Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location People’s Television Network, Inc. (PTV), Quezon City

USEC. IGNACIO: Magandang umaga po sa lahat ng ating mga kababayan sa loob at labas ng bansa. Ngayon po ay Lunes, February 15, 2021, muli ninyo kaming samahan sa ating talakayan tungkol sa pinakamainit na balita sa bansa lalo na ang kilos ng gobyerno kontra COVID-19. Sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio.

Samantala, simulan na natin ang isa na namang edisyon ng Public Briefing #LagingHandaPH.

Para sa ating mga balita ngayong araw ng Lunes: Senator Bong Go suportado ang isinusulong na economic revisions sa Saligang Batas o Economic Cha-Cha basta aniya tao ang dapat na makinabang at hindi ang mga pulitiko. Narito ang detalye:

[VTR]

Nakauwi na sa bansa ang unang batch ng Overseas Filipino Workers na nabiktima ng human trafficking sa bansang Syria. Tiniyak naman ni Senator Bong Go na may tulong na matatanggap ang repatriated OFWs mula sa pamahalaan. Ang detalye sa report na ito:

[VTR]

Samantala, sa patuloy na pag-iikot ng outreach team ni Senator Bong Go kasama ang ilang ahensiya ng pamahalaan, nasa dalawanlibong biktima ng mga nagdaang bagyo sa Albay ang naabutan ng tulong at maging ang mga nasa walonraang taga-Masbate na naapektuhan ng pandemya ang kabuhayan ay nabigyan din ng ayuda. Panoorin po natin ito:

[VTR]

Kasabay po ng nalalapit na pagdating ng mga bakuna kontra COVID-19 sa bansa, pinag-uusapan na rin sa Senado ang pagkakaroon ng indemnity fund na sasagot sa pagpapagamot ng isang individual na makakaramdam ng side effects mula po sa COVID-19 vaccines. Suggestion po ni Department of Health Secretary Francisco Duque III, sa PhilHealth dapat magmula ang pondong ito. At para po pag-usapan iyan ay makakausap po natin si PhilHealth President and CEO Atty. Dante Gierran. Magandang umaga po, Attorney.

PHILHEALTH PRESIDENT & CEO GIERRAN: Good morning po sa iyo, ma’am, at sa inyong staff diyan, of course sa mga nakikinig sa inyong programa.

USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, unahin na po natin iyong tanong mula kay Red Mendoza ng Manila Times. Handa na po ba daw ang PhilHealth na sagutin ang indemnification ng mga magkakaroon ng adverse effects pagkatapos po ng pagbabakuna?

PHILHEALTH PRESIDENT & CEO  GIERRAN: Inaaral natin iyan, ma’am. Just as ang DOH po ay inaaral din iyong mga tinatawag na protocols on the anti-COVID vaccination, inaaral din ngayon ng PhilHealth iyong mga pakete para doon sa … para kapag nagkakaroon ng adverse effect ang bakuna ay andiyan tayo tumulong. As a matter of fact, this coming Thursday ay idi-discuss iyan sa board.

USEC. IGNACIO: Opo. May follow up lang po si Joseph Morong tungkol po diyan. Ibig sabihin ba daw po ay papaano daw po ang magiging sistema sakaling magkaroon nga po dito sa indemnification sa mga magkakaroon ng adverse effects. At ang sinasabi po niya, ibig sabihin ba daw po nito ay babayaran iyong magkakaroon ng masamang epekto sa bakuna, Attorney?

PHILHEALTH PRESIDENT & CEO GIERRAN:   Mayroon naman tayong regular hospitalization, Madam and iyon nga, sabi ko nga sa iyo na pinag-uusapan pa iyan – iyong anong gagawin ng PhilHealth, anong tulong ang magagawa ng PhilHealth para po sa tinatawag na adverse effect ng bakuna po.

USEC. IGNACIO:   Opo. Dahil nga po iniutos rin ni Pangulong Duterte iyong pag-hold ng increase sa PhilHealth, sapat pa rin po ba iyong pondo nito para magawa ang mga proyekto nito? At ngayong 2021 nga po lalo na iyong konsultasyon, tama po ba at may sapat na programa ang PhilHealth, Attorney?

PHILHEALTH PRESIDENT & CEO GIERRAN:   Ito na nga, nakiusap nga si Presidente na iyong increase ng kontribusyon ng mga miyembro ay i-defer muna and he wants to profuse with his commitment to help the PhilHealth dahil may hindi tayo makukubra na increase. Kahit pa man, mayroon tayong tinatawag na reserve fund intended for that, and the PhilHealth will always be here, to be always ready for its mandate to the Filipino people.

USEC. IGNACIO:   Opo. May follow-up lang po si Joseph Morong ng GMA News para diyan ano po, Attorney: Do you think PhilHealth shouldering the expense, can it substitute for the indemnification law that is required for the supply agreement?

PHILHEALTH PRESIDENT & CEO GIERRAN:   Hindi pa nga nangyari iyong sinasabi ninyo na ano eh… Pinag-aaralan pa natin iyan, ma’am, ‘no pero sabi ko nga whatever the result, we will be here. PhilHealth will be here. PhilHealth will be here for the Filipino people.

USEC. IGNACIO:   Opo. Tanong naman po ni Red Mendoza ng Manila Times: Ilang percent na po ang naibalik sa 15-billion na IRM funds? May balak po bang kasuhan ang unang nagpakalat at nagbulgar na nawawala ito ‘di umano? Sabi rin po ni Senator Lacson, hindi ibig sabihin na liquidated ay legally disbursed na po ang pondo. Ano daw po ang komento ninyo sa pahayag na ito?

PHILHEALTH PRESIDENT & CEO GIERRAN:   Sa ngayon, mayroon nang 94% ang tinatawag na liquidation doon sa IRM o advance payment ng PhilHealth doon sa mga healthcare institutions. Siguro before the end of March baka 100% na po iyan.

USEC. IGNACIO:   Ah, okay po. Attorney, paano naman daw po maa-assure ng PhilHealth na ang ibinibigay na bayad sa mga doktor ay sa karampatang mga sakit at hindi dahil sa inililista nila ay COVID, kung saan daw po nagkakaroon ng anomalya? Tama daw po ba ito, Attorney?

PHILHEALTH PRESIDENT & CEO GIERRAN:   Heto na nga – lahat tayo magtulung-tulong, ‘no. Lahat tayo magtulung-tulong na iyong mga tinatawag na mga report na hindi tama, na hindi naman dapat COVID at saka niri-report na COVID, kailangan po na magtulung-tulong tayo. I-report ninyo sa PhilHealth, i-report ninyo sa amin at nang matugunan natin ang dapat na gawin.

Ito nga, as a matter of fact, I have continuously coordinated with our NBI para doon sa mga tinatawag na fake claims, ‘no. Noong nakaraang linggo nga nag-file na naman ang ating NBI of Cebu doon sa mga kalokohan na ginawa sa pondo ng PhilHealth.

USEC. IGNACIO:   Opo. Susugan ko lang po iyan, Attorney. Alam po namin na tuluy-tuloy nga po iyong pag-uungkat ng umano ay kurapsiyon diyan sa PhilHealth at paghahain ng kaso ng NBI kasama po iyong ilang PhilHealth officials kagaya ng mga sangkot dito daw po sa isang ospital sa Cebu with alleged anomalous COVID-19 claims. Bilang dati rin pong hepe ng NBI, paano kayo nakikipagtulungan sa kanila para po malinis ang hanay ng PhilHealth?

PHILHEALTH PRESIDENT & CEO GIERRAN:   The present director right now used to be one of my men sa NBI. We are in continuous coordination and communication especially so with cases of fraud that was committed against PhilHealth fund.

Hindi natin ito palalampasin itong mga kawatan, itong magnanakaw, hahabulin natin ito. Maniwala kayo! Ako na po ang presidente ng PhilHealth ngayon. Maniwala kayo sa akin, walang mangyaring lokohan dito, walang mangyaring pagnanakaw dito dahil talagang hahabulin natin sila lahat, iyong mga kawatan na iyan sa gobyerno.

USEC. IGNACIO:   Opo. Attorney, balikan ko lang po iyong issue pa rin dito sa adverse effects. May sapat na pondo po ba ang Philhealth – tanong po ni Joseph Morong – sakali pong iyong gagastusin ay kakayanin po ba kung magbibigay po kayo o tutulong kayo doon sa may adverse effects nitong pagbabakuna? May sapat po ba daw na pondo ang PhilHealth para dito?

PHILHEALTH PRESIDENT & CEO GIERRAN:   You are asking me a hypothetical question ‘no, but I’ll give you a mixed hypothetical answer also and partly actual. Sinasabi ko nga mayroon tayong pera, mayroon tayong reserve fund for that. Kapag hindi kaya ng budget natin, mayroon tayong reserve fund intended for that.

And I don’t think so the present leadership: The President, our Congress – Senate and the Lower House – will leave us that way, na hindi tayo tutulungan. Tutulungan tayo nila.

USEC. IGNACIO:   Opo. Tanong naman po mula kay Sam Medenilla ng Business Mirror: Magkano na po ang benefits na nailabas ng PhilHealth para po sa patients na na-infect daw po ng COVID-19?

PHILHEALTH PRESIDENT & CEO GIERRAN:   Wow! At the moment, I don’t have the figure on that, Ma’am. Pero kung gusto ninyo bigyan ko kayo ng figure a moment later.

USEC. IGNACIO:   Opo, sige po. Mula pa rin po kay Sam, ang tanong po niya: May update na po kaya kung ilang PhilHealth officials o personnel ang naalis sa serbisyo, kung mayroon man po, dahil sa involvement nila sa illegal activities? May na-set na po ba daw na new deadline si Pangulong Duterte for PhilHealth to remove any irregularities in its operations?

PHILHEALTH PRESIDENT & CEO GIERRAN:   Ang klaro po diyan, pagpasok natin dito, ni-reshuffle natin sila, ‘no. All those regional vice presidents holding positions in their respective regions have been assigned to different regions from the regions that they used to occupy.

And then, mayroon na ring mga officials dito na na-suspend by the Ombudsman because of those cases filed by the NBI and even for those cases na filed by PhilHealth even before I came.

USEC. IGNACIO:   Opo. May tanong po si Evelyn Quiroz ng Pilipino Mirror pero nasagot niyo na po, iyong naging pahayag ni Senator Lacson ano po. Sinabi po ni Secretary Duque na kakausapin niya kayo tungkol daw po sa pending payables ng PhilHealth. Nakapag-usap na po ba kayo at ano po ang nangyari sa pag-uusap? Ano po ang utos niya kung mayroon man po?

PHILHEALTH PRESIDENT & CEO GIERRAN:   In several meetings that we have, sa mga meetings na tinatawag namin, sa board meetings, kasi si Secretary Duque naman ang aming boss, siya ang chairman of the board at talagang inano niya, he always reminded us to pay our partners in the program, the healthcare institutions, ‘no.

At gagawin natin iyan. There is what we call continuous processing kasi iyong sa ngayon talagang mayroong kaunting paghihina ng pagbayad dahil nasa COVID tayo ngayon, COVID regime tayo – pero allow us to… allow us to work, babayaran natin lahat itong mga healthcare institutions na kung saan mayroon tayong utang. And sa totoo lang po, palagi kaming nag-uusap ng mga hospitals, iyong PMA, mga may-ari ng mga hospitals, government at saka private lagi tayong… may tinatawag tayong continuous dialogue. As a matter of fact, mayroon naman kaming dialogue this coming Thursday.

So, there is assurance na gagawin namin ang dapat naming gawin para bayaran iyong utang namin.

USEC. IGNACIO:  Opo. Attorney, iyong Supreme Court daw po ine-uphold iyong desisyon ng Commission on Audit kamakailan regarding daw po doon sa efficiency gifts na ibinigay ng dating board ng PhilHealth sa mga empleyado noong 2007 to 2008, pinababalik po ang perang ito. Mahahabol po ba daw ninyo ang mga nakuha ng nasabing benepisyo at ano po ang magiging tugon o aksiyon ninyo sa utos na ito ng Korte Suprema, Attorney?

PHILHEALTH PRESIDENT & CEO GIERRAN:  Ang desisyon po ng Korte Suprema ay final po iyon; sundin po natin iyon. At kung mayroon dapat na bawiin, gagawan natin ng paraan para mabawi iyong mga dati ng na-advance na pera.

USEC. IGNACIO:  Attorney on a lighter note, alam po namin na may inilunsad po kayong PhilHealth na isang online portal para po sa mga miyembro nito. Ano po ang mga serbisyo na puwede nilang gawin dito, Attorney?

PHILHEALTH PRESIDENT & CEO GIERRAN:  Iyong sa portal natin ay trabaho ito ng IT natin. Masyadong typical ito, Madame, pero one this is sure is iyong mga miyembro natin, magkaroon sila ng tinatawag na viewing of their membership details – iyong kanyang bayad,  bayad nila at iyong kontribusyon nila at pati iyong updating ng kanilang tinatawag na Membership Data Record, makikita na nila iyan.

USEC. IGNACIO:  Opo. Bilang panghuli na lang  po, Atty. Gierran, kunin ko po iyong message ninyo at saka iyong assurance ninyo sa publiko tungkol po doon sa patuloy na serbisyo ng PhilHealth, lalo na po sa patuloy nating pagharap sa pandemya. Please go ahead po, Atty. Gierran.

PHILHEALTH PRESIDENT & CEO GIERRAN:  Ito ha, ito ang sasabihin ko. PhilHealth will always be there to help people na may mga sakit, babayaran natin ang hospital, na mga bill nila sa hospital, pero alam mo kukulangin iyan. Ang importante dito ay tayong mga Pilipino ano, mahalin at alagaan natin ang ating kalusugan at saka katuwang po ninyo kami na siguraduhing sulit, sapat at de kalidad na serbisyong pangkalusugan ang aming hatid sa panahon ng pagkakasakit at pagpapa-ospital ng mga Pilipino, Salamat.

USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa inyong panahon, Atty. Dante Gierran, ang Presidente and CEO ng PhilHealth. Stay safe po, Attorney.

PHILHEALTH PRESIDENT & CEO GIERRAN: Thank you po.

USEC. IGNACIO:  Samantala, nakapagtala ng dagdag na 1,928 mga bagong nahawaan ng COVID-19 kahapon sa bansa. Base po sa pinakahuling tala ng department of Health nasa 10,967 naman ang mga dagdag na gumaling; habang walo ang nasawi. Sa kabuuan ay nasa 511,743 na ang total recovery sa bansa habang 11,550 naman ang namatay; 549,176 na ang suma total ng mga nagkaroon ng COVID-19 sa buong  kapuluan.

Sa nakalipas na tatlong araw ay hindi po bumababa sa 1,900 ang reported cases at noong Biyernes po, February 12 ay naitala ang 2,022 cases, ang pinakamataas na bilang sa nagdaan na 14 days.

Ang kabuuang bilang ng active case o iyong mga hindi pa po gumagaling sa sakit ay 25,918, ito po ay katumbas ng 4.7% ng total COVID-19 cases sa bansa. 93.1% sa active cases ay mild lamang o di kaya ay asymptomatic; 3% naman ang kritikal; 2.9% ang severe; samantalang .91% ang moderate cases.

Makiisa po tayong lahat sa pagsugpo sa COVID-29 pandemic maging BIDA Solusyon plus COVID-19. Tandaan lang po natin ang mga letrang ‘B’ as in bawal walang face mask at face shield. ‘I’ I-sanitize po ang kamay at iwasan ang kulob na lugar. ‘D’ dumistansiya ng isang metro at limitahan po ang physical na interaction sa iba. ‘A’ alamin ang tamang impormasyon at ‘plus’ suportahan ang FDA approved na mga bakuna.

Muli pong iwasan natin ang mga  matataong lugar o mga mass gatherings at kung maari po ay huwag ng gumawa ng mga aktibidad na lalampas sa 15 minuto lalo na sa mga lugar na walang maayos na bentilasyon ng hangin. Iwasan din natin ang pagkanta, pagsigaw at iba pang maaaring magpabilis ng transmission ng virus at siyempre ang pinakaimportante sa lahat mag face mask at face shield sa lahat ng pagkakataon. Together we can beat COVID-19.

At para po sa inyong mga katanungan at concerns tungkol sa COVID-19, maaari po ninyong i-dial ang 02-894-covid o kaya ay 02-89426843; para naman sa mga PLDT, Smart, Sun at TNT subscriber, i-dial po ninyo ang 1555. Patuloy rin kayong makibalita sa mga pinagkakatiwalaang sources tungkol sa COVID-19, maaari po ninyong bisitahin ang covid19.gov.ph.

Samantala, oras na upang alamin ang mga balitang nakalap ng Philippine Broadcasting Service. Magandang umaga sa iyo, John Mogol.

[NEWS REPORTING]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo John Mogol ng Radyo Pilipinas.

Kaugnay pa rin po sa paghahanda sa magiging rollout ng COVID-19 vaccines, makakausap naman po natin ang pangulo ng Philippine Medical Association, Dr. Benito Atienza. Good morning po, Dok.

PMA PRESIDENT ATIENZA: Good morning po.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, ano na po ang operational support ang maibibigay ng inyong grupo kapag po nagsimula na iyong rollout ng COVID-19 vaccines ng pamahalaan? Kayo po ba ay may tokahan pa kayong gagawin sa mga vaccination centers at sa mga ospital po na pagdadalhan ng emergency cases kung sakali po?

PMA PRESIDENT ATIENZA: Actually, gumawa ng position paper ang Philippine Medical Association, at isinabmit na nga namin ito sa ating Senado noong hiningi nila noong nagkaroon ng Senate on the whole ang Senado. At ipinaalam namin na ang Philippine Medical Association ay nakikiisa sa DOH, sa ating pamahalaan para sa, unang-una, impormasyon tungkol sa pagbabakuna ng COVID-19 vaccine; pangalawa, iyong screening ng mga pasyente, sasama rin kami diyan; pangatlo, iyong actual na pagbabakuna; at ang pang-apat, iyong monitoring surveillance kapag nabakunahan na, magbabantay din po kami.

At sa ngayon, nakakatuwa kasi ang mga doktor ay nakapagpalista na sa kani-kanilang mga ospital kung saan naka-coordinate iyong mga ospital sa mga LGU. At naano nga natin, mayroon nang inilabas na listahan ang DOH para sa designated COVID hospital. Ito ay labindalawang ospital – DOH hospital, dito sa NCR, sampu; at saka itong government level III hospitals, at saka iyong three private hospitals. At saka bukod sa NCR, ang uunahin yata na probinsiya ay ang Davao at saka po itong Cebu.

USEC. IGNACIO: Ang laging pinag-uusapan kapag bakuna ay iyong side effects, ano po, Doc. Pero ilan po ba iyong mga allergologist natin ngayon sa bansa?

PMA PRESIDENT ATIENZA: Allergologist. Kasi kinausap ko nga iyong aming isang co-doctor na siya ay pediatrician/allergologist at saka member siya ng National Adverse Effect Following Immunization Task Force. Ito iyong sinasabi nila na sila ay hundred thirty-three allergologist, buong Pilipinas. Pero katulad ng sinabi ko kanina, mauuna nga ang National Capital Region at itong Cebu at saka itong Davao. Kaya ang gagawin namin, magkakaroon kami ng meeting uli, iku-coordinate natin sa Department of Health at saka sa mga vaccine experts para magawan po namin ng parang triage. From our doctor, ia-identify namin kung saan silang component society, kung saang ospital sila assigned at kung sila ay babakunahan. Hindi ba kapag nagpabakuna ka, siyempre hindi ka na makakapag-monitor, kaya ang gagawin namin, mayroon kaming scheduling na gagawin. Actually, hindi naman sabay-sabay na magpapabakuna iyong doktor, araw-araw may ibang set na magbabakuna at magmu-monitor. At higit sa lahat, iyong imu-monitor namin is kung magkakaroon ng side effect.

Sabi naman, according to kay Dr. Mel Logo, isa sa allergologist na kasama sa ating National Adverse Effect, ang kalimitan lang ay one in a million daw iyan. Pero ang ini-expect nila sa bakuna, baka daw ten in one million. Ibig sabihin, kung 70 million ang babakunahan sa buong Pilipinas baka daw ang magkakaano ay 50, 70, ganoon lang, iyong talagang grabeng side effect, adverse effect kung magkakaroon.

USEC. IGNACIO: Opo. May tanong po sa inyo si Joseph Morong ng GMA 7: Ano po iyong posisyon ninyo, posisyon ng PMA sa indemnification para sa may mga adverse effect?

PMA PRESIDENT ATIENZA: Kasi napag-usapan na po naman namin iyan doon sa Senate hearing na ang sinasabi po ay ang mag-aano po diyan ay ang national. Sasagutin po ng national government, at saka po kaya nililiwanag namin na, kasi tinatanong ng ibang mga doktor kung sila ang magtuturok, liable po sila sa kung ano ang mangyayari? Hindi po, kasi hindi naman po sa amin galing ang gamot, kami lang po ay tumutulong.

USEC. IGNACIO: Opo. Dok, ito nga po, mga medical frontliners nga po iyong mga unang mababakunahan, ano po. Ayon po sa priority list ay kumusta naman daw po iyong pagtanggap ng inyong mga miyembro sa mga bakuna? May hesitancy din po ba sa inyong hanay?

PMA PRESIDENT ATIENZA: Kahit naman po saan ay may hesitancy kaya nga po ginagawa namin, ginawa ng DOH at tumulong po ang Philippine Medical Association, three weeks ago, last month, January, ay kami po ang kauna-unahan nagkaroon ng townhall meeting. At dito pinag-usapan kung anong posibleng bakunang ibibigay, kung paano ginawa iyong bakuna – in-explain po doon – ilang days ang pagitan ng pagbibigay ng bakuna at anong possible adverse effect – in-explain po iyon.

At bago po doon sa 1,000 po na sinurvey na mga pinuno ng iba’t ibang organisasyon ng Philippine Medical Association, nag-survey po kami, ang ano po doon ay 80% ang magpapabakuna. Pero pagkatapos po ng aming lecture ng mga expert ng vaccine, 94% na po ang magpapabakuna. Ito po ay survey lang po doon sa nag-attend po ng meeting. Kaya po ngayon ay ini-explain namin na ang susunod na target namin ay mga paramedical – iyong mga med-tech, pharmacists, nurses, itong nasa hanay po ng labinlimang organisasyon po na nasa paramedical. Magkakaroon din po kami ng isang pagpupulong para ma-explain pa sa kanila ulit.

USEC. IGNACIO: Opo. Dok, iyong posisyon po ng PMA, sa tingin ninyo ba dapat po munang i-place ang indemnity fund bago kayo magpabakuna kung sakali po next week?

PMA PRESIDENT ATIENZA: Pinag-aaralan po namin. Magkakaroon po rin kami ng board meeting mamaya, Philippine Medical Association, at tatalakayin po din namin iyan.

USEC. IGNACIO: Opo. Dok, ano naman po daw iyong ginagawa ng Philippine Medical Association para naman daw po maitaas pa ang kumpiyansa ng ating mga mamamayan na i-avail po itong COVID-19 vaccines? Sa isa po kasi daw na pag-aaral, lumilitaw na siyam sa kada sampung Pinoy ay hindi po maalis iyong may agam-agam pa sa mga bakuna?

PMA PRESIDENT ATIENZA: Ito nga kasi ang naging epekto, iyong hesitancy ng Pilipino, tayo po ay isa sa pinakamababa ang acceptance ng bakuna after ng Dengvaxia issue. Kaya nga po, katulad ko po bilang pediatrician, ako po ay 27 years na na nagbabakuna, at so far naman po ay wala naman po akong nakitang adverse effect doon sa aking mga binakunahang mga bata na ngayon po ay mga adult na sila, kasi 27 years na akong nagpa-practice.

At inaano po namin na, mas maganda kasi makita nila na ang mga frontliners lalo ang mga doktor ang nagpabakuna para makita nila na talagang safe iyong bakuna at effective. At katulad po ng sinasabi ko, kahit po ang mga doktor, kami ay imu-monitor pa rin namin ang aming mga sarili at may ano po, iyon po ang importante. At makita ng sambayanang Pilipino na ang bakuna po ay isa sa pinakamahalagang imbensiyon, sunod na po iyan sa malinis na tubig. Kasi katulad po dati, noong kami ay nagri-residency, 1990s, marami pong measles. Pero nagkaroon po tayo ng mass measles vaccination, halos nawala po iyong measles – ngayon lang po bumabalik kasi nga ayaw magpabakuna.

At niri-reiterate po ng Philippine Medical Association at tinutulungan po natin ang DOH na sana po iyong agam-agam ay mawala sa ating mga sarili lalo sa mga magulang. Kasi ang dami pong nagkaka-measles ngayon, may outbreak po ng measles ngayon sa National Capital Region eh ngayon po ang tamang magpabakuna iyong mga bata kasi ngayon po iyong mass immunization, lahat po ng zero (0) to less than five years old ay dapat pong mabakunahan ulit. Hindi po importante kung ilang beses kayo nabakunahan ng measles, ang kailangan po ay mabigyan ulit sila ng measles vaccination kasama iyong rubella at saka iyong oral polio.

Sa katunayan po, ang polio po ay eradicated na po sa Pilipinas for the last 19 years at last year po ini-report na mayroon na uli tayong—nagkaroon na ulit ng mga datos na mayroon ng ulit na nakuha na nag-positive  sa polio. Kaya po dapat tayo ay maging alerto hindi lang po kasi nafo-focus lang natin iyong COVID – ngayon – vaccine.

Pero ang katunayan po dapat po ay dire-diretso tayong nagpapabakuna. Katulad ng mga matatanda dapat po nagpapa-bakuna sila ng pneumococcal vaccine para maiwasan po iyong matinding pneumonia na mape-preventan po ng bakuna at saka po iyong flu.

Iyong flu vaccine po every year po iyan dapat nagpapabakuna po tayong lahat. Ang vaccine po na iyan ay nag-umpisa sa January hanggang December lang every year po iyan kasi may expiration po iyan.

Kaya dapat po malaman ng mga tao na hindi lamang po dito sa COVID tayo magpabakuna, dapat po iba pang mga bakuna kasi ito po ay epektibo para labanan natin iyong mga sakit.

USEC. IGNACIO:   Opo. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon ano po, Dr. Benito Atienza ng Philippine Medical Association. Salamat po, Doc.!

Sa ibang balita, pagkakaroon ng Provincial Training Center ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa Kapangan, Benguet, nalalapit na. Ang buong balita mula kay Florence Paytocan ng PTV–Cordillera. Florence?

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO:   Maraming salamat sa iyo, Florence Paytocan, nag-uulat mula sa Baguio. Samantala, magbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH.

[STATION ID]

USEC. IGNACIO:  Nagbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH. Samantala, noong nakaraang linggo po ay inaprubahan na ng IATF, NTF at ng CODE team ang vaccination  program ng Lungsod ng San Juan pero ang isang problemang kinakaharap nila ay iyon pong kakaunting bilang ng mga residente nito na gustong magpabakuna. Makakausap po natin si San Juan City Mayor Francis Zamora. Good morning po, Mayor!

SAN JUAN MAYOR ZAMORA:   Yes. Magandang umaga, Usec. Rocky at sa lahat po ng nanonood at nakikinig ng Laging Handa Public Briefing po natin.

USEC. IGNACIO:   Opo. Mayor, alam po namin na all systems go na po daw iyong San Juan City LGU sa pagpapabakuna for COVID-19. Ilang vaccination sites na po ang nakahanda at ilang vaccinators na rin po ang na-train para po magturok ng bakuna; at kasado na rin po ba iyong kasunduan ninyo sa mga cold storages diyan sa San Juan?

SAN JUAN MAYOR ZAMORA:   Una sa lahat, mayroon po tayong limang fixed posts dito po sa buong Lungsod ng San Juan. Kasama po diyan ang Cardinal Santos Medical Center, ang ating atin pong FilOil Flying V Center,  ang San Juan gym, at isang paaralan po na pampubliko sa District I at isang paaralang pampubliko dito po sa District II.

Sa kasalukuyan ho, mayroon ho tayong 500 na kawani na magiging bahagi po ng ating vaccination teams composed of different City Hall and City Health employees at handa na po tayo, ang hinihintay na lang natin iyong mismong pagdating po ng ating mga bakuna.

USEC. IGNACIO:   Opo. So, paano po iyong magiging sistema daw po sa pagpapabakuna? Ilan po iyong capacity na puwedeng bakunahan sa bawat vaccination site, Mayor?

SAN JUAN MAYOR ZAMORA:   Okay. Ang FilOil Flying V Center po, this is a 4,000-seater indoor stadium so we can vaccinate as much as 1,000 to 1,500 per day dito sa venue na ito. Iyong ibang mga venues po na nabanggit ko, we can do a maximum of 500 per day at kung ang mapapag-usapan po ay initially iyong ating mga health workers and medical frontliners, they are 3,700. So, in a matter of just a few days ay matatapos na po natin ang ating medical frontliners.

So, tayo naman po ay umaasa pa rin dito po sa ating magiging number of registrants na as of today if I must just share, 24,559 na po ang nagpapa-register po sa atin. Mismong ang DOH po ang nagbanggit noong CODE Team visit nila noong nakaraang araw na ang San Juan po ay may pinakamataas na bilang na nagparehistro sa COVID-19 vaccines. Kami po ay masigasig na nag-eengganyo ng ating mga mamamayan na magparehistro na.

In fact, I have written officially Secretary Duque of course, our DOH Secretary and head of the IATF kung puwede ho sana ako po ay isa sa mga unang mabakunahan dito po sa San Juan kasama ng ating mga medical frontliners upang tumaas po ang tiwala at kumpiyansa ng ating mga mamamayan sa bakuna. Sapagkat kapag nakita nila na si Mayor ay nauna, ibig sabihin mataas ang tiwala ni Mayor sa ating bakuna at sa prosesong papagdaanan. Kung si Mayor ay natatakot, nagdadalawang-isip, ibig sabihin, may problema iyong pagbabakuna natin.

At tayo po ay nagha-house to house din po sa iba’t-ibang barangay, nagsimula na ho tayo niyan last week kung saan ako ho mismo umikot sa ating mga barangay kasama natin ang City Health officer, ang ating Urban Poor Affairs Office at ang ating City Social Welfare and Development Office kung saan tayo po ay nagdi-disseminate ng tamang impormasyon to educate our constituents para mawala po iyong takot po nila. Karamihan po kasi nakatatanggap ng fake news o nag-aalinlangan dahil sa mga nababasa nila o napapanood sa telebisyon.

So, mayroon tayong mga dalang tablets at wifi kung saan online instantly puwede na silang mag-register sa aming pag-ikot po sa iba’t-ibang barangay at heavy rin ho tayo sa social media and mainstream media information dissemination upang ang tamang kaalaman lamang ang umabot sa ating mga mamamayan.

USEC. IGNACIO:   Opo. Mayor, nabanggit ninyo na sinabi ninyo nga na isa sa—na kasama kayo sa mga unang mababakunahan para tumaas po ang kumpiyansa, ano po. Nagkaroon po ba ng tugon si Secretary Duque sa liham na ipinadala ninyo sa kaniya kung saan nagpapaalam kayo na mauna sa pagpapabakuna?

SAN JUAN MAYOR ZAMORA:   Hanggang ngayon po ay wala pa ho akong tugon na natatanggap. Ngunit ito po ay aking ginawa para tumaas po iyong tiwala at kumpiyansa ng ating mga mamamayan at ito ay isang paraan para makatulong sa ating gobyerno hindi lamang sa lokal na pamahlaan, siyempre sa ating pamahalaang nasyonal para ho pag makita ng mga mamamayan natin ang mga officials mismo ay nagtitiwala po sa ating proseso ng pagbabakuna ay mas makakapaghikayat pa ho ito ng tiwala mula sa ating mga mamayan.

So, ako po ay naghihintay ng tugon at umaasa  po ako na sana ako po ay payagan sapagkat ito ay aking maliit na paraan na makatulong din para tumaas po ang bilang ng mga magpapabakuna hindi lamang sa San Juan ngunit  siyempre sa buong Metro Manila. Umaasa po ako na ito ay magkakaroon ng isang positibong tugon mula kay Secretary Duque.

USEC. IGNACIO:  Opo, may mga LGU po kasama ng Makati, balak bakunahan ng libre iyong mga empleyadong nagtatrabaho sa kanilang Lungsod, kahit hindi naman po ito residente. May ganiyan din po ba kayong inisyatibo?

SAN JUAN MAYOR ZAMORA:  Puwede po natin iyan gawin dito sa san Juan, naghihintay lang po kami ng guidelines. Sapagkat sa ngayon ang guidelines po na natatanggap namin ay iyong mga medical frontliners na mula sa ibang lungsod na nagtatrabaho sa san Juan, sila po ang aming automatic na dapat pong bakunahan. Pagdating naman po sa mga empleyado sa mga negosyo, kung ang magiging direction po ng national government ay bakunahan namin sila, of course, we can do that. However, as of today, ang directive po sa amin kasi ay kung anong LGU po kayo nakatira doon kayo magpapalista. Mahirap po kasing magkaroon ng duplication baka po naglista sila sa amin tapos iyon pala nakalista din sila sa kanilang mga LGU. Ako naman po, I am very open to this, we just need formal directives from the national government and proper coordination also para lang ho hindi magkagulo-gulo  lalo na ho sa mga listahan po natin. Pero handa po ang San Juan na gawin kung kinakailangan.

USEC. IGNACIO:  Mayor, may mga tanong po iyong mga kasamahan natin sa media. May tanong po sa inyo si Maricel Halili ng TV 5. Did Metro Manila Mayors already made an appeal before the IATF to suspend the opening of cinemas, what are the concerns of LGUs?

SAN JUAN MAYOR ZAMORA:  Kahapon po pati noong Sabado kami po ay nag-usap-usap mayroon po kaming viber group ng mga Metro Manila Mayors kasama po diyan ang ating MMDA chairman na si Chairman Benhur Abalos at iyon nga po, marami po ang medyo mayroong agam-agam tungkol po dito sa pagbubukas ng ating mga sinehan. So, I know that Chairman Abalos will formally communicate this to the IATF.

Kami naman po, ako bilang mayor, siyempre ayaw po natin na gumawa ng mga bagay na posibleng maging dahilan pa po ng muling pagtaas ng mga kaso. Ngayon kung magkakaroon po ng pagpupulong, hinihintay na lang namin iyong mga formal communication po sa amin kung kailan po ito. But as far as I know, karamihan po sa mga mayors ay medyo ano nga ho eh umaasa na hindi muna ito ipatupad. I received information na postponed daw po muna iyong implementation nito to March 1, so hinihintay lang po namin iyong formal communication po sa amin.

Ako, nais ko lang sabihin na personally, mas gusto ko po sana na kung puwede i-delay muna  ang pagbubukas ng mga sinehan na nababanggit lalung-lalo na at parating naman na din  naman po ang ating mga bakuna.

USEC. IGNACIO:  Opo, iyong second question po ni Maricel Halili: Hindi ba kayo nakonsulta bago daw po ilabas ang resolusyon?

SAN JUAN MAYOR ZAMORA:  Sa pagbubukas ng cinemas, hindi po kami nakonsulta. Usually we are consulted regarding policies that are handed down by the IATF. But for this particular issue, hindi po kami nakonsulta. At iyon nga din po ang naging reaksiyon ng karamihan sa mga Metro Manila Mayors, hindi po kami natanong tungkol dito. Iyong usapin tungkol sa pag-increase ng church goers to 50% nakonsulta po kami diyan, pati po iyong usapin sa pagbaba po ng age ng mga mamamayan na puwedeng lumabas, lowering it to 15 from 18, nakonsulta po kami diyan. Ngunit specifically for the cinemas, hindi po kami nakonsulta.

USEC. IGNACIO:  Mayor may pahabol pong tanong sa inyo si Leila Salaverria ng Inquirer: Sino po daw ang nagpaabot sa inyo ng impormasyon na postpone to March po iyong dapat na implementasyon ng opening ng cinemas ngayong araw po?

SAN JUAN MAYOR ZAMORA:  Iyon po ay nabasa ko lang po doon sa aming viber group. Iyan po ay kasama po diyan iyong mga Metro Manila Mayors and MMDA Chairman Abalos. Of course to formally announce this, siguro mas mabuti kung si Chairman Abalos na po ang    gumawa niyan. I am in no position to formally say it. But ang binabanggit ko po ay I received the information na ito po ay ide-defer muna.

So siguro hangga’t wala pang formal communication ay maghihintay din muna tayo. Sapagkat kung anuman ang pinaka-guidelines po nito, the LGUs will really have to know, kasi kami rin naman ang magpapatupad po niyan dito po sa aming mga lungsod, kaya kinakailangan po talagang makapag-usap pong mabuti kung ano ba iyong mga patakaran na gagawin po natin para sa tamang implementasyon po nito. Tandaan po ninyo, the Metro Manila Council is only purely recommendatory, kami po ay nagrirekomenda lamang. At the end of the day, it will be the IATF and ultimately of course, the President who will make the final decision.

USEC. IGNACIO:  Opo, iyong tanong po ni Trish Terada ng CNN Philippines at sinagot na nga po ninyo about doon sa MMC Resolution allowing 15 to 17 years old to go out. May update po ba para dito, Mayor? Ang tanong niya may ipapalabas po bang resolution at puwede po niyang malaman ang reason or consideration for this decision, doon po sa edad na 15 to 17 years old?

SAN JUAN MAYOR ZAMORA:  Dito po sa 15 to 17 years old na paglabas, itong usaping ito, majority of the Metro Manila Mayors agreed to it at ako personally po, I cannot  answer for the other mayors. Ako po personally ang naging consideration ko rito, siyempre iyong pagtulong sa ekonomiya, alam naman po natin na kinakailangan talagang tulungan natin ang ekonomiya natin. We have to strike a good balance between health and the economy. Kung pag-uusapan po ang edad na 15 to 17, hindi na ito masyadong malayo sa edad na 18 na pinapayagan naman nang lumabas. Kaya lang tumigil po kami sa 15, sapagkat iyong 15 and below naman, siyempre ito po iyong mga edad na maaaring prone pa rin talaga sa ating virus.

So, in our part, ako personally, iyong two years po na naidagdag natin ay ating konsiderasyon na rin po para makatulong sa ekonomiya, basta po all health and safety protocols ay sinusunod po natin. Kaya nga po dito sa mga theme parks at iyong mga arcade na sana raw huwag po muna nating buksan iyan because ang clientele po diyan ay iyong mga menor de edad. At posible nga po kasing kapag pumunta ang mga kabataan sa mga arcades na ito at pag-uwi nila sa bahay ay posibleng mahawa nila ang kanilang mga magulang o iyong mga lolo at lola nila na kahit sabihin mong 11 months na hindi lumalabas ng bahay baka iyong mga batang ito pa po ang makapagdala ng virus sa kanilang mga tahanan.

USEC. IGNACIO:  Tanong naman po ni Evelyn Quiroz ng Pilipino Mirror: Sa interview po ninyo, sinabi ninyo na 28% iyong target na recipients ng COVID-19 vaccine in the city. In the city, those who have registered for inoculation so far – 28%, seems to be a bit low and yet San Juan is now ranked number one in Metro Manila in terms of the number of registrants. Is this indicative of the people’s fear or misgivings about the vaccine?

SAN JUAN MAYOR ZAMORA:  Well, to be specific, we have logged 24,559 registrants as of 7:00 AM today. At ito po ay 28.76% ng aming target population na babakunahan which is 85,400. So ang DOH na ho mismo ang nagsabi na as of 4 days ago noong dumalaw nga po sila dito sa san Juan, iyong Code Team at ang IATF members, kami po ang may pinakamataas na bilang na nagparehistro and considering nga po na medyo mababa pa iyan, we are exerting all efforts to be able increase this number. Bahagi po diyan talaga iyong pagpapataas ng tiwala at kumpiyansa ng ating mamamayan sa mismong proseso ng bakuna.

Kaya nga po babalik po ako sa aking liham na aking ini-address po kay Secretary Duque, ako kasi naniwala po talaga na bilang ama ng aking lungsod ay kinakailangan maitaas ko po ang tiwala at kumpiyansa ng ating mga mamamayan sa proseso ng bakuna. Normal lang po na magkaroon ng mga alinlangan, normal lang na matakot. But what we have to do is really educate and inform them about the truth, about the vaccine. Kasi karamihan po talaga sa mga nakukuha nila ay misinformation na hindi po nakakatulong sa ating sitwasyon.

USEC. IGNACIO:  Pero Mayor paano naman ninyo pinaghahandaan iyong inaasahan naman pong pagdalo ng Catholic devotees sa mga simbahan para sa Ash Wednesday?

SAN JUAN MAYOR ZAMORA:  Sa ngayon po, ang pinayagan po ay 50% na capacity po sa simbahan and this is something that we voted upon last week sa Metro Manila Council. Hindi lang po ako sure kung formally nai-announce na po ito ng IATF. But nevertheless tayo naman po ay sanay na rin naman po na nagmo-monitor ng ating church capacity. In fact, for very long time, iyan po ay 30%; ngayon po ay naitaas na po for 50%.

At ako po nagsimba po ako kahapon dito po sa Saint John the Baptist Parish o iyong mas kilalang Pinaglabanan Church at narinig ko nga po mismo na during the mass na nag-announce po na iyong mga schedule po ng Ash Wednesday masses and activities natin ay limited to 500 people lamang.

So, kinompute na po nila kung ilan iyong total allowable na magsimba sa Ash Wednesday at ito naman po ay sinusundan ng ating mga mamamayan. Bago pa lang pumasok, mayroong registration table at sila po nagbabantay kung ang mga pumapasok ay tama ang temperature. Of course kapag mataas ang temperature mo hindi ka muna papapasukin. May alcohol station po tayo at mayroon din tayong mga kapulisan na nagbabantay po just to insure the safety and compliance of our residents dito po sa ating mga direktiba.

USEC. IGNACIO:  Okay. Maraming salamat po sa inyong panahon San Juan City Mayor Francis Zamora. Mabuhay po kayo!

SAN JUAN MAYOR ZAMORA:  Maraming salamat din po Usec. Rocky at sa inyong lahat.  Mabuhay po!

USEC. IGNACIO:  Samantala dumako naman tayo sa Mindanao may balitang hatid si Regine Lanuza ng PTV Davao. Regine?

[NEWS REPORTING]

USEC. IGNACIO:  Maraming salamat sa iyo, Regine Lanuza ng PTV Davao.

Maraming salamat po sa ating mga partner agency para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas. Salamat din po sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19, mabuhay po kayo.

At dito po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ako po ang inyong lingkod Usec. Rocky Ignacio. Hanggang bukas po muli dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.

 

###

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)