USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas. Ako po si Usec. Rocky Ignacio, ngayong araw ng Huwebes, huling araw ng Setyembre, usaping turismo at tulong para sa manggagawang tinamaan ng COVID-19 ang sentro ng ating talakayan. Bukod diyan, kukumustahin din natin ang ipinatutupad na limited seating capacity sa mga simbahan pati na rin po ang sitwasyon sa mga kumbento at semenaryo na may hawahan ngayon ng virus. Kaya tutok lang po kayo dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.
Una sa lahat, benepisyo para sa mga healthcare workers at pagkakaroon ng vaccine at health passport para sa mga bakunado ang ilan lamang sa mga panukalang batas na isinusulong ngayon ni Senator Bong Go. Bilang co-author, aniya, pareho itong makatutulong sa laban natin kontra COVID-19. Narito ang report:
[VTR]
USEC. IGNACIO: Kasabay po nang unti-unting pagluwag ng restriction sa ilang bahagi ng bansa ay ang tiyansa ng sektor ng turismo na makabawi muli. Dito nga sa Metro Manila, sa Alert Level 4, ay pinapayagan na po ang pagbiyahe sa ilang mga lugar na nasa GCQ at MGCQ, paano pa kaya kung ibaba ito sa Alert Level 3 bukas, ating alamin po ang sentimiyento diyan ng Department of Tourism, Secretary Bernadette Romulo-Puyat. Welcome back, Secretary.
DOT SEC. PUYAT: Hi! Magandang, magandang umaga, Usec. Rocky at magandang, magandang umaga sa lahat ng nanunood sa’yo ngayon.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, huling araw ng ipinatutupad na Alert Level 4 sa Metro Manila, so far kumusta po ang assessment ninyo pagdating sa tourism sector; masasabi po ba natin kahit paano ay nakakabawi naman po sila sa kita sa ganitong sistema?
DOT SEC. PUYAT: Oo, at least, Usec. Rocky, ang maganda sa Alert Level 4 kumpara noong nagka-ECQ at MECQ tayo, puwede na iyong leisure travel. Kasi dati bawal mag-travel iyong galing NCR sa mga iba’t ibang tourist destinations na tumatanggap ng mga turista. Bagama’t may age restriction, at least puwede na. At least kahit papaano may pumupunta na sa Boracay, sa Siargao.
Pero kami naman siyempre sa Department of Tourism, palagi namin talagang pinu-push na sana walang age restriction. Kasi ‘di ba ang pamilyang Pilipino, ‘di ba we travel as a family. Pero of course, nakikinig naman tayo sa gabay ng ating mga doktor. So iyon lang talaga, ang maganda talaga ay at least puwede na ang travel at puwede na rin iyong dine-in kahit na sa mga hotels.
Kasi gaya ng sinabi namin noong IATF, sa lahat nang nagtatrabaho sa mga hotel ay bakunado na – 99% bakunado na. So at least puwede na iyong mga gustong mag-dine in sa mga hotel or sa mga DOT-accredited restaurants, puwede na as long as they’re vaccinated kasi iyong aming mismong iyong nagtatrabaho sa hotel o DOT-accredited restaurants ay bakunado na.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero Secretary, kumustahin natin iyong compliance ng mga tourism establishment na nagbukas na po.
DOT SEC. PUYAT: So far dito sa Metro Manila, sumusunod lahat. Ang kagandahan po sa mga hotel at iyong mga DOT-accredited restaurants, masakit kasi kapag nasasara ‘di ba or pinapasara; so talaga mismo kasi nag-iingat at siyempre gusto rin naman nilang protektahan ang kanilang mga manggagawa. So, so far, okay, walang reklamo.
Alam mo naman, Usec. Rocky, kapag may lumalabag, naku, sa social media pa lang ay maririnig mo na iyan. Pero we are proud to say nag-i-spot check kami, lahat sumusunod.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Secretary Berna, maingat pa rin o talagang naghihigpit pa rin kayo sa mga—may mga nai-report po bang paglabag naman sa protocol at doon sa itinakdang guidelines ng IATF? Sabi ninyo nga po ay mukhang sumusunod naman lahat. Pero kayo po ba ay patuloy pa ring naghihigpit?
DOT SEC. PUYAT: Yes, kailangan talaga eh. Kasi kung hindi tayo maghigpit at palusutin natin iyong mga lumalabag, baka tumaas na naman iyong mga kaso at baka i-stop na naman nila iyong tourism. Ayaw nating masabi na dahil sa turismo ay tumataas iyong mga kaso. So, so far, noong nag-Alert Level 4, sumusunod naman lahat. Pero tsini-check din namin iyong [unclear]—
USEC. IGNACIO: Secretary, pero kung ang tatanungin—
DOT SEC. PUYAT: Ano po?
USEC. IGNACIO: Secretary, pasensiya na po, mukhang [garbled] kung kayo po ang tatanungin, pabor po ba kayo na i-extend pa itong Alert Level 4 sa Metro Manila? Regarding po ito sa proposal na increase-an daw po [garbled] from 10% to [garbled]. Has it already been approved by the IATF? What do you think is [garbled] effect on restaurants, mga tourist areas po?
DOT SEC. PUYAT: Oo. Usec. Rocky, iyong meeting namin sa IATF is still this afternoon. Pero kami naman sa Department of Tourism, we always naman act na kung mas marami sana, kunwari iyong dine-in ten percent, kung puwedeng mas marami. Bakit? Kasi gaya ng sinabi ko, fully vaccinated na iyong mga nagtatrabaho sa hotel at mga DOT-accredited restaurants. Iyon lang naman ang mga pangamba dati ng mga doktor. Ang importante ay bakunado ang lahat, at ang tinatanggap lang rin naman ay fully vaccinated.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, pero halimbawang by October ay bumaba nga tayo sa Alert Level 3 o mas mababa pang alert level, handa po ba tayo dito lalo siyempre dadami rin po iyong papayagang makapamasyal; at paano po masisiguro ng Department of Tourism na hindi maging sanhi ito para bumalik sa kritikal na sitwasyon ang National Capital Region.
DOT SEC. PUYAT: Oo, tuluy-tuloy naman iyan eh kahit na, let’s say, dati ‘di ba pinapayagan na iyong travel from NCR na kahit na walang age restriction, tuluy-tuloy naman … very strict po at we are also closely coordinating with the LGU kasi sila naman po ang nag-i-implement. Gaya noong kahapon lamang, may nagreklamo sa akin na gusto daw niyang mag-Boracay pero hindi raw siya pinayagan kasi galing siya sa isang MECQ area. So ganoon talaga eh, naiintindihan din naman ng mga tourism destinations natin na kailangan din nilang maghigpit at sumunod.
Kagaya ng sinabi mo, matagal na namang maraming beses na pinayagan na kahit na no age restriction mag-travel. Proud to say, kahit na magtanong ka let’s say sa Boracay or even sa Baguio or iba’t-ibang tourist destinations, hindi nanggagaling sa turismo ang pagtaas ng kaso. Bakit? Usually, all the LGUs hinihingan talaga ng negative RT-PCR. Alam mo ba, Usec. Rocky, kasi ito ay ayon talaga sa mga LGUs kahit na sinabi na ng IATF na puwedeng tumanggap kung fully vaccinated, marami sa mga LGUs na gusto pa rin kahit na bakunado ay may negative RT-PCR?
But connected to this, kasi alam namin napakamahal ng RT-PCR test, tuluy-tuloy pa rin iyong aming subsidy. Mayroon kami with PCMC, ang subsidy na ibinibgay ng Department of Tourism through the TPB (Tourism Promotions Board), ang RT-PCR swab ay P750 lamang at ang resulta comes out in 24 hours. Tuluy-tuloy pa rin itong subsidy namin. Normally kasi ang pinakamura mong makukuhang RT-PCR swab, iyong gold standard ay P3,000 per person. Ito P750 per person.
But siyempre, mas gusto nga namin na mas less ang restriction pero nirerespeto namin ang mga LGUs. Pero kagaya ng sinabi ko, like kami sa Department of Tourism, tuluy-tuloy namin talaga na we make sure na iyong mga hotels, iyong mga resorts or even Mabuhay accommodations ay sumusunod talaga. Marami kaming mga spots at hindi sumusunod, agad-agad may notice to explain kami [na binibigay] at – sana huwag naman – ay ipinapasara namin.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero sina-suggest ninyo rin ba, Secretary na palawakin na iyong bagong policy shift na ito sa iba pang rehiyon? Mas magbe-benefit ba ang turismo sa sistemang ito?
DOT SEC. PUYAT: The shift towards the new Alert Level System ay pilot testing pa lamang dito sa NCR. Pero siyempre kung [maging] successful, gusto natin ito sa buong Pilipinas. Kami, confident kami kasi ang maganda dito kahit nasa Alert Level 4 kahit papaano puwede ang dine-in; puwede iyong Intramuros, pumunta sa Intramuros; sa outdoor tourist attraction. So, we will find out siyempre sa mga eksperto kung puwede sana iyong policy shift palawakin ito sa buong Pilipinas.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary Berna, ilang porsiyento po ng revenue ng tourist areas come from dine-in sa mga restaurants?
DOT SEC. PUYAT: Mahirap iyan sabihin kahit na dine-in or al fresco kasi siyempre ang turista kapag pumupunta sa isang lugar, hindi lang naman pupunta iyan sa hotel hindi ba, pumupunta iyan sa iba’t-bang restaurants. The heart of the tourist is experience eh, so importante iyong talagang lahat. Hindi ba kapag pumunta ang isang turista sa isang lugar?
Dito naman sa Metro Manila, siyempre kapag kunwari pinag-uusapan ang dine-in sa mga hotel, maliit actually ang dine-in eh kasi syempre iyong mas kikita sila sa staycation pero bawal pa sa Alert Level 4. Pero kapag kausap natin ang hotel industry at least bukas na ang hotel kaysa sarado. Mas gusto nilang bukas kasi alam nilang kapag bukas unti-unti na iyang magbubukas ang mga hotels natin at even iyong DOT-accredited restaurants.
USEC. IGNACIO: Secretary Berna, may budget allocation po kaya ang Department of Tourism for testing subsidy for next year? Kung mayroon man po, magkano po kaya ito kung sakali?
DOT SEC. PUYAT: Hindi ko masasabi kasi ito ay ayon kung ano iyong budget namin pero right now ongoing naman. We’ve been having the, iyong subsidy with the PCMC (Philippine Children’s Medical Center), may subsidy tayo since December ongoing na iyan. Pero maaasahan ninyo hanggang may budget ay tuluy-tuloy kami magsa-subsidize ng RT-PCR swab.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, may ilang mga main tourist destinations pa rin po ang hindi pa rin pinayagan ng kanilang LGUs na magbukas. So, ano po ba ang paliwanag nila sa inyo tungkol dito at paano ninyo sila kinukumbinsi na i-operate na, bigyan na po ng go signal ang kanilang tourism industry?
DOT SEC. PUYAT: Oo. Ang ginagawa po namin tulad ng Camiguin. Humingi lang naman si Governor Romualdo na sana bakunado na iyong lahat ng kaniyang tourism workers at nagpadala na po ng bakuna. Mayroon siyang hininging for 4,000 workers para mabakunahan. As of now, iyon ang hinihingi ng ating mga tourist destination.
Kagaya noong isang buwan pumunta tayo sa Puerto Princesa, El Nido, Coron at San Vicente iyon lang naman ang hinihingi nila. Kaya masaya kami like kagaya sa El Nido, nagbakuna na kami ng ating mga tourism workers, finally, magbubukas na sila November 15. Although ngayon bukas na sa point-to-point pero November 15 magbubukas na.
Ang hinihingi ngayon talaga lahat ay ma-vaccinate ang kanilang mga tourism workers at iyon naman ay ating ginagawa. Kaya nagpapasalamat kami kay Sec. Galvez at kay Sec. Vince Dizon dahil kahit na hindi priority iyong aming mga tourist destinations ay nagbibigay sila ng allocation sa lahat ng ating mga tourist destinations para sa bakuna.
USEC. IGNACIO: Opo. Sa bahagi naman po ng tourism workforce, Secretary, ilan na po ang bakunado at ano po ang efforts na ginagawa para talagang fully vaccinated na ang malaking bilang po ng mga manggagawa sa inyong sektor?
DOT SEC. PUYAT: Sa NCR, kapag pag-uusapan ang mga hotel, 99% bakunado na, iyong mga hindi nagpabakuna iyong either buntis or may health reasons. Pero iyon sila work-from-home sila. Lahat ng DOT-accredited restaurants 99% na ring bakunado pero kung isasama mo iyong mga tour operators, mga tour guides, 97% bakunado na.
Pero kung pag-uusapan mo ang buong Pilipinas, ang bakunado ay 53%. Pero let’s say ang Baguio 100% vaccinated na; sa Coron alam ko 100% vaccinated na rin sila; sa Cebu, noong nandiyan kami last Friday, 50% vaccinated na iyong mga tourism workers; sa Bohol, 70%. Pero hindi kami titigil, Usec. Rocky, na hindi 100% bakunado ang lahat ng tourism workers bago mag-Pasko.
USEC. IGNACIO: Opo. Iyon na nga po, bago mag-Pasko. Secretary, our local tourism by December mas marami na kayang local destinations na puwedeng puntahan ng ating mga kababayan?
DOT SEC. PUYAT: Hopefully papayag na iyong mga iba’t-ibang LGUs na magbukas sila for tourism. Kami naman sa Department of Tourism dahil mandate naman namin iyong mga accommodation, iyong hotel kung saan titira iyong mga turista, we will make sure na compliant at siyempre we need to work with the LGUs.
Pero sayang. Sana talagang kung bakunado na lahat at ang ia-accept rin naman nila ay fully vaccinated or negative sa RT-PCR ay tuluy-tuloy na po ito, ang turismo. Hindi na, Usec. Rocky, iyong magbubukas tapos magsasara. Sana tuluy-tuloy na ito kasi hindi kagaya last year na wala pang bakuna. At least ngayon may bakuna na at we are actively vaccinating lahat ng tourism workers.
By the way, Usec. Rocky, baka akala kasi ng mga nanonood sa iyo na when we talk about kapag vina-vaccinate natin iyong ating mga workers baka akala nila iyong mga nagtatrabaho lang sa hotel. Kagaya ng let’s say sa Boracay, lahat ng nakikita ng mga turista ipinabakuna namin kagaya ng mga nagbebenta sa [unclear] or mga [unclear], iyong mga pedicab driver. Lahat po iyan ay binakunahan, hindi lang iyong sa hotel.
USEC. IGNACIO: Kami ay nagpapasalamat sa inyong impormasyon at pagpapaunlak sa aming imbitasyon sa inyo, Secretary Bernadette Romulo-Puyat ng Department of Tourism. Sana po, Secretary, magtuluy-tuloy na ang sigla ng turismo sa ating bansa.
Mabuhay po kayo, Secretary Berna Puyat!
Samantala, narito naman po ang pinakahuling datos ng COVID-19 cases sa bansa base sa report ng Department of Health.
As of September 29, 2021 Umakyat na sa 2,535,732 ang total number of confirmed cases ng Pilipinas matapos itong madagdagan ng 12,805 cases kahapon. 186 naman po ang nadagdag na nasawi kaya umabot na sa 38,164 ang total COVID-19 deaths. Patuloy din po ang mga kababayan nating gumagaling sa sakit na umakyat na sa 2,365,229 matapos itong madagdagan ng 12,236 new recoveries. Kumpara po noong nakaraang linggo, pababa po ang active cases natin na sa kasalukuyan ay nasa 132,339; [garbled] percent po ‘yan ng kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa bansa.
Alamin naman po natin ang detalye kaugnay sa naitatalang COVID-19 outbreak sa ilang mga seminaryo, kumbento at ampunan [garbled] ang umiiral na 10 at 30 percent capacity sa mga religious gatherings ngayong nasa Alert Level System ang National Capital Region, makakasama po natin si CPCP Public Affairs Committee Executive Secretary Father Jerome Secillano. Good morning po, Father.
Babalikan po natin si Father [garbled]…
Samantala, tuluy-tuloy po ang pagpapaabot ng tulong ni Senator Go sa mga biktima ng sunog saan mang dako ng bansa. Kamakailan mga pamilyang natupok ang bahay sa San Carlos City, Negros Occidental ang tinungo ng kanyang team upang mamahagi ng ayuda. Ang mga ahensiya ng pamahalaan nagbigay din ng assistance sa mga nasunugan. Narito po ang report:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Samantala, balikan na po natin si Father Jerome Secillano. Good morning po, Father.
FR. SECILLANO: Good morning po, Usec.
USEC. IGNACIO: Opo. [Garbled] kumusta na po ngayon ang sitwasyon ng ating mga pari, madre at staff po na tinamaan ng COVID-19 sa mga pasilidad ng simbahan; ilan pa po ‘yung nananatiling active cases?
FR. SECILLANO: Well wala po tayong eksakto talaga ano na bilang po nito kasi alam ninyo iyong mga tinamaan naman nito ay bahagi ng mga religious communities – may mga madre po, may mga pari, mayroon ding mga seminarista – so sila po talaga iyong mayroong statistics ano. Pero sa lumalabas na mga ulat mayroong mga nasawi pero mayroon naman na on road to recovery. At of course pinagdadasal natin at umaasa tayo na hindi na nga ito madadagdagan pa, iyong mga na-infect at saka hindi na rin madagdagan iyong mga nasawi.
USEC. IGNACIO: Opo. Father, hanggang ngayon po ba may mga seminaryo, kumbento o ampunan na pinatatakbo po [garbled] ang naka-lockdown pa rin; at kung mayroon man po, ano po ‘yung tulong o suporta ang ipinaaabot natin sa mga naapektuhan?
FR. SECILLANO: Well ka-clarify ko po ano. Mayroon pa hong mga seminaryo katulad po ng San Jose Seminary diyan po sa loob ng Ateneo at mayroon din naman na Home for Retired Priests sa SVD po ito dito rin sa Quezon City, sa E. Rodriguez; mayroon din naman po na kumbento ng mga madre RVM [Religious of the Virgin Mary]nauna na po ‘yung Carmelite Sisters diyan po sa Batangas. So sila naman po ay may level of autonomy at iyong kanilang congregation po talaga ang nangangalaga ano sa mga seminarista, sa mga pari, sa mga madre.
Kung tulong naman po ang pag-uusapan, uulitin ko po dahil may level of autonomy, ang talagang gumagastos diyan, ang talagang nagpu-provide ng mga caregiver ay iyong kanilang religious congregation. Ang sinisigurado lang po dito ng CBCP ay lahat po ng mga simbahan, lahat ng mga diocese, kasama na rin iyong mga religious organizations ay magku-comply ano sa IATF protocols o resolutions na pinatutupad tuwing end of the month o maybe two weeks after. So ‘yan naman po ang ia-assure namin sa publiko.
USEC. IGNACIO: Opo. Father, natukoy na po ba kung ano ‘yung posibleng sanhi ng hawahan sa mga lugar na ito; at kung natukoy po, may mga hakbang [garbled] ang CBCP para po maiwasan iyong ganitong mga outbreak?
FR. SECILLANO: Well uulitin ko po ano. Ang talagang may control po sa kanila ay iyon pong mga religious congregation, so ‘yun pong kanilang mga superior dito ang talagang nagpapatupad nito pong mga protocols.
Ang papel po dito ng CBCP ay i-remind lang iyong mga religious congregations, iyong mga parokya, iyong diocese na mag-comply tayo sa IATF protocols. Iyon pong implementation niyan ay pinauubaya doon sa mga superior.
Halimbawa po ‘yung mga madre na pinag-uusapan natin kanina, may superior din po ‘yan so sila po ang kumbaga ang dapat na mag-implement, hindi po ‘yung CBCP; kasi ang CBCP po conference ‘yan, nagmi-meeting lang naman po ‘yan January at saka July and then mga in between. Ang concern po niya ay hindi ‘yung mga specific na mga problema ng mga religious. So sa ganito pong usapin na may mga infection, uulitin ko po, ‘yung superior nila, congregation ang mayroon pong ano diyan, makaka—kung may desisyon na kung anong gagawin nila.
So kung tulong po ang pag-uusapan dito, well basically, ang ginagawa po dito ng mga simbahan is, number one [garbled] them; and number two, to remind them of adherence to the protocols; and number three, dahil mayroon naman din po tayong mga hospitals, kinakailangan dalhin ng hospitals, dito po pumapasok ano ‘yung linkages.
Halimbawa, sa Archdiocese of Manila, mayroong Cardinal Santos Hospital; sa iba pa pong mga diocese mayroon din namang hospitals. So ‘yung mga religious congregation, they can easily contact ano the personnel in this hospital na may link doon sa archdiocese [garbled] para kung sakali man na kailangan nang maospital [garbled] mga pasyente ay dadalhin din po nila. So ‘yun ang nakikita kong konkretong tulong na puwedeng ibigay ng network ng simbahan.
USEC. IGNACIO: Opo. Hindi naman po maitatanggi, Father, na usually ang ating mga pari at mga madre po ay vaccinated ano po. Ang mga lingkod po ba ng simbahan ay vaccinated na rin against COVID-19 para po maiiwas sila sa severe effect po ng infection?
FR. SECILLANO: Iyan po ang naging panuntunan ng CBCP. If you recall, last January during their plenary assembly ang naging stand po nila ay i-endorse nga po itong pagpapabakuna at nananatili naman po iyan na standard policy na pati po iyong mga staff ng iba’t ibang Diocese, ng iba’t ibang parokya ay makapagpabakuna. At pinipilit nga din po namin na talagang i-prioritize din, lalung-lalo na iyong mga may comorbidities sa hanay ng mga pari, sa hanay ng mga staff, para hindi po sila makompromiso. And we are happy to note that this coming October ay bubuksan na po sa lahat ito pong pagpapabakuna, kasama na rin iyong mga bata at iyong general population. So, kami po sa simbahan ay patuloy na nag-i-encourage na huwag po tayong matakot dito sa pagpapabakuna, dahil kailangan po natin ito para maprotektahan ang ating sarili at para maprotektahan din po natin iyong ibang tao.
USEC. IGNACIO: Opo. Father, dalawang linggo po ang nakalipas ay pinayagan muli ang religious gathering sa Metro Manila sa ilalim alert level 4. Paano po ninyo tinitiyak na nasusunod po ang limited seating capacity sa mga simbahan lalo na itong 10% na allowed sa loob po basta bakunado?
FR. SECILLANO: Sa akin pong obserbasyon, kung mayroon mang institusyon na talagang tumutupad dito sa mga protocol ay simbahan. At kayo din po, for example sa media, siguro naman sa mga iniuulat ay nabalitaan na sana ninyo na sa mga nagsisimba ay mayroong na-infect. Sa amin pong pagkakalam sa mga nagsisimba, mismo wala naman tayong nabalitaan talagang na-infect ano. Kung may nabalitaan man tayong na-infect sa hanay ng simbahan, iyon na nga binanggit natin sa mga kumbento at maaaring sa mga kumbento, dahil may mga caregivers din iyan at siguro may mga staff din na lumalabas at baka naman iyon ang nagdala ng infection o nagdala ng virus sa loob.
Pero dito po nakikita natin ngayon na kung 10% na pumasok ng simbahan, mayroon po kaming mga ushers at saka mayroon din po kaming mga markings na sa mga upuan na puwede na din lang talagang paupuin iyong mga nagsisimba. At papasukin iyong mga bakunado na na dapat magsimba – 10% po iyan. And then, kapag sa labas naman po, dito sa level 4, sinisigurado namin na kung 30% ang allowed, eh di 30% po.
So sa makatuwid, kami po sa simbahan, ayaw namin na mag-contribute sa problema, kaya sinisigurado po namin, based on these strategies that we are also having na hindi nga po talaga mai-infect iyong mga nagsisimba, dahil alam po natin ang kaseryosohan nitong problemang ito. At kapag ang isang institusyon katulad ng simbahan ay hindi nag-cooperate, malamang sa malamang mas lalala pa po ang sitwasyon natin. That is why, we assure the public that when you go to churches, so we are doing everything in order to ensure your safety and of course to prevent the spread of the virus.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero Father, base po sa monitoring ng CBCP, may mga naitala po ba kayong super-spreader events dahil sa religious gatherings?
FR. SECILLANO: Wala po, iyon nga po iyong binanggit ko po kanina. Laman po sa media report ninyo, sa araw-araw na pag-a-update natin, wala naman po tayong nababalita. At re-reiterate ko iyong mga nabalitaan lang natin sa mga kumbento. So, this is not in anyway, related with public gatherings. Kapag sinabi natin mga kumbento, diyan po nakatira iyong mga madre, diyan nakatira iyong mga retired priest, mga active priest. Dito po tinamaan. Kapag sinabi nating semenaryo, iyon mga seminarista, diyan po sila nakatira. Ito po iyong mga tinamaan.
So, hindi po ito iyong tipong nagmisa kami na may mga tao and then all of a sudden, nabalitaan natin na may infected na doon sa mga nagsimba. So, so far po, thanks be to God, wala naman. Kung babalikan lang din natin iyong mga nakalipas na mga events, malalaking event dito, halimbawa po iyong Quiapo festivities last January, well, we were actually expecting na baka may mai-infect diyan, baka ma-spread ang virus, kasi nag dami-dami talagang dumagsa sa Quiapo. But again, we noted that there was no untoward incident regarding the spread of the virus. So nagpasalamat kami doon.
At ngayon naman po, babalikan pa natin last 2020, noong December, na-allow din po tayo na mag-accommodate ng mga tao, ito po iyong Simbang Gabi, ang dami din pong nagsisimba. And then, we also noted na wala namang na-infect dito, wala namang napabalita, wala naman ding nag-report sa amin. So, tinitingnan namin na iyong mga tao nagko-cooperate. Kapag sinabi ng simbahan na mag-face mask tayo, naka-face shield tayo, dapat ay panatilihin natin iyong physical distancing, mukha namang nagko-comply.
But of course we do not want everybody to take chances, nandodoon pa rin iyong aming panawagan na talagang ibayong ingat ang gagawin natin kung ano iyong mga dapat natin pong gawin katulad ng paghugas ng kamay, physical distancing, tapos pagsusuot ng mask, pati ng face shield, pinapatupad pa rin po namin iyon.
USEC. IGNACIO: Father ano po ang inaasahan ninyo sa desisyon ng IATF para sa darating na [Oktubre]? Kayo po ba ay nagbigay na ng mungkahi kung maaaring pataasin pa ang kapasidad ng mga nakakapasok sa simbahan?
FR. SECILLANO: Well, ito po iyong nakakatuwa po diyan ano. Kahit naman po magbigay kami ng mungkahi na pataasin na iyong bilang ng mga puwedeng pumasok ng simbahan ay hindi naman din po yata nadi-discuss ano. Kaya ang lumalabas po nito, kami sa simbahan ay naghihintay lang kung ano po ang magiging desisyon ng IATF. Alam ko po previously ano, may mga nagpahayag na sana ay ibukas nga totally iyong simbahan o kung hindi naman ay at least taasan man lang iyong bilang ng puwedeng pumasok sa simbahan. Pero sa kahuli-hulihan, it’s the IATF that makes a decision and we are left merely complying with the IATF resolution.
At kami naman po, gusto natin ditong iparating sa taumbayan na much as we would like the people really to enter churches, but because of the nature of this virus that is so unpredictable, so we don’t also people to take the risk. Kaya sa kahuli-hulihan, kung ano po ang naging desisyon ng mga eksperto. So we presume na iyong miyembro ng IATF, mga experts iyan eh sumusunod po kami, eh kami po ay mga taong simbahan, eh hindi po namin talaga expertise ano, I mean ang nature ng sakit, iyong extent, kumbaga strength nito, kaya [kami] po ay ang anumang advise ng IATF na ipinararating po sa amin, so it’s our responsibility and maybe obligation is really to implement that.
USEC. IGNACIO: Father, basahin ko lang po ang tanong ng kasamahan natin sa media na si Evelyn Quiroz ng Pilipino Mirror: Radio Veritas recently launched ‘One Godly Vote.’ Critics of the church say that ‘One Godly Vote’ is heading towards endorsement of candidates in the 2022 elections? What can you say about those allegations?
FR. SECILLANO: Well, on the contrary iyan pong pagla-launch ng one godly vote, number one is civic duty. Number two, we want to inform the public about the issues that affect the whole Filipinos and the whole country and then number three, iyong tinatawag naming evangelization of politics. We want to evangelize politics. Meaning to say, we want to put Christ at the center of politics, iyan lang po ang layunin namin, wala po kaming i-endorso na mga kandidato, that is not in the nature of Catholic Church.
In fact, when ‘One Godly Vote’ was launched, ang isa po dito sa klinaro namin, ito pong program na ito o di kaya campaign na ito will not focus on personalities, but actually, it will dwell more on the issues that affects the country and the Filipinos as well. So ganoon po ka-objective ito pong aming, kumbaga ay ni-launched na ‘One Godly Vote’. At ang framework po na gagamitin namin, of course iyong Catholic Social Teachings, naka-focus po iyan doon sa prinsipyo ng human dignity and then iyong solidarity and subsidiarily and of course iyon pong human rights. So, iyan po kumbaga ang gusto naming puntuhan dito.
Huwag po sanang masamain ng publiko, kasi, unang-una, ang Simbahan po ay may karapatan naman ano, na mangaral lalung-lalo na sa publiko at ito pong trabahong ito, [garbled] ng Simbahan ay ginagampanan lang po namin. But again, let me reiterate, it’s not about endorsing any politician but it’s merely about discussing issues and evangelizing the [garbled] of politics.
USEC. IGNACIO: Father, kami po ay nagpapasalamat sa inyong oras. Father Jerome Secillano, mula po sa CBCP Public Affairs Committee, ipanalangin din po namin na mabilis na recovery ng inyong mga kasamahan sa Simbahan. Stay safe po, salamat po Father.
FR. SECILLANO: Maraming salamat po USec.
USEC. IGNACIO: Ano nga ba ang tulong na maaring asahan ng mga manggagawa sakaling magkasakit sa trabaho ngayong pandemya? Kaugnay po diyan muli nating makakasama sa programa si Employees’ Compensation Commission Executive Director Stella Zipagan Banawis. Welcome po, welcome back po.
ECC DIR. BANAWIS: Magandang tanghali USec. Rocky, at magandang tanghali po sa lahat ng nakikinig at nanunuod po sa inyong programa.
USEC. IGNACIO: Opo. Director, pakibahagi naman po kung ano po ang kahalagahan sa mga manggagawa nitong pagiging work-related disease ng COVID-19; anu-ano rin po ang mga benepisyong makukuha nila mula sa ECC program na mga positibo sa COVID-19 ng dahil sa trabaho sa pamamagitan po ng mga administering agencies ng ECC?
ECC DIR. BANAWIS: Noon pong May of this year, USec. Rocky, ay naglabas nga po ng board resolution ang EC Commission na ang COVID-19 ay isa na sa mga nasa listahan na work-related compensable diseases ng Employees’ Compensation program.
So, dahil dito iyong pag-evaluate ng mga application for EC Benefits sa ating three agencies na SSS at GSIS ay naging mas madali na po iyong mga requirements at ang pag-evaluate ay mas madali na rin po para sa mga evaluators sa pamamagitan ng makapagpa-evaluate doon sa mga minimal documentary requirements para makakuha ng EC benefit dahil po sa COVID-19.
Ang mga benepisyo na ito, USec. Rocky, ay kasama din po iyong ating tinatawag na EC sickness benefit, iyong ating EC medical reimbursement at saka EC death and funeral benefits. I-emphasize ko rin, USec. Rocky, na ito ay over and above what can be also applied for from SSS and GSIS. Kasi ito pong mga benefits na nakukuha sa mga ahensiya na ito. Ang mga miyembro po ng ating EC ay iyon pong mandatory members ng SSS at saka GSIS.
USEC. IGNACIO: Opo, iyon nga po. Sino-sino lang po daw ang sakop ng inyong programa or iyong tinatawag nating covered members ng ECC? Pasok rin po ba sa coverage ng inyong programa ang mga job orders or iyong contractual employees sa government sector at ang mga self-employed member ng SSS?
ECC DIR. BANAWIS: Salamat po sa tanong na iyan. Sabi ko nga po USec., lahat ng mandatory members ng SSS at GSIS, kasama na po iyong mga uniformed personnel ng ating Armed Forces of the Philippines, PNP, PCG, etc ay covered po ng Employees Compensation Program.
Iyon naman pong mga contractual workers and job orders sa government, alam po natin na mayroon programa ang SSS na hinihikayat po itong ating mga JO’s and contractual workers na mag-apply o mag-enroll as self-employed workers under SSS and ang ECC po ay naglabas din ng bagong polisiya starting noong September 2020, lahat po ng self-employed members ng SSS ay covered na rin po under the EC Program.
Makakuha po sila ng EC Benefits basta nakapagbayad po sila ng kahit isang buwan lang po na contributions under the EC Program po.
USEC. IGNACIO: Opo. Kaugnay po ng mga nabanggit ninyong mga benepisyo. Ano po ang mga requirements para makakuha nitong mga compensation at saan [garbled]?
ECC DIR. BANAWIS: Doon po sa SSS and GSIS ang mga basic requirements po na kailangang i-submit ng ating aplikante for EC benefits ay siyempre iyong mga forms na nada-download naman po sa SSS, GSIS and ECC websites tapos iyon pong certificate of employment galing sa employer na nakasaad po iyong last day na present or pumasok sa opisina iyong ating worker bago niya na-acquire o nakakuha noong positive na result ng kanyang RT-PCR ‘no; at saka siyempre iyong copy noong RT-PCR.
Ina-allow na rin po namin USec., iyong Antigen test basta mayroong naka-attach na medical certificate from a doctor na na-COVID talaga iyong worker at na-inform na rin po iyong SSS at saka GSIS na puwede na po iyong ganoong klaseng result ng test for COVID-19 at saka siyempre iyong required din na mga ID copies ng ID, iyon po iyong mga basic requirements natin sa SSS and GSIS po.
USEC. IGNACIO: Director, iba pa po ba iyong EC cash assistance na ipinagkakaloob ng inyong tanggapan sa mga benepisyong maaring makuha naman mula sa SSS at GSIS? Kung ito po ay karagdagang pang benepisyo, papaano naman po makakapag-avail nito kapag nagkaroon po ng work related COVID-19 ang isang empleyado?
ECC DIR. BANAWIS: Tayo USec. Rocky, no. Iyon pong tinatawag nating cash assistance na ina-apply naman sa mga opisina ng ECC dito sa Makati at sa mga regional offices po namin ay top-up po na benepisyo doon sa binigay or na-approved na EC benefits sa SSS and GSIS.
Ito po ay nagkakahalaga ng P10,000 pagka-nagkaroon ng COVID, gaano man ka-severe or asymptomatic man iyong naging sakit niya na COVID-19 at P15,000 naman po pagka namatay, mapupunta po sa pamilya niya. So, ang mga requirements naman po dito ay iyong proof na na-approve iyong EC Benefit niya sa SSS at GSIS po ang pinaka-basic requirements para po makakuha noong cash assistance sa ECC na po iyon ina-apply.
USEC. IGNACIO: Opo. Director, kailangan po ba talaga work related bago makakuha ng mga nasabing compensation? Paano naman po mapapatunayan na sa trabaho nakakuha o nahawa ang isang empleyado ng COVID-19?
ECC DIR. BANAWIS: Ang mandato po kasi ng Employees Compensation Commission ay magbigay talaga ng compensation sa mga work related injuries, sickness or death. So, kailangan po pagka nag-release tayo ng mga benepisyo, kailangan i-evaluate mabuti na work related po talaga po ito.
So, paano po ito nalalaman, iyong na-mention ko po kanina USec., na requirements na certificate of employment coming from the employer, indicating iyong last day of presence in the office bago naka-contract ng COVID-19.
So, iyon po ay bine-verify doon sa date naman ng isa-submit din na result noong RT-PCR positive result niya. So, doon po nalalaman ng ating mga medical evaluators kung nakuha talaga sa opisina or work related po iyong kanyang COVID-19.
USEC. IGNACIO: Opo., Director, kasama po ba, kasama rin po ba sa mga nasabing benepisyo ang mga empleyadong naka-work from home na magkakaroon ng COVID-19?
ECC DIR. BANAWIS: Ang nailabas po namin polisiya na related doon sa work from home USec., ay iyon lang mga injuries or death na nangyari sa bahay o sa residence kung saan nagwo-work from home na dahil doon sa kanyang pagta-trabaho sa bahay.
Hindi po kasama iyong illness or disease doon sa aming bagong polisiya. Pero, inaaral po ito kung puwedeng maisama iyong COVID-19 na nakuha sa bahay as work related. Inaaral pa lang po ito USec., pero right now hindi pa po siya kasama.
USEC. IGNACIO: Opo. Director, ano naman po ang hakbang na ginagawa ng ECC para mas mapabilis po iyong pagtanggap ng mga nasabing compensation; ano po ba ang average sa processing time bago po matanggap ng isang empleyado ang kanyang cash aid?
ECC DIR. BANAWIS: Thank you for that question Usec., kasi may bago po kaming balita para sa lahat. By March 11 po ay ibabalik na po namin iyong cash assistance online system para lahat po ng mag-a-apply ng cash assistance ay puwede nang gawin thru that online system. Right now po kasi, ang aming system ng pagtatanggap ay thru drop boxes and thru courier no.
So, with the cash assistance online system ay mapapagaan po iyong pag-a-apply ng ating mga workers para sa cash assistance dito sa ECC. Aside from that ay nabawasan na rin po iyong mga requirements, basta maipakita lang po nila iyong proof na naaprub na iyong kanilang EC benefits for COVID from SSS and GSIS ay sapat na iyon as a basic document para po ma-process iyong kaniyang cash assistance.
Doon naman po sa SSS and GSIS, as early as last year po, March or April pa lang ay mayroon na pong directive ang EC Commission sa systems na i-expedite lahat ng mga COVID-19 related EC benefits application at ini-streamline na rin po nila iyong mga requirements.
Noon po ang isa sa mga requirements for EC benefits ay iyong tinatawag nating logbook or record na nagkasakit or na-injure iyong worker pero naalis na po iyong requirement na iyon. So, mga basic requirements na lang po iyong hinihingi din ng SSS at saka GSIS po.
USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong impormasyon, Executive Director Stella Zipagan Banawis ng Employees Compensation Commission. Mabuhay po kayo, Director.
ECC DIR. BANAWIS: Maraming salamat po, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Para naman po sa pinakahuling pangyayari sa mga lalawigan sa bansa, puntahan naman natin si Czarina Lusuegro, mula po sa PBS-Radyo Pilipinas.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Czarina Lusuegro ng PBS-Radyo Pilipinas.
Dumako naman po tayo sa Cordillera Region, ang ating kasamahan na si Eddie Carta.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: At iyan po ang mga talakayang tampok namin ngayong araw.
Mga kababayan 86 days na lamang po at Pasko na!
Ako po si Usec. Rocky Ignacio at magkita-kita po uli tayo bukas dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.
###
—
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)