat po, USec. Rocky. Magandang umaga po.

USEC. IGNACIO: Samantala, habang patuloy ang pamahalaan sa pagsugpo sa COVID-19, hindi rin ito tumitigil na hanapin at puksain ang mga sangkot sa illegal na droga. Kaya po ang PDEA, ang hiling ay dagdag na P648 million para sa kanilang operasyon sa susunod na taon. Naniniwala naman si Senator Go na mahalaga ang gampanin ng ahensiya, kaya full support siya sa hinihinging budget. Panoorin po natin ito:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Inilunsad ng Anti-Red Tape Authority nito lamang pong Hulyo ang tinatawag na Philippine Good Regulatory Principles. Isa itong hakbangin para po mapuksa ang korapsiyon at mabagal na mga proseso sa pamahalaan. At para po himayin ang programang iyan, makakasama natin muli sa programa si Secretary Jeremiah Belgica ng ARTA. Magandang umaga po at welcome back, Secretary.

SEC. JEREMIAH BELGICA: Magandang umaga sa iyo, Usec. Rocky at sa lahat ng ating mga tagapakinig at tagapanood. I hope everybody [inaudible].

USEC. IGNACIO: Kamakailan po ay inilunsad ng Anti-Red Tape Authority ang Philippine Good Regulatory Principles o PGRP.   Sa kabuuan, ano po ang PGRP at ano po ang layunin nito?

SEC. JEREMIAH BELGICA: Salamat, Usec. Rocky. Tama po ‘no, ang Philippine Good Regulatory Principles ay ito po ang kauna-unahang ating mga pamantayang prinsipyo. Ito ang sinasabi nating mga code, ang ten commandments na kung saan ang mga regulatory agencies at ang mga regulators, maaari nilang ilinya, to align their policies sa kanilang pamamalakad o regulate para naman (garbled). Ito ay, Usec. Rocky, isa sa aming kinonsider ang mga fixed na na mga principles ng ASEAN at pati na rin ng OECD o iyong Organization for Economic Cooperation and Development. It’s an international organization that promotes good regulatory practices all over the world. So very proud tayo dito, kasi (garbled) ang puntos na ito (garbled) pati ng mga policy makers.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero paano po natin ito maipatutupad sa mga ahensiya ng gobyerno? At paano po natin masusukat iyong pagsunod ng mga ahensiya ng gobyerno sa mga prinsipyong nakasaad dito?

SEC. JEREMIAH BELGICA: Salamat, Use. Rocky. Marami nang naka-line up sa darating na mga araw na rollout scheme at medyo ang gagawin natin dito ay comprehensive, hindi lang mga government agencies, binanggit natin pero pati sa ibang mga sangay at sector ng ating lipunan. Ang universities, pati ang mga law school ay ating isasama, pati ang mga public governance. Ito ang mga nagtuturo pagdating sa mga teorya ng pamamahala ay kasama rin natin. Kasama rin ang mga private sector, business sector, para alam din nila. (Garbled) sa ating mga kasamahan sa gobyerno na mayroon na palang principles talaga na dapat tayong sumunod pagdating sa regulatory principle.

Ngayon sa mga national government agencies, local government units ay tuluy-tuloy ang ating rollout natin dito sa pamamagitan ng mga webinars at mga trainings na gagawin at idadaan natin ito sa ating mga [garbled] Anti Red Tape. Kinakailangan gawin ng mga government agency. Noong last year pa natin ito ay itinutulak. Marami na rin sa ating mga ahensiya ang mayroon na ring committee on Anti-Rep Tape na kung saan siya ang magsisiguro na ang kani-kanilang mga agency ay ini-implement at susunod sa ating good Regulatory Principles.

USEC. IGNACIO: Secretary, babalikan po namin kayo, aayusin lang po namin ang linya ng aming komunikasyon sa inyo. Magbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH.

[COMMERCIAL BREAK]

USEC. IGNACIO: Muling nagbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH.  Kasama pa rin po natin si ARTA Secretary Jeremiah Belgica.

Sir, may mga ahensiya po ng gobyerno na humaharap po sa samu’t saring problema sa kani-kanilang mga proseso. Kagaya na lamang po ng PhilHealth na umano’y natatagalan sa pagbabayad ng claims ng mga ospital partikular po iyong mga nagsilbi ngayong pandemya? So, paano po makakatulong dito ang Philippine Good Regulatory Principles?

SEC. JEREMIAH BELGICA: Salamat, Usec. Rocky sa nabanggit mong PhilHealth, talagang napakalaking hamon talaga sa ahensiya iyong mga kinakailangang pagbabago and I will tell you why ‘no. Kasi last year maalala natin na sila ay naimbestigahan naman ng COA at ng ibang mga ahensiya pa, accountability agencies, dahil doon sa kanilang mga disbursement na ginagawa naman doon sa mga questionable naman daw na mabilis na pagbabayad. At this time naman ay sila naman ay nagiging masusi at masyadong maingat sa kanilang pag-aaral ng mga kailangang bayaran at tumatagal naman. So, they are actually in a gridlock, kaya kinakailangan talaga ng tulong at assistance na ito, hindi lang from the executive branch, ganoon na rin sa ating legislature.

That having been said, malaking bagay itong Good Regulatory Principles dahil ilan ho dito sa nakasaad sa principles dito iyong katulad noong public consultation at pagkuha ng mga inputs mula sa pribadong sektor.

Sa mga pribadong sektor ay kinakailangan talagang mas paigtingin at maayos at saka iyong tinatawag na pagtanggal ng mga paulit-ulit na mga requirements. Ang isa sa mga nakita namin, USec. Rocky, sa sistema ng PhilHealth at challenged talaga sila sa IT situation nila kaya tayo ay tumulong din at ang DICT pumasok na rin diyan.

Pero, iyong kanilang medical pre-payment review na kadalasan ay nagkakaroon ng redundancy naman kasi nire-review na rin ng mga espesyalista itong mga hospital bago sila mag-request ng reimbursement sa Phil health. Pero, ire-review ulit ng mga doktor sa PhilHealth.

So, ang aming rekomendasyon dito ay huwag na lang ulit-ulitin, bayaran na lang muna and then mag-post audit na lang dito dahil talagang otherwise talagang titirik at matutuyo iyong financial supply ng mga hospital. So, the principle doon sa ating PCRP na tinatawag ay malaki ang maitutulong kung susundin ito ng mga ahensiya katulad ng PhilHealth.

USEC. IGNACIO: Opo. Kaugnay nito, Secretary, nagpatawag ang anti-red tape o ARTA ng meeting kasama po ang Philippine Insurance Corporation o PhilHealth tungkol sa naitala nitong umano’y pagbabayad ng COVID-19 claims sa mga hospital. Ano po ang naging action ng ARTA sa isyu na ito at ano po iyong mga nakita at rekomendasyon ng ARTA sa PhilHealth?

SEC. JEREMIAH BELGICA: Una, ang ating naging aksyon diyan siyempre pinatawag natin iyong mga stake holders, iyong mga hospitals, iyong mga Philippine Hospital Association at sumama rin tayo sa ilang pagdinig sa Lower House patungkol dito at tayo din ay nag-conduct ng ating mga meeting and hearing kasama naman ang PhilHealth and nag-create pa tayo ngayon, USec. Rocky, ng support team, support group na kasama ang ARTA, DITC, at DOH.

Ang HTAC at ang FDA gayun na rin inimbita rin ang COA as a resource, para magbigay ng suporta, para mapabilis at malabas na rin po ang mga kinakailangang bayaran. Ang isa sa nakita namin diyan is iyong kanilang medical pre-payment review ay ito ay tumatagal at humahaba kung kaya ang aming recommendation ay gawin na lang post ang kanilang pag-i-evaluate diyan at ibig sabihin bayaran muna nila and then they could continue on the evaluation kung may medical diagnosis.

Kailangan na lang sigurong i-submit muna ng mga hospital is iyong kanilang documentary requirements; and then second, iyong isa sa mga ating itinutulak kasama ng PhilHealth is iyong application noong DCPM o iyong Debit Credit Payment Method sa lahat ng mga areas ng ating bansa. Kasi sa ngayon iyong DCPM, ibig sabihin nito iyong proseso na 60% agad binabayaran ng PhilHealth at iyong 40% ay wini-withhold nila doon lamang sa iilan at selected na mga areas.

So, tumulong din tayo and we also supported iyong request din nila sa IATF para masuportahan ang mas malawakang application ng DCPM, ng tayo ay—with the rate that we are going we could see na malapit ng maresolba ang malaking chunk ng mga issues na ito. We could see in the next few days or even next week siguro may mga changes na dito.

USEC. IGNACIO: Secretary, bukod dito nga nakipagpulong din nga yata sa mother agency ng PhilHealth, ang Department of Health ano po, tungkol dito naman sa distribution ng Special Risk Allowance o SRA sa mga health workers. Bakit inirerekomenda po daw ng ARTA na ibigay ang nasabing benepisyo sa lahat ng health workers na nagtrabaho ngayong may pandemya?

SEC. JEREMIAH BELGICA: Opo. Tama po iyan USec. Rocky, ito po ay bunga na rin ng aming tuloy-tuloy din na hearing at pakikipag-usap. Iniimbitahan po natin itong health workers organizations at iba-ibang pong mga private sectors, gayundin po iniimbitahan din po natin ang ating mga kasamahan sa DOH at DBM at ipinaliwanag naman iyong isyu na bagama’t humigpit ang ini-extend ang effectivity ng Bayanihan 2 ay hindi naman dinagdagan iyong pondo na P13.5B na tinatawag.

Kaya sa aming mga—patuloy pa rin ang aming mga meetings and hearings sa kanila, nakita namin na ang isa sa mga mahalagang ma-consider is huwag na natin sigurong isipin sino ba ang nag-duty sa COVID ward, sino ba ang hindi nag-duty.

Kasi basta health workers ka at andoon ka sa mga hospital at risk ka niya automatically at ito din ay dumadagdag din siguro sa isang procedural layer na kung saan kinakailangan suriin mo pa kung sino iyong nag-duty o hindi kung saan.

Pero alam natin na basta nandoon siya sa hospital, sa pintuan pa lang iyong mga pasyente at risk na iyon ating mga frontliners diyan. So, mas malaking buti kung ito ay ia-adopt across the board sa lahat ng ating mga health workers itong tinatawag special risk allowance. Kasi lahat nga naman sila at risk ‘no so dapat lang siguro ng bigyan sila allowance on this.

USEC. IGNACIO: Opo. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon, ARTA Secretary Jeremiah Belgica. Mabuhay po kayo, Secretary.

SEC. JEREMIAH BELGICA: Salamat ho. Mabuhay kayo and stay safe, USec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Salamat po. Hindi ho tumitigil ang mga ahensiya na matulungan ang ating mga kababayan na muling makabangon mula sa pandemya. Ang DOLE po ay may hakbang para isulong ang employment recovery sa gitna ng laban natin kontra COVID-19. Iyon po ang pag-uusapan natin kasama si DOLE Assistant Secretary Dominique Tutay. Magandang umaga po ASec. Welcome back po sa Laging Handa.

ASEC. DOMINIQUE TUTAY: Good morning po, USec. Rocky, at sa lahat po ng mga nakikinig.

USEC. IGNACIO: Opo. Isa po sa isinusulong ng binuong National Employment Recovery Strategy o iyong NERS Task Force ay ang 1 million jobs program para sa taong ito. Pakibahagi naman po ang layunin nito at kumusta po ang status sa pagro-roll out ng nasabing programa?

ASEC. DOMINIQUE TUTAY: Tama po USec. Rocky, ang atin pong NERS Task Force sa pamumuno po ni Secretary Moy Lopez, Secretary Bebot Bello, at Secretary Sid Lapena po ay nagkaroon po ng proyekto with the Employers’ Confederation of the Philippines para tayo po ay makapagdagdag ng isang million na trabaho for 2021. layunin po ng programang ito na makapag-hire o makapag recruit po tayo ng mga manggagawa para ma-fill-upan [fill-up] po iyong ating mga vacancies sa construction sector at saka po sa manufacturing sector, kabilang din po ang sector ng information technology and business process outsourcing.

USEC. IGNACIO: Opo. ASec., sa inyo pong pananaw, may epekto ba sa pagro-roll out ng one million jobs program ito pong mga ipinatutupad na mahihigpit na community quarantine sa ilang bahagi ng bansa, kabilang na po ang NCR at ano po iyong mga hakbang na ginagawa ng NERS Task Force para naman po masiguro na makakamit talaga ito pong layunin ng nasabing programa sa nalalabing buwan ng taong kasalukuyan po?

ASEC. DOMINIQUE TUTAY: Opo. USec.  Rocky, kung pagbabasehan po natin iyong quarterly labor force survey po na ginagawa po ng Philippine Statistic Authority, malaki po talaga iyong impact ng ating mga lockdowns o mga ECQ dahil po ang NCR po lalung-lalo na lagi po siyang nandoon sa bottom 3 pagdating po doon sa employment rate sa kabuuan po. So, consistent po iyan at alam naman po natin na ang NCR po ay isa sa mga sentro ng ekonomiya po natin sa ating bansa.

Ang mga hakbang po na ginagawa po natin ngayon maganda po iyong ia-adopt po na decision na granular lockdown na lamang po para hindi po buong rehiyon o buong Metro Manila po ang ating ma-lockdown at mayroon na pong mag-o-open na mga industriya dahil po dito sa decision ng IATF na granular lockdown lang naman po. Iba pong mga hakbang na ginagawa po natin ngayon is of course ongoing po ang ating vaccination roll out para po doon sa mga po sa construction sector at sa manufacturing sector.

And then lately po, nagkaroon din po tayo ng pagpupulong sa SSS at saka po sa Pag-IBIG dahil iyon pong ating mga job seekers na nire-recruit po ng ating mga kumpanya at industriya po ay nahihirapan po sila dito po sa mga tinatawag na preemployment documentary requirements.

So, nagkaroon na po tayo ng kaugnayan o pag-uugnay sa SSS at sa Pag-IBIG po together with the Employers’ Confederation of the Philippines para ma-resolve po natin ang isyu ng requirement for employment po ng ating mga job seekers at iyong atin pong mga manggagawa.

USEC. IGNACIO: Asec., sa inyo pong datos, saan-saang sector po na mayroon tayong inaasahang mga local employment opportunities na maaari pong aplayan ng ating mga kababayang manggagawa sa taong ito?

ASEC. DOMINIQUE TUTAY: Oo. Usec. Rocky, napakalakas po ngayon ang ating construction sector at alam naman po natin na binubuhos po talaga ang pondo dito para sa mga Build, Build, Build projects.

So, base po doon sa July labor force survey, iyon pong mga sector or industriya na mayroon pong net employment generation of 100,000 or more, nangunguna po diyan iyong construction at pumapangalawa po diyan iyong administrative support and service activities.

Pangatlo po, iyong professional scientific and technical activities and finally po iyong ating mga manufacturing sector. So, nararapat lamang po talaga na suportahan po natin ang mga kumpanya na nabibilang sa mga ganitong sector dahil sila po iyong mas maraming trabaho na nalilikha po sa ating ekonomiya.

USEC. IGNACIO: Opo. ASec., bahagi din po ng 1 million jobs program itong pagbabakuna ng ating manggagawa mula sa sector ng manufacturing. So, ilan po ba ang inaasahan natin na mababakunahan na mga manggagawa sa ilalim po nito at may mga requirements po ba na dapat isumite ang mga nagnanais mapasama sa bakunahan at hanggang kailan po natin isasagawa ito sa mga nasabing sector?

ASEC. DOMINIQUE TUTAY: Opo. Usec. Rocky, we already have a kick-off of the vaccination program for the 1 million job projects sa construction and manufacturing noong nakaraang Miyerkules po at talagang ang ating Kalihim Bebot Bello ay nagpapasalamat po kay Secretary Galvez at saka kay Secretary Duque, dahil tayo po ay napagbigyan ng 452,000 vaccines para po sa ating mga manggagawa para po sa proyekto na ito.

Bukas po mayroon din po tayong bakunahan for the construction and manufacturing. Ito po ay gagawin po sa UST at sa susunod na linggo po, September 24 ay mayroon po tayong simultaneous vaccination for our workers po sa Bataan, sa Cebu at saka po sa Dumaguete and September 23 po next week din po ‘yan sa Bulacan naman po. 

So, ito po ay mga paunang salvo po ng ating vaccination program under the NERS and ECOP 1 million jobs project. Iyon pong sa mga requirements, wala pong requirements, kasi ang mga HR po ng mga companies natin ang nagsa-submit po ng kanilang mga listahan ng mga manggagawa at kailangan po nila na mag-register din po online doon po sa ating local government units. 

Ang maganda po dito sa ginagawa po natin, Usec. Rocky, ay hindi po naa-absent iyong ating mga manggagawa dahil coordinated po siya sa mga kumpanya kahit sila po ay nasa vaccination sites at wala po sila sa kanilang work site on that day ay bayad po ang kanilang serbisyo. Kaya mas malinaw po na ganito ang pakikipag-ugnayan natin with the private sector dahil nalaman po namin na iyong iba pong manggagawa po natin, kaya hindi rin po sila makapila halimbawa sa mga local government unit, kasi nga, kung maghapon kang pipila doon sa vaccination site, wala ka po sa iyong work place at wala ka rin pong income. So, with this program po, we ensure that iyong income po ng ating mga manggagawa ay hindi po nababawasan.

USEC. IGNACIO: Opo. ASec., bukod nga po sa sector ng manufacturing at ng construction, tinitingnan din po ba ng NERS Task Force ang pagbabakuna ngayong taon sa iba pang mga sektor?

ASEC. DOMINIQUE TUTAY: Hindi ko masyadong nakuha iyong question Usec.?

USEC. IGNACIO: Opo. Bukod po dito sa sector ng manufacturing at ng construction, so ito po bang NERS Task Force sa pagbabakuna ngayon ito or may iba pa kayong mga sinisilip o tinitignan na sektor na maaaring maisama dito?

ASEC. DOMINIQUE TUTAY: Opo. Isinasama na nga natin ngayon Usec., iyon pong nasa supply chain po ng ating construction and manufacturing and then mayroon na pong request coming from the micro, small and medium enterprises. So, ito po ay isusunod po natin sa ating mga succeeding vaccination programs po.

USEC. IGNACIO: Opo. ASec. Tutay, maraming salamat po sa inyong panahon, ang Department of Labor and Employment Assistant Secretary Dominique Tutay. Salamat po.

Bago po tayo magpaalam ay binabati po namin ang butihing ina ni John Aroa – ito po iyong kasamahan namin na taga PTV Cebu – ng maligayang kaarawan. Happy 52nd Birthday po, Mama Bebe Desuyo Aroa! Enjoy po kayo. At mga kababayan 100 days na lang po at Pasko na.

Sa patuloy po na disiplina, pakikiisa sa mga ipinatutupad na health protocols sa pagbabakuna, nawa’y sama-sama po nating maipagdiriwang ang panahon ng Kapaskuhan.

Sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ako po si Usec. Rocky Ignacio. Magkita-kita po uli tayo bukas dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

 

###

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)