USEC. IGNACIO: Magandang umaga Pilipinas. Ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio mula sa PCOO. Mga napapanahong balita’t impormasyon po kaugnay pa rin sa laban ng bansa kontra COVID-19 at pagpapalawig ng face-to-face classes sa kolehiyo ang aming ihahatid sa inyo ngayong araw ng Biyernes kaya tumutok lang sa isang oras nating talakayan dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.
Una sa ating mga balita: Pangulong Rodrigo Duterte tinupad ang pangako na ibabalik ang coconut levy fund sa mga magniniyog. Senator Bong Go isinulong naman ang mas maraming suporta para sa sektor ng [garbled]. Narito ang report:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Simula ngayong araw ang ikalawang phase ng pagbabakuna para sa mga 17 years old pababa dito sa Metro Manila. Labing tatlong vaccination centers sa NCR ang nadagdag sa listahan para magbigay ng COVID-19 vaccines sa ating mga kabataan. Para alamin ang pinakahuling update diyan, may report si Mark Fetalco. Mark, kumusta na iyong vaccination rollout diyan?
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyong update, Mark Fetalco.
Bukod po sa Metro Manila, ipinatutupad na rin ang bagong alert system sa ilan pang mga probinsya sa bansa. Kaya naman para alamin ang naging tugon ng mga lokal na pamahalaan na napabilang po sa implementasyon ng alert level system, makakasama po natin si Marinduque Governor Presbitero Velasco, Jr., ang Presidente po ng League of Provinces of the Philippines. Welcome back po, Governor.
MARINDUQUE GOV. VELASCO, JR.: Magandang umaga po Usec. Rocky at sa lahat po ng nanunood.
USEC. IGNACIO: Governor, nito pong Martes ibinaba na ng IATF ang desisyon na palawakin po ang alert system sa mga probinsya at ilang lungsod simula po October 20 ano po; so, ano po ba ang naging reaksiyon ng mga gobernador tungkol dito?
MARINDUQUE GOV. VELASCO, JR.: Well lumabas po ‘yung kopya noong IATF Resolution 144-D noong Martes po, October 19 at ginagawa pong epektibo ng October 20 or kinabukasan lang po. Kaya nga po ang hiniling po ng Liga ng mga Gobernador ay bigyan po ng supisiyenteng mga panahon ang mga local government units para po maipaliwanag sa kanilang constituents kung ano po itong nilalaman ng bagong sistema.
Alam po natin na sanay na po ang ating mga tao dito po sa mga dating community quarantine system – iyong mga ECQ, MECQ, GCQ at saka MGCQ – eh ngayon po ay biglang naging Level 1, Level 2, Level 3, Level 4 hanggang 5. So iyon lang po ang hinihingi natin at in addition po alam ninyo naman po gumagawa din po tayo ng mga executive order ang kaniya-kaniyang mga local government units kaya may panahon din po para makagawa po sila noon.
Nakapaloob po doon sa IATF 144-D na puwede pong mag-impose ng reasonable regulations ang ating mga LGUs patungkol po dito sa bagong alert level system. At ganoon din po, kailangan po naming pulungin itong ating mga implementers nitong ating bagong sistema para matingnan nating mabuti kung paano po ang magandang pagpapatupad nito. so iyon lang po ang hinihingi natin kaya naman po kung puwede ay ma-defer ng bandang end of October at mabigyan ho ng panahon ang ating mga LGUs.
At alam po natin na hindi naman po sinakop lahat ‘yung mga LGUs, marami pong hindi kasama so kung maisasama na rin po at maku-cover iyong mga ibang natitirang LGUs ay bigyan din po nang sapat na panahon – palagay ko po mga pitong araw, supisiyenteng-supisiyente na po iyon.
At ‘pag ganito pong pagbabago ng mga sistema ay hinihiling po sana namin na baka puwedeng mailagay sa newspaper of general circulation; alam ninyo po iyong mga iba’t ibang mga lalawigan ay hindi naman po mga magaganda iyong ibang internet, iyong mga sa kabundukan at sa ibang lugar ay hindi po naaabot nitong ating mga reports at mga bagong issuances.
So iyon lang po, mabigyan po nang supisiyenteng panahon para po mapag-aralan at maipaliwanag sa ating mga constituents at pati doon po sa mga mag-i-implement nitong bagong sistema.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Governor, linawin lang din po natin ano po, pabor naman po ba sila sa alert level na tinaas sa mga probinsiya? Kasi nga po nabanggit din ni Spokesperson Harry Roque kahapon, ito po ay gagawin doon sa mga nakausap na munang mga probinsiya.
MARINDUQUE GOV. VELASCO, JR.: Well, tingin po naman namin ay kapag ganiyang sistema ay napag-aralan naman pong mabuti ng ating IATF iyan. At nandiyan naman po iyong ating mga TWG, mahuhusay po naman sila diyan at may pinagbabasehan po sila. Sa tingin naman po namin ay okay naman po iyong alert level system. Pero siyempre nga po, kapag iyong ganiyang uniform rule ay maaari pong iba-iba ang aplikasyon niyan sa iba’t ibang lalawigan kasi po iba-iba iyong kondisyon po sa kaniya-kaniyang teritoryo.
At iyon nga po, ang hinihiling din po natin ay, tama po iyon, kailangan pong konsultahin po talaga lahat iyong mga maaapektuhan, baka po mayroon po silang suggestion na huwag naman hong Level 2; baka puwede na kaming Level 3 dahil mas mataas ho ang transmission, o iyon namang iba ay baka gusto nilang Level 1.
Actually ho, ang hinihiling talaga rin ng mga local government units ay mabigyan sila nang mas malawak na powers or authority para po sila iyong naglalagay ng mga measures or protocols na tugma doon sa kani-kanilang territorial jurisdiction.
USEC. IGNACIO: Opo. Governor, sa inyong obserbasyon, ano po iyong naging epekto nitong biglaang announcement sa mga probinsiya at kumusta po ang sitwasyon on the ground?
MARINDUQUE GOV. VELASCO, JR.: Sa ngayon po ay nangangalap pa po kami ng epekto dahil nga po noong Miyerkules lang po pinatupad. May nakausap naman po kami na ilan, sa tingin naman po nila ay okay naman po raw iyong implementasyon. So sabi ko nga po, sa tingin naman po ng mga gobernador ay mukhang okay naman po iyan at napag-aralang mabuti kaya po binago iyong sistema. So, so far, ganoon naman po; maganda naman po ang balita.
USEC. IGNACIO: Opo. Governor, pero iyong request po ninyo na kung puwede ay iurong sa November 1st iyong pagpapatupad ng alert system, pormal ninyo na po ba itong nailapit sa IATF? At kung nailapit ninyo na, may feedback na rin po ba sa inyo?
MARINDUQUE GOV. VELASCO, JR.: Well, natapos po namin iyong aming letter/appeal at nai-file na po yata iyon. So, so far, kasi po baka kahapon lang natapos, wala pa po kaming naririnig na sagot o aksiyon so far.
USEC. IGNACIO: Governor, dito naman po sa usapin ng bakuna, ano po. So far, kumusta naman po iyong rollout across the region? Hindi naman po ba nahuhuli ang vaccination rollout sa mga probinsiya?
MARINDUQUE GOV. VELASCO, JR.: Well, kaniya-kaniya pong pananaw iyan. Sabi ko nga po ay mahirap iyong uniform rule ‘no; iba-iba po kasi ngayon ang sitwasyon namin. Pero ang nakikita po ng mga kasamahan po namin ay talagang dapat na pong dagdagan itong mga binibigay na quantity ng mga bakuna dahil po nakita po natin sa nakalipas na mga buwan ay nakatutok po itong supply na marami sa NCR dahil nga po ito naman ang epicenter, ano po; nandiyan naman po iyong ating ekonomiya na nagpapagulong.
So ngayon naman po ay mukhang maganda na po sa NCR at maganda na po iyong resulta, bumaba na po iyong transmission so hinihiling nga po ng mga iba’t ibang LGUs na dagdagan na po iyong allocation nila. At sanay na po sila sa pagbabakuna at iyon na nga po, natatakot na rin po sila dahil kakaunti pa iyong bakuna nila. Sa iba po ay sabi 20 to 30 percent lang po ang kanilang nakukuhang quantity. So, hinihiling po nila na damihan na po ngayon para po naman magkaroon sila o maabot nila iyong population protection.
USEC. IGNACIO: Opo. Governor, nasa 37 million doses pa ng bakuna ang hindi pa po nagagamit ayon sa ilang report, kaya daw po ang DOH ay nakatakdang magbigay ng target daily vaccination sa mga probinsiya. Sinabi naman po ni DOH Secretary Duque, ang mga gobernador na raw po ang bahalang mag-breakdown ng target numbers na ito sa kanilang mga nasasakupang bayan. Wala naman po bang problema sa inyong grupo, Governor, kung bigyan kayo ng target ng DOH?
MARINDUQUE GOV. VELASCO, JR.: Okay po iyon, at talaga naman pong pinapupursigehan po namin ngayon ang pagbabakuna. At maganda naman po iyon na may nilagay po silang ganiyang target ano ho, para ma-guide mabuti itong ating mga LGUs. At sa amin pong mga pag-uusap, talaga pong mas maraming bakuna na ayon naman sa kakayahan nilang magbakuna, eh sasabihin naman ho nila eh. Pero talaga po ang hiling ay madagdagan na po at gustung-gusto nilang tumaas na po iyong numero ng mga nababakunahan.
USEC. IGNACIO: Opo. Governor, ready na rin ba ang mga probinsiya na magbukas ng kanilang pagbabakuna sa younger age group maging sa pag-a-administer ng third dose o booster shot sa ilang piling sektor?
MARINDUQUE GOV. VELASCO, JR.: Dahil po may experience na po sila diyan eh, sasabihin naman po nila kung hindi nila makakayanan. Pero tingin ko po, naghanda na po kami talaga nang todo diyan dahil nga kailangan po talagang mabakunahan na. So tingin ko po, may supisiyente na pong kakayahan ang ating mga local government units.
USEC. IGNACIO: Opo. Governor, sa usapin naman po ng Undas ‘no. Dito po sa Metro Manila, naglabas po ng resolution ang Metro Manila Council na isara ang mga sementeryo simula October 29 para po maiwasan maging super spreader event ang Undas. Kayo po ba ay nagkaroon din ng kasunduan, Governor?
MARINDUQUE GOV. VELASCO, JR.: Kami naman po ay sumusunod sa regulasyon ng IATF, at kung isasara nga po iyong mga sementeryo sa apat na araw na iyon ay susundin naman po natin. So ang pinaghahandaan po ng mga local government units ay ito pong darating na Sabado at Linggo at iyan naman po ay nilalagyan na po nila ng karapat-dapat na mga ordinansa para po makontrol iyong dami po ng tao na papasok diyan sa loob ng public cemeteries. So marami ho namang nag-isyu at as usual po, tama po iyong guideline na [binuo] ng ating IATF na talaga pong may schedule po at saka lilimitahan iyong pumapasok po sa loob ng isang period of time ay kailangan po talagang limitado.
Iyon nga lang po, ang sinasabi po nila, nang ibang LGU ay humihiling naman po na puwede na rin daw buksan kahit po October 30 and October 31. Kasi nga po, noong sinara po noong October 30 and 31 iyong public cemetery, para pong nilipat lang iyong araw dito sa darating pong October 23 and 24. So may hiling po na ganoon, magbukas din po iyong iba, siguro po kaya po nilang ipatupad iyong minimum health protocols at kanila pong mga regulasyon eh nasa IATF na po kung aaprubahan.
Pero in general po ay talaga naman pong ang ating mga kababayan ay puwede namang pumunta before, itong October 30 and 31, at saka after naman po ay puwede rin pumunta. Nasa atin naman pong mga kababayan iyan. Alam ninyo naman po eh talaga naman iyong sa pag-alala po sa ating namatay na kamag-anak, kahit sa isang taon po iyan, kahit anong buwan puwede naman po, ano po. Huwag lang po tayong magsiksikan masyado itong panahon na ito.
USEC. IGNACIO: Opo. Governor, pasensiya na, may pahabol lang po iyong kasamahan natin sa media. Si Leila Salaverria po ng Inquirer ay may tanong po sa inyo, kung puwede raw pong malaman alin ang mga regions na nanghihingi ng dagdag na supply? Sa bakuna po ito.
MARINDUQUE GOV. VELASCO, JR.: Well, alam ninyo po, marami namang mga sakop na mga lalawigan po ang ating mga regions. In general po ay 40% po iyong kinalat doon sa low-risk provinces eh. So iyon pong mga hindi talaga nabigyan na low-risk provinces dati ay iyon po naman ang dapat mag-allocate ng dagdag na quantity.
At [sang-ayon] naman si DOH Usec. Myrna Cabotaje na ganoon po ang gagawin. At si Secretary Duque po nga ay nagpapatawag ng meeting sa mga iba’t ibang LGUs, mga local chief executives, kahit po mamayang hapon ay mayroon niyan. At talaga pong pinu-push ni Secretary Duque na damihan ang mababakunahan at ina-assure nila na marami pong maibibigay na bakuna. So maraming salamat naman po, Secretary Duque.
USEC. IGNACIO: Opo. Governor, kami rin po ay nagpapasalamat sa inyong panahon at pagbibigay impormasyon. Marinduque Governor Presbitero Velasco Jr., ang presidente po ng League of Provinces of the Philippines, mabuhay po kayo, Governor!
MARINDUQUE GOV. VELASCO, JR.: Opo. Maraming salamat po at ingat po tayong lahat!
USEC. IGNACIO: Salamat po.
Para naman himayin ang isyu kaugnay sa Malampaya deal na kinakaharap ngayon ng kanilang ahensiya, makakausap natin sa puntong ito si Department of Energy Assistant Secretary Gerardo Erguiza Jr. Good morning po, ASec.!
DOE ASEC. ERGUIZA: Good morning po. USec. Rocky at sa lahat po ng nanunood at tagapakinig.
USEC. IGNACIO: ASec., kinukuwestiyon ito po ng pagkuha ng Udenna Corporation na pagmamay-ari ng negosyanteng si Dennis Uy po sa shares ng Chevron Philippines sa Malampaya Gas Project. Tama po ba ito? Ayon sa mga nagsampa po ng kaso sa Ombudsman, nagpabaya ‘di umano ang DOE kung kaya’t nakuha ng Udenna ang corporation ng 45% shares [garbled] at maaaring maulit pa ito sa balak na pagbenta ng Shell ng kanilang 45%. Tama ho ba ang mga nasabing paratang?
DOE ASEC. ERGUIZA: Well, USec. Rocky, unang-una, gusto kong i-clarify na iyong kaso na i-finile against Secretary Cusi po ay hindi dahil po sa kaniyang personality as Secretary of Energy po. Ito, doon sa nakalap namin na report ay kasong nai-file against the Philippine National Oil Company including Udenna po; si Secretary Cusi po ay nasama dito dahil siya po ang chairman of the board ng Philippine National Oil Company Exploration Corporation.
So, wala ho itong kinalaman sa pagiging secretary po ni Secretary itong isyu pong ito ng Udenna po. Although nais ko pong sabihin na may pending approval process ho dito sa DOE tungkol dito sa mga corporations na ito sa paglipat ho ng share of stocks ng korporasyon.
Basically, I just want to volunteer the information na lang po siguro dito na ang involvement po kasi ng DOE dito na nagiging issue is whether or not DOE should approve/review iyong sale ng shares of stock sa Udenna po ano.
So, sa part po ng DOE, una, sinabi po namin na may distinction po ang mga transaksiyon na ito. Una, iyong sales of share stocks. Mayroon kang korporasyon, so, ang nalipat lang o binili iyong shares of stocks. Alam na ho natin ang isang korporasyon is composed of shares of stocks at itong shares of stocks ang ownership ng isang holder or owner sa corporation.
Ito po ang nangyari sa kaso ho ng Udenna noong binili nila iyong share stock sa Chevron at pangalawa po dito sa Shell company. Ang isang situation ho kasi na pinag-uumpisahan ng kontrobersiya ay iyong tinatawag na transfer of rights and obligations or iyong transaksiyon na [garbled] na kung saan ang isang korporasyon at isang another corporation, lahat ng rights and obligations po noong korporasyon for example “B” ay kukuhanin ni corporation “A”, iba po iyon.
So, dito po nag-uumpisa iyong issue na ito between ho doon sa mga nagpaparatang sa DOE at doon sa mga—sa DOE po at kami po sa DOE sinasabi namin, noong share of sales of stock, basically po ‘no, ikaw may negosyo ka, may korporasyon ka, mayroon kang share so of stocks. Gusto mong ibenta iyong shares of stock mo sa isang buyer, kailangan mo pa bang ipa-approve ito sa corporation? This is owned by you, so, basically this is just a corporate transaction. Ibibenta iyong shares of corporation mo, problema iyon ng bibili o magbibenta, silang dalawa.
Kasi iyong corporation na nagbebenta ng share niya, siya iyong babayaran. So, problema niya iyan kung hindi makabayad iyong korporasyon na bibili doon sa shares of stocks niya. At nalaman po namin, of course, we have to inquire into this, na ang Chevron Philippines na siyang nagbenta sa mother company, iyong [garbled] Malampaya doon sa shares nito within Chevron Malampaya, nagkaroon ho ito ng masusing proseso at sinabi nila na they examined the corporation that is owned by Udenna—actually, hindi Udenna ang involved dito eh, ang bumili iyong si Malampaya pa eh. At nakita nila that this is a corporation of good reputation, may financial certainty, mayroong lahat ng mga conditions na-fulfill nila.
At ganoon din po iyong isang second share, iyong 45%, iyong Shell SPEX [Shell Philippines Exploration] Corporation na binili na naman ito ng Malampaya Exploration Corporation at problema rin po ito noong nagbenta kung babayaran siya. Ang ginawa nila, they asked for the participation of companies, there 39 companies, it was shortlisted to 16, then to 6, then four gave their bids. So, these were duly examined, reviewed ng selling corporation.
But the selling corporation po ito iyong mother companies pero iyong shares of stocks, iyong Chevron Malampaya, may-ari ng shares, nandoon pa rin. Sila pa rin ang nasa consortium, nag-iba lang iyong—sa tabi nila, mother company na may-ari, nag-iba lang iyong ma-ari ng mother company. Itong dalawang korporasyon na ito sila pa rin ang korporasyon sa consortium at hindi po nagbago kaya nandiyan po sila.
Iyan po ang—ang sinasabi nila eh bakit ang DOE eh dapat istrikto diyan sa—sinabi ho namin kasi, iyong ginamit namin ang Department Circular on Transfer and Assignment of Rights, pero ito po [garbled] in-apply po namin ito, sabi namin dahil sa rules and regulations wala hong applicable rule dito sa shares of stocks pero mayroong applicable rule sa transfer of rights and obligations na kung saan ang isang corporation ay bibilhin niya iyong rights and obligations ng isang korporasyon at nagkakaroon po ng change of legal personality or change of personality or change ng corporation. Itong nangyari po kay Dennis Uy na Udenna po ay nagkaroon lamang ng pagbenta ng shares of stocks at ito po ang nangyari dito, iyong scenario na ito.
Ngayon, sinasabi nila na dapat in-examine namin. Tama po! Kahit na walang law, rule and regulation tiningnan ho namin ang transaksiyon na ito on the basis of—alam ninyo kasi every agreement transactions sabi sa Civil Code even there’s no law, rules or regulations, tingnan mo kung contrary ito sa good usage, customs and even public policy. And ang DOE po kahit na wala kaming strictly technically speaking pakialam dito kung kanino sila magbibenta, the policy that we wanted to protect is energy security.
We wanted to see that itong sale of shares na ito hindi tayo magkukulang ng power or energy in the future and we saw that this is just sales of shares and by applying the DC (Department Circular) on Transfer of Rights and Obligations, napakahirap po i-apply kasi it’s a square peg foot on a round hole. Pinapasok mo, pinipilit mo, so, pinilit namin but we could really strictly apply that, naging benchmark ho ito to see to it that we are protecting the energy security of the country. Iyan po ang proseso na nangyari sa DOE.
Pero itong dalawang transaction na ito, isang sale sa Chevron, it’s a plain simple transfer; itong sale naman sa SPEX [Shell Philippines Exploration] nakalagay doon sa agreement that it will be subjected to the DOE’s approval. So, ito naman sa SPEX po is undergoing the DOE’s review because of this provision that DOE should approve the transaction.
Ang pagkakaiba nitong dalawa kasi, itong Chevron at saka iyong SPEx, iyong Shell po, iyong Shell ito iyong operator. May joint operating agreement for the operations ang Shell, PNOC-EC at ang Chevron na ang mag-o-operate po ng Malampaya Project is Shell. So, itong Chevron is just plain ownership of shares, hindi po masyadong kumplikado.
Pero itong Shell, sila ang nag-o-operate, sila ang nagpapatakbo, they have the technical people, iyong management niyan sa pagpapatakbo ng project, sila. And they are the ones getting all the sub-contractors na gumagawa doon sa project. Sila po ang nasa platform, sila ang nag-aayos doon sa mga tubo na dinadaanan ng oil, sa transportation, etcetera, sila ho lahat. That is why we really have to approve that and we are looking to it that kalakip po ng energy security is to see to it that we have a competent, skilled, knowledgeable operatorship and that is the direction right now.
Once we approved that in the event, among other reasons, we will see to it and we will tell Shell that approval will be dependent on the competence, the knowledge, the skills of the people that are going to be there. At the same time, if there are going to be changes, this has to be protected to see to it that people who are operating the Malampaya Project are okay and we won’t have any problem in our energy security. Ganoon po iyon.
Pero gusto kong liwanagin ulit, itong Department of Energy Secretary natin po, wala pong kaso dahil dito. Ang kaso po lang ay dahil siya ay kasama sa Board ng Philippine National Oil Company Exploration. Kasi ang isyu dito, bakit hindi binili or in-exercise ng PNOC-EC ang right-to-match niya noong nagbebenta itong Chevron at nagbebenta rin itong Shell, bakit hindi binili ng PNOC-EC. Iyon ang isyu po na tinatapon sa kanila.
It’s a business decision on the part of the PNOC-EC, pero hindi naman sinasabi noong mga nagrireklamo, bakit maling business decision. It all boils down to numbers. Kung sinasabi mo na hindi mo binili, bakit? Bakit, ano iyong numero? Ano iyong mawawala sa gobyerno? Hindi mo naman pinapakita! Ito, ‘damn if you don’t’ situation sa Philippine National Oil Company Exploration ito. Kasi kapag binili mo, baka mali rin, di ba?
USEC. IGNACIO: Pero totoo po ba na ang agreement na ito ay diumano nagdulot ng pagkalugi sa gobyerno, ASec?
DOE ASEC. ERGUIZA: Wala po. Alam ninyo, walang kontrata na involved dito. There is no contract and the Department of Energy never, did not give any contract to Dennis Uy. Iyong kontrata po diyan, iyong service contract 38 is a contract awarded to Shell and Occidental Philippines originally in 1991. At ito po ay nagkaroon ng changes ng mga shareholders na may mga ibang farm-in, pumasok na corporation, hanggang naiwan na lang po ang Chevron, Shell at PNOC. At ito po ay na-qualify sila noong 1991, technically, financially, until now, sila po ang nagbigay ng 468 million dollars sa government. Until now, sila ang nagpapatakbo at pagdating po ng 2024, sila pa rin ang nagpapatakbo. Hindi po nagpalit ng personality ang Corporation. Ang nangyari lang po dito iyong shares nila, binili ng korporasyon ni Dennis Uy. Iyon lang po ang nangyari.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, ASec [nabanggit po] kung haharapin ng DOE itong kasong isinampa sa Ombudsman po?
DOE ASEC. ERGUIZA: Opo. Actually this is a welcome event especially, sabi ko nga kay Secretary, kasi hindi naman po sa pagiging Secretary ang kaso po na ito, sa pagiging chairman lang niya ng Philippine National Oil Company. We welcome this, because this is an opportunity for the Secretary to clear his name. Alam ninyo kasi, ang nakikita namin dito, there are other groups that are interested and if they want to impute anything against the Secretary, go on, but you have to prove it, come out with your figures. Tell us, ano ba iyong batas na aming na-break. Wala naman! Ako, as a lawyer also, I don’t think there is any law, that was violated by the Secretary.
USEC. IGNACIO: Opo. ASec., kami po ay nagpapasalamat sa inyong paglilinaw, Assistant Secretary Gerardo Erguiza Jr. ng Department of Energy. ASec., salamat po.
DOE ASEC. ERGUIZA: Maraming salamat ulit, Usec. Rocky. Napakabait ninyo, binibigyan ninyo kami parati ng pagkakataon. Sa lahat po ng ating mga manunood at tagapakinig, maraming salamat po.
USEC. IGNACIO: Samantala, tumungo naman po tayo sa NAIA kung saan inaasahan ang pagdating ngayong araw ng mga bakunang binili ng pamahalaan at pribadong sektor. Si Daniel Manalastas para sa detalye, Daniel?
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Daniel Manalastas.
Narito naman po ang pinakahuling datos ng COVID-19 cases sa bansa base po sa report ng Department of Health. As of 4:00 PM, October 21, umakyat na po sa 2, 740,111 ang ating total COVID cases matapos itong madagdagan ng 4,806 cases kahapon. 260 ang mga nadagdag na nasawi kaya umabot na sa 41,237 ang total COVID-19 deaths. Patuloy naman po ang paggaling sa sakit ng ating mga kababayan na umakyat na sa 2,633,039, matapos itong madagdagan ng 5,934 new recoveries. Pababa rin po ang active cases natin na sa kasalukuyan ay nasa 65,835 na lamang o 2.4% ng kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa bansa.
Alamin naman po natin ang pinakabagong update sa operasyon ng One Hospital Command Center mula po kay Dr. Marylaine Padlan. Welcome back, Doc?
DR. PADLAN: Hello po, good afternoon po, Usec, and good afternoon po sa lahat ng nanunood po.
USEC. IGNACIO: Opo. Kumusta po ang operasyon ng One Hospital Command Center sa mga nakaraang araw? Na-maintain po ba o mas bumaba pa ang dami ng mga tumatawag sa inyo?
DR. PADLAN: So, iyong mga request po noong na nari-received namin sa nakaraang linggo, lumawak iyong range noong mga numbers per day nan are-receive namin, so naglaro na siya around 150 to 300 requests per day. Maintained pa rin po ‘no na mas marami pa rin ang hospital requiring, iyong mga request po na nari-received namin compared to isolation facility requiring patients or mga simple inquiries po. And then in terms of regions naman po, ganoon pa rin, mas marami pa ring mga taga-NCR po iyong tumatawag sa amin followed by the regions that are near NCR such as Region IV-A and Region III po.
USEC. IGNACIO: Doc, sinabi mo lumawak iyong range, so bumaba na to 150, from 200 to 300 po iyong mga tumatawag ano po, tama po ba iyon, Doc?
DR. PADLAN: Yes po. May nakikita kaming kaunting pagbaba rin po ng request na nari-received po namin.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc, ibinaba nga po last week sa alert level 3 ang Metro Manila. Tingin ninyo ay may naging epekto po ba ito sa naging operasyon ninyo nitong nagdaang linggo?
DR. PADLAN: Mahirap pa pong sabihin sa perspective po namin dahil one week pa lang naman po iyong implementation ‘no. And iyong mga calls din naman po namin, kagaya po ng sabi ko, madalas ay mga ‘hospital requiring’ na iyong mga patients and not all of our calls come from NCR, so, mahirap pa pong sabihin na iyong effect ng alert level 3 po sa Metro Manila po.
USEC. IGNACIO: Pero, posible daw po maipataas sa Alert Level 2 by December. Kung tayo po ang tatanungin base po sa observation sa mga itinatawag sa One Hospital Command, sang-ayon po ba kayo na luluwag pa?
DR. PADLAN: Kailangan pong, continuous po iyong pag-aaral natin ng data natin ng trends ng mga COVID cases po natin dahil ang pagbaba naman po ng alert system po natin, hindi lang naman base sa mga hospital care utilization rate natin.
Kailangan din natin i-consider iyong bilis ng pagtaas ng mga cases sa isang lugar, iyong variant of concerns din no. So, again kailangan po natin muna siyang pag-aralan, continuous ‘no iyong pag-aralan iyong mga trends ng data sa mga susunod na araw po kung talagang kailangan pa rin luwagin pa o hindi po kailangang luwagan po.
USEC. IGNACIO: Opo. Simula rin po kahapon ay pinalawig pa sa NCR ang alert level system. Kung ia-analyze po ang mga natatanggap po ninyong tawag mula sa probinsiya at lungsod na ito. Ito po ba ay napapanahon naman gawin?
DR. PADLAN: : Again po no, iyong for [garbled] kasi namin hindi rin puro NCR lang ‘no, mayroon din galing sa province. So, iyong data namin kailangan pa namin pag-aralan din po ‘no kung napapanahon na din itong gawin.
Ang masasabi lang po namin na kailangan pa rin pag-aralan itong alert level system ‘no kung okay na ba siyang matrix, okay na ba iyong matrix in order to be good system for implementation of our restriction or iyong mga kailangan natin gawin in order to fight this COVID pandemic po.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, ito pa rin iyong tanong ng ilan sa atin Doc.: Kung tumatanggap din po kayo ng non-COVID-related calls. Puwede po bang maibahagi kung ilang porsiyento lamang ito ng average daily calls na natatanggap ng One Hospital Command Center; at anong mga emergencies po ang mga ito?
DR. PADLAN: Yes po ‘no, tumatanggap na rin po kami ng non-COVID cases gaya ng sabi ko last week. mas mataas kumpara noong surge iyong aming mga non-COVID cases na nari-receive. So, for this month of October, mayroong range ito ng 10 to 30% ng calls na request namin per day. Iba-iba po iyong percent pero po iyang range ng non-COVID cases no.
So, usually mga emergencies na nakukuha namin ay includes iyong mga manganganak po no na wala naman respiratory symptoms or wala COVID symptom. Iyong mga [garbled] patients na kailangan i-assess sa ER level, blood requiring patients, hypertensive, patients na may hypertensive emergencies po or iyong mga patients na nagpapakita ng acute abdomen kung kailangan niya sa surgically or not po.
USEC. IGNACIO: Doc., plano ng pamahalaan na magtayo nga ng One Oxygen Command Center sa mga rehiyon. May magiging role po ba ang One Hospital Command Center dito?
DR. PADLAN: Ang issue ngayon po ay concept pa lang din po as of now, iyong pong One Oxygen Command Center po na pinaplano ng pamahalaan. If ever po na matutuloy ang tulong na maibibigay namin dito is kung mayroon pong nagsabi sa amin ‘no na nakukulangan ng oxygen, we will take that—we will note that rather and then we will bridge them, we will forward their concerns to the appropriate facility or to the technical group for the oxygen supply dito sa response natin sa COVID-19 po.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, marami pa rin po ba ang nahihirapan o may problema pagdating sa supply ng oxygen?
DR. PADLAN: Kumpara po noong surge no, iba na iyong dami; pero, mayroon pa rin, mayroon pa rin talaga kaming nari-receive na mga request. Pero, ang ginagawa naman po talaga namin kapag nakaka-receive kami ng sinasabing mababa iyong supply ng oxygen, again we take note of this then we address this by forwarding their concerns ‘no to the appropriate concerned facility and then to the technical group din po ‘no ng oxygen supply for our response po.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc., maraming salamat po sa inyong panahon. Dr. Marylaine Padlan, Medical Officer III, One Hospital Command Center, sana po talagang magtuloy-tuloy ng bumaba ang kaso ng mga gustong magpa-hospital; salamat po sa inyong panahon.
DR. PADLAN: Sana nga po USec. Rocky,. Thank you rin po USec. Rocky and Magandang tanghali po!
USEC. IGNACIO: Salamat po. Pinaghahandaan na po ng Commission on Higher Education ang posibleng expansion ng face-to-face classes sa iba pang kurso matapos itong maaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong nakaraang buwan. Kasabay niyan ay ang patuloy na pagbabakuna sa mga estudyante sa iba’t-ibang unibersidad, para pag-usapan iyan kasama po natin si Chairperson Prospero De Vera III, ng CHED. Good morning po, sir.
CHED CHAIR DE VERA: Good morning, mula dito sa Clark New City sa Tarlac, at sa Tarlac State University.
USEC. IGNACIO: Opo. Kumustahin ko po muna ang assessment ninyo sa on going face-to-face classes sa medical courses; so far, so good po ba ito?
CHED CHAIR DE VERA: Well, nagsimula tayo noong January and as of the latest report maganda naman ang report on the ground. Mababa ang infection rate, it’s less than 1% para sa mga estudyante and actually mga 1% na lang sa mga faculty. Kaya’t ang mga estudyante at faculty na nagkasakit ay walang naospital, walang namatay.
Kaya’t ang ating assessment ay maganda ang pagkaka-implement ng guideline para sa medical and allied health sciences kaya’t, pinayagan ng Pangulong Duterte, last September 21 ang pagpapalawig ng mga kurso kasama na ang Engineering and Technology course, kasama ang Maritime at saka tourism and travel management.
So, iyong next batch ng mga kurso, ang mga pamantasan ay nagsisimula ng mag-apply sa regional office para sila’y ma-inspect, nagri-retrofit sila ng facilities nila.
Ang tinututukan na natin ngayon ay ang pagbabakuna ng mga estudyante para makabalik sila sa limited face-to-face dahil sa ating report iyong vaccination rate pala doon sa mga faculty at education personnel ay mataas naman.
Nationwide ay nasa 71% na sa mga report galing sa mga pamantasan dahil noong April 25 ipinaglaban natin ng IATF na ma-upgrade iyong classification ng education frontliners from B1 to A4. So, sila ay kasama natin sa unang priority group.
Ang tinututukan natin ngayon ay mga estudyante kaya itong nakaraang linggo, nagpunta ako sa mga iba’t-ibang lugar ng Pilipinas, kasama ko sa ibang lugar si Secretary Charlie Galvez para pasinayaan iyong vaccination ng mga estudyante no. Kagagaling ko sa Davao Oriental State College noong isang araw, nag-vaccinate doon.
Kahapon nag-vaccinate kami sa UP para sa UAAP athlete, bago noon ako ay nasa Mabalacat City College at Our Lady of Fatima; nagpunta rin ako sa Cabuyao Laguna noong isang araw, 3,000 na estudyante iyong binakunahan at bukas dito sa Tarlac State University ay mayroon ding vaccination. Sa Lunes pupunta ako sa Dipolog, magba-vaccinate din doon. So, iyon ang tinututukan natin ngayon, iyong agaran na mabilisang pagbabakuna para sa mga estudyante natin.
USEC. IGNACIO: Opo. Chair Popoy, pero kailan ang target nitong pagsisimula ng face-to-face classes sa iba pang courses? Sa ngayon po ba ay may mga nagpa-check na sa inyo na kanilang facilities for compliance?
CHED CHAIR DE VERA: Nag-a-apply pa lang iyong mga schools. So, siguro in 1 to 2 weeks makikita natin kung ilan ang nag-apply, ilan ang mai-inspect. Mabilis naman mag-inspect ang CHED regional office, ang local government, at saka iyong local IATF. So, kung handa na sila ay puwede silang magsimula once pinirmahan ko iyong authority to do face-to-face puwede nilang simulan iyong face-to-face classes nila.
USEC. IGNACIO: Opo. Nasa ilang mag-aaral po ba ang inaasahan o target natin na makabalik sa idadagdag na mga kurso?
CHED CHAIR DE VERA: Wala tayong target, kasi depende sa eskuwelahan kung handa siyang mag-face-to-face, ito’y hindi naman, hindi requirement ito. Ito ay option or nasa sa eskuwelahan at sa mga estudyante kung gusto nilang mag-lesson sa face-to-face.
So, wala tayong target, ang target natin ay as much as posible as, as many schools will apply, pero hindi natin mapipilit dahil hindi ho ito sapilitan, hindi mandatory. So, kung hindi mag-a-apply iyong mga eskuwelahan eh di hindi sila mai-inspect, hindi makakapag-face-to-face ang kanilang mga estudyante. So, depende sa mga eskuwelahan kung handa na silang mag limited dito sa face-to-face.
USEC. IGNACIO: Opo. Chair Popoy, nabanggit ninyo nga na abalang-abala kayo sa paglilibot para po sa pagbabakuna. Pero ilang college students po ba rin ang target na mabakunahan at pinag-aaralan ninyo na rin po itong gawing mandatory?
CHED CHAIR DE VERA: Ang target natin ay lahat na sana ng estudyante ay mabakunahan. Kasi doon sa kinuha naming data on the ground sa mga nagri-report na eskuwelahan, 27% pa lang ng mga estudyante nationwide ang vaccinated. So medyo malaking trabaho pa iyong ating gagawin – sana 70, 80, 90, 95 percent sa kanila ay mabakunahan.
So ang susi diyan ay wala sa CHEd, ang susi diyan ay nasa mga pamantasan at ang kanilang magandang koordinasyon sa local government dahil ang vaccination local government ang gumagawa niyan. So iyong mga eskuwelahan na maganda ang relasyon nila sa local governments, ang marami sa kanila ay nakapagbakuna ng mga estudyante.
Ang ginagawa namin ni Secretary Galvez ay sinisiguro namin doon sa pag-ikot sa mga pamantasan na kung kulang iyong supply ng bakuna doon sa local government na iyon, niri-redirect ni Secretary Galvez iyong bakuna para dumating iyong bakuna at specifically naka-target doon sa mga estudyante. So iyan ang intervention ng National Task Force doon sa allocation ng vaccines, mayroong vaccines allocated exclusively to students doon sa area. Kaya importanteng maimbentaryo natin kung ilan na ang nabakunahan, ilan pa ang kailangang mabakunahan para mailagay iyong tamang bilang ng bakuna para sila’y mabakunahan kaagad.
So ang pinu-push namin ngayon ay vaccination sa loob ng eskuwelahan – iyan ‘yung mga pinupuntahan ko, iyong mga eskuwelahan nagba-vaccinate sila. At maganda dahil marami sa ating mga pamantasan ay vaccination center din kaya mabilis na i-rollout kasi nasa kanila na ang listahan ng mga estudyante, iyong bakunahan ay naka-setup na doon sa eskuwelahan nila. Kung ang kailangan lang ay dagdag na bakuna, bahala na si Secretary Galvez diyan para agad na mabakunahan.
Halimbawa doon sa pinuntahan ko sa Cabuyao… iyong Pamantasan ng Cabuyao – ang na-vaccinate nila habang nandoon ako ay 3,000 students. Dahil maganda ang vaccination system nila, 20 students at one time ang puwedeng bakunahan so 20 nang 20 kasi maganda iyong layout ng kanilang vaccination, madaming nagba-vaccine so dalawampung estudyante ang puwedeng sabay-sabay na bakunahan. So sa isang araw ay kayang-kaya nila iyong tatlong libong estudyante.
Doon sa pinuntahan natin sa Mabalacat City College, kaya nila ng dalawanlibo sa isang araw. Noong nagpunta kami doon, kahalating araw lang ako 800 na kaagad ang na-vaccinate, ganoon din sa Our Lady of Fatima. Ganoon din sa Davao Oriental, ang nabakunahan nila noong nandoon ako isang libong estudyante. So ang gusto natin ay targetin talaga iyong mga estudyante na mabakunahan.
USEC. IGNACIO: Opo. Chair Popoy, may tanong lang po ‘yung ating kasamahan sa inyo sa media, si Leila Salaverria po ng Inquirer. Ito po ang tanong niya: Kung puwede daw po makahingi ng update sa plano na payagan din ang face-to-face for all courses in low risk areas. When can this be expected?
CHED CHAIR DE VERA: Pinag-aaralan pa natin ‘yan, nagsisimula pa lang tayong gumawa ng guidelines. Kasi hindi naman natin puwedeng gawin ‘yan sa ngayon dahil mababa pa ang vaccination rate ng mga estudyante. Ang konseptong ‘yan ay hindi lang low risk area ang kailangan, kailangan mataas ang vaccination rate ng mga estudyante, faculty at employees at mataas ang vaccination rate doon sa lugar. At kasama na iyong mababang risk at kailangan kasama din sa usapan ang local government.
Kasi alam mo hindi puwedeng iyong eskuwelahan lang ang titingnan mo dahil ang mga estudyante ay bibiyahe mula sa kanilang bahay hanggang eskuwelahan – sasakay ng public transportation ‘yan. So ang unang tatanungin mo: Sapat ba ang public transportation? Nabakunahan na ba ang mga tricycle driver saka mga jeepney driver? Dahil hindi naman sila nakatira sa eskuwelahan, bumibiyahe ‘yan.
So kailangan mag-ugnayan sa local government, kailangan mataas ang vaccination level hindi lang sa school kundi doon sa lugar/paligid ng eskuwelahan dahil bibiyahe ang mga estudyante, bibiyahe ang kanilang mga kaklase.
So hindi po vaccination level lang ng eskuwelahan ang pag-uusapan natin diyan. Kailangan umupo kasama ang local government at siguruhin na iyong sistema ay maganda. Kasi alam ninyo po ‘pag may nagkasakit diyan eh ang sasalo diyan ay hindi lamang ang eskuwelahan – local government din – kasamang magku-contact trace, magpapa-quarantine ng mga estudyante. So kung hindi kumbinsido at hindi natin kasama ang local government sa pagpaplano, mahirap hong agad-agad na buksan ang mga pamantasan.
Kaya doon sa unang batch natin ng limited face-to-face by degree program, kasama hong nag-i-inspect ang mga local government, kasama sila sa usapan para kung mayroong magkasakit, agad na matutugunan iyong problema at kasamang nag-i-inspect ang local government. So iyan ay ang tina-target natin diyan ay matapos sana ang guidelines maybe November/December at titingnan natin kung anong kalagayan on the ground by January kung puwede na ito kasi mababa pa ang vaccination level ng mga estudyante eh, 27% pa lang. Hindi natin puwedeng isugal ang kalagayan ng mga estudyante at kalagayan ng kanilang mga pamilya kung mababa ang level ng vaccination.
USEC. IGNACIO: Opo. Panghuli na lamang po, Chair Popoy. Nagbabakuna rin kayo ng student athletes natin. Ibig sabihin po ba ay tuluy-tuloy na iyong pagbubukas ng mga sporting events? At sakali mang gagawin na ito sa mga physical venues, may panuntunan din po bang ilalatag para sa mga professional leagues?
CHED CHAIR DE VERA: Ah hindi kasama ang professional league sa sakop ng CHEd ‘no. Iyong collegiate athletes lang ang hawak namin, iyong professional league sa Games and Amusement Board ‘yan – mayroon na silang guidelines.
Iyong guidelines sa training ng collegiate athletes na-approve na ito ng IATF previously pero nasa desisyon na ‘yan ng mga eskuwelahan kasi kausap namin ang UAAP at saka Board ng NCAA, sila kasi ang mag-i-schedule ng competition kaya kasama sila sa pagrepaso ng guidelines.
Kaya kasama ko silang nag-vaccinate noong isang araw, pagbalik ko next week galing Mindanao, magba-vaccinate naman kami ng mga NCAA athletes at sila ang tutulong maggawa nang detailed na guidelines kung kailan sila magbubukas ng athletic competition.
Hindi po CHEd ang nagdi-decide ng athletic competitions, nandoon ho iyan doon sa mga schools ‘no. Kasama ko din magbabakuna iyong mga athletes sa State Colleges and Universities Athletic Association, iyong SCUAA, so ‘yan naman ‘yung mga athletes sa state universities, NCAA, UAAP.
Pag-uusap-usapan namin kung kailan ito puwede. Kasi alam mo iyong sa mga athletes kasi, hindi ka puwedeng mag-social distancing sa sports eh, talagang iyong mga events ay talagang magdidikit-dikit iyong mga tao so kailangan maganda ang pagkakasulat ng guidelines para sa athletic competition.
USEC. IGNACIO: Opo. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon. Alam namin bising-busy kayo, Chairperson Prospero De Vera III ng Commission on Higher Education. Stay safe po, Chair.
CHED CHAIR DE VERA: Yeah. Ako’y bumisita dito sa construction ng National Sports Academy sa Clark City kaya nagpunta ako dito, nakabisikleta ako dahil tinatayo na iyong building ng National Sports Academy. Ito ‘yung special high school para sa mga athletes ‘no. ako’y miyembro ng National Sports Academy Board kaya binisita ko sila at bukas naman magba-vaccination kami dito. Ngayon sa Tarlac State University mayroon kaming meeting with local governments, with the schools dahil nagdidisenyo kami ng sports program para sa probinsiya ng Tarlac. So maraming salamat sa inyong pag-imbita sa akin.
USEC. IGNACIO: Salamat din po, Chair Popoy.
Samantala, patuloy po ang pagpapaabot ng tulong ng tanggapan ni Senator Bong Go para sa mga manggagawa at micro entrepreneurs na nawalan ng kabuhayan ngayong panahon ng pandemya. Ang kaniyang team nagtungo kamakailan sa Naic, Cavite at Mataas na Kahoy sa Batangas upang mamahagi ng ayuda. Prinoseso rin ng mga ahensiya ng pamahalaan ang mga kuwalipikadong benepisyaryo sa kani-kanilang programa. Narito ang report:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Puntahan naman natin ang balita sa Cebu kung saan ang quarantine violators ay pinaglilinis ng mga sementeryo at mga street vendors naman na fully vaccinated na pinayagan na ring makapagtinda. Ang detalye sa report ni John Aroa:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Puntahan naman natin ang Davao City kung saan nagsimula na ang drive-thru vaccination kontra COVID-19. Ihahatid ni Julius Pacot ang detalye:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: At iyan po ang mga balita at talakayang tampok namin ngayong araw. Ang Public Briefing ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.
Mga kababayan, 64 days na lamang po at Pasko na.
Ako po si Usec. Rocky Ignacio, magkita-kita po uli tayo bukas dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.
###
—
News and Information Bureau-Data Processing Center