USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas. Mula sa PCOO, ako po si Usec. Rocky Ignacio. Ang puspusang bakunahan sa buong bansa ang sentro ng ating talakayan ngayong araw ng Biyernes, kaya simulan na agad natin ang paghahatid ng balita’t impormasyon dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.
Sa ating unang balita: Senator Bong Go, pinuri ang pagbubukas ng mga bago at mas pinagandang social and tourism infrastructures; Build, Build, Build projects ng administrasyong Duterte tiniyak na matatapos para patuloy na mapakinabangan ng mga Pilipino. Narito ang report:
[VTR]
USEC. IGNACIO: Sa iba pang balita: Muli pong naglabas ang IATF ng bagong panuntunan para sa mga inbound travelers na magmumula sa mga bansa at teritoryong hindi kasama sa red list countries.
Para sa mga fully vaccinated individuals:
- Sila po ay iri-require pa rin na sumailalim sa RT-PCR test, 72 hours bago ang kanilang flights.
- Sa ikalimang araw ng kanilang pagdating, sila po ay sasailalim sa RT-PCR test;
- at kahit negatibo ang kanilang resulta, kinakailangan pa rin nilang mag-home quarantine hanggang sa ikalabing-apat na araw.
Sa mga unvaccinated individuals naman po:
- Sila po ay iri-require ng RT-PCR test sa ikapitong araw
- At sasailalim din sa 14-day quarantine.
Mga kababayan nating lulan lamang po ng government initiated or non-government repatriation at bayanihan flights ang papayagang makapasok ng Pilipinas mula sa red list countries.
Samantala, inaprubahan din ng IATF na ibaba sa Alert Level 2 ang Apayao; epektibo po ito simula ngayong araw hanggang December 15.
Para muling maghatid ng datos kaugnay pa rin sa extension ng Bayanihan Bakunahan ng pamahalaan at detalye na rin sa pamamahagi ng booster shots sa mas maraming Pilipino, makakasama muli natin si Undersecretary Myrna Cabotaje. Welcome back, Usec.
DOH USEC. CABOTAJE: Magandang umaga, Usec. Rocky, and sa lahat ng nanunood sa ating programa ngayong umaga. We are happy to report the National Vaccination Days three days accomplishment – that is already flashed in the screen.
For the three day, naka-eight million tayo out of our target na nine million; magla-lock in po tayo mamaya, 6 P.M. ng December 3 for the three days – so may 2.7 million tayo ng Day 1; may 2.4 million tayo ng Day 2; tapos 2.8 million.
And we will have the final report if all the reports are in.
So ang ating top performing regions in terms of the number of jobs are Region IV-A, Region III at saka Region VII. Together, they have accounted for about a third of the eight million jabs that have produced during the three-day.
The next slide will tell us iyong top performing province naman, Usec. Rocky: Cebu Province iyan, Negros Occidental at Cavite.
So in terms of the voluntary extension of vaccination days, this is up to today, and we have allowed certain LGUs na gustong mag-extend ng kanilang bakunahan. Ang unang nag-request ay ang ating BARMM because maganda ang response. And while we do not have the exact municipalities and areas na nag-extend, we saw very high targets yesterday and today: Region V, Region VI, Region XII and Region VII. So ang naitalang accomplishment ng Region V kahapon ay 98,000, ordinarily naka-20,000 sila; Region VI – 84,000, ordinarily 40,000; so these are regions that we know have extended.
Pero we would like to clarify, iyong extension ng campaign mode, hindi na siya kasama sa three days na tally natin. Ang kasama lang, iyong three days up to the 6 o’clock deadline ng December 3. Tapos ninyong pinerform nila nang December 2 at saka December 3, kasama na iyan sa regular na daily jab rate na ating naitala.
So iyan lang ho, at again, nagpapasalamat tayo sa lahat ng tumulong sa ating bakunahan.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., sinabi ninyo nga po, nag-request ang mga LGU na mag-extend ng kanilang bakunahan, kasama na rin po iyong BARMM. Sa inyo pong datos kahapon na 28.82% mula po sa committed daily target lamang ng BARMM ang na-accomplish sa ikatlong araw ng vaccination drive. So ano pa rin po ba iyong nakikitang problema o challenges bakit po kaya nahirapan ang rehiyon na maabot ang committed target; at paano po natin sila sinusuportahan?
DOH USEC. CABOTAJE: So in terms of the committed target, we are happy to report about 40%; dati-rati ay napakababa ng BARMM. But we need to push, kaya nga gusto nilang mag-extend ‘no; nandoon na iyong momentum.
What did we do to assist them? Lahat po ng logistics nandiyan; may special funds assistance sila sa various sources like UNICEF and other support; tapos pinag-ibayo nila iyong kanilang mga advocacies kasi initially may mga brand preference, mga beliefs na ginawa natin and ang isang isyu nila ngayon ay delayed reporting kasi nga mahirap iyong connectivity. So hopefully all of this will be addressed slowly, and we will see a good accomplishment. Nag-increase na nga iyong kanilang daily jabs ngayon.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., kahapon lang po inaprubahan nga ang pagbibigay ng booster dose sa mga fully vaccinated adults/individuals na nasa A4 at A5 priority list. Katulad po ba sa mga una nang nabigyan ng booster, papayagan din ba ang general population na makapamili po ng brand ng bakuna? At parehas din po ba ang recommended vaccine combination?
DOH USEC. CABOTAJE: That mark one of the slides also iyong booster administration. Iyong rollout po ay magsisimula na for all 18 years old and above starting today. If you have the slides, nandiyan iyong primary vaccination. Let us just reiterate six months after the second dose of Sinovac, AstraZeneca, Pfizer, Moderna and Sputnik saka ka magbibigay ng booster shot.
So, ang booster shot nandiyan sa column na iyan. Homologous siya – Sinovac-Sinovac-Sinovac. Puwede rin na homologous [unclear] except for the [unclear] homologous na booster.
Heterologous, except for Sinovac [unclear] homologous ang AstraZeneca, Pfizer at saka Moderna, puwede pong booster sa lahat ng klase ng bakuna.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., iyong mga Pilipinong nabakunahan sa ibang bansa na umuwi sa Pilipinas, puwede rin po ba sila mabigyan dito ng booster dose?
DOH USEC. CABOTAJE: Usec. Rocky, [unclear] six months after the second dose noong primary series and for the Janssen kasi isang dose lang iyan, three months after the jabbing of Janssen puwede ng bigyan ng booster shot of their choice.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Usec., iyong sa ibang bansa na nabakunahan, puwede po dito kumuha ng booster dose?
DOH USEC. CABOTAJE: Yes, puwede basta we follow our guidelines, iyong sinabi kong interval ng doses tapos they can choose their vaccine booster shot. Depende iyan kung anong available sa bakuna center.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Mark Fetalco ng PTV: Ngayon po na sinimulan na iyong pagbibigay ng booster sa general adult population, ibig sabihin po ba ay sapat na po iyong bilang ng mga nabakunahang senior citizens? Sa datos po ng NVOC, ilan pa po ang unvaccinated na senior citizens?
DOH USEC. CABOTAJE: We have reached 70% of the first doses and about 68% of second doses for senior citizens. Hindi pa rin sapat iyon, kailangang mapaigting pa iyong pagbabakuna sa kanila but we also know that the boosters are also needed.
So, ang ating guidelines sana may special lanes pa rin sa ating mga A2 at saka iyong mga A3 kasi sila naman ang higit na nangangailangan ng ating mga booster shot.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Maki Pulido ng GMA News: Ano daw po ang status ng ating vaccine supply? Gaano na karami of that supply at ilan po iyong nearly expired at expired na?
DOH USEC. CABOTAJE: As of December 2, we have a total of 146 million doses that have arrive since the start and we have deployed 115 million. So, ang kabuuan niya, mga 30 million will be deployed and continue to be deployed now, so we will have enough supply.
Tapos may sapat din na mga supply kasi iyong ibinaba natin for the three day campaign ay good for the 15 million, hindi good lang for the nine million.
Now, in terms of the expired vaccines, we are [unclear]. We are finalizing, there has been [unclear] and tinitingnan natin kung saan ito at ano iyong mga kadahilanan at hindi nai-jab ito. We are also looking at the possibility of trying to extend the shelf life. Tinitingnan natin iyong mga batch number because there is an incident in Canada na iyong shelf life ay na-extend based on some stability data, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., mula naman po kay Maricel Halili ng TV5: What happened daw po the 15,000 AstraZeneca that expired in Negros? Who should be held liable for this wastage? And what will you do to prevent similar incident?
DOH USEC. CABOTAJE: We are investigating the incident kung sino ang liable although we expect some wastages in big campaigns, we just need to be just more circumspect. Titingnan natin kung ano talaga ang puwede pang magawa.
So, ang gagawin natin? Paiigtingin po natin ang ating pagmu-monitor, although halos araw-araw na nating pinagsasabihan sila and then [inaudible] iyong mga near-expired vaccines para mas [inaudible].
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., can you hear me? Naririnig ninyo pa po ako?
Okay. Maraming salamat po sa impormasyon, Department of health Undersecretary Myrna Cabotaje. Mabuhay po kayo.
Umpisa rin ngayong araw ay aarangkada na ang pagbabakuna ng booster shot para sa adult population na nabakunahan ng second dose anim na buwan na ang nakalipas. Makibalita tayo sa takbo ng pamamahagi nito sa Lungsod ng Valenzuela. Nakatutok doon si Louisa Erispe. Luisa?
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat sa iyong report, Louisa Erispe.
Para alamin ang obserbasyon ng DILG sa naging operasyon ng mga LGUs sa isinasagawang malawakang bakunahan, makakasama natin si Undersecretary Jonathan Malaya ng Department of the Interior and Local Government.
Good morning po, Usec.! Welcome back sa Laging Handa.
DILG USEC. MALAYA: Yes. Usec. Rocky, magandang umaga po sa inyong lahat at sa lahat po ng ating tagasubaybay, good morning!
USEC. IGNACIO: Opo. Usec, ano po muna iyong assessment ng DILG sa naging performance ng mga LGU sa naging Bayanihan, Bakunahan Program ng pamahalaan?
DILG USEC. MALAYA: Well, ikinatutuwa po namin iyong naging success ng ating Bayanihan, Bakunahan which happened over the last three days. Napakaganda po ng naging accomplishment ng ating mga local government units. 7.628 million jabs po na mga doses ang ating nabakunahan, acute cumulative iyan over the past three days,
And ang mga top performing regions po natin ay ang Regions IV-A, Region III and Region VII. And we would also like to congratulate iyong mga top performing provinces natin sa number of cumulative jabs which is Cavite, Laguna and Cebu Province.
USEC. IGNACIO: Opo. Hindi naman po ba nahirapan ang mga LGUs, Usec., sa pag-comply sa pagsumite ng vaccination data sa DICT, lalo’t marami po ang nabakunahan nitong mga nakaraang araw?
DILG USEC. MALAYA: Yes. Isa po ‘yan sa mga challenges natin, Usec. Rocky, sa ating pagbabakuna dahil sa dami po na nagpabakuna ng ating mga kababayan which is more than twice the regular number – two and a half times the regular number ng mga nagpapabakuna – ganoon din po kadami ang kailangan nang i-encode ng ating mga local government units.
So marami-rami po silang ini-encode sa ngayon at nagpapasalamat po ang DILG sa tulong ng ating mga volunteers galing sa Sangguniang Kabataan, iyong mga government internship program ng DOLE at iba pa pong mga tao na nag-volunteer para tulungan ang mga LGUs para ma-encode itong mga datos na ito.
We continue to appeal, Usec. Rocky, to [garbled] na magbigay nang karampatang resources and personnel para sa encoding ng ating mga nabakunahan para po tumaas din ang ating success rate sa ating VaxCert portal ‘no, iyong ating VaxCertPH digital certificate.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., tanong naman po ni Patrick De Jesus ng PTV: Ilang LGUs po ang may reported vaccine wastage or nag-expire? Ilang doses po in total at ano po ang magiging aksiyon ng DILG patungkol dito?
DILG USEC. MALAYA: Well, Usec. Rocky, mayroon po kaming natanggap na report pero ito po ay bina-validate ngayon ng Department of Health, ng National Vaccine Operations Center ‘no. Nagpaliwanag na po sa atin iyong ilang LGUs na may ganito but we will leave it with the Department of Health kung ano po ang kanilang rekomendasyon sa DILG – kung ito po bang nangyari ay may kapabayaan or baka hindi naman po ‘no. So aantayin po namin iyong report and recommendation coming from the Department of Health kasi ang DOH po kasi ang nagbigay ng bakuna sa kanila at ang DOH naman po ang nagsu-supervise ng ating vaccination program sa mga local government units.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., para lang din po malinaw sa publiko. Ano po ba iyong naging basehan para payagan ang mga LGUs na mag-impose ng mandatory vaccination? Kasama rin po ba rito iyong pag-restrict sa movement ng mga unvaccinated at wala pa rin po bang karapatan o batas na malalabag dito?
DILG USEC. MALAYA: Sa tingin po namin sa DILG wala pong batas na nilalabag. In fact iyong sinabi po ni Secretary Eduardo Año na mayroong autonomy o mayroong kapangyarihan ang mga LGUs para mag-require ng mandatory vaccination is precisely based on Section 16 of the Local Government Code. Ito pong Section 16 is the General Welfare clause wherein every local government unit shall exercise the powers expressly granted those necessarily implied therefrom as well as powers necessary, appropriate or incidental for its efficient and effective governance for the promotion of the general welfare.
So kung nakabase po dito sa Section 16, sa tingin po ng DILG wala po itong problema. Sa tingin po namin if the local chief executive or the local sanggunian will issue an executive order or an ordinance on the basis of this provision of the Local Government Code, wala po tayong nilalabag na batas.
USEC. IGNACIO: Opo. Simula po ngayong araw ay puwede na magbigay ng booster sa general population. Handa naman po ba iyong mga LGUs para dito, Usec.?
DILG USEC. MALAYA: Alam mo, Usec. Rocky, kitang-kita po natin iyong kahandaan ng mga LGUs. In fact kami po sa DILG, we were assigned by Secretary Año sa iba’t ibang mga rehiyon sa buong bansa – nag-ikot-ikot po kami, kitang-kita po namin iyong kahandaan ng mga local government units provided of course mayroon pong suporta sa ating mga kababayan. Dahil kahit naman po handa ang LGU kung hindi naman po receptive or cooperative or mataas pa rin po ang vaccine hesitancy or preference ay hindi naman po magiging ganoon matagumpay ang ating pagbabakuna.
So we continue to appeal to the public na tulungan po ang atin pamahalaan na mas madami pang tao ang makumbinsing magpabakuna. And kung sa kahandaan po ng LGU, walang pong kuwestiyon – handang-handa po ang ating mga local government units.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., tanong naman ni David Santos ng CNN Philippines: Ano pong stance ng government/IATF for companies and offices to hold in-person Christmas parties this year? Papayagan na po ba; if yes, ano po ang mga conditions?
DILG USEC. MALAYA: Well, kailangan lang pong sumunod doon sa IATF regulations depende po sa alert level ng inyong lugar. So inuulit po namin, kung Alert Level 2 po ang isang lugar, iyong mga ganiyang klaseng Christmas parties is 50% capacity of the venue and plus 10% of the venue if may Safety Seal iyong lugar na iyon. So—and besides the venue capacity ay kailangan pong sumunod sa minimum public health standards, kailangan po lagi naka-face mask at lagi pong may social distancing. So iyon po ang mga pamantayang kailangan sundin kasi kung hindi po susunod ang mga establishments na magiging host nitong mga Christmas parties na ito ay puwede pong i-revoke ang Safety Seal nila o kaya naman isuspinde ang kanilang business permit for failing to follow IATF rules and regulations.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., sa usapin naman po ng halalan ano po. Hindi pa man po official campaign season, kabi-kabila na po iyong mga nagsasagawa ng kanilang political rallies. Usec., ano po iyong guidelines ng DILG sa mga kandidatong posibleng mangangampanya ngayong panahon ng pandemya at ano po iyong parusa sa mga supporters o kandidato na magsasagawa o nagsagawa ng political rallies?
DILG USEC. MALAYA: Dito, Usec., nababahala po ang DILG sa kaliwa’t kanang hayagang pagkakampanya ng iba’t ibang mga kandidato at kanilang mga supporters sa panahon po nitong pandemya ‘no. Unang-una po nandiyan iyong banta ng Omicron variant na posibleng magdulot ng surge sa ating bansa. Pangalawa, hindi pa naman po tapos ang pandemya although napakababa na po ng mga kaso natin – less than 500, less than 600 – hindi po ibig sabihin nito na kailangan na po tayong maging kampante.
So ang pinapaalala po ng DILG sa lahat ng mga kandidato at political parties ay bawal po ang mga political rally sa panahon ng pandemya ‘no. Bawal po ito ‘no, hindi pa po panahon ng kampanya therefore mag-antay-antay po tayo nang formal campaign period before we can hold political rallies ‘no.
Although kung ito po naman ay special gatherings ‘no gaya ng magbibigay ng tulong sa ating mga kababayan, kailangan pong sundin iyong mga IATF regulations gaya ng operational capacity and minimum public health standards – and of course iyong approval po ng mga local government units na may sakop doon sa lugar na iyon.
USEC. IGNACIO: Opo. Hindi naman daw po ba ito maaabuso o magiging conflict of interest para sa ilang mga nasa puwesto na tatakbo at paano po ito imu-monitor ng DILG?
DILG USEC. MALAYA: Well ang DILG po ay may mga field offices sa iba’t ibang lungsod at munisipyo sa buong bansa. Mayroon din po kaming Philippine National Police station sa lahat ng lugar at sila po ang naatasan ni Secretary Año na mag-monitor ng mga kaganapan sa iba’t ibang sa ating bansa. Therefore sa tingin po namin, kung mayroon man pong pag-aabuso ay babantayan po ‘yan ng DILG. Siguro naman po, sa tingin namin lahat ng mga LGUs sa panahon ngayon ay gustong mapangalagaan ang kapakanan ng kanilang mga constituents at ayaw nilang magkaroon ng mga super spreader events. Therefore—pero kung sakali man pong mayroong mga LGUs na may ibang intensiyon ay babantayan po iyan ng aming kagawaran.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., tanong naman po ni Evelyn Quiroz ng Pilipino Mirror sa inyo: Was the DILG able to identify politician who used the 3-day vaccination drive against COVID-19 as an occasion to campaign for 2022 elections?
DILG USEC. MALAYA: Well fortunately, Usec., wala po tayong report na ganoon. Nakakatuwa naman po na sa pangalawang pagkakataon ay malaki po ang naging tugon ng mga local government units sa panawagan ng DILG. Gaya po noong ating pamimigay ng ayuda noong nakaraan, wala naman pong gumamit nito para sa partisan political activity. Kahit naman po dito sa national vaccination day, wala rin po tayong report na ginamit po ito para sa pangangampanya. At for that, we thank our partner local government unit for their support to the department.
USEC. IGNACIO: Opo. Mayroon lang pahabol na tanong si Celerina Monte ng NHK: Since political rallies are not yet allowed, will the DILG sanction Mayor Isko and Mayor Sara, among others for holding such rallies?
DILG USEC. MALAYA: Well, una po we have to properly investigate. Hindi naman po ibig sabihin kapag sinabing political rally ang sinabi ay political rally po. Kailangan pong tingnan natin iyong ano bang nangyari diyan sa lugar na iyan no, posibleng hindi naman iyan political rally.
So, we will take the report on a case to case basis, conduct the necessary investigation at aalamin po natin kung ano iyong nangyari talaga and iyan po ‘no. But just the same, ang amin pong panawagan sa atin pong mga kababayan and also to the different political parties, hintayin po natin iyong campaign period bago po tayo magsagawa ng mga political rallies.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong panahon at impormasyon Under Secretary Jonathan Malaya. Salamat, Usec.
DILG USEC. MALAYA: Maraming salamat din po at mabuhay po kayo.
USEC. IGNACIO: Sa iba pang balita: Senador Bong Go, nagpaabot ng tulong sa mga mahihirap na komunidad sa iba’t ibang bayan sa Negros Occidental. Supply ng bakuna siniguradong sapat para sa lahat, narito ang detalye.
[VTR]
USEC. IGNACIO: Bago pa man ang December, umaasa na ang private sector na maibababa na sa Alert Level 1 ang Metro Manila, subalit nga po sa inanunsiyo ng IATF, mananatili sa kasalukuyang status na Alert Level 2 ang NCR sa susunod na dalawang linggo. Alamin po natin ang tugon ng private sectors diyan sa pamamagitan po ni Secretary Joey Concepcion, ang Presidential Adviser for Entrepreneurship. Good morning po, Secretary.
SEC. CONCEPCION: Good morning, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Opo. Sir Joey, bagama’t bumaba na sa 3 digits ang mga naitatalang kaso. Ano iyong reaction ng business sector dito po sa naging decision ng IATF na ang Metro Manila ay sa Alert Level 2 pa rin po? Kayo po ba ay umaasa pa rin na maibaba po sa Alert Level 1 by third week of December?
SEC. CONCEPCION: Well, Usec. Rocky, nakita natin iyong plano kasi ng private sector ay ligtasin talaga iyong fourth quarter. Kaya, kami ang naunang nagsabi sa government noong August 8 na mag-lockdown tayo, mag-early lockdown tayo. Sa abiso ng OCTA research nakikita nila ang kaso ng Delta na umaakyat. So, we made that move ‘no, and you can see what the private sector did.
We lockdown and the result are very clear in this fourth quarter, we’re seeing NCR at 125-128 cases lang ‘no, buong Philippines about 500 cases. So, we see this moving forward, tuluy-tuloy na ito until the end of the year ang tingin namin.
Pero, dito sa Alert Level 2, sa tingin ng private sector kinonsulta ko ang ibang restaurant owners at ibang business establishments. Ang tingin namin okay na rin ang Alert Level 2 at maganda na nga ngayon ang mga kalagayan ng mga business establishments kasi dumadami na ang mga tao na lumalabas. There is more mobility which is good and that’s what we need and consumer spending has started to pick in. So, maganda na ang cash flow ng mga MSMEs natin.
Now, iyong pinaka mas malaking challenge natin is how do we sustain this moving forward. Kaya, while we can qualified for Alert Level 1, prudency see says stay at Alert Level 2. So, that we can sustain this even until the year 2022. Iyon ang importante to sustaining this opening of the economy at hindi na rin kaya ng national government na isarado iyong economy. Kasi, nakikita natin iyong debt to GDP natin ay tumataas which means that we are borrowing more money to fund the health needs of this country, vaccines particularly, but the growth has to continue to be sustained. But to growth, if it slides down then that’s when we face some challenges, kaya it is better that we stay first at Alert Level 2. Let’s see more visibility with Omicron. Nakikita natin na pumapasok na dahan-dahan dito [mula] sa iba-ibang bansa ngayon. But the Philippines, we cannot prevent Omicron from entering, I mean we’ve seen that with Delta.
The most we can do is delay the entry of Omicron and prepare, in which we are already doing. Vaccination is really being rolled out all over the country, we have this vaccination activity and it’s going to be continued again on December 15. At tuloy rin kami. We launched our ‘Vax to Max’ campaign, nakikita natin sa mga diyaryo ngayon iyong mga level of vaccinations in the regions and in the different cities and municipalities. So, that visibility, the people will see you who are the different LGUs that are doing well, the mayors and the barangay captain who have stepped up to the challenge because we cannot hit now just 70% because Omicron, we will have to push it higher to 80 or even 90% as what NCR achieved.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Sir Joey, mayroon po bang hinaing o sentimyento iyong mga negosyante dahil din po sa bagong variant? Kayo po ba ay sumasang-ayon dito sa nagiging kilos ng pamahalaan para po pigilan iyong pagpasok ng Omicron sa bansa?
SEC. CONCEPCION: Well ang nangyari, iyong request namin na ibaba nila iyong quarantine nagawa naman nila sa 3 days no, but we were looking forward to that and yesterday or the other day it was announced that they would take the 3 days back to the 5-day quarantine. So, medyo maraming nagku-complain bakit ganiyan kasi pauwi na rin sila, they will spend more time now in the hotel.
Pero, ini-explain namin that this is temporary at sabi ni Doc. Edsel, ban it temporary until we get to understand how contagious is Omicron? Will there be more breakthroughs? Are our vaccine resilient, will it prevent us from severe and hospitalization? So, I think it’s okay that we go through this. Unang defense natin dito is to somehow be more conservative ‘no, but let’s not panic, we still need to see more data. I believed that the vaccine that we have today we prevent Omicron from giving us severe infection or even hospitalization. So, I am confident the vaccine will still work with Omicron.
USEC. IGNACIO: Opo. Sir Joey, tanong po mula kay Evelyn Quiroz ng Pilipino Mirror: A report daw po from the National Economic and Development Authority estimated that the long run total cost of pandemic and quarantines for present and future generations of Filipinos stands at 41.4 trillion. Do you see an eventual economic recovery in the near future?
SEC. CONCEPCION: Well, we are now seeing a recovery ‘no. As we open the economy, nakikita natin talagang iyong fourth quarter natin biglang nagba-bounce back. We can see that every time we open up nagba-bounce back to almost normal ‘no, most businesses are close to free pandemic sales ‘no, maybe they are at about 80% to pre-pandemic sales.
So, which is good, the bounce back is fast now. Pero, hindi puwedeng close open close open tayo. So right now, very clear that vaccination is the key to opening up the economy and that’s why massive effort is being done by the private sector and of course IATF would really securing our vaccines even our booster shots for next year ginagawa na namin iyan.
Iyong AstraZeneca kasi papayagan ng government na puwedeng ituloy iyong private sector ang pagpasok ng AstraZeneca boosters ‘no for next year kasi wala ng magiging boosters, every 6 months na tayo eh; so, whether it’s AstraZeneca or Moderna.
So, now what we are doing is will already securing boosters for the first sem of next year and the second sem of next year. We’re putting this orders already and we are calling the private sector to put in the orders kasi pumayag na si Sec. Galvez, dito. So, it is very important that we have to vaccinate and we have to make sure that everybody takes their boosters.
Kasi, kung kalimutan nila kung iyon ang booster then that’s when the bakuna bubble will become weak ‘no, you have to maintain that protection. So, consistency of taking your vaccines at the right time is important and we have to send reminders ‘no.
I was telling Sec. Duque, that with the data now of people taking the vaccines, we will know now when they should take their boosters and we should send them a notice kasi lahat computerized [garbled]. When they should take the booster and where they should take the booster. So, moving forward [garbled] the next year. So, 12 to 17 and eventually 5 to 11 vaccines for our children no.
USEC. IGNACIO: Opo. So far, may mga doses po ba na hawak ngayon ang mga private sector na malapit na daw po bang ma-expire? Kung Mayroon, kailan daw po at ilan po ito at ano daw po iyong balak ninyo dito?
SEC. CONCEPCION: Well, we sent 60,000 doses to Isabela but they were not soon to expire, there is a lot of time pa there. So, we were able to give them our vaccines that were arriving ‘no so we gave them priority. Itong mga arrivals na ngayon ng AstraZeneca na dumadating pupunta lahat ‘to sa LGU.
Ang mga vaccines na padating ng next year, that will go to us. So, we are letting go our vaccines that arriving and giving it to the LGUs so that they can catchup and eventually next year tamang-tama ‘pag arrive ng mga AstraZeneca ng January, February, March iyon ang gagamitin namin pang booster no.
USEC. IGNACIO: Opo. Sir Joey, maraming salamat po sa pagpapaunlak ninyo sa aming programa. Secretary Joey Concepcion, mabuhay po kayo.
SEC. CONCEPCION: Thank you USec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Samantala, narito naman po ang pinakahuling datos ng COVID-19 cases sa bansa. Base po sa report ng DOH:
- Nakapagtala sila ng 564 new COVID cases kahapon kaya umabot ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa 2,833,473,
- 40 katao po ang nadagdag na nasawi dahilan para umakyat sa 48,752 ang ating total COVID-19 deaths.
- Nasa 2,769,533 naman po ang sumatotal ng mga gumaling sa sakit matapos itong madagdagan ng 694 new recoveries kahapon.
- Samantala, 15,188 na lamang po ang kasalukuyang active cases.
Bumaba na nga po ang mga nangangailangan ng assistance ng One Hospital Command Center sa papaganda nang sitwasyon ng mga hospital sa bansa, makakasama po natin si Dr. Marylaine Padlan, para bigyan tayo ng report mula po sa One Hospital Command Center. Welcome back Doc. Padlan!
DR. PADLAN: Hello po, magandang tanghali po USec. and magandang tanghali po sa lahat po ng mga nanunood po.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc, unahin ko na pong kumustahin ang naging operasyon ng One Hospital Command Center nitong mga nakaraang linggo. Aling mga lugar ba sa bansa ang may marami pa ring naitatala at tumatawag? Ito po iyong sa kabila ng mga report na talagang natatanggap natin na bumaba po ang kaso ng COVID.
DR. PADLAN: Sa nakaraang linggo po no, ang mga request na nari-receive po namin ay pumapatak ng lagpas 200 calls or 200 request per day iyong nari-receive namin dito sa National OHCC no. Sa mga calls po na nari-receive natin majority pa rin ay galing sa NCR but again it’s mixture po of inquiries, mixture of hospital request din po doon sa ating mga natatanggap this week po.
USEC. IGNACIO: Opo. Karamihan po ba diyan ay COVID related pa rin iyong mga tawag nating natatanggap, Doc?
DR. PADLAN: Iyong mga tawag po natin ngayon ay halo na ‘no, hindi lang COVID related. Siyempre po dahil bumaba pa rin iyong cases natin ng COVID, bumababa na rin iyong ating COVID-related cases especially those requiring isolation. So, halo na rin po ito ng mga inquiries, noong mga non-COVID cases din po.
USEC. IGNACIO: Opo. Ayon nga po sa OCTA research Doc, maaring bumaba pa sa 500 itong maitatalang COVID cases nitong December. Kung ganito nga po iyong magiging sitwasyon, inaasahan po ba natin ang magiging epekto nito sa daily calls na matatanggap ng One Hospital Command Center ngayon buwan? Ibig sabihin, bababa po talaga pa?
DR. PADLAN: Ang pagbaba po ng COVID cases po na iniri-report ay reflected din po sa pagbaba ng bilang ng COVID related calls na natatanggap namin. Pero po, iyong number of calls na nari-receive namin ay hindi lang po dependent doon sa number of COVID cases.
Iyong surge siguro po ang laki ng impact. Pero, we are receiving other type of request din such as again iyong inquiries, transportation or iyong mga non-COVID related hospital request ‘no. So, again pag bumaba si COVID hopefully bumaba din pero patuloy pa rin naman iyong number of request na nari-receive namin na others, na related po sa other stuff po.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc., karamihan ba sa dinadala sa hospital ay unvaccinated?
DR. PADLAN: Sa data po namin and then sa data din ng DOH karamihan pa rin po ‘no ng mga nasa hospital at hospital request or hospital requiring sa mga natatanggap namin ay unvaccinated pa rin po.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc., pinangangambahan ngayon itong bagong variant of concern na Omicron at ang siste po kasi baka resistant ito daw po sa bakuna. Doc., ano ba iyong preparation na ginagawa ninyo para sa One Hospital Command Center sakali lang po ano. Pero, lagi nating sinasabi huwag naman po sanang tumaas pa, huwag naman sanang makapasok ito sa bansa at dumami na naman iyong mga nangangailangan ng assistance ng One Hospital Command Center?
DR. PADLAN: So, ang ginagawa po namin preparasyon ‘no, dahil ni-recognize din naman namin na puwedeng maging treat sa atin iyong ating bagong variant na Omicron variant. Continuous pa rin po iyong pag-train namin sa mga personnel namin para mas maging efficient po iyong referrals namin and then continuous iyong pag-check, pag-strengthen, pag-improved ng system namin and then improved din po iyong mga networks namin po with other hospital at sa mga ating regions din po.
USEC. IGNACIO: Opo. May ilan kasi pong mga lugar ay inihahanda na ulit ang kanilang quarantine facilities lalo na iyong mga pansamantala pong nagsara kamakailan dahil sa mababang bilang ng mga ina-admit na mga pasyente. So, ito po ba ay ano pong gagawin dito, ihahanda po ba ulit ito?
DR. PADLAN: Ngayon po ‘no, continuous tayong nag-o-observe ng trend pa rin ng ating mga number of COVID cases and those requiring facilities. So, itong mga quarantine facilities na po ito na temporary na nagsara, niri-ready naman po sila na anytime mag-open ulit or once na nakita natin na may need na mag-open because of—huwag sana ‘no.
Pero, kung may nakitang increase sa ating mga cases they can be opened again and be used po for isolation facility. But as of now, we continue to observe po ‘no iyong number of cases natin sa COVID and doon nagri-rely po iyong ating operations ng ating mga quarantine facilities.
USEC. IGNACIO: Oo. Pero, Doc, nakikita ninyo po ba na magiging ganito na po iyong new normal natin pagdating sa healthcare system na every time may madi-discover na new variant ay tataas ang bilang ng mga nagpapa-hospital at bababa rin kinalaunan. Inevitable po ba ito or puwede pa ring mapigilan na humantong tayo sa ganitong senaryo?
DR. PADLAN: Iyong kasing ano, iyong COVID virus it will always have a tendency to mutate and then kailangan every mutation na magkakaroon tayo kailangan natin pag-aralan ano iyong magiging epekto niya sa kalusugan ng isang tao, ano iyong magiging sakit na idudulot niya.
So, maaari pa ring mag-increase iyong ating mga cases na every time na nagkakaroon ng bagong variant but we are hoping na habang mas pinag-aaralan ng mga experts natin, pinag-aaralan natin kung paano labanan itong virus na ito, itong SARS COV na ito and nababakunahan tayo and we still do our health protocols. Iyong impact nang pagdating ng mga variants na ito ay mababawasan sana kahit papaano po.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc., ano na lamang po ang paalala ninyo sa ating mga kababayan lalo’t panahon na po ng Christmas gathering at karamihan po ng mga rehiyon ay nasa ilalim na sa mas maluwag na alert level 2.
DR. PADLAN: Siguro, kailangan lang natin laging isipin na nandiyan pa rin iyong threat ng COVID-19 virus. Nandiyan pa rin siya, so we can still celebrate Christmas, celebrate pa rin natin iyong Christmas but celebrate it responsibly and let us not forget to still follow the minimum health protocol so that we can protect ourselves and our family as well. So, we can celebrate the Christmas together and happy.
USEC. IGNACIO: Okay, maraming salamat po sa inyong oras at impormasyon, Dr. Marylaine Padlan ng One Hospital Command Center. Salamat, Doc.
DR. PADLAN: Thank you po Usec., magandang tanghali po sa lahat.
USEC. IGNACIO: Para po sa pinakahuling pangyayari sa iba pang mga lalawigan sa bansa, puntahan natin si Merry Ann Bastasa ng PBS-Radyo Pilipinas.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Merry Ann Bastasa ng PBS-Radyo Pilipinas.
At iyan po ang mga balita at talakayang tampok namin ngayong araw. Ang Public Briefing ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.
At mga kababayan 22 days na lamang po at Pasko na.
Ako po si Usec. Rocky Ignacio, magkita-kita po ulit tayo bukas dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.
##
—
News and Information Bureau-Data Processing Center