USEC. IGNACIO: Magandang umaga Pilipinas at sa lahat ng ating mga tagapakinig at manunood saan man pong panig ng mundo. Samahan ninyo kami ngayong araw ng Miyerkules, November 10, para sa panibagong talakayan tungkol sa pinakamainit na issue sa bansa.
Sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ako po si Usec. Rocky Ignacio. Mula sa usaping eleksiyon hanggang sa pagbabakuna, aalamin natin ang mahahalagang impormasyon na dapat ninyong malaman. At mamaya muli nating makakasama ang GSIS para pag-usapan ang isa pang programang mas makatutulong sa mga miyembro nito.
Simulan na po natin ang Public Briefing #LagingHandaPH.
Una sa ating mga balita: Personal na binisita ni Senator Bong Go ang mga pamilyang nasunugan sa Antipolo kamakailan. Hinatiran ang mga ito ng ayuda mula sa tanggapan ng senador at sa ilang ahensiya ng pamahalaan gaya ng DSWD at National Housing Authority. Narito po ang report:
[VTR]
USEC. IGNACIO: Usap-usapan sa buong bansa ang darating na halalan [garbled] sa social media ay mainit ang palitan ng diskusyon ng mga netizens. Sabi ng ilan, mahalaga ang may pakialam sa darating na eleksiyon dahil dito po nakasalalay ang kinabukasan ng ating bansa. Kaya naman po ngayong umaga atin pong pag-uusapan ang nalalapit na deadline for substitution ng ilang kandidato at ilan pang usapin sa halalan gaya po ng vote buying, makakasama po natin ngayong umaga mula po sa Comelec Education and Information Department, Director Elaiza Sabile-David. Magandang umaga po, ma’am!
COMELEC DIR. SABILE-DAVID: Magandang umaga rin po, Ma’am Rocky.
USEC. IGNACIO: Opo. Director, kahapon po ay naging laman po ng social media itong nangyaring withdrawal and substitution ng ilang kandidato, para po mas maintindihan ng ating manunood, bakit po ba nagkakaroon ng mga ganitong pangyayari? Hanggang ilang beses lang po ba na maaaring magpalit sa mga tatakbuhang posisyon?
COMELEC DIR. SABILE-DAVID: Nangyayari po iyong mga ganito ‘pag naramdaman siguro ng isang kandidato na hindi na siya karapat-dapat or hindi na niya nais isulong ‘no iyong kaniyang pagtakbo at iniisip niyang mas mayroong ibang makakabuting ibang kandidato na mas dapat ‘no para sa posisyon na iyon. Nangyayari din ito sa isang partido kung naisip nila na—or naisip nila na magpalit din sila ng kandidato para sa isang partikular na posisyon dahil ang substitution hindi lang naman po minsan, personal lang ito sa kandidato – nagiging parte rin po or desisyon din po ng isang partido.
At iyon na nga po, once naman po na nag-substitute ka na or iyong pag-withdraw po at—dati po kasi ang pag-withdraw, ‘pag mayroon na pong nag-substitute doon, once lang po puwedeng—I mean, sorry.
‘Pag mayroon pong nag-withdraw, hindi na po siyang puwedeng mag-substitute. Ngayon po sa bago nating guidelines, iyon pong nag-withdraw na kandidato, puwede rin po siyang mag-substitute pero maari lamang natin itong gawin nang minsan lang po.
USEC. IGNACIO: Opo. So, Director, sa withdrawal po kahapon ni Mayor Sara Duterte, marami po sa ating mga kababayan ang nagpahayag ng damdamin na gusto umano nila na tumakbo ang alkalde for a higher position. Pero si Mayor Inday po ay nasa ilalim ng Hugpong ng Pagbabago na isa pong itong local party; kung tatakbo daw po si Mayor Sara for a higher position, puwede po ba niyang gamitin ang kaniyang partido for the national elections?
COMELEC DIR. SABILE-DAVID: Ang requirement lang naman po sa pag-substitute is dapat kapartido mo iyong kandidato na iyong papalitan na nag-withdraw. So kung ang question dito is kung bang iba iyong partido niya ngayon and then paano po niyang isa-substitute iyong kandidato na nag-withdraw na kabilang sa ibang partido. So maaari naman po mangyari iyon na kahit kinabukasan iba na po iyong partido ng isang kandidato, maaari pong mangyari at puwede na po siyang mag-substitute.
So hindi po problema na kung ang isang kandidato ay kabilang sa kunyari Partido A and then ang gusto niyang i-substitute na kandidato na nag-withdraw ay kabilang sa Partido B, hindi po iyon hadlang para siya po ay mag-substitute. Ang kailangan lang po ay magkaroon siya ng nomination from Partido B para po ma-substitute niya iyong kandidatong nag-withdraw doon. So as long as mayroon nga po siyang nominasyon again noong partido at in-acknowledge naman po ng partido na iyon na siya ay miyembro na noong partido na iyon, maari na po siyang mag-substitute ng kandidato ng partido na iyon na nag-withdraw.
USEC. IGNACIO: Opo. Kamakailan po ay iminungkahi ni Pangulong Duterte ang Comelec na payagan po itong limited in-person campaigning. Naisama ninyo po ba iyan sa binuo ninyong new normal election guidelines?
COMELEC DIR. SABILE-DAVID: Opo. Kasalukuyan pong pina-finalize nga iyon at talagang inaaral po nang mabuti iyong new normal guidelines na iyan. Magkakaroon pa rin naman po tayo pero very limited na lang ito kaya nga po medyo i-exhaust natin iyong mga ibang means and methods or platform for a campaign. Hindi po siya talaga totally’ng maiwasan but we will limit po iyong ating in-person o iyong mga physical campaigning na nangyayari po kadalasan noong mga nakaraang eleksiyon.
USEC. IGNACIO: Opo. Sabi po ay ngayong November ilalabas po ng Comelec ang guidelines nito sa paggamit ng social media sa darating na eleksiyon. So, ano po ba ang balita dito lalo na’t pinangangambahan ang micro-targeting ng mga botante sa kanilang mga accounts?
COMELEC DIR. SABILE-DAVID: Opo. Iyon nga po, malaking challenge nga po talaga sa Comelec itong—especially iyong use ng social media kaya nga po medyo natagalan din po ang paglabas ng ating bagong Fair Elections Act, iyong Implementing Rules and Regulations nito for the 2022 election dahil talaga pong masusi po itong pinag-aralan ng Comelec. At tama po kayo, by this–maybe bago matapos itong buwan ng November eh mailalabas na po ito.
Nabanggit ko po kanina na challenge po talaga ‘no, mahihirapan mag-regulate especially na wala pa po talagang batas on how to regulate the use of social media. Kaya nga po ito ay pinag-aaralang mabuti ng Comelec para kahit papaano magkakaroon tayo nang maayos at epektibo sana na pang-regulate ng paggamit ng social media po especially during this campaign by the candidates.
USEC. IGNACIO: Opo. Direktor, hindi na po bagong bagay sa atin itong vote buying, ano po. It is an election offense at may katapat po itong parusa. Para po mas maintindihan ng ating mga manunood, ano po ba iyong kakaharaping parusa ng mga tatakbo sa halalan sakaling lumabag sila sa mga panuntunan ng Comelec kagaya po ng vote buying o pagbili ng boto o lalo na iyong sinasabi po nating panunuhol?
COMELEC DIR. SABILE-DAVID: Para po sa mga kandidato, dalawa po iyan eh, may administrative aspect po iyan, iyon po iyong sa parte po iyon ng Comelec so maaari po silang ma-disqualify; mayroon din po itong criminal aspect, iyon po is kapag mayroon pong naghain din, nag-file ng kaso against them for vote buying nga, that is a criminal offense na po. At kapag doon na po sa criminal aspect, puwede po silang makulong doon. Pero ang jurisdiction lang po bale ng Comelec is on the disqualification of the candidate, iyon po iyong para sa kandidato.
Dapat din pong malaman ng taumbayan na hindi lamang po para sa kandidato, hindi lamang sila ang napaparusahan sa vote buying. Dahil kahit tayong mga botante, kapag tayo po ay nahuli naman ding tumanggap, kasama po tayo doon at maaari rin po tayong makasuhan ng isang election offense which is punishable po for one to six years imprisonment.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Director, how do we differentiate o nasaan po ang linya sa vote buying at ang sinasabing tulong lamang o ayuda dito sa mga taong nangangailangan?
COMELEC DIR. SABILE-DAVID: Ngayong time na ito kasi, Ma’am Rocky, wala pa tayo sa period ng campaign. So lahat po ng nakikita nating tulong, na ang interpretasyon po ng iba is already vote buying, can only be presumed as still tulong kasi nga po ang donations po, kagaya po ng pagbigay ng ayuda is prohibited lamang po iyan pagsampa na po ng campaign period which is February 8 for national positions and March 25 for the local positions. Nakasaad nga po iyan sa, I think, Section 13 of the Automated Election Law na lahat po ng mga unlawful acts or omissions which are … [technical problem]
USEC. IGNACIO: Opo, Direktor? Okay, babalikan po natin si Direktor.
Director, can you hear me?
Opo, balikan po natin si Director maya-maya lamang.
Samantala, sa usaping pulitika po, kasunod ng pag-atras ni Davao City Mayor Sara Duterte sa muling pagtakbo bilang alkalde ng lungsod, nilinaw ni Senator Bong Go na mabuting hintayin na lamang ang magiging desisyon ng PDP-Laban sa magiging final line up ng partido bago mag-November 15. Ang detalye sa report na ito:
[VTR]
USEC. IGNACIO: Balikan po natin si Director Elaiza Sabile-David.
Direktor, ibigay ko lang po iyong mga katanungan ng ating mga kasamahan sa media. Pasensiya na po, naputol tayo kanina. Ito po iyong tanong ni Karen Villanda ng PTV News: Malapit na po iyong deadline for substitution, ano po ang process for substitution na dapat ay masunod ng mga nag-file?
COMELEC DIR. SABILE-DAVID: Unang-una po iyong kailangan po silang pumunta rin in person, ano po, sa pag-file ng kanilang substitution. At iyon nga po, deadline is November 15, so maaari na pong pumunta roon mula ngayon, actually, after noong natapos iyong filing hanggang November 15. And siguraduhin lang din po na iyong magsa-substitute, kumpleto rin po iyong kaniyang certificate of candidacy pati iyong kaniyang nomination from the party na kung saan po siya ay kabilang na. At dapat din pong malaman siyempre, importante na iyon pong isa-substitute niya ay kasamahan o kapartido po niya iyon.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Joseph Morong ng GMA News: Who can substitute whom? Who cannot substitute? At once substituted, effective na daw po ba iyon kaagad?
COMELEC DIR. SABILE-DAVID: Okay, who can substitute? So, substitute can only substitute a candidate belonging to the same party, so kapartido po niya dapat. Ang puwede pong mag-substitute ang isang kandidato na kahit nag-file na para sa isang position tapos nag-withdraw siya, puwede pa rin po siyang mag-substitute. Dati po kasi, kapag nag-withdraw ka na, you can no longer substitute.
And then, ang isa pang independent candidate cannot be substituted dahil nga, it’s understood, dahil wala naman po siyang kinabibilangang party dahil ang rule is the substitute must belong to a party ‘no at kapartido niya iyong kandidatong isa-substitute. At iyon nga po kung ang substitute, maaari pa rin naman din po siyang [garbled] kung puwede ba siyang mag-file, let’s say for example gusto siyang ipadeklara as nuisance candidate kunwari, hindi pa naman din po final na kapag siya ay nag-substitute iyon na po agad iyon.
So, maaari pa pong magkaroon din po ng mga petisyon nga po ano, for example is to declare that candidate nuisance five days po from the time na siya po ay naghain ng kaniyang certificate of candidacy. Mayroon pa pong ganoong period para po i-contest iyong kaniyang substitution—I’m sorry, ang pagsumite niya ng certificate of candidacy as a substitute.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, ma’am, iyong pinalitan ng magsa-substitute, puwede po siyang tumakbo sa iba pa ring posisyon na kasama pa rin doon sa partido?
COMELEC DIRECTOR SABILE-DAVID: Iyan po ang—Bale, ang question ninyo po is iyong nag-withdraw? Kung maaari siya pong mag—
USEC. IGNACIO: Opo.
COMELEC DIRECTOR SABILE-DAVID: Maaari na lamang po siyang mag-substitute kasi nga ‘di ba filled-up na rin po iyong positions; puwede po siyang mag-substitute pa rin. Gaya ng nabanggit ko po dati, dati po kasi ang rules eh kapag once nag-withdraw, hindi na puwedeng mag-substitute so ngayon maaari na rin po iyon within the same party or baka kung aalis naman po siya at i-adopt naman siya ng ibang partido, maaari po siyang mag-substitute doon sa isang magwi-withdraw po rin; kailangan pong magkaroon din muna ng withdrawal.
USEC. IGNACIO: Opo. Ito nga po iyong tanong ni Joseph: Once substituted, effective na daw po ba agad iyon?
COMELEC DIRECTOR SABILE-DAVID: Opo, parang nasagot na rin po kanina na naging tanong po dati iyan na hindi na ba iyan ia-assess iyong kaniyang certificate of candidacy. Sabi ko nga po, kung sakaling mayroon pong kulang sa kaniyang certificate of candidacy pati iyong qualification niya questionable po iyon, maaari pa naman din po siyang ipa-disqualify or puwede po rin siyang let’s say kung nuisance naman siya, mag-fall siya under that. Hindi naman porke’t may partido na or puwede naman pong—mayroon pang five days from the time that substitute filed his or her COC. Puwede pa pong ma-question po naman or mag-file ng petition po for that particular candidate so hindi pa po talaga pinal.
USEC. IGNACIO: Opo. Director, tanong naman po ni Dante Amento ng UNTV: Ilan po lahat ang nakahain na petisyon to cancel COC, disqualification, and petition for intervention sa Comelec ngayon; at sapat po ba iyong panahon ng Comelec para madesisyunan lahat ito?
COMELEC DIRECTOR SABILE-DAVID: Ang mayroon lang po akong datos is iyong ilan po ang nai-file ng Comelec for iyong petition nila to declare candidates as nuisance, ayun lang po ang mayroon akong datos.
Iyon na nga, if I may share it: For the position of president mayroon pong 82 na petitions na nai-file ang Comelec; 15 for vice president; and 108 for those who filed for the position of senator.
Sa iba pong mga petitions, sorry, wala pa akong maibibigay na datos pa.
USEC. IGNACIO: Opo. Ma’am, habol ko lang po iyong tanong ni Sam Medenilla ng Business Mirror: Ano daw po iyong basis ng once lang puwedeng mag-substitute?
COMELEC DIRECTOR SABILE-DAVID: Hindi po ako gaanong sigurado doon sa protocol na iyon pero iyon na nga po, kung nag-substitute ka na, para naman pong—siyempre, kapag nag-substitute ka na, so nag-file ka na ng—naghain ka na ng COC for that particular position as substitute and then kung magsa-substitute ka uli that would entail you withdrawing for that particular position.
So, actually, doon po sa puntong iyon, hindi po ako gaanong sigurado kung ano po pero para naman pong hindi na po—parang hindi na nagiging serious na po iyong kanilang intention to run kapag ganoon po ang mangyayari.
USEC. IGNACIO: Opo. Iyong second question po ni Sam Medenilla: Medyo nasagot ninyo na rin pero basahin ko na lang din po, Director, kung puwede kasi para baka may maidagdag lang po kayo. Ang tanong po niya: If the substitute candidate is an adopted candidate only or belong to a Party with a coalition agreement to the main Party, can he become a substitute candidate?
COMELEC DIRECTOR SABILE-DAVID: Nabanggit naman po ‘no, at anytime puwede pong maging member ng isang partido ang isang kandidato kahit na dati naman ay hindi po siya kasama sa partidong ito. So, kahit na local party lang iyon going to a national na party, maaari pong mangyari iyon na siya ay i-adopt o siya ay mabigyan ng nominasyon noong panibagong partido na kung saan siya po ay magiging substitute for a withdrawing candidate of that party.
USEC. IGNACIO: Okay. Director, kami po ay nagpapasalamat sa inyong pagbibigay ng panahon sa amin ngayong umaga. Ang Comelec Education and Information Department Director Elaiza Sabile-David. Stay safe po, ma’am. Salamat po!
COMELEC DIRECTOR SABILE-DAVID: Thank you rin po at salamat din po sa pag-imbita sa amin po. Magandang umaga!
USEC. IGNACIO: Naging mainit na usapin po ang ‘no vaccine no 4Ps subsidy’ proposal ng DILG matapos lumabas na marami pa umano sa mga benepisyaryo ng programa ang hindi pa nababakunahan laban sa COVID-19. Alamin po natin ang reaksiyon ng Department of Social Welfare and Development tungkol diyan mula po sa tagapagsalita nito na si Assistant Secretary Glenda Relova.
Magandang umaga po, ASec.!
DSWD ASEC. RELOVA: Magandang umaga po, USec. Rocky at sa inyong mga tagasubaybay.
USEC. IGNACIO: ASec., ano po iyong reaksiyon ninyo dito po sa naging panukala ng DILG na ‘no vaccine no subsidy’ sa mga benepisyaryo ng 4Ps? Ito po ba ay welcome idea rin para sa—welcome idea rin po ito sa DOH, ang DSWD po ba ay pabor din dito o hindi po?
DSWD ASEC. RELOVA: Ang DSWD po ay bukas sa mungkahi ng ating mga partner agencies lalung-lalo na po sa pagpapabuti po ng ating mga programa higit sa lahat iyong pagbibigay ng proteksiyon sa atin pong mga benepisyaryo laban sa COVID-19.
Subalit nais po namin na bigyang-diin na marami po ang dapat nating ikonsidera bago ipatupad natin ang no vaccine no subsidy lalung-lalo na po iyong ating pag-aamyenda ng existing 4Ps Act po natin, iyong RA 11310, specific to that is Section XI na nagsasaad po iyong lahat po ng conditionality ng atin pong 4Ps.
So, specific po kasi na ito lamang po iyong kondisyon kaya sa ngayon hindi po natin pupuwede itali ang pagbabakuna sa pagbibigay po ng ayuda sa ating mga benepisyaryo.
USEC. IGNACIO: Opo. ASec., ilang milyong Pilipino po ba iyong beneficiary ng 4Ps sa ngayon at kung sakali ba ay talaga pong malaki iyong maiaambag ng numerong ito para po mas mapabilis iyong ating bakunahan sa Pilipinas?
DSWD ASEC. RELOVA: Sa kasalukuyan po, mayroon tayong mahigit four million active beneficiaries, kulang-kulang po siya ng 4.1 Dahil po dito sa kalakihan ng bilang nila, talaga pong naniniwala ang DSWD na sa pagtutulungan ng ating mga benepisyaryo at program implementers mas mapapabilis at marami po ang ating mababakunahan sa mga benepisyaryo ng 4Ps.
Gusto nating i-plus na iyon pa pong household nila na kanila sanang mai-encourage. So, kung mayroon tatlo silang eligible household members, so kung ito pong four million ita-times natin sa three, malaki po talaga itong numero na ito.
USEC. IGNACIO: Opo. ASec., base raw po kasi sa report na nakarating kay DILG Secretary Año ay marami umanong 4Ps beneficiaries ang ayaw talagang magpabakuna. Kayo po ba ay may idea kung ito ay totoo at ano po iyong posible pong nagiging rason nila?
DSWD ASEC. RELOVA: Bago po tayo mag-rollout, USec. Rocky, ng ating vaccination program, nagkaroon po tayo ng survey tapos doon po sa survey na iyon mayroon po silang mga ibinigay na mga hesitations o mga fears. And after that po, kami po, katulong natin po ang Department of Health, naggawa po tayo ng mga information education campaign materials at sinagot po natin lahat po ng kanilang hesitancy.
And ito pong survey na ito is around 11,700 na pamilyang benepisyaryo. So, after nilang makuha itong ating mga materials, binalikan po natin sila para makita natin kung may pagbabago ba sa kanilang pananaw dito sa bakuna. At nakita po natin mayroon talagang substantial increase sa willingness po ng ating mga benepisyaryo ng 4Ps. More than 40% po iyong ngayon ay pumapayag na at halos 4.2% na lang po iyong mayroong fear po para sa ating pagbabakuna.
USEC. IGNACIO: So, ASec. Ulitin lang natin, may tala rin po ba kayo, may data kayo kung ilan po iyong mga 4Ps beneficiary natin na hindi pa bakunado hanggang ngayon, na kailangan po ay mabakunahan?
DSWD ASEC. RELOVA: Mayroon po tayo ngayong around 3.5 million na 4Ps beneficiary na hindi pa po bakunado. That is as of November 5 po. We also have to take into consideration na ang atin pong mga 4Ps nakabilang po sila sa ating A5 sector. And we are just starting to rollout po para sa ating mga A5 sector, so kung magkakaroon na po tayo ng nationwide rollout for the A5, tataas po itong mga datos na ito.
USEC. IGNACIO: Opo. Sa tingin po ba ninyo, natakot po ba sila na mapuputol ang sustento sa kanila ng pamahalaan kaya tingin ninyo, dumami na po iyong willing na talagang magpabakuna?
DSWD ASEC. RELOVA: Siguro po sa una. Sa una po na narinig nila itong mga kuwento na ito, maaaring nagkaroon sila ng agam-agam. However po, nag-campaign na rin po kami tungkol dito na ang departamento naman, ang ini-implement na lang po ay kung ano po iyong specific provision sa law at na-dispel po natin na ang bakuna ay nakatali sa kanilang ayuda. Pero higit sa lahat po, ang nakapagbigay po sa kanila siguro ng talagang kapasyahan para magbakuna ay iyon pong information [dissemination] na nasagot po natin ang kanilang mga agam-agam sa pamamagitan po ng ating mga roundtable discussion, sa pamamagitan po ng ating mga electronic family development session. At nakita na rin po nila, dito sa mga nabakunahan na iyong kanilang mga takot ay hindi naman po totoo patungkol sa mga negatibong epekto ng ating bakuna.
USEC. IGNACIO: Opo. Although suportado itong ‘no vaccine, no subsidy’ proposal po ng ilang departamento, may ilan naman pong, ASec, Senador ang tutol dito. At sinasabing ito po daw ay anti-poor. Ano po ang masasabi ninyo rito. Naniniwala po ba kayo na hindi po ito pamimilit sa ayaw talagang magpabakuna? Pero sabi nga po ninyo, karamihan na po ba sa kanila ay talagang willing na magpabakuna?
DSWD ASEC. RELOVA: Kagaya po ng nabanggit natin, umaapela po ang DSWD sa ating mga partner agencies na magkaroon muna ng pag-uusap tungkol dito. Subalit nais naming banggitin na ang DSWD ay naniniwala, ang pagbabakuna ay nanatiling boluntaryo at kinakailangan po talaga ang informed consent ng ating mga benepisyaryo.
USEC. IGNACIO: Opo. ASec, kung hindi man po talaga matuloy ang pag-amyenda dito sa 4Ps Act. Ano po ang nakikita ninyong alternatibong paraan na puwede pong i-consider para po mas mahikayat pa iyong mga indigent sector na magpabakuna? Kung bibigyan rin ba sila ng incentives ay possible pong mahikayat sila, ASec?
DSWD ASEC. RELOVA: Opo. Kinakailangan Usec., na mas paigtingin pa ang information dissemination lalo na sa mga malalayong lugar. Maliban sa mga social media, maaari nating i-utilize ang ating mga community radios at iba pang komunidad na istratehiya upang mahikayat ang mga mahihirap hindi lamang ang mga 4Ps na magpapabakuna. Patuloy din naman ang DSWD, katuwang ang Department of Health sa pagbabahagi ng sapat at kailangang impormasyon ukol sa kahalagahan ng bakuna.
Mayroon tayong ipinamamahaging IEC (information, education and communication) printed materials mula sa DOH patungkol dito. Idadagdag pa rito ang regular na pagsasagawa ng ating family development session kung saan isa sa tinatalakay ang kahalagahan ng pagbabakuna. Pinag-aaralan din po ng departamento iyong sinasabi nating incentivize our beneficiaries or the public. So maaari po dito, isa sa pinag-aaralan iyong prioritization nila sa pagbibigay ng livelihood program sa mga fully vaccinated individuals and groups po.
USEC. IGNACIO: Opo. ASec., pero kumusta naman po iyong pamimigay naman po ng food packs ng DSWD sa mga, kung mayroon man po na naka-granular lockdown, ano po ang update dito?
DSWD ASEC. RELOVA: So base po hanggang Nov. 8 na report po sa ating DRRMB. So ito po iyong ating disaster at DSWD Central Office, nakapagbigay na po ang DSWD ng 47,875 family food packs na nagkakahalaga po ng 29 million pesos. Bilang augmentation po natin ito sa ating mga lokal na pamahalaan na nagpapatupad po ng granular lockdown.
USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon at pagbibigay ng impormasyon, Assistant Secretary Glenda Relova, ang tagapagsalita po ng DSWD. Mabuhay po kayo and always stay safe po, Ma’am.
DSWD ASEC. RELOVA: Maraming salamat po, Usec. Rocky at patuloy po tayong mag-ingat. Stay safe everyone, God bless.
USEC. IGNACIO: Thank you po.
Samantala, ngayong araw po ay muling magbubukas ang mga piling sinehan sa Metro Manila matapos ng halos dalawang taong pagsasara dulot po ng pandemya. Alamin po natin ang pinakahuling sitwasyon ngayon sa isang mall po sa San Juan. Nasa kabilang linya si Cleizl Pardilla. Cleizl?
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat sa iyong report, Cleizl Pardilla.
Samantala, nadagdagan ng 1, 409 cases ang mga nahawahan ng COVID-19 sa bansa kahapon dahilan para umakyat sa 2,806,694 ang total cases dito sa Pilipinas; 2,941 naman ang mga bagong gumaling mula sa sakit, kaya umabot ito sa 2,731,583 ang total recoveries natin; 46 naman ang mga dagdag na nasawi, suma total ay 44,567 na po ang total deaths na naitatala sa bansa; 1.1% naman po ng total cases o katumbas ng 30,544 na mga pasyente ang nagpapagaling pa sa ngayon.
Samantala, vaccination sa pediatric population sa Baguio City at Benguet nagpapatuloy. Ang buong detalye hatid ni Alah Sungduan ng PTV-Cordillera.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Dumako naman po tayo sa latest sa Davao Region. Binuksan na ang bagong Molecular Biology Laboratory sa Davao City, may ulat si Hannah Salcedo.
Okay, babalikan po natin ang report ni Hannah Salcedo.
Mga huli naman pong kaganapan mula sa iba’t-ibang rehiyon hatid sa atin ng Philippine Broadcasting service kasama si Aaron Bayato:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo Aaron Bayato ng Radyo Pilipinas.
Mas lalo pa pong pinadali at pinaginhawa ng Government Services Insurance System o GSIS ang pakikipag-transaksiyon ng mga miyembro nito lalo po sa pagbabayad ng loans. Kung papaano, alamin po natin iyan mula sa Vice President ng South Luzon Office ng GSIS, VP Rachel Edjan. Ma’am good morning po!
GSIS VP RACHEL EDJAN: Good morning USec. Rocky, magandang hapon po sa ating mga viewers.
USEC. IGNACIO: Opo. VP Rachel, maaari ninyo po bang ipaliwanag kung ano itong Ginhawa sa Bayad Program ng GSIS?
GSIS VP RACHEL EDJAN: Ang Ginhawa sa Bayad program ay ang programang inilunsad po na pinangunahan ng ating GSIS Chairman, ang Chairman ng Board of Trustees na si Chairman Bersamin, ang Board of Trustees at ng ating PGM Rolando Macasaet, na naglalayong mabigyan ng mabilis, maginhawa at secured na payment channel ang ating mga members na may outstanding loans sa GSIS sa pamamagitan ng pagbabayad sa ating mga external payment service providers partners ng GSIS.
Ito po ay—tinatanggap po ang bayad ng mga under payments o ng bayad sa kanilang monthly amortization, iyong first deduction at iyong mga in default po na mga pagkakautang po nila sa GSIS, lahat po ng mga loans na puwede pong matanggap dito—Yes USec.?
USEC. IGNACIO: Opo. Ma’am Rachel, pero sino daw po iyong puwedeng magbayad nitong GSIS loan sa bayad centers or sa collection sites po?
GSIS VP RACHEL EDJAN: Lahat po ng ating mga active at inactive members na may mga outstanding loan obligations in arrears, in default at kung gusto pong magbayad ng advance payment ng kanilang loan obligations ay tinatanggap po ng kanilang bayad sa ating 2,836 payments collection sites, touch point po na matatagpuan sa lahat ng parte ng Pilipinas po.
USEC. IGNACIO: Opo. Ma’am Rachel, pero ito marami ang magtatanong nito: Paano daw po malalaman ng isang miyembro ang kaniyang outstanding GSIS loan at balance at payments?
GSIS VP RACHEL EDJAN: Ay madali lang po USec. Rocky. Ang GSIS po ay parati pong nagpapadala ng collection letter, nagpapadala rin po ng text sa mga members natin na may outstanding obligations. Maaari din pong i-check ng members ang kanilang loans and arrears sa GSIS Touch. Ito po iyong bagong programa ng GSIS na nakapagbigay po tayo ng virtual reach sa ating mga members na kung saan iyong kanilang loans ay maaari na po nilang makita sa pamamagitan po ng GSIS Touch.
USEC. IGNACIO: Opo. Ma’am Rachel, nito nga pong Lunes ay napag-usapan rin natin itong GSIS Touch, kasama po namin si EV Dionisio Ebdane Jr. So, paano po magagamit ito para po makapagbayad ang member borrowers sa bayad center?
GSIS VP RACHEL EDJAN: Ay napakadali po ma’am. Dahil dito po sa GSIS Touch, makikita na po natin dito kaagad ang ating outstanding loan obligations. So, bukod po doon sa makikita natin ang ating outstanding loan obligation, makikita rin po natin dito ang ating datos bilang miyembro, iyong lahat ng ating loan availment at ano pa iyong puwede nating ma- loan.
Agaran po at tip of our ano po, iyong sa ating finger tips makikita na po natin ang ating datos sa GSIS hindi lamang po ang loan kung hindi pati po iyong ating mga profile. Ang ating profile bilang member, ang mga dibidendo, tentative computations, lahat po ng concerns natin na hindi na po natin kinakailangan pang umalis sa ating opisina o sa ating bahay.
So napakadali po, sa bayad center po kapag mayroon na po tayong hawak-hawak natin iyong ating GSIS touch or kapag mayroon po tayong natanggap na text blast o kaya po mayroon tayong collection letter na galing sa GSIS mangyaring ipakita lamang po ito.
Mag-fill-out lang po tayo ng transaction slip sa mga payments collection sites partner natin and then ilagay lang po doon iyong ating business partner number, iyong ating last name at iyong atin pong loan type na babayaran and then pagkatapos po nating mag-fill out i-submit po natin ito sa kahera kasama po iyong ating pagbabayad and then hintayin lang po natin iyong machine validated slip na siyang magpapatunay po na tayo ay nakapagbayad na ng ating loan sa GSIS.
Ang araw ho na kung kailan tayo nagbayad sa mga payment collection sites ay siyang ikukonsidera po na bayad ang ating loan obligation sa GSIS. So mahalaga po, lalo na po pag tumapat iyong cut-off date ng Sabado, Linggo or holiday, hindi na po tayo magkakaroon pa ng additional penalties dahil nabayaran po natin on the day po na cut-off ng GSIS.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Ma’am Rachel, ano-ano daw pong mga loans iyong puwedeng bayaran sa bayad center at saang bayad center po puwedeng magbayad ng GSIS loans?
GSIS VP RACHEL EDJAN: Lahat po ng service loans ng GSIS, magmula po sa Emergency loan, sa Multi-Purpose loan, iyong atin pong PRRD, iyong atin pong GFAL, basta lahat po ng service loans ay puwede pong bayaran sa humigit kumulang 3,000 payments collections sites na ka-partner po ng GSIS.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero ang tanong po dito ay paano daw po magbayad ng GSIS loans katulad po dito sa bayad center?
GSIS VP RACHEL EDJAN: Ay, napakadali po. Mangyaring magtungo po sa pinakamalapit na bayad center or payment collection sites, mag-fill-out po noong transaction slip, ilagay lang po doon iyong detalyeng hinihingi doon sa transaction slip kagaya po ng pangalan, ng business partner number, iyong atin pong unique identifier, iyong loan type po na babayaran. And then iyong contact details and then i-submit po natin ito sa kahera kasama ang bayad natin and then hintayin lang po natin na maisyuhan tayo noong machine validated slip at iyon po ang magsi-serve po na proof of evidence po ng bayad natin sa GSIS at sa account po natin sa GSIS.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Ma’am Rachel, puwede po iyang cash, check o credit card ang ibayad sa GSIS loans?
GSIS VP RACHEL EDJAN: Sa ngayon po tayo ay tumatanggap po sa pamamagitan lang po muna ng cash and then eventually papunta na po tayo doon sa tinatawag na online payment.
USEC. IGNACIO: Opo. Kung may mga katanungan po o nais na karagdagang impormasyon, ano daw po ang puwedeng gawin, Ma’am Rachel?
GSIS VP RACHEL EDJAN: Ah, Usec., napakadali po dahil ang GSIS po ay marami pong touch points na puwedeng pagtanungan. Unang-una po, puwede po tayong tumawag sa GSIS hotline – 88474747. Sa pangalawa po puwede po tayong mag-inquire sa GSIS Touch dahil lahat po ng data tungkol sa ating status bilang miyembro at tungkol po sa GSIS ay maaari na po nating ma-access doon. Puwede rin po tayong makipag-ugnayan sa ating GSIS handling branch electronically. Mayroon din po tayong mga Facebook page sa handling branch na kung saan puwede po tayong magtanong doon at agaran po itong matutugunan. Puwede rin po tayong mag-email.
So napakaraming paraan po para po makapag-update sa GSIS and at the same time ma-request po natin iyong statement of account natin kung nais po nating mag-update bukod po doon sa matatanggap nating [garbled] galing po sa GSIS.
USEC. IGNACIO: Opo. Maraming salamat po sa inyong pagbibigay-impormasyon sa ating mga manunood ngayong umaga. Muli po nating nakasama si GSIS South Luzon Group Vice President Rachel Edjan. Mabuhay po kayo, Ma’am, and stay safe.
GSIS VP RACHEL EDJAN: Salamat po, Usec. Rocky. Mabuhay po, stay safe.
USEC. IGNACIO: Salamat po.
Dumako naman tayo sa latest sa Davao Region. Binuksan na nga po iyong bagong molecular biology laboratory sa Davao City. May ulat po si Hannah Salcedo:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Hannah Salcedo ng PTV-Davao.
Tuluy-tuloy po ang pagdating ng karagdagang 3 million doses ng government procured Sinovac vaccines sa NAIA. Kaugnay niyan nakatutok diyan si Rod Lagusad. Rod?
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat sa iyong report, Rod Lagusad.
Maraming salamat din po sa ating mga partner agency para sa kanilang suporta sa ating programa maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).
Salamat din po sa pagsama ninyo sa amin ngayong umaga, muli po ang aming paalala na magpabakuna na at manatiling sumusunod sa health protocols para po sa mas masayang December lalo na’t 45 days na lamang po, Pasko na!
At sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ako pong muli ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio. Magkita-kita ulit tayo bukas dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.
###
—
News and Information Bureau-Data Processing Center