Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location People’s Television Network (PTV), Quezon City

USEC. IGNACIO: Magandang umaga sa ating mga kababayan saan mang panig ng mundo. Ngayong araw, November 23, ay muli nating hihimayin ang mga maiinit na usapin sa bansa kaugnay sa face-to-face classes, resumption sa mga unibersidad at kolehiyo, sa mga nauusong mga spam text messages, at ang handog ng GSIS na GFAL Educational Loan. Ako po si Usec. Rocky Ignacio mula sa PCOO, at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Una sa ating mga balita: Personal na binisita ni Senator Bong Go ang Malasakit Center sa Dr. Jorge Royeca Hospital sa General Santos City. Dito ay namahagi rin siya ng tulong sa ilang pasyente at healthcare workers sa ospital. Narito ang report:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Kabila-bila ngayon ang pagkalat ng spam text messages na ikinababahala ng ating mga kababayan lalo na at sangkot dito ang kanilang mga pribadong impormasyon. Para alamin kung paano nangyayari ito at kung ano ang dapat gawin sa oras na makatanggap tayo ng spam text messages, makakausap po natin si Commissioner Raymund “Mon” Liboro mula po sa National Privacy Commission. Magandang umaga po, Commissioner!

NPC COMMISSIONER LIBORO: Good morning, Usec. Rocky. Salamat sa pag-imbenta sa akin dito sa inyong programa.

USEC. IGNACIO: Opo. Commissioner, ipaliwanag lang po natin, ano po iyong characteristic o kadalasang itsura ng isang mensahe sa e-mail or sa text para po masabing spam message ito?

NPC COMMISSIONER LIBORO: Well, sentruhan ko na, Usec. Rocky, itong sabi mo nga, maraming natatanggap ngayon nitong mga text messages na kunwari ay nagbibigay ng trabaho or oportunidad para magtrabaho; mayroong mga ang lalaking suweldong nilalagay kesyo ikaw daw ay i-employ ng mga kilalang online shopping ‘no like Lazada, Shopee, mga ganoon.

Gusto ko lang sabihin ‘no dito sa show natin, Usec. Rocky, scam po ito. Huwag po ninyong tangkilikin iyan, i-block ninyo po iyan at i-remove, ibasura ninyo ho iyang mga text na iyan dahil kayo po ay lalansiin lamang nito.

Na-monitor po namin, sa amin pong pagtingin at imbestigasyon ay kayo po ay lalansiin lamang nito upang magbigay ng inyong personal details. At ang dagdag na peligro ho, ang pinakamalaking peligro nito, Usec. Rocky, ay nanakawan ka ng pera in real time dahil mayroon ho silang modus na kung saan paniniwalain ka na bibigyan ka ng trabaho para mag-promote ng mga produkto online pero kailangan mong magbayad ng panimula at saka ka makakakuha ng komisyon, hindi mo na namamalayan ay marami ka nang idinideposito sa kanila at suddenly bigla na lamang silang mawawala.

So napakalaking scam po nito. Ito po, sa aming pagmu-monitor, ay hindi lamang nangyayari sa Pilipinas, maging sa ibang bansa. At ito po ay ginagawa po ng isang organized syndicate kaya mag-ingat po tayong lahat. Huwag na po tayong mag-entertain ng mga tanong o kung iyon pong mga inaanyayahan kayo sa kung anu-ano pong mga patimpalak at ito pong mga ganito na nag-o-offer na mga trabaho, mga too good to be true na mga offer, huwag ninyo na ho iyan tatangkilikin. Huwag po kayong magbibigay ng personal information po ninyo lalung-lalo na mga bank details po ninyo sa mga nagti-text sa inyo na hindi ninyo naman po kilala.

At kung kayo po, again, ay mabibiktima po nito, maaari ninyo pong i-report iyan doon sa inyong mga Telcos; sa National Telecommunications Commission po, mayroon ding reporting din po diyan; at maging ho sa National Privacy Commission maaari ninyo rin pong i-report po iyan para maipagbigay-alam namin sa mga telcos ‘no ito pong mga nangyayaring mga spam na ito, unauthorized, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Commissioner, sa palagay ninyo ay posible po iyong hinala ng marami na maaaring dahil daw po sa contact tracing forms kaya dumarami ang spam or unwanted messages na natatanggap natin?

NPC COMMISSIONER LIBORO: Dito sa pinag-uusapan natin, Rocky, wala tayong direktamenteng ebidensiya na nagpapakita nito. Nakita natin ito, ito nga sabi ko nga sa inyo, it’s an organized international or global na sindikato ho ang gumagawa nito at gumagamit ng mga numero na nakuha po nila sa marahil sa ibang paraan po ‘no, malalaking database po ang ginagamit nila dito. Maaaring nanggaling po iyan doon sa mga dati hong na-breach o na-hack. Ginagalugad na rin natin iyong dark web dito, Usec. Rocky, upang malaman kung mayroon nga pong nagti-trade ‘no nitong mga numbers na mga Pilipino diyan at ginagamit po dito.

So although nababanggit mo nga iyang contact tracing, lagi din nating sinasabihan iyong mga nangungolekta po niyan na pangalagaan po iyan, posibilidad iyan ‘no sa ibang … sabi ko nga, magamit ho nang hindi tama. Pero in this particular case, nakikita po natin sapagka’t libu-libo, kung hindi man daanlibong Pilipino po ang nakakakuha nitong mga text na ito ay napakahirap pong gawin iyan kung iisa-isahin ninyo iyong mga contact tracing forms or health declaration forms. But still, gusto nating sabihin again, itong mga nangangasiwa ng ating contact tracing na pangalagaan din ang mga numerong iyan.

USEC. IGNACIO: Opo. Commissioner, nagkaroon din ba kayo ng imbestigasyon sa diumano’y pagbibenta naman ng mga telcos ng mga numero ng kanilang subscribers sa mga marketing agencies o personnel?

NPC COMMISSIONER LIBORO: Alam po ng telcos na bawal po iyan. Kung iyan po ay mapapatunayan ay alam po nilang mananagot ho sila dito ‘no. Wala naman po kaming, again, nakakuha pa na pormal na reklamo tungkol diyan or even leads ‘no tungkol dito, Usec. Rocky, pero kung mayroon po kayong, again, nalalaman na mga ganito ay maaari ho ninyong idulog sa amin or ibigay sa amin itong impormasyon.

Pero sa amin po, mayroon po tayong mga data protection officers sa mga telcos at gusto ko lang sabihin na ipinatawag din namin sila, Usec. Rocky, upang ipaliwanag nga kung paano nagagamit itong network or telco infrastructure para mapadala itong mga spam na ito. At dahil sa binanggit mong iyan ay maitatanong na rin natin iyan kung mayroon bang mga ganiyan tayong kaso, mga kaso ng tulad ng iyong binabanggit na nangyari o namu-monitor po nila ano, ng mga telco dahil mananagot po ang sinuman, lalo na po ang mga telco kung ang inyong mga numero na atin pong ipinagkatiwala sa kanila ay ginagamit po sa hindi otorisadong paraan.

USEC. IGNACIO: Opo. Ito po bang spam messages, Commissioner, ay dapat ikabahala ng mga tao? Considered ba bilang private information ang cellphone number?

NPC COMMISSIONER LIBORO: Yes, definitely ano. Ito pong cellphone numbers ho natin ay ito pong ikinukonsidera na personal information, personal data at ang pagprotekta po nito ay sakop po ng Data Privacy Act. Lalung-lalo na ho sa sitwasyon na ito na nagdudulot ng hindi mabuti, napaka-tangible sabi nga, nitong kapahamakan na maaaring gawin kapag ito nga po ay ginagamit sa mga scam.

So, tayo po ay, again, mag-iingat. Huwag ho basta-basta ibinibigay ang ating personal information tulad po ng mga mobile numbers natin. Huwag ho tayong ‘ika nga ay basta-basta pumipirma o uma-agree o nagku-consent kapag hinihingan po tayo ng mga personal data po natin dahil iyan po, sa amin ngang namu-monitor din, ay maaaring sumasang-ayon kayo na gawing public itong mga impormasyon na iyon, iyan po ay nai-scrape, nakakayod ho sabi nga at nagagamit po sa hindi tama.

So, sama-sama ho tayo dito ‘no. Mayroon hong role ang bawat isa hindi lamang po ang telco, pero ang media pati po ang mga mamamayan, kaya ibayong pag-iingat lalo na ngayong panahon natin, Usec. Rocky, na talagang napakaraming aktibidad na ng ating mga kababayan ang nag-shift ng online sa pagsha-shopping, pagbabangko, pag-aaral.

Iyan po ano, again, nagdadala ho ng convenience iyan pero iyan po ay nagdadala rin ng peligro at kailangan ho nating i-prevent ho itong mga peligrong ito.

USEC. IGNACIO: Opo. Sa anong pagkakataon po ba nagiging puwede nating sabihing harmful o threat ang spam messages, Commissioner? At paano rin ito magiging delikado po sa papalapit na halalan?

NPC COMMISSIONER LIBORO: Ayan ‘no, ang ganda ng tanong mo, Usec. Rocky ‘no, but again ano, mayroon pong mga tangible harms. Katulad ng sinasabi ko sa iyo, maaari kang manakawan, mawalan ‘no ng pera dahil nga iyon po ang layunin nitong mga magnanakaw na ito na online.

May isang epekto ito, Usec. Rocky, ‘no, loss of autonomy. Hindi ba, Rocky, kung ikaw ay nasa pulong eh maya’t maya mayroong mga nagti-text sa iyo na hindi mo kilala ay iyan din ay nakakasira ng halimbawa ng iyong pang-araw-araw na buhay ‘no. Iyan din ay mahalaga kasi hindi naman dapat tayo binabagabag nitong mga ito. Nasasayang ang ating oras at sandali dito sa mga ito dahil nawawalan ka ng control sa sarili mong oras at dito sa personal mo nga, awtonomiya mo nga dahil nga kailangan mong tingnan itong mga tumatawag sa iyo na hindi mo naman kilala at ikaw ay ii-scam-in lamang.

Now, nabanggit mo ang eleksiyon, lalo nga pong dapat tayong mag-ingat. Gusto ko lang sabihin, Usec. Rocky, tayo po ay naglabas din ng ating guidelines on the use of personal data for election activities at tinatawagan natin ang lahat ng political parties, ang mga kandidato at maging ang mga aspirants pa lamang ano, dahil hindi pa rin nagsisimula ang ating campaign period.

At ang mahalaga dito ay iyong tinatawag nating Information Society Service Provider o social network services tulad ng Facebook, kasama sila dito sa covered nitong ating guidelines upang mapanatili nga po natin na katiwa-tiwala itong nalalapit na eleksyon.

So, again, itong mga messages pong iyan ay ano ba ang peligro po nito kasi may isa pang aspeto tayong hindi binabanggit nga dito. Iyong mga unauthorized text po maaaring manggaling hindi lamang ho sa telco kung hindi labas sa telco sa pamamagitan po ng mga tinatawag na SMS blasting machines. At iyan po kapag nagamit din ng mga pulitiko ay maaari ho silang mag-broadcast ng mga hindi otorisadong mensahe upang makarating sa ating mga telepono.

So, gusto nating sabihin tayo po ngayon ay nakikipag-ano na ‘no, mayroon hong collaboration po ang Comelec together with the National Privacy Commission at tumulong din po sila sa amin sa pagbalangkas ng aming guidelines on the processing of personal data for election activities at madadagdagan pa iyan ‘no ng joint action ng Comelec at ng National Privacy Commission.

USEC. IGNACIO: Opo. Ano po iyong mga kaparusahang nag-aabang sa mga taong mapatutunayang sangkot po sa pagpapakalat ng spam text messages na ito?

NPC COMMISSIONER LIBORO: Mayroon tayong tinatawag under the Data Privacy Act, iyong unauthorized processing of personal data. So, pagkakakulong at multa ang hinaharap nito, kung sino man ito, kung kumpanya man iyan o maging indibidwal na gumagawa nito, iyan po ay pagkakakulong mula po anim na buwan hanggang dalawang taon o multa po ng 500,000 hanggang P2 million.

At kapag ho mas sensitibong impormasyon ang nagagamit po na hindi otorisado eh mas doble ho ang multa po dito ano. At marami na po tayong mga kumpanya, right, na inirekomenda na for prosecution dahil po for unauthorized processing of personal data.

USEC. IGNACIO: Opo. Commissioner, kuhanin ko iyong mensahe ninyo sa publiko bilang pag-iingat po sa mga nagpapadala sa kanila ng spam messages.

NPC COMMISSIONER LIBORO: Well, again, Usec. Rocky, salamat! Salamat din kay Sec. Martin Andanar sa pag-iimbita dito at talagang minabuti ko na na dito nga sabihin sa ating lahat, sa atin pong mga kababayan, iyon pong inyong natatanggap na mga text ngayon na mayroong animo ay inaanyayahan kayo o iniengganyo kayo sa isang trabaho na kikita ka ng limpak-limpak at ginagamit pa ang mga well-known brands tulad ng Lazada, Shopee, SM Mall, ginagamit din po iyan, iyan po ay scam ‘no.

Huwag po ninyong tatangkilikin iyan, i-block ninyo na po iyang mga numerong iyan at ireklamo po ninyo sa telcos ho natin upang maaksiyunan po iyan at mawala po ano. Iyan po ay layunin lamang nito na mabiktima po tayo. Maging matalino, mapanuri po at mapagmatyag dito ho sa bagong buhay natin sa digital.

USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa mga impormasyon, NPC Commissioner Raymund “Mon” Liboro. Mabuhay po kayo, Commissioner!

NPC COMMISSIONER LIBORO: Thank you. Thank you, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Samantala, personal namang binisita ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ilang infrastructure projects na ginagawa sa GenSan City sa ilalim ng Build, Build, Build Program ng pamahalaan. Kasama rin ng Pangulo si Presidential aspirant Senator Bong Go. Narito po ang report:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Samantala, para naman ipaliwanag sa atin ang inu-offer ng Government Service Insurance System na financial assistance o loan o GFAL para sa mga miyembro nitong mga may kapamilyang nag-aaral pa, makakasama natin ngayong umaga si Mr. Noel Alvarez, ang Manager ng NCR Operations Groups mula po sa GSIS. Magandang umaga po, sir!

Babalikan po natin siya…

Sa gitna po nang nagpapatuloy na usap-usapan tungkol sa ‘di umano’y presidential aspirant na gumagamit ng ipinagbabawal na droga, muli namang sinabi ni Senator Bong Go na handa siyang magpa-drug test anumang oras. Ang detalye sa report na ito:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Samantala as of 4 P.M. kahapon:

Pumalo na sa 2,826,853 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa bansa kung saan muling bumaba sa 984 ang mga bagong naitalang nahawahan ng sakit.
Nadagdagan naman ng 2,229 ang mga gumaling mula sa virus kaya umabot na sa 2,759,767 ang total recoveries sa Pilipinas.
280 naman ang nadagdag sa mga nasawi – ang total deaths ay may kabuuang bilang na 47,288 sa kasalukuyan.
Nasa 19,798 o 0.7% naman ang total cases ang nananatili pa ring aktibo hanggang sa ngayon.

Magbabalik po muna ang Public Briefing #LagingHandaPH.

[COMMERCIAL]

USEC. IGNACIO: Balikan po natin si Mr. Noel Alvarez, ang Manager ng NCR Operations Group mula po sa GSIS. Magandang umaga po, sir!

GSIS NCR OPNS GRP MGR ALVAREZ: Magandang umaga po, Usec. Rocky. Magandang umaga po sa lahat.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir, ano po itong GFAL Educational Loan?

GSIS NCR OPNS GRP MGR ALVAREZ: Ito po, ma’am, ay ang tinatawag nating GFAL Educational Loan – nilunsad po natin ito, nilunsad ng GSIS para makatulong sa pagbabayad ng tuition at iba pang school fees ng nominated student beneficiaries ng ating active GSIS members. Ito po ay may concept na ‘study now, pay later’ kung saan babayaran sa first 5 years—walang babayaran sa first 5 years habang nag-aaral pa ang student beneficiaries. Babayaran lamang po ito from the 6th to 10th year of the loan – iyong tinatawag po nating—para pong siya po ay tinatawag na study period and repayment period. Thank you po.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, sir, ano po ‘yung maximum loan amount at interest rate ng GFAL Educational Loan?

GSIS NCR OPNS GRP MGR ALVAREZ: Usec. Rocky, ito po ay P100,000 maximum loan amount per academic or school year po and ito po ay may interest lamang na 8% per annum.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero sino po ‘yung puwedeng mag-avail ng GFAL Educational Loan, sir?

GSIS NCR OPNS GRP MGR ALVAREZ: Usec. Rocky, puwede pong mag-avail ang mga active permanent or non-permanent GSIS members at ang mga special members na ito po ay may mga qualification:

  • Dapat po may total length of service na at least 15 years at nakapagbayad po ng—has paid the latest 3 monthly premium contributions for both personal share and government share at the time of application.
  • Dapat din po hindi naka-leave of absence without pay o ‘yung tinatawag nating LAWOP, dapat po hindi naka-LAWOP ano po.
  • Walang pending administrative case or criminal charge
  • And walang pass due loans sa GSIS maliban sa housing loan.
  • Ang agency status po ay hindi suspended.
  • And ang net take home pay po ay not lower than P5,000 after all monthly obligation have been deducted per the GAA po o ‘yung General Appropriations Act.

Thank you, Usec.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero Sir, sinu-sino daw po iyong mga qualified student-beneficiaries para dito?

GSIS NCR OPNS GRP MGR ALVAREZ: Ang atin pong mga members, puwede po silang mag-nominate ng hanggang two student beneficiaries. Sila po dapat ay Filipino citizen or resident of the Philippines, related sa member/borrower up to the third degree of consanguinity or affinity. Sa undergrad program na may maximum study period na five years, so puwede rin naman po iyong mga four year course ano. So kailangan sumang-ayon na maging co-maker sa loan pagdating ng age of majority, iyon po ang 18 years old and above.

Makikita po natin kung sinu-sino po ba iyong mga nasa tinatawag nating consanguinity:

So iyong first degree po iyon po iyong children and parents. So sa second degree at consanguinity naman brothers, sisters, grandparents, grandchildren. So sa third degree naman po uncles, aunts, nephews, nieces, great grandparents, great grandchildren.

For the affinity naman po:

First degree po natin iyong spouse and sa second degree naman po, parent-in-law, daughter/son-in-law and sa third degree naman po, grandparent-in-law, brother/sister-in-law, grandchild-in-law. Thank you, Usec.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero paano daw po mag-apply ng GFAL Educational loan, Sir?

GSIS NCR OPNS GRP MGR ALVAREZ: Napakaganda nga po ngayon ang inu-offer ng GSIS, dahil nga po sa pandemya, mayroon na po tayong alternative mode of filing. So puwede pong mag-apply over the counter, through drop boxes in GSIS offices nationwide or via email, pero kailangan pa rin pong i-forward ang mga original copy ng requirements.

Kailangang i-submit po ang mga sumusunod: Properly filled out application form signed by the member/borrower and duly endorsed by his or her agency authorized officer; So, mayroon din po tayong photocopy of the latest tuition fee assessment form; Photocopy of school ID (front and back) with three signatures of student/beneficiary. Kung hindi available ang school ID, kahit anong valid government ID na may picture, date of birth at pirma ng student/beneficiary.

Thank you po, Usec.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero paano naman po iri-release ang loan proceeds nito, Sir?

GSIS NCR OPNS GRP MGR ALVAREZ: Una po magbibigay po muna ng letter of guarantee ang GSIS to be presented by the student/beneficiary sa educational institution. So, ang proceeds ng loan in the form of check ay payable sa education institution. Ito ay iri-release sa bawat semester, trimester or quadmester. Thank you po.

USEC. IGNACIO: Opo. Kung may katanungan po o nais na karagdagang impormasyon, ano po ang puwedeng gawin, Sir?

GSIS NCR OPNS GRP MGR ALVAREZ: Maaari pong bisitahin ang ating website, www.gsis.gov.ph o GSIS Facebook page @GSIS.ph o puwede din pong mag-email sa gsiscares@gsis.gov.ph. o tumawag po sa 8847-47-47 or para po sa mga Globe at TM subscriber 1-800-8847-47-47 at para naman po sa Smart, Sun and Talk and Text subscribers 1-810-847-47-47. Ang mga listahan po ng email addresses ng pinakamalapit na branch office ay makikita rin po sa ating website.

Maraming salamat po, Usec.

USEC. IGNACIO: Kami rin po ay nagpapasalamat sa pagbabahagi ninyo sa amin, Mr. Noel Alvarez, ang Manager po ng NCR Operations Group mula sa GSIS. Mabuhay po kayo.

GSIS NCR OPNS GRP MGR ALVAREZ: Thank you po, again. Mabuhay po kayo, maginhawang buhay po.

USEC. IGNACIO: Dumako naman sa Lungsod ng San Juan, kung saan po nagaganap ngayon ang pagbabakuna ng booster dose sa mga kababayan nating senior citizens at mga immunocompromised. Nakatutok doon si Louisa Erispe, Louisa?

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyong report, Louisa Erispe.

Puntahan naman natin ang mga balitang nakalap ng Philippine Broadcasting Service, ihahatid iyan ni Ria Arevalo mula sa PBS-Radyo Pilipinas.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo Ria Arevalo mula sa PBS Radyo Pilipinas.

Inaasahan pong balik eskuwela na ang lahat ng mag-aaral sa kolehiyo matapos aprubahan ng IATF ang rekomendasyon ng CHED na ibalik na ang face to face classes sa iba’t ibang degree programs. Para pag-usapan ang detalye ng balitang iyan, makakausap po natin si CHED Chairperson Prospero De Vera III. Good morning po at welcome back sa Laging Handa sir.

CHED CHAIR DE VERA III: Hi, good morning sa lahat ng nakikinig at nanunood ng Laging Handa, good morning.

USEC. IGNACIO: Opo. Chair, paano po ba iyong magiging sistema dito sa una at ikalawang phase para po sa pagbabalik ng face to face classes sa iba pang degree program sa tertiary level at kailan daw po iyong mismong pagpasok ng mga estudyante sa mga paaralan?

CHED CHAIR DE VERA III: Itong expanded face to face ay pagdagdag doon sa original na limited face to face para sa medical and allied health sciences, engineering, tourism at maritime na inaprubahan ng Pangulong Duterte, early this year.

So ang expanded limited face to face ay puwede ng magbukas ang mga pamantasan under certain conditions:

  • Number 1, kailangan bakunado ang mga papasok na mga estudyante at mga faculty.
  • Ikalawa, kailangan iyong requirements ng minimum health standards ay nandudoon sa eskuwelahan,
  • Kailangan naka-retrofit iyong facilities nila
  • At pang-apat kailangan may coordination or concurrent ng local governments.
  • So, ang bagong elemento na pinasok natin ay iyong vaccination, na bakunado ang papasok at ikalawa iyong pag-uusap sa local government.

So, kailan puwedeng magsimula? Eh depende kung gaano kabilis ang retrofit at saka mag-comply ang mga schools sa kanilang safety standards. Kung sila ay handa na ay puwede na silang magsimula na kahit ngayong December.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, kinakailangan pa ba sir, iyong consent ng magulang or guardian iyong pagsali po noong estudyante dito sa face to face classes sa kolehiyo; gaya po sa hinihinging requirements ng DepEd para po sa basic education classes?

CHED CHAIR DE VERA III: Kasama na iyan, mula January kasama na sa guidelines iyan. Kailangan magpakita sila ng proof na nagkonsulta sila sa mga magulang at mga estudyante para maipaliwanag nila iyong paraan nila ng limited face to face. Kasi, ito hindi ito mandatory, this is optional. So, iyong mga magulang, mga estudyante na pakiramdam nila ay hindi pa sila handa o hindi pa sila bakunado, sila ay magpapatuloy sa paggamit ng flexible learning using either online or offline. Pero, iyong mga handa ng bumalik, sila iyong pababalikin sa eskuwelahan.

So, ito ay limited sa Alert Level 2 pababa. Iyong Alert Level 3, ang target natin diyan ay by January ay magsimula na ito. Pero, by December puwede ng magbukas iyong mga schools under Alert Level 2 kasama diyan ang Metro Manila kung saan pinakamaraming mga eskuwelahan.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, ano naman po iyong kondisyon ng CHED sa mga eskuwelahan para po maaprubahan ang kanilang application dito sa face to face classes? Marami-rami po itong sasalain ninyo ngayon dahil lahat po yata ng paaralan ay halos magbubukas na. Tama po ba ito?

CHED CHAIR DE VERA III: Hindi naman, kasi iyong experience namin doon sa first batch ng mga nag limited face to face ay mabilis naman silang nakapag-comply. Kailangan lang handa sila na maglagay noong mga minimum health standards, iyong retrofitting.

Iyong lahat, iyong lagpas halos na 200 mga eskuwelahang inaprubahan na so far, iyang mga iyan ay dagdag retrofitting na lang ang kanilang gagawin dahil nakapag-retrofit na sila noong kanilang facilities para doon sa mga degree na pinayagan. Ang gagawin na lang nila ire-retrofit nila the rest of their campus.

So, hindi na dapat mahirap iyan, kasi nagbawas na sila for parts of their campus, it should be very easy for them to retrofit the rest of their campus. In fact, pinag-aaralan namin kung paano mapapabilis ito baka naman doon sa mga school na ready na talaga ay baka gumawa na lang ng self-assessment.

Nagku-consultation kami ngayon sa mga schools kung ano iyong pinakamabisang paraan para mapabilis iyong pagbubukas ng klase ano. Nagmi-meeting ngayong umaga iyong association ng mga universities and I think by lunch time sasabihin nila sa amin kung ano pa ang mga naisip nilang gagawin para mapabilis no.

Nakapag town hall meeting na kami sa lahat ng pamantasan sa Luzon, Visayas at Mindanao nitong nakaraang mga araw para tanungin sila kung ano pa ang puwedeng gawin para mapabilis iyong pagbukas ng mga eskuwelahan.

USEC. IGNACIO: Opo. Chair Popoy, may tanong lang po iyong kasamahan natin sa media para sa inyo.

Tanong po ni Sam Medenilla ng Business Mirror: Ilang higher education institutions na po ang qualified na mag-start ng limited face to face classes by next month at ilang percent na po ang over all higher education institutions nationwide?

CHED CHAIR DE VERA III: Iyong una, doon sa January na limited face to face at saka iyong September na limited face to face ang nagbukas na ay 161 schools at marami pa ang nabigyan na ng authority na magbukas pero magbubukas yata iyong iba diyan, January ang gusto nila. Kasi, depende sa school iyan kasi papatapos na ang semester ngayon eh.

So, iyong iba na naaprubahan na iyong kanilang authority to have limited face to face ang decision nila sa second semester na sila magsisimulang magbukas. So, kung tatanungin kung kailan sila magbubukas, iniiwan natin iyan sa schools kung kailan ang decision nila. Pero, once na nakapag-comply na sila eh the next day puwede na silang magbukas ng kanilang mga campus.

USEC. IGNACIO: Opo. Chair Popoy, may subsidy ba daw po na maibibigay ang CHED sa mga maliliit na kolehiyo para naman daw po makasabay din sila sa requirements para sa new normal face to face classes?

CHED CHAIR DE VERA III: Galing sa CHED wala dahil hindi naka-budget iyan sa 2021 GAA. Pero sa usapan sa Kongreso at saka sa Senado, plano yata ng Senado na magbigay ng subsidy sa mga eskuwelahan para sa kanilang retrofitting. Pero hihintayin natin kung ano ang lumabas sa budget for 2022.

Pero, may plano yata ang Senado doon sa discussion na tumulong sa mga pamantasan at iyan ay sinusuportahan ng Komisyon kung mabibigyan sila ng subsidy para sa retrofitting ng kanilang facility para sa limited face to face.

USEC. IGNACIO: Opo. Chair Popoy, tama po bang fully vaccinated lang na student at personnel ang papayagan po para dito sa face to face classes at kumusta rin po iyong bakunahan sa mga unibersidad so far? Nasaan na po tayo sa target natin?

CHED CHAIR DE VERA III: Yes, iyan ang inaprubahan ng IATF eh, hindi lamang sa education pati rin sa ibang sector, iyan ang inaprubahan na vaccinated kailangan at iyan na rin ang ginagawa ng maraming local governments sa kanilang local ordinances o executive order.

Halimbawa, iyong ibang mga siyudad naglabas na ng ordinansa or executive order na ang puwede lang sila sa mga pumasok sa mga facility ay mga vaccinated individuals. So, iyang requirements na iyan ay hindi lang naman requirements ng CHED iyan, iyan ay requirement ng IATF.

Ngayon, doon sa bakunahan ang latest data na ngayon ng CHED nationwide ay 42% ng mga estudyante ang vaccinated. Pero hindi pantay-pantay, may mga region na medyo mababa, may mga region na mataas kaya tuluy-tuloy ang aking pag-iikot para himukin ang lahat ng estudyante at lahat ng eskuwelahan na maging vaccination center at gumawa ng school-based vaccination.

Ako ay papunta ng Iloilo, I think, bukas. Kagagaling ko lang ng Zamboanga at Palawan at saan man ako magpunta ay pinupuntahan ko iyong mga school-based vaccination centers para himukin ang lahat.

Tapos, ngayon National Vaccination Days sa end of the month, naglabas na kami ni Secretary Duque ng guidelines para iyong mga fourth year medicine at nursing students at saka iyong mga bagong graduates sa medisina at nursing kahit na hindi pa pumasa ng licensure ay puwede nang maging volunteer vaccination, puwede silang tumulong sa vaccination center. Hindi lang pag-vaccinate, pati iyong pag-counseling o iyong pagkuha ng vital signs at iyan ay maki-credit sa kanilang pag-aaral.

So, allowed na iyan at iyong ating mga regional office ng CHEd ay pinupulong na ang mga eskuwelahan na may medicine and nursing programs para gumawa ng imbentaryo ng mga estudyante na puwedeng maging volunteer at binibigay iyong listahan sa mga local government at health authorities para sila ay puwedeng ma-assign sa mga vaccination centers doon sa ating National Vaccination Day at iyan ay umaandar na iyan ngayon.

USEC. IGNACIO: Sir Popoy, ilang araw na lang po bago ang National Vaccination Days. Ano po ang magiging role ng CHEd sa gagawing bakunahan at kumusta po iyong paghahanda ninyo para rito? Kasama na po ba dito iyong mga medical students na una ninyo pong iminungkahi na maging dagdag vaccinators?

CHED CHAIR DE VERA III: Oo. Actually, iyong mga ibang schools kahit na wala pa iyong kuwan, kahit na wala pa iyong guidelines na inilabas namin tumulong na sila sa vaccination center under the supervision of medical professional no, lalo na doon sa mga medicine and allied health courses na pinayagan noong January. Kasi, mayroon tayong mga universities na mayroon silang sariling hospital.

So, doon sa mg hospital na iyon, iyon mga estudyante nila actually ay sumama na sa vaccination. Ang kinaiba lang ngayon ay pang maramihan nga, kasi ang target ng National Vaccination Day ay 5 million vaccination a day. So, kailangan natin ang mas madaming vaccinator. Kaya, iyon ang dahilan kung bakit minu-modulize natin ang mga estudyante para tumulong maging vaccinator para makuha natin iyong ating national target.

So, halos lahat ng universities na mayroon school-based vaccination ay kasama doon sa end of month National Vaccination Day. Lahat sila ay magbubukas din ng vaccination center on those three days. So, iyong ang tulong ng mga university, maliban doon sa kanilang mga estudyante na tutulong bilang vaccinators.

USEC. IGNACIO: Opo. Maraming salamat po sa inyong panahon CHEd Chairperson J. Prospero De Vera III. Mabuhay po kayo.

Samantala, patuloy naman pong naitatala ang pagbaba ng bilang ng mga nahahawaan ng COVID-19 sa probinsiya ng Benguet. Iyan po ang report ni Phoebe Kate Valdez ng PTV Cordillera.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Vaccination rate ng Davao City umabot na sa 76.1%. Ang pinakamataas na pagbabakuna sa buong rehiyon. Ikinatuwa naman ito ng DOH Region XI. Ang detalye sa report ni Hannah Salcedo.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa ating mga partner agency para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).

Dito na po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Magsama-sama po muli tayo bukas hanggang sa Kapaskuhan lalo na’t 32 days na lamang po Pasko na.

Ako po ang inyong lingkod Usec. Rocky Ignacio, at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

##


News and Information Bureau-Data Processing Center