USEC. IGNACIO: Magandang umaga Pilipinas. Siksik sa impormasyon ang ihahatid namin sa inyong talakayan ang ihahatid namin ngayong Sabado. Maya-maya lamang po makakasama natin ang ilang kinatawan ng mga ahensiya ng pamahalaan para po magbigay linaw sa mga tanong ng taumbayan.
Mula po sa PCOO ako po si USec. Rocky Ignacio, at ito ang Public Briefing Laging Handa PH. Patuloy ang konstruksiyon ng mga proyektong pang-imprastraktura, sa huling taon ng administrasyong Duterte. Kamakailan magkasamang dumalo ang Pangulo at Sen. Bong Go, sa pagpapasinaya ng ilang Build, Build, Build projects sa Oriental Mindoro. Narito ang report:
[VTR]
USEC. IGNACIO: Para alamin ang iba pang detalye sa pagbabagong inaprubahan ng IATF sa guidelines ng mga inbound travelers at paghahanda na rin ng pamahalaan sa gaganapin National Vaccination Days sa katapusan po ng buwan, makakasama po natin si Ret. Gen. Restituto Padilla, Jr., ang tagapagsalita po ng National Task Force Against COVID-19. Good morning po, General.
NTF SPOX RET. GEN. PADILLA, JR.: Magandang umaga USec. Rocky, at sa lahat po ng nakasubaybay sa programa, magandang umaga po sa inyong lahat.
USEC. IGNACIO: Opo. Sir, ano po ba ang ibig sabihin nitong ‘in principle’ na pagpayag ng IATF sa pagpasok ng mga fully vaccinated individuals na magmumula po sa green list countries?
NTF SPOX RET. GEN. PADILLA, JR.: Well, actually ang approval po ay nailabas na sa pamamagitan ng IATF Resolution No. 149-A at ang anunsiyo na iyan sa resolution po na naibigay po ng IATF ay para sa mga nanggagaling sa mga green list countries na fully vaccinated, sila ay kinakailangan na lang po na magkaroon ng 72 hours prior to arrival na RT-PCR test.
So, kung negative po iyong result niya at dala-dala nila at pumasok po doon sa 72 hours pagdating sa paliparan po natin or sa any port of entry sila po ay hindi na magka-quarantine. Sila ay pakikiusapan na lang na mag-self monitor pagdating nila at ang unang bilang ng pagsi-self monitor for the 14 days following is iyong arrival day nila.
Para doon sa fully vaccinated foreigners naman na darating na manggagaling sa green list countries negative PCR-test din po, 72 hours prior to departure nila hanggang pagdating; at upon arrival sila po ay magkakaroon ng RT-PCR test uli para sila ay ma-check kung sila ay may dinadalang virus. Pero hindi na rin po nangangailangan ng anumang klaseng kuwarantina.
Ngayon nagluluwag tayo doon sa yellow list countries na kung saan pumapasok ang karamihan ng ating mga kababayan na maaring magpunta ngayon dito sa Pilipinas para sa kanilang Christmas vacation, kasama na ang Estados Unidos na nasa yellow list countries, ang Canada at iba pang lugar.
Ang kanilang pagdating naman ay ganoon din, maggo-govern ng isang tinatawag na RT-PCR test 72 hours prior to arrival para sa lahat ng fully vaccinated at sila ay pakikiusapan na magkaroon ng facility based quarantine sa pagdating ng 3rd day nila sila ay isasailalim sa isang RT-PCR test at pagka lumabas ito ng negative sila po ay mare-release na doon sa kanilang facility quarantine approximately on the 5th day at kanilang kukunin po ang result na ito at magsi-self monitor na lang po sila hanggang sa 10 araw ng kanilang pagdating sa kanilang tahanan.
So, hindi na po mangangailangan ng mas mahaba pang quarantine na tumatagal ng 5 hanggang 7 araw doon sa mga nagdadatingan galing sa yellow list countries. Doon naman po sa unvaccinated or partially vaccinated individuals na dumarating, sila po ay magsasagawa ng facility based quarantine hanggang sa ika-7 araw at kung saan magkakaroon sila ng RT-PCR test at kung negative ito ipagpapatuloy po nila iyong 14 day home quarantine nila sa kani-kanilang tahanan.
Iyon sa red list countries naman po ay patuloy nating pine-prevent ang entry ng ating mga nanggagaling diyan maliban na lang po sa mga Pilipino na sumasailalim sa isang tinatawag na repatriation plan or special program na government initiative or mga non-government initiated ng mga Bayanihan flights at ito naman pagdating nila ay isasailalim din sila sa isang 10 day facility based quarantine with RT-PCR testing on the 7th day para sigurado tayong safe.
Iyong mga magsisidatingan na mga may dala pong mga anak o maliliit na mga bata, sila po ay isasailalim din sa parehong quarantine procedure ng kanilang mga magulang at lalabas na rin po sila irregardless kung iyong bata ay bakunado o hindi.
So iyon po iyong mga huling naging issuances po ng IATF na ngayon ay nasa NTF na po na ipinatutupad, magsisimula po ito sa Lunes.
USEC. IGNACIO: Opo. General, iyan nga ang isusunod kong itatanong bagama’t iniklian na po dito sa yellow list ano po iyong mga quarantine restriction. So iyong effectivity sa Lunes po ito, General?
NTF SPOX RET. GEN. PADILLA, JR.: Tama USec. Rocky, sa Lunes po ito magsisimula November 22, 2021.
USEC. IGNACIO: Opo. Iyon pong sunod na tanong: Ngayong Christmas season lang daw po ba ito para mahikayat na umuwi ng bansa ang ating mga kababayan or this policy will stay kahit po mag-2022 lalo po dito sa yellow list?
NTF SPOX RET. GEN. PADILLA, JR.: Ito pong patakaran na ito ay naging base na rin sa ating mga datos at sa datos ng mga bansang patuloy na nag-i-improve ang kanilang COVID situation. So harinawa po na mag-improve pa ang ating COVID situation at magbibigay daan po ito sa patuloy na pagluluwag.
So, maari pong itong magpapatuloy beyond Christmas holidays hanggang sa bagong taon kung ang ating mga datos ay bababa pa rin sa bilang ng mga COVID cases. Kaya harinawa po ipanalangin natin na tayo ay patuloy na mag-improve sa ating COVID situation at makakatulong po ang bawat Pilipino sa patuloy na pagtalima sa tinatawag na minimum public health standard.
So huwag po nating bibitawan at lulubayan ang patuloy na pagsunod nang istrikto dito sa pagsuot ng mask nang tama, pag-observe sa social distancing, pagsa-sanitize at paghuhugas nang parati at pag-iiwas sa matataong lugar lalo na’t ngayon na nagluluwag tayo, hindi na po natin dapat balikan iyong mga dati nating pinanggalingan na mga surges sa pamamagitan po ng bayanihan sa pagsunod sa mga health protocols na ito.
USEC. IGNACIO: Opo. General, sa usapin naman po ng booster shot. Ayon po kay Secretary Galvez magbibigay na rin po ng booster para sa mga OFWs na aalis ng bansa within 4 months. Kailan daw po ito magsisimula?
NTF SPOX RET. GEN. PADILLA, JR.: Ito po ay kina-clarify pa namin. Priority naman talaga po ang ating mga OFWs at saka seafarers na malaki ang ambag sa economic recovery dahil sa kanilang patuloy na pagsasakripisyo para sa kani-kanilang pamilya kaya nga natin sila tinatawag na modern day heroes. So kasama rin po sila sa prioritization at [garbled] ang effective date ng application ng OFW booster shots na ito. Pero ito rin po ay susunod doon sa sinasabing protocol ‘no – kapag kayo po ay nabakunahan 6 months ago or more, iyan po ang magku-qualify na papasok sa booster shot doses.
Pero kung kayo ay nagkaroon ng inyong last vaccination last month lang, hindi pa po umaabot ng anim na buwan, hindi pa rin po pasok iyan kaya maaring hindi po kayo bigyan ng booster shot dahil hindi po pasok doon sa protocol na sinusunod na inilagay at binigay po ng ating mga vaccine experts.
USEC. IGNACIO: Opo. So, General, ibig sabihin po ba nito ay magkakaroon ng another lane sa kanila sa mga vaccination site? Bukod po kasi sa mga health care workers at senior citizens na nakatakda rin pong simulan by end of November.
NTF SPOX RET. GEN. PADILLA, JR.: Opo. Kapag nagkaroon ng abiso kung kailan ito magsisimula. Iyong prioritization po ng booster shot may kaniya pong linya iyan. Although open na po sa general public ang ating vaccination centers, iyong sinusunod na prioritization pa rin po ang binibigyan ng prayoridad. Kaya kung A1 dahil health worker ka at ikaw ay senior or senior citizen with comorbidities or persons with comorbidities at pasok kayo doon sa mga priority ng kinakailangan ng booster shot, kayo rin po ay bibigyan ng prayoridad. Ganoon din po iyang mga OFW na paalis within the next few months sa kanilang panibagong kontrata.
USEC. IGNACIO: Opo. Ito, General, maraming nagtatanong tungkol dito. Kasi kahapon po inanunsiyo ni IATF Spokesperson CabSec Karlo Nograles na nasa diskresyon pa rin po ng mga kumpanya o establishment kung papagamitin ng face shield ang kanilang empleyado at customer. Ang tanong tuloy ng marami, hindi ba inconvenient ito para sa mamamayan kasi hindi nila alam kung ang pupuntahan ba nila ay maaaring magsuot o hindi ng face shield at bakit walang iisang protocol na lang daw po para dito sa Alert Levels 1 and 3? Kasi katulad ko halimbawa pupunta ako sa isang lugar, hindi ko po alam kung magdadala ako ng face shield – baka pagdating doon kailangan pala.
NTF SPOX RET. GEN. PADILLA, JR.: Yes, Usec. Rocky ‘no. Ang atin pong naging abiso through the Palace Spokesman at saka sa IATF Spokesman na si Secretary Nograles ay tama po iyon ‘no – iyan po ay pagbibigay-daan na lang kasi mas mainam na tayo ay cautious sa lahat ng bagay. So marami tayong pinupuntahan na lugar na maaaring matao katulad ng mga mall na magri-require pa rin kasi iyon po ang nagiging direksiyon ng ating mga pribadong sektor na patuloy ang pag-iingat para maprotektahan hindi lang ang kanilang manggagawa kung hindi iyong mga patronizing clients nila o iyong mga tumatangkilik sa kanilang negosyo.
Ito naman po ay bunga nang pagiging cautious lang natin at bilang proteksiyon sa lahat. So huwag po ninyong masamain na tayo po ay nagpapatuloy na nagpapagamit ng face shield dahil ayon po sa mga eksperto, dagdag proteksiyon po ito sa bawat mamamayang Pilipino na pumapasok sa mga kondisyon na tinatawag nating 3Cs. Ano po ito? So closed, confined, crowded at close contact na mga situation. So karamihan po dito sa mga tinatawag nating 3Cs na ito ay nasa mall.
[Kung ang mall] owners po ay nag-require ng face shield, iyan naman po ay para sa kapakanan at kabutihan ng lahat. Hindi po ito nagbibigay ng kondisyon na ito para pahirapan tayo kung hindi para protektahan po tayo kaya sana po huwag ninyong masamain. Kaya ang amin pong abiso, dalhin ninyo lang po iyong face shield ninyo. Kung sakaling ipapagamit, ‘di isuot ninyo; kung hindi naman at nandoon kayo sa maayos na lugar, puwede ninyo nang hakawan na lang or ilagay sa isang lalagyan.
USEC. IGNACIO: Opo. General, i-follow up ko na lang itong tanong ni Madz Recio ng GMA News: Hindi po ba pinag-iisipan na ngayon na i-ban muna ang mga bansa na nasa UK dahil may surge doon?
NTF SPOX RET. GEN. PADILLA, JR.: Ang atin pong paglalagay sa mga bansa sa red list countries ay nagdidepende po sa metrics na binibigay po ng WHO at sinusubaybayan ng ating pamahalaan at ng ating health department, so may technical team po tayo para sa metrics na ito. So kapag pumasok po ang isang bansa sa isang partikular na kondisyon base sa kanilang kaso, based on a per 100,000 ratio, sila po ay mailalagay na sa red listing. So, sa kasalukuyan ang aking pagkakaalam, hindi pa po pumapasok sa red listing ang mga bansang binanggit. So hintayin po natin kasi patuloy naman natin pong minu-monitor ito para hindi tayo prejudicial sa mga bansang ito. At kapag pumasok po, agaran naman pong magpapalabas ng abiso ang IATF at babaguhin ang kaniyang listahan para maisailalim doon sa red listing na tinatawag ang mga bansang kinauukulan.
USEC. IGNACIO: Opo. General, sorry may request lang po si Leila Salaverria ng Inquirer kasi nag-choppy daw po kayo kanina: Puwede po ba na pa-clarify ulit, wala pang date na simula ng booster shot para sa OFW at ano pa ‘yung kailangang i-clarify ng IATF?
NTF SPOX RET. GEN. PADILLA, JR.: Opo. Inanunsiyo na po ni Secretary Galvez ito ‘no, kakakuha ko lang po ng kaniyang confirmation. Iyong effective date na lang po ang ating hinihintay at recognized na ito na pasok naman sila sa A1 priority doon sa dating IATF resolution. So dahil po doon sa IATF resolution na iyon, ang pagkakaintindi ko po maaari na po itong ipatupad kung iyong mga OFW ay paalis na. So I just got the confirmation now ano, so sabi niya: “In order to maintain our competitive advantage as well as protect the much-needed livelihood of our OFWs as well as seafarers para ma-secure nila ang kanilang mga foreign deployment at kontrata, ito po ay ipinagpapatuloy na.” So dahil po sila ay pasok sa pagiging A1 being the economic frontliners at nagbukas-daan at nagbigay-daan na po tayo sa A1 prioritization, puwede na po itong simulan. Iyan po ay ang huling sagot ni Secretary Galvez.
USEC. IGNACIO: Opo. General, sabi ng Metro Manila Council, iyong IATF na ang magdi-decided tungkol dito naman sa pag-restrict sa movement ng mga bata. So, ano na po ba ang napag-usapan ng National Task Force tungkol dito?
NTF SPOX RET. GEN. PADILLA, JR.: Okay. Usec. Rocky ‘no, I’m sorry hindi ako privy doon sa naging discussion ng Metro Manila Mayors at saka ng IATF. Pero sa usapin tungkol sa mga kabataan, kung nabalitaan ninyo po nag-abiso na rin po ang ating Health Department na medyo tumataas at dumadami ang [bilang] ng pediatric [cases] na nagkakaroon ng COVID. So maaring iyan ay inaunsiyo ng ating Health Department bilang pagpapaalala at warning na rin sa ating mga magulang na nagdadala ng kanilang mga anak sa labas, kasi alam naman po natin na hindi pa ho bakunado ang mga kabataan at ang ating mga sanggol.
So if as much as possible at maiiwasan po natin, huwag natin silang ilalagay sa peligrosong pagkakataon. So keep them away from tinatawag nating 3C environments – iyong close contact, confined at saka crowded areas. At kung tayo ay lalabas, patuloy pa rin natin ho silang protektahan at ilagay lang natin sila sa maayos na lugar na may tamang sirkulasyon ng hangin, malalayo sa mga crowded areas at ang open parks ay isa sa pinakamainam na pasyalan para sa mga kabataan at huwag iyong mga mall.
USEC. IGNACIO: Opo. Basahin ko lang General itong tanong ni Weng Hidalgo ng ABS-CBN News: What guidelines are we looking at given the possibility of declaring Alert Level 1 by December and how is the government preparing for that?
NTF SPOX RET. GEN. PADILLA, JR.: Well, actually mayroon na pong mga naka-set na guidelines na puwede nating ipatupad, iyan naman po ay conditional.
So, if our COVID situation continues to improve, the number of positives, the number of hospital and health care system capacity or rooms are still available, maaaring iyong pagluluwag na iyan ay magbigay daan sa mas marami pang mga kliyente sa mga establishments na nakalagay po doon sa guidelines po ng DTI at ng Health department.
So, iyong capacity ng mga business establishments ay maaring tumaas, magbibigay daan ito sa mas malawak at maayos na pag-conduct ng business. Pero still in a very safe environment, kaya ini-encourage nga po lahat ng mga establisyimento na kumuha at mag-secure ng kanilang Safety Seal na nanggaling sa local government at saka sa Health department para kanilang siguraduhin na nakakasunod sila sa kanilang mga health protocols na nailabas na ng ating pamahalaan at ng ating IATF.
So, if we are able to observe all of these health protocols and these conditions to be able to achieve or secure those Safety Seals iyong mga kliyente natin na kampante na ang kanilang ipinatutupad na protocols ay sang-ayon po doon sa pinakamainam at pinaka-safe na paraan at proseso para magarantiya ang kaligtasan ng bawat kliyente na pumapasok.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Red Mendoza ng Manila Times: Confident po ba ang National Task Force na maabot natin ang target na 15 million na mabakunahan sa National Vaccination Days kahit dineklara ng pamahalaan na special working days ang November 29 at December 1?
NTF SPOX RET. GEN. PADILLA, JR.: Yes. Maganda naman ang kumpiyansa ng ating National Task Force, si Secretary Galvez, ang ating Vaccine Czar, ay naniniwala sa kakayahan ng bawat mamayang Pilipino. Naniniwala rin po kami na ang bayanihan spirit ay malakas at very much alive sa ating bansa. So ito lang ay makakamit kung tayo talaga ay magtutulung-tulong at papaganahin natin ang bayanihan spirit.
Sa kasalukuyan, napaka-very encouraging ang ating nakukuhang feedback sa ating mga health workers. So, iyong ating mga professional medical and dental associations, nagsanib puwersa na po, tutulong sila; ang ating mga pribadong sector patuloy pa rin ang pagtulong nila at palalakasin pa nila ang kanilang kooperasyon sa 3 araw na iyan at iyong kanilang facilities ay binubuksan nila at magbibigay daan para sa mas malawakang bakunahan.
So nasa sa atin po sa bawat mamamayang Pilipino na magbigay ng kaniya-kaniyang ambag o sarili nating ambag sa pamamagitan ng kooperasyon. So, kung mayroon pa po tayong mga kamag-anak na patuloy pa ring ayaw magpabakuna, hikayatin po natin sila at sabihin po natin ang tamang balita para ng sa ganoon maniwala sila sa siyensya sa likod ng ating pagbabakuna.
Kasi, nakikita naman po natin ang pagluluwag natin at pagbibigay daan sa patuloy na economic recovery ay dahil sa ating mass vaccination campaign dahil bumababa po talaga ang kaso ng nagkaka-COVID at ang mga namamatay. At bilang patibay din diyan, finally na-recognize na ng international community through the Financial Times na lumabas na artikulo na ang ating mga measures for COVID ay isa sa pinaka-mainam kasi kakaunti lang ang namatay kumpara sa mas advanced pa na bansa sa atin.
So ang atin pong mga pinatutupad na alituntunin at health protocol ay bilang pagsagip sa buhay na binibigyan natin ng napakataas na importansiya. So we value our love ones, we value life, that is why at times our lockdown may be stringent not necessarily to make our people suffer but essentially to help live through this pandemic. Iyon po iyong prinsipyo na ating sinusunod at sana maintindihan po ng lahat ito.
USEC. IGNACIO: Opo. Mula pa rin po kay Red Mendoza ng Manila Times: May balak po ba ang pamahalaan na bumili ng additional na doses ng Sputnik Light na bakuna bilang one dose vaccine at bilang booster dose?
NTF SPOX RET. GEN. PADILLA, JR.: Kailangan po tanungin natin ang ating health authorities ‘no, ipagpaumanhin ninyo na po hindi po ako ang nagdidesisyon tungkol dito. Pero, sa pagkaka-alam ko naka-secure na tayo ng angkop na bilang ng Sputnik vaccines, kasama na rin po yata diyan ang ilang Sputnik Light para mapabilis po ang ating pagbabakuna dahil tulad ng Johnson and Johnson, ang Sputnik Light ay one dose na mas mainam po para sa malalayong lugar para hindi nai-inconvenience ang ating mga kababayan.
Kasi iyong mga nanggagaling po sa malalayong lugar pag sila po ay nagpunta ng isang beses sa isang bakunahan, mas mainam po na hindi na sila babalik para hindi na sila mahirapan at kumpleto na po ang kanilang bakuna.
USEC. IGNACIO: Opo. Maraming salamat po sa inyong impormasyon at oras, Ret. General Restituto Padilla Jr., ng National Task Force Against COVID-19. Mabuhay po kayo General.
NTF SPOX RET. GEN. PADILLA, JR.: Maraming salamat USec., patuloy po tayong mag-ingat at magpabakuna pag takdang oras na po natin. Maraming salamat po!
USEC. IGNACIO: Samantala, habang papalapit ang Disyembre, maraming na ang nag-aabang ng kanilang matatanggap na 13th month pay. Pero kumusta nga ba ang aplikasyon ng mga maliliit na negosyo sa pautang ng pamahalaan para may pambigay sa benepisyong ito sa kanilang manggagawa, iyan naman po ang ating pag-uusapan, kasama po natin si Under Secretary Ruth Castelo, ng Department of Trade and Industry.
Welcome back USec. USec. Good morning, can you hear me? Okay, mukhang hindi tayo naririnig ni USec. Ruth, babalikan natin siya.
Samantala, 2 bayan sa Kalinga Province ang sinadya ng team ni Senator Go, at mga tanggapan ng pamahalaan para mamahagi ng ayuda sa mga kababayan nating patuloy na bumabangon mula ng padapain ng pandemya ang kanilang kabuhayan. Narito po ang detalye:
[VTR]
USEC. IGNACIO: Para po sa pinakahuling pangyayari sa iba pang lalawigan sa bansa, puntahan naman natin si Aaron Bayato ng PBS Radyo Pilipinas.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Aaron Bayato ng PBS-Radyo Pilipinas.
Makakasama na po natin si Undersecretary Ruth Castelo ng Department of Trade and Industry. Good morning, Usec.
DTI USEC. CASTELO: Hi, Usec. Rocky. Good morning po sa lahat ng nakikinig at nanunood.
Yes, Usec.!
USEC. IGNACIO: Usec., may update na po ba kaugnay sa MSME na nag-avail ng 13th month loan para sa kanilang mga empleyado? Marami-rami po ba iyong mga tumangkilik dito sa ating soft loan ng SB Corporation?
DTI USEC. CASTELO: Yes, Usec. Tuluy-tuloy po iyong pag-apply ng mga borrowers natin sa SB Corporation for Micro Enterprises. They are entitled to nine employees na makahiram [line cut]
USEC. IGNACIO: Okay. Babalikan natin si Undersecretary Ruth Castelo para ayusin ang kanilang linya. Higit 3,000 mga pamilya na may ilang miyembro na nawalan ng trabaho sa kasagsagan ng pandemya ang tinungo ng team ni Senator Go sa Cavite. Katuwang ang DSWD namahagi sila ng tulong sa mga residente. Narito ang report:
[VTR]
USEC. IGNACIO: Muli po nating makakasama si Usec. Ruth Castelo ng DTI. Usec.?
DTI USEC. CASTELO: Usec., pasensiya na medyo magulo iyong linya. Yes, Ma’am.
USEC. IGNACIO: Opo. Ulitin ko na lang po iyong tanong kanina. May update na daw ba tayo sa MSME na nag-avail ng 13th month loan para sa kanilang mga empleyado? Kung marami po iyong tumangkilik dito sa ating soft loan na SB Corporation?
DTI USEC. CASTELO: Yes, Usec. Marami ng nag-avail ng loan sa SB Corporation bilang assistance natin sa Department of Labor and Employment. Iyong available na loan sa kanila for micro enterprises, entitled to nine employees equivalent to P12,000 per employee. For small enterprises naman hanggang 4o employees iyong puwede nilang ihiram na P12,000 per employee, pambayad ng mga employers natin sa 13th month pay nila at iba pang mga benepisyo.
USEC. IGNACIO: Opo, tanong naman po ni Athena Imperial ng GMA News: Paano pong makakasigurong ligtas naman ang bibilhing Christmas lights? Ang mga nagtitinda po ng Christmas lights kailangan po ba daw na may certification din from DTI? Ligtas po bang bumili sa mga nagtitinda ng mga pailaw sa bangketa?
DTI USEC. CASTELO: Usec., actually kahit saan nila bilhin basta kailangan hanapin ng bibili iyong PS mark natin. Import commodity clearance is a product safety standard mark, para siguradong pumasa sa kalidad at sa lahat ng testing na ginagawa ng DTI. Iyong listahan ng mga manufacturers at importers nitong produkto na ito nasa DTI website. Naglalabas din kami ng social cards, para maibigay natin iyong impormasyon sa consumer kung ano lang iyong puwede nilang bilhin na brand na makakasiguro silang dumaan sa testing natin.
USEC. IGNACIO: Sunod po niyang tanong: May update na po ba sa noche buena prices?
DTI USEC. CASTELO: Usec. malapit na naming ilabas iyong noche buena suggested retail price. Ito ang magandang update, kasi out of iyong dati nating mga previous years from 154 products, ang ipa-published na lang natin ngayon for this year ay iyong mga produkto na hindi gagalaw ang presyo o magbababa pa.
Iyong out of 154 products, ang 94 doon will be the same iyong presyo niya from last year, hindi tataas this year. Tapos mayroon tayong 21 products na bumaba pa, imbes na tumaas ang presyo, binaba ng mga manufacturers. So good news iyon para sa mga consumers natin na maghahain ng noche buena sa Pasko. Kumpleto iyon, Usec., from pasta to sauce to fruit cocktail, pati keso, pati hamon, pati creamer, so lahat ng ihain nila. Lalo sa booths natin, pipiliin na lang nila iyong gusto nilang brand.
USEC. IGNACIO: Sa usapin pa rin ng papalapit na Kapaskuhan, Usec., may napabalita po ba kayong pagtaas ng bilang ng mga consumers na nabibiktima naman ng online sellers kamakailan? Maging overpriced goods sa mga pamilihan at ano rin po iyong paalala ninyo sa mga kababayan natin pagdating po sa mga ganitong usapin?
DTI USEC. CASTELO: Oo, Usec. dumadami lalo ang namimili online kapag Pasko, dahil siyempre mga pangriregalo nila. Marami rin tayo talagang nari-receive na mga complaints, especially tumataas iyan kapag mga naka-sale na 10.10, 11.11, so dadating na naman iyong 12/2. Ang top three complaints natin iyong defective products iyong dumating na sira or hindi dumating talaga or mali iyong inorder. So itong mga ganito, naka-ready naman ang DTI, nakatutok din tayo diyan.
Mayroon lang tayong request na doon sa mechanism ng platform na may customer service link doon sa platform, i-try muna nila na i-resolve whatever complaint they have. Kung hindi i-resolve, puwede po nilang itawag sa atin anytime, sa DTI 1384 o puwede silang magpadala ng complaint sa customercare@dti.gov.ph.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., kumusta naman daw po ‘yung monitoring ng DTI sa mga business establishments? Sa ilang linggo na pong nagluwag tayo ng restrictions, may mga binawian na ba po kayo ng Safety Seal certification o kung mas malala pa eh pati business permit ng isang establishment?
DTI USEC. CASTELO: Iyong sa mga monitoring natin kasi talagang tinututukan din natin lahat. Lahat po ng business establishments na papasukin ng mga customers, sana hanapin nila iyong Safety Seal para masigurado silang safe sila doon at compliant iyong establishment na iyon.
Iyong mga nakikita natin na may mga minor non-compliance, ang ginagawa natin pinapa-correct lang natin doon sa establishment tapos ‘pag binalikan natin at na-correct na nila, okay na. Pero ‘pag binalikan natin at hindi pa rin nagku-comply, temporarily ipapasara natin iyong establishment – na hanggang sa maka-comply sila. Ibubukas din naman pero kailangan lang masiguradong compliant iyong establishment na iyon.
Kaya ang consumer o customers, paalala na hanapin po nila iyong Safety Seal para makasigurado silang compliant iyong establishment na pupuntahan nila.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Weng Hidalgo ng ABS-CBN News: How will you guide businesses in gearing up for the possibility of downgrading the alert level?
DTI USEC. CASTELO: Downgrading, ibig sabihin ipababa pa – mag-a-Alert Level 1, Usec.?
USEC. IGNACIO: Opo.
DTI USEC. CASTELO: Iyon nga, ang pinakaimportante kasi hindi lang naman po negosyo, tayong lahat rin – but especially for businesses, sundin lang po nila iyong mandatory health protocols at kapag may mga customers sila na nakikita nilang hindi sumusunod, pasunurin nila or huwag nilang i-entertain dahil importante po na ma-maintain natin iyong ganitong number ng COVID cases natin para makapag-downgrade tayo, para makapunta na tayong Alert Level 1.
But right now mataas na po iyong capacity natin, 50% plus 10% kung may Safety Seal na operating capacity so iyon ‘yung mai-entertain ng isang negosyo. Pero kung sila po ay hindi nagku-comply sa protocol or iyong customer nila hindi nagku-comply, siyempre bukod sa dadami iyong kaso natin, iyong Safety Seal team natin ang mag-o-operate sa kanila at ipapasara sila hanggang maka-comply nga.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., habang hinihintay itong desisyon naman ng IATF sa paglabas ng mga minors sa ilalim ng Alert Level 2, ano po ang stand dito ng DTI?
DTI USEC. CASTELO: Si Secretary Lopez po siyempre—dahil alam naman natin na iyong mga kabataan, ang mga bata talaga, minors, Usec., ano ‘yan eh… pampataas ng expenses ng magulang, iyong mga adult na kasama nila. So gusto sana natin talaga na kasama iyong mga bata, hindi pipigilan na magpunta sa mga establishments. Pero siyempre iyong compliance rin sa health protocol.
According to Secretary Lopez, hinihintay rin po ang desisyon ng Metro Manila Council kung pipigilan nga iyong mga bata. Pero baka naman pupuwedeng hindi pigilan but to implement lang stricter protocols para masigurado na safe din naman sila kahit na lumabas sila, kahit gumagastos po para rin sa pag-ikot ng ekonomiya natin pero hindi po rin natin puwedeng ikompromiso talaga iyong kalusugan.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., kami po ay nagpapasalamat sa inyong pagtanggap sa aming imbitasyon. DTI Undersecretary Ruth Castelo, stay safe po.
DTI USEC. CASTELO: Opo. Anytime, Usec. Rocky, maraming salamat po!
USEC. IGNACIO: Samantala, narito naman po ang pinakahuling datos ng COVID-19 cases sa bansa. Base po sa report ng DOH:
Nadagdagan ng 1,485 ang bilang ng mga kaso kahapon kaya’t umabot na sa 2,823,210 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa bansa.
277 naman po ang naitalang nasawi kaya umabot na sa 46,698 ang total deaths.
Samantala, umakyat sa 2,753,312 ang dami ng mga gumaling sa sakit matapos pong magdagdag ng 1,393 new recoveries kahapon.
Ang active cases naman natin ay nasa 23,200 sa kasalukuyan.
Upang muling magbigay ng updates sa mga isinasagawang bakunahan at pamamahagi ng booster shots sa mga health care workers sa bansa, makakasama natin si Undersecretary Maria Rosario Vergeire. Good morning, Usec.
DOH USEC. VERGEIRE: Magandang umaga po, Usec. Rocky. Good morning to all of you.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., kumusta po iyong assessment ng DOH sa pamamahagi ng booster doses sa health care workers nitong nakaraang mga araw?
DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky ‘no, so far so good, we were able to provide already about 2,488 booster doses to our health care workers. And as to the reactions naman po, mababa lang po, about 2% experienced pain in vaccination site, mayroon pong iba naglagnat ng isang araw, iyong iba masakit ang ulo, iyong iba may pagtaas ng blood pressure but all of them were managed accordingly at wala naman pong na-hospitalize at wala po tayong bad outcome.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Weng Hidalgo ng ABS-CBN: Ilan na po ang na-jab at ilan na po ang bibigyan? May mga adverse effects na po bang naitala matapos pong makakuha ng heterologous combination?
DOH USEC. VERGEIRE: We are still trying to evaluate the data, Usec. Rocky, as to how many got homologous and how many got heterologous vaccines among our health care workers. What we can say right now is mababa po ang mga nagiging reaksiyon ng ating mga health care workers dito sa booster doses na sinasagawa natin. So we will be providing this disaggregated information once we complete our analysis.
USEC. IGNACIO: Opo. Pareho rin po ito naman ng tanong ni Weng Hidalgo at ni Athena Imperial ng GMA News: Kailan daw po inaasahang mailalabas ang guidelines sa pamamahagi ng booster o third dose para po sa mga senior citizen at may comorbidity? Kaiba po ba daw ito sa sinusunod ngayon sa health care workers, ang recommended boosters na gagamitin sa kanila?
DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky ‘no, ito pong ating guidelines for senior citizens and immunocompromised individuals, ito po ay napag-usapan na natin with our all experts. We had a meeting Thursday night with them and atin lang pong pina-finalize ang guidelines.
Now the major difference, ito pong sa ating senior citizens at saka sa immunocompromised, tinitingnan ho natin kasi it is medically indicated and kailangan po ‘pag immunocompromised, it’s going to be called a third dose. Although pareho po natin ibibigay iyong choice ng homologous or heterologous para sa kanila. So we will be issuing out these guidelines in the coming days para po sa information ng public.
USEC. IGNACIO: Opo. Mula pa rin po kay Weng Hidalgo: With regard daw po sa Molnuflu, hospital lang po ba muna ang available and how much; and as the British says, preventive po ba ito?
DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky ‘no. Itong Molnupiravir na gamot na ito, ito po ay under the compassionate special permit. Ito po ‘yung clearance na nanggagaling sa Food and Drug Administration kung saan ang bawat doktor o ‘di kaya ang ospital ay maaring mag-apply nito. So this is hospital-based na ginagamit, ito po ay kailangan ng clearance ‘no, ng compassionate special permit from the Food and Drug Administration para po namu-monitor po natin ito. This is a drug to prevent the progression of the disease into severe forms of the disease po.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong po ni Athena Imperial: Bakit depende sa mga establishment daw po ang paggamit ng face shield; ano po ang basehan nito?
DOH USEC. VERGEIRE: Well ito po kasing Alert Level 1 to 3, ang nakasaad po diyan sa ating ginawang resolution, it’s going to be voluntary. So there is this parang prerogative para po sa ating establishment if they would want to impose na mayroong face shields ang mga tao ‘pag pumasok sa establishments nila for additional safeguard po ito ng ating kababayan.
USEC. IGNACIO: Opo. Sunod pong tanong ni Athena Imperial: Ngayon pong malapit na ang holiday season, inaasahan na po na magkakaroon ng family get-together at Christmas parties. Safe na po ba ito at ano po iyong pag-iingat na dapat gawin para magkaroon ng ligtas na family activity?
DOH USEC. VERGEIRE: Well, ganoon pa rin po ang ating ina-advice, Usec. Rocky sa lahat. Unang-una po, siyempre may mga bakuna na tayo ngayon so, sana we insure na lahat ng a-attend doon sa ating family gatherings will be vaccinated. Pangalawa, as much as possible let us still maintain our family bubble. Kailangan maintindihan ng ating mga kababayan na hindi po nawala iyong virus, so we cannot be complacent. So these kind of gatherings kailangan maingat pa rin po tayo. Do it in outside places, do not do it in crowded o kaya in closed spaces and as I have said, let’s maintain the safety protocols at saka sana po lahat bakunado.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin po ni Athena Imperial: Pinuproblema po ngayon ng mga taga-Cabanatuan City sa Nueva Ecija ang mga alingtangya o black bugs, nirireklamo rin po ng mga residente iyong mabahong amoy nito. May masamang epekto po ba ito sa mga tao?
DOH USEC. VERGEIRE: We are studying about that, Usec. Rocky ‘no. But definitely, siguro po kailangang makipagtulungan kami sa ibang national government agency, so that we can be able to determine the health effects ‘no of these kinds of bugs. So, pag-uusapan po iyan, pag-aaralan and we have already endorsed this to our expert group, so that we can be able to provide recommendations po.
USEC. IGNACIO: Opo. Sabi po ni DILG Undersecretary Densing, ipapatupad na raw po ang COVID-19 alert level system sa buong bansa, simula sa Lunes. Inaasahan po bang mas makakabuti sa pagbaba ng COVID case sa bansa ito?
DOH USEC. VERGEIRE: Well, Usec. Rocky, we have had good experience with our pilot implementation of these shift in policy. Kung saan nagkakaroon po tayo ng granular lockdown, active case finding and the other things. Smaller restrictions, hindi po iyong wide scale restrictions ay nakita natin na naipababa po natin ang mga kaso, na-shorten po natin ang duration from detection to isolation at mas nagku-comply ang tao sa standard. So, titingnan po natin, ito pong sinasabi ni Usec. Epi kasi, we will be implementing the last sets of regions that will go into this Alert Level System. Pagdating po ng December 1 po kasi, pare-pareho na po lahat ng regions na magpapatupad nitong Alert Level System.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po sa inyo ni Madz Recio ng GMA News: Hindi po ba pinag-iisipan ngayon na i-ban muna ang mga bansa na nasa UK, dahil po may surge doon?
DOH USEC. VERGEIRE: Usec. Rocky, we are using a metrics or a system kung saan we have adopted this with the Center for Disease Control ng United States and also with the WHO standards, kung saan mayroon po tayong ginagamit na tinitingnan natin iyong incidence rate ng bawat bansa na ito. Tinitingnan natin iyong two-week growth rate din nila, tinitingnan natin iyong testing capacity nila. So with this kind of analysis that we have adopted, nakikita po natin kung ano iyong mga bansa na dapat niri-restrict natin, that is why we have green, yellow and red countries. So sa ngayon, iyan po ang pinapatupad natin and we are assured na ito pong ating classification na ito is helping the country in our border control.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec, medyo mataas pa rin po iyong naitatalang COVID deaths. Unvaccinated individuals pa rin po ba itong mga namamatay sa sakit? Dito po sa Metro Manila, kumusta po iyong naitatalang COVID deaths sa gitna ng mataas na bilang ng mga nababakunahan?
DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky ‘no. So, noong mayroon po kaming initial analysis of our vaccinated and unvaccinated individuals and those being hospitalized and having severe forms of this disease and those dying. So kapag tiningnan po natin iyong aming naitatala, ganoon pa rin po, those unvaccinated are at higher risk of getting severe infections and dying at kapag tiningnan naman po natin according to age groups, nandoon pa rin po tayo na mataas pa rin po talaga ang deaths from 60 years old and above at nangyayari pa rin sa mas nakakatanda.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., sa tala po ng OCTA Research bumaba pa sa 2% ang positivity rate sa Metro Manila. Indikasyon na po ba kaya ito na talagang better Christmas for NCR at ano rin po iyong projection ng DOH for December kung mayroon man po?
DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky. So kailangan lang po natin na tingnang maigi kung ano po iyong metrics na ginagamit natin. Katulad ng lagi nating sinasabi, hindi lang po positivity rate ang ginagamit natin para masabi natin kung ano iyong risk level ng isang lugar. Pangalawa po, kailangan din po nating maalala na kahit na bumababa ang positivity rate natin mayroon pa ring tsansa na tumaas.
So our hope would be that we will all have a better Christmas, but we need to be compliant with all out protocols. Ang atin po ngayong current projections, kung saka-sakali po na current lang ang ating gagawin, iyong mobility still the same as of last week, iyon pong compliance to minimum health standards ay ganoon pa rin at saka iyong detection to isolation ay at 5.5 days. We will have about 7,000 na active case by December 15 dito sa ating bansa.
Pero kung saka-sakali pong tataas ang mobility to about 98%, and compliance to health standards will go down as much as 24%, tayo po ay makakapagtala ng about 20,000 active cases dito sa ating bansa by December 15. So, ikukumpara pa po natin iyan sa active cases natin ngayon, that’s about 24,000, mababa pa rin po at makikita nating tuluy-tuloy bumababa, pero kailangang pag-ingatan po natin by complying with the safety protocols.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec, so far, kumusta na po iyong paghahanda ng DOH para naman sa gagawing National Vaccination Days. Tanong naman po ni Red Mendoza ng Manila Times: mababayaran daw po ba ang mga volunteers ng National Vaccination Day? Baka marami po ang hindi mag-apply, dahil nga po ang unang call is for volunteers and marami ang nag-aalangan po dito.
DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky, so patuloy po ang ating paghahanda para sa malaking event na it. This is going to happen on November 29, November 30 and December 1. This is the National Vaccination Day, Bayanihan Bakunahan Ligtas Lakas Buong Pinas. We are targeting about 15 million Filipinos to be vaccinated in these three days that we planning. Nakikipag-ugnayan na po tayo sa lahat ng ating partner agencies, among our private sectors, development partners and local governments. So kami po ay nanawagan, because we will need about 30,000 to 50,000 vaccinators among the 10,000 vaccination sites that will be identified. So ito po ay purely voluntary. Kung kayo po ay nais na tumulong sa ating gobyerno para maipataas pa po ang antas ng ating pagbabakuna, you can just register para po kayo po ay makasama namin sa effort na ito. This is a voluntary effort, so kung sakali pong may incentive tayo, baka mga allowance o di kaya ay pakain lang po ang maibigay natin sa ating mga kababayan na tutulong sa atin.
USEC. IGNACIO: Opo. Sunod pong tanong ni Red Mendoza: Confident po ba ang DOH na maabot ng National Vaccination Day ang target nito, kahit na dineklara na special working days ang November 29 at December 1st?
DOH USEC. VERGEIRE: Well, we are doing everything that we can so that this can be successful and we can reach our average or our targets for this day. Ito pong 15 million na tina-target po ng ating gobyerno para sa mga araw na ito, kung hindi man po natin maabot at makaabot man tayo, I mean 50 to 70% that is already good enough. Pero ang pinakamaganda po dito, iyang target na iyan kasi, kung maaabot po natin, mas dadami na po ang bakunado sa ating bansa and the protection will be there. So, hopefully everybody get to help us, so that we can all be able to have a better Christmas.
USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon, Undersecretary Maria Rosario Vergeire. Mabuhay po kayo.
DOH USEC. VERGEIRE: Maraming salamat po.
USEC. IGNACIO: At iyan po ang mga balita at talakayang tampok namin ngayong araw.
Ang Public Briefing ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng PCOO sa pakikipatulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).
Mga kababayan, 35 days na lamang po Pasko na.
Ako po si Usec. Rocky Ignacio, magkita-kita po ulit tayo sa Lunes dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.
##
—
News and Information Bureau-Data Processing Center