USEC. IGNACIO: Magandang umaga Pilipinas. Mula sa PCOO, ako po si Usec. Rocky Ignacio – pagbabakuna sa mga manggagawa, sitwasyon sa ating paliparan at pamamahagi ng one-time fuel subsidy ng pamahalaan ang ating aalamin at pag-uusapan ngayong araw ng Huwebes, a-beinte singko ng Nobyembre.
Mga kababayan, samahan ninyo kami sa loob ng isang oras na talakayan dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.
Sa ating unang balita: Serbisyo para sa mga Pilipino, iyan po ang iginiit ni presidential aspirant Senator Bong Go sa kaniyang pagtakbo bilang pangulo. Aniya, buo ang kaniyang loob na sumabak sa halalan at tumulong sa mas marami pang Pilipinong mahihirap. Narito ang report:
[VTR]
USEC. IGNACIO: Nitong Miyerkules ay sinimulan na nga ng LTFRB ang pamamahagi ng pangakong one-time fuel subsidy para sa mga public utility jeepney drivers na isa sa mga naapektuhan nang sunud-sunod na oil price hike noong mga nakaraang linggo. Alamin natin ang update sa programang iyan mula po kay Attorney Zona Russet Tamayo, LTFRB Regional Director for NCR at Officer-In-Charge din ng Legal Division. Good morning po, Attorney.
LTFRB NCR REG. DIR. TAMAYO: Yes. Good morning Usec. Rocky at good morning po sa mga sumusubaybay po ng inyong programa. Tama po kayo, noong Wednesday po ay ni-launch na natin ang ating fuel subsidy program po.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Attorney, kumpleto ba ang listahan ninyo ng mga makakatanggap ng—o nakatanggap ng fuel subsidy at sila po ba ay nakarehistro dati pa sa programa o may mga bago pong nag-apply din?
LTFRB NCR REG. DIR. TAMAYO: Sa tala po natin mayroon ho tayong 136,000 po na qualified na beneficiaries. Ang listahan po na ito ay kumpleto na po, nanggaling sa iba’t ibang regions po at sa central office so identified na po sila. At 85,000 po out of these 136,000 beneficiaries ay may active na pong account sa Landbank kung kaya’t iyon po ay lalagyan na lang po noong ating fuel subsidy amounting to P7,200 per unit.
Iyong remaining po na around 50,000 po, iyon po ay kasalukuyang ginagawan na po ng Landbank noong cards at sa mga darating na araw po ay maglalabas na ho tayo ng schedule kung saan ho nakalagay ang pangalan at servicing branch kung saan ho nila kukunin ang kanilang card.
Kung mapapansin ninyo po as nationwide ho ang ating distribution ng cards sa iba’t ibang regions po ay iba’t ibang branches din po ng Landbank ang ating na-identify para maiwasan din po na dumugin po ang ating mga Landbank branches para ho sa releasing po ng ating PPP cards.
USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, sa kabuuan magkano po iyong halaga ng naipagkakaloob na pondo dito sa mga qualified PUJ drivers so far?
LTFRB NCR REG. DIR. TAMAYO: Sa binigay pong budget sa atin na 1 billion, nasa around more than 560 million na po ang initially nailabas po natin through Landbank. So almost half po noong ating more than half of our 1 billion budget when we launched it last Wednesday ay nai-credit na po natin doon sa ating mga beneficiaries.
USEC. IGNACIO: Opo. Para naman po, Attorney, sa mga naghihintay na makatanggap, hanggang kailan po ba iyong target na maibaba sa lahat ng mga qualified beneficiaries itong nasabing subsidy? At bumaba man po ba iyong presyo ng krudo sa merkado, tuloy pa rin po ba ‘yung distribution nito?
LTFRB NCR REG. DIR. TAMAYO: Doon po sa huling question po ‘no, tuluy-tuloy po ‘no. Nabigay na sa atin iyong 1 billion budget kaya po obligasyon ho natin sa LTFRB, sa DOTr na gamitin po ang budget na ito.
Now as regards po doon sa mga wala pa pong cards, pinipilit ho nating tapusin ho ito by month-end so we only have some few days left po so that ho by starting ho ng December ay mai-distribute na po ‘yung remaining cards po sa ating mga beneficiaries – the soonest possible time po.
USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, para malinaw lang din po sa ating mga beneficiaries ano. Iyong subsidy po ba na nakuha o makukuha nila ay maaari lang gamitin sa mga specific gas stations at hindi po nila ito maaaring i-withdraw o magamit sa iba pang bagay? Tama po ba ito?
LTFRB NCR REG. DIR. TAMAYO: Tama po kayo, Usec. Rocky. Ito po ay fuel subsidy po kaya [garbled] reiterate, pinapaalalahanan po natin ang ating mga beneficiaries na ito pong naka-load po sa inyong cards ay maaari lamang pong gamitin sa pag-purchase po ng fuel. Hindi ho ito pupuwedeng gamitin—i-withdraw sa ATM or gamiting pambili ng ibang gamit at ito po ay strictly fuel subsidy or para lang ho pambayad ng mga binili ho ninyong krudo.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Attorney, sakali pong mahuli ano po na ginamit nila ito sa ibang bagay, ano po kaya iyong posibleng mangyari sa kanila?
LTFRB NCR REG. DIR. TAMAYO: Usec. Rocky, ayaw ho sana natin na mangyari iyon ‘no kaya talagang niri-remind ho natin dahil po ang ating mga beneficiaries po ay noong nakaraan ho ay pumirma na ho sila ng undertaking na iyong paggamit po noong binigay po sa kanilang subsidiya ay para lang ho sa pagbili ng krudo. At ito naman hong bagong batch po na iri-release din natin, pipirma rin naman ho sila ng undertaking kung saan ganoon din po ang nakasaad – na ito ay ibibili lang nila ng krudo.
Now kung mayroon hong paglabag – huwag naman po sana – iri-report po sa amin iyan ng LBP dahil makikita ho sa transaction history po noong kanilang mga accounts kung ito po ay nagamit sa krudo or sa ibang bagay po. Kung mayroon ho kaming makita eh siyempre po ipatatawag natin ang mga operator, makakaapekto rin ho ito sa mga subsequent po sanang fuel subsidy program po ng ating gobyerno dahil pinag-uusapan na rin ho iyan for next year na kung maaari hong maipagpatuloy ho natin ang ganitong programa.
Kaya ayaw ho natin na mangyari ho na ma-flag po ‘no, iyong tinatawag nating ma-flag iyong kanilang account sa ngayon kasi po we’re looking at a long term program for fuel subsidy. Kaya iyon po, mahigpit at palagi ho nating pinapaalalahanan ho ang ating beneficiaries na gamitin po talaga iyong card na iyon para ho maiwasan natin na ma-flag po iyong inyong mga accounts.
USEC. IGNACIO: Attorney, may pagkakataon po ba na may natanggap na kayong report na ganito, na may gumamit sa iba? May tanong po kasi si Tuesday Niu sa inyo ng DZBB: Paano ninyo raw po masisiguro o makakasiguro na hindi ginamit sa ibang bagay ang subsidy at paano ninyo daw po ito namu-monitor?
LTFRB NCR REG. DIR. TAMAYO: Usec, kagaya po ng nabanggit ko, ang Land Bank po, kasama ho a ating agreement with them is magbibigay ho sila sa atin ng transaction report po kung saan nakalagay po doon kung sino ho iyong mga naka-flagged, meaning gumamit po noong account sa ibang bagay ‘no, not for fuel purchases.
At kapag ho nakita natin iyon, pinatatawag ho natin ang operator para ho mag-explain dahil nga po nabanggit ko kanina ay mayroon ho silang undertaking na pinirmahan ho sa atin. So, kung sila po ay lalabag, iku-consider po natin ito na paglabag din ho sa conditions ng kanilang prangkisa. Makakaapekto ho ito at ayaw ho natin iyon mangyari. Kaya palagi ho natin silang pinapaalalahanan para ho maiwasan na iyong maling paggamit ho nila ng PPP cards po nila ay makaapekto ho sa kanilang prangkisa.
USEC. IGNACIO: Pero, Attorney, paano po ba napipili o napili itong mga participating outlets? Inaasahan din po bang may madadagdag pang petroleum retail outlets sa mga susunod na araw?
LTFRB NCR REG. DIR. TAMAYO: Ito pong programa po natin na fuel subsidy ay kasama rin po natin ang Department of Energy. So, ang Department of Energy po ay nakipag-ugnayan sa ating mga oil companies katulad pa rin ho ng dati para ho iyong ating cards ay magamit po sa iba’t ibang retail outlets or gasoline stations po nationwide.
Mabanggit ko lang ho, sa ngayon ho may sampu na hong oil/fuel companies po na nag-commit na po ng participation po nila – ang Petron, Pilipinas Shell, SeaOil, Total, Jetty Refill Station, Chevron/Caltex, Petrogas Corporation, Unioil, at Phoenix Petroleum po.
So, nationwide po ang kanilang mga retail outlets at sa mga susunod na araw po ay makukuha na rin ho natin iyong specific gasoline stations po na makita rin ho ng ating mga beneficiaries kung anong outlets po na malapit sa kanilang mga ruta. Ito pong impormasyon ay ipu-post din po natin sa LTFRB website po para ho malaman ng ating mga beneficiaries.
USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, may pahabol lang pong tanong si Tuesday Niu ng DZBB: Ano daw po ang parusa sa mga lalabag, revocation ba ng prangkisa o warning lang po?
LTFRB NCR REG. DIR. TAMAYO: Ma’am, hindi ho natin masabi specifically ho iyong penalty, kaya nga sana ho wala. Huwag naman ho umabot sa ganoon kasi titingnan din natin, bibigyan ho natin ng pagkakataon din ho ang operator na mag-explain po as part of due process and based doon sa assessment titingnan ho natin ang nangyari at bakit ho siya lumabag sa Deed of Undertaking po na kaniyang pinirmahan.
Siguro ho titingnan ng Board or ng ating mga regional offices kung ang rason po ay would warrant suspension, revocation or just simply a warning on their part. So, wala namang hard and fast rule dito.
We are trying to be considerate din po dahil ito po ay subsidiya po kaya on the part din po ng ating mga beneficiaries ay pinakikiusapan ho natin sila na tumupad po sa kanilang undertaking na gamitin lang ito sa ating fuel purchases para maiwasan naman po na sila ay ipatawag pa ng LTFRB dahil sa maling paggamit po ng kanilang cards.
USEC. IGNACIO: Opo. May tanong naman po sa inyo si Jason Rubrico ng SMNI News: May plano na po ba o pinag-aaralan na ba ng LTFRB na magkaroon din ng mga assistance program para sa mga tsuper na ibang pampublikong sasakyan tulad daw po ng mga taxi?
LTFRB NCR REG. DIR. TAMAYO: Mayroon po iyan sa ilalim po ng direktiba rin ho ni Secretary Art Tugade at ni Chairman Martin Delgra. Naiintindihan din po na ang pagtaas ng presyo po ng gasolina o ng krudo ay hindi lang naman po mga jeepney drivers ang naapektuhan kung hindi po iyong iba’t-iba pong modes po ng public transportation – ang mga taxi, ang mga UV Express, ang mga bus. At iyon po kasi ay pinag-aaralan at nagkaroon na rin ho tayo ng proposal during the DOTr Senate hearing po, naisulong din po na mabigyan ng subsidiya po iyong ibang modes.
Kaya lang po kasi sa ngayon ang sinusunod at ipinapatupad lang po natin ay ang provisions po ng TRAIN Law kung saan po specific na nakalagay po na ang mabibigyan po ng fuel subsidy under TRAIN Law ay PUJ franchise grantees po. Kaya iyon ho ang medyo aming limitasyon po sa kasalukuyan but we recognize po na kailangan po ay ang ibang modes din po ng public transport ay mabigyan din po ng subsidiya sa ganito hong mga pagkakataon na tumataas po ang presyo ng krudo.
USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, kung mayroon man pong plano para sa ibang pampublikong sasakayan, parehas lang din po ba ang halaga ng fuel subsidy ang kanilang posibleng matanggap? O kailan po kaya iyong target na posibleng maibigay sa kanila kung mayroon man po?
LTFRB NCR REG. DIR. TAMAYO: Usec. Rocky, gusto ho sana natin mabilisan pero ang usapin po na iyan ay wala ho sa kamay ng DOTr at LTFRB dahil maghihintay lang ho tayo sa budget po na ibibigay po sa atin.
So, depende ho iyan sa budget na maia-allocate at based doon sa mga target beneficiaries natin saka ho natin idi-divide kung ano iyong actual amount na ibibigay po sa ating mga beneficiaries.
Halimbawa po sa ngayon, one billion lang po ang ibinigay sa atin so iyong one billion lang po ang ating maaaring i-distribute po sa ating mga target beneficiaries. So, hintayin po natin kung magkano ho ang ibibigay na budget po para dito sa fuel subsidy at ilalagay din ho natin, titingnan natin kung sino ho ang mga beneficiaries po ang included.
USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, huling tanong na lamang po ano. Target po ng LTFRB na mabigyan ng fuel subsidy ang nasa 136,000 PUV drivers pero 85,000 pa lamang po na tsuper ang mayroong PPP card, cardholders. Kailan po kaya makukuha daw ng mga qualified drivers o tsuper ang kanilang cards?
LTFRB NCR REG. DIR. TAMAYO: So, kung sa 85 nga po, tama po iyon po ang active, so, we’re looking at around 50,000 plus pa po. Sa kasalukuyan ho ay nagsimula na rin po even prior to the launching last Wednesday ay nagsimula na po ang Land Bank to print the cards. We’re looking lang po at a week’s time para ho ma-distribute din po sa mga regional servicing branches po nila.
So, hopefully po in the next two or one week or two weeks po ng December ay makuha na po ng ating mga beneficiaries ang kanilang mga cards po. We’re targeting po the soonest po, so as we are talking ho nagpi-print na po noong 50,000 remaining cards and some of which are already in transit to branches po nationwide ng Land Bank.
USEC. IGNACIO: Opo. Sa ibang usapin naman po, Attorney. Nagluluwag na po kasi tayo at ngayon dumarami na iyong mga sumasakay sa PUVs. Ito po bang Service Contracting Program ng gobyerno magpapatuloy pa rin? Hanggang kailan po ba ito inaasahang tatagal? Posible po kayang maging permanente rin ito?
LTFRB NCR REG. DIR. TAMAYO: [Garbled] ating fuel subsidy. Ito pong Service Contracting po kasi it’s a very new concept po sa public transport in the country and highly dependent din po kasi ito in terms of the implementation, kung iyong length of implementation on the budget that is given to us.
Kung matatandaan ninyo ho, magkaiba ho iyong budget under the Bayanihan 2 and then ito hong under the present po ng second phase po ng service contracting. So, iyong length po talaga ng programa ay nagdidepende ho sa nakukuha ho nating budget para ho mabigay rin natin to as many beneficiaries as possible.
Ngayon pong Service Contracting II po ay nag-end na po sa iba’t iba hong regions natin because of the constraints nga po in the budget. But we are proposing, this program has been proposed po [unclear] and hopefully, we’re really hoping that our Senate and the House would approve po iyong ating budget proposal po dito at ma-include po ito for next year’s budget para ho maipagpatuloy din ho natin ang Service Contracting Program.
USEC. IGNACIO: Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon, Atty. Zona Russet Tamayo ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board. Mabuhay po kayo and stay safe po Attorney!
LTFRB NCR REG. DIR. TAMAYO: Salamat po, USec. Rocky sa pagkakataon.
USEC. IGNACIO: Samantala, karagdagang vaccination sites ang binuksan sa Quezon City para po bigyang-daan ang bakuna ng booster dose, pero ang slot sa ilang vaccination centers hindi pa rin napupuno, alamin natin ang detalye mula kay Cleizl Pardilla:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Cleizl Pardilla.
Bagama’t may pagluwag na sa travel protocols, maigting namang ipinatutupad na ang border security immigration bureau sa mga pasaherong at lumalabas ng bansa. Alamin po natin ang sitwasyon sa mga paliparan, ilang araw mula ng maging epektibo ang pagbabago sa travel guidelines, kasama po natin si Bureau of Immigration Spokesperson Dana Krizia Sandoval. Good morning po, welcome back po sa Laging Handa.
BI SPOX SANDOVAL: Magandang araw, USec. Rocky at magandang araw din po sa mga tagasubaybay ng inyong programa.
USEC. IGNACIO: Ma’am, ano po iyong mga paghahanda po na ginagawa ng Bureau of immigration para po sa posibleng pagdagsa pa ng mga papasok sa bansa ngayon pong mas nagiging maluwag na po iyong requirement sa mga nasa yellow at siyempre dito sa green list countries. Halos lahat po ba ngayon na mga Immigration officers ay naka-duty onsite?
BI SPOX SANDOVAL: Yes, opo, USec. Rocky, actually bawal po muna temporarily itong mga frontline personnel natin na mag-file ng mga vacation leaves during the holiday season para ma-maximize po natin itong manpower nito pong mga susunod na buwan. We are expecting po na once na mag-open po ang ating mga shores dito sa international tourism ay unti-unti pong tataas iyong bilang ng mga bumibiyahe po dito sa bansa. Nagkaroon din po tayo ng additional na 99 Immigration officers that are deployed po sa ating mga major airports and seaports para po makatulong sa pagpapabilis po ng pagpuproseso. And finally po iyong ating e-gates na temporary sinuspinde muna natin ang paggamit, because there is a fear of contamination or pagkahawa, dahil hinahawakan po ito for biometrics. Ni-resume na rin po natin ang paggamit nito, but following po iyong strict sanitation protocols as set po by our management.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Miss Dana karamihan po ba sa inyong mga tauhan ay bakunado na.
BI SPOX SANDOVAL: Well, thankfully po, USec. Rocky, nasa 75% na po noong total manpower ng Bureau—so nationwide po ito, bakunado na po, fully vaccinated na po. Karamihan po sa mga iyan ay iyong mga naka-deploy po sa frontline namin. So, iyong iba po na mga hindi pa po nababakunahan, iyan po ay ini-expect po natin na makumpleto na natin iyan, by the end of the year. Usually po, ito po iyong mga nag-aantay na lang ng kani-kanilang mga schedule o kaya naman po ay mayroon pa pong medical issues na hindi pa po sila nabibigyan ng clearance for vaccine.
USEC. IGNACIO: Opo. Miss Dana base naman sa obserbasyon ninyo sa mga unang araw nitong pagluluwag ng travel restrictions ano po, hindi naman po ba nahihirapan o naguluhan ang ilang mga pasahero sa ilang pagbabago? Ngayon po ba ramdam ninyo na naging epekto nitong pagluluwag sa travel protocol?
BI SPOX SANDOVAL: With regards sa operation ng Immigration, lahat naman po ay in place na, nakalatag na po iyong added manpower natin, iyong technologies natin nakalatag na. So, we can say po that we are ready lalo po dito sa pagdating ng upcoming holiday season. Mayroon din po tayong mga assigned marshals sa mga immigration areas natin who may guide po itong ating mga passengers that are arriving o kaya naman po iyong mga aalis para po sa tamang proseso. And iyong mga markings po natin to implement sa strict social distancing are still ni place para masigurado po natin na may social distancing po doon sa immigration area at maiiwasan iyong pagkalat po ng COVID-19.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero nasa ilang mga inbound passengers po ang inaasahan nating darating pa dito sa ating paliparan; pataas po ba ang bilang nito o dahil alam naman po natin papalapit na iyong Pasko, Miss Dana?
BI SPOX SANDOVAL: Yes, USec. Rocky, nakikita namin na mas tataas pa po iyong bilang ng mga bumibiyahe nitong holiday season lalo po ang ini-expect natin talaga na maraming uuwi ngayon ay iyong mga OFWs po na nagbabakasyon at saka po iyong mga balikbayan na nais pong makapiling iyong kani-kanilang mga pamilya.
Sa figures po natin, iyong first three quarters po ng taon, nakita po natin na malaki ang ibinaba ng arrivals natin, nasa 72% po as compared sa last year. So, ang laki po ng difference from the pre-pandemic period, iyong total po noong pre-pandemic period nasa 17 million po iyan. So, ini-expect po natin na tataas po ito. Ang figures po natin last year ng December, nasa 152,000 perhaps po nasu-surpass po nito iyong total arrivals natin for this coming month.
USEC. IGNACIO: Opo. Pagdating naman po sa mga banyagang leisure travellers na malapit na rin pong payagan ng IATF, kayo po ba ay may extra preparation din once na mabigyan po ng go signal ito ng gobyerno?
BI SPOX SANDOVAL: Well, kasama po sa holiday preparations namin, katulong po niyan iyong pagpi-prepare natin dito sa maaari pong pagbukas ng ating shores dito po sa mga international tourist. So nakalatag na rin po iyong mga manpower natin, even po doon sa ating BI main office and sa ating offices in the National Capital Region, we have already expanded our operations.
So, in-extend na rin po natin iyong work hours ng mga empleyado dito following po iyong pagbaba sa Alert Level 2 ng Metro Manila. And then iyong mga fully vaccinated clients po, iyong mga may full vaccination, naka-second dose na din po sila, exempted na rin po sila from securing an appointment doon sa head office natin.
Kasi, usually po kailangan nilang mag-set ng appointment doon sa ating websites. So, isa po iyan sa mga nakikita natin na kailangan po nating i-put in place na bago pa po magsimula at mabuksan po iyong a ting mga borders sa international tourism.
USEC. IGNACIO: Opo. Miss Dana, ano naman daw po iyong masasabi ng Bureau of Immigration sa mungkahi ni former PCGG Chair Munsayac na magkaroon na umano ng advance information system kung saan sa pagbili pa lang daw po ng ticket ng pasahero sa ibang bansa ay magkaroon na agad ng passenger information at the background checking upang maiwasan ang umano ay corruption sa pagitan ng foreigner na may kaduda-dudang character at sa mga immigration officers po natin?
BI SPOX SANDOVAL: Usec. Rocky, it’s good po na nabanggit ninyo iyan. Actually, itong advance passenger information system ginagamit po siya worldwide sa marami pong advance nations. Ito po ang sistema na ito parang naka-link na po iyong mga systems ng mga airlines sa ating immigration system para bago pa nga po dumating itong mga pasahero nakikita na po natin iyong kanilang mga details. Ang kanilang mga booking details, mga detalye po ng kanilang pagkatao kung sila po ay may derogatory records and it would really help na makita po natin in advance kung mayroon pong mga possible terrorist, na may mga kaso, may mga Interpol watch list. Makikita na po natin iyan pag-book pa lang po nila.
So, malaki po iyong maitutulong niyan. Nakakasa na po iyan. Actually, we are looking forward to its full implementation hopefully po by the start of 2022. Nakalagay na po, iyong mga technologies po niyan are being developed already and iyong manpower po natin are already in place. So, we’re expecting po ito na ma-implement na po immediately.
USEC. IGNACIO: Opo. Miss Dana, sa ibang usapin naman po, ano. Balita namin talaga pong pinaigting ng Bureau of Immigration ang paghasa sa mga personnel pagdating po sa pag-detect ng mga potential victims ng trafficking at illegal recruitment. So, kumusta po iyong datos na naitala this year patungkol dito? Kahit po ba pandemic ay may ilang nahuhuli pa rin po ba kayo?
BI SPOX SANDOVAL: Alam mo Usec. Rocky, iyan iyong nakakalungkot kasi kahit pandemic po marami pa rin pong mga kababayan natin ang nabibiktima ng mga human traffickers and illegal recruiters. So, ito pong mga illegal recruiters na ito, mga human traffickers na ito ay hindi po nadadala kahit may pandemya at nanloloko pa rin po ng mga kababayan natin.
For this year po, for the first three quarters of the year, naka-8,000plus na po kami na mga intercepted na mga passengers na improperly documented. 495 naman po doon sa mga numero na iyon ang nakitaan po na sila po ay maaaring biktima ng human trafficking and illegal recruitment.
So, it’s really sad na kahit may pandemic ay may mga kababayan pa rin po tayo na nanloloko ng kapwa natin. That’s why po, lagi naming pinapaalalahanan iyong mga aspiring OFWs na huwag pong magpapaloko at huwag pong maniniwala sa mga ganitong schemes na nag-aalok po sa kanila ng mga illegal na paraan para po makapagtrabaho abroad.
USEC. IGNACIO: Opo. All right, maraming salamat po sa inyong oras Miss Dana Krizia Sandoval, ang Spokesperson po ng Bureau of Immigration. Stay safe po, Miss Dana.
BI SPOX SANDOVAL: Salamat po, mabuhay po kayo and please stay safe po. Ingat po kayo.
USEC. IGNACIO: Ilang mga residenteng nasunugan sa Barangay Manreza, Quezon City ang hinatiran nang ayuda ng tanggapan ni Sen. Bong Go at ng mga ahensiya ng pamahalaan. Ang DSWD, namahagi ng tulong financial habang housing assistance naman po ang tiniyak ng National Housing Authority sa mga kuwalipikadong benepisyaryo. Narito po ang report:
[VTR]
USEC. IGNACIO: Narito naman po ang pinakahuling datos ng COVID-19 cases sa bansa base po sa report ng DOH.
As of November 24, 2021, 890 na lang po ang mga bagong kasong naitala kaya umabot na sa 2,828,660 ang kabuuang bilang ng mga nagka-COVID-19 sa bansa.
Saktong 200 naman po ang mga naitalang pumanaw sa sakit kahapon kaya naging 47,682 na ang total COVID-19 deaths.
Umakyat naman sa 2,763,114 ang kabuuang bilang ng mga gumaling, matapos pong madagdagan ng 1,710 new recoveries kahapon.
Patuloy din po ang pagbaba ng active cases natin na nasa 17,864 na lamang ito sa ngayon o 0.6% na lang po iyan ng kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus.
Para naman po magbigay linaw sa guidelines kaugnay sa pagbabakuna sa mga manggagawa sa mga pribadong sektor, makakasama po natin si Assistant Secretary Maria Teresita Cucueco, mula po sa Regional Operations Labor Standards and Special Concerns Cluster ng Department of Labor and Employment. Good morning po, ASec.
DOLE ASEC. CUCUECO: Good morning po Usec. Rocky at sa lahat ng mga tagasubaybay ngayon. Good morning po sa inyong lahat.
USEC. IGNACIO: Opo. ASec., sa nakalipas pong linggo naglabas ang IATF ng isang resolution na kinakailangan pong bakunado laban sa COVID-19 ang lahat po ng mga onsite workers sa pribado at pampublikong sektor. Ibig po bang sabihin nito ay mandatory na para sa mga onsite workers sa buong bansa ang pagbabakuna sa COVID-19?
DOLE ASEC. CUCUECO: Usec. Rocky, intindihin po natin iyong IATF resolution 148-B. Sa mga kailangan mag-onsite work, may mga requirements. Pero, ang requirement po na ito ay hindi nagmamandato po ng bakuna. Kasi nandoon naman po na iyong mga mag-onsite work ay iyong nabakunahan.
Pero kung ang manggagawa ay ayaw magpabakuna pero kailangan mag-onsite work, puwede naman ho siyang mag-onsite work kailangan nga lang ng panibagong requirement, mag-regular test ng RT-PCR. Ang regular test na iyon na-clarify sa susunod na IATF resolution na 149 at least once every two weeks.
Pero, kung hindi ka ho mag-onsite work, ang hindi bakunado ay puwede naman magtuloy-tuloy sa paggagawa nang work from home, hindi onsite work na maski hindi pa bakunado. So, ang napapairal na Republic Act na 11525 na sinasabing ang vaccination card ay hindi mandatory for employment, nandoon pa rin naman iyon kasi nga po may options. Pero, iyon nga lang, iyong hindi bakunado mayroon naman tayong bagong requirement ngayon na kailangan nagri-regular RT-PCR test po.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero pagdating naman po, Asec., dito sa implementation ano, mayroon po bang listahan kung saan-saang probinsya sa bansa ang may sapat na supply ng bakuna para po naman sa pagsasagawa nitong vaccination sa ating mga manggagawa?
DOLE ASEC. CUCUECO: Sa ngayon po ang sinabi na rin ho ng NTF at iyong NVOC, iyong National Vaccination Operations Center, talagang kinalat na po ang mga—iyong milyung-milyong bakuna na nakarating na po sa atin sa lahat ng rehiyon natin. Actually in preparation na rin ito sa 3-day vaccination day ng November 29, 30 and December 1. Pero sa ngayon po talagang lahat po ng lugar sa bansa ay mayroon na.
Wala pa ho talagang nagawang kabuuang listahan pero kung nasa—iyong munisipyo ho ninyo, tawagan ninyo po ang—alam ho nila kung saan doon ang vaccination site. Pero ngayon inaayos na po na magkakaroon nitong kumbaga listahan ng lahat ng lugar na puwedeng puntahan para sa pagbabakuna pero at least puwede ninyo na hong tanungin sa inyong local government kung saan doon ang kanilang vaccination sites.
USEC. IGNACIO: Opo. Kaugnay din po ng nasabing usapin kasi sinasabi nga po natin may sapat na supply na ang bansa ng mga bakuna. Pero maaari po bang maging ground sa pagkakatanggal sa trabaho kung sakaling hindi pa bakunado o ayaw magpabakuna laban sa COVID-19 ang isa pong onsite worker; at ano po ‘yung kinakailangang gawin ng isang hindi pa bakunadong manggagawa para po mapayagang makapasok sa kaniyang trabaho? Nabanggit ninyo na nga po ‘yung kailangan talaga ‘yung RT-PCR result.
DOLE ASEC. CUCUECO: Opo. Pero hindi ho grounds ang pagtatanggal ng isang manggagawa ang hindi pagbabakuna, iyan ho ay talagang dapat ho nating intindihin. Sa Labor Code may mga authorized and just causes for termination – wala ho doon ang hindi pagbabakuna. Pero ganito po ‘yan, kaya nga sinasabi ho natin ngayon na kailangan mag-onsite work na nandoon naman po ‘yung pangangailangan na bakunahan. Kung hindi naman siya bakunado then mag-a-RT-PCR.
Kung ayaw pa rin po niyang magpa-RT-PCR at walang work-from-home kasi ang ano doon eh puwede naman sanang mag-work-from-home – walang RT-PCR, walang work-from-home. Puwede niyang i-opt na mag-leave kung may leave credits po siya, mababayaran po siya. Ngayon kung wala na ho siyang leave at hindi pa rin siya magpabakuna o hindi rin siya magpa-test, nasa punto na po tayo na paano naman ho siya bayaran eh kung wala namang compensation na para sa work na ginawa niya.
Pero hindi ho talaga—ang sinasabi ho namin, hindi ho dapat maging batayan ang hindi pagbabakuna sa pagtanggal ng isang manggagawa; puwede naman ho talagang ituloy nila, magpa-RT-PCR.
Dito siguro kailangan kong i-point out ano, Usec. Rocky, iyong kung bakit pinapa-RT-PCR natin iyong mga manggagawa at their own cost. Kaya lang importante din ho na intindihin na iyong pagkukuha ng test ay nasa cost ng worker kasi alam naman po natin na ang bakuna ay isang proteksiyon laban sa magiging kritikal o severe na COVID-19 case. Ngayon iyong mga hindi bakunado, ‘di siyempre mas vulnerable po sila.
Ngayon ang pagti-test regularly ay para din sa kaalaman nila na kung naging positibo sila kasi lahat naman ho talaga puwedeng ma-infect – ke bakunado ka, ke hindi. Pero mahirap dito sa hindi bakunado kung hindi maagapan, hindi ma-manage nang maaga, baka mapunta ho sila sa severe and critical. Ayaw ho natin din iyon pero dahil nandoon naman pong ayaw naman—I mean, hindi sila komportable sa proteksiyon ng pagbabakuna eh kailangan naman din isiguro natin na kung sakaling magkaroon sila ng COVID-19 maaga pa lang maalagaan nila din at mabigyan sila nang tamang lunas.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Asec., may report ba—may mga report o sumbong na po ba kayong natatanggap o ang DOLE hinggil sa pagkakatanggal sa trabaho ng isang hindi pa bakunado o ayaw magpabakunang empleyado?
DOLE ASEC. CUCUECO: Sa ngayon in all honesty wala ho. Pero may mga complaints na ayaw nilang pabakuna pero sinasabi ng mga kampanya—pero ano naman ho, to the best the companies can, ina-accommodate pa rin naman po sila eh. And sinasabi ng mga kumpanya mula noong lumabas itong IATF resolution, mas dumami po iyong mga nagpabakuna na.
Ngayon mayroon hong naging published report sa media na nagkaroon nga ng tanggalan, nagkaroon ng discrimination galing din sa management. Inimbestigahan ho iyan ng DOLE, pinatingnan ho na sa regional office at pina-inspect. Ngayon ongoing po itong pag-iimbestiga nitong report na ‘to. Iyan lang ho iyong alam kong lumabas iyong—[overlapping voices]
USEC. IGNACIO: Opo. Asec., dahil dito nga sa bagong resolusyon ng IATF, inaasahan po ba daw na maglalabas ang DOLE ng panuntunan hinggil pagpapatupad nito lalo na po sa pribadong sektor?
DOLE ASEC. CUCUECO: Malinaw na po kasi iyong IATF resolution na iyong requirements for onsite work, kasi onsite work naman po ang requirements na ‘to tapos na-clarify pa ng isa pang IATF resolution. So on those matters baka hindi na ho kailangan maglabas pa ng DOLE kasi ang IATF na ho mismo ang naglabas at nag-clarify pa.
Pero ngayon ang tinitingnan natin iyong allowed absence for the vaccination, baka kailangan lang ho bigyan pa ng clarity, pero nandoon naman din po sa proclamation na iyong magpapabakuna from 29, 30 or December 1 ay hindi dapat sila i-consider na absent as long they show the proof of their vaccination on any of those days.
USEC. IGNACIO: Opo. Asec., ano naman daw po iyong hakbang na gagawin ng DOLE para matiyak ang pagsunod ng mga kumpanya sa atin pong napag-usapang IATF resolution?
DOLE ASEC. CUCUECO: Sa ngayon ano, kasi—parating bukas naman ang DOLE sa mga complaints, iyong mga gustong maglabas ng daing o hinanaing dito sa mga… iyong any discrimination or kumbaga any employer’s abuse on this. Pumunta lang sila po sa DOLE regional field o provincial office para mag-complain, titingnan din po natin iyon. Mayroon namang mga pamamaraan, may proseso naman din ang DOLE para tingnan at maayos kung anuman ang nagiging sanhi nitong mga complaints na ‘to.
So it is really—kasi sa pagbabakuna po ito, hindi naman sa general labor stand. And again, this will really arise from complaints. We will—siguro after all of these po baka manghihingi po ng mga compliances ng mga kumpanya sa mga nagpabakuna. Pero alam ho natin na talagang nasa isang indibidwal din na iyong ayaw niyang pagbabakuna. So hindi naman ho natin mabibigyan ng—walang penalty po doon kung hindi—because of their right na ayaw ho nilang magpabakuna ‘di ba? So medyo ano lang ho kami at ititimbang din ho namin iyan.
USEC. IGNACIO: Opo. Okay. Maraming salamat po sa inyong impormasyon, Assistant Secretary Ma. Teresita Cucueco ng Department of Labor and Employment; stay safe po, ma’am.
DOLE ASEC. CUCUECO: Thank you Usec. Rocky at sa lahat, thank you din po.
USEC. IGNACIO: Sa iba pang balita: Personal namang inabutan ng tulong ni Senator Bong Go ang nasa higit isang libong solo parents sa General Santos City. Ang detalyeng iyan sa report na ito:
[VTR]
USEC. IGNACIO: Para naman sa pinakahuling pangyayari sa iba pang mga lalawigan sa bansa, puntahan natin si Merry Ann Bastasa ng PBS-Radyo Pilipinas.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Merry Ann Bastasa.
Dumako naman tayo sa Hilagang Luzon. Ilang araw bago ang pagsisimula ng National Vaccination Days, kanya-kaniyang paghahanda na po ang mga probinsiya sa Cordillera para sa malawakang bakunahan. May ulat tungkol dito si Debbie Gasingan:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Samantala, patuloy naman ang bakunahan sa Davao City para sa 12 to 17 years old. Sa huling tala, umabot na sa mahigit 37,000 ang mga nakatanggap ng kanilang first dose. May report si Julius Pacot.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: At iyan po ang mga balita at talakayang tampok namin ngayong araw. Ang public briefing ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).
Bago po ako magpaalam, nais ko pong pasalamatan ang mga kasamahan natin dito sa PTV-Cordillera, sa men and women ng PTV-Cordillera, ganoon din po sa kanilang boss na si Sir Richard Valdez sa kanila pong pagtulong sa aking mag-broadcast ngayong umaga, salamat po sa inyo.
At mga kababayan, 30 days na lamang po, isang buwan na lang at Pasko na.
Ako po si Usec. Rocky Ignacio, magkita-kita po ulit tayo bukas dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.
###
—
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)