Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location People’s Television Network (PTV), Quezon City

USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas, at sa lahat po ng ating mga kababayan saan mang panig ng mundo. Muli po nating hihimayin ang pinakamaiinit na isyu sa bansa ngayong araw po ng Lunes, November 15. Ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio. Simulan na po natin ang balita’t talakayan dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.

Noong pong Sabado ay inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force of Managing Emerging Infectious Diseases ang bagong alert level system na ipatutupad sa mga piling rehiyon sa bansa hanggang sa katapusan ng buwan ng Nobyembre.

Base po sa pinakahuling resolusyon ng IATF, simula noong November 13 ay Alert Level 2 na ang Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Dagupan, Ilocos Norte, Tacloban, Southern Leyte, Western, Eastern at Northern Samar, Ormoc City, Leyte, Biliran, South at North Cotabato, Sarangani, General Santos City at Sultan Kudarat.

Taliwas naman sa panawagan ng business sector, Alert Level 2 pa rin ang paiiralin sa buong Metro Manila simula ngayong araw hanggang November 30. Sasailalim pa rin sa Alert Level 2 ang Nueva Ecija, Bataan, Aurora, Pampanga, Bulacan, Tarlac, Zambales, Olongapo, Angeles City, Rizal, Cavite, Laguna, Batangas, Quezon, ang mga siyudad ng Lucena, Bacolod at Iloilo City, Negros Occidental, Capiz, Antique, Aklan, Iloilo Province, Guimaras, Negros Oriental, Lapu-Lapu, Cebu at Mandaue City, Cebu Province, Bohol, Cagayan de Oro City, Misamis Occidental, Lanao del Norte, Bukidnon, Camiguin, Misamis Oriental, Iligan City, Davao del Norte, Davao de Oro, Davao Occidental. Gayun din po ang Davao City, Davao del Sur at Davao Oriental.

Alert Level 2 pa rin po simula ngayong darating na Miyerkules, November 17, ang Santiago City, Cagayan, Isabela, Albay, Sorsogon, Naga City, Camarines Sur at Camarines Norte, Masbate at Zamboanga del Norte, Zamboanga Sibugay at Zamboanga del Sur.

Simula ngayong araw ay Alert Level 3 naman ang paiiralin sa Baguio City at sa Siquijor. Habang sa Miyerkules din sisimulang ipatutupad ang Alert Level 3 sa Batanes, Quirino, Nueva Vizcaya, City of Isabela at Zamboanga City.

Idineklara naman bilang Alert Level 4 ang Catanduanes simula November 17 hanggang 30.

Nitong nakaraang Linggo lang po nang inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang unti-unting pagpapatupad ng alert level system sa buong bansa:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Ilang mga biyahero naman ang nagrireklamo dahil sa umano’y mabagal at ikaw nga nila’y pahirap na pagkuha ng VaxCertPH certification. Ang ilang lokal na pamahalaan kasi po ay nagkakaproblema umano sa pag-i-encode ng datos ng mga bakunado nilang residente, alamin po natin ang pinagmulan niyan mula po kay DICT Undersecretary Manny Caintic. Good morning po, Usec.

DICT USEC. CAINTIC: Magandang umaga, Usec. Rocky. Salamat sa pag-imbita sa akin ngayon dito ngayong umaga.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., may nais daw po kayong klaruhin patungkol dito sa VaxCertPH?

DICT USEC. CAINTIC: Marami, may iilan akong gustong kailangan ayusin at klaruhin para sa ating mamamayan. Una sa lahat, hindi pa rin tayo nagdideklara ng national rollout kasi ang tinututukan pa rin natin is iyong mga biyahero na balak umalis.

Ang unang tanong: Kailangan ba talaga para makaalis? Linawin ko po: Hindi pinipigilan ng ating mga ports of exit ang pag-alis mo using your vax cert. Ang nangangailangan ng vax cert iyong pupuntahan mong lugar kung kaya importante na tingnan mo muna, alamin mo muna kung halimbawa iyong pupuntahan mong lugar ay naghahanap ng digital vaccine certificate, na iilan lang po at ipiprisenta po namin iyan doon sa ating VaxCert website.

Ang mas kailangan din natin iyong vax cert is kung halimbawa bumiyahe ka at gusto mong bumalik eh para makatipid ka sa iyong magiging quarantine status, kasi I think iba iyong magiging requirement para sa mga bumiyahe at bumalik at nabakunahan na dito sa Pilipinas – mas maiksi ang inyong quarantine requirement.

Pangatlo, mayroon din pong katanungan kung nangangailangan na ba ang vax cert sa domestic. May mga iilan na po kasi tayong mga LGUs na nagri-require ng vax cert sa halip na humingi pa ng RT-PCR test. Malaking bagay ito kasi alam naman natin may kamahalan ang RT-PCR test. So may iilang mga lugar na tunay ng Panay, Boracay na sa halip na RT-PCR ay iyong vax cert na ang puwede mong iprisenta para makapasok ka. So ikinagagalak po nating ibalita iyon.

Pero ang kailangan ko rin pong …nananawagan ako sa ating mga LGUs, iyong hindi po pagkakuha ng vax cert ay talagang ang sanhi niyan ay ang hindi maayos at hindi kumpleto na pagka-upload ng kanilang mga records ng mga nabakunahan nila in their jurisdiction. Kung kaya nananawagan kami sa LGUs, katulong natin dito ang DILG at DOH, na talagang magtalaga ng sapat na katauhan on data encoders ang ating mga LGUs. Habulin ninyo po, mga alkalde, ang inyong data sa paglaan po ng tamang data encoders. Unahin ninyo po iyong mga backlog kasi kung malaki ang backlog, halimbawa 30% sa inyong datos ang hindi ninyo po naipadala ay talagang 30% din agad-agad ang chance na hindi makakakuha ang isang constituent … iyong mamamayan ng inyong lugar.

Panlima, gusto kong klaruhin: May bayad ba ang vax cert? Libre po ito. Wala po tayong hinihinging kabayaran para dito. Libre ang bakuna, dapat lang libre rin ang vax cert. At i-report at isumbong ninyo po sa amin sa DICT, sa tanggapan namin itong mga nagki-claim na ngayon – may mga iilan na mga nagki-claim na fixers – na sila daw ang mag-aayos ng inyong vax cert. Hindi po totoo iyon, wala pong bayad ang ating vax cert. Ang atin lang dito eh matulungan natin ang lahat ng ating mamamayan.

At pang-anim, may mga na-report na rin sa amin na may mga iilang eskuwelahan ito na rin ho daw po ang hinihingi para sa enrollment. Wala pa pong IATF resolution or guidelines on that, so, nananawagan ako sa ating mga establishments na huwag pong maging ganiyang restrictive.

At panghuli na lang po, may mga nagtatanong din kung puwede nga ba siyang i-print into an ID size para mas madali mong bitbitin. Tulad ng sinabi natin noon pa, kayang-kaya po iyang i-print basta malinaw lang para mas madali ninyong mabitbit kung bumibiyahe kayo at or umaalis kayo at pumapasok kayo sa inyong mga tanggapan.

Maraming salamat, Usec. Rocky, sa pagbibigay sa atin ng pagkakataon.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., may estimate po ba tayo kung ilang porsiyento pa ng mga nabakunahan ang hindi pa po nakapag-upload ng data ng mga LGUs sa vaxcert.ph system? At saan-saan pong mga LGU po ito? Puwede po ba nating banggitin? At kung na-identify ninyo po ba kung ano po iyong nagiging problema nila sa pag-upload? Kasi ang alam ko po iyong iba ay may data na, iyong ibang LGU mukhang nahihirapan pa, hindi pa nakakapagbigay ng data?

DICT USEC. CAINTIC: Marami pa rin po, Usec. Rocky. Hindi tayo naiinis at naiintindihan natin ang ating mga LGU.

Una sa lahat, mahirap magbakuna at naghahanap tayo ng paraan para makapagbakuna nang mabilis.

Pangalawa, naghihikayat din tayo ng volunteerism sa ating mga tao na tumulong sa inyong mga LGU. Kailangan natin ng data encoders. Mahirap humagilap ng mga data encoders ang mga LGUs kasi una sa lahat kailangan din natin silang pakainin at kailangan natin silang bigyan ng incentive. Pero I’m sure ang ating mga kapwa dito ay may mga sapat na oras na puwede kayong mag-sign-up sa volunteer work.

In fact, USec. Rocky, gamitin ko na itong pagkakataon na ito. Sa susunod na mga araw magpo-post kami ng sign-up sheet for data encoders para puwede nating italaga sa bawat mga LGU, lalung-lalo na sa mahalagang activity ngayong November 29 to December 1 na tinatawag nating three-day “National Vaccination Days.” Doon, kailangan po natin ng mga almost 50,000 data encoders para matulungan ang ating mga LGUs lalung-lalo na sa mga lugar na kulang ang kanilang mga marunong mag-encode. So, iyon po.

Ang malaking sanhi po talaga is nasa mga data encoding. Nandoon man sa kanila ang datos, hindi pa nila nailagay sa system, hindi pa nila nailagay para mai-upload. Nasa mga 30% na naman ulit ang ating mga backlog ng ating mga LGUs.

Pero sa Maynila po, ikinagagalak ko na ang taas na talaga ng ating submission rate. May mga iilang cities na 100%, perfect ang kanilang mga submissions. So, kung may tawag man, ano lang, rectification lang, may kaunting mali lang sa spelling o maling date ng pagka-encode ng kanilang mga encoders.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., mayroon lang pong clarification na hinihingi si Leila Salaverria po ng Inquirer, ito po: Ano daw po ang puwedeng gawin ng tapos ng magpabakuna pero hindi pa rin po uploaded ang data? Paano po sila makakakuha sa vaxcert.ph?

DICT USEC. CAINTIC: Doon po sa vaxcert.ph, Usec. Rocky, mayroon po doong proseso para puwede nilang i-upload iyong kanilang scanned copy ng kanilang vax cert. Pero bigyan po natin ng sapat nga na oras ang isang LGU. Pero sa kasalukuyan parang nahihirapan po talaga ang LGU. Tulad nga ng sinabi ko, kulang ang data encoder, so binibigyan namin sila ng mga up to five days now, pero may mga iilan pa ring hindi.

So, malaking tulong na ibigay na i-upload ninyo ang inyong vaccination card kasi iyon naman ang katibayan na nabakunahan kayo nila, ng LGU mo na iyan, so para kapag itinawag namin sa LGU ninyo eh madali nilang mahanap at maisaayos ang datos mo.

USEC. IGNACIO: So, ang sinasabi mo, Usec., halimbawa ako, personal ko nang ia-upload dito sa vaxcert.ph para mas madali, hindi ko na po hihintayin iyong aking LGU pa? Puwede na pong gawin iyon ng isang individual?

DICT USEC. CAINTIC: Hindi po puwedeng siya ang mag-rectify ng record niya pero iyong pag-upload mo ng vaccination card na ibinigay ng LGU sa iyo ay makakatulong para doon sa LGU na, “Okay, i-encode ko nga ito,” parang ganoon, kasi para mas mapabilis.

Pero hinihikayat po natin na tutok muna tayo doon sa mga bibiyahe kasi sila po ang mas nangangailangan, huwag muna nating dagsain. Kung hindi ka naman bibiyahe, hindi ka naman lalabas-labas kung saan-saan, huwag muna nating dagdagan ang pressure sa mga LGU.

Importante po ngayon, in support of the national vaccination drive, ang mahalaga is mabakunahan muna. Kung hindi ka naman nangangailangan, hindi ka naman pala aalis, huwag muna ikaw magmadali din kumuha ng vax cert.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., how about daw po iyong mga agencies or private organization na tumulong din sa vaccination drive ng gobyerno? Namo-monitor ninyo rin po ba kung naisusumite nila iyong datos sa respective LGUs na kinabibilangan nila? May mga nabakunahan di po kasi na nagsabing hindi po nila ma-locate kung saang LGU ipinasok ang kanilang data kaya hindi nag-a-appear sa portal.

DICT USEC. CAINTIC: Opo. Mayroon po kaming tally on that. Kinakausap po namin itong mga agencies na ito, mga private entities na ito. Hinihikayat po natin, tinutulungan po natin sila para ma-ensure na ma-upload nang maayos.

Katungkulan din po ng private entity na iyon, for example company “A”, nagbakuna kayo sa Makati, katungkulan din noong company A na sabihin sa kaniyang empleyado na kahit taga-Bulacan ka pero naalala mo dito ka binakunahan sa Makati, hanapin mo sa Makati, parang ganoon po. I-educate din ang ating mga empleyado.

Thank you po.

USEC. IGNACIO: Usec., papaano po ang ginagawang paraan ngayon ng DICT para maresolba ang problemang ito at para daw po maging tuluy-tuloy ulit iyong pagkuha ng vax cert?

DICT USEC. CAINTIC: Ang atin pong nagagawa, Usec. Rocky, is pagtutulong sa ating mga LGU ng data encoders. Kaya nga kung ang malaking suliranin talaga nila eh kakulangan sa sapat na tao para mag-encode, eh tayo na po mismo ang tumutulong din maghanap na ngayon ng mga data encoders for them.

Pero at the end of the day, simula’t-sapul, noong nag-umpisa ang national vaccination drive, national vaccination effort, alam naman po talaga ng mga LGU na apart from the vaccination team, iyong magtuturok, kasama po sa kanilang tungkulin eh maghanap ng tamang data encoders at para ma-upload kaagad ang datos ng kanilang nabakunahan.

Kasi, Usec. Rocky, dagdagan ko lang, apart from sa listahan ng mga nabakunahan, marami pa po kaming hinihinging datos sa mga LGUs, tulad ng iyong stock level ng kanilang mga supplies nang sa ganoon ay mare-replenish natin sila nang maayos.

So, hindi po ako magpupuntirya ng specific na LGU ano, kasi hindi natin iyon ugali. Ang atin lang dito eh nananawagan tayo sa mga LGUs na maging masinop sa pagpapadala ng kanilang mga datos. Para din naman sa kanila ito at para sa kanilang mga constituents.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec, ito bang vax cert ay recognized rin ng One Health Pass system ng DOH at ng Bureau of Quarantine para po sa mga galing abroad? May mga ilang reports po kasi na nagsasabi, hindi raw umano ito kinikilala ng One Health Pass?

DICT USEC. CAINTIC: Nakikipag-usap po kami at nagko-coordinate with the DOH Bureau of Quarantine. Ayusin ko po itong mga report na ito, pero sa pagkakaalam ko maayos na po ang aming coordination on that.

Dapat po kinikilala nila ito bilang pruweba na nabakunahan ka dito sa Pilipinas. Kasi, Usec Rocky, ulitin ko lamang din ito, nasabi ko na ito dati na ang vax cert ay hindi po sistema ng DICT, sistema po ito ng DOH, gawa ng DICT at mini-maintain para sa kanila.

Kaya po siya naging mabisang sistema at recognized ng World Health Organization ay dahil ang vaccine certificate ay no less than a system owned by DOH, but operated and maintained by DICT for the DOH.

USEC. IGNACIO: Opo. USec., paano kung hindi pa rin po tanggapin ng LGU o ng point of destination nila iyong vaccination cared lang, saan po kaya sila puwedeng lumapit?

DICT USEC. CAINTIC: Doon na rin po sa VaxCert na call center or iyong DOH hotline na nagsi-share naman po kami at pinapasa naman po namin ang ating mga call sa isa’t-isa.

USEC. IGNACIO: USec, basahin ko lang po, may tanong po si Evelyn Quiroz mula sa Pilipino Mirror para sa inyo: Malacañang daw po is considering a 3-day non-working holiday from November 29 to December 1st to be designated National COVID-19 Vaccination days and will mobilize the entire government to ramp up its inoculation drive. Ano daw po ang role ng DICT sa nasabing drive?

DICT USEC. CAINTIC: Okay, tama, Usec. Rocky, ito iyong nabanggit ko briefly kanina ‘no. Itong November 29 to December 1, is a challenging effort, but a very worthwhile effort. Gusto nating makapagbakuna ng limang milyong jabs kada-araw mula November 29, 30 and December 1. Wala pong pasok ito for certain—it’s really parang vaccination holidays.

Ang trabaho po ng DOH, sila ang maghahanap ng magbabakuna, sila ang nagse-set up ng vaccination sites, karagdagang vaccination sites. Pero ang trabaho po ng DICT is we make sure na in every 4 hours na ire-report namin kung kumusta ang takbo ng ating mga pagbabakuna at importante rin po at the end of the day, 12-hour vaccination day ay lahat-lahat kaagad ng mga vaccination line list, iyong record ng kung sino ang nabakunahan ay pumasok agad doon sa feeds o sa vaccination relation registry ng sa ganoon hindi na makakadagdag pa dito sa back log.

Kung kaya, USec. Rocky, katulad ng sinabi ko kanina, naghahanap kami ngayon ng paraan para makahagilap ng 50,000 data encoding volunteers for this three-day event. So we have 14 days to go and we are ramping up our efforts in coordination with various other agencies like the Department of Education, Commission on Higher Education, kasi sila may mga teachers, puwede silang maka-tap ng mga magbo-volunteer at marami pa pong mga iba, like mga Sangguniang Kabataan leaders, as well as also, we are opening the doors for volunteers from the privates like the IT/BPO industry and mga call center industries and everywhere else. So open po siya sa lahat, mayroon po tayong sign up, mayroon po tayong training at mayroon po tayong coordination na gagawin na maayos. Para ang datos pumasok sa ating vaccination operations center.

USEC. IGNACIO: USec. kami po ay nagpapasalamat sa inyong oras at impormasyon. Mag-ingat po kayo lagi, DICT Undersecretary Manny Caintic. Mabuhay po kayo!

DICT USEC. CAINTIC: Marami pong salamat. Ako po ang magpapasalamat sa inyo, USec. Rocky. Thank you.

USEC. IGNACIO: Ngayon po ang huling araw para mag-withdraw ng kanila COC at mag-file ng substitution ang mga kakandidato sa 2022 elections. Kaya tumungo tayo sa opisina ng Comelec sa Intramuros, Maynila para alamin ang pinakahuling pangyayari doon. Magbabalita si Louisa Erispe:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Okay, maraming salamat sa iyong report, Luisa Erispe.

Samantala para po sa mas mabilis at tuluy-tuloy na serbisyo ng GSIS sa ating mga kababayan, alamin naman po natin ang pinakahuling advisory o paalala ng ahensiya sa mga miyembro nito, makakasama po natin mula sa North Luzon Office ng GSIS Luzon Operations Group, si Vice President Isagani Del Rosario. Good morning po sa inyo.

ISAGANI DEL ROSARIO: Good morning, USec. Rocky, isang mapagpalang araw po sa ating lahat at sa mga tagasubaybay po ng ating palatuntunan dito sa PTV 4. Lalung-lalo na po sa ating mga mahal na mga kawani ng pamahalaan na nanunood po ngayon. Magandang umaga po!

USEC. IGNACIO: Opo. Ano po, sir iyong GSIS advisory o panawagan na nais ninyong ibahagi?

ISAGANI DEL ROSARIO: Well, ang GSIS po ay nanawagan sa lahat ng mga pensiyonado at mga miyembro po GSIS na mag-update po ng kanilang contact details, iyon pong kanilang cellphone numbers at iyong kanila pong mga email address.

Ang mga miyembro at pensiyonado na nagpalit po ng kanilang mga cellphone numbers at saka email address ay hinihikayat din po na i-update ang mga ito sa GSIS kaagad-agad.

USEC. IGNACIO: Sir, ipaliwanag natin, bakit po kailangang mag-update ng kanilang contact information?

ISAGANI DEL ROSARIO: Well, USec. Rocky mahalaga po na updated and cellphone numbers at email addresses po ng ating mga miyembro at pensiyonado, dahil dito po maaaring ipadala ng GSIs, unang-una, ang mga sumusunod: Iyong notification status po ng application or transaction. Pati na ng e-crediting po ng proceeds ng loans, claims at mga pension po.

Pangalawa, dito rin po kami nagpapadala ng mga updates sa ating GSIS programs, services at benefits. Mahalaga po ito para sa mga miyembro at ang ating mga pensiyonado ay well-informed at updated po kung ano po ang mga nangyayari sa GSIS. Kapag updated po ang contact details kasi, USec. Rocky masisiguro na ang mga impormasyon related sa GSIS ay matatanggap at hindi po maipapadala sa ibang tao.

Ang email address na nakalagay sa data base po namin ay ginagamit din sa pagba-validate ng mga transaction na natatanggap ng ating mga processors po upang masiguro at matiyak na ang mga ito ay lehitimo, dapat maging maingat din po tayo. Alam po ninyo napakadami pong mga cyber related incidents at ang mga updated email address po at cellphone number ng ilan sa mga personal data—ang mga personal data na ginagamit ng mga impostor po at iyan din naman ay ginagamit din ng GSIS para maiwasan po iyong mga ganoon. Ginagamit po siya para sa validation process ng iba’t ibang transaction po.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir, pero anu-ano daw po iyong mga paraan para ma-update ang contact details ng GSIS members at pensioners?

ISAGANI DEL ROSARIO:  Usec. Rocky, marami pong paraan ang paga-update po ng contact details ng GSIS members at pensioners po ano. Unang-una para sa mga miyembro, puwede pong makipag-ugnayan sa inyong agency authorized officers para po sa electronic submission ng form sa GSIS Membership Department. Puwede rin pong bisitahin ang pinakamalapit na GSIS Wireless Automated Processing System or iyong GWAPS kiosk po natin para i-update po iyong contact details. Para naman po sa mga pensiyonado, puwede pong mag-email sa Handling Branch po, iyon pong mga email addresses po ng mga branch offices po natin ay makikita po iyong listahan sa GSIS website, www.gsis.gov.ph. Puwede rin pong bisitahin kung may oras po sila, puwede po silang magpunta sa GSIS kiosk din po, para i-update ang kanilang contact details.

USEC. IGNACIO: Opo. Dagdag na lang po ‘no, bukod po diyan, kung may katanungan daw po sila o nais na malaman ang karagdagang impormasyon, ano daw po iyong mga puwede nilang gawin?

ISAGANI DEL ROSARIO: Usec. Rocky, maaari po nilang bisitahin ang www.gsis.gov.ph o pupuwede po silang magpadala ng mga mensahe sa GSIS Facebook Page po namin @gsis.gov.ph. Puwede rin po silang mag-email diyan sa GSIS @gsis.gov.ph o pupuwede rin po silang tumawag sa amin pong mga numero 847-47-47 para po sa Metro Manila or 1-800-8847-47-47 para po sa mga Globe at TM subscribers o sa 1-800-10847-47-47 para po sa Smart, Sun  at Talk and  Text subscribers. Ang mga listahan po ng email address na  nasabi ko nga po kanina na mga branch offices  po natin ay makikita din po sa GSIS website www.gsis.gov.ph po.

USEC. IGNACIO: Okay, maraming salamat po sa inyong panahon at impormasyong ibinahagi ninyo sa amin ngayong umaga. Thank you, Vice President Isagani Del Rosario, mula po sa GSIS Luzon Operations Group. Salamat po, sir.

ISAGANI DEL ROSARIO: Maraming, maraming salamat din po.

USEC. IGNACIO: Samantala, tinutulan naman ni Senator Bong Go ang hakbang ng ilang senador na tapyasin ang budget ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict or NTF-ELCAC. Aniya masasayang lang ang mga programang inilatag ng pamahalaan para wakasan ang insurgency sa bansa. Narito ang report:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Base naman sa pinakahuling ng Department of Health, umabot na sa 2,816,980 ang mga nagkaroon ng COVID-19 sa Pilipinas, matapos itong madagdagan kahapon ng 1,926 na mga bagong kaso. Pero 97.4% naman diyan ang recovered na or katumbas ng 2, 743,297 recoveries, kabilang na po diyan ang 3,140 na mga bagong tala na gumaling. 3o9 naman po ang mga bagong nasawi para sa kabuuang bilang na 45,581. Isang porsiyento lang po ng total COVID cases sa bansa ang mga nagpapagaling pa rin mula sa sakit, katumbas ng 28,102 active cases.

Sa nalalapit namang petsa ng itinakdang National Vaccination Day ng pamahalaan, kumustahin po natin ang mga paghahandang ginagawa ng Philippine Medical Association na kabilang po sa mga tutulong para pabilisin ang bakunahan sa Pilipinas. Makakausap po natin si PMA President Dr. Benito Atienza. Magandang umaga po, Doc.

DR. ATIENZA: Magandang umaga po ulit sa inyo.

USEC. IGNACIO:  Doc, unahin ko na po munang itanong ito. Ano daw po ang reaksiyon ninyo sa pagpapanatili ng IATF dito sa Metro Manila sa Alert Level 2 status until November 30?

DR. ATIENZA: Ang inaano lang po natin doon sa ating mga kababayan, kahit po marami na ang nabakunahan po sa Metro Manila ay huwag po nating isama iyong mga bata sa mall lalo po iyong mga walang bakuna na 12 years old ang pababa. Kahit po ito ay malalaki na walang bakuna, huwag po muna lalo na po iyong hindi  pa natin makakayang pabakunahan, wala pa pong EUA 11 and below, kasi po, minsan nakikita po natin mga infants pa ho, kandung-kandong o kaya iyong mga 5 years old, naglalaro po (garbled).

USEC. IGNACIO: Doc, babalikan namin kayo ‘no, kasi sayang po ang mga sinasabi ninyo, medyo choppy po kayo, paumanhin. Babalikan po namin kayo.   

Samantala, ang mga magsasaka naman sa Laurel, Batangas na pinakanaapektuhan ng pag-aalburoto ng Bulkang Taal ang inabutan ng tulong ng tanggapan ni Senator Bong Go kasama po ang ilang ahensiya ng pamahalaan sa pangunguna ng Department of Agriculture. Ang detalye sa report na ito:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Samantala, puntahan naman po natin ang mga balitang nakalap ng Philippine Broadcasting Service kasama si Aaron Bayato ng PBS-Radyo Pilipinas.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Ibinaba na sa alert level ang Davao Region dahil sa mas bumababa na rin po ang kaso ng COVID-19 sa lugar. Bukod dito, herd immunity sa rehiyon, malapit na ring maisakatuparan. May ulat si Hannah Salcedo ng PTV Davao:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Samantala, balikan na po natin si PMS President Dr. Benito Atienza. Doc?

PMA PRESIDENT DR. ATIENZA: Yes. Good morning po ulit!

USEC. IGNACIO: Opo. Paumanhin po kanina ano. Doc, sa palagay ninyo po kaya ay kaya by December daw po na puwede na tayong mag-Alert Level 1 dito sa Metro Manila?

PMA PRESIDENT DR. ATIENZA: Ang hiling nga po natin, kahit anong level ang ipatupad natin, ang hinihiling po natin sa ating mga kababayan lalo po sa mga magulang, huwag po natin munang dalhin sa mga mall ang ating mga anak lalo po iyong mga eleven years pababa kasi wala pong available na bakuna sa kanila.

Kasi sinasabi po natin baka mamaya ma-expose sila. Kung kailangan po nila, dalhin sila sa mga park na iyong maluluwag at kaya po ang social distancing, huwag muna po iyong mga indoor.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero Doc, kailangan ang sinasabi mo at least open air ano po, pero, doc, kumusta naman daw po iyong mga paghahanda ng PMA at ng attached association po ninyo sa three-day nationwide vaccination na mangyayari from November 29 to December 1?

PMA PRESIDENT DR. ATIENZA: Actually po, halos every two days o halos dalawang beses sa isang araw po kami nagmi-meeting. Mamaya pong ala-una magpapa-meeting na naman po ulit si Secretary Galvez kasama po si USec. Myrna Cabotaje para paano po iyong operasyon, iyong kung paano po iyong operations kasama po iyong mga doktor, mga dentist, kasama na rin mga nurses.

At pinakiusapan na din po namin iyong ito pong ating Department of Education na ipagamit po iyong mga schools at saka po iyong—in coordination with the LGU. At sasamahan din po tayo ng mga non-governmental organization na magpo-provide po ng sasakyan. Mamaya may meeting naman po ako mamayang gabi with the rotary po na puwede po silang mag-provide po ng mga sasakyan, mga buses, para magsundo sa mga magpapabakuna.

At saka as of now po, hinihintay na lang po ng DOH iyon pong mga syringes na 0.3, 40 million daw po ang darating according to USec. Cabotaje. At saka po iyong koordinasyon, pati po ang Simbahan, ang CBCP po, ang Catholic Bishops Conference of the Philippines po naglalabas rin po sila ng kanilang pastoral letter para sa mga simbahan para hikayatin even po iyong mga simbahang malalaki – Cathedral – ay puwedeng gawing vaccination center. Ito po ay lalabas na talaga pong multi-sectoral po; ang lahat ay involved.

USEC. IGNACIO: Doc, balikan ko lang po iyong panawagan ninyo sa mga magulang na huwag munang dalhin iyong mga bata dito sa mga mall, iyong mga indoor venue. Bakit po, mayroon po ba kayong report pa na natatanggap na medyo tataas o tumaas po ang mga batang nahahawa o nagkakaroon ng COVID, bukod po doon sa nabalitang dalawang taong gulang na sinabi pong nag-positive sa antigen test?

DR. ATIENZA: Opo. Iyon nga po ang ina-ano natin, kasi kung minsan po sa mga bata, palibhasa mo malakas pa ang resistensiya, ganoon po ay puwede po silang mahawa ng hindi natin nalalaman. At saka po may report po iyong Philippine Pediatric Society na iyong   aged 1 to 4 ay iyon po ang mataas ang cases ng COVID na mayroong mga namamatay na mga bata doon sa age na iyon, mataas ang incidence sa age na iyon, iyong 1 to 4.  Iyon po, mayroon pong inilabas ang Philippine Pediatric Society na statement tungkol po doon sa pagbabakuna at saka po doon sa ating restriction.

USEC. IGNACIO: Basahin ko naman po iyong tanong ni Evelyn Quiroz ng Pilipino Mirror para sa inyo: The Philippine Medical Association daw po recently announced that it would help the government inoculate at least 15 million people in its plan three-day COVID-19 vaccination drive late this month. Do you believe that the target daw po na 15 million people can be vaccinated within the span of three days? At ano daw po ang puwedeng gawin para mas mapabilis pa ito?

DR. ATIENZA: Unang-una po, para po mapabilis ay papayagan po natin iyong mga may agam-agam, sa tulong po ng ating media na hikayatin po natin ang mga ano po natin na magpabakuna at tulungan po ng mga NGO na madala po sa vaccination centers iyong mga tao. Kaya nga po inano po ito na parang eleksiyon, na lahat ng tao, wala tayong iisipin sa tatlong araw na iyon. Kung wala kang bakuna ay magpabakuna at samahan ang mga bata sa bakunahan. Ang aim po nito ay para makaano po, at least 5 million a day, kasi dadagdagan po ang vaccination centers, iyong capacity po ng area at saka dadagdagan din po ang mga encoders, kasi ang kailangan po natin ay mga screener, ang screener po ay mga doctor. Ang mga magbabakuna puwede po, iyon po pinayagan na po ng CHED, iyong mga interns at mga clerks po sa medical schools, saka iyong mga nursing student po na working o nag-i-expose po sa ospital po na puwede na ring magpabakuna, mabibilisan po ang ating pag-rollout.

Kaya po iyong iba ay nagsasawa ay sa mahaba iyong pila at iiksi na po iyong pila kasi marami na po at saka iyong encoder tutulungan na po tayo. Sa ngayon po mayroon tayong almost 8,000 vaccination centers, gagawin pong 11,000. Hindi po kasama diyan ang NCR doon sa kuwentahan na iyan. At inaano po nga natin is iyong malalaking area ang pipiliin at ang pupunta na lang po sa mga ospital ay iyong mga may comorbidities. At inaasahan po namin na lahat po ng vaccinations areas ay may doktor.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, ilang medical personnel po ang maidi-deploy ninyo all over the country sa loob po ng tatlong araw na iyon at kayo po ba ay sang-ayon na talagang puwedeng kunin kahit mga medical nursing students para lang po maging vaccinator? Wala po bang magiging complication dito kung sakali?

DR. ATIENZA: Ang ano naman po doon ay may seminar po sila at may supervision po iyon. Hindi kami papayag na walang supervision. At saka usually po, iyong mga nursing students ay ginagamit naming encoder, ang karamihan po doctor iyong nagbabakuna.

USEC. IGNACIO: Opo. Mga ilan po daw iyong madi-deploy sa buong bansa sa loob ng tatlong araw na vaccination day?

DR. ATIENZA: Doon po sa mga medical interns ang inano lang mga 5,000, iyon po ang pangako po nila. Tapos hindi ko lang po alam sa mga fourth year students po, kasi depende po iyon sa mga ospital eh. At mamaya po ay ia-update po kami ni Secretary Galvez kung paano po mas mapaganda po iyong deployment. Kasi dapat po maingat tayo sa bakuna, kasi special handling po ang nangyayari doon sa Pfizer, kasi dapat sobrang baba iyong temperatura at kailangan po may freezer iyong mga LGU. Iyong iba pong LGU ay walang freezer kaya aasa po sila doon sa provincial, kaya sila po ang magde-deploy, kaya dapat po well-coordinated at pipiliin po iyong area na talagang mababa ang vaccination coverage.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, isa pong hot topic ngayon ay itong paggamit ng face shield. Sa inyo pong opinyon, dapat na po ba itong i-scrap o gawing voluntary na lang po iyong pagsusuot sa buong bansa?

PMA PRESIDENT DR. ATIENZA: Kasi lalo na sa mga bata ay dapat suot pa rin kasi kung lumalabas sila eh dapat isuot lalo na sa mga mall, iyong sa mga maraming tao na area pero ang suggestion nga is kung nasa open air naman siya, face mask na lang. Kung ang distancing naman ay maayos, malalayo, puwedeng naka-mask.

Kaya nga ang sinasabi namin sa medical profession, iyong face shield kasi ano pa rin iyan eh, shield mo pa rin iyan ‘di ba, sa alikabok tapos doon sa ating mga ano natin, indirect contact lalo sa mga ospital. Kaya definitely sa mga ospital naka-face shield pa rin kami.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, although matagal na nga pong ipinatutupad ito, hanggang ngayon ay talagang hindi pa rin daw malinaw kung effective ba ito against the virus. Ano po ang masasabi ninyo dito?

PMA PRESIDENT DR. ATIENZA: Saan po? Doon sa face shield?

USEC. IGNACIO: Opo, sa face shield po.

PMA PRESIDENT DR. ATIENZA: Ang sa face shield po, ang ano po namin, ituloy pa rin natin kasi mayroon na naman sila, ‘di ba gagamitin na lang nila, hindi naman bibilhin nila, dapat linisin lang.

Sa akin po, wala naman pong mawawala kasi proteksyon ko naman kung gagamitin kasi iyong proteksyon mas magaling pa rin. Kasi ako kahit ako nagpi-face shield ako kasi nga proteksyon ko iyon, another layer of protection eh. Kung hindi man sa virus na COVID eh sa ibang sakit kasi maraming inuubo ngayon, sinisipon, makakatulong po iyon hindi lang para sa COVID, para sa ibang sakit.

Katulad po ngayon, kakaunti ang mga may sakit na bata kasi nasa bahay lang sila pero kung nasa eskuwelahan, naghawa-hawa na ang mga iyan. Iyon po lamang ang palagi naming [garbled] bilang paghahanda sa pagkakaroon ng pasukan na face-to-face ay dapat po talagang mabakunahan ang mga bata.

Payagan natin po ang mga bata ay mabakunahan na especially po iyong 12 to 17 years old. Kasi 14 million po iyan eh. Hindi ko po alam kung nakailang milyon na tayo sa mga bata kasi iyong first two weeks, kakaunti pa eh. Nasa almost one month pa po tayong nagbabakuna ng mga bata especially ang tina-target po namin na mabakunahan ay iyong mga may comorbidities kasi wala halos—wala pa sa kalahati ang nabibigyan po ng bakuna na may comorbidities na mga bata.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, kung hindi daw po gagamit ng face shield, ano po iyong mabisang paraan to protect the eyes na sinasabing posibleng entry way din ng virus?

PMA PRESIDENT DR. ATIENZA: Iyon nga po eh [garbled] maging ano natin kasi nga ang inaano natin is third layer iyon, iyong mask, ang second layer tapos ang bakuna iyong bakuna iyong third layer natin na proteksyon.

Iyon ang sinasabi natin. Wala namang mawawala kung isusuot kasi mayroon na tayo, hindi naman na bibilhin iyan eh hindi ba? Lalo kapag lumalabas ka.

USEC. IGNACIO: Opo.

PMA PRESIDENT DR. ATIENZA: Ang inaano natin, sundin pa rin natin ang health protocol kasi kapag naging kumpiyansa tayo masyado, hindi natin sinunod, ay baka mapagaya po tayo sa Europe at saka Austria. Iyon ganiyan, iyong mga part ng Europe na mayroon sila ngayon 30-40,000 a day ng cases, bumabalik.

So, ang inaano pa rin po natin sa ating mga kababayan, sundin pa rin po natin ang minimum health protocol. Magsuot ng face mask, maghugas ng kamay, iyong social distancing at least one meter at saka huwag pong pupunta sa mga kulong na mga areas, dapat po mahangin.

At ang sabi ko nga, [garbled] level—sa parteng ano po, ako po ay galing sa La Union. ang higpit po doon, hindi ka makakakuwan hindi katulad dito sa NCR at sa Southern Tagalog at sa Center Luzon na puwede tayong pumunta ng Manila o kahit saang parte. Doon po kailangan ng RT-PCR at antigen test, hindi po nakakalabas sila, ganoon po sila kahigpit.

Kasi iyon pong ano natin ngayon, ang leveling po natin ay ibinigay po ang discretion sa mga local government units lalo po sa mga probinsiya.

USEC. IGNACIO: Opo. Kami po, Doc, ay nagpapasalamat sa inyong pagsama sa amin at pagbahagi ng impormasyon. Dr. Benito Atienza mula po sa Philippine Medical Association. Salamat po sa inyong panahon, doc.

PMA PRESIDENT DR. ATIENZA: Yes po. Thank rin po!

USEC. IGNACIO: Maraming salamat din po sa ating mga partner agency para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).

Maraming salamat din po sa pagsama ninyo sa amin ngayong umaga. Muli po ang aming paalala na magpabakuna na at manatiling sumunod sa health protocols para po sa mas masayang December lalo na po apatnapung araw na lamang po o forty, apatnapung araw na lang po bago sumapit ang Pasko.

Ako pong muli ang inyong lingkod, USec. Rocky Ignacio. Magkita-kita po uli tayo bukas dito sa lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

 

###

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)