USEC. IGNACIO: Magandang umaga Pilipinas, tuloy-tuloy po ang paghahatid namin ng mga balita at impormasyon sa gitna pa rin po ng laban natin kontra COVID-19. Ngayong Sabado muli nating makakasama ang mga kinatawan ng ilang ahensiya ng pamahalaan na handang magbigay linaw sa tanong ng taong bayan.
Ako po si USec., Rocky Ignacio, at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.
Una sa ating balita: Sen. Bong Go, kinilala ang kabayanihan ng mga frontliners sa pagsagip at pagprotekta sa buhay ng mga Pilipino laban sa pandemya. Bukod kasi sa pagbisita ni Go, sa mga binubuksang Malasakit Center sa bansa hindi rin niya nalilimutang kumustahin at balikan ang lagay ng ilang medical at social workers sa mga pagamutang may Malasakit Center. Narito ang report:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Ngayong pandemic bilang pag-iingat na mahawa ng virus, marami po ang nag-shift sa online transactions. Pero, kaakibat ng ginhawang dala ng online services ay paghingi naman ng ilang mahalaga at minsan ay sensitibong impormasyon.
Ang tanong paano ba naman tayo makakaiwas na mabiktima ng mga phishing scam, pag-usapan natin iyan kasama si Commissioner Raymund Liboro ng National Privacy Commission (NPC) Good morning po Commissioner.
NPC COMMISSIONER LIBORO: Good morning sa iyo USec. Rocky, at sa lahat po ng mga nakikinig at nakatutok sa ating programa.
USEC. IGNACIO: Opo. Commissioner, unahin na po muna natin iyong nangyari noong Miyerkules kung saan marami po ang nagulat at nagtaka dahil sa natanggap nilang emergency alert kasunod ng pormal ng paghahain ni dating Senator Bongbong Marcos, ng kandidatura sa susunod na halalan. Ang NPC po ba ay nagkaroon ng sariling imbestigasyon dito?
NPC COMMISSIONER LIBORO: Well USec. Rocky ‘no, nauna na diyan at nag-anunsiyo ang National Telecommunications Commission (NTC) na sila ay titingnan dito sa pangyayaring ito. Tila nasa kanila nga pong poder ano ito pong pangyayaring ito dahil ito tila nga po ay isang SMS broadcast kung ito po ay ginamitan ng radio waves at mayroon lang hong lokalidad ano kung saan nakatanggap iyong mga tao mismo na nandoon sa lokalidad na iyon.
USec. Rocky, sa ganiyan kasi ano hindi mo kailangan ng mga contact list at data base para isagawa iyong ganiyang klaseng SMS blasts ‘no. So, ito again ano ay isang bagay na dapat tingnan talaga ng NTC at iyon po ang kanilang ginawa. So, iyan po iyong masasabi ko lang po diyan, hindi ho kailangan gamitan ng contact list at data base or even collection of personal data iyang ganiyang pong klaseng teknolohiya na kaya pong gumawa ng mga SMS blast in a very specific [unclear].
USEC. IGNACIO: Opo. Pero Commissioner, posible ho bang nakipag-ugnayan ang isang kampo, not necessarily itong kina Ginoong Marcos, ano po sa mga telcos para gamitin ang serbisyong alert blast at ang pagkuha po ba sa numero ng mga subscribers without their consent para sa ganitong serbisyo ay puwede nating sabihing paglabag sa data privacy?
NPC COMMISSIONER LIBORO: Magandang tanong iyan USec. Rocky, dahil lagi nating pinaalalahanan ang lawful criteria po sa pagproseso po ng personal data na tulad po ng mga individual iyan po ay kailangan malinaw no kung tayo po ay pumasok ng kontrata halimbawa sa isang telco at tayo po ay nakakatanggap ng mga advertisement po iyan, kasama po iyan subalit maari mo ring sabihin sa kanila kung ayaw mong tumatanggap ng ganito ay abisuhan mo sila, sabihan mo sila na ayaw ko ng—kung nakatanggap ka minsan ay ayaw ko ng makatanggap muli. Kailangan nilang sundin ang iyong kagustuhan bukod diyan, kailangan bigyan natin ng choice at notice ano, binibigyan ka ng kalayaan na piliin no kung ano iyong mga mensahe mo rin matatanggap.
Pangalawa, ito ay dapat inu-notify no, at the onset sa simula ano kung ano nga ba ano, kung ikaw ay pumasok nga ng isang kasunduan with the telco as a subscriber kung anu-ano itong mga dapat mong o puwede mong matanggap at sabi ko nga ang pinakamahalaga dito kapag sinabi mong ayaw mo ng tumanggap ng mga ganitong klaseng mensahe, kailangan itinitigil nila ito at huwag na rin dagdagan ito ng mga mensahe na ayaw mong tanggapin.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Commissioner, sino po ang liable dito kapag nagkataong mapatunayan na ginamit po ang system ng mga Telcos, una, kung ito’y hacking at ikalawa kung ito ay paid service?
NPC COMMISSIONER LIBORO: Again, dito sa, gusto ko lang—based dito sa nakita natin doon sa reports doon tila ito nga po ay sa SMS blasts. Pero, ganoon pa man kung magkakaroon ng pagkakataon na gagamit ang telco tulad niyan ano iyan ay nasa responsibilidad ng telco kung sila po naman ay nag-broadcast ng ganiyan at ang aking—sigurado kasi na lahat ng emergency alert no, this are very strict ‘no, may very strict protocols para isagawa po iyan. Kaya’t iyan din ay dapat tingnan rin ang NDRRMC at iba pang mga otoridad natin but the trust the National Telecommunications Commission na iyon nga po sa investigation na gagawin po nila.
Pero, sa atin po magandang siguro nga panimulang tanungin kita kung iyon nga USec. Rocky, dahil sa lahat ng mga involved telco at ito nga ay panahon nga ng eleksiyon dapat pong ipaalala sa inyo ang inyong responsibilidad sa tamang pag-handle o pag-process ng personal data ng mga mamamayan dahil mayroon po kayong obligasyon at mayroon din po kayong liabilities kung kayo po ay lalabag sa ating Data Practice Act.
USEC. IGNACIO: Opo. Commissioner, bukod po diyan may mga report din po ba kayong natatanggap kaugnay sa umano’y smishing kung saan nagagamit daw po sa pananamantala ang mga impormasyon na inilalagay sa mga contact tracing forms. Pero para sa kaalaman po ng publiko, ano po ba muna itong smishing o ‘yung phishing attack na tinatawag at paano po nalalagay sa alanganin ang impormasyon noong tao dito sa smishing?
NPC COMMISSIONER LIBORO: Well, Usec. Rocky ‘no, ang phishing ay isang uri ng hacking kung saan sila po ay nagkukunwari na isang source na mapagkakatiwalaang at ikaw ay lalansihin ano para either magbigay ng additional information mo, financial information mo, credit card number mo or ikaw ay dadalhin sa isang website kung saan makapagdulot ito ng kapahamakan ano.
At mayroon na kaming mga nakukuhang report, so sabi nga dumadami nga ‘yan, Usec. Rocky, bukod sa COVID ano, pandemya natin ang mga scams, swindles at noong mga frauds, ‘yan po ay dumadami. Sa kadahilanan na rin ano nasabi ko nga kanina ay marami na sa mga aktibidad natin ang nag-shift online at many are working-from-home pero po ang mga kriminal ay working-from-home na rin ano.
So itong smishing ay isang uri nga rin po, isang uri po o paraan ng mga hackers na magpadala ng mensahe sa inyo via SMS at dito po may mga link ‘no, may data pong kung kayo po ay magki-click dito, dadalhin po kayo sa isang website na maaari kayong tanungin nang dagdag pang impormasyon ano ba ang iyong bank account number at itong mga password, mga ganoon po na siya naman pong ‘ika nga, magdudulot na ng sari-saring problema po sa inyo kabilang po diyan ay papasukin ang bank account ninyo at lilimasin ang inyo pong mga ipon ano.
So itong mga, sabi ko nga kung dito sa COVID natin may mga variant, ganoon po, marami na pong variant, marami na pong modus at pinag-iingat natin ang ating mga kababayan dito. Siguraduhin po na kapag ho hindi ho malinaw o hindi ninyo kilala ‘yung mga source na mga nagpapadala sa inyo at kayo po ay hinihikayat na mag-click o mag-tap – huwag na ho kayong mag-click, huwag na hong mag-tap – i-block ninyo na lamang po ‘yung caller at mag-report po na kayo po ay na-spam.
At iwasan ninyo po ano or ika nga ho maging wary ho tayo sa napakaraming modus. Mayroon diyan tatawag na sila daw ay taga-bangko. Mayroon diyan tatawag or papadalhan ka nga ng message sabihin ikaw ay umorder at kailangan pa nila na umorder ng isang produkto online at kailangan pa nilang dagdag na impormasyon. Sari-sari po ano at iyan po ay lahat upang ikaw ay lansihin at magbigay pa sa iyo at hingan ka pa ‘no ng dagdag na impormasyon na maaari mong ikapahamak.
So ‘yung aming panawagan dito, Usec. Rocky, ay ibayong pag-iingat at again kapag hindi ho natin alam kung saan nanggaling itong mga mensaheng ito ay i-block na lamang po ‘no, i-report na na-spam at huwag na ho na nating i-click o ita-tap.
USEC. IGNACIO: Opo. Commissioner, no choice nga po ba itong ating mga kababayan dahil mandatory po itong pag-fill up ng forms ano po, para sa contact tracing na alam po nating mahalaga. Ano naman po ‘yung hakbang ng NTC sa mga organization o establishment dito po sa pag-safeguard ng mga nakukolektang private information ng ating mga kababayan?
NPC COMMISSIONER LIBORO: Alam mo, Usec. Rocky, naalala ko nag-guest na rin ako dito noong nakaraang taon, actually sinasabi nga natin ano, nagpatawag na rin kami nang napakaraming establishment – may mga chain ng restaurant, chain ng drug store, supermarket ‘no – upang ipaalala sa kanila ang kanilang responsibilidad sa contact tracing. Kailangan natin sila ‘no kasi nga ‘yun po, lalo ngayon nagbubukas tayo ng ating ekonomiya at naghihikayat na rin ng economic activity ay kailangan natin sila sapagkat sila nga rin po ‘no ang katuwang ng ating local authorities, lalo na ang mga LGU pagdating po sa contact tracing.
Pero nakitaan din nga natin na may mga pagkakataon na hindi po mabuti o hindi maganda ang kanilang mga pamamaraan, iyong pagkukolekta at ni-remind natin sila. Nagsagawa kami ng mga seminar sa kanila, pinatawag natin ang mga data protection officers, patuloy nating ginagawa ito ‘no. Again sa mga local government units natin na, Usec., nitong mga nakaraang buwan ano may mga pitumpu’t siyam kaming mga LGUs ‘no na inabisuhan/sinabihan na pagtibayin ang kanilang pagpuproseso ng personal data ng kanilang mamamayan.
Ngayon buwan din lamang po, may 58 pa na mga dagdag na local government units ang amin hong pinadalhan po ng mga tinatawag naming compliance letters, paninita ‘no, pinu-point out namin sa kanila itong mga maaari nilang pagkukulang dito. Nakukuha namin kasi ‘yung mga reports, nagmumula ‘yan sa publiko, maaaring reklamo siya o may mga nag-i-email din sa amin. So patuloy ‘yung ating efforts sa National Privacy Commission na abisuhan at paalalahanan ang mga establisyimento at ang mga local government units tungkol dito.
Sapagkat ang layon natin dito ‘no, pagtiwalaan ng ating mga mamamayan ‘yung contact tracing effort na sinasagawa ng ating pamahalaan upang labanan itong COVID at they have to do their part at mayroon silang obligasyon na gamitin, ‘ika nga po, ang tamang pangungolekta at hindi ho gamitin o i-repurpose itong mga data na ito sa ibang paraan. So ‘yun po ‘yung aming binabantayan, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Opo. Commissioner, sa ibang usapin naman po ano. Katatapos lang po kahapon ang COC filing. Ilang buwan na lang din po ‘yung natitira bago ang kampanya at eleksiyon. Ano po ang magiging role ng NPC para sa nakatakdang halalan sa 2022 at ano po ang ginagawa ninyong pakikipag-ugnayan sa Comelec tungkol dito?
NPC COMMISSIONER LIBORO: Kaisa po kami ‘no, ang National Privacy Commission sa hangarin, sa ating misyon na magkaroon nang patas – sabi nga – honest, fair and free elections nito pong darating na halalan, Usec. Rocky. Pero sabi ko nga, dalawa ‘no, naiiba itong eleksiyon natin darating ‘no dahil ito po ay kakikitaan ng palagay ko ay sabi ko nga unprecedented use of technology and unprecedented use of data and personal data.
So ‘yun po ‘yung aming tinitingnan dito at pinapaalalahanan namin ang lahat po ng mga partido, mga kandidato at ‘yung mga sinasabi nating information society service providers ‘no – social media networks, search engines, ‘yung mga telcos po natin – sa kanilang obligasyon tungkol dito. At maglalabas kami ‘no, Usec. Rocky, ng aming anunsiyo rin o iyong guidelines namin ano to political parties and candidates with regard to election activities.
So this way, mapapaalalahanan sila na: Una, kailangan nilang maging transparent kapag po magkukolekta ng impormasyon ng mamamayan; kailangan po eh hindi ho sikreto ang pagkukolekta at sinasabi nila kung para saan ito at sino ang maaaring kontakin sa kanila, iyong mga data protection officers po nila so may mga privacy notices po iyan, kailangan po ay transparent tayo. Pangalawa, kailangan lamang pong gagamitin ito sa lehitimong paraan o purpose. So kailangan siguraduhin po nila na iyan po ay batayang-legal para gawin ho nila ‘yan.
And pangatlo po, ‘yung proportionality, Usec. ‘no, sakto lamang ‘yung mga impormasyon na hihingin sapagkat alam po natin, ngayon po ano mayroon na po kaming pina-takedown ‘no na isang website na nakitaan po namin na nangungolekta ng impormasyon ng mamamayan at ang kanila pong prente ay mayroon daw silang survey para sa 2022 elections pero hindi mo malaman kung sino nagpapakulo ‘no, kung sino hong organizer, kung sinong data protection officer nila, kung sila nga po ba ay nakarehistro sa amin ‘no, ‘yun po ay ilan sa mga obligasyon po nila at iyan ‘yung kinu-contact namin at hindi ho namin sila mahanap kaya po kami po ay [unclear].
At hindi ho kami mag-aatubiling gawin iyan, Usec. Rocky, palapit po ‘yung ating eleksiyon, again sa layon po na siguraduhin na ang impormasyon po ng mga botante at ng mga mamamayan ay magamit po nang tama sa atin pong 2022 elections. Kaisa po ang NPC at tinatawagan po natin ang mga mamamayan din, kung kayo po ‘no ay may makikita po na marahil ‘no sa inyong palagay ay paglabag po sa data privacy at sa inyong karapatan, i-report ninyo rin ho sa amin iyan ano para mabigyan po ng aksiyon.
USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon at impormasyon, Commissioner Raymund Liboro ng National Privacy Commission. Salamat po, Commissioner.
NPC COMMISSIONER LIBORO: Salamat po sa inyong lahat.
USEC. IGNACIO: Samantala, kaliwa’t kanan po ang mga nakukumpiskang iligal at fake products ng Bureau of Customs. Ito po ay resulta nang mas pinahigpit nilang pagbabantay sa smuggling. Dahil dito, tumaas din ang koleksiyon ng buwis na naiaambag nila sa kaban ng bayan. Kaugnay niyan, makakausap po natin si Bureau of Customs Assistant Commissioner Vincent Philip Maronilla. Good morning po.
DOH USEC. VERGEIRE: Usec. Rocky, good morning at good morning po sa lahat ng nanunood ng programa.
USEC. IGNACIO: Opo. Sir, sunod-sunod nga po ang isinasagawang operasyon ng BOC para sa mga nadidiskubreng smuggled product sa iba’t-ibang bahagi ng bansa. So far, sa datos ninyo nasa magkanong halaga na po ang aabutin ng mga nakumpiskang produkto sa first half ng 2021?
DOH USEC. VERGEIRE: Sa lahat, sa first half po ng 2021 umaabot na po sa mahigit P10 bilyon na worth na smuggled items ang na-apprehend ng Bureau of Customs. In fact, iyong latest ho nito ‘no lalampas ho ng konti doon sa kalahati ng taon, nalampasan na ho namin iyong figures na nahuli namin last year. Humigit kumulang nasa mahigit P12 bilyon na ho na worth na smuggled items ang nahuli na ho ng Bureau of Customs sa taon na ito.
USEC. IGNACIO: Opo. Sir, alam naman po natin na ngayon ay may pandemya ano po. Kung anu-anong COVID-related products iyong mga nais ibenta sa publiko, kahit wala naman pong lisensiya sa ating gobyerno o kung mayroon man ay pinupuslit naman ng illegal sa bansa.
So far, ano pong COVID-related products ang na-intercept ng BOC at ano po iyong mga hakbang na ginagawa ninyo para po matiyak na hindi po malalagay sa alanganin ang ating public health?
DOH USEC. VERGEIRE: Una ho, USec., kami mahigpit ang aming koordinasyon sa Department of Health, sa Food and Drug Administration para ho iyong mga regulasyon na kanilang ini-issue ay mahigpit namin ipapatupad, dito pa lang sa borders natin no, o sa ating mga pantalan para hindi po makalusot itong mga items na ito.
Ngayon, kung saka-sakali man po may mga paraan itong mga loko nating smugglers na magpasok nito marami po kaming operation na isinagawa sa labas ho ng aming mga puerto kung saan ibinibenta po itong mga items na ito. Nakakahuli ho kami ng mga face mask na wala pong kaukulang lisensiya galing sa Food and Drug Administration at sa DOH.
Ganoon din po iyong mga gamot na sinasabi nilang nagki-claim ho na nakakagamot ng COVID-19 pero wala naman kaukulang lisensiya din dito sa ating DOH. Recently, may mga information kaming nakukuha galing sa FDA at sa report na din ng ating mga kababayan sa aming 8484 hotline tungkol sa pagbebenta ng iba’t-iba pong related sa COVID-19 na mga gamit at mga gamot at ito po ay patuloy naming inu-operate at hinuhuli sa labas at sa loob po ng ating mga pantalan.
USEC. IGNACIO: Opo. Bukod diyan ay kabilang po sa nahuhuli ng BOC ay itong illegal na droga. So far po, gaano karami itong mga droga na naharang ninyo sa ating point of entries; at nag-level up po ba ang mga importers sa pagpapalusot ng ganitong uri ng mga produkto?
DOH USEC. VERGEIRE: Tama po. Dati rati ho, ginagamit nila iyong mga pantalan natin. Kung sinusundan ninyo ho iyong mga recent na huli ng Bureau of Customs noong nakaraang taon, ito ho ay itinatago sa mga magnetic lifters, sa mga cylinders ho, ikinu-conceal po iyan, gumagawa po sila noong mga special na paglalagyan para hindi ho ma-detect ng ating mga x-ray at ng ating mga tauhan.
Pero, dahil po sa paghihigpit natin at dahil po mayroong na tayong modernong kagamitan na tayo ay sinuportahan ng ating pamahalaan ni Pangulong Duterte, na makakuha nitong mga modern na x-rays natin at iyong mahigpit na pagbabantay ng aming intelligence at enforcement groups.
Ang ginagawa naman ho nitong mga smugglers ng droga ngayon ay ginagamit po iyong ating mga pantalan na wala pong nakabantay na mga ahensiya ng Bureau of Customs dahil nga po tinatawag natin itong open seas. Open sea smuggling na ho dahil ho marami tayong mga laot, alam ninyo naman po na archipelago tayo doon na ho nila dinadaan.
Isa ho sa pinakamalaking nahuli namin ngayong taon na ito kasama po ng Philippine Drug Enforcement Agency at ang Philippine National Police Drug Enforcement Unit, ang ginawa ho nilang scheme ay mayroong barko na itinatapon lang ito sa medyo mababaw na parte ng dagat na mayroong flotation device at kinukuha ho ito ng maliliit na lantsa at saka ho dinadala dito sa atin, doon ho sa mga shorelines o mga malapit sa mga areas na talaga hong walang nagbabantay.
So, nakikipag-coordinate na po kami ngayon sa Coast Guard at saka po sa Philippine Navy para po bantayan itong mga pantalan na ito at itong mga areas na ito na mas mabuti dahil ho sa illegal transaction na nagaganap sa pagpasok ng illegal na droga.
USEC. IGNACIO: Opo. Sir, nakapagtala po kayo ng higher revenue para sa buwan ng Setyembre. So, ano po ang mga factors naman sa naging magandang resulta ng collection ng BOC last month?
DOH USEC. VERGEIRE: Iyong amin hong collection last month ‘no, noong September na ang aming surplus po sa aming target for September ay mahigit na P1 bilyong. Iyan po ang pinakamataas na collection sa isang buwan ng Bureau of Customs sa kaniya pong kasaysayan.
So, kami po ay nagpapasalamat sa aming mga tauhan, especially sa aming district collectors, examiners at appraiser sa kanilang mga trabaho. Ito po iyong resulta ng mga sistemang ipinatupad ng leadership ng Bureau of Customs, sina Commissioner Guerrero, at sampu ng kaniyang mga tauhan.
Pati ho ng paghihigpit din ho ng aming mga tauhan na nangungolekta sa iba’t-ibang mga puerto para po ipatupad na mahigpit ang aming batas at pagbutihin ang aspeto ng pangungolekta ng buwis dahil kami po ay very much conscious, USec., na nangangailangan po ang ating pamahalaan ng additional na pondo para labanan po itong pandemyang ating kinakaharap.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Assistant Commissioner, nito pong nakaraang mga buwan lamang ay nagiging talamak din po ang smuggling sa mga agricultural products, kaya marami pong mga local farmers at hog raisers ang umaaray dahil sa pagkalugi. Sa tingin ninyo, saan po nagkakaroon ng loop hole kung mayroon man po at nakakalusot rin itong mga ganitong smuggled agricultural products?
DOH USEC. VERGEIRE: USec., kahapon lamang ‘no nandoon kami sa tanggapan ni Secretary William Dar, ng Department of Agriculture. Kami mismo nila Commissioner Guerrero, ang nagpunta doon at iyong mga opisyales namin na involved dito sa pag-o-organisa ng isang malawakang operasyon laban diyan ngayon ay nandoon para makipag-coordinate sa Department of Agriculture.
Ang purpose ho noon ay to identify ang mga loop holes sa proseso ng bawat ahensiya para po maiwasan itong pag-smuggle nitong agricultural product. Pagdating ho talaga ng mga ‘ber’ months nag-si-shift po ang aming attention dito sa mga agricultural products. Kasi ho, pag ‘ber’ months ho natin dumarating talaga itong mga ganitong klaseng produkto either may permit pero kadalasan ho marami talagang nag-a-attempt na smuggle po dahil nga ho mura at malaki ang potential na kumita.
So, ang ginawa ho natin, inaral namin ang aming sariling proseso, inaral din ho namin kung ano iyong ibang paraan ng pagpapasok nito kung talagang naghigpitan na itong mga proseso namin sa loob ng Bureau of Customs at the same time dahil may malaking parte ng aming proseso ay katuwang namin ang Department of Agriculture.
Kami po ay agad-agad nakipagkita kay Secretary William Dar, at sa kaniya pong team para ho solusyunan ito hong loop holes na maari naming makita. Ia-update din ho namin ang aming mga protocols at sa pagpasok nito para ho hindi makalusot kung anumang smuggled na agricultural products na maaring ginagamit iyong ilang loop holes namin sa sistema.
Hindi rin ho namin isinasantabi ang posibilidad na paano ginagawa iyong pag-smuggle na droga ngayon which is iyon nga hong naikuwento ko kanina, ginagawa ho ito thru out right smuggling sa mga ship sides ho. Binabantayan na rin ho namin, kasi baka ganoon ho iyong paraan papalusutin iyong ibang mga items na ito.
Pero, lahat po ng aspetong ito amin hong iniimbestigahan na ngayon katuwang ang Department of Agriculture, ang mga kasama nating agricultural watch dogs tulad ng Benguet Farmers’ Cooperative. Makiki-reach out na rin ho kami sa Alyansa Agrikultura at sa tanggapan ho ni Congressman Eric Yap ng Benguet at pati po sa tanggapan ni Congressman Argel Kabatbat ng Magsasaka partylist.
USEC. IGNACIO: Opo. Magkakaroon daw po ng task force kung saan kasama ang BOC at iba pang mga ahensiya para puksain itong smuggling sa mga fresh vegetables. Pero, totoo po ba na walang representative mula sa private sector?
DOH USEC. VERGEIRE: Hindi po totoo iyon. Pinu-form pa lang ho namin ng Department of Agriculture ang guidelines nitong task force at ang intentions po namin ay i-involve lahat ng stake holders ho namin na maaaring makatulong dito sa pagbabantay nito.
Napakaimportante ho ng tulong na ibibigay sa atin ng private sector, ng mga kaibigan nating magsasaka at hindi ho namin sila i-ignore dito sa task force na gagawin na ito. Bagkus, kami po ay makikipagtulungan sa kanila at i-involve po namin sila, tulad po ng pag-involve po namin sa kanila sa mga trade facilitation measures na ginagawa ng Bureau of Customs.
USEC. IGNACIO: Opo. Sa usapin naman po ng corruption, Assistant Commissioner, eh madalas pong nadidikit sa Bureau of Customs. Ilang buwan po bago magtapos na itong administrasyon, masasabi po ba natin na nagkaroon ng improvement pagdating sa paglilinis ng umano’y corruption sa hanay ng BOC?
DOH USEC. VERGEIRE: Malaki po ang tingin naming improvement namin sa aspetong iyan. In fact, ito po ay makikita ninyo sa napakagandang performance ng Bureau of Customs at border protection performance ng Bureau of Customs. Iyong mga numero at datos naman hong aming isinasapubliko, iyan po ay aming isinapubliko kasi po iyan ho ang aming ginagamit ding batayan para tingnan kung ‘yung mga programa namin hindi lang ho sa pag-i-improve ng ating mga proseso bagkus pati ho sa mga pag-i-improve ng mga kalagayan ng integridad ng ating mga tauhan ay gumagana at epektibo.
At nakikita ninyo naman po at isinasapubliko namin ito lagi through our regular briefing and our regular press releases na maganda ho ang figures at data na lumalabas sa atin. Even the private sector ho, through the Institute of Solidarity Asia, kung saan po kami ay pumasok sa kanilang performance governance system, institutionalized all these changes, recognized the efforts of the Bureau of Customs.
So, no less than in our [revalida] in the performance governance system eh kami po ay nakakuha na ng tatlong sunud-sunod sa aming tatlong stage na pinasukan, tatlong sunud-sunod na gold trailblazer award which is the highest award to be given to an agency na nag-i-institutionalize ho ng kanilang mga reporma at ito ho ay niri-recognize ng Institute of Solidarity Asia to their performance governance system. Isa ho ‘tong napakahigpit at napaka transparent na organisasyon na tumitingin ho sa institusyunalisasyon at pagbabago ng isang ahensiya.
USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon at impormasyon, Assistant Commissioner Vincent Philip Maronilla, ang Tagapagsalita po ng Bureau of Customs. Mabuhay po kayo, Sir.
DOH USEC. VERGEIRE: Good morning po, Ma’am, and mabuhay din po kayo.
USEC. IGNACIO: Bilang isang agricultural country, mayaman ang Pilipinas sa iba’t ibang klase ng pananim at bukod sa palay, mais at iba pang high value crops, sagana rin ang ating bansa sa mga prutas. Alamin natin kung paanong mula sa mga simpleng prutas na hindi masyadong pinapansin ay nakabuo ang isa nating kababayan ng produktong kinabibiliban at pinarangalan sa ibang bansa. Panoorin po natin ‘yan dito sa Ani at Kita:
[VTR]
USEC. IGNACIO: Narito naman po ang pinakahuling datos ng COVID-19 case sa bansa. As of 4 P.M. kahapon, October 8, 2021 nakapagtala ang DOH ng 10,670 na mga bagong nagpositibo sa sakit. Umakyat na sa 2,643,494 ang total number of confirmed cases sa Pilipinas. 191 ang naitalang pumanaw kahapon kaya umabot na sa 39,232 ang total COVID-19 deaths, kasama na rin po diyan ang 104 deaths na backlog noong October 5 at 6 dahil sa naging problema ng COVID KAYA system. 7,691 naman po ang nadagdag sa mga gumaling kaya umabot na ito sa 2,486,059. Ang active cases naman sa kasalukuyan ay nasa 118,203 o katumbas ng 4.5 percent ng kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa bansa.
Makibalita naman po tayo sa sitwasyon ng laban natin kontra COVID-19. Muli po nating makakasama si Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire. Good morning po, Usec.
DOH USEC. VERGEIRE: Magandang umaga po, Usec. Rocky. Good morning ho to all of you.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., bagama’t inyo na pong sinasabi sa kagawaran na bumaba po ang kaso ng COVID sa bansa, anu-anong mga lugar pa rin po ang binabantayan ngayon ng DOH dahil sa hindi pa stable o pagtaas pa rin ng bilang ng mga kaso?
DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky ‘no. Katulad po ng ating nai-report, majority naman po ng regions are showing negative two-week growth rate including the National Capital Region and Region IV-A and III. Kaya lang po mayroon pa rin po tayong mga lugar na pina-flag natin na mataas pa rin ang case classification, nasa high risk pa rin po sila at saka positive pa rin ang two-week growth rate nila. And we are flagging the Regions CAR, Region II, Region IX and Region IV-B. As to the total bed and ICU utilization naman po, high risk pa rin po talaga ang CAR, Region II, Region IX and CARAGA.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., bigyang-daan ko lang ang mga tanong ng kasamahan natin sa media ano po. May tanong si Athena Imperial ng GMA News: According to OCTA Research, the COVID-19 reproduction number in NCR went down to 0.61 for the week [from] October 2 to 8 pero mataas pa rin daw ang daily attack rate positivity rate and ICU occupancy. Ano po ang ginagawa ng DOH to improve these statistics?
DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Ma’am ‘no. So ‘pag tiningnan ho natin talaga ‘yung datos natin, bagama’t bumababa ang ating reproduction number, ibig sabihin iyon pong bilang ng tao that can be infected by a confirmed person ay bumababa na po to less than one na talaga. Pero kapag tiningnan natin ‘yung average daily attack rate nga natin, mataas pa rin sa mga piling lugar. Ito po ang ibig sabihin, iyong affected population at marami pa rin ano in these areas.
Now, when it comes to our hospital utilization kung ipinagpapatuloy ang augmentation natin sa ating mga ospital. Nakikita po natin na puno pa rin ang marami, na malalaking ospital sa Metro Manila at atin po silang tinutulungan. Pero kailangan maintindihan ng ating mga kababayan na while the cases are going down. Ang hospital po talaga nahuhuli sa pag-decongest, because these individuals na nasa hospitals specifically sa ICU, mas matagal po sila naglalagi sa ospital, it can be 21 days or more. Kaya mas mabagal po nating mapagdi-decongest ang ating mga ospital. Tuloy pa rin po ang ating strengthened response sa ating mga communities, para maputol po ang transmission at mas kakaunti na lang po ang mapunta sa mga ospital.
USEC. IGNACIO: Opo. Sunod pong tanong ni Athena Imperial: Base po sa trend ng cases sa lockdowns and mobility ng tao, ano po ang ini-expect natin pagdating ng Pasko?
DOH USEC. VERGEIRE: Well, mayroon na po tayong mga projections na nagawa ng ating FASSSTER Team at sinasabi naman po talaga na pababa na po iyong mga kaso pagdating ng November 15. So, if we will look at our daily cases, we will be averaging about 1,100 cases by November 15 daily cases dito sa National Capital Region. Kung magtutuloy-tuloy po iyan at maipagpapatuloy po natin ang pagkontrol nitong transmission nitong sakit na ito. Sana po, tayo po lahat ay nagho-hope that by Christmas time, magkakaroon po tayo ng mas maluwag na classification and restriction ng ating mga kababayan.
USEC. IGNACIO: Opo. Kapag po gumanda nga, USec., may tiyansa ba na payagan ng lumabas ang mga bata daw sa Pasko?
DOH USEC. VERGEIRE: Iyan po ay pag-uusapan siyempre ng mga eksperto at saka ng IATF members natin. But looking at the case data right now, tinitingnan po natin at kung mauumpisahan na rin po natin ang pagbabakuna ‘no. Umpisahan natin those with comorbidities sa mga kabataan, kung atin pong maitutuluy-tuloy at mag-stabilize ang ating supplies, mayroon naman pong posibilidad.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin po ni Athena Imperial: Ipapa-booster shot daw po ang healthcare workers; if yes, kailan po ito magsisimula at ano pong ibabakunang vaccine sa kanila?
DOH USEC. VERGEIRE: Atin na pong nasagot ito, USec. Rocky, for these past weeks. Sinasabi natin na hanggang sa ngayon, wala pa hong rekomendasyon, hindi pa po nirirekomenda ng eksperto ang pagbabakuna ng kahit na sino for booster shot, hindi pa po kumpleto ang ebidensiya that these booster shots can really guarantee protection to the public, specifically for our health care workers. Atin pong aantayin iyan, pero hindi naman po tayo sarado. We are open to this, pero sa ngayon po kailangang kumpleto muna nag ebidensiya.
USEC. IGNACIO: Opo. USec. ilang araw bago ang pagtatapos ang extended alert level system sa Metro Manila., Possible bang mas palawakin na ang pagpapatupad nito sa iba pang mga lugar sa bansa o titingnan munang ibaba sa Alert Level 3 ang NCR bago po ito gawin?
DOH USEC. VERGEIRE: Iyon po ang pinag-uusapan ng IATF. Last week, nagkaroon ng meeting ang IATF, iyan po ang napag-usapan. Tinitingnan po natin iyong mga parameters na ginagamit natin. Kapag tiningnan po natin, ito pong Alert Level 4 only apply to specific areas in the National Capital Region. Mayroon naman po talagang mga areas sa National Capital Region na wala sa Alert Level 4.
Kaya lang siyempre ang desisyon naman po ng NCR they are as one, so Alert Level 4 po sila. So tinitingnan po natin kung paano natin matitingnan na mas granular ang tingin natin sa isang lugar at kapag nakita po natin na manageable naman, kaya naman ng local government and then pag-uusapan po, we have an early meeting with IATF this week, para makita po natin if we can already roll out to some of the areas outside of NCR.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po mula kay Red Mendoza ng Manila Times: Kumusta po ang naging pag-uusap nina Doc. Thea De Guzman at ng team ni Presidential Adviser Joey Concepcion at OCTA na magkaroon na mas klaro na understanding na Alert Level System dito sa Metro Manila para ma-reopen na ng mas ligtas ang ekonomiya at maprotektahan ang mga hindi bakunado? Bukas po ba ang DOH sa mga suggestion na ito na prinesent sa kanilang grupo?
DOH USEC. VERGEIRE: Kami naman po ay laging bukas sa lahat ng rekomendasyon galing sa iba’t ibang sector. Katulad po ng aming sinasabi lagi, hindi naman po magagawa ng Department of Health alone ito. Pero kailangan makita rin po natin may proseso tayo ‘no. Bagama’t nakapag-usap nga, nagkaroon po ng pagpupulong kasama po ang DOH, the team of Secretary Joey Concepcion, ito po ay binabalangkas at pinag-uusapan, kailangan lang po, dadaan sa IATF ang mga rekomendasyon na ito para magkaroon ng official na clearance. But of course we are open to recommendations at iyan naman din po ang direction na ng IATF at ng ating gobyerno na unti-unti nating palawakin ito pong mga sinasabi nating pagbubukas ng ekonomiya at saka bibigyan natin ng value iyong mga fully vaccinated individuals dito sa ating bansa.
USEC. IGNACIO: Opo. Sunod pong tanong niya: Sinabi daw po ng OCTA fellow Father Nick Austriaco sa isang webinar na maaring nagsimula ang mga variants of concern dito sa National Capital Region at may mga hindi pa nadi-detect na kaso ng Lambda variant dito sa ating bansa; ano po daw ang reaksiyon ng DOH dito?
DOH USEC. VERGEIRE: Well, tuluy-tuloy naman po ang ating genomic bio-surveillance, kung saka-sakali naman po na mayroon tayong mga ganitong klaseng variants of concern, atin po iyan made-detect through our surveillance activities. Pero kailangan balikan natin, kung anumang klaseng variant ang mayroon tayo ngayon dito sa ating bansa, kailangan po natin talagang strengthen iyong response natin. Kailangan pa rin na kapag nakakita tayo ng taong may sintomas o di kaya confirmed individual ma-isolate agad, ma-manage natin agad.
So, whatever variant of concern there maybe dito sa ating bansa, kung atin pong mapapag-igting ang ating pagriresponde sa mga ganitong kaso, atin pa rin pong makukontrol ang transmission ng sakit.
USEC. IGNACIO: Tanong naman po ng ABS-CBN News: Ano po ang latest sa COVID-KAYA issue. When can we resolve this, since lingering po daw ang isyu for two weeks already?
DOH USEC. VERGEIRE: Yes, USec. Rocky, actually nagka-meeting kami with DICT noong isang araw po at dito naman po ay naipakita nila at naipakita namin kung ano po iyong mga nagiging isyu. So, may mga short terms po tayo katulad mamayang gabi po, titigil po ang COVID-KAYA from 6 pm tonight hanggang 6 am tomorrow. Para po mai-ayos lang po natin iyong mga minor issues.
And then for the long term, mayroon po tayong pinag-usapan na and agreed on with the DICT, that we are going to have this additional na mga servers para mas mapaigting natin o mas maging kumpleto po itong COVID-KAYA system.
Of course long term would be, that we are also trying to have this back up system para po dito sa DOH kung saka-sakaling magkaroon uli ng ganitong isyu ay mayroon tayong back up at hindi tayo nagkukulang sa mga datos na niri-report sa ating kababayan.
USEC. IGNACIO: Opo. USec, kaugnay naman po sa mas pinaikling quarantine ng mga fully vaccinated travelers at close contacts. Ano po ang medical na paliwanag kung bakit pinapayagan na mas maikli na ang kanilang isolation?
DOH USEC. VERGEIRE: Yes, USec. Rocky, kailangan tingnan natin ito sa dalawang aspeto. Ang una, saan ka bang bansa manggaling? Kasama ka ba doon sa green, sa yellow at sa red. We all know that itong classification ng countries na ito is based on the risk doon sa country kung mataas ang kanilang mga kaso, kung sila ay nagkakaroon ng outbreak.
So kapag green and yellow list ka, you are at low and moderate risk. At ito iyong mga bansa na mas mababa po iyong kanilang average daily attack rate than the Philippines. So that is one, that is one basis na kapag pumasok sila dito, mas malaki pa iyong chance or iyong risk nila because mas mataas iyong ating average daily attack rate.
Second would be the, kaya po ito ay napagdiskusyunan na, nairekomenda ng ating experts na puwede naman po nating papasukin those from the green and the yellow countries at ma-shorten ang kanilang quarantine for those fully vaccinated individuals.
USEC. IGNACIO: Tanong naman ni Michael Delizo ng ABS-CBN: nagta-translate po ba ang pagbaba ng mga kaso sa pagluwag sa mga ospital at saan lugar po mataas pa ang occupancy rate?
DOH USEC. VERGEIRE: Katulad po ng sabi natin ano, isa pa po nating tinitingnan, dahil bagama’t bumababa po ang mga kaso for example in the National Capital Region, nakikita pa rin natin na iyong atin pong mga ospital ay puno pa rin halos iyong mga malalaking hospital especially ICUs. Pero kapag tiningnan po natin iyong number of admissions ngayon, nakita na po natin na bumababa na po ang number of admissions sa mga ospital. But this is not a point where we get complacent, kailangan tuluy-tuloy pa rin po ang ating pagpuprotekta sa ating sarili at sa ating pamilya para hindi na po magtuluy-tuloy pa at magkaroon pa ng pagtaas ang ating mga kaso. So, sinabi natin kanina na ang matataas pa rin po na mga total beds and ICU utilization would be in CAR, Region II, Region IX and CARAGA. Mayroon naman po tayong high risk pa rin, either ICU or iyong bed utilization in the Region VI-B, dito po sa NCR, Region IV-A, Region XI, Region III, Region XII, Region V and BARMM.
USEC. IGNACIO: Opo, sunod na tanong niya: Kahit bumababa po ang bilang ng cases. Bakit po kaya biglang taas naman ang COVID deaths kahapon?
DOH USEC. VERGEIRE: Katulad ng lagi naming pinapaliwanag, Usec. Rocky. Although we report it on that specific day, mayroon po iyang kasama na from the other months. So, kahapon po doon sa report natin nakalagay naman po doon kung ilan po iyong para sa Setyembre, ilan ang para ang August, ilan ang para sa ibang months pa rin. So it’s not really based from the specific day, it’s how it was reported and validated, kaya po napabilang sa bilang.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., ano po ba ang stand ng Department of Health tungkol naman sa paggamit ng self-administered test kits? Ano rin po ang babala ninyo sa mga bumibili at ilang mga nagbebenta nito online?
DOH USEC. VERGEIRE: Yes. Usec. Rocky ‘no. We have a specific process para po magkaroon ng rekomendasyon ang Department of Health kung saka-sakaling gagamit tayo uli ng panibagong method of testing. Mayroon po tayong COVID-19 laboratory experts’ panel. Ito po ay comprise of mga espesyalista sa laboratoryo at sa molecular biology. Pinag-aaralan po nila itong mga diagnostic procedures na ito kung sakaling it’s acceptable and can be used by our governed [and] by the public.
Mayroon din po tayong health technology assessment council (HTAC) na tumitingin kung ito ay magiging cost efficient for government to procure. So ito pong dalawang ito titingnan natin dahil kung magbibigay na po ng clearance ang Food and Drug Administration and then we will see. But we need to be reminded of, iyong tamang proseso at iyong appropriate test to be used kapag may sakit po tayo ng COVID-19. So, iyon po ang laging dapat tatandaan ng ating mga publiko, lalo madami na po sa online ang mga ganito. Dapat FDA cleared iyan, dapat recommended ng DOH at dapat tama ang paggamit natin para makakuha tayo ng accurate result.
USEC. IGNACIO: Usec., kumustahin ko na lang po iyong mga sumasali sa Bakunado Panalo raffle ng DOH. Marami na daw po bang nagpa-register?
DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky ‘no. Magandang balita po ito. Tayo po ay nag-launch nito lang linggong ito at ngayon 200,000 na po ang sumali dito sa ating raffle para sa mga bakunado. Inaasahan pa rin po natin, our target sana makarating tayo kahit isang milyon po na sumali dito. We have a grand draw in December kung saan iyong isang milyon po ay mapamimigay na po natin. Pero para sa buwan ng October and November, mayroon pong 50 mananalo ng tig-P5,000 at sa grand draw sa December 10, ang mananalo po ay P100,000, isa, isang mananalo ng P500,000 at isa po ay mananalo ay P1 milyon. So, mayroon po tayong mga process kung paano sila makakapag-register, magti-text po sila sa Resbakuna.reg space, and then ilalagay ang kanilang detalye sa number na 8933. So nasa mga social account po natin kung paano sumali. Hinihikayat po natin ang lahat ng bakunado na sumali na po kayo at baka kayo po ang maging suwerte na manalo nitong isang milyong piso by December 10.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong panahon, Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire. Salamat po, Usec.
DOH USEC. VERGEIRE: Maraming salamat po, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Sa iba pang balita, Senator Bong Go namahagi ng ayuda sa kaniyang mga kapwa Batangueño na naapektuhan ng bagyong Jolina, panoorin po natin ang report na ito.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Para naman po sa pinakahuling pangyayari sa iba’t ibang mga lalawigan sa bansa, puntahan natin si Aaron Bayato ng PBS-Radyo Pilipinas.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Aaron Bayato ng PBS- Radyo Pilipinas
Tuluy-tuloy po ang bakunahan at pagsasagawa ng testing sa Davao region. Ang lokal na pamahalaan, maigting din ang pagpapatupad ng health protocols. Ang detalye sa report ni Clodet Loreto ng PTV-Davao:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: At iyan po ang mga balitang aming nakalap ngayong araw.
Ang Public Briefing po ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng PCOO, sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).
Mga kababayan 77 days na lamang po at Pasko na.
Ako po si Usec. Rocky Ignacio, magkita-kita po ulit tayo sa Lunes dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.
##
—
News and Information Bureau-Data Processing Center