USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas, at sa buong mundo. Isang araw na naman ang ating pagsasaluhan upang pag-usapan ang mga napapanahong issues sa bansa.
Ating tatalakayin ngayong umaga ang pagpapalawig ng implementasyon ng Alert Level 2 dito sa Metro Manila; kukumustahin din natin ang unang araw ng pagpapabalik ng face-to-face classes sa ilang lugar sa bansa; at ipapaliwanag sa atin mamaya ng GSIS ang computer loan na maaaring aplayan ng kanilang mga miyembro. Ako po si Usec. Rocky Ignacio, simulan na natin ang talakayan dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.
Imbes na tanggalan ng ayuda, dagdagan na lang ng insentibo ang mga 4Ps beneficiaries na magpapabakuna para mas marami pang mahikayat na makiisa sa National Vaccination Program ng pamahalaan. Ito ang panawagan ni Committee on Health Chairperson Senator Bong Go. Narito ang report:
[VTR]
USEC. IGNACIO: Samantala, boluntaryo na lamang ang pagsusuot ng face shield sa mga pampublikong lugar maliban na lamang kung pupunta sa mga ospital at quarantine facilities. Sa inilabas na memorandum ni Executive Secretary Salvador Medialdea:
• Hindi na kailangan ng face shield sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Levels 1 to 3 simula kahapon.
• Kung Alert Level 4, nasa poder ng lokal ng pamahalaan kung gagawin itong mandatory ito o hindi.
• Pero sa Alert Level 5 at mga lugar na naka-granular lockdown, face shield is a must paglabas pa lang ng tahanan.
Inanunsiyo naman ng Department of Health kagabi na magsisimula na ang pagbibigay ng booster shots sa mga healthcare workers simula bukas, November 17. Base sa EUA na inaprubahan ng FDA, maaaring gamitin ang Moderna, Pfizer at Sinovac bilang booster doses sa ating medical frontliners anuman ang nakuha nilang bakuna para sa first and second dose. Ang guidelines para dito ay inaasahang ilalabas ng National Vaccination Operations Center ngayong araw.
Samantala, extended po ang pagpapatupad ng Alert Level 2 dito sa Metro Manila hanggang katapusan ng Nobyembre. Kitang-kita naman po ang epekto ng pagluluwag na ito sa buong rehiyon dahil sa dami ng mga tao at mga batang lumalabas para po mamasyal. Nakakabahala lalo’t muli pong sumampa ng walong porsiyento ang growth rate ng mga nagpupositibo sa NCR. kaugnay niyan, makakausap po natin si MMDA Chairperson Benhur Abalos. Magandang umaga po, sir!
MMDA CHAIRMAN ABALOS: Usec. Rocky, magandang umaga po! At Secretary, magandang umaga po sa inyo.
USEC. IGNACIO: Opo. Chairman, sa dami po ng mga taong lumalabas ngayon, sang-ayon po ba kayo na in-extend muna ang Alert Level 2 dito sa Metro Manila sa halip po na sundin iyong panawagan ng ilang sektor, ano po, na ibaba tayo sa Alert Level 1?
MMDA CHAIRMAN ABALOS: Well, dapat maging cautious po talaga tayo ‘no. Kaya kami ay [garbled] sa IATF at sa mga medical health experts. Puwede namang magbaba anytime pero mahirap naman pagbaba mo biglang tumaas ulit ang kaso – mabigat po iyon ‘no. Kaya dapat [garbled] dapat talagang mag-ingat tayo. At anyway, huwag [garbled] mga kababayan, andiyan ang mga eksperto po natin sa Department of Health na tumutulong at sa IATF na ginagabayan po ang ano ng alerto, pag anunsiyo po rito.
USEC. IGNACIO: Opo. Chairman, may panawagan po ang Philippine Medical Association kahapon na huwag munang isama ang mga batang edad dose pababa sa mga malls kasi malaki po iyong risk nila sa COVID dahil hindi pa sila bakunado. Hinikayat din po kagabi ng Pangulo ang mga LGUs na magpasa po ng ordinansa, ano po, kaugnay sa age restriction.
Tanong po ni Leila Salaverria ng Inquirer at ni Gerg Cajiles ng CNN Philippines: What does the MMDA think of the President’s suggestion for LGUs to pass ordinances regulating the entry of minors in malls, will this be taken up in the Metro Manila Council for a unified policy in NCR?
MMDA CHAIRMAN ABALOS: Well, actually ‘no, a few days ago, nag-meeting kami ni Secretary Año tungkol po sa isang allegedly [garbled] COVID positive. So mamayang hapon ay mayroon pong pulong ang mga city health officers ‘no. Lahat ng city health officers, kasama si [garbled] Balboa at isang magaling na pediatrician para pag-usapan ang issue ng mga batang papasok sa mall na wala pang mask – ito iyong mga babies ‘no – para i-set iyong age, i-set iyong guidelines tungkol dito.
Pero kaninang umaga nga, nalaman ko po iyong panukala ng ating Presidente, iyong panawagan niya ‘no, kung kaya’t isasali namin on the table po ito. Kung sakali man, pagkatapos po ng pag-uusap mamaya ng mga health experts, kung anuman ang mapagkasunduan, ito po ay ihahain ko sa ating mga alkalde, sa mga mayors, at siguro ito po ang aming magiging posisyon later on.
USEC. IGNACIO: Opo. Sunod po niyang tanong, Chairman: Under Alert Level 2, there are no more age restrictions to movement. Is it concerned that prohibiting younger children from malls would dampen economic activity; at magkakaroon din po kaya ng diyalogo with the business sector tungkol dito?
MMDA CHAIRMAN ABALOS: Well, posible po talaga iyon kaya dapat maingat tayo sa approach natin. Kaya nga hindi lamang ang mga experts sa medical field, kasama na po ang ating mga business ang aming ikukonsulta dito [garbled] mga mayors dahil ito’y mga [garbled] lahat ay involved po. Huwag kayong mag-alala, we will make sure that ito ay kasama sa diyalogong ito.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ng aming kasamahan sa PTV na si Patrick de Jesus: Sa pag-review ng policies sa mga minors, anong age group in particular daw po maaaring maging saklaw ng bagong polisiya; at kasama ba sa factor na titingnan ng MMC at ng binuong technical working group ay ang hindi pagiging bakunado ng mga bata?
MMDA CHAIRMAN ABALOS: Well, noong una po, noong una iyon talaga [garbled] naka-focus kami sa mga batang toddlers muna – iyong mga batang [garbled] mask at hindi pa bakunado. Pero in the light of the pronouncement of the President, iyong sinabi niya kagabi, pag-aaralan na po nating lahat po ito kung papaano ito, paano ba ho ang epekto po nito. Pero kamukha sinabi ko, ito po ay isasama natin pagkatapos po nitong mga experts mamayang hapon pati na po ang mga business leaders po natin para mag-exchange tayo ng mga kuru-kuro hinggil dito, anong mga aksyon o mga safety measures ang puwede nating ilagay kasi this is just really for the safety of our children. Doon po nanggagaling ang ating Presidente, ang ating mahal na Presidente, dapat talagang pag-ingatan. At the same time, iyon namang ekonomiya ay dapat huwag [unclear]. So, paano po natin ibabalanse po lahat ito?
USEC. IGNACIO: Opo. Chair Benhur, nagsasagawa po ba kayo ng surveillance dito po sa mga batang nagpositibo sa COVID-19 matapos pong lumabas at mamasyal?
MMDA CHAIRMAN ABALOS: Well, iyon pong report na lumabas na allegedly ay iyong bata, ito po ay itinawag ko agad kay Director Gloria Balboa para [malaman] kung ito ba ay sa Metro Manila; ito ba ay sa labas ng Metro Manila; ito ba ho ay talagang dahil ho sa ibang cause; ano ba ho ang mga background na nangyari dito.
[Hindi lang po sa] insidenteng iyan kung hindi sa totoo lang sa lahat po ngayon ‘no ito lang ho ang panawagan ko: Dapat ho talaga ang magulang ay mayroon naman tayong responsibilidad sa ating anak. [Kung ang] anak naman ay talagang mga baby pa ito, let’s say two months old, appreciate the most, manggaling na rin sa atin na talagang huwag na nating dalhin pa sa mga areas dahil baka mahawa pa ‘no.
With your indulgence, Usec. Rocky, ito lang ang gusto kong ibahagi ‘no. Alam ninyo, the highest na bakunado ay ang ating Metro Manila. Siguro ito ay dapat din i-take into consideration sa pag-uusap mamaya [the more].
Pero one thing, ang importante rito, importante ang lahat ng restaurants ang 3Cs na sinasabi ng IATF, dapat maging istrikto tayo na hingin ang ID ng lahat na papasok. Huwag balewalain kasi sayang naman, bakunado tayo, iyong mga nakalagay, [unclear] hingin ang ID. I am again appealing sa lahat ng mga owners na of course iyong ID about vaccinated hingin nila ito, dapat maging stricter tayo rito para mas maging effective tayo, and of course, iyong social distancing.
USEC. IGNACIO: Pero, Chair, ano po ang masasabi ninyo dito sa latest development na nagkakaroon ng 8% growth rate sa mga nagpupositibo sa COVID-19 dito sa Metro Manila?
MMDA CHAIRMAN ABALOS: Yes, Usec. Rocky, ‘no kaya nga sinasabi ko na tayo ay sa mababang lugar eh, mababa na. Importante rito iyong pagbabakuna natin na huwag nating sayangin. Importante bawat isa talaga hingan ng ID pagpasok ng restaurant o establishment. Napakaimportante niyan otherwise sayang naman.
Iyong pangalawa, dapat talaga iyong pagsusuot ng mga mask, Usec. Rocky, hindi naman sa pag-aano, ultimo [workers] sa Metro Manila, hindi ba pinapayagan na iyong contact sports, ang ginawa natin, we placed an even requirement na sa Metro Manila ang puwede lamang sa contact sports ay at least dalawa ang bakuna niya.
Even though we granted this mobility, nag-iingat pa rin kami tungkol dito kaya’t nananawagan ako, ‘ayan nakikita ninyo mababa tayo biglang nag-positive growth rate. Hindi ho biro ang COVID. Even with this kind of mobility dapat talaga mag-ingat po tayo. Kami naman gagawin po namin ang lahat para i-review lahat ng guidelines at [pag-uusapan po lahat ito.
USEC. IGNACIO: Pero, Chair, sa mga ganitong sitwasyon ano po, posible pa po kaya o posibleng maunsiyami itong pagbaba sa Alert Level 1 ng Metro Manila by December dahil nga po sa pangyayari ngayon?
MMDA CHAIRMAN ABALOS: Sana huwag naman, Rocky. Kaya nga nananawagan ako, all of us may papel tayo rito ‘no. Ang ating Pangulo nanawagan na, kung may talagang responsibilidad ang gobyerno; ang mga magulang naman, please, you should be responsible for your children. Kaming LGU kung anuman ang ibinigay ng IATF na mga rules, hihimayin pa namin sa baba ito.
Kamukha ng nasabi ko, iyong contact sports dapat dalawa bakuna. Ngayon [unclear] iyong mga papasok na although granted na sinabi ng IATF [unclear] mobility ang minors at senior citizens pero in the light of this development, hihimayin namin kung what age talaga ang pupuwede lalung-lalo na iyong mga hindi pupuwedeng mag-mask, iyong mga babies ‘no. Titingnan iyan ng ating mga experts. So, iyon lang, iyong talagang pagkakaisa ng bawat isa importante po dito para huwag tayo maunsiyami.
USEC. IGNACIO: Tungkol naman po sa face shield, Chair, inaprubahan po ni Pangulong Duterte ang pag-aalis na sa mandatory use ng face shields sa mga lugar na nasa ilalim po sa Alert Level 1, 2 and 3 kasama diyan po ang NCR. So, ano po ang komento ninyo dito, Chair?
MMDA CHAIRMAN ABALOS: Well, maganda naman ang pagsalubong po rito ‘no. Maganda at ang lahat ay nagkakaisa, itong inaprubahan ng Presidente except of course for critical areas kamukha ng ospital na talagang kailangan din ito. So, sa tingin ko ito ay napakagandang desisyon po ng ating mahal na Pangulo.
USEC. IGNACIO: Opo. Isunod ko na rin po ang katanungan ni Patrick de Jesus sa face shield pa rin po: May mga aksiyon na bang gagawin sa mga establishment na magri-require pa rin nito since dapat daw po kasi voluntary na lang ang pagsusuot?
MMDA CHAIRMAN ABALOS: Well, as a general rule talagang iyon po ano, it should be voluntary although may mga private na lugar [unclear] stricter.
Pero ako sa aking eksperiyensya, Usec. Rocky, halos lahat naman ng mall mas maluwang, mas maganda sa kanila, mas gusto nila iyon eh, maraming tao nga rito. Wala naman akong nakitang mga establishments na mas naghihigpit pa pagdating sa mga ganoong bagay.
Sa totoo lang, itong desisyon ng Presidente ay matagal nang hinihintay po talaga ng lahat po ito.
USEC. IGNACIO: Opo. Chair, Pahabol ko lang po iyong tanong ni Doris Bigornia ng ABS-CBN: Mayroon pong directive ang Pangulo kagabi, sabi niya, “I want the local government to see to it that no unvaccinated children will be allowed to enter malls.” Paano po ito i-implement ng Metro Manila Council? And since si Pangulo po ang nagbigay ng directive, ASAP po ba ang implementation nito?
According daw po to DILG Undersecretary Densing, “Since Presidential directive iyan, hindi na kailangan ng recommendation ng health experts.” Kailan ang timeline ng MMC to come up with ordinances?
MMDA CHAIRMAN ABALOS: Well, just five minutes ago I sought a clarification from Secretary Año. I called him up, nag-usap pa kami over the phone. So, tinanong ko nga kay Sec. Año, Sec. Año kasi it’s a new development, we just need to be clarified. Ito ba hong directive ng Presidente is this absolute ‘no? Talagang twelve years and below ba?
Sabi niya, alam mo, Chair, you should look at from where our President is coming from. Nanggagaling siya bilang isang magulang at isang Presidente na concern sa ating mga anak at mga apo. Kaya nga ang sabi niya he’s requesting for LGU ‘no. So, sinasabi niya, pag-aralan ninyo na lang kung anong edad talaga kung anong naaakma. Iyon ang sinabi sa akin ni Sec. Año po o record ‘no.
Kaya nga magpupulong kami mamaya para tingnan talaga ang rekomendasyon ng Presidente. Ano ba talaga ang tamang edad; talagang bakunado ba o hindi. And then titingnan din po natin with the economic team ‘no.
So, iyon po ang gagawin po namin sa at least dito ‘no. If I would speak for the mayors of Metro Manila, pipilitin namin na ang aming policy ay buong Metro Manila, hindi na each LGU na Metro Manila para walang lituhan kamukha noong araw. Since this is a major policy lahat na, buong Metro Manila pagdating po sa isyung ito.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Kris Jose ng Remate/Remate Online: Pagpasok po ng month of December ay siguradong dudumugin na ng ating mga kababayan ang mga tiangge. Hihingi lang po sana siya ng update sa naging proposal ng MMC na ‘no vaccine no tiangge’. Ilang percent na po ang nabakunahan against COVID-19 sa mga tiangge owners o operators at sellers kung napagbigyan po ng MMC sa request na ito?
MMDA CHAIRMAN ABALOS: Well, ito lamang ay nagpapatunay, Usec. Rocky, na talagang—kung titingnan natin talagang tinitingnang maigi ng mga [mayors] ng Metro Manila. Kung titingnan mo, itong mga tiangge na ito walang ganitong klaseng requirement eh and yet talagang inunahan na because this is seasonal nanggagaling rin sila sa iba’t ibang dako ng Pilipinas and after the Christmas season uuwi na po sila sa kanila – karamihan po.
Kaya in-anticipate na namin ito, nag-require kami ng vaccination. Sa ngayon po ay talagang [mag-iikot] ang ating LGUs, tinitingnan at hindi sila puwedeng [unclear]. I do not just have the exact numbers right now, Ms. Kris Jose. Hindi ko lang alam talaga pero I’m very sure umiikot po sila.
So ito coupled by the—iyong mga contract na talagang nilagyan pa, hinigpitan pa na dapat two vaccination. Ito’y nagpapatunay lamang na we’re not resting, hanggang dulo talagang bawat galaw pina-fine tune po natin lahat ng kinakailangan na mga polisiya o guidelines na nilatag ng IATF.
USEC. IGNACIO: Opo. Huling tanong po ni Kris Jose: May iba pa po bang option para po masigurado na magiging safe ang magpupunta ng tiangge?
MMDA CHAIRMAN ABALOS: Well ang problema kasi natin talaga, Usec. Rocky, is iyong shopping rush eh, iyong maraming taong sabay-sabay eh. Nagri-request kami sa mga malls ‘no na baka pupuwedeng i-extend ang kanilang oras. The same manner kung sakali man hindi natin talagang [garbled] dahil talagang shopping ‘yan eh, magpa-Pasko tayo, sa mga LGUs po talagang bababa ho ‘yan, [garbled] sila hangga’t maaari iyong social distancing natin lahat.
Kaya nga nananawagan ako muli… nananawagan akong muli sa mga manunood ngayon – tandaan po ninyo ang Metro Manila more than 91% vaccinated. [Garbled] ito, lahat tayo may vaccination card. [Garbled] establishment na niri-require ng batas na humihingi ng [garbled] po natin gawin nating [garbled] ‘to lalo na kung wala kang mask, napakaimportante niyan. Please lang istriktuhan pagdating dito dahil itong bakuna, plus mask, plus social distancing, ito po ang mga bagay na magpuproteksiyon po sa atin.
USEC. IGNACIO: Opo. Mula naman kay Evelyn Quiroz ng Pilipino Mirror: The MMDA daw po is looking into enforcing the Unified Vehicle Volume Reduction Program better known as the number coding scheme. What prompted the MMDA to consider this? Will this not expose people with only one vehicle to the risk of COVID-19 when taking public transportation?
MMDA CHAIRMAN ABALOS: Well ganito po ‘yan ano, Ma’am Quiroz and Usec. Rocky. Sa ngayon po ay ito’y naka-monitor kami. Apat po ang option namin in the event mas lalong lumala pa ang traffic ngayon: Number one iri-re-impose namin ang truck ban. Number two, i-impose namin ang color coding. Number three is a modified one. Anong gagawin namin? Sa ganoon ay ang mga tao na iisa lang ang sasakyan, huwag naman silang dumami [garbled] pila at kawawa naman sila dadami ang—dahil 70% lang ang transport, pinag-aaralan namin na baka pupuwede mayroong color coding lamang sa umaga, iyong rush hour which is [garbled] to 9 and possibly in the afternoon, 5 o’clock to 8 in the evening.
So that magagamit mo pa rin iyong kotse mo, just try to avoid these rush hours or [garbled] iyong hapon lamang which is 5 to 8 huwag mong [garbled]. At least nasa gitna ka dahil iyong karamihan nga iisa sasakyan, magagamit mo pa rin ang kotse mo basta huwag ka lang sasabay doon sa rush hour. These are the 4 options na tinitingnan ng aming ahensiya and Director Neomie Recio of our Traffic Engineering araw naka-monitor po siya. At kung sakali man… kung sakali man talagang [garbled] po ‘no, ito po’y ilalabas namin.
For every one’s information, pre-pandemic ang ating volume is 405,000 vehicles, which was taken 2020 January if I’m not mistaken. The last time we had that count is about 399,000 vehicles so ang difference na lang is 6,000 vehicles. Ngayon [garbled] pre-pandemic south bound, it was 11 meters per hour from Monumento going to Roxas Boulevard. Pero noong huling take namin, ito lang 4 days ago, 19 kilometers per hour – ‘di hamak mas mabilis po rito kaysa dati.
But you know sana maunawaan ng mga tao, hindi lamang ito, we have to consider the rush hour and we consider—tama po si Ma’am Evelyn Quiroz, once hindi mo gamitin ang kotse mo, pipila ka roon sa public transport na kung saan [garbled] pa lang ang gumagana. So these are the factors na talagang binabalanse po ng MMDA.
USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong pagsama sa amin ngayong umaga, MMDA Chairperson Benhur Abalos. Mabuhay po kayo, sir!
MMDA CHAIRMAN ABALOS: Salamat po. Ingat po tayong lahat! Thank you.
USEC. IGNACIO: Kumustahin naman po natin ang unang araw na boluntaryo na lamang ang pagsusuot ng face shield sa public areas. Nasa Quezon City si Patrick de Jesus, live. Patrick:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Dumako naman tayo sa huling tala ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa. As of 4 P.M. kahapon:
- Umabot na sa kabuuang bilang na 2,818,511 ang mga nagkaka-COVID-19 sa Pilipinas kung saan may naitalang 1,547 na mga dagdag na kaso.
• Nananatili pa rin ang mataas na bilang ng mga gumaling mula sa sakit kaysa na-hawahan na nasa 2,601 kahapon kaya umabot na ito sa 2,745,777 total recoveries.
• 128 naman po ang mga bagong nasawi, sumatotal ay may 45,709 total deaths na.
• 27,025 o 1% sa kabuuang kaso ay nananatiling aktibo at kasalukuyan pang nagpapagaling.
Kahapon po naganap ang unang araw nang pagbabalik ng face-to-face classes sa ilang lugar sa bansa. At para alamin po ang initial assessment ng Kagawaran ng Edukasyon dito, makakausap po natin sina Education Secretary Leonor Briones, Undersecretary Revsee Escobedo, Assistant Secretary Malcolm Garma at Regional Director May Eclar. Magandang umaga po sa inyong lahat.
Kumusta po iyong naging pagtanggap ng mga guro, estudyante at magulang sa muling pagbubukas ng public schools sa face-to-face classes; ano po iyong initial assessment dito?
DEPED SEC. BRIONES: Ang initial assessment namin ay [garbled] ang target natin sa mga public schools ay 97 ang natuluyan kahapon na talagang nag-umpisa ng [garbled] so that [garbled] percent and very, very high. Tapos iyong tatlong schools dinefer muna namin dahil may mga teachers na nag-positive so ni-repeat sila, instruct at ito ay nagiging opportunity namin na iigting iyong aming mga emergency measures [garbled] challenges kasi ganoon naman ang purpose ng pilot.
By next week, by November 22, iyong 100 kumpleto na kasi right now repeat test ang tatlong teachers. We are very confident na matutuloy din sa tatlong ito so 97 schools ang nagbukas kahapon. It is 5,000 learners, almost a thousand teachers, 900[garbled] teachers, 5,000 learners which is a very good [garbled] are conclusions [garbled] sa aming [garbled].
I-expand din eventually ang coverage. So, we consider it very, very successful, iyong deferment, tatlong mga schools at ito ay pinag-usapan ng local government at saka ng Department of Health, DepEd. Ang advise ay by November 22, hahabol na itong tatlong schools. Isa pang magandang balita, ayon sa [unclear] ang Presidente mismo ang nag-approved ng aming recommendation at ng Department of Health, kaming dalawang agencies, hayaan na ang dalawang departamento na mag-guide, mag-assess ng mga additional schools na isasama sa pilot, nai-expand ang coverage ng pilot.
So, mas mabilis na siguro ang decision-making at excited na excited na ang lahat. Ang pinaka siguro, Usec. Rocky ang mga kabataan, kasi sila magkikita iyong mga fellow children at gusto nila makabisita sa school and it’s a wonderful day for everyone in pilot schools. So iyon ang maganda, at sa pahayag ng Presidente na iyong dalawang departamento, they decided sa i-extent ng pag-i-expand ng pilot implementation. And eventually, kami rin, ang aspiration namin ay by 2022, sa next academic school year or next year ay ma-further expand. Ang ating aspiration is iyong buong bansa na ang papayagan. Thank you.
USEC. IGNACIO: Opo. Para naman po kay Director Eclar: Sa Central Luzon po ba ay ilang paaralan na ang nagsimula sa face-to-face classes at kumusta po iyong first day nito sa rehiyon kahapon?
DEPED REG. DIR. ECLAR: Magandang umaga, Usec.
Sa rehiyon, actually isang division lang, sa isang probinsya lang tayo nagkaroon face-to-face piloting, ito ay sa dibisyon ng Zambales. Sampung schools dapat ito, pero iyong tatlong schools kung saan nagkaroon ng postponement, kasi doon sa dalawa kasi nagkaroon ng positive case by antigen test at iyong isang eskuwelahan naman ay parang may direct contact doon sa nagkaroon na ng contact doon sa isang school kung saan iyong isang nag-monitor. Kaya tatlo iyong na-postpone.
Pero ang balita ko, ngayon lang [ayon sa] ating SDO Zambales na iyong San Marcelino High School kung saan ito ay kabilang doon sa mga na-[postpone] ay maganda ang resulta. Negative na sila sa RT-PCR test, so ang [unclear] gamit iyong RT-PCR test result nila. Pero ang advice po ng ating local health office ay mag-home quarantine sila para makasigurado. Kaya itong sa San Marcelino High School (unclear). Ang Banawen Elementary School ay dito po sa San Felipe, nagkaroon po ito ng contact sa bumisita, direct contact. So just to assure na talagang maayos at malinis iyong ating mga teachers na aakyat doon sa Banawen Elementary School. [Unclear]
USEC. IGNACIO: Opo. Director, babalikan ko na lang po kayo ano po.
May tanong po naman si Evelyn Quiroz ng Pilipino Mirror para po kay Secretary Briones: Secretary Briones, you stated po in a press release that the Department of Education will implement face-to-face classes with safety measures in place. What exactly are these safety measures?
DEPED SEC. BRIONES: Isang taon na namin iyang paulit-ulit na sinasabi kung ano iyong mga measures na iyan. On the part of the Department of Health, kailangan talagang may clearance galing sa Department of Health on the safety assessment of the school. So, mayroon silang mga standards. On the part of the Department of Education, gusto naming ma-secure, narinig naman natin kanina ang concerns ni Metro Manila Chair Abalos, gusto naming ma-secure na papayag ang host local government, hindi kami papasok at mag-face-to-face without the consent and cooperation of the local government.
Isa pang requirement namin sa DepEd na alam ko hindi niri-require sa ibang bansa dahil mandatory itong mga policies na ito ay kailangan may written consent ang parents. Pang-apat pa, pangsunod na aming requirement sa sarili namin, ang aming facilities kailangan ay appropriate for face-to-face lalo na sa distancing, supply of water, lahat-lahat iyan i-inspect natin. Iyon ang mga precautions we have been doing for the past year. At saka just last week, ang aming mga opisyal sa central office at saka sa regional office in-inspect itong 100 schools.
Kaya nga makikita natin na binababaan, pinapaliitan ang number ng mga samples schools dahil sa mga requirements na ito. So, very stringent at saka mayroon tayong contingency plan na hindi puwedeng magbukas ang isang eskuwelahan kung walang contingency plan just in case there are unexpected development. May development at alam kung ang ano ang gagawin. Kaya ang involved dito directly hindi lang ang Department of Education, kung hindi ang Department of Health as well at the Department of Interior and Local Government. Dahil hindi kami gagalaw kung walang permiso sa mga local governments.
At saka finally, kami naman nag-i-urge, nanawagan sa lahat ng nagsi-serve ng ating mga schools, nagsu-supply, halimbawa iyong canteen hindi namin ina-allow at this time, transportation services ay sumunod sila sa health protocols.
So, kitang-kita na ito ay hindi lamang responsibilidad ng Department of Education, pero may say talaga ang Department of Health kung safe ang isang school o isang lugar, nasa [risk assessment iyan] at saka may permiso ng local government at saka written can consent ng mga parents mismo. Thank you.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, may pahabol lang pong tanong: Pero iri-require po ba daw ng DepEd an paggamit pa rin ng face shields sa loob ng classroom kahit daw po ito ay ni-lift na ni Pangulong Duterte iyong paggamit at gawin na lang boluntaryo?
DEPED SEC. BRIONES: Sinusunod natin ang patakaran ng Presidente at ang face shield ngayon ay voluntary on the part of [unclear]. Kasi uncomfortable iyan para sa mga bata, kung hindi naman tama ang place, nakikita naman natin kung paano minsan nilalagay, even by adults ang face shield na hindi naman nakakatulong. So, voluntary na lang iyon. But of course sa mga lugar na matataas ang risk assessment, hindi naman talaga papayagang buksan ang pilot school in the first place. So lahat ng possible precautions, tini-take na natin.
So, to be cautions, i-maintain na natin on the matter of all the face shields, kailangan may gamot, kailangan may tubig ang isang eskuwelahan na available, malapit sa isang health center etc. Iyan ang hinahanap namin talaga sa mga schools kung saan tayo nag-umpisa ng ating pilot study and hopefully i-expand natin kung madagdagan natin ang mga number of schools na maka-comply at ma-approve ng Department of Health.
Halimbawa, USec. Rocky, by November 22nd susunod na iyong mga 12 private schools na pipiliin din ng Department of Education. Nakapili na kami pero, ni-refer namin iyan sila sa Department of Health. Ganoon din sa mga international schools, kailangan talaga may clearance from the Department of Health at may risk assessment. Para sa atin iyong ang importante na consideration, the health of the children and of course our teachers and [garbled] is paramount and the community itself. Thank you.
USEC. IGNACIO: Opo. Para naman po kay ASec. Garma: Kumusta naman po iyong paghahanda ng mga private schools sa pagbabalik nila sa face to face classes?
DEPED ASEC. GARMA: Maganda umaga USec. Rocky at sa mga tagasubaybay ng Laging Handa at una nabanggit ng ating Kalihim na iyon pong 20 pribadong paaralan na sasama dito sa ating pilot run ng face to face classes ay patuloy na nagsasagawa ng kanilang mga last minute preparation for the November [garbled] ‘no.
At siguro mamumungkahi ko rin po na kami sa Kagawaran ng Edukasyon ay maari din po namin masiguro na itong mga pribadong paaralan na ito para masiguro na tutugma iyong kanilang paghahanda o preparasyon doon sa paghahanda at preparasyon ng ating mga pampublikong paaralan. So, umaasa rin po kami na madagdagan iyong bilang ng mga private schools that will participate in the pilot face to face classes USec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Opo. Para naman po kay USec. Escobedo: Kailan naman po kaya mapagdidesisyunan kung kailan puwedeng magsasagawa ng pilot testing ng limited face to face classes dito sa Metro Manila?
DEPED USEC. ESCOBEDO: Magandang umaga USec. Rocky. Tama po kayo kinu-consider namin na ang lahat ng rehiyon na magkaroon na ng pilot testing pero mahalaga muna na magkaroon kami ng assessment dito sa 100 schools ng aming pilot for related face to face classes. Base sa mga ulat na ibinigay ng 12 regions, naging smooth iyong ating opening ng face to face classes sa 97 schools and magandang karanasan ito at maging tuntungan na rin kung paano natin i-expand ito lalo na kung halimbawa may mga request ang mga Mayors ng NCR na mag-pilot testing kahit isa sa bawat lungsod.
Iyon ay magkakaroon muna kami ng initial assessment para mayroon kaming susundin—mayroon naman kaming sinusunod na alituntunin pero mas maganda na kapag nag-expand kami ano pa ang mga dapat namin i-improve at ano pang mga dapat naming ilagay o idagdag sa mga alituntunin.
Mamaya USec. Rocky, magkakaroon ng meeting kami ng mga regional directors at ilang kasama sa executive committee para pag-usapan na rin iyong expansion at ano iyong mga dapat i-improve noong nagbukas tayo ng pilot face to face kahapon; so, iyon USec. Rocky, pag-uusapan namin.
USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa inyong pagsama ngayong umaga, Education Secretary Leonor Briones, Undersecretary Revsee Escobedo, Assistant Secretary Malcolm Garma at Regional Director May Eclar, mabuhay po kayo at stay safe po.
Isang oportunidad naman ang handog sa atin ng Government Service Insurance System o GSIS lalo na sa panahon ngayon na tumitindi ang pangangailangan sa teknolohiya dahil online ang halos lahat ng bagay. Mayroon na po silang pautang para may pambili ng computer ang kanilang mga miyembro. Para ipaliwanag sa atin ang detalye ng programang ito makakasama natin ngayon umaga si Mr. Deity Manampan, ang Officer In-Charge po ng Visayas Office ng GSIS. Magandang umaga po sir!
GSIS VP MANAMPAN: Magandang umaga USec. Rocky, at sa lahat ng nanunood ng Laging Handa PH. As-Salaam-Alaikum.
USEC. IGNACIO: Opo. Ano po ba itong GSIS Computer Loan?
GSIS VP MANAMPAN: Ma’am, ito po ay programang inilunsad kasabay nitong COVID, ang intention po nito is para po mabigyan ng computer equipment, printers or upgrading iyon pong government employees natin specially nagwu-work from home and more than that, di ba may mga anak po silang nag-e-enroll sa online classes makakatulong din po ng malaki ang ating computer loan, iyon po ang intensiyon ng programang ito.
USEC. IGNACIO: Opo. So, ano po ang maximum amount na puwedeng ma-avail sa GSIS Computer Loan?
GSIS VP MANAMPAN: P30,000 po ang puwedeng i-avail ng ating mga miyembro. At ma’am, bibigyan ko lang po kayo ng data as of yesterday nasa 282 members lamang po ang nabigyan ng loan at that’s amounting to about 8.4 million. So, million po ang pinondo ng GSIS, bakit nasa 282 pa lang po iyong naglu-loan ng computer loan. Ako po ay nananawagan na i-avail na po ito sa lalong madaling panahon.
USEC. IGNACIO: Opo. So, pero sir, magkano po iyong interest rate ng GSIS computer loan?
GSIS VP MANAMPAN: Nasa 6% per annum lang po siya USec. Rocky, ang baba po compared iyong mga loans sa labas, it’s just 6% per annum.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, sino po daw iyong puwedeng mag-avail ng GSIS Computer loan?
GSIS VP MANAMPAN: Iyon po ang pinaka-importante, number 1 dapat permanent employees lang po. Permanent employees na at least nakabayad ng at least 3 buwan na social insurance contribution or GSIS premiums. At the time of the loan dapat hindi po siya nagka-leave without pay, ibig sabihin inactive service siya at the time of the application. Wala po siyang pending na kaso, walang admin case or walang criminal case.
Alam po ng mga agency kung sino-sino iyong mga kasamahan nilang may kaso. Dapat po if mayroon siyang GFAL is active po iyong GFAL niya, hindi po in-arrears at wala po siyang past due loan o pinapayagan lang pong magkaroon ng past due is iyong housing loan mo because collateralized naman po iyon and then finally, ang pinaka-importante po dito is dapat kaya ng take home pay. Ibig sabihin sumusunod po tayo sa GAA or General Appropriation Act na hindi bababa sa P5,000 iyan po iyong magiging resulting net take home pay once nag-avail ka ng computer loan.
USEC. IGNACIO: Pero sir, ang tanong po ay paano makakapag-apply ng GSIS Computer Loan?
GSIS VP MANAMPAN: Ma’am, mayroon available pa po siya sa—puwede po kayong pumunta sa mga GSIS branches or sa NCR sa Pasay, puwedeng over the counter pero mas gusto namin iyong contactless filing. So, ibig sabihin puwedeng thru drop box lang or puwedeng thru E-GSIS Mo or iyong tinatawag which an online platform. Puwede rin thru the Kiosk, available na po siya sa Kiosk ang Computer Loan at puwede rin pong mag-email sa mga GSIS branches kung saan po kayo under.
So, maraming pong ways, per convenience po iyong papaano ninyo aplayan iyong computer loan and sana mahabol po natin ma’am na we are enhancing GSIS Touch na puwede na po thru your cellphone thru your mobile phone puwede na pong mag-apply ng computer loan. Pero, it will be announced before the year end kung hangga’t kaya pa sa GSIS Touch.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero pag may mga katanungan po o nais na karagdagang impormasyon, ano daw po ang kanilang puwedeng gawin?
GSIS VP MANAMPAN: Well, number one mayroon po kaming GSIS Facebook page at saka halos lahat po ng lahat ng GSIS branches sa buong Pilipinas pati po iyong mga extension offices namin mayroon po kaming kaniya-kaniyang sariling Facebook pages, puwede po kayong mag-inquire doon, puwede rin po kayong mag-check sa aming websites at www.gsis.gov.ph.
Aasahan ninyo po na magkakaroon ng bagong mukha ang aming Facebook page before the—sa pag-launch namin ng aming GFAL Program this coming November 30. Puwede rin po kayong tumawag sa Manila iyong 88474747. Iyon po sa mga branches as I mentioned mayroon po kaming sari-sariling mga phone numbers na puwede ninyong i-access at makikita sa aming websites and puwede rin po kayong mag-email diretso sa GSIS Cares at gsis.gov.ph.
USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa pagbabahagi ninyo sa amin, Mr. Deity Manampan, ang officer-in-charge ng Visayas office ng GSIS. Mabuhay po kayo.
GSIS VP MANAMPAN: Ma’am, pahabol lang po.
USEC. IGNACIO: Go ahead po.
GSIS VP MANAMPAN: Hanggang December 31, 2021 po ang programa naming ito. So, madaliin po natin sayang, it’s just a P30,000 at 6% per annum lang po. Maraming salamat po at ingat po kayo.
USEC. IGNACIO: Opo, salamat po.
Samantala, sa pagtakbo naman ni Senator Bong Go sa pagkapangulo, siniguro niya sa publiko na itutuloy niyang isakatuparan ang aniya’y mga pamana ni Pangulong Duterte sa taong bayan. Alamin natin ang kaniyang pahayag sa report na ito:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Pinabulaanan naman po ni National Defense Secretary Lorenzana ang ipinahayag ni Retired Lt. General Antonio Parlade Jr., ukol sa umano ay pagkontrol umano ni Senator Christopher Bong Go sa mga ginagawang decision ni Pangulong Rodrigo Duterte.
[VTR]
USEC. IGNACIO: Nilinaw din po ni Secretary Lorenzana na ang Armed Forces of the Philippines ay non-partisan at nananatiling professional na organisasyon na nangangalaga sa interest ng bawat Pilipino.
[VTR]
USEC. IGNACIO: Kinontra din ni Sen. Go, ang naging akusasyon ni Parlade. Aniya, sinusuportahan lamang niya ang mga decision ng Pangulo.
[VTR]
USEC. IGNACIO: Sinabi naman po ni Sen. Go, na nirirespeto niya si Parlade at ayaw niyang makipag-debate dito.
[VTR]
USEC. IGNACIO: Parehong naghain ng kandidatura sina Ret. Lt. General Parlade, at Senator Bong Go.
At dito na po nagtatapos ang isang oras nating makabuluhang talakayan para pag-usapan ang mga napapanahong isyu sa bansa.
Paalala lamang na patuloy tayong mag-ingat at manatiling ligtas dahil 39 days na lamang po at Pasko na.
Muli, ako po si Usec. Rocky Ignacio, magkita-kita tayo muli bukas dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.
###
—
News and Information Bureau-Data Processing Center