USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Luzon, Visayas at Mindanao at sa lahat po ng ating mga kababayan na nanunood saan man po mundo. Espesyal po ang araw na ito dahil isang taon na po ang nagdaan noong una po tayong sumahimpapawid para po magbigay sa inyo ng tama at napapanahong impormasyon para po sa ating laban kontra-COVID-19.
Mula po sa krisis na dala ng virus hanggang sa kalamidad, maging sa pagtalakay ng iba pang isyu ng bansa napatunayan natin na kapag sama-sama tayo at laging handa, kakayanin natin ang problema. Kaya hindi po kami titigil sa aming misyon na iparating ang mga kaganapan sa ating bayan na dapat ninyong malaman.
Sa ngalan ng ating kalihim po ng PCOO na si Secretary Martin Andanar, ako naman po si Usec. Rocky Ignacio.
Simulan na po natin ang isa na namang edisyon ng Public Briefing #LagingHandaPH.
Para po sa ating unang balita: Nais po ni Pangulong Rodrigo Duterte na gawin din na prayoridad sa COVID-19 vaccination program ng pamahalaan ang mga mahihirap na Pilipino. Sinabi ito ng Pangulo kasunod ng ulat ni Vaccine Czar Carlito Galvez na paparating na ang panibagong batch ng bakuna mula po sa kumpanyang AstraZeneca. Maliban naman sa bakuna, ipinag-utos din ng Punong Ehekutibo na paigtingin ang pagbibigay ng libreng face mask sa taumbayan. Ang detalye kay Mela Lesmoras:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Nanawagan naman si Senate Committee on Health and Demography Chairperson Christopher “Bong” Go sa publiko at pamahalaan na huwag manawa sa pagsunod at pagpapatupad sa health protocols upang hindi tumaas pa ang kaso ng COVID-19 sa bansa. Narito ang report:
[VTR]
USEC. IGNACIO: Samantala, nagpadala ng tulong ang tanggapan ni Senator Bong Go sa mga kababayan nating boksingero sa Benguet na pansamantalang nahinto ang mga laban dulot ng pandemya. Nanawagan din ang Senador na isama sa priority list na mababakunahan ang mga atletang Pinoy na lalahok sa Olympics. Panoorin po natin ito:
[VTR]
USEC. IGNACIO: Nabigyan ng disenteng tahanan ang mga dating rebelde sa Malaybalay, Bukidnon upang makapagsimula muli ng buhay matapos sumuko sa pamahalaan. Bukod pa diyan, napagkalooban din sila ng iba’t ibang ayuda mula sa opisina ni Senator Bong Go. Narito po ang detalye:
[VTR]
USEC. IGNACIO: Ngayon pong Marso ay ipinagdiriwang natin ang Women’s Month at isa po sa kinikilala nating female legislator sa henerasyong ito, ang dating senador at ngayon po ay Antique Representative Loren Legarda. Alamin natin ang kaniyang pananaw sa mga isyu ng bayan ngayon. Good morning po, Deputy Speaker Loren Legarda! Welcome po sa aming programa.
REP. LEGARDA: Good morning. Magandang umaga sa iyo, Undersecretary Rocky at kumusta kay PCOO Secretary Martin. You know, when I started as a senator, Martin was a very, very young. Well, millennial siya noon, oo, and he was my ardent political leader at that time. Alam naman ninyo, I was senator in 1998 and then 2007 and 2013 and very happy to be still in Congress this time, as you mentioned, as Representative of the lone district of Antique.
Sana next time i-feature natin iyong mga issues sa Antique dahil napakarami. Kami ay isang paraiso where the mountains meet the sea. Ang suot ko nga ay patadyong na hand woven ng aming mga kababaihan sa Bugasong, Antique. And bilang Women’s Month, bumabati din ako sa iyo, Rocky at sa lahat ng mga kababaihan sa PTV 4.
Hindi mo na itatanong – baka alam na ninyo – long, long ago I was working where you are working now. I’m not sure if they’re still there pero that was – to reveal my age – 1985. I was doing a program kagaya ng sa iyo. Pero noong panahon na iyon malayang-malaya kami, walang COVID. Ang saya-saya.
So, 1985 I did a program called Business Talks in PTV 4 kaya kumusta sa aking mga dating staff. Sigurado retirado na sila ngayon pero kung mayroon pang mga production assistant ko noon na ngayon ay mga bossing na diyan, kumusta sa inyo!
Then I even was based in Los Angeles for a very short while at nagpapadala ako ng video by hand. Wala pang mga ganitong online platform noon in the 1980s and we had the program. Alam kong hindi iyan ang topic ng ating Laging Handa at Public Briefing ng PTV, na-excite lang ako na kayo ay makasama ko dahil iyan ang dati kong workplace, Rocky.
USEC. IGNACIO: Ma’am, opo. Hindi lang po kayo senador o congresswoman para sa amin, kayo po ay kinikilala namin sa PTV na isa po sa tinitingala naming broadcaster. Maraming salamat po sa pagsama ninyo sa programa.
Ma’am, isa po kayo sa mga author ng House Bill 6768 o iyong tinatawag na Financial Products and Services Consumer Protection Act. Maaari ninyo po bang ipaliwanag sa publiko kung tungkol saan ang naturang panukalang batas na ito at paano daw po ito makakatulong, ma’am, sa economic crises na atin pong nararanasan dulot po ng pandemya?
REP. LEGARDA: Magandang tanong iyan. Medyo technical pero I will simplify. Nilalayon ng House Bill na ito ang mga karagdagang kapangyarihan ng mga government financial regulators. Ano ba ang mga ito? Iyong Bangko Sentral ng Pilipinas, ang Securities and Exchange Commission, ang Insurance Commission, at ang Cooperative Development Authority, para sa tinatawag na rule making, market conduct surveillance and examination, market monitoring, enforcement, consumer redress at complaints, handling mechanism at adjudication to further enhance our financial consumer protection.
In short, ang kaniyang objective/nilalayon ay protektahan ang kapasidad, ang financial na aspeto ng ating mga kababayan, ang ating mga consumers. Isinasaad din ng ating panukalang batas na ang mga financial service providers ay kailangang magkaroon ng mga appropriate na disenyo at delivery of their products and services na angkop sa pangangailangan, pag-unawa at kapasidad ng kanilang merkado at ng mga target clients. In short, dapat naiintindihan at dapat protektado.
Isinusulong din ng ating batas na maging magalang, at sa pakikipagsalamuha sa kanilang kliyente, dapat walang diskriminasyon. Walang diskriminasyon ayon sa edad; sa kapasidad ng pananalapi. Hindi porke kakaunti lang ang kakayanan ay hindi papansinin; Dapat walang diskriminasyon sa ethnicity – kung taga-saan ka ba, ano ba ang lahi mo; at walang diskriminasyon sa kasarian o gender at pati na rin sa relihiyon, sa pulitika.
So, pinapantay-pantay na walang diskriminasyon sa anumang aspeto na aking binanggit alinsunod sa batas. Then sa Data Privacy, isinusulong din ng ating proposed measure ang proteksiyon ng mga personal na data ng mga kliyente. Iyan ang ilan lang sa mga aspeto ng ating isinusulong na panukalang batas, Rocky.
USEC. IGNACIO: Deputy Speaker, paano po makakatulong itong House Bill na ito, bukod po diyan sa mga nabanggit ninyo, para po magkaroon daw ng kumpiyansa at tiwala po ang mga consumer dito sa ating financial system ng bansa?
REP. LEGARDA: Yes. Mabibigyan natin ng kasiguraduhan ang ating mga financial products and services ng mga consumers na hindi mapapabayaan sila, hindi sila maabuso – ang kanilang karapatan lalo na sa panahon ng pandemya na minsan dumadami ang mga nanloloko at ginagamit minsan ang teknolohiya para ibang mga produkto ang mga inu-offer.
Maliban sa transparency, magkakaroon din ng financial consumer protection assistance na mekanismo para magkaroon ng agarang malalapitan ang ating mga financial products and services na consumers sa kanilang mga concerns at complaints. So ibig sabihin, may pupuntahan o tatawagan sa mga reklamo kapag hindi patas or hindi maayos ang serbisyo, ang mga consumers natin.
USEC. IGNACIO: Opo. Deputy Speaker, kamakailan po ay inaprubahan sa Senado ito pong Safe Pathways Network Act. Sa bahagi po ng Kongreso, ano po iyong iniusad ng inyong panukala?
REP. LEGARDA: Naipasa na iyan nang third reading sa Senado ni Senator Pia Cayetano na siyang author yata at sponsor at mayroon ding maraming panukalang batas sa Mababang Kapulungan para sa tinatawag na safe pathways. Ano bang tawag dito?
Una, sa sustainable development – hindi ba malawakan ang sakop nito. Isang aspeto rito ay siyempre ang pangangalaga ng ating transport na maayos at protektado ang mga publiko. Hindi naman lahat ay kayang bumili ng kotse, hindi naman lahat ay kayang magmaneho. In fact sa panahon ng pandemya nakita natin na ang mga tao ay naglakad at sumakay siyempre ng public transport when available at nagbisikleta.
Gaya ng sa ibang bansa, hindi ba mas healthy ‘pag nagbibisikleta? O, so dapat ang ating LGU at ang ating mga ahensiya ng gobyerno gaya ng MMDA at DPWH sa pagplano ng ating mga kalsada, ito’y sinasaulo at kasama sa network iyan sa implementasyon; ibig sabihin, dapat mayroon mga bike lanes.
Hindi lamang ang kalsada ay para sa may kotse, hindi lang iyan para sa mga kayang magbayad ng Grab o para sa public transport na mass transport na maaring delikado sa panahon ng pandemya. Ngunit kailangan mag-provide ng bike lanes na safe. Eh bike lane eh kung bigla naman magpunta diyan ang bus o ang anumang sasakyan ‘pag hindi protektado.
So nagkaroon ng ilang mga tinatawag na pop-up, iyong mga itatayo lang biglaang bike lane. Okay iyan, ibang mga LGU ginawa iyan. Pero bakit pop-up lamang, kailangan permanente kasi ito’y pangmatagalan eh, pang-forever na may bike lane. Una, maganda sa ating pisikal na exercise. Pangalawa, praktikal, hindi kayo dikit-dikit dahil solo-solo sa bike. So it’s healthy, it is ecological, it is environment friendly.
O, bakit sa Europa ganiyan? Sa Germany, even sa United Kingdom, sa New York ganiyan at maraming bansa ay talagang mayroong mga bike lane. At hindi lang basta lalagyan ng lane, ‘ayan sa mga picture ninyo, kailangan may proteksiyon at kailangan din ay mayroong lugar kung saan nila ipa-park na safe, hindi mananakaw ang kanilang mga bisikleta.
So this is part of a safe pathways network na dapat gamitin, gawin, i-promote ng ating nasyonal na government, DPWH, ng MMDA dahil Metro Manila ang pinakaraming populasyon at pinakama-traffic. Ito lang ang makaka-solve ng problema ng trapiko.
Pero ina-underscore natin iyong word na ‘safe’ – safe laban sa maaring mawala o manakaw na kanilang mga bisikleta at safe din sa kanilang sariling kaligtasan. At kasama na diyan ang batas na aking in-implement at sinabatas noong una ko pang termino bilang senador: Clean Air Act, Clean Water Act, Ecological Solid Waste Management Law. Sabihin ninyo anong koneksiyon ng hangin, ng basura at ng tubig sa bike. Aba may koneksiyon po. Gusto ba ninyo mag-bike ‘pag baha ang kalsada? Makaka-bike ba ‘pag ang hangin ay masama ang nilalanghap nating hangin na marumi? Makaka-bike ba tayo ‘pag may mga open dumpsite at basura sa tagiliran o sa gitna ng kalsada?
Kaya kasama po diyan ang paghihiwalay ng basura sa nabubulok at hindi nabubulok sa lahat ng LGU ng Metro Manila. Bawal po ang nagtatapon ng anumang dumi sa ilog, lawa, estero, canals. Outlawed na matagal ang open dumpsite under my Ecological Solid Waste Management Law at siyempre ang Clean Water Act.
‘Di ba ang ganda ‘pag nagba-bike tapos nakikita mo ang linis ng Ilog Pasig, ang linis ng ating San Juan River, malinis ang Laguna De Bay, malinis ang ating mga kapaligiran.
Maliban diyan, magtanim tayo ng mga puno na mabubuhay sa isang highly populated, heavily populated na metropolis gaya ng Metro Manila so kasama diyan ang greening ng Metro Manila at ng Safe Pathways and Sustainable Transport Act. Alam ko parang, hmm, kaya pa bang gawin iyan? Oo, kaya. In fact it started already in some LGUs so kailangan lang paigtingin natin so iyan ay kooperasyon ng DPWH at ng MMDA at ng mga LGU.
Kaya hinahamon ko ang sinuman pinakamagaling na LGU na siyang gagawa ng safe pathways para sa ating mga kababayan na kailangan mag-bike, hindi kayang magkotse dahil mas magandang mag-bike, healthier, more ecological. Iyan, but we have to make it safe for them.
USEC. IGNACIO: Yes napakaganda po niyan, ma’am. Pero sa ibang punto naman po, tingin ninyo daw po ba ay maipapasa naman bago daw po mag-break ang Kongreso for Holy Week, iyon naman daw pong paglipat ng regular election ng BARMM to 2025 instead daw po next year kasabay ng presidential elections?
REP. LEGARDA: Ah yes, oo. Tama. So mula sa Metro Manila pag-usapan natin ang Autonomous Region. Ang iyong programa, Rocky, ay nakikita sa buong Pilipinas at I’m sure maraming mga usapan/konsultasyon tungkol sa eleksiyon sa BARMM na tinatawag na napasa natin noong tayo’y nasa Senado at ngayon may panukalang batas. May mga consultations na ang Committee on Suffrage tungkol sa ating panukalang batas na ipagpaliban iyong first regulation elections Bangsamoro Autonomous Region on Muslim Mindanao o tinatawag na BARMM kasama na iyong aking bill, iyong House Bill 8116.
Sang-ayon ako na kailangan mas masusing pag-aralan hindi lang ng House Committee ang bill na ito dahil sa magiging mga implikasyon sa politikal na landscape sa buong region pati na rin sa budget, sa ating finance, sa governance, sa regional economy lalo na sa panahon ng pandemya – ang delivery of goods and services. Patuloy din ang pagsusumite ng mga kongresista at ng mga stakeholders ng kanilang mga position paper for and against the measure.
So kinakailangan na mas—tingin ko masusi, maigting na konsultasyon ng committee ay hindi kailangan madaliin ito. So we must see how the pandemic actually affected the delivery of goods and services in the transitioning of ARMM to BARMM, ito ba’y nagawa in the past 12 months of lockdown and pandemic.
USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa inyong panahon, Congresswoman Loren Legarda. Pero kami po ay umaasa na maiimbitahan pa po namin kayo dito ma’am ano para—mukhang marami po tayong mapag-uusapan na talagang marami pang dapat malaman ng ating mga kababayan tungkol po sa mga isinusulong ninyong programa at panukalang batas. Kami po’y nagpapasalamat. Maraming salamat po, Congresswoman Loren Legarda.
REP. LEGARDA: Binabati ko ang lahat ng kababaihan ngayong Women’s Month at siguro sa susunod na pagkakataon which I hope is soon, gusto ko talagang pag-usapan ang aking mga batas na nagawa sa Senado sa tatlong termino na puwedeng pakinabangan ng kababaihan – gaya ng ating mga MSME Law, iyong ating Barangay Kabuhayan Law, iyong mga pagkakakitaan ng mga nanay at mga ate at mga manang, pati mga lola. So maybe next time and also all our environmental laws dahil maraming namulat sa kalikasan ngayong pandemya at iyong kahalagahan ng pangangalaga ng ating kapaligiran ay isang topic na siguro puwede natin pag-usapan nang masusi sa iyong programa.
Ako’y nagpapasalamat sa inyo Usec. Rocky at kay Secretary Martin and all the PTV-4 kung nandiyan pa ang aking mga dating cameraman, director at mga staff [laughs]. But I’m sure they’re watching, binabati ko kayo… as we say in Antique [dialect]. Anyway, maraming salamat po. Magandang umaga sa inyong lahat. God bless you. Keep safe. Thank you.
USEC. IGNACIO: Maraming salamat po, Congresswoman Loren Legarda.
Samantala, ilan sa mga lumabag sa curfew sa Maynila dinala sa quarantine facility para po ma-test at ma-isolate. Nagbabala rin ang mga otoridad sa mga magulang na pinababayaan na lumabas ang kanilang mga anak habang may curfew. Ang kabuuang detalye niyan alamin natin sa ulat ni Louisa Erispe. Louisa…
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyong report, Louisa Erispe.
Ilan ang lumabag naman po sa curfew hours sa mga lungsod ng Makati at Parañaque at ang ilan pa sa mga ito mga menor de edad. Narito ang report ni Ken Bornilia.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Ken Bornilia.
Samantala, abiso para sa mga magulang: Simula bukas po ipagbabawal na ng Metro Manila Council ang paglabas ng mga menor de edad sa loob ng dalawang linggo. Ito po ay partikular na sa mga 15 to 17 years old, tanging edad 18-65 lamang ang maaaring lumabas sa kani-kanilang tahanan. Ayon po sa MMC ang hakbang na ito ay dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR).
Paano naman kaya kumikilos ang iba pang bayan sa labas ng Metro Manila sa banta ng mas nakakahawang mga variants ngCOVID-19? Alamin po natin ang sitwasyon ng mga bayan sa Pilipinas kasama po ang pangulo ng League of Municipalities of the Philippines at ang Alkalde po ng Narvacan, Ilocos Sur, Mayor Chavit Singson. Magandang umaga po, Mayor.
MAYOR SINGSON: Magandang umaga, Usec. Rocky at kayong lahat diyan sa PTV 4. Magandang umaga po sa inyong lahat.
USEC. IGNACIO: Salamat po. Mayor ngayon pong tumataas ang kaso dito sa National Capital Region, medyo lumuwag pa ang travel requirements pauwi po sa mga lalawigan, so sa panig po ninyo, ano po ba iyong napagpulungan ninyo sa liga para protektahan po iyong mga bayan sa mga posibleng pagtaas ulit o surge ulit ng virus. Mayroon po ba kayong rekomendasyon sa IATF para po sa paghihigpit ulit sa borders?
MAYOR SINGSON: Well, niluwagan na ang mga borders namin, ang Provincial government at hindi natin maiiwasan kasi ang COVID dahil talagang nandiyan na. So, okay lang naman, ang importante lang madaling ma-trace at maski sino, turista man o aming kababayan ang darating, kailangang mag-quarantine sa mga bahay nila, babantayan ng barangay tanod at itsi-check ng health workers na hindi sila lalabas. Sa ganoon kung may mag-positive madaling i-trace, hindi na kami gumagamit ng quarantine area, dahil mahirap i-trace. Kung may nag-positive diyan, lahat sila. Ang daming pinupuntahan.
So, matagal na kaming hindi gumagamit ng quarantine. Kung nag-positive halimbawa iyong—nagpa-positive lang naman dito kapag may mga dumarating na hindi natin maiwasan iyan dahil ating mga kababayan. So okay lang, kaya lang ang ginagawa namin pini-pick up kaagad ng ambulansiya at dinadala sa ospital. At sa awa ng Diyos sa Ilocos ay wala naman pa kaming balitang namamatay sa COVID, nagagamot agad, naalagaan agad at nakahanda naman lahat ang mga bayan sa pangunguna lahat ng mga Mayors.
USEC. IGNACIO: Mayor, pero masasabi po ba ninyo sa liga na naging relax din ang liga sa pagpapatupad ng health protocol sa mga nasasakupan po?
MAYOR SINGSON: Well, iyong iba, kaniya-kaniyang diskarte iyan. Kasi like for example in my area of responsibility, eh niluwagan namin para umandar naman ang ekonomiya, kung hihigpitan mo lalong maghihirap ang tao at talagang marami ang magugutom. So kailangan din buksan namin ang mga ibang negosyo kung may mag-positive importante lang na ma-trace namin agad, madala sa ospital. So mamimili tayo, kung gusto natin, kung i-lockdown natin, like for example, kung istriktuhan natin ang pagpasok dito, iyong mga sa Metro Manila maiipon lahat diyan ang mga may kaso, hindi tayo makakatulong.
Kung mapunta sa mga probinsiya kaniya-kaniyang gamot, makakatulong ang mga lalawigan, buong nasyon natin. Dahil nandiyan na iyan eh, pigilan mo, diyan lang sila lalong dadami diyan sa Metro Manila. Kung pauwiin sa iba-ibang probinsiya, iba-ibang probinsiya ang gagamit sa kanila. Palagay ko mas makakatulong kapag pabayaan na nating umalis iyong mga tao, pumunta sa kaniya-kaniyang probinsya. Huwag nang istriktuhan, dahil noong araw, istriktuhan, naipon sila sa Maynila, hindi sila makauwi sa kanilang mga lalawigan.
USEC. IGNACIO: Mayor, higit pong dalawampung bayan pa rin sa bansa iyong nanatiling COVID-19 free hanggang sa ngayon. So ano po kaya iyong ginawa nilang best practices nila, Mayor, na maaari pong gayahin ng ibang munisipyo?
MAYOR SINGSON: Iyong protocol tungkol sa COVID, ibig mong sabihin, Usec?
USEC. IGNACIO: Yes po.
MAYOR SINGSON: Well, ang the best na gawin natin iyong information sa mga tao, dahil karamihan pa rin, hinahawakan ang mga mata, ilong at bunganga nila kapag marumi kung saan-saan sila humahawak, dapat maghugas muna sila ng kamay bago hawakan ang ilong, mata at bunganga nila, dahil doon pumapasok karamihan iyong virus. So, dapat from time to time pinagsasabihan namin iyong mga tao, kailangan malinis ang mga kamay bago hawakan ang mga mata, ilong or bunganga. Dahil kung minsan hindi natin napapansin napapahawak tayo sa mga mata, ilong and doon pumapasok ang virus.
At the same time, ang hinihigpitan lang namin iyong face mask, kung minsan kailangan iyong face shield at kapag may nag-positive sa amin halimbawa na-trace namin nagpunta sa palengke, buong palengke nila-lockdown namin at ini-spray namin ng disinfectant. At lahat ng barangay from time to time, lahat ng bahay binigyan na namin ng spray. Bawat barangay, nag-disinfect lahat ng mga bahay. So iyon, maski may COVID, may virus o wala, ginagawa namin from time to time.
USEC. IGNACIO: Sa Narvacan po, Mayor, ilan po ba iyong bilang ng kaso ng mga infected ng COVID-19 ngayon? May naitala rin po ba na kaso ng bagong variant ng COVID-19 diyan sa inyo sa Ilocos Sur?
MAYOR SINGSON: Sa ngayon, wala pang report sa akin. Kung minsan kapag may report kasi, pini-pick up namin ng ambulansiya, dinadala kaagad sa ospital. At awa ng Diyos, kung minsan symptomatic, kung minsan talagang positive, nagagamot naman kaagad.
USEC. IGNACIO: Sa bisa po ng isang batas ay binigyan nga po ng kapangyarihan, Mayor, ang mga LGUs na mag-procure po ng sarili nilang bakuna. Sa inyo pong bayan, ano po ba iyong nabili ninyong brand ng bakuna at gaano po ito karami? Kailan po ito darating diyan sa inyong lugar, Mayor?
MAYOR SINGSON: Wala pa. Umaasa kami sa tulong ng nasyonal at provincial. At mag-o-observe muna kami kung ano ang pinakamaganda. Kung ano ang sasabihin ng national government, sumusunod naman kami.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong panahon, Mayor Chavit Singson. Stay safe po at mabuhay po kayo, Mayor.
MAYOR SINGSON: Maraming salamat din, Usec. Rocky, sa inyong lahat diyan. Maraming salamat.
USEC. IGNACIO: Salamat po.
Bilang ng mga nahuling lumabag po sa pagsisimula pa lang ng uniform curfew hours sa Quezon City umabot na po sa higit walong daan. Ngayong umaga naman, patuloy ang pag-iikot ng Task Force Disiplina ng Lungsod para magbantay laban sa mga pasaway na lumalabag pa rin sa health protocols. Ang ulat na iyan mula kay Allan Francisco. Allan?
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Ok, maraming salamat sa iyo Allan Francisco.
Isinailalim sa swab test ang owners at helpers sa Pasay City public market bilang bahagi po ng pinaigting na health protocol sa lungsod. Batay po sa tala ng lokal na pamahalaan, pito na ang nagpositibo sa naturang palengke mula nang magsimula ang swab testing nitong Huwebes.
Ayon po sa Pasay LGU, libre ang RT-PCR test at may nakalaan na shuttle bus papunta sa swabbing center sa isang mall sa Pasay. Maliban sa disinfection may flushing din tuwing Miyerkules para matiyak na ligtas ang mga nagtitinda at mamimili mula sa COVID-19. Kinakailangan namang magpakita ng certification na nagpa-swab at negative result ang vendor para makapasok at makapagtinda sa palengke.
Samantala, patuloy naman ang mahigpit na pagpapatupad ng Pasay PNP ng health protocols sa mga matataong lugar kung saan may ilan ng natiketan sa Taft Avenue at Baclaran Avenue.
[VTR]
USEC. IGNACIO: Samantala, alamin naman natin ang pinakahuling sitwasyon sa iba’t-ibang bahagi ng bansa. Narito si Ria Arevalo ng PBS-Radyo Pilipinas.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat, Ria Arevalo ng PBS-Radyo Pilipinas. Samantala, kumustahin naman natin ang kalagayan sa Davao, ihahatid sa atin iyan ni Julius Pacot ng PTV-Davao
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo Julius Pacot. Samantala, makibalita naman tayo diyan sa Cebu, ihahatid sa atin ni John Aroa. John?
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, John Aroa mula po sa PTV-Cebu.
Aminado nga po ang Palasyo na may pagkukulang sa contract tracing effort sa ating bansa at ayon sa mababang performance sa paghahanap ng mga close contact sa mga COVID-19 positive, tiyak na may nakakalusot sa testing and isolation at maaaring makapanghawa pa ng virus sa iba. Paano niriresolba ng Contact Tracing Czar ang problemang ito, nagbabalik muli sa ating programa si Baguio City Mayor Benjamin Magalong. Mayor, good morning po.
MAYOR MAGALONG: Good morning Usec. Good morning po sa ating mga tagapakinig.
USEC. IGNACIO: Opo, Mayor ano po ang masasabi ninyo dito sa naging pahayag po ng Palasyo na ang contact tracing po na itinuturing nga daw po na nagkaroon ng weakest point sa COVID-19 response ng Pamahalaan?
MAYOR MAGALONG: Totoo naman iyan Usec, talagang mababa iyong ating contact tracing efficiency ratio despite the fact na mayroon tayong mga series capacity building na nagawa na. Ang nakita namin may mga several reasons kung bakit mababa, una-unang walang proper na cascading na ituro mo doon sa mga trainors at the provincial level and at the same time sa regional level, pero hindi na-cascade sa munisipyo.
Second is, kulang iyong ating mga encoders at nagulat kami na pag dina-download namin iyong mga blind list may mga index cases tayo na bakit wala itong mga contact tracing? Bakit zero, zero, zero, only to find out pala na hindi na-encode.
Mayroon naman palang na contact trace na mga closed contacts pero hindi nai-record dahil nga hindi maayos iyong mga sistema nila despite the fact na binigay na natin sa kanila iyong ating data collection tool, pati iyong different analytical tools, iyong mga software ibinigay na natin.
Pero, alam mo kasi kapag hindi properly used, hindi ginagamit, nakakalimutang gamitin. Ang nangyari mas convenient sa kanila, nilalagay lang nila sa papel tapos nilalagay lang nila sa isang excel format. So, hindi naman kumpletong database iyon. May mga certain limitations iyon lalung-lalo na kung ilalagay lang sa papel, talagang walang database, mahirap ang retrieval, mahirap din ang analysis.
Isa rin yan sa mga reasons kung bakit mababa ang contract tracing natin and another is nau-overwhelm sila sa number of cases every day. Assuming na isang contract tracer, itong araw na ito mayroon siyang dalawa, ini-interview pa lang niya iyong dalawa, the following day mayroon na siyang tatlo, kung matatapos niya doon sa the following day na tatlo, dalawa lang so, mayroon na siyang kulang na isa. The following day dahil nga tumataas ang kaso nagkaroon siya ng apat na kaso, dalawa lang uli ang matatapos niya, hindi na niya mapa-follow-up iyong iba pang mga iniwanan niyang mga index cases.
So, those are the several factors na nakikita namin na isang reason kung bakit talagang mababa iyong ating contact tracing efficiency ratio at malaki dito ang dapat magampanan ng ating local government unit.
USEC. IGNACIO: Mayor, unahin ko na lang po iyong mga tanong ng ating mga kasamahan sa media. May tanong po si Dano Tingcungco ng GMA news: Ano raw po ang nangyari sa contact tracing na naging one is to six (1:6) ang ratio instead na one is to thirteen (1:13) na ideal? What happened along the way? Ano po ang naging problema at ano po ang planong gawin to address these and bridge the ratio to the ideal?
MAYOR MAGALONG: Ok unang-una, ang ideal sana natin for urban setting is one is to thirty to thirty-seven (1:30-37) at for rural areas or rural environment dapat one is to twenty-five to one is to thirty (1:25 to 1:30) but we never reached that. We never reached that due to the reason that I mentioned a while ago.
So, anong ginagawa natin ngayon? Last week, two weeks ago nakipag-usap tayo sa NTF, binanggit natin itong problema na ito. So immediately nag-react iyong ating DILG, we had a series of meeting with the local government academy. Magkakaroon uli tayo ng re-capacitating ng ating mga LGU.
So, ngayon kinu-consolidate na ng ating DILG iyong mga listahan ng local government na kailangan nila ng tulong at the same time iyong mga local government na nagbu-volunteer na sana mabigyan uli sila ng mentoring and at the same time muli we are working with WHO para maisama na uli ito sa isang contact tracing manual natin, iyong how to conduct your second to third generation na contact tracing. Although this was also mentioned in our, iyong mga training modules natin, hindi ito naipasama doon sa ating contact tracing manual. So the good news is last week natapos na iyong contact tracing, iyong final version naipasok na rin natin iyong second generation at third generation contact tracing.
USEC. IGNACIO: Mayor, may tanong si Pia Gutierrez ng ABS-CBN: Update daw po sa implementation ng StaySafe app at update din po sa number ng contact tracers nationwide? Ilan pa po ang kulang? Iyan din po ang naging tanong ni Joseph Morong ng GMA News.
MAYOR MAGALONG: Okay. Tapusin ko na lang muna itong mga number of contact tracers natin. Before, if you notice, if you remember fourth quarter last year nagkaroon tayo ng hiring of 50,000 ano na contact tracers. Pero because of budget limitations, budgetary constraints, ito ay na-reduce na natin ng 30 when we entered the first quarter of this year.
And the DILG continues to, you know, look for funding para at least ma-increase natin especially now that we have significantly increasing number of cases everyday because of these variants na tumama sa atin. So kailangan talaga natin na more contact tracers talaga because na-overwhelm na iyong ating mga contact tracers. They’re tired, they’re exhausted and mentally pressured already, and physically pressured. So iyon ang kuwan natin, na hopefully sana madagdagan.
Pero ano ang stopgap measures natin? Kinausap uli natin ang Philippine National Police through the DILG na dapat sana kuwan uli ano, pahiramin nila iyong kanilang mga personnel nila to help in the contact tracing. But in fact, when I became contact tracing lead last year, kinausap ko na nga, the first people that I talked to or organization that I talked to is the Philippine National Police. And mismo si Secretary Ed Año committed the PNP pati si former Chief PNP, General Archie Gamboa kinomit (commit) niya iyong PNP.
Nagtataka lang ako despite the fact that we had a series of meetings and trainings, combined trainings involving PNP at pati BJMP nga sumama na, pati Fire, at itong medical officers at LGU. Pero I was really surprised na habang nagbibisita ako sa ibang LGU, they continue not to involve the PNP sa contact tracing. Kaya lagi kong sila sinasabihan na if they will, the PNP will add value because many of these people there are investigators and they have this cognitive interviewing skill.
Then second is iyong mga analytical tools na ginagamit natin to analyze properly itong big data analytics, kailangan natin iyong mga investigative system na naitayo na ng PNP. All we have to do is instead of crimes or criminal cases, i-convert lang natin into COVID cases. And we’re using it, nakita ng WHO iyong system, they were really amazed. Nakikita ng DOH iyong system and they’re really amazed dito sa analytical tools and these analytical tools, tinuro na natin during our trainors’ training at the regional and provincial level.
Again, uulitin ko dahil nga wala iyong proper supervision, matapos sometimes kulang iyong support ng local chief executives hindi talaga nagagamit and later on nakakalimutan na lang, nadi-dis-incentivize iyong mga taong involved sa contact tracing.
Now, ito namang StaySafe. StaySafe will be national government recognized na contact tracing application, it’s not an absolute solution. It’s not the complete solution to contact tracer. It’s just a tool, it’s just a mitigation platform to help our contact tracers in undertaking iyong contact tracing manual na system. Well anyway ang nangyari rito is despite the fact na ready na ang StaySafe, nai-donate na – kasi ang issue kasi nito noon, tumagal nang tumagal ang donation nito dahil marami pa kasing dapat gawin. Marami pang aayusin sa StaySafe dahil ayaw naman tanggapin ng national government iyong StaySafe kung mayroon pang gagawin dahil because we will be subject to COA. Bawal kasi iyon eh na kapag tinanggap mo tapos aayusin mo pa, gagastusan mo pa, bawal iyon sa COA.
So ang importante rito dapat kapag itinurn-over sa atin, lock stock and barrel, wala nang aayusin pa, kumpleto na iyong system. Ang nangyari ngayon is noong niri-require na natin na i-donate ito at tatanggapin ng DOH, ang gusto sana natin is kung idu-donate mo na sa DOH o sa gobyerno, dapat i-donate mo na nang buung-buo, lock stock and barrel – iyong sistema, iyong storage pati iyong source code para pag-aralan kung kumpleto talaga, maayos talaga, tatanggapin na. And then you distanced yourself, ibig sabihin putulin mo na iyong link mo doon. Tama na iyon, i-handover mo na.
Eh it looks like hindi nangyari iyon ano. Hinihintay ng DOH na ganoon ang mangyari, hindi nangyari. Parang bahay iyan ano, bahay iyan na sabi ng bibili “Puwede bang buksan muna namin iyong bahay mo at bigay mo sa amin iyong susi, inspekin namin iyong laman ng bahay mo. Kapag okay sa amin, tatanggapin na namin, babayaran ka naming,” ganoon. Ganoon sana ang nangyari. Pero hindi puwede naman na ang gusto yata ng StaySafe sa nabalitaan ko, according to DICT, “O tanggapin ninyo muna, saka namin ibibigay iyong susi.” Eh hindi naman puwede iyon.
So iyon ngayon ang inaayos natin and open naman iyong MultiSys, iyong developer ng StaySafe na sumunod sa ganoong patakaran ng ating gobyerno. So this is something na niri-resolve namin and hopefully during my talk with Dr. Raymond Sarmiento ng DICT, binanggit niya sa akin na mari-resolve ito by March 22, hopefully.
USEC. IGNACIO: Opo. Mayor, mayroon pong tanong mula kay Rose Novenario ng Hataw: Matitiyak po ba ninyo na hindi magagamit sa harassment at human rights violation ng mga otoridad ang hawak nilang datos ng mga mamamayan lalo na daw po at sunud-sunod ang political killings o pagpatay sa mga aktibista ng mga pulis?
MAYOR MAGALONG: Yes, that’s an issue that we need to resolve, especially to build confidence among—build confidence, you know, among members of the public na talagang hindi gagamitin ito. Kaya nga, ang magiging… ang maghahawak ng storage nito is government ‘no, national government. Primarily, kung idu-donate ito ng DOH, DOH will manage iyong database nito at make sure naman na hindi basta-basta magamit ito to intimidate, to harass and for any other illegitimate use.
Kailangan bigyan natin talaga ng assurance iyong mga taumbayan, talagang it’s a big challenge sa atin, pero it’s just a matter of coming up with the right message and at the same time, with all these assurances and all the system na talagang safe and well protected iyong mga information na ito. Again, we have to strictly comply with the Data Privacy Act.
USEC. IGNACIO: Okay. May tanong po si Kat Domingo ng, I think, ABS-CBN po ba ito. Last week daw po, the IATF required all establishments to adopt the StaySafe contact tracing app. What is the current compliance rate nationwide or at least in Luzon or National Capital Region; and how has the app helped in consolidating data from different contact tracing apps developed by LGU and line agencies?
MAYOR MAGALONG: Okay. First of all, I would like to admit na I don’t have the technical figures, ano. I don’t have that. I cannot tell you kung ano na iyong degree of compliance.
But last year, December last year, I spoke to Usec. Bernie Florece and I emphasized to him na dapat talagang maging compliant na itong mga business establishments and other institutions dito sa StaySafe na QR Code. Bakit? If you notice, noong bandang December or pati ngayon, pupunta ka sa isang establishment, sa isang tindahan, gamitin mo iyong QR Code reader mo, tapos you have to wait for about, you know, it takes you about three minutes para i-fill out mo lahat iyong mga data doon na tinatanong. And this still happening, ano, ito iyong frustrations natin. Tapos ang haba-haba ng pila na, na naghihintay iyong mga tao na makapasok dahil dito sa sistema na ito na kaniya-kaniyang mga business establishment, kaniya-kaniyang QR Code.
Unlike iyong StaySafe na QR Code, na kapag binasa mo sa QR Code reader mo, immediately, in a matter of seconds, siguro mga four seconds lang, five seconds, magkakaroon na kaagad ng confirmed visit tapos i-close mo na kaagad, tapos recorded na kaagad iyong data na ipinasok mo doon at naka-store na kaagad sa database.
So ito iyong kailangan nating i-emphasize sa mga establishment. Noong binanggit ko ito kay Usec. Bernie last December na kung puwedeng i-reiterate sa ating mga local government. January 3, he came out with this reiteration sa mga local governments to compel all business establishments to comply with the directive that should adopt iyong StaySafe.
Kung saka-sakali naman na may mga local government that came up with their own digital contact tracing application, then this should be integrated with StaySafe. Katulad dito sa Baguio, iyong amin is—we have our own kasi mayroon kaming Baguio In My Pocket and we have our own QR Code, in-integrate namin sa StaySafe. So kung ano iyong feature ng StaySafe, iyon din ang feature ng aming QR Code.
So siguro, I’ll have to ask DILG to conduct, you know, a survey sa mga local government units para malaman talaga natin iyong what would be the … anong level na ng compliance ang nagagawa ng local government units.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong panahon, Baguio City Mayor Benjamin Magalong, ang ating Contact Tracing Czar. Mabuhay po kayo, Mayor!
MAYOR MAGALONG: Usec., maraming salamat din po.
USEC. IGNACIO: At dito po nagtatapos ang isang oras ng talakayan at balitaan. Sa isang taong lumipas, lubos po ang pasasalamat natin sa ating partner agencies para po sa kanilang suporta sa ating programa. Malaki rin po ang ambag ng bawat istasyon ng TV, radyo, diyaryo at online media para po lumawak pa ang information dissemination ng pamahalaan sa mga panahong ito. Salamat po sa inyo at naisakatuparan po iyan sa tulong po ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas. Narito po ang kanilang mensahe:
[VTR] Congratulations to the men and women behind Laging Handa on its first year anniversary, especially to the hardworking Secretary of PCOO, Secretary Martin Andanar.
Noong simula ng pandemya, gumuhit sa mga KBP radio and TV stations sa buong bansa ang programang ito. Naging isang boses at liwanag noong hindi alam ng mga tao ang kailangan gawin para harapin ang hindi nakikitang kaaway. Dahil sa inyo, maraming tao ang naging laging handa.
Again, congratulations and more power!
USEC. IGNACIO: Muli, salamat po KBP. Nagbibigay-pugay din po kami sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19. Mabuhay po kayo!
Siyempre sa inyo po na halos araw-araw na nakatutok sa aming programa upang makibalita sa takbo ng ating bansa, salamat po. Manatili po tayong laging handa sa lahat ng pagkakataon.
Nais din po naming ipagbigay-alam na dahil po sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 at sa epekto nito sa operasyon ng ating programa, pansamantala po munang hindi mapapanood ang Public Briefing simula po bukas hanggang sa Sabado. Magbabalik po ang ating programa sa Lunes, March 22, 2021.
Ako pong muli si Usec. Rocky Ignacio ng PCOO at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH. Ingat po tayo, mga kababayan.
##
—
News and Information Bureau-Data Processing Center