Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location People’s Television Network (PTV), Quezon City

USEC. IGNACIO: Magandang umaga Pilipinas at sa lahat ng ating mga kababayan saan mang panig ng mundo. Ngayong panahon ng Undas ay tuluy-tuloy pa rin po ang ating pagbabantay sa pinakahuling sitwasyon ng COVID-19 pandemic sa bansa.

Ako po si Usec. Rocky Ignacio, simulan na natin ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Binuksan na po ang ika-tatlumpung Malasakit Center sa National Capital Region. Pinasinayaan ito sa Las Piñas General Hospital and Satellite Trauma Center kamakailan. Dahil dito lalong lumawak ang paghahatid nang libreng serbisyong-medikal ng pamahalaan. Narito ang detalye:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Patuloy po ang nakikitang pagbuti ng sitwasyon ng COVID-19 dito sa Metro Manila base na rin sa naitalang pagbaba ng positivity rate sa rehiyon kamakailan. Pero, kumusta naman po kaya sa ibang lalawigan sa bansa, alamin natin ‘yan mula kay Dr. Guido David ng OCTA Research. Good morning po, Doc Guido.

DR. DAVID:Hi. Good morning, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc Guido, anong ibig sabihin nang pagbaba sa 5% ng positivity rate dito sa Metro Manila; ito po ba ay ideal number na?

DR. DAVID: Yes, Usec. This is an ideal number recommended by the World Health Organization. So ‘pag less than 5% ibig sabihin we are testing enough and it also means na dahil bumaba iyong positivity rate natin all the way from 25% noong peak ng surge to 5% now, ibig sabihin hindi factor iyong—or hindi malaking factor iyong kakulangan na sa testing. In fact we have enough testing right now.

USEC. IGNACIO: Opo. Iyan po ‘yung kaugnay po ng tanong niyan ni Carolyn Bonquin ng CNN Philippines. Ito po ‘yung tanong niya sa inyo: NCR’s positivity rate already hit 5% over the weekend. At this point, can we already say that there is enough testing and we are getting close to accurate data on the situation in the National Capital Region?

DR. DAVID: Yes. Actually, Usec., ang nakita natin ay tuwing nagkaka-surge, tumataas iyong testing capacity natin pero ‘pag pababa na iyong trend ng cases ay bumababa na rin iyong testing natin in accordance with the lesser/fewer cases. So ibig sabihin we are seeing an actual trend na bumababa talaga iyong cases hindi lang dahil kumukonti iyong testing – kumukonti iyong testing dahil kumukonti iyong cases natin. Pero ang mahalaga diyan dahil nakikita natin na 5% na lang iyong positivity rate, it means na talagang bumababa na ang cases natin sa Metro Manila – at hindi lang sa Metro Manila, pati rin sa iba-ibang regions sa buong bansa.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin po ni Carolyn Bonquin: Saan pong mga lugar sa NCR naman iyong may nakikita kayong pagtaas ulit ng kaso?

DR. DAVID: Actually, Usec., may LGUs na may positive 1 week growth rate – ibig sabihin tumaas siya nang konti. Iyong week-to-week comparison pero iyong reproduction number natin ay lahat less than 0.9 pati sa Metro Manila 0.53. Ano ibig sabihin nito? Ang ginagamit naming basehan for a trend kung pataas or pababa ay iyong reproduction number and kung .9 or less ang reproduction number; in fact karamihan ng mga LGUs nasa 0.5 to 0.6. So ibig sabihin niyan lahat ng LGUs ay pababa iyong overall trend niya sa bilang ng kaso.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman ni Ian Cruz ng GMA News: Maari na po bang ilagay sa Alert Level 2 ang NCR gayung 9 out of 17 LGUs ang kasama sa mga nangunguna po sa mga naitatalang bagong kaso ng COVID sa bansa?

DR. DAVID:Well, nangunguna sila siguro sa pinakamataas na bilang ng kaso sa buong Pilipinas kasi malalaki iyong mga LGUs natin sa Metro Manila. Pero ‘pag titingnan natin ang ADAR or daily attack rate ay napakababa na – karamihan ng mga LGUs natin below 7 na iyong ADAR. In fact ang pinakamababa sa Navotas nasa 1.48 na lang iyong daily attack rate so ibig sabihin mababa na talaga iyong risk assessment natin. And based doon sa metrics na ginagamit namin, based on COVID Act Now ay nasa low risk ang Metro Manila at ang mga—actually all 17 LGUs based sa aming pag-aaral ay nasa low risk.

So, anong ibig sabihin niyan? Iyong Alert Level 2, siyempre iyong alert level system ang basis niyan, ang ginagamit natin iyong metrics ng Department of Health and ng IATF. So sila iyong magri-recommend kung mabababa sa Alert Level 2. Pero based sa aming pagbasa ng datos ay it’s actually safe to reopen our businesses at this time.

USEC. IGNACIO: Opo. Kung titingnan, ito bang mababang positivity rate ay nagri-reflect din sa hospital occupancy at average daily attack rate dito sa Metro Manila?

DR. DAVID:Yes, Usec. Rocky. Ang hospital utilization natin sa Metro Manila ay 30%; ang ICU utilization natin sa Metro Manila ay 39% – these are very low numbers.

Siguro sa Metro Manila mayroon lang tayong a few LGUs na medyo mataas nang konti ang ICU utilization, mga 60% pero that’s only because iyong mga ibang hospitals ay preferred hospitals sila so doon talaga nagpupunta iyong mga nagpapa-admit.

Pero iyong overall utilization natin 30% and sa ICU 39%. Iyong ADAR natin is 5.72 – we consider this moderate. So nagri-reflect iyong numbers natin dito sa hospital utilization, sa ICU and sa ADAR.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc Guido, kung dito sa Metro Manila ay patuloy pong bumubuti iyong sitwasyon ano po, paano naman daw po sa buong bansa? Kung susumahin, ilan daw po iyong positivity rate sa buong Pilipinas?

DR. DAVID:Well, Usec., iyong positivity rate sa buong Pilipinas nasa 8% – mas mataas siya kasi may mga provinces tayo na medyo mataas iyong positivity rate at may mga—iyong iba kahit na gumaganda iyong sitwasyon sa probinsya ay medyo mataas lang iyong positivity rate, ibig sabihin medyo kulang lang iyong testing natin sa mga ibang provinces. Pero sa ngayon, konti na lang iyong nakikita nating probinsya na medyo mataas pa iyong ano—or tumataas pa iyong bilang ng kaso. Mainly nakita natin last week iyong sa Occidental Mindoro; iyong Zamboanga City naman siya iyong pinakamataas na bilang ng kaso ngayon outside Metro Manila pero bumababa na rin iyong bilang ng kaso diyan.

So overall medyo pababa na rin iyong trend ng mga kaso even sa Dumaguete na nakitaan natin nang pagtaas. So overall pababa na iyong trend ng bilang ng kaso sa most provinces and LGUs sa buong Pilipinas.

Mukhang gumaganda iyong sitwasyon natin, Usec., and sana patuloy na ‘to hanggang Pasko. We will have a merrier Christmas kung magpatuloy itong pagbaba ng bilang ng kaso. Pero paalala ko lang, siyempre kahit pababa na iyong bilang ng kaso, kailangan pa rin patuloy ang pagsunod natin sa health protocols at pag-iingat natin.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Leila Salaverria ng Inquirer, pareho po sila ng tanong ni Ian Cruz ng GMA News pero baka may maidagdag lang po kayo: Does OCTA think Metro Manila can relax restriction in the second half of the month? Businessmen are calling for a shift to Alert Level 2. Does OCTA see any reason not to do this?

DR. DAVID: Sa totoo lang, Usec., we don’t see a reason at this time. Wala naman tayong nakikitang variant na threatening sa atin sa ngayon, ang naririnig natin itong Delta + na ano, AY.4.2 yata iyon na nasa UK and nasa Russia, wala pa naman siya dito. At saka ano lang siya, nasa lineage siya ng Delta variant, so, kumbaga iyong threats natin ay kakaunti lang and iyong vaccination natin sa Metro Manila ay 96% na ng adults ay may first dose and I think 80 plus percent – ito iyong based doon sa vaccination data na nakita natin – 80 plus percent ng adults sa Metro Manila ay fully vaccinated; 96% at least first dose. Ibig sabihin, mas bumaba na iyong chance na magkaroon ng resurges dahil marami ng protektado sa Metro Manila.

So, iyon nga, we support iyong pag-relax sa Alert Level 2 para makabawi ang ating mga negosyo, pero we should do so in a safe manner. Ganoon naman lagi iyong recommendation natin, kailangan sumusunod pa rin tayo sa protocols, iwas muna tayo sa mga large gatherings at mga congregations at iyon nga, sundin lang ho natin iyong ‘3Cs’ and minimum public health standards.

USEC. IGNACIO: Opo. May tanong naman po si Athena Imperial ng GMA News: May effect daw po ba sa planong pagbaba sa Alert Level 2 ng NCR ang area sa Metro Manila na may positive growth rate?

DR. DAVID: Hindi naman kami concerned, Usec., sa positive growth rate kasi minsan may mga delays lang sa data kaya nagkakaroon ng positive growth rate. Ang tinitingnan natin ay iyong reproduction number at lahat ng seventeen LGUs natin ay pababa iyong trend natin, less than 0.9 ang reproduction number. So, hindi naman concern iyon masyado sa ngayon.

Ngayon, kung tumaas iyong reproduction number at nagluluwag tayo, may concern tayo na baka magkaroon ng resurgence. Sa ngayon, wala pa tayong nakikitang ganoon, Usec.

USEC. IGNACIO: Opo. Huling tanong po ni Carolyn Bonquin ng CNN Philippines: Ano po ang projection ng OCTA sa COVID situation nationwide a month from today and do we already see the impact of the initial implementation of a lower alert level in certain provinces?

DR. DAVID: Well, iyong Alert Level System na ipinatupad sa provinces, hindi pa natin nakikita iyan sa ngayon so, we hope to see that siguro within the next week or one to two weeks.

Iyong projection natin sa ngayon, kung magpatuloy ang trend natin na pababa pa rin iyong bilang ng kaso eh maaaring bumaba tayo to 2,000 cases per day sa buong bansa by end of November. Inaasahan natin iyan, sana magkatotoo iyan, Usec., at kung mangyari iyan patuloy na magiging maganda iyong ating holiday sa December.

Pero ngayon sinasabi natin at pinapaalala na ito ay nakabase ito sa trends at kailangan para mapatuloy iyong trends kailangan talaga sumunod tayo sa mga minimum public health standards. Sa ngayon, mag-mask-up pa rin tayo kahit iyong mga bakunado at social distancing.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Aiko Miguel ng UNTV: Ano po ang tingin ng OCTA, okay lang po ba ang 100% capacity na ng public transportation or kailangan limitahan lamang po ito sa mga fully vaccinated?

DR. DAVID:Well, iyong recommendation namin, Usec., i-restrict sana iyan to mga fully vaccinated na passengers pero sa ngayon naman kung sa Metro Manila ay malapit na tayo, nasa 96% na tayo ng may first dose, it means siguro iyong adults natin malapit na tayo sa 100% fully vaccinated na adults sa Metro Manila.

So, kung puro adults iyong sasakay diyan ay iyon nga, most likely fully vaccinated na lahat. Ganoon pa man, siyempre, sinu-support natin iyong pag-vaccinate ng mga kababayan natin sa karatig na lalawigan, sa CALABARZON, sa Central Luzon, para iyong greater Metro Manila ay tumaas na rin iyong fully vaccinated sa mga adults.

USEC. IGNACIO: Opo. Sa pagbabakuna naman po tayo, Doc. Guido. Ngayong itinaas po and daily target natin to 1.5 million jabs, how likely are we to meet this target kung pagbabasehan daw po iyong average daily jab rates natin sa ngayon na nasa around 500-600,000 pa lang po?

DR. DAVID:Well, Usec., malaking challenge iyan sa atin. Sa Metro Manila kasi sanay na tayo sa ganiyang jabbing rate natin na naa-achieve natin sa Metro Manila. So, sa provinces, iyon nga, baka ngayon pa lang natin talagang isi-scale up iyong jabbing natin sa mga probinsiya.

So, hindi ako aware sa logistics, sa numbers nila sa mga probinsiya pero siyempre kailangan talagang matutukan iyan para ma-achieve natin iyang jabbing rate natin sa mga provinces. Pero sa Metro Manila, wala tayong problema sa jabbing rate na iyan kasi nagagawa na natin.

USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon, Dr. Guido David mula po sa OCTA Research. Salamat po, Doc Guido.

DR. DAVID:Maraming salamat, Usec.! Magandang umaga.

USEC. IGNACIO: Samantala, base naman po sa pinakahuling tala ng Department of Health, nadagdagan ng 3,410 ang mga nahawaan ng COVID-19 sa bansa kahapon. Dahil dito ay umabot na sa 2,787,276 ang total confirmed cases sa bansa. 5,825 naman po ang mga bagong gumaling mula sa sakit, sa kabuuang bilang na 2,698,871 recoveries, habang pumalo naman po sa 43,172 ang mga nasawi matapos itong madagdagan ng 128. Sa kasalukuyan ay 1.6% na lang po ng total cases ang nananatiling aktibo o katumbas ng 45,233 na mga pasyente na nagpapagaling pa rin hanggang ngayon.

Inanunsiyo naman po ng Tourism Promotions Board noong Sabado sa pakikipagtulungan sa Philippine Children’s Medical Center na epektibo ngayong araw, November 1st, ay fully subsidized na o libre ang RT-PCR test para sa travel requirement ng mga kuwalipikadong lokal na turista. Para sa dagdag na detalye, bisitahin lang po ang www.tpb.gov.ph o makipag-ugnayan sa TPB-PCMC team sa email address na makikita sa inyong screen.

Bukod naman po sa Boracay at Batangas, puwede na rin muling dayuhin ng mga nagnanais ng beach getaway ang bayan ng Puerto Galera matapos po itong buksan sa mga turista nitong nakaraang linggo.

At kaugnay niyan, makakausap po natin si Puerto Galera Municipal Administrator Carmela Datinguinoo. Good morning po, ma’am!

PUERTO GALERA MUNICIPAL ADMTR. DATINGUINOO: Good morning po, Secretary Ignacio. In behalf po ng aming mayor, Mayor Rocky Ilagan, at sa lahat po ng mamamayan ng Puerto Galera, bumabati po kami ng magandang, magandang umaga po sa inyong lahat.

USEC. IGNACIO: Undersecretary lang po, hindi po secretary, ma’am.

Magandang balita nga po itong muling pagbubukas ng turismo ng Puerto Galera para sa mga turista. Para lang po malinaw ano po, kung fully vaccinated na po ba ang bibisita, kayo po ba ay magri-require pa rin ng RT-PCR result sa kanila?

PUERTO GALERA MUNICIPAL ADMTR. DATINGUINOO: Kapag po fully vaccinated na po ang aming mga turista, hindi na po kailangan ng RT-PCR bagkus po iyon pong mga first dose lang o iyong mga wala pong mga vaccine ay maaari rin pong magkaroon o mabigyan ng free antigen test po sa amin sa Batangas Grand Terminal kung saan ito po ay ibinibigay ng munispyo nang libre.

USEC. IGNACIO: Opo. Ma’am, pero hanggang kalian daw po magiging libre itong free antigen test? May sapat na pondo po ba naman ang lokal na pamahalaan para ma-sustain itong free rapid antigen test?

PUERTO GALERA MUNICIPAL ADMTR. DATINGUINOO: Yes, Ma’am. Mayroon po kaming enough na pondo para po ma-sustain ito pong aming free antigen test. Kung tutuusin po at makikita po ang statistics ng pumapasok sa Puerto Galera, marami po doon ay mga fully vaccinated. So, sa isang araw po nag-a-average lang po kami ng sampu sa kada turista po na pumapasok na nag-a-antigen.

USEC. IGNACIO: Opo. Ms. Datinguinoo, pero puwede rin po ba raw mag-avail sa free antigen iyong mga residenteng uuwi ng Puerto Galera o for leisure travellers lang po ito?

PUERTO GALERA MUNICIPAL ADMTR. DATINGUINOO: Hindi lang po siya for leisure travellers, bagkus ang atin pong mga residente ay maaari rin pong makatanggap ng free antigen mula po sa munisipyo.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero may limitasyon po ba sa tourism activities na puwedeng gawin lamang diyan sa Puerto Galera?

PUERTO GALERA MUNICIPAL ADMTR. DATINGUINOOSinusunod po ng Puerto Galera ang DOT protocols po pagdating sa mga tourism sites. So, 50% capacity pa rin po, ganoon din po sa mga resort na accredited po dapat. At iyon pong aming mga capacity when it comes po sa mga boats, sa mga habal-habal po kung saan nagkakaroon po sila ng snorkeling, lahat po iyon ay 50% capacity po.

USEC. IGNACIO: Ms. Datinguinoo, dahil sa pagluluwag na ginagawa ninyo. Nasa ilang turista po ang inaasahang papasok ng probinsiya sa mga susunod na araw at paano po kayo naghahanda para matiyak na hindi ito pagmumulan ng pagtaas ng kaso sa inyong lugar?

PUERTO GALERA MUNICIPAL ADMTR. DATINGUINOOSa ngayon po ay nag-a-average po kami ng isang libo kada araw mula sa singkuwenta (50) kada araw noong mga nakaraang mga buwan kung saan po hindi pa kami fully open for tourism. Ngayon po ay strict pa rin po ang pag-observe namin at pagpapa-implement ng mga health protocols po sa lahat ng aming mga ports, sa lahat ng aming mga tourism sites. Tinutulungan din po kami ng mga resorts para po ma-implement itong mga ito.

Ang LGU po ay nagbaba rin po ng tinatawag na mga tourism LGU marshals kung saan po sila ang nagbabantay sa mga turista po na nasa sites po namin. Ganoon din po ang Puerto Galera po ay handa dahil kami po ay may tinatawag na ACU center – Acute COVID Unit Center – na ito po  ay accredited ng DOH kung saan po puwede pong magpapasok ng mga kung sino po ang mayroong COVID po dito. Ganoon din po, mayroon po kaming tinatawag na isolation quarantine facility na ang munisipyo din po ng Puerto Galera ay very handa po sa mga ganito pong mga pagkakataon.

USEC. IGNACIO: Opo. Ms. Carmela Datinguinoo po, paumanhin po nagkamali po ako sa pagsabi ng inyong apelyido, pasensiya na po. Kumusta po ang COVID case situation diyan sa ngayon; ilan po ang active cases sa Puerto Galera?

PUERTO GALERA MUNICIPAL ADMTR. DATINGUINOOSa kabutihang-palad po at dahil po sa gabay ng Panginoon, ngayon pong araw na ito ay lilima lang po ang active case ng Puerto Galera. Mula po sa halos 20 po ng buwang ito, kami po ay bumaba ng bumaba hanggang sa lima. Ito po ay dahil sa ang amin pong bayan ay 100% fully vaccinated po ang economic frontliners, kung saan po ang mga trabahador po natin sa turismo at nakapasok. Ganoon din po sa populasyon naman po ng eligible na puwedeng ma-vaccine-nan, kami po ay nasa 64% na po.

Sa totoo lang po, kami po ay nagpapasalamat kay Senator Bong Go po, dahil siya po ang tumutulong sa amin para bumaba po ang vaccine sa amin ng mabilis na diretso po galing sa national. Ganoon din po kay DOH Regional Director Baquilod, kasi sila po talaga ang tumutulong para po mapabilis po namin ang bakunahan sa Puerto Galera para po kami talaga ay makapagbukas na para sa turismo.

USEC. IGNACIO: Opo. Ms. Carmela, lahat po ba ng tourism establishment diyan ay may Safety Seal na, ibig sabihin compliant na?

PUERTO GALERA MUNICIPAL ADMTR. DATINGUINOOYes, Ma’am. Ang DILG naman po ay narito bago kami mag-open, that would be siguro, Ma’am, mga 3 or 4 months ago na po. Bumaba po iyong inspectorate team po ng DILG, kasama po ang mga taga-LGU na inisa-isa po nila lahat ng establisyimento dito sa Puerto Galera, lalung-lalo na po iyong mga nasa turismo. Sa katunayan po ang LGU rin po, lahat po kami dito sa opisina ng bawat LGU namin dito sa munisipyo ay lahat po ay may Safety Seal na.

USEC. IGNACIO: Opo. Ibig sabihin, marami na po sa ating mga kababayan diyan na mga tourism workers nakabalik na halos sa kanilang mga trabaho. Pero kumusta na po sila, ilan na pong porsiyento iyong fully vaccinated sa kanila, Ma’am?

PUERTO GALERA MUNICIPAL ADMTR. DATINGUINOOSa economic sector po namin, lalung-lalo na sa turismo, 100% po, kasi po ay sa tulong din po  ng mga may ari ng kanilang mga establisyimento pinipilit po namin na sila po ay ma-vaccine-nan, dahil para rin naman  po ito  sa sarili nilang proteksiyon.

USEC. IGNACIO: Opo. Ms. Carmela, kunin ko na lamang iyong mensahe ninyo sa ating mga kababayan na nais bumisita muli sa inyong lugar at sa nasasakupan ninyo?

PUERTO GALERA MUNICIPAL ADMTR. DATINGUINOOSa lahat po ng gustong magbakasyon sa Puerto Galera, kami po ay open na para po sa turismo.

Ang puwede lang po ninyong gawin para po tayo ay pumunta dito ay magkaroon po ng S-PaSS at sa S-PaSS pong iyon ay atin pong ilalagay ang booking confirmation natin, ang ating vaccination card po or ating valid certification na tayo po ay fully vaccinated. Kung hindi naman po ay antigen test result po na negative na maaari po ninyong makuha o mabigay po sa inyong serbisyo sa Puerto Galera Molecular Laboratory sa Grand Terminal sa Batangas.

Kayo po ay inaasahan namin at sana po kami ay inyong matulungan, kayo po ay pumarine na sa amin at i-enjoy po ninyo ang ganda ng Puerto Galera. Dahil po sa haba ng panahon na kami po ay sarado, makikita po ninyo na talagang nag-rejuvenate po at gumanda po lahat ng aming dagat, lahat ng aming tourist sites, pinaghandaan po namin ang inyong pagdating.

Huwag po kayong mag-aalala dahil halos lahat po sa amin lalung-lalo na ang mga makakaharap ninyo sa atin pong mga tourist destinations po at mga tourist establishment, lahat po sila ay fully vaccinated na. Kaya hindi po kayo mag-alala na kayo po ay magkakaroon ng COVID dito sa amin sa Puerto Galera.

Sa mga mamamayan po at mga kasamahan naman namin dito sa Puerto Galera, huwag po nating kakalimutan ang ating pag-observe ng mga protocols po, mga health protocols para rin po sa ating kapakanan at para po sa kapakanan ng mga turistang pumupunta sa atin dito. Thank you very much sa inyong pagpunta at sa mga pupunta pa. Malaki pong tulong ang inyong ginagawa para po sa pagbangon ng ekonomiya na turismo ng Puerto Galera.

USEC. IGNACIO: Opo. Ms. Carmela, maraming po sa inyong panahon at impormasyon; paumanhin po ulit kanina, Puerto Galera Municipal Administrator Carmela Datinguinoo. Salamat po, Ms. Carmela!

PUERTO GALERA MUNICIPAL ADMTR. DATINGUINOOThank you, USec. Ignacio. Maraming salamat din po!

USEC. IGNACIO: Bukas po ay may pasok na, kaya ang ilang mga kababayan nating umuwi ng kani-kanilang probinsya nitong Undas ay inaasahang bibiyahe na muli pabalik ng Metro Manila. Alamin po natin ang sitwasyon sa PITX mula po kay Louisa Erispe, Louisa?

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Louisa Erispe. Personal namang bumisita si Senator Bong Go sa mga pinakamahihirap na residente sa Panacan, Davao City para po mamigay ng ayuda kasama ang ilan pang ahensiya ng pamahalaan. Alamin namin ang detalye sa report na ito:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Nito pong nakaraang linggo ay pinirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang panukalang batas na magpu-postpone po sa kauna-unahan sanang eleksiyon sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM). Sa halip na May 2022, isasabay na po ito sa midterm elections sa May 2025. Iyan po ang atin pag-uusapan kasama po natin si Interior and Local Government Minister Naguib Sinarimbon. Magandang umaga po, Minister.

BARMM MINISTER SINARIMBO: Magandang umaga, Usec. Magandang umaga sa mga kababayan natin.

USEC. IGNACIO: Opo. Minister, gaano po kahalaga itong pag-postpone ng eleksiyon sa BARMM na naka-schedule rin sana kasabay po ng national and local elections next year?

BARMM MINISTER SINARIMBO: Mahalaga ho ang pagkaka-reset noong elections natin sa 2022, bagkus ay gagawin na lang siya 2025 dahil po marami pang bagay ang hindi naisasakatuparan doon sa pinirmahan nating Comprehensive Agreement on the Bangsamoro. Una ho ay kailangan natin na talagang mapagtibay iyong institutions of government sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao at dahil ho nagkaroon tayo ng COVID for nearly 2 years na, karamihan ho doon sa nakatakdang agreement ng gobyerno at saka ng Moro Islamic Liberation Front na maayos iyong mga institutions of government ay hindi ho natin nahabol.

Ganoon din ho doon sa normalization track kung saan iyong mga combatants ng Moro Islamic Liberation Front ay nakatakdang mag-decommission – dahil ho inabot din tayo ng COVID, hindi rin ho natuloy iyong second phase noong decommissioning na mayroon tayong 14,000 na combatants. So sa ngayon dahil nagkaroon tayo ng resetting noong elections, magkakaroon tayo nang sufficient time at iyong environment for pursuing iyong normalization at saka iyong political track ay nandiyan – mayroon tayong stability and continuity. Kaya ho malaking bagay ho iyon para ho tuluy-tuloy na maisaayos iyong gobyerno at kapayapaan dito sa Bangsamoro.

USEC. IGNACIO: Opo. Minister, sa ngayon po ba ay kumusta na iyong transitional programs na ipinatutupad ng Bangsamoro Transition Authority? Nasa ilang porsiyento na po ba ang nakukumpleto dito?

BARMM MINISTER SINARIMBO: Iyong sa political track po natin doon sa institution-building natin, mayroon na tayong administrative code na nagtatakda noong ating burukrasya. Iyong recruitment naman ho natin doon sa mga panibagong employees sa burukrasya, tuluy-tuloy lang ho iyon at malaking bahagi na ho ang na-hire noong mga opisina at ministries. Kaya ho roughly iyong sa political track natin, baka ho nasa 60% na tayo.

Iyong program implementation naman po ay tuluy-tuloy din. Sa ngayon ho itong later part ng 2021 ay hinabol ho natin iyong mga infrastructure projects – kalsada, tulay, mga ports, mga municipal halls, mga barangay halls – na nasira noong giyera para ho masaayos na ito. So malaking bahagi rin ho doon sa infrastructure ang nahahabol na ho natin na ma-implement.

Pero ang malaking bagay na kailangan nating tutukan ay iyong economic recovery dahil ho nagkaroon tayo ng double whammy eh – galing tayo sa giyera, nagsasaayos tayo noong fundamentals noong economy natin and then inabutan ho tayo ng COVID. Kaya ho doon sa area noong economic recovery, medyo malaking bahagi ho noon ang kailangan nating habulin.

Sa stability naman ho sa region, napansin ho naman ng lahat na simula noong magkaroon tayo ng peace agreement at maitayo iyong Bangsamoro government, wala na hong malakihang giyera dito sa Mindanao. So tumigil na ho iyon, isang malaking bagay ho iyon na tingin namin ay importanteng pundasyon para ho sa pagpapaunlad ng ating ekonomiya at saka iyong ultimate na recovery in terms of development ng buong rehiyon natin.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Minister, sasapat na po ba iyong dagdag na tatlong taon para matapos po ito?

BARMM MINISTER SINARIMBO: Base ho sa pag-aaral at sa review ng peace panels natin – pareho iyong gobyerno at saka iyong Moro Islamic Liberation Front – ay sufficient enough iyong 3 years po para makumpleto natin iyong implementation ng peace agreement at saka maging  matatag na rin iyong pundasyon noong gobyerno ng Bangsamoro. At sufficient enough para ho magkaroon tayo ng gobyerno na kayang i-absorb iyong temporary shocks na kini-create ng elections. Kasi ho kapag nagkaroon ng election, nagkakaroon ng shocks doon sa mga institutions of government. Kapag hindi ho matibay iyong pundasyon noon, nagkakaroon ho ng recovery period na matagal bago ho mag-stabilize naman iyong gobyerno.

Pero sa tantiya ho natin makukumpleto natin iyong implementation noong peace agreement, titibay na ho iyong pundasyon noong ating gobyerno at iyong recovery ho natin in terms of development at saka economy ay matibay na ho sa loob noong tatlong taon na iyon. So sa amin hong palagay ay sapat na ho iyong panahon na tatlong taon para ho talagang maayos na natin ang peace and development dito sa ating rehiyon.

USEC. IGNACIO: Opo. Minister, ilang former MILF combatants na po iyong na-decommission under this program at kumusta na po sila ngayon?

BARMM MINISTER SINARIMBO: Mayroon tayong 12,145 na na-decommission na. Itong taon na ‘to ay mayroon tayong inaayos na additional na 14,000 na combatants. Ang total ho na idi-decommission natin ay 40,000 na combatants, so iyong phasing ho noon ay importante. Iyong mga naunang na-decommission natin ay nabubuhay na nang mapayapa, inaayos lang ho natin sa gobyernong nasyonal iyong socioeconomic package para sa kanila para ho tuluy-tuloy na na maiwan na nila iyong dating buhay nila bilang combatants, mapunta na sila sa isang peaceful, productive na pamumuhay ho sa Bangsamoro.

USEC. IGNACIO: Opo. Minister, hindi po ba maaapektuhan ang sinumang uupo na susunod na pangulo ang mga programang ginagawa po ng BTA para po sa BARMM lalo kung mag-a-appoint ito nang panibagong BTA interim members?

MINISTER SINARIMBO: Pakiramdam po natin ay okay naman po iyong continuity noong services at saka noong institutions maski na po mag-appoint si Pangulo noong mga panibagong miyembro noong BTA.

Ang panawagan lang po natin ay sana po iyong susunod na maging lider ng bansa, iyong magiging Pangulo at iyong magiging kasama nito ay ipagpatuloy po iyong implementation noong peace agreement natin, para tuluy-tuloy na na mapunta tayo doon sa kapayapaan.

Kasi po sa matagal na panahon, na-hold back po iyong development ng region natin. Hindi lang ng region natin, kung hindi iyong buong bansa, dahil napunta iyong lahat ng energy natin doon sa internal conflict resolution. Kung mawala po iyan at mapunta na tayo doon sa focus ng development baka po lalong bumilis iyong pag-unlad ng rehiyon at saka noong ating bansa.

USEC. IGNACIO: Opo. Minister, may tanong lang po iyong ating kasamahan sa media para sa inyo. Mula po kay Sam Medenilla ng Business Mirror, ito po ang tanong niya: Ano na po ang update sa pag-finalize sa BARMM election code at kailan po ito expected maku-complete?

MINISTER SINARIMBO: Iyon pong electoral code ay technically tapos na po iyong draft. Nasa level po noong Cabinet committee ito. Ang next na lang po na step rito ay ipaapruba sa level noong Cabinet para po ma-transmit ito sa parliament bilang proposal noong government of the day. Ang ibig pong sabihin noon ay iyong mayorya noong miyembro ng parliament na siyang government of the day ay siya ang magi-sponsor dito sa bills na ito. So, sigurado po tayo na papasa dahil mayroon po tayong numero.

Mayroon lang pong nangyayari pang debate sa loob ng Gabinete, lalo na po doon sa mga   probisyon patungkol doon sa representation noong mga sectors, kagaya po noong non-Moro indigenous people, women, iyon pong mga settlers, kasi po masalimuot po iyong usapan, dahil nagiging isyu kung paano ba ma-reflect na iyong mga uupo galing sa kanila ay tunay na representative noong mga sectors na ito.

Kasi po kung ang boboto ay ang lahat noong eligible voters, samantalang kakaunti lang itong sector na ito, baka po ma-overwhelm at ang lalabas pa rin  ay iyong  will ng majority, hindi po ng mga sectors na iyon. Kaya po mayroong mahabang debate rito, pero pakiramdam po namin, mayroon na tayong compromise dito na probisyon na kayang idepensa doon sa ka Gabinete at saka sa parliament po. So asahan po natin na baka mapasa na ito.

USEC. IGNACIO: Opo. Minister, kasabay nga po ng transitional programs ng BTA ay ang pagtutok rin po ninyo sa COVID-19 pandemic ano po. Kumusta po iyong pagbabakuna sa mga lalawigang sakop naman ng BARMM?  

MINISTER SINARIMBO: Una po ay medyo mababa naman iyong rate noong infection dito sa atin ng COVID. Ang total cases lang po natin cumulative ay nasa 14,951; pero ang recovery rate natin, mataas po, nasa 13,831. Samantalang 586 lang iyong death natin. Ang major challenge po natin ay iyong vaccination rate natin at ang malaking contributory factor ho rito ay dalawa:

  • Una, hindi pa talaga natin nakukumbinsi iyong karamihan sa mga kababayan natin na magpabakuna. So tina-tap po natin iyong mga sectors na pakiramdam natin ay influential rito.
  • Pangalawa po ay iyong geography natin ay medyo hirap tayo, dahil mayroon tayong mga isla, mga island municipalities na talaga pong malalayo, kagaya noong nasa Tawi-Tawi, sa Sulu at saka sa Basilan.

So, mahirap pong abutin lalo na po ang mga communities na ito dahil magta-travel po kayo by boat, pagdating po doon kailangan din natin na handa iyong buong team just in case magkaroon ng adverse effect iyong vaccination natin. So iyon po ang malaking challenge natin, iyong vaccination rate natin ay mababa doon sa mga areas na geographically challenged tayo. Pero sa mga areas po na dating mataas iyong rate nila bumaba na rin po kagaya po ng Lanao Del Sur at saka Cotabato City. So, nag-i-stabilize na po tayo, ang kailangan po nating habulin talaga ay mabakunahan iyong mga kababayan natin para po ma-achieve natin iyong herd immunity.

USEC. IGNACIO: Opo. Minister, pero ano po iyong pagsisikap na ginagawa ng BTA para po tugunan ang mga problema sa logistics at sa storage po sa BARMM lalo na iyong vaccine hesitancy sa mga residente diyan?

MINISTER SINARIMBO: Katrabaho natin rito ang UNICEF at saka iyong religious sector, kasi sila po iyong pinaka-effective na magbigay noong mensahe na tama po iyong pagpapabakuna. So mayroon po tayong mga radio spots/programs at saka tina-tap na rin po natin iyong mga mosque, ito iyong religious site, para magbigay ng adbokasiya iyong mga religious leaders para i-encourage iyong mga tao na magpabakuna.

So, inaasahan po natin na magi-improve iyong acceptance rate sa mga communities natin dahil sa programang ito. Doon naman po sa mga isla ay bumili na rin po ang regional government noong mga dagdag na sea ambulance para po ma-transport iyong mga health workers at saka iyong bakuna doon sa mga areas na malalayo.

Next week po ay kakausapin na rin namin iyong mga local government units, para po sila ang mag-take ng lead doon sa magkumbinsi at potentially pagdala noong mga kababayan natin doon sa mga vaccination sites natin para po medyo bumilis iyong rate ng pagbabakuna dito sa rehiyon.

USEC. IGNACIO: Opo. Minister, kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon at impormasyon, BARMM Interior and Local Government Minister Naguib Sinarimbo. Mabuhay po kayo, salamat po, Minister!

MINISTER SINARIMBO: Maraming salamat po at magandang tanghali sa mga kababayan natin.

USEC. IGNACIO: Samantala, puntahan po natin ang mga balitang nakalap ng Philippine Broadcasting Service mula po sa iba’t ibang lalawigan sa bansa, ihahatid po iyan ni John Mogol mula sa PBS-Radyo Pilipinas.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, John Mogol ng PBS Radyo Pilipinas. Naging matagumpay naman ang pagsisimula ng bakunahan sa mga 12 to 17 years old na may comorbidity sa Davao City. Pero ang Davao Vaccination Cluster, may pakiusap sa publiko, iyan po ang ulat ni Julius Pacot:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Inaasahan namang magdudugtong na ang isla ng Cebu at ang bayan ng Cordova sa Mactan Island, dahil sa Sto. Niño Bridge na hindi lang magpapabilis ng biyahe, kung hindi magbibigay rin maraming oportunidad para sa bayan ng Cordova. Ang detalye sa report ni John Aroa:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa ating mga partner agency para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP. At diyan na po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Ipagpatuloy po natin ang MASK, HUGAS, IWAS at BAKUNA para sa mas masayang Kapaskuhan lalo’t 54 days na lang Pasko na. Ako muli ang inyong lingkod USec. Rocky Ignacio, magkita-kita muli bukas dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

###

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)