Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas. Ngayong araw ng Biyernes, samahan ninyo kami para po talakayin ang mahahalagang isyu na dapat ninyong malaman. Maya-maya lamang ay makakasama natin sa isang oras na diskusyon ang mga panauhin na magbibigay-linaw sa mga tanong ng bayan kaya tutok lang po. Mula sa PCOO, ako po si Usec. Rocky Ignacio, simulan na natin ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Sa ating unang balita: Hindi lang po sa kalusugan kung hindi maging sa iba’t ibang sektor iniinda ng ating mga kababayan ang epekto ng COVID-19 pandemic, batay iyan sa pag-aaral ng Philippine Institute for Development Studies. Ayon pa sa PIDS, kailangang palakasin ang telemedicine sa bansa para hindi matakot ang mga Pilipino na magpagamot ngayong may presensiya ng nakakahawang virus. Narito ang report:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Narito naman po ang pinakahuling datos ng COVID-19 cases sa bansa base po sa report ng DOH:

  • As of November 22, 2021, nananatili sa three digits ang new cases na naitala. Ito po ay 975 lamang, para maging 2,829,618 ang kabuuang bilang ng COVID-19 sa Pilipinas.
  • One hundred ninety-three (193) naman po ang nadagdag na nasawi kaya umabot na sa 47,875 ang total COVID-19 deaths.
  • Umakyat naman sa 2,763,947 ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa sakit matapos itong madagdagan ng 1,029 new recoveries kahapon.
  • Seventeen thousand seven hundred ninety-six naman ang kasalukuyang active cases, 0.6% po iyan ng kabuuang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19.

Kapansin-pansin po ang patuloy na pagbaba ng mga naitatalang kaso ng COVID nitong mga nakaraang linggo. Pero ano nga ba ang dapat gawin para mapanatili ang magandang datos na iyan, makakausap po natin si Dr. Edsel Salvaña, Infectious Diseases Expert at member ng DOH Technical Advisory Group. Welcome back po, Dr. Edsel.

DR. EDSEL SALVAÑA: Good morning, Usec. Rocky. Good morning sa lahat ng nanunood sa atin ngayon.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, paano ninyo po madi-describe itong naitatalang cases nito pong mga nakalipas na araw kung saan patuloy po iyong pagbaba sa less than 1,000 lalo na po dito sa NCR?

DR. EDSEL SALVAÑA: Yes po, Usec. Rocky, very good news po ito na patuloy iyong pagbaba dahil mataas na rin talaga iyong ating vaccination rate dito sa NCR. Tinitingnan ko nga po iyong COVID situationer na ni-release kagabi, hindi na top iyong NCR – mukhang Number 2 na lang in terms of new cases per day. And I think that’s the first time I’ve ever seen that.

So nakikita po talaga natin iyong epekto ng enhanced vaccination program at iyong ginagawang mas efficient na PDITR ng MMDA at ng ating Metro Manila mayors, at sumusunod naman po talaga iyong mga tao.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, muli na naman pong naramdaman iyong pagtaas naman ng kaso ng COVID-19 sa ilang mga bansa sa Europa. So ano po ba iyong nakikitang pinakasanhi ng pataas na trends sa ibang bansa, Doc?

DR. EDSEL SALVAÑA: Well, alam naman natin sa Europa, mataas na iyong kanilang vaccination rate bagama’t ang nagsi-circulate talaga na variant is Delta. And batay sa pag-aaral ng WHO, iyong efficacy ng ating mga bakuna in preventing transmission sa Delta has really gone down by about 40%. And so, ang nangyari kasi, siyempre marami nang nabakunahan, naging medyo careless sila; hindi na nila ginagamit masyado iyong mask and so kumalat na naman ulit. Bagama’t ang maganda lang, iyong silver lining is even though tumataas iyong cases nila, iyong deaths ay nananatiling mababa dahil the vaccines continue to protect against severe disease.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, may tanong naman po si Red Mendoza ng Manila Times: Sa tingin ninyo po ba ay weather-driven daw po ang mga surge ng COVID-19 sa mga bansa sa Europa o talagang dahil lamang sa nagluwag sila sa restrictions, na talaga pong nag-pick up ang kaso dahil sa pagkawala ng mga public health standards?

DR. EDSEL SALVAÑA: Well, it’s both actually. Alam naman kasi natin sa mga bansa na may winter, people tend to spend more time indoors. And alam naman natin ventilation is key sa pag-spread ng COVID. On top of that, hindi na sila nagma-mask so nagpatung-patong po talaga. So, it’s a confluence of factors kasama diyan iyong kanilang colder weather which drives them indoors, and second is medyo naging careless po talaga sila – nagtanggal sila agad ng mask.

USEC. IGNACIO: Opo. Sunod po niyang tanong: Posible bang magkaroon ng isang bagong mutation or variant sa surge na nangyayari po sa Europa?

DR. EDSEL SALVAÑA: Well, it’s always possible. Kapag mataas ang transmission rate, mataas din ang mutation rate. And ito na nga iyong pinag-uusapan na bagong variant na nakita rito sa South Africa na binabantayan ng lahat ngayon, iyong B.1.1.529. Sinusubaybayan po natin ito. Bagama’t hindi pa naman siya nagti-take over katulad ng Delta, nakakabahala rin iyong mutations na taglay nito.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Maricel Halili ng TV5 at ni Aiko Miguel ng UNTV: Can you give us details about this particular variant? Nawawalan nga ba raw ng bisa ng bakuna dito? How contagious daw po ito?

DR. EDSEL SALVAÑA: Well, sa ngayon ay konti pa lang ang alam natin. Kasi iyong mutations naman na nakikita natin, maraming mutations – more than 30 mutations nga sa spike protein – but it doesn’t necessarily translate into real world. Kasi nakita nga natin, for instance, iyong ating naging homegrown na variant dito sa Pilipinas, iyong P.3 or iyong Theta, nakakatakot din iyong mutations niya pero hindi naman siya naging variant of concern katulad ng Alpha, Beta, Gamma or Delta.

So, while nakakabahala iyong presence of certain mutations, hindi automatic na mas nakakamatay ito or mas nata-transmit or mas bumababa iyong epekto ng ating vaccines. One thing is for sure though, kahit anong variant pa iyan, gumagana pa rin po iyong paggagamit ng mask at iyong ating minimum health standards, mapi-prevent po iyan; tapos iyong ating bakuna po most likely tuluy-tuloy pa rin iyong protection against severe disease.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong po ni Red Mendoza ng Manila Times: Kung dapat ba tayong mabahala sa bagong variant na ito mula sa South Africa, ito pong Pilipinas kung tayo daw po ay dapat mabahala na?

DR. EDSEL SALVAÑA: Well, lahat naman po ng ginagawa natin para ma-prevent iyong pagpasok ng mga bagong variants, tuloy naman po talaga iyan. For instance, iyong ating genomic surveillance ng Philippine Genome Center, ng RITM, ng National Institute of Health, we continue to do that. And the fact na na-detect na itong variant na ito at pinag-uusapan na ng WHO – iyong UK nga nag-travel ban na sila – it shows that iyong ating global genomic surveillance is working and hopefully we can prevent the spread of any new variants that come up. Basta tuluy-tuloy lang po iyong pag-iingat at tuluy-tuloy rin po iyong surveillance.

USEC. IGNACIO: Opo. Sunod pong tanong ni Maricel Halili ng TV5 at Lei Alviz ng GMA News: Since nakita na rin itong variant na ito sa Hong Kong, can we afford a less restrictive alert levels specially now that it’s nearing holiday?

DR. EDSEL SALVAÑA: Well, iyong alert levels naman po natin nakapako naman iyan sa ongoing community transmission. So, kung mababa ang transmission at tuluy-tuloy nga iyong paggamit ng PDITR, I don’t see any problems naman as long as our healthcare capacity remains manageable.

Sa ngayon, about 24% lang ang hospital beds na occupied but at the same time it’s no reason to be complacent. Nakita naman natin na like sa Europe ngayon tumataas dahil masyado silang nagluwag dahil mababa iyong cases initially at mataas na iyong vaccination.

So, I think ang important sa atin is tuluy-tuloy pa rin natin iyong ginagawa natin na dahan-dahan lang tayong nagbubukas at we watch for any spikes and continue our genomic surveillance to make sure na itong mga bagong variants kung mas nakakahawa man sila or mas mababa ang efficacy ng vaccine, agad po nating maa-isolate at hindi na po siya kakalat sa community.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, ayon sa World Health Organization, nari-reduce ng pagbabakuna ang transmission ng Delta variant by 40%. Pero sa sitwasyon natin ngayon na hindi pa naaabot po iyong target population protection ay bahagya pong nagluluwag na. Hindi po ba tayo nababahala dito?

DR. EDSEL SALVAÑA: Well, ang important po kasi talaga is iyong paggamit ng mga tao ng masks at iyong pagsunod po sa minimum public health standards, in fact, iyong face shields dapat ginagamit pa rin sa hospitals. Important po talaga na hindi tayo maging complacent kasi iyong virus nandiyan pa at ang virus nagmu-mutate.

So, the best way forward talaga is tanggapin na lang natin na unang-una kailangan po talaga tayong magbakuna pero it’s not as na parang silver bullet na akala natin kapag may bakuna na tayo eh end of the pandemic. Mukhang hindi ganoon iyong nangyayari, nagiging endemic iyong virus. Ngunit alam naman natin iyong mga gumagana na interventions katulad ng patuloy na paggamit ng masks, I think we can learn to live with this virus as long as iyong ginagawa po natin hindi po tayo magsasawa sa ating mga PDITR and MPHS strategy.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, nasa 10% ang effectivity ng bakunang Pfizer sa mga adolescent makalipas po iyong apat na buwan mula sa kanilang second dose. Nabasa ninyo na po ba iyong ginawang clinical trials na ito ng Pfizer? Kasama na po ba dito iyong 5-11 years old? Kung kasama po, ang ibig sabihin po ba nito ay dapat na rin nating bakunahan iyong age group na ito as soon as possible?

DR. EDSEL SALVAÑA: Maganda iyong results. 100% nga iyong naging effectiveness pero ang important rin kasi alam naman natin ang risk ng mga bata for severe disease is really lower. So, we want to make sure na i-prioritize pa rin natin iyong mga mas delikado lalo na iyong ating adults compared to the children. But of course we want to protect the children as soon as possible.

Kung maganda na iyong supply at payagan na po ng FDA iyong 5-11, I say go for it. Very, very important na we protect as many people as possible. But, again, we need to stick to our prioritization kasi alam naman natin kung habang hindi protektado ang mas nakararaming tao, iyong pag-increase ng cases lalo na among the unvaccinated at iyong hospitalization and death remains a threat.

USEC. IGNACIO: Opo. Correct ko lang po ano, tama po 100% ang efficacy ng bakunang Pfizer sa mga adolescent matapos po iyong apat na buwan. Pero, Doc, ano rin po iyong factors ang iku-consider sa gagawing guidelines para po sa napipintong pagbabakuna naman sa 5-11 years old?

DR. EDSEL SALVAÑA: Well, ang important kasi, alam naman natin mas maliliit iyong mga batang ito, iyong proper dosage noong ating mga bakuna. Iyong ginagawa po kasi sa US, tinitingnan po talaga nila iyong mga side effects. For instance, iyong Moderna mataas kasi talaga ang amount of mRNA sa kaniya and lalo nga dito sa atin kapag nagbu-booster, half dose lang iyong ginagawa.

So, I think ang pinaka-importante is we make that the dose that we’re giving the kids is the minimum that we need para magkaroon ng efficacy but at the same time we minimize the side effects. And in this sense, kaya kailangan po iyong mga karagdagang pag-aaral na isusumite sa FDA para matiyak talaga nila na ligtas at effective ang mga bakunang ito and that it really is worth giving it to this population.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, may final decision na po ba ang IATF sa paglabas ng mga minors?

DR. EDSEL SALVAÑA: Well, I will defer that to the IATF spokesperson. I mean, I sit in the meetings but I am not at liberty to give what the ano po — iyong mga final resolutions. As far as I know po, pinag-usapan naman po iyan and hintayin na lang po natin iyong official rulings.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Doc, ano na lang daw po ang paalala ninyo sa publiko lalo’t ilang araw na lamang po magsisimula na itong malawakang bakunahan sa bansa?

DR. EDSEL SALVAÑA: Well, important po kung hindi pa kayo nababakunahan, take advantage of these vaccination days lalung-lalo na iyong supply looks okay naman and alam ko iyong ibang LGUs 24/7 silang magba-vaccinate – 24 hours I mean kasi three days lang naman – na tuluy-tuloy.

Hopefully, walang maging problema in terms of the crowd control rin natin, siyempre, excited lahat ng tao. But very, very important na if you haven’t been vaccinated, this is your chance. If you work, you will be considered not absent kung kukuhanin ninyo po iyong bakuna. Iyong mga bata po na iyong sa mga pilot na face-to-face you will be excused from classes.

So, dapat po as little problems as possible, no barriers po para mabakunahan po kayo and let’s get that done para makaahon na po tayo dito sa pandemic po na ito.

USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa inyong panahon, Dr. Edsel Salvaña. Mabuhay po kayo and stay safe po.

DR. EDSEL SALVAÑA: Stay safe po. Thank you po.

USEC. IGNACIO: Para naman po magbigay ng paalala sa mga empleyado ng gobyerno na makikilahok sa malawakang bakunahan sa Lunes, makakausap po natin si Commissioner Aileen Lizada ng Civil Service Commission.

Good morning and welcome back po sa Laging Handa, Attorney!

CSC COMMISSIONER LIZADA: Magandang umaga, Usec. Rocky! At sa lahat po ng nakikinig at nanunood, magandang umaga po.

USEC. IGNACIO: Commissioner, next week magsisimula na po ang National Vaccination Day sa bansa. So, ang mga kawani po ba ng pamahalaan ay maaaring magpabakuna o maging volunteer dito sa tatlong araw na ito na hindi po raw mamamarkahan ng absent?

CSC COMMISSIONER LIZADA: Okay. Mayroon tayong MC 16 series of 2021. Lahat po ng magpapabakuna or iyong mga magbu-volunteer po ano–ibang aspeto ho iyon–so, doon ho tayo sa bakuna, excused absence po [Sorry po for the noise]. Excused absence po sila for the adverse events from immunization.

So, kung magpapabakuna po sila for slight adverse events such as swelling or may pain or may tenderness, ito po ay mayroon hong three calendar days na hindi po kayo considered as absent. Doon naman po sa severe or serious AEFIs (adverse event following immunization), mayroon ho tayong 15 calendar days po, excused absence po iyon.

Doon ho sa magbu-volunteer, this is up to the heads of agencies, wala ho kaming inisyu diyan but the heads of agencies may issue their corresponding office memorandum po para ipadala o kung sino ang ipapa-volunteer sa mga LGUs or DOH kung saan ho sila kailangan at that will be an excuse po from their respective works for that day po, Ma’am.

USEC. IGNACIO: Opo. Commissioner, ano po ba iyong magiging bahagi o suporta ng mga ahensiya dito sa gagawing malawakang bakunahan para dito po sa Lunes?

CSC COMMISSIONER LIZADA: Kagaya ho nang sa what we have experienced and seen before like the Philippine Coast Guard, like the PNP. Ngayon kung mayroon hong iba-ibang ahensya ng gobyerno na gusto hong mag-volunteer or if there are LGUs or the DOH needs more, iyong sinabi ni Dr. Salvaña kanina po na kung kinakailangang ng crowd control o baka may mga nurses or doctors within respective agencies at gusto hong maki-assist, most likely po they can as long as may Office Order po sila.

So kailangan ho tayo ng taumbayan, kailangan ho ng bayan natin ang ating serbisyo – again, whether we are in DENR, DPWH, it does not mean na kung hindi ho concern ang ating ahensiya ay hindi natin tutulungan. Kung kailangan ho tayo ng LGU, kung kailangan po tayo ng DOH and those who are willing to volunteer, magtulungan ho tayo.

USEC. IGNACIO: Opo. Commissioner, sa ngayon kumusta na po ba ‘yung vaccination status ng mga empleyado sa gobyerno; marami pa rin bang hindi pa nababakunahan?

CSC COMMISSIONER LIZADA: May link na binigay sa amin ang DOH po ‘no, the National Vaccination Operations Center – this is raw data.

And I am encouraging all heads of agencies or iyong whoever is in charge of updating that list, please kasi when we checked it, Usec. Rocky, 1.2 million – this is really raw data, this is not the report from DOH, I’d like to clarify that. We just checked it kasi nandoon ho lahat ang ahensiya ng gobyerno and mayroon pa hong… last August pa ho nag-update ang isang ahensiya, there are several agencies September pa, mayroon pa hong October. So, I’m sure those na nakakuha ng first dose na nakita ho namin na 1.2 million, I think this is more – the numbers will be more as long as they are updating their respective data po in the link na binigay po ng DOH sa kanila.

USEC. IGNACIO: Opo. Commissioner, pero paano naman po iyong ayaw pa rin nilang magpabakuna dahil sa iba’t ibang rason; paano po ‘yung magiging sistema tuwing kailan daw po required na magpakita ng negative RT-PCR result ang isang onsite worker? Siyempre kasi ito po ay kargo nila at medyo magastos po.

CSC COMMISSIONER LIZADA: Okay. So, mayroon hong pina-finalize ngayon ang CSC na policy that will be dealing with iyong topic po na ‘yan, Usec. Rocky. But we will also be in touch with DOH when we say regular RT-PCR, ano ba ho talaga iyong regular – is it one week, is it two weeks. And the Commission is in two weeks, we have conducted several commission meetings about it together with our legal, our OLA po ‘no and our policy office. So hintayin lang ho natin, anytime soon maglalabas na ho ang CSC ng policy about the topic, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Sakali naman daw po na maibaba na ang Metro Manila sa Alert Level 1 by December ano po, ibig sabihin ba daw po nito ay balik full capacity na ang mga opisina at handa naman daw po ba ang mga government offices para dito?

CSC COMMISSIONER LIZADA: Okay. Kahapon nag-usap ho kami ni Usec. Vergeire ng DOH, we asked as well po ‘no kasi it appears that if bababa sa Level 1 then this equates to somehow our new normal. When we talk about the alert level system, it was clarified to us that it is a warning system that utilizes metrics to alert LGUs on the risk level in their areas. So, it would be best for CSC to coordinate with the NIATF or DOH on this para po well-translated po ang amendments namin sa Revised Interim Guidelines on Alternative Work Arrangements or any guidelines for that matter that the CSC will be issuing that is pertinent to office operations, ma’am.

USEC. IGNACIO: Opo. Ito naman, ma’am, umiinit na po itong election season. Commissioner, may panuntunan po ba ang Civil Service Commission pagdating sa pagsuporta ng mga empleyado sa isang pulitikong kumakandidato at ano po ang mga limitasyon?

CSC COMMISSIONER LIZADA: Mayroon po tayong Joint Memorandum Circulars No. 1, Series of 2016 – Joint Comelec-CSC Advisory on Electioneering and Partisan Political Activities. Sino po ang covered nito? Ang covered po nito ay any official or employee in the Civil Service except those holding political offices or any officer or employee of the AFP, PNP, iyong mga defense forces, other paramilitary units, then we talked about—may mga exception po. Sino hong hindi covered? The President, the Vice President, other elective officials, members of the Cabinet, iyong mga confidential staff po nila and as well as members of the reserved corps of the AFP.

So, ano ho iyong mga hindi ho puwedeng gawin during campaign period which is campaign period po for national is February 8 to May 7 and the local campaign period is from March 25 to May 7 as well. So, ano ho iyong mga bawal:

  • Bawal ho tayong forming organizations or associations in our respective offices para ho for the purpose of soliciting votes or campaigning.
  • Hindi ho tayo maghu-hold ng political caucuses or meetings or rallies or parades, making or giving interviews or speeches for or against an election of a candidate, wearing ballers, t-shirt unless those authorized by Comelec.
  • Hindi ho natin puwedeng gamitin ang ating mga government resources at iyong mga ginagamit ho ng—let’s say gagamitin ng mga JOs or COS for political purposes – hindi ho iyon puwede.

Ang puwede ho nating gawin bumoto:

  • Let us express our views on current political problems, issues mentioning the names or parties which one supports – puwede po iyan.
  • Sa social media po, puwede ho tayong mag-like, share, repost or follow a candidate unless these are resorted to as a means to solicit support for or against a candidate during the campaign period.

So ang penalties po, Usec. Rocky, matindi rin po ang penalties natin:

  • 1st offense is suspension of 1 day to 6 months;
  • 2nd is dismissal from service and then kung dismissal po, hindi ho tayo—all accessory penalties apply forfeiture of retirement benefits and a whole lot more, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Commissioner, tanong naman po ng marami: May balita na po ba ang Civil Service Commission sa gratuity pay para po sa mga Contract Service at Job Order workers ng gobyerno? Kung mayroon daw po silang aasahan ngayong taon?

CSC COMMISSIONER LIZADA: Our heart really goes out to the JOs and COS although they are not under the Civil Service Commission, we are for them as well and their welfare. It is up to the Executive Department po ito para bigyan po sila ng gratuity pay and I hope that they will be able to find fund for itong mga JOs and COS who have been helping the bureaucracy – others for more than 20/25 years. Hindi ho sakop kasi ng CSC, they are under DBM and COA po.

USEC. IGNACIO: Uhum. If ever lang po, Commissioner, if ever po may prescribed schedule lang po ba iyong pamamahagi nito gaya po ng 13th month pay na hindi dapat abutin ng Pasko?

CSC COMMISSIONER LIZADA: Ang sa 13th month pay mayroon ho talaga siyang not earlier than November 15. But this one po, itong gratuity pay, it will be dependent po sa executive department, depende ho sa paghanap ng pondo and depende ho kung kailan nila iri-release. Because it is not one of those mandated na sinasabi ho natin na 13th month pay na mayroon hong naka-set na timing na po kung kailan siya iri-release, ma’am.

USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, maraming salamat po sa inyong impormasyon – Commissioner Aileen Lizada ng Civil Service Commission. Mabuhay po kayo, Attorney.

CSC COMMISSIONER LIZADA: Maraming salamat din po, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Sa iba pang balita: Daan-daang hog raisers na naapektuhan ng African Swine Fever sa Tagudin, Ilocos Sur ang binigyan ng financial assistance ng Department of Agriculture at iba pang ayuda mula sa tanggapan ni Senator Bong Go. Narito po ang report:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Bukod po sa COVID-19 laban sa Human Immunodeficiency Virus o HIV/Acquired Immunodeficiency Syndrome o AIDS ang isa rin po sa matagal nang tinutugunan sakit sa buong mundo. Ngayon pong may pandemya kumusta na nga ba ang sitwasyon ng mga kaso ng HIV/AIDS sa bansa. Para po pag-usapan iyan, makakasama po naitn si Ico Rodulfo Johnson ng Philippine National Aids Council Member representing people with HIV at ang president po at CEO ng Project Red Ribbon. Good morning po.

PNAC MEMBER/PRES. & CEO PROJECT RED RIBBON MR. JOHNSON: Good morning, Usec. Rocky at good morning to everybody na nanunood sa ating programa.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir Ico, sa inyong datos, bumaba ba o tumaas po ba iyong bilang ng mga nagpapa-test at nagpupositibo sa HIV nitong mga nakaraang araw?

PNAC MEMBER/PRES. & CEO PROJECT RED RIBBON MR. JOHNSON: Okay. Base sa datos ng Department of Health, makikita na pabalik na iyong ating mga cases or mga taong nagpapa-test. Pero dahil sa COVID pandemic, nagkaroon ng mobility restrictions. Kaya kung ikukumpara ninyo ang mga datos natin doon sa past years simula noong nagkaroon ng COVID pandemic ay bumaba ito. Pero hindi ibig sabihin na bumaba din iyong kaso ng HIV sa Pilipinas. Ang ibig ko lang sabihin nito ay nagkaroon ng mga challenges sa mga taong gustong magpa-test. Lalo na at naging lesser iyong interactions, tapos hindi nga nakakapunta because of mobility restrictions iyong mga kliyente natin para magpa-test. At the same time iyong mga human resources sa HIV clinics, lalung-lalo na sa mga social hygiene clinics na-pullout, para at least makatulong sa COVID vaccinations at saka iyong mga COVID responses ng mga LGUs.

So, kapag tiningnan natin sa ngayon ay mayroon na tayong 981 new HIV cases, parang bumabalik na iyong mga taong gustong magpa-test dahil nga natanggal na iyong restriction, pero kagaya ng sinabi ko, hindi ibig sabihin na kahit mababa, bumaba ang kaso natin, hindi pa rin natin alam kung ilan talaga ang recent case ng HIV dito sa Pilipinas.

USEC. IGNACIO: Opo. Nabanggit nga po ninyo na nagkakaroon ng hamon ang pagtugon sa medical na pangangailangan ng mga kababayan natin nitong nagdaang dalawang taon. Pero kumusta po iyong treatment ng people living with HIV ngayong pandemic at ang impact po ng pandemya sa pagpapaabot po ng suporta sa kanila?

PNAC MEMBER/PRES. & CEO PROJECT RED RIBBON MR. JOHNSON: Actually, masyadong malaki ang impact ng COVID pandemic. Kagaya ng sinabi ko, iyong karamihang government HIV and AIDS treatment facilities na-pullout iyong mga human resources rin, mga med-tech, iyong mga doctor, pero nagkaroon ng mga differentiated approaches ang community, ang Department of Health. Iyong dating pagpunta noong mga taong may HIV para kumuha ng gamot, imbes na sila ay pumunta, kasi marami nga ang nagsara dahil nga limited iyong human resources, pinapadala na lang sa kani-kanilang mga bahay. Number one, ito iyong tinawag naming ARG Bayanihan, na kung saan through courier na lang. Tapos, second nagkaroon na rin tayo ng lab on wheels. Ito iyong mga organizations nagdu-donate ng mga e-bikes para iyong mga gamot, dini-deliver na right to the doorsteps ng mga taong may HIV.

Tapos ang maganda dito, hindi rin natigil iyong mga awareness talks, iyong mga testing, kasi mismong iyong testing kung hindi maisagawa sa mga clinics, dinadala sa mga community at dinadala rin ito sa mga vax sites. So ang maganda sa Pilipino, mabilis tayong makapag-imbento ng mga paraan, makapag-isip ng mga iba’t-ibang paraan para maituloy natin iyong programa lalung-lalo na sa HIV.

USEC. IGNACIO: Sir Ico, sa vaccination rollout ng pamahalaan, kabilang po sa A3 priority list ang mga person living with HIV. Sa ngayon po, may datos po ba tayo kung ilan na po sa kanila iyong nabakunahan at nakatanggap na po ng booster dose?

PNAC MEMBER/PRES. & CEO PROJECT RED RIBBON MR. JOHNSON: Opo. Usec., actually ito iyong ipinagmamalaki ng Philippine National AIDS Council. Kasi ipinaglaban talaga namin na maisama ang HIV sa A3, at base sa datos ng Epidemiology Bureau ng Department of Health as of October 20, 2021, 9,244 ang mga people living with HIV o mga taong may HIV ang naka-complete ng two doses. Tapos, mayroong 3,076 ang reported na naka-receive ng one dose at ang maganda dito, kasama pa rin sa booster ang mga taong may HIV. Kaya kami ay nagagalak sa council dahil ang focus namin ay HIV ay nabigyan pa rin kami ng opportunity para ilaban ang karapatan ng mga taong may HIV.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir Ico, ilang araw bago ang commemoration ng World AIDS Day sa December 1st. Paano po kayo naghahanda para dito. Ano po ba iyong magiging tema at highlights ng commemoration sa taong ito?

PNAC MEMBER/PRES. & CEO PROJECT RED RIBBON MR. JOHNSON: Okay. So, natutuwa kami dahil pinaunlakan ninyo kami para ihayag sa buong Pilipinas na ang Philippine National AIDS Council ay nangunguna sa pag-celebrate o pag-commemorate ng World AIDS Day. Kapag sinabi nating celebrate, kasi celebration of life, celebration of accomplishments of the advocates of people living with HIV, of the government partner.

So, nakikiisa tayong lahat sa selebrasyong ito, commemoration dahil ito rin ay pag-aalala sa mga taong namatay because of HIV. Ang theme po natin this year ay “Equitable access, everyone’s voice”. Equitable access, gusto natin, mayroong tayong fairness sa pag-access ng mga serbisyo para sa HIV at ito ay ating boses. Lahat tayo ay mayroon tayong parte o mayroon tayong pakisama dito sa ating paglaban sa HIV. Ang maganda po dito, Usec., ang tema ng World Aids Day ay binangga po ng Philippine National AIDS Council sa UN Political Declaration and Global Strategy last July 2021 na pinasa po ito ni chair ng PNAC na si Secretary Duque, dahil ang focus po kasi ng UN Political Declaration ay nakaangkla sa bagong batas, itong iyong RA11166 or the HIV and AIDS policy Act and Universal Health Care Act.

Ang maganda rin po dito ay pinagdiinan niya na mayroon dapat equitable access na tugmang-tugma sa theme ng World AIDS Day. At ang pinakamagandang mga istratehiya na binanggit niya dito ay ini-extend iyong mga services sa homes and communities na ginagawa tuwing pandemic. Nakakamangha, kasi itong mga punto ni Secretary Duque at chair ng PNAC ay sinabi rin niya doon na ginagawa na natin, tapos increase access through networks. Kasi ang hindi lang tayo dapat naka-rely sa mga health care workers and facilities, pero iyong networks nila. Ang pinakamaganda dito iyong collaboration for the policy development of all partners, kasi dapat nobody is left behind and everybody should [overlapping voices].

So, ang Philippine National AIDS Council ngayon ang nangunguna sa selebrasyon ng World AIDS Day. Ito ay mangyayari ngayong December 1, ito po ay national event. At kami na mga miyembro na mayroong 12 government agencies at mayroon din tayong 9 civil society organizations ay nagtulong para ibigay ang mensahe sa lahat about the World Aids Day. So ibig sabihin, kami ang nangunguna at kami ang nagbibigay ng mensahe para consolidated iyong effort. At kami ay nagbibigay ng mensahe para especially iyung dated iyong effort at kami ay nagpapasalamat sa inyo USec. Rocky, sa pagbibigay ninyo sa amin ng opportunity para mai-share iyong aming message sa lahat na tayo ay dapat sama-sama na ang HIV despite COVID, we should continue fighting and together we can all save lives.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir Ico, kami ay bukas at handang tumulong para sa inyo ano po? Sa naging UN General Assembly din ngayong taon, sa usapin po ng HIV at AIDS, in-adopt po itong political declaration on HIV and Aids ending in equalities and getting on track to end AIDS by 2030. So, paano po ba iyong efforts ng mga bansa para po maisakatuparan ito and are you still hopeful po na ma-reach ang global target na ma-eliminate po ang AIDS by 2030?

PNAC MEMBER/PRES. & CEO PROJECT RED RIBBON MR. JOHNSON: Actually, we are very, very hopeful kahit bumagal iyung noong 2 taon na mayroon tayong pandemic, siguro magdu-double, triple time ang lahat ng mga advocates, ng mga stakeholders na sinusulong ang mga programa ng HIV. Kaya po natin, basta magtulung-tulong tayo.

Kasi nandito naman po ang ating gobyerno, nandito ang mga civil society organization at nandito ang Philippine National AIDS Council para siguraduhin natin that we can get AIDS by 2030. Kagaya ng sinabi ko [garbled] ang mga Filipinos po ay magaling mag-innovate, magaling gumawa ng mga different approaches para ma-reach lang natin ang targets natin. So, I am really very, very hopeful makukuha natin ang ating goal by 2030.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir Ico, kami po ay nagpapasalamat sa inyong oras at sa mga inisyatibo po at programa ng inyong grupo para po sa paglaban sa HIV at AIDS. Sir Ico Rodolfo Johnson, PNAC Member at President and CEO ng Project Red Ribbon. Mabuhay po kayo Sir Ico.

PNAC MEMBER/PRES. & CEO PROJECT RED RIBBON MR. JOHNSON: Thank you po, maraming salamat po.

USEC. IGNACIO: Mga residente ng ilang bayan sa Western Samar na napinsala po ng mga nagdaang bagyo ang sinuyod ng outreach team ni Senator Bong Go, kamakailan namahagi sila ng ayuda habang livelihood at financial assistance naman po ang hatid ng mga ahensiya ng pamahalaan. Narito po ang report:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Para naman po sa pinakahuling pangyayari sa iba pang mga lalawigan sa bansa. Puntahan natin si Merry Ann Bastasa ng PBS Radyo Pilipinas.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo Merry Ann Bastasa ng PBS Radyo Pilipinas.

Heroes Mural para sa mga medical frontliners ang handog ng Cordillera Region sa kanilang hindi matatawarang kabayanihan at walang humpay na serbisyo sa mga kababayan natin ngayong panahon po ng pandemya. Ang detalye sa report ni Phoebe Kate Valdez ng PTV-4 Cordillera:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Sa Davao City, puspusan na po ang paghahanda ng mga vaccination sites para sa gagawing malawakang bakunahan sa Lunes. Kabilang po ang Davao City National High School sa 30 vaccination hubs na makikilahok sa National Vaccination Day. Sa detalye sa report ni Hanna Salcedo

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo Hanna Salcedo ng PTV Davao.

At iyan po ang mga balita at talakayan tampok namin ngayon araw, ang Public Briefing po ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Broadcaster ng Pilipinas o KBP.

Mga kababayan 29 days na lamang po at Pasko na.

Ako po si USec. Rocky Ignacio, magkita-kita po tayo muli bukas dito lamang sa Public Briefing Laging Handa PH.

##


News and Information Bureau-Data Processing Center