USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas. Ngayong unang araw ng Disyembre, sama-sama pa rin nating tatalakayin ang pinakamaiinit na isyu sa buong kapuluan. Muli po tayong makikibalita sa huling araw ng Bayanihan Bakunahan National Vaccination drive ng pamahalaan. Bukod diyan, atin din pong tatalakayin ang mainit na usapin tungkol sa pagsugpo sa terorismo at insurgency sa bansa. Ako po si Usec. Rocky Ignacio, simulan na po natin ang Public Briefing #LagingHandaPH.
Paalala po sa ating mga motorista, simula ngayong araw ay muli nang ipatutupad ang number coding scheme sa buong Metro Manila mula alas singko ng hapon hanggang alas otso ng gabi, Lunes hanggang Biyernes, maliban kung holiday.
Pero paglilinaw ng MMDA, iyan ay para lamang sa mga pampribadong sasakyan; exempted diyan ang mga public utility vehicle, Transport Network Vehicle Services o TVNS, mga motorsiklo, garbage trucks, fuel trucks at iba pang mga sasakyan na may kargang essential o perishable goods. Iiral na rin buong araw ang night truck ban sa kahabaan ng EDSA maliban lamang muli kung ito ay truck ng basura, nagkakarga ng langis o may lulan na essential o perishable goods.
Samantala, pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte at ni Senator Bong Go ang naging selebrasyon ng 158th birth anniversary ni Andres Bonifacio kahapon sa San Juan City. Sa kaniyang naging pahayag, sinabi ni Senator Go na hindi man siya tumuloy sa pagtakbo sa pagkapangulo, magtutuluy-tuloy naman ang pagtulong niya sa ating mga kababayan na nangangailangan. Narito po ang report:
[VTR]
USEC. IGNACIO: Sa puntong ito, muli nating makakasama live mula pa rin sa kanilang headquarters sa PICC si Health Undersecretary Myrna Cabotaje, ang chairperson ng National Vaccination Operations Center. Good morning po, Usec.
DOH USEC. CABOTAJE: Magandang umaga sa iyo, Usec. Rocky, at sa lahat ng nakikinig sa ating programa ngayong umaga.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., ilan na po in total ang mga Pilipinong nabakunahan sa ikalawang araw ng nationwide vaccine drive?
DOH USEC. CABOTAJE: Yes, with your permission, Usec. Rocky, we have a slide to show the exact numbers. So, we’d like to start by thanking again our healthcare providers, iyong ating mga volunteers for this second day vaccination.
We’d like to specially highlight iyong mga iba-ibang mga tumulong sa atin na volunteers, iyong mga encoders, vaccinators. And then we have a new breed of Gat Andres Bonifacio, we’d like to specially recognize [unclear] Emmanuel Martinez Laos who volunteered as encoder for the National Vaccination Day. We salute you, sir. And then, these are our numbers, Usec. Rocky—
USEC. IGNACIO: Opo. Pero nadagdagan po ba, Usec., o nakatulong iyong holiday kahapon kaya po naging malaki ang bilang ng nagpabakuna? Ilan po iyong nadagdag, Usec.?
DOH USEC. CABOTAJE: Iyong ating final numbers ng November 29 ay 2,708,018; as of November 30, 6 A.M., mayroon tayong 2,292,335. So iyong sa katanungan mo kung nakatulong iyong holiday kahapon o hindi, our numbers are showing that mas mababa ngayon but these are not final numbers, as of 6 A.M. ito. We will be expecting more numbers later.
May nagsasabi na nakatulong ang holiday kasi they were able to go to the vaccination sites. Pero may mga feedback din na they worked because it was double pay. And then there were some problems because they were not accommodated during the vaccination times. May mga bakuna centers na nagsara nang mas maaga. So for the two days, we have an accumulative accomplishment of 5,353,000, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., balikan po natin iyong tanong natin kanina: Ilan po in total ang mga Pilipinong nabakunahan sa ikalawang araw ng nationwide vaccine drive?
DOH USEC. CABOTAJE: Two million two hundred ninety-two thousand three hundred thirty-five [2,292,335] ang naitala nating nabakunahan sa second day base sa mga reports na-receive natin nang ala sais ng umaga kanina. We will be expecting more reports to come hanggang eleven, so we will have a final report up to 11 or a little after 11 AM this morning, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Opo. So, ngayon po ba ay may running tally na tayo for this day? At ang tanong po ni Lei Alviz ng GMA News: Sa tingin ninyo, maaabot po ba kaya iyong nine million jabs na target ng pamahalaan pagkatapos ngayong araw?
DOH USEC. CABOTAJE: Ang running total natin, Usec. Rocky, ay 5,ooo,353. We are still hopeful na ma-meet natin iyong nine million targets, but just in case we will be unable to reach it, this is a record already high of our accomplishments. Kasi nga dati-rati mga one million lang tayo, 1.5, ngayon naka-2.7; 2.2. So, talagang nakikita na kapag tulong-tulong tumataas iyong ating accomplishments.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero kumusta po iyong naging bakunahan sa nakalipas na dalawang araw sa mga rehiyon naman daw po na may mababang vaccination rate tulad po ng BARMM, SOCCSKSARGEN, at iba pa?
DOH USEC. CABOTAJE: Tumaas din iyong kanilang daily average by three or four times the usual daily accomplishments. For example sa BARMM, nakaka-59,000/42,000; samantalang regular days mga 10,000/12,000 a day sila.
Ang Region XII, naka-164,000/41,000. Ordinarily mga singkuwenta lang iyan, hindi pa sila nakakaabot ng singkuwenta kung minsan.
So, the vaccination day campaign style brought the vaccinees to the bakuna centers.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., tanong lang po ng kasamahan natin sa PTV na si Mark Fetalco: Sa pakikipag-usap ng NVOC sa regional units, nagamit ba nila iyong natitirang mahigit 300,000 doses na due na po daw kahapon? So far, ilan na po iyong naitalang vaccine wastage?
DOH USEC. CABOTAJE: We are still counting ilan pa iyong hindi pa na-account na nagamit na AstraZeneca doses and a few Moderna. We are validating and we are verifying the reports.
USEC. IGNACIO: Opo. Mula naman po kay Red Mendoza ng Manila Times: Na-resolve na po ba iyong issue, ito nga ulit po iyong mga soon to be expired and near expiring doses na mga bakuna na ipinadala naman daw po sa mga probinsiya?
DOH USEC. CABOTAJE: Yes, many of them naka-jab sila; some were kept in certain areas, so tsinitsek natin kung bakit hindi nai-distribute because they’re already in their possession earlier, so we were hoping na either na i-distribute iyan or naibahagi sa ibang areas para maibakuna ito.
USEC. IGNACIO: [OFF MIC] natatapos na daw po iyong unang round ng Bayanihan, Bakunahan. Ano po sa tingin ninyo iyong mga operational concerns na sa tingin daw po ninyo na kailangan pong i-resolve dito naman po sa round 2 ng ating vaccination drive, I think December 16 to 17 po ba itong ating round 2?
DOH USEC. CABOTAJE: Unang-una, gagawin nating mas madali iyong proseso; i-increase natin iyong registration area kasi iyon ang kanilang mga complaint na hindi na-accommodate, may mga long queues. While we appreciate na gusto ng ating mga lokal na pamahalaan na mayroon silang mga pre-registration, nakikita naman natin that they do not really pre-register.
So, if we can accommodate more walk-ins, we can extend our hours sa vaccination. Tapos iyong utos po ni Presidente na sana po ay huwag magpauwi ng nakalinya na sa bakunahan. So, no walk-in should be sent home without being vaccinated.
USEC. IGNACIO: Opo. Iyong last question naman po ni Red Mendoza: Sa round 2 po ba ng Bayanihan, Bakunahan, ini-expect po ba ng NVOC na mas mataas ang magpapa-booster doses dahil sa ilalabas na guidelines ng DOH dahil na rin po sa threat ng Omicron variant?
DOH USEC. CABOTAJE: Paki ulit, Usec. Rocky, I did not quite get the question.
USEC. IGNACIO: Doon daw po sa round 2 [TECHNICAL PROBLEM]
DOH USEC. CABOTAJE: Napuputol—[TECHNICAL PROBLEM]
[AD]
USEC. IGNACIO: Okay. Balikan po natin ang last question ni Red Mendoza, Usec. Cabotaje, paumanhin po: Sa round 2 daw po ng Bayanihan, Bakunahan, kung ini-expect po ba ng NVOC na mas mataas ang magpapa-booster doses dahil ilalabas na ang guidelines ng DOH dahil daw po sa threat ng Omicron variant?
DOH USEC. CABOTAJE: Yes. Sa ngayon nga lang ay marami ng gustong magpa-booster. So, we will be happy that they’ll come back for the booster. Pero mas masaya sana tayo kung iyong ating mga first doses na hindi pa nakakuha ng kanilang dose ay magpabakuna na. Tapos kailangan po iyong mga second doses na due ay importanteng makuha nila iyong kanilang second dose.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Lei Alviz: Sa gitna daw po ng banta ng Omicron variant, may mga bansang nag-aalok na nga ng booster sa lahat ng 18 years old pataas. Kailan po ito gagawin dito sa Pilipinas?
DOH USEC. CABOTAJE: The EUA has been approved, we will just finalize the guidelines. In the next couple of days, we will have the boosters for all the 18 years old and above.
USEC. IGNACIO: Opo. Ayon naman kay Secretary Galvez kahapon, sisimulan na daw po iyong pamamahagi ng booster shot sa iba pang priority sector by December 10. By that time po kaya wala ng problema sa syringe supply natin?
DOH USEC. CABOTAJE: Yes, for the Pfizer syringe, let us clarify that ang problema lang natin sa syringe ay iyong Pfizer syringe, iyong ibang syringes po ay available. The Pfizer syringes that we have ordered from UNICEF are arriving in December 2, in tranches. Mga four million in the next couple of days and then afterwards may sunod-sunod na dadating po sa 44 million na in-order po natin mga two or three months ago.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., so far ilan naman daw po iyong mga naturukan ng booster shot simula daw po noong Lunes? May data na po ba daw tayo?
USEC. MYRNA CABOTAJE: We had about 600 booster shots na naibigay na from Monday.
USEC. IGNACIO: Opo. USec., ito naman pong pahabol na tanong ni Mark Fetalco: May napag-usapan na po ba kung ilan ang target para sa next wave ng national vaccination days sa December 15 to 17?
USEC. MYRNA CABOTAJE: Our initial consideration is the same targets of 9 million but we will have to consult with our local chief executives kung ano iyong maidi-deliver nilang mga targets.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin po ni Mark Fetalco: Bakit po may vaccination center na maaga pong nagka-cut-off? Ano po ang ina-advise sa mga LGU sa mga naabutan ng cut-off?
USEC. MYRNA CABOTAJE: Iyan po ang isang na-monitor nating problema. Ngayon ay nagpalabas na po ang DILG na ang kanilang direktiba na dapat hindi magsasara ng maaga iyong ating mga bakuna center at sabi ko nga earlier, hindi magpapauwi ng mga nakapila na hindi nababakunahan. So, kailangan talaga tuloy-tuloy ang bakunahan hangga’t mayroong nakapila pa.
USEC. IGNACIO: USec., kunin ko na rin po iyong reaction ninyo sa sinabi ni Pangulong Duterte, na susuportahan niya sakali po gawing mandatory ng IATF ang pagbabakuna laban sa COVID-19.
USEC. MYRNA CABOTAJE: Yes, that is the only way na magbakuna lahat. Kasi, alam mo naman ang direktiba ng Presidente, no one should be left behind. So, dapat lahat magpapabakuna.
USEC. IGNACIO: Opo. USec. Myrna, kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon at makikibalita po kami uli sa inyo sa mga susunod na araw. Muli po nakausap po natin ang NVOC Chairperson na si Under Secretary Myrna Cabotaje. Salamat po, Usec.
USEC. MYRNA CABOTAJE: Thank you. Good morning.
USEC. IGNACIO: Sa puntong ito, alamin naman natin kung marami pa rin ang dumarating sa mga vaccination centers sa ikatlong araw ng National Vaccination drive ng pamahalaan. Nasa Batasan Quezon City si Naomi Tiburcio. Naomi, kumusta ang bakunahan diyan?
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Naomi Tiburcio.
Samantala, kahapon ay dumiretso naman si Senator Bong Go sa pamamahagi ng ayuda sa ilang residente ng San Juan City kasama ang ilang ahensiya ng pamahalaan. Nagpasalamat din ang mga lokal na official ng lungsod sa pagkakatayo ng Malasakit Center sa kanilang hospital. Ang detalye sa report na ito:
[VTR]
USEC. IGNACIO: Noong nakaraang linggo po ay pinag-usapan ang matensiyong engkuwentro na muling naganap sa Ayungin Shoal. Ngayon naman po makikibalita tayo sa mga pinakahuling programa ng NTF-ELCAC para labanan ang terorismo at insurgency sa bansa, kasama rin si National Security Adviser Secretary Hermogenes Esperon Jr. Good morning po, Secretary.
SEC. HERMOGENES ESPERON JR: Magandang umaga, magandang umaga USec. Rocky. Magandang umaga din sa mga tagasubaybay ng Laging Handa.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, tungkol dito sa NTF-ELCAC, specifically sa budget cut, gaano po ba kalaki ang magiging impact ng pagtapyas sa pondo ng NTF-ELCAC sa mga programang ginagawa po nito?
SEC. HERMOGENES ESPERON JR: Kung masusunod iyong panukala ng ibang miyembro ng Senado, na 4 billion na lang out of 28 billion ang ilalagay sa Barangay Development Program ay magkakaroon pa rin naman ng 2.5 milyon bawat barangay. Ngunit ito ay tamang tama na lang siguro na maging health station. Mawawala na iyong kanilang farm to market road na siyang pinaka-importante siguro, mawawala na rin iyong classrooms, mawawala na rin iyong livelihood projects; dahil ito dapat ay 20 milyon bawat barangay.
Kaya, parang pinangakuan natin ng malaki, sinabi natin na maibibigay nila ang kanilang hiling kasi sila naman ang gumawa ng programa at binadyetan natin ng P20 milyon each. Ngayon kung aalisan natin sila ng budget from 20 to 2.5 million na lang ay parang hindi sapat upang maalis iyong mga problema doon sa barangay na siyang naging dahilan kung bakit maraming na-recruit sa kanila na sumanib sa New People’s Army at saka sa mga front organization nito.
Ngayon, kung aalisin natin sila ng budget from 20 to 2.5 billion na lang, ay parang hindi sapat upang maalis iyong mga problema doon sa barangay na siyang naging dahilan kung bakit maraming na-recruit sa kanila na sumanib sa New People’s Army at saka sa mga front organizations na ito. Kaya ang katumbas nito, iyong pagbawas nila from 28 billion ay parang ano na lang ito, parang plaster lang. Ano ang tawag natin doon sa inilalagay na panggamot ng mga sugat? Napakalalim ng sugat pero linalagyan lang natin ng maliit na plaster.
Kaya ang mangyayari niyan ay babalikan lang sila ng NPA at sasabihin na, “Nakita ninyo, pangako nang pangako sa inyo ang gobyerno, pinagawa pa kayo ng programa, sinabing ibibigay sa inyo nguni’t ngayon ay hindi naman nila maibigay.” Kaya talagang ang mangyayari niyan ay magiging vicious cycle lang, pabalik-balik katulad ng nangyari ng mga nakaraan, pabalik-balik lang iyong insurgency.
Malaki talaga ang epekto nito kaya kami ay—ang nagsasabi na mismo na kailangan ibalik ang pondo ay ang mga gobernador na kung kanino natin ibinigay iyong pondo at mga city mayor. Ganoon din naman iyong mga municipal mayors at saka mga barangay kapitan kasi diretso na sa kanila iyon. Tandaan natin na iyong 28 billion ay hindi pondo ng NTF-ELCAC iyan. Iyan ay pondo ng Barangay Development Program at diretso iyan na napupunta sa barangay. Direct ang application niyan kaya huwag nilang sasabihin na pork barrel iyan kasi hindi naman natin pinili iyong mga barangay; iyong mga barangay na pupuntahan niyan ay iyong mga dating guerilla bases na natanggalan natin ng NPA.
Hindi natin pinili iyan, depende sa sitwasyon sa baba iyan dahil talagang gusto nating wakasan itong insurgency na 53 years na kaya ang application ay sa barangay na conflicted.
Ito ay ibang-iba sa ordinary na projects na pumupunta sa mga barangays na wala namang conflict at hindi naman geographically isolated. Talagang nakatutok ito sa 822 ngayong 2021 at sa 1,406 na barangays na natanggalan natin ng NPA. Naipa-implement sana natin itong 1,406 sa 2022.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Secretary, itong sinasabi ninyong band-aid solution po iyong binabanggit ninyo, pero hindi pa naman po final itong decision ng mga senador ‘di po ba? Ano po daw ang gagawin ng Task Force para naman po kumbinsihin sila na hindi dapat mabawasan ang operating funds ng NTF-ELCAC para sa susunod na taon?
SEC. ESPERON: Nagsabi naman sila na kulang daw ang report namin. Kulang daw ang report namin kaya nga pinupunuan namin iyong aming report, nagpadala kami noong November 4 at saka November 9 ng karagdagang report bukod doon sa quarterly reports namin at iyong pinakahuli naming report, Usec. Rocky, ay out of the 2,318 projects, itong status ng projects ano, 794 na ang ongoing implementation. Kapag sinabi mong ongoing implementation, ito ay nasa different stages ng from 30% to 91%.
Ito, nasa screen natin ngayon, mayroon tayong 2,318 projects. Under procurement stage: pre-procurement are 478; 1,002 are under procurement; at 794 na ang ongoing implementation.
Tumaas na rin iyong natapos, 20 infrastructures at saka 24 na non-infra. Kaya pagbigyan lang nila kasi naibigay naman natin iyong pondo Abril, at alam naman natin na dalawang taon ang paggamit ng pondong iyan. Kaya kami ay naniniwala na before first quarter, halos 80% na ang natatapos na projects.
At sinisiguro namin na ang pagbantay namin, pag-inspect namin sa mga barangay na ito, sa mga projects na ongoing ay talagang masinsinan. Mayroong nag-i-inspect na Armed Forces; may nag-i-inspect na PNP; may nag-i-inspect na national team; may nag-i-inspect na regional team, at nandiyan pa ang COA. So masasabi ko na talagang iyong mga pondo na 20 million per barangay ay talagang napupunta diyan. At mayroon kaming record ng lahat na mga ginagawang projects. Nakalagay iyon sa ating website, sa www.ntf.com.org. Tulad niyan, iyong naipapakita naming mga farm to market road, talaga namang appreciated iyan sa mga barangays; iyong mga health station, iyong classrooms, talagang nakikita nila na nandiyan iyan.
Iyon ngang binisita ko sa Ilocos dahil mayroon din sa Ilocos maski na dalawa lang ay talagang napakaganda na ng farm to market road na ginagawa doon. Iyong aming ibang teams—ako’y nanggaling na sa Sorsogon at nakita ko kung paano mag-implement si Governor Chiz Escudero diyan. Magtiwala tayo sa mga gobernador; sila nga ay talagang ginagawa nila ang kanilang magagawa para mai-deliver iyong the whole amount, the whole value of the project of 20 million. Hindi ito basta-bastang pinapaubaya lang kung kani-kanino; talagang sama-sama ang gobernador, ang national and local agencies [technical problem] sa barangay. Kaya ito ang talagang [technical problem] doon.
Sinasabi rin niya na wala raw nakarating sa Negros Occidental, sabi ni Governor Lacson. Eh iyong 2021 mayroong 26 doon, tapos itong 2022 mayroong 70. So parang sabi niya wala raw eh 96 nga iyong total ng Negros Occidental; number four! Number four ang Negros Occidental. Mayroon tayong ranking diyan eh, mga listahan: Number 1, Sorsogon – 168 barangays; Bukidnon – 153; Davao de Oro – 106; Negros Occidental – 96; Number 5, North Cotabato – 93.
Mayroon ba tayong—yeah, itong figure na ito. Tingnan ninyo per province, Agusan del Sur, Samar, iyan ang mga talagang matataas. Davao City, napakalaki niyan, mas malaki sa mga ibang probinsiya, 85; Misamis Oriental, Camarines Sur, nandiyan lahat iyan, naka-record iyan. At iyan ay talaga namang malakas ang insurgency diyan sa mga top ten, top 15 na iyan kaya talagang marami diyan. Agusan, Davao Oriental, Surigao, talagang matataas diyan, mas maraming barangay. Hanggang makita ninyo sa Pangasinan na dalawa lang dahil kukonti—I mean sa Region I. Region I anim nga lang eh.
So ano ang sinasabi nilang may pabor-pabor o persecuted. Kung talagang pabor-pabor iyan, eh ako ang Cabinet office sa Region I, ‘di sana pinuno ko na ang Region I. Eh, nakita ninyo naman ang Region I sa taong ito ay dalawa lang. So, walang pulitika ito, it’s all about ending the local communist armed conflict.
And I hope—isa na si Vice President Robredo naliwanagan siya sa project na ito kaya sinabi niyang susuportahan niya ang NTF-ELCAC. And I also heard that Senator Lacson will also support us once we come up with some more reports and probably some modifications doon sa implementation.
Eh, bakit hindi? ‘Di pag-usapan natin tutal ang implementer naman ng mga ito ay ang mga governors at ako ay nagtitiwala sa mga governors and mayors na gagawin nila ito dahil para sa kanilang mga constituents ito, itong mga project na ito at alam nila kapag hindi nagawa ito ay hindi mawawala iyong mga isyu na talagang laging ginagawa ng NPA na dahilan upang maka-recruit pa sila ng mga tao doon sa kanayunan.
We can never end this insurgency kapag iyong panay militar ang solusyon nito, dapat socioeconomic, political. Ito na nga, Barangay Development Program at whole-of-nation approach. Lahat ng agency hindi lang military at saka pulis ang dapat na nag-o-operate dito. Dito ngayon sa NTF-ELCAC, out of the 12 lines of efforts isa na lang iyong military and police, mayroon pang 11 line of efforts na led by civilian agencies and the local governments.
Ito talaga ang solusyon dito, believe me, I’ve been a company commander, battalion commander in the insurgency areas. I’ve been a brigade commander twice at hindi naman mawawala sa inyo na ako naman ay nag-Army Commander at saka Chief-of-Staff. Ito ang pangarap namin noon, kaming mga kasundaluhan gusto naming magkaroon ng development doon sa mga barangay na aming natatalo ang NPA. Kailangan may mailagay tayo doon na development.
Hindi ito pork barrel, hindi ito pulitika.
USEC. IGNACIO: Secretary, pero sinabi naman po ni Vice President Leni Robredo na suportado nga niya po iyong mandato ng NTF-ELCAC except sa aniya’y careless statement ng ilang miyembro nito na nagpapasama daw po sa imahe ng task force. Ano po ang masasabi ninyo naman dito?
NSA SEC. ESPERON: May sinasabi sila na nagri-red-tagging daw iyong ibang kasama namin. Ang sa amin naman ay hindi naman kami ang nagri-red-tag. Si Jose Maria Sison ang nagsasabi kung sino iyong mga kasama niya, may video tape iyan, sinabi na niya kung sino iyong mga kasama nila – Alliance of Concerned Teachers; League of Filipino Students; Kilusang Magbubukid ng Pilipinas; Bayan. Sinabi niya lahat iyan and lately itong 2021 sinabi rin niya kung ano iyong mga underground mass organizations, 18 of them; siya rin ang nagsabi noong anniversary ng National Democratic Front. Siya ang nagri-red-tag, siya ang ang nagsasabi kung sino iyong mga kasama nila. Gabriela, sinabi niya iyan; League o Filipino Students; Kabataan, sinabi naman niya lahat iyan.
So, iyong amin naman ay sinasabi lang namin iyong sinasabi ni Joma Sison at iyong ginagawa nila sa baba. At bukod diyan, mayroon tayong mga former rebels, mga cadre, na nasa atin na ngayon. Sinasabi nila kung ano ang naranasan nila, kung sino ang nag-recruit sa kanila.
So, these are all facts of the matter. Katotohanan ito! Hindi kami ang nagsasabi na iyon Gabriela ay maraming mga sumasapi sa NPA. Totoo naman, maraming Gabriela na naging NPA. Mabibigay pa nga namin iyong mga pangalan eh! Maraming Kabataan, LFS, na naging NPA. So, red-tagging ba iyon o we’re just informing the public?
Para naman iyong mga magulang ay alam nila kasi mayroon ng nabuo ngayon, Hands Off Our Children, isang grupo ng magulang. Mayroong isang grupo, Yakap ng Magulang, sila din ang nagsasabi iyong mga anak nila na-recruit at ngayon nawala iyong magandang kinabukasan. Hindi ba?
Kami ba ang nagri-red-tag o dahil sa kagagawan nila na lumalabas talaga iyong katotohanan o dahil si Joma Sison ay sinasabi niya kung sino iyong mga kakampi niya at kasamahan niya dito sa tinatawag niyang National Democratic revolution daw na iyon pala ay armed rebellion. Hindi kami red-taggers, we are just stating the facts on the ground, we are just informing the public.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, sigurado o magiging matunog na usapin pa rin ang NTF-ELCAC hanggang sa darating na eleksyon. Magkakaroon po ba kayo ng komunikasyon o pakikipag-usap sa mga kakandidatong Pangulo para po sa suportahan ang NTF-ELCAC at masiguro rin po iyong continuity ng mga programa ninyo sa mga susunod pang taon?
NSA SEC. ESPERON: Alam nila iyan. Alam naman nila kaya lang panahon kasi ng eleksyon kaya nagkaroon ng mga alignments. Akala nila makakabuti sa kanila na papaboran nila iyong CPP-NPA at saka ang mga Makabayan o Kamatayan Bloc na makukuha nila iyong boto doon.
Pero ngayon napagtanto nila na mas marami palang boto na ibibigay sa kanila ng mga gobernador, ng mga mayor, ng mga barangay kapitan at ng mga kababayan natin. Project ito ng mga barangay kapitan na ipinapatupad ng mga mayor at saka mga provincial governments.
Kaya kung inaakala nila na mas mabigat o mas marami iyong boto ng makakaliwa, eh ‘di iyon ang kampihan nila. At ako naman ay nagsasabi lang sana ang kampihan ninyo itong mga kababayan natin, itong mga gobernador, itong mga mayor, itong mga barangay kapitan.
Alam mo ba na iyong League of Provinces of the Philippines led by Governor Presbi Velasco ay sumulat sa Senado, ganoon din si League of Municipal Mayors, si Mayor Chavit Singson sumulat din sa Senado iyan. Nagsusumamo na suportahan nila ang Barangay Development Program.
Mayroon pa ngang nagsasabi diyan kapag hindi ninyo sinuportahan ay kakampanya kami laban sa inyo. Sabi ko, huwag naman. Huwag naman tayong mapunta doon dahil hindi naman pulitikahan ito, this is all about ending the local communist armed conflict. Na kung mawalan ang conflict na ito ay makikinabang ang buong Pilipinas. Ganoon lang kasimple iyon.
Ito ay dapat na isang bagay na pagtulong-tulungan natin dapat, hindi ito pinupulitika. This is part of a big effort in nation-building.
USEC. IGNACIO: Secretary, kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon at pagbibigay-impormasyon, National Security Adviser Secretary Hermogenes Esperon Jr. Secretary. Salamat po.
NSA SEC. ESPERON: Maraming salamat sa pagkakataon, USec. Rocky. Itutuloy namin ang aming mga adhikain alang-alang sa ating mga kababayan lalo na iyong sa barangay na geographically isolated and disadvantaged at saka sa mga conflicted areas. Wakasan natin itong CPP-NPA-NDF terrorist triad!
Magandang umaga po sa inyong lahat.
USEC. IGNACIO: Salamat po, Secretary Esperon.
Samantala, libu-libong residente naman mula sa San Miguel at Norzagaray ang hinatiran ng tulong ng tanggapan ni Senator Bong Go kasama ang ilang ahensya ng pamahalaan. Muli ring nanawagan ang Senador sa mga Bulakenyo na makiisa sa Bayanihan, Bakunahan ng pamahalaan. Narito ang report:
[NEWS REPORT]
SEC. IGNACIO: Samantala, good news para sa mga member-borrowers na may pinapaaral pang mga anak o dependent, mayroon din kasing handog ang GSIS na Educational Loan para sa inyo. Iyan po ang ating pag-uusapan kasama si Mr. Noel Alvarez, ang manager ng NCR Department III mula po sa GSIS NCR Operations group. Good morning po, sir.
MR. NOEL ALVAREZ: Good morning po, Usec. Rocky. Maginhawang buhay po sa lahat.
USEC. IGNACIO: Opo. Sir, ano daw po itong GFAL Educational Loan?
MR. NOEL ALVAREZ: Usec. Rocky, ang GSIS Financial Assistance Loan Educational loan or GFAL EL ay isa sa tatlong bagong ginhawa loan programs na inilunsad ng GSIS para makatulong sa pagbabayad ng tuition at iba pang school fees ng nominated student beneficiaries ng active GSIS members.
Ito po, Usec. Rocky, ay may call set na study now pay later kung saan walang babayaran sa first five years habang nag-aaral pa ang student beneficiaries. Babayaran lamang ito from the 6th – 10th year of the loan, Usec.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, ano daw po iyong maximum loan at interest rate ng GFAL Educational Loan?
MR. NOEL ALVAREZ: Usec. Rocky, ito po ay may P100,000 maximum loan amount for academic school year. Ito po ay may interest rate lamang na 8% per annum po.
USEC. IGNACIO: Opo. At sino naman daw po ang puwedeng mag-avail ng GFAL Educational loan, sir?
MR. NOEL ALVAREZ: Maaaring mag-apply ang active permanent or non-permanent GSIS members at special members na may total length of service na at least 15 years; has paid the latest three monthly premium contributions for both personal and government share at the time of application; hindi naka-leave of absence without pay; walang pending administrative cases or criminal charge; walang past due loans sa GSIS maliban sa housing loan. Ang agency status ay hindi suspended, ang net take home pay ay not lower than 5,000 after all monthly obligations have been deducted for the general appropriation act, Usec.
USEC. IGNACIO: Opo. Sinu-sino po ang mga qualified student-beneficiaries naman ang qualified dito, sir?
MR. NOEL ALVAREZ: Ang mga member-borrower ay maaaring mag-nominate hanggang two students beneficiaries na Filipino citizen or resident of the Philippines; related sa member-borrower up to the third degree of consanguinity or affinity; enrolled sa undergrad program na may maximum study period na 5 years; kailangan sumang-ayon na maging co-maker sa loan pagdating ng age of majority, 18 years of age. So, Usec., sinu-sino pa po ba iyong mga nasa first, second, third degree of consanguinity? Under po sa first degree – sila po iyong children, parents; doon sa second degree naman po – sila naman po iyong brothers, sisters, grandparents, grandchildren; sa third degree – uncle, aunts, nephews, nieces, great grandparents, great grandchildren.
Sino-sino naman po, Usec., iyong nasa first, second, third degree of affinity? Sa first degree po, sila po iyong spouse; second degree of affinity – parent in-law, daughter/son in-law; at sa third-degree grandparent in-law, brother/sister in-law, grandchild in-law.
USEC. IGNACIO: Sir Noel, paano naman daw po mag-apply ng GFAL Educational Loan at paano po iri-release ang loan process nito?
MR. NOEL ALVAREZ: Alam ninyo po, Usec., dahil nagkaroon tayo ng pandemya, ang GSIS po ay nagkaroon ng alternative mode of filing. So, puwede pong mag-apply over the counter; through drop boxes in GSIS offices nationwide; via email, pero kailangan pa rin pong i-forward ang original copy ng requirements.
Kailangan i-submit ang mga sumusunod: Properly filled out application form signed by the member-borrower and duly endorsed by his or her agency AAO, o iyong tinatawag natin Agency Authorized Officer; photocopy ng latest tuition assessment form; photo copy ng school ID front and back with three signatures of the student-beneficiary. Kung wala naman pong available na school ID, kahit anong valid government issued ID na may picture, date of birth at pirma ng student-beneficiary.
USEC. IGNACIO: Sir Noel, kami po ay nagpapasalamat sa inyong impormasyong hatid sa ating mga manunood. Muli po nating nakasama si Ginoong Noel Alvarez, mula po sa GSIS NCR Operations Group. Keep safe po.
MR. NOEL ALVAREZ: Thank you, Usec.
USEC. IGNACIO: Samantala, base naman sa pinakahuling tala ng Department of Health, higit 400 na lang ang mga bagong nahawaan ng COVID-19 sa bansa, 425 confirmed cases po iyan mula po sa kabuuang bilang na 2,832,734 total cases; 909 ang nadagdag sa mga naka-recover kaya umabot na sa 2,768,389 ang total recoveries. Umakyat naman sa 48,545 ang dami ng mga naitalang nasawi sa Pilipinas matapos madagdagan kahapon ng 44 new deaths; 15,800 na mga individual ang tinatayang nagpapagaling pa rin mula sa sakit o katumbas po ng 0.6% ng total cases sa Pilipinas.
Dumako naman tayo sa mga balitang nakalap ng Philippine Broadcasting service. Ihahatid iyan ni Aaron Bayato mula sa PBS-Radyo Pilipinas.
USEC. IGNACIO: Marami ng salamat sa iyo, Aaron Bayato ng PBS Radyo Pilipinas.
Alamin naman natin ang sitwasyon sa Hilagang Luzon. Cordilleran film na nabuo sa panahon ng pandemya umani ng maraming parangal. Ang buong detalye hatid ni Alah Sungduan ng PTV-Cordillera.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Mula naman sa Rehiyon XI, Davao City mananatiling Alert Level 2 hanggang December 15. May ulat si Hannah Salcedo.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa ating mga partner agency para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).
At diyan nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Palagi po naming paalala ang mask, hugas, iwas at bakuna para hindi po maunsiyami ang masaya nating holiday season lalo na’t 24 days na lamang po ay Pasko na.
Ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio. Hanggang bukas pong muli, dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.
##
—
News and Information Bureau-Data Processing Center